Pagsusuri ng Pagbabagong Morpoponemiko sa Impleksyon ng Filipino: Ang Kaso ng Paglalapi ng mga...

21
1 Pagsusuri ng Pagbabagong Morpoponemiko sa Impleksyon ng Filipino: Ang Kaso ng Paglalapi ng mga Alomorf ng Unlaping Mang- Susing termino: alomorf, impleksyon, morpoponemiko, delisyon, modes-aspect ABSTRAK Layon ng papel na ito na siyasatin ang morpoponemikong pagbabago sa mga rut o ugat na dulot ng pagkakabit ng unlaping mang-, isa sa pinakaimportanteng afiks na makadiwa sa wikang Filipino/Tagalog na may layong magpakita ng pokus o tuon sa paglalapi. Nangyayari ang mga morpoponemikong pagbabago dulot ng linggwistikong proseso ng asimilasyon. Dito, ang impluwensya ng mga kasangkot na tunog sa paglalapi (i.e. inisyal na tunog ng pinagkakabitang rut, pinal na tunog ng kinakabit na afiks), ay sumasailalim sa asimilasyon at alomorfi kaya‟t ang nabuong salita sa pagkakabitan ay kakikitaan ng mga bagong elementong tunog. Sinuri rin ng awtor ang paliwanag tungkol sa kairalang ito ng mga pangunahing sulating panggramar na nalimbag at ginamit sa pagtututo ng wika, at sa huli‟y bumuo ng mga batayang prinsipyo sa pagbabagong morpoponemiko ng mga salitang nabubuo dahil sa afiksasyon ng mang-. Bagamat gumamit ng mga prinsipyo at temang linggwistiko sa isang fenomenong pangwika, mas lapit ay sa pagsusuri ng teksto at ibinangga ang mga proposisyong inilalatag sa hinahanap na konsistensi na karakter ng kahit anong kairalang pangwika, partikular sa erya ng gramar. Sa huli, nagbigay ng ilang hagap tungkol sa parehong proseso ng asimilasyon, kung saan sangkot ang mga bagong ponemang tanggap sa wikang Filipino, na sa pang-araw-araw na kumbersasyon ay hindi maiiwasang sumailalim din sa paglalapi.

Transcript of Pagsusuri ng Pagbabagong Morpoponemiko sa Impleksyon ng Filipino: Ang Kaso ng Paglalapi ng mga...

1

Pagsusuri ng Pagbabagong Morpoponemiko sa Impleksyon ng Filipino: Ang Kaso ng

Paglalapi ng mga Alomorf ng Unlaping Mang-

Susing termino: alomorf, impleksyon, morpoponemiko, delisyon, modes-aspect

ABSTRAK

Layon ng papel na ito na siyasatin ang morpoponemikong pagbabago sa mga rut o ugat na

dulot ng pagkakabit ng unlaping mang-, isa sa pinakaimportanteng afiks na makadiwa sa

wikang Filipino/Tagalog na may layong magpakita ng pokus o tuon sa paglalapi. Nangyayari

ang mga morpoponemikong pagbabago dulot ng linggwistikong proseso ng asimilasyon. Dito,

ang impluwensya ng mga kasangkot na tunog sa paglalapi (i.e. inisyal na tunog ng

pinagkakabitang rut, pinal na tunog ng kinakabit na afiks), ay sumasailalim sa asimilasyon at

alomorfi kaya‟t ang nabuong salita sa pagkakabitan ay kakikitaan ng mga bagong elementong

tunog. Sinuri rin ng awtor ang paliwanag tungkol sa kairalang ito ng mga pangunahing

sulating panggramar na nalimbag at ginamit sa pagtututo ng wika, at sa huli‟y bumuo ng mga

batayang prinsipyo sa pagbabagong morpoponemiko ng mga salitang nabubuo dahil sa

afiksasyon ng mang-. Bagamat gumamit ng mga prinsipyo at temang linggwistiko sa isang

fenomenong pangwika, mas lapit ay sa pagsusuri ng teksto at ibinangga ang mga proposisyong

inilalatag sa hinahanap na konsistensi na karakter ng kahit anong kairalang pangwika,

partikular sa erya ng gramar. Sa huli, nagbigay ng ilang hagap tungkol sa parehong proseso ng

asimilasyon, kung saan sangkot ang mga bagong ponemang tanggap sa wikang Filipino, na sa

pang-araw-araw na kumbersasyon ay hindi maiiwasang sumailalim din sa paglalapi.

2

Pagsusuri ng Pagbabagong Morpoponemiko sa Impleksyon ng Filipino: Ang Kaso ng

Paglalapi ng mga Alomorf ng Unlaping Mang-

Introduksyon

Mahalaga ang papel ng impleksyon sa mga wika ng Pilipinas, kabilang na ang Tagalog

at Filipino. Gumagamit ito ng hindi matatawarang kombinasyon ng mga panlapi o afiks (i.e.

unlapi, gitlapi, hulapi, kabilaan, at laguhan) maging ang pag-uulit-ulit ng mga panlaping ito sa

mga salita (Roxas & Mula, 2008). Ang ganitong katangian ng istrukturang morpolohiko ng

ating mga wika ay kapansin-pansin lalo sa mga nabuong diksiyunaryo para rito. Halimbawa, sa

pagsasangguni sa diksiyunaryo para maunawaan ang kahulugan ng isang salitang may

impleksyon sa Filipino o Tagalog, kailangan munang matukoy ang salitang ugat na siyang

pangunahing entri sa listahan.

Ang pagbabago sa mga salitang ugat dahil sa impleksyon ay nangangahulugan ng

pagbabago sa kawawaan ng salitang dinagdagan ng impleksyonal na morpema. Ito ang dahilan

kaya dapat masusing kilalanin ang mga morpema na kinakabit sa salitang ugat o rut. Ang isang

taal na mananalita ng wika ay batid ang mga morpemang ito dahil alam niya ang sistema at

panuntunan sa pagkakabuo ng mga salitang ito.

Iniimpormahan ng proseso ng pagbabagong morpolohikal ang ponolohikal na kayarian

ng mga morpemang kasangkot. Hindi lang simpleng pinagsasama-sama ang mga morpema at

kung ano ang lalabas ay siya na ngang paraan ng pagbigkas dito. Sa pangyayaring alomorfi,

nagkakaroon ng baryasyon ang mga morpemang panlapi dahil binabagayan ng mga ito ang

3

tunog ng salitang pinagkakabitan. Halimbawa, sa wikang Ingles, bagamat binabaybay ang

hulapi para sa pluralisasyon bilang –s, nagaganap ang baryasyon kung saan maaari itong

bigkasin bilang [s] (voysles alvyolar frikativ) o [z] (voysd alvyolar frikativ) depende sa huling

tunog ng pinagkakabitang rut, gaya ng [lɪps] lips, „mga labi‟ o [bægz] bags, „mga bag‟. Gayundin

naman, varyant din ng pluralayser sa Ingles ang kawalan ng ikinakabit na morpema (zero

safiks) sa salitang gaya ng sheep, „tupa‟ na nananatiling sheep, „mga tupa‟ pa rin, o ang -en na

ikinabit sa ox para maging oxen. Ang mas teknikal na termino para sa varyant ng pluralayser na

Ingles na –s ([s] at [z]), zero safiks, at -en ay alomorf.

Sa Filipino, umiiral ang mga panlaping makadiwa na may layong ituro ang tagaganap o

aktor na siyang simuno ng pangungusap. Ang layong ito ang nagpapakita ng pokus o tuon ng

mga naturang panlapi. Halimbawa ng mga panlaping nasa aktor-pokus ay ang -um-, mag-, ma-,

mang-, maka-, makapag-, maki-, at magpa-. Sa mga nabanggit, mahalaga ang papel ng mga

unlaping mag- at mang-, maging ang gitlaping -um- sa pagkilala sa mga pangungusap na nasa

ganitong tuon sapagkat pinakaginagamit ang mga ito sa kumbersasyon at anyong pasulat.

Sa mga nabanggit, ang mga panlaping mag- at mang- ay marahil magkamag-anak. Ang

dalawang ito ay ehemplo ng payak na tahasang pandiwa sapagkat ginaganap ng simuno ang

isinasaad ng nabuong salitang pandiwa. Kung aalamin ang

Dalawang magkabukod na uri ng panlaping makadiwa ang ma- at mang- bagamat

magkamag-anak ang mga ito. Ang mang- ay batayang porma (underlying form) ng mga varyant

o alomorf na mam- at man- at ang pag-iral ng dalawang varyant ay dahil sa alomorfi. Buhat ito

sa pagbabago ng tunog na isang morpoponemikong proseso. Dagdag pa, malimit na nawawala

4

ang unang letra sa pinagkakabitang rut kung ito ay nagsisimula sa isang katinig. Dahil sa

ganitong pangyayari, nagkakamali ang mag-aaral ng wika at naiisip niyang ma- ang panlaping

ikinabit imbes na mang-. Halimbawa, ang salitang mamili at manood ay iniisip na nagtataglay ng

parehong panlaping ma- pero ang totoo‟y man- (na alomorf ng mang-) ang panlaping ikinabit sa

unang salitang mamili.

Ang Kairalan ng Mang-

Isa ang mang- sa pinakaimportante at pinakapangkaraniwang ginagamit na panlaping

makadiwa sa wikang Filipino. Ayon sa mga linggwista gaya nina Llamzon et. al. (1974), ito ay

baryedad ng mag-, kung saan para magpahayag na ang isang gawain ay paulit-ulit, dinagdag sa

mag- ang –pang- at sa amalgamasyon ay nabuo ang morpemang kombinasyon na mang-. Ang

mga morpemang kombinasyon ay umiiral sa maraming wika sa mundo, gaya ng sa Pranses

kung saan ang salitang au /ɔ/ (au pere „sa ama‟) ay resulta ng kombinasyon ng mga morpemang

a at le. Ang mang-, kasama ang mga kauring panlaping makadiwa ay nasuri bilang modes-aspect

o voice-modes, functors, sangkap ng pinayamang pandiwa o bahagi ng case features (Bloomfield,

1917; Blake 1925; Wolfenden, 1961; Llamzon, 1968; Otanes, 1966; Ramos, 1974; sinayt ni Ceña,

n.d.), samakatwid ay mga panlaping pamamaraan.

Nagaganap ang asimilasyon sa mga resultang kabitan ng unlaping mang- at rut upang

ang mga tunog na pumapagitna sa dalawang morpema ay maging magkatulad o magkalapit.

Ang prinsipyo ay maaari itong maganap sa sa loob ng salita o sa pagitan ng mga salita dahil sa

mga pisyolohikal at sikolohikal na kadahilanan. Ang paraan ng asimilasyong bunga ng

pagkakabitan ng morpemang mang- at rut ay isang komon o pangkaraniwang tipo ng

5

asimilasyon na matatagpuan sa kahit anong natural na wika. Dito, inaasimila ang neysal na

tunog /ŋ/ ng kagyat nitong kasunod na tunog at upang magkatulad ang mga ito sa punto ng

artikulasyon (o homorganiko). Halimbawa sa Ingles (tingnan ang Talahanayan 1 sa ibaba):

1. [mp] in Paris

2. [ɱf] in France

3. [n ð] in the Hague

4. [nz] in Zimbabwe

5. [ɳɻ] in Rhode

Island

6. [ɲʧ] in Chile

7. [ŋg] in Granada

Talahanayan 1. Halimbawa ng asimilasyon sa wikang Ingles (Myers & Crowhurst, 2006)

Naipapakita sa Talahanayan 1 kung paanong ang paligid ng tunog ay nakaapekto sa

neysal na [n]. Pinalilitaw sa papel na ito halos ganito ang rin nangyayaring asimilasyon sa

Filipino kapag ikinakabit ang panlaping mang-. Pero ditto, iikot ang talakayan natin sa mga

kasangkot na mga ponema sa Filipino gaya ng [m, p, b] (mga bayleybyal o panlabing tunog), [t,

n, s, ɾ, d, l] (mga alveolar o panggilagid na tunog), [j] (paleytal na tunog), [ŋ, k, g] (mga velar na

tunog), at [Ɂ, h] (mga glotal na tunog). Isang bahagi rin ng pag-aaral na ito ay isang inisyal na

suri sa paglalapi ng mga hiram na salitang nagtataglay ng mga bagong tanggap na tunog sa

Filipino.

6

Ang unang kairalan ay isang pagpapaliwanag ng parsyal na asimilasyon. Umiiral din

ang ganap na asimilasyon na minamanipesta ng delisyon o pagtatanggal ng tunog sa

morpemang kasangkot sa proseso. Kung pagbabatayan ang sinkronikong pagsusuri ng kairalan

ng asimilasyon sa naturang panlapi, makakayang ililista ang mga iregularidad sa mga pormang

resulta ng ponolohikal na pagbabago. Halimbawa may nangyaring delisyon sa mamili

[mamilih] (mula sa bili [bilih]) pero wala sa mambola [mambolah] (mula sa bola [bolah]).

Mga Kontemporaryong Pag-aaral at Presentasyon ng Gramar

Sa pag-aaral na ito, minabuti kong ikonsidera ang mga pangunahing gramatikang

isinulat para sa Filipino o Tagalog na gumamit ng magkakaibang lapit, nang sa gayon ay

mapalitaw ang ebolusyon ng mga resulta ng riserts. Ang sinulat ni Santos (1939) ay ang

pinakaunang pag-aaral na seryosong tumalakay sa balangkas ng wikang pambansa noong

dekada ‟30 kaya‟t nararapat lamang na isama sa pagsusuri bilang kinatawan ng tradisyonal na

lapit linggwistiko. Ang mga kasunod naman ay kakikitaan ng mga dulog na istruktural,

pedagohikal, fangsyonal, sitwasyonal, at transpormasyonal (Chomskyan), kung minsan ay

pinagsama-sama pa ang mga ito.

Lope K. Santos (1939). Mula pa noong isinagawa ang pinakaunang mga modernong pag-aaral

sa wikang Filipino, simula pa sa tradisyonal na lapit ni Santos (1939), ang paglalapi ng mga

salitang ugat (kabilang na ang mang- at mga alomorf nito) ay binigyan na ng ekstensibong

pokus. Ayon nga kay Santos, likas ang tungkulin ng mga panlapi sa wikang pambansa, dahil

gaya ng mga salita kung saan ikinakama ang mga ito, mayroon silang sariling “likas na

katuturan o diwa sa sarili.” Dahil sa pagiging mayaman ng Filipino sa pagpapantig, hinati pa

7

ang mga panlaping ito ayon sa iba‟t ibang kabuluhan sa salitang nilalapian, ayon sa kalagayan,

ayon sa katuturan, at ayon sa tungkulin.

Ayon kay Santos, ang mang- ay halos kasingkahulugan ng mag-, at halos nagkakapalitan

ang dalawa sa gamit at katuturan. Sa loob ng talakayan ng panlaping mang- ay nakapaloob din

pagtalakay sa mam- at man-. Sa mga panahong ito‟y hindi pa aveylabol sa kanya ang

modernong linggwistikong pagsusuri ng morpolohiya tumitingin sa alomorfi. Prinesenta niya

ang mam- at man- bilang kapantay ng mang-; hindi bilang mga varyant nito. Tingnan ang ilang

mga halimbawa sa ibaba na nagpapakita ng iba‟t ibang porma ng salita sa banghay na mang-,

mam-, at man- sa anyong pawatas at pautos:

MANG Mang-away Mangahoy Manggamot Manghagis Mangaso

MAM Mambasa Mamigay Mampawi Mamitas

MAN Mandagok Manlupig Manukat Manuligsa Manragasa

Talanayan 2. (Santos, 1939)

Sa talakayan, nailahad ang iba‟t ibang sitwasyon kung kailan ginagamit ang bawat

panlapi. Makikita sa talahanayan sa itaas na ang mga salitang ugat na sinisimulan ng titik na

patinig (e.g. away; aso), katinig na [k] (kahoy), [g] (gamot), at [h] (hagis), ay nilalapian ng mang-.

Ang mam- naman ay inilalangkap sa mga rut na nagsisimula sa [b] (basa; bigay) at [p] (pawi;

pitas). Para sa mga rut na nagsisimula sa [d] (dagok), [l] (lupig), [s] (sukat), [t] (tuligsa), at [ɾ]

(ragasa), man- ang unlaping ginagamit.

8

Tingnan natin ang Talahanayan 2. Sa unlaping mang-, otomatikong nawawala ang unang

tunog sa mga salitang-ugat na nagsisimula sa [k] (e.g. mang + kahoy => mangahoy; mang + kuha

=> manguha). Ang paglalapi naman sa mga salitang ugat na nagsisimula sa titik na patinig ay

maaaring magresulta sa pagsingit ng gitling o hayfen sa pagitan ng dalawang elementong

pinagkakabit (e.g. mang-away) bilang pagpapakita na ang unang titik sa rut ay hindi nagiging

patinig ng huling ponema sa unlapi na ng [ŋ], maliban sa ilang kaso gaya ng mangaso at

mangilag. Samantalang sa mam-, may mga pagkakataong nananatili o nawawala ang [p] at [b]

(e.g. mam + basa => mambasa, pero mam + bigay => mamigay; mam + pawi => mampawi, pero mam

+ pitas => mamitas). Sa man- naman, nawawala ang unang titik kapag nilalapian ang mga

salitang ugat na sinisimulan ng [s] at [t] (e.g. man + sukat => manukat; man + tuligsa =>

manuligsa).

Alfonso O. Santiago & Norma G. Tiangco (1977); Lydia Gonzales-Garcia (1992). Sa fangsyonal-

istruktural na sulating panggramar nina Santiago & Tiangco (1977) at Gonzales-Garcia (1992),

ipinaliwanag ang mga pagbabagong morpoponemiko gaya ng asimilasyon bilang “anumang

pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpema dahil sa impluwensya ng kaligiran nito.”

Binanggit ang salik ng pagtitipid o ekonomiya sa pagkakaganap ng proseso. Sinasaad pang

nagiging lalo ang pagtitipid kung may nangyayari muling asimilasyon sa pamamagitan ng

pagbabawas ng tunog.

Kina Santiago at Tiangco, sinasabing may mga salitang katanggap-tanggap ang

parehong parsyal at ganap na asimilasyon, bagamat hindi sapat ang mga halimbawa rito. May

ilang mga salita rin kung saan kahit mas tama ang ganap na asimilasyon, tanging ang pormang

nasa parsyal na asimilasyon ang nakasanayan ng tao (e.g. mas sanay ang tao sa pambansa at

9

panluto, kesa *pamansa at *panuto). Kakatwa lamang ang pagbanggit sa ikalawang halimbawa

(panluto) dahil walang ibang pag-aaral na nagpapanukalang posible ang delisyon ng [l].

Kay Gonzales-Garcia, ipinapahayag na ang ganap na asimilasyon ay bahagi ng isang

buong serye. Ibig sabihin, kailangan munang magkaroon ng parsyal na asimilasyon sa mga

salita bago ang ganap na asimilasyon. Sisikapin kong ipakita sa sariling suri kung paano ito

naging totoo. Pero kapansin-pansin na hindi niya ito naipaliwanag nang buo. Pinagpalagay

niya na tanging mga salitang ugat lamang na nilapian ng mga alomorf na man-/pan- at mam-

/pam- ang pwedeng sumailalim sa ganap na asimilasyon (e.g. manahi [mang + tahi = mangtahi

=> mantahi => manahi]; pamato [pang + bato => pangbato => pambato => pamato]). Paano naman

ang delisyon sa mga salitang mangahoy, etc.?

Si Gonzales-Garcia rin ay naglista ng mga titik kung saan aplikable ang delisyon, gaya

ng [d, l, r, s, t, b, p] kahit hindi lahat ng mga ito ay maaari talagang sangkutan ng delisyon.

Dagdag pang ang tunog na [k] ay wala sa listahan ([k]).

Teresita V. Ramos & Resty M. Ceña (1990); Ernesto H. Cubar & Nelly I. Cubar (1994). Layon ng

dalawang sulatin ang maging pedagohikal na sanggunian ng mga mag-aaral ng wika. Sa

katunayan, isinulat nina Ramos at Ceña ang Modern Tagalog: Grammatical Explanations and

Exercises for Non-native Speakers para sa mga banyagang nasa abanteng lebel na ng pagkatuto ng

Filipino. Sa seksyon para sa mga aspekto at pokus ng pandiwa ng dalawang sulatin, tinalakay

nang isa-isa ang bawat panlaping makadiwa kabilang na ang mga pandiwang nagtataglay ng

unlaping mang-. Simple lamang ang pagtalakay. Sinasabing ang mga inisyal na tunog ng

10

salitang ugat ay maaaring matanggal sa ilalim ng ilang kondisyon. Ang mga tunog na ito ay

kinabibilangan ng [p, t, k, b, d].

Paul Schachter & Fe T. Otanes (1972). Komputasyonal ang presentasyon nina Schachter at

Otanes ng mga pandiwa at ang pagpapalawig ng mga ito, karakteristiko malamang ng

heneratibo at transpormasyonal na dulog ng mananaliksik. Ang mga aralin sa naturang sabjek

ay tinatratong kaganapang morpopolohiko dahil sa pagtatali ng dalawang proseso. Ibig

sabihin, hindi nakakahon ang pagsusuri sa kahiwalayan ng mga pangyayaring pangwika na

matatagpuan sa iba‟t ibang lebel ng pag-aaral ng wika.

Base sa hinaing komputasyon ng pagbabagong morpoponemiko sa pag-iimplek ng

mang-, ang delisyon sa unang tunog ng nilalapiang rut ay palagiang nagaganap sa mga salitang

nagsisimula sa [p, m, t, s, n, k, ŋ], habang sa ilang mga kaso‟y nagaganap sa [b] at [Ɂ].

Minumungkahi ng komputasyon na sa mga nabubuong salita na mayroong ganap na

asimilasyong delisyon, ang mang- ay napapalitan ng ma- at ang unang katinig naman ng rut na

nilalapian ay napapalitan ng alinman sa [m, n, ŋ] sang-ayon sa ponemang kasangkot kapag

nagaganap ang parsyal na asimilasyon sa mga ugat na nag-aatas sa asimilasyong ito.

Teodoro A. Llamzon, Fe Laura del Rosario & Marinela Sanchez (1974). Para kay Llamzon, ang

mang- (gaya ng ma-, mangag-, manga-, mangag-, atbp.) ay anyo (o alomorf, bagamat hindi niya

maliwanag na ginamit ang termino) ng batayang panlaping mag- na nag-iindika ng pokus sa

aktor ng pangungusap. Umiiral ang mga naturang mga unlapi sang-ayon sa gamit. Halimbawa,

ang mang- ay isang morpemang kumbinasyon o amalgam ng mag- at -pang-, nangangahulugang

paulit-ulit na kilos. Ibig sabihin, ang mga pangungusap na “Naghanap siya ng katulong” at

11

“Nanghanap siya ng katulong” ay parehong katanggap-tanggap dahil sa mariing pagbabago ng

kahulugan nang piliin ng alinman sa anumang nabuong salita.

Kung ang mang- ay alomorf ng batayang pormang mag-, ano naman ang tawag sa mam-

at man- na nabubuo dahil sa pakikibagay ng mang- sa inisyal na tunog ng pinagkakabitang rut?

Ayon kina Llamzon, ang mga naturang panlapi ay kairalan ng di-ganap na asimilasyon,

Samantala, ang ganap na asimilasyon ay isinasagawa kapag ang tunog na pahumal/neysal sa

dulo ng mang-/mam-/man- ay itinutulad sa sumusunod na tunog, at ang tunog na kasunod ay

nawawala. Bagamat transpormasyonal ang naging paraan ng pagtalakay ng presentasyon ng

gramar, ang mga pagtalakay ng morpoponemikong pagbabago ay hindi binigyan ng

kongkretong halimbawa upang ipaliwanag kung kailan dapat maganap ang asimilasyong ito.

Sariling Suri ng mga Pundamental na Prinsipyo

Sa mga gramatikang prinesenta, kapansin-pansin ang pagkakaiba-iba ng suri sa

pangyayari ng ganap na asimilasyon. Ang mahihinuha ay kailangang mawala ang mga inisyal

na tunog ng salitang ugat kapag ito ay voysles (maliban sa voysles na glotal gaya ng [Ɂ, h]),

pero nananatili kapag voysd. Ayon pa kanila, sa ilang pagkakataon ay hindi nasusunod ang

prinsipyong ito, partikular sa mga tunog na [p, b, Ɂ], bagamat pare-pareho ang enumerasyon ng

mga may-akda sa mga ponemang ito. Dagdag pa, ilan sa akda ay hindi naglahad ng akyureyt

na batayang prinsipyo sa delisyon na siya sanang susundan ng paliwanag sa mga nangyayaring

ekslusyon kung minsan. Isang halimbawa ng kulang na suri ay kina Santiago & Tiangco,

tungkol sa kaso ng pambansa (may voysd ang [b]). Bagamat maaari daw tanggapin ang *pamansa

ay hindi ito ang kinasanayan ng mananalita. Kulang ang suring ito dahil hindi talaga maaaring

12

maging katanggap-tanggap *pamansa, kung ang nabuo kong batayang prinsipyo ang

pagbabatayan.

Sa mga akda, pinakakompleto na ang suri nina Schachter at Otanes (1972). Kay Santos

(1939) naman, hindi pa man aveylabol sa kanya ang linggwistikong impormasyon tungkol sa

pagkavoysd ng tunog ay nagawa niyang ilahad ang kairalan ng delisyon.

Sa isang ponetikong tsart (Talahanayan 3) ay hayaan ninyo akong ipakita ang relasyon at

alaynment ng mga tunog na ginagamit sa wikang Filipino (tingnan ang talahanayan sa ilalim).

Ang leybel sa mga kolum ay tumutukoy sa punto ng artikulasyon (e.g. bayleybyal, etc.) habang

ang leybel sa row ay paraan o moda ng artikulasyon (e.g. plosiv, etc.).

Bayleybyal Leybyo-

dental

Alvyolar Paleytal Velar Glotal

Plosiv o istap [p] [b] [t] [d] [k] [g] [Ɂ]

Neysal [m] [n] [ŋ]

Tap o flap [ɾ]

Frikativ [s] [h]

Aproksimant

o semivawel

[ʋ] [j]

Lateral

aproksimant

[l]

Talahanayan 3. Ponetikong tsart ng mga umiiral na tunog sa Filipino.

13

Nagkakasundo ang mga prinesentang gramatika sa mga batayang kahingian upang

maisakatuparan ang parsyal na asimilasyon—ang kataliwasan ng punto ng artikulasyon ng

unang katinig ng salitang ugat na nilalapian sa pagkavelar ng [ŋ]. Nababago ang batayang

panlapi at nagiging mam- (bayleybyal) o man- (alvyolar) dahil inaakomodeyt ng mga tunog na

kapwa bayleybyal at alvyolar.1 Nagkakaroon naman ng pananatili ang mang- sa mga

sumusunod na sitwasyon:

kapag ang kinakabitan ay nagsisimula sa kauring velar (e.g. manggatong [maŋgatoŋ])2

kapag ang kinakabitan ay nagsisimula sa glotal (e.g. mang-akit, [maŋɁakit]),

leybyodental (mangwala, [maŋʋalaɁ]) at paleytal (mangyari, [maŋjaɾi])

kapag ang kinakabitan ay nagsisimula sa bayleybyal na [m] at [n] (e.g. mangmando

[maŋmando], mangnasa [maŋnasa])3

Sa tsart, ang mga ponemang nasa kaliwa ng bawat kolum ay mga voysles na tunog,

habang voysd naman ang nasa kanan. Sa pamamagitan ng biswal na larawang nagpapakita ng

distribusyon ng mga ponema, makikilala natin kung aling tunog ang sumusunod sa batayang

prinsipyo ng parehong parsyal at ganap na asimilasyon. Mahihinuha nating ang delisyon ng

mga tunog na voysles ay dahil sa kataliwasan sa dalawang magkasuod na tunog. Ang pagiging

voysd ng mga pinal na tunog ng panlapi [ŋ, n, m] ay humihila sa katabing voysles. Sa prosesong

ito, hindi agad na delisyon ang nangyayari kundi isa pang parsyal na asimilasyon. Halimbawa,

1 Wala itong pinagkaiba sa katulad na asimilasyon sa partikulang ang kapag sinusundan ng alinmang salitang nagsisimula sa bayleybyal o alvyolar (hal. “Ang baho naman,” [am bahoɁ naman]; “Ang daming damit,” [an damiŋ damit]). Pero sa kaso ng asimilasyong sabjek ng talakayang ito, masasabing tunay ang pagkabatid ng mananalita ng wika dahil nagawa nilang bigyang-kinatawan ang pagbabago ng tunog sa lebel ng ortograpiya. 2 Kung gayon, sa mga rut na nagsisimula sa velar na [ŋ] ay nananatili rin ang mang-. Sa paglalapi ng salitang ngalay, ang nabuong pormang mangalay ay bunga ng ganap na asimilasyon ng huling tunog ng panlapi sa unang tunog ng pinagkabitang rut (mang + ngalay => mangngalay => mangalay). 3 Pansinin na hindi ikinabit ang mam- at man- sa inisyal na tunog ng rut na tulad ng pinal na tunog ng mga nabanggit na panlaping.

14

sa mang + tahi => mangtahi => mantahi, ang voysles na [t] ay napalitan ng [n] upang

mapanatiling voysd ang magkasudlong na mga tunog, samakatwid *mannahi. Para mapasimple

ang pagbigkas nito ay saka pa lamang tuluyang nawawala ang isa pang [n].

Tutal ay nabanggit na rin natin, umiiral ang eksklusyon sa ilang salitang dapat mayroon

o walang delisyon pero kabaligtaran ang nangyayari (e.g. [b] mamaril, *mambaril, [p] mampawi,

*mamawi, [). Samantala, ang glotal istap [Ɂ] ay isang voyles na tunog subalit malaganap na hindi

ito natatanggal sa paglalapi (e.g. mang-akyat [maŋɁakjat], mang-agaw [maŋɁagaw]), maliban sa

ilang kaso (e.g. mangaso [maŋaso], *mang-aso [maŋɁaso]; manganak [maŋanak], *mang-anak

[maŋɁanak]). Maaari rin namang tinatanggap na tama ang parehong porma, gaya ng [b]

mambato, mamato at [p] mamukaw, mampukaw. Maaaring imapa ang distribusyong heograpikal

ng paggamit ng bawat varyant na ito.

Paglalapi ng mga Bagong Lahok na Salita sa Filipino

Isang malaking hamon sa pagpapanatili ng mga prinsipyo sa paglalapi ang kairalan ng

pagdaragdag ng mga bagong tunog sa wikang Filipino, na primaryang dulot ng paghihiram ng

mga bagong salita. Sa mga bansang gaya ng Pilipinas kung saan nililinang pa rin ang

pambansang wika, napayayaman ang korpus sa pamamagitan ng pagtanggap sa mga bagong

termino upang maging katawagan sa mga bagong ideya, bagay, at teknikal na pamamaraan. Sa

prosesong ito ng paglinang at pagpapayaman, nangyayari rin ang natural na pag-ebolba ng

wika at pagbabago sa gawing komunikatibo ng mga mananalita ng wika dala na rin ng

impluwensya halimbawa ng midya na isa sa mga lunduyan ng kulturang popular.

15

Sa loob ng mahabang panahon ng pananakop, hindi na lingid sa mga Pilipino ang mga

grapemang c, ch, f, j, ll, ñ, q, rr, v, x, at z4 ng mga wikang Espanyol at Ingles. Dahil sa katangian

ng wikang Filipino na maging eksakto sa representasyon ng mga tunog sa pagbabaybay, ang

mga naturang tunog ay ginamit lamang sa mga pangngalang pantangi sapagkat ilan sa kanila

ay kumakatawan sa higit pa sa isang ponema. Kapag humihiram ng mga salitang banyagang

nagtataglay ng mga nasabing titik, kailangang hanapan ang mga ito ng katumbas na titik na

kumakatawan sa mga natural na tunog ng Tagalog. (Madalas, hindi eksakto ang

pagtutumbasang nangyayari.) Kaya‟t ang j ay naging h (holen) o dy (dyaryo) habang ang ch ay

pinalitan ng ts (tsaleko). Pero sa ngayon, dala ng mas liberal na saloobin ng mga linggwista at

ibang aral sa wika, hindi na masagwang makita ang mga bagong grapema upang irepresenta

ang mga bagong tunog na inasimila ng Filipino. Halimbawa, sa Sistemang Unibersidad ng

Pilipinas (UP) ay tinatanggap na direktang salin ng chancellor ang chanselor. Sa normal na

kumbersasyon naman ay laganap na ang mga ispeling gaya ng champorado, japayuki, at zigzag.

Ang kaganapang ito ay isang hamon tungo sa pagpapalawak ng saklaw ng prinsipyo ng

paglalapi ng mang-. Kailangang ikonsidera ang gawi ng mga mananalita, at tingnan kung

paanong ang paraan ng artikulasyon ng mga bagong tunog ay nakaaapekto sa proseso ng

paglalapi. Kinilala na nina Paz, et al (2003) ang kakayahan ng mga tao na bumuo ng mga

bagong salita sa pamamagitan ng pagbabago ng porma ng hiram na salita. Isang epektibong

paraan nito ang istratehiyang analoji. Nakikita natin ito sa salitang chansing [ʧansiŋ],

„manghipo ng parte ng katawan ng iba,‟ na nanggaling sa mga morpemang Ingles na chance at

4 Tandaan na tanging ang mga letrang c, f, j, ñ, q, v, at z ang ganap na tinanggap na bahagi ng alpabetong Filipino. Bagamat may nirerepresentang tunog sa Espanyol ang mga daygraf na ch, ll, at rr, tinuturing ang mga itong simpleng kombinasyon lamang ng dalawang letra kaya‟t hindi isinama sa ating bagong alpabeto. Tandaan ding ang nirerepresentang tunog ng mga daygraf na ll at rr ay hindi malawakang naasimila ng ating wika.

16

–ing. Nagagamit din ang analoji kapag nilalangkapan ang nasabing salita ng panlaping mang-,

kaya‟t maririnig ang pangungusap na “Sinumbong niya ang katabi niyang nanyanyansing.” Ang

velar-neysal [ŋ] sa nang- ay napalitan ng paleytal-neysal ny [ɲ] dahil umangkop sa sinusundang

kapwa paleytal na [ʧ] (voysles-paleyto-alvyolar-afrikeyt). Sa ikalawang parsyal na asimilasyon

ay napalitan ng isa pang [ɲ] ang [ʧ] (i.e. *nanynyanyansing) hanggang sa tuluyan nang naglaho

sa ganap na asimilasyon (i.e. nanynyanyansing [naɲɲaɲansiŋ] => nanyanyansing [naɲɲaɲansiŋ]).

Narito ang isang ponetikong tsart ng mga bagong tunog sa Filipino kasama ang mga

neysal na voysd na [ŋ, n, m, ɲ]. Mula rito ay maaari nating mahinuha kung ano ang posibleng

maging pagbigkas ng mananalita kapag inilangkap sa mga salitang ugat na nagsisimula sa

tunog na ito ang panlaping mang-.

Bayleybya

l

Labyodent

al

Alvyolar Paleyto-

Alvyolar

Paleytal Velar

Neysal [m] [ɱ] [n] [ɲ] [ŋ]

Frikativ [f] [v] [z] [ʃ]

Afrikeyt [ʧ] [ʤ]

Talahanayan 4. Mga bagong tunog sa Filipino at mga voysd neysal na katinig.

Makakatulong ang analohiya ng unang ponetikong tsart sa Talahanayan 3 upang makita

ang magiging resulta ng paglalapi sa mga salitang ugat na nagtataglay ng inisyal na tunog na

bago sa Filipino. Ang halimbawang ibinigay natin, ang chansing, ay may inisyal na tunog na [ʧ].

Kung pagbabasehan ang Talahanayan 4, wala itong katapat na neysal. Ang transpormasyon ng

nang- bilang nany- [naɲ] sa nabuong salitang nanyanyansing ay dulot ng paghila ng paleytal na

17

katangian ng paleyto-alvyolar [ʧ] sa pinal na tunog [ŋ] ng panlapi upang maging [ɲ]. Batay rin

sa tsart ay parehong paraan ng parsyal na asimilasyon ang mangyayari sa ibang paleyto-

alvyolar na [ʃ] (e.g. mansha-shampoo, mabibigkas na [maɲʃaʃampu]) at [ʤ] (e.g. manjojowk

[maɲʤoʤoʋk]). Mam- naman ang gagamitin sa mga salitang gaya ng may inisyal na [f] (e.g.

mamfu-footspa, mabibigkas na [maɱfufutspah]) at [v] (e.g. mamvividyo, [maɱviviʤo]).

Tungkol naman sa ganap na asimilasyon ng mga tunog na ito, kung pagbabatayan ang

tsart ay masasabing maaari itong maging aplikable sa mga voysles na [f, ʃ, ʧ]. Ipinakita natin

ang halimbawang manyanyansing galing sa chansing na halaw kina Paz et al. Kailangan pa ng

masusing pag-aaral ng korpus upang sapat na madokumento at mailarawan ang penomenon

na ito.

Kongklusyon

Sa mga akdang sinuri, kapansin-pansin ang limitasyon ng mga naging paliwanag ng

kung ano ang mga prinsipyong namamahala sa pagkakabuo ng ganitong mga salita, kabilang

na ang paghihilahan ng magkakatabing ponema upang magkaroon ang mga ito ng parehong

paraan ng artikulasyon at malaong may implikasyon sa buong salita. Ito marahil ay dahil sa

obhetibo ng mga nasabing libro na maging praktikal na salalayan para sa kompetensiyang

pangwika, hindi upang maglahad ng mga teoretikal at rasyonalistang paliwanag ng isang

sinkronikong penomenon.

Magkagayunman, mahihinuha natin ang katangian ng kalakhan sa mga librong

tiningnan na mauugat natin sa di-kasapatan ng apresyasyon gayundin ang pangangalap ng

18

mga datos tungkol sa alomorfi. Una na rito ay ang paglilista ng mga ponemang sumasangkot sa

parsyal at ganap na asimilasyon. Ang natural na mga prinsipyong may kaugnayan sa

morpoponemikong pagbabago ay naisasantabi sa ilang mga sulatin habang mas nakaangkla

ang paliwanag sa fangsyonal at sosyolinggwistikong salik gaya ng pagkakasundo ng mga

myembro ng komunidad ng mananalita. Sinasabing ang iba‟t ibang mga porma ng salitang

nilapian ng mang- ay dulot ng pagkakasanay ng mga tao sa mga salitang iyon, imbes sa naging

papel ng punto at paraan ng artikulasyon, at ng voysing, bagamat nangingibabaw ang pag-

aaral na may lapit transpormasyonal nina Schachter & Otanes (1972) at Llamzon et al (1974).

Pangalawa, hindi rin naipaliwanag nang buo ang mga eksklusyon sa pagkakaroon ng alomorfi,

gaya ng nangyayari sa mga salitang ugat na nagsisimula sa glotal [Ɂ, h] at aproksimant [ʋ, j].

Pwedeng sabihin na walang neysal na katinig na nasa puntong glotal kaya‟t imposible ang

alomorfi sa [Ɂ, h]. Samantala, nananatili namang mang- ang panlaping kinakabit sa mga ugat na

may inisyal na leybyo-dental aproksimant [ʋ] at paleytal aproksimant [j], kahit na merong

neysal na nasa parehong punto ng artikulasyon.

Iminumungkahi ko ang mas malalim pang pagdalumat tungkol sa sabjek, kung saan

sasaklawin na ang alomorfi sa iba‟t ibang paglalapi sa Filipino, habang titingnan din ang

implikasyon nito sa mga bagong tunog na inasimila na ng wika. Nakakatuwang sa proseso ng

pag-aaral na ito, may mga bagong natutuklasan na nakakapukaw ng interes, partikular iyong

nag-eeksplika sa asimilasyon hindi bilang pangyayaring hungkag sa abstraktong teorya. Sa

isang wikang nililinang, pinopopularisa, at ginagawang payak, ang mga diskursong

linggwistiko gaya ng pagtalakay sa isang phenomenon gaya ng simpleng pagbabagong

morpoponemiko sa Filipino ay mahalaga upang mapalawig ang huntahang makaiskolar at

malutas ang ilan sa mga problema tungkol sa ortograpiya, ispeling, at pagpaplano ng korpus.#

19

Mga Batis

Blake, Frank R. (1925). A Grammar of the Tagalog Language. New Haven: American Oriental

Society, sinayt kay Ceña (n.d.).

Bloomfield, Leonard (1917). “Tagalog Texts with Grammatical Analysis.” Studies in Language

and Literature. III.2-4. Urbana: University of Illinois, sinayt kay Ceña, op. cit.

Ceña, Resty (n.d.). “Tungo sa Pag-unawa ng Panlapian ng Pandiwa.” MS.

Cubar, Nelly I. & Ernesto H. Cubar (1994). Writing Filipino Grammar: Traditions and Trends.

Lungsod Quezon: New Day.

Gonzales-Garcia, L. (1992). Makabagong Gramar ng Filipino. Maynila: REX Book Store.

Llamzon, Teodoro (1968). Modern Tagalog: A Functional-Structural Description with Particular

Attention to the Problem of Verification. Ph.D. Disseration. Unibersidad Georgetown, sinayt

kay Ceña, op. cit.

Llamzon, Teodoro A., Fe Laura del Rosario & Marinela Sanchez (1974). Makabagong Balarila ng

Wikang Tagalog. Lungsod Quezon: Ateneo de Manila University Press.

Lieber, Rochelle (2010). Introducing Morphology. Cambridge: Cambridge University Press.

Myers, Scott & Megan Crowhurst (2006). “Phonology: Case Studies.” Kinuha sa websayt ng

Unibersidad ng Texas sa Austin noong 20 Marso 2014:

http://www.laits.utexas.edu/phonology/catalan/cat_clusters2.html.

Otanes, Fe T. (1966). A Contrastive Analysis of English and Tagalog Verb Complementation. Ph.D.

Dissertation, Unibersidad ng California sa Los Angeles, sinayt kay Ceña, op. cit.

Paz, Consuelo J., Viveca V. Hernandez & Irma U. Peneyra (2003). Ang Pag-aaral ng Wika.

Lungsod Quezon: University of the Philippines Press.

20

Ramos, Teresita V. & Resty M. Ceña (1990). Modern Tagalog: Grammatical Explanations and

Exercises for Non-native Speakers. Honolulu: University of Hawaii Press.

Roxas, Robert & Gersam T. Mula (2008). A Morphological Analyzer for Filipino Verbs. Papel na

prinesenta sa 22nd Pacific Asia Conference on Language, Information and Computation,

Lungsod Cebu. Nobyembre 20-22, 2008.

Santos, Lope K. (1939). Balarilà ng Wikang Pambansa. Maynila: Surian ng Wikang Pambansa.

Santiago, Alfonso O. & Norma G. Tiangco (1977). Makabagong Balarilang Filipino. Maynila: REX

Book Store.

Schachter, Paul & Fe T. Otanes (1972). Tagalog Reference Grammar. Berkeley & Los Angeles:

University of California Press.

Wolfenden, Elmer. 1961. A Re-statement of Tagalog Grammar. Manila: Summer Institute of

Linguistics and Institute of National Language, sinayt kay Ceña, op. cit.

Tungkol sa May-akda

Francis Bautista

Ang awtor ay mag-aaral ng MA Araling Pilipino sa UP Diliman, nagtapos ng Batsilyer sa

Pananaliksik Pangkomunikasyon, cum laude, sa PUP. Nakapaglimbag na siya ng artikulo sa

Philippine Daily Inquirer, Taliba, at Schoolguide magazine. Nagwaging runner-up ang pag-aaral

niyang College Students’ Perception of Media Credibility about Election-Related News during

the 2010 Presidential Elections (Cruz & Bautista, 2010) sa 2nd National Research Grand Prix ng

Asian Congress for Media and Communication.

Email: [email protected]