AP7_Q3_M7.pdf - ZNNHS

16
Republic of the Philippines Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 7: Ang Kahalagahan ng Paaralan sa Sariling Buhay at sa Pamayanan o Komunidad Zest for Progress Zeal of Partnership 7 Name of Learner: ___________________________ Grade & Section: ___________________________ Name of School: ___________________________

Transcript of AP7_Q3_M7.pdf - ZNNHS

Republic of the Philippines

Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

Araling Panlipunan Ikatlong Markahan – Modyul 7:

Ang Kahalagahan ng Paaralan sa Sariling

Buhay at sa Pamayanan o Komunidad

Zest for Progress

Zeal of Partnership

7

Name of Learner: ___________________________

Grade & Section: ___________________________

Name of School: ___________________________

2

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Josephine B. Dolar

Editor: Josephine B. Dolar

Tagasuri: Zarah Agad Sayson-Hilot

Ariadne M. Sabellano-Simborio

Tagaguhit/Tagakuha ng Larawan: Josephine B. Dolar

Tagalapat: Marilou T. Ramirez

Tagapamahala: Majarani M. Jacinto, Ed.D. CESO VI

OIC, Schools Division Superintendent

Visminda Q. Valde, Ed.D

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Raymond M. Salvador, Ed.D

OIC, Assistant Schools Division Superintendent

Juliet A. Magallanes, Ed. D

CID Chief

Florencio R. Caballero, DTE

EPS-LRMDS

Alma L. Carbonilla, Ed.D

EPS-Araling Panlipunan

3

Alamin

Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagbabago ,

pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Tradisyonal at

Makabagong Panahon ( ika-16 hanggang ika-20 siglo

Ang mga mag-aaras ay nakapagsasagawa ng kritikal na pagsusuri sa pagbabago ,

pag-unlad at pagpapatuloy sa Timog at Kanlurang Asya sa Tradisyonal at

Makabagong Panahon ( ika – 16 hanggang ika-20 siglo)

Mga Nilalaman ( Paksa/Aralin)

Mga pagbabago sa Iba Pang Aspekto ng pamumuhay sa Timog at Kanurang Asya.

Pamantayan ng pagkatuto

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, ang mag-aaral ay

inaasahang:

1. Nasusuri ang mga anyo, tugon at epekto sa neo-koloniyalismo sa Timog

at

Kanlurang Asya

Sa nakaraang aralin, natutunan mo ang kalagayan at ambag ng kababaihan sa iba’t-ibang bahagi ng Timog Kanlurang Asya, dito napatunayan na may

mahalagang papel na ginampanan ng mga kababaihan.

Sa bahaging ito ng yunit, ay inaasahan na matutuhan mo ang bahaging ginagampanan ng edukasyon at relihiyon sa iba’t-ibang aspekto ng pamumuhay ng

mga tao sa Timog at Kanlurang Asya. Mababatid mo rin sa bahaging ito ng yunit ang kasalukuyang mga

pagbabagong pang-ekonomiya na nakaaapekto sa pagsulong at pag-unlad ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya.

4

Balikan

Gawain 1: Sino To?

Panuto: Alamin kung sino ang tinutukoy ng bawat pangungusap. Piliin ang tamang

sagot mula sa kahon sa ibaba.Isulat ang inyong sagot sa inyong sagutang papel.

1. Nagtatag ng kilusang Bharat Aslam.

2. Nangunguna sa mga kababaihan sa paghimok na hindi magbabayad ng buwis.

3. Siya ay pinatalsik dahil nangangampanya gamit ang relihiyong Islam.

4. Ang nanguna sa pagkampanya sa bansang Jordan laban sa pang-aabuso sa mga

kababaihan.

5. Ang nagtatag ng Bharat Mahila Parishad.

Tuklasin

Gawain 2: Picture Analysis

Suriin ang kasunod na mga larawan. Tukuyin kung saan may kaugnayan ang

bawat larawan sa pamamagitan ng pagbuo ng mga ginulong mga letra bilang tamang

paksa na ilalagay sa ibaba ng bawat larawan.

KEOMIYANO RELIHNOYI DEUAKSONY

Aralin 3.3

Mga Pagbabago sa Iba Pang Aspekto ng

Pamumuhay sa Timog at Kanlurang

Asya

Amir-un-Nisa Sarojini Naidu Reyna Rania Al-Abdulla Hussain Ershad Keshab Chunder Sen

5

Pamprosesong mgaTanong

1. Ano- anong mga paksa ang maaari nating makita sa bawat larawan?

2. Batay sa mga larawan, ano – anong aspekto ng kasalukuyang pamumuhay ng

mga tao sa bansa sa Timog at Kanlurang Asya ang kakikitaan ng mga

pagbabago?

3. Paano nakaapekto ang mga pagbabago sa iba’t-ibang larangan ng

pamumuhay ng mga tao sa mga bansa ng Timog at kanlurang Asya?

Suriin

Sa parteng ito ng modyul ay iyong lilinganin ang mga kaisipan / kaalamang

tutulong sa iyo upang higit na maintindihan ang paksang aralin. Dito tinitiyak na

ikaw ay maihanda upang tiyak ang mga pang-unawa sa mga Impormasyong kinakailangan malinang. Sa bahaging ito ay magkakaroon ka

ng mahahalagang ideya edukasyon ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya .

Natitiyak ako na mawiwili ka sa pagbabasa sa nito. Simulan mo na!

Gawain 3: Pagsusuri sa Teksto

Pag-aralan ang teksto at iugnay ang nilalaman nito sa talahanayan.

Bansa Literacy Rate

Maldives 96.9%

Sri Lanka 91.6%

Pakistan 43.2%

Bhutan 42.2%

Nepal 41.7%

Bangladesh 40.0%

Ang Kinalaman ng Edukasyon sa Pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at

Kanlurang Asya.

Sinasabing ang edukasyon ay kayamanan ng isang tao na hindi maaaring

makuha ng sinuman.Maituturing dinitong isang karapatan na may mahalagang

bahaging ginagampanan sap ag-unlad at pagtatagumpay ng tao.

Makikita ang kaunlaran ng mga tao sa antas ng edukasyon mayroon ang bansa.

Sa araling ito, matutuhan mo ang kaugnayan ng edukasyon sa pamumuhay ng mga tao

sa Timog at Kanlurang Asya.

Edukasyon sa India at Pakistan

Isang malaking bansa ang India na may mahigit na isang bilyong mamamayan.

Layunin ng bansang ito, ang maibigay ang libre at sapilitang edukasyon sa lahat ng mga

batang may anim hanggang labing-apat na taong gulang. Dahil sa laganap ditto ang

kahirapan, hindi nagtagumpay ang bansa sa kanyang layunin ukol sa edukasyon.

Nagpapatunay lamang na may malaking epekto sa edukasyon ang kalagayang pang-

ekonomiya ng mga tao. Maging ang kalagayang political ng bansa ay may epekto rin sa

6

edukasyon nito, tulad ng naganap sa India. Noong taong 1956 at 19660, nagkaroon ng

pagkiling sa sosyalistang edukasyon dahil na rin sa pag-usbong ng mga heavy industry

sa bansa.Ayon sa aklat ni Mateo, at al.,Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan.

Samantala sa Pakistan, ang kasanayan sa paggamit ng teknolohiya ay isinasama

na rin sa edukasyon upang makaagapay sa mga pagbabago sa lipunan at daigdig.Dahil

sa krisis na nararanasan noong taong 1960,bumaba ang bilang ng mag-aaral sa

bansa,na nagging dahilan upang bumuo ito ng advisory committee na nagbigay lunas sa

nasabing suliranin. Tinatayang 57.2% sa populasyon nito ang marunong bumasa at

sumulat. Mas malaking bahagdan ng mg illiterate sa populasyon ay binubuo ng mga

lalaki na umaabot sa 70.02% at 48.3% lamang ang kababaihan. Pinahihintulutan din

ditto ang pagtatayo ng mga paaralan na magbibigay ng edukasyon batay sa kanilang

katutubong wika, relihiyon at kaugalian. Isa sa mga sagabal sap ag-unlad ng edukasyon

sa bansang Pakistan.

Edukasyon sa Saudi Arabia

Nagkakaroon man ng mga pagbabago sa mga patakaran sa edukasyon

upang umangkop sa nagbabagong pangangailangan ng panahon, nanatili itong

may kaugnayan sa pamumuhay ng mga tao sa Timog at Kanlurang Asya.

Makikita ito sa Sistema ng edukasyon sa bansang Saudi Arabia.

Upang maisakatuparan ang layunin ng pamahalaan ng Saudi Arabia na

palaganapin ang relihiyong Islam,ito ay nagtatag at sumuporta sa mga paaralan

na may kurikulum na umaaayon sa katuturan ni Sheik Muhammed Ibn AbdAl-

Wahhab.

Si Abd Al-Wahhab ang nagtatag ng kiusang Wahhabiyya noong ika -18

siglo. Siya rin ang nanghikayat na muling ibalik ang mga muslim a orihinal na

aral ng propetang si Muhammad.

Ang edukasyon sa kontemporaryong panahon ay ginamit bilang isang

instrument sa pagpapalaganap ng relihiyon Islam. Ang pamahalaan ng Saudi

Arabia ang kumokuntrol sa lahat ng mga aklat na ginagamit ng mga mag-aaral

sa mga paaralan. Isinasaalang-alang palagi ang lahat ng aklat ay umaayon sa

layunin ng Sistemang pang-edukasyon ng bansa at sa katuruan nang Islam. Sa

pamamagitan ng edukasyon sa Saudi Arabia maililipat sa mga susunod na

henerasyon ang mga pamanang kultural na siyang pagkakakilanlan ng bansa

tulad ng wika, ang kaugalian, mga pamantayan ng lipunan at iba pa.Halos 62%

ng populasyon sa kabuuang ng Saudi Arabia ay marunong bumasa at sumulat

ayon kay Mateo et al., Asya: Pag-usbong ng kabihasnan.

7

Pagyamanin

Gawain 4: Factstorming Web

Tunghayan natin ang isang talahanayan sa ibaba na may kaugnayan sa literacy

rate ng iba pang bansa sa Kanlurang Asya.

Bansa Literacy Rate

Israel 96%

Lebanon 92%

Oman 59%

Iraq 58%

Yemen 43%

Ilagay ang wastong mga datos na kailangan sa mga factstorming web.

Kulayan ito upang maging kaakit-akit. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

Gawain 5: Pagsusuri ng Teksto

Relihiyon at Kultura sa Timog at Kanlurang Asya

Alam natin na ang mga pangunahing relihiyon at pilosopiya sa mundo ay

nagmula sa Asya. May malaking bahaging ginagampanan ang relihiyon sa pamumuhay

ng mga Asyano sa kasalukuyan. Naimpluwensiyahan nito ang sining, arkitektura,

panitikan, drama, musika, sayaw at maging sa personal na gawi,at patakarang

Pambansa at panlabas ng bansa. Makikita ang halaga ng relihiyon hanggang sa

kasalukuyan, hindi lamang sa mga dambana ng mga bansa kung hindi maging sa mga

kaganapang nakaugat sa paniniwalang panrelihyon.

Pagkatapos mong basahin nang may pagsusuri ng teksto ay inaasahan na

mabubuo mo ang isang factstorming web tungkol sa kaugnayan ng

edukasyon sa pamumuhay ng mga Asyano sa Timog at Kanlurang Asya.

Sa puntong ito ay nakatitiyak akong handa ka nang muling basahin at

suriin ang teksto tungkol sa bahaging ginagampanan ng relihiyon sa iba’y-

ibang aspekto ng pamumuhay ng mga tao sa Timog at Kanlurang Asya.

Nakatitiyak akong mawiwili ka sa pagbabasa nito. Simulan mo na!

Kaugnayan ng edukasyon

sa pamumuhay ng mga

Asyano sa Timog at

Kanlurang Asya

8

India

Noong taong 1829 sa ilalim ng pamahalaang Ingles sa India ipinagbawal na ang

sati o suttee, ang pagpapakamatay ng asawang babae sa pamamagitan ng kaniyang

pagsama sa cremation o pagsunog sa labi ng asawang namatay. Itinuturing itong isa sa

mga tradisyong Hindi na patuloy pa ring isinasagawa sa ibang pangkat ng tao sa India

anyo. Tulad ng kinasangkutan n Roop Kanwar sa lugar ng Deorala, India ayon sa aklat

ni Mateo,et al; Asya: Pag-usbong ng Kabihasnan.

Siya ay 18 na taong gulang, batang babae na nagsasagawa ng sati. Hindi nagging

hadlang ang isang taong pagsasama ng mag-asawa upang hindi isagawa ang tradisyong

sati. Ang pangyayaring ito sa India ay nagging dan upang magkaroon ng mga

pagtatalotungkol sa usapin sa tradisyon at modernisasyon. Binatikos ng mga

Kanluraning bansa at pangkat ng mga feministang Hindu ang pangyayaring

ito,samantalang kinilala naman at sinamba ng ibang debotong hindu si Roop Konwar

bilang diyosa.Ipinadakip ng mga tumulong kay Kanwar upang maisagawa ang sati

kasama ang kaniyang nakababatang kapatid na lalaki na nagsindi ng apoy sa cremation.

Pagkatapos ng 9 na taon ay nagdesisyon ang korteng Indian na palayain ang mga

akusado sa pamamagitan ng isang deklarasyon na ang sati ay isang tradisyong

panlipunan.

Afganistan

Minsan din nangibabaw ang pangkat ng Taliban sa Afganistan, isang grupong

mga radikal na Muslim na nagpapatupad ng mga kautusan laban sa kababaihan tulad

ng pagsusuot ng burka, ang tradisyonal na pananamit na tumatakip sa buong katawan,

pagsuot ng belo na tumatakip maging sa kanilang mata. Sa panahon din ng mga

Taliban, inalis ang karapatanng kababaihan sa pagboto,pag-aaral,pagtatrabaho at

pagtanggap ng benepisyong pangkalusugan.

Gawain 6: Venn Diagram Mo Ito!

Lagyan ng wastong mga impormasyon ang bawat bahagi ng Venn Diagram.

Kulayan ito upang maging kaakit-akit. Gawin ito sa inyong sagutang papel.

Mga paniniwalang panrelihiyon sa Timog at Kanlurang Asya nakakaapekto sa

pamumuhay ng mga tao.

Timog Asya Kanlurang Asya

9

Gawain 7: Pagsusuri ng Teksto

Mga Naganap Sa Ekonomiya ng India

Maraming pagbabagong pang-ekonomiya ang naganap sa Asya matapos ang

ikalawang digmaang pandaigdig.pinagsikapan ng mga Asyano na harapin ang mga

hamong dala ng pangtatamo ng Kalayaan sa pagpapaunlad ng kaniya-kaniyang bansa.

May mga bansang Asyano ang agarang nakabangon, samantalang ang iba ay patuloy na

gumagawa ng mga hakbang at pangsisikap upang matamo ang inaasam na pag-unlad

ng Ekonomiya.

Ipinatupad sa bansang India noong 1992 ang Look East Strategy. Ito ay isang

patakarang pang-ekonomiya na kung saan may kaugnayan sa ugnayang panlabas ng

bansa. Sa pamamagitan nito napagtibay ang ungayang pang-kalakalan at

pamumuhunan sa pagitan ng India sa Silangang Asya at Timog-Silangang Asya lalo na

ang mga bansang kasapi ng ASEAN. Ito ay ipinatupad ni dating Prime Minister

Narasinba Rao. Ito ang pakikibahagi ng India sa globalisasyon sa pamamagitan ng mga

liberal na patakaran. Isa itong patakaran na ginawa ng India upang matamo ang mga

tulong pinansiyal mula sa mga pandaigdigan samahan na makatutulong sa pang-unlad

ng ekonomiya ng bansa. Dahil sa pata-Amerikano ay ang mga kompanyang puhunan at

kapital.kaalinsabay ng patakarang ito ay binago rin ng India ang Sistema ng

pagbubuwis at patakaran ng pagkontrol sa pagluluwas ng mga produktong pangkalakal

nito.

Taong 1999 nang isagawa ng pamahalaan ng India ang pagsasapribado nang

ilang sektor nang pamumuhunan.Dajil sa hakbang na ito ay pinahintulutan na ang

pamumuhunan sa lahat ng industriyang pang-inprastraktura, kuryente,

telecommunication, paliparan at maging sa sector ng pananalap. Nananatiling hawak ng

pamahalaan ng India ang sektor ng tanggulan, riles ng tren, at enerhiyang nukleyar.

Dahil sa mga pagbabagong ito ay nabuksan ang ekonomiya ng bansang India sa

daigdig na sa dati ay nakapinid. Ang pag-unlad sa pagluluwas ng produkto ay

nakatulong upang maitaas ang kanyang ambag sa pandaigdigang kalakalan. Nabawasan

naman ang panlabas na pagkakautang ng bansa, subalit nananatili pa ring suliranin sa

bansa ang laganap na kahirapan at hindi pantay na pagpapasahod kung ikukumpara sa

ibang bansa.

Mula sa pagiging huli ng bansang India sa larangan ng pagmamanupaktura at

pagkakaroon ng mababang kalidad ng mga produkto ay nagawa niyang mapaunlad ang

information technology noong taong 1900. Sa kasalukuyang kalakalan ay pangatlo na

ang bansang India bilang pinakamalaking prodyuser ng mga produktong optikal,

compact disk, vedio computer disk, digital compact disk,at iba pa. Lumago din ang

export ng bansang ito, mula sa $37B noong taong 2002, umabot ito sa $54B noong

taong 2004. Dulot ditto ng pagtanggap bansang India sa mga puhunang inilagak ng mga

dayuhang kompanya na umasa naman sa kanilang mga kemiko, inhinyero at taga

disenyo. Maaasahan din ang malaking populasyon ng bansa na may kasanayang

magsalita ng Ingles na mapagkukunan ng mga manggagawang may kasanayang

teknikal na may mababang pasahod kumpara sa ibang bansa.

Ano nga ba ang Dahilan ng pag-unlad ng Ekonomiya sa Asya?

Mayroong mga elemnto ang kaakibat sa pag-unlad ng mga bansa sa Asya, sa

pangunguna ng kanikanilang pamahalaan. Pamahalaan ang nagtataguyod sa kanlurang

pang-ekonomiya ng bansa. Tulad ng Japan na kung saan ang Ministry of International

Trade and Industry bilang ahensya ng pamahalaan, ang pumipili ng mga industriya

10

para umunlad ang bansa. Sa Korea naman ang Cheabol ang tumutulong sap ag-unlad

ng bansa, dahil ditto ay kalipunan ng maraming kompanya na kadalasang may share o

bahaging pag-aari sa isa’t isa at ang pagmamay-ari ay nasa kamay ng isang pamilya.

Dahil sa pagkakaroon ng awtoritaryan na pamahalaan, naigigiit ng pamahalaang

Singapore ang adhikain niya na sa paniniwala niya ay nakabubuti para sa kalayaang

pang-ekonomiya ng kaniyang bansa.

Isa pa sa mga elemento ng pag-unlad ng ekonomiya sa Asya ay ang

institusyoanlisayon ng mga pagpapahalagang Asyano na siyang humuhubog sa mga

patakarang politikal at pang-ekonomiya. Ang mga pagpapahalagang Asyano na

nakakatulong sap ag-unlad ay ang pagpapanatili ng kaayang- ayang relasyon, pagiging

malapi sa pamilya, at pagtataguyod ng pagkakaisa kasama na ang malakas na ugnayan

na tinatawag na network. Tulad ng mga Tsino, ang pakikipag-ugnayan ay pinalaganap

nila sa iba’t ibang bahagi ng Asya pati na ang pagtutulungan nila sa negosyo.

Ang krisis pinansyal noong 1997 ang nagging dahilan ng pansamantalang

paghinto ng magandang kalagayan ng ekonomiya sa rehiyon ng Silangan at Timog-

Silangang Asya. Nagsimula ito sa Thailand at lumaganap ito sa iba pang bansa sa Asya

tulad ng Hongkong, China, at Japan. Recession naman ang naganap sa Timog Korea,

Thailand, at Indonesia. Batay sa naranasang ito ng mga naapektuhang bansa ng Asya,

ang itinuturong dahilan ay ang mahinang pundasyong pinansyal ng mga bansa at ang

patuloy na espekulasyon.

Noong pumasok ang taong 2000, nalampasan ng karamihan ng mga bansang

apektado sa rehiyong Silangan at Timog-Silangan Asya ang krisis pinansyal, hamon ng

globalisasyon at patuloy na kahirapan sa rehiyon. Sa pagkakaroon ng katangi-tanging

heograpiya at lakas paggawa, nananatiling Asya paa rin ang may kapasidad sa daigdig

na maging sentro ng kaunlaran.

Gawain 8: Data Information Chart

Lagyan ng tamang datos, ang bawat kolum ng data information chart. Muli,

maaari moitong kulayan upang maging kahika-hikayat. Gawin ito sa inyong sagutang

papel.

Mga Pagbabagong Pang-ekonomiya na Naganap sa Timog at Kanlurang Asya

Bansa sa Asya

Naganap Pagkatapos ng

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Nagaganap sa

kasalukuyan

11

Gawain 9: Pagsusuri ng Teksto

Antas ng Kabuhayan ng Ilang Bansa sa Timog at Kanlurang Asya

May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa antas ng pag-unlad at pagsulong ng mga

bansa sa Asya. Ang mga salik na ito ay ang heograpiya, likas na yaman lakas paggawa,

teknolohiya, puhunan, at higit sa lahat ang katatagang politika ng isang bansa.

Dahil sa mga salik na nabanggit ay magkakaiba ang antas ng pagsulong at pag-

unlad ng mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya. Nakilala sa industriya ng langis ang

Kanlurang Asya. Nangunguna rito ang mga bansang Saudi Arabia, Iraq, Kuwait at Iran

dahil sa taglay nitong malaking reserba ng mina ng langis at natural gas. Sa paglinang

ng nasabing likas na yaman ay natutugunan ang pangangailangan ng mga tao lalo na sa

Saudi Arabia.

Saudi Arabia. Maituturing na angat ang antas ng kabuhayan ng bansang ito. Simula

nang matuklasan ng Saudi Arabia ang desalinasyon (pag-aalis ng asin sa tubig mula sa

prosesong ito s mga tahanan, industriya, at paghahalaman. Nakapagpatayo rin ng mga

dam upang makapag-ibak ng tubig para sa mga irigasyon na maktutulong sa

produksyon ng pagkain.Pinaunlad ng mga Arabe ang Sistema ng transportasyon,

komunikasyon at mga imprastraktura. Nakapaggawa ang bansa ng mga kalsada,

pabrika at industriya. Sa katunayan may tatlong magandang paliparan ang naipatayo sa

mga lungsod ng Dharan, Jeddah at Riyadh.

India. Nagpaangat sa ekonomiya ng bansang India ang paglaganap ng

industriyalisasyon sa mga pook urban nito, ang pakikipagkalakalan sa mga bansang

Amerika at Japan, pati ang mga matatag na komersiyo nito.Nakatulong din sa pagtaas

ng antas ng kabuhayan ng bansa ang mga Indian na nagtataglay ng mga kasanayang

kailangan sa mga pabrika, industriya, at mga korporasyon.Isang bukas na pamilihan

din ang turing sa India sa ngayon dahil sa maraming kompanyang multinasyonal ang

dumarayo dito upang magtaglay ng puhunan. Ang pagkakaroon ng mga plantang

nukleyar na nagbibigay ng enerhiya sa India ay nakatulong ding upang umunlad ang

bansa.

Pakistan. Sa pagsisikap ng Pakistan na maibigay sa mga tao ang mga pangunahing

serbisyo gaya ng trabaho, kalusugan at edukasyon ay lumikha ng mga lumikha ng mga

batas ang pamahalaan upang mabantayan ang mga pribatong sector na katuwang nito

ang pagbibigay ng mga nasabing serbisyo. Bagaman nananatiling isang agrikultural na

bansa, patuloy na umaangat ang ekonomiya nitong industriya, imprastrakturang

pampubliko, mga tulong mula sa mga manggagawang nagtatrabaho sa ibang bansa, at

pagpapaibayo sa kanilang depensa.

12

Gawain 10: Concept Web

Lagyan ng wastong impormasyon ang kasunod na concept web. Maaaring mong

kulayan ito. Gawain ito sa kuwaderno.

Mga dahilan ng pagkakaiba ng antas ng pagsulong at pag-unlad ng mga bansa Sa Timog at Kanlurang Asya

Isaisip

Mga mahahalagang kaalaman na dapat tandaan:

Ang neokoloniyalismo ay ang di-tuwirang pananakop sa isang bansang

Malaya na may mahinang ekonomiya na umaasa sa isang makapangyarihang

bansa.

Ang mga bansang kabilang sa Third World ang madalas na nakakaranas nito

dahil sa pagkakaroon ng mahinang ekonomiya.

Maaaring mapaunlad ang kaalaman ng mga bansa sa iba’t ibang larangan sa

pamamagitan ng pagpapalitan ng iskolar at iba pang paraan.

Dahil sa kakulangan ng pondo ang dayuhan ahensya ang namamahala sa

mga pasilidad ng mga unibersidad.

Ang bansang India ay minsang nagbukas ng kaniyang ekonomiya sa

kalakalang panlabas noong 1991.

Mas malaki ang kapital ng mga Amerikano noong 1992 at 1993 sa bansang

India.

Nag-uunahan ang mga Kanluraning Abansa na masakop ang mga bansa sa

kanlurang Asya nang matuklasan ang langis sa rehiyon.

Ang mga Arabong bansa sa pangunguna ng Saudi Arabia, Iraq, at Kuwait ang

may hawak ng malaking reserba ng langis sa daigdig.

Nagagawang maimpluwensyahan ng makapangyarihang bansa ang usapin

tungkol sa mga kalagayang panloob ditto, pagbabatas, pamaraang political na

ang halimbawa ay eleksyon.

Nagagawang tumulong ng mga kanluraning bansa sa kanilang mga dating

kolonya kung ito ay nanganganib na sakupin ng ibang bansa.

13

Gamit ang mass media at edukasyon ay nahuhubog ng mga

makapangyarihang bansa ang kaisipan ng mga katutubo sa mga bagay na

malinaw na makadayuhan.

Naganap sa India ang anyong neokoloniyalismo sa pamamagitan ng mga

British.

Ibinatay sa sistemang British ang edukasyon sa India at wikang Ingles ang

ginagamit sa pagtuturo upang ang mga Indian ay maging mahusay na

manggagawa at kawani ng kanilang pamahalaang kolonyal.

Dahil sa patuloy na pagtulong ng mayayamang bansa sa mga bansa sa Asya

ay nagging palaasa na lamang ang umuunlad at mahihirap na bansa.

Madalas ay nangungutang ng salapi ang mga dating kolonyang bansa sa

International Monetary Fund o World Bank upang magamit sa kanilang mga

pangangailangan, pati na ang ukol sa edukasyon.

A liberasyon ng ekonomiya sa daigdig sa kasalukuyan ay nagbigay-daan sa

opagbubukas ng mga pamilihan ng papaunlad na mga bansa na wala naming

maitutumbas sa malayang pagpasok ng teknolohiya ng mauunlad na bansa.

Noong 1945, ang bansang Turkey ay nagsimulang tumanggap ng tulong mula

sa United States sa pangunguna niPangulong Harry S. Truman.

Sa pamumuno ni Haring Ibn Saud, taong 1950 ay nakigpagkasundo sa

Arabian American Oil Company (ARAMCO) para sa 50% kita ng nasabing

kompanya ay maibigay sa Saudi Arabia nang sa gayon ay mapataas ang kita

ng bansa.

Sa ilalim ng pamumuni Shah Reza, ito ay humingi ng tulong teknikal sa mga

bansang France, Germany, Italy at iba pa.

May mga samahang nabuo sa mga bansa sa Timog at Kanlurang Asya na

nagpakita ng kanilang pagiging makabayan.

Isagawa

Ang galing mo sa mga gawain. Ngayon para mapagtibay ang iyong natutuhan ay

gawin ang gawain na nasa ibaba.

Gawain 11: Concept Map Ko! Buuin ang isang concept map sa ibaba, sa pamamagitan ng paglalagay ng tamang

impormasyon sa bawat bahagi nito. Maaring kulayan ang iyong concept map.

Kahulugan

Uri

Kahalagahan Peligro

kalakalan

Peligro

14

Tayahin

Panghuling Pagtataya

Panuto: Basahing mabuti ang bawat bilang. Isulat ang titik ng tamang sagot sa

sagutang papel.

1. Naghangad din ng Kalayaan ang India. Anong pamamaraan ang isinagawa nito

upang matamo ang kanyang hangarin? a. Nakipag-alyansa sa mga kanluranin

b. Itinatag ang Indian National Congress c. Binoykot ang mga produktong Ingles

d. Tinulungan ang mga Ingles sa panahon ng digmaan 2. Sa ilalim ng Ingles, nagkaroon ng mga pagbabago sa India na hindi katanggap-

tanggap sa mga Indian. Alin ang isang pagbabagong hindi matanggap ng mga Indian? a. Pagpapalaganap ng sistema ng edukasyon na ayon sa pamantayang Ingles

b. Paglilipat ng mga sentro ng gawaing pangkabuhayan sa mga baybaying-dagat

c. Pagkakaroon ng racial discrimination sa pagbibigay ng posisyon sa pamahalaan d. Pagpapahusay ng mga transportasyon at komunikasyon

3. Ito ay isang simpleng uri ng pakikipagkalakalan na hindi nakabatay sa salapi. a. Online business b. Barter c. Import d. Microfinance

4. Anong bansa sa Timog at Kanlurang Asya ang kumukontrol sa lahat ng mga ginagamit ng mga mag-aaral sa mga paaralan?

a. Pakistan b. Turkey c. Saudi Arabia d. Yemen

5. Ano ang dahilan kung bakit mas nakaangat ang bansang Saudi Arabia sa Iba pang bansa sa Timog at Kanlurang Asya?

a. Dahil sa pagkatuklas nito sa pag-alis ng asin mula sa dagat. b. Dahil mayaman ang mga taong nakatira rito.

c. Nagtitinda sila ng ginto. d. Maraming mga magagaling na manggagawa sa kanilang lugar.

6. Ang larong chess, baraha at martial arts tulad ng judo at karate ay nagmula sa anong

bansa? a. China b. Japan c. Korea d. India

7. Ano ang maituturing pinakamahalagang sinaunang ruta ng kalakalan na nag-uugnay sa mga bansa tuladng China, Gitnang Asya at Europe?

a. Silkroute b. Airways c. Airport d. Seaport 8. Ano ang tawag sa di-tuwirang pananakop isang bansang malaya na mahina na

ekonomiya at umaasa lamang sa isang makapangyarihang bansa? a. Neokolonyalismo c. Merkantlismo

b. Kolonyalismo d. Sosyalismo

9. Ano ang dahilan kung bakit nag-uunahan ang mga kanluraning bansa na masakop ang Kanlurang Asya?

a. Dahil sa natuklasang langis sa rehiyon. b. Dahil maganda ang klima rito

c. Dahil mababait ang mga tao rito d. Dahil sikat ang mga bansa rito.

10. Ano ang tawag s pag-alis ng asin sa tubig mula sa dagat at ginamit ang tubig mula sa prosesong ito mula sa mga tahanan?

a. Salinization b. Desalinasyon c. Desrtification d. Siltation

15

Karagdagang Gawain

Gawain 12: Repleksyon !

Panuto: Ngayon ay maari mo nang itala ang lahat ng bagay at

impormasyon na iyong natutuhan sa aralin. Isulat sa isng buong papel.

Susi ng Pagwawasto

Sanggunian

Modyul:

Dep-Ed Module “Araling Panlipunan” Modyul pasa sa Mag-aaral Yunit III, First edition ( 2015); 266-288

Balikan

1.Keshab Chunder

Sen

2. Reyna rania Al-

Abdulla

3. Hussain Ershad

4. Sarojini Naidu

5. Amir-un-Nisa

Tayahin 1. a 9. a

2. a 10. b

3. b

4. a

5 a

6. d

7. a

8. a

16

Region IX: Zamboanga Peninsula Hymn – Our Eden Land

Here the trees and flowers bloom

Here the breezes gently Blow,

Here the birds sing Merrily,

The liberty forever Stays,

Here the Badjaos roam the seas

Here the Samals live in peace

Here the Tausogs thrive so free

With the Yakans in unity

Gallant men And Ladies fair

Linger with love and care

Golden beams of sunrise and sunset

Are visions you’ll never forget

Oh! That’s Region IX

Hardworking people Abound,

Every valleys and Dale

Zamboangueños, Tagalogs, Bicolanos,

Cebuanos, Ilocanos, Subanons, Boholanos,

Ilongos,

All of them are proud and true

Region IX our Eden Land

Region IX

Our..

Eden...

Land...

The Footprints Prayer Trees by Joyce Kilmer One night I had a dream. I dreamed

that I was walking along the beach

with the LORD.

In the beach, there were two (2) sets

of footprints – one belong to me and

the other to the LORD.

Then, later, after a long walk, I

noticed only one set of footprints.

“And I ask the LORD. Why? Why?

Why did you leave me when I am sad

and helpless?”

And the LORD replied “My son, My

son, I have never left you. There was

only one (1) set of footprints in the

sand, because it was then that I

CARRIED YOU!

I think that I shall never see

A poem lovely as a tree.

A tree whose hungry mouth is prest

Against the earth’s sweet flowing

breast;

A tree that looks at God all day,

And lifts her leafy arms to pray;

A tree that may in Summer wear

A nest of robins in her hair;

Upon whose bosom snow has lain;

Who intimately lives with rain.

Poems are made by fools like me,

But only God can make a tree.