Filipino9_Q3_M1.pdf - ZNNHS

16
Republic of the Philippines Department of Education Filipino Ikatatlong Markahan- Modyul 1: Parabula mula sa Kanlurang Asya Zest for Progress Zeal of Partnership 9 Pangalan: _____________________________________ Baitang/Seksyon:_______________________________ Paaralan: _____________________________________

Transcript of Filipino9_Q3_M1.pdf - ZNNHS

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Filipino Ikatatlong Markahan- Modyul 1: Parabula mula sa Kanlurang Asya

Zest for Progress

Zeal of Partnership

9

Pangalan: _____________________________________

Baitang/Seksyon:_______________________________

Paaralan: _____________________________________

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Chona R. Baradillo

Editor: Lindo O. Adasa Jr.

Tagasuri: Chona R. Baradillo

July G. Saguin

Maricel B. Jarapan

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:

Tagalapat: Peter Alavanza, Chona R. Baradillo

Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, CESO VI

Oliver B. Talaod, Ed.D.

Ella Grace M. Tagupa, Ed. D.

Jephone P. Yorong, Ed. D.

Lindo O. Adasa, Jr.

Alamin

Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay

maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan.(F9PB-IIIa-50)

Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang mga matatalinghagang

pahayag. (F9WG-IIIa-53)

Naisusulat ang isang anekdota o liham na nangangaral; isang

halimbawa ng elihiya. (F9PU-IIIa-53)

Balikan

I.Panuto: Isulat ang N sa patlang bago ang bilang kung ang sumusunod na pangyayari ay nagaganap sa kasalukuyan at HN kung hindi.(1puntos

bawat bilang)

____1. Sa lahat ng panahon at pagkakataon sinusunod ng anak nang

buong puso ang kagustuhan ng kanyang mga magulang.

____ 2. Naliwanagan ang anak sa kanyang nagawa at muling bumalik

sa kanyang ama at tinanggap na siya ay nagkasala.

____ 3. Naging mahinahon ang kanyang mga magulang nang makitang

pawang lagpak ang nakuha niyang marka.

____ 4. Nakapagtapos siya ng pag-aaral kahit na naghihikahos sila

sa buhay dahil sa kanyang determinasyon, sipag at tiyaga.

____ 5. Nagalit ang kanyang Panginoon nang makita siyang tatayo-tayo

lamang at walang ginagawa.

II. Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago ang

bilang. (1puntos bawat bilang)

____ 1. Alin sa sumusunod na pangungusap na tama ang pagkagamit ng

salitang oras ayon sa patalinghagang pagpapakahulugan?

A. Oras na para inumin mo ang iyong gamot.

B. Ngayon ang oras ng kanilang pag-iisang dibdib.

C. Mamaya sa ganap na alas onse ng umaga ay oras na para magluto

ng pananghalian.

D. Ang oras ay ginto kaya huwag na huwag mong sayangin bagkus

pahalagahan mo ito.

____ 2. Paano mo masasabi na ang isang pahayag ay matalinghaga?

A. Kung ito ay madaling maunawaan.

B. Kung nakalilito ang isang pahayag.

C. Matalinghaga ang isang pahayag kung literal ang

pagpapakahulugan.

D. Matalinghaga ang isang pahayag kung nagtataglay ito ng iba pang

kahulugan.

Sa parabulang “Alibughang Anak” naghirap ang bunsong anak kaya siya’y bumalik sa kanilang palasyo at namasukang bilang alila.

____ 3. Alin sa sumusunod na pangyayari ang kapareho ng pangyayari sa

loob ng kahon?

A. Nang maghirap ang anak bumalik ito sa kanilang tahanan.

B. Nang magutom ang anak, ito’y humingi ng tulong sa kanyang

magulang.

C. Nang maaksidente ang bunsong anak agad itong lumapit sa kanilang

ama.

D. Nang maghirap ang anak naghanap ito ng trabaho at namasukan

bilang alila.

____ 4. Paano mo mapapatunayan na ang mga pangyayaring napapaloob sa

isang akda ay posibleng mangyari sa tunay na buhay?

A. Kung ito ay nangyari sa totoong buhay

B. Kung ito ay nakita o nasaksihan

C. Kung ito ay narinig

D. Lahat ng nabanggit

____ 5. Alin sa sumusunod na pangungusap ang kinapapalooban ng

matalinghagang pahayag?

A. Sa panahon ng pandemiya lakad-pagong ang pagsulong ng ating

ekonomiya.

B. Nakatatakot talaga ang Covid 19 sapagkat milyon-milyong tao na

ang namamatay.

C. Ugaliing maghugas ng kamay lagi para maiwasan ang nakamamatay

na bayrus.

D. Laging magsuot ng facemask at face shield kung lalabas ng bahay

nang sa gayon hindi mahawaan ng nakamamatay na sakit.

Tuklasin Handa ka na ba? Alam kong sabik ka na at talagang masisiyahan ka sa mga

matutuklasan mo habang pinag-aralan ang araling ito. Halika na’t ating simulang payabungin at pagyamanin ang iyong kaalaman

na may kinalaman sa parabulang nagmula sa Kanlurang Asya. Pero bago ang lahat, sagutin muna ang sumusunod na tanong sa ibaba.

Panuto: Sagutin ang mga tanong na may kinalaman sa talinghaga. Bilugan

ang titik ng tamang sagot. (2 puntos bawat bilang)

“ Ang mabuting halimbawa ay higit na mabisa

kaysa pahayag na dakila.”

1. Ano ang nais ipahiwatig ng talinghaga?

a. Mahalaga na ipapakita sa gawa hindi puro salita.

b. Maging mabuting halimbawa upang hangaan ng iba.

c. Sa paggawa ng mabuti magiging kilala sa buong mundo.

d. Kung maging mabuting halimbawa sa kapwa, samantalahin ito.

2. Sumang-ayon ka ba sa mensahe nito? Bakit?

a. Opo dahil dapat tayo ay maging huwaran sa ibang kabataan.

b. Hindi gaano sapagkat aabusuhin lamang ang ating kabutihan.

c. Opo sapagkat ito’y magagamit para gaganda ang kinabukasan.

d. Hindi dahil kung sa lahat ng panahon maging mabuting tao,

aapakan lang tayo.

Aralin

1 Parabula Mula sa Kanlurang Asya

Pagpapayaman ng Talasalitaan

Ubasan:

Literal na kahulugan – lugar na kung saan may mga tanim na ubas Simbolikong kahulugan – pagawaan

Ispiritwal na kahulugan – Kaharian ng Diyos

Manggagawa:

Literal na kahulugan – taong gumagawa ng partikular na trabaho

Simbolikong kahulugan– produktibo Ispiritwal na kahulugan – mga anak ng Diyos

Usapang salaping pilak:

Literal na kahulugan- pera

Simbolikong kahulugan – sahod ng mga manggagawa/ kayamanan Ispiritwal na kahulugan – kayamanan sa langit

Oras (ikasiyam, ikalabindalawa, ikatlo, ikalima):

Literal na kahulugan – panahon Simbolikong kahulugan – takdang panahon ng buhay sa mundo

Ispiritwal na kahulugan – banal na oras

Suriin

Simulan mo na ang iyong pag-aaral sa pamamagitan ng pagbasa nang may pag-unawa sa akda at sa texto.

Ang Talinghaga Tungkol sa May-ari ng Ubasan

(Mateo 20:1-16 sa Bagong Tipan) Ang kaharian ng langit ay maitutulad sa isang taong lumabas nang

maagang-maaga upang humanap ng manggagawa para sa kaniyang ubasan. Nang magkasundo na sila sa upa na isang salaping pilak sa maghapon, ang mga manggagawa ay pinapupunta niya sa kaniyang

ubasan. Lumabas siyang muli nang mag-ikasiyam ng umaga at nakakita siya ng iba pang tatayo-tayo lamang sa palengke. Sinabi niya sa kanila,

“Pumunta rin kayo at magtrabaho sa aking ubasan at bibigyan ko kayo ng karampatang upa.” Pumunta nga sila sa ubasan. Lumabas na naman siya

nang mag-ikakalabindalawa ng tanghali at nang mag-ikatlo ng hapon, at ganoon din ang ginawa niya. Nang mag-ikalima na ng hapon, siya’y lumabas muli’y at nakakita pa ng mga ibang wala ring ginagawa. Sinabi

niya sa kanila, “Bakit tatayo-tayo lang kayo rito buong maghapon?” “Eh kasi wala pong magbibigay sa amin ng trabaho,” sagot nila. Kaya’t sinabi

niya sa kanila na pumunta din sila at magtrabaho sa kanyang ubasan.

Nang gumagabi na, sinabi ng may-ari ng ubasan sa kanyang katiwala na, “Tawagin mo na ang mga manggagawa at bayaran mo sila magmula sa huli hanggang sa unang nagtrabaho.” Ang mga nagsimula nang mag-

ikalima ng hapon ay tumanggap ng tig-iisang salaping pilak. Nang lumapit na ang nauna, inakala nilang tatanggap sila nang higit doon; ngunit ang

bawat isa’y binayaran din ng tig-iisang salaping pilak. Nagreklamo ang mga nagtatrabaho sa may-ari ng ubasan. “Sinabi nila, isang oras lamang

gumawa ang mga huling dumating, samantalang maghapon silang nagtrabaho at nagtiis sa nakapapasong init ng araw, bakit naman pinagpare-pareho ninyo an gaming upa?”

Sumagot ang may-ari ng ubasan sa kanila, “Kaibigan, hindi kita dinadaya. Hindi ba’t nagkasundo tayo sa isang salaping pilak?” Kunin mo

na ang para sa iyo at umalis ka na. Ano sa iyo kung ibig kong bayaran ang nahuli nang tulad ng ibinayad ko sa iyo?

Wala ba akong karapatang gawin sa ari-arian ko ang aking maibigan? Kayo ba’y nainggit dahil ako’y nagmamagandang- loob sa iba?” Ayon nga kay Hesus, “Ang nahuhuli ay nauuna at ang nauuna ay

nahuhuli.” Mula Panitikang Asyano 9

Peralta , Romulo N. et al 2014

pp.193-194

Alam mo ba na….

Ang parabula ay nagmula sa salitang Griyego na parabole na nagsasaad ng

dalawang bagay (na maaaring tao,hayop, lugar o pangyayari) para paghambingin?

Ito ay makatotohanang pangyayaring naganap noong panahon ni Hesus batay sa

nakasaad sa Banal na Aklat. Ang mga aral na mapupulot dito ay nagsisilbing

patnubay sa marangal na pamumuhay ng mga tao. Ang mga mensahe nito ay

isinulat sa patalinghagang pahayag at hindi lamang ito lumilinang ng mabuting asal

na dapat nating taglayin kundi binubuo rin nito an gating moral at ispiritwal na

pagkatao.

Talinghaga- Ito ay lipon ng mga salita na may ibang kahulugan o hindi tuwirang

pagbibigay ng kahulugan.

Anekdota- isang maikling salaysay ng isang nakawiwili, nakalilibang o

patalambuhay na pangyayari.

Liham- Ito ay nakasulat na komunikasyon para sa isang tiyak na taong patutunguhan nito.

Mga Bahagi ng Liham 1. Pamuhatan- Dito sinusulat ang tirahan at petsa kung kailan isinulat ang

liham na kadalasang makikita sa kanan ng liham sa pinakaitaas na bahagi. Halimbawa: Purok Anduhaw, Polo, Lungsod Dapitan

Ika-30 ng Nobyembre,2020

2. Bating Panimula- Ito ay maikling pagbati sa sinusulatan o taong makatanggap ng liham na ang bantas na ginagamit sa hulihan ay kuwit (,).

Halimbawa: Mahal kong Francis, 3. Katawan ng Liham- Sa bahaging ito nakasulat ang mga nais iparating ng

taong gumagawa ng liham para sa taong kanyang susulatan o makatatanggap nito.

Halimbawa: Kumusta ka na? Nabalitaan kong lumayas ka sa inyo. Bilang isang matalik mong kaibigan, ikinalulungkot ko ito. Ano man ang mga

maanghang na salitang binitiwan ng iyong ina, sana ay pinalampas mo na

lamang. Siguro naibulalas niya iyon para lamang maituwid ang mga baluktot mong pag-uugali. Magbalik ka na sa inyo at hihingi ka ng tawad

sa iyong ina. Isipin mong walang magulang na nagnanais na mapasama ang kanilang anak. Asahan mo rin na nandito ako palagi para sa iyo. Tawagan

at balitaan mo ako kung nasa inyo ka na. Nangungulila ang nanay mo sa’yo at ganun din ako.

4. Bating Pangwakas- Sa bahaging ito ipinahahayag ang magalang na

pamamaalam ng taong sumusulat ng liham at nagtatapos ito ng kuwit (,) at kadalasang makikita sa ibabang bahagi bago ang lagda.

Halimbawa: Nagmamahal, 5. Lagda- Dito nakasaad ang pangalan ng nagpapadala ng liham at maaari

ring may lagda sa ibabaw ng pangalan. Halimbawa: FRANCIS VLADIMIR A. ESONA

Pagyamanin

Panuto:Sagutin ang sumusunod na tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot. (2 puntos bawat bilang)

1. Nabanggit sa parabula ang ubasan, manggagawa, upang salaping pilak at ang oras upang maipahayag ang paghahambing. Sa iyong palagay saan nais ihambing ni Hesus ang bawat isa?

a. Inihalintulad ito sa mundo, mga may buhay, pera, oras, dahil mahalaga

ang mga ito. b. Inihambing sa sweldo mana, panahon, mga bata at panahon sapagkat

nawawalang ng panahon ang mga magulang sa kanilang anak. c. Inihambing ito sa langit, mga tao, kayamanan, banal na panahon

upang magsisilbing gabay ng tao tungo sa pagiging isang mabuting tao.

d. Ito ay inihalintulad sa pagawaan, mga empleyado, sahod, oras ng

pasukan at labasan sa trabaho dahil ito ay dapat na pagtuonan sa panahon ng pandemya.

2. Ano ang nais ilarawan ni Hesus sa pagsasalaysay niya tungkol sa

dalawang uri ng manggagawa sa ubasan? a. Ang pagiging lamang ng isa, sa isa. b. Hindi pantay ang trato ng amo sa kanila.

c. Hindi pareho ang oras at sahod sa paggawa d. Ang pagkakaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa kapwa.

3. Kung isa ka sa sa manggagawang maghapong nagtrabaho at nagtiis sa

nakapapasong init ng araw ngunit ang tinanggap mong upa o sahod ay kapareho rin ng manggagawang isang oras lamang nagtrabaho magrereklamo ka rin ba?

a. Opo, dahil konti lang ang natanggap kong sahod. b. Hindi gaanong magreklamosapagkat wala akong karapatang magreklamo.

c. Opo, hindi dapat pareho ang sahod naming sapagkat mas magaling ako sa kanila.

d. Hindi, dahil bago ako nagtrabaho napagkasunduan na namin ang matatanggap kong sahod.

4. Kung ikaw ang may-ari ng ubasan, pare-pareho rin ba ang upa na ibibigay mo sa mga manggagawa?

a. Opo kung sa una pa lang iyon na ang napagkasunduan namin. b. Hindi kung hindi pareho ang oras na iginugol nila sa paggawa.

c. Hindi kung hindi naming napagkasunduan. d. Opo dahil iyon ang nararapat na sahod nila.

5. Ano ang ibig ipakahulugan ni Hesus sa matalinghagang pahayag na, “Ang

nahuhuli ay nauuna, at ang nauuna ay mahuhuli.”? a. Lahat ay may pantay-pantay na karapatan ayon sa napag-usapan.

b. Kadalasan ang unang umalis ang nahuhuling dumating. c. Ang unang dumating ay unang umalis. d. Mahalaga ang oras sa paggawa.

Gawain

I.Panuto: Basahin nang may pag-unawa ang bawat pahayag. Lagyan tsek

(/) ang kahon kung ang pangyayari mula sa akda ay nagaganap hanggang

sa kasalukuyan at bigyan ng patunay sa pamamagitan ng pagsulat ng

kaparehong pangyayari sa nakalaang espasyo. (2 puntos bawat bilang)

1. Nakita ng may-ari ng ubasan na walang magawa ang mga tao na nasa

palengke kaya tumayo nang tumayo nalang sila buong maghapon.

Kaparehong Pangyayari : __________________________________________

___________________________________________________________________

2. Pinapunta ng may-ari ng ubasan ang mga manggagawa upang

magtrabaho sa kanyang ubasan.

Kaparehong Pangyayari: __________________________________________

__________________________________________________________________

3. Nakatanggap ng parehong sahod ang lahat ng mga mangagawa kahit

hindi pareho ang oras na iginugol nila sa pagtatrabaho.

Kaparehong Pangyayari: __________________________________________

__________________________________________________________________

4. Nagreklamo ang mga manggagawang nakatanggap ng parehong

sahod sa mga manggagawang mas kaunti ang oras na iginugol sa

paggawa.

Kaparehong Pangyayari: __________________________________________

__________________________________________________________________

Wa 5. Naiinggit ang iilang manggagawa sapagkat malaki pa rin ang sahod

na natanggap ng kanilang ibang kasamahan kahit na isang oras lang

nagtrabaho sa ubasan.

Kaparehong Pangyayari: __________________________________________

__________________________________________________________________

II. Panuto: Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang sumusunod na na salita ayon sa patalinghagang kahulugan.Isulat ang sagot sa nakalaang

espasyo. ( 2puntos bawat bilang)

1. Oras

Pangungusap: ____________________________________________________________

___________________________________________________________________________

2. Manggagawa

Pangungusap: ____________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Isaisip

Panuto: Punan ng angkop na salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng

talata. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. (1puntos bawat tamang sagot)

Hesus parabula makatotohanang Banal na Aklat

patnubay patalinghagang tunay na buhay

marangal pagkakamali baluktot

Sa modyul na ito, natutuhan kong ang ________________ ay

_________________ pangyayari na naganap noong panahon ni______________

na nakasaad sa ___________________na kung saan ang mensahe nito ay

nakasulat sa ____________________ pahayag. Ito rin ay nagsisilbing

________________ natin tungo sa ___________________ na pamumuhay. Kaya

kailangang ngayon pa lang babaguhin na natin ang mga ______________

nating pag-uugali at dapat na itama ang anumang ________________ sa

buhay.

Nalaman ko rin na ang mga pangyayaring napaloob dito ay nangyayari

sa ______________________ sa kasalukuyan.

Tayahin

1.) Ang mga manggagawa ay nagtrabaho buong araw at nagtiis sa

nakapapasong init ng araw nang sila’y pinagtrabaho ng may-ari ng ubasan.

A B C D

O O O O A. Sa kasalukuyan marami ang mga manggagawa na gusto

talagang magbilad sa araw.

I. Panuto: Piliin ang angkop na pangyayari na magpapatunay na ang mga

pangyayri sa akda ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa

kasalukuyan.Itiman ang bilog na katumbas ng titik ng tamang sagot.

(2puntos bawat sagot)

B. Ang pagiging mabuti ng mga manggagawa sa kasalukuyan ay

ipinapakita sa gawa.

C. Sa ngayon kadalasan sa mga manggagawa ay gustong

magpasikat kaya tiniis ang matinding sikat ng araw.

D. May mga manggagawa sa ngayon ay pinapasok ang kahit anong

trabaho basta marangal para lang maitaguyod ang kanilang

pamilya.

2.) Nagkasundo ang may-ari ng ubasan at ang mga manggagawa na isang salaping pilak ang kanilang matatanggap bilang sahod sa kanilang buong maghapong igugugol sa pagtatrabaho.

O O O O A. Sa ngayon pinagkasunduan muna ng pinaglilingkuran at ng

naglilingkod kung magkano ang sasahurin niya sa buong

buwan niyang paglilingkod.

B. Sa panahon ngayon ang amo at katulong ay nag-usap nang

natapos na ang isang gawain.

C. Wala ng libre sa panahon ngayon kaya dapat na pabayarin ang

sinumang pinaglilingkuran.

D. Sa kasalukuyang panahon kailanman hindi basta-basta

magtrabaho ang isang tao kung walang sahod na matatanggap.

3.) Nagreklamo ang mga manggagawa sa may-ari ng ubasan sapagkat pareho ang natanggap nilang upa sa mga manggagawang huling dumating

o isang oras lang ang iginugol sa pagtrabaho sa ubasan.

O O O O A. May mga tao sa ngayon na kaunti lamang ang kita.

B. Sa kasalukuyan talagang nagrereklamo ang isang manggagawa

kapag naaagrabiyado.

C. Nagrereklamo ang mga empleyado sa ngayon kapag

hindi makatanggap ng pamaskong handog mula sa gobyerno.

D. Sa ngayon talagang magrereklamo ang isang tao kapag hindi

pantay ang sahod na matatanggap niya kung ihahambing sa

kanyang kasamahan kung pareho sila ng posisyon.

4-5.) Piliin ang angkop na pangungusap na patalinghaga ang

pagpapakahulugan ng piling salita.Itiman ang dalawang bilog na katumabas ng titik ng mga tamang sagot.

O O O O A. Sila’y nakakita ng salaping pilak sa daan.

B. Matapos ang gawaing pinagawa ni Donya Nita sa dalawang

magkakapatid sila’y binigyan ng isang salaping pilak.

C. Dahil sa kanilang kabayanihan at katapatan sa kanilang

tungkulin bilang alagad ng batas sila’y pinagkalooban ng

kanilang hepe ng salaping pilak.

D. Hindi inaasahan ni PA na makatanggap ng salaping pilak mula

sa embahada ng Amerika nang mailigtas niya ang batang

muntik nang masagasaan ng bus.

II. Panuto: Isulat sa nakalaang espasyo ang mga bahagi ng liham ayon sa tamang pagkakasunod-sunod nito. (5puntos)

Ang iyong kapatid, Mahal kong kapatid, JOSEPHINE

Ako’y umaasa na gagawin mo ito sa mas lalong madaling panahon. Nandito lang ako palagi para alalayan ka.

Isang mapagpalang araw sa iyo kapatid ko. Ako’y sumulat sa iyo upang ipabatid na labis na nagdadamdam si Kuya Ben nang ikaw ay nagsinungaling sa kanya. Bakit mo nagawa iyon? Hindi maganda na

magsinungaling. Sana sinabi mo na lang ang totoo kahit na masaktan siya dahil ang pagsasabi ng katotohanan ang magpanatag ng iyong

kalooban.Bilang kapatid mo ako’y nagsusumamo na pag-usapan ninyo ito at hihingi ka ng tawad para muling maibalik ang maganda ninyong

samahan. Ika-01 ng Disyembre,2020 143 Mi Retiro Rock Lungsod Dapitan

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

Karagdagang Gawain

Ikaw ay may matalik na kaibigan na sinagot-sagot ang kanyang

magulang at naglayas sa kanila. Bilang isang tunay na kaibigan, pangaralan

mo siya sa pamamagitan ng pagsulat sa kanya ng isang maikling liham.

Panuto: Sumulat ng isang maikling liham na nangangaral sa isang kaibigan.

Isulat sa nakalaang espasyo. Gawing patnubay ang pamantayan sa pagsulat ng liham na nasa loob ng talahanayan. (20puntos)

Pamantayan sa Pagbuo ng Liham

5 Puntos

4 Puntos

3 Puntos

Nilalaman

Lubhang naipakita

ang pangangaral

sa kaibigan.

Nagpakita ng

pangangaral sa

kaibigan.

Simpleng pangangaral

lamang sa kaibigan.

Paggamit ng matalinghagang

pahayag

Gumamit ng limang

matalinghagang pahayag at walang

mali nito.

Gumamit ng apat na

matalinghagang pahayag at may

isang mali nito.

Gumamit ng tatlong

matalinghagang pahayag at dalawa ang mali nito.

Kinapapalooban ng

mga pangyayari sa kasalukuyan

May dalawang

pangyayari sa kasalukuyan ang

nabanggit sa liham.

May isang

pangyayari sa kasalukuyan ang

nabanggit sa liham.

Walang pangyayari sa

kasalukuyan ang nabanggit sa liham

Kalinisan at kaayusan

Wastong-wasto at

napakalinis ng

pagkasulat.

May 1-2 bura o

dumi sa

pagkakasulat.

Hindi mabasa at may 3 o

higit na bura o dumi sa

pagkakasulat.

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian:

MELCS 2020-2021

Peralta, Romulo N. et al (2014), PanitikangAsyano 9 Modyul ng Mag-aaralsa Filipino Unang

EdisyonD Meralco Avenue,Pasig City. Department of Education-Instructional Materials Council

Secretariat (DepEd-IMCS). pp.196-197

Tayahin I.

1. D 2. A

3. A/D

4. C

5. D

II. 143 Mi Retiro Rock

Ika-01 ng Disyembre

Lungsod Dapitan

Mahal kong kapatid,

Isang mapagpalang….

Ako’y umaasa….. Ang iyong kapatid,

JOSEPHINE

Pagyamanin Gawain 1

1. D 1. / 2. D 2. /

3. D 3.

4. A 4. /

5. A 5. /

Gawain II

Depende sa sagot ng

mag-aaral

Isaisip

parabula makatotohanan

Hesus patalinghaga

Banal na Aklat

patnubay marangal

baluktot pagkakamali

tunay na buhay

Balikan I.

1.HN 2.N

3.HN

4.N

5.N

Balikan II.

1. D

2. D

3. D

4. D

5. A

Tuklasin

1. A

2. A

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.