Filipino7_Q3_M4.pdf - ZNNHS

16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula FILIPINO Ikatatlong Markahan- Modyul 4: SANAYSAY Zest for Progress Zeal of Partnership 7 Pangalan: _____________________________________ Baitang/Seksyon:_______________________________ Paaralan: _____________________________________

Transcript of Filipino7_Q3_M4.pdf - ZNNHS

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

FILIPINO Ikatatlong Markahan- Modyul 4:

SANAYSAY

Zest for Progress

Zeal of Partnership

7

Pangalan: _____________________________________

Baitang/Seksyon:_______________________________

Paaralan: _____________________________________

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Rizalyn B. Mayormita

Editor: Lindo O. Adasa, Jr.

Philip D. Caermare

Shayne Everette U. Eldian

Tagasuri: Ruben D. Escudero, Jr.

July G. Saguin

Maricel B. Jarapan

Tagaguhit: Edgardo Jamilar, Jr.

Tagalapat: Peter Alavanza

Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, CESO V

Oliver B. Talaoc, Ed.D.

Ella Grace M. Tagupa, Ed.D.

Jephone P. Yorong, Ed.D.

Lindo O. Adasa, Jr.

ALAMIN

Pagkatapos mong isagawa ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

➢ nakapagbubuod ng tekstong binasa sa tulong ng pangunahin at

pantulong na kaisipan. (F7PB-IIIf-g-17)

BALIKAN

Panuto: Unawaing mabuti ang bawat teksto. Isulat ang pangunahin at pantulong na kaisipan sa nakalaang espasyo sa ibaba.

(5 puntos bawat bilang)

1. Isang mabait at huwarang bata si John. Magalang siyang makipag-usap

sa mga tao kahit hindi niya ito kakilala. Sinusunod lagi ang mga payo ng

kanyang mga magulang, guro at maging ang mga nakakatanda sa kanya.

Tumutulong siya sa mga gawaing-bahay, gayundin sa paaralan.

Pangunahing kaisipan:____________________________________________________

___________________________________________________________________________

Pantulong na kaisipan: ___________________________________________________

__________________________________________________________________________

2. Hindi maikakaila na marami pa rin sa mga Pilipino ang nagnanais

pumuti ang balat at tumangos ang ilong. Nagsisikap na mapabuti ang

pagsasalita sa wikang Ingles dahil gustong matawag na sosyal.

Ipinagpaparangalan sa mga kaibigan ang damit at sapatos na imported.

Tunay na suliraning panlipunan pa rin ang pagkakaroon ng diwang-alipin

ng mga Pilipino. Nagpatuloy pa rin ang pag-idolo sa mga kanluraning

kultura tulad ng awitin, sayaw, pagkain, at pananaw. Maging ang iba pang

sistemang umiiral sa bansa ay mula sa mga dayuhan.

Pangunahing kaisipan: ___________________________________________________

__________________________________________________________________________

Pantulong na kaisipan: __________________________________________________

__________________________________________________________________________

Nakuha ba ninyo? Hayaan ninyo kung hindi kayo sigurado sa inyong

mga kasagutan. Malalaman ninyo kung ano ang tamang sagot sa

pagpapatuloy ng inyong pag-aaral.

______

10

TUKLASIN

1. Kilala mo ba si Paolo Rivera? Siya ang captain ball ng larong

basketball sa paaralan. Ang husay niyang maglaro. Bukod pa niyan, siya ay palakaibigan. Hindi siya suplado at madaling lapitan kaya marami siyang tagahanga. Maging ang kanyang mga guro ay

natutuwa sa kanya. Hindi siya pabaya sa pag-aaral. Iyan si Paolo Rivera, ang estudyanteng dapat igalang at hangaan.

-Mula sa Kayumanggi pahina 16 (Unang Markahan)

a. Sino ang pinag-uusapan sa talata? _______________________________________________________________

_____________________________________________________________________

b. Paano mo ilarawan si Paolo Rivera bilang isang estudyante at

bilang isang manlalaro? _______________________________________________________________

_____________________________________________________________________ c. Ibigay ang pangunahing kaisipan sa talata.

___________________________________________________________________________________________________________________________________

d. Ano-ano naman ang mga pantulong na kaisipan?

____________________________________________________________________________________________________________________________________

Aralin

4

PANGUNAHIN AT PANTULONG NA

KAISIPAN

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang talata. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba.

_____

10

SURIIN

ANG NINGNING AT ANG LIWANAG

(Emilio Jacinto)

Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin. Ang liwanag

ay kinakailangan ng mata upang mapagwari ang buong katunayan ng mga

bagay-bagay.

Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay

nagniningning; ngunit sumusugat sa kamay ng nagaganyak na dumampot.

Ang ningning ay madaya.

Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. Sa

katunayan ng masamang nakaugalian. Nagdaan ang isang karwaheng

maningning na hinihila ng kabayong matulin. Tayo’y nagpupugay at ang

isasaloob ay mahal na tao ang nakalulan. Datapwa’y marahil naman ay

isang magnanakaw; marahil sa ilalim ng kanyang ipinatatanghal na

kamahalan at mga hiyas na tinataglay ay natatago ang isang pusong

sukaban.

Nagdaraan ang isang maralita na nahihirapan sa pinapasan. Tayo’y

mapapangiti at isasaloob. Saan kaya ninakaw? Datapwa’y maliwanag nating

nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan na siya’y

nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay.

Ay! Sa ating pang-uga-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa

ningning at pagtaksil sa liwanag.

Ito na nga ang dahilan kung kaya ang mga loob na inaakay ng

kapalaran at ng kasakiman ay nagpupumilit na lumitaw na maningning,

lalong-lalo na nga ang mga hari at mga pinuno na pinagkatiwalaan ng sa

ikagiginhawa ng kanilang mga kampon, at walang iba kundi ang mamalagi

sa kapangyarihan sukdang ikainis at ikamatay ng bayan na nagbigay sa

kanila ng kapangyarihan.

Tayo’y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na

ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga ugat ay magbalatkayo ng

maningning.

Ay! Kung ang ating dinudulugan at hinahainan ng puspos na galang

ay ang maliwanag at magandang-asal at matapat na loob, ang kahit sino ay

walang mapagningning pagkat di natin pahahalagahan, at ang mga isip at

akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng

katwiran.

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang teksto upang makuha at masagot ninyo ng tama susunod na gawain.

Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning

upang huwag mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang

kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad,

mahinhin, at maliwanag na napatatanaw sa paningin.

Mapalad ang araw ng liwanag!

Ay! Ang anak ng bayan, ang kapatid ko, ay matutoto kayang kumuha

ng halimbawa at lakas sa pinagdaanang mga hirap at binatang mga

kaapihan?

Alam mo ba na…?

Pangunahing kaisipan- ang mensaheng napapaloob sa larawan o sa isang

sanaysay. Sinasabi nito kung ano ang ibig sabihin ng kabuuang larawan, ng

mga pangungusap, o ng teksto. May pagkakataong hindi lantad sa talata

ang pangunahing kaisipan. Ito ay kadalasang makikita sa unang

pangungusap at huling pangungusap (konklusyon) ng isang akda o teksto.

Upang madaling matukoy ang pangunahing ideya o kaisipan ng isang

teksto, narito ang mga katanungang dapat tandaan:

1. Ano ang paksa o pinag-uusapan?

2. Ano ang nais ipaunawa ng sumulat tungkol sa paksa?

Pantulong na kaisipan o pansuportang detalye- nagtataglay ng

mahahalagang impormasyon, kaisipan o mga detalye o mga susing

pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap. Ito ay

nagbibigay-linaw sa pangunahing ideya o kaisipan upang lubos itong

maunawaan ng mga mambabasa. Nagtataglay din ito ng mahahalagang

impormasyon na tumutulong upang lubusang maunawaan ang

pangunahing ideya o kaisipan ng isang teksto tulad ng petsa, pangalan,

lugar, paglalarawan, datos at iba pang mahahalagang impormasyon na

nagbibigay suporta sa pangunahing ideya.

Mahalagang kilalanin ang mga detalyeng nagbibigay-suporta sa

pangunahing kaisipan dahil:

1. Ito ang susi sa lubusang pag-unawa ng pangunahing kaisipan.

2. Nakatutulong ang mga ito upang madaling matandaan ang

mahahalagang impormasyon sa isang teksto.

3. Upang maunawaan ang pagkakabuo ng isang teksto.

Sa araling ito, malalaman mo kung paano kilalanin ang pangunahin

at pantulong na kaisipan sa isang teksto upang maging isang mahusay at

epektibong mambabasa.

PAGYAMANIN

1. Batay sa nabasang sanaysay, ano ang pagkakaiba ng “ningning” at

“liwanag”? (2 puntos)

Sagot: ______________________________________________________________

___________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________.

2. Sa iyong palagay, bakit maraming tao ang labis na nagpapahalaga sa

ningning o kinang ng kapangyarihan at kasikatan? (3 puntos)

Sagot: ______________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

3. Paano ba nakapandaraya ang kinang ng isang bagay? Ipaliwanag.

(5 puntos)

Sagot: ______________________________________________________________

___________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

4. Sa kasalukuyan, alin ang higit na nangingibabaw, ang ningning o ang

liwanag? Patunayan ang iyong sagot. (5 puntos)

Sagot: ______________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

PANUTO: Sagutin ang sumusund na tanong.

_____

15

GAWAIN

A. CYCLICAL THINKING MAP: Ibuod ang sanaysay na “Ang Ningning at ang Liwanag” sa

pamamagitan ng mapang nasa ibaba. (15 puntos)

PANGUNAHING KAISIPAN

(Kaibahan ng Ningning at

Liwanag)

1.

2.

3.

PAG-UUGNAY NG ARAL NA

NAKUHA SA SARILING

KARANASAN

1.

2.

3.

MGA PANTULONG NA KAISIPAN

1.

2.

3

MGA PANTULONG NA KAISIPAN

Kahalagahan ng paghahanap ng

liwanag.

1.

2.

3.

Buod ng Ang

Ningning at ang

Liwanag

______

20

B. LARAWAN-SURI

Suriin ang mga larawan sa ibaba. Ang mga ito ay nagpapakita ng iba’t

ibang kaugalian ng tao sa lipunan. Isulat ang pangunahin at mga pantulong

na kaisipan sa nakalaang espasyo para dito. (5 puntos bawat bilang)

1.

Pangunahing kaisipan: ___________________________________________________

__________________________________________________________________________

Pantulong na kaisipan: ___________________________________________________

___________________________________________________________________________

2.

Pangunahing kaisipan: ___________________________________________________

___________________________________________________________________________

Pantulong na kaisipan: ___________________________________________________

___________________________________________________________________________

ISAISIP

PANUTO: Punan ng tamang sagot ang patlang upang mabuo ang kaisipan.

Hanapin ang mga kasagutan sa loob ng kahon.

Natutuhan ko sa modyul na ito na ang pangunahing kaisipan ay

mensaheng nakapaloob sa larawan o sa isang (1)_______________. Sinasabi

nito kung ano ang ibig sabihin ng kabuuang (2)_______________, ng mga

(3)_______________, o ng (4) _______________. May pagkakataong hindi lantad

sa talata ang (5) ________________. Ito ay kadalasang makikita sa unang

pangungusap at (6) _______________ ng isang akda o teksto.

Ang (7) _______________ o pansuportang detalye ay nagtataglay ng

mahalagang impormasyon, kaisipan o mga detalye o mga susing

pangungusap na may kaugnayan sa (8) _______________. Ito ay nagbibigay-

linaw pangunahing ideya o kaispan upang lubos itong maunawaan ng mga

(9) _______________. Nagtataglay din ito ng mahahalagang impormasyon na

tumutulong upang lubusang maunawaan ang pangunahing ideya o

(10)_______________ ng isang teksto tulad ng petsa, pangalan, lugar,

paglalarawan, datos at iba pang mahahalagang impormasyon na nagbibigay

suporta sa pangunahing ideya.

_____

10

kaisipan sanaysay pangungusap ideya teksto

pantulong na kaisipan huling pangungusap

pangunahing kaisipan larawan

paksang pangungusap mambabasa

TAYAHIN

1. Ano ang pangunahing kaisipan sa teksto

A. Maituturing na “herb” ang puno ng saging.

B. Isa sa masustansiyang prutas ang saging dahil malaki ang

naitutulong nito sa ating katawan.

C. Ang saging ay hindi prutas kundi isang “berry.”

D. Malaki ang naitutulong ng saging sa ating katawan.

2. Ito ay mensaheng napapaloob sa larawan o sa isang sanaysay. Sinasabi

nito kung ano ang ibig sabihin ng kabuuang larawan, ng mga pangungusap,

o ng teksto.

A. Pangunahing kaisipan C. Pamagat

B. Pantulong na kaisipan D. A at B

3. Batay sa teksto sa loob ng kahon, alin ang pangunahing kaisipan?

A. Ito ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin.

B. Pagtakwil sa liwanag.

C.Sa ating pag-uugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa

ningning.

D. Ang ningning ay madaya dahil ito’y nakasisilaw at nakasisira sa

paningin.

4. Nagtataglay ng mahahalagang impormasyon, kaisipan o mga detalye o

mga susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap.

A. Pangunahing kaisipan C. Pamagat

B. Pantulong na kaisipan D. A at B

5. Bakit mahalagang kilalanin ang mga detalyeng nagbibigay-suporta sa

pangunahing kaisipan?

Isa sa pinakamasustansiyang prutas ang saging dahil malaki ang

naitutulong nito sa ating kalusugan. Ayon sa karamihan, ang saging

ay hindi prutas kundi isang “berry.” Maituturing na “herb” ang puno

nito. Nagtataglay rin ng sustansiyang tumutulong sa pagpapabilis ng

pagbuo ng mga nasirang “tissue” sa ating katawan ang saging.

Ang ningning ay madaya. Ito ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin.

Sa ating pag-uugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at

pagtakwil sa liwanag.

PANUTO: A. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

_____

10

A. Dahil ito ang susi sa lubusang pag-unawa ng pangunahing

kaisipan.

B. Dahil nakatutulong ang mga ito upang madaling matandaan ang

mahahalagang impormasyon sa isang teksto.

C. Upang maunawaan ang pagkakabuo ng isang teksto.

D. A, B, at C

B. Suriin ang teksto sa loob ng kahon. Isulat ang pangunahin at pantulong

na kaisipan sa nakalaang kahon sa ibaba. (5 puntos)

Pangunahing kaisipan:

Pantulong na kaisipan:

(1)Ang edukasyon ay mahalagang instrumento para magtagumpay ang

isang tao. (2) Ito ay nagpapalaya sa tao sa kamangmangan. (3)

Nagkakaroon siya ng sapat na tiwala sa sarili na nakatutulong sa

pagharap sa iba’t ibang sitwasyon sa buhay. (4) Nagagawa niyang

paunlarin ang sariling kakayahan. (5) Nagkakaroon siya ng ganap na

kamalayan sa kanyang kapaligiran. (6) Natututong lumikha ang tao ng

mga bagay na makabubuti sa kaniya, sa bansa at sa mundo.

KARAGDAGANG GAWAIN

Sumulat ng maikling sanaysay tungkol sa COVID-19. Kailangan

mayroong pangunahin at pantulong na kaisipan upang maintindihan ito ng

mga mambabasa. Gawan din ninyo ng pamagat ang inyong bubuuing

sanaysay. Bilugan ang pangunahing kaisipan at salungguhitan ang mga

pantulong na kaisipan. (15 puntos)

RUBRIK SA PAGSULAT NG SANAYSAY

Pamantayan 5 4 3

Organisasyon

Maayos at malinaw ang

organisasyon ng mga

ideya.

Hindi masyadong

malinaw ang

organisasyon ng mga

ideya.

Lumihis sa

ipinapagawa o sa

dapat ipapahayag na

mensahe ng gawain.

Gramatika at

Pagbaybay

Walang mali sa

pagbaybay at gramatika.

May 1-5 mali sa

pagbaybay at

gramatika.

May 6 o higit pang

mali sa pagbaybay at

gramatika.

Kalinisan

Malinis ang awtput;

walang makikitang bura

at nasusunod ang

tamang anyo ng

pagsulat ng sanaysay,

gaya ng wastong palugit

at pasok.

Kakikitaan ng 1-5

pagbura ng mga salita

at hindi nasunod ang

tamang anyo ng

pagsulat ng sanaysay,

gaya ng wastong

palugit at pasok.

Kakikitaan ng 6 o

higit pang pagbura

ng mga salita at

hindi nasunod ang

tamang anyo ng

pagsulat ng

sanaysay, gaya ng

wastong palugit at

pasok.

SUSI SA PAGWAWASTO

TAYAHIN:

A. 1. B

2. A

3. D

4. B

5. D

B.

Pangunahing kaisipan (1)

Pantulong na kaisipan

(2,3,4,5,6)

TUKLASIN:

1. a & c) Paolo Rivera na

isang captain ball ng larong

basketball sa paaralan.

b & d) Siya ang captain

ball ng larong basketball sa

paaralan. Ang husay niyang

maglaro. Bukod pa niyan,

siya ay palakaibigan. Hindi

siya suplado at madaling

lapitan kaya marami siyang

tagahanga. Maging ang

kanyang mga guro ay

natutuwa sa kanya. Hindi

siya pabaya sa pag-aaral.

Iyan si Paolo Rivera, ang

estudyanteng dapat igalang

at hangaan.

)

BALIKAN:

PANGUNAHING

KAISIPAN:

1. Isang mabait at

huwarang bata si John.

2. Mga Pilipinong

nagnanais pumuti at

tumangos ang ilong.

PANTULONG NA

KAISIPAN:

1. Magalang siyang

makipag-usap sa mga tao

kahit hindi niya ito

kakilala. Sinusunod lagi

ang mga payo ng

kanyang mga magulang,

guro at maging ang mga

nakakatanda sa kanya.

Tumutulong siya sa mga

gawaing-bahay, gayundin

sa paaralan.

2. Nagsisikap na

mapabuti ang pagsasalita

sa wikang Ingles dahil

gustong matawag na

sosyal.

Ipinagpaparangalan sa

mga kaibigan ang damit

at sapatos na imported.

Tunay na suliraning

panlipunan pa rin ang

pagkakaroon ng diwang-

alipin ng mga Pilipino.

Nagpatuloy pa rin ang

pag-idolo sa mga

kanluraning kultura

tulad ng awitin, sayaw,

pagkain, at pananaw.

Maging ang iba pang

sistemang umiiral sa

bansa ay mula sa mga

dayuhan.

PAGYAMANIN:

1.Ningning ay nakasisilaw at

nakasisira sa paningin,

samantalang ang liwanag ay

kinakailangan ng mata upang

mapagwari ang buong

katunayan ng isang bagay.

2. Maraming tao ang labis na

nagpapahalaga sa ningning o

kinang ng kapangyarihan at

kasikatan dahil gusto nilang

sila’y titingalain at

sasambahin ng lahat. Malaya

na silang gawin ang gusto

nila dahil akala nila nasa

itaas na sila ng lahat.

3. Nakapandaraya ang

kinang ng isang bagay dahil

kailangan pa nating kilatisin

ng maayos kung talagang

tunay at totoo ang isang

bagay. Hal. Sa isang tao, pilit

na ipinapakita ang kabutihan

ng pag-uugali pero sa likod

nito ay unti-unting lumalabas

ang totoong ugali.

ISAISIP:

1. sanaysay

2. larawan

3. pangungusap

4. teksto

5. pangunahing kaisipan

6. huling pangungusap

7. pantulong na kaisipan

8. paksang pangungusap

9. mambabasa

10. kaisipan

Sanggunian:

Pinagyamang Pluma 7 Unang Edisyon Pahina 340-341

Awtor Koordineytor: Alma M. Dayag et al

Modyul sa Filipino Baitang 8 Pahina 147-151

Mga may akda: Abdon M. Balde Jr. et al

GAWAIN: (Posibleng kasagutan)

A. CYCLICAL THINKING MAP

-Pangunahing Kaiipan-(kaibahan ng ningning at liwanag)

1. Ang ningning ay nakasisilaw at nakasisira sa paningin.

2. Ang liwanag ay kinakailangan ng mata upang mapagwari ang buong katunayan ng mga bagay-bagay.

3. Ang ningning ay madaya, ang liwanag ay may pag-ibig na dalisay at maliwanag na napatatanaw sa

paningin.

-Mga Pantulong na kaisipan-

1. Sa ating pang-uga-ugali ay lubhang nangapit ang pagsamba sa ningning at pagtaksil sa liwanag.

2. Tayo’y mapagsampalataya sa ningning; huwag nating pagtakhan na ang ibig mabuhay sa dugo ng ating mga

ugat ay magbalatkayo ng maningning.

3. Ang kaliluhan at ang katampalasanan ay humahanap ng ningning upang huwag mapagmalas ng mga

matang tumatanghal ang kanilang kapangitan; ngunit ang kagalingan at ang pag-ibig na dalisay ay hubad,

mahinhin, at maliwanag na napatatanaw sa paningin.

-Mga Pantulong na kaisipan- (Kahalagahan ng paghahanap ng liwanag)

1. Ating hanapin ang liwanag, tayo’y huwag mabighani sa ningning. Sa katunayan ng masamang nakaugalian.

2. Nagdaraan ang isang maralita na nahihirapan sa pinapasan. Tayo’y mapapangiti at isasaloob. Saan kaya

ninakaw? Datapwa’y maliwanag nating nakikita sa pawis ng kanyang noo at sa hapo ng kanyang katawan na

siya’y nabubuhay sa sipag at kapagalang tunay. 3. Kung ang ating dinudulugan at hinahainan ng puspos na galang ay ang maliwanag at magandang-asal at

matapat na loob, ang kahit sino ay walang mapagningning pagkat di natin pahahalagahan, at ang mga isip at

akalang ano pa man ay hindi hihiwalay sa maliwanag na banal na landas ng katwiran.

-Pag-uugnay ng aral na nakuha sa sanaysay sa sariling karanasan-

1.

2.

3.

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belongs to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.