EDISYON PARA SA PAG-AARAL - Akamaihd.net

32
ARALING ARTIKULO SA LINGGO NG: Nobyembre 28–Disyembre 4 Kapaki-pakinabang ba ang Iyong Paglilibang? PAHINA 8 GAGAMITING AWIT: 70, 74 Disyembre 5-11 Matalinong Payo sa Pag-aasawa at Pananatiling Walang Asawa PAHINA 13 GAGAMITING AWIT: 85, 36 Disyembre 12-18 Magtiwala kay Jehova— “Ang Diyos ng Buong Kaaliwan” PAHINA 23 GAGAMITING AWIT: 75, 115 Disyembre 19-25 “Aliwin ang Lahat ng Nagdadalamhati” PAHINA 27 GAGAMITING AWIT: 68, 42 34567 OKTUBRE 15, 2011 EDISYON PARA SA PAG-AARAL

Transcript of EDISYON PARA SA PAG-AARAL - Akamaihd.net

ARALING ARTIKULO SA LINGGO NG:

Nobyembre 28–Disyembre 4Kapaki-pakinabang ba angIyong Paglilibang?

PAHINA 8 GAGAMITING AWIT: 70, 74

Disyembre 5-11Matalinong Payo sa Pag-aasawa atPananatiling Walang Asawa

PAHINA 13 GAGAMITING AWIT: 85, 36

Disyembre 12-18Magtiwala kay Jehova—“Ang Diyos ng Buong Kaaliwan”

PAHINA 23 GAGAMITING AWIT: 75, 115

Disyembre 19-25“Aliwin ang Lahat ng Nagdadalamhati”

PAHINA 27 GAGAMITING AWIT: 68, 42

34567OKTUBRE 15, 2011

EDISYON PARA SA PAG-AARAL

LAYUNIN NG MAGASING ITO, Ang Bantayan, na parangalan ang Diyos na Jehova, ang Kataas-taasangTagapamahala ng uniberso. Noong sinaunang panahon, natatanaw ng isa mula sa bantayan ang mga nangyayarisa malayo. Sa katulad na paraan, ipinakikita ng magasing ito ang kahalagahan ng mga pangyayari sa daigdigayon sa mga hula ng Bibliya. Inaaliw nito ang mga tao sa pamamagitan ng mabuting balita na di-magtatagal,wawakasan ng Kaharian ng Diyos, isang tunay na gobyerno sa langit, ang lahat ng kasamaan at gagawin nitongparaiso ang lupa. Pinasisigla nito ang mga tao na manampalataya kay Jesu-Kristo, na namatay para magkaroontayo ng pag-asang mabuhay nang walang hanggan at namamahala na ngayon bilang Hari sa Kaharian ng Diyos.Ang magasing ito ay walang pinapanigan sa pulitika at patuluyang inilalathala ng mga Saksi ni Jehova mula panoong 1879. Sinusunod nito ang Bibliya bilang awtoridad.Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na tinutustusan ng kusang-loob na mgadonasyon. Malibang iba ang ipinakikita, ang mga pagsipi sa Kasulatan ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.

34567 OCTOBER 15, 2011

LAYUNIN NG MGA ARALING ARTIKULO

ARALING ARTIKULO 1 PAHINA 8-12

Saanman tayo nakatira, makatutulong ang mgasimulain ng Bibliya para makapili tayo ng kapaki-pakinabang na libangan. Tatalakayin sa artiku-long ito kung paano natin matitiyak na pasado samga simulain ng Bibliya ang ating libangan.

ARALING ARTIKULO 2 PAHINA 13-17

Ang desisyong mag-asawa o manatiling walangasawa ay makaaapekto hindi lang sa buong bu-hay ng isa kundi pati sa kaniyang katayuan kay Je-hova. Ipakikita ng artikulong ito kung paanomakikinabang ang mga lingkod ng Diyos, mayasawa man owala, sa pagkakapit ng payo sa 1 Co-rinto kabanata 7.

ARALING ARTIKULO 3, 4 PAHINA 23-31

Sa mga huling araw na ito, maraming kabagaba-gang nararanasan ang mga lingkod ni Jehova atang iba pa. Anu-ano ito at saan tayo makasusum-pong ng kaaliwan? Ipakikita ng dalawang artiku-long ito kung paano nagbibigay ng kaaliwan si Je-hova at ang kaniyang mga Saksi.

SA ISYU RING ITO

3 ‘Patuloy na Magbantay’—Bakit Napakahalaga?

5 Magsaya TayongMagkakasama! )

18 KaligayahanKongMaglingkodkay Jehova )

32 Mga TanongMula sa mgaMambabasa

Globe: Courtesy of Replogle Globes

The Watchtower (ISSN 0043-1087) is published semimonthly by Watchtower Bible and Tract Society of New York, Inc.; M. H. Larson, President;G. F. Simonis, Secretary-Treasurer; 25 Columbia Heights, Brooklyn, NY 11201-2483, and by Watch Tower Bible and Tract Society of the Philippines, Inc.,PO Box 2044, 1060 Manila. Periodicals Postage Paid at Brooklyn, NY, and at additional mailing offices. ˘ 2011 Watch Tower Bible and Tract Society ofPennsylvania. All rights reserved. Printed in Japan.Vol. 132, No. 20 Semimonthly TAGALOG

ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011 3

“ANO ang magiging tanda ng iyong pagka-naririto at ng katapusan ng sistema ng

mga bagay?” (Mat. 24:3) Bilang sagot, binig-yan ni Jesus ang kaniyang mga alagad ngisang malinaw, detalyado, kapansin-pansin,at di-mapag-aalinlanganang tanda na nakau-lat sa Mateo kabanata 24, Marcos kabana-ta 13, at Lucas kabanata 21. Idinagdag niya:“Patuloy kayong magbantay.”—Mat. 24:42.

Pero bakit sinabi pa ito ni Jesus kung mali-naw na ang tanda? Pag-isipan ang dalawangposibleng dahilan. Una, baka dahil sa mgapang-abala ay maipagwalang-bahala ng ilanang tanda,manghina sila sa espirituwal, at hin-di na maging mapagbantay. Ikalawa, baka na-kikita ng isang Kristiyano ang mga detalye ngtanda, pero hindi niya nadarama ang epektong mga ito sa kanilang lugar. Kaya naman bakaisipin niya na ang “malaking kapighatian”—ang kasukdulan ng hula ni Jesus—ay malayopa kaya hindi niya kailangang ‘patuloy namagbantay.’—Mat. 24:21.

“Hindi Sila Nagbigay-Pansin”Ipinaalaala ni Jesus sa kaniyang mga tagasu-

nod ang tungkol sa mga tao noong panahon niNoe. Imposibleng hindi mapansin ng mga itoang pangangaral ni Noe, ang pagtatayo niya ngnapakalaking arka, at ang karahasan noong pa-nahon nila. Gayunman, karamihan sa kanilaay “hindi . . . nagbigay-pansin.” (Mat. 24:37-39)Ganiyan din ang saloobin ng mga tao sa nga-

yon. Halimbawa, napakalinaw ng mensahe samga speed-limit sign, pero marami ang hindisumusunod. Kadalasan, ang mga awtoridad aynaglalagay ng mga hump sa kalsada para mapi-litan ang mga drayber na bagalan ang pagma-maneho. Sa katulad na paraan, maaaring alamng isang Kristiyano ang tanda ng mga hulingaraw, pero baka masangkot pa rin siya sa mgagawaing makagagambala sa paglilingkod niyakay Jehova. Ganiyan ang nangyari kay Arielle,isang kabataan sa Kanlurang Aprika.

Mahilig manood si Arielle ng larong wom-en’s handball sa TV. Nang bumuo ng team angkanilang paaralan, sabik na sabik siyang maka-paglaro kaya hindi niya naisip ang mga panga-nibnito sa espirituwalidadniya.Nagpatala siyabilang goalkeeper. Ano ang nangyari? Sinabiniya: “Ang ilang ka-team ko ay may mga boy-friend na nagdodroga at naninigarilyo. Pinag-tawanan nila ako dahil naiiba ako, pero sinabiko sa sarili kongmakakaya ko ’yon.Di ko akala-ing ang laro mismo ang magpapahina sa akingespirituwalidad. Wala na akong inisip kundihandball. Kahit sa pulong, madalas lumilipadang isip ko. Naapektuhan din ang aking Kristi-yanong personalidad. Ang hilig ko sa paglalaroay napalitan ng espiritu ng pakikipagkompeti-syon. Nagpapraktis ako nang husto. Nagsimulaakong mai-stress. Ipinagpalit ko pa nga sahandball ang mga kaibigan ko.

“Ang pinakamasaklap ay noong bigyan ngpenalty shot ang mga kalaban namin sa isang

‘Patuloy naMagbantay’BakitNapakahalaga?

4 ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011

laro. Nakapuwesto na ako at nag-aabang. Di konamalayan, nanalangin ako kay Jehova na tu-lungan akong i-block ang bola! Dahil dito, na-kita ko kung gaano na ako kahina sa espiritu-wal. Paano ako nakabawi?

“Napanood ko na ang DVD natin na YoungPeople Ask—What Will I Do With My Life?� Pi-nanood ko ito muli at sineryoso. Pareho kaming sitwasyon ni Andre, ang kabataang itinam-pok sa drama. Tinandaan ko ang mungkahi ngelderkay Andre—basahin at pag-isipan ang Fili-pos 3:8. Iyan ang nag-udyok sa akin na magbi-tiw sa team.

“Ang laking tulong niyan sa akin! Nawalaang hilig kong makipagkompetisyon pati naang stress.Masmasayana ako atmasmalapıt samga kaibigang Kristiyano. Mas napahalagahanko ang espirituwal na mga gawain. Nakakapag-concentrate na ako at nasisiyahan sa mga pu-long. Napasulong ko rin ang aking ministeryo.Regular na akong nag-o-auxiliary pioneer.”

Kung dahil sa mga pang-abala ay naipagwa-walang-bahala mo ang tanda na ibinigay ni Je-sus, kumilos ka gaya ni Arielle. Subukan ang

� Isang makabagong-panahong drama tungkol sa pakiki-pagpunyagi ng isang kabataang Kristiyano na gawin angtama sa paningin ni Jehova.

alinman sa mga sumusunod. Gamitin angWatch Tower Publications Index, na tinaguri-ang isang mapa sa natatagong kayamanan.Mayroon itong mga reperensiya sa mahuhusayna payo at mga karanasan ng iba na napaharapsa mga tukso. Makinabang sa mga pulongsa pamamagitan ng paghahandang mabuti atpagkuha ng nota. Para sa iba, nakatutulongang pag-upo sa unahan ng bulwagan. Kapagmay talakayan, sikaping magkomento sa simu-la pa lang. Para manatiling gising sa espiritu-wal, iugnay ang kasalukuyang mga balita samgabahagi ng tanda at iba pang pagkakakilan-lanng “mgahuling araw.”—2Tim. 3:1-5; 2 Ped.3:3, 4; Apoc. 6:1-8.

‘Maging Handa Kayo’Ang tanda ng mga huling araw ay pambu-

ong-daigdig—saklaw nito ang “buong tinata-hanang lupa.” (Mat. 24:7, 14) Milyun-milyonang nakatira sa mga lugar na dumaranas ng sa-lot, kakapusan sa pagkain, lindol, at iba panginihulang pangyayari. Pero ang iba naman aynakatira sa mga lugar na mas tahimik at tiwa-say. Kung hindi mo pa personal na nararana-san ang ilang aspekto ng tanda, iisipin mobang napakalayo pa ng malaking kapighatian?Hindi tama iyan.

Halimbawa, pag-isipan ang hula ni Jesustungkol sa “mga salot atmga kakapusan sa pag-kain.” (Luc. 21:11) Una, hindi niya sinabi naang mga ito ay sabay-sabay na mangyayari salahat ng lugar at samagkakaparehong antas. Sahalip, sinabi niya na ang mga ito ay mangyaya-ri sa “iba’t ibang dako.” Kaya hindi natin dapatasahang sabay-sabay na magaganap ang pare-parehong pangyayari sa lahat ng lugar. Ikala-wa, matapos banggitin ni Jesus ang mga kaka-pusan sa pagkain, ipinahiwatig niya na angilan sa kaniyang mga tagasunod ay dapat mag-ingat na huwag magpakalabis sa pagkain: “Big-yang-pansin ninyo ang inyong sarili na ang in-yong mga puso ay hindi mapabigatan ng labisna pagkain.” (Luc. 21:34) Kaya hindi dapat isi-pinng lahat ngKristiyano na mararanasan nilaang bawat aspekto ng tanda. Sa halip, sinabi niJesus: “Kapag nakita ninyong nagaganap ang

Ang araw-araw na pag-uusap tungkol saespirituwal na mga bagay ay nakatutulong sapamilya ni Emmanuel na ‘maging handa’

ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011 5

SA NGAYON, lalong nagiging mailap ang ka-ligayahan at kagalakan. Para sa marami, ha-

los imposibleng magbahagi ng kasiyahan saiba. Dahil sa makabagong paraan ng pamumu-hay, lalo na sa malalaking lunsod, lumalayoang loob ng mga tao sa isa’t isa at ibinubukodang kanilang sarili.

“Napakaraming malungkot ngayon,” angsabi ng propesor ng psychobiology na si Alber-to Oliverio, at “ang pamumuhay sa malalakinglunsod ay tiyak na nakadaragdag sa kalungku-tan. Dahil dito, kadalasa’y naipagwawalang-

bahala natin ang personal na buhay ng isangkaopisina, kapitbahay, o kahera ng groseri saating pamayanan.”Ang ganitong kalungkutanay malimit mauwi sa depresyon.

Iba naman ang sitwasyon at saloobin ngmga Kristiyano. Sumulat si apostol Pablo:“Lagi kayong magsaya.” (1 Tes. 5:16) Mara-ming dahilan para magalak tayo at magsayangmagkakasama. Sinasamba natin ang Kataas-taasang Diyos na si Jehova; nauunawaan na-tin ang katotohanan sa Bibliya; mayroon ta-yong pag-asa ng kaligtasan at buhay na walang

Magsaya Tayong Magkakasama!

mga bagay na ito, alamin ninyo na ang kahari-an ng Diyos ay malapit na.” (Luc. 21:31) Dahilsa makabagong komunikasyon, nakikita natinang lahat ng aspekto ng tanda, anuman angnararanasan natin sa ating lugar.

Tandaan din na itinakda na ni Jehova ang“araw at oras” ng pasimula ng malaking kapig-hatian. (Mat. 24:36) Hindi ito mababago ngtakbo ng mga pangyayari sa lupa.

Pinayuhan ni Jesus ang mga Kristiyano salahat ng lugar: ‘Maging handa kayo.’ (Mat.24:44) Dapat na lagi tayong handa. Siyempre,hindi namanposibleng maghapon tayong ma-kikibahagi sa mga gawaing teokratiko araw-araw. At hindi natin alam kung ano ang gi-nagawa natin sa sandaling magsimula angmalaking kapighatian. Baka ang ilan ay nagta-trabaho sa bukid o sa bahay. (Mat. 24:40, 41)Kaya paano tayo magiging handa?

Sina Emmanuel, Victorine, at ang kanilanganim na anak na babae ay nakatira sa isanglugar sa Aprika kung saan hindi nila ma-syadong nararamdaman ang epekto ng mgaaspekto ng tanda. Kaya nagpasiya silang pag-usapan ang espirituwal na mga bagay araw-

araw para maging handa sila. Sinabi ni Em-manuel: “Noong una, mahirap humanap ngoras na kumbinyente sa lahat. Sa wakas, pini-li namin ang alas seis hanggang alas seis ymedia ng umaga. Pagkatapos talakayin angpang-araw-araw na teksto, pinag-aaralan na-min ang ilang parapo sa isang publikasyon nagagamitin sa pulong sa linggong iyon.” Naka-tulong ba ito sa kanila para manatiling gisingsa espirituwal? Oo! Si Emmanuel ang koor-dineytor ng lupon ng matatanda sa kani-lang kongregasyon. Madalas namang mag-auxiliary pioneer si Victorine, at marami nasiyang natulungang tumanggap ng katotoha-nan. Sumusulong sa espirituwal ang lahat ngkanilang anak.

Nagpayo si Jesus: “Manatili kayong mapag-masid, manatiling gising.” (Mar.13:33) Huwaghayaang antukin ka sa espirituwal dahil sa mgapang-abala. Sa halip, gaya ni Arielle, bigyang-pansin ang mahuhusay na payo sa ating mgapublikasyon at sa mga pulong sa kongrega-syon. At gaya ng pamilya ni Emmanuel, saaraw-araw ay pagsikapang maging handa at‘patuloy na magbantay.’

hanggan; at matutulungan natin ang iba na tu-manggap ng ganitong mga pagpapala.—Awit106:4, 5; Jer.15:16; Roma 12:12.

Ang pagsasaya at pagbabahagi sa iba ngating kagalakan ay pagkakakilanlan ng mga tu-nay na Kristiyano. Kaya naman sumulat si Pa-blo sa mga taga-Filipos: “Ako ay natutuwa atako ay nakikipagsaya sa inyong lahat. Ngayonsa gayunding paraan ay matuwa rin kayo mis-mo at makipagsaya sa akin.” (Fil. 2:17, 18) Samga pananalitang ito, dalawang ulit na bi-nanggit ni Pablo ang katuwaan at pakikipag-saya.

Siyempre pa, kailangang paglabanan ngmga Kristiyano ang tendensiyang ibukod angsarili. Angmganagsasarili ay hindimakapagsa-sayang kasama ng mga kapananampalataya.Kaya paano natin masusunod ang payo ni Pa-blo na “patuloy [na] magsaya sa Panginoon”kasama ng ating mga kapatid?—Fil. 3:1.

Makipagsaya sa mga KapananampalatayaNang sumulat si Pablo sa mga taga-Filipos,

malamangna nakabilanggo siya sa Roma dahilsa pangangaral. (Fil. 1:7; 4:22) Pero hindi itonagpatamlay ng kaniyang sigla sa ministeryo.Sa kabaligtaran, masaya siyang naglingkod kayJehova sa abot ng kaniyangmakakaya at handasiyang ‘maibuhos tulad ng isang handog na

inumin.’ (Fil. 2:17) Ipinakikita ng saloobin niPablona angkagalakanayhindi depende sa ka-lagayan ng isang tao. Kahit nakakulong, sinabiniya: “Ako ay patuloy [pa] ring magsasaya.”—Fil.1:18.

Si Pablo ang nagtatag ng kongregasyon sa Fi-lipos at mahal na mahal niya ang mga kapatiddoon. Alam niyang mapapatibay sila kung iba-bahagi niya sa kanila ang kaniyang kagalakansa paglilingkod kay Jehova. Kaya naman, isinu-lat niya: “Ngayon ay nais kong malaman nin-yo, mga kapatid, na ang mga nangyari sa akinay naging para sa ikasusulong ng mabuting ba-lita sa halip na sa kabaligtaran nito, anupat angaking mga gapos ay naging hayag na kaalamanmay kaugnayan kay Kristo sa gitna ng lahat ngTanod ng Pretorio at ng lahat ng iba pa.” (Fil. 1:12, 13) Ang pagbabahagi ni Pablo ng nakapag-papatibay na karanasang ito ay isang paraanng pakikipagsaya niya sa mga kapatid. Tiyakna nakipagsaya rin kay Pablo ang mga taga-Filipos. Pero para magawa nila ito, hindi siladapatmasiraan ng loob dahil sa mga dinaranasni Pablo. Sa halip, kailangang tularan nila angkaniyang halimbawa. (Fil. 1:14; 3:17) Maaariding patuloy na ipanalangin ng mga taga-Filipos si Pablo at paglaanan siya ng anumangtulong at suporta.—Fil. 1:19; 4:14-16.

Tinutularan ba natin ang saloobin ni Pablo?

Globe:Courtesy

ofReplogleG

lobes

ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011 7

Tinitingnan ba natin ang positibong mga as-pekto ng ating kalagayan sa buhay at ng atingministeryong Kristiyano? Kapag kasama angating mga kapatid, makabubuting ikuwentonatin ang ating masasayang karanasan sa pag-papatotoo. Hindi naman kailangang sobrangganda ng mga ito. Baka napukaw natin anginteres ng isang tao sa mensahe ng Kaha-rian dahil sa epektibong pambungad o pa-ngangatuwiran. Marahil naging maganda angpakikipag-usap natin sa isang may-bahay tung-kol sa isang teksto saBibliya.Obakanamanna-kilala tayobilang Saksi ni Jehova sa teritoryo, atitomismoay isa nangmainamnapatotoo. Angpagkukuwento ng ganitong mga karanasan ayisang paraan ng pakikipagsaya sa ating mga ka-patid.

Maraming lingkodni Jehova angnagsakripi-syo at nagsasakripisyo pa rin para sa gawaingpangangaral. Ang mga payunir, naglalakbay natagapangasiwa, Bethelite, misyonero, at inter-nasyonal na mga lingkod ay masayang nagpa-pagal sa buong-panahong paglilingkod. Naki-kipagsaya rin ba tayo sa kanila? Kung gayon,ipakitanatin ang atingpagpapahalaga samina-mahal na “mga kamanggagawa [na ito] para sakaharian ng Diyos.” (Col. 4:11) Kapag mag-kakasama tayo sa mga pulong o malalakingasamblea,maaari natin silang patibayin. Puwe-de rin nating tularan ang kanilang sigasig. Atmakahahanap tayongmgapagkakataonnapa-kinggan ang kanilang mga karanasan at payokung magiging mapagpatuloy tayo at aanyaya-han silang kumain.—Fil. 4:10.

Makipagsaya sa mga Napapaharapsa Pagsubok

Dahil nagbata siya ng pag-uusig at mga pag-subok, tumibay ang determinasyon ni Pablona manatiling tapat kay Jehova. (Col. 1:24;Sant. 1:2, 3) Alam ni Pablo na ang mga kapatidsa Filipos ay mapapaharap sa katulad na mgapagsubok at na mapapatibay sila ng kaniyangpagtitiis. Dahil dito, natuwa siya at nakipagsa-ya sa kanila. Isinulat niya: “Sa inyo ibinigayang pribilehiyo alang-alang kay Kristo, hindilamang upang manampalataya kayo sa kaniya,kundi upang magdusa rin alang-alang sa kani-

ya. Sapagkat taglay ninyo ang gayunding paki-kipagpunyagi gaya ng nakita ninyo sa kalaga-yan ko at gaya ng naririnig ninyo ngayon sakalagayan ko.”—Fil.1:29, 30.

Dahil sa pagpapatotoo, napapaharap dinang mga Kristiyano ngayon sa pagsalansangna kung minsan ay marahas. Pero maaaridin tayong maging tudlaan ng mga bulaangakusasyon ng mga apostata, pagkapoot ngmga kapamilya, pagtuya ng mga katrabaho okamag-aral. Sinabi ni Jesus na hindi tayo dapatmagtaka o panghinaan ng loob, sapagkat angmga ito ay mga dahilan para magsaya. Si-nabi niya: “Maligaya kayo kapag dinudustakayo ng mga tao at pinag-uusig kayo at may-kasinungalingang sinasalita ang bawat uri ngbalakyot na bagay laban sa inyo dahil sa akin.Magsaya kayo at lumukso sa kagalakan, ya-mang malaki ang inyong gantimpala sa la-ngit.”—Mat. 5:11,12.

Hindi tayo dapat matakot kapag nabalitaannatin na ang ating mga kapatid ay marahas napinag-uusig sa ibang lupain. Sa halip, dapat ta-yong magsaya dahil sa kanilang pagtitiis. Maa-ari nating hilingin kay Jehova na patibayinNiya ang kanilang pananampalataya at tulu-ngan silang magbata. (Fil. 1:3, 4) Kahit wala natayong ibang maitutulong sa minamahal namga kapatid na iyon, matutulungan natin angmga kakongregasyon natin na napapaharapdin sa mga pagsubok. Maaari tayong magpaki-ta ng personal na interes at alalayan sila. Maka-hahanap tayo ng mga pagkakataong makipag-saya sa kanila kung aanyayahan natin sila saating Pampamilyang Pagsamba, pangangaral,at paglilibang.

Napakarami nating dahilan para magsayangmagkakasama! Labanan natin ang makasanli-butang tendensiya na ibukod ang sarili at patu-loy nating ibahagi ang ating kagalakan sa atingmga kapatid. Sa paggawa nito, makatutulongtayo sa paglago ng pag-ibig at pagkakaisa sakongregasyon. Lubos din tayong masisiyahansa pagkakapatirang Kristiyano. (Fil. 2:1, 2) Oo,“magsaya [tayong] lagi sa Panginoon,” dahilhinihimok tayoni Pablo: “Minsanpa ay sasabi-hin ko, Magsaya kayo!”—Fil. 4:4.

8 ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011

IPINAKIKITA ng Bibliya na hindi lang gustoni Jehova na mabuhay tayo kundi masiya-

han din tayo sa buhay. Halimbawa, sinasabing Awit 104:14, 15 na si Jehova ay naglalabasng “pagkain mula sa lupa, at ng alak na nag-papasaya sa puso ng taong mortal, upang pa-ningningin ng langis ang mukha, at ng ti-napay na nagpapalakas sa puso ng taongmortal.” Oo, pinasisibol ni Jehova ang mgapananim na naglalaan sa atin ng butil, la-ngis, at alak bilang panustos. Pero ang alak ay“nagpapasaya [rin] sa puso.” Kahit hindi itokailangan para mabuhay tayo, nakadaragdagito sa ating kagalakan. (Ecles. 9:7; 10:19) Tala-gang gusto ni Jehova na mapuno ng “pagka-galak” ang ating puso.—Gawa 14:16, 17.

2 Kaya hindi tayo dapat makonsiyensiyakung paminsan-paminsan ay nag-iiskedyultayo ng panahon para ‘masdang mabuti angmga ibon sa langit’ at “mga liryo sa parang” opara masiyahan sa mga gawaing nakarere-presko sa atin at nagbibigay-kulay sa atingbuhay. (Mat. 6:26, 28; Awit 8:3, 4) Ang kasiya-siyang buhay ay “kaloob ng Diyos.” (Ecles. 3:12,13) Kung itinuturing nating kasama sa ka-loob na iyon ang paglilibang, gagamitin na-tin ito sa paraang kalugud-lugod sa Isa nanagbigay nito.

Iba’t Ibang Uri at mga Limitasyon3 Alam ng mga may tamang pangmalas sa

1, 2. (a) Paano ipinakikita ng Salita ng Diyos na gus-to ni Jehova na masiyahan tayo sa buhay? (b) Kungitinuturing nating “kaloob ng Diyos” ang paglilibang,ano ang dapat nating gawin?3. Bakit magkakaiba ang pinipiling libangan ng mgatao?

paglilibang na bagaman may kalayaan si-lang pumili, kailangan din nilang kilalaninang ilang limitasyon. Bakit? Para masagotito, ikumpara natin sa pagkain ang paglili-bang. Magkakaiba ang popular na pagkainsa iba’t ibang panig ng mundo. Sa katuna-yan, ang paboritong pagkain ng mga tao saisang bansa ay baka hindi naman magustu-han ng mga tao sa ibang lugar. Sa katulad naparaan, ang paboritong libangan ng mgaKristiyano sa isang panig ng mundo ay bakahindi naman magustuhan ng mga Kristiya-no sa ibang lugar. Kahit nga sa iisang lugar,baka magkakaiba rin ang libangang pinipiling mga Kristiyano. Halimbawa, baka nakare-relaks sa iba ang pagbabasa ng isang magan-dang libro, pero baka nakababagot namanito sa iba. Baka nakarerepresko sa iba ang pi-sikal na mga gawain gaya ng pagbibisikleta,pero baka nakapapagod ito para sa iba. Kungpaanong makapipili ang mga tao ng gustonilang pagkain, makapipili rin sila ng gustonilang libangan.—Roma 14:2-4.

4 Pero alam din natin na kahit may kalaya-an tayong pumili, hindi lahat ng libanganggusto natin ay puwede. Para ilarawan ito, ba-likan natin ang halimbawa tungkol sa pagka-in. Baka gusto nating tumikim ng iba’t ibangpagkain. Pero siyempre, hinding-hindi tayokakain ng bulok dahil makasasama ito sa ka-lusugan. Sa katulad na paraan, marami ta-yong mapagpipiliang libangan. Pero tiyak nahindi tayo pipili ng libangan na mapanga-

4. Bakit kailangan tayong magtakda ng limitasyon sapinipili nating libangan? Ilarawan.

KAPAKI-PAKINABANG BA ANGIYONG PAGLILIBANG?

“Patuloy ninyong tiyakin kung ano ang kaayaaya sa Panginoon.”—EFE. 5:10.

ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011 9

nib, marahas, o bulok sa moral. Salungatiyan sa mga simulain ng Bibliya at makasasa-ma sa ating pisikal at espirituwal na kalusu-gan. Kaya para matiyak na nasusunod natinang makatuwirang mga limitasyon, makabu-buting alamin muna natin kung ang gustonating libangan ay kapaki-pakinabang o hin-di. (Efe. 5:10) Paano?

5 Ang isang libangan ay kapaki-pakinabangat nakalulugod kay Jehova kung nakaaabotito sa espesipikong pamantayan sa Salita ngDiyos. (Awit 86:11) Para matiyak kung gani-yan nga ang libangang gusto mo, puwedemong tingnan ang isang simpleng checklistna may tatlong tanong: ano? kailan? at sino?Isa-isahin natin ang mga ito.

Ano ang Nasasangkot Dito?6 Bago makibahagi sa isang libangan,

dapat muna nating ita-nong: Ano ang sangkot salibangang gusto ko? Paramasagot ito, makabubu-ting tandaan na may da-lawang pangunahing ka-tegorya ang libangan. Anguna ay mga libangang hin-

ding-hindi natin gagawin. Ang ikalawa aymga libangang baka puwede. Ano ang kasa-ma sa unang kategorya? Sa napakasamangsanlibutang ito, maraming libangan ang ma-linaw na lumalabag sa mga simulain ng Bibli-ya o sumasalungat sa kautusan ng Diyos.(1 Juan 5:19) Tahasang tinatanggihan ng tu-nay na mga Kristiyano ang lahat ng ganitonguri ng libangan. Kasama rito ang libangangnagtatampok ng sadismo, demonismo, ho-moseksuwalidad, pornograpya, karahasan, oiba pang napakasama at imoral na mga gawa-

5. Paano natin matitiyak kung nakaaabot sa paman-tayan ng Diyos ang ating libangan?6. Anong uri ng libangan ang dapat nating iwasan, atbakit?

in. (1 Cor. 6:9, 10; basahin ang Apocalipsis21:8.) Saanman tayo naroroon, kapag iniiwa-san natin ang ganitong uri ng libangan, ipi-nakikita natin kay Jehova na ‘kinamumuhiannatin ang balakyot.’—Roma 12:9; 1 Juan 1:5, 6.

7 Ang ikalawang kategorya ay mga liba-ngang nagtatampok ng mga gawaing hindinaman tuwirang hinahatulan ng Salita ngDiyos. Bago piliin ang gayong uri ng liba-ngan, dapat nating tiyakin kung kaayon itong pangmalas ni Jehova at hindi labag samga simulain ng Bibliya. (Kaw. 4:10,11) Pag-katapos, kailangan tayong gumawa ng pa-siyang hindi makapagpaparungis sa atingbudhi. (Gal. 6:5; 1 Tim. 1:19) Paano? Pag-isipan ito: Bago tikman ang isang putahenghindi natin kilala, aalamin muna natin kungano ang pangunahing mga sangkap nito.Sa katulad na paraan, bago makibahagi saisang libangan, kailangang suriin muna na-tin ang pangunahing mga katangian nito.—Efe. 5:17.

8 Halimbawa, baka mahilig ka sa sports.Natural lamang iyan dahil maaari itongmaging kasiya-siya at kapana-panabik. Peromay ilang sports na masyadong mahigpitang kompetisyon anupat maaaring mauwisa karahasan. Ang iba ay maaaring magdulotng pinsala o ikamatay pa nga. Ang iba na-man ay nagtataguyod ng nasyonalismo at ngmagulo at marahas na selebrasyon ng pagka-panalo. Paano kung may ganitong “sang-kap” ang sports na gusto mo? Baka maipasi-ya mong salungat ito sa pamantayan niJehova at sa mensahe ng pag-ibig at kapaya-paan na ipinangangaral natin. (Isa. 61:1; Gal.5:19-21) Pero kung natitiyak mong ang mga“sangkap” ng isang libangan ay kaayaaya sapaningin ni Jehova, malamang na magiging

7, 8. Ano ang makatutulong sa atin sa pagsusuri saisang libangan? Ilarawan.

Ano

10 ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011

kapaki-pakinabang at naka-rerepresko sa iyo ang liba-ngang iyon.—Gal. 5:22, 23;basahin ang Filipos 4:8.

Kailan Ako Naglilibang?9 Ang unang tanong na ti-

nalakay natin ay, Ano? Angsagot natin sa tanong na ito ay nagpapakitakung ano ang gusto natin at katanggap-tanggap sa atin. Ang ikalawang tanong na-man ay, Kailan? Kailangan nating itanong:Kailan ako naglilibang at gaano kalaking pa-nahon ang ginugugol ko rito? Ang sagot na-

9. Ano ang isinisiwalat ng sagot natin sa tanong na,‘Kailan ako maglilibang?’

tin sa ikalawang tanong na ito ay nagpapaki-ta kung ano ang mga priyoridad natin, ibigsabihin, kung ano ang mahalaga para sa atin.Kaya paano natin matitiyak na tama ang pri-yoridad natin pagdating sa paglilibang?

10 Sinabi ni Jesu-Kristo sa kaniyang mgatagasunod: “Iibigin mo si Jehova na iyongDiyos nang iyong buong puso at nangiyong buong kaluluwa at nang iyong buongpag-iisip at nang iyong buong lakas.” (Mar.12:30) Kaya dapat na maging pangunahinsa buhay natin ang pag-ibig kay Jehova.Maipakikita natin ito kung susundin natin

10, 11. Paano makatutulong sa atin ang Mateo 6:33para makapagpasiya tayo kung gaano karaming pana-hon ang gugugulin natin sa paglilibang?

Kailan

Paano natin matutularan si Jesus sa pagpili ng mga kaibigan at libangan?

ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011 11

ang payo ni Jesus: “Patuloy, kung gayon, nahanapin muna ang kaharian at ang kani-yang katuwiran, at ang lahat ng iba pangmga bagay na ito ay idaragdag sa inyo.”(Mat. 6:33) Paano tayo matutulungan ng pa-yong ito para matiyak kung gaano karamingpanahon ang gugugulin natin sa paglili-bang?

11 Pansinin ang puntong ito: Pinayuhantayo ni Jesus na ‘patuloy na hanapin munaang kaharian.’ Hindi niya sinabing ‘kaharianlang ang patuloy nating hanapin.’Alam ni Je-sus na bukod sa Kaharian, kailangan din na-ting hanapin ang maraming iba pang bagaysa buhay. Kailangan natin ng tirahan, pag-kain, damit, saligang edukasyon, trabaho,libangan, at iba pa. Pero sa lahat ng ba-gay na kailangan nating hanapin, isa langang dapat mauna—ang Kaharian. (1 Cor. 7:29-31) Kapag alam natin ang ating priyori-dad, magiging pangalawahin lang ang pagli-

libang at iba pang gawain, at uunahin natinang Kaharian. Kung gayon, magiging kapaki-pakinabang sa atin ang paglilibang.

12 Kaya pagdating sa panahong ginaga-mit natin sa paglilibang, makabubuting pati-unang tuusin ang magiging kapalit. (Luc.14:28) Alamin natin kung gaano karamingpanahon ang kakailanganin nito, at kung su-lit ang panahong gagamitin natin dito. Kungdahil sa libangang ito ay mapapabayaan na-tin ang mahahalagang bagay na gaya ng per-sonal na pag-aaral ng Bibliya, pampamilyangpagsamba, pagdalo sa pulong, o panganga-ral, hindi ito sulit. (Mar. 8:36) Pero kung da-hil sa paminsan-minsang paglilibang ay na-palalakas tayonamagpatuloy sa paglilingkodsa Diyos, kapaki-pakinabang ang libangangito.

Sino ang mga Kasama Ko?13 Ang ikatlong dapat nating itanong ay,

Sino ang makakasama kosa paglilibang? Mahala-gang tanong ito dahil angating mga kasama ay maymalaking epekto sa atingpaglilibang. Kung paanongmas masarap kumain ka-salo ng mabubuting ka-ibigan, mas kasiya-siyangmaglibang kung mabubu-ting tao ang kasama na-tin. Kaya natural lang naang karamihan, lalo naang mga kabataan, ay masnag-eenjoy maglibang ka-pag may kasama. Peropara matiyak na magigingkapaki-pakinabang ang

12. Paano maikakapit sa pagli-libang ang simulain sa Lucas14:28?13. Bakit dapat pag-isipang ma-buti kung sino ang makakasa-ma natin sa paglilibang?

12 ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011

paglilibang, makabubutingalamin muna kung anonguri ng mga tao ang maitutu-ring na mabubuti at masasa-mang kasama.—2 Cro. 19:2;basahin ang Kawikaan13:20; Sant. 4:4.

14 Makabubuting tularannatin si Jesus sa pagpili ng mga kasama. Mulanoong panahonng paglalang, iniibig na niyaang sangkatauhan. (Kaw. 8:31) Samantalangnasa lupa, nagpakita siya ng pag-ibig at kon-siderasyon sa lahat ng uri ng tao. (Mat. 15:29-37) Pero alam ni Jesus ang kaibahan ng pagi-ging palakaibigan at pagiging malapıt nakaibigan. Palakaibigan siya sa lahat ng tao,pero ang malapıt na pakikipagkaibigan niyaay para lang sa mga nakaaabot sa espesipi-kong mga kahilingan. Sinabi ni Jesus sa kani-yang 11 tapat na apostol: “Kayo ay mga kaibi-gan ko kung ginagawa ninyo ang iniuutos kosa inyo.” (Juan 15:14; tingnan din ang Juan13:27, 30.) Tanging ang mga sumusunod sakaniya at naglilingkod kay Jehova ang mgakaibigan niya.

15 Kaya bago ka makipagkaibigan, magan-dang tandaan ang sinabi ni Jesus. Tanunginang sarili: ‘Makikita ba sa salita at gawa ng ta-ong ito na sumusunod siya kay Jehova at kayJesus? Kinikilala ba niya ang mga simulain atpamantayan ng Bibliya? Mapasisigla ba niya

14, 15. (a) Ano ang matututuhan natin sa pagpili niJesus ng mga kasama? (b) Ano ang mga dapat natingitanong kapag pumipili ng mga kaibigan?

ako na unahin ang Kaharian at maging tapatkay Jehova?’ Kungoo ang sagotmo samga ta-nong na ito, siya’y isang mabuting kaibi-gan at kasama sa paglilibang.—Basahin angAwit 119:63; 2 Cor. 6:14; 2 Tim. 2:22.

Ang Ating Libangan—Pasado Ba?16 Natalakay natin ang tatlong aspekto

ng paglilibang—uri, dami ng panahongnauubos, at kasama. Para maging kapaki-pakinabang, kailangang pasado ito sa pa-mantayanng Bibliya pagdating sa tatlong as-pektong ito. May kinalaman sa uri, alaminnatin: ‘Ano ang nasasangkot dito? Kapaki-pakinabang ba ito o nakasasama?’ (Kaw. 4:20-27) Pagdating sa dami ng panahon, ala-min natin: ‘Gaano karaming panahon anggugugulin ko rito? Sulit ba ang panahongito?’ (1 Tim. 4:8) At pagdating sa kasama, ka-ilangan nating alamin: ‘Sino ang makakasa-ma ko sa paglilibang? Mabubuti ba silang ka-sama o hindi?’—Ecles. 9:18; 1 Cor. 15:33.

17 Kung ang isang libangan ay hindi naka-aabot sa pamantayan ng Bibliya sa alinmansa tatlong aspektong ito, hindi ito pasado.Pero kung titiyakin natin na ang ating liba-ngan ay nakaaabot sa mga pamantayan ngBibliya sa lahat ng aspektong ito, magigingkapaki-pakinabang ito at magdudulot ng ka-purihan kay Jehova.—Awit 119:33-35.

18 Kaya sikapin nating gawin ang tamangpaglilibang sa tamang panahon at kasamang tamang mga kaibigan. Maging determi-nado sana ang bawat isa sa atin na sundinang payo ng Bibliya: “Kayo man ay kumaka-in o umiinom o gumagawa ng anupaman,gawin ninyo ang lahat ng bagay sa ikalulu-walhati ng Diyos.”—1 Cor. 10:31.

16. Ano ang dapat nating alamin tungkol sa ating li-bangan?17, 18. (a) Paano natin matitiyak na nakaaabot sapamantayan ng Bibliya ang ating libangan? (b) Maykinalaman sa pagpili ng libangan, ano ang iyong de-terminasyon?

Sino

Maipaliliwanag Mo Ba?

Pagdating sa paglilibang, paano natinmaikakapit ang simulain sa . . .˙ Filipos 4:8?˙ Mateo 6:33?˙ Kawikaan 13:20?

ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011 13

MAGKAKAHALONG kaligayahan, kabigu-an, at kabalisahan ang madalas nating

madama sa pakikitungo sa mga di-kasekso. Da-hil dito, kailangannatinngpatnubayngDiyos.Pero may iba pang dahilan kung bakit kaila-ngannatin ito. Baka kontentonangmanatilingdalaga o binata ang isang Kristiyano pero pini-pilit siyang mag-asawa ng mga kapamilya atkaibigan. Gusto naman ng iba na mag-asawa,pero wala silang makitang angkop na mapapa-ngasawa. Ang ilan naman ay nangangailanganng patnubay bago balikatin ang mga responsi-bilidad ng buhay may-asawa. At lahat ng Kristi-yano, may asawa man o wala, ay napapaharapsa tukso ng imoralidad.

2 Ang ating pagpapasiya hinggil sa mga ba-gay na ito ay makaaapekto hindi lang sa atingkaligayahan kundi pati sa kaugnayan natin saDiyos na Jehova. Sa kabanata 7 ng kaniyangunang liham sa mga taga-Corinto, nagbigay siPablong payohinggil sa pag-aasawa at panana-tiling walang asawa. Gusto niyang pakilusinang kaniyang mga mambabasa na gawin ang“bagay na nararapat at . . . nangangahuluganng palagiang paglilingkod sa Panginoon nangwalang abala.” (1 Cor. 7:35) Habang tinatala-kay natin ang kaniyang payo, pag-isipan kungpaano mo magagamit ang iyong sitwasyon—may asawa ka man o wala—para higit na ma-kapaglingkod kay Jehova.

1, 2. Bakit kailangan natin ang payo ng Bibliya hing-gil sa pag-aasawa at pananatiling walang asawa?

Isang Mabigat na Pagpapasiya3 Gaya ng mga Judio noong unang siglo, na-

pakaimportante para sa maraming tao ngayonangmakapag-asawa. Kapag lampas na sa kalen-daryo ang isang binata o dalaga, baka mag-alala ang kaniyang mga kaibigan at kamag-anak. Baka payuhan nila siyang magpursigesa paghahanap ng mapapangasawa. Maaaringmay ireto sila sa kaniya at baka gumawa panga sila ng tusong paraan para magkakilalasila. Kung minsan, nauuwi ito sa pagkapahiya,sama ng loob, at pagkasira ng pagkakaibigan.

4 Hindi kailanman pinilit ni Pablo ang ibana mag-asawa o manatiling walang asawa.(1 Cor. 7:7) Bagaman kontento na siyang mag-lingkod kay Jehova nang walang asawa, igina-lang niya ang karapatan ng iba na mag-asawa.Sa ngayon, karapatan din ng bawat Kristiyanona gumawa ng sariling pasiya tungkol sa bagayna ito. Hindi sila dapat diktahan ng iba.

Matagumpay Kahit Walang Asawa5 Sa liham ni Pablo sa mga taga-Corinto, po-

sitibo ang mga komento niya tungkol sa pagi-ging walang asawa. (Basahin ang 1 Corinto7:8.) Pero di-gaya ng ilang klero ng Sangka-kristiyanuhan, hindi itinuring ni Pablo na

3, 4. (a) Kapag masyadong nag-aalala ang iba saisang kaibigan o kamag-anak na hindi pa nag-aasawa,ano ang posibleng maging problema? (b) Paano maka-tutulong ang payo ni Pablo para magkaroon tayo ngtimbang na pangmalas sa pag-aasawa?5, 6. Bakit inirekomenda ni Pablo ang pagiging wa-lang asawa?

MATALINONG PAYO SAPAG-AASAWA AT PANANATILING

WALANG ASAWA“Sinasabi ko ito . . . upang pakilusin kayo tungo sa bagay na nararapat at doon

sa nangangahulugan ng palagiang paglilingkod sa Panginoon nang walang abala.”—1 COR. 7:35.

14 ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011

nakahihigit siya sa iba dahil wala siyang asawa.Sa halip, idiniinng apostol ang bentaha na tag-lay ng maraming Kristiyanong walang asawa.Ano iyon?

6 Karaniwan na, ang mga walang-asawangKristiyano ay maaaring tumanggap ng mga atassa paglilingkod kay Jehova na hindi bukas samga may-asawa. Halimbawa, tumanggap si Pa-blo ng pribilehiyo na maging “apostol sa mgabansa.” (Roma 11:13) Sa Gawa kabanata 13hanggang 20, mababasa natin ang mga karana-san ni Pablo. Naglakbay siya kasama ng mga ka-puwa misyonero para mangaral at magtatag ngmaraming kongregasyon. Nagbata siya ng ma-hihirap na kalagayan sa ministeryo na hindimararanasan ng marami sa ngayon. (2 Cor. 11:23-27, 32, 33) Pero sulit ang mga iyon dahil ma-rami siyang natulungang maging mga alagad.(1 Tes. 1:2-7, 9; 2:19) Magagawa kaya ni Pabloang lahat ng ito kung mayroon siyang asawa’tmga anak? Malamang na hindi.

7 Sinasamantala ng maraming Kristiyanongwalang asawa ang kanilang kalagayan alang-alang sa Kaharian. Sina Sara at Limbania, mga

7. Paano sinamantala ng dalawang dalagang Saksi angkanilang kalagayan para maipangaral ang Kaharian?

dalagang payunir sa Bolivia, ay lumipat saisang nayon na maraming taon nang hindi na-pangangaralan. Walang kuryente sa lugar naiyon. Sinabi nila: “Walang radyo o TV rito,kaya pagbabasa ang pangunahing libangan ngmga tao.” Ipinakita ng ilang taganayon sa mgapayunir angmga lumangpublikasyonnatinnabinabasa pa rin nila hanggang sa ngayon. Da-hil halos lahat ng pinupuntahan nila ay intere-sado, hindi nila madalaw ang bawat bahay sateritoryo. Sinabi ng isang matandang babae:“Siguro malapit na ang katapusan dahil nara-ting na tayo ng mga Saksi ni Jehova.” Dumada-lo na sa pulong ang ilang taganayon.

8 Siyempre, may magagandang karanasandin naman ang mga may-asawang Kristiyanonanangangaral samahihirapna teritoryo. Peroang ilang atas na bukas sa mgawalang asawangpayunir ay maaaring maging hamon para samga may asawa o anak. Nang lumiham si Pa-blo sa mga kongregasyon, alam niya na napa-kalaki pa ng gawaing pangangaral. Gusto rin

8, 9. (a) Ano ang nasa isip ni Pablo nang irekomen-da niya ang pananatiling walang asawa? (b) Anongmga bentaha ang taglay ng mga Kristiyanong walangasawa?

Maligaya ang mgaKristiyanong walangasawa na nagpapalawakng kanilang ministeryo

ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011 15

niyang maranasan ng lahat ang kagalakan sapaggawang alagad. Kayanaman inirekomendaniya ang pananatiling walang asawa habangnaglilingkod kay Jehova.

9 Isang dalagang payunir sa Estados Unidosang sumulat: “Iniisip ng ilan na hindi magi-ging maligaya ang mga walang asawa. Peroalam kong ang tunay na kaligayahan ay naka-salalay sa ating personal na kaugnayan kay Je-hova. Mahirap din ang walang asawa, pero ma-ituturing itong isang kaloob kung gagamitin samabuting paraan.” Sinabi pa niya: “Alam kongmahal na mahal ni Jehova ang lahat ng ling-kod niya, may asawa man o wala.” Sa ngayonay maligaya siyang naglilingkod sa isang bansakung saan malaki ang pangangailanganpara samga mamamahayag ng Kaharian. Kung walaka pang asawa, puwede mo bang samantalahinang iyong kalayaan para higit pang makapag-turo ng katotohanan sa iba? Makikita mongang pagiging walang asawa ay isang napakaha-lagang kaloob mula kay Jehova.

Gusto Nang Mag-asawa10 Maraming tapat na lingkod ni Jehova ang

nagpasiyang maghanap ng mapapangasawapagkatapos ng maraming taon ng pananati-ling walang asawa. Dahil alam nilang kaila-ngan nila ng patnubay, hiniling nila kay Jeho-va na tulungan silang makahanap ng angkopna kabiyak.—Basahin ang 1 Corinto 7:36.

11 Kung gusto mong makapag-asawa ng isana naglilingkod kay Jehova nang buong puso,patuloymo itong ipanalangin saKaniya. (Fil. 4:6, 7) Huwag kang masisiraan ng loob kahit pa-rang matagal ka nang naghihintay. Alam ni Je-hova ang kailangan mo, at kung magtitiwalaka sa kaniya, tutulungan ka niyang magbata.—Heb.13:6.

12 Paano kung gusto mo nang mag-asawa atisang mahina sa espirituwal, o mas masaholpa, isang di-kapananampalataya, ang mag-alok

10, 11. Paano inaalalayan ni Jehova ang mga hindi pamakakita ng angkop na mapapangasawa?12. Bakit dapat pag-isipang mabuti ng isang Kristiya-no ang alok na pagpapakasal?

sa iyo ng kasal? Tandaan, kung magkakamalika sa pagpapasiya, mas matindi ang mararam-daman mong sakit ng kalooban kaysa sa ka-lungkutang nararanasan mo ngayong wala kapang asawa. At kapag ikinasal na kayo, nakatalika na sa kaniya habambuhay. (1 Cor. 7:27) Hu-wagmaging desperado. Pagsisisihanmo ito ba-lang-araw.—Basahin ang 1 Corinto 7:39.

Maghanda sa Realidad ng Pag-aasawa13 Bagaman inirekomendani Pablo angpagi-

ging walang asawa habang naglilingkod kay Je-hova, hindi naman niya hinusgahan ang mganagpapasiyang mag-asawa. Sa halip, ang kina-sihang payoniya ay tumutulong samga indibi-duwal na harapin ang realidad ng pag-aasawaat patibayin ang kanilang pagsasama.

14 Kailangang baguhin ng iba ang kanilangkonsepto sa buhay may-asawa. Habang naglili-gawan, baka madama ng magkasintahan naang kanilang pag-ibig ay espesyal at hindi silamagkakaproblema kailanman. Sa araw ng ka-sal, sila’y punung-puno ng mga pangarap atkumbinsido nawalang anumang makasisira sakanilang kaligayahan. Pero hindi makatotoha-nan iyan. Totoo, nagdudulot ng kaligayahan samag-asawa ang romantikong pag-ibig, perohindi sapat iyan para maharap ang mga kapig-hatiang kaakibat ng buhay may-asawa.—Basa-hin ang 1 Corinto 7:28.�

15 Maraming bagong-kasal ang nagugulat, onadidismaya pa nga, kapag natuklasan nilanghindi sila magkasundo sa mahahalagang ba-gay—paghawakngpera, paglilibang, kung saansila titira, at kung gaano kadalas sila dadalaw samga biyenan. Baka may mga ugali sila na naka-iirita sa isa’t isa. Habangnagliligawan, baka ipi-nagkikibit-balikat lang nila ito, pero puwe-de itong pagmulan ng problema pagdatingng panahon. Kaya naman makabubuting pag-usapan nila ito bago magpakasal.

� Tingnan ang aklat na Ang Lihim ng Kaligayahan sa Pa-milya, kabanata 2, parapo 16-19.

13-15. Anong posibleng mga problema ang dapat pag-usapan ng magkasintahan bago magpakasal?

16 ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011

16 Paramagingmatagumpay atmaligaya angmag-asawa, dapat nilang magkasamang hara-pin ang mga hamon. Dapat silang magkasun-do kung paano didisiplinahin ang kanilangmga anak at kung paano aalagaan ang kani-langmatatanda nang magulang.Hindi nila da-pat hayaangpaglayuin silangmgaproblema sapamilya. Kung ikakapit nila ang payo ng Bibli-ya, malulutas nila ang maraming problema,mababata ang mga hindi masolusyonan, atmananatili silang maligaya sa kanilang pagsa-sama.—1 Cor. 7:10,11.

17 May binanggit pa si Pablo tungkol sa reali-dad ng buhay may-asawa sa 1 Corinto 7:32-34.(Basahin.) Ang mgamay-asawa ay “nababalisapara sa mga bagay ng sanlibutan,” gaya ng pag-kain, pananamit, tirahan, at iba pang panga-ngailangan. Bakit? Noong binata pa ang isangbrother, baka ibinubuhos niya ang kaniyang

16. Bakit dapat magkasundo ang mag-asawa sa pagha-rap sa mga hamon?17. Bakit “nababalisa para sa mga bagay ng sanlibu-tan” ang mga mag-asawa?

panahon at lakas sa ministeryo. Pero ngayongmay-asawa na siya, kailangan na niyang gami-tin ang ilan sa panahon at lakas na iyon parapaglaanan ang kaniyang asawa at sa gayo’y ma-kamit ang pagsang-ayon nito. Ganiyan din anggagawin ng asawang babae. Nauunawaan ni Je-hova na gusto ng mag-asawa na mapaligayaang isa’t isa. Alam din niya na maaaring hindina mailalaan ng mag-asawa ang katulad na pa-nahon at lakas na ginagamit nila sa pagliling-kodnoongdalaga’t binata pa sila. Kailangannanilang gamitin ang ilan sa panahon at lakas naito para patibayin ang kanilang pagsasama.

18 Pero narito ang isa pang mahalagang pun-to. Kung kailangang gamitin ng mag-asawaang ilan sa panahon at lakas na ginagamit nilasa paglilingkod sa Diyos para alagaan ang isa’tisa, hindi ba ganito rin ang dapat nilang gawinsa panahon at lakas na dati nilang ginagamit sapaglilibang noong dalaga’t binata pa sila? Ano

18. Anong mga pagbabago ang kailangang gawin ngilang mag-asawa sa paggamit nila ng panahon sa pag-lilibang?

Anong mga pagbabago ang kailangang gawin ng ilang bagong kasal?

ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011 17

kaya ang magiging epekto sa asawang babaekung puro sports pa rin ang inaatupag ng kani-yang asawa kasama ng mga kaibigan nito?Oanonamanangmadaramangasawang lalakikung malaking panahon pa rin ang ginagamitng kaniyang asawa sa paglilibang kasama ngmga kaibigan nito? Di-magtatagal, ang asa-wang napabayaan ay malulungkot at madara-ma niyang hindi siya minamahal. Pero maii-wasan ito kung gagawin ng mag-asawa angbuong makakaya nila para patibayin ang kani-lang pagsasama.—Efe. 5:31.

Kahilingan ni Jehova angKalinisan sa Moral

19 Determinado ang mga lingkod ni Jehovana manatiling malinis sa moral. Ang ilan aynagpasiyang mag-asawa para maiwasan angproblema sa bagay na ito. Pero hindi ito garan-tiya na protektado na ang isa sa karumihan sasekso. Noong panahon ng Bibliya, magigingproteksiyon lamang sa mga tao ang isang na-kukutaang lunsod kung mananatili sila sa loobnito. Kung ang isang tao ay lalabas sa lunsod atnagkataon na may gumagalang masasamang-loob, maaari siyang pagnakawan o patayin ngmga ito. Sa katulad na paraan, protektado la-mang sa imoralidad ang mga may-asawa kungsusundin nila ang mga batas at limitasyonhinggil sa sekso na itinakda ng Tagapagpasi-mula ng pag-aasawa.

20 Inilarawan ni Pablo ang limitasyong iyonsa 1 Corinto 7:2-5. Ang asawang lalaki lamangang may karapatang makipagtalik sa kaniyangasawa. At ang asawang babae lamang ang maykarapatang makipagtalik sa kaniyang asawa.Dapat nilang ibigay sa isa’t isa ang “kaukulan,”o seksuwal na pakikipag-ugnayan, na karapa-tan ng kanilang asawa. Pero may mga mag-asawa na nagkakalayo sa loob ng mahabangpanahon—nagbabakasyon nang kani-kaniya onawawalay sa isa’t isa dahil sa trabaho, kung

19, 20. (a) Bakit hindi ligtas sa tuksong gumawa ngimoralidad ang mga may-asawa? (b) Ano ang panga-nib kapag nagkakalayo ang mag-asawa sa loob ng ma-habang panahon?

kaya napagkakaitan nila ang isa’t isa ng “kau-kulan.” Dahil sa “kawalan ng pagsupil sa sari-li,” ang isa ay maaaring madaig ng tukso niSatanas at makagawa ng pangangalunya. Ga-yunman, tiyak na pagpapalain ni Jehova angmga ulo ng pamilya na naglalaan para sa kani-lang sambahayan nang hindi isinasapanganibang kanilang buhay may-asawa.—Awit 37:25.

Sundin ang Payo ng Bibliya21 Ang pagpapasiya kung mag-aasawa o hin-

di ay isa sa pinakamahihirap na desisyonsa buhay. Tayong lahat ay apektado ng di-kasakdalan, na siyang ugat ng karamihan samga problema sa ugnayan ng tao. Kaya namankahit angmgamaypagpapala ni Jehova ayhin-di ligtas sa kabiguan, may asawa man o wala.Kung ikakapit mo ang matalinong payo sa1 Corinto kabanata 7, mababawasan ang ga-yong mga problema. Mapalulugdan mo si Je-hova, may asawa ka man owala. (Basahin ang1 Corinto 7:37, 38.) Ang pinakamakabuluhangtunguhin ay ang makamit ang pagsang-ayonng Diyos. Sa gayon, maaari tayong mabuhay sabagong sanlibutang ipinangako ng Diyos. Pag-dating ng panahong iyon, mawawala na angmga problemang laganap ngayon sa ugnayanng mga lalaki at babae.

21. (a) Bakit mahirap magdesisyon kung mag-aasawao hindi? (b) Bakit kapaki-pakinabang ang payo sa 1 Co-rinto kabanata 7?

Masasagot Mo Ba?˙ Bakit hindi natin dapat pilitin ang iba

na mag-asawa?˙ Paano maaaring samantalahin ng isang

walang-asawang lingkod ni Jehova angkaniyang sitwasyon?

˙ Paano mapaghahandaan ng magkasin-tahan ang mga hamon ng buhay may-asawa?

˙ Bakit ang pag-aasawa ay hindi garan-tiya na protektado na ang isa sa seksu-wal na imoralidad?

18 ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011

LUMAKI ako sa cotton farm ng lolo ko saGeorgia, E.U.A., noong panahon ng Great

Depression ng dekada ’30. Nang mamatay siNanay at ang aking bagong-silang na kapatidna lalaki, parang gumuho ang mundo ni Tatay.Lumipat siya sa isang malayong lunsod paramagtrabaho at iniwan niya ako sa lolo kona bi-yudo na rin. Nang maglaon, sinikap din na-man niyang kunin ako, pero hindi ito natuloy.

Mga tiyahin ko ang nasusunod sa bahay.Hindi relihiyoso si Lolo, pero debotong South-ernBaptist angmga anakniyang babae.Gugul-pihin daw nila ako kung hindi ako magsisimbalinggu-linggo. Kaya bata pa ako, wala na akonghilig sa relihiyon. Ang gusto ko ay mag-aral atsumali sa sports.

Ang Pagdalaw na Bumago sa Buhay KoIsang hapon noong 1941, nang 15 anyos

ako, may dumalaw sa amin na isang lalakingmay-edad na, kasama ang asawa nito. Sinabi saakinna siya ang aking tiyong siTalmadgeRusk.Hindi ko sila kilala pero mga Saksi ni Jehovaraw sila. Ang paliwanag niya tungkol sa layu-nin ng Diyos na mabubuhay magpakailanmanang mga tao sa lupa ay ibang-iba sa narinig kosa simbahan. Tinanggihan at tinuya pa nga ng

karamihan sa mga kapamilya ko ang sinabinila. Hindi na sila pinayagang bumalik sa ba-hay. Pero siTiya Mary, na tatlong taon lang angtanda sa akin, ay tumanggap ng Bibliya at ngsalig-Bibliyang mga publikasyon.

Agad nakumbinsi si Mary na nasumpunganna niya ang katotohanan. Nabautismuhan siyanoong 1942. Naranasan din niya ang inihulani Jesus: “Ang magiging mga kaaway ng isangtao ay mga tao sa kaniyang sariling sambaha-yan.” (Mat. 10:34-36) Matindi ang pagsalan-sang sa kaniya ng mga kapamilya namin. Isangate ni Mary, na prominente sa aming bayan,ang nakipagsabuwatan sa mayor para ipaares-to si Tiyo Talmadge. Pinagbintangan siyangnaglalako nang walang lisensiya. Nahatulansiyang mabilanggo.

Ayon sa aming lokal na pahayagan, ang ma-yor, na siya ring hukom, ay nagsabi sa korte:“Ang literaturang ipinamamahagi ng lalakingito . . . ay simpanganib ng lason.” Nanalo saapela ang tiyo ko, pero sampung araw nasiyang nabilanggo.

Tinulungan Ako ni Tiya MaryItinuro sa akin ni Mary ang mga natutuhan

niya. Nagpatotoo rin siya sa mga kapitbahay

KALIGAYAHAN KONGMAGLINGKOD KAY

JEHOVA˘

AYON SA SAL AYSAY NIFRED RUSK

Bata pa lang ako, napatunayan ko nang totoo ang sinabi ni David sa Awit 27:10:“Sakaling iwan ako ng aking ama at ng aking ina, si Jehova mismo ang kukupkop

sa akin.” Ikukuwento ko sa inyo kung paano ko ito naranasan.

˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙ ˙

ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011 19

namin. Sumama ako sa idinaraos niyang pag-aaral sa Bibliya sa isang lalaking tumanggap ngaklat na The New World.� Sinabi ng asawa nitona magdamag itong binasa ng mister niya. Ba-gaman ayaw ko pang masangkot sa anumangbagaynamay kinalaman sa relihiyon, nagustu-han ko ang mga natutuhan ko. Pero hindi mgaturo ng Bibliya ang pangunahing nakakum-binsi sa akin na ang mga Saksi ang bayan ngDiyos, kundi ang pagtrato sa kanila ng ibangtao.

Halimbawa, isang araw pag-uwi namin ga-ling sa aming taniman ng kamatis, natuklasannaminniMaryna sinunogngmga ateniya angkaniyang mga literatura, pati na ang ponogra-po at mga isinaplakang mensahe tungkol sa Bi-bliya. Galit na galit ako, pero sinabi sa akin ngtiyahin ko, “Balang-araw, pasasalamatan mokami sa ginawa namin.”

Pinalayas si Mary noong 1943 dahil ayawniyang talikuran ang kaniyang bagong pana-nampalataya at itigil ang kaniyang panganga-ral. Nang panahong iyon, tuwang-tuwa akonang malaman kong ang Diyos ay may pa-ngalan, Jehova, at na siya ay isang maibigin atmaawaing Diyos, na hindi nagpapahirap samga tao sa impiyerno. Natutuhan ko rin na siJehova ay may maibiging organisasyon, baga-

� Inilathala noong 1942, pero hindi na inililimbag.

man hindi pa ako nakadalo sa kahit isang pu-long.

Nang maglaon, habang nagtatabas ako ngdamo sabakuran, may dumaang sasakyan. Ti-nanong ako ng isa sa mga lalaking nasa loobkung ako si Fred. Nang malaman kong mgaSaksi sila, sinabi ko, “Pasakayin n’yo ako atmag-usap tayo sa ibang lugar.” Pinapuntapala sila ni Mary. Isa sa kanila ay si ShieldToutjian, isang naglalakbay na ministro. Bi-nigyan niya ako ng pampatibay-loob at payona kailangang-kailangan ko. Dahil ipinag-tanggol ko ang paniniwala ng mga Saksi ni Je-hova, ako naman ang sinalansang ng pamilyanamin.

Sinulatan ako ni Mary mula sa Virginia,kung saan siya lumipat, at sinabi niya na kungtalagang gusto kong maglingkod kay Jehova,puwede akong makitira sa kanila. Agad akongnagpasiya na umalis. Isang gabi ng Biyernes,noongOktubre 1943, inilagay ko ang ilangma-hahalagang gamit ko sa isang kahon at itinaliito sa isang puno na may kalayuan sa bahaynamin. Kinabukasan, binalikan ko ang kahon,saka ako dumaan sa may likuran ng kapit-bahay namin at nagbiyahe papuntang bayan.Nakarating ako sa lunsod ng Roanoke, at nag-kita kami ni Mary sa bahay ni Sister EdnaFowlkes.

Sa cotton farm ng lolo ko sa Georgia,E.U.A., noong 1928

Sina Tiya Mary atTiyo Talmadge

20 ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011

Pagsulong sa Espirituwal, Pagpapabautismo,at Paglilingkod sa Bethel

Si Sister Fowlkes ay isang mabait na pi-nahirang Saksi—isang makabagong-panahongLydia—na umupa ng isang malaking bahay atkumupkop kay Tiya Mary. Kinupkop din niyaang asawa ng kaniyang kuya, at ang dalawanganak na babae nito. Ang mga ito—sina Gladysat Grace Gregory—ay naging mga misyonera.Si Gladys, na mahigit 90 na, ay tapat pa ringnaglilingkod sa sangay sa Japan.

Habang nakatira sa bahay ni Sister Fowlkes,regular akong dumadalo sa mga pulong at tu-matanggap ng pagsasanay sa ministeryo. Dahilmalaya akong nakapag-aaral ng Salita ng Diyosat nakadadalo, nasapatan ang aking espiritu-wal na pangangailangan. Nabautismuhan akonoong Hunyo 14, 1944. Nagpayunir namansina Mary, Gladys, at Grace at tumanggap ngatas sa hilagang Virginia. Malaki ang naitulongnila para mabuo ang kongregasyon sa Lees-burg. Noong pasimula ng 1946, nagpayunirdin ako sa isang kalapit na lalawigan. Nang tag-araw ng taong iyon, magkakasama kamingdumalo sa di-malilimutang internasyonal nakombensiyon na ginanap sa Cleveland, Ohio,noong Agosto 4-11.

Sa kombensiyong iyon, ipinaliwanag niBrother Nathan Knorr, na nangunguna sa or-ganisasyon, ang mga plano sa pagpapalawak

ng Brooklyn Bethel. Kasama rito ang pagtatayong isang bagong gusaling tirahan at eksten-siyon ng palimbagan. Maraming kabataangbrother ang kailangan sa proyekto.Dito ko gus-tongpaglingkuran si Jehova. Kaya isinumite koang aking aplikasyon, at pagkaraan lang ngilang buwan, noong Disyembre 1, 1946, nasaBethel na ako.

Makalipas ang mga isang taon, si Broth-er Max Larson, tagapangasiwa ng palimbagan,ay pumunta sa akin sa Mailing Department. Si-nabiniya na ililipat ako sa ServiceDepartment.Sa departamentong ito, marami akong natutu-han tungkol sa pagkakapit ng mga simula-in ng Bibliya at sa pagkilos ng organisasyonng Diyos, lalo na noong makatrabaho ko siT. J. (Bud) Sullivan, tagapangasiwa ng ServiceDepartment.

Ilang beses akong dinalaw ng tatay ko saBethel. Naging relihiyoso siya nang magkae-dad na. Nang dumalaw siya sa akin noong1965, sinabi niya, “Puwede mo akong dalawin,pero hindi na kita pupuntahan dito.” Nadalawko siya nang ilang beses bago siya mamatay.Kumbinsido siyang aakyat siya sa langit. Uma-asa akong nasa alaala siya ni Jehova, at sa pag-kabuhay-muli, magigising siya, hindi sa ina-akala niyang patutunguhan niya, kundi saisinauling Paraiso paramabuhay magpakailan-man sa lupa.

Sina Mary, Gladys,at Grace

Nang bautismuhan akonoong Hunyo 14, 1944

Sa Service Departmentsa Bethel

ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011 21

Iba Pang Di-malilimutang Kombensiyonat Konstruksiyon

Ang mga kombensiyon ay mahahalagangpangyayari hindi lang sa pagsulong ng organi-sasyon kundi pati sa pagsulong ng aking espiri-tuwalidad. Hinding-hindi ko malilimutan anginternasyonal na mga kombensiyon noong de-kada ’50 sa Yankee Stadium sa New York. Saisang sesyon noong 1958, ang kabuuang bi-lang ng dumalo sa Yankee Stadium at PoloGrounds ay 253,922 nanagmula sa 123 lupain.Mayroon akong di-malilimutang karanasan sakombensiyong iyon. Habang tumutulong akosa convention office, dali-daling lumapit saakin si Brother Knorr. “Fred,” ang sabi niya,“nakalimutan kong mag-atas ng brother namagbibigay ng pahayag sa lahat ng payunir nanaghihintay sa inupahannatingbulwagan. Pu-wede ka bang pumunta roon at magpahayagtungkol sa anumang paksang maiisip mo ha-bang naglalakad ka?” Abut-abot ang panala-ngin ko hanggang sa makarating doon, na hu-mihingal pa.

Nang dumami nang husto ang mga kongre-gasyon sa New York City noong dekada ’50 at’60, hindi na sapat ang mga inuupahang bul-wagan para sa mga pulong. Kaya mula 1970hanggang 1990, tatlong gusali sa Manhattanang binili at ni-renovate para magamit na da-kong pulungan. Ako ang naglingkod bilang

chairman ng mga building committee para samga proyektong ito at kitang-kita ko kung paa-no saganang pinagpala ni Jehova angmga kon-gregasyong nakipagtulungan sa proyekto. Gi-nagamit pa rin ang mga gusaling ito bilangsentro ng tunay na pagsamba.

Mga Pagbabago sa Buhay KoIsang araw noong 1957 habang naglalakad

ako sapark sa pagitanngBethelHomeatng pa-limbagan, biglang bumuhos ang ulan. Nakitako sa unahan ang isang magandang sisterna baguhan sa Bethel. Wala siyang payongkaya niyaya ko siyang makisukob. Ganiyankami nagkakilala ni Marjorie, at mula nangikasal kami noong 1960, magkasama na ka-ming naglilingkod kay Jehova, umulan man oumaraw. Ipinagdiwang namin ang aming ika-50 anibersaryo noong Setyembre 2010.

Kababalik pa lang namin mula sa aminghoneymoon nang sabihan ako ni Broth-er Knorr na magiging instruktor ako sa Paara-lang Gilead. Napakalaking pribilehiyo nito!Mula 1961 hanggang 1965, idinaos ang limangmas mahahabang klase pangunahin na para samga tauhan ng sangay na sasanayin sa panga-ngasiwa ng mga sangay. Noong taglagas ng1965, ibinalik sa limang buwan ang haba ngklase, na muling itinuon sa pagsasanay sa mgamisyonero.

Kasama si Mary sainternasyonal na kombensiyonsa Yankee Stadium noong 1958

Nang ikasal kamini Marjorie

Noong 2008

22 ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011

Noong 1972, binigyan ako ng bagong atas,ang maging tagapangasiwa ng Writing Cor-respondence Department. Ang pagsasaliksikpara masagot ang iba’t ibang tanong at proble-ma ay nakatulong sa akin na mas maunawaanpa ang Bibliya at kung paano ikakapit ang mgasimulain ng Diyos para matulungan ang iba.

Pagkatapos, noong 1987, naatasan ako saisang bagong departamento na tinatawagna Hospital Information Services. Nagsaayoskami ng mga seminar para ituro sa mga elderna kabilang sa mga Hospital Liaison Commit-tee kung paano ipakikipag-usap sa mga doktor,hukom, at social worker ang ating maka-Kasu-latang paninindigan hinggil sa dugo. Nagingproblema kasi ang mga doktor na nagsasalinng dugo sa mga bata kahit walang pahintulotng magulang, at madalas ay kumukuha pa silang court order para gawin iyon.

Kapag inirerekomenda sa mga doktor angmga alternatibo sa pagsasalin ng dugo, mada-lasnilang sabihinnahindi pa ito available oka-ya’y napakamahal nito. Kapag ganiyan angsinabi sa akin ng isang siruhano, ang karani-wang sagot ko, “Puwede bang makita ang ka-may mo?” Pagkatapos, sasabihin ko, “Alammo, iyan ang pinakamagandang alternatibo sapagsasalin ng dugo.” Dahil sa komendasyongiyan, naipaaalaala sa doktor na kung maingatsiya sa pag-oopera sa pasyente, hindi magigingmadugo ang operasyon.

Sa nakalipas na dalawang dekada, pinagpalani Jehova ang mga pagsisikap na bigyan ng im-pormasyon ang mga doktor at hukom. Kapagnaunawaan na nila ang ating paninindigan,malaki ang ipinagbabago ng kanilang saloo-bin. Nakikita nila, batay sa pananaliksik sa me-disina, na mas mabisa ang mga alternatibo sapagsasalin ng dugo at na maraming doktor atospital ang handang tumanggap ng mga pa-syenteng ayaw magpasalin.

Mula noong 1996, kami ni Marjorie ay nag-lilingkod sa Watchtower Educational Center saPatterson, New York, na mga 110 kilometro sahilaga ng Brooklyn.Dito, ilang panahonakongnaglingkod sa Service Department at saka nag-

turo samga tauhanng sangay at sa naglalakbayna mga tagapangasiwa. Sa nakalipas na 12taon, naglilingkod ako bilang tagapangasiwang Writing Correspondence, na inilipat mulasa Brooklynpatungong Patterson.

Mga Hamon sa PagtandaNaging mas mahirap gampanan ang mga

atas ko sa Bethel nang tumuntong ako ng edad85.Mahigit sampung taonna rin akongnakiki-paglaban sa kanser. Para akong si Hezekias, naang buhay ay dinugtungan ni Jehova. (Isa.38:5) Humihina na rin ang kalusugan ng akingasawa, at nagtutulungan kami para mabataniya ang sakit na Alzheimer’s. Si Marjorieay isang may-kakayahang ministro ni Jehova,guro ng mga kabataan, at isang tapat na kabi-yak.Mahusay siyangestudyante at tagapagturong Bibliya, at marami sa aming espirituwal naanak ang hindi pa rin nakakalimot sa amin.

Namatay si Tiya Mary noong Marso 2010 saedad na 87. Napakahusay niyang guro ng Salitang Diyos at nakatulong siya sa iba na manindi-gan para sa tunay na pagsamba. Maramingtaon siyang naglingkod nang buong panahon.Malaki ang utang na loob ko sa kaniya dahil ti-nulungan niya akong matuto ng katotohananat maging gaya niya, isang lingkod ng atingmaibiging Diyos na si Jehova. Inilibing si Marysa tabing puntodngkaniyang asawa, na datingmisyonero sa Israel. Alam kong sila’y nasa alaa-la ni Jehova at naghihintay ng pagkabuhay-muli.

Kapag ginugunita ko ang mahigit 67 taonng paglilingkod kay Jehova, nagpapasala-mat ako sa saganang pagpapalang tinanggapko. Kaligayahan kong gawin ang kaloobanni Jehova! Dahil nagtiwala ako sa kaniyangdi-sana-nararapat na kabaitan, umaasa ako sapangako ng kaniyang Anak: “Ang bawat isa nanag-iwan ng mga bahay o mga kapatid na lala-ki o mga kapatid na babae o ama o ina omga anak o mga lupain alang-alang sa akingpangalan ay tatanggap ng lalong marami pa atmagmamana ng buhay na walang hanggan.”—Mat.19:29.

ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011 23

MULA nang isilang tayo, kailangan na na-tin ng kaaliwan. Ang isang sanggol ay

umiiyak para ipaalam na kailangan niya nito.Marahil gusto niyang magpakarga o baka na-gugutom siya. At kahit adulto na tayo, madalaspa rin tayong mangailangan ng kaaliwan, lalona kapag dumaranas ng problema.

2 Ang mga kapamilya at kaibigan ay maka-pagbibigay sa atin ng kaaliwan. Pero may mgasitwasyon na tanging ang Diyos lang ang ma-kaaaliw sa atin. Tinitiyak sa atin ng kaniyangSalita: “Si Jehova aymalapit sa lahat ng tumata-wag sa kaniya, . . . at ang kanilang paghinging tulong ay kaniyang diringgin.” (Awit 145:18,19) Oo, “ang mga mata ni Jehova ay nakati-ngin sa mga matuwid, at ang kaniyang mga ta-inga ay nakatuon sa kanilang paghingi ng tu-long.” (Awit 34:15) Pero kung gusto natingalalayan at aliwin tayo ng Diyos, kailangan ta-yong magtiwala sa kaniya. Ipinakita iyan ngsalmistang si David na umawit: “Si Jehova aymagiging matibay na kaitaasan para sa sinu-mang nasisiil, isang matibay na kaitaasan samga panahon ng kabagabagan. At yaong mganakaaalam ng iyong pangalan ay magtitiwalasa iyo, sapagkat tiyak na hindi mo iiwan yaongmga humahanap sa iyo, O Jehova.”—Awit 9:9, 10.

3 Mahalaga kay Jehova ang kaniyang mgamananamba. Ipinakita ito ni Jesus nang sabi-hin niya: “Ang limang maya ay ipinagbibili sadalawang baryanamaliit anghalaga, hindi ba?Gayunma’y walang isa man sa kanila ang nali-

1. Ano ang kailangan ng mga tao, anuman ang edad?2. Ano ang ipinangako ni Jehova sa mga nagtitiwala sakaniya?3. Ano ang sinabi ni Jesus na nagpapakita ng pag-ibigni Jehova sa Kaniyang mga lingkod?

limutan sa harap ng Diyos. Ngunit maging angmga buhok ng inyong mga ulo ay bilang na la-hat. Huwag kayong matakot; mas mahalagakayo kaysa sa maraming maya.” (Luc. 12:6, 7)Sa pamamagitan ni propeta Jeremias, sinabi niJehova sa Kaniyang sinaunang bayan: “Ikaw ayinibig ko ng pag-ibig na hanggang sa pana-hong walang takda. Kaya naman inilapit kitataglay ang maibiging-kabaitan.”—Jer. 31:3.

4 Sa panahon ng kabagabagan, maaaliw tayokung magtitiwala tayo kay Jehova at sa kani-yang mga pangako. Dapat nating tularan angpagtitiwala ni Josue sa Diyos. Sinabi niya: “Wa-lang isa mang salita sa lahat ng mabubuting sa-lita na sinalita sa inyo ni Jehova na inyongDiyos ang nabigo. Ang mga iyon ay nagkatoto-ong lahat para sa inyo. Walang isa mang salitasa mga iyon ang nabigo.” (Jos. 23:14) Kahitnagdurusa tayo ngayon dahil sa mahihirap nakalagayan, makatitiyak tayo na “ang Diyos aytapat” at hindi niya pababayaan ang kaniyangtapat na mga lingkod.—Basahin ang 1 Corin-to 10:13.

5 Ayon kay apostol Pablo, si Jehova “angDiyos ng buong kaaliwan.” Ang “pag-aliw” aynangangahulugang pagpapaginhawa sa isa nanababagabag o namimighati. Ginagawa ito sapamamagitan ng pagpawi ng kaniyang hapiso pagdadalamhati at pagpapalubag ng kani-yang loob. Ganiyan ang ginagawa ni Jeho-va. (Basahin ang 2 Corinto 1:3, 4.) Walangmakahahadlang sa ating makalangit na Amasa pagbibigay ng kaaliwang kailangan ng mganagmamahal sa kaniya. Maaaliw rin natin angmga kapananampalataya na “nasa anumang

4. Bakit tayo makapagtitiwala sa mga pangako ni Je-hova?5. Bakit magagawa nating aliwin ang iba?

MAGTIWALA KAY JEHOVA—“ANG DIYOS NG BUONG KAALIWAN”

“Pagpalain nawa ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Kristo, ang Ama ngmagiliw na kaawaan at ang Diyos ng buong kaaliwan.”—2 COR. 1:3.

24 ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011

uri ng kapighatian.” Magagawa natin ito “sapamamagitan ng kaaliwan na ipinang-aaliwdin naman sa [atin] ng Diyos.” Talagang wa-lang kapantay ang kaaliwang ibinibigay ni Je-hova!

Mga Sanhi ng Kabagabagan6 Maraming pagkakataong nangangaila-

ngan tayo ng kaaliwan. Ang isa sa mga ito aykapag namatayan tayo ng mahal sa buhay, lalona ng asawa o anak. May mga nangangaila-ngan din ng kaaliwan dahil biktima sila ng dis-kriminasyon o pagtatangi. Baka mangailangantayo ng kaaliwan dahil sa mahinang kalusu-gan, pagtanda, kahirapan, mga problema sapag-aasawa, o nakababagabag na mga pangya-yari sa daigdig.

7 Sa panahon ng kabagabagan, kailangannatin ng kaaliwan na magpapaginhawa saating puso, isip, emosyon, at makabubuti saating pisikal at espirituwal na kalusugan. Ku-ning halimbawa ang ating puso. Kinikilala ngSalita ng Diyos na ang ating puso ay puwedeng‘mawasak at madurog.’ (Awit 51:17) Matutulu-ngan tayo ni Jehova dahil “pinagagaling niyaang mga may pusong wasak, at tinatalianniya ang kanilang makikirot na bahagi.” (Awit147:3) Kahit sa napakahirap na mga sitwasyon,mapagiginhawa ni Jehova ang ating bagbag napuso kung mananalangin tayo sa kaniya taglayang pananampalataya at susundin ang kani-yang mga utos.—Basahin ang 1 Juan 3:19-22;5:14,15.

8 Nangangailangan din ng kaaliwan angating isip dahil sa iba’t ibang pagsubok na na-kababalisa sa atin. Hindi natin kayang pagta-gumpayan ang mga pagsubok na ito sa atingsariling lakas. Pero ganito ang inawit ng salmis-ta: “Nang ang aking mga nakababalisang kaisi-pan ay dumami sa loob ko, ang iyong mga

6. Anong mga bagay ang maaaring magdulot ng kaba-gabagan?7. (a) Sa mahihirap na kalagayan, anong uri ng kaali-wan ang kailangan natin? (b) Ano ang puwedeng ga-win ni Jehova para pagalingin ang “pusong wasak atdurog”?8. Kapag nababagabag ang ating isip, paano tayo tinu-tulungan ni Jehova?

pang-aaliw ay nagsimulang humaplos sa akingkaluluwa.” (Awit 94:19) Isinulat din ni Pablo:“Huwag kayong mabalisa sa anumang bagay,kundi sa lahat ng bagay sa pamamagitanng pa-nalangin at pagsusumamo na may kasamangpasasalamat ay ipaalamang inyongmga pakiu-sap sa Diyos; at ang kapayapaan ng Diyos nanakahihigit sa lahat ng kaisipan ay magbaban-tay sa inyong mga puso at sa inyong mga kaka-yahang pangkaisipan sa pamamagitan ni Kris-to Jesus.” (Fil. 4:6, 7) Malaking tulong angpagbabasa at pagbubulay-bulay sa Kasulatankapag nababagabag ang ating isip.—2 Tim. 3:15-17.

9 Kungminsan, baka masyado tayong nasisi-raan ng loob anupat nadadaig tayo ng negati-bong emosyon. Marahil inaakala natinnahindinatin kayang gampanan ang isang pribilehiyosa kongregasyon o iba pang maka-Kasulatangpananagutan. Maaaliw at matutulungan dintayo ni Jehova sa ganitong kalagayan. Bilangpaglalarawan: Nang atasan si Josue na mangu-na samga Israelita laban sa makapangyarihangmga bansa, sinabi sa kaniya ni Moises: “Mag-pakalakas-loob ka at magpakatibay . . . Si Jeho-va ang hahayo sa unahan mo. Siya mismo aymananatiling kasama mo. Hindi ka niya paba-bayaan ni iiwan ka man nang lubusan. Huwagkang matakot o masindak.” (Deut. 31:7, 8) Satulong ni Jehova, pinangunahan ni Josue angbayan ng Diyos papasok sa Lupang Pangako atnalupig nila ang lahat ng kanilang kaaway. Tu-manggap din si Moises ng ganitong tulongmula kay Jehova nang papatawid ang Israel saDagat na Pula.—Ex.14:13,14, 29-31.

10 Makasasama rin sa ating pisikal na kalusu-gan ang nakababagabag na mga pangyayari.Makatutulong ang pagkain nang tama, sapatna pahinga, ehersisyo, at kalinisan sa ating ta-hanan at katawan. Makabubuti rin sa kalusu-gan ang pagbubulay-bulay sa mga pangako ngBibliya. Kapagnapapaharap tayo samga pagsu-bok o problema, tandaan natin ang pinagdaa-

9. Paano natin mapagtatagumpayan ang pagkabaga-bag ng emosyon?10. Kapag apektado ng kabagabagan ang ating pisikalna kalusugan, ano ang makatutulong sa atin?

ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011 25

nan ni Pablo at ang kaniyang pampatibay-loob: “Ginigipit kami sa bawat paraan, ngunithindi nasisikipan anupat hindi na makakilos;naguguluhan kami, ngunit hindi lubos na wa-langmalabasan; pinag-uusig kami, ngunit hin-di iniiwan sa kagipitan; ibinabagsakkami, ngu-nit hindi napupuksa.”—2 Cor. 4:8, 9.

11 Ang ilang pagsubok ay maaaring makaa-pekto sa ating espirituwal na kalusugan. Matu-tulungan din tayo ni Jehova pagdating sa ba-gay na ito. Tinitiyak sa atin ng Kaniyang Salita:“Si Jehova ay umaalalay sa lahat ng nabubu-wal, at nagbabangon sa lahat ng nakayukod.”(Awit 145:14) Para malabanan ang sakit sa espi-rituwal, dapat tayong humingi ng tulong samga elder. (Sant. 5:14, 15) At kung palagi na-ting isasaisip ang ating pag-asang buhay nawa-lang hanggan, matutulungan tayong maharapang mga pagsubok sa ating pananampalataya.—Juan 17:3.

Mga Tumanggap ng KaaliwanMula sa Diyos

12 Sinabi ng isang salmista kay Jehova: “Ala-lahaninmoang salita sa iyong lingkod, na ukoldoon ay pinaghintay mo ako. Ito ang aking ka-aliwan sa aking kapighatian, sapagkat ininga-tan akong buhay ng iyong pananalita.” (Awit119:49, 50) Sangayon, taglaynatin angnasusu-

11. Paano natin malalabanan ang sakit sa espirituwal?12. Paano inaliw ni Jehova si Abraham?

lat na Salita ni Jehova, na naglalaman ng mgahalimbawang tumanggapngkaaliwanmula sakaniya. Ang isa sa kanila ay si Abraham. Lubhasiyang nabagabag nang malaman niyang pu-puksain ni Jehova ang Sodoma at Gomorra,kaya tinanong niya ang Diyos: “Talaga bang li-lipulin mo ang matuwid na kasama ng balak-yot?” Inaliwni Jehova si Abrahamnang tiyakinNiya sa kaniya na kung may 50 matuwid doon,hindi Niya pupuksain ang Sodoma. Pero li-mang ulit pang nagtanong si Abraham kay Je-hova: Paano kung 45 lang ang matuwid doon?40? 30? 20? 10? Paulit-ulit na tiniyak ni Jehovakay Abraham na hindi niya pupuksain ang So-doma kung may gayon karaming matuwiddoon. At kahit wala man lang sampung matu-wid doon, iniligtas ni Jehova si Lot at ang mgaanak na babae nito.—Gen. 18:22-32; 19:15,16, 26.

13 Gustung-gustong magkaanak ng asawa niElkana na si Hana. Pero baog siya, at nabaga-bag siya dahil dito. Ipinanalangin niya ito kayJehova. Sinabi sa kaniya ng mataas na saserdo-teng si Eli: “Ipagkaloob nawa ng Diyos ng Isra-el ang iyong pakiusap.” Nakaaliw ito kay Hana,kung kaya “ang kaniyang mukha ay hindi nanabahala.” (1 Sam. 1:8, 17, 18) Nagtiwala siHana kay Jehova at ipinaubaya niya ang mgabagay-bagay sa Kaniya. Hindi alam ni Hana

13. Paano ipinakita ni Hana na nagtitiwala siya kay Je-hova?

ˇ puso Awit 147:3; 1 Juan 3:19-22; 5:14,15ˇ isip Awit 94:19; Fil. 4:6, 7ˇ emosyon Ex.14:13,14; Deut. 31:6ˇ pisikal na kalusugan 2 Cor. 4:8, 9ˇ espirituwal na kalusugan Awit 145:14;

Sant. 5:14,15

KUNG PAANO MAPAGTATAGUMPAYAN ANGMGA BAGAY NA NAKAAAPEKTO SA ATING . . .

26 ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011

kung ano ang mangyayari, pero nagkaroonsiya ng kapayapaan ng isip. Di-nagtagal, sina-got ni Jehova ang kaniyang panalangin. Nag-dalang-tao siya at nagsilang ng isang lalaki, napinangalanan niyang Samuel.—1 Sam.1:20.

14 Ang isa pang indibiduwal na inaliw ngDiyos ay si Haring David ng sinaunang Israel.“Tumitingin [si Jehova] sa kung ano ang nasapuso.” Kaya naman nang piliin niya si Davidupang maging hari ng Israel, alam niyang ta-imtim ito at nakatalaga sa tunay na pagsamba.(1 Sam. 16:7; 2 Sam. 5:10) Pero nang maglaon,nangalunya si David kay Bat-sheba. Para ma-pagtakpan ang kasalanang ito, ipinapatay niyaang asawa ni Bat-sheba. Nang maunawaan niDavid kung gaano kalubha ang kaniyang kasa-lanan, nanalangin siya kay Jehova: “Ayon sa ka-saganaan ng iyong kaawaan ay pawiin mo angaking mga pagsalansang. Lubusan mo akonghugasan mula sa aking kamalian, at linisin moako mula sa aking kasalanan. Sapagkat alam koang aking mga pagsalansang, at ang aking ka-salanan ay laging nasa harap ko.” (Awit 51:1-3)Talagang pinagsisihan ni David ang kaniyangkasalanan, at pinatawad siya ni Jehova. Perokailangan niyang harapin ang resulta ng kani-yang pagkakasala. (2 Sam. 12:9-12) Gayunpa-man, naging kaaliwan sa kaniya ang awa ni Je-hova.

15 Noong nasa lupa si Jesus, napaharap siyasa maraming mahihirap na sitwasyon. Pina-hintulutan ng Diyos ang mga pagsubok na ito,

14. Bakit nangailangan ng kaaliwan si David, at kani-no siya umasa?15. Anong tulong ang ibinigay ni Jehova kay Jesusbago siya mamatay?

pero naingatan ni Jesus ang kaniyang katapa-tan bilang sakdal na taong laging nagtitiwalakay Jehova at nagtataguyod ng Kaniyang sobe-ranya. Nang malapit na siyang ipagkanulo atpatayin, nanalangin si Jesus kay Jehova: “Ma-ganap nawa, hindi ang kalooban ko, kundi angsa iyo.” Pagkatapos, isang anghel ang nagpaki-ta kay Jesus at pinalakas siya. (Luc. 22:42, 43)Binigyan ng Diyos si Jesus ng kaaliwan, lakas,at tulong na kailangan niya nang panahongiyon.

16 Kahit manganib ang buhay natin dahil saating paninindigan bilang Kristiyano, matutu-lungan tayo ni Jehova na manatiling tapat sakaniya. Isang kaaliwan din sa atin ang pag-asasa pagkabuhay-muli. Inaasam-asam natin angpanahong napawi na ang huling kaaway, angkamatayan! (1 Cor.15:26) Hinding-hindi mali-limutan ni Jehova ang kaniyang tapat na mgalingkod at ang iba pa na namatay, kaya bubu-hayin niya silang muli. (Juan 5:28, 29; Gawa24:15) Ang pagtitiwala natin sa pangako ni Je-hova na pagkabuhay-muli ay makapagbibigaysa atin ng kaaliwan at matibay na pag-asa sa pa-nahon ng pag-uusig.

17 Talagang nakaaaliw malaman na ang mganamatay nating mahal sa buhay ay may pag-asang mabuhay-muli sa isang bagong sanlibu-tan na wala nang kabagabagan! Isang “mala-king pulutong” ng mga lingkod ni Jehova angmakaliligtas sa katapusan ng balakyot na siste-mang ito ng mga bagay. Pribilehiyo nilang sa-lubungin at turuan ang mga bubuhaying-mulisa lupa!—Apoc. 7:9, 10.

Sa Ilalim ng Walang-Hanggangmga Bisig ng Diyos

18 Sa isang makabagbag-damdamin at na-kapagpapatibay na awit, tiniyak ni Moisessa bansang Israel: “Isang taguang dako angDiyos ng sinaunang panahon, at sa ilalim ay

16. Paano tayo matutulungan ng Diyos kapag nanga-nganib ang buhay natin dahil sa ating katapatan?17. Paano tayo maaaliw ni Jehova kapag namatayantayo ng mahal sa buhay?18, 19. Paano inaaliw ng Diyos ang kaniyang mgalingkod kapag pinag-uusig sila?

Paano Mo Sasagutin?˙ Ano ang ilang bagay na nakababaga-

bag sa atin?˙ Paano inaaliw ni Jehova ang kaniyang

mga lingkod?˙ Kapag nanganganib ang ating buhay,

ano ang makaaaliw sa atin?

ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011 27

ang mga bisig na namamalagi nang walangtakda.” (Deut. 33:27) Nang maglaon, sinabi nipropeta Samuel sa mga Israelita: “Huwag . . .kayong lilihis mula sa pagsunod kay Jehova,at maglingkod kayo kay Jehova nang inyongbuong puso. . . . Hindi pababayaan ni Jehovaang kaniyang bayan alang-alang sa kaniyangdakilang pangalan.” (1 Sam. 12:20-22) Hang-ga’t naglilingkod tayo nang tapat kay Jehova,hindi niya tayo pababayaan. Lagi niya tayongaalalayan.

19 Hindi nagkukulang ang Diyos sa pagbibi-gay ng tulong at kaaliwan sa kaniyang bayan samapanganib na mga huling araw na ito. Sa ma-kabagong panahon, libu-libong kapananam-palatayanatin sa buong daigdig ang pinag-usigat ibinilanggo dahil naglilingkod sila kay Jeho-va. Pinatutunayan ng kanilang karanasan natalagang inaaliw ni Jehova ang kaniyang mgalingkod sa panahon ng pagsubok. Halimbawa,

isang brother sa dating Unyong Sobyet ang si-nentensiyahang mabilanggo nang 23 taon da-hil sa kaniyang pananampalataya. Pero kahitnasa bilangguan, tumanggap pa rin siya ng es-pirituwal na pagkain na nagpalakas at nakaa-liw sa kaniya. Sinabi niya: “Sa loob ng mga ta-ong iyon, natuto akong magtiwala kay Jehovaat nagingmalakas akodahil sa Kaniya.”—Basa-hin ang 1 Pedro 5:6, 7.

20 Anuman ang mangyari sa atin sa hinaha-rap, makabubuting tandaan natin ang nakaaa-liw na mga salita ng salmista: “Hindi pababa-yaan ni Jehova ang kaniyang bayan.” (Awit94:14) At kahit nangangailangan tayo ng kaali-wan, pribilehiyo rin nating aliwin ang iba.Gayangmakikita natin sa susunodna artikulo,maaari nating aliwin ang mga nagdadalamhatisa magulong daigdig na ito.

20. Bakit tayo makatitiyak na hindi tayo pababayaanni Jehova?

SINABI ni Jesu-Kristo: “Ang aking pagkain ayang gawin ko ang kalooban niya na nagsu-

go sa akin at tapusin ang kaniyang gawain.”(Juan 4:34) Sa pagtupad sa kaniyang bigay-Diyos na atas, tinularan ni Jesus ang magagan-dang katangian ng kaniyang Ama. Isa na ritoang dakilang pag-ibig ni Jehova para sa mgatao. (1 Juan 4:7-10) Tinukoy ni apostol Pabloang isang paraan kung paano ipinakikita ni Je-hova ang pag-ibig na iyan nang ilarawan niya

1. Ano ang ginawa ni Jesus para sa mga nagdadalam-hati, at bakit?

Siya bilang “Diyos ng buong kaaliwan.” (2 Cor.1:3) Ipinakita rin ni Jesus ang pag-ibig na iyannang tuparin niya ang hula ni Isaias. (Basahinang Isaias 61:1, 2.) Sa sinagoga sa Nazaret, bi-nasa ni Jesus ang hulang iyan at ikinapit ito sakaniyang sarili. (Luc. 4:16-21) Sa buong pana-hon ng kaniyang ministeryo, maibiging inaliwni Jesus ang mga nagdadalamhati at binigyansila ng pampatibay-loob at kapayapaan ng isip.

2 Gaya ni Jesus, kailangan nating aliwin ang

2, 3. Bakit natin kailangang tularan si Kristo sa pagbi-bigay ng kaaliwan?

“ALIWIN ANG LAHAT NGNAGDADALAMHATI”

“Pinahiran ako ni Jehova . . . upang aliwin ang lahat ng nagdadalamhati.”—ISA. 61:1, 2.

28 ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011

mga nagdadalamhati. (1 Cor. 11:1) Sinabi niPablo: “Patuloy ninyong aliwin ang isa’t isa atpatibayin ang isa’t isa.” (1 Tes. 5:11) Lalo natinitong dapat gawin ngayon dahil nabubuhaytayo sa “mga panahong mapanganib na mahi-rappakitunguhan.” (2Tim.3:1) Sabuong daig-dig, parami nang paraming tapat-pusong taoang nagdurusa at naghihinagpis dahil sa sina-sabi at ginagawa ng iba.

3 Gaya ng inihula ng Bibliya, sa mga hulingaraw ng balakyot na sistemang ito ng mga ba-gay, marami ang “maibigin sa kanilang sarili,mga maibigin sa salapi, mga mapagmapuri sasarili, mga palalo, mga mamumusong, mgamasuwayin sa mga magulang, mga walangutang-na-loob, mgadi-matapat, mgawalang li-kas na pagmamahal, mga hindi bukas sa anu-mang kasunduan, mga maninirang-puri, mgawalang pagpipigil sa sarili, mgamabangis, mgawalang pag-ibig sa kabutihan, mga mapagka-nulo, mga matigas ang ulo, mga mapagmalaki,mga maibigin sa mga kaluguran kaysa maibi-gin sa Diyos.” Lalo pang sumasama ang ugaling mga tao dahil ‘ang mga taong balakyotat mga impostor ay nagpapatuloy mula samasama tungo sa lalong masama.’—2 Tim. 3:2-4, 13.

4 Hindi natin ito dapat ipag-taka dahil sinasabi ng Salita ngDiyos na “ang buong sanlibu-tan ay nasa kapangyarihan ngisa na balakyot.” (1 Juan 5:19)Kasama sa “buong sanlibutan”ang pulitika, relihiyon, at ko-mersiyo, pati na ang mga para-ang ginagamit ni Satanas parapalaganapin ang kaniyang pro-paganda. Kaya naman walang-alinlangang si Satanas na Di-yablo ang “tagapamahala ng

sanlibutan” at “diyos ng sistemang ito ng mgabagay.” (Juan 14:30; 2 Cor. 4:4) Pasama nangpasama ang mga kalagayan sa daigdig dahil siSatanas ay may malaking galit, sa pagkaalamna mayroon na lamang siyang maikling yugtong panahon. (Apoc. 12:12) Nakaaaliw mala-man na malapit nang puksain ng Diyos si Sata-nas at ang kaniyang balakyotna sistema, atma-lulutas na ang usaping ibinangon ni Satanastungkol sa soberanya ni Jehova!—Gen., kab. 3;Job, kab. 2.

Ang Mabuting Balita ay Ipinangangaralsa Buong Lupa

5 Samagulong yugtong ito ng kasaysayan ngtao, natutupad ang hula ni Jesus: “Ang mabu-ting balitang ito ng kaharian ay ipangangaralsa buong tinatahanang lupa bilang patotoo salahat ng mga bansa; at kung magkagayon aydarating ang wakas.” (Mat. 24:14) Lumalaga-nap sa buong daigdig ang gawaing pagpapato-too tungkol sa Kaharian ng Diyos. Sa ngayon,mahigit 7,500,000 Saksi ni Jehova na nakaug-nay samahigit 107,000 kongregasyon sa buonglupa ang nangangaral at nagtuturo tungkol sa

4. Ano ang mga kalagayan ngayon sa daigdig?5. Sa mga huling araw na ito, paano natutupad anghula tungkol sa pangangaral?

Inaaliw mo ba ang mganagdadalamhati?

ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011 29

Kaharian ng Diyos, gaya ng ginawa ni Jesus.(Mat. 4:17) Dahil sa ating pangangaral, mara-ming nagdadalamhati ang nabibigyan ng kaa-liwan. Kamakailan, sa loob lang ng dalawangtaon, 570,601 ang nabautismuhanbilang Saksini Jehova!

6 Sa ngayon, ang mga Saksi ni Jehova ay nag-sasalin ng mga literatura sa Bibliya sa mahigit500 wika at ipinamamahagi ito sa mga tao. Ka-ilanman,walang ibangorganisasyon angnaka-gawa nito! Talagang kamangha-mangha anggawain at paglago ng makalupang bahagi ngorganisasyonni Jehova. Sa sanlibutang kontro-lado ni Satanas, imposible itong mangyarikung walang tulong ng banal na espiritu ngDiyos. Dahil sa pangangaral ng mabuting bali-ta sa buong lupa, tumatanggap ng kaaliwanmula sa Kasulatanhindi langang atingmga ka-pananampalataya kundi pati ang mga nagda-dalamhati na tumatanggap sa mensahe ng Ka-harian.

Pag-aliw sa mga Kapananampalataya7 Sa sanlibutang ito na puno ng kabalakyu-

tan at pagdurusa, tiyak na mapapaharap tayosa nakababagabag na mga sitwasyon. Hindimawawala ang mga bagay na nagpapalung-kot sa atin hangga’t hindi pa pinupuksa ngDiyos ang sistemang ito ng mga bagay. Bu-kod diyan, napapaharap tayo sa inihulangpag-uusig na sumusubok sa ating katapatansa pansansinukob na soberanya ni Jehova.(2 Tim. 3:12) Pero dahil tinutulungan tayo atinaaliw ng ating Ama sa langit, matutularannatin ang mga pinahirang Kristiyano sa sina-unang Tesalonica na nagbata at nagpakita ngpananampalataya sa harap ng pag-uusig atkapighatian.—Basahin ang 2 Tesalonica 1:3-5.

6. Ano ang masasabi mo hinggil sa paglawak ng atinggawaing pangangaral?7. (a) Bakit hindi natin dapat asahan na aalisin nga-yon ng Diyos ang lahat ng sanhi ng kabagabagan?(b) Paano natin nalalaman na posibleng mabata angpag-uusig at kapighatian?

8 Walang alinlangan na naglalaan si Jehovang kaaliwan sa kaniyang mga lingkod. Halim-bawa, nang pagbantaan ni Reyna Jezebel angbuhay ng propetang si Elias, natakot ito, tu-makas, at nagsabing gusto na niyang mama-tay. Pero sa halip na pagalitan si Elias, inaliwsiya ni Jehova at binigyan ng lakas ng loobpara patuloy na makapaglingkod bilang pro-peta. (1Hari 19:1-21) Ang isa pang halimbawaay may kinalaman sa kongregasyong Kristiya-no noong unang siglo. Mababasa natin sa Bi-bliyana “ang kongregasyon sa buong Judea atGalilea at Samaria ay nagkaroonng isang yug-to ng kapayapaan, anupat napatitibay.” Bu-kod diyan, “habang lumalakad ito sa pagkata-kot kay Jehova at sa kaaliwanmula sa banal naespiritu ay patuloy itong dumarami.” (Gawa9:31) Laking pasasalamat natin na taglay rinnatin ang “kaaliwan mula sa banal na espiri-tu”!

9 Bilang mga Kristiyano, naaliw tayo nangmatuto tayo tungkol kay Jesu-Kristo at sumu-nod sa kaniyang yapak. Sinabi ni Jesus: “Puma-rito kayo sa akin, lahat kayo na nagpapagal atnabibigatan, at pagiginhawahin ko kayo. Pasa-nin ninyo ang aking pamatok at matuto kayomula sa akin, sapagkat ako ay mahinahong-loob at mababa ang puso, at masusumpunganninyo ang kaginhawahan ng inyong mga kalu-luwa. Sapagkat ang aking pamatok ay may-kabaitan at ang aking pasan ay magaan.” (Mat.11:28-30) Habang natututo tayo sa mabait atmaibigingpakikitungoni Jesus samga tao at si-nisikap na tularan siya, nababawasan ang anu-mang stress na nararanasan natin.

10 Maaaliw rin tayo ng ating mga kapuwaKristiyano. Halimbawa, isaalang-alang kungpaano tinutulungan ng mga elder sa kongrega-syon ang mga napapaharap sa kabagabagan.

8. Paano ipinakikita ng Bibliya na inaaliw ni Jehovaang kaniyang mga lingkod?9. Bakit nakaaaliw ang pagkuha ng kaalaman tungkolkay Jesus?10, 11. Sa kongregasyon, sinu-sino ang makapagbibi-gay ng kaaliwan?

30 ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011

Isinulat ng alagad na si Santia-go: “Mayroon bang sinumangmay sakit sa inyo [sa espiritu-wal]? Tawagin niya ang ma-tatandang lalaki ng kongrega-syon, at ipanalangin nila siya.”Ang resulta? “Ang panalanginng pananampalataya ay mag-papagaling sa isa na may dina-ramdam, at ibabangon siya niJehova. Gayundin, kung naka-gawa siya ng mga kasalanan,ito ay ipatatawad sa kaniya.”(Sant. 5:14, 15) Makapagbibi-gay rin ng kaaliwan ang iba pang miyembro ngkongregasyon.

11 Kadalasan na, mas komportable ang mgababae na ipakipag-usap sa kapuwa babae angkanilang problema. Ang mga may-edad at ma-karanasang sister ay makapagbibigay ng mai-nam na payo sa nakababatang mga sister dahilmalamang na napagdaanan na nila ang mgaproblemang napapaharap sa mga ito. Ang ka-nilang pagdamay at pagmamalasakit ay mala-king tulong. (Basahin ang Tito 2:3-5.) Siyem-pre, ang mga elder din at ang iba pa ay maaariat dapat na “magsalita nang may pang-aliw samga kaluluwang nanlulumo.” (1 Tes. 5:14, 15)At makabubuting tandaan na ang Diyos ay‘umaaliw sa atin sa lahat ng ating kapighatian,upangmaaliw natinyaongmga nasa anumanguri ng kapighatian.’—2 Cor.1:4.

12 Ang isang napakahalagang paraan paramakatanggap tayo ng kaaliwan ay ang pagdalosa mga pulong, kung saan napatitibay tayo da-hil sa pag-aaral ng Bibliya. Mababasa natin nasina Hudas at Silas ay “nagpatibay-loob sa mgakapatid sa pamamagitan ng maraming dis-kurso at pinalakas sila.” (Gawa 15:32) Bagoat pagkatapos ng pulong, napatitibay tayo sa

12. Bakit mahalagang dumalo tayo sa mga pulong?

pakikipag-usap sa mga kapatid. Kaya naman,kahit mayroon tayong mabigat na problema,huwagnating ibukod angating sarili dahil hin-di ito makatutulong. (Kaw. 18:1) Sa halip, sun-din natin ang payo ni apostol Pablo: “Isaalang-alangnatin ang isa’t isa upangmag-udyukan sapag-ibig at sa maiinam na gawa, na hindi pina-babayaan ang ating pagtitipon, gaya ng kinau-galian ng iba, kundi nagpapatibayang-loob saisa’t isa, at lalung-lalo na samantalang inyongnakikita na papalapit na ang araw.”—Heb. 10:24, 25.

Kaaliwan Mula sa Salita ng Diyos13 Tayo man ay bautisado nang Kristiyano o

nagsisimulapa langmatuto tungkol saDiyos atsa kaniyang mga layunin, makasusumpongtayongmalaking kaaliwan sanasusulat na Sali-ta ngDiyos. Sumulat si Pablo: “Ang lahat ng ba-gay na isinulat noong una ay isinulat sa atingikatututo, upang sa pamamagitan ng atingpagbabata at sa pamamagitan ng kaaliwanmula sa Kasulatan ay magkaroon tayo ng pag-asa.” (Roma 15:4) Ang Banal na Kasulatan aymakaaaliw at makatutulong sa atin na maging“lubosna may kakayahan, lubusang nasangka-

13, 14. Ipaliwanag kung paano tayo maaaliw ng Ka-sulatan.

Parehong makapagbibigay ngpampatibay-loob ang mga

bata’t matanda

ANG BANTAYAN ˙ OKTUBRE 15, 2011 31

pan ukol sa bawat mabuting gawa.” (2 Tim. 3:16, 17) Talagang nakaaaliw malaman ang layu-nin ng Diyos at magkaroon ng tunay na pag-asa sa hinaharap! Kaya gamitin nating mabutiang Salita ng Diyos at ang salig-Bibliyang mgapublikasyon na kapaki-pakinabang at makaaa-liw sa atin.

14 Huwaran si Jesus sa paggamit ng Kasula-tan para turuan at aliwin ang iba. Halimbawa,matapos siyang buhaying muli, nagpakita siyasa dalawa niyang alagad at ‘lubusang binuksansa kanila ang Kasulatan.’ Lubha silang naantigsa kanilang narinig. (Luc. 24:32) Tinularan niapostol Pablo ang magandang halimbawa niJesus at ‘nangatuwiran siya mula sa Kasulatan.’Sa Berea, “tinanggap [ng kaniyang mga tagapa-kinig] ang salita nang may buong pananabikng kaisipan, na maingat na sinusuri ang Kasu-latan sa araw-araw.” (Gawa 17:2, 10, 11) Na-pakahalaga ngang basahin natin ang Bibliyaaraw-araw! Sa tulong nito at ng mga publika-syong Kristiyano, magkakaroon tayo ng kaali-wan at pag-asa sa magulong panahong ito.

Iba Pang Paraan Para Aliwin ang Iba15 Marami tayong magagawa para tulungan

at aliwin ang ating mga kapatid. Halimbawa,maaari nating ipamalengke ang mga may-edadna o may sakit. Matutulungan din natin angiba sa kanilangmga gawain sa bahay. Ipinakiki-ta nito na interesado tayo sa kapakanan nila.(Fil. 2:4) Maaari natin silang bigyan ng komen-dasyon dahil sa kanilang magagandang kata-ngian, gaya ng kanilang pag-ibig, lakas ngloob, at pananampalataya.

16 Para aliwin angmgamay-edadna, dalawinnatin sila at makinig habang ikinukuwentonila ang kanilang mga karanasan at pagpapalasa paglilingkod kay Jehova. Baka nga tayo pamismo ang mapatibay at maaliw! Maaari dintayong magbasa sa kanila ng Bibliya o salig-Bibliyang mga publikasyon. Puwede nating ta-lakayin sa kanila ang nakaiskedyul na araling

15, 16. Ano ang ilan sa mga puwede nating gawinpara tulungan at aliwin ang ating mga kapatid?

artikulo sa Ang Bantayan o impormasyon saPag-aaral ng Kongregasyon sa Bibliya. Maaarinating panoorin kasama nila ang isa sa atingmga DVD. At puwede nating basahin o iku-wento sa kanila ang ilangnakapagpapatibay nakaranasan sa ating mga publikasyon.

17 Kung mapansin natin na nangangaila-ngan ng kaaliwan ang isang kapananampalata-ya, puwede natin siyang ipanalangin. (Roma15:30; Col. 4:12) Habang binabata natin angmga problema sa buhay at sinisikap na aliwinang iba, matutularan natin ang pananampala-taya ng salmista: “Ihagismo ang iyong pasaninkay Jehova, at siya ang aalalay sa iyo. Hindiniya kailanman ipahihintulot na ang matuwiday makilos.” (Awit 55:22) Oo, laging naririyansi Jehova para aliwin at alalayan ang kaniyangtapat na mga lingkod.

18 Sinabi ng Diyos sa mga lingkod niyanoon: “Ako—ako ang Isa na umaaliw sa inyo.”(Isa. 51:12) Aaliwindin tayoni Jehova at pagpa-palain niya ang ating mga pagsisikap na aliwinang mga nagdadalamhati. Makalangit man omakalupa ang ating pag-asa, maaaliw tayo sasinabi ni Pablo sa kaniyang mga kapuwa pina-hirang Kristiyano: “Nawa’y ang ating Pangino-ong Jesu-Kristo mismo at ang Diyos na atingAma, na umibig sa atin at nagbigay ng walang-hanggang kaaliwan at mabuting pag-asa sa pa-mamagitan ng di-sana-nararapat na kabaitan,ay umaliw sa inyong mga puso at magpatatagsa inyo sa bawat mabuting gawa at salita.”—2 Tes. 2:16,17.

17, 18. Bakit makatitiyak ang tapat na mga lingkod niJehova na aalalayan at aaliwin niya sila?

Natatandaan Mo Ba?˙ Gaano kalawak ang ating gawain na

umaaliw sa mga nagdadalamhati?˙ Ano ang magagawa natin para aliwin

ang iba?˙ Paano ipinakikita ng Bibliya na inaaliw

ni Jehova ang kaniyang mga lingkod?

www.watchtower.org w11 10/15-TG

Ano ang dapat kong gawin kapag may ta-nong ako tungkol sa Bibliya o kailangan ko ngpayo?

Hinihimok tayo ng Kawikaan 2:1-5 na ‘patuloyna saliksikin’ ang kaunawaan at pagkaunawagaya ng “nakatagong kayamanan.” Ipinahihi-watig nito na kailangan tayong magsumikap nasaliksikin ang sagot sa ating mga tanong tungkolsa Bibliya at hanapin ang solusyon sa ating mgaproblema. Paano natin ito magagawa?

Tinatalakay sa Makinabang sa EdukasyonMula sa Paaralang Teokratiko Ukol sa Ministeryo,pahina 33 hanggang 38, ang paksang “Kung Pa-ano Gagawin ang Pagsasaliksik” gamit ang mgapantulong na inilaan ng “tapat at maingat naalipin.” (Mat. 24:45) Ipinaliliwanag ng pahi-na 36 kung paano gagamitin ang Watch TowerPublications Index. Bawat edisyon ng Index aymay magkabukod na indise ng mga paksa atindise ng mga kasulatan. Puwede nating hana-pin ang mga susing salita o mga teksto sa Bibli-ya at makikita natin ang listahan ng mga re-perensiya. Maging matiyaga sa pagsasaliksiksa espesipikong sagot o tagubiling kailanganmo. Tandaan na “nakatagong kayamanan” anghinahanap mo, kaya kailangan ang panahon atpagsisikap.

Siyempre, may ilang paksa at teksto na hindipa espesipikong tinatalakay sa ating mga publi-kasyon. At kahit naipaliwanag na dati ang isangpartikular na teksto sa Bibliya, baka hindi pa rinnatatalakay ang espesipikong tanong na nasaisip mo. Bukod diyan, hindi detalyado ang ilangulat ng Bibliya kaya may bumabangong mga ta-nong hinggil sa mga ito. Kaya naman hindi ma-sasagot agad ang bawat tanong na naiisip natin.Sa gayong kaso, hindi tayo dapat bumuo ngkuru-kuro sa mga bagay na talagang hindi ma-sasagot. Masasangkot lang tayo sa mga debatehinggil sa “mga tanong ukol sa pagsasaliksik sahalip na magkaloob ng anumang bagay mula saDiyos may kaugnayan sa pananampalataya.”

(1 Tim. 1:4; 2 Tim. 2:23; Tito 3:9) Ang tangga-pang pansangay at ang pandaigdig na punong-tanggapan ay wala sa kalagayan na suriin atsagutin ang lahat ng tanong na hindi pa natata-lakay sa ating literatura. Pero makapagtitiwalatayo na sapat ang impormasyong ibinibigay ngBibliya para magabayan tayo. Hindi inilaan ngBibliya ang lahat ng detalye para maudyukan ta-yong maglinang ng matibay na pananampalata-ya sa Banal na Awtor nito.—Tingnan ang aklat naMaging Malapıt kay Jehova, pahina 185 hang-gang 187.

Paano kung ginawa mo na ang makakaya mopero hindi mo pa rin makita ang tagubilin o so-lusyong kailangan mo? Huwag mahiyang luma-pit sa isang may-gulang na kapananampalataya,marahil sa isang elder sa inyong kongregasyon.Marami na silang kaalaman sa Bibliya at karana-

san sa Kristiyanong pamumuhay. Kilala ka nila atalam nila ang kalagayan mo, kaya mabibigyanka nila ng balanseng payo tungkol sa iyong pro-blema o sa desisyong kailangan mong gawin.Huwag mo ring kalimutan na ipanalangin kayJehova ang iyong ikinababahala at hilingin nagabayan ka niya sa pamamagitan ng kaniyangbanal na espiritu, “sapagkat si Jehova ay nagbi-bigay ng karunungan . . . at kaunawaan.”—Kaw.2:6; Luc. 11:13.

Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa