20 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2.0

25
20 Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat na katangian ng kabataang Asyano. 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2.0 _______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

Transcript of 20 1ST GENERATION MODULES - VERSION 2.0

20

Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat na katangian ng

kabataang Asyano.

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

i

Filipino - Grade 9

Alternatibong Paraan ng Paghahatid

Unang Markahan – Modyul 20: Naisusulat ang sariling opinyon tungkol sa mga dapat o hindi dapat

na katangian ng kabataang Asyano.

Unang Edisyon 2020

Pangkat na Bumubuo sa Modyul

Tagasulat: Brayan G. Cinco Tagasuri: Anna Zhusette S. Pintor Tagaguhit: Brayan G. Cinco Tagapag-ugnay: Dr. Necifora M. Rosales Tagapamahala:

Dr.Marilyn S. Andales, SDS, Ceu Province Dr.Leah B. Apao, ASDS, Cebu Province Dr. Cartesa M. Perico, ASDS, Cebu Province Dr. Ester A. Futalan, ASDS, Cebu Province Dr. Mary Ann P. Flores, Chief, CID Mr. Isaiash T. Wagas, EPSVR, LRMDS Mrs. Arceli A. Cabahug, EPSVR, Filipino

Department of Education –Region VII-Division of Cebu Province

Office Address: IPHO Bldg. Sudlon, L ahug Cebu City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng kara-

patang sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang

pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda sa akda kung ito ay

pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang

pagtakda ng kaukulang bayad.

Mga hiniram na kagamitan halimbawa…seleksiyon, tula, awit , larawan, ngalan ng produkto,

tatak, palabas sa telebisyon, pelikula, at iba pa na ginamit sa akda na ito ay nagtataglay ng

karapatang-ari ng mga iyon. Ipinagbabawal na sipiin ang anumang bahagi ng akda na ito na

walang pahintulot mula sa mga may-akda 0 sa tagapaglathala maliban sa isang nagnanais na

sumipi ng ilang bahaging aklat at pag-angkin nito.

Inilimbag ng Kagawaran ng Edukasyon

Kalihim: Leonor Magtolis Briones

Pandalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

ii

20

9

Naisusulat ang sariling opinyon tungkol

sa mga dapat o hindi dapat na

katangian ng kabataang Asyano.

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

iii

Paunang Mensahe

Para sa mga Guro o Facilatator

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Filipino 9 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Akdang Pampanitikan sa

Timog Silangang Asya (Kultura: Ang Pamana ng Nakaraan, Regalo ng

Kasalukuyan, at Buhay Kinabukasan)

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng

mga edukador mula sa pambuliko institusyon upang gabayan ka, ang gurong

tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang

pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang

kayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang

makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang

kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman

ang mag- aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding

subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang

pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto.

Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan

ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 9 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul ukol sa Maikling Kwento ng Singapore. Ang modyul na ito ay

ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka

sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

iv

madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano

na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.

Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot

(100%), maaari mong laktawan ang

bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

mapatnubay at malayang pagsasanay upang

mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga

kasanayan sa paksa.

Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa

pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto

sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

v

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa

iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o

kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad

ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawaing naglalayong matasa o masukat

ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng

natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi ng Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain

at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

vi

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin

humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa

iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong

isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay

na mga kompetensi. Kaya mo ito.

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

1

Alamin

Alamin

Panimula

Sa Modyul na ito, ilalahad ang isang sanaysay na tatalakay sa kung ano ang

tunay na kuhulugan ng pag-ibig—katangiang marunong umunawa, umintindi’t

magtiis, hindi makasarili, mapagbigay, mabuting saloobin, matiyaga, masigasig, atbp.

Mga katangiang napapanahon at mumulat sa mga kabataan sa pagbangon mula sa

pandemya at magsisilbing sandata sa new normal ng kanilang pag-aaral.

Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

1. Nababalik-aralan ang kahulugan ng pag-ibig batay sa pang-unawa at

karanasan;

2. Nakabubuo ng sariling opinyon batay sa nararapat o hindi nararapat na

katangian sa pagpapasiya;

3. Napahahalagahan ang mga mensahe ng akda batay sa tunay na karanasan sa

tunay na buhay.

Hanapin at bilugan ang salitang kaugnay ng salitang may salungguhit sa bawat

pangungusap. Isulat sa patlang ang MK kung ang dalawang salita’y

magkasingkahulugan at MS kung magkasalungat. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Ang tunay at banal na pag-ibig ay nakapagbubukal ng kabutihan sa puso

maging ng mga taong natutuyot na ang pag-asa sa buhay. ______

2. Ang kasakimang naghahari sa puso ng tao ay nagbubunga ng katampalasan

maging sa mga walang malay. ______

3. Maging ang matandang nangangatal na ang tuhod ay handing magsakripisyo

kahit pa nga nanginginig na ang kanyang kalamnan.______

Subukin

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

2

4. Ang mga sawimpalad na inilugmok na ng kawalang pag-asa ay muling itinayo

ng wagas na pag-ibig.______

5. Matatalos ang mga pusong hindi nakadarama ng tunay na pag-ibig sapagkat

mamabatid ito sa kanilang mga kilos at salita._______

6. Maiiwasan ang pag-iiringan kung ang paiiralin ay pagtutulungan para sa tunay

na kaunlaran.______

7. Kahit pa matalino ay maituturing pa ring hangal ang isang taong hindi marunong

dumamay sa kapwa._______

8. Ang mga bulaklak sa parang ay naluluoy at maging ang iba pang halaman sa

parang ay nalalanta dahil sa matinding init ng araw.______

9. Matimyas na nalalasap ang matamis na damdaming hatid ng tunay na pag-

ibig._______

10. Ang panambitan ng mga taong nagdurusa ay katulad ng hinagpis ng isang

bayang nawalan ng kalayaan. ______

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

3

Balikan

Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa cue card o hudyat na salita sa gitna.

Kapag narinig mo ang salitang pag-ibig, anu-anong salita ang pumapasok sa isip

mong may kaugnayan sa salitang ito. Isulat sa sagutang papel.

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

4

Tuklasin

Pansinin natin ang isang sanaysay mula sa Pilipinas bilang isa sa mga bansa

sa Timog – Silangang Asya.

Ang Pag-ibig

Emilio Jacinto

1Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala ng mahal at dakila na gaya ng

pag-ibig. Ang katwiran, ang katotohanan, ang kabutihan, ang kagandahan, ang

Maykapal, at ang kapwa-tao ay siya lamang mangyayaring maging sanhi ng pag-ibig,

siya lamang makapagbubukal sa loob ng tunay at banal na pag-ibig. Kung ang

masama at matuwid ay ninanasa rin ng loob, hindi ang pag-ibig ang tunay na siyang

may udyok kundi ang kapalaluan at kasakiman.

2Kung ang pag-ibig ang wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal, at kara-

karang mapapawi sa balat ng lupa ang lahat ng pagkakapisan at pagkakaisa, at ang

kabuhayan ay matutulad sa isang dahon ng kahoy na niluoy ng init at tinangay ng

hanging mabilis.

3Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makakaakay sa tao sa mga

dakilang gawa sukdulang ikawala ng buhay sampu ng kaginhawaan.

4Ngunit ang kasakiman at katampalasan ay nag-aanyo ring pag-ibig kung

minsan, at kung makagayon na ay libu-libong mararawal na kapakinabangan ang

nakakapalit ng gagatak na pagkakawanggawa na nagiging tabing pa mandin ng

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

5

kalupitan at ng masakim na pag-iimbot. Sa aba ng mga bulag na isip na nararahuyo

sa ganitong pag-ibig.

5 ng pag-ibig wala na kundi ang pag-ibig na tanging binabalungan ng

matatamis na alaala sa nagdaan at ng pag-asa naman sa darating. Sa malawak na

dagat ng ating mga

kahirapan at pagkadusta, ang pag-ibig ay siyang magiging dahilan lamang

kung kaya natin minamahal pa ang buhay.

6Kung ang magulang ay walang pag-ibig sa anak, sino ang magbabatang mag-

iiwi sa mga sanggol? At mabubuhay naman kaya ang mga anak sa sarili lamang nila?

Kung ang anak kaya naman ang walang pag-ibig sa magulang, sino ang magiging

alalay at tungkod sa katandaan? Ang magulang ay lalo pang matamis kaysa buhay

para sa matandang nangangatal ang tuhod at nanlalabo ang pagod na mga mata ay

wala nang malingapang mag-aakay at makaaaliw sa kanyang kahinaan.

7Ang pagkahabag sa ating mga kapwa na inilugmok ng sawing kapalaran

hanggang sa tayo’y mahikayat na sila’y bahaginan ng kaunting kaluwagan, an gating

pagtatanggol sa naapi hanggang sa isapanganib at idamay natin ang ating buhay;

ang pagkawanggawa sa lahat kung tunay na umusbong sa puso, alin kaya ang

pinagbuhatan kundi ang pag-ibig?

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

6

8Ang tunay na pag-ibig ay walang ibubunga kundi ang tunay na ligaya at

kaginhawaan. Kailanpama’t sapin-sapin ang dusang pinapasan ng mga bayani, at ang

kanyang buhay ay nalipos ng karukhaan at lungkot, ang dahilan ay sapagkat ay hindi

ang tunay na pag-ibig naghahari kundi ang taksil na pita sa yama’t bulaang

karangalan.

Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng wagas at taimtim na pag-ibig!

9Sa pag-ibig nunukal ang kinakailangang pagdadamayan at pagkakaisang

magbibigay ng di-maihahapay na lakas na kailangan sa pagsasanggalang ng

matuwid.

10Sa aba ng mga bayang hindi pinamamahayan ng pag-ibig at binubulag ng

hamak na pagsasarili. Ang masasama ay walang ibang ninanasa kundi ang ganitong

kalagayan. Gumagawa ng daan tungo sa pag-aalitan, kaguluhan, pagtataniman, at

pagpapatayan sapagkat kinakailangan ng kanilang kasamaan. Ang hangarin nila ay

mapagbukod-bukod ang mga mamamayan upang kung mahina na at dukha dahil sa

pag-iiringan sila ay makapagpapasasa sa kanilang kahinaan at karupukan.

11Oh! Sino ang nakapagsasaysay ng mga himalang gawa ng pag-ibig? Ang

pagkakaisa na siyang kauna-unahang bunga niya ang isang lakas at kabuhayan, at

kung nagkakaisa na’t nag-iibigan, ang lalong malalaking hirap ay nagiging magaang

pasanin, at ang munting ligaya’y matimyas na nalalasap. Kung bakit nangyari ang

ganito ay hindi matatalos ng mga pusong hindi nakadarama ng tunay na pag-ibig.

12At upang mapagkilalang magaling na ang pag-ibig ay siya ngang susi at

mutya ng kapayapaan at ligaya. Ikaw na bumabasa nito, mapagnanakawan mo kaya,

mapagdadayaan o matatampalasan mo kaya ang iyong ina’t mga kapatid? Hindi,

sapagkat sila’y iniibig, at sa halip ay dadamayan mo ang iyong dugo at sampu ng

buhay kung sila’y nakikitang inaapi ng iba.

13Gayundin naman, kung ang lahat ay mag-iibigan at mapaglalagayang tunay

na magkakapatid, mawawala ang lahat ng mga pag-aapihan na nagbibigay ng

mdalang pasakit at di mabatang mga kapaitan.

14Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili ang

magagandang akala. Ipapalagay na may tapat na nais at tatawaging marurunong ang

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

7

Suriin

mabuting magparaan upang matamasa sa dagta ng iba, at ituturing na hangal yaong

marunong dumamay sa kapighatian at pagkaapi ng kanyang mga kapatid.

15Maling mga isip at ligaw na loob ang manambitan sa mga hirap ng tao sa

inaakalang walang katapusan. Sukat ang matutong magmahal at manariwang muli sa

mga puso ang wagas na pag-ibig sa kapwa at ang tinatawag na bayan ng hinagpis ay

matutulad sa tunay na paraiso.

Basahin ang sumusunod na mga pahayag at buuin ang diwa sa pamamagitan ng

pagpili sa tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Sa lahat ng damdamin ng puso ng tao ay wala nang mahal at dakila na gaya

ng [ kabutihan, katotohanan, pag-ibig].

2. Kung pag-ibig ang wala, ang mga bayan ay hindi magtatagal at mapapawi

sa balat ng lupa ang lahat ng [ pagkakapisan, Pagmamahalan, pagtatalo].

3. Ang tunay na pag-ibig ay walang iba kundi iyong makaaakay sa tao sa mga

[panrelihiyong, dakilang, makamundong] gawa sa Sukdulang ikawala ng buhay

sampu ng kaginhawaan.

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

8

4. Ngunit ang [kalokohan, pangangailangan, kasakiman] ay nag-aanyo ring

pag-ibig kung minsan.

5. Kung ang pag-ibig sa kapwa ay wala, nilulunod ng malabis na pagsasarili

ang magagandang [ ambisyon, akala, paniniwala].

Pagyamanin

Basahin at unawain ang sumusunod na mga sitwasyon. Bilang isang kabataang

Asyano, magbigay ng dapat o hindi dapat na katangian ng mga karakter na

kumakatawan sa tunay na buhay sa kasalukuyan. Huwag kalimutang pairalin ang

―pag-ibig‖. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Si Alfred ay bunsong anak sa apat na magkakapatid. Nasanay siyang naibibigay sa

kanya ang anumang gusto dahil isang guro ang kaniyang ina sa isang pribadong

paaralan at nasa barko naman nagtatrabaho ang kaniyang ama. Sa paglaganap ng

pandemya na dulot ng Covid-19, napilitan si Alfred na lumipat sa pampublikong

paaralan at pinagbabawalan na rin siyang gumastos ng kung ano-ano para makatipid,

lalo pa’t maaapektuhan ang trabaho ng kaniyang ama dahil sa pandemya.

Ano ang nararapat na

katangiang ipakita ni

Alfred sa ganitong

sitwasyon? Ipaliwanag.

Unang opinyon:

Ano ang katangiang

taglay na hindi nararapat

na gawin ni Alfred?

Ipaliwanag.

Ikalawang opinyon: 1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

9

2. Kilala si Anica na isang mag-aaral sa Senior High na may magandang mukha at

alindog na pangangatawan. Dahil dito, kinahihiligan na niya ang sumali sa mga beauty

pageant at mas lalo siyang ginaganahan sa tuwing siya’y nananalo. Nang ipairal ang

community quarantine o lockdown sa kanilang lugar upang hindi tumaas ang bilang ng

mga nagkakaroon ng sakit na Covid-19, sa isang iglap ay nawalan na siya ng raket. At

dahil bread winner ng pamilya, kailangan niyang mag-isip ng ibang paraan para

kumita at makatulong sa kaniyang mga magulang. Napagdesisyunan niyang

magbenta ng ukay-ukay online kahit pa kinakawawa siya sa tingin ng ibang tao.

3. Si Jake ay kinikilalang magaling na manlalaro ng basketball sa paaralan kung saan

siya nag-aaral. Dahil may hitsura at katangkaran, palagi siyang nag-iinsayo at

ginagalingan upang maging varsity player pagdating ng araw. Sa kanilang lugar, hindi

inaasahan na umabot hanggang 12 ang tinamaan ng Covid-19 kaya naman

napagdesisyunan ng kanilang municipyo o ng Rural Health Unit na ipatupad ang 15

araw ng Extended Community Quarantine, kung saan bawal muna ang paglabas-

labas at sumunod sa kinauukulan para makaiwas sa sakit. Dala ng kagustuhang

maglaro at pagkabagot sa kanilang tirahan, hindi alintana kay Jake ang pagpunta sa

ibang barangay at doon ay nakipaglaro ng basketball kasama ang iba pang dayo sa

kanilang lugar.

Ano ang nararapat na

katangian ni Anica sa

kaniyang kalagayan?

Ipaliwanag.

Unang opinyon:

Ano ang hindi nararapat

na katangian ni Anica

gayong kinakawawa siya

ng iba? Ipaliwanag.

Ikalawang opinyon:

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

10

Isaisip

Panuto: Ano-anong kaisipan ang inyong mabubuo mula sa mga katangiang nararapat

at hindi nararapat sa pagharap ng mga matitinding pagsubok hatid ng pandemyang

nararanasan natin ngayon. Isulat sa sagutangpapel.

1.

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

Ano ang nararapat na

katangian ni Jake sa

pandemyang kinakaharap

ng kanilang lugar?

Ipaliwanag.

Unang opinyon:

Ano ang katangiang hindi

dapat pairalin ni Jake

gayong may laganap na

sakit sa kanilang bayan?

Ipaliwanag

Ikalawang opinyon:

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

11

2.

________________________________________________________________

3.

12

4.

_______________________________________________________________

5.

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

13

Isagawa

Bilang isang kabataang Asyano o Pilipino, hindi mapagkakaila ang pagkakaroon ng

malasakit sa iba lalo na sa oras ng pangangailangan, na isa sa ipagmamalaki nating

katangian. Maglahad ng mga paraan kung paano mo maipadarama ang

pagmamalasakit o pagmamahal sa sumusunod. Isulat sa sagutang papel.

1. Sa mga magulang na patuloy na nagsasakripisyo sa oras ng pandemya

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

2. Sa isang kaibigan na namatayan ng mahal sa buhay dahil sa Covid-19

____________________________________________________________________

3. Sa isang frontliner o nagtatrabaho sa ospital

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

4. Sa kaaway na dumadaan sa depresyon o problema

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

14

5. Sa gobyerno o pamahalaan

Ang sanaysay na binasa ay may labinlimang talata. Muling balikan ang sanaysay at

tukuyin kung saang talata mahahanap ang sumusunod na mga pangunahing ideya.

Isulat sa sagutang papel.

_____ 1. Ang pag-ibig ang dahilan kung bakit nais ng taong mabuhay na taglay ang

pawang matatamis niyang alaala.

_____ 2. Dahil sa pag-ibig may mga magulang na nag-iiwi sa anak, at may mga anak

na umaalalay sa mga magulang.

_____ 3. Kung tunay ang iyong pag-ibig kalian ma’y hindi ka makagagawa ng

masama sa iyong iniibig.

_____ 4. Ang pag-ibig ang gumagabay sa isang tao patungo sa dakilang gawa

ikamatay man niya o ipagdusa ito.

_____ 5. Ang pag-ibig ang pinakadakila sa lahat ng damdamin ng tao.

_____ 6. Ligaya at kaginhawaan ang ibinubunga ng pag-ibig.Kung ang tao ay

nagdurusa, ito ay sapagkat di tunay na pag-ibig ang naghahari.

_____ 7. Pag-ibig ang dahilan ng pagkakaisa at ditto nagmumula ang lakas upang

ipagtatanggol ang kabutihan.

_____ 8. Mawawala ang pang-aapi o panglalamang sa kapwa kung lahat ay mag-

iibigan.

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

15

Karagdagang Gawain

_____ 9. Kung walang pag-ibig, magiging makasarili ang mga tao at ang mga ito’y

mag-iisip ng masama laban sa kapwa.

_____ 10. Ang masasama ay naghahangad na magbuklud-buklod ang mga tao.

Panuto: Gamitin ang estratehiyang Read and React sa pagbuo ng pansariling

opinyon, saloobin, o reaksiyon batay sa mga pahayag sa ibaba. Isulat sa sagutang

papel.

1. Read: May mga taong masaya kapag nakapang-aapi ng ibang taong ipinagpalagay

nilang mahihina.

Reaksiyon:

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

2. Read: Gusto ng kapatid mong bumalik na sa dati na malayang nakapagpasyal sa

iba’t ibang lugar kahit pa may lockdown.

Reaksiyon:

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

________________________________________________________________

3. Read: Ninanais ng mga kaibigan mong suportahan ang isang kapitbahay sa

pagbebenta ng face shield at face mask kahit pa sa sobrang mahal o taas na halaga.

Reaksiyon:

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

16

___________________________________________________________________________

_________

4. Read: Nalaman ng nanay mo na maaaring hulihin sila kapag nakaangkas na

walang motorcycle barrier ang motorsiklong minamaneho ng tatay mo.

Reaksiyon:

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

_________

5. Read: Sa susunod na pasukan ay walang face-to-face na mangyayari sa pagitan ng

guro at mga mag-aaral hangga’t walang bakuna kontra Covid-19.

Reaksiyon:

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

_________

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

17

SUBUKIN SURIIN

1.natutuyot – MS 1. pag-ibig

2. katampalasan – MK 2. pagkakapisan

3. nangangatal – MK 3. dakilang

4. itinayo – MS 4. kasakiman

5. Matatalos – MK 5. akala

6. pagtutulungan – MS

7. matalino – MS TAYAHIN

8. nalalanta – MK 1. 5

9. matamis – MK 2. 6

10. hinagpis – MK 3. 12

4. 3

5. 1

6. 8

7. 7

8. 13

9. 14

10. 10

Susi sa Pagwawasto

1ST GENERATION MODULE

S - VERSION 2.0

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________Subject to further validation for IP compliance, this material is for first quarter use only. Circulation shall be limited to public schools within the jurisdiction of the Division of Cebu Province. LR-PIPCV

18

Sanggunian

Mga Aklat at Iba pang Sanggunian

Lontoc, Nestor S. et al, Pluma Wika at Panitikan Para sa Mataas na Paaralan

Ikatlong Taon. Quezon Avenue, Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc.

Antonio, Lilia F, et al, Mga Panitikan ng Pilipinas, Quezon Avenue South

Triangle, Quezon City, C & E Publishing, Inc.

Media / Websites / Internet Sites

https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk01KqsgZ4gblKzfUSB2fzLxVlAylhg

%3A1596729307334&source=hp&ei=2ycsX5auEsnmwQPZgabYCA&q=love+graphics

&oq=love+gra&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQARgCMgUILhCTAjICCAAyAggAMgIIADICCAA

yAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADoECCMQJzoICAAQsQMQgwE6BQgAELEDOgsIL

hCxAxDHARCjAjoICC4QsQMQgwE6BQguELEDOgcIIxDqAhAnOg4ILhCxAxCDARD

HARCjAjoECAAQAzoCCC5Qq8oCWNGgA2D-

tANoBHAAeACAAcAeiAG2b5IBETAuMS4zLjIuMS4xLjgtMS4zmAEAoAEBqgEHZ3dzL

XdperABCg&sclient=psy-ab

https://www.google.com/search?sxsrf=ALeKk0005rThW78ShErI5j-z5bpx-

n3eVA%3A1596729456262&ei=cCgsX7TJD9ry-

QaHsb2QDA&q=frontliners+pictures&oq=frontliners+pictures&gs_lcp=CgZwc3ktYWIQ

AzICCAAyAggAMgIIADICCAAyBggAEBYQHjoECCMQJzoNCAAQsQMQgwEQFBCH

AjoICAAQsQMQgwE6BgguEAoQQzoFCAAQsQM6CggAELEDEIMBEEM6BAgAEEM

6BwgAELEDEEM6BAgAEApQ_kZYxVhgvF9oAHAAeACAAagDiAHSGJIBBzItNi4zLjG

YAQCgAQGqAQdnd3Mtd2l6wAEB&sclient=psy-ab&ved=0ahUKEwi0wavg-

IbrAhVaed4KHYdYD8IQ4dUDCAw&uact=5

https://www.sunstar.com.ph/cebu

Para sa katanungan at komento, maaring sumulat o tumawag kay:

Brayan G.Cinco

09567130553

[email protected]