AP8_Q3_M4-1-1.pdf - ZNNHS

16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 4: Ang Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal Zest for Progress Zeal of Partnership 8 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Transcript of AP8_Q3_M4-1-1.pdf - ZNNHS

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 4: Ang Rebolusyong

Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal

Zest for Progress

Zeal of Partnership

8

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

2

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Asia-Phil T. Binongo

Editor: Lolita A. Macalisang

Tagasuri: Earl B. Neri

Al R. Pastor

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Asia-Phil T. Binongo

Tagalapat: Lolita A. Macalisang

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS - LRMDS

Alma L. Carbonilla, EdD

EPS – Araling Panlipunan

3

Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na

kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

Nasusuri ang dahilan, kaganapan at epekto ng Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal.

Balikan

Panuto: Isulat ang kanilang pangalan sa talahanayan kasama ang isang bansang

kanilang nasakop. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Bansang Kanluranin Bansang Nasakop

1.

2.

3.

4.

5.

Sa nakaraang aralin, ating natuklasan ang mga mahahalagang pangyayari sa Panahon ng Eksplorasyon. Alam mo na ba kung ano-ano ang mga bansang

nanguna sa eksplorasyon? Muling alamin ang mga bansang ito at ang mga lugar na kanilang nasakop.

4

Tuklasin

Ang Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal

Ang Rebolusyong Siyentipiko

Natuklasan ang agham hindi lamang sa panahon ng Rebolusyong

Siyentipiko. Sa halip, malaon na itong ginagamit ng mga Greek bilang scientia na

nangangahulugang “kaalaman”. Subalit wala pang konsepto ng agham bilang isang disiplina at hindi pa nila tinatawag ang sarili bilang siyentista.

Noong ika-15 siglo, ang pag-unawa ng mga Europeo tungkol sa mundo at

sansinukob ay batay sa aral ng mga Kristiyano at pilosopiya ni Aristotle. Masasabing napakaliit na grupo lamang ang nagtatanong sa tradisyunal na

kahiwagaan ng sansinukob. Ang ika-16 at ika-17 siglo ang hudyat sa pagpasok ng

Rebolusyong Siyentipiko. Ito ang simula ng panahon ng pagsisiyasat sa pamamagitan ng eksperimento bunga ng kanilang pagmamasid sa sansinukob.

Ang bagong ideyang siyentipiko ay instrumento sa pagkakaroon ng

panibagong pananaw sa kaalaman at paniniwala ng mga Europeo. Si Francis Bacon ang siyentistang nagbuo ng makabagong pamamaraan sa pag-iimbestiga sa

larangan ng siyensiya o “scientific method”. Ang dating impluwensiya ng Simbahan sa pamumuhay at kaisipan ng mga tao ay nabawasan at humina dahil sa mga

paglalathala ng mga bagong tuklas na kaalaman na pinatunayan ng “bagong

siyensiya”. Naging tulong ang panahon ng katuwiran (age of reason) upang magkaroon ng bagong liwanag ang mga tradisyunal na ideya at bigyan ng bagong

paglalarawan at redepinisyon ng lipunan.

Ang Renaissance, Repormasyon at mga eksplorasyon ng mga Europeong manlalakbay ang naging mga salik sa pag-usbong ng Rebolusyong Siyentipiko. Ang

mga sumusunod ang mga naging mahahalagang katauhan at kanilang mga

kontribusyon sa panahong ito:

Nicholas Copernicus – isang astronomer na mula sa Poland na nakilala sa kanyang heliocentric view sa kalawakan o paniniwalang hindi daigdig ang sentro

ng kalawakan kundi ang araw at ang daigdig ay umiikot sa paligid nito.

Galileo Galilei – nakaimbento ng teleskopyo na ginamit niya sa pag-aaral ng

kalawakan.

Tycho Brahe – isang Danish na siyentesta, pinatunayan niyang ang kometa ay ay hindi lamang penomenong atmosperiko, bagkus, ang kometa ay representasyon ay

ng pagbabago sa kalawakan.

Aralin 4

Ang Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Industriyal

5

Johannes Kepler – isang German na naglathala ng akda ni Brahe, natuklasan

niyang ang paggalaw isang planeta sa orbit ay bumibilis habang lumalapit ito sa araw.

Isaac Newton – isang English Mathematician, natuklasan niya ang law of gravity

bilang paliwanag sa paggalaw ng planeta.

Rene Descartes – isang pilosopo at mathematician na French. Ipinaliwanag niya ang mga suliranin sa agham at pilosopiya gamit ang pamamaraang matematikal.

Tanyag sa kanyang linyang, “Cogito, ergo sum” (“I think, therefore I am.”).

Naniniwala siya na ang katuwiran ang susi sa pagkakamit ng kaalaman.

Ang Panahon ng Enlightenment

Isa sa bunga ng pamamaraang makaagham ang epekto ng rebolusyon sa iba’t ibang aspeto ng buhay. Marami ang nagmungkahi na gamitin ang

pamamaraan upang mapaunlad ang buhay ng tao sa larangan ng pangkabuhayan,

pampolitika, panrelihiyon, at maging sa edukasyon. Tinawag itong Panahon ng Kaliwanagan (Enlightenment). Nagsimula ito sa batayang kaisipang iminungkahi

ng mga pilosopo. Bagama’t ang Enlightenment ay tumutukoy sa pilosopiyang umunlad sa Europe noong ika-18 siglo, maaari ring sabihing ito ay isang kilusang

intelektuwal. Ang Enlightenment ay binubuo ng mga iskolar na nagtangkang iahon ang mga Europeo mula sa mahabang panahon ng kawalan ng katuwiran at

pamamayani ng pamahiin at bulag na paniniwala noong Middle Ages.

Sa Panahon ng Enlightenment, nagtangka ang mga philosopher na

maipaliwanag ang kalikasan nito. Mula rito, hangad nilang makabuo ng mga ideyal na pamamaraan sa pamumuno, edukasyon, demokrasya, at iba pang suliraning

panlipunan. Ito ang mga sumusunod na pilosopo:

Thomas Hobbes – sinabi niyang ang tao ay likas na makasarili kung kaya palagi niyang katunggali ang kapwa tao.

Jean Jacques Rosseau at John Locke- kapwa naniniwala na ang pamahalaan ay

naitatag mula sa pahintulot ng mga mamamayan.

Mary Wollstonecraft – ang tumalakay sa karapatan ng kababaihan sa kanyang “A

Vindication of the Rights of Women (1792).” Sa akdang ito, sinabi niyang dapat magkaroon ang kababaihan ng karapatang bumoto at magkaroon ng posisyon sa

pamahalaan.

Makikita ang pamana ng Enlightenment sa sining, sa katauhan halimbawa

ng mga kompositor ng Panahong Klasikal tulad nina Beethoven, Mozart, at Haydn. Ang kabuluhan ng Rebolusyong Siyentipiko at Enlightenment ay makikita

sa pagpapalagay ng tao ng kanyang kapalaran sa kanyang mga kamay sa pamamagitan ng paggamit ng katuwiran.

Ang Rebolusyong Industriyal

Taong 1700 at 1800 nang nagkaroon ng malaking pagbabago sa aspektong

agrikultura at industriya sa mga bansa sa Europe at sa United States. Ang

transpormasyon na ito ay nakilala sa katawagang Rebolusyong Industriyal dahil pinalitan nito ang gawaing manwal sa mga kabukiran ng mga bagong imbentong

6

makinarya. Nagbigay ito ng malaking produksiyon sa mga bansa, karagdagang kita

at pamilihan ng kanilang mga yaring produkto. Maraming mga naninirahan sa mga kabukiran ang lumipat ng tirahan sa mga siyudad at namasukan sa mga

industriya upang kumita nang malaki.

Ang tunog ng ingay ng mga tumatakbong makinarya sa isang pabrika ay bahagi ng tinatawag na Rebolusyong Industriyal. Ito ang panahon na kung saan

ang mga tao ay nagpasimula nang gumamit ng mga makabagong kagamitan gaya ng makinarya sa kanilang produksiyon. Nagkaroon ng malaking pagbabago sa

pamumuhay ng mga tao sa dahilang naging mabilis ang kanilang produksiyon at

ito’y lumaki. Naging daan ito upang sila’y magkaroon ng malaking kita at napaunlad ang kanilang pamumuhay. Nagsimula ito noong 1760 na kung kailan

nagkaroon ng mga bagong imbensiyon sa pansakahan ang nabuo at pinasimulan ang rebolusyon sa agrikultura.

Ilan sa mga nakilalang imbentor sa panahong ito ang mga sumusunod:

George Washington Carver - Itinaguyod ang siyentipikong pamamaraan ng agrikultura – Tinuruan ang mga magsasaka ng Crop Rotation - Gumagamit sila ng

pataba, bumubungkal sila ng malalim na tudling, at gumagamit ng siyentipikong pamamaraan ng agrikuktura.

Thomas Newcomen - Nakaimbento ng isang steam engine na pinaaandar ng

artificial pump (1700) Pinagbuti naman ni James Watt ang steam engine ni Newcomen (1763).

Robert Fulton - amerikanong imbentor nakabuo ng isang steamboat (Clemont) higit na malalaking gulong na sumasagwan at pinaaandar ng steam engine ginamit

ito bilang transportasyon sa mga ilog at sapa Ginamit narin ito ng mga kalakal sa ibayong dagat.

Alessandro Volta - italyanong propesor na nakaimbento ng bagong baterya na

kayang tumustus ng sapat na elektrisidad.

Andre Ampere - isang pranses na nagpanukala ng mga prinsipyo na nagsasaad sa

epekto ng magneto sa electric current.

Alexander Graham Bell - isang propesor sa Boston na nakatuklas sa telepono (1876).

Nagpabago sa pamumuhay ng tao ang industriyalismo. Dumagsa sa lungsod

ang mga taong taga-probinsya. Nagdulot ito ng pagdami ng tao sa lungsod at

naging squatter. Sa kawalan ng hanapbuhay marami ang naging palaboy. Maging ang mga bata ay napilitang magtrabaho. Isa ito sa naging napakabigat na

suliraning panlipunan at pangekonomiya. Nagdulot din ito ng hidwaang pampolitika. Gayundin ang pagkakaroon ng tinatawag na gitnang uri ng lipunan o

middle class society. Nagbunga ito ng pagtatatag ng mga unyon ng mga manggagawa hanggangnoong kalagitnaan ng ika-19 na siglo. Sa pag-unlad ng

industriyalisasyon, higit pang nagsikap ang mga Kanluranin sa pananakop ng mga

kolonya. Ito ay dahil sa pangangailangan nila ng mga hilaw na sangkap na maibibigay ng mga kolonya. Ito rin ang mga nagsisilbing pamilihan ng kanilang

mga produkto.

7

Suriin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa

sagutang papel.

1. Anu-anong mga kaganapan na naging dahilan sa pagsisimula ng Rebolusyong

Siyentipiko?

__________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

__________________.

2. Ipaliwanag ang Teoryang Heliocentric.

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________.

3. Isa-isahin ang mga mahahalagang pamana ng Panahon ng Enlightenment sa

kasalukuyan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________.

4. Paano nabago ng Rebolusyong Industriyal ang pamumuhay ng tao?

__________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

__________________.

5. Ilarawan ang mga mabuting naidulot ng pagkakaroon ng “bagong siyensya” o

panahon ng katuwiran?

__________________________________________________________________________________

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

__________________.

8

Pagyamanin Gawain 1: Pagtatambal-tambal:

Panuto: Pagtatambalin ang mga aytem sa HANAY A sa HANAY B. Isulat ang titik ng iyong

sagot sa sagutang papel.

HANAY A HANAY B

___ 1. Astronomer na nakilala sa kanyang

heliocentric view

___ 2. Instrumentong naimbento ni Galileo Galilei na nakatulong upang

suportahan ang mga kaalaman sa kalawakan

___3. Ang propesor sa Boston na nakaimbento ng telepono

___ 4. Salitang tumutukoy sa pilosopiyang

umunlad sa Europe noong ika-18 siglo, maaari ring sabihing ito ay

isang kilusang intelektuwal

___ 5. Ayon sa kanya, ang tao ay likas na

makasarili kung kaya palagi niyang katunggali ang kapwa tao

A. Teleskopyo

B. Alessandro Volta

C. Enlightenment

D. Thomas Hobbes

E. Nicholas Copernicus

F. Alexander Graham Bell

Gawain 2: Isaayos Mo Ako.

Panuto: Bumuo ng mga salita mula sa mga nagulong letra sa kaliwang bahagi ng bawat aytem. Gawing gabay ang mga kahulugan o deskripsyon sa

bawat aytem. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

E R A D T S C S E 6. Naniniwala siya na ang katuwiran ang susi sa

pagkakamit ng kaalaman.

A L O T V 7. Propesor na nakaimbento ng bagong baterya na kayang tumustus ng sapat na elektrisidad.

E A T M S I E G N E N 8. Bagay na naimbento ni Thomas Newcomen na mas pinaunlad ni James Watt

D N L S U Y I I T A R 9. Ang rebolusyon kung saan nagsimulang gumamit ang tao ng makinarya sa produksiyon

S S A N E Y Y I I 10. Isang bagong kaalaman na nag-udyok sa Rebolusyong Siyentipiko.

9

Gawain

Dahilan-Kaganapan-Epekto

Panuto: Itala sa Data Chart ang mga dahilan at epekto ng mga kaganapan sa

Rebolusyong Siyentipiko, Enlightement at Industriyal. Punan rin ang kabuuang

epekto ng mga ito sa paglawak ng kapangyarihan ng Europe. Gawin ito sa iyong

sagutang papel.

Dahilan Kaganapan Epekto

Rebolusyong Siyentipiko

Panahon ng Enlightenment

Rebolusyong Industriyal

Epekto sa Paglawak ng Kapangyarihan ng Europe

10

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Sa palagay mo, alin sa mga kaisipan o imbensyon na nabanggit sa araling ito

ang may pinakamalaking kontribusyon sa kasalukuyang panahon? Paano ito nakakatulong?

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

2. May mabuti o hindi-mabuting epekto ba ang pagtuklas ng mga bagong bagay at

kaisipan? Pangatwiran ang sagot. __________________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Isaisip

Paggawa ng Repleksiyon.

Panuto: Gumawa ng sariling repleksyon tungkol sa iyong natutunan sa araling ito. Ilahad kung paano makatutulong ang iyong kaalaman sa Rebolusyong

Siyentipiko, Enlightenment at Rebolusyong Industriyal sa iyong pang araw araw ng buhay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________

____________________________________.

RUBRIC sa Paggawa ng Repleksiyon

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Buod ng Aralin o Paksa Maliwanag ang pagkakalahad ng buod ng

aralin o paksa

10

Kaayusan Maayos ang presentasyon ng mga ideya

malinis ang pagkakasulat

10

Kabuuan 15

11

Tayahin Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang

titik na tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat sa sagutang papel ang iyong mga sagot.

1. Alin sa sumusunod ang bansang pinagmulan ng Rebolusyong Industriyal?

A. Italya B. Great Britain

C. Pransiya D. Estados Unidos

2. Alin sa mga pahayag na ito ang tumutukoy sa teoryang heliocentric ni

Copernicus?

A. Ang araw ang sentro ng kalawakan at ang mga planeta ay umiikot dito.

B. Ang ating mundo ang nag-iisang planet na may kakayang magbigay ng buhay. C. Ang mga planeta sa solar system ay umiikot sa sarili nitong aksis.

D. Ang araw at buwan ay umiikot sa iba’t-ibang planeta ng solar system.

3. Malaki ang tulong ng panahon ng katuwiran (age of reason) upang magkaroon

ng kaliwanagan sa tradisyonal na ideya at mabigyan ng redepinisyon ang lipunan. Alin ang HINDI kabilang sa mga dahilan kung bakit umusbong ang

panahong ito?

A. Repormasyon B. Renaissance

C. Panahon ng Eksplorasyon D. Paglakas ng Simbahan

4. Ang Rebolusyong Industriyal ay nagpakita ng pinakamalaking pagbabago sa aling sektor ng lipunan?

A. Pantahanan

B. Agrikultura C. Edukasyon

D. Relihiyon

5. Ang pag-usbong ng mga makabago at siyentipikong kaisipan ay naging dahilan

upang ang Simbahan ay:

A. Maragdagan ng kapangyarihan B. Masuri ang kanyang mga aral at doktrina

C. Makapang-akit ng mga bagong kasapi. D. Makipagtulungan sa mga monarkong Europeo

12

6. Sino ang isang siyentistang Italyano na nakaimbento ng kagamitan na

nagpatunay sa paniniwala ni Copernicus ukol sa pagiging gitna ng araw sa Sansinukuban kung saan ang mga planeta ay umiikot dito?

A. John Locke

B. Galileo Galilei C. Francis Bacon

D. Rene Descartes

7. Ang mga sumusunod ay epekto ng Rebolusyong Industriyal, MALIBAN sa:

A. Pagdagsa ng mga taga-probinsya sa mga lungsod

B. Pagkakaroon ng kaalaman sa paggamit ng internet C. Nagdulot ito ng kawalan ng hanapbuhay ng mga tao

D. Pagkaimbento ng mga kagamitang makinarya

8. Mahalaga ang kontribusyon ng mga makabagong kaisipan sa panahon ng

Enlightenment. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting dulot nito sa kasalukuyan?

A. Mas lalong umunlad ang sining, agham at pilosopiya.

B. Nakapagpalawak ito ng paniniwala sa relihiyon. C. Mapag-aaralan dito ang kasaysayan at pinagmulan ng daigdig.

D. Napapahalagan nito ang pagkakaiba ng kultura sa buong mundo.

9. Ang naging bunga ng makabagong kaisipan sa Europa at Hilagang Amerika ay

ang:

A. Pagiging deboto at masunurin sa doktrina ng Simbahan B. Paniniwala sa mga superstisyon at mahika

C. Karapatang makapagpahayag sa sariling damdamin at kaisipan D. Nabigyan ng mas malaking kapangyarihan ang mga monarko

10. Ang pag-unlad ng mga industriyalisadong siyudad sa Hilagang Amerika at

Europa ay dahil sa:

A. Pagkakaroon ng daungan ng mga kalakal

B. Pagtuon sa pagpaparami ng lakas-paggawa C. Pagtuklas ng mga makabagong makinarya

D. Pagpataw ng mababang buwis sa kalakal

13

Karagdagang Gawain

I-Collage Mo Ako!

Panuto: Gumawa ng COLLAGE o pinagtagni-tagning larawan mula sa mga lumang dyaryo, magazines o printed materials na nagpapakita ng mga imbensyon at

mahahalagang kaisipan sa Rebolusyong Siyentipiko, Enlightenment at Rebolusyong Industriyal.

RUBRIC sa Pagmamarka ng Collage-making

Pamantayan Deskripsiyon Puntos

Nilalaman Mahusay na nailahad ang mga pangyayari sa

pamamagitan ng mga larawan

15

Kaayusan Malinaw, malinis at maayos ang gawain 10

Kabuuan 25

14

Susi sa Pagwawasto

PAGYAMANIN

Gawain 1 Gawain 2

1.E 1. DESCARTES

2.A 2. VOLTA

3.F 3. STEAM ENGINE

4.C 4. INDUSTRIYAL

5.D 5. SIYENSIYA

TAYAHIN

1.B 6. B

2.A 7. B

3.D 8. A

4.B 9. C

5.B 10. C

BALIKAN

Bansang Kanluranin Bansang Nasakop

1. Portugal India

2. Spain Pilipinas

3. Netherlands Moluccas

4. France Bahagi ng Hilagang

Amerika

5. England India

SURIIN

Maaaring magkakaiba ang mga sagot.

15

Sanggunian: Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan (Kasaysayan ng Daigdig) Unang

Edisyon (2014) Mga Manunulat - Rosemarie C. Blando, Michael M. Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L. De Jesus, Asher H. Pasco,

Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo, at Kalenna Lorena S. Asis, pp. 339 355

Modyul ng Mag-aaral sa Araling Panlipunan (Kasaysayan ng Daigdig) – Draft, March 24, 2014 pp. 315-326

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our...

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belongs to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.