Unang Markahan – Modyul 1: Ang Impluwensiya ng Pamilya

12
BAITANG Edukasyon sa Pagpapakatao 8 Unang Markahan Modyul 1: Ang Impluwensiya ng Pamilya Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto: Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutan ng aral o may positibong impluwensiya sa sarili 8

Transcript of Unang Markahan – Modyul 1: Ang Impluwensiya ng Pamilya

BAITANG

Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Unang Markahan – Modyul 1:

Ang Impluwensiya ng Pamilya

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Natutukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na

kapupulutan ng aral o may positibong impluwensiya sa sarili

8

Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Unang Markahan - – Modyul 1: Ang Impluwensiya ng Pamilya

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng

karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan

muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito

ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay

ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,

tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay

nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang

makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at

mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay

kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang

paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Schools Division Office San Juan City

OIC- Schools Division Superintendent: Cecille G. Carandang, CESO VI

OIC- Assistant Schools Division Superintendent: Flordelisa D. Pereyra

Development Team of the Module

Manunulat: Mary Edna U. Cunanan Deborah Joy Ratio-Salazar

Editors:

Tagasuri: Dr.Emma A. Sendiong Rosemarie C. Cuaresma

Tagaguhit:

Tagalapat:

Tagapamahala: Name of SDS – Cecille G. Carandang, CESO VI Name of ASDS – Flordelisa D. Pereyra Name of CID Chief – Dr.Helen G. Padilla Name of Division EPS In Charge of Learning Area – Dr.Emma A. Sendiong Name of Division EPS In Charge of LRMS – Dr.Jonas Feliciano C. Domingo

Inilimbag sa bansang Pilipinas ________________________ Department of Education – Schools Division Office San Juan City Office Address: Pinaglabanan St., San Juan City, Philippines 1500

Telefax: (632) 8451-2699; (632) 8251-2383

E-mail Address: [email protected]

1

Inaasahan

Inaasahang matukoy ang mga gawain o karanasan sa sariling pamilya na kapupulutann ng aral o may positibong impluwensiya

Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo na:

• Makapagbigay ng mga katibayan o mga patunay ng mga gawain o

karanasan mula sa iyong sariling pamilya na kinapulutan mo ng aral at

mayroong positibong impluwensiya sa iyong sarili.

• Mahigpit na nakapagmasid ng mga gawain o karanasan mula sa iyong

sariling pamilya na kinapulutan mo ng aral at mayroong positibong

impluwensiya sa iyong sarili.

• Makapag-uugnay-ugnay ng mga gawain o karanasan mula sa iyong

sariling pamilya na kinapulutan mo ng aral at mayroong positibong

impluwensiya sa iyong sarili.

Simulan natin ang iyong paglalakbay sa pagkatuto ng “Ang Impluwensiya ng Pamilya” Sigurado akong handa at nasasabik kang sagutan ang Panimulang Pagtataya. Ngumiti ka at magsaya!

2

Unang Pagsubok

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng

pinakaangkop na sagot sa pangungusap.

1. Ang ating lipunan ay binubuo ng iba’t-ibang institusyon o sektor. Alin sa mga

sumusunod na institusyon ang itinuturing na pangunahin at pinakamaliit yunit

ng ating lipunan?

a. pamilya

b. paaralan

c. palaruan

d. pamahalaan

2. Alin sa mga sumusunod ang una at pangunahing pamantayan sa paghubog

ng isang maayos na pamilya?

a. Pagkakaroon ng mga anak

b. Patakarang pinaiiral sa pamilya

c. Pinagsama ng kasal ang magulang

d. Pagtatanggol ng pamilya sa kanilang mga karapatan

3. Sa pagbuo ng isang pamilya ng dalawang indibidwal, piliin ang pinakatamang

dahilan sa kanilang pag-iisang dibdib.

a. Pagmamahalan ng bawat isa

b. Pagpilit sa isa na magpakasal

c. Pagbayad ng utang na loob sa mga magulang

d. Pagtanaw ng kagandahang loob sa taong tumulong sa iyo

4. Sa bawat pamilya, natural ang pagmamahalan na nararamdaman para sa

isa’t isa. Ngunit nasusubok ito kapag nagkakamali ang bawat isa. Sa

pagkakataong ganito, kailangan na ang bawat miyembro ay

a. Matutong kalimutan na lang ang pagkakamali ng bawat isa

b. Magpasalamat sa bawat pagkatuto sa pagkakamaling nagawa

c. Manatiling matatag ang miyembro ng pamilya paglingap sa bawat isa

d. Marunong humingi ng paumanhin o dispensa at magbigay ng patawad

5. Ang pamilya Salazar ay nagbabasa ng salita ng Diyos at nananalangin

pagkagising sa umaga at bago matulog sa gabi. Ano ang ipinakikita nito na

dapat mong tularan?

a. Sila ay nagkakaisa at buo sa kanilang pananaw sa paglapit sa Diyos

b. Nakapagpapakitang tao lamang sila ngunit marami pa ring silang

problema

c. Sila ay sama-sama sa paghahanda sa anumang hamon ng buhay sa

darating na panahon

d. Nagkakaisa sa paraan na mapalapit ang bawat isa sa Diyos sa

pamamagitan ng daily devotion

3

Balik-Tanaw

Ito ang aking Pamilya

Panuto: Gumuhit ng isang bahay na ayon sa iyong nais, sa loob nito ay iguhit

ang iyong pamilya. Sa ibaba naman ay sumulat ng sanaysay na may 20

pangungusap na naglalarawan ng iyong pamilya o kinagisnang pamilya.

Puntos: 30 Pagguhit: a) bahay 5 puntos b) pamilya 5 puntos (3 larawan ng tao pataas) Sanaysay: 10 pangungusap = 10 puntos Paalala:

1. Tiyakin na mailarawan mo sa mga pangungusap ang lahat ng kasapi ng iyong pamilya at ang iyong sarili

2. Sikaping umabot sa 10 na pangungusap ang iyong sanaysay. Kung ilan ang pangungusap ay iyon ang puntos.

3. Gawin ito sa isang buong papel.

________________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4

Maikling Pagpapakilala ng Aralin

Magandang araw sa iyo at masayang pagdating sa Baitang 8! Maraming magaganda tayong pag-uusapan at pag-aaralan dito tungkol sa pamilya. Handa ka na ba? Inaasahan kong maraming kang mapupulot na magagandang bagay dito. Halika, simulan na natin!

Ang bawat isang tao na ipinanganganak ay napabibilang sa isang pamilya. Paano nga ba nagsimula ang isang natural na pamilya? Makikita at mababasa natin ito sa banal na kasulatan. Ito ang kwento nina Adan at Eva na siyang unang mga nilikhang tao ng Diyos sa mundo. Kaya’t sa ika-anim na araw ay nilikha ng Diyos ang tao, una munang nilikha ay si Adan. Nang makita Niyang hindi maganda na mag-isa siya, ay pinatulog si Adan ng Diyos at kumuha Siya ng isang tadyang sa kanya at mula rito ay nilikha naman Niya si Eva. Ayon sa salita Niya, ang Panginoong Diyos ang siyang nagkasal sa kanila at sinabi Niyang “Kaya’t iiwan ng lalaki ang kaniyang ama at ina, at makikipisan sa kanyang asawa: at sila’y magiging isang laman.” (Genesis 2:24). Ganito nagsimula ang natural at orihinal na pamilyang nilikha ng Panginoong Diyos sa pamamagitan ni Adan at Eva.

Kaya mula noon, ang lalaki at babaeng nagkasundong magsama ay dapat

ikasal tulad ng simula pa lang at ito ang nais ng Panginoong Diyos para sa bawat

mag-asawa. Mula sa pagsasama ng mag-asawa ay magkakaroon sila ng mga supling

at mabubuo ang tinatawag nating pamilya na siyang pinakamaliit yunit ng ating

lipunan.

Sa mag-asawa, mahalaga din na maplano nila ng maayos ang pagpapamilya

upang sa gayon ay mabalanse ang mga bagay bagay sa buhay pamilya. Dahil dito,

ang mga anak ay kailangan ng pantay na pagtingin at pagmamahal mula sa kanilang

mga magulang. Sa magulang rin nakakukuha ng mga katangian at kaugalian ang mga

anak. Madalas, ginagaya ng mga anak (maaring hindi ito sadya) ang anumang ugali

na ipinakikita ng mga magulang sa tahanan. Silang mga anak ay nakakukuha ng mga

impluwensiya mula sa kanila, positibo man o negatibong ito. Minsan, hindi naman

batid ng anak kung ang kanyang aksyon ay tama o mabuti kung hindi tuturuan o

pagsasabihan ng magulang ang mga anak na may maling ginawa. Sa loob ng

tahanan, maiiwasan ang anumang alitan at inggitan kung maayos na

napapamahalaan ng mga magulang ang kanilang mga anak. Ang mga anak ay laging

nakatingin sa mga magulang dahil, una, sila ang laging kasama, ikalawa, malaki ang

impluwensiya ng magulang para sa paghubog sa kanilang pagkatao.

5

Gawain 1

Pamagat ng Gawain: Pagkilala sa mga Katangian ng Aking Ama at Ina

Layunin: Ang gawain na ito ay makatutulong upang makilalang lubos ang mga katangian ng

mga magulang na magkaroon ng positibong impluwensiya sa patuloy na paghubog ng iyong

pagkatao

Kagamitan: Papel, ballpen, old maganize, lumang diyaryo, gunting at pandikit

Pamamaraan

1. Mag laan ng 10-15 minuto kasama si Tatay at Nanay upang gawin ang maikling panayam sa kanila. 2. Maaaring magtanong sa kanila upang masagot ang mga sumusunod na salita sa gitna ng kahon sa ibaba. 3. Sa dulong kaliwa at kanang bilog ay dikitan ng ginupit na larawan ng babae at lalaki (whole body) mula sa magazine o lumang diyaryo. Alisin ang ulo nito at dikitan ng larawan ng ulo ng iyong ama at ina. 4. Gawin magaan at masaya ang pakikipanayam na parang bumabalik sila sa panahon noong sila ay high school na tulad mo ngayon. 5. Puntos. 30. 5 sa larawan ng tatay, 5 sa larawan ng nanay, tig 10 (9+1) puntos sa sagot naman nila

Ang Aking mga Magulang

Ang aking Tatay

Mga Personal, Hilig at Katangian

Ang aking Nanay

Tatay _______________1

_______2 _______________3

_______________4

_______5 _______________6 _______________7

_______8

_______________9

1. Pangalan 2. Edad

(ng magpakasal o magsama) 3. Lugar kung saan

lumaki 4. 2 pagkilala o

gamtimpalang natanggap (noong high school o sa kolehiyo man)

5. Mga paligsahang sinalihan

6. Paboritong laro (noong high school)

7. Paboritong guro (noong high school)

8. Paboritong asignatura (noong high school)

9. Paboritong tambayan

Nanay 1._______________ 2._______ 3._______________ 4._______________ 5._______ 6._______________ 7._______________ 8._______ 9._______________

Gawain

Lagyan

ng

larawan

Lagyan

ng

larawan

6

Mga Tanong sa Kritikal na Pag-iisip

1. Paano mo hiniling sa iyong tatay at nanay ang maikling panahon ng panayam o

pakikipagkwentuhan na ito? Ilarawan sa 3 pangungusap.

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

___________________________

2. Habang inaalala nila ang kanilang nakaraan, may mga pangyayari bang natatawa o

natutuwa silang alalahanin ang mga ito? Ikwento sa 3 pangungusap.

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Sa pag-alaala sa mga lumipas na panahon, may mga naidagdag ba silang magaganda

pangyayari noon na biglang na lang nilang naalala? Sabihin sa 3 pangungusap.

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

___________________________

Tandaan

Sa ating pagkilala sa pamilya lalo na ating mga magulang bilang taga pag-impluwensiya sa buhay ng isang mag-aaral na tulad mo, narito ang mga karagdagang kaalaman na dapat mong tandaan.

• Ang Diyos ang nag pasimula at bumuo ng unang pamilya, kaya’t ang bawat

pamilyang nabubuo ay minamahal at kinakalinga Niya.

• Ang mga magulang ang ibinigay ng Diyos sa atin upang magbigay sila ng

mabubuting ehemplo at impluwensiya sa ating buhay

• Ang mga anak o bata na lumalaki at nagma mature ay nakakukuha ng

impluwensiya sa kanilang mundong ginagalawan

• Ang mga batang tulad ninyo ay kailangang matulungan ng mga nakatatanda

tulad ng lolo, lola, tita at tito na mahubog ang inyong pagkatao

• Ang paaralan ay katuwang din ng mga magulang sa paghubog ng magagandang asal ng mga batang Pilipino

7

Pag-alam sa mga Natutuhan

Tanong sa Kritikal na Pag-iisip

1. Balikan natin ang mga hilig ng tatay at nanay mo, alin sa mga ito ang masaabing nakikita mo na hilig mo na ring gawin? Ibigay ang halimbawa sa 3 pangungusap.

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Sa mga pag-uugali, anu-ano ang mga hinangaan mo sa iyong ama at ina na nais mong tularan at hangaan din ng iba sa iyo. Ilarawan mo sa 5 pangungusap.

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Sa iyong mga hilig tulad ng paglalaro ng basbetball, volleyball, pagguhit, pagsusulat, pagsasayaw at marami pang iba. Isa-isahin ang iyong hilig at alin sa mga ito ang nais mong pagtuunan ng pansin upang maging bihasa ka at sa gayon ay maipagmalaki ka ng iyong mga magulang. Magbigay ng 3 at sabihin ang pinaka nais mo at ipaliwanag kung bakit ito.

______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Pagpapahalaga sa kapwa

4. Magbigay ng 2 kabutihang asal na babauin mo sa iyong paglaki na nakita mo sa iyongbmga magulang

_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

8

Pangwakas na Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng

pinakatamang sagot sa pangungusap.

1. Ang impluwensiya ay isang lakas na nagtutulak sa tao na gawin ang isang bagay. Ang mga sumusunod na sitwasyon ay mga impluwensiyang, piliin ang hindi. a. Sina Nina, Nery at Nimfa ay magkakakambal, kung ano ang ayos ng

buhok at bihis ng isa ay iyon din ang sa dalawa, b. Ang nanay ni Linda ay mahilig magluto ng masasarap ng ulam, kaya

noong siya ay nag high school, cookery ang napili niya sa TLE. c. Si Jerry ay bagong lipat sa Baitang 8 mula sa probinsiya ng Palawan,

walang may gustong makipagkaibigan sa kanya kaya tahimik lamang siya. d. Si Al at si Bert ay magkamag-aral simula pa sa Baitang 5, kaya kahit nasa

Baitang 8 na, sila ay magkasama pa rin sa mga paligsahan sa loob at labas ng paaralan.

2. Ang pamilya ang nagiging sandigan ng mga anak sa pag harap ng mga ito sa problema bilang mag-aaral, kalakip ng pagdamay nila ay ang pagiging a. Marahas ng mga mag-aaral sa pagharap sa mga pagsubok b. Matiisin ng anak na maiwasan na maibahagi sa magulang ang kanyang

karanasan c. Matapat sa lahat ng bagay tungkol sa mga pangyayari sa kanya sa loob at

labas ng paaralan d. Masayang maikwento sa kanila ang mga pangyayari sa paaralan

3. Ang isang mag-aaral, kapag tumuntong na sa mataas na paaralan o pag siya

ay nag-high school na, nagbabago ang kanyang pananaw dahil sa a. Impluwensiya ng kaibigan b. Impluwensiya ng kapit-bahay c. Impluwensiya ng kamag-aral d. Impluwensiya ng kamag-anak

4. Mas marami ang oras na nagugugol ng mga mag-aaral kasama ng pamilya

sa tahanan, kaysa sa paaralan ngunit mas malaki pa rin ang impluwensiya ng mga kamag-aral kaysa sa pamilya. Bakit kaya? Piliin ang angkop na paliwanag. a. Dahil mas masayang tumambay sa paaralan kaysa sa tahanan b. Dahil malayo si tatay at nanay para sila ay masaway at di agad

makapagsusumbong si titser. c. Dahil ang hatak ng mga ka edad ay mas malakas kaysa sa mga mas

nakatatanda d. Dahil kulang ang panahon ng magulang sa anak kaya mas malakas ang

impluwensiya ng mga nasa paalaran

9

5. May mga impluwensiya na di naiwasan na mayroong malaking naging puwang sa pagkatao mo bilang lumalaking kabataan. Sa tulad mo, sinu-sino kaya ang mga ito? a. Kamag-anak, kamag-aral, kalaro at kapit-bahay b. Mga guro, kamag-aral, kaibigan, kabarda, at katropa c. Mga janitor, hardenero, librarian at guidance counselor d. Lolo at lola, mga magulang, mga tiyahin at tiyuhin at mga pinsan

Kard ng Susing Sagot

Pangwakas na

Pagsusulit

1.C 2.C 3.D 4.D 5.B

Unang Pagsubok

1.A 2.C 3.A 4.D 5.D

10

Sanggunian

Aklat:

Biblia: Genesis

Regina Mignon C Bognot, et al……….(2013) Edukasyon sa Pagpapakatao 8, Modyul Para sa Bata, Vibal Publishing House Inc.

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education Schools Division Office – San Juan City Pinaglabanan St., San Juan City, Philippines 1500 Telefax: (632) 8451-2699; (632) 8251-2383 Email Address: [email protected]