Modyul 1: Kabutihang-loob mo, Pasasalamatan ko. - ZNNHS

16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Z est for P rogress Z eal of Partnership Edukasyon sa Pagpapakatao Ikatlong Markahan - Modyul 1: Kabutihang-loob mo, Pasasalamatan ko. Pangalan ng Mag-aaral: Baitang at Seksyon: Paaralan: 8

Transcript of Modyul 1: Kabutihang-loob mo, Pasasalamatan ko. - ZNNHS

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Zest for Progress

Zeal of Partnership

Edukasyon sa Pagpapakatao

Ikatlong Markahan - Modyul 1: Kabutihang-loob mo, Pasasalamatan ko.

Pangalan ng Mag-aaral:

Baitang at Seksyon:

Paaralan:

8

2

ALAMIN

Ang birtud na pasasalamat ay isang kataga sa wikang Filipino na ang

kahulugan ay pagbigay ng bunyi, gantimpala, o pagkilala matapos ang isang

gawain o serbisyong mataas, malaki, at napakahalaga ang naging ambag sa isang

tao, bagay, lugar, kompanya, o pangyayari.

Bahagi na ito ng ating pagkatao ang marunong magpahalaga sa mga taong

nakagagawa sa atin ng kabutihan. Mahalaga na malaman ng tao kung kanino

tunay na nagmumula ang mga biyayang natatangap.

Ang salitang pasasalamat ay isa sa mga katangian natin bilang isang

Pilipino na binibigyan ng lubos na pagpapahalaga dahil kinikilala ang kabutihan

ng kapwa lalo na sa oras ng pangangailangan. Binibigyan-pansin na ang mga

biyayang natatanggap ay dahil sa pagmamalasakit ng kapwa.

Ang pasasalamat ba ay naipahayag lang sa mga taong gumawa sa iyo ng

kabutihan?

Sa modyul na ito ay matutukoy ang pinakamahalagang mensahe na dapat

maunawaan at maipamalas ng mag-aaral.

A. Natutukoy ang mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-

loob ng kapwa at mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat.

EsP8PBIII-a-9.1

SUBUKIN

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin ang

pinakaangkop na sagot at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ang pasasalamat ay gawi ng isang taong mapagpasalamat at ang pagiging handa

sa pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa sa kaniya ng kabutihang-loob. Ito ay nagmula sa salitang Latin na ang kahulugan ay:

A. Gratus – nakalulugod B. Gratia - pagtatangi o kabutihan C. Lahat ng nabanggit 2. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat,maliban sa:

A. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga Kabutihang kaloob ng kapwa.

B. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay.

C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila.

3

3. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng: A. Kalooban B. Damdamin C. Konsiyensiya

4. Ang sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:

A. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang. B. Pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay.

C. Paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may pantustos ang mga magulang.

5. Ang sumusunod ay mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat maliban sa isa: A. Pagsasabi ng salamat sa kanya B. Pagpapakita ng kabaitan C. Paghingi ng kapalit sa kabutihang ginawa

6. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat maliban sa isa:

A. Magpasalamat sa bawat araw.

B. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti sa iyong pakiramdam.

C. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa at maghihintay ng kapalit.

7. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:

A. pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ng mga kabutihang kaloob ng kapwa.

B. gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay.

C. pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ng pasasalamat sa kanila.

8. Isang pagpaparangal at pasasalamt sa Birhen ng Immaculate Concepcion dahil sa mga biyayang natatanggap ng Probinsiya ng Capiz at Siyudad ng Roxas. Ano ang tawag sa Festival na ginagawa nila?

A. Sinadya sa Halaran Festival B. Bacao Festival C. Sinulog Festival

9.Ito ay isang makulay at magarbong selebrasyon bilang pagdakila kay San Isidro Labrador, ang patron ng mga mgasasaka, bilang pasasalamat sa masaganang anihan. Bawat bahay sa tabi ng mga kalsada sa Lucban

ay nilalagyan ng mga palamuti gamit ang mga ibang naani ng mga magsasaka. At ang pinakatangi ng pistang ito ay ang tinatawag na "kiping". Ito ay wafer na gawa sa bigas na may iba’t-ibang kulay. Ano ang tawag sa festival na ito?

A. Pahiyas Festival B. Bacao Festival C. Sinulog Festival

4

10. Ito pinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pyesta sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Hinango ang pista sa

maalamat na pagtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro. Ano ang tawag sa pasasalamat festival na ito?

A. Ati-atihanFestival B. Pahiyas Festival C. Dinagyang Festival

BALIKAN

Ayon kay Lewis (1998) sa nakaraang modyul, ang mabuting lider ay

naglilingkod,nagtitiwala sa kakayahan ng iba, nakikinig at nakikipag-

ugnayan nang maayos sa iba, magaling magplano at magpasiya, nagbibigay

ng inspirasyon sa iba, may positibong pananaw at integridad, inaalagaan at

iniingatan ang sarili, at mabuting tagasunod. Makikilala ang kahusayan ng

pagiging lider sa kilos ng mga taong kaniyang pinamumunoan. Mahusay

ang lider kung ang mga taong nakapaligid sa kaniya ay punong-puno ng

inspirasyon dahil sa mga ipinakita niyang magandang katangian sa

kanyang kapwa.

Gawain 1: Kakayahan mo, Nakasalalay ang kinabukasan ko.

Panuto:Maglista ng limang lider na kilala mo (Local, National o

International). Isulat ang mga katangian na nagustuhan mo sa kanila bilang isang lider at ano mga nagagawa nila para sa kabutihang panlahat. Sundin ang pormat sa ibaba. May inihandang halimbawa para sa iyo sa ibaba. Tapisin ang gawaing ito.

Pangalan ng Lider na kilala

Katangian na nagustuhan mo

Magandang nagawa para sa kabutihang panlahat.

Halimbawa

Barak Obama • Siya ay laging nakikinig, sa

halip na siya lang ang nasusunod.

• nakikinig siya sa mga tao, at pinapakiramdaman ang kanilang mga hinaing.

• tumulong siya sa paglikha ng lehislasyon sa pagkontrol ng mga sandatang kumbensiyonal o pang karaniwan

1.

2.

3.

4.

5.

5

Tanong:

1. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng isang mapanagutang lider?

Pangatwiranan.

Sagot:

2. Ano ang maaari mong maibahagi sa pangkat o lipunang iyong kinabibilangan kung ikaw ay mabigyan ng isang pagkakataon na maging isang lider?

Sagot:

TUKLASIN

Gawain 2: Paraan ng pasasalamat.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sitwasyon. Tukuyin ang biyayang natanggap mula sa kabutihang-loob at isulat ang paraan ng pagpapakita ng

pasasalamat. Gawing gabay ang halimbawa sa unang bilang.

Biyayang natanggap: Paraan ng pasasalamat: 2.

Sitwasyon: Nakita mo ang isang sundalo na tinulungang tumawid ang isang matandang pulibi.

Biyayang natanggap: Paraan ng pasasalamat:

1. Binigyan ko siya ng isang liham ng pasasalamat at gagawan ko rin siya ng kabutihan sa ibang pagkakataon.

Sitwasyon: Binigyan ka ng inspirational book ng kaklase mong tumalo sa iyo sa isang kompetisyon.

Biyayang natanggap: Paraan ng pasasalamat: 3.

Sitwasyon: Tinuruan ka ng iyong nakatatandang kapatid sa iyong reseach project sa Edukasyon sa Pagkakatao.

Biyayang natanggap: Paraan ng pasasalamat: 4.

Sitwasyon: Guminhawa ang iyong kalooban nang paggising mo isang umaga ay nalanghap mo ang sariwang hangin at binati ka ng masayang huni ng ibon.

6

Tanong

1.Anu-ano ag mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat? Sagot:

2.Bakit mahalaga ang magpasalamat? Sagot:

3.Ano ang nagagawa nito sa atin at sa ating kapwa?

Sagot:

SURIIN

Ang pasasalamat ay gawi ng isang taong mapagpasalamat; ang pagiging handa sa pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa sa kaniya ng kabutihang-loob. Ang pasasalamat sa salitang Ingles ay gratitude, na nagmula sa salitag Latin na gratus(nakalulugod), gratia (pagtatangi o kabutihan) at gratis (libre o walang bayad).

Ang pasasalamat ay isang gawi o kilos na kailangan ng patuloy na pagsasagawa hanggang ito ay maging birtud. Mungkahi ni Susan Jeffers ng may-akda ng Practicing Daily Gratitude, “simulan ang kasanayan sa pagsasabi ng pasasalamat kahit sampung beses sa bawat araw.” Kung ito ay maging isang birtud, magiging madali para sa iyo na magkaroon ng pusong mapagpasalamat.

Ayon nga kay Aesop, “Gratitude is the sign of noble souls.” Ayon kay Santo Tomas de Aquino, may tatlong antas ng pasasalamat: pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa, pagpapasalamat at pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya.

Mga Ilang Paraan ng Pagpapakita ng Pasasalamat 1. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat 2. Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan o higit na nangangailangan ng iyong pasasalamat. 3. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung kinakailangan. 4. Magpasalamat sa bawat araw. 5. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti sa iyong pakiramdam. 6. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa nang hindi naghihintay ng kapalit. 7. Magbigay ng munti o simpleng regalo

Sa kulturang Pilipino, mayroon kani-kaniyang pamamaraan ng pasasalamat sa mga pagpapalang natatanggap ng komunidad. Sa mga Muslim, mayroong

pagdiriwang na tinatawag na Shariff Kabunsuan. Si Shariff Kabunsuan ay isang Arabong Misyonaryo na ipinakilala ang relihiyong Islam sa mga Pilipino sa Mindanao. Ipinagdiriwang ito sa pamamagitan ng Kanduli, isang handaan ng pasasalamat. Ang kanduli ay pasasalamat din sa bawat mabuting nagagawa ng kapatid na Muslim para sa kapwa. Sa Visayas, mayroong pagdiriwang tulad ng Ati-Atihan at Dinagyang, bilang pagkilala sa kabutihan ng Sto. Niño lalo na sa oras ng kagutuman at tagtuyot. Mayroon ding Sinadya sa Halaran, isang pagpaparangal sa Birhen ng Immaculate Concepcion dahil sa mga biyayang natatanggap ng Probinsiya ng Capiz at Siyudad ng Roxas. Sa Luzon naman, ilan lamang dito ay ang Pahiyas, isang pagdiriwang na pasasalamat kay San Isidro Labrador para sa magandang ani. Ang Bacao naman ay para kay San Jose dahil sa magandang ani ng mais. Patunay ang mga ito na likas sa tao ang magpasalamat kahit saan mang lugar.

Ang pagpapakita ng pasasalamat kahit sa simpleng paraan ay nagdudulot ng kaligayahan sa taong pinagkakautangan mo ng loob. Kinikilala mo ang

7

kaniyang pagkatao na nag-alay ng tulong sa iyo lalo na sa oras ng kagipitan. Ayon sa Epeso 1:6, :Magbigay ng pasasalamat sa panginoon, Siya ay

mabuti, Ang pag-ibig Niya ay walang hanggan.”

Gawain 3 : Paano kita mapasasalamatan.

Panuto: Sa bilang isa hanggang sampu kung saan ang isa (1) ang pinakamahalaga, isulat ang mga pinasasalamatan mo sa buhay ayon sa iyong pagpapahalaga. Gamitin ang tsart sa ibaba para rito.

Mga Pangalan ng taong pinakamahalaga at pinasasalamatan mo sa buhay

1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5. 10.

Tanong:

1. Sinu-sino ang binigyan mo ng pagpapahalaga sa buhay? Sagot:

2. Naipakita mo ba ang iyong pasasalamat sa kanila? Paano? Sagot:

3. Mahalaga ba para sa iyo ang maging mapagpasalamat?

Sagot:

PAGYAMANIN

Gawain 4: Pagpapakita ng pasasalamat.

Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang kolum na nagpapakita ng dalas ng

pagpapakita mo ng pasasalamat.

Mga Sitwasyon

Palaging ipinapakita

Madalas ipinapakita

Hindi kailanman ipinapakita

1. Pagpapasalamat sa Diyos sa mga kabutihan at pagsubok na kaloob sa iyo

2. Pagiging kuntento sa buhay dahil alam mo na ang Diyos ang

nagkakaloob ng mga pangangailangan mo

8

3. Pagbibilang sa mga pagpapalang natanggap at hindi ang mga pagsubok sa buhay

4. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa ibang tao sa pamamagitan ng paggawa ng mga simple ngunit mahalagang bagay o gawain

5. Pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay sa kabila ng nararanasang pagsubok

6. Pag-iingat sa mga bagay na bigay ng mga mahal sa buhay

7. Pagsusulat ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan kahit sa simpleng paraan

8. Pagsasabi ng “Salamat” sa mga

taong nagbibigay ng serbisyo sa iyo, halimbawa drayber, guard, atbp.

9. Pagtulong sa iyong magulang sa mga gawaing bahay dahil alam mo na pagod na sila sa kanilang trabaho

10. Pagpapasalamat sa mga nakalipas na mabubuting karanasan

Tanong:

1. Gaano mo kadalas naipakita ang iyong pasasalamat? Sagot:

2. Masasabi mo bang taglay mo ang birtud ng pasasalamat? Patunayan? Sagot:

3. Ano pa kaya ang iyong gagawin upang lalo mong maisabuhay ang pasasalamat? Sagot:

Maraming pangyayari sa iyong buhay na naranasan mong ikaw ay gawan

ng kabutihan. Mainan na malaman ang mga pamamaraan ng pagpapakita ng

pasasalamat para na rin sa mga taong gumawa sa iyo ng kabutihan lalo na sa panahon ng pangangailangan.

Ang pagsasabi ng pasasalamat ay maraming benepisyong nagagawa sa tao. Nararapat lamang na ito ay isabuhay para na rin sa pamamagitan ng magandang pakikipag-ugnayan sa kapwa.

Gawain 5: Kabutihan mo, pasasalamatan ko

Panuto: Magsasagawa ng survey tungkol sa limang mag-aaral. Gamit ang

social media platform (FB, Messenger, Text etc.) Itala ang mga mag-aaral na kinapanayam gamit ang tsart.

9

Mga gabay na tanong sa survey

1. Sinu-sino ang pinasasalamatan mo sa buhay? Magtala ng limang pinasasalamatan.

2. Bakit mo sila pinasasalamatan? Isa-isahin ang dahilan sa bawat taong pinasasalamatan.

3. Paano mo naipapakita o napapatunayan ang iyong pasasalamat sa bawat taong pinasasalamatan?

4. Ano ang kabutihang naidudulot ng pagpapakita mo ng pasasalamat sa bawat taong pinasasalamatan?

5. Ano ang maaaring halimbawa mo ng hindi pagpapakita ng pasasalamat sa mga taong dapat mong pinasasalamatan?

6. Ano kaya ang magiging epekto kung hindi ipapakikita ang pasasalamat?

Mga mag-aaral na sumagot sa survey

Sino ang pinasa-salamatan mo sa

buhay

Bakit mo sila pinasasalamat

an

Paano mo ipinakikita ang iyong

pasasalamat

Ang kabutihang naidudulot ng

pagpapakita mo ng pasasalamat

Mga halimbawa ng hindi pagpapakit

a ng pasasalamat

Ang mga maaaring epekto ng hindi

pagpapakita ng pasasalamat

1.

2.

3.

4.

5.

Tanong

1. Batay sa iyong ginawang survey, ano ang iyong natuklasan tungkol sa

pagpapakita ng pasasalamat? 2. Ano naman ang iyong nasuri o natuklasan sa kawalan ng pagpapakita ng

pasasalamat?

ISAISIP

Panuto: Sa bahaging ito ay inaanyayahan kita na gumawa ng tatlong liham para sa iba’t ibang tao sa iyong paligid na nais mong pasalamatan sa mga

kabutihang nagawa nila sa iyo. Isulat mo ito sa isang stationery at ibigay ito

sa kanila.

Bilang tao na kawangis at kalarawan ng Diyos kailangan makita sa iyo ang

kabutihang-loob ng pasasalamat sa pamamagitan ng hindi pagiging makasarili. Sumulat ng liham pasasalamat para sa magulang, guro at

kaibigan. Isulat ito sa nakalaang kahon.

________________________________

______________________________________________________________________

________________________________

________________________________________________________________

________________________________

________________________________________________________________

10

ISAGAWA

Panuto: Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na magbigay ng isang

talumpati ng pasasalamat, sinu-sino kaya ang gusto mong pasalamatan? Sa isang papel, bumuo ng isang talumpati na naglalaman ng mga taong

gusto mong pasalamatan. Isulat din kung paano sila naging parte ng iyong

buhay at nakatulong upang ikaw ay mabuhay nang maayos. Gabay sa Pagsusuri:

1. Sino-sino ang iyong pinasalamatan? 2. Bakit mo sila pinasalamatan? 3. Paano sila nakatulong at naging parte ng iyong buhay? 4. Paano nakakatulong sa iyong pagkatao ang pagiging mapagpasalamat? Sa

iyong pakikipag-ugnayan sa Kapwa? Sa Diyos?

Rubriks sa Pagsusulat ng Talumpati

Nilalaman

35%

Naipapakita at naipaliwanag nang maayos ang ugnayan ng konseptong isinulat sa pahayag

Organisasyon

35%

Mahusay ang pagkakasunud- sunod ng mga ideya, malinaw at makabuluhan

Style

(Pagkamapanlikha

at

Pagkamalikhain)

20%

Lubos na

nagpapamalas ng

pagkamalikhain

sa pagsulat ng

maikling

sanaysay at

Orihinal ang mga ideyang ginamit

Mekaniks

10%

Wasto ang mga ginamit na salita at pagbabantas

PAGTATAYA

Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap sa set A at B. Piliin

ang pinakaangkop na sagot at bilugan ang titik ng tamang sagot.

11

SET A

1. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng pagpapasalamat sa loob ng

tahanan.

A. Pagbati ng magandang umaga , tanghali at hapon sa

miyembro ng pamilya. B. Pagpapasalamat sa magulang ang pangunahing gamit ng isip

ng tao.

C. Pagmamano 2. Ang sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban

sa: A. Pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang. B. Pagtulong sa mga simpleng gawain sa bahay.

C. Paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang may pantustos ang mga magulang.

3. Ang pasasalamat ay gawi ng isang taong mapagpasalamat at ang pagiging handa sa pagpapamalas ng pagpapahalaga sa taong gumawa sa kaniya ng

kabutihang-loob. Ito ay nagmula sa salitang Latin na ang kahulugan ay: A. Gratus – nakalulugod B. Gratia - pagtatangi o kabutihan C. Lahat ng nabanggit

4. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat,maliban sa: A.Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga

Kabutihang kaloob ng kapwa. B. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil

nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay. C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang

pasasalamat sa kanila. 5. Ang birtud na pasasalamat ay gawain ng:

A. Kalooban B. Damdamin C. Konsiyensiya

6.Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ng pasasalamat ayon kay Santo Tomas de Aquino?

A. pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa B. pagpapakita sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya.

C. paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbalik ng kabutihang ginawa sa iyo.

7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pitong paraan ng pagpapasalamat sa mga nababangit.

A. Ang pangongolekta ng mga quotations ay magpapabuti sa iyong pakiramdam

B. Magpadala ng liham-pasasalamat sa mga taong nagpakita ng kabutihan o higit na nangangailangan ng iyong pasasalamat

C. Magpapasalamat lamang kapag may biyayang natanggap at kinakailangan.

8.Ang sumusunod ay mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat maliban sa isa:

A. Pagsaaabi ng salamat sa kanya B. Pagpapakita ng kabaitan C. Paghihingi ng kapalit sa kabutihang ginawa

12

9. Ang Lungsod ng Bacolod ay ang kabisera at pinakamaunlad na lugar sa probinsya ng Kanlurang Negros. Ang lungod ay kilala para sa makulay na pyesta at tinatawag rin bilang "The City of Smiles" at "Football City of the

Philippines". Ano ang tawag sa kanilang pasasalamat? A. Sinadya sa Halaran Festival b. Bacao Festival C. Masskara Festival

10.Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa: A. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga

kabutihang kaloob ng kapwa B. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil

nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay C. Pagiging maingat sa mga materyal na pagpapala buhat sa

ibang tao

SET B

1. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat maliban sa isa:

A. Magkaroon ng ritwal na pasasalamat B. Magbigay ng munti o simpleng regalo. C. Bigyan ng simpleng yakap o tapik sa balikat kung

mag gustong hingiin.

2. Ang mga sumusunod ay mga paraan ng pagpapakita ng pasasalamat maliban sa isa:

A. Magpasalamat sa bawat araw. B. Ang pangongolekta ng mga quotations ay

magpapabuti sa iyong pakiramdam. C. Gumawa ng kabutihang-loob sa kapwa at

maghihintay ng kapalit.

D. Sa kulturang Pilipino, mayroon kani-kaniyang pamamaraan ng pasasalamat sa mga pagpapalang natatanggap ng komunidad. Sa mga Muslim mayroong ipinagdiriwang sa pamamagitan ng isang handaan. Ito din ay isang pasasalamat sa bawat mabuting nagagawa ng kapatid na Muslim para sa kapwa ng mga Muslim?

A. kabuli B. kanduli C. kantuli

4. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:

A. pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa.

B. gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay.

C. pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila.

13

5. Sa Visayas, ang Ati-Atihan sa Kalino Aklan at Dinagyang sa Ilo-Ilo ay isang pasasalamat at pagkilala sa kanilang patron sa mga oras ng kagutuman at tagtuyot sa kabutihan nino?

A. Sto. Niño

B. San Isidro Labrador C. San Jose

6. Isang pagpaparangal at pasasalamt sa Birhen ng Immaculate Concepcion dahil sa mga biyayang natatanggap ng Probinsiya ng Capiz at Siyudad ng Roxas. Ano ang tawag sa Festival na ginagawa nila?

A. Sinadya sa Halaran Festival B. Bacao Festival C. Sinulog Festival

7.Ang Bacao Festival ay isang pasasalamat sa magandang ani ng mais sa mga taga Isabela Province. Ito ay inaalay kanino?

A. Sto. Niño B. San Isidro Labrador C. San Jose

8.Ito ay isang makulay at magarbong selebrasyon bilang pagdakila kay San

Isidro Labrador, ang patron ng nga mgasasaka, bilang pasasalamat sa masaganang anihan. Bawat bahay sa tabi ng mga kalsada sa Lucban ay nilalagyan ng mga palamuti gamit ang mga ibang naani ng mga magsasaka. At ang pinakahighlight ng pistang ito ay ang tinatawag na "kiping". Ito ay wafer na gawa sa bigas na may iba’t-ibang kulay. Ano ang tawag sa festival na ito?

A. Pahiyas Festival B. Bacao Festival C. Sinulog Festival

9. Tukuyin kung alin sa mga sumusunod na pangungusap ang TAMA sa mga antas ng pasasalamat ang binanggit ni Santo Tomas de Aquino.

A. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa B. pagbabayad sa kabutihan na ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya. C. Lahat ng nabanggit

10. Ito pinagdiriwang tuwing ikalawa hanggang ikatlong linggo ng Enero kada taon ang pyesta sa Kalibo, Aklan, bilang pagdakila sa Santo Niño. Nagpapahid ng uling sa mukha at katawan ang mga mananayaw, samantalang patuloy ang ritmo ng tambol na waring nagsasagutan sa himig ng “Hala, Bira!” Hinango ang pista sa maalamat na agtatagpo ng mga katutubo at ng mga Kristiyanong mananakop, at

ang pagsamba sa Santo Niño na malimit hinihingan ng milagro. Ano ang tawag sa pasasalamat festival na ito?

A. Ati-atihanFestival B. Pahiyas Festival C. Dinagyang Festival

14

SUSI SA PAGWAWASTO

Sanggunian: Kagawaran ng Edukasyon, Edukasyon sa Pagpapakatao 7 Modyul para sa Mag-aaral,

pp 227-255

15

Bumuo sa Pagsulat ng Modyul

Manunulat: ROLAND C. DACALOS, SST-III

Napolan NHS, Pagadian City Division

Editor/QA: AILEEN L. LUAB

Head Teacher III

Zamboanga del Sur NHS,Pagadian Ciy Division

Tagasuri:

Tagaguhit:

Tagalapat:

Tagapamahala:

DANNY B. CORDOBA, EdD, CESO V1

OIC- Schools Division Superintendent

MA. COLLEEN L. EMORICHA, EdD. CESE

OIC-Assistant Schools Division Superintendent

MARIA DIOSA Z. PERALTA

CID-CHIEF

MA. MADELENE P. MITUDA, EdD

EPS - LRMDS

JOVITA S. DUGENIA

EPS -EsP

11

Regi Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free With the Yakans in unity

on IX: Zamboanga Peninsula Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Hymn – Our Eden Land Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos, Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

My Final Farewell Farewell, dear Fatherland, clime of the sun caress'd

Pearl of the Orient seas, our Eden lost!,

Gladly now I go to give thee this faded life's best,

And were it brighter, fresher, or more blest

Still would I give it thee, nor count the cost.

Let the sun draw the vapors up to the sky,

And heavenward in purity bear my tardy protest

Let some kind soul o 'er my untimely fate sigh,

And in the still evening a prayer be lifted on high

From thee, 0 my country, that in God I may rest.

On the field of battle, 'mid the frenzy of fight,

Others have given their lives, without doubt or heed;

The place matters not-cypress or laurel or lily white,

Scaffold or open plain, combat or martyrdom's plight,

T is ever the same, to serve our home and country's need.

Pray for all those that hapless have died,

For all who have suffered the unmeasur'd pain;

For our mothers that bitterly their woes have cried,

For widows and orphans, for captives by torture tried

And then for thyself that redemption thou mayst gain

I die just when I see the dawn break,

Through the gloom of night, to herald the day;

And if color is lacking my blood thou shalt take,

Pour'd out at need for thy dear sake

To dye with its crimson the waking ray.

And when the dark night wraps the graveyard around

With only the dead in their vigil to see

Break not my repose or the mystery profound

And perchance thou mayst hear a sad hymn resound

' T is I, O my country, raising a song unto thee.

My dreams, when life first opened to me,

My dreams, when the hopes of youth beat high,

Were to see thy lov'd face, O gem of the Orient sea

From gloom and grief, from care and sorrow free;

No blush on thy brow, no tear in thine eye.

And even my grave is remembered no more

Unmark'd by never a cross nor a stone

Let the plow sweep through it, the spade turn it o' er That my

ashes may carpet earthly f loor,

Before into nothingness at last they are blown.

Dream of my life, my living and burning desire,

All hail ! cries the soul that is now to take flight;

All hail ! And sweet it is for thee to expire ;

To die for thy sake, that thou mayst aspire;

And sleep in thy bosom eternity's long night.

Then will oblivion bring to me no care

As over thy vales and plains I sweep;

Throbbing and cleansed in thy space and air

With color and l ight, with song and lament I fare, Ever

repeating the f aith that I keep.

If over my grave some day thou seest grow,

In the grassy sod, a humble flower,

Draw it to thy lips and kiss my soul so,

While I may feel on my brow in the cold tomb below

The touch of thy tenderness, thy breath's warm power.

My Fatherland ador' d, that sadness to my sorrow lends Beloved

Filipinas, hear now my last good -by!

I give thee all: parents and kindred and friends

For I go where no slave before the oppressor bends,

Where faith can never kill, and God reigns e' er on high!

Let the moon beam over me soft and serene,

Let the dawn shed over me its radiant flashes,

Let the wind with sad lament over me keen ;

And if on my cross a bird should be seen,

Let it trill there its hymn of peace to my ashes.

Farewell to you all, from my soul torn away,

Friends of my childhood in the home dispossessed! Give

thanks that I rest from the wearisome day!

Farewell to thee, too, sweet friend that l ightened my way; Beloved

creatures all, farewell ! In death there is rest!

I Am a Filipino, b I am a Filipino–inheritor of a glorious past, hostage to the uncertain

future. As such I must prove equal to a two-fold task–the task of

meeting my responsibility to the past, and the task of performing

my obligation to the future.

I sprung from a hardy race, child many generations removed of

ancient Malayan pioneers. Across the centuries the memory comes

rushing back to me: of brown-skinned men putting out to sea in

ships that were as frail as their hearts were stout. Over the sea I see

them come, borne upon the billowing wave and the whistling wind,

carried upon the mighty swell of hope–hope in the free abundance

of new land that was to be their home and their children’s forever.

I am a Filipino. In my blood runs the immortal seed of heroes–seed

that flowered down the centuries in deeds of courage and defiance.

In my veins yet pulses the same hot blood that sent Lapulapu to

battle against the first invader of this land, that nerved Lakandula

in the combat against the alien foe, that drove Diego Silang and

Dagohoy into rebellion against the foreign oppressor.

The seed I bear within me is an immortal seed. It is the mark of my

manhood, the symbol of dignity as a human being. Like the seeds

that were once buried in the tomb of Tutankhamen many thousand

years ago, it shall grow and flower and bear fruit again. It is the

insignia of my race, and my generation is but a stage in the

unending search of my people for freedom and happiness.

y Carlos P. Romulo I am a Filipino, child of the marriage of the East and the West. The

East, with its languor and mysticism, its passivity and endurance,

was my mother, and my sire was the West that came thundering

across the seas with the Cross and Sword and the Machine. I am of

the East, an eager participant in its spirit, and in its struggles for

liberation from the imperialist yoke. But I also know that the East

must awake from its centuried sleep, shake off the lethargy that has

bound his limbs, and start moving where destiny awaits.

I am a Filipino, and this is my inheritance. What pledge shall I give

that I may prove worthy of my inheritance? I shall give the pledge

that has come ringing down the corridors of the centuries, and it

shall be compounded of the joyous cries of my Malayan forebears

when first they saw the contours of this land loom before their eyes,

of the battle cries that have resounded in every field of combat from

Mactan to Tirad Pass, of the voices of my people when they sing:

―I am a Filipino born to freedom, and I shall not rest until freedom

shall have been added unto my inheritance—for myself and my

children and my children’s children—forever.‖