AP10_Q3_M6.pdf - ZNNHS

16
0 Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 6: Karahasan sa Kalalakihan at LGBT Zest for Progress Zeal of Partnership 1O Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Transcript of AP10_Q3_M6.pdf - ZNNHS

0

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 6:

Karahasan sa Kalalakihan at LGBT

Zest for Progress

Zeal of Partnership

1O

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

2

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Abigail F. Pelinggon

Editor: Mormiya D. Ortiga

Tagasuri: Victor M. Cabellon, Jr.

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:

Tagalapat: Abigail F. Pelinggon

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO VI

OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS - LRMDS

Alma L. Carbonilla, EdD

EPS – Araling Panlipunan

3

Alamin

Sa modyul na ito ay ilalatag ang mga diskriminasyong nararanasan ng

kalalakihan, kababaihan, at LGBT sa iba’t ibang panig ng daigdig sa kamay ng

pamilya at ng lipunan.

Halina’t suriin at unawain ang mga kaugnay na konsepto nito.

Makatutulong sa iyo ang mga gawain upang lubusang maunawaan ang mga isyung

may kinalaman sa kasarian.

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

Nasusuri ang diskriminasyon at diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan

at LGBT (Lesbian, Gay, Bi-sexual, Transgender)

Nakikilala ang mga karahasan sa kalalakihan at LGBT.

Balikan

Gawain 1. BALIKAN NATIN

Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang

karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly

Sins Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa mga ito maliban sa isa.

A. Pambubugbog

B. Pangangaliwa ng asawang lalaki

C. Sexual Harassment

D. Sex Trafficking

2. Ang mga sumusunod ay mga dahilan sa pagsasagawa ng breast ironing

MALIBAN sa isa.

A. Maiwasan ang maagang pag-aasawa

B. Maiwasan ang paghinto sa pag-aaral

C. Maiwasan ang maagang pagbubuntis

D. Maiwasan ang pagkagahasa

3. Ayon sa istadistika, ilang bahagdan ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng

pananakit na seksuwal?

A. 35%

B. 6%

C. 10%

D. 65%

4

4. Ang karahasan laban sa kababaihan ay nangangahulugang ______________.

A. Karahasan na nai-ulat sa mga pulis.

B. Karahasan na nararanasan ng mga babae dahil sa kanilang kasarian

C. Kahit anong uri ng karahasan sa pamilya

D. Sexual assault and rape

5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI halimbawa ng karahasan sa kababaihan?

A. Pagpilit ng pamilya sa isang babae na siya ay ikasal

B. Pagpapakita ng karahasan sa kaniyang mga mahal sa buhay

C. Pakikipag-argumento sa isang babae

D. Paghingi ng isang prison guard ng sexual favor sa isang babaeng preso

kapalit ng mga mahahalagang kagamitan

6. Ang mga sumusunod ay maaaring makapag-dulot ng mas malaking problema sa

isang babaeng nakakaranas ng karahasan na nakatira sa mga probinsya o rural

areas maliban sa ________.

A. Limitadong transportasyon

B. Malayo sa support services

C. Pagkahiwalay mula sa pamilya na maaaring magbigay suporta dahil

distansya

D. Kakulangan ng awtoridad na masusuplungan

7. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop na paglalarawan sa karahasan sa

kababaihan?

A. Ang pinaka-ugat nito ay kakulangan ng lalaki ng kakayahan na pigilin

ang kaniyang galit at stress

B. Ang labis na pag-inom alak at paggamit nga bawal na gamot ang

kadalasang dahilan ng karahasan

C. Problema sa pera ang isa sa mga dahilan ng karahasan

D. Ang karahasan sa kababaihan ay madalas na ginagawa ng mga taong

malapit sa kaniya o mga kakilala niya

8. Alin sa mga sumusunod na hakbangin ang pinaka-mahalaga upang maiwasan

ang karahasan sa kababaihan?

A. Pagtugon sa mga kalagayang panlipunan na nagtutulak sa karahasan sa

kababaihan

B. Pagkulong sa mga lalaking nagkakasala sa batas

C. Pagbibigay ng kaalaman sa mga kababaihan tungkol sa karahasan

D. Paghihigpit sa mga kababaihan sa oras ng paglabas at mga lugar na

pupuntahan upang sila ay manatiling ligtas

5

9. Ano ang sinisimbolo ng lotus feet?

A. Kagandahan C. Kagitingan

B. Karunungan D. Katapatan

10. Ang istadistika tungkol sa paglaganap ng karahasan sa kababaihan ay

maaaring mas mababa pa kaysa sa tunay na bilang ng tunay na karahasang

nangyayari. Ang problemang ito ay marahil dahil sa __________________________.

A. ang mga gawaing ito ay hindi labag sa batas.

B. ang mga ito ay ilan sa pangayayaring mga hindi masyadong isinusuplong

sa awtoridad.

C. ang mga ito ay kadalsang maling nai-uulat ng mga taong hindi tunay na

nakakaranas nito

D. ang mga karahasang ito ay patuloy na tumataas sa nakalipas na

sampung taon.

6

Tuklasin

Gawain 2. NEWS KO PO!

Suriin ang larawan at sagutin ang mga Pamprosesong Tanong.

Aralin 6

Karahasan sa Kalalakihan at LGBT

Pilipinas: Mga Estudyanteng LGBT Nakararanas ng Bullying, Abuso

(Maynila, Hunyo 22, 2017) – Dumadanas ang mga estudyante sa maraming lugar sa Pilipinas ng bullying at diskriminasyon sa eskuwelahan dahil sa kanilang oryentasyong sexual at identidad sa kasarian, ayon sa ulat ng Human Rights Watch na lumabas ngayong araw. Gayong may batas sa Pilipinas na nagbibigay ng proteksiyon sa diskriminasyon at pag-etsa-puwera sa mga paaralan, kailangang kumilos ng mga mambabatas at administrador ng mga eskuwelahan upang siguruhin lubos na naipapatupad ang mga ito. Nagdodokumento ang 68-pahinang ulat na “‘Hayaan N’yo Na Lang Kami’: Diskriminasyon Laban sa Mga Estudyanteng LGBT sa Pilipinas,” ng lawak ng pang-aabuso sa mga estudyanteng lesbian, gay, bisexual, at transgender (LGBT) sa sekundaryang paaralan. Dinedetalye rito ang talamak na bullying at harassment, mga patakaran at gawing mapanghusga, at ang kawalan ng resources na sumisira sa karapatan sa edukasyon ng kabataang LGBT sa ilalim ng mga internasyonal na batas at naglalagay sa kanila sa panganib. “Ang mga estudyanteng LGBT sa Pilipinas ay kadalasang target ng pangungutya at pati karahasan,” sabi ni Ryan Thoreson, isang fellow sa programang pangkarapatan ng LGBT sa Human Rights Watch. “At sa maraming beses, ang mga guro at administrador pa ang sumasali sa ganitong pagmamaltrato imbes na magsalita laban sa diskriminasyon at gawing lugar ang klasrum kung saan matututo ang lahat.” Nagsagawa ang Human Rights Watch ng malalimang interbyu at diskusyon sa 98 estudyante, 46 magulang, guro, tagapayo, administrador, service providers, at eksperto sa edukasyon sa 10 siyudad sa Luzon at Visayas. Sinabi ng mga estudyanteng LGBT na di-regular o bitin sa pagpapatupad ang umiiral na proteksiyon, at nagiging daan pa ang mga patakaran at gawi sa sekundaryang paaralan sa diskriminasyon at bigo ang mga itong bigyan ang mga estudyanteng LGBT ng impormasyon at suporta. Napansin na ng mga mambabatas sa Pilipinas na isang problema ang pambubully sa sekundaryang paaralan at gumawa na sila ng mga importanteng hakbang para tugunan ito, ayon sa Human Rights Watch. Noong 2013, nagpasa ang Kongreso ng Pilipinas ng anti-bullying law at ang Kagawaran ng Edukasyon (o DepEd) ay naglabas din ng alituntuning nagbabawal sa pambubully na ayon sa oryentasyong sexual at identidad sa kasarian. Sa kampanya sa pagkapangulo noong 2016, hayagang nangondena si Rodrigo Duterte sa bullying at diskriminasyon sa mga LGBT. “Nagpahayag noon ang Pangulong Duterte ng pagkontra sa bullying at diskriminasyon laban sa LGBT, at dapat na gawin niya ito ulit ngayon.”

7

Gayunman, nagpapakita ang pananaliksik ng Human Rights Watch na nakakaranas pa rin ang mga estudyanteng LGBT ng pisikal na pambubully, pasalitang harassment, atakeng sexual, at cyberbullying sa eskuwelahan. Maraming estudyante ang hindi malay sa mga patakarang kontra-bullying o hindi alam kung saan hahanap ng tulong kapag nabu-bully sila. “Nang nasa hay-iskul ako, itinutulak, sinusuntok nila ako,” sabi ni Carlos M., estudyanteng homoseksuwal sa Olongapo City. “Kapag lalabas ako ng iskul, susundan nila ako [at] itutulak, tatawaging ‘bakla,’ ‘bading,’ mga gano’n.” (Binago ang mga pangalan ng estudyante na binanggit sa ulat na ito para na rin sa kanilang proteksiyon.) Ang dahas na kinakaharap ng mga estudyante sa eskuwelahan ay madalas na pinapalubha ng mapanghusgang patakaran at gawi, sabi ng Human Rights Watch. Nagpapataw ang mga eskwelahan sa Pilipinas ng makakasariang uniporme at akmang haba ng buhok nang walang pinipili sa mga estudyanteng hindi kumikilala sa kasariang kinapanganakan nila. Nagiging sanhi ng kaasiwaan o di-pagtanggap sa eskuwelahan ang ganitong mahigpit na pataw sa mga estudyanteng LGBT, na paaalisin pa ng mga guard, mapapaliban tuloy ng klase o tuluyan nang magda-drop out. “Ang kabiguang maipasa ang kontra-diskriminasyong batas ay naglalagay sa kabataang LGBT sa peligro ng diskriminasyon at karahasan,” sabi ni Meggan Evangelista ng LAGABLAB Network. “Kung seryoso ang mga mambabatas na gawing ligtas ang mga eskuwelahan sa lahat ng estudyante, dapat na tigilan na nila ang pag-aantala at ipasa na sa lalong madaling panahon ang mga proteksiyon kontra-diskriminasyon.” Ang mga estudyanteng naha-harass at manghingi ng tulong ay nahahadlangan ng kakulangan sa impormasyon at resources kaugnay ng kabataang LGBT sa sekundaryang paaralan. Ang mga isyung LGBT ay madalang na pinag-uusapan sa kurikula ng eskuwelahan—at kung nangyayari nga ito, madalas na negatibo o mapangbalewala ang mga komento ng mga guro tungkol sa mga estudyanteng LGBT, kasama dito ang pagtuturo sa mga estudyante na ang pagiging LGBT ay makasalanan o di-natural. “Sabi nila, ang mga bakla ang sentro ng HIV,” ayon kay Jonas E., 17-anyos na homoseksuwal sa isang hay-iskul sa Mandaue City. “Medyo nahihiya ako dahil diyan, dahil nasa seksiyon ako noon na ako lang ang bakla at lagi nila akong itinuturo.” Halos walang estudyanteng nakapanayam ang nakatanggap ng edukasyon tungkol sa seksuwalidad na isinasama ang LGBT kaya naiiwan silang hindi handa para sa pakikipagrelasyon at para mapanatili ang sarili nilang ligtas. Napakakaunti ng mga estudyanteng may akses sa mga guro o tagapayong nahasang sumuporta sa kabataang LGBT habang lumalaki sila at nagdedevelop. Habang ang mga grupo ng estudyanteng LGBT sa mga unibersidad ay tagumpay sa pagbibigay ng edukasyon sa kapuwa nila, kaunti lang ang ganito sa sekundaryang paaralan. Ang mga awtoridad sa bawat antas ng gobyerno ay dapat na gumawa ng hakbang para maitaguyod ang pagiging ligtas, pagkapantay ng turing, at pagkakaroon ng akses sa edukasyon para sa mga estudyante, sabi ng Human Rights Watch. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay dapat mag-sarbey sa mga eskuwelahan para masigurong ang mga proteksiyong kontra-bullying ay maipapatupad nang lubos, magsanay ng mga guro na tumutugon sa pangangailangan ng mga estudyanteng LGBT, maisasama ang mga isyung LGBT sa modyul sa kurikulum, at maipalaganap ang mga patakarang nagbabawal ng diskriminasyon sa mga eskuwelahan. Sa mismong paaralan, ang mga administrador ay dapat na pagtibayin ang mga patakaran laban sa bullying at diskriminasyon upang masigurong ligtas at nairerespeto ang kabataang LGBT. “Ang pagbabawal ng bullying ng kabataang LGBT ay nagiging importanteng unang hakbang,” sabi ni Thoreson. “Ngayon ang mga mambabatas at administrador ng paaralan ay dapat kumilos upang ang mga proteksiyong ito ay mangyaring maging makabuluhan at nagtataguyod ng respeto sa kabataang LGBT sa kabuuan ng sistemang ng edukasyon sa Pilipinas.”

Hinango mula sa: https://www.hrw.org/tl/news/2017/06/22/304808

8

Mga Pamprosesong Tanong

1. Bakit nakakaranas ng diskriminasyon ang mga estudyante sa mga

paaralan? 2. Ano-anong uri ng karahasan ang madalas nararanasan ng mga

estudyante? 3. Paano ito tinutugunan ng pamahalaan?

Suriin

Basahin at matuto.

Ayon sa inilabas na ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang

biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin. Ayon pa sa ulat, ang

ganitong uri ng karahasan sa mga lalaki ay hindi madaling makita o kilalanin. Ang ganitong uri ng karahasan ay may iba’t ibang uri; emosyonal, seksuwal, pisikal, at

banta ng pang-aabuso. Tandaan din na ito ay maaaring maganap sa heterosexual at homosexual na relasyon. Ngayon, iyong tunghayan ang mga palatandaan ng

ganitong uri ng karahasan.

Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:

tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo at sa ibang tao,

iniinsulto ka; pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;

pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan; sinusubukan

kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;

nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko; nagagalit kung umiinom ng alak o gumagamit ng droga;

pinagbabantaan ka na sasaktan; sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga

alagang hayop; pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban at

sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa

iyo ang ginagawa niya sa iyo.

Ito naman ay para sa mga bakla, bisexual at transgender:

Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga

kakilala ang iyong oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian

Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bi-sexual

at transgender

Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente

9

Maari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang ganitong

pangyayari:

pinagbabantaan ka ng karahasan.

sinasaktan ka na (emosyonal o pisikial)

humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng suhol.

Paulit-ulit ang ganiong pangyayari.

Kadalasang mas dumadalas ang pananakit at karahasan at mas tumitindi

sa paglipas ng panahon.

Ayon naman sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) at ng United States Agency for International Development

(USAID) na may titulong “Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report”, ang mga LGBT ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong

medikal, pabahay at maging sa edukasyon. Sa ibang pagkakataon din, may mga

panggagahasa laban sa mga lesbian. At ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT kahit na patuloy ang panawagan sa pagkakapantay- pantay at kalayaan sa lahat

ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Transgender Europe noong 2012 may 1,083 LGBT ang biktima ng pagpatay mula 2008- 2012.

Noong 2011, ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ulat

tungkol sa mga ebidensya at kaso ng mga diskriminasiyon at karahasan laban sa

mga LGBT. Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad na ang same- sex relations at marriages ay maaaring

parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.

Pagyamanin

Gawain 3. MAY TAMA KA!

Isulat ang T kung tama ang pahayag at M naman kung mali.

_______1. Ang mga babae lamang ang nakararanas ng karahasan. _______2. Ang homosekswalidad ay hindi isang mental disorder. _______3. Ang gender-based violence ay may epekto sa personal na aspekto sa mga

nakararanas at sa ekonomiya ng bansa.

_______4. Ang karahasan ay resulta ng kahinaan ng biktima. _______5. Ang karahasan sa kalalakihan at LGBT ay maaaring maiwasan.

_______6. Ang karahasan ay may iba’t ibang mukha o paraan.

_______7. Hindi lamang sa loob ng tahanan nakararanas ng karahasan ang mga LGBT.

_______8. Kapag mataas ang antas ng gender equality sa isang bansa, mas mababa ang karahasang may kinalaman sa kasarian dito.

_______9. Ang pagbibitiw ng mga sexist jokes ay maaaring magtaguyod ng karahasan.

_______10. Ang diskriminasyon sa isang lipunan ay hindi nakaka-apekto sa kung

gaano kalala o kadalas nagaganap ang mga karahasan.

10

Gawain 4. STOP IT!

Tukuyin ang ilang mga karahasang nararansan ng kalalakihan at LGBT at

isulat sa unang hanay. Magbigay naman ng mga paraan na sa palagay mo ay

mahalaga upang ang mga karahasang ito ay mapigilan at isulat sa ikalawang

hanay.

KARAHASAN PAANO MAPIPIGILAN

Mga Pamprosesong Tanong

1. Ang mga karanasan ba na iyong naisulat ay karaniwang mong natutunghayan sa iyong kapaligiran?

2. Paano ka makakatulong upang ito ay mabawasan o mawakasan?

Isaisip

Gawain 5. PAG-ISIPAN MO

Mula sa mga paksang tinalakay hinggil sa isyung may kinalaman sa

kasarian, ano ang iyong napagtanto?

ANG AKING REPLEKSIYON

11

Tayahin

Gawain 6. PANGHULING PAGTATAYA

Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong

kasama simula pa noong kayo ay mga bata pa at para na kayong magkapatid.

Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong gagawin?

A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.

B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual. C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.

D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin ang aming pagkakaibigan.

2. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng

karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na domestic violence,

maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang sumusunod ay palatandaan ng

ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.

A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.

B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.

C. Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang

ang ginagawa niya sa iyo.

D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o

alagang hayop.

3. Alin sa mga sumusunod ang isa sa pinakamahalagang bagay na kailangan

nating gawin upang legal na maprotektahan ang LGBT mula sa diskriminasyon at

karahasan?

A. Hikayatin ang mas marami pang kumpanya na linangin ang kanilang

mga anti-discrimination policies

B. Mag-update ng mga batas laban sa diskriminasyon upang maisama ang

LGBT dito

C. Kumuha ng mas marami pang kilalang personalidad upang magsalita

laban sa diskriminasyon

D. Makipag-talakayan sa mga kaibigan at kapamilya tungkol sa usaping ng

karahasan at diskriminasyon

4. Alin sa mga sumusunod ang pinaka-angkop kung ang usapin ay tungkol sa

suporta ng sektor ng negosyo sa pagbibigay proteksiyon sa mga LGBT laban sa

diskriminasyon?

A. Naghihintay ang mga negosyo sa pamahalaan na gumawa ng mas

mapagpasyang kilos ukol sa usaping ito.

B. Madalas, hindi nagsasalita ang mga nasa sektor ng negosyo tungkol dito

dahil sa paniniwalang ito ay isang napaka-kontrobersiyal na usapin

C. Maraming mga negosyo ang ang nangunguna sa paglaban sa karahasan

at diskriminasyon sa LGBT

D. Wala sa mga nabanggit

12

5. Alin sa mga sumusunod ang maaaring makatulong sa pagpapababa ng antas ng

karahasan na may kinalaman sa kasarian?

A. Social norms na nagsusulong ng gender equality

B. Pagsulong ng edukasyon

C. Paghikayat sa mga kalalakihan na maging change agents

D. Lahat ng nasa nabanggit

6. Alin sa mga sumusunod ang salik ng pagdudulot ng isang tao ng karahasan sa

kaniyang kapwa?

A. Edad

B. Estado sa buhay

C. Kultura

D. Iba’t ibang paniniwala ukol sa gender roles

7. Ang pisikal na pananakit o karahasan ay karaniwang nagaganap sa pagitan ng

_________.

A. Lalaki sa kapwa lalaki

B. Lalaki sa kababaihan

C. Babae sa lalaki

D. Babae sa kapwa babae

8. Ang pamilya ng biktima ay naka-alalay sa kaniya sa lahat nga pagkakataon

laban sa taong nagdulot nga karahasan.

A. Tama

B. Mali

C. Marahil

D. Depende sa sitwasyon

9. Paano maipapakita ang respeto sa gender variance o pagkakaiba-iba ng kasarian

sa trabaho man o paaralan?

A. Tawagin ang kaibigan sa pangalang hindi niya nais

B. Iwasan ang pagpilit ng iyong sariling paniniwala ukol sa kasarian sa iba

C. Murahin ang kakilalang nagpapahayag ng kaniyang tunay na

sekswalidad

D. Iwasan ang pagsama sa grupo ng mga LGBT

10. Paano mo mapapansin na ikaw ay inaabuso na?

A. Pinaglalaba ka ng damit

B. Tinataasan ng boses

C. Pinagbabantaan ka ng karahasan

D. Umaalis ng bahay nang walang paalam

13

Karagdagang Gawain

Gawain 7. PAGLALAPAT

Ang gawaing ito ay pagtatala ng mga paraan upang maisabuhay mo

ang mahahalagang aral na natutunan mo sa araling ito. Ang chart ay

binubuo ng tatlong hanay. Isulat sa hanay A ang puno o malaking paksa,

isulat naman sa hanay B ang dalawang mahahalagang aral na natutunan

mo sa paksang napili mo, at sa hanay C isulat ang tatlong sitwasyon kung

saan maaari mong gamitin ang mahahalagang aral na natutunan mo sa

pang-araw-araw na buhay.

HANAY A

PAKSA

HANAY B

MAHAHALAGANG BAGAY NA NATUTUNAN

HANAY C

SITWASYON SA BUHAY NA MAAARING MAGAMIT

ANG NATUTUNAN

14

Susi sa Pagwawasto

Balikan Pagyamanin Tayahin

1. D 6. D

2. D 7. A 3. B 8. B

4. C 9. B 5. D 10. C

1. B 6. D

2. A 7. D 3. B 8. A

4. B 9. A 5. C 10. B

1. M 6. T 2. M 7. T

3. T 8. T 4. M 9. T

5. T 10. M

15

Sanggunian:

Araling Panlipunan 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan.

Learner’s Module

Araling Panlipunan 10 Mga Kontemporaryong Isyu at Hamong Panlipunan.

Teacher’s Guide

Pilipinas: Mga Estudyanteng LGBT Nakararanas ng Bullying, Abuso https://www.hrw.org/tl/news/2017/06/22/304808

1

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...