Anekdota mula sa Persia - ZNNHS

16
FF Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Filipino Ikatlong Markahan- Modyul 2: Anekdota mula sa Persia Zest for Progress Zeal of Partnership 10 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Transcript of Anekdota mula sa Persia - ZNNHS

FFRepublic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Filipino Ikatlong Markahan- Modyul 2:

Anekdota mula sa Persia

Zest for Progress

Zeal of Partnership

10

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Divina Gracia C. Ferraren J.D.

Editor: Lindo O. Adasa, Jr.

Tagasuri: July G. Saguin

Maricel B. Jarapan

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan : Fel Nikko A. Ferraren

Tagalapat: Peter Alavanza

Tagapamahala: Felix Romy A. Triambulo, CESO VI

Oliver B. Talaoc, Ed. D.

Ella Grace M. Tagupa, Ed .D.

Lindo O. Adasa Jr.

Jephone P. Yorong , Ed.D.

Alamin

Sa modyul na ito ay pag-aralan mo ang tungkol sa anekdota ng Persia

o mas kilala bilang bansang Iran. Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito ang mga mag-aaral ay inaasahang maipamalas ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at pag-unawa:

Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang anekdota. (F10PN-IIIb-77)

Nasusuri ang binasang anekdota batay sa: paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat at iba pa. (F10PB-IIIb-81)

Nabibigyang kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi. (F10PT-IIIb-77)

Naibibigay ang sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood sa youtube. (F10PD-IIIb-75)

Naisusulat ang isang orihinal na komik strip batay sa isang anekdota. (F10PU-IIIb-79)

Balikan

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1.) Ano ang tawag sa paglilipat ng pinakamalapit na katumbas na diwa at

estilong nasa wikang isasalin? a. panlapi c. pagpapakahulugan b. gramatika d. pagsasaling-wika

2.) Piliin ang pinakamalapit na salin sa kasabihang nasa kahon.

“A negative mind will never give you a positive life”

a. Ang isip na negatibo ay hindi magbibigay ng buhay na positibo b. Ang kaisipang negatibo ay hindi ka mabibigyan ng positibong buhay c. Ang negatibong pag-iisip ay hindi maghahatid ng magandang

pamumuhay d. Ang pag-iisip ng negatibo ay hindi magbibigay ng positibong buhay

3.) Sa pagsasaling wika ang isinasalin ay ang _____ ng talata at hindi ang bawat salita na bumubuo rito. a. isip c. diwa b. paksa d. buod

4.) Alin sa mga sumusunod ang HINDI nagiging kamalian o kahinaan sa pagsasalin? a. Nagbabago ang diwa ng orihinal

b. Madaling maunawaan ang kahulugan c. Maling pili ng terminolohiya d. Maling anyo ng gramatika

5.) Lahat ay katangiang dapat taglayin ng isang tagapagsalin maliban sa isa. Alin ito?

a. Sapat na kaalaman sa dalawang wikang kasangkot b. Sapat na kaalaman sa gramatika ng dalawang wika

c. Sapat na kaalaman sa kultura ng dalawang bansa d. Sapat na kaalaman sa paksang isasalin.

Tuklasin

Panuto: Basahin mo ang isang akda at iyong suriin.

Akasya o Kalabasa

Consolation P. Conde Hindi maikakaila na kung Malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao na pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-

aaral at pagpapakasakit. Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad din nga sa paghahalaman. Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila.

Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod…

Aralin 1

Anekdota mula sa Persia (Iran)

Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na pag-aaralin sa Maynila. Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag-

ama. Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang nagsisipagprisinta. Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan ng Punong-guro ay kinawit sa bisig si Iloy.

“Halika at makikipag-usap muna ako sa punung-guro.” “Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating galang ng mag-ama. “Magandang umaga po naman,” tugon ng punong-guro na agad namang nagtindig sa pagkakaupo at nag-alok ng upuan.” Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?”

“E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.” “A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punong-guro. “Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong nakaraang Marso,” paliwanang ni Mang Simon.

“Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?” “Ngunit…ibig ko po sanang malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos agad, maaari po ba?”

“Aba, opo,” maagap na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.”

Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro. Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama. At…umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis-tambis sa sarili:”A, Mabuti na nga ang

kunin niyang buo ang kurso sa haiskul at saka na siya kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.”

- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970

Gabay na Tanong: (2 puntos)

1. Ibigay ang katangian ng akda?

_____________________________________________________________________ __________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Paano naiiba ang akda sa iba pang kauri nito? __________________________________________________________________________________________________________________________________________

_____________________________________________________________________

Suriin

Binabati kita sa iyong pagsagot sa bahaging tuklasin. Iyong alamin

kung paano naiba ang anekdotang ng Persia sa iba pang kauri nito.

Mullah Nassreddin

Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na dating mga Persiano noong sila ay mga

bata pa. Libo-libong kuwento na katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon.

Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya,”Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,” at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao. Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang

tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah Nassreddin “ Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang

umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling

nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.

- Mula sa http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/first-iranian-mullah-who-was-master-anecdotes.html

Ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang

kung ang karanasan o ang pangyayari ay makatotohanan.

Gawain 1

Panuto: Bigyang kahulugan ang mga salitang nakasulat ng pahilig batay sa ginamit na panlapi. Piliin sa loob ng kahon at isulat lamang ang titik ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

a. lumisan b. nalito c. napahiya d. sayangin e. naimbitahan

_____ 1. Ang mga taong nakikinig sa kaniya ay nagulumihanan. _____ 2. Ang sermon na ginawa ni Mullah ay dapat pag-aralan at huwag itong

aksayahin. _____ 3. Nangingimi ang mga nakikinig sa kaniyang homiliya. _____ 4. Muli na naman siyang inanyayahan sa simbahan.

_____ 5. Agad siyang umalis matapos makapagsalita sa harap ng mga tao.

Pagyamanin

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ilarawan si Mullah.

a. masayahin c. matalino

b. mapagbiro d. masungit

2. Anong pamamaraan ng pangunahing tauhan ang ginampanan upang

siya ay makilala bilang pinakamahusay sa larangan ng pagpapatawa?

a. Sa paraan ng kanyang pagpapatawa

b. Sa pagpapakita ng nakakatawang bagay

c. Sa pagsasayaw

d. Sa pag-awit

3. Ang sumusunod ay mga katangian ni Mullah. Alin ang HINDI?

a. matalino c.masayahin

b. mapagbiro d. tamad

4. Si Mullah ay kilala bilang pinakamahusay sa pagkukuwento ng

katatawanan sa kanilang bansa. Naimbitahan siya upang magbigay ng

isang ______ sa harap ng maraming tao.

a. payo c. palabas

b. talumpati d. panayam

5. Dahil sa kahusayan ni Mullah siya ay ipinagmalaki ng kanyang mga

kababayan sa bansang ______.

a. Europa c. Persia

b. Amerika d. Italya

Gawain 2

Panuto: Narito ang isang anekdota ni Saadi. Basahin ng mabuti at pagkatapos ay gawin ang kasunod na gawain.

Mula sa mga Anekdota ni Saadi

Persia (Iran) ni Idries Shah Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles

Mongheng Mohametano sa kaniyang pag-iisa. Isang araw, ang mongheng Mohametano ay nag-iisa at namamanata sa disyerto. Ang Sultan naman na namamaybay sa kaniyang ruta, sa kanyang nasasakupan ay matamang nagmamasid sa mga tao. Nakita niya na hindi nagtaas ng kanyang ulo ang Mongheng Mohametano

habang dumadaan siya. Nagalit ang Sultan at nagwika “Ang nakasuot ng balabal ay walang pakiramdam, tulad siya ng hayop, hindi siya nagtataglay ng paggalang at kababaang loob.”

Kung kaya’t ang vizier o ministro ay nagwika “Mongheng Mohametano! Ang Sultan ng buong mundo ay nagdaan sa iyong harapan. Bakit di mo siya binigyan ng kaukulang paggalang?” Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa

kaniyang magandang gawa. Sabihin mo sa kaniya, ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kanyang nasasakupan at hindi nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang Sultan.” -Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

Panuto: Kilalaning mabuti ang Mongheng Mohametano , punan ang Character Web sa ibaba.Piliin ang sagot mula sa kahon.

Matulungin Magalang Matalino

Pilosopo May Prinsipyo Madasalin

Mongheng

Mohametano

Isaisip

Panuto: Sumulat ng isang orihinal na komik strip batay sa isang anekdota na hindi bababa sa dalawang frame. Gawing gabay ang rubriks na

makikita sa ibabang bahagi. (20 puntos)

RUBRIKS PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS NAKUHANG

PUNTOS

Kaisipan ng

komiks

Buo ang kaisipan o diwa ng komiks

5

Medyo kulang ang kaisipan o diwa ng

komiks

4

Nakalilito ang kaisipan o diwa ng

komiks

3

Hindi buo ang kaisipan o diwa ng komiks

2

Gamit ng wika

Natutukoy ang

lahat ng tamang gamit sa usapan

ng komiks

5

May isa o dalawa ang mali sa pagtukoy sa gamit

ng wika

4

May maraming mali sa pagtukoy

sa gamit ng wika

3

Halos mali lahat ang ginawang pagtukoy sa gamit

ng wika

2

Guhit Napakahusay ang pagguhit. Ang komiks

ay kaakit-akit tingnan

5

Mahusay ang

pagguhit ng komiks

4

Hindi gaanong mahusay ang

pagguhit ng komiks

3

Hindi mahusay ang

pagguhit ng komiks maraming bura at dumi ang

gawa

2

Wika /Gramatika

Walang mali sa wika/gramatika,

baybay at mga bantas

5

May kaunting mali sa wika/gramatika

4 May maraming

mali sa wika /gramatika

3

Halos lahat ay may

mali sa wika/gramatika

2

KABUUAN 20

Tayahin

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1. Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang

nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan ng Punong-guro ay kinawit

sa bisig si Iloy. “Halika at makikipag-usap muna ako sa punong-guro.” Batay sa bahagi ng akda, saan ang tagpuan? a. Tanggapan ng punong-guro c. pintuan b. Paaralan d. silid-aralan

2. Paano mo ilarawan si Mullah bilang tauhan sa anekdotang iyong

nabasa? a. malungkutin c. pilosopo b. mapagbiro d. masayahin

3. Ano ang damdaming nahihinuha ng sumulat sa anekdotang “Mullah

Nassreddin?

a. nasisiyahan c. nagalit b. nalungkot d. nag-aalinlangan

Panuto: Mahalaga ang mga panlapi sa pagbuo ng salita. Nagbabago kasi

ang kahulugan ng mga salita batay lang sa panlaping ginamit sa mga ito. Suriin kung paano nagbago ang kahulugan ng mga salitang hango sa salitang-ugat na lamig.

4. Malamig sa Baguio kaya maraming turista ang naaakit magbakasyon

doon. a. Nagiging asal ng taong nagpakitang ayaw na sa isang relasyon b. Tumutukoy sa uri ng panahon o klimang nararanasan

c. Nararamdaman ng tao kapag malamig d. Ginagawa ng tao o hayop para guminhawa ang pakiramdam lalo

kapag mainit.

5. Hindi na madalas kasama ni Sally ang kanyang matalik na kaibigang nanlalamig na sa kanilang pagkakaibigan.

a. Nagiging asal ng taong nagpakitang ayaw na sa isang relasyon. b. Tumutukoy sa uri ng panahon o klimang nararanasan c. Nararamdaman ng tao kapag malamig d. Ginagawa ng tao o hayop para guminhawa ang pakiramdam lalo

kapag mainit.

Karagdagang Gawain

Panuto: Kung mayroong internet koneksyon sa bahay manood ng mga halimbawang anekdota sa youtube channel. Pagkatapos ay maglahad ng sariling opinyon tungkol sa anekdotang napanood. Gawing gabay

ang rubriks na makikita sa ibaba. (20 puntos)

Rubrik sa Paglalahad ng Opinyon sa Anekdotang Napanood

Pamantayan sa Pagmamarka 1 2 3 4 5

Nailalahad nang maayos ang talatang binuo.

Nagagamit ang mga salita nang maayos.

Maayos ang pagkakasunod-sunod ng mga detalye.

Malinaw na nailalahad kung ano ang nais ihatid para sa mga mambabasa.

Kabuuang Puntos

5 4 3 2 1

napakahusay mahusay katamtaman di-mahusay maraming kakulangan

______________________________________________________ __________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________

_ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________ __________________________________________________.

Susi sa Pagwawasto

Balikan Gawain 1 Gawain 2 1. D 1. B 1. matalino

2. C 2. D 2. pilosopo 3. C 3. C 3. May prinsipyo 4. B 4. E 4. madasalin

5. C 5. A

Pagyamanin Tayahin

1. B 1. A 2. A 2. D 3. D 3. A

4. B 4. B 5. C 5. A

Sanggunian: Ambat, Vilma, et. al. (2015). Filipino 10, Pantikang Pandaigdig ( Modyul para sa mga Mag-aaral). Vibal Group, Inc., pp. 253-262

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.