AP7_Q3_M6.pdf - ZNNHS

16
1 Ikatlong Markahan- Modyul 6: Bahaging ginampanan ng Nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa Imperyalismo Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________ Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula 7 Araling Panlipunan Zest for Progress Zeal of Partnership

Transcript of AP7_Q3_M6.pdf - ZNNHS

1

Ikatlong Markahan- Modyul 6: Bahaging ginampanan ng Nasyonalismo sa

pagbibigay wakas sa Imperyalismo

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

7

Araling Panlipunan

Zest for Progress

Zeal of Partnership

2

Alamin

Masaya bang isipin na ngayon ay maaari at malaya na nating nagagawa ng may

responsibilidad ang mga bagay na dapat nating gawin? Salamat sa kalayaang naibigay

sa atin ng ating mga lider na marubdob ang diwa ng nasyonalismo. Nabatid mo sa ating

nakaraang aralin ang naging karanasan at bahaging ginampanan ng mga kababaihan

tungo sa pagkakapantay-pantay, pagkakataong pang-ekonomiya at karapatang

pampolitika. Sa pagkakataon namang ito, ay pag-aaralan mo ang bahaging ginampanan

ng relihiyon at nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa imperyalismo sa Timog at

Kanlurang Asya.

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:

Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng nasyonalismo sa pagbibigay

wakas sa imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.

Napahahalagahan ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa iba’t ibang aspekto

ng pamumuhay.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Annie Rose V. Superales, Jesselie B. Acedillo,

April Grace V. Deliman, Zandro T. Acapulco

Editor: Zarah S. Hilot, Ariadne M. Sabellano

Tagasuri: Alma L. Carbonilla EdD, Ramel P Cael, EdD

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan:

Tagalapat:

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, EdD, CESO IV OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, EdD

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, EdD, CESE

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, EdD

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS - LRMDS

Alma L. Carbonilla, EdD

EPS – Araling Panlipunan

3

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag/katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ipinakita ng mga Hindu ang kanilang pagtutol sa pangunguna ni Mohandas Gandhi laban sa mga Ingles. Ano ang pamamaraang ito?

A. Passive Resistance C. Pagbabago ng Sistema ng pamamahala

B. Armadong pakikipaglaban D. Paglunsad ng mga partidong political

2. Anong pangyayaring pumukaw sa damdaming Nasyonalismo ng India? A. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko

B. Pagpapatupad ng Ingles ng Economic Embargo C. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi

D. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga Indian

3. Nag-asam ng kalayaan ang India. Ano ang paraang ginawa nito upang matupad

ang hangarin? A. Sa mga kanluranin ay nakipag-alyansa.

B. Ang Indian National Congress ay itinatag. C. Hindi tinangkilik ang mga produktong Ingles.

D. Ang mga Ingles ay tinulungan sa panahon ng digmaan.

4. Ano ang naging epekto ng kolonisasyon sa mga rehiyon sa Asya?

A. Nagkaroon ng masidhing hangarin ang mga Asyano sa diwa ng Nasyonalismo upang ibangon ang bansa.

B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa mga kagustuhan ng dayuhang bansa. C. Ang mga bansang Asyano ay nanakop na din ng mga lupain.

D. Naging matiisin na lamang ang mga Asyano para sa kapayapaan.

5. Anong bansa sa kanlurang Asya ang unang lumaya? A. Turkey C. Kuwait

B. Lebanon D. Israel

6. Sino ang nangunang lider nasyonalista ng India na nagpakita ng mapayapang

paraan sa paghingi ng kalayaan? A. Jawaharlal Nehru C. Mohamed Ali Jinnah

B. Mohandas Gandhi D. Mustafa Kemal Ataturk

7. Ano ang pangunahing dahilan ng pagpapakita ng nasyonalismo ng mga bansa sa

Timog at Kanlurang Asya? A. Upang yumaman C. Upang makapaghiganti

B. Upang makamit ang kalayaan D. Upang sumikat

8. Sa pamamahala ng Ingles, nagkaroon ng pagbabago sa India na hindi nagustuhan ng mga Indian. Alin ang hindi matanggap ng mga Indian?

A. Pagpapalaganap ng edukasyon sa pamantayang Ingles. B. Paglipat ng gawaing pangkabuhayan sa baybaying-dagat.

C. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa gobyerno.

D. Pagpapaunlad ng transportasyon at komunikasyon.

9. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang mga Asyano ay matutong:

A. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin B. Maging mapagmahal sa kapwa

4

C. Makisalamuha sa mga mananakop

D. Maging laging handa sa panganib

10. Ang mga sumusunod ay manipestasyon ng damdaming nasyonalismo, MALIBAN SA?

A. Pagtangkilik sa sariling produkto

B. Kahandaang ibuhis ang buhay para sa bayan C. Pagtatrabaho sa ibang bansa

D. Pagsunod sa batas

11. Ano ang magiging epekto ng pagtutol ng Simbahang Katoliko Romano sa paggamit

ng artipisyal na kontrasepsyon? A. Sanhi ng paglobo ng populasyon.

B. Mapapanatili ang tibay ng pananampalataya. C. Marami ang sasamba sa Simbahang Katoliko.

D. Masosolusyonan ang problema ng populasyon.

12. Ang sumusunod ay ang pagpapanatili ng mga Hapones ng relihiyon sa kanilang

kultura sa kabila ng pagiging modernisado nila, MALIBAN SA. A. Pagdumog sa mga dambanang Shinto at templong Buddhist

B. Pagsusuot ng tradisyunal na damit na kimono at obi C. Pagpunta sa Himeji Castle

D. Pag-aayos ng ikebana

13. Bakit sinunog ng monghe na Buddhist na si Thich Quang Duc ang kanyang sarili noong 1963?

A. Ito’y tanda ng kanyang pagmamahal sa kanyang asawa.

B. Bilang protesta sa mapaniil na patakaran ng Kristiyanong rehimen. C. Dahil sa kawalan ng kanyang matinong pag-iisip.

D. Ito ay parusa sa kanya ni Pangulong Ngo Dinh Diem.

14. Ano ang tawag sa tradisyong Hindu kung saan nagpapakamatay ang balong babae sa pamamagitan ng pagsama sa cremation o pagsunog sa labi ng asawang

namatay? A. Sanduguan C. Sati

B. Tributo D. Tarpan

15. Ang bilang ng mga batang pinapanganak sa Pilipinas bawat minuto simula taong

2000 ayon sa UN Population Fund ay: A. 3 C. 5

B. 4 D. 6

5

Balikan

Gawain 1. Noon at Ngayon!

Panuto: Isulat sa kahon ang angkop na mga salita na naglalarawan sa kalagayan ng

mga kababaihan sa Asya Noon at Ngayon at ipaliwanag ang kabuuang sagot.

Kababaihan Noon Kababaihan Ngayon

Tuklasin

Gawain 2: Tanong ko, Sagutin mo! Panuto: Sagutin ang mga tanong at isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang nasyonalismo? 2. Paano naipakikita ng mga mamamayan ang kanilang pagmamahal sa bansa?

3. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa bayan?

Suriin

Basahin at matuto.

Nasyonalismo sa Timog Asya

Nang matagumpay na masakop ng mga Ingles ang India, ito na rin ang dahilan upang unti-unti ay magkaroon ng kamulatan at kaisahan ang mga Indian. Sa kabila ng

maraming wika at iba’t ibang pananampalataya, nagkaisa sila laban sa mga Ingles na

Aralin 1

Bahaging ginampanan ng

Nasyonalismo sa pagbibigay

wakas sa Imperyalismo

Paliwanag:

6

naging sagabal sa kanilang pag-unlad at pagbubuo ng isang malayang bansa. Si

Mohandas Gandhi ang naging inspirasyon at isang katangi-tanging pamamaraan ng pagtutol ang kanyang pinasimulan. Ito ang ahimsa o mapayapang pagtutol.

India

Sa ilalim ng kolonyalismo, pinakinabangan ng mga Ingles ang likas na yaman at

lakas-paggawa ng mga Indian. Bukod dito, nagpatupad sila ng mga patakarang pampulitika, pang-ekonomiya, at panlipunan na hindi katanggap-tanggap sa mga

Indian. Halimbawa nito ay ang abolisyon ng suttee o sati at female infanticide o pagpatay

ng mga batang babae. Malalim ang pagkakaiba ng mga Ingles sa mga Indian sa lahi, kulay, kaugalian, at relihiyon at naging isa itong malaking isyu ng di pagkakaunawaan

sa pagitan nila. Dahil sa mga naturang pangyayari, naganap noong 1857 ang Sepoy Mutiny. Ito ang unang mahalagang pag-aalsa ng mga Indian laban sa mga Ingles.

Isa pang sanhi ng galit ng mga Indian ay ang pagpapatupad ng mga Ingles ng

patakaran ng racial discrimination o pagtatangi ng lahi. Tanging mga puti lamang ang

nabigyan ng matataas na posisyon sa pamahalaan lalo na noong mga unang dekada ng pamamahala ng mga Ingles.

Ang isa pang mahalagang pangyayari na nagpatindi sa alitan ng mga Inglesa at

Indian ay ang Amritsar Massacre noong Abril 13, 1919. Sa isang pagtitipon upang idaos ang isang selebrasyong Hindu, namaril ang mga sundalong Ingles sa grupo ng mga

Indian. Sa naturang pangyayari, 400 Indian ang namatay samantalang may 1,200 ang

nasugatan. Lalong nagsiklab ang galit ng mga mamamayan sa mga Ingles.

Kung ideolohikal ang naging hatian ng nasyonalismo ng mga Tsino, sa India, relihiyon ang naging batayan. Kapwa bumuo ng sariling samahan ang mga Hindu at

Muslim. Itinatag ang Indian National Congress sa pangunguna at paggabay ng isang Ingles na si Alan Hume noong 1884-1885. Ang samahang ito ay binuo ng mga

propesyonal na Hindu na ang layunin ay makamtan ang kalayaan ng India. Samantala, itinatag naman ng mga Muslim ang Muslim League noong 1905 sa ilalim ng pamumuno

ni Mohamed Ali Jinnah. Layunin naman nito na magkaroon ng hiwalay na estado para

sa mga muslim.

Sa kampanya para sa kalayaan, napakahalaga ng papel ni Mohandas Gandhi. Isa siyang Hindu na nakapag-aral sa isang unibersidad sa England at nagtrabaho sa South

Africa. Sa bansang ito ipinaglaban niya ang hinaing ng mga Indian.

Ang pakikibaka ni Gandhi para sa kalayaan ng India ay sa pamamagitan ng mapayapang paraan o non-violent means na sa relihiyon nila ay tinawag na ahimsa.

Hango sa relihiyong Jainism, ang ahimsa ay nangangahulugang “hindi paggamit ng

dahas” o non-vioelence. Ang ibig sabihin ng mapayapang paraan ay ang paglalabas ng katotohanan (satyagraha), pagdarasal, meditasyon, pag-aayuno (fasting), at pagboykot o

hindi pagbili sa mga kalakal o produktong Ingles.

Gayunpaman, nagkaroon pa rin ng demonstrasyon at kaguluhan sa mga

pampublikong lugar. Si Gandhi ang nagbigay ng gabay at inspirasyon sa mga mamamayan. Sa kadahilanang ito, dinakip siya ng mga maykapangyarihan at naglabas-

masok siya sa kulungan. Kahit siya ay nakakulong, ipinagpatuloy pa rin ng mga Indian ang kampanya para sa kalayaan. Labas-pasok man si Gandhi sa kulungan, hindi pa rin

siya nayanig o natakot. Patuloy pa rin siya sa kanyang mapayapang pakikibaka hanggang sa makamit ng mga Indian ang kanilang kalayaan. Tiningala ng mga Indian si

Gandhi at tinawag siyang Mahatma o great soul.

7

Natamo ng mga Indian ang kalayaan nang ideklara ng mga Ingles ang Republika

ng India (Indian Republic) noong Agosto 15, 1947 sa pamumuno ni Jawaharlal Nehru, matalik na kaibigan at kapanalig ni Mohandas Gandhi. Samantala, ang bansang

Pakistan ay naitatag at nabigyan diin ng kalayaan sa naturang petsa sa ilalim ng pamumuno ni Mohamed Ali Jinnah.

Nasyonalismo sa Kanlurang Asya

Kung ihahambing sa ibang rehiyon ng Asya, hindi naging maaga ang pagdating

ng imperyalismo sa Kanlurang Asya. Ito ay dahil sa ang rehiyon ay nasa ilalim ng isang

malaki at matatag na imperyong Muslim, ang Ottoman na namayani mula 1453 hanggang 1918. Nakalasap ng imperyalismong Kanluranin ang Kanlurang Asya matapos

gumuho ang Imperyong Ottoman sa pagtatapos ng Unang Digmaang Pandaigdig noong 1918.

Unti-unti nagsikap ang mga taga-Kanlurang Asya na makamtan ang kalayaan

mula sa Imperyong Ottoman noong una at sa mga Kanluraning bansa nitong huli. Ang

nasyonalismo sa Kanlurang Asya ay pinasimulan ng mga Arabo, Iranian, at mga Turko bago pa man ang Unang Digmaang Pandaigdig. Ang Kuwait ang isa sa mga bansa na

unang lumaya sa Kanlurang Asya noong 1759. Ang Lebanon at Egypt ay mapayapang nakamtan ang kanilang kalayaan mula sa Imperyong Ottoman noong 1770. Mula 1894

hanggang 1897, ang mga Armenian ay nagtangkang magtatag ng isang malayang estado sa kabila ng katotohanang pinigilan sila ng mga Turk na sumakop sa kanila.

Pagdating ng ika-20 siglo, nagtagumpay ang Lebanon na magkahiwalay sa Syria

at tuluyang naging isang republika noong 1926. Subalit nanatili siyang mandato ng

France. Pagdating ng 1946, ang mga French na nangibabaw sa dalawang lahing ito ay tuluyang lumisan. Noong 1932, ang Iraq, na dating hawak ng England bilang isang

protektorado, ay naging isang monarkiya. Ang pagkamulat na may kakayahan ang mga watak-watak na mga lahing Arabo na magkaisa, bumuo ng sariling pamahalaan at hindi

umasa lamang sa mga banyaga ay nagbigay-daan sa paglaya ng mga dating kolonya ng mga Europeo sa rehiyong ito.

Kaiba ang karanasan ng mga Jew o Israelite. Sumailalim sila sa nakasisindak na

Holocaust sa Europa. Ito ang sistematiko at malawakang pagpatay ng mga Nazi German

sa mga Jew o Israelite. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1945, namulat ang mga Jew sa mithiin na bumalik sa kanilang naiwang lupain. Ang pag-uwi

sa lupain ng Palestine ng mga Jew mula sa iba’t ibang panig ng daigdig ay tinawag na Zionism. Muli nilang pinag-aralan ang kanilang wika at binuhay ang kanilang kultura

upang subuking talikdan ang mga impluwensyang kolonyal na natutuhan nila noong sila ay nasa iba’t ibang panig ng Europa.

Itinatag ang Republika ng Israel noong 1948 sa kabila ng matinding pagtutol ng mga bansang Arabo na maitatag ang isang bansang Jewish sa gitna ng mga bansang

Muslim. Tinutulan din ng mga Arabo at ng mga Palestino ang pag-okupa ng mga Jew sa mga lupain na sa kanilang paniniwala ay nararapat para sa mga Palestino.

Relihiyon sa Asya

JAPAN

Maituturing na pinakamodernong bansa sa sa Asya ang Japan subalit napanatili

nito ang impluwensiya ng relihiyon sa kanyang tradisyon. Itinuturo pa rin sa mga Haponesa ang pagsusuot ng tradisyunal na damit na kimono at obi, ang detalyadong

8

ritwal ng seremonya sa tsaa at pag-aayos ng bulaklak (kilala rin sa tawag na ikebana).

Dinudumog pa rin ng milyong Hapones ang mga dambanang Shinto at templong Buddhist. Isinasaayos naman tuwing ika-20 taon ang dakilang dambana sa Ise o kung

tawagin ay Ise Shrine.

Napangalagaan pa rin ang mga templong Tang na yari sa kahoy. Naging bahagi

na ang tradisyong Hapones ang arkitekturang halaw mula sa China sa panahon ng Tang.

Nakatutuwang isipin na ang mga Hapones ay nakasakay sa pinakamodernong

sistemang transportasyon subalit pag-uwi sa kanilang bahay ay nagsusuot ng kimono at tradisyunal na tsinelas, nauupo sa tatami mat, at kumakain ng pagkaing Hapones.

VIETNAM

Makikita sa mga bansang Buddhist, particular sa Timog Silangang Asya, na hindi

lamang personal na kaligtasan ang mahalaga kundi pagpapabuti sa kondisyon ng pang-araw-araw na pamumuhay. Malaki rin ang epekto ng Buddhism sa mga patakarang

pambansa. Kadalasang nangunguna ang mga mongheng Buddhist sa mga protestang

pulitikal.

Sa Vietnam, naging aktibo ang mga monghe sa pagiging nasyonalista ng mga

Vietnamese. May mga naglalabang partidong pulitikal na Buddhist.

Isang katibayan ng pagiging aktibo ng mga Buddhist sa isyung pulitikal at

panlipunan ay ang tanyag na pagsunog sa sarili (self-immolation) ng mongheng Buddhist na si Thich Quang Duc noong 1963. Ginawa niya ito, katulong ang dalawa pang

mongheng nagbuhos ng gasoline sa kanyang katawan, sa isang abalang sangandaan sa

Saigon (ngayon ay Ho Chi Min City), Vietnam. Ito ay bilang protesta sa mapaniil na patakaran ng Kristiyanong rehimen ni Pangulong Ngo Dinh Diem laban sa mga

Buddhist sa Vietnam.

Sa mga liham ni Thich Quang Duc sa pamayanang Buddhist gayundin sa

pamahalaang Kristiyano bago naganap ang insidente, hiniling niyang alisin ng rehimen ang mga restriksyong ipinataw nito sa mga Buddhist gaya ng pagbabawal sa

pagwagayway ng kanilang bandila at ang pagpapakulong sa kanila. Sinasabing ang naturang insidente ay laong nagpasidhi ng damdaming Buddhist at nagbigkis sa mga

naniniwala sa relihiyong ito. Humantong ang mga protestang ito sa pagpapatalsik sa

rehimeng Diem sa South Vietnam noong 1963.

INDIA

Isa sa mga tradisyong Hindu ang sati (suttee sa ibang aklat) o ang pagpapakamatay ng balong babae sa pamamagitan ng pagsama sa cremation o

pagsunog ng labi ng asawang namatay. Bagamat ipinagbawal na ito ng pamahalaang

English sa India noong 1829 pa, noon lamang 1987 ay isang kaso ng sati ang naitala. Patunay lamang na sa kabila ng batas na nagbabawal dito, patuloy pa rin ang ilang

Hindu sa pagsasagawa nito. Pangunahing dahilang ibinibigay sa pagsasagawa nito ang paglilinis ng kasalanan ng asawang lalaki at maging ng byuda. Sa pamamagitan ng sati, pinaniniwalaang makakamtan ng mag-asawa ang kaluwalhatian sa kabilang buhay.

Noong 1987, isang 18 taong gulang na balong babae, si Roop Kanwar, ang

nagsagawa ng sati. Wala pa silang isang taong kasal nang mamatay ang kanyang asawa,

subalit hindi ito naging hadlang upang hindi niya isagawa ang tradisyong ito.

Dahil sa pangyayaring ito, naging maigting ang pagtatalo sa pagitan ng usapin ng

tradisyon at modernisasyon. Tinuligsa ng mga Kanluranin at peministang Hindu ang pagdakila ng sati samantalang itinaas naman ng mga debotong Hindu si Roop Kanwar

bilang diyosa. Sa katunayan, marami ang nagpupunta sa lugar na pinangyarihan ng nasabing sati upang sambahin si Kanwar.

9

Inaresto ang mga tumulong sa pagpapakamatay ni Kanwar, kasama ang kanyang

nakababatang kapatid na lalaki na siyang nagsindi ng apoy ng cremation. Subalit makalipas ang siyam na taon, nagdesisyon ang korteng Indian na palayain ang mga ito

sa pamamagitan ng deklarasyong ang sati ay isang tradisyong panlipunan.

SAUDI ARABIA

Sa lipunang Arabo, nananatili pa ring mababa ang katayuan ang kababaihan sa

lipunan. Ang diskriminasyon laban sa kababaihan ay sinasabing wala sa mga aral ng

Islam na may paniniwala sa ummah o konsepto ng pagkakapantay-pantay ng lahi, kasarian, o uring panlipunan. Subalit dahil sa ilang salik, hindi ito ganap na

naipatupad sa mga bansang Arabo. Halimbawa, sa usapin ng kasal, pinapayagan ang mga kalalakihang magkakaroon ng hanggang apat na asawa at kahit ilang concubine.

Subalit kailangan ay mapapakain niya lahat at matatrato niya ng pantay ang mga ito. Tila rin walang kahirap-hirap sa lalaki na makipagdiborsyo sa kanyang asawa. Sa

usapin naman ng karapatan sa bata matapos ang diborsyo, mananatili ang anak na

lalaki sa ina hanggang umabot siya sa pitong taong gulang, pagkatapos ay sa ama na siya mananatili. Kapag babae ang anak, dapat maabot muna niya ang gulang na siyam

bago siya mapunta sa kanyang ama. Subalit kung magdesisyon ang babe na magpakasal nang hindi pa natatapos ang panahon ng legal custody, mawawalan na siya

ng karapatan sa kanyang mga anak.

Sa Afghanistan halimbawa, nang mangibabaw rito ang Taliban, mas lumala ang

diskriminasyon sa kababaihan. Ang Taliban ay isang grupo ng mga radikal na Muslim. Dahil sa kautusan ng Taliban, napilitan ang mga babae na magsuot ng burka, ang

kanilang tradisyunal na pananamit na tumatakip sa buong katawan. Bukod dito,

kailangan pa nilang magsuot ng belo na tumatakip maging sa kanilang mga mata. Tinanggal din ang karapatan nilang bumoto, mag-aral, magtrabaho, at tumanggap ng

benepisyong pangkalusugan. Sa pagbagsak ng Taliban, bahagyang nabawasan ang di- makatwirang restriksyon sa kababaihan.

PILIPINAS

Kinakaharap ngayon ng Pilipinas ang mabilis na paglaki ng populasyon. Ito at

ayon sa United Nations Population Fund na nagdeklarang apat na sanggol ang ipinapanganak sa bawat minuto simula taong 2000. Dahil dito, tinatayang aabot sa 84.2

milyon ang populasyon ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2004 mula sa 76.5 milyon noong 2000 ayon sa National Statistics Office (NSO). Subalit may mga datos na nagsasabing

nasa 86 milyon na ang populasyon ng Pilipinas noong 2004.

Malaking problema ito para sa bansa lalo na at ang sangkatlong (1/3) bahagi ng

populasyon ay kumikita lamang ng katumbas ng ₴1 bawat araw. Nangangahulugan ito ng kahirapan ng pamumuhay ayon sa World Bank. Ang nasabing kita ay hindi sapat

para sa isang pamilya na tustusan ang pagkain, upa sa bahay,tubig,

kuryente,pagpapaaral sa anak, at iba pang pangunahing pangangailangan.

Ayon sa Direktor ng Philippine Population Commission na si Tomas Osias,

naniniwala siyang bahagi ng solusyon ang pagpapalaganap ng kaalaman hinggil sa pagpaplano ng pamilya, lalo na sa mahihirap. Ayon naman sa ilang eksperto, ang

pangunahing sanhi ng paglobo ng populasyon ay ang kakulangan ng pamahalaan sa pagpapalaganap ng kaukulang impormasyon hinggil sa pagpaplano ng pamilya. May

kakulangan din sa pagpapamudmod ng mga mumurahing contraceptive o mga artipisyal

na pamamaraan ng pagpigil sa pagbubuntis.

Sa kabila ng suliraning pang-ekonomiya, maari ding maging dahilan sa pagdami

ng kasong Human Immunodeficiency Virus o HIV at Acquired Immune Deficiency

10

Syndrome o AIDS ang hindi paggamit ng kontrasepsyon. Noong 2004, tinatayang may

1,810 kaso ng HIV at AIDS ayon sa pamahalaan (9,400 kaso naman ayon sa United Nations). Maaaring dumami pa ito dahil sa hindi malawakang paggamit ng kondom.

Noong 2003, nagpahayag si Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo ng pagsuport sa rhythm method, isang uri ng pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya kung saan hindi

magtatalik ang mag-asawa sa panahon ng ovulation ng babae. Ayon sa kritiko, ito ay hindi maaasahan na pamamaraan at mahirap sundin. Nagmungkahi rin ang ilang

mambabatas ng two-child policy upang solusyunan ang problema sa populasyon. Marami ang tumutol sa panukalang ito sa dahilang wala raw karapatan ang Estado na

limitahan ang bilang na nais maging anak ng mag-asawa.

Ayon naman sa Simbahang Katoliko Romano, mangangampanya sila laban sa sinumang pulitikong magtaguyod ng artipisyal na pamamaraan ng pagpigil sa

pagbubuntis. Naniniwala ang marami na hangga’t tinututulan ng Simbahang Katolliko ang programa sa pagpaplano ng pamilya gamit ang kontrasepsyon, asahang

magpapatuloy ang paglobo ng populasyon.

Pagyamanin

Gawain 3. Pagsulat ng Repleksiyon

Panuto: Gumawa ng maikling repleksiyon tungkol sa iyong mga natutuhan at

reyalisasyon sa kahalagahan ng relihiyon at nasyonalismo sa pagbibigay wakas sa

imperyalismo sa Timog at Kanlurang Asya.

Isaisip

1. Nasyonalismo ang naging pangunahing tugon ng mga Asyano sa pananakop ng mga

Kanluranin.

2. Relihiyon ang naging pangunahing batayan sa pagpapakita ng nasyonalismo ng mga

Indian.

3. Si Mohandas Gandhi ang nanguna sa layuning matamo ang kalayaan ng India.

4. Ang pakikibaka ni Gandhi para sa kalayaan ng India ay sa pamamagitan ng

mapayapang paraan o non-violent means na sa relihiyon nila ay tinawag na ahimsa.

5. Ang ahimsa ay nangangahulugang “hindi paggamit ng dahas” o non-vioelence. Ang ibig

sabihin ng mapayapang paraan ay ang paglalabas ng katotohanan (satyagraha),

pagdarasal, meditasyon, pag-aayuno (fasting), at pagboykot o hindi pagbili sa mga

kalakal o produktong Ingles.

6. Ang Kuwait ang isa sa mga bansa na unang lumaya sa Kanlurang Asya noong 1759

7. Ang nasyonalismo ang nagbigay daan sa pagkakaisa ng mga Indian sa kabila ng

kanilang maraming wika at iba’t ibang pananampalataya.

8. Makikita sa mga halimbawang ipinakita na malaki ang impluwensya ng relihiyon sa

tradisyon at kultura ng lipunan.

9. May mga pagkakataong nagiging makabuluhan ang pagpapanatili ng tradisyong

nakaugat sa relihiyon subalit may mga pagkakataon ding ito ang nagiging sanhi ng tunggalian lalo na sa usapin ng tradisyon laban sa modernisasyon.

10. May mga aspeto ang mga relihiyon na may direktang epekto sa kalagayan ng

kababaihan. Halimbawa ay ang sati sa India, ang burka sa Afghanistan, o ang pagtutol ng Simbahang katoliko sa paggamit ng contraceptive sa Pilipinas.

11

Isagawa

Gawain 4. Head, Heart, Hands (3H)

Sa Gawain na ito ay susubukin ang iyong nalaman at naunawaan sa mga nabasa

at iba pang gawain na sinubok at sinagutan mo. Buuin ang tsart sa ibaba sa

pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na makikita sa bawat kahon.

Anong konsepto ang

natutunan ko?

Anong mga aral o

pagpapahalaga ang

nakuha ko?

Paano ko magagamit ang

aking natutunan sa

totoong buhay?

Head Heart Hand

s

11. Nasyonalismo ang naging pangunahing tugon ng mga Asyano sa pananakop ng mga

Kanluranin. 12. Relihiyon ang naging pangunahing batayan sa pagpapakita ng nasyonalismo ng mga

Indian.

13. Si Mohandas Gandhi ang nanguna sa layuning matamo ang kalayaan ng India. 14. Ang pakikibaka ni Gandhi para sa kalayaan ng India ay sa pamamagitan ng

mapayapang paraan o non-violent means na sa relihiyon nila ay tinawag na ahimsa.

15. Ang ahimsa ay nangangahulugang “hindi paggamit ng dahas” o non-vioelence. Ang ibig

sabihin ng mapayapang paraan ay ang paglalabas ng katotohanan (satyagraha), pagdarasal, meditasyon, pag-aayuno (fasting), at pagboykot o hindi pagbili sa mga

kalakal o produktong Ingles.

16. Ang Kuwait ang isa sa mga bansa na unang lumaya sa Kanlurang Asya noong 1759 17. Ang nasyonalismo ang nagbigay daan sa pagkakaisa ng mga Indian sa kabila ng

kanilang maraming wika at iba’t ibang pananampalataya.

18. Makikita sa mga halimbawang ipinakita na malaki ang impluwensya ng relihiyon sa tradisyon at kultura ng lipunan.

19. May mga pagkakataong nagiging makabuluhan ang pagpapanatili ng tradisyong

nakaugat sa relihiyon subalit may mga pagkakataon ding ito ang nagiging sanhi ng tunggalian lalo na sa usapin ng tradisyon laban sa modernisasyon.

20. May mga aspeto ang mga relihiyon na may direktang epekto sa kalagayan ng

kababaihan. Halimbawa ay ang sati sa India, ang burka sa Afghanistan, o ang pagtutol

ng Simbahang katoliko sa paggamit ng contraceptive sa Pilipinas. 21. Maaari ding magamit bilang batayan ng ekspresyong pulitikal ang relihiyon gaya ng

naganap sa Vietnam.

22. Maari din itong maging simbolo ng pagpapanatili ng tradisyon gaya ng pagsasalarawan sa Japan.

23. Malaki ang impluwensiya ng relihiyon sa sining, arkitektura, panitikan, drama, musika,

sayaw, at maging sa personal at pambansang antas ng pamumuhay gaya ng personal na gawi, produksyong pangkabuhayan, at maging patakarang pambansa at panlabas.

12

Gawain 5. Punan Ako!

Panuto: Sagutan ang sumusunod na tanong. Isulat sa sagotang papel.

1. Paano mo pinili ang kasalukuyang relihiyon na iyong pinaniniwalaan?

2. Aling turo o aral ng iyong relihiyon ang higit na nakakaapekto sa iyong buhay?

Bakit?

Tayahin

Panuto: Isulat ang titik ng pinakatamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ipinakita ng mga Hindu ang kanilang pagtutol sa pangunguna ni Mohandas

Gandhi laban sa mga Ingles. Ano ang pamamaraang ito? A. Passive Resistance

B. Armadong pakikipaglaban

C. Pagbabago ng Sistema ng pamamahala D. Paglunsad ng mga partidong political

2. Anong pangyayaring pumukaw sa damdaming Nasyonalismo ng India?

A. Pagbagsak ng kolonyalismo ng mga Turko B. Pagpapatupad ng Ingles ng Economic Embargo

C. Pagkakapatay kay Mohandas Gandhi D. Pagkakaroon ng diskriminasyon sa mga Indian

3. Nag-asam ng kalayaan ang India. Ano ang paraang ginawa nito upang matupad

ang hangarin? A. Sa mga kanluranin ay nakipag-alyansa.

B. Ang Indian National Congress ay itinatag. C. Hindi tinangkilik ang mga produktong Ingles.

D. Ang mga Ingles ay tinulungan sa panahon ng digmaan.

4. Ano ang naging epekto ng kolonisasyon sa mga rehiyon sa Asya?

A. Nagkaroon ng masidhing hangarin ang mga Asyano sa diwa ng Nasyonalismo upang ibangon ang bansa.

B. Naging mapagbigay ang mga Asyano sa mga kagustuhan ng dayuhang bansa. C. Ang mga bansang Asyano ay nanakop na din ng mga lupain.

D. Naging matiisin na lamang ang mga Asyano para sa kapayapaan.

5. Anong bansa sa kanlurang Asya ang unang lumaya? A. Turkey C. Kuwait

B. Lebanon D. Israel

6. Sino ang nangunang lider nasyonalista ng India na nagpakita ng mapayapang

paraan sa paghingi ng kalayaan? A. Jawaharlal Nehru C. Mohamed Ali Jinnah

B. Mohandas Gandhi D. Mustafa Kemal Ataturk

13

7. Ano ang pangunahing dahilan ng pagpapakita ng nasyonalismo ng mga bansa sa

Timog at Kanlurang Asya? A. Upang yumaman C. Upang makapaghiganti

B. Upang makamit ang kalayaan D. Upang sumikat

8. Sa pamamahala ng Ingles, nagkaroon ng pagbabago sa India na hindi

nagustuhan ng mga Indian. Alin ang hindi matanggap ng mga Indian? A. Pagpapalaganap ng edukasyon sa pamantayang Ingles.

B. Paglipat ng gawaing pangkabuhayan sa baybaying-dagat.

C. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa gobyerno. D. Pagpapaunlad ng transportasyon at komunikasyon.

9. Ang nasyonalismo ay ang pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay daan ito para ang mga Asyano ay matutong:

A. Pigilin ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin B. Maging mapagmahal sa kapwa

C. Makisalamuha sa mga mananakop

D. Maging laging handa sa panganib

10. Ang mga sumusunod ay manipestasyon ng damdaming nasyonalismo, MALIBAN

SA?

A. Pagtangkilik sa sariling produkto B. Kahandaang ibuhis ang buhay para sa bayan

C. Pagtatrabaho sa ibang bansa D. Pagsunod sa batas

11. Ano ang magiging epekto ng pagtutol ng Simbahang Katoliko Romano sa

paggamit ng artipisyal na kontrasepsyon? E. Sanhi ng paglobo ng populasyon.

F. Mapapanatili ang tibay ng pananampalataya. G. Marami ang sasamba sa Simbahang Katoliko.

H. Masosolusyonan ang problema ng populasyon.

12. Ang sumusunod ay ang pagpapanatili ng mga Hapones ng relihiyon sa kanilang kultura sa kabila ng pagiging modernisado nila, MALIBAN SA.

A. Pagdumog sa mga dambanang Shinto at templong Buddhist B. Pagsusuot ng tradisyunal na damit na kimono at obi

C. Pagpunta sa Himeji Castle

D. Pag-aayos ng ikebana

13. Bakit sinunog ng monghe na Buddhist na si Thich Quang Duc ang kanyang sarili

noong 1963? A. Ito’y tanda ng kanyang pagmamahal sa kanyang asawa.

B. Bilang protesta sa mapaniil na patakaran ng Kristiyanong rehimen. C. Dahil sa kawalan ng kanyang matinong pag-iisip.

D. Ito ay parusa sa kanya ni Pangulong Ngo Dinh Diem.

14. Ano ang tawag sa tradisyong Hindu kung saan nagpapakamatay ang balong babae sa pamamagitan ng pagsama sa cremation o pagsunog sa labi ng asawang

namatay? A. Sanduguan C. Sati

B. Tributo D. Tarpan

15. Ang bilang ng mga batang pinapanganak sa Pilipinas bawat minuto simula taong

2000 ayon sa UN Population Fund ay:

A. 3 C. 5 B. 4 D. 6

14

Karagdagang Gawain

Gawain 6. Reflection Log

Panuto: Kumpletohin ang pangungusap at isulat sa sagutang papel.

Ang nasyonalismo ay nakakabuti dahil _________________________________________

_________________________________________________________________________________.

Ipinagmamalaki ko ang aking pagiging Asyano dahil sa natatanging mga nagawa

ng mga kilalang nasyonalista sa Timog at Kanlurang Asya na nagpapatunay na ang

Asyanong katulad ko ay ________________________________________________.

15

Susi sa Pagwawasto

Balikan Tayahin

Sanggunian:

Aklat

Asya Pag-usbong sa kabihasnan Yunit III, Makabayang Pilipino Serye II; 312 –

315 at 378 - 383

ASYA: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba, Modyul para sa Mag-aaral, Yunit III,

Unang Edisyon (2014); 226 – 241 at 155 - 161

1. A 6. B 11.A 2. D 7. B 12. C

3. C 8. C 13. B 4. A 9. A 14. C

5. C 10. C 15. B

6. B 7. B

8. C 9. A

1. A 6. B 11.A

2. D 7. B 12. C 3. C 8. C 13. B

4. A 9. A 14. C 5. C 10. C 15. B

6. B

7. B 8. C

9. A

1

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.