Birheng Walang Hymen

24
1 Quiban, Gian Lee Carlo Gonzales BA Political Science BIRHENG WALANG HYMEN Hayskul pa lang ako natatanong na ako ng aking mga kamag- aral kung birhen pa ako. Masayang masaya naman akong sumasagot na birhen pa nga ako. Nangako ako sa sarili kong magiging birhen ako hanggang sa makatungtong ako sa kolehiyo. Pinanghawakan ko ang pagkabirhen kong iyon hanggang sa dumating sa puntong tinatawag na ako ng libog at tawag ng laman at hindi ko na ito kayang tanggihan pa. Third year hayskul ako nang magkaroon ako ng nobyo. Mabait siya, gwapo, varsity sa basketball at higit sa lahat, matalino. Nasa kanya na lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki at labis ang tuwa ko nang ligawan niya ako. Naging matatag ang relasyon naming dalawa. Sa unang anibersaryo namin bilang magkasintahan, lumabas kami at kumain. Napakasarap sa pakiramdam na umabot ang relasyon namin ng isang taon kahit na maraming kontra rito. Bago niya ako ihatid sa bahay, pumunta muna kami sa isang parke na madadaanan ilang kanto bago makarating sa bahay namin. Muli ay nagkuwentuhan kami at nagharutan. Malaya naming ginawa ang mga bagay na gusto naming gawin dahil gabi na at wala na rin namang tao sa lugar na iyon. Naghabulan kami at nagtuksuhan na parang mga bata hanggang sa bumagsak kami sa lupa at pumaibabaw siya sa akin. Isang halik ang iginawad niya

Transcript of Birheng Walang Hymen

1

Quiban, Gian Lee Carlo Gonzales BA Political

Science

BIRHENG WALANG HYMEN

Hayskul pa lang ako natatanong na ako ng aking mga kamag-

aral kung birhen pa ako. Masayang masaya naman akong sumasagot

na birhen pa nga ako. Nangako ako sa sarili kong magiging

birhen ako hanggang sa makatungtong ako sa kolehiyo.

Pinanghawakan ko ang pagkabirhen kong iyon hanggang sa

dumating sa puntong tinatawag na ako ng libog at tawag ng

laman at hindi ko na ito kayang tanggihan pa. Third year

hayskul ako nang magkaroon ako ng nobyo. Mabait siya, gwapo,

varsity sa basketball at higit sa lahat, matalino. Nasa kanya

na lahat ng hinahanap ko sa isang lalaki at labis ang tuwa ko

nang ligawan niya ako. Naging matatag ang relasyon naming

dalawa. Sa unang anibersaryo namin bilang magkasintahan,

lumabas kami at kumain. Napakasarap sa pakiramdam na umabot

ang relasyon namin ng isang taon kahit na maraming kontra

rito. Bago niya ako ihatid sa bahay, pumunta muna kami sa

isang parke na madadaanan ilang kanto bago makarating sa bahay

namin. Muli ay nagkuwentuhan kami at nagharutan. Malaya naming

ginawa ang mga bagay na gusto naming gawin dahil gabi na at

wala na rin namang tao sa lugar na iyon. Naghabulan kami at

nagtuksuhan na parang mga bata hanggang sa bumagsak kami sa

lupa at pumaibabaw siya sa akin. Isang halik ang iginawad niya

2

sa akin—matamis at banayad hanggang sa naging mapusok ito at

mainit. Pagkatapos noon ay itinayo niya ako at nginitian ng

nakakaloko, tandang may naiisip siyang hindi maganda. Naging

mabilis ang mga pangyayari. Imbes na ihahatid na niya ako ay

sa bahay niya kami pumunta. Wala siyang kasama sa mga panahong

iyon; tahimik ang bahay nang datnan namin. Sa loob-loob ko,

nagdadalawang isip ako kung handa na ba ako o hindi pa. Ngunit

hindi na ako nakapag-isip sapagkat nilamon ako ng libog at

init ng katawan. Wala akong kaalam-alam nang mga panahong iyon

dahil iyon nga ang una kong karanasan kaya nangangapa pa ako

sa mga ginagawa ko; siya ang gumabay sa akin sa mga ginawa ko

ng gabing iyon. Masarap ang karanasan kong iyon,

nakakapanabik, mapusok, nakaka-high. Ngunit kaakibat nang

sarap na iyon ay ang hiya—hiya na dulot ng hindi ko na

pagiging birhen; hiya na tingin ko sa sarili ko ay nadungisan

ako sa napakamurang edad. Pagkatapos ng una kong karanasan sa

pakikipagtalik at sa tuwing dadako sa usaping pagkabirhen ang

aming talakayan sa klase o kuwentuhang magbabarkada ay

nahihiya akong makisali at sumagot na para bang ikinakahiya ko

ang sarili ko. Kapag kaharap ko naman ang aking mga magulang

na tumanggap sa aking pagkatao nang buong-buo ay nanliliit ako

at pinandidirihan ang aking sarili sapagkat binali ko ang

aking pangako ko sa kanila—na mananatili akong birhen hanggang

grumadweyt ako sa hayskul.

Pagdating ng Enero, dumating ang isa sa mga

pinakamagagandang balitang puwede kong marinig—na pumasa ako

3

sa UPCAT. Nakapasa ako sa UP Diliman sa kursong Political

Science. Galak at kaligayahan ang naramdaman ko sapagkat ako

lang ang pumasa sa paaralan namin at sa buong probinsya naman

namin ay ako lang ang nakapasa sa Diliman. Nang mga panahong

iyon, panandilian kong nakalimutan ang hiya at pandidiring

nararamdaman ko sa aking sarili. Nagtuloy-tuloy ang mga

magagandang bagay na nangyari sa akin gaya ng pagkakaroon ko

ng scholarship sa UP, pagkakapasa ko sa Ateneo, La Salle at

UST at ang pagkakadeklara sa aking Valedictorian ng batch

namin. Labis na tuwa at pagmamalaki ang naramdaman ng aking

mga magulang sa mga magagandang balitang dumating ngunit hindi

pa rin mawaglit sa aking isipan ang hiyang nararamdaman ko sa

katotohanang hindi na ako isang birhen.

Nagtapos ako ng hayskul na dala ang panghihinayang na iyon

ngunit nagpatuloy pa rin ako sa buhay ko. Naging mabilis ang

takbo ng mga araw at linggo. Isang linggo bago ang pagluwas ko

ng Maynila upang mag-enroll sa UP, inaya ako ng isa sa aking

mga kababata na lumabas upang makapag-usap daw kami kasi may

sasabihin daw siyang importante sa akin. Pinaunlakan ko naman

ang kanyang paanyaya at lumabas nga kami. Pumunta kami sa

isang coffee shop sa may sentro ng bayan. Tahimik ang lugar,

nakakarelaks ang paligid. Nagsimula kaming magkuwentuhan at

nasabi niyang mamimiss niya raw ako. Naikuwento niya rin sa

akin na sa Baguio niya napagdesisyunang mag-aral dahil ayaw

niyang mapalayo sa probinsya namin. Naging matagal ang aming

kuwentuhan pero nalibang naman ako kaya ayos lang sa akin na

4

gabi na nang mapagdesisyunan naming umuwi. Habang naglalakad

kami, hindi siya mapakali kaya tinanong ko siya kung ano ang

bumabagabag sa kanya. Katahimikan ang bumalot sa amin

pagkatapos ko siyang tanungin. Ilang minuto rin na walang

umimik sa amin hanggang napagpasyahan niyang basagin ang

katahimikan. Gulat—iyan ang una kong naramdaman nang ayain

niya ako na makipagtalik sa kanya. Sa simula ay tumanggi ako

at nagdahilan na natatakot ako at hindi ako handa sa mga

pagkakataong iyon ngunit mapilit siya at nagdahilan pang

matagal pa raw bago ulit kami magkita at na wala na namang

mawawala sa akin dahil hindi na rin naman ako birhen at pareho

kaming lalaki. Dinala niya ako sa bahay nila at naging mapusok

ang mga pangyayari. Sa pangalawang pagkakataon, tinamasa ko

ang sarap ng pakikipagtalik at nagpalamon sa libog ng katawan.

Maganda ang UP. Iyan ang una kong naisip. Maganda, hindi

lang dahil sa nandirito ang mga pinakamagagaling sa banda

ngunit dahil na rin sa kapaligiran nito. Madaming puno, hindi

masyadong maingay at mainit kaya puwede kang maglakad-lakad.

Malayang gumalaw ang mga estudyante rito. Malaya silang isuot

ang kahit anong nais nilang isuot. Sa mga tambayan, malaya

silang gawin ang mga bagay-bagay na nais nilang gawin. Iba’t

iba ang bawat estudyante. Kahit na sira-sira ang mga silid

aralan at mga kagamitan, mararamdaman mo naman ang init ng

pagtanggap ng mga upperclassmen dito. Dahil dito ay naenganyo

akong mag-aral nang mabuti. Pinagbutihan ko ang una kong

semestre sa unibersidad kahit na iginapang ko ang Math 17 na

5

ilang beses ko ring iniyakan. Maraming mga mababait na tao sa

dorm, sa kolehiyo at sa unibersidad. Sumali rin ako sa mga

organisasyon sa loob ng unibersidad gaya ng Babaylan, POLITICA

at iba na kung saan nabasag ang ilan sa mga bagay na

pinaniwalaan at pinanghawakan ko nung nasa sekondarya pa

lamang ako. Kaakibat din nito, natuto akong uminom,

manigarilyo at mag-weeds. Dumalas din ang pagpunta ko sa mga

bar at party kasama ang mga orgmates ko at ilang mga kaibigan;

mga party na kung saan maraming guwapong lalaki na puwedeng

maka-one-night-stand.

Ilang buwan ang dumaan na nasa unibersidad ako, maraming

pananaw ko ang nabago gaya ng paniniwala sa isang Diyos na

para sa akin ay isa lang pagsasayang ng oras, at ang konsepto

ko ng pagkabirhen. Sa isang educational discussion namin sa

Babaylan habang isa pa lamang akong aplikante, napag-usapan

namin ang tungkol sa pagkabirhen at kung paano ito kinakahon

ang mga kababaihan at mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual,

Transgender (LGBT) community. Sa aming pag-uusap, natalakay

namin na ang pagkabirhen ay isang produkto ng isang

patriarchal na lipunan na lalo pang pinagtibay ng sinabi ni

Erin McKelle isang feminista sa Amerika sa kanyang artikulong

Losing Virginity for Good. Gaya ng napag-usapan namin, sinabi ni

McKelle na ang pagkabirhen ay isang social construct na dulot

ng komodipikasyon ng kababaihan dahil nakikita silang mga ari-

arian ng mga lalaki sa maraming lipunan. Komodipikasyon dahil

tinatratong mga pag-aari ng mga lalaki ang kanilang mga asawa

6

at dahil dito, sila lang ang puwedeng ‘gumamit’ sa kanila.

Kung tutuusin, ang perspektibong ito ay isang paraan lang ng

paghimay sa konsepto ng pagkabirhen.

Sa ibang lente ng analysis, idinagdag din ni McKelle na

ang pagkabirhen ay nagiging isang mahalagang ari-arian at

titulo ng mga babae na kung mawala man ito, isa itong malaking

kahihiyan at kawalan sa parte ng babae. Nagkakaroon ngayon ng

double standards sa pagtingin sa pagkabirhen dahil sa kaso

naman ng mga kalalakihan, mas nakakalalaki at nakakamacho pa

nga kung hindi na sila mga birhen. Dahil dito, nalilimitahan

ang mga kababaihan sa puwede nilang gawin sa katawan nila

dahil na rin sa takot na huhusgahan at mamatahin sila ng mga

tao. Ayon din kay McKelle, dahil sa double standards na ito,

nagkakaroon ng panlalahat sa iba pang mga gender identity.

Kung titingnan, pati ang mga bakla at transgender women ay

tinatawag ding malandi, maharot o pokpok kung hindi na sila

mga birhen. Kaya kung susuriin ito ng maigi, talagang masasabi

na ang konsepto ng pagkabirhen ay pumapanig sa mga kalalakihan

at sa mga gender identities na nauugnay sa pagkalalaki dahil

kapag hindi na sila mga birhen, mas gumaganda ang tingin sa

kanilang pagkatao. Nakikita ng lipunan na nakakamacho ang

hindi pagiging birhen ng mga kalalakihan dahil nga ‘tumataas’

ang kanilang sex appeal. Sa mga babae naman, nakikita silang

malandi at maharot dahil sa kaisipan na mga pokpok ang mga

babaeng hindi birhen dahil hindi nila pinangalagaan ang

kanilang pagiging birhen.

7

Sa ikalawang semestre ko sa UP, kumuha ako ng kursong

SocSci 3 na may pamagat na Gender amd Sexuality. Kasabay ng

pagkuha ko ng kursong ito ay may nakilala ako sa isang chat

site na taga-UP din, kumukuha ng Economics at gaya ko ay isa

ring dormer; sa Yakal nga lang siya nakatira. Nagpalitan kami

ng numero at naging text mates. Ilang linggo kaming naging

ganoon hanggang sa napagdesisyunan naming magkita sa unang

pagkakataon. Nagkasundo kaming magkikita kami ng Biyernes na

iyon ng alas-siete ng gabi sa may Carillon Tower. Masaya ako

at kinakabahan kasi sa unang pagkakataon, makikita ko siya

pero natatakot na baka hindi niya ako magustuhan. Alas-sais y

media pa lang ay nasa Carillon Tower na ako, hinihintay siya.

Nagbabadya ang ulan ng hapon na iyon pero hindi ako nabahala.

Ilang minuto lang ay dumating din siya, nakangiti at

kumakaway. Nagkumustahan kami at nagkuwentuhan. Pagkatapos

noon ay napagdesisyunan naming maglakad-lakad kaya tumungo

kami sa lagoon at naglakad-lakad doon. Habang naglalakad ay

ninakawan niya ako ng halik sa sadyang ikinamula ko.

Magkahalong kilig at tuwa ang nararamdaman ko ng mga panahong

iyon. Patuloy kami sa paglalakad at pagkukuwentuhan hanggang

sa maisipan naming bumalik na sa mga dormitory namin. Ihinatid

niya ako at nangakong mauulit pa raw ang paglabas labas namin.

Sa isang talakayan namin sa SocSci 3, natalakay namin ang

tungkol sa pagkabirhen sa samu’t saring kultura at lipunan.

Ayon kay Prof. La Rainne Sarmiento ng Anthropology Department

ng UP, isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nanatili ang

8

konsepto ng pagkabirhen sa Pilipinas ay ang relihiyon. Ayon sa

kanya, ang relihiyon ang pangunahing dahilan kung bakit hindi

nabubura ang kaisipan ng mga Pilipino tungkol sa pagkabirhen

bilang ang pangunahing relihiyon sa Pilipinas na Katolisismo

ay nananampalataya sa isang birhen, si Maria, ang Ina ng

Diyos. Malaking impluwensiya raw ito kaya hindi mabura ang

kaisipang ito sa kultura natin. Isa pang patunay na malaki ang

impluwensiya ng relihiyon sa pag-iisip ng mga Pilipino

pagdating sa pagkabirhen ay ang mga nakatala sa Bibliya,

lalong lalo na sa Lumang Testamento. Makikita raw dito ang

isang patriarchal na tradisyon at pamumuhay kung saan lalaki

lang ang puwedeng mamuno at manguna sa mga gawain sa lipunang

iyon. Kaakibat nito, nagiging sunod-sunuran lang ang mga babae

sa kagustuhan ng mga lalaki, mapa-tatay, kapatid, anak o asawa

man nila. Dahil dito, mahigpit na sinusunod ang tradisyon

nilang kailangan birhen ang isang babae bago siya ikasal kundi

magiging kahihiyan siya sa kanyang pamilya. At kung susuriin

pang mabuti, makikita ang pagpanig ng Bibliya sa kalalakihan

sapagkat puwede silang magkaroon ng mga kabit, at puwede

nilang mabuntis ang mga ito; ngunit para sa mga babae,

napakalaking kasalanan na magkaroon siya ng kalaguyo. Maraming

kuwento rito ang nagiging dahilan kung bakit hindi maiwaglit

ng mga Pilipino ang pag-iisip tungkol sa pagkabirhen.

Isang gabi, muli akong inaya ng lalaking nakilala ko sa

Omegle na magkita ulit. Medyo kinakabahan ako sapagkat magcu-

curfew na noon sa Kalayaan. Buti na lang at kilala ko yung

9

nakaduty ng gabing iyon at nakatakas ako. Nang magkita kami sa

waiting shed sa tapat ng Molave at Yakal, nagulat at nagtaka

na lang ako dahil may dala siyang pansapin sa kama. Naglakad

na kami mula roon papuntang lagoon. Nang makarating kami doon

ay inilatag niya yung sapin at saka naman kami humiga.

Tumingin lang ako sa kalangitan na puno ng mga bituin. Bumalik

ako sa aking wisyo nang tanungin niya ako kung birhen pa ba

ako at ang tanging naisagot ko sa kanya ay ang katotohanan na

hindi ako isang birhen. Tinanong ko naman siya kung kailangan

ko bang maging birhen para magustuhan niya ako at sabi naman

niya na hindi naman daw iyon kailangan at saka ako hinalikan.

Sa mga panahong iyon, napaisip ako kung bakit kailangan

malaman ng mga tao kung birhen pa ba ang isang tao o hindi na

kasi kahit anong mangyari, wala namang mababago sa taong iyon,

birhen man ito o hindi na.

Siguro sa lahat ng akda na nabasa ko, ang Myths About Virginity

ni Melissa A. Fabello, isang sex educator sa Amerika ang

pinakanagbigay ng mgakonkretong punto kung bakit kailangan

nang itigil ang pag-iisip tungkol sa pagkabirhen sapagkat ayon

nga sa kanya, na pinapanigan ko rin, walang konsepto ng

pagkabirhen. Ito ay gawa lang isang lipunang pumapanig sa mga

kalalakihan upang limitahan ang mga kababaihan at pati na rin

ang mga miyembro ng LGBT community.

Isa sa mga puntong nasabi ni Fabello ay ang pagiging

komplikado ng mismong depinisyon para sa birhen o pagkabirhen.

10

Ayon sa kanya, ang tanging depinisyon na meron tungkol sa

pagkabirhen ay ang estado kung saan wala pang karanasan ang

isang tao sa pakikipagtalik. Unang-una, hindi ito medikal o

biological na kahulugan, ibig sabihin, ang salitang ginagamit

mismo ay may problema sapagkat walang pisikal na patunay para

rito. Pangalawa, wala ring iisang kahulugan ang salitang

pakikipagtalik. Ang pakikipagtalik ay maaaring oral, anal o

vaginal ngunit hindi nalilinaw kung anong moda ba ng

pakikipagtalik ang kailangan upang masabing hindi na birhen

ang isang tao. Kapag sinasabing pakikipagtalik, iba iba ang

mensaheng ipinaparating nito sa iba’t ibang tao. Puwedeng ang

naiisip lang ng isa ay penetrative sex habang ang isa naman ay

oral sex lang, ayos na. Maaari nga naman kasing mag-blow job

ang isang babae ngunit sabihin niyang birhen pa rin siya. Kung

hindi kayang bigyan ng isang maayos na ibig sabihin ang isang

salita, hindi ito puwedeng ioperationalize. Dahil dito,

kailangan munang mabigyan ng kalinawan ang ibig sabihin ng

pagkabirhen bago ito tuluyang magamit.

Pangalawa, sa medikal na perspektibo naman, ipinaliwanag

ni Fabello na hindi lahat ng babae ay may hymen pagkapanganak

sa kanila o hindi kaya ay nababasag ang hymen sa unang

pakikipagtalik. Ayon sa kanya, hindi magandang basehan ang

hymen upang tukuyin kung ang isang babae ay birhen pa o hindi

na. Kadalasan kasi, ito ang ginagamit ng mga lalaki upang

tukuyin kung sila ba ang ‘nakauna’ sa babae o hindi. Unang

una, hindi lahat ng babae ay may hymen pagkapanganak sa

11

kanila. Kailangang tandaan na ang hymen ay isa lamang

appendage ng katawan ng babae kaya posibleng may mga babaeng

wala nito. Sa mga librong medikal, ang hymen ay “a thin

membrane located at the opening of the vagina”. Kung gagamitin

nga ang hymen bilang batayan sa ganitong sitwasyon, magiging

mahirap, madaya at mapanghusga ito para sa mga babaeng

ipinanganak na walang hymen. Pangalawa, may mga pagkakataon

din namang hindi agad-agad natatanggal ang hymen sa unang

penetrative sex. Ito ay dahil na rin sa pangangapal ng hymen.

Dahil dito, magiging madaya rin ito sa mga babaeng nahusgahan

dahil nawalan ng hymen sa unang penetrative sex. Pangatlo, may

iba pang mga paraan para mawala ang hymen at hindi lang ito sa

pamamagitan ng penetrative sex kundi sa pamamagitan na rin ng

pangangabayo, regla at iba pa. Dahil din dito, puwede nating

masabi na puwede kang maging birhen kahit walang hymen.

Sa isang party na napuntahan ko, may nakilala akong isang

lalaking naghahanap ng fuck buddy o FUBU na taga-UP. Nang

makapag-usap kami, nalaman kong taga-Ateneo pala siya at third

year na rin sa kursong Biology. Masaya ang pag-uusap namin,

nakakatuwa siyang kasama. Dahil dito ay nakapagpalagayan kami

ng loob. Tinakasan ko ang mga kaibigan ko upang makasama siya.

Uminom lang kami ng uminom. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon

ay tinanong niya kung ayos lang ba na hindi na siya birhen.

Nagulat ako sa tanong niya ngunit napangiti rin naman. Sinagot

ko siya na hindi naman talaga ako naniniwala sa pagkabirhen

pero kung tatanungin ako, ayos lang sa akin kahit hindi na

12

birhen. Tumawa siya at nagpatuloy kami sa inuman at

kuwentuhan. Dumaan pa ang oras at inaya niya na akong umalis

sa party na pinaunlakan ko naman. Dinala niya ako sa kotse

niya at pagkasakay pa lang namin ay sinunggaban niya na ako ng

halik, mainit at mapusok. Alam ko na ng mga panahong iyon kung

saan patungo ang tagpong iyon. Nagmaneho na siya pabalik sa

condo niya sa Katipunan. Tahimik ang lugar nang makarating

kami, alas-dos na rin kasi ng madaling araw ng mga oras na

iyon. Nagmadali kaming pumunta sa unit niya. Dahil wala ngang

tao ay madali kaming nakasakay sa elevator at natungo ang

kanyang unit. Maayos ang kanyang silid para sa isang lalaki,

malinis ang pagkakapintura at modernong modern tingnan.

Halatang mayaman si loko. Bago kami nagtanggal ng saplot ay

may kinuha muna siya. Akala ko nung una ay sigarilyo, yun pala

weeds na. Tinuruan niya akong mag-weeds. Pagkatapos namin nun

ay naramdaman ko ang paggaan ng pakiramdam ko. Hindi na kami

nagpaligoy ligoy pa at sinunggaban namin ang isa’t isa. Natuwa

ako sapagkat hindi na ako nahihiya o nababahala pa pagkatapos

mamulat ng aking mga mata sa katotohanan na ang pagkabirhen ay

isang ilusyon lang. Magaling siya sa kama, halatang may

karanasan na. Masadong mainit ang mga tagpong iyon para

makalimutan ko ngunit naligayahan ako dahil sa karanasang

iyon. Muli ay napawi na naman ang aking libog sa katawan—

ngunit sa pagkakataong ito, wala na akong naramdamang hiya or

panghihinayang.

13

Ang pulitika sa likod ng pagkabirhen ay kagaya ng lahat ng

social constructs na mayroon ang mundong ito, dahil isa itong

social construct, ang tanging paraan lang upang maalis ito ay

ang pagdeconstruct dito at pagreconstruct ng bagong kaisipan.

Inilahad niya na tinatanggal ng pagkabirhen ang kalayaan ng

isang babaeng gawin ang nais niyang gawin sa kanyang katawan

sapagkat natatakot siya maaaring maging resulta ng kanyang mga

aksyon, kapag nagkataon. Ikinukulong daw ng pagkabirhen ang

mga kasariang hindi panlalaki sa isang kahon na kung saan

hindi mo puwedeng gawin ang ipinagbabawal nila kung ayaw mong

mag-iba ang tingin sa iyo ng mga tao. Naniniwala siya na upang

matanggal ang ganitong pag-iisip, kailangang makapagbigay ng

ipapalit na kaisipan sa kaisipan buburahin—isang kaisipang

malaya at mapagpalaya. Sa gayon, sa aking palagay, kailangang

burahin na ang konsepto ng pagkabirhen mula sa kultura natin,

at palitan ito ng isang kaisipang walang kinikilingan at patas

sa lahat.

Muli kaming nagkita ng lalaking taga-Economics. Nabalitaan

niya raw iyung mga ginawa ko sa party at na umuwi ako kasama

ang ibang lalaki. Kinompronta niya ako sinabi niyang hindi

niya kayang makipagrelasyon sa akin kasi masyado raw akong

makati. Sayang nga raw, kasi aayain niya raw sana akong

makipagtalik sa kanya ngunit hindi na siya sigurado kung handa

ba siyang ibigay ang kanyang unang karanasan sa isang taong

kung kani-kanino sumasama. Nang sinabi niya iyon ay nasaktan

ako sapagkat nahusgahan ako dahil na lamang sa hindi na ako

14

birhen at sa muli kong pakikipagtalik. Nainis ako sa kanya at

sa sarili ko. Sa kanya dahil ipinamukha niya sa aking birhen

pa siya at ako ay hindi na. Sa sarili kasi biglang nagising

yung hiya sa sarili na matagal ko nang kinalimutan. Ngunit

dahil din doon ay nasagot ko siya na hindi kailangan na birhen

ka para magmahal o mahalin. Pinanindigan ako ang paniniwala ko

na hindi dapat gamiting dahilan ang pagkabirhen upang

manghusga ng mga tao. Nasabi ko rin na huwag niya akong gawin

o ihalintulad isang pag-aari na hindi puwedeng angkinin ng

iba. Kung ano man ang kaya niyang gawin, dapat puwede ko ring

gawin.

Muli nga, gaya ng sinabi ni McKelle, ang konsepto ng

pagkabirhen ay nagpapalaganap ng slut-shaming. Sa kasong ito,

nakita ko ang sarili kong halimbawa nang magtalo kami nung

lalaking taga Economics. Dahil sa hindi na birhen ang isang

babae o bakla ay nagiging dahilan ito para tawaging malandi,

maharot o hindi kaya ay makati. Maraming masamang implikasyon

ang slut-shaming, lalo na sa mga kababaihan. Una, isa itong

sikolohikal na pananakit. Isang malaking usapin ang

sikolohikal na aspeto ng isang tao dahil sa oras na hindi nito

makayanan ang depresyon na dulot ng sikolohikal na pang-

aabuso, maaari itong maging sanhi ng mga mas malala pang mga

bagay gaya ng pananakit sa sarili o mas malala,

pagpapakamatay. Pangalawa, ikinakahon ng slut-shaming ang

kababaihan sa kung ano at hanggang saan lang ang puwede nilang

gawin. Dahil na rin sa takot na magiging biktima ng slut-

15

shaming, susunod na lang ang mga kababaihan sa kung ano ba ang

inaasahan sa kanila. Magiging mekanikal ang kanilang araw-araw

na pamumuhay dahil iniiwasan nila na makuha ang atensyon ng

ibang tao dahil sa paggawa ng mga maling bagay.

Isa pang konektadong punto ni McKelle ay ang pagkabirhen

ang sukatan ng kalinisan ng isang babae. Problemado ang

pananaw na ito ng mga tao sapagkat gaya ng mga una nang

nabanggit, nilalahat nito ang mga babaeng hindi sakop ng

depinisyon ng pagkabirhen—na hindi na sila malinis. Isang

halimbawa ng biktima ng panglalahat na ito ay ang mga rape

victims. Hindi na sila birhen kasi nga nagahasa sila pero

hindi naman nila ginusto ang nangyari. Pero mapapasama pa rin

sila sa panglalahat na ang mga hindi na birhen ay hindi na rin

malinis. Maaapektuhan din ang mga babaeng pinanganak na walang

hymen kasi kahit natural na na wala silang hymen, gagamitin pa

rin ito laban sa kanila sa paniniwala ng mga taong lahat ng

babae ay mayroong hymen pagkapanganak sa kanila. Hindi lang

din ito sa imahe ng babae nakakaapekto kundi pati na rin sa

mga bakla. Ang pagkabirhen bilang sukatan ng kalinisan sa mga

babae ay ang pagkabirhen katumbas ng respeto sa mga bakla.

Mayroong kaisipan kasi na mas karespe-respeto ang isang bakla

kung birhen siya; hindi malandi, hindi maharot. Pero sa

totoong buhay naman, wala namang relasyon ang pagiging birhen

sa pagiging karespe-respeto ng isang tao. Ang isa ngayon sa

mga epekto nito, mas maraming mga bakla ang umaastang lalaki

kahit nais nilang ilabas ang kanilang maingay na katauhan

16

dahil din sa takot na ito ang maging dahilan para hindi sila

respetuhin ng mga tao. Inililinya na rin nila ngayon na ang

pagiging maingay sa kung birhen ka pa o hindi na. Ito ay dahil

na rin siguro sa dahilan na maraming maiingay na bakla na

hindi na birhen, at dahil dito, nalalahat ang mga maiingay na

bakla na malandi kahit hindi naman ito ang kaso. Pinagmumukha

nilang birhen ang mga sarili nila kahit hindi na naman dahil

sa pagkokonekta nila ng pagkabirhen sa respeto. Dahil dito,

hindi dapat gamiting sukatan ang pagkabirhen o yung

pinanghahawakan nating kaisipan ng pagkabirhen upang tukuyin

kung malinis ang isang babae o kailangang respetuhin ang isang

bakla.

Kasabay din nito, muli’t muli ay namamarginalize ang mga

nasa LGBT community. Kung babalikan ang ibig sabihin ng

salitang pagkabirhen, ito ang estado kung saan wala pang

karasanasan ang isang tao sa pakikipagtalik. Sa depinisyong pa

lang na ito ng pagkabirhen, mayroon ng culture of

heteronormativity nang makikita. Heteronormativ siya sapagkat

wala namang iisang ibig sabihin ang salitang pakikipagtalik

ngunit palaging kinukuha na penetrative vaginal sex lang ang

qualifier para rito. Dahil dito, nawawaglit sa isipan ang iba

pang moda ng pakikipagtalik, tulad ng oral at anal sex. Gaya

ng unang halimbawa sa kaugnay na perspektibo, hindi matukoy

kung birhen pa ba o hindi na ang isang bakla o lesbian kung

oral sex lang naman ang ginagawa nila. Sa kontekstong ito,

nawawala ang diskurso sa pagkabirhen na umaayon sa mga

17

miyembro ng LGBT community kasi wala silang kakayanan na

magsagawa ng ‘penetrative vaginal sex’ sa mga partners nila.

Ito ngayon ay tumatawag sa mas malawak pang diskurso at pag-

intindi sa pagkabirhen, kung mayroon mang ganoon.

Nanatili ang komunikasyon namin nung lalaking nakilala ko

sa isang party. Dalawang beses pa naming inulit ang pagtatalik

naming ngunit hindi na ako pumayag sa mga pagkakataong iyon na

gumamit kami ng weeds bago magtalik. Kahit kasi nakakagaan ng

pakiramdam ang weeds, hindi mo naman maramdaman ng maayos yung

sarap ng pagtatalik. Naging FUBU niya ako ng dalawang buwan.

Habang nakaupo kami sa labas ng isang coffee shop sa

Katipunan, isang hapon, biglang naging seryoso ang aming

usapan. Ipinaalala niya sa akin ang sagot ko nang tanungin

niya kung ayos lang ba sa akin na hindi na siya birhen. Inamin

niya na bago niya ako makilala, puro oral sex lang daw ang

nasubukan niyang gawin at ako raw ang kanyang unang anal na

karanasan. Natawa na lang ako dahil sumeryoso ang kanyang

mukha dahil daw naguluhan siya nung mga oras na sinabi kong

hindi naman ako naniniwala sa konsepto ng pagkabirhen.

Ipinaliwanag ko naman sa kanya ang mga natutunan ko sa SocSci

3 at kung paano ako nahusgahan ng isang lalaki kasi hindi ako

birhen. Pumasok kami at nagkuwentuhan kami ulit habang

bumubuhos ang ulan sa labas. Nakakatuwa na may nakausap akong

bukas ang kaisipan sa mga ganoong bagay, lalo na’t galing siya

sa Ateneo na isang pribado at Katolikong paaralan. At nang mga

panahong ding iyon, napagkasunduan naming hindi na namin

18

iisipin pa ang pagkabirhen kasi isa nga lamang ito social

construct at maaaring wala naman talagang ganoong bagay.

Ngunit nabigla ako nang sabihin niyang itigil na namin ang

pagiging mag-FUBU namin. Nagulat ako kasi naisip ko na hindi

na ba siya natutuwa sa ginagawa naming, ngunit imbes na

sagutin niya ako, tinawanan niya lang at napatingin sa kanya

ang ibang mga tao sa coffee shop na iyon. Kinuha niya ang

kamay ko at para bang tumahimik ang paligid na parang kaming

dalawa lang ang nandoon sa mga panahong iyon. Nakatitig siya

sa akin at nakaramdam ako ng pagkailang kaya yumuko ako.

Itinaas niya naman ang ulo ko at muli ay nagkasalubong ang

titig namin. Umiyak na lang ako sa tuwa dahil kaya pala gusto

niyang itigil ang pagiging mag-FUBU namin kasi gusto niya

akong ligawan.

Ilang linggo rin niya akong niligawan hanggang sa sagutin

ko siya. Sa lahat ng mga naging nobyo ko, siya na yata yung

pinakamabait na pinakamasama, pinakamaaalahanin na

pinakabolero at kung anu-ano pang pinaka. Gustong gusto kong

yung personalidad niyang medyo suplado kasi alam ko na hindi

siya madaling magmahal pero heto ako at minamahal niya.

Nakuwento niya sa akin na mas lalo siyang ginanahan at

nagkainteres sa kurso niyang Biology dahil na rin sa mga

nasabi ko tungkol sa pagkabirhen. Habang na Anatomy class nga

raw siya ay tinanong niya ang kanyang propesor na isang doktor

sa tingin nito sa pagkabirhen. Natawa lang naman ang propesor

niya at sinabing huwag mong problemahin ang mga bagay na hindi

19

naman makakatulong sa pagiging doktor at tao mo. At dahil daw

doon ay tuluyan na kinalimutan na niya ang salitang

pagkabirhen.

Isang hapon, nang inaya ako ng kaibigan kong taga-UST,

nasira ang mood ko nang araw na iyon. Galit na galit ako na

kinita ang aking nobyo. Nang magkita kami, ipinakuwento niya

sa akin ang buong nangyari. Nainis lang naman ako sa klasmeyt

kong iyon nung hayskul dahil sa lakas niyang manghusga.

Nagkita kasi kami sa Gateway para magbonding daw. Siyempre,

hindi maiiwasang magkakuwentuhan sa tagal na naming hindi

nagkita at naikuwento ko sa kanya na mayroon akong nobyo.

Siyempre, naging mausisa siya hanggang sa matanong niya kung

nagtalik na daw ba kami. Wala naman akong ikinakahiya o

itinatago kaya sinabi ko yung totoo. Nag-iba ang timpla ng

mukha niya at tinanong kung nagbibiro raw ba ako kasi

nagbibiro lang daw siya nung tinanong niya iyon. Sinabi ko

namang seryoso ako at doon na nagsimulang masira ang araw ko.

Bigla siyang nagsalita na bakit daw ako naging ganoon, dapat

daw magsilbi akong modelo sa batch namin dahil ako ang

valedictorian pero hindi na kami hayskul para magsilbi pa

akong modelo para sa kanila. Sabi niya, nakakahiya raw ako

kasi nagcollege lang daw ako, naging maharot at malandi na ako

at ang pinakamasaklap daw, hindi na ako birhen. Pero ang

pinakanagpainit ng ulo ko ay ang paghahalintulad niya sa akin

sa mga bakla sa probinsya namin na walang ginawa kundi

maglandi at magharot. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako

20

ganoong klaseng tao. Kaya sinagot ko siya at sinabing itigil

na niya ang pagiging impokrita niya kasi balang araw darating

din siya sa puntong hindi na siya birhen. At muli,

pinanghawakan ko ang paniniwala ko—walang birhen o

pagkabirhen. Pagkatapos noon ay magkalit kaming naghiwalay.

Nang matapos ako sa paglalahad ay pumupuyos na ang nobyo ko sa

galit. Naiinis daw siya kasi ang lakas daw ng loob ng kaklase

kong iyon na husgahan ako samantalang hindi niya naman kilala

ang tunay na ako.

Mabilis na kumalat sa iba ko pang batch mates ang balita

na para bang isa itong napakaimportanteng usapin. Iba’t iba

ang reaksyon nila tungkol sa nalaman nila. May ilang

nakaintindi, may ilang hindi. Mayroon nakisimpatya sa pag-

aaway namin at mayroon ding tumuligsa sa akin. Ngunit wala na

akong pakialam sa kanila. Alam ko kung saan ako nanggagaling

at alam ko ang aking pinaniniwalaan. Magiging matatag ako sa

paniniwala kong iyon. Inisip ko na lang na kaya ganoon ang

reaksyon ng iba sa kanila ay dahil sa hindi sila nakapasa sa

UP at hanggang sa ngayon ay galit pa rin sila sa akin.

Makikita na ang mga pinakamalaking isyu na naidudulot ng

patuloy na paniniwala ng mga Pilipino sa pagkabirhen ay ang

panglalahat, pangmamata, panghuhusga at paglilimita.

Unang una, ang panglalahat; may nagagawang nosyon kasi ang

konspeto ng pagkabirhen sa isipan ng mga tao at ito ay ang

nosyon na ang isang babaeng birhen ay malinis at dalisay. Ang

21

babaeng hindi naman birhen ay kabaliktaran nito, madumi at

nakakahiya. Gaya nga ng sinasabi ng akda ni Fabello,

napatunayan na ng mga pag-aaral sa agham na hindi lahat ng

babae ay may hymen at hindi lang sa pakikipagtalik ito

puwedeng mawala. Ngunit dahil hindi lahat ng tao ay nabibigyan

ng impormasyon ukol dito, makitid pa rin ang pananaw ng mga

tao tungkol dito ipinapapalagay nila na basta walang hymen ang

isang babae ay hindi na siya birhen. Sa mga bakla naman, ang

pagiging maingay ay naihahambing sa pagiging malandi at hindi

na birhen kaya nalalahat ang mga maiingay na bakla na sila ay

hindi na mga birhen. Napakalaking problema ng panglalahat

dahil ito ang simula ng isang series ng pagtuligsa at walang

habas na panghuhusga. Dahil ito sa rason na masyadong malaki

ang nasasakop ng panlalahat at masyadong malaki ang epekto

nito sa kaisipan ng mga tao. Ang panglalahat kasi ay

nagsisilbing panimula para sa bandwagoning.

Ang ikalawang malaking isyu na harapin dahil sa patuloy na

pagtangkilik ng mga Pilipino sa pagkabirhen ay ang pangmamata

at panghuhusga. Pagkatapos ng panglalahat, ito ang susunod na

hakbang. Ang panglalahat ang tumutukoy sa mga taong dapat

tuligsahin at dahil mayroon ka ng tao, puwede ka nang mangmata

at manghusga dahil lamang sa isang pangkalahatang paglalarawan

na maaaring tama o mali. Malaki ang papel na ginagampanan ng

panghuhusga sa mga kilos ng mga tao. Ayaw ng mga tao na

minamata at hinuhusgahan sila kaya pinipilit ng lahat ng tao

na iwasan ito. Ngunit dahil sa panglalahat na ito, natutumbok

22

ang mga rason, tama man o mali para manghusga ng tao. May

epekto ang pangmamata at panghuhusga sa mga biktima nito.

Nagiging dahilan ito para mapressure o hindi kaya ay madepress

ang biktima. Napepressure siya o nadedepress kasi nga ayaw

niyang mamata o mahusgahan ngunit dahil nangyayari ito, dalawa

lang ang pagpipilian ng biktima, ang mapressure at baguhin ang

imaheng ito o madepress at tuluyang mahusgahan at matahin.

Kapag matagumpay na nabago ng biktima ang kanyang imahe, wala

na siyang problema ngunit kapag nagpatuloy ang imaheng ito,

mas lalo siyang madedepress. Kapag hindi na niya kaya ang

depresyon, maaaring maging dahilan ito para saktan niya ang

sarili niya o ang pinakamalala, magpakamatay. Hindi naman

lahat ng mga kaso ganoon, ngunit may mga kaso ng mga battered

wife kung saan kaya sila sinasaktan ng kanilang mga asawa ay

dahil sa hindi sila mga birhen ng pinakasalan sila ng mga

asawa o hindi kaya ay birhen naman ngunit nagkataon lang na

nawalan na ng hymen bago pa man ang unang pakikipagtalik.

Ang panghuling isyu na hinaharap ng konsepto ng

pagkabirhen ay ang isyu ng paglilimita. Ito na marahil ang

pinakatuktok ng bundok ng mga masasamang epekto ng patuloy

nating paniniwala sa konsepto ng pagkabirhen. Dahil mayroon

tayong nosyon na dapat birhen ang isang babae bago ikasal,

nililimitahan natin silang gawin ang kahit anong nais nilang

gawin sa katawan nila. Ganito rin ang kaso ng mga bakla. Dahil

sa nakakonekta na sa respeto ang pagiging birhen ng isang

bakla, nalilimitihan siyang gawin ang mga nais niyang gawin at

23

iparating ang kanyang mga nais sabihin. Napakalaking pandaraya

ito sa kaso ng mga babae at mga bakla sapagkat hindi naman

nalilimitahan ang mga lalaki sa parehong paraan na

nalilimitahan sila dahil sa konsepto ng pahkabirhen. Higit pa

nga na nakakaganda sa imahe ng mga lalaki ang hindi na nila

pagiging birhen. Ika nga ng mga lalaki, “the more the sexier.”

Isa lang itong patunay na ang konsepto ng pagkabirhen ay gawa

ng isang patriarchal na lipunan upang mabigyan ng higit na

pribilehiyo ang mga kalalakihan at pagkaitan ang mga babae at

mga bakla. Napagkakaitan sila—napagkakaitan ng kalayaang

magdesisyon para sa sariling katawan at aksyon.

Ngunit ang huling perspektibong nais kong ibahagi ay ang

perspektibo ko bilang isang indibidwal na nag-aaral sa isang

mapagpalayang kapaligiran. Kung wala naman palang medikal o

biological na kahulugan ang pagkabirhen, at kung hindi naman

pala lahat ng babae ay may hymen o napapanatili ang kanilang

hymen hanggang pagtanda kahit hindi makipagtalik, ano pa kaya

ang halaga ng paglalahad ko tungkol sa mga karanasan at mga

akdang nabanggit ko? Simple lang, naniniwala ako na wala naman

talagang taong birhen para magsimula. Para sa akin, ito ay

isang katha lamang na ginawa ng mga kalalakihan upang

mapatunayan nila na ang pagiging lalaki ang pinakamalakas na

kasarian. Naniniwala ako na kung hindi tayo pinamunuan ng mga

lalaki sa ating kasaysayan, at hindi nawala ang kahalagahan ng

mga babaylan, pantay ang magiging trato natin sa mga kasarian.

Walang magiging dahilan upang limitahan ng mga kalalakihan ang

24

mga babae at ngayon pati ang mga bakla dahil nga naman,

pantay-pantay lang ang magiging antas natin sa lipunan. Walang

taong pinanganak na birhen kaya dapat hindi na tanungin kung

ang isang tao ay birhen. Dahil dito, mas lalo lang na

naikakahon ang mga taong apektado ng kaisipang ito. At para

hindi na sila maikahon pa, kailangang sunugin ang kahon na

ito.

Naging masaya ang pagsasama naming dalawa ng nobyo ko.

Marami kaming pagsubok na pinagdaanan ngunit magkasama naming

hinarap ang mga iyon. Hindi na namin binalikan ang mga usapan

namin tungkol sa pagkabirhen dahil pareho na naming

nakalimutan ang mga iyon. Sa kasalukuyan ay pareho kaming

maraming pinagkakaabalahan. Sa sobrang busy namin pareho,

madalang na kaming magkita. Pero kahit ganoon, naniniwala

akong matatag ang aming relasyon. Naniniwala ako na mahal pa

rin namin ang isa’t isa kahit hindi na kami masyadong

nagkikita. Naniniwala ako, gaya ng paniniwala ko na mayroong

mga birheng walang hymen.