Ang social media bilang lunsaran ng impormasyon at talastasan

139
Unibersidad ng Pilipinas-Maynila Ermita, Maynila Ang social media bilang lunsaran ng impormasyon at talastasan: Isang pag-aaral tungkol sa paggamit ng social media sa pagsuri ng mga isyu sa lipunan Isang Pananaliksik na Iniharap sa Departamento ng Agham Panlipunan Kolehiyo ng Agham at Sining Unibersidad ng Pilipinas Maynila Bilang Bahagi ng mga Gawaing Kinakailangan sa Development Studies 199.2 para sa Bachelor of Arts in Development Studies Propesor Reginald S. Vallejos, MPA Tagapayo Ipinasa ni Beatriz Izamary R. Manio 2013-55084 Mayo 2017

Transcript of Ang social media bilang lunsaran ng impormasyon at talastasan

Unibersidad ng Pilipinas-Maynila

Ermita, Maynila

Ang social media bilang lunsaran ng impormasyon at talastasan:

Isang pag-aaral tungkol sa paggamit ng social media sa pagsuri ng mga

isyu sa lipunan

Isang Pananaliksik na Iniharap sa

Departamento ng Agham Panlipunan

Kolehiyo ng Agham at Sining

Unibersidad ng Pilipinas Maynila

Bilang Bahagi ng mga Gawaing Kinakailangan sa

Development Studies 199.2 para sa

Bachelor of Arts in Development Studies

Propesor Reginald S. Vallejos, MPA

Tagapayo

Ipinasa ni

Beatriz Izamary R. Manio

2013-55084

Mayo 2017

Unibersidad ng Pilipinas-Maynila

Kolehiyo ng Agham at Sining

Departamento ng Agham Panlipunan

PAHINA NG PAGPAPATIBAY

Bilang bahagi ng katuparan upang makamit ang antas na/titulong Batsilyer sa

Sining, Dalubhasa sa Araling Pangkaunlaran, ang tesis na ito na pinamagatang “Ang

social media bilang lunsaran ng impormasyon at talastasan: Isang pag-aaral tungkol sa

paggamit ng social media sa pagsuri ng mga isyu sa lipunan” na inihanda at isinumite ni

Beatriz Izamary R. Manio, ay inirerekomenda para sa ebalwasyon at aprobasyon.

Propesor Reginald S. Vallejos, MPA

Tagapayo sa Tesis

Tinanggap at Pinagtibay bilang bahagi ng pagtupad sa pangangailangan ng

kursong Batsilyer sa Sining, Dalubhasa sa Araling Pangkaunlaran.

Propesor Jerome Ong

Tagapangulo

Departamento ng Agham Panlipunan

Unibersidad ng Pilipinas-Maynila

PASASALAMAT

Una sa lahat, ako ay nagpapasalamat sa Panginoon na patuloy na gumabay sa akin

upang matapos ang pananaliksik na ito. Siya ang nagbigay sa akin ng lakas at karunungan

upang aking mapagtagumpayan ang apat na taon sa unibersidad. Hindi kailanman

magiging posible ang alinman sa aking nakamit kung hindi dahil sa Maykapal.

Ikalawa, maraming salamat sa aking mga magulang na walang sawang sumuporta

sa akin. Kayo ang inspirasyon ko upang pagbutihin ang aking gawain. Maraming salamat

dahil kayo ang sandigan ko sa lahat ng panahon.

Ikatlo, maraming salamat sa lahat ng aking propesor lalo na kay Propesor John

Ponsaran, sapagkat kayo ang humubog sa aking kaisipan at nagpalalim sa aking

kaalaman. Salamat sa patuloy na pangangamusta at paggabay.

Ika-apat, maraming salamat sa lahat ng nagpartisipa sa pag-aaral na ito lalong lalo

na kina Bb. Dani Nacpil, Prop. Danilo Arao, at G. Raymond Palatino na nagpaunlak ng

panayam sa akin. Maraming salamat sa lahat ng naibahagi ninyong kaalaman.

Ika-lima, maraming salamat sa aking mga kamag-aral sa Araling Pangkaunlaran

na aking naging kaisa sa pananatili ko sa unibersidad. Maraming salamat sa inyong

pagtanggap sa akin mula nang ako ay lumipat sa kursong ito. Hindi ko kailanman

mapagtatagumpayan ang aking narating kung wala ang inyong presensiya.

Panghuli, espesyal na pasasalamat sa aking tagapayo na si Propesor Reginald

Vallejos na walang maliw na gumabay at nagtuwid sa aking gawain. Maraming salamat

sa pagpapalakas ng aking loob at sa pagbibigay ng payo sa kung paano pa higit na

mapapabuti ang aking pagsulat. Maraming salamat sa paniniwala sa aming lahat sa Team

Reggie na kaya naming mapagtagumpayan ang tesis. Maraming-maraming salamat po.

ABSTRAKT

Tinukoy ng pag-aaral na ito kung paano ginagamit ng mamamayan ang social

media sa pagtuklas sa mga kinakaharap na isyu ng lipunan at kung ano ang epekto ng

rekursong ito sa kanilang pagkamulat at partisipasyon sa lipunan. Nakasentro ito sa mga

balita at impormasyong nakakasalamuha ng netizens sa social media at sa mga hakbang

na kanilang ginagawa upang maipabatid ang kanilang tindig.

Ang pangangalap ng datos ay isinagawa sa pamamagitan ng pinaghalong paraan

ng qualitative at quantitative na metodolohiya. Nagsagawa ang mananaliksik ng sarbey

sa mga aktibong gumagamit ng social media. Nakipanayam din ang mananaliksik sa mga

eksperto at may kaugnayan sa paksa ng pag-aaral. Nilayon ng tesis na ito na matasa ang

papel ng social media sa paghuhubog ng opinyon ng publiko.

Sa huli, natuklasan na malaki ang naiaambag ng social media sa pagbibigay ng

impormasyon sa publiko. Napatunayan din na maraming bentahe ang hatid ng rekursong

ito sa dami ng bagay naihahatid nito at sa bilis ng daloy ng impormasyon gamit ito.

Nakita rin na maraming napapanahong isyu ang sinusuri sa social media gaya ng

popularidad ni Rodrigo Duterte, Paglilibing kay Ferdinand Marcos sa LNMB at ilang

paksa ukol sa ugnayang panlabas ng Pilipinas. Isang diskusyon din sa tesis na ito ay ang

pagiging epektibo ng social media bilang plataporma ng pagmumulat sa publiko tungo sa

panlipunang pagbabago.

DEPENISYON NG MGA TERMINO

1. Download – pagkuha ng datos mula sa internet

2. Facebook (FB) – isang uri ng SNS kung saan libre ang pagsali at maaaring

gumawa ng sariling profile, magbahagi ng larawan at video, pagpadala ng

mensahe at kumonekta sa iba’t ibang tao.

3. Internet – tumutukoy sa serye ng magkakakonektang network ng kompyuter na

maaaring gamitin sa buong mundo

4. Microblogging – paraan ng paglalahad ng maiikling mensahe sa social media

5. Netizen – aktibong lumalahok sa internet

6. New Media – uri ng mass media na gumagamit ng teknolohiya

7. Online – pagiging konektado sa kompyuter

8. Social Media – isang lunsaran ng interaksyon sa pagitan ng mga mamamayan

kung saan sila ay nakakagawa, nakakapagbahagi at nakakapagpalitan ng

impormasyon, larawan, video, atbp.

9. Social Networking Sites (SNS) – isang lunsaran ng interaksyon sa pagitan ng

netizens kung saan maaari nilang isapubliko ang kanilang personal na profile

10. Tweets – maiikling pahayag o mensaheng matatagpuan sa twitter

11. Twitter – isang uri ng SNS at microblogging kung saan maaaring maglahad ng

maiikling mensahe na kung tawagin ay tweets

MGA DAGLAT

1. SNS – Social Networking Sites

2. FB – Facebook

3. RT- Retweet

4. APP - Application

TALAAN NG NILALAMAN

Kabanata I – Mungkahing Pag-aaral

Saligan ng Pag-aaral .......................................................................................................... 1

Paglalahad ng Suliranin ..................................................................................................... 3

Layunin .................................................................................................................. ………5

Kahalagahan ng Pananaliksik............................................................................................ 6

Saklaw at Limitasyon .................................................................................................... …8

Rebyu ng Kaugnay na Literatura……………………………………...........................9

Teoretikal na Pananaw……………………………………………………………….17

Konseptwal na Pananaw ………………………………………………………….…21

Metodolohiya…………………………………………………………………...……23

Ginawang Pananaliksik at Panukalang Badyet…………………………………..…..25

Kabanata II- Ang Social Media Noon at Ngayon

Kasaysayan at Ebolusyon ng Social Media……………………………………….....26

Ang Transpormasyon ng Social Media…………………………………………..…..31

Kritisismo sa Social Media Bilang Lunsaran ng Impormasyon…………………..…33

Ang Social Media sa Pilipinas…………………………………………………….....34

Ang Social Media Bilang Tagapaghatid ng Balita………………………………..…36

Kabanata III- Presentasyon at Pagsusuri ng Datos

Social Media Account ng mga Nagpartisipa…………………………………………38

Oras na Inilalaan sa Social Media Kada Araw………………………………….…...41

Mga Balitang Nababasa o Napapanood sa Social Media……………………………42

Pagpapahayag ng Tindig Gamit ang Social Media…………………………………..45

Kabanata IV – Ilang mga Paksa ng Diskusyon sa Social Media

Ang Popularidad ni Rodrigo Duterte sa Social Media…………………………….…53

Ang Naging Papel ng Social Media sa Paglilibing

kay Ferdinand Marcos sa LNMB……………………………………………………..68

Mga Isyu na Dapat Bigyang-Puwang sa Lipunan……………………………………80

Kabanata V – Konklusyon at Rekomendasyon

Konklusyon………………………………………………………………………..…83

Rekomendasyon……………………………………………………………………...88

Bibliograpiya………………………………………………………………………….….90

Apendiks…………………………………………………………………………………94

1

KABANATA I – MUNGKAHING PAG-AARAL

I. Saligan ng Pag-aaral

Ang media ay malawak na lunsaran ng iba’t ibang klase ng impormasyon na

kinakailangan ng lipunan sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Sa panahon kung

saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, malaking tulong ito sa media upang mas

mapadali ang pagkalap at pagpapaabot ng impormasyon sa iba’t ibang panig ng bansa.

Subalit hindi na lamang nalilimita ang lipunan sa print at broadcast media at bagkus,

unti-unti nang naibibilang ang social media sa mga tagapaghatid ng mahahalagang balita

at detalye.

Napakalaki ng nagiging epekto nito sa pampolitika at panlipunang aspeto ng

Pilipinas at dumarami na ang sumasandig sa paggamit nito hindi lamang ang mga

ordinaryong mamamayan kung hindi maging ang mga kilala at maimpluwensiyang

personalidad (Carthew at Winkelmann, 2013). Halimbawa na lamang ang political blogs,

twitter at FB na mismong mga politiko, mamamahayag at mga intelektwal ang aktibong

gumagamit upang iparating ang kanilang mensahe sa publiko. Hindi tulad sa tradisyonal

na media, may puwang para sa ordinaryong mamamayan na maging kabilang sa diskurso

tungkol sa suliranin ng bansa. Lumilikha ito ng malayang talastasan kung saan walang

itinatakdang kuwalipikasyon o antas ng pamumuhay, walang pinipiling oras at walang

kinakailangang gastos upang makilahok. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit palaki

nang palaki ang bilang ng mga netizens o yaong mga aktibo sa social media.

Nakapanghihikayat ito ng mga mamayan upang makibahagi sa mga isyu ng bayan sa

halip na maging pasibo lamang sa pakikinig at panonood.

2

Kung susumahin, malaki ang potensiyal ng social media sa pagsisiwalat ng mga

suliraning hindi binibigyang-diin sa tradisyonal na media o hindi kaya ay maliit na bahagi

lamang nito ang naipapakita. Napakadali rin ng pagkalat ng impormasyon gamit ito kung

kaya malaking tulong ang hatid nito para sa mga mananaliksik at iskolar sa proseso ng

pangangalap ng datos at pagpapalaganap ng impormasyon. Sa pagkakaroon ng

platapormang ito, unti-unti nang nagkakaroon ng pagkakataon ang mamamayan na

makibahagi at makialam.

3

II. Paglalahad ng Suliranin

Ang tradisyonal na media gaya ng telebisyon, radyo at dyaryo ang karaniwang

pinagmumulan ng iba’t ibang balita sa bansa kung kaya nakasanayan na ng mamamayan

na dito unang kumonsulta tungkol sa mga isyu ng lipunan. Subalit, kapansin-pansin na ito

ay nakapokus lamang sa namamahayag at halos walang partisipasyon ang mamamayan sa

talastasan ng impormasyon. Dagdag pa, tila piling-pili lamang ang mga balitang

ipinapahayag ng tradisyonal na media kumpara sa napakaraming problemang

kinakaharap ng bansa. Kapuna-puna rin ang pagkakaroon ng pagkiling sa pagbabalita ng

telebisyon at maging ng mga peryodiko. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang pag-

usbong ng social media ay nagbigay ng pagkakataon sa mga ordinaryong Pilipino na

lumahok sa mga usaping panlipunan.

Dahil sa malayang paggamit at madaling akses sa social media, dumarami ang

bumabatay sa rekursong ito. Subalit, ayon kay Arao, dahil sa ang social media ay bagong

larangan, marami pang dapat matutuhan lalo na at pabago-bago ang katangian ng

paggamit nito. Dagdag pa, hindi maiiwasan na ang teknolohiya ay gamitin para sa

komersiyal at pansariling motibo sa halip na para sa ikabubuti ng mamamayan at

panlipunang pagbabago (Palatino, 2015). Kaya naman dapat na matukoy kung paano

hahamunin ng rekursong ito ang umiiral na hindi makatarungang kalakaran at kalaunan

ay makapag-ambag ng mga paraan upang tuluyang mabigyan ng boses ang mga bagay at

mga mamamayang naisasantabi sa lipunan.

Ayon kay Palatino, higit na mapapakinabangan ang social media kung ito ay

makikipagtulungan sa mainstream media sa halip na magtunggali ang dalawa. Ang

pagkakaroon ng kritikal at praktikal na pagtingin sa social media at internet ay

4

magbubunga ng iisang disposisyon – hindi dapat kalimutan ang tinaguriang old media

sapagkat nananatili pa rin ang impluwensiya’t bentahe ng print, radyo at telebisyon. Para

maipalaganap ang mensahe sa publiko, lubhang kailangan ang lahat ng media at hindi

lang dapat umasa sa iisa (Arao, 2013). Samakatwid, isang hamon na mapunan ng social

media ang kakulangan ng tradisyonal na media habang ang dalawang uri ay nagsasanib-

pwersa. Sa pamamagitan ng parehong uri ng media, mithiin ng epektibong pamamahayag

ang pagkakaroon ng puwang para sa mamamayan na iparating ang kanilang saloobin at

pananaw at magsiwalat ng mga suliranin lalo na yaong malaki ang ambag para sa

panlipunang pagbabago.

Samakatwid, isang hamon para sa pag-aaral na ito ang matasa ang klase ng mga

balitang pinapalutang sa social media at makapagmungkahi ng mga paraan kung paano

magagamit ang platapormang ito tungo sa pag-unlad ng lipunan.

5

III. Layunin

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy kung paano nagiging

instrumento ang social media sa paglalahad at pagsuri ng mga isyu sa lipunan

samantalang ang mga kaugnay na layunin nito ay ang mga sumusunod:

1. Mailahad ang kasaysayan at ebolusyon ng social media sa mundo at sa Pilipinas

2. Malaman ang dahilan kung bakit naging lunsaran ang social media ng mga balita

at usapin sa bansa

3. Masuri ang mga suliranin sa lipunan na isinisiwalat sa social media

4. Matukoy ang pinanggagalingan ng mga impormasyong nakikita sa social media at

ang mga paraan ng paglaganap ng mga impormasyong ito

5. Matasa kung gaano kaepektibo ang social media sa pagmumulat sa mamamayan

tungkol sa mga kinahaharap ng bansa

6. Maipakita ang pangkalahatang epekto ng mga impormasyon sa mamamayan

7. Makapagmungkahi ng mga paraan kung paano makatutulong ang social media sa

pagtugon sa mga isyu ng lipunan

6

IV. Kahalagahan ng Pananaliksik

Ang media ay may mahalagang responsibilidad sa lipunan na magmatiyag at

magsiwalat ng mga suliranin ng bansa (Campbell at Jamieson, 1983). Namamagitan ito

sa diskurso ng pamahalaan at ng mamamayan tungkol sa mga pangangailangan at

responsibilidad ng parehong panig. Kung kaya naman, dapat nitong gampanan ang

tungkulin nang may integridad at dedikasyon.

Umiiral sa kasalukuyang panahon ang paggamit ng social media bilang

tagapaghatid ng mga balita at tagapamagitan ng talastasan. Makatutulong na maunawaan

ang dahilan upang ang social media ay maging daan ng aktibong partisipasyon ng masa o

mga netizens, sa mga usapin sa bansa. Sa ganitong dahilan, mahalaga na masuri ang

pinanggagalingan ng datos at impormasyong nakikita sa social media upang masiguro na

tama at angkop ang mga balitang matatanggap ng masa. Malaki ang papel ng mga

balitang ito sa paghubog ng kamalayan at pananaw ng mga tao kung kaya naman dapat

isaalang-alang ang kredibilidad ng mga ito. Dapat din na matukoy ang magiging epekto

ng mga bagay na lumalabas sa social media sa pang-araw-araw na pamumuhay ng

mamamayan lalo na iyong mga aktibo sa paggamit nito. Maaari itong maging batayan ng

kanilang desisyon at pagtindig kaya naman makabubuti na suriin ang hatid nitong

impormasyon. Higit pa rito, malaki ang kabuuang responsibilidad ng media sa

partisipasyon ng mamamayan sa lipunan. Ito ang siyang nagmumulat at naghahatid ng

mga balita sa loob at labas ng bansa kaya malaki ang ambag nito sa pagiging aktibo o

pasibo ng lipunan sa mga suliraning dapat tugunan. Mahalaga rin na masuri kung gaano

ito kaepektibo sa pagsisiwalat ng mga isyu nang sa gayon ay matukoy ang kalakasan at

kahinaan nito bilang instrumento ng pamamahayag. Sa ganitong paraan, maaaring

7

magsagawa ng mga pagbabago at maitama ang mga pagkakamali sa social media at nang

sa gayon ay maging higit na epektibo ang platapormang ito.

Sa panahong laganap na ang social media, makabubuting malaman ang tama at

responsableng paggamit nito. Dapat na mapakinabangan nang wasto ang bentaheng hatid

nito sa pagsuri at paglutas ng mga isyu ng bansa. Makabubuting gamiting instrumento

ang social media upang mapabuti hindi lamang ang mga aktibo sa rito kung hindi maging

ang mamamayan sa pangkalahatan. Kaugnay nito, kailangang isaalang-alang pa rin ang

malakas na impluwensiyang hatid ng tradisyonal na media kaya naman sisikapin ng pag-

aaral na tukuyin kung paano maaaring magtulungan ang dalawang uri ng media upang

higit lalong mapakinabangan ng mamamayan.

Dagdag pa, mapauunlad din ng social media ang paraan ng pananaliksik ng mga

mag-aaral lalong lalo na sa kursong Araling Pangkaunlaran. Ang mga problema sa bansa

ay sadyang napakalawak subalit dahil sa rekursong ito, higit nang masasaklaw ang mga

isyung hindi halos nabibigyang-pansin. Magiging daan ang social media sa paghubog ng

mga mag-aaral na susuri sa kalagayan ng lipunan at siyang mag-aambag sa paglutas ng

mga ito sa pamamamagitan ng pag-alam, pagtindig, pagpapamulat at kalaunan ay

pagpapakilos. Malaking tulong din ito upang higit na kumonekta sa masa. Ang

napakabilis na komunikasyong dulot ng teknolohiya ay isang bentahe para sa mga

progresibo upang mangalap ng suporta at pagkaisahin ang mamamayan tungkol sa mga

usapin sa lipunan.

8

V. Saklaw at Limitasyon

Ang social media ay may iba’t ibang klase ng sites na maaaring bisitahin subalit

ang pananaliksik na ito ay magpo-pokus lamang sa FB at twitter na siyang pinakasikat at

pinaka ginagamit ng netizens (We are Social, 2016). Ang mga napiling magpapartisipa sa

pag-aaral ay ang mga aktibo lamang na gumagamit ng FB at twitter sapagkat sila ang

higit na maalam sa social media. Ang pangangalap ng impormasyon ay gagawin sa

pamamagitan ng sarbey, case study, KII (Key Informant Interview), pagkonsulta sa mga

libro, online sources at iba pang materiyales na higit na makakatulong sa pag-aaral. Dahil

sa maikling panahon ng pananaliksik, isang limitasyon ang pagkakaroon ng kakaunting

key informant na makapagpapalalim pa sana ng mga datos at kaalaman. Bibigyang-diin

ang papel ng social media sa pagmumulat sa netizens tungkol sa mga isyu at tatasahin

ang epekto nito sa kanilang pananaw at partisipasyon sa lipunan. Subalit, bunga ng

kakapusan sa panahon ng pananaliksik, hindi na palalalimin pa ang mga katanungan

tungkol sa panlipunang partisipasyon ng netizens at bagkus, titignan na lamang ito sa

pangkalahatan. Dagdag pa, ang mga imumungkahing polisiya ay hindi na gagamitan ng

mga teknikal na hakbang upang mas mapadali ang pagpapaunawa nito sa mamamayan.

Ang resulta ay ilalahad sa pamamagitan ng paglalarawan upang maipahayag nang mas

malinaw ang mga datos na nakalap. Malaking bahagi ng mga impormasyong ito ay

sasandig sa mga kuwentong-buhay at sariling karanasan ng mga makakapanayam.

9

VI. Rebyu ng Kaugnay na Literatura

Maituturing ang mainstream media bilang pinakakaraniwang uri ng media sa

porma ng telebisyon at pahayagan kung saan nakasandig ang mamamayan (Sanchez, etal,

2014). Dito unang nailalahad ang mga balita at mahahalagang pangyayari sa bansa at

higit na nakakaimpluwensiya sa paghubog ng pampublikong opinyon. Sa kaso ng

telebisyon, tungkulin ng isang reporter na maihayag ang mga balita sa paraang

mauunawaan ng lahat maging ang mga hindi nakapag-aral. Subalit, karaniwan sa mga

balita ay maikli lamang dahil sa limitado oras na mayroon (Campbell at Jamieson, 1983).

Sa kaso naman ng pahayagan sa Pilipinas, ito ay nakasulat sa wikang Ingles at ang iba sa

mga pahayagang ito ay nakapokus lamang sa lokal na balita at personalidad. Mayroon din

namang mga tabloid na nakasulat sa wikang Filipino subalit bihirang tumalakay ng mga

seryosong isyu sa bansa (Sanchez, etal, 2014). Kung susuriin ang katangian ng

tradisyonal na media, masasabing selektibo ang impormasyon at ang paraan ng

paghahatid ng mga ito. Limitado lamang ang inilalahad na balita sa telebisyon sa

kadahilanang imposibleng masakop ang lahat ng isyu samantalang sa pahayagan naman,

kadalasang nasa wikang Ingles ang mga balita kung kaya kadalasan ay iyong mga

kabilang sa gitnang uri lamang ang makauunawa ng mga ito. Dagdag pa rito ay ang mga

prominenteng personalidad na may direktang kontrol dito sa kabila ng pagkakaroon ng

libreng akses sa media (Sanchez, etal, 2014). Sa sistemang nakapaloob sa kapitalistang

pamamalakad, hindi maiiwasang ang mga impormasyon at balita ay binubuo sa paraang

papabor sa mga naghaharing uri. Isang pagkakamali pa ng mainstream media ay ang

pagsasawalang-bahala nito sa pambansang minorya. Ang tanging dahilan ng pagtampok

sa mga ito sa balita, ay kung sakaling sila ay nasalanta o apektado ng kalamidad. Ang

10

palaging laman ng mga balita ay yaong nakapaloob lamang sa konteksto ng kamaynilaan

kaya naman limitado lamang ang impormasyong ibinabalita tungkol sa Visayas at

Mindanao kung saan marami sa minorya ang nakatira. Idagdag pa ang napakaliit na

konsiderasyon ng publiko sa kinakaharap ng mga ito (Pertierra, 2012). Subalit nang

magkaroon ang ordinaryong mamamayan ng pagkakataong makapagpalaganap ng

mensahe, naging banta ito sa pampolitikang istruktura (O’Connell). Ang mga ito marahil

ang dahilan ng pagkakaroon ng puwang ng new media partikular na ang social media sa

mga pampolitika at panlipunang usapin.

Sinasabing ang mass media ay dominanteng batis ng impormasyon sapagkat

maaaring para sa karamihan, ito ay may mataas na kredibilidad at pagpapahalaga at dahil

din sa ito ay napapanahon. Gaya ng pagtingin sa tradisyonal na media, dumadagsa na rin

ang dumudulog sa new media kung saan ang internet ay naglulunsad ng napakaraming

impormasyon. Ayon sa pag-aaral, mga impormasyon tungkol sa krisis ang madalas

idulog sa internet. Sa unti-unting pakikipagsabayan ng new media sa pagpapalaganap ng

kaisipan at kaalaman, mahalagang siguruhin na tama at angkop ang mga impormasyong

hatid nito. Madalas na ang mga bagay na nakikita sa social media ay nagmumula mismo

sa mga nakasaksi rito. May mga pagkakataon din na bumabatay sa internet ang

tradisyonal na media bago pa ito magbalita ng mga pangyayari. Sa mga lugar naman na

apektado ng krisis, napakahirap makapagpadaloy ng balita subalit sa tulong ng social

media ay may paraan na upang maipaabot pa rin ang mga ito. Kahit may mga

pagkakataon na hindi lubusang malinaw ang hatid nitong impormasyon, patuloy pa rin

itong nagiging prominente kaya mahalagang malaman kung papaano tinatasa ng

mamamayan ang kredibilidad ng mga impormasyong ito. Mayroong tatlong paraan ng

11

pagsukat sa kredibilidad ng sanggunian - una, kung malawak o malalim ang kaalamang

hatid nito, ikalawa, kung mapagkakatiwalaan ito, at ikatlo, kung may mabuti itong

hangarin. Ang pag-usbong ng new media ay nagpapahiwatig na ang mamamayan ay

mayroon nang direktang akses sa primaryang impormasyon na sakanila rin mismo

nagmumula. Subalit, nangangahulugan din na hindi na sumasailalim sa masusing

pananaliksik ang mga bagay na lumalaganap online kaya naman ang netizens na ang may

tungkuling siguruhin ang kredibilidad ng mga impormasyon. Bilang resulta, hindi na

nakokontrol ng netizens ang pagpasok ng mga bagay kung kaya halos lahat ng

impormasyon ay nakakapasok online. Ang netizens din ang may kakayahang ipabatid ito

sa iba at humusga kung paano ito magiging makabuluhan. Samakatwid, naihahatid o

naiisantabi ang mga kuwento at impormasyon depende sa kung papaano ang

pagpapalaganap na gagawin dito (Heide, Spence, Westerman, 2014).

Ayon kay Ramota, pinasinayaan ng pag-unlad ng makabagong teknolohiya,

partikular na ang pagdating ng internet ang realidad ng komunikasyon na hindi

nalilimitahan ng mga pisikal na hangganan. Bunga ng pangyayaring ito, naging laganap

ang paniniwalang magluluwal ang kasalukuyang momentum ng rebolusyon sa internet sa

higit na malalim, masaklaw at pangmatagalang pagbabago. Giit ng ilan, hindi na

maiiwasan ang pagpawi ng mga hangganan, kasama na rin ang mismong konsepto ng

estado (Ramota, 2013). Ito ang dahilan sa malawakang paggamit ng teknolohiya hindi

lamang para sa personal kung hindi maging sa pampolitika at panlipunang aspeto.

Ayon kina Sanchez, etal, ang social media ay isang lunsaran ng interaksyon sa

pagitan ng mga mamamayan kung saan sila ay nakakagawa, nakakapagbahagi at

nakakapagpalitan ng impormasyon, larawan, video, atbp. Tinatayang mayroong halos

12

3.42 bilyong katao ang gumagamit ng internet sa buong mundo at 2.31 bilyon sa mga ito

ay may akses sa social media. FB ang nangungunang SNS na mayroong higit 1.5 bilyong

account (We are Social, 2016). Ibinalita naman ng pahayagan ng Rappler na noong 2015

ay mayroong 47.13 milyong katao ang gumagamit ng internet at 47 milyon sa mga ito ay

aktibo sa FB. Hindi maikakaila ang napakalaking bilang ng mga aktibo sa social media at

tinatayang higit pang dadami ang gagamit nito sa hinaharap. Malaking dahilan nito ay

ang patuloy na pag-unlad ng teknolohiya kung kaya naman dagsa na ang nagkakaroon ng

akses online idagdag pa ang pagiging abot-kaya nito para sa ordinaryong mamamayan.

Bukod sa napapadali nito ang komunikasyon, unti-unti na rin itong humahanay sa mga

pangunahing tagapaglunsad ng impormasyon partikular na ang mga balita (Sanchez, etal,

2014). Marami sa netizens na aktibo sa pampolitikang diskurso ay sumasangguni sa mga

balita mula sa internet sa halip na sa telebisyon o dyaryo (Faraon, Kaipainen at Stenberg,

2014). Isang bentahe ng internet ay ang pagprotekta nito sa mga netizens mula sa

direktang kontrol at manipulasyon ng pamahalaan o ng maiimpluwensiyang personalidad

sa pagpapalaganap ng impormasyon (Sanchez, etal, 2014). Nagkakaroon ng kalayaan ang

sinoman sa paghahayag ng kanilang sariling bersyon ng mgs isyu at ideya na hindi

kinakailangang salain o piliin pa ng tradisyonal na media.

Ang mga politikong aktibo rin sa social media ay idinadaan sa FB at twitter ang

kanilang mensahe para sa mamamayan. Gamit ang twitter, kanilang inilalatag ang ilang

bahagi ng kanilang mensahe na maaaring maglaman ng adhikain at polisiya samantalang

higit na namamaksimisa ang gamit ng FB sapagkat dito nila ibinabahagi ang kanilang

buong mensahe maging ang aktuwal na video at larawan ng kanilang programa (Carthew

at Winkelmann, 2013). Madaling naibabahagi ng mga politiko ang anomang naisin nila

13

na magpapatunay ng kalinisan ng kanilang hangarin para sa kanilang nasasakupan.

Marami rin sa kanila ang may personal na account kung kaya sa kanila na mismo

direktang nagmumula ang mga impormasyon (Pertierra, 2012).

Sa panig naman ng mamamayan, hindi maitatanggi na naging instrumento

ang social media upang kanilang mailahad ang kanilang personal na karanasan at mga

hinaing, at maging ang kanilang mga opinyon tungkol sa mga panlipunang usapin sa

bansa. Ang komunikasyon sa pagitan ng mga aktor sa lipunan ay higit nang lumawak at

dahil dito, wala nang limitasyon sa pampolitikang diskurso (Sanchez, etal, 2014). Ngunit

upang lubusang makaapekto ang new media sa politika, kinakailangang hayaan ng

istruktura na hubugin ng pananaw at interes ng mamamayan ang mga polisiya. Tunay

itong nagiging tagapamagitan ng libreng daloy ng opinyon at ang epekto nito ay unti-

unting nararamdaman ng publiko. Subalit, ang bagong porma ng ugnayang pampolitika

ay hindi pa rin nagreresulta sa pangkalahatang pagbabago ng pananaw sa politika.

Umiiral pa rin ang tradisyonal na istruktura ng pamahalaan na nagpapahiwatig na ang

makabagong lunsaran ng impormasyon ay hindi sapat upang magluwal ng

makatarungang politikal na interes (Pertierra, 2012).

Maliban sa paglalahad ng opinyon, naging kasangkapan din ang social media

upang magpakilos ng mamamayan. Matatandaan na noong Enero 16, 2001, libo-libong

Pilipino ang dumagsa at nag-protesta sa EDSA upang pabababain sa puwesto si dating

Pang. Joseph Estrada dahil sa kaso ng korupsyon. Tinaguriang People Power 2, apat na

araw nanatili sa Town Square ang mga raliyistang nakasuot ng itim hanggang sa tuluyan

nang napaalis sa puwesto si Estrada noong ika-20 ng Enero sa nasabing taon. Ang mga

raliyista ay nag-organisa sa pamamagitan ng pakikipag-komunika sa isa’t isa gamit ang

14

kanila cellphones. Subalit dapat din bigyang-diin ang tatlong taong kampanya laban kay

Estrada na sumiklab sa internet na lalong nagpaigting sa naganap na protesta

(O’Connell). Isang kaso pa ng pagkilos ay ang naganap noong Agos. 26, 2013 kung saan

tinatayang mayroong 80,000-100,000 katao ang dumalo sa Luneta Park para sa Million

People March para sa abolisyon ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o

pork barrel. Ito ay dahil sa pagkamkam ng mga politiko sa 10 bilyong pisong kaban ng

taumbayan. Naging ‘viral’ ang usaping ito sa mga netizens sa tulong ng FB, twitter, at iba

pang SNS (Sanchez, etal, 2014). Social media ang naging instrumento upang mailabas

ang hinaing at galit ng mga mamamayan. Dito rin sila nakapagplano ng malawakang

pagkilos. Kalaunan ay tuluyan na silang lumabas sa kalsada upang mag-protesta sa

Luneta. Patunay ang pangyayaring ito na posibleng magkaisa ang mamamayan na

nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa patungo sa iisang adhikain sa tulong ng social

media. Naging daan din ang pag-aksyong ito upang tuluyan nang tanggalin ang PDAF.

Sa madaling sabi, nakatutulong ang SNS sa paglahok ng mamamayan sa

politika. Higit na naging konektado ang mga tao dahil sa internet. Sa pamamagitan ng

smartphone, tablet, laptop, FB post at iba pa ay maaari nang magkaroon ng malawakang

diskurso sa pagitan ng mga netizens. Nagagamit ang social media sa pagsasapubliko ng

intensyon, panghihikayat ng suporta, pag-oorganisa, komunikasyon, at pagtataguyod ng

mga hangarin (Sanchez, etal, 2014).

Ang katangiang ito ng social media ay patunay ng malaking epekto nito sa

lipunan. May kakayahan itong gumawa o bumago ng pagtanaw ng mamayan sa mga

indibidwal at mga bagay. Isang daan din ito upang manghikayat ng opinyon at mang-

engganyo sa karamihan na makisali sa usapin sa bansa. Dahil sa social media, madali

15

nang magbahagi ng ideya hindi lamang sa mga taong malapit sa netizens kung hindi

maging sa mga taong nasa labas ng kanilang antas. Ang online posts ay paraan upang

magbigay ng reaksyon sa mga nakamit at kakulangan ng pamahalaan. Malaking tulong

ito sapagkat madali nang malaman ang saloobin ng masa (Sanchez, 2014).

Ayon nga kay O’Connell, sa oras na magkaproblema o mabigo ang pamahalaan,

malaki ang epekto ng pinagsama-samang puwersa ng masa sa tulong ng teknolohiya

upang magdulot ng demokratikong pagbabago sa lipunan. Ito ay napatunayan sa

dalawang pagkilos na nabanggit kung saan ang tinig ng mamamayan ang nanaig sa

lipunang kontrolado ng mga makapangyarihan. Kung sa ganitong dahilan at pamamaraan

gagamitin ang teknolohiya, malaki ang maiaambag nito sa pagpapabuti ng kalagayan ng

mga nasa laylayan.

Subalit, ayon kay Ramota, sa kabila ng mga oportunidad at ganansiyang

ibinibigay ng makabagong teknolohiya sa aktibismo at mga kilusan para sa reporma at

pagbabago, ang paggamit ng internet ay may kaakibat na mga limitasyon at babala.

Habang marami nang mga aktibong netizens ang gumagamit ng mga iba’t ibang

plataporma sa internet tulad ng social media para sa kanilang adhikain, mas laganap pa

rin ang mga online games, pornograpiya, dating networks at iba pang bagay na maaaring

makapaglihis ng atensiyon ng publiko mula sa lehitimong pakikibaka para sa

pambansang kalayaan at demokrasya. Nanatili pa rin ang digital divide sa bansa sa kabila

ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya at pagdami ng netizens. Hindi pa rin

kasinlawak ang saklaw ang akses sa internet kumpara sa iba pang media tulad ng

telebisyon, radyo, at mga peryodiko, lalo na sa mahihirap na sektor ng lipunan. Ang mga

ganitong usapin ay problema rin at direktang nararanasan ng mga aktibista at progresibo

16

na kumikilos nang buong panahon sa mga papaunlad pa lamang at mahihirap na estado.

Nananatili pa ring usapin ang paggamit ng internet bilang daluyan o lunsaran ng mga

aktibidad ng mga progresibo. Dapat na isaisip na hindi kailanman mapapalitan ng

internet at mga pakikibaka sa loob nito ang tunay na laban sa pisikal na mundo. Laging

dapat kasama ng mga aktibidad sa internet ang pag-oorganisa at pagpapakilos kasama

ang batayang masa sa labas ng cyberspace. Gayundin, hindi dapat maging hadlang ang

panganib at isyung kaakibat ng internet upang gampanan ng mga aktibista at progresibo

ang kanilang tungkuling imaksimisa at tuluyang baguhin ang gamit nito at iba pang uri ng

plataporma para sa panlipunang hustisya at pagbabago (Ramota, 2013).

17

VII. Teoretikal na Pananaw

Isa sa mga teoryang gagamitin ay ang Critical Theory na may layuning tasahin at

baguhin ang lipunan. Binibigyan nito ng basehan ang pagkuwestiyon sa lipunan nang sa

gayon ay mabawasan ang lahat ng uri ng dominasyon at naghahangad na palayain ang

mamamayan mula sa sitwasyong umaalipin sa kanila. Ang teoryang ito ay nakadirekta sa

lipunan at konektado rin sa kasaysayan. Sa pamamagitan ng pagsasanib-pwersa ng iba’t

ibang larangan ng agham panlipunan, higit na mauunawaan ang mga pang-araw-araw na

pangyayari. Samakatwid, sa pamamagitan ng pagkuwestiyon sa lipunan, nais nitong

baguhin ang kapitalismo upang maging isang tunay na demokrasya. Subalit, epektibo

lamang ang paggamit sa teoryang ito kung maipapaliwanag ang kamalian sa umiiral na

realidad, matutukoy ang mga aspetong dapat baguhin, at makakapaglaan ng kritisismo at

kalaunan ay makakapag-ambag ng praktikal na solusyon para sa panlipunang pagbabago

(Horkheimer).

Masasabing isa sa mga dahilan ng pagsikat ng social media ay ang kakulangan

ng tradisyonal na media sa pagtupad sa tungkulin nitong maglahad ng patas na balita at

magsilbing tagapamagitan sa pamahalaan at mamamayan. Dahil dito, naging daan ang

teknolohiya upang bigyang-boses ang ordinaryong mamamayan. Kaakibat ng bentaheng

ito ay ang pagkakaroon ng puwang sa pagkuwestyon ng netizens sa umiiral na

pamamalakad at kaganapan sa lipunan. Sa pamamagitan ng pag-click sa social media ay

maaari nang usigin ng publiko ang nakikita nitong kamalian o hindi paborableng

desisyon ng gobyerno. Posible na rin ang pagmumungkahi ng mga pagbabagong nais

ipatupad sa pamamagitan ng paglalabas ng saloobin online upang tuluyang makamit ang

pagbabago at pagkakapantay-pantay. Dagdag pa, maaaring maapektuhan ng tinig ng

18

mamamayan ang mga polisiya at programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng

pagbatikos sa kakulangan nito. Naniniwala ang teoryang ito na sa patuloy na pagbabantay

ng netizens, magdudulot ito ng tuwirang pagbabago sa lipunan.

Kasama rin sa mga gagamitin ang Democratic Participant Theory na naglalayong

wakasan ang pag-kontrol ng iilan sa tradisyonal na media upang mapahintulutan ang mas

nakararami na magkaroong ng akses dito. Ito ay bunga rin ng kakulangan ng media na

gampanan ang tungkulin nito sa lipunan sapagkat nakasentro lamang ito sa pribado at

komersyalisadong pagbabalita. Hangad ng lipunan ang pagkakaroon ng pantay-pantay na

pagkakataon na makapagpartisipa sa media sa halip na ipagpaubaya na lamang ang

tungkuling ito sa mga tagapagbalita. Mahalaga para sa teoryang ito ang mga tumatanggap

ng impormasyon o ang mamamayan kung kaya naman ang kanilang kapakanan ang

pangunahing pinagbatayan nito. Binibigyang-importansiya nito ang karapatan sa

pagkakaroon ng akses sa impormasyon sapagkat ito ang magiging batayan ng

mamamayan sa paggawa ng mahahalagang desisyon. Kinakailangang mamulat ang masa

tungkol sa kalagayan ng lipunan nang sa gayon ay lubusan nilang maunawaan ang mga

suliraning dapat pagtuunan ng pansin at kalaunan ay sila na mismo ang kumilos upang

bigyang-solusyon ang mga ito. Pinahihintulutan din ng teoryang ito ang pagbibigay ng

reaksiyon ng mamamayan tungkol sa mga balita at kaisipan na kanilang nakikita sa

media na siyang pinagkaiba nito sa tradisyonal na media kung saan may iisang direksyon

lamang ang komunikasyon. Samakatwid, hindi naiisantabi lamang ang kanilang mga

opinyon at saloobin at sa halip, nagiging kabahagi ang masa sa mga diskusyon sa lipunan.

Tulad ng nabanggit ng teorya, nais ng masa na magkaroon ng partisipasyon sa

lipunan lalo na sa mga aspetong may kinalaman sa mahahalagang usapin sa bansa. Isa

19

marahil ito sa mga dahilan kung bakit parami nang parami ang sumasandig sa social

media upang alamin at busisiin ang mga kaganapan. Dagdag pa rito, ang pagiging libre at

madaliang pagkakaroon ng akses ng sinoman ang siyang dahilan kung bakit

nakapanghihikayat ito ng mga miyembro. Sa ganitong paraan, kahit papaano ay

naibibilang ang mamamayan sa diskurso at talakayan patungkol sa mga pangyayari sa

bansa na dati ay hindi pinahihintulutan ng tradisyonal na media. Binibigyang-daan nito

ang napakaraming mamamayan na mabigyan ng boses at pagkilala sa lipunan.

Isa rin ang Agenda Setting Theory sa mga gagamitin ng pag-aaral na ito. Ayon sa

teoryang ito, ang media ang nagtatakda ng mga isyung may kinalaman sa publiko. Sa

ilalim nito, ang mga usapin na higit na binigyang-diin ng media ang nagiging sentro ng

atensyon at diskusyon ng mamamayan kaya naman ito na rin ang pinagtutuunan nila ng

pansin. Masasabi na ito ang tumutukoy sa mga balitang bibigyang-halaga ng masa at sa

mga pagkakataon na nagiging selektibo ang media sa paglalahad ng balita, nalilimitahan

ang kamalayan ng publiko tungkol sa mga isyung hindi nailahad (Lule, 2016). Dahil dito,

ang pagpili ng balita o isyung susuriin ng mamamayan ang lumalabas na papel ng media

sa halip na paghubog sa kanilang pananaw. Sa prosesong ito, kailangang suriin ang

importansiya ng balita. Kung ang balita ay mahalaga para sa publiko, ito marahil ang

lalamanin ng pamamahayag. Sa kabilang dako naman, malaki ang magiging epekto ng

mga isyung ibinalita upang makabuo ng pampublikong adhikain. na siyang magiging

batayan ng pagbuo ng mga polisiya (Spring, 2002).

Makikita sa teoryang ito ang kahalagahan ng papel ng media sa paghubog sa

isang lipunan. May kakayahan itong itakda ang mga suliranin o mga bagay na bibigyang-

halaga ng mamamayan. Sa kaso ng social media, ang mga trending news ang siyang

20

nagiging mainit na usapin at nakakakuha ng maraming atensyon mula sa netizens. Isang

malaking ambag ng social media ay ang pagpapakita at pagtalakay sa mga isyung hindi

napapalalim o hindi man lamang nababanggit sa tradisyonal na media. Ang mga

kaganapang ito ay nagkakaroon ng puwang sa kamalayan ng publiko at pumupukaw sa

damdamin ng karamihan kaya naman binibigyang-daan nito ang mga pagkilos at ang

pagsasagawa ng mga ito ay nakatutulong upang isulong ang mga adhikain ng lipunan at

pagkamit ng mga polisiyang poprotekta sa interes ng nakararami.

21

VIII. Konseptwal na Pananaw

Sa tulong ng social media, naging mas madali ang paglaganap at pagkalap ng

impomasyon partikular na ang mga isyu at balita sa bansa kung kaya lumalaki ang bilang

ng mga dumudulog sa rekursong ito. Karamihan sa mga netizens ay madalas na

bumabatay sa FB at twitter upang alamin ang mga kaganapan sa lipunan. Subalit, dapat

pakatandaan na hindi gaya ng mga impormasyon sa radyo, dyaryo o telebisyon, ang ilan

sa mga nakikita sa social media ay hindi sumailalim sa malalim na pananaliksik.

Kinakailangang matukoy ang mga posibleng pagmulan ng mga balita at

impormasyon sa mga social networking sites (SNS) upang masiguro ang kredibilidad ng

mga ito. Dahil dito, mahusay na magagamit ang rekursong ito upang alamin at timbangin

ang mga balita. Makikita rin ang isyu at impormasyong nais bigyang-pansin sa porma ng

trending news. Ang mga ito ay maaaring makaimpluwensya sa mga pananaw at desisyon

ng mamamayan at may posibilidad din na makaapekto ito sa kanilang partisipasyon sa

lipunan. Ang magiging reaksyon o pag-aksyon ng publiko ang siyang batayan upang

masukat ang pagiging epektibo ng social media sa paglalahad ng mga isyu.

Ang laman ng balita at maging ang paraan ng pagbabalita ang gumigising sa diwa

ng mamamayan. Kung ano man ang hakbangin na gagawin ng netizens matapos na

matuklasan ang mga balita ang siyang magiging batayan ng pagiging epektibo ng social

media. Matapos nito, posibleng makapaghain ng mga hakbang upang mas mapaunlad

ang paggamit nito nang sa gayon, higit nang mapapakinabangan ang social media sa

pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng lipunan.

22

Sa tulong ng social media, mas madali na ang paglaganap ng mga usapin sa

lipunan. Malayang nakakalahok ang mamamayan sa pakikipagdiskurso sa pamahalaan

tungkol sa mga kinakaharap na suliranin ng bansa. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon

ang dalawang panig ng direktang komunikasyon sa isa’t isa hindi tulad sa tradisyonal na

media kung saan walang puwang upang dinggin ang komento ng publiko tungkol sa mga

isyu. Ang paraang ito ay maaari makaapekto sa paghubog ng pambublikong opinyon ng

mamamayan o magresulta sa malawakang pagkilos tungo sa pagbabago at pagpapaunlad.

Bilang resulta, nagkakaroon ng dahilan ang gobyerno upang dinggin ang hinaing ng

masa. Samakatwid, malaki ang magiging papel ng mga pagkilos na ito sa pagpaplano ng

pamahalaan sa kanilang programa at pamamalakad.

SOCIAL MEDIA

Mamamayan Usapin sa lipunan

Polisiya/Programa

Pamahalaan

Aksyon/Reaksyon

23

IX. Metodolohiya

Ang pag-aaral na ito ay sumandig sa mixed method design kung saan gumamit ng

magkakahalong estratehiya sa pangangalap ng datos at malalim na tinasa ang kalagayan

ng lipunan. Sa tulong ng sarbey, nakakuha ng makatotohanan at eksaktong tugon habang

sa tulong naman ng case study, higit na nasuri ang mga paksa sa ilalim ng pag-aaral.

Nakatulong ang paraang ito sa pagtukoy kung ang mga teorya at modelo ay may

aplikasyon sa tunay na mundo. Dahil din sa paggamit ng magkakahalong estratehiya,

nagawang punuan ng isang klase ng disenyo ang kakulangan ng isa pa. Subalit, dahil sa

kakulangan sa oras na ginugugol sa pananaliksik at sa pagkakaiba-iba ng estratehiya,

nagkaroon ng ilang magkakatunggaling datos ngunit tingangka ng pag-aaral na ilatag ang

mga ito sa paraang mauunawaan ng masa.

Ang mga sumusunod ay ang mga instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos:

1. Sarbey – namili ng 30 social media users na siyang nagpartisipa sa pag-aaral

a. Tinukoy ang mga balitang nababasa sa social media at kung sa paanong

paraan nila ipinapakita ang kanilang tindig sa mga isyu sa lipunan

b. Hiningi ang kanilang pananaw ukol sa mga napiling case study

2. Case study – pumili ng ilang isyung mainit sa social media at tinasa kung paano

ito sinusuri ng publiko

a. Popularidad ni Pangulong Duterte

b. Paglilibing kay Ferdinand Marcos sa LNMB

c. Ilang isyu na kailangang mabigyan ng puwang sa lipunan

3. Key Informant Interview- kumapanayam ng mga propesor, social/political

24

scientist at propesyunal upang makakalap ng malawak na datos at mapalalim ang

pagsusuri

4. Libro, online sources at iba pang materyales – kumonsulta sa iba’t ibang akda at

iba pang mga instrumentong higit na nakatulong sa pag-aaral

25

X. Ginawang Pananaliksik sa Ikalawang Semestre

GAWAIN

ISKEDYUL

Nakipanayam sa mga netizen at key

informant

Disyembre 12-23, 2016

Enero 3-31, 2017

Nangalap ng datos sa mga silid-aklatan,

online sources at iba pang materyales

Disyembre 12-23, 2016

Enero 3-31, 2017

Inaral ang mga impormasyong nakalap

Pebrero 1-15, 2017

Bumuo ng presentasyon at pagsusuri ng

datos

Pebrero 15- Marso 31, 2017

Bumuo ng konklusyon at rekomendasyon

Abril 1-30, 2017

Nagpasa ng nabuong pananaliksik

Mayo 2017

XI. Panukalang Badyet

GASTOS

BADYET

Transportasyon

P 500.00

Pagpapalimbag at binding ng pag-aaral

P 250.00

26

KABANATA II – ANG SOCIAL MEDIA NOON AT NGAYON

I. Kasaysayan at Ebolusyon ng Social Media

Nagsimula ang social media sa Bulletin Board System o BBS kung saan

‘nagkakatagpo’ at nagkakaroon ng komunikasyon ang mga tao online. Dito, posibleng

makapaglaro o makakuha ng anomang impormasyon o bagay sa pamamagitan ng pagda-

download. Sa tulong ng telepono, nakilala ang BBS noong nag-uumpisa pa lamang ang

paggamit ng kompyuter (Digital Trends, 2016).

Sa kabila ng limitadong sistema ng teknolohiya, patuloy na sumikat ang BBS

mula 1980 hanggang 1990 sa tulong ng internet. Ngunit bago pa man ang ganap na

pagkilala sa internet, mayroon na ring ilang naging lunsaran ng interaksyon gaya ng

CompuServe na nag-umpisa noong 1970 at ginamit bilang negosyo bago ito tuluyang

naging bukas sa publiko noong huling bahagi ng 1980s kung saan ang mga miyembro

nito ay nakakapagbahaginan ng impormasyon at nagkakaroon ng akses sa mga balita.

Maliban sa palitan ng mensahe, naging daan ang CompuServe upang ang bawat

miyembro ay makaranas ng tunay na interaksyon. Bukod sa pagpapadala ng e-mail,

bukas ang diskusyon para sa lahat tungkol sa anomang mahalagang paksa at ang mga

diskusyong ito ang naging simula ng interaksyong nagaganap sa kasalukuyang

plataporma (Digital Trends, 2016).

Sa usapin naman ng SNS, ang American Online o AOL ang nanguna rito at para sa

marami, ang AOL ang nagsilbing ‘internet’ noong hindi pa ito nakikilala sa mundo.

Mayroon itong aplikasyon na kung tawagin ay ‘Member-Profile’ kung saan dito

ibinabahagi ng mga miyembro ang kanilang personal na impormasyon at iba pang detalye

27

tungkol sa kanilang sarili at maaaring ito ang pinakatanyag at kahanga-hanga sa lahat ng

tampok na aplikasyon ng AOL (Digital Trends, 2016).

Sa kabila ng napakaraming programa na umusbong mula sa teknolohiya, hindi pa

rin nito nahadlangan ang pagdating ng internet at sa kalagitnaan nga ng 1990 ay tuluyan

na itong naipakilala sa mundo. Nagbukas ang websites ng Yahoo at Amazon na

nagtampok ng kani-kanilang produkto online kaya naman dumagsa ang mga

naengganyong bumili ng sarili nilang kompyuter (Digital Trends, 2016).

1995 nang isilang ang kauna-unahang site na nagpakilala sa klase ng social

networking na mayroon sa kasalukuyan. Sa tulong ng Classmates.com, nagkaroon muli

ng koneksyon ang mga dati nang magkakakilala na nawalan ng komunikasyon sa kung

ano pa mang dahilan. Sa aplikasyong ito, hindi maaaring makagawa ng sariling profile

ang mga miyembro subalit gaya ng nabanggit, maaari nilang matagpuan ang mga taong

dati na nilang nakasama o nais na makita (Digital Trends, 2016).

Sa pagdating ng SixDegrees.Com, nadagdagan ang gamit ng mga naunang

SNS. Dito, nagkaroon ng tampok na aplikasyon kung saan maaaring makapag-imbita ng

ibang miyembro upang maging kaibigan, makabuo at makapag-organisa ng mga grupo ng

magkakaibigan at makahanap at makapag-usisa sa profile account ng ibang tao. Marami

sa mga miyembro nito ay nakapanghikayat pa ng ibang mga nais lumahok sa SNS na ito

(Digital Trends, 2016). Nang sumapit ang 2000, halos 100 milyong katao na ang

nagkaroon ng akses sa internet at naging pangkaraniwan na rin ang makibahagai sa mga

kaganapan online. Itinuring na libangan lamang noon ang pagiging aktibo sa SNS sa

pamamagitan ng pagsali sa chat room upang makipagkaibigan, makahanap ng bagong

kakilala at makipag-diskurso tungkol sa kung mga bagay-bagay. Subalit, hindi pa rito

28

nagtatapos ang pagyabong ng social media sapagkat hindi pa nito naaabot ang rurok ng

tagumpay (History Cooperative, 2015).

Noong 2002, labis na pumatok sa publiko ang SNS na Friendster na may

konseptong gaya ng sa SixDegrees.Com kung saan maaaring magkatagpo ang dati nang

magkakilala sa pamamagitan ng paghanap ng kani-kanilang profile at pag-imbita rito

bilang kaibigan upang muling mapagtibay ang koneksyon sa isa’t isa. Isang taon pa

lamang mula nang ito ay mag-umpisa, kaagad umabot sa halos tatlong milyon ang

miyembro nito. Ngunit ang mga problemang teknikal at ilang kahina-hinalang patakaran

na kinaharap nito ay nagresulta sa pagbaba ng kita ng Friendster. Maikli lamang ang

panahon ng tagumpay ng SNS na ito at sa kasalukuyan ay paglalaro na lamang ang

nagagawa ng mga miyembro nito (Digital Trends, 2016).

Nakilala noong 2003, ang Linkedln ay naghatid ng seryoso at tradisyonal na

paraan ng social networking kung ihahambing sa Friendster. Hanggang sa kasalukuyan

ay ginagamit pa rin ito ng mga taong aktibo sa negosyo na nagnanais makipag-

interaksyon sa ibang mga propesyonal. Sa parehong taon din nakilala ang MySpace at

naging isang paboritong SNS ng kaniyang panahon. Nahumaling dito ang publiko lalo na

ang kabataan dahil sa hatid nitong iba’t ibang klase ng musika, video at iba pang

mapagkakaaliwan. Subalit gaya ng nangyari sa Friendster, bumaba ang bilang ng

miyembro nito at sa kasalukuyan ay mga mag-aawit at musikero na lamang ang

bumibisita rito (Digital Trends, 2016).

29

FB at twitter bilang pangunahing SNS

Sa ngayon, Facebook ang nangungunang SNS sa mundo. Itinatag ito ni Mark

Zuckerberg kasama ng kaniyang mga kapwa mag-aaral at inilunsad noong 2004 para

lamang sa Harvard University ngunit tuluyan na ring nagbukas sa mundo pagkalipas ng

dalawang taon. Nahikayat din ang mga negosyanteng mamuhunan sa FB noong 2009

kaya naman maituturing din ang SNS na ito bilang isang negosyo. Tinatayang mayroong

higit isang bilyong miyembro ang FB sa kasalukuyan. Ito ay posibleng dahil sa madaling

magkaroon ng akses sa SNS na ito o kaya naman ay dahil sa madaling matutunan ang

paggamit nito (Digital Trends, 2016). Upang magkaroon ng FB account, kinakailangan

lamang na mairehistro ang iyong personal na impormasyon sa website na

www.facebook.com at pagkatapos ay maaari nang gumawa ng mga aktibidad gamit ang

FB. Ito ay may tampok na Friends, Fans, Wall, News Feed, Fan Pages, Groups, Apps,

Live Chat, Likes, Photos, Videos, Text, Polls, Links, Status, Pokes, Gifts, Games,

Messaging, Classified section, upload and download options for photos/videos at ang

iba’t ibang aplikasyong hatid nito ang dahilan kung bakit madaling naengganyo ang

publiko sa paggamit ng SNS na ito. Dagdag pa rito ay ang mga anunsiyo sa porma ng

banner ads, referral marketing, casual games, at video ads na nakikita o lumilitaw sa FB

wall na maaari ding bisitahin ng mga miyembro. Hindi lamang ito dumaragdag sa

pagkaaliw ng publiko kung hindi nakakatulong din na mapadali ang kanilang paggamit

ng teknolohiya sapagkat sa halip na pumunta sa iba’t ibang sites ay maaari na nilang

magawa ang napakaraming bagay gamit lamang ang FB (Diffen, nd).

Noong 2006 din naman sumikat ang text messaging na nagtulak kina Jack

Dorsey, Biz Stone, Noah Glass at Evan Williams na lumikha ng SNS kung saan maaaring

30

makabuo ng pahayag gamit ang 140 titik o mas kaunti na tinatawag na tweets1 (History

Cooperative, 2015). Samantala, tinatamasa rin ng twitter ang tagumpay na nakamit ng FB

at mayroon itong higit 300 milyong miyembro (Digital Trends, 2016). Gaya sa FB,

kinakailangan lamang na makapagrehistro sa website na https://www.twitter.com upang

makalahok sa SNS na ito.

1 maiikling pahayag o mensahe sa twitter

31

II. Ang Transpormasyon ng Social Media

Telebisyon, radyo at peryodiko ang nagsilbing pangunahing lunsaran ng mga

balita at plataporma ng komunikasyon sa loob ng maraming taon. Sinalamin ng media

ang mga indibidwal at iba’t ibang grupo sa parehong positibo at negatibong paraan.

Gayunpaman, ang pagbaba ng pagtingin sa tradisyonal na media kasabay ng pagtanyag

ng social media ay nagdulot ng pagbabago sa paraan ng pamamahayag at komunikasyon.

Ang pagiging patok ng social media ay naging daan upang magkaroon ang publiko ng

‘sarili’ nitong media at makabuo ng sariling istilo ng paghahatid ng balita (Osorio, 2015).

Kung dati ay tumatanggap lamang ng balita ang publiko, ang bagong lunsaran ay

nagbigay-daan upang magkaroon ng personalisasyon at partisipasyon sa pagkonsumo ng

impormasyon. Dito, magkakatuwang ang publiko sa pagkuha, pagsulat at pamamahagi ng

balita sa iba’t ibang plataporma ng social media kaya naman kontrolado na ito ng mga

mambabasa na siyang kabaliktaran ng nakasanayan na iisang direksiyon lamang ng

pagbabalita. Isang katangian din ng social media at internet ay ang malawak na sakop

nito o yaong tinatawag na “audience reach” na umaabot hanggang sa iba’t ibang bahagi

ng mundo at ang madaliang akses dito ay ang dahilan ng mabilis na pagkalat ng kahit

kalalabas pa lamang na impormasyon. Ang patuloy na paglakas ng puwersa ng internet

ay hindi na nga mapipigilan pa kaya naman hindi maiiwasan ng mga peryodista at ng

tradisyonal na media na harapin ang hamon na makapagbigay sa publiko ng mga balita sa

pinakamabisang paraan. Sa social media, lumilitaw din ang mga indibidwal at mga grupo

lalo na yaong mga nakabuo ng maraming koneksyon sa tulong ng SNS. Sila ay

nakakakilos nang malaya mula sa tradisyonal na media at hindi nalilimatahan ng mga

institusyon.

32

Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Pew, 62% ng mga nakatatandang mamamayan sa

Amerika ay nakakapagbasa ng balita mula sa social media at 18% sa kanila ang madalas

na dumudulog dito. Bilang ang Amerika ay mayroong malakas na impluwensiya sa ibang

mga bansa, ang resultang ito ay nagbibigay ng ideya sa kung ano ang maaaring asahan sa

hinaharap. Ang pagbabagong ito sa media ay nagdadala ng oportunidad at hamon sa

industriya ng pagbabalita kung saan ang social media ay nagsisilbi bilang isang

mahalagang instrumento ng komunikasyon. Dahil din sa samu’t saring krisis sa

peryodismo, nagresulta ito sa pagbabago ng mga kagawian sa media upang mas mahusay

na matugunan ang pangangailangan at naisin ng publiko. Mula sa pagiging daluyan ng

balita hanggang sa pagiging tagapagbigay-alam nito, marami sa mga peryodista ay sa

social media kumukuha ng impormasyon para sa mga balita na kanilang itinatampok.

Ang pagbabagong ito ay nagtutulak sa mga reporter at mga personalidad sa media na

umayon sa mga pagbabago sa lipunan, kultura at teknolohiya.

Sinasabi na mayroong limang gamit ang social media sa pagbabalita - una,

matukoy ang papausbong na balita, ikalawa, mapatunayan ang kredibilidad ng mga

impormasyon, ikatlo, mabisita ang mga profile/account na pagkukuhanan ng mahalagang

detalye, ika-apat, masubaybayan ang mga pagkakatugma ng mga kuwento, at ika-lima,

madaling pagpapalaganap ng impormasyon (Newsclip Media, 2016). Ang limang gamit

na ito ay ang inaasahang gagabay sa mga mamamahayag na nais gawing kasangkapan

ang social media.

33

III. Kritisismo sa Social Media Bilang Lunsaran ng Impormasyon

Sa kabila ng mga naiambag nito, hindi mawawala ang kritisismo sa social media

sapagkat marami ang kumukuwestiyon sa kredibilidad ng impormasyon dito. Nariyaan

din ang pagdami ng mga baguhan na hindi pa hasa sa pagbabalita. Kilala man ito sa

mabilis na paghatid ng mga napapanahong detalye, mahirap pa rin tiyakin ang kalidad ng

mga ito. Sinasabing nang dahil sa social media ay lumalaganap ang misimpormasyon

habang ang mga tunay na detalye ay nawawala sa kalagitnaan ng mga nagtutunggaling

mensahe. Dapat din isaalang-alang na ang ilan sa mga akda rito ay hindi isinulat ng mga

peryodista o sinuri man lamang ng mga awtoridad.

Dahil sa mga puna sa social media, hindi pa rin maitatanggi ang kahalagahan ng

papel ng tradisyonal na media lalo na sa usapin ng kredibilidad. Ayon sa 2016 Global

Ogilvy Media Influence Survey, tradisyonal na media pa rin ang higit na

pinagkakatiwalaan sapagkat naniniwala ang publiko sa kalidad ng pagbabalita nito. Ang

kaisipang ito ay maiuugat sa naipundar nang reputasyon ng dominanteng platapormang

ito kung kaya naman labis ang tiwala ng mga tao sa impormasyong hatid nito. Sa

kabilang dako naman ay madalas na walang batis o hindi nakalahad ang orihinal na may

akda ng mga artikulo o impormasyon sa social media kaya hindi maiiwasan ang pag-

aalinangan sa kredibilidad at kalidad nito (Newsclip media, 2016).

Ang sari-saring puna sa social media ay sumasalamin sa mga hangganan nito

bilang lunsaran ng impormasyon kaya naman dapat na matukoy ang tamang paraan

upang lubusang mapakinabangan ang rekursong ito.

34

IV. Ang Social Media sa Pilipinas

Sa ginawang pananaliksik ng Rappler, makikitang palaki nang palaki ang bilang

ng mga Pilipinong gumagamit ng internet kada taon. Noong 2009 ay mayroon lamang

higit sa walong milyon ang may akses dito subalit noong 2015 ay pumalo na sa higit 47

milyon ang nakakakonekta sa internet. Ang mga social media site ay ang pangunahing

online site na pinupuntahan ng mga Pilipino at tinatayang 47% ng netizens ang miyembro

nito. Halos 3.2 oras ang ginugugol ng netizens sa paggamit ng mobile habang halos 5.2

oras naman sa desktop o laptop at tablet kada araw. Para sa mga Pilipino, mahalaga ang

pagkakaroon ng koneksyon sa iba’t ibang tao at impormasyon. Kinakailangan ang

koneksyon na ito sa pagbuo ng mga desisyon lalo na sa panahon ng suliranin (Rappler).

Ayon sa Statista, ang FB ang nangungunang social media site na pinupuntahan

ng netizens kasama na ang mga Pilipino. Higit 40 milyon ang miyembro nito sa Pilipinas

sa kasalukuyan at posible itong umabot ng higit 50 milyon pagsapit ng 2021. Panonood

ng videos, pagla-like ng nilalaman, pagbabasa ng artikulo, at pagme-message ang

kadalasang aktibidad sa SNS. Malaki rin ang ambag ng paggamit ng mobile sa pagdami

ng netizens na aktibo sa SNS (Statista). Sa katunayan ay mas marami pa ang bilang ng

mobile phones kumpara sa bilang ng mga tao sa Pilipinas at marami na rin ang

gumagamit ng smart phones sa pangunguna ng kabataan. Mahigit 80% rin ng netizens ay

mula sa hanay ng mga nakakaangat sa lipunan ngunit inaasahan na lalaki pa ang espasyo

para sa mga netizens na mula sa mga nasa gitnang uri at maging ng mga nasa laylayan.

Nagiging multi-screen consumers2 na rin umano ang mga Pilipino sapagkat ayon

kay Jay Bautista na isang tagapayo mula sa Strategic Consumer and Media Insights Inc.

2 Paggamit o pagkonsumo sa iba’t ibang plataporma ng media

35

(SCMI), mobile ang sumasalubong sa kanilang umaga habang kompyuter ang

pinagkakaabalahan sa trabaho at tablet naman ang madalas gamitin sa gabi (Pana, 2015).

Dahil dito, hindi na nakakapagtaka kung bakit nasakop na ng teknolohiya ang maraming

Pilipino dahil na rin sa uri ng pamumuhay na mayroon ang mga ito sa kasalukuyan na

mayroong malaking pagsandig sa teknolohiya.

36

V. Ang social media bilang tagapaghatid ng balita

Salungat sa kaisipan na ang mga impormasyong itinatampok sa social media ay

kadalasang bumabase lamang sa mass media at bibihirang manguna sa pagsiwalat ng mga

isyu, napatunayan ng isang pag-aaral ni Prof. Brendan Watson na ang mga blogger ay

hindi dumudulog sa peryodiko upang mabuo ang kanilang akda. Nais nilang magmula sa

orihinal na batis ang kanilang gawa at ipahayag ito sa sariling pamamaraan kaysa

sumangguni sa media lalo na sa usapin ng lokal na isyu na kadalasan ay ipinagwawalang-

bahala lamang ng tradisyonal na media. Ayon sa Pew, ang mga kuwentong higit na

umaani ng atensyon sa social media ay malayo sa mga paksang itinatampok sa

peryodiko. Dagdag pa ng manunulat na si Richard Telofski, “ang social media ay

nagbubunga ng mga usapin na kalaunan ay nakakarating din sa mainstream media” kaya

naman nagsisilbi itong babala sa pamahalaan at mga negosyante dahil ang larangang ito

ay pinakaangkop sa mga naisantabi sa lipunan gaya ng mga progresibong organisasyon

(Osorio, 2015).

Ang social media ay naging kapaki-pakinabang at itinuturing bilang isang

mahalagang instrumento ng komunikasyon dahil sa napakaraming dahilan gaya ng

pagdami ng balita at impormasyong natatagpuan dito, labis na pagsandig ng kabataan

dito, malawakang paglaganap ng mensahe gamit ito, pagdami ng mga taong nahihikayat

dito, pag-abot ng diskurso mula rito patungo sa news sites, at patuloy na paglawak ng

gamit nito. Sa tulong ng social media, nagiging mabilis ang daloy ng ideya at opinyon

kung saan, dito na rin nakakapag-komunika ang mga tao lalo na ang kabataan. Marami

rin sa mamamayan ang madalas nakapokus sa mobile phone at internet kaya hindi

maiiwasan na dumagsa ang mga miyembro ng social media (Nacpil, 2017).

37

Gayunpaman, sa ginawang pag-aaral ng Pew noong 2012, tinukoy nito na sa

telebisyon pa rin unang dumudulog ang mamamayan sa pagtukoy sa mga balita at

marami sa netizens ay dumidirekta sa news media organization website sa tuwing nais

nilang alamin ang mga kaganapan at kasalukuyang isyu. Kakaunti lamang ang

dumudulog sa FB at twitter upang makibahagi sa balita. Subalit noong 2013, nagkaroon

ng pagbabago sa nakuhang resulta ng Pew kung saan malaking bahagi ng publiko ang

naniniwalang bumaba ang dami at kalidad ng mga balita sa tradisyonal na media kaya

naman huminto na ang maraming tao na makinig, manood at magbasa ng balita mula rito.

Ito na ang naging hudyat ng magiging papel ng social media sa pagbabalita subalit hindi

pa rin dapat isantabi ang kasalukuyang papel ng dominanteng media. Ayon pa rin kay

Nacpil, “on the go” na ang mga tao at naghahangad ng mabilisang proseso sa lahat ng

bagay kaya naman maging sa mga balita, nais na rin nila ng agarang daloy ng

impormasyon. Bagamat hindi pa rin naman matatawaran ang papel ng telebisyon, radyo

at peryodiko sapagkat ang mga nakatatandang mamamayan lalo na yaong mga hindi

maalam sa paggamit ng teknolohiya o maging ang mga walang kakayahang magkaroon

ng akses dito ay sa dominanteng media pa rin dumudulog.

Masasabi na ang mga impormasyon online at offline ay parehong pinagkukuhanan

ng lalamanin ng mga balita kaya naman dapat na tukuyin kung ang mga ito, lalo na yaong

mga nagmumula sa social media ay dumaan sa pagsusuri ng mga propesyonal o hindi

kaya ay nagmula lamang sa pananaw ng publiko (Osorio, 2015).

38

KABANATA III – PRESENTASYON AT PAGSUSURI NG DATOS

I. Social Media Account ng mga Nagpartisipa

100% - FB

56.7% - Twitter

70% - Instagram

4% - Iba pa (Snapchat)

Pigura 1

Ang 30 nagpartisipa sa pag-aaral ay binubuo karamihan ng mga estudyante, ilang

mga empleyado at propesyonal na aktibo sa paggamit ng social media. Lahat ng mga ito

ay mayroong FB account, 17 ang mayroong twitter account, 21 ang mayroong instagram

account, at apat naman ang mayroong iba pang klase ng social media account. Kung

pagbabatayan ang pigurang ito, masasabing ang FB ang may pinakamalaking hatak.

Hindi rin matatawaran ang pagiging patok ng instagram sapagkat hindi nagkakalayo ang

dami ng miyembro nito kung ihahambing sa FB. Ang twitter naman sa kabilang banda ay

mayroong miyembro na higit sa kalahati ng sampol na populasyon kaya naman

maliwanag na marami rin ang naeengganyo sa SNS na ito. Dapat din isaalang-alang na

39

marami sa netizens ay mayroong higit sa isang social media account kaya naman hindi

nakapagtataka ang pagdami ng miyembro ng iba’t ibang SNS.

Sa panahon ng makabagong teknolohiya kung saan napakabilis ng daloy ng

impormasyon at iba’t ibang bagay, marami sa mamamayan lalo na ang kabataan, ang

nagnanais lumahok sa social media. Una, ito ay maituturing na libre kung ikukumpara sa

ibang plataporma gaya ng telebisyon at radyo na mahal ang pagpapatalastas, pangalawa,

malawak ang sakop nito at aabot na nga sa buong mundo at pangatlo, mabilisan ang

pagpapahayag ng reaksyon.

Dahil nga sa ito ay SNS, kung saan ang isang social media user ay nakapaloob sa

sirkulo ng kaniyang mga kaibigan at maging ng mga kaibigan ng kaniyang mga kaibigan,

napakalaking bentahe nito bilang batis ng impormasyon (Palatino, 2017). Ayon pa kay

Nacpil, ang social media ang pinakamalaking plataporma upang makapagpahayag ng

ideya at opinyon at dito kadalasan nagkakaroon ng komunikasyon ang mga tao lalo na

ang makabagong henerasyon na malaki ang pagsandig sa internet. Dagdag ni Arao, ang

tendensiya talaga ng maraming tao lalo na ng kabataan ay maghanap ng magbibigay ng

aliw at ang SNS ay magandang plataporma para malaman kung ano ang

pinakanakakaaliw at kung ano ang “in” o “out” sa usapin ng fashion, musika, at iba pang

larangan ng pagbibigay-aliw.

Para sa mga Pilipino, maraming gamit ang social media sa araw-araw. Nariyan

ang mga OFW na ito ang pangunahing paraan upang umugnay sa kanilang mga pamilya.

Pinagkukunan din ito ng impormasyon gaya ng balita, opinyon, payo at iba pa (Palatino,

2017). Nariyan din ang edukasyon na isang mahalagang salik sa social media dahil

bagamat ang pagbibigay-aliw ang susing salik dito, hindi pa rin matatawaran ang

40

inisyatiba ng maraming mga indibidwal o grupo para gamitin ang plataporma ng internet

lalo na ang social media bilang lunsaran ng pagbibigay ng magandang pagsusuri sa mga

nangyayari sa lipunan partikular ang pinakamaingay na grupo, ang mga aktibista at

militante (Arao, 2017).

41

II. Oras na Inilalaan sa Social Media Kada Araw

Pigura 2

Ayon sa pigura 2, 56.7% ng nagpartisipa sa pag-aaral ay gumugugol ng apat

hanggang anim na oras online, 33.3% ay gumugugol ng isa hanggang tatlong oras, at

10% ay gumugugol ng pitong oras o higit pa. Sa datos na ito, may kalakihan ang

nakakaing oras ng social media sa pang-araw-araw na pamumuhay ng publiko kaya

naman hindi maitatanggi na isang pangkaraniwang bagay na ang social media. Gaya nga

ng nabanggit, nariyan ang komunikayson, edukasyon, pagbibigay-aliw at talastasan

bilang mga pangunahing gamit nito.

42

III. Mga Balitang Nababasa o Napapanood sa Social Media

90% - Politika, ekonomiya at lipunan

53.3% - Fashion

53.3% - Lifestyle

36.7% - Sports

76.7% - Entertainment

10% - Iba pa (Business trends, food, etc.)

Pigura 3

Ang lahat ng nagpartisipa sa pag-aaral ay nakakapagbasa ng mga balita at

impormasyon gamit ang social media at marami sa kanila ay higit sa isang uri ng balita

ang nababasa. 90% sa kanila ay nagbabasa ng balita tungkol sa politika, ekonomiya at

lipunan, 53.3% ay tungkol sa fashion, 53.3% ay tungkol sa lifestyle, 36.7% ay tungkol sa

sports, 76.7% ay tungkol sa entertainment, at 10% ay tungkol sa iba pang mga balita

gaya ng business trends at pagkain.

Datapwat nasabi na ang social media ay may susing salik na pagbibigay-aliw,

mayroong mga tao, gaya ng mga nagpartisipa sa pag-aaral na ito, na piniling gamitin ang

kanilang social media account bilang alternatibo o mas mura kung hindi man libreng

lunsaran. Subalit ang pagiging “libre” nito ay kailangan ding suriing mabuti sapagkat

43

lahat ay may binabayaran sa pagbubukas ng social media na hindi lamang usapin ng pera

kung hindi maging ng oras (Arao, 2017). Maliwanag na matatagpuan na sa internet ang

lahat ng klase ng impormasyon na nais makuha ng mamamayan sapagkat mula sa

pinakamabigat na balita hanggang sa pinakamagaan o kahit na mga nakakaaliw ay

napapalutang na sa social media. Gaya ng nabanggit ni Nacpil, isang dahilan kung bakit

patok ang pagpapalutang ng balita online ay dahil “on-the-go” na ang mga tao at marami

sa kanila ay wala nang oras manood ng telebisyon o kumonsulta sa dominanteng media.

Magandang plataporma rin ito upang magpalaganap ng kaisipan sapagkat sa kabila ng

pagiging abala ng marami ay maaari nang maiparating ang mga kaganapan sa bawat

araw.

Kung mapapansin, hindi nagkakalayo ang pagitan ng mga nagbabasa tungkol sa

politika, ekonomiya at lipunan sa mga nagbabasa tungkol sa entertainment. Ang

dalawang kategoryang ito ay maaaring sabihin na magkasalungat na uri ng balita

sapagkat ang mga isyung tumatalakay sa politika, lipunan at ekonomiya ay pawang mga

balitang mabibigat at higit na makakaapekto sa lahat samantalang ang mga isyu tungkol

sa entertainment ay bagamat nakapagbibigay ng aliw, ay hindi masasabing kapantay ng

naunang uri. Mahigit sa kalahating porsiyento rin ang nakuha ng fashion at lifestyle. Sa

kabila ng malaking bahagdan ng politika, ekonomiya at lipunan, hindi pa rin maitatanggi

na mayroong mga netizens na hindi binibigyang-pansin ang mga usapin ukol dito kahit pa

napakatindi ng daloy ng impormasyon sa social media.

Makikita rin na kahit ang dominanteng media ay gumagamit na rin ng social

media sa pagpapabatid ng balita at ito rin ang estratehiyang ginagamit ng alternatibong

media. Dapat maging malinaw dito ang usapin ng konsepto ng balita sapagkat kung

44

titingnan ang normatibong pamantayan ng peryodismo, mayroong balitang mahalaga at

mayroong hindi mahalaga at ito ay sinusukat batay sa kung ano ang nakakatulong sa

paghuhubog ng opinyong pampubliko para sa makabuluhang aksyon. Kung babalikan

ang dominanteng media, tila pinaghahalo nito kung ano ang “mahalaga” at ang “hindi

mahalaga” at minsan, ang presentasyon sa mga balitang ito ay umaayon pa rin sa

kasalukuyang kalakaran sa lipunan at nagreresulta sa pagprotekta sa kasalukuyang

kaayusan. Sa kabilang dako, mas makikita sa alternatibong media ang mas malalim na

pagsusuri ng isyu at ang kalaliman ay batay sa pagtingin nito sa panlipunang kaayusan

sapagkat hindi nito tinitingnan ang mga bagay-bagay bilang mga dapat tanggapin na

lamang kung hindi, ito ay ilang mga bagay lalo na yaong mga mapansamantalang bagay,

na dapat na baguhin (Arao, 2017). Subalit, hindi pa rin sapat na ang alternatibong media

o ang progresibong media lamang ang gumagawa ng ganitong klaseng aksiyon sapagkat

napakalawak ng sakop ng social media at hindi maaaring umasa lamang sa mga

progresibong grupo sa pagsasagawa ng mahusay na pagsusuri.

Masasabing epektibong paraan ang social media sa pagbibigay-alam sa publiko

tungkol sa mga kaganapan sa lipunan sapagkat lahat ng klase ng impormasyon ay hatid

nito ngunit dapat tukuyin na ang balita na siyang makakatulong sa paghuhubog ng

opinyong pampubliko ay nagsimula kung kailan ginawa ng mga organisasyong pang-

media ang kanilang mga opisyal na social media account. Malinaw din na kailangan

timbangin ang klase ng balitang hatid ng social media at tukuyin na ang mga ito ay

pawang mga impormasyon na makapag-aambag ng panlipunang pagbabago.

45

IV. Pagpapahayag ng Tindig Gamit ang Social Media

Pigura 4

Tinanong din sa mga nagpartisipa kung sila ba ay aktibo sa pagpapahayag ng

kanilang tindig sa mga isyung kanilang nakikita sa social media. 53.3% sa kanila ay

aktibo sa pagpapahayag ng kanilang panig samantalang ang 46.7% naman ay hindi

aktibo. Sa kabila ng samu’t saring isyu na kinakaharap ng lipunan, masasabing marami

pa rin ang hindi ginagamit ang rekursong ito upang maipabatid ang kanilang tinig. Hindi

man social media ang tanging plataporma upang mag-ingay at magpahayag ng saloobin,

malinaw na isa itong mainam na espasyo kung saan epektibong makapaglulunsad ng

diskurso ang publiko dahil sa malayang gamit at lawak ng sakop nito. Mayroon na ring

social media pages at accounts ang ilang politiko, mga ahensiya ng gobyerno at mga

progresibong grupo na siyang higit na magpapadali ng talakayan ukol sa mga suliranin.

Ang diskurso o reklamo ng netizens ay madaling makarating sa mga accounts na ito lalo

pa kung marami ang mag-iingay at magpapalawig ng mga usapin sa social media.

Gayunpaman, malaking porsiyento pa rin ay pinipiling manahimik sa halip na gamitin

46

ang rekursong ito bilang oportunidad sa pagtukoy, pagpapalawig at pagsusuri sa mga

isyu.

A. Mga paraan ng pagpapahayag ng tindig ukol sa mga isyu sa lipunan

70% - Pag-post ng pahayag, larawan, video at iba pa

64.7% - Pag-react sa pahayag, larawan, video at iba pa

52.9% - Pagkomento sa pahayag, larawan, video at iba pa na iyong sinusuportahan

23.5% - Pagkomento sa pahayag, larawan, video at iba pa na iyong tinututulan

17.6% - Paglahok sa mga pagkilos/protesta na naorganisa online

Pigura 5

Tinutukoy ng Pigura 5 ang mga paraan ng netizens sa pagpapaabot ng kanilang

tindig sa mga kinakaharap ng lipunan. 70% ang nagpo-post ng pahayag, larawan, video at

iba pa ukol sa mga isyu, 64.7% ang nagre-react sa pahayag, larawan, video at iba pa,

52.9% ang nagkokomento sa pahayag, larawan, video at iba pa na kaniyang

sinusuportahan, 23.5% ang nagkokomento sa pahayag, larawan, video at iba pa na

kaniyang tinututulan at 17.6% ang lumalahok sa mga pagkilos o protesta na naorganisa

online.

Ang ilan sa mga nagpartisipa ay pumili ng higit sa isang paraan at ang pagpo-

47

post ang kanilang madalas na ginagawa bilang pagpapahayag ng kanilang panig (tignan

ang pigura 6 at 7). Sa lahat ng mga pinagpilian, ang paraang ito ang pinakamadaling

gawin sapagkat ang mismong social media user ang may kakayahan sa pagpili ng mga

bagay na kaniyang ilalathala sa kaniyang account. Nariyan pa ang paraan ng pag-share o

retweet sa mga post na mula sa iba pang netizens na sa tingin ng isang social media user

ay karapat-dapat palaganapin.

Naimbento na rin sa SNS ang pagbibigay ng reaksiyon (tignan ang pigura 8) sa

pamamagitan ng pagpili ng simbolong akma sa damdamin ng isang netizen tungkol sa

post na kaniyang nakita. Isa itong malikhaing tampok na aplikasyon sapagkat maaari

nang magpahayag ng saloobin ang publiko sa pamamagitan lamang ng pag-click sa

reaction button at malaki ang hatak nito dahil iba’t ibang reaksiyon ang maaaring

pagpilian. Ngunit gaya nga ng nabanggit ni Nacpil, hindi pa rin ito ang pinakamabisang

paraan ng paglalahad ng ideya sapagkat pagpapakita lamang ng emosyon ang mga ito at

hindi katumbas ng literal na mga pahayag. Ang pag-react ay tila isang limitadong paraan

ng pagbuo ng opinyon sapagkat hindi nito tahasang isinasalaysay ang paningin ng isang

tao.

Mapapansin naman na malaki ang lamang ng mga nagkokomento sa post na

kanilang sinusuportahan kumpara sa nagkokomento sa post na kanilang tinututulan. Ito

marahil ay dahil mayroong lakas ng loob na magkomento ang isang netizen sa pahayag

na kaniyang nais bigyan ng papuri dahil garantisadong maganda ang magiging resulta ng

komentong ito. Sa ganitong paraan, positibo ang kalalabasan ng diskurso sapagkat

binubuo ng magagandang pananalita ang kaniyang pahayag. Sa kabilang banda, ang

pagkomento sa post na kaniyang tinututulan ay maaaring magresulta sa negatibo o

48

magulong diskurso sa pagitan ng mga netizens lalo pa kung ang bawat panig ay gagamit

ng maling atake laban sa isa’t isa. Idagdag pa kung ang talakayan ay hindi

magpapalutang ng makabuluhang ideya o usapin at bagkus ay mananatili na lamang itong

mababaw na diskurso. Gayunpaman, naririnig at nasusuri ang iba’t ibang bersiyon

sapagkat hindi lamang nakatuon sa iisang opinyon ang takbo ng talakayan. Nagkakaroon

lamang ng problema sa ganitong uri ng diskusyon kung ito ay pagmumulan ng maling

pagsusuri.

Paglalahad ni Arao, napakahirap malaman kung alin ang tamang pagsusuri sa

maling pagsusuri lalo na sa akademya kung saan namamayani ang post modernism na

mayroong pagtingin sa pluralidad at naninindigan na walang dapat panigan sa pagitan ng

tama at mali at sa halip ay pakinggan na lamang ang magkakaibang ideya. Ang mga hindi

pagkakasundo sa mga bagay-bagay ay dahil sa ito ay minsang sinusuri sa panahon ng

post modernism. Ang napakaraming opinyon o selebrasyon ng pagkakaiba ang nagiging

dahilan kung bakit may potensiyal ang social media na maging isang magulong

plataporma. Subalit, kung ganoon ang magiging balangkas ng pagsusuri, hindi

magaganap ang makabuluhang pagbabago na ninanais ng maraming tao dahil mapapako

na lamang ang publiko sa pagtingin na “walang tama o mali, basta ang isang tao ay may

opinyon.” Hindi ito usapin tungkol sa karapatan ng bawat isa na magpahayag ng sarili

niyang saloobin subalit dapat na bigyang-diin na mayroong mga opinyon na mas

mahalaga kaysa sa iba at ito ang mga opinyon na batay sa pagsusuri ng lipunan at sa

malinaw na pagtindig sa kung ano ang tama at patas. Ngunit marahil ay dahil sa umuubos

ng oras at pasensiya ang mahabang eksplanasyon, hanggang opinyon na lamang ang

madalas na tinitignan (Arao, 2017). Ang mga nabanggit ni Arao ay may koneksiyon sa

49

pagkakaroon ng tunggalian sa diskurso ng netizens sa pagpapalitan ng ideya at saloobin.

Makikita rin na napakaliit lamang ng bilang ng mga lumalahok sa mga pagkilos

kahit pa ito ay naorganisa na sa social media kung saan madalas nakababad ang publiko.

Malaking bahagi ng populasyon ay kontento na sa pag-alam at pakikilahok sa diskursong

nagaganap sa internet at hanggang doon na lamang ang kanilang partisipasyon. Maaari

din naman na ang dahilan ng limitadong partisipasyon na ito ay ang napakababaw na

pagkamulat na hatid ng social media kung kaya naman mahina ang ahitasyon at hindi

nagbubunsad ng aktibismo at pakikiisa sa mga pagkilos. Ayon nga kay Palatino,

napakaepektibong plataporma ng social media sa paghahatid at pagpapalaganap ng

impormasyon subalit kung pag-uusapan ang pag-aangat ng kamalayan ay depende sa

kung paano ito pinoproseso ng netizens. Sa panahon kung kailan napakadali at

napakabilis tukuyin ang tamang impormasyon sa maling impormasyon, isang

kabalintunaan na napakarami sa mamamayan ang hindi alam kung alin ang mahalagang

detalye sa hindi mahalaga. Napakaraming bagay ang araw-araw na nakikita sa internet

kaya naman nahihirapan ang publiko na tukuyin kung alin sa mga ito ang dapat

pagtuunan ng pansin. May iba’t ibang mobilisasyon man ang naoorganisa sa social

media, hindi pa rin lubusang nauunawaan ng publiko ang layunin ng mga ito kaya naman

napakaliit na bilang lamang ng netizens ang dumadalo rito. Idagdag pa na ang ilang

social media users ay konektado lamang sa piling mga tao na malalapit sa kanila at ang

tendensiya ay ang pagkakaroon lamang ng iisang linya ng diskurso sa pagitan ng mga ito.

Kung ang koneksiyon ay nakukulong lamang sa isa’t isa, maliit ang tiyansa na

magkaroon ng puwang para sa mga progresibong ideya na nagmumula sa labas ng

kanilang sirkulo.

50

B. Ilang espasyo sa social media kung saan maaaring magpahayag ng tindig

Pigura 6

Pigura 7

Pigura 8

51

Ang pigura 6 at 7 ay ang mga espasyo sa FB at twitter kung saan maaaring

magpahayag ng opinyon, ideya o saloobin ang isang social media user. Samantalang

pinapakita naman sa pigura 8 ang mga paraan upang makapagpahayag ng reaksiyon ang

netizens ukol sa mga posts na kanilang nakikita. Maaari silang mag-like o react upang

maipabatid ang kanilang pagkagusto o pagkadismaya. Subalit ayon nga kay Nacpil, ang

reaction button ay hindi maituturing na mainam na batayan ng pulso ng publiko kung

ikukumpara sa pagpapahayag gamit ang mga salita sapagkat pawang mga imahen lamang

ang mga ito at hindi tuwirang nagpapahayag ng mga ideya. Samantala, nariyan naman

ang comment section upang maipaabot ang mga bagay na nais bigyang diin at

nagsisilbing puwang sa pagsisimula ng diskusyon. Ayon pa rin kay Nacpil, nakadepende

ang daloy ng diskurso sa netizens na magkaka-konekta sa social media sapagkat sa isa’t

isa magmumula ang lalamanin ng talakayan kaya naman magagamit lamang nang

mahusay ang comment section kung ang netizens ay bukas sa malalim na pagsusuri.

Maaari din mag-share o retweet (sa kaso ng twitter) ng post na nais nilang ipabatid sa iba

pang social media users at isa itong paraan upang maging viral o sikat ang social media

post na ito. Ang pagiging viral ng isang post ay nangangahulugan na mainit itong pinag-

uusapan sa social media at maaaring tungkol ito sa isang seryosong bagay na may

kinalaman sa malaking bahagi o sa maraming aspeto ng lipunan. Subalit, maaari din

naman na ito ay hindi gaanong mahalaga ngunit nakakapukaw ng atensiyon.

Mapapansin na ang netizens ay madaling nahuhumaling sa mga pinag-uusapan o

viral posts sa social media. Paliwanag ni Arao, ang virality ay nakadepende sa dami ng

komento, like, share, rt, at iba pa ngunit walang malinaw na pormula kung ano ang

katangian ng isang teksto, video o larawan para ito ay maging viral. Mapapansin na ang

52

karaniwang katangain nito ay una, nakakatawa. Ang isang bagay na nakakatawa ay

mabilis na kumakalat sa internet. Ikalawa, maaaring ito ay dahil sa selebrasyon ng

“katangahan” kung saan ang mga video, larawan o teksto ay nagpapakita ng mga

pagkakamali na kung iisipin ay tila napakasimpleng bagay lamang upang hindi magawa o

maipahayag nang tama. Ikatlo ay yaong mga bagay na nakakagalit kung saan

napapalutang ang mga anomalya o mga kamaliang nagaganap sa lipunan.

Gayunpaman, mapapansin na kung alin ang mga mabababaw na bagay ay yaon pa

ang mas nangingibabaw sa usapin ng virality kaya naman ang puntong dapat bigyang-

pansin sa bawat post ay ang konteksto o ang pinanggagalingan ng mga ito.

Nangangailangan ng malalimang pagsusuri sapagkat nagiging “mababaw” ang pagtingin

ng maraming social media user dahil ang mismong plataporma at lalo na ang mga post

ng maraming tao ay nakapanghihikayat ng pagpapababaw ng diskurso. Halimbawa nito

ay ang meme ukol kay Princess Sarah na ang diskurso lang ay pagbabalat ng patatas at

kung titingnan, nagiging nakakatawa lamang ito hindi dahil sa teksto kung hindi doon sa

pinagsamang larawan at teksto kaya naman nagiging mababaw na rin ang pamantayan ng

kung ano ang nakakatawa.

53

KABANATA IV – ILANG MGA PAKSA NG DISKUSIYON SA

SOCIAL MEDIA

I. Ang Popularidad ni Rodrigo Duterte sa Social Media

Sa usapin ng politika, hindi rin mawawala ang papel ng media at ito ang

nagsisilbing espasyo upang mapadali ang pagkamit ng mga politiko at mga

makapangyarihang grupo ng kanilang interes. Ang patuloy na paglakas ng hatak ng

media sa lipunan ay nagiging instrumento upang ang popularidad ng isang kandidato ay

maging dahilan ng pagbibigay ng suporta ng masa (Pertierra, 2012). Ang mga

personalidad na malimit itampok dito ay nakakalikom ng mga tagasubaybay at siyang

nagiging tagasuporta nila sa pagpasok sa politika.

Pahayag ni Palatino, hindi na sapat na bigyan lamang ng tulong pinansiyal,

serbisyo, at iba pang klase ng suporta ang publiko sapagkat naghahangad na rin ang mga

ito ng impormasyon mula sa mga kandidato. Kinakailangan nilang makarinig at

makasaksi ng kuwento o pahayag mula sa mga politiko at ito ang nagiging susi sa

pagbibigay ng kanilang suporta. Upang magawa ito, kinakailangan ang media upang

magsilbing koneksyon sa pagitan ng mga kandidato at botante. Madalas ay pinapaulanan

ng labis na impormasyon ang publiko at umaabot na rin sa punto na hindi na nito

matukoy kung alin ang mga dapat pahalagahan sa mga hindi kaya naman kung dati, ang

problema ay kawalan ng impormasyon, ngayon naman ay labis-labis na impormasyon sa

araw-araw. Ang mga impormasyong ito ay ginagawang kasangkapan sa politika upang

makamit ang inaasam na posisyon at kapangyarihan. Dahil dito, masasabing parte na ang

estratehiyang ito sa kalakaran sa politika na higit pang napapalawig sa tulong ng media.

54

Sa ngayon, patuloy nang nararamdaman ang epekto ng media lalo na ng social media

bilang paraan ng pagsusulong ng propaganda.

55

A. Ang social media bilang makinarya sa pangangampanya

Noong nakaraang 2016, naganap ang tinagurian ng karamihan bilang kauna-

unahang “social media election” kung saan ang social media ay naging instrumento ng

mga kandidato para sa libreng promosyon, pagbigay-diin sa kanilang adbokasiya,

paglathala ng kanilang pahayag at talumpati at malawigang pagpapaabot ng kanilang

mensahe sa publiko. Bago pa man ang eleksyon, ginamit na ang social media sa

pagpapalutang ng mga isyung dapat tutukan ng mga kandidato at bilang tugon, kaliwa’t

kanang online campaigns ang kanilang inilunsad (Buenaobra, 2016). Dahil sa siya ang

nangungunang kandidato sa mga sarbey noong panahon ng kampanya, hindi maitatanggi

na si Rodrigo Duterte rin ang pinakapopular na kandidato noon sa social media. Ayon sa

ginawang pag-aaral nina Marasigan noong 2016, lumalabas na si Duterte ang may

pinakaepektibong online campaign. Ang mga pamantayang kanilang ginamit ay kung ang

mga kandidato ay nagagawang kumonekta sa publiko at nakapagpapaabot ng kanilang

mensahe online. Matutukoy ito kung ang kanilang mga posts ay nakakakuha ng

maraming like, share, comment at following at kung ito ay aktibo sa pagsagot sa mga

komentong inilalathala sa kanilang social media account/page.

Pigura 9 – Mula sa sarbey na ginawa nila Marasigan (2016)

56

Matatandaang sinabi ni Duterte sa kaniyang mga talumpati na wala siyang sapat

na pera at makinarya upang manalo sa halalan at hindi man lamang pumapantay sa

pinansiyal na katayuan ng kaniyang mga kalaban subalit sa pamamagitan ng social media

ay nagkaroon siya ng oportunidad na direktang makipag-ugnayan sa masa, maihatid ang

kaniyang mensahe, at sa proseso ay makalikom ng mga tagasuporta.

Ang pag-angat ni Duterte ay maiuugnay rin sa komposisyon ng populasyon

sapagkat napakaraming Pilipino ang aktibo sa social media at malaking bahagi nito ay

ang kabataan na bumubuo sa 46% ng mga rehistradong botante. Sabi ni Ramon Osorio,

malaki ang magiging epekto ng social media sa pagboto ng kabataan sapagkat ito ang

klase ng media na gusto nila at dahil malaking bahagdan ng botante ay binubuo ng mga

ito, ang pangangampanya gamit ang social media ay isang mabisang hakbang. Dagdag pa

ng mga propesyonal ayon pa rin sa pag-aaral nila Marasigan, ang kampaniya ni Duterte

ay pinangunahan ng mamamayan. Matatandaan na nakiusap ito sa publiko na sila ang

magsilbing kaniyang tagakampanya sa kadahilanang siya ay walang pera at makinarya at

iyon na nga ang kanilang ginawa. Ang mga tagasuportang ito ang namahala sa kaniyang

social media account/page at sila mismo ang masigasig na bumuo at nagpalaganap ng

lalamanin nito. Sa tuwing mayroong pag-atake sa kaniyang pagkatao, ang kaniyang mga

tagasuporta lalo na ang mga aktibong social media users ang pangunahing sumasagot at

humaharap sa mga batikos. Sa madaling sabi, hindi lamang ang grupong kaniyang

itinalaga upang maging boses sa social media ang tumitindig para sa kaniya kung hindi

nakalikom din siya ng napakaraming followers upang mangampanya.

Ang mga kuwento tungkol kay Duterte na pinapalutang at pinapakalat online ay

ilan sa mga bagay na nagtulak sa publiko na tingnan siya bilang isang simpleng tao.

57

Mahusay na estratehiya ang ganito sapagkat itinuring si Duterte bilang kaisa ng

mamamayan, isang bagay na hinahangaan sa isang politiko. Dagdag pa, karamihan sa

mga kuwentong ito ay madaling i-share at higit sa lahat, madaling basahin at intindihin

lalo na para sa karaniwang Pilipino. Ang mga kuwentong ito ay naghikayat sa marami na

siya ay “magustuhan” kahit pa hindi nila siya sinusuportahan (Marasigan, 2016). Dahil

dito, lumawak pa ang naabot ng kaniyang katanyagan at tuluyan niyang

napagtagumpayan ang paglikom ng suporta lalo na sa mundo ng social media.

Ang napakalaking suportang ito ay bunsod na rin ng epektibong pangangampanya

sa social media na binubuo ng tatlong kasangkapan – ang nilalaman, ang pagiging totoo,

at ang pagpili ng madla (Marasigan, 2016). Una, ang nilalaman ng mensahe ay

kailangang maging malinaw nang sa gayon ay madaling makakonekta ang mamamayan

at nakapaloob dito ang pagtalakay sa hinaing ng mga tao. Matatandaan na ang pagsugpo

sa droga at kriminalidad ang pangunahing ipinaglalaban ni Duterte at tunay nga namang

tumatak sa publiko ang pangako niyang pagbabago sa lipunan. Hindi gaya ng malalim at

komplikadong pagtalakay ng ekonomiya at politika, nakasentro sa pang-araw-araw na

isyu ng ordinariyong Pilipino ang pinagtuunan niya ng pansin at isa itong magandang

paraan upang mapukaw ang atensiyon ng simpleng mamamayan. Ikalawa, kailangang

maipakita ang tunay na pagkatao ng kandidato at madaling mapalutang sa social media

ang natural na pag-uugali ng mga ito sa pamamagitan ng pag-post ng teksto, larawan,

video o maging ng meme tungkol sa kanila. Sa lahat ng kandidato noong 2016, walang

duda na si Duterte ang nagpakita ng totoong pagkatao. Ang kaniyang kontrobersiyal na

pananalita at walang prenong mga pahayag ay nasubaybayan ng madla kahit pa ito ay

humaharap sa mga pormal na pagtitipon. Hindi rin ito napigilan sa pag-amin ng kaniyang

58

kakaiba o marahas na istilo ng liderato sa Davao at tahasang sinabi na ito rin ang plano

niyang ipatupad sa bansa kung papalarin na manalo. Maging ang kaniyang personal na

buhay ay naging bukas sa publiko sapagkat hindi naging lihim ang pagkakaroon niya ng

dalawang asawa at pagiging malapit sa kababaihan. Ang mga katangiang ito ni Duterte ay

tugmang-tugma sa entablado ng social media sapagkat ito ay dinisenyo bilang isang

malayang plataporma. Ang kaniyang pagpapakatotoo ay maluwag na tinanggap ng

marami sa kabila ng kaniyang hindi pangkaraniwang asal at pagiging malayo sa

napakapormal na kandidato na siyang inaasahan sa isang lider. Ikatlo, ang mensahe ay

kailangang maipaabot sa madla sa pinakaepektibong paraan. Sapagkat sa social media

makikita at mararamdaman ang napakalaking hatak ni Duterte, masasabing ang kabataan

ang bumubuo sa pinakamalaking bahagi ng kaniyang mga tagatanggap bilang sila ang

pangunahing gumagamit ng social media. Ang kampanyang ito ay napakaepektibo dahil

mabilis naging viral ang mga video, larawan at posts tungkol sa kaniya kaya naman

tuluyang lumawak ang naabot ng mga ito.

59

B. Ang mga tagasuporta at “social media warriors” sa likod ni Rodrigo Duterte

Sa ginawang pag-aaral ni Maria Ressa ng Rappler, napatunayan niya na si Duterte

lamang ang kandidato na lubusang sineryoso ang paggamit sa social media. Ayon nga

kay Nic Gabunada na kaniyang social media strategist, ito ay dahil wala silang sapat na

pondo at makinarya na panggastos sa patalastas sa telebisyon, radyo, dyaryo, billboards

at iba pa. Sila ay lumapit sa iba’t ibang social media groups upang makapag-organisa ng

paraang gagamitin sa kanilang kampanya at nagtalaga ng mga tagapamahala sa bawat

bahagi ng bansa na siyang mangunguna sa kampanyang ito at mayroon ding mga grupo

na nakatalagang makipag-ugnayan sa mga OFW. Noong kasagsagan ng kampanya,

bumubuo sila ng mensahe kada linggo at ito ang siyang ipinapakalat online at ang mga

tagapamahala ang may responsibilidad na maipabatid ito sa kanilang sirkulo. Sila na rin

ang naatasang ilatag ang mensaheng ito sa pinakaepektibo at pinakakaaya-ayang porma

para sa netizens.

Pigura 10 – Isang halimbawa ng online app para sa kampanya ni Duterte

60

Sa tulong ng OFW, naging posible ang pag-andar ng makinarya ni Duterte sa loob

ng 24 oras sapagkat iba’t iba ang time zone ng mga bansa (Lamble at Mohan, 2016). Ang

pagkasangkapan sa teknolohiya upang isalamin ang mga plataporma at programa ni

Duterte ay angkop para sa netizens sapagkat hindi lamang sila naliliwanagan sa mga

plano ng kandidato kung hindi nakapagdulot din ito ng aliw halimbawa na lamang ng

pigura 10, na siyang susing salik ng social media. Sa paraang ito, kahit na yaong mga

hindi sumusuporta kay Duterte subalit mahilig sa online games o apps ay naengganyong

bisitahin at laruin ang aplikasyong ito. Maaaring kalaunan, ay nahikayat na rin ang ilan sa

mga ito na sumapi sa kampo ni Duterte.

Dumulog din ang social media team ni Duterte sa maiimpluwensiya at kilalang

personalidad lalo pa yaong mga nakikiisa sa mensahe ng kaniyang kampanya. Isa sa mga

ito ay ang artistang si Mocha Uson na ang ama ay napatay dahil sa kriminalidad. Siya ay

boluntaryong sumapi sa Duterte team at siyang pinakakontrobersiyal na tagasuporta dahil

sa pagkakaroon niya ng Mocha Uson blog na may higit apat na milyong tagasubaybay.

Siya at ang kaniyang grupo ay lumikha ng awitin para sa kampanya ni Duterte at ang mga

video at larawan na kuha mula sa mga campaign rally ay kaniyang ipinaskil sa kaniyang

blog. Paglalahad ni Mocha, sa pamamagitan lamang umano ng social media nakita ng

mga Pilipino kung gaano karami at kalakas ang suporta para kay Duterte sapagkat hindi

naman ito itinatampok sa tradisyonal na media. Nasa 20 hanggang 30 posts ang ginagawa

ni Mocha kada araw sa kaniyang blog at marami sa mga ito ay personal na kuwento

umano ng karaniwang Pilipino (Lamble at Mohan, 2016).

61

Pigura 11- Sreen shot ng Mocha Uson blog sa fb

Mapapansin na umakyat na sa higit limang milyon ang tagasubaybay ng Mocha

Uson blog kumapara noong kasagsagan ng kampanyahan na mayroon lamang apat na

milyong tagasubaybay. Napansin ni Ressa na ang isang aspeto ng makinarya ni Duterte

ay ang patuloy na pagtakbo ng kaniyang mga social media account/page kahit pa tapos

na ang eleksyon at kasalukuyan na itong nakaupo bilang pangulo. Ang estratehiya ng

kaniyang kampanya ayon kay Ressa, ay nagtulak sa marami na baguhin ang kanilang

pananaw sa politika at ilang personal na paniniwala na siyang nagpatuloy sa mga unang

buwan ni Duterte sa puwesto. Sa ginawang pag-imbestiga ng Rappler, kanilang natukoy

na ang samahan ng mga tagasuporta ni Pangulong Duterte ay tila gumagawa ng mga

pekeng balita, impormasyon, accounts, websites at maging trolls o yaong mga

naghahanap ng away o pinagmumulan ng hindi pagkakaintindihan sa internet. Sa tingin

ni Ressa, ang mga ito ang kinakasangkapan ng panig ni Duterte upang pigilan ang

62

publiko na maghayag ng kanilang sariling opinyon o sumalungat sa pamamalakad ng

administrasyon. Ang paraang ito ay maihahalintulad sa weaponization of social media ni

Thomas Nissen na nagpapakita ng balangkas kung paano hinuhubog ng social media ang

politika at naghuhudyat din sa tunggalian ng mga ideya. Sabi nga ni Ressa, ang nakikita

umano sa social media ay isang konstruksiyon ng realidad kung saan ang mga

tagasuporta ni Duterte ang pangunahing may akda. Ang kakaibang istilo ng pangulo ang

siyang ginamit na paraan upang palakasin ang suporta rito sa pamamagitan ng

paglalarawan sa kaniya bilang isang nagpapakatotoong politiko na siyang susi sa tunay na

pagbabago.

Pigura 12 – Imahen mula sa twitter

63

Sabi nga ni Nacpil, malaki ang epekto nito sa mga tagasubaybay ng social media

accounts ni Duterte sapagkat napakadali para sa mga tagapamahala na paikutin o

manipulahin ang mga mensahe nito upang makalikom ng suporta o malihis ang mga tao

sa pagpuna sa mga pagkakamali ng pangulo. Bagamat karapatan ng lahat ang

pagkakaroon ng kaniya-kaniyang tindig at mainam din na maging bukas sa iba’t ibang

panig, maaari itong maghudyat ng maling pananaw sapagkat ang panig ni Duterte ay

tahasan sa pagbibigay ng suporta sa lahat ng kaniyang hakbangin dahil lamang sa gusto

nila ang pangulong ito. Maaari itong magresulta sa bulag na pagsunod kung saan pikit-

mata na lamang ang publiko sa mga desisyon ng pamahalaan sa halip na maging kritikal

at patas sa pagtingin sa umiiral na pamamalakad. Ang ganitong asal ng mga tagasuporta

ni Duterte kagaya na lamang ni Mocha Uson ay masasabing normal lamang sapagkat

mayroong tendensiya ang bawat isa na sumang-ayon sa mga gawain ng kung sinoman

ang kaniyang sinusuportahan ngunit mayroon din namang kritikal ang pagsuporta.

Halimbawa nito ay ang mga maka-kaliwang grupo na masasabing mayroong magandang

relasyon sa ngayon sa kasalukuyang administrasyon bagamat nagiging kritikal ito sa

maraming bagay tulad ng extrajudicial killing (EJK), impunidad at ang pabago-bagong

desisyon ng pangulo sa usapin ng independent foreign policy. Kung babalikan ang Mocha

Uson blog at iba pang Duterte accounts, bagamat malaki ang kanilang impluwensiya at

marami silang tagasubaybay, hindi inaasahan ang malalim na pagsusuri mula sa kanila

sapagkat ang pagiging aktibista ng mga taong ito ay hindi naman gaaanong malalim

bagamat ang pagiging kaisa nila sa mamamayan ay hindi matatawaran (Arao, 2017).

64

C. Si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kaniyang administrasyon sa mata ng

ilang netizens

Tinanong ang mga lumahok sa pag-aaral kung anong klase ng detalye patungkol

kay Pangulong Duterte ang madalas nilang makita sa social media at kapansin-pansin ang

pagiging halos dikit ng dalawang magkatunggaling kasagutan ngunit makikita rin na 27

sa 30 lumahok sa pag-aaral ang nakapagbabasa ng balita tungkol sa pangulo. Kaliwa’t

kanang impormasyon man ang hatid ng social media, mayroon pa ring ilan na hindi

pinagtutuunan ng pansin ang mga bagay na ito.

Pigura 13

Sa 27 kataong nagsabi na sila ay nakakapagbasa ng balita tungkol sa pangulo,

37% ang madalas makakita ng bagay na tumututol o tumutuligsa sa kaniya, 33.3% ang

madalas makakita ng mga bagay na sumusuporta sa kaniya, 25.9% ang madalas makakita

ng mga bagay tungkol sa kaniyang mga programa at polisiya habang 3.7% naman ay

madalas makakita ng mga bagay tungkol sa kaniyang personal na buhay.

Makikita na bokal ang publiko sa kanilang opinyon tungkol sa pangulo at isang

daan ang social media upang maipaabot ang kanilang mga saloobin. Subalit, sa pagiging

halos pantay ng suporta at batikos sa pangulo, tila nagsisilbing espasyo ng tunggalian ang

65

social media ng mga tagasuporta at bumabatikos sa kaniya. Kabi-kabilang argumento

tungkol sa istilo ng pangulo ang dumadagsa sa internet. Ang panig ng mga kumokondena

at panig ng mga sumusuporta ay pilit na itinutulak ang kanilang sari-sariling katuwiran

patungkol sa kung bakit sila ang dapat manaig sa diskusyon.

Ang mga maka-Duterte o Ka-DDS (popular na tawag sa mga sumusuporta sa

pangulo) ay walang maliw ang paghila sa pangulo pataas upang iangat ang kaniyang

reputasyon at pabanguhin ang kaniyang pangalan. Ang kanilang atake sa mga diskusyon

ay madalas walang pinanggagalingan o walang materyal na dahilan at bagkus, ang

tanging hangarin ay ilagay sa pedestal ang pangulo at itulak ang iba na suportahan ito.

Mapapansin din sa pigura 14 na kahit ang mga bagay na kapuna-puna sa pag-uugali ng

pangulo ay napapaikot ng mga Ka-DDS upang magamit bilang bentahe ng pangulo kaya

naman kung titingnan, nagiging katanggap-tanggap na lamang ang hindi angkop na asal

nito.

Pigura 14 – Imaheng nakuha mula sa FB

66

Sa kabilang dako naman, ang mga tumutuligsa sa istilo ng pangulo ay madalas na

pagkaisahan ng mga tagasuporta nito at binabansagan din bilang mga “dilawan” o yaong

mga kakampi ng partido Liberal na kinabibilangan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Ang dalawang rehimen ay pilit pinagkukumpara kung saan ang mga miyemebro ng

“magkatunggaling” panig ay naglalamangan sa mga napatunayang programa. Ang mga

pagkakamali ng nagdaang administrasyon ay sinisingil ng mga Ka-DDS habang

ipinamamayagpag ang pagbabagong nakamit umano sa ilalim ng kasalukuyang pangulo.

Pigura 15 – Imaheng nakuha mula sa twitter

67

Makikita na ang diskusyon sa pagitan ng mga netizens patungkol sa pangulo ay

nauuwi sa personal at mababaw na pag-atake. Ang daloy ng diskurso ay nakatuon sa

pagpapabango ng pangalan sa halip na suriin ang takbo ng kaniyang panunungkulan. Ang

25.9% na nagbabasa tungkol sa mga programa ng pangulo ay napakaliit kung

ikokonsidera ang oras na iginugugol sa social media ng mga nagpartisipa. Nananatiling

nakakulong ang marami sa publiko sa bakas ng nakaraang rehimen at pilit itinatapat ito sa

kasalukuyang pamahalaan. Nagsisilbing armas ang social media para sa mga Ka-DDS sa

pagpapalaki ng mga isyung kaugnay si Pangulong Duterte at linangin ang mga ito sa

paraang magiging kahali-halina ang imahen ng pangulo. Kanila ring nagagamit ang mga

naging pagkukulang ni dating Pangulong Aquino upang palitawin ang tagumpay ng

kasalukuyang namumuno. Sa panig naman ng mga tumutuligsa sa Pangulong Duterte,

madalas din ungkatin ang nakaraang rehimen at ang kaibahan nito sa kasalukuyang

pamamalakad. Nagkalat ang mga pasaring sa mga hindi makatarungang desisyon at

polisiya ng rehimeng Duterte na siyang pumapaloob sa diskusyon.

Bagamat may katwiran ang magkaparehong panig sapagkat ang dalawang

administrasyon ay mayroong malaking pagkakautang sa bayan, tila ibinabase lamang ang

pagsusuri sa politikal na kulay at oriyentasyon. Kung ganito ang magiging takbo ng pag-

iisip ng publiko, hindi kailanman magiging makabuluhan ang pagsusuri sa lipunan

sapagkat nakukulong ang mamamayan sa dalawang “nagtutunggaling” panig sa halip na

ang masa ang maging sentro ng talakayan. Hindi tama na umikot lamang ang diskurso sa

mga politikal na grupo at personalidad sapagkat kung ganito ang magiging kalakaran,

hindi mabibigyang-diin ang pamamalakad ng pamahalaan na siyang mas karapat-dapat

pagtuunan ng pansin sapagkat ito ang humuhubog sa lipunan.

68

II. Ang Naging Papel ng Social Media sa Paglilibing kay

Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani

Nagpuyos ang mamamayan sa naging desisyon ng Korte Suprema na

pahintulutan ang paglilibing sa dating diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng

mga Bayani. Ang pagtutol dito ay dinaan sa iba’t ibang paraan at isa na rito ay sa

pamamagitan ng social media. Binigyang-boses ng platapormang ito ang mga Pilipinong

nais na magpaabot ng kanilang tindig ukol sa paglilibing na naganap. Nagpahayag ng

sari-sariling opinyon ang netizens at sinariwa ang samu’t saring anomalya, laganap na

kriminalidad at kabi-kabilang paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng

diktaturyang Marcos. Si Pangulong Duterte na suportado ng pamilya Marcos ay nagbigay

ng pahintulot sa paglilibing na ito sa kadahilanang ang yumaong diktador ay naging

Pilipinong sundalo diumano. Ilan sa mga kilalang personalidad na naghayag ng kanilang

pagtutol ay sina Bise Presidente Leni Robredo at ang aktibista at biktima ng karahasan sa

ilalim ng administrasyong Marcos na si Bonifacio Ilagan (BBC, 2016).

Pigura 16 – Twitter post ni Bise Presidente Robredo na nakuha mula sa BBC website

69

A. Ilang mga netizens na nagpakita ng kanilang pagkadismaya sa paglilibing

Pigura 17- Twitter post na nakuha mula sa Rappler website

Pigura 18- Twitter post na nakuha mula sa Sunstar website

Pigura 19- Twitter post na nakuha mula sa Sunstar website

70

Nanguna at naging mainit na paksa sa twitter ang #MarcosNOTaHero at ang

palihim na paglilibing na naganap noong Nobyembre 18, 2016 (Jarloc, 2016).

Ipinagdiinan ng publiko na sa kabila ng paglilibing na ito ay hindi pa rin mabubura ang

kasalanan ng diktador sa bayan at sa mga Pilipinong biktima ng karahasan. Para sa

marami, isa rin itong insulto sa iba pang mga nakalibing sa LNMB na nagbigay ng

karangalan sa bayan upang maihanay ang diktador sa kanilang himlayan. Bilang

pagpapahayag ng pagkondena, maraming twitter at FB users ang nagpalit ng itim na

profile photo.

Pigura 20 – Nakuha mula sa Rappler website

Pigura 21 – Nakuha mula sa Rappler website

71

B. Ang social media bilang entablado ng aktibismo

Napakalakas ng ingay na ginawa ng netizens bilang pagtutol sa nangyaring

paglilibing at mapapansin na kahit mga sikat na personalidad ay nakiisa rin sa pagkilos na

naganap sa social media. Wala ring edad ang naging hadlang upang magpahayag ng

kanilang tindig sa isyung ito at marami sa mga kabataan ay naglakas-loob na makialam.

Kaniya-kaniyang post ang mamamayan tungkol sa kanilang pananaw at kung bakit isang

malaking kahihiyan para sa bansa ang nangyaring paglilibing. Gamit ang social media

walls bilang espasyo ng pagsasalarawan ng kasalanan ng yumaong diktador, marami ang

nagbalik-tanaw sa panahon ng Batas Militar at nagpatunay kung bakit hindi ito karapat-

dapat sa marangal na paglilibing. May ilang netizens din na mahusay na pinuna ang

kawalang-hustisya ng desisyong ito ng Korte Suprema.

Pigura 22 – Larawan ni Imee Marcos na nagbubunyi at

larawan ng isang biktima ng Batas Militar (Nakuha mula sa wheninmanila website)

72

Pigura 23 – Nakuha mula sa wheninmanila website

Sa kabila ng malikhaing paraan ng paglalahad ng opinyon, hindi pa rin

matatawaran ang hinagpis ng mamamayan sa pagsasawalang-bahala sa kasaysayan. Sa

kabilang banda, binanggit ni Arao na dapat maging malinaw ang usapin ng papel ng

social media sa paglilibing na ito sapagkat bagamat marami ang tumututol, mayroon din

naman na sumasang-ayon. Bago pa man ang kampanyahan noong 2016, may ginagawa

na umanong hakbang ang kampo ni Marcos upang sariwain ang Batas Militar at itaguyod

ang mga “naiambag” ni Ferdinand Marcos at mapapansin na pinapalaganap na ang

kabutihan diumano ng kaniyang administrayon sa pamamagitan ng mga video sa youtube.

Nariyan din ang paghahanda ni Bongbong Marcos sa pagtakbo bilang president noong

una subalit nang makita niya ang realidad na tila bigatin ang mga tumatakbo sa

pagkapangulo ay pumayag itong maging katambal ng yumaong si Sen. Miriam Defensor-

Santiago. Dito, makikita na talagang mayroong planong bumalik sa kapangyarihan ang

mga Marcos at higit pa itong pinaigting ng naganap na paglilibing. Maituturing na

mahalaga ang papel ng social media na naging daluyan ng impormasyon subalit hindi

dapat kalimutan ang naiambag ng dominanteng media sapagkat mayroong mga

mamamayang walang akses sa internet kaya naman ang mga impormasyon ay kanilang

nalaman sa pamamagitan ng telebisyon, diyaryo at radyo (Arao, 2017).

73

C. Protesta mula sa social media patungo sa kalsada

Para kay Pangulong Duterte, ang paglilibing sa diktador na si Ferdinand Marcos

sa Libingan ng mga Bayani ay ang katuparan ng kaniyang pangako noong panahon ng

kampanya na siya umanong pagmumulan ng pambansang paghilom subalit hindi ganito

ang kaso para sa marami. Malawakang protesta ang inilunsad sa iba’t ibang panig ng

bansa upang ipakita ang kanilang pagtutol sa naganap na paglilibing at kung dati ay sa

social media lamang nararanasan ang mga ingay na ito, tuluyan nang nagpasya ang

publiko na kumilos at magprotesta. Sa pag-oorganisa ng Campaign Against the Return of

the Marcoses in Malacañang (Carmma), halos 20, 000 katao kabilang ang mga naging

biktima ng rehimeng Marcos, mga estudyante, manggagawa at iba pa ang nagtipon-tipon

sa Luneta upang mag-protesta noong Nobyembre 25, 2016 na siyang tinaguriang

National Day of Rage and Unity. May mga kasabay na pagkilos din na naganap sa

maraming bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.

Pigura 24 – Mobilisasyon sa Tuguegarao bilang protesta sa Marcos burial

(Nakuha mula sa rappler website)

74

Pigura 25 – Imbitasyon sa protesta laban sa Marcos burial (Nakuha mula sa Rappler website)

Makikita ang naging papel ng social media hindi lamang bilang espasyo kung

saan nakapagpahayag ng tindig at galit ang publiko sa naganap na paglilibing kung hindi

maging sa pag-oorganisa ng mga protesta. Hindi lamang nalimitahan sa internet ang

nagpupuyos na galit ng mamamayan at bagkus ay ipinagpatuloy ito hanggang sa mga

kalsada sa pamamagitan ng mga programa at sama-samang pagkilos. Ayon nga sa

Carmma, ang mga pagkilos na ito ay naorganisa upang ipahayag ang kolektibong

pagtutol at galit ng publiko at patunay din ito na hindi natatapos ang laban sa paglilibing

kay Marcos sa LNMB. Ang mga isinagawang programa ay nagsilbi bilang pang-

edukasyon at kultural na kaganapan na nagtipon-tipon sa mga mamamayan mula sa iba’t

ibang henerasyon at magkakaibang antas ng lipunan na mayroong iisang hangarin – ang

75

pagkamit sa tunay na pagbabago. Layunin din nito na kondenahin ang alyansa ni Pang.

Duterte sa pamilya Marcos na siyang nagsisilbing tulay sa rehabilitasyon ng pangalan ng

mga Marcos at naghuhudyat ng pagbabalik sa kapangyarihan ng pamilyang ito. Mithiin

din ng mga protesta na panagutin ang Korte Suprema sa kanilang desisyon na isang

malaking insulto at panghahamak sa mga naging biktima ng diktaturya at sa tila pagbura

sa mga kasalanan ng yumaong diktador (Pasion, 2016).

Pigura 26 – Protesta sa Luneta (Nakuha mula sa Rappler website)

Makikita sa pigura 26 ang pangunguna ng kabataan sa protesta sa Marcos burial

at marami sa mga ito ay mga estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad.

Ayon kay kay Rep. Sarah Elago ng Kabataan Partylist, nais ng mga grupo ng kabataan

na panagutin ang Pangulo hindi lamang sa rehabilitasyon ng imahen ni Marcos kung

hindi maging sa patuloy na pasismo sa bansa. Pagsasaad ni Elago, ang paglilibing na ito

ay hindi lamang insulto sa kasaysayan at pagpupunyagi ng mga Pilipino mula sa

76

karahasan ng nagdaang rehimen kung hindi isa rin itong manipestasyon ng pagpapatuloy

ng pasismo sa ilalim ng admininstrasyong Duterte. Ang Bente Uno Coalition ay

nagkaroon din ng protesta sa People Power Monument noong hapong iyon bilang

partisipasyon sa Black Friday protest na dinaluhan ng libo-libong estudyante at youth

leaders. Ayon kay Gultia, tagapagsalita ng Bente Uno, kailangang mamulat ang kabataan

sa madilim na nakaraan at lumaya mula sa bakas na iniwan ng nagdaang rehimen.

Ngayon higit kailanman kailangang marinig ang tinig ng kabataan sa kanilang

panawagan ng tunay na pagbabagong panlipunan at pagpapanagot sa mga mapang-abuso

sa kapangyarihan na naging dahilan ng pagkalugmok ng napakaraming Pilipino sa

kahirapan (Rappler, 2016).

Hindi lamang natapos sa protesta noong Nob. 25 ang ingay na ginawa ng publiko

sapagkat nang sumunod na linggo ay mayroon nanamang pagkilos na dinaluhan ng halos

15,000 katao sa EDSA People Power Monument kasabay ng ilan pang pagkilos sa ibang

bahagi ng bansa upang palawigin ang hanay ng mga tutol sa naganap na paglilibing at

maipaabot sa administrasyon ang kanilang galit at pagkadismaya (Hincks, 2016).

Para kay Arao, bagamat nasa halos 52% lang ng populasyon ang may akses sa

internet, malaki ang naitulong ng social media, lalo na ang mga events pages at FB pages

sa pagbibigay ng mga mahalagang impormasyon at datos upang mailunsad ang mga

pagkilos na ito. Marami rin sa mga pagkilos ay isinagawa sa lungsod kung kaya masasabi

na mas malaki ang pakinabang ng social media sa kalunsuran kumpara sa kanayunan

bagamat mayroong internet akses din ang ilang lugar dito subalit mas makikita pa rin ang

susing papel ng dominanteng media.

77

D. Ang epekto ng kabi-kabilang kilos-protesta sa mamamayan at maging sa

pamahalaan

Nailibing man ang diktador sa LNMB, hindi pa rin nanahimik ang mamamayan at

nanindigan sa kanilang pananaw at mga ipinaglalaban. Nagsilbi ang mga protesta bilang

banta sa administrasyon na hindi magsasawalang-kibo ang bawat puwersa ng lipunan sa

mga naganap at magaganap na anomalya at inhustisya. Patunay ito na pagtatagpuin ng

iisang adhikain ang mamamayang uhaw sa katarungan at patuloy na maghahangad ng

mas magandang kinabukasan para sa sambayanan. Ito ay kompirmasyon na may

nagagawa ang maliliit na hakbang at kahit pa ito ay nagmula sa internet o social media,

magreresulta pa rin ito sa ahitasyon at kalaunan ay mobilisasyon. Isa rin itong paraan

upang matantiya ng pamahalaan ang pulso ng mamamayan at magkaroon ng ideya kung

ano ang klase ng pagtutol, bakit tumututol at ang mga iba pang hinaing ng taumbayan. Sa

panahon kung kailan tila wala nang paraan upang marinig ang tinig ng madla, gagawa at

gagawa ng hakbang ang masa upang maipabatid ang kanilang damdamin. Ang kalsada

ang magsisilbing entablado ng paglaban at kasaysayan sa pangunguna mismo ng

mamamayan.

Paglilinaw ni Arao, sa usapin ng empirikal na datos, hindi pa rin matatawaran ang

kapangyarihan ng sarbey, Focused Group Discussion (FGD) at iba pang klase ng

pangangalap ng impormasyon sapagkat dito malalaman kung ano ang tunay na saloobin

ng minorya o ng mayorya ng lipunan at magandang paraan ito para makakuha ng ideya

kung ano ang pagtingin ng mga tao. Kung susuriin sa kabuuan, kinakailangan pa rin ang

ibang pagtatasa upang mahusay na matukoy ang pananaw ng publiko.

78

E. Ang tindig ng ilang netizens tungkol sa paglilibing

20% - Nag-post ng pahayag, larawan, video at iba pa upang suportahan ito

48% - Nag-post ng pahayag, larawan, video at iba pa upang tutulan ito

8% - Sumama sa pagkilos upang suportahan ito

20% - Sumama sa pagkilos upang tutulan ito

40% - Walang ginawa tungkol dito

Pigura 27

Sa 30 nagpartisipa, 25 lamang ang nakasaksi sa paglilibing kay Marcos sa LNMB

gamit ang social media kahit pa naging trending ang paksang ito noong araw ng libing.

Mayroon ding iba’t ibang paraan na maaaring gamitin ng publiko upang magpaabot ng

kanilang saloobin ngunit nalimitahan lamang sa internet ang kalakhan ng mga opinyong

ito sapagkat ang ginawang pagkilos ng pinakamalaking bahagi ng social media users sa

pag-aaral na ito ay hanggang sa pag-post lamang. Bagamat marami ang pumili ng higit sa

isang opsiyon, napakaliit ng bahagdan ng mga mamamayang ipinagpatuloy sa kalsada

ang kanilang pagtutol o maging pagsuporta sa paglilibing. Matatandaan na mayroong

mga mobilisasyon na naorganisa sa social media upang magprotesta ngunit mayroon din

na mga sumuporta sa desisyong ito subalit kakaunti lamang ang lumahok sa mga

79

aktibidad na ito kung ihahambing sa dami ng social media users. May kalakihan din ang

bahagdan ng netizens na piniling huwag nang makialam sa isyung ito. Naging mainit na

usapin man ang naganap na paglilibing, hindi nito nahatak ang kalakhang bahagi ng

publiko upang bumuo ng tindig at sumama sa mga pagkilos.

Bagamat napakaingay ng mga grupong kumukondena sa ginawang paglilibing

kay Marcos sa LNMB, makikita na may mga sumusuporta rito at naging daan ang social

media upang palutangin din ang mga tagasuporta nito. Napatunayan ang papel ng social

media sa pagiging espasyo para sa lahat ng klase ng pananaw at impormasyon subalit

kuwestiyonable pa rin ang kakayanan nito sa pagpapakilos sa publiko. Maaaring

nakapagbigay ito ng ahitasyon dahil sa dami ng mga lumahok sa aktibismo sa internet

ngunit kulang pa rin kung ihahambing sa mga lumahok sa kalsada. Dagdag pa rito,

naging paraan din ang social media upang pabanguhin muli ang pangalan ng diktador at

maisakatuparan ang planong pagpapalibing bilang paghahanda na rin sa pagbabalik ng

pamilya Marcos sa kapangyarihan (Arao, 2017). Sa panig naman ng mga nagprotesta,

hindi buo ang partisipasyon lalo pa kung hanggang sa internet lamang ang pagtutol na

gagawin sa halip na umaksyon at makiisa sa mga grupong may kaparehong adhikain.

Dahil dito, nananatiling hamon pa rin sa lipunan na gamitin ang lahat ng

posibleng paraan at rekurso upang magbunsod ng mga pagkilos tungo sa panlipunang

pagbabago. Isang patunay ito na marami pa rin sa mga mamamayan ang hindi lubusang

nakakaunawa sa mga usapin at kinakaharap ng bansa kung kaya napakahirap sa mga ito

na makiisa sa hangarin ng masa.

80

III. Mga Isyu na Dapat Bigyang-Puwang sa Lipunan

42.3% - EDCA

61.5% - Scarborough Shoal

26.9% - Philippine trade negotiations

80.8% - OFW

3.8% - Populismo sa ibang bahagi ng mundo

Pigura 28

Isa sa mga usapin na hindi gaaanong natatalakay maging sa social media ay ang

relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa at mga epekto nito sa mamamayan. 26 mula sa 30 na

nagpartisipa ang nakakapagbasa ng mga balita ukol sa panlabas na ugnayan ng Pilipinas

at bagamat maaaring mamili ng higit sa isa, makikita na hindi lahat ng kabilang sa

opsiyon ay kanilang nababasa sa social media. Ang pinakamalaking bahagdan ay

nakakapagbasa ng tungkol sa mga OFW marahil ay dahil marami sa mga Pilipino ay

mayroong kamag-anak, kaibigan o kakilala na OFW kung kaya naman binibigyan ng

panahon ang mga ganitong balita. Samantala, ang iba pang paksa gaya ng EDCA,

Scarborough Shoal at relasyong pang-ekonomiya ng bansa na mainit din na usapin ay

hindi ganoong kalaki ang naaabot sa netizens. Ito ay maaaring dahil sa hindi direktang

apektado ang mamamayan sa mga isyung ito kung ihahambing sa usapin ng OFW. Isang

81

bagay pa ay dahil sa hindi lubusang napapalawak at napapalalim ang mga usaping ito sa

mga diskusyon ng karaniwang social media user. Matatandaang binaggit ni Palatino na

nakaugat din ito sa pagkakakulong ng isang tao o netizen sa kaniyang sirkulo kung saan

pareho-parehong paksa lamang ang iniikutan ng diskusyon at wala nang lugar pa sa ibang

mga isyu.

Napapalutang man sa social media ang mga isyung may kinalaman sa panlabas ng

ugnayan ng bansa, ito ay buhat lamang sa mga organisadong grupo at hindi ito nagiging

viral sapagkat ang media agenda, public agenda at policy agenda ay dapat nagtutugma-

tugma. Sa aspeto ng media agenda, bagamat ang alternatibong media ay hindi

nagkukulang sa malalimang pagsusuri sa lipunan, nagkakaroon ng problema sa lawak ng

naaabot nito. Sa kabilang banda, ang kalakhan ng manonood ay hindi maitatangging

hawak ng dominanteng media kaya naman kung hindi palulutangin ng dominanteng

media ang mga importanteng isyu at malalim na susuriin ang mga ito, hindi

makakatulong nang husto ang alternatibong media sa paghuhubog ng opinyong publiko.

Bagamat mahuhusay ang mga isinasagawang pagsusuri ng alternatibong media, kung

limitado naman ang naaabot nito ay napakalimitado rin ng kaniyang impluwensiya

kumpara sa dominanteng media.

Masasabing hindi dapat isisi lamang sa social media ang ganitong klaseng

“limitasyon” sapagkat ang dominanteng media ay may susing responsibilidad para

maging mekanismo sa pagpapalalim at impluwensiya subalit kung titingnan, ang

problema sa istruktura ng kasalukuyang media ay ang pagmamay-ari nito. Ito ay pag-aari

ng mga malalaking negosyo, ng mga pamilya na talaga namang matayog ang pang-

ekonomiya at pampolitikang interes kung kaya hindi ito maaasahan sa malalimang

82

pagsusuri sapagkat ang habol nito lalo na sa telebisyon ay pagpapataas ng ratings at

magagawa ito sa pamamagitan ng pagpapababaw ng nilalaman at talakayan. Kung nais

ng tunay na pagkamulat, kinakailangan ang susing papel ng dominanteng media at ang

hindi matatawarang komplementasyon ng social media.

Ayon kay Palatino, maaaring epektibo nga ang social media sa pagpapakalat ng

impormasyon subalit ibang usapin ang pagmumulat sa netizens at idagdag pa na

napakaraming bagay ang lumulutang online kung kaya napakahirap nang matukoy ang

tama sa hindi. Dagdag ni Arao, ang pundamental na rekisito nito ay ang pagiging armado

ng indibidwal upang makapagsagawa ng akmang pagsusuri sa nangyayari sa lipunan

sapagkat posible lamang ang pagkakamulat kung ang isang tao ay may sapat na kaalaman

sa kung ano ang tamang pagtingin sa mga bagay-bagay lalo na sa paggawa ng

pananaliksik. Hindi maaari ang mababaw na diskurso o mga simpleng komento o posts

lamang bilang paglalahad ng tindig sapagkat ito ay dapat batay pa rin sa realidad at

mangyayari lamang ito kung mayroong sapat at akmang edukasyon ang bawat social

media user.Ayon pa rin kay Palatino, kailangang umiwas ang publiko sa pagkiling sa

mga isyung viral o trending sapagkat hindi ang pagiging sikat o pinakapinag-uusapan ang

hangad ng makabuluhang diskurso at magreresulta ng pag-aangat sa kamalayan.

Kinakailangan na bumalik sa karaniwang gawi ng pagbabasa at pag-uunawa sa mga

nakikita lalo na sa social media. Sa ganitong paraan, tatatak sa netizens na hindi lahat ng

bagay sa internet ay kailangang bigyang-pansin at mahusay nilang masasala ang mga

impormasyon at yaong mga higit na kapaki-pakinabang para sa lipunan. Matapos nito,

posible na ang makabuluhang diskurso at pagpapalaganap ng mahalaga at kapaki-

pakinabang na impormasyon.

83

KABANATA V–KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

I. Konklusyon

Mula sa susing salik na pagbibigay-aliw, naging instrumento ang social media

upang maging lunsaran ng mga impormasyon. Dahil sa labis na pagsandig sa teknolohiya

at internet kung saan hindi hamak na mabilis ang daloy ng mga bagay at sa hindi

maitatangging bentahe nito, malaki na rin ang papel ng social media sa paghahatid ng

balita. Ang patuloy na paglakas ng puwersa ng internet ay hindi na nga mapipigilan pa

kaya naman kailangan harapin ng mga peryodista at ng tradisyonal na media ang hamon

na makasabay sa makabagong paraan ng pagbabalita.

Malinaw na matatagpuan sa internet ang lahat ng klase ng impormasyon sapagkat

mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit na detalye ay napakadaling matukoy

gamit ito kaya rin naman posible nang mapalutang ang mga impormasyong ito sa social

media. Subalit, ito rin ang dahilan kung kaya nagkakaroon ng tunggalian ng mga ideya

sapagkat nahihirapan nang tukuyin ng publiko kung alin ang mahalagang bagay doon sa

hindi. Nariyan pa ang mga kuwestiyonableng bagay na mula sa makabagong

platapormang ito sapagkat walang kasiguraduhan na ang bawat detalye sa social media

ay sumailalim sa pag-aaral at sinuri ng mga dalubhasa kaya naman hindi maiiwasan ang

paglaganap ng misimpormasyon sa kasalukuyan.

Bagamat hindi matatawaran ang epektibong paraan ng social media sa

pagbibigay-alam sa publiko tungkol sa mga kaganapan sa lipunan, kailangan pa rin

maging kritikal sa pagsuri sa mga balita na siyang makakatulong sa paghuhubog ng

opinyong pampubliko na makapag-aambag ng panlipunang pagbabago. Ang mga balitang

84

ito ay yaong may mahalagang laman na siyang lumilinang ng kaisipan para sa

makabuluhang aksyon sa lipunan. Kung pagbabatayan ang social media, higit na

matatagpuan sa accounts ng organisasyon ng alternatibong media ang mas malalim na

pagsusuri ng mga isyu sapagkat mainam nitong pinag-aaralan ang mga bagay lalo na ang

mga mapagsamantalang bagay, na siyang dapat baguhin.

Isang napatunayan sa pag-aaral na ito na bukas sa malayang diskurso ang social

media at walang limitasyon ang pagpapahayag ng reaksiyon sa pamamagitan ng iba’t

ibang paraan gaya ng pag-komento, pag-post at pag-click sa reaction button.

Gayunpaman, hindi namamaksimisa ng lahat ng netizens ang kapangyarihang ito

sapagkat malaking bahagi sa kanila ay hindi aktibo sa pagpapaabot ng kanilang tindig

ukol sa mga isyu na kinakaharap ng sambayanan at kung sakaling magpapahayag man ng

ideya, kadalasan ito ay sa paraan ng “pag-click” lamang kaya nananatiling nakapaloob sa

online activism ang marami.

Makapangyarihan din ang social media sa laro ng politika at patunay si

Pangulong Duterte sa pagiging mabisang instrumento nito. Diin ni Palatino, hindi na

sapat na bigyan lamang ng tulong ang publiko sapagkat naghahangad na rin ang mga tao

ng impormasyon mula sa mga kandidato na magsisilbing susi sa pagbibigay ng kanilang

suporta. Dahil dito, masasabing parte na ang estratehiyang ito sa kalakaran sa politika

bilang paraan ng pagsusulong ng propaganda at naging daan nga sa pagkakaluklok kay

Rodrigo Duterte bilang pangulo. Kung mapapansin, hindi nagtapos sa kampanya ang

pagkakasangkapan ng kampo ni Pangulong Duterte sa social media sapagkat nagtutuloy-

tuloy ito hanggang sa siya ay naupo bilang pangulo. Epektibo man, naging kapuna-puna

ang Duterte accounts sapagkat naging hudyat ito ng tunggalian sa pagitan ng social

85

media users na tila nahati sa dalawang grupo – ang mga Ka-DDS at mga “dilawan.” Ang

parehong panig na ito ay walang maliw sa pagpapasaring sa isa’t isa tungkol sa mga

pagkukulang ng nakaraang rehimeng Noynoy Aquino at kasalukuyang administrasyong

Duterte kung kaya naman madalas nakabase sa pampolitikang kulay at oriyentasyon ang

mundo ng social media sa halip na magkaroon ng kritikal na pagsusuri sa mga kaganapan

sa lipunan.

Isang manipestasyon din ng kapangyarihan ng social media ay ang paglulunsad

ng mga pagkilos at malawakang protesta at isa na rito ay ang paglilibing sa diktador na si

Ferdinand Marcos sa LNMB. Nagtagumpay man ang sikretong libing, hindi pa rin

nanahimik ang mamamayan at gamit ang kanilang social media accounts, mariing

nanindigan ang publiko sa kanilang pananaw at mga ipinaglalaban. Maliban sa mga

panawagan online, naging susing salik din ang mga events pages at FB pages sa

pagbibigay ng mga mahalagang impormasyon at datos upang mailunsad ang mga protesta

sa kalsada na dinaluhan ng libo-libong mamamayan. Patunay ito na pagtatagpuin ng

iisang adhikain ang mamamayang uhaw sa katarungan at patuloy na maghahangad ng

mas magandang kinabukasan para sa sambayanan. Ito ay kompirmasyon na may

nagagawa ang maliliit na hakbang at kahit pa ito ay magmula sa internet o social media,

magreresulta pa rin ito sa ahitasyon at kalaunan ay mobilisasyon kung saan ang kalsada

ang magsisilbing entablado ng paglaban at kasaysayan sa pangunguna mismo ng

mamamayan. Isa rin itong paraan upang matantiya ng pamahalaan ang pulso ng tao at

magkaroon ng ideya kung ano ang klase ng pagtutol, bakit tumututol at ang mga iba pang

hinaing ng taumbayan. Gayunpaman, malaking bahagi pa rin ng populasyon ang hindi

lumalahok sa mga pagkilos marahil dahil sa hindi lubos ang pang-unawa ng publiko sa

86

mga layunin at dahilan ng mga ito kaya naman kulang ang ahitasyon at motibasyon.

Idagdag pa ang koneksiyon ng social media users na madalaas ay nakukulong lamang sa

isa’t isa kung kaya maliit ang tiyansa na magkaroon ng puwang para sa mga progresibong

ideya na nagmumula sa labas ng kanilang sirkulo.

Bukod sa mga viral o nangungunang usapin, napapalutang rin sa social media ang

malalim at malawak na mga isyu gaya na lamang ng mga usapin may kinalaman sa

panlabas ng ugnayan ng bansa. Subalit, ang malalim na pagsusuri dito ay buhat lamang sa

mga organisadong grupo at bihira itong maging viral sapagkat maliit ang tendensiya ng

publiko na makialam sa mga isyung walang direktang kaugnayan sa kanila. Bagamat ang

alternatibong media ay hindi nagkukulang sa malalimang pagsusuri sa lipunan,

nagkakaroon ng problema sa lawak ng naaabot nito. Sa kabilang banda, ang kalakhan ng

manonood ay hindi maitatangging hawak ng dominanteng media kaya naman kung hindi

palulutangin ng dominanteng media ang mga importanteng isyu at malalim na susuriin

ang mga ito, hindi makakatulong nang husto ang alternatibong media sa paghuhubog ng

opinyong publiko.

Walang duda sa papel ng social media bilang espasyo para sa lahat ng klase ng

pananaw at impormasyon subalit nananatiling kuwestiyonable pa rin ang kakayanan nito

sa pagpapakilos sa publiko dahil sa iba’t ibang hangganan nito. Hindi pa rin malinaw sa

lahat ng netizens ang mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin sa internet. Dapat din

isaalang-alang ang maraming bahagi ng bansa na wala o kung mayroon man, ay limitado

lamang na akses sa teknolohiya at internet kung kaya naman ay hindi nito nagagamit ang

benepisyong hatid ng makabagong plataporma. Masasabi rin na hindi dapat ang social

media lamang ang pumasan sa mga limitasyon sapagkat ang dominanteng media ay may

87

susing responsibilidad din upang maging mekanismo sa pagpapalalim at impluwensiya

subalit kung titingnan, ang problema sa istruktura ng kasalukuyang media ay ang

pagmamay-ari nito na pinaghaharian ng malalaking negosyo, ng mga pamilya na talaga

namang matayog ang pang-ekonomiya at pampolitikang interes kung kaya hindi ito

maaasahan sa malalimang pagsusuri sapagkat ang habol nito lalo na sa telebisyon ay

pagpapataas ng ratings magagawa ito sa pamamagitan ng pagpapababaw ng nilalaman at

talakayan. Kung nais ng tunay na pagkamulat ng lipunan, kinakailangan ang susing papel

ng dominanteng media at ang hindi matatawarang komplementasyon ng social media at

magagawa lamang ito kung armado ang publiko.

Matapos ang pag-aaral na ito, napatunayan na napakalaki pa rin ng hakbang na

kailangang tahakin ng mamamayan sa pagkamit sa panlipunang pagbabago at malaki ang

magiging papel ng Araling Pangkaunlaran sa laban na ito. Sapagkat marami sa publiko

ang hindi armado sa tamang kaalaman upang matukoy ang mga suliranin na dapat bigyan

ng aksiyon, nasa kamay ng mga progresibong grupo kasama na ang mga mag-aaral, na

makapagmulat at kalaunan ay makapagpakilos. Masasabi rin na mayroong susing papel

ang Araling Pangkaunlaran sapagkat ito ay nakasentro sa pag-aaral sa mga suliranin ng

lipunan at siyang sumusuri sa mga possible at alternatibong paraan sa paglutas sa mga

ito.

88

II. Rekomendasyon

Upang maging epektibo ang paggamit ng publiko sa social media,

kinakailangang maging armado ang mamamayan sa pagtukoy at pagsusuri sa mga

makabuluhang impormasyon sa internet at magagawa lamang ito sa pamamagitan ng

angkop na edukasyon. Mas magiging mainam kung babalik sa karaniwang gawi ng

pagkatuto sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsusulat sa halip na agarang sumabak sa

paggamit ng internet. Sa ganitong paraan matututunan kung paano matukoy ang mga

bagay na may kredibilidad at dumaan sa mahusay na pagsusuri. Posible lamang ang

akmang pagsusuri sa mga suliranin sa lipunan kung ang isang tao o netizen sa kaso ng

social media ay kritikal sa pagtingin sa mga bagay-bagay nang sa gayon ay magkaroon

ito ng kakayanan na makapagmulat at makapag-impluwensiya ng kaniyang kapwa sa

pagtimbang ng mga isyu.

Hindi rin dapat na isantabi ang maitutulong ng mga educational discussions, focus

group discussions, interbyu at iba pang kasangkapan na makapag-aambag sa paghubog

ng kaisipan upang maliwanagan tungkol sa kinakaharap ng lipunan. Dagdag pa rito,

kinakailangan ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang lubusang

maunawaan ang hinaing ng masa at epektibong maipabatid sa tulong ng social media ang

mga hinaing na ito nang sa gayon ay makapagmulat at kalaunan ay makapagpakilos.

Kaakibat nito, kinakailangang din ng media literacy na siyang aplikasyon ng edukasyon.

Dito, nasusukat ang pagiging bihasa ng isang tao sa pagtukoy at pagsuri ng

mahahalagang detalye mula sa iba’t ibang porma ng media kabilang ang social media.

Magagamit ang mga impormasyong ito sa paghuhubog sa lipunan patungo sa tunay na

pagbabago sa pamamagitan ng paglilinang ng pampublikong kaisipan.

89

Makakatulong din ang hindi pagkiling sa virality sapagkat ang pagiging viral o

trending ay hindi layunin sa paggamit ng social media kung hindi ang pagmumulat at

epektibong paghubog ng tindig kung kaya naman kailangang maging mapanuri sa mga

bagay na susubaybayan online. Makabubuti na pawang mahahalagang impormasyon

lamang ang palalaganapin dito ngunit hindi naman tahasang pinipigilan na gamitin ito

bilang pang-aliw bagkus, dapat lamang isaalang-alang na ang mga bagay na ilalatag dito

ay base pa rin sa masusing pagsusuri.

Hindi rin dapat mawala ang presensiya ng dominanteng media sapagkat ito pa rin

ang may hawak ng pinakamalaking tagatanggap. Ang social media ay dapat na maging

katuwang ang tradisyonal na media at iba pang plataporma upang mas palakasin ang

puwersa nito sa pagbibigay-alam sa publiko. Hindi dapat matawaran ang mga peryodista

na may dedikasyon sa kanilang tungkulin at pilit naghahatid ng patas at dekalidad na mga

balita at kung sakali man na hindi ito maipalabas sa tradisyonal na media, laging nariyan

ang social media upang mapalutang ito. Kinakailangan lamang na punuan ng mga

plataporma ang pagkukulang ng bawat isa.

Malaki rin ang maitutulong ng ganitong estratehiya para sa mga progresibong

grupo katulong din ang Araling Pangkaunlaran sapagkat ang social media ay epektibong

espasyo upang ilatag ang kanilang adhikain at ipinaglalaban para sa bayan kung sakaling

limitado o walang representasyon sa telebisyon, radyo o peyodiko. Ang lahat ng

plataporma at instrumento ay kailangang mamaksimisa upang tapatan ang

misimpormasyon o limitadong impormasyon tungkol sa mga kaganapan sa lipunan nang

sa gayon ay maging armado ang mamamayan sa pagharap sa mga suliranin ng lipunan.

90

BIBLIOGRAPIYA

Arao, D. (2013). Eleksyon at social media. Nakuha noong Dis. 7, 2016. Mula sa http://

risingsun.dannyarao.com/2013/05/11/eleksiyon-at-social-media/

Arao, D. (2017, Pebrero, 2). Personal na pakikipanayam

BBC. (2016). Anger at hero's burial for Philippines dictator Marcos. Nakuha noong

Abril 26, 2017. Mula sa http://www.bbc.com/news/world-asia-38022704

Buenaobra, M. (2016). Social media: A game changer in Philippine elections. Nakuha

noong Abril 23, 2017. Mula sa http://asiafoundation.org/2016/04/27/social-media-a-game-

changer-in-philippine-elections/

Burrell, H. (2016). A guide to twitter: Twitter basics explained. Nakuha noong Marso 30,

2017. Mula sa http://www.pcadvisor.co.uk/how-to/social-networks/guide-twitter-

twitter-basics-explained-how-to-tweet-features-limit-video-3534616/

Businesstopia. (2016). Democratic-participant theory of mass communication. Nakuha

noong Nob. 11, 2016. Mula sa https://www.businesstopia.net/mass-communication

/democratic-participant-theory-mass-communication

Campbell, K. at Jamieson, K. (1983). The interplay of influence: Mass media & their

publics in news, advertising, politics. California: Wadsworth Publishing Company

Carthew, A. & Winkelmann, E. (2013). Social media and elections in Asia-Pacific - The

growing power of the youth vote. Nakuha noong Nob. 29, 2016. Mula sa http://www.

kas.de/wf/doc/kas_35939-1522-2-30.pdf?131105090222

Diffen. Facebook vs. twitter. Nakuha noong Enero 28, 2017. Mula sa http://www.diffen.

com/ difference/ Facebook_vs_Twitter

Digital Trends. (2016). The history of social networking. Nakuha noong Dis. 17, 2016.

Mula sa http://www.digitaltrends.com/features/the-history-of-social-networking/

Faraon, M., Kaipainen, M. & Stenberg, G. (2014). Political campaigning 2.0: The

influence of online news and social networking sites on attitudes and behavior.

Nakuha noong Nob. 29. 2016. Mula sa http://webcache.googleusercontent.com/

search?q=cache:http://www.jedem.org/index.php/jedem/article/view/230/305

Heide, B., Spence, P. & Westerman, D. (2014). Social media as information source:

recency of updates and credibility of information. Nakuha noong Nob. 15, 2016. Mula

sa http://onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1111/jcc4.12041/full

Hincks, J. (2016). Filipinos are outraged at attempts to rehabilitate a late dictator as a

national hero. Nakuha noong Abril 26, 2017. Mula sa http://time.com/4583037/

91

philippines-marcos-burial-duterte-human-rights-protest/

History Cooperative. (2015). The history of social media: Social networking evolution.

Nakuha noong Dis. 18, 2016. Mula sa http://historycooperative.org/the-history-of-

social-media/

Horkheimer, M. Critical theory. Nakuha noong Dis. 7, 2016. Mula sa https://www.

google.com.ph /url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=13&cad=rja&uact=8&

ved=0ahUKEwiK9MH9hOLQAhUDEbwKHf9wDJE4ChAWCCMwAg &url=http

%3A%2F%2Fhomes.ieu.edu.tr%2Fgkaranfil%2FMMC220%2FLecture%2520Notes

%2FCritical%2520Theory%2520Frankfurt%2520School.doc&usg=AFQjCNHbr5YB

PvD PYsC6_LJ57GFQV1nmDw&sig2=e7aGJ6NliQlECF_zeGjE_A&bvm=bv.140

496471,d.dGc

internet. Mula sa Merriam-Webster.com. Nakuha noong Dis. 2, 2016. Mula sa

https://www.merriam-webster.com/dictionary/Internet

Jarloc, G. (2016). Uproar on social media over Marcos burial. Nakuha noong Abril 26,

2017. Mula sa http://www.sunstar.com.ph/manila/local-news/2016/11/18/uproar-

social-media-over-marcos-burial-510242

Lamble, K. at Mohan, M. (2016). Trolls and triumph: a digital battle in the Philippines.

Nakuha noong Abril 26, 2017. Mula sa http://www.bbc.com/news/blogs-trending-

38173842

Lule, J. (2016). Understanding media and culture: An introduction to mass

communication, v. 1.0 Nakuha noong Nob. 8, 2016. Mula sa http://catalog. Flatwor

ldknowledge.com/bookhub/reader/3833?e=lulemedia_1.0-ch02_s02

Marasigan, C. (2016). How Rodrigo Duterte hacked the internet. Nakuha noong Abril 23,

2017. Mula sa http://www.stack.com.ph/how-rodrigo-duterte-hacked-the-internet/

microblogging. Dictionary.com. Nakuha noong Dis. 2, 2016. Mula sa http://www.

dictionary.com/browse/microblogging

Nacpil, D. (2017, Enero, 16). Personal na pakikipanayam.

Neri, H. (2016). Trending: SC decides to give Marcos a hero’s burial, internet reacts.

Nakuha noong Abril 26, 2017. Mula sa http://www.wheninmanila.com/trending-sc-

decides-to-give-marcos-a-heroes-burial-internet-reacts/

netizen. Mula sa Merriam-Webster.com. Nakuha noong Dis. 2, 2016. Mula sa https://

www.merriam-webster.com/dictionary/netizen

92

Newsclip media monitoring. (2016). Social media as a news platform. Nakuha noong

Peb. 26, 2017. Mula sa https://www.newsclip.co.za/Research-And-Analysis/

Entertainment/21/social-media-as-a-news-platform

O’Connell, C. Network theory and political revolution. Nakuha noong Nob. 15, 2016.

Mula sa http://www.academia.edu/636520/Network_Theory_and_Political_

Revolution__A_Case_Study_of_the_Role_of_Social_Media_in_the_ Diffusion_

of_Political_Revolution_in_Egypt

Osorio, (2015). Who’s winning in the mass media vs. social media war? Nakuha noong

Enero 4, 2016. Mula sa http://www.philstar.com/business-life/2015/06/01/1460257

/whos-winning-mass-media-vs.-social-media-war

Palatino, R. (2015). Politics and internet in the age of self-representation. Nakuha noong

Dis. 7, 2016. Mula sa http://bulatlat.com/main/2015/12/10/politics-and-internet-in-the

-age-of-self-representation/

Palatino, R. (2017, Pebrero, 10). Personal na pakikipanayam.

Pana. (2015). Media insights 2015 – The top five media of urban Philippines and

emerging trends. Nakuha noong Enero 10, 2017. Mula sa http://pana.com.ph/media-

insights-2015-the-top-five-media-of-urban-philippines-and-emerging-trends/

Pasion, P. (2016). Schedule: November 25 rallies vs Marcos. Nakuha noong Abril 27,

2017. Mula sa http://www.rappler.com/nation/153258-november-25-luneta-grand-

rally

Pertierra, R. (2012). The new media, society & politics in the Philippines. Nakuha noong

Nob. 16, 2016. Mula sa http://library.fes.de/pdf-files/bueros/asia-media/09241.pdf

Ramota, C. (2013). Ang internet bilang espasyong pulitikal sa Pilipinas: Pakikilahok,

pamamahala, at protesta sa cyberspace. Nakuha noong Dis. 7, 2016. Mula sa http://

ejournals.ph/article.php?id=8037

Rappler. A profile of internet users in the Philippines. Nakuha noong Dis. 1, 2016. Mula

sa http://www.rappler.com/brandrap/profile-internet-users-ph Rappler. (2016). Nationwide protests today vs Marcos hero's burial. Nakuha noong Abril

27, 2017. Mula sa http://www.rappler.com/nation/153574-anti-marcos-rally

nationwide -protest

Rappler. (2016). Netizens oppose Marcos burial with black profile photos,

#OccupyLNMB. Nakuha noong Abril 26, 2017. Mula sa http://www.rappler.com/

technology/social-media/151744-online-protests-marcos-burial-supreme-court-ruling

Sanchez, P., etal. (2014). Political participation through social media in the Philippines.

93

Nakuha Noong Nob. 15, 2016. Mula sa http://www.academia.edu/9642794/Political

_ Participation_through_Social_Media_in_the_Philippines

Shuttleworth, M. (2008). Case study research design. Nakuha noong Nob. 6, 2016. Mula

sa https://explorable.com/case-study-research-design

social networking site. Mula sa Techopedia.com. Nakuha noong Dis. 2, 2016. Mula sa

https://www.techopedia.com/definition/4956/social-networking-site-sns

Spring, (2002). Agenda setting. Nakuha noong Nob. 12, 2016. Mula sa http://zimmer.

csufresno.edu/~ johnca/spch100/7-4-agenda.htm

Sports Community. A guide to using facebook. Nakuha noong Marso 30, 2017. Mula sa

http://sportscommunity.com.au/resources/a-guide-to-using-facebook/

Statista. Number of facebook users in the Philippines from 2015 to 2021 (in millions).

Nakuha noong Enero 10, 2017. Mula sa https://www.statista.com/statistics/490455/

number -of-philippines-facebook-users/

Techtarget. (2016). Facebook. Nakuha noong Dis. 2, 2016. Mula sa http://whatis.

techtarget.com/definition/Facebook

Techtarget. (2016). Twitter. Nakuha noong Dis. 2, 2016. Mula sa http://whatis. techtarget.

com/definition/Twitter

We are social. (2016). Digital in 2016. Nakuha noong Dis. 1, 2016. Mula sa http ://

wearesocial.com/sg/special-reports/digital-2016

94

APENDISE A - Endorsement Letter

University of the Philippines Manila

College of Arts and Sciences

Department of Social Sciences

To whom it may concern:

The bearer of this letter, BEATRIZ IZAMARY R. MANIO, with student no. 2013-

55084 is a student of the University of the Philippines Manila who is currently

conducting her thesis entitled “Ang social media bilang lunsaran ng impormasyon at

talastasan: Isang pag-aaral tungkol sa paggamit ng social media sa pagsuri ng mga isyu sa

lipunan” for the degree program Bachelor of Arts in Development Studies. With this, she

would be needing to conduct an interview and case study with rightful respondents.

She would be doing this research work in order to integrate the theories she learned in

this course in real life situations as well as to contribute by better understanding the plight

and concerns of the Filipino people.

We would highly appreciate if you would extend to her any form of assistance and help

her obtain facts for her research paper.

Hope this matter will merit your favorable consideration. Thank you and more power!

Truly yours,

PROF. REGINALD S. VALLEJOS, MPA

Thesis Adviser

Development Studies Program

95

APENDISE B – Panayam kay Dani Nacpil (GMA Social Media

Producer)

1. Saan nanggagaling ang mga pino-post ninyo sa inyong social media accounts?

‘Pag sa FB kasi, ‘yong pino-post lang namin ay mga news articles doon sa GMA website

(gmanews.com). Tapos ‘yong mga article na ginagawa nila (reporters), ‘yon ang p ino-

post namin sa FB tapos pag sa twitter, pino-post din namin ‘yong news articles pero kasi

nagti-tweet din sila tungkol sa mga nangyayaring events na halimbawa, may namatay

mga gano’n. Iti-tweet nila tapos kokopyahin lang namin at iyon na. Kapag galing naman

sa ordinaryong tao, mayroon kaming isang twitter account na kung tawagin ay

YouScoop. ‘Yong mga ordinaryong mamamayan pwedeng mag-tweet at kukuhanin

naming ‘yong impormasyon pero sa YouScoop account lang namin ipo-post at hindi

direktang sa GMA.

2. Hindi ba nagiging selektibo sa pagpili ng mga balitang itatampok ang tradisyonal na

media kung ikukumpara sa social media?

Sinusubukan namin panindigan ang aming adhikain na walang kinikilingan at walang

pinoprotektahan kaya gusto namin na iwasan ang pagkakaroon ng bias kasi kung ipo-

post namin ‘yong mga nakikita namin sa social media, magpapakita pa rin ito ng bias

kahit papaano.

3. Bakit naengganyo ang mamamayan na lumahok sa social media?

Social media is the biggest medium for people to get across their ideas, opinion and ‘don

kadalasan nagkakaroon ng komunikasyon ang mga tao kasi nga it’s the new generation.

Focused always on their phone, internet kaya ‘yon sa tingin ko ang dahilan kung bakit

96

maraming nagpapartisipa sa social media. Karamihan, generation natin, millennial

generation, late baby boomers ang mga aktibo sa social media.

4. Ano ang katangian ng social media na wala sa ibang klase ng media at ano ang bentahe at

disbentahe nito?

Ang social media ay hindi na kailangang i-filter kasi it doesn’t go through processes of

approval kaya kahit mga fake news ay naipo-post. It doesn’t have to go through

approvals of fact checkers at ‘yon ang wala sa ibang klaseng media kasi compared to TV

o newspaper, kung magkamali ka doon, mawawalan ka ng trabaho. Ang bentahe naman

ay you get to express your own opinion, may interaksyon din sa ibang tao kaya pag may

ipino-post ka at nagpo-post sila, it either forms debate and somewhat enlightens other

people who read the debate or can participate. Social media is always going to be there.

Kunwari, pag newspaper, the next day ay napupunta na sya sa archives pero kapag

social media, laging siyang nandoon and I guess another advantage is pwede mo siyang

i-delete. Kung malaman mo na mali ka pala o may mali doon sa mga news na pino-post

mo, pwede mo siyang i-delete compared sa newspaper na naka-print na kaya wala ka

nang magagawa do’n. Disadvantages ay maraming fake new, maraming hindi nagve-

verify ng kanilang sources o kung sino-sino lang ‘yong mga kinukuha nilang sources.

Marami ring trolls. Kaya pino-post ang fake news ay para sa publicity. Kasi kahit sa

amin, importante yung kung ilan ang nagco-comment, kung ilan ang nagla-like, ilan

nagshe-share kasi numbers parin yun para sa amin. Parang iyon ang importante sa

trabaho naming na it doesn’t matter kung bad publicity, it’s still publicity.

5. Bakit at paano naging lunsaran ng mga balita ang social media?

97

Kasi ‘on-the-go’ na ang mga tao. Wala nang oras ang tao manood ng tv. Kahit ako, bago

ako magkaroon ng trabaho, hindi ako nanonood ng tv o balita. Lahat ng balita na alam

ko, is always online- FB, twitter kaya it’s a good way to inform the people still kasi kahit

nga wala silang oras, doon mo sila i-inform. ‘Yong mga kilala kong nanonood ng news

ay sa social media rin. Pero siguro yung mga nakakatatandang henerasyon ay sa tv pa

rin o radyo tapos yung iba, kadalasan, online na lang. Sa tv, hindi mo alam ang impact

ng mga balita kasi nga sa tv lang pero sa social media, doon mo makikita yung mga

reaksyon ng mga tao. May partisipasyon ng masa sa social media. Sa trending news

naman, unahan sa pag-post ng balita kasi you want to be the first to break the news lalo

na kung tungkol sa importanteng tao. For example if you share a trending news, I guess

they become more verified as a person dahil tama ‘yong nai-share mo at ikaw ang pinaka

una kaya yung ibang netizens, doon na susubaybay.

Sa usapin ng blog at FB at twitter pages, madali lang gumawa ng ganoon pero mahirap

ay humanap ng followers maliban na lang kung sikat ka.

6. Saan madalas nagmumula ang mga balitang nakikita sa FB at twitter?

Sa GMA, galing sa mga news writer na nanggagaling naman sa mga reporter o sa tv

shows kasi ‘yong mga news shows sa GMA, may sari-sarili silang twitter account tapos

kung ano ang lumalabas sa tv, kailangan din namin i-tweet. Pwede rin nga na mula sa

mga reporter. Kung ano man ang i-tweet nila, it-tweet din namin. Samakatwid, sa

tradisyonal na media pa rin nanggagaling ang mga balita na nakikita sa social media.

7. Paano malalaman kung ang impormasyong nakita online ay walang basehan?

Minsan kasi ang nangyayari, ipino-post ang balita tapos ilalagay lang ang sources

kumbaga, hindi opisyal ang balita. Kaya maganda na hintayin muna ang mga reporter

98

na mag-tweet bago naming i-tweet sa account kasi ayaw naman namin na mula sa inside

source na hindi namin kilala kasi baka mali ang impormasyon. Ang mga pekeng balita

naman ay base sa bias ng mga tao, base sa opinyon nila. Halimbawa, ‘yong Lenileaks,

anyone could have edited that page so hindi mo naman alam kung totoo talaga pero

hindi mo rin naman alam na hindi totoo. May mga writer din na gumagawa ng article

title na clickbait para maraming magbasa kaya ang ginagawa ko, kapag ang title ay iba

talaga sa laman, binabago ko siya dahil unfair naman sa mga tao.

8. Paano matutukoy at mawawakasan ang keyboard warriors at trolls?

Sila ang kalaban ko sa trabaho ko. There’s this big group at sila ang nagco-comment at

umaatake sa mga news article at napapansin ko madalas sa mga balita tungkol kay

Duterte, Leni o Bongbong Marcos. Lahat ng mga comment nila, paulit-ulit lang at

parang copy at pasted lang. May grupo yata sila at magpo-post sila nang “i-comment

ninyo ‘to sa article na ‘to.”Kaya ang ginagawa naming, we ban them from commenting

or delete their comments kasi they only make noise at hindi naman sya nakakatulong sa

article at hindi rin nagpo-promote ng discussion.

9. Ano ang epekto ng comment section, pag-post, pag-share, pag-react sa diskurso ng

netizens?

It depends kasi kung ang friends mo puro trolls, lalong nade-develop ang pag-

iisip mo na nasa tama kayo at tama ang opinyon mo kahit mali. May epekto rin

siya sa opinyon ng mga alam kung ano talaga ang tama kasi nakikipag-away sila at

nakakabaliw talaga minsan. Kunyari, pag may nag-comment ng “Dilawan ‘to,” I guess

nasisira ang reputasyon mo bilang tao kahit nasa aling panig ka kasi laging may aaway

99

sa’yo no matter what your opinion is. Since the reaction button is different when

expressed in word form, hindi alam kung sinusuportahan mo o hindi ang post.

10. Popularidad ng Rodrigo Duterte

a. Ano ang istilo at paraan ng paglalatag ng social media sa personalidad ni Duterte?

Depende kasi sa mga nagha-handle ng account/page. Ako kasi, ang lead lang ang

kinokopya ko kasi kapag buo, naba-bash kami. Hindi mo dapat ilagay ang bias mo

dahil maghihikayat sya ng troll.

b. Paano mo isasalarawan ang Mocha Uson Blog at iba pang account/page na pabor kay

Duterte?

Hindi ako naniniwala na dapat tanggalin ang blog ni Mocha kasi opinyon nya ‘yon

and she has the right to express kahit mali and it’s good to follow things na hindi

lahat kaparehas mo ng opinyon kasi kapag gano’n, nagsi-stimulate ng discussions.

Kahit sa sarili mo lang, baka makita mo rin na baka tama sya and it promotes your

fact checking as a person. ‘Yong mga ibang account at page na pabor kay Duterte ay

sikat dahil nga maraming sumusuporta sa kaniya kaya kahit mali siya, nandoon pa

rin ang suporta nila. Kahit na sobrang radikal at mali na ang methods nya,

sinusuportahan pa rin nila kasi nga they support the person at hindi ‘yong ginagawa

nya. May ibang account din naman ay peke kasi kahit naman sa gobyerno ginagawa

‘yon. You create fake accounts just to support something.

c. Paano ito ginagamit ng netizens sa pagtasa sa pagkatao at pagka-politiko ni Duterte?

Malaki ang epekto nito sa ibang netizens kasi halimbawa si Mocha Uson, malaki ang

suporta niya kay Duterte kaya kahit ‘yong followers nya na hindi sumusuporta,

nagiging taga-suporta na rin. ‘Yong mga statements din ni Duterte ay kayang

100

paikutin to keep him from being viewed as a bad person. Other netizens view his war

on drugs as successful pero kung iisipin mo, bakit ang dami pa ring adik kahit anim

na buwan na siyang pangulo? But they still defend Duterte kasi mahirap daw to get

rid of all drug addicts. In social media, ‘full’ stories about war on drugs are there

pero hindi mo naman alam kung totoo ang pino-post nila. Sa tingin ko, mas

nakakatulong ang tradisyonal na media to post the truth compared to social media

kasi sa social media, pwedeng may halong bias.

11. Paglilibing kay Ferdinand Marcos sa LNMB

a. Paano nakatulong ang tweets at FB posts upang maihayag ang pagtutol ng publiko sa

paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani?

‘Yong ibang netizens ay nagpaparatang ng pagiging bias o ‘dilawan’ dahil ang

iniisip nila ay kapag anti-Marcos ka ay pro-Aquino ka na. Nakita natin sa social

media na maraming naging tutol sa Marcos burial through rallies. Ang problema

lang sa rallies ay naging tungkol sa kulay o kung sino ang nag-organize. Nando’n

ako sa parehong rally. ‘Yong sa Quirino, mga pula ang nag-organisa tapos sa EDSA,

mga dilaw. Napansin ko na yung mga pula, ayaw nila pumunta do’n sa EDSA kasi

nga hindi sila ang nag-organisa. Napansin ko rin na that’s how you encourage

people to attend those rallies, it’s through social media May event pa nga at may

nagpo-promote ng rally. I guess kapag hindi makakapunta sa rally, changing your

DP (black) and sharing of trending posts and hashtags ang magagawa mo – it’s

somewhat being a part of protest and somewhat may contribution ka. May impact

siya do’n sa cause pero tingin ko hindi masyadong malaki ang epekto niya sa

pagbago ng desisyon ng SC kasi at the end of the day, sa kanila naman ang desisyon.

101

b. Ano ang naging papel ng social media upang lumahok at magtipon-tipon ang mga

mamamayan sa iba’t ibang kilos-protesta laban sa paglilibing na ito?

Kasi may event, sa FB pwedeng gumawa ng event tapos kapag napo-promote siya ng

celebrities at ng mga sikat na government official, nakakaengganyo siya sa mga

netizen at pati mga ibang tao gusto nilang pumunta kapag may kasama sila. Minsan

kahit masama ang nirerepresenta, kapag pumunta ka naman do’n na may kasama ka,

it’s still you being active about the issue. So, malaki talaga ang papel kung sino ang

nag-organisa. Makikita mo rin ang age difference. Sa red rally, puro mga millenials

at UP professors while in the yellow rally, older people attended.

12. Sa iyong palagay, paano nabibigyang-pansin sa social media ang mga isyung hindi

naipapahayag sa ibang media?

Sa tradisyonal media kasi, kunyari sa tv, walang epekto ‘yon sa mga tao. Mas may epekto

siya sa social media. Kaya ang mga balitang hindi napapansin sa tv, sa social media mo

ilagay para may interaksyon at mas malaki ang impact niya kasi nga more people view

social media compared to watching tv.

13. Paano magagamit ang social media sa higit na kapaki-pakinabang na paraan?

I think everyone has the freedom to post anything. Ayos lang na mag-post ka ng kahit ano

sa page mo pero siguro hindi mo dapat i-post ang contradicting opinions example,

you’re against Marcos burial yet you support Bongbong Marcos. May kalayaan kasi sa

social media kaya marami ring masamang nangyayari. If you are to manage a political

page, you have to be well-aware and educated kasi maraming tumitingin sa posts mo.

You have to do triangulation and fact checking. Hindi pwedeng kung sino-sino lang mag-

manage because your opinion can be different from others’ views and what if it creates

102

conflict? Example is Mocha Uson, the fact the she supports Duterte, maraming

naniniwala na totoo ang sinasabi niya just because she supports Duterte. Mali talaga

ang paraan niya, ang wording niya at masama sa ginagawa niya ay napupuri siya para

do’n. Tingin ko rin kasi hindi nagbabasa ang netizens. If you post a news article, gagawa

ka ng caption at hindi na nila babasahin ang article at babasahin lang nila ang caption

tapos nagaaway-away sila sa comment section when they didn’t even read the news

article. Kaya importante na you say enough sa captions mo para sa netizens at para

hindi rin misleading ang captions na ginagawa mo kasi nga mati-trigger sila o

magkakaroon ng bad publicity as a news site.

14. Gaano kahalaga ang social media sa lipunan sa kasalukuyan?

It’s very important pero sa sobrang toxic ng social media, I do not encourage

everyone to be participative online especially when you encounter trolls kasi wala kang

mapupuntahan. It’s better to talk to people in person. However, it’s a good way to learn

news. But because of the interaction of people, nagkakasiraan lang kaya maganda rin

ang personal na usapan tungkol sa isyu. Traditional media and social media working

together – pinapalabas sa traditional media ang interaction ng netizens sa social media

at ginagawa siyang news segment. Tingin ko rin eventually, mamamatay ang traditional

media but as long as marami pa rin ang mahirap, nandyan pa rin ang tv, pero kung

aangat talaga ang ekonomiya, eventually, social media na lang lahat.

103

APENDISE C – Panayam kay Propesor Danilo Arao ng Unibersidad ng

Pilipinas- Diliman

1. Ano ang social media at ano ang katangian nito na wala ang sa ibang uri ng media?

Kung pag-aaralan mo ‘yong depenisyon ng social media, parang ito ‘yong mas

pinasimpleng termino na SNS at noong panahon na binubuo pa ‘yong iba’t ibang mga

file sharing, video sharing, at post sharing platforms. Ibig sabihin kung gagamit tayo ng

teknikal na termino, ito ‘yong tinatawag nating user generated content na makikita natin

online. Sa madaling salita, ‘yong mga SNS ay pwede ring tawaging mga website pero

ang kaibahan nito sa website ay sa halip na ito ay tinatawag nating server oriented o

kaya ang nilalaman ay nagmumula lang sa mga web administrator na ina-upload lang

halimbawa ang nilalaman , dito, mayron kang sitwasyon na may multiple account talaga

sapagkat ‘yong publiko mismo ang gumagawa ng sarili nilang account sa website o SNS

at sila na mismo ang nagbibigay ng laman nito mapa-teksto o iba’t ibang uri ng teksto

kasi hindi lamang ito isang uri ng teksto. Narito rin ang larawan, video, minsan nga mga

file (excel, doc, ppt at iba pa) pa kaya naman malawak ito. Masasabi natin na malayo

‘yong pinagsimulan nito bagamat pinakasikat na plataporma ngayon sa social media ay

FB na 2005 nabuo kung hindi ako nagkakamali.

2. Bakit naengganyo ang publiko na lumahok sa social media?

Ang tendensiya talaga ng maraming tao lalo na ng kabataan ay maghanap ng

pagbibigay-aliw at ‘yong SNS ay magandang plataporma para malaman kung ano ang

pinakanakakaaliw, kung ano ang sinasabi nating “in” o “out” sa usapin ng fashion man

‘yan, musika, at iba’t iba pang larangan ng pagbibigay-aliw. Ngunit nagiging

alternatibong plataporma rin ito ng impormasyon at kahit ‘yong sitwasyon ng maling

104

impormasyon, na sinasabi nating post truth o alternative facts. Maraming posibilidad sa

paggamit ng social media bagamat ang isang susing salik o key factor talaga ay ‘yong

pagbibigay-aliw at ang batayan ng ganitong klaseng datos ay ‘yong pagsusuri natin kung

alin ang mga pinakasikat na mga website batay sa traffic, kung ano ang may

pinakamaraming like sa FB, ‘yong may pinakamaraming follower sa twitter at ‘yong may

pinakamaraming subscription sa youtube channel kasi madali namang makuha itong

mga datos na ito sapagkat nandiyan ‘yong mga iba’t ibang SNS monitoring mechanism

tulad ng socialbakers.com, wearedigital2017 at iba pa na mga batayan. Kumbaga, hindi

lamang ito simpleng obserbasyon o side comment na pagbibigay-aliw lang talaga ang

pangunahing hinahabol ng maraming gumagamit ng social media kung hindi dahil sa ito

‘yong talagang batayan ng maraming tao lalo na ng “millennial.”

3. Ano-ano ang gamit ng social media para sa mga Pilipino?

Gaya ng nabanggit kanina, pagibigay-aliw, siyempre ang impormasyon kaya lang ang

naging counter force o kontra pwersa ng impormasyon ay maling impormasyon din.

Nandyan din ang edukasyon na isang mahalagang salik sa social media dahil bagamat

ang pagbibigay-aliw ay ang susing salik dito, hindi pa rin matatawaran ang inisyatiba

ng maraming mga indibidwal o grupo para gamitin ang plataporma ng internet lalo na

‘yong social media bilang lunsaran ng pagbibigay ng magandang pagsusuri sa mga

nangyayari sa ating lipunan partikular ang pinakamaingay na grupo - mga aktibista at

militante pero may kontra pwersa rin ang mga aktibista at militante at nariyan din ang

mga galit naman sa mga aktibista’t militante. Kaya masasabi natin na ‘yong tinatawag

na information superhighway ay talagang napakaingay at napakahirap malaman kung

alin ba ‘yong tamang pagsusuri sa maling pagsusuri lalo na sa akademya ay

105

namamayani ang tinatawag nating post modernism na mayroong parang notion ng

plurality na hindi ka dapat manindigan kung ano ang dapat at hindi at pakinggan mo na

lang ang magkakaibang panig at hanggang doon lang. Kumbaga parang ito ang gustong

sabihin ng post modernism bagamat hindi nila tahasang sinasabi ito na ang scholarship

o kahusayan mo sa isang larangan ay kung alam mo lahat ng mga aspeto pero kung

maninindigan ka sa kung alin ang tama at mali, parang iba nang usapin ‘yon. Kumbaga

parang sa wikang Ingles, “You celebrate the diversity.” Ngayon, kung gano’n ang

magiging framework o balangkas ng pagsusuri, sa tingin ko hindi mangyayari ‘yong

makabuluhang pagbabago na ninanais ng maraming tao kasi parang sasabihin mo na

lang at mapapako ka na lang sa pagtingin na “walang tama o mali, basta ikaw ay may

opinyon.” Kaya lang sa peryodismo kasi halimbawa, malinaw na bagamat lahat tayo ay

masasabi natin na nagkakaroon ng sariling opinyon batay sa ating pinanggagalingan

kumbaga sa wikang Ingles, “There are opinions that weigh more than others” kasi

mayroong mga opinyon na batay talaga sa pagsusuri ng lipunan at sa malinaw na

pagtindig kung ano ba ‘yong tinatawag nating hustisya at kaninong karapatan ba ‘yong

dapat nating ipagtanggol at ipaglaban kasi kung halimbawa, usapin ‘yan ng

eksploytasyon ng pagawaan, isang perspektiba ‘yon na ito ay maka-manggagawa pero

kung ikaw naman ay umaayon na tama lang ang kapitalista na magkamal ng tubo, gaano

man kalaki o kaliit ito basta’t ‘yong tubo ang pinag-uusapan, ‘yon naman ay perspektiba

na mas kumakampi sa nakatataas at kontra talaga sa manggagawa. Ang hamon sa isang

iskolar halimbawa, ay tingnan kung ano ang sa tingin mong mas dapat manindigan ka

kasi hindi pwedeng gumitna ka lang. Mayroong tinatawag na irreconcilable differences

kaya kung babalikan natin ang usapin ng social media, dahil ito ay minsang sinusuri sa

106

panahon ng post modernism parang mas tinitngnan ito bilang either chaotic dahil sa

napakaraming opinyon o kaya, a celebration of diversity kasi parang ipinagbubunyi mo

na “Sa wakas, maramimg mayroong opinyon.” Kaya lang , ang problema kasi, hindi ito

usapin ng tinatawag na “entitlement to opinion” kasi madalas natin marinig na

“everyone is entitled to an opinion” pero dapat may kwalipikasyon ‘yon – everyone is

entitled to an opinion that’s based on factual evidence. Pero dahil siguro tinatamad sa

mahabang eksplanasyon, hanggang opinyon na lang ang gusto nilang tingnan. ‘Yon ang

pwede mong sabihin konteksto o subteksto dahil ang mga usapin ng pagsusuri ay dapat

na ma-filter talaga sa social media sapagkat parang natatapatan ng impormasyon ‘yong

maling impormasyon tapos natatapatan din ng akmang pagsusuri ‘yong isang klase ng

pagsusuri na umaayon sa isang sitwasyon na may eksploytasyon at kawalan ng hustisya

batay sa perspektiba na ikaw ay mas maninindigan para sa mga batayang sektor ng

lipunan. Pero ang hamon kasi, ito ba ang perspektiba na dapat na panindigan at

panghawakan ng mas maraming tao.

4. Paano nagsimulang maglunsad ng mga balita ang social media partikular na ang FB at

twitter?

‘Yong FB at twitter ay naging lunsaran talaga ng balita magmula pa noong nabuo ito.

Bagamat sinabi natin na ang social media ay may susing salik na pagbibigay-aliw, hindi

mo pa rin mapipigilan ‘yong mga tao na gamitin ang kanilang sociql media account para

maging alternatibong venue o mas mura kung hindi man libre na venue bagamat ang

“libre” ay kailangan ding suriing mabuti sapagkat lahat tayo ay may “binabayaran” sa

pagbubukas ng social media – hindi lang usapin ng pera kung hindi oras. Mula nang

magsimula ang FB at twitter, nagsimula na rin maglunsad ng balita at isang ebidensya

107

rin kasi noong gumawa ng social media account maging FB man o twitter, ay ganoon na

talaga ang kanilang ginawa. Mapapansin din natin na kahit ‘yong dominanteng media ay

ginagawa ito. Ito rin ang stratehiya ng alternatibong media. Ito ay talagang isinasagawa

pero ang usapin ng konsepto ng balita ay dapat malinaw sapagkat kung titingnan ang

normatibong pamantayan ng peryodismo, mayroong balitang mahalaga at mayroong

hindi mahalaga. Pero sa usapin ng kahalagahan, ito ay sinusukat batay sa kung ano ang

nakakatulong sa paghuhubog ng opinyong pampubliko para sa makabuluhang aksyon.

Ito ang normatibong pamantayan ng peryodismo. Hindi lang ito simpleng sinasabi ng

mga progresibo o mga aktibista kasi kahit si Denis McQuail na hindi aktibista ay

naninindigan kung bakit mahahalagang impormasyon tungo sa pagbabago o sa

paghuhubog ng opinyong pampubliko ang dapat na ginagawa kaya mapapansin natin na

halimbawa, sa dominanteng media, ang usapin ng balita ay mas malawak ang konsepto

kasi parang pinaghahalo kung ano ang “mahalaga” at ‘yong “hindi mahalaga” at

minsan, ang framing at priming ng isyu sa dominanteng media ay umaayon pa rin kung

ano ‘yong pangkalahatang state of affairs. Kumbaga parang ang nagiging mantra pa rin

ay “protect the status quo” o protektahan ang kasalukuyang kaayusan kaya sa usapin ng

alternatibong media, mas makikita natin ‘yong mas malalim na pagsusuri ng isyu at ang

kalaliman ay batay sa pagtingin nito sa panlipunang kaayusan o status quo sapagkat

hindi nito tinitingnan ang mga bagay-bagay bilang mga dapat tanggapin na lang kung

hindi, ito ay ilang mga bagay lalo na yaong mga mapansamantalang bagay na dapat na

baguhin. Kaya sa tanong na kailan nagsimula ang balita, ito ay depende kung kalian

nagsimula ang FB o twitter o kahit instagram. Kaya lang, dapat suriin din ito na ang

balita na siyang makakatulong sa paghuhubog ng opinyong pampubliko nagsimula ito

108

kung kailan ginawa ng mga organisasyong pang-media ang kanilang mga opisyal na

social media account.

5. Paano lumalaganap ang mga impormasyong ito sa social media?

Ang virality ay depende sa dami ng komento, like, share, rt, at iba pa. Kaya lang, wala

naman talagang malinaw na pormula kung ano ba ‘yong katangian ng isang video o

isang sinulat na teksto o larawan para ito ay maging viral pero ang common na

katangain ay una, nakakatawa – ang isang bagay na nakakatawa ay mabilis na

kumakalat sa internet kaya kung mapapansin natin na ang mga “charotism” ni Ethel

Booba ay mabilis na kumakalat at maraming sumusubaybay sa kaniya tapos ‘yong

parody account din ni Marian Rivera at kahit ‘yong mismong account niya ay

katatawanan kasi isa lang ang sinusundan niyang account, ‘yong Psychology today at

may reference ito sa kaniyang pagiging “I am a Psychology” na quotation kaya ‘yon pa

lang nakakatawa na. Ikalawa, pwede rin masabi na ito ay selebrasyon ng “katangahan”

pero siyempre kailangang i-qualify na ito ang pagtingin ng marami. Halimbawa,

mayroong isang taga-UP na estudyante ng law o batas tapos noong bumabagyo, hindi

niya alam na ang Mo. Ignacia Ave. ay binabaha pala at tinawid niya ‘yong kaniyang

sasakyan. Tapos, nagtulong-tulong ang mga tao para itulak pabalik sa hindi bahang

lugar ang kaniyang sasakyan at galit na galit siya pero na-capture ng telebisyon,

partikular ng channel 7 ang kaniyang sinabi na “I was not informed” at naging object

siya ng cyber bullying. Naging viral ito kasi ito ang komplementasyon ng tradiyonal na

media at social media. ‘Yong tradisyonal na media ang nag-cover tapos siyempre,

mataas ang rating ng GMA 7 pero mas dumami pa ang nakaalam nito nang ang video na

in-upload ng GMA 7 ay kumalat talaga sa social media tapos ginawan siya ng pahina at

109

ginawang object ng katatawanan at kahit ‘yong “I was not informed” niya ay naging

meme ng kung ano-ano pa. Kaya lang tandaan din natin ang konteksto. Una, may

pinagdaraanan ang tao dahil nag-aalala siya sa kaniyang asawa’t anak na baka

binabaha na ang lugar nila. Ngunit ang mga bagay na ito ay hindi masyadong

naiintindihan kasi ang mas nakikita ng tao ay ang video na may isang “baliw” na

tinawid ang baha. ‘Yon ang problema sa framing ng GMA 7 kasi kahit ‘yong reporter na

si Jun Veneracion ay napaka-confrontational at itinanong agad na, “Bakit ka tumawid?”

na parang nakipagtalo pa siya. Pangatlo,‘yong mga bagay na nakakagalit. Halimbawa

‘yong video ng isang bus driver na nag-counter flow na mabilis nag-viral kasi hindi lang

ito simpleng katangahan kung hindi pagiging arogante siguro na siyang ikinagalit ng

mga tao. Kung malalim ang pagsusuri, may karapatan ba tayo para husgahan ang mga

pasehero na galit na galit at parang sinisigawan din ‘yong nasa tamang lane dahil

naistorbo sila. Dapat maging bukas din ang isip natin sa konteksto ng krisis sa

transportasyon. Talagang maaapektuhan ka kapag may delay at hindi mo alam kung isa

sa mga pasaherong ‘yon ay naghahanap ng trabaho at ang pagkakaroon niya ng trabaho

ay magiging salik kung ikaw ba ay nasa tamang oras pag dating. ‘Yon ang punto na

dapat natin tingnan kasi ang malalimang pagsusuri ay dapat na magkaroon ng konteksto

sa pagtingin kaya lang, nagiging “mababaw” ‘yong pagtingin ng maraming social media

user kasi ang plataporma mismo at lalo na ang mga pino-post ng maraming tao affords

you for a mechanism of dumbing down the perception kasi halimbawa kuung meme lang

‘yan – larawan, konting teksto tapos nakakatawa na. O halimbawa ay ‘yong kay Princess

Sarah na ang diskurso lang ay pagbabalat ng patatas so kung titingnan mo nang mabuti,

nagiging nakakatawa lang siya hindi dahil doon sa teksto kung hindi doon sa

110

pinagsamang larawan at teksto kaya parang nagiging mababaw na rin ‘yong

pamantayan mo kung ano ang nakakatawa at kung ano ang hindi sa punto na parang

pati satire ay parang akala mo totoo pala when in fact, exaggerated reality na batay sa

totoong bagay pero in-exaggerate mo lang. ‘Yon ang mga bagay na nagiging viral at

actually marami pa ‘yan pero ‘yong huling kailangang pag-usapan nang maikli sa

usapin ng pagiging viral ay ‘yong direktang nakakaapekto sa buhay ng mga tao kahit

hindi nakakatawa, nakakagalit, o selebrasyon ng katangahan o kabaliwan ay ang mga

bagay na nakakatakot pero ito ay ‘yong usapin ng epekto ng climate change,

pagwawakas ng mundo, zombie apocalypse, at kung ano-ano pa. Bagamat may

entertainment factor din ang zombie apocalypse, minsan may elemento rin ng

katatakutan doon. Kapag ang mga tao ay nagbibigay lalo na ng maling impormasyon

tungkol sa mga bagay-bagay, parang mas madali kang napapaniwala na baka magwakas

na ang mundo at minsan nakikita natin ‘to sa mga news feed natin na minsan ay may

mga alternatibong kompyutasyon diumano na Mayan calendar o kahit ng Bibliya na

sinasabing sa ganitong oras/araw ay maging maingat na at minsan may mga lumalabas

din na maling impormasyon na huwag lumabas at pumunta sa mga mall kasi baka may

bombang sasabog o kung ano pa lalo na kung may trahedyang nangyayari. Doon sa

virality mapapansin na kadalasan ay ang mabababaw ‘yong mas nangingibabaw kasi

‘yong elemento ng pagsusuri, parang ang hirap ipasok sa mga porma ng mga nagiging

viral. Sa porma naman ng viralty, halimbawa kung meme ‘yan, parang placard lang ‘yan

na nilagyan ng larawan kaya ang placard ay halimbawa sa usapin ng gawaing

propaganda, ito ay para sa ahitasyon lang so wala ‘yong deeper education kasi the

deeper education would come from forums, educational discussion, teaching, etc. Tapos

111

‘yong meme, kung iko-konteksto mo sa ahitasyon, parang wala ‘yong elemento ng

pagpapalalim. Ganoon din ang video – hindi pwedeng viral ang video na mahigit 1 oras

kahit na ganoon katagal para magpalalim, siguro ilang segundo lang ‘yan kaya kahit sa

pagbibigay-aliw, ‘pag pinagsama mo ang pineapple at pen na kahit ilang segundo lang,

nagiging nakakatawa. Kaso may ilang pagsusuri pang pwedeng gawin at nagiging

mababaw lang dahil hanggang sa antas lang na ‘yon na usapin ng pagbibigay-aliw.

6. Popularidad ni Duterte

a. Ano ang naging papel ng social media sa katanyagan ni Pang. Duterte at paano ito

nakakaapekto sa pagtingin ng publiko sa kaniya?

Mahalagang balikan ‘yong klase ng kampanyang ginawa niya sa kaniyang pagtakbo

bilang pangulo. Kasi ‘yong pagtingin ng maraming tao ay walang pera si Duterte at

pinondohan lang siya ni “Emilio Aguinaldo” at kumbaga wala raw siyang donor.

Kaya lang, kung babalikan ang mga statement niya, sa 4 na tao lamang pala siya

may utang na loob at isa roon ay si Imee Marcos. Ngayon, batay sa impormasyong

nakalap ko, at least 25 million ang ginastos para sa kaniyang social media campaign,

at sa social media lang ‘yon at iba pa ang television ad at kung ano-ano pa. Tapos,

isang influential na politiko ang gumastos para sa kaniya. Sa madaling salita, may

pera talaga. Kumbaga, ‘yong social media campaign niya na masasabing

napakaepektibo dahil mabilis naging viral ‘yong mga video tungkol sa kaniya at

talagang pinagkagastusan. Pero kailangang maging patas din tayo kasi halimbawa,

I’m inclined to believe sa sinasabi ni Mocha Uson na siya ay hindi binayaran para sa

kaniyang mga pinaggagagawa para kay Duterte kasi wala namang dahilan para

magsinungaling si Uson tungkol dito. Tapos mahahalata mo naman sa kaniyang mga

112

pino-post at siya ay may pinanggagalingan naman kung bakit napaka-die hard niya

at hindi siya nahihiya na ipagkalat ito kahit na ito ay nangahulugan ng pagkuha rin

niya ng risk kasi napakalaking liability para sa isang entertainer na kumampi sa

isang kandidato na hindi mo siguradong mananalo. Siguro tinitimpla rin niya ‘yong

sitwasyon- kung matalo si Duterte, saan na siya pupulutin at kung magpapaka-die

hard siya, para magiging irrelevant siya so kumbaga, sumugal siya at hindi ito

kayang tapatan ng anomang pera kasi credibility at reputasyon mo ang sinasanla mo

at sinusugal mo. Ngayon, ‘yong katanyagan niya, may price tag talaga ito sa usapin

ng social media campaign at ito ay pinagkagastusan talaga sa una. Pangalawa,

epektibo ang kaniyang social media campaign kasi ‘yong kaniyang grupo ay

nakapag-hire talaga ng tinatawag na “army of trolls” bagamat ito ay hindi lang

naman eksklusibo kay Duterte kung hindi pati na rin sa iba pang mga political party

na nag-launch ng mga kampanya nila. Kaya lang pagkatapos ng kampanya, tingin ko

hindi nakakagulat na hindi ka nag-disband ng ganitong mekanismo so from a

campaign machinery na-transform ito into a propaganda machinery kaya pansinin

mo, kahit si Martin Andanar ay napakaraming kapalpakan at kahit ‘yong kaniyang

pagsusulat ay napaka-leeeh. Napaka-indispensable pa rin niya kasi siya ‘yong

nagma-manage ng “army of trolls” ni Duterte at minsan, kahit iniisip mo kung pino-

promote ba niya ang sarili niya dahil binuhay nanaman niya ang man cave niya

Podcast at ang ini-interview lang niya ay mga kumakampi sa kasalukuyang

administrasyon at binibigyan niya ng plataporma ‘yong mga blogger na

nagpapakalat ng maling impormasyon tulad nina Sasot at Nieto. Ang punto rito ay

may mga tao si Duterte na siya nagma-manage talaga ng mga troll na ito at

113

pinagkakagastusan talaga. Ngayon, sa puntong ito na nakaupo na siya sa puwesto,

kailangan lang malaman ay may ginagastos pa rin sa mga army of troll na ito pero

sana hindi na ginagamit ‘yong pondo ng gobyerno para dito at sana itigil na itong

mga ganitong klaseng pagpipinansiya kasi hindi rin ito nakakatulong kasi kadalasan

itong army of troll na ito ay pumapasok lang sa tinatawag na cyber bullying at wala

talagang malinaw na engagement in terms of healthy debate at talagang mahirap

kontrolin ang mga taong ito.

b. Ano ang opinyon ninyo sa Mocha Uson blog at sa mga social media pages/accounts

na patuloy na nag-eendorso kay Pang. Duterte? Ano ang epekto nito sa pagtanaw ng

mamamayan sa mga programa at polisiya ng kaniyang administrasyon?

Kapag sinusuportahan mo ang isang kandidato o ngayon ay kasalukuyang pangulo,

mayroon kang tendensiya na isipin na tama ang mga ginagawa niya pero siyempre

mayroon din namang kritikal ‘yong pagsuporta. Halimbawa, ‘yong mga maka-

kaliwang grupo, maganda ‘yong relasyon niya ngayon sa kasalukuyang

administrasyon bagamat nagiging kritikal sa maraming bagay tulad ng EJK,

impunity, flip-flopping sa usapin ng independent foreign policy kasi isang araw

sasabihin niya na dapat magkaroon na ng independent foreign policy kumpara sa

Amerika pero kinabukasan sasabihin na pwedeng magtayo ng base militar dito.

Siyempre doon, nasisingil mo ‘yong administrasyon kumbaga parang ‘yon ang

tinatawag na critical engagement which is good. Tapos ‘yong mga nakaupo sa

pwesto na mga maka-kaliwang personalidad, malinaw na ito ay batay hindi sa blind

loyalty sa pangulo kung hindi dahil sa prinsipyo at gusto kong isipin na si Duterte ay

iginagalang itong klaseng prinsipyo. Kasi minsan iniisip ko na bilang isang

114

beteranong politiko, talagang ginagawa mo ‘to para rendahan ‘yong mga potensyal

na kalaban mo kasi may kasabihan, “Keep your friend close and your enemies

closer” so pwedeng isang estratehiya rin ‘yon at hindi ko masisisi ang maraming tao

kung medyo kritikal sila sa ganoong klaseng tao o politiko. Kaya nga kung babalikan

ang Philippine Society and Revolution ni Amado Guerero, sinabi na lahat ng mga

administrasyon ay nangangayupapa talaga sa US kasi minsan ‘yong batayang tanong

ngayon, “Pwede pa bang gamitin ang termino na US-Duterte regime?” just like US-

Aquino, US-Ramos, US-Estrada, US-Marcos, etc. Ang sagot ko ay oo kasi ‘yong

element ng imperyalistang control ay nadoon pa rin kung titingnan ang aktibistang

pagsusuri. Bagamat may mga pronouncement siya sa usapin ng independent foreign

policy at dapat na maging kritikal tayo sa ginagawa ng Amerika, nariyan pa rin

‘yong impluwensiya ng Amerika sa kasulukuyan at hindi ko sinasabi na ito ay

conspiracy between Duterte and US pero ito ay hindi naman usapin ng personalidad

kung hindi usapin ng administrasyon. Hindi natin matatawaran na mayroon pa ring

mga neoliberal sa administrasyong Duterte at ito ‘yong masasabing “ahente ng US”

so isang perspektiba ‘yon. Ngayon kung babalikan ang social media, ‘yong Mocha

Uson blog, Sasot, at iba pa, bagamat malaki ang impluwensiya nila at marami silang

follower, ‘yong malalim na pagsusuri ay hindi talaga masyadong inaasahan sa kanila

kasi ‘yong katangian ni Uson halimbawa, ‘yong aktibistang background niya ay hindi

talaga ganoon kalalim bagamat ‘yong kaniyang pagiging civic-oriented, hindi mo

matatawaran kasi hindi alam ng mga tao na halimbawa, nagvo-volunteer siya sa

DSWD at kung kakausapin ‘yong mga social worker ay napakapositibo ng pagtingin

sa kaniya at hindi siya naghahanap ng publicity, hindi siya ‘yong tipong pa-selfie

115

lang na tumutulong. Hindi matatawaran ‘yong ganoong klaseng humility and

accommodation in terms of civic orientedness kaya lang ‘yong political activism,

hindi talaga ingrain sa kaniya kasi hindi naman siya talaga ganoon. Hindi naman

siya parang halimbawa si Monique Wilson ay mas malinaw ‘yong kaniyang sense of

organization at sense of commitment kasi bagamat siya ay “entertainer/singer” din,

may malinaw at malalim siyang ugnay sa iba’t ibang grupo lalo na ‘yong Gabriela o

‘yong 1 Billion Rising Movement at sa pagkakaalam ko siya ang isang direktor dito.

Si Sasot, hindi ko masyadong kilala pero sa pagkakaalam ko, siya ay nasa labas ng

bansa kaya malamang kung anomang political awakening niya ay nakukuha lang

niya sa social media at sa kaniyang limitadong interaksyon sa mga Pilipino siguro sa

Europa kaya hindi mo rin talaga matatawaran ‘yon pero hindi naman ‘to usapin ng

pisikal na detachment sa Pilipinas kasi si Sison halimbawa, dekada 80 pa siya umalis

ng Pilipinas pero mapapansin na tila mas may alam pa siya sa pambansang

sitwasyon kaysa sa mga Pilipinong nandito. Kung babalikan natin ‘yong may

maraming follower, hindi mo ine-expect ‘yong ganoong klaseng political analysis at

political engagement lalo na sa mga follower niya kasi siguro dahil wala siyang oras

para malalim na magsuri o kaya ayaw nila ng ganoon kasi sa tingin nila ito ay

boring at hindi masyadong interesting sa mga tao which would be unfortunate.

c. Paano magagamit ang social media upang suriing mabuti ng publiko ang

pamamalakad ng pamahalaan?

Magaganit ito kung mayroong mataas na antas ng media literacy at media education

ang mga social media user dahil kapag ikaw ay kontento na ang iyong social media

account ay para lamang sa iyong mga kaibigan, kapamilya at kabarkada, hindi mo

116

makikita ang potensyal ng social media sa pagmumulat hindi lang ng mga kakilala

mo kung hindi ng mas malawak pang publiko. Dapat magkaroon ng pagtingin na

‘yong social media dahil ito ay bahagi ng public domain, ‘yong paghuhubog ng

opinyong pampubliko ay dapat sa pamamagitan din ng public domain na ito. Dapat

na magkaroon din ng edukasyon para ‘yong nalalaman mong impormasyon sa

internet ay kaya mong ma-filter kung alin ‘yong tama, ibig sabihin ay accurate, kung

ano ‘yong akma, o appropriate kasi hindi dahil tama ay akma na doon sa nangyayari

sa lipunan kasi kahit sa peryodismo may dalawang klase ng pagiging tama. Ang

factual accuracy na batay sa datos, sa empirical evidence at mayroon ding contextual

accuracy na tricky part ng accuracy kasi ‘yong pagsasakonteksto, ibig sabihin kaya

mong pag-ugnay-ugnayin ‘yong mga tila magkakaibang pangyayari. Halimbawa, ang

nangyari sunog sa EPZA ay hindi lamang usapin ng kapabayaan o ng pagsunod sa

fire code o pagiging under ng BFP kaya lang ang mas malalim na pagsasakonteksto

ay ang realidad ng kontraktuwalisasyon, mababang pasahod, at ang pundamental na

tanong na, “Ano ang ginagawa ng mga manggagawang iyon sa lugar na ‘yon?”

dahil dapat ay nandoon sila sa mga pamilya nila at nakatira sa sarili nilang bahay.

Pag malalim na nasusuri, nasa posisyon ka para magbigay ng mas makabuluhang

komentaryo kasi pag mababaw lang ang pagsusuri, ang sasabihin lang ay, “Sh*t

happens” at hanggang doon lang ang pagsusuri mo. Ang pagpapalalim ng pagsusuri

ay malalaman sa edukasyon, hindi lang sa media kung hindi pati na rin sa

pambansang sitwasyon.

117

7. Paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani

a. Paano ginamit ang social media upang maihayag ng publiko ang kanilang pagtutol sa

paglilibing kay Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani?

May tumututol pero mayroong ding sumasang-ayon. Maging malinaw din tayo. Bago

pa man ang kampanya, ‘yong kampo ni Marcos ay talagang may ginagawa na para i-

deodorize ang martial law, ang “legacy” nila Marcos kasi mapapansin na bago pa

man ang kampanya, pinapalaganap na ang kabutihan diumano ng martial law sa

youtube tapos talagang inihahanda si Bongbong Marcos para tumakbo bilang

president talaga dapat kaya lang noong nakita ‘yong realidad na medyo heavyweight

ang mga tumatakbo, pumayag siya na mag-slide down bilang partner ni Miriam.

Dapat nga sila ni Duterte. Kahit sa UP, parang subtle din ang pagpasok ng mga

Marcos at pinangalan ang College of Business Administration kay Cesar Virata na

prime minister ni Marcos at magugulat ka na kahit sa university council meeting ay

walang nagbanggit na sila ay pro-Marcos, ang naging diskurso lang ay “Ang

kasalanan ba ng mga Marcos ay kasalanan din ng mga opisyal nito?” Siyempre

sumagot kami ng “oo.” Pero sabi nila na sobra naman ang ganoong klaseng

paghuhusga tapos naglabas pa ng libro na napakakapal tungkol sa magandang

ginawa ni Virata na inilabas ng UP press at iyon ay napaka-subtle din kasi siyempre

kapag pinupuri mo si Virata, in effect, nata-transfer din iyon sa mga Marcos kasi

parang pinupuri mo rin sila Marcos. May malaking perang ibinuhos kasi halimbawa

‘yong pagpapangalan kay Virata, 20 milyon ‘yan na donasyon sa college mismo. May

conscious effort talaga ang grupo ng mga Marcos na ipalaganap kasi gusto niyang

protektahan ang “legacy” ni Marcos para maibalik sila sa kapangyarihan kaya

118

‘yong pagpapalibing kay Marcos ay simbolismo lang. Ginamit ang plataporma

kagaya ng ginawa ng grupo ni Marcos. Pansinin natin na pinaghalong organisadong

grupo ‘yan at mga indibidwal na tutol sa pagpapalibing kay Marcos at mapapansin

natin na iba’t ibang mga kampo ito. Mayroong kampo nina Aquino na galit sa mga

aktibista na mga dilawan diumano tapos nandiyan din ang mga maka-kaliwang

grupo na nagbibigay ng mas malalim na pagsusuri sa mga Marcos kasi ito ang mga

tunay na biktima ng martial law, mga tinorture noon kaya mapapansin natin sa mga

pagkilos na ginawa ng maraming grupo ay malaki ‘yong suporta. Hindi ‘yan ‘yong

tipong parang puro ingay lang sa social media. Masasabi natin na may susing papel

ang social media kasi ito ang naging plataporma sa pagbibigay ng impormasyon

pero hindi pa rin matatawaran ang klase ng kooperasyon na binigay ng dominanteng

media kasi dapat may komplementasyon. Hindi puwedeng social media lang ang

lunsaran. Dapat mayroon ding coverage ang dominanteng media kasi ang realidad

sa Pilipinas kung titingnan ang penetration rate ng internet, mahigit kalahati lang

‘yan at nasa 52% lang batay sa internetworldstats.com. Dahil na-cover ng media ang

mga pagkilos, ‘yong mga walang masyadong akses sa internet, o hindi natunghayan

sa internet ang mga impormasyon, nalaman nila sa pamamagitan ng telebisyon

bagamat mahalaga rin ang print at radyo. May komplementasyon na hindi dapat

matawaran.

b. Ano ang naging papel ng social media sa paglulunsad ng iba’t ibang kilos-protesta

laban sa paglilibing na ito?

Sa usapin ng pagbibigay ng tamang impormasyon at kahit misimpormasyon, minsan

kasi sa mga announcement tungkol sa mga magaganap, may misimpormasyon din

119

hindi dahil sa pagkakamali ng administrator kung hindi minsan iniisip ko na kahit

ang mga Marcos group ay sinusubukang lihisin ang mga simpleng venue kung saan

may gagawin para kung matu-turn off ang mga ordinaryo, “Ay wala pala. Sige sa

susunod hindi na ako maniniwala. Hindi na ako pupunta.” Minsan may mga ganoon.

Pero for the most part, ang social media, lalo na ang mga events pages at FB pages,

nagagamit ito para magbigay ng mga mahalagang impormasyon, datos at ngayon na

mas mataas ‘yong penetration rate ng mobile telephony at sa pagkakaalam ko nasa

117% ito, ibig sabihin, 102 milyon ang tao/populasyon ng Pilipinas at sa

pagkakaalam ko nasa 119 milyon ang mobile telephone at halos bawat isa sa atin

may isa o higit sa isa pang mobile phone. In terms of accessibility sa social media

mas mobile phone talaga ang ginagamit sa kasalukuyan para mag-access ng iyong

account- FB, twitter o ig. Itong mga bagay na ‘to ay hindi natin dapat matawaran

kahit na 52% lang ng populasyon natin ang may access sa internet kasi marami sa

mga pagkilos ay nasa lungsod at kung ikaw ay nasa lungsod, most likely may mobile

phone ka o kaya ay may internet access ka o free data kaya ang social media ay mas

may pakinabang talaga sa mga urban area na nagiging lunsaran ng pagkilos. Sa

kanayunan, may internet connection din naman pero dito, mas nakikita natin ‘yong

susing papel ng radyo at community press.

c. Ano ang naging epekto ng mga pagkilos na ito sa mamamayan at maging sa

pamahalaan?

May paraan ang pamahalaan para ma-gauge ang public pulse. May ideya ka kung

ano ang klase ng pagtutol, bakit tumututol at kung ano pa. Sa usapin ng empirical na

datos, hindi pa rin matatawaran ang kapangyarihan ng survey, FGD, dahil doon

120

malalaman kung ano ba ang saloobin ng minorya o ng mayorya n gating lipunan.

Kumbaga, magandang paraan ito para makakuha ka ng ideya kung ano ang

pagtingin ng mga tao. Ang problema sa kasalukuyang administrasyon, pwede mong

sabihin na si Duterte ay medyo sinusubukan niyang balansehin ang nagtutunggaliang

mga pwersa kaya lang, ‘yong mga nasa sensitibong posisyon tulad ng NEDA, DOF,

DBM, at iba pa, ay masyadong neoliberal ang kanilang pagtingin kaya ito ang

talagang humaharang sa mga maka-batayang sektor ng lipunan na mga panukala

tulad ng pagwawakas ng kontraktuwalisasyon kaya kahit si Sec. Bello ay medyo

pumihit din – noong una, pabor sa pagwawakas ng kontraktuwalisasyon pero

ngayon, dapat daw i-regulate ang kontraktuwalisasyon. Kahit si Sec. Taguiwalo ay

may magandang inisyatiba, hindi pa rin niya kayang i-abolish ang 4P’s o CCT kasi

ang opisyal na polisiya ay hahayaan siya. Ang naging kompromisa na lang ay

nariyan ito ngunit hindi institutionalized- temporary mechanism pero hindi alam

kung kailan mawawala. It’s a tough balancing act sa posisyon ng administrasyon.

8. Isyu na dapat bigyang-puwang sa lipunan

a. Napapalutang ba sa social media ang mga usaping may kaugnayan sa relasyon ng

Pilipinas at ibang bansa lalo na ang US?

Napapalutang ito ng mga organisadong grupo kaya lang hindi ito nagiging viral kasi

‘yong media agenda, public agenda at policy agenda ay dapat nagtutugma-tugma

sana. Sa media agenda, ang alternative media ay hindi naman nagkukulang sa

malalimang pagsusuri sa lipunan kaya lang ang naaabot o reach ay hawak ng

dominanteng media kaya kung hindi ico-cover ng dominanteng media ang mga

importanteng isyu at malalim niyang susuriin ang mga ito, hindi makakatulong nang

121

husto ang alternatibong media sa paghuhubog ng opinyong publiko. Bagamat

mahuhusay ang kaniyang mga isinasagawang pagsusuri, kung limitado naman ang

naaabot mo, napakalimitado ng iyong impluwensiya kumpara sa dominanteng media.

Masasabing hindi natin dapat sisihin lamang ang social media sa ganitong klaseng

“limitasyon” kasi ang dominanteng media ay may susing responsibilidad para

maging mekanismo sa pagpapalalim at impluwensiya kaya lang ang problema sa

istruktura ng kasalukuyang media, kung titingnan ang pagmamay-ari nito, ito ay pag-

aari ng mga malalaking negosyo, ng mga pamilya na talagang well-entrenched ang

pang-ekonomiyang interes at pampolitikang interes kaya hindi mo sila masyadong

maaasahan sa malalimang pagsusuri. Ang habol mo kasi rito lalo na sa telebisyon ay

pagpapataas ng ratings at paano patataasin ang ratings – ito ang tinatawag na

appeal to the least common denominator o dumbing down of the audience kaya kahit

entertainment ay napakababaw, napaka-celebrity oriented. Kahit public affairs shows

ay pinapanood tuwing hatinggabi na o kaya ay tine-tape na lang ang mga ito kasi

wala silang nakukuha para sa mga live na public affair shows. May susing papel

dapat ang dominanteng media rito kaya hindi matatawaran ang komplementasyon ng

social media sa dominanteng media.

9. Paano sa tingin ninyo matutuldukan ang pagkalat ng maling impormasyon o balita sa

social media?

Tatapatan ito ng media education at media literacy kasi hindi solusyon ang ire-regulate

ang internet para tamang impormasyon lamang ang lalabas dahil once you regulate the

internet at ipasa sa kongreso ang isang batas, sensura ‘yan o censorship. Ang habol kasi

natin ay you solve misinformation by media education and self-regulation. Self-

122

regulation by policing your own ranks. Magiging mapagmatyag at mapagbantay lahat ng

mga tao kasi pwede mo naman i-report o ireklamo ang mga tao o grupo sa likod ng mga

social media account na nagbibigay ng maling impormasyon o minsan naman ‘yong mga

indibidwal mismo na nagpapakalat ng maling impormasyon – minsan kasi unconsciously

done ito. Kumbaga, you mean well pero ang ginagamit mong batayan ng iyong

argumento ay kuwestiyonable ang provenance at validity ng mga datos at pagsusuri so

‘yong mga bagay na ‘yon ay itatama mo.

10. Paano magiging instrumento ang social media upang matukoy ang mga isyung hindi

nabibigyang-pansin sa lipunan?

Ang pundamental na usapin ay kung ‘yong indibidwal ay armado ng akmang pagsusuri

sa nangyayari sa lipunan kasi ikaw ay nasa posisyon lamang para makapag-

impluwensiya kung alam mo kung ano ang tamang pagtingin sa mga bagay-bagay kung

ikaw ay gumawa ng pananaliksik. Hindi puwede ‘yong “shooting from the hip” na

diskurso na tipong magsa-side comment ka lang tapos ‘yon na ang opinyon mo. Minsan

kailang linawin kasi ang opinyon ay dapat batay pa rin sa realidad at hindi pwede na

“feeling ko” kasi kapag feeling mo lang iyan ay hypothesis pa lang ‘yan. That is subject

to validation or invalidation. Ang ganoong klaseng pagtingin at temperament ay dapat

nangyayari kung ikaw ay may sapat na edukasyon sa media at ‘yong katangian mismo ng

social media kasi kapag hindi gagawin ‘yon, ang magiging pagtingin mo lang ay “Ako

ay social media user. Dapat may opinyon ako sa lahat ng bagay o dapat nagpo-post ako

oras-oras.” Mawawalan ka ng ganiyang pagtingin kung mapapalalim ang edukasyon mo

at mas makikita mo na dapat, ang mga importante lang ang pino-post mo. Dapat may

pagtingin din na hindi ka mamamatay kung hindi mo mabubuksan ang social media

123

account mo ng isang araw. Maybe that would be more educational for people kung hindi

araw-araw nagso-social media.

11. May paraan ba upang maging magkatuwang ang social media at iba pang uri ng media?

Ito ang tinatawag sa komunikasyon na transference. Kapag nag-cover ang dominanteng

media ang ilang bagay na importante sa social media, parang may transference not just

in terms of reach but transference in terms of legitimacy. Bagamat minsan ay

kuwestiyonable ang credibility ng dominanteng media kasi maraming mga sabit at

pagkakamali, ‘yong overall perception at credibility ay nandyan naman at hindi

mawawala sa dominanteng media basta’t iingatan nila ang kanilang kredibilidad.

Bagamat alam natin ang pinanggagalingan ng mga dominanteng media, hindi pa rin

matatwaran na marami sa mga peryodista nila ay talagang nais yakapin ang

pamantayan ng peryodismo so kapuri-puri ang mga ganoong indibidwal at kahit sa

puntong ‘yon ay dapat tinutunghayan pa rin ang ginagawa ng mga dominanteng media

kaya mali na sabihing dapat i-boycott ang dominanteng media dahil hindi mo nakuha

ang paborableng coverage. Kung may reklamo ka sa kanila, pwede kang magreklamo

nang diretso sa kanila o kaya ay gamitin ang social media bilang lunsaran para irehistro

ang iyong pagtutol at pagkondena. Pero siyempre hindi tayo dapat umasa lang sa

dominanteng media kumbaga sa usapin ng pagpapalaganap ng impormasyon, isang

plataporma lang ang dominanteng media at kung hindi nila i-cover ‘to, hindi ito

katapusan ng mundo sapagkat pwede mo pa rin i-tap ang alternatibong media kasi

minsan, may indirect pressure din sa dominanteng media na i-cover ang isang bagay

kung ang iba pang mga “maliliit”na mga tao at mga indibidwal ay ginagawa iyon kaya

may paraan naman para magkaroon ng relationship whether symbiotic or force majeure.

124

a. Gaano kahalaga ang social media sa kasalukuyan at paano ito magagamit nang tama sa

paglahad at pagsuri sa mga isyu sa lipunan?

Mahalaga ang social media sa usapin ng pagpapalaganap ng impormasyon lalo na kung

ang gusto mong hubugin opinyong pampubliko ay sa sektor ng kabataan o ng millennial

kasi social media savvy na ang kasalukuyang henerasyon kaya magandang paraan ito.

Ang epektibong paggamit ay sa pamamagitan ng akmang edukasyon hindi lamang sa

media kung hindi sa pambansang sitwasyon o national situation kasi kapag ang

pagsusuri mo ay sablay, sumasablay din ang paghuhubog ng opinyong pampubliko kaya

edukasyon talaga ang susing salik dito.

125

APENDISE D – Panayam kay Ginoong Raymond Palatino ng Bagong

Alyansang Makabayan (BAYAN)

1. Ano ang social media at ano ang katangian nito na wala ang ibang uri ng media?

Ang pinagbabatayan ko ay ang isang pagtingin nage-evolve ang internet. Ang mga

unang internet noong 1990’s, mainly ay “search” ang gamit – yahoo, google, etc. Tapos

naging tool ang internet for communication mainly email and then, interaction – web 2.0

kaya nagkaroon ng mga blog, comments sa websites. In the past 10 years, ang

phenomenon na ay ang social media, mga SNS tulad ng FB na naging popular,

mainstream ang paggamit, twitter for example ay para sa microblogging. Ang internet,

from our generation na ang pag-akses sa internet dati ay desktop, tapos laptop, ngayon,

mainly o parami nang parami ay mobile phone so ayan na ang daluyan ng social media

through mobile phone, through mobile internet. Iyan ang kasalukuyang popular at

dominant structure ng internet ngayon. Ang social media na kung saan may palitan ng

impormasyon, daluyan ng impormasyon gamit ang SNS, gamit ang mobile phone.

2. Bakit naengganyo ang publiko na lumahok sa social media?

Una, libre – actually, hindi naman talaga libre pero compared to other media platforms

like TV, radyo na mahal magpa-advertise. Pangalawa, wide ang reach, global. Pangatlo,

instant ang reaksyon. Tapos, nasa social network ka, nasa sirkulo ka ng mga kaibigan

mo, kaibigan ng mga kaibigan ng mga kaibigan mo. Isa siyang malaking at convenient

na clearing house ng impormasyon.

3. Ano-ano ang gamit ng social media sa buhay ng mga Pilipino?

Una, for OFW, to bridge the distance ng mga OFW at ng mga pamilya nila so as a

communication tool, useful ito. Pangalawa, for information sharing – balita, opinyon,

126

tips etc. Parami nang parami ang maga taong kumukuha ng impormasyon ngayon

through social media.

4. Paano nagsimulang maglunsad ng mga balita ang social media partikular na ang FB at

twitter?

Lumalabas na ang mga tao ay mas naniniwala sa isang isyu kapag ang nag-share o ang

nagbigay ng impormasyon ay kaibigan nila o kakilala nila. May trust sa source ng

impormasyon kaya nagamit ang social media. Pangalawa, ang infrastructure niya ay

designed to spread in a quick way ang impormasyon.

5. Popularidad ni Duterte

a. Ano ang naging papel ng social media sa katanyagan ni Pang. Duterte at paano ito

nakakaapekto sa pagtingin ng publiko sa kaniya?

Iyan ay information warfare. Nag-evolve na ang state craft o political tool ng mga

political parties and politicians na gamit na rin itong information tools. Kumbaga,

you bombard the public with information. Kung dati ang problema ay lack of

information, ngayon ay too much information. Strategy na iyan ng mga leader at

politiko. Ang tingin ko na ngayon sa information tool, it sustains political patronage

to create loyal followers and supporters. Hindi lang sapat na you give them cash,,

goods, services. Patronage ay traditional, kasama na ang information. You provide

them with a narrative kung saan susuportahan ng tao ang lider. Si Duterte, hindi

naman unique sa kaniya iyon. Kumbaga sa modern politics, kasama na siya sa

pamamaraan ng pamumuno at pangangampanya pero nakita natin ngayon ang

usefulness ng social media as a valid and effective tool for political propaganda.

127

b. Ano ang opinyon ninyo sa Mocha Uson blog at sa mga social media pages/accounts

na patuloy na nag-eendorso kay Pang. Duterte? Ano ang epekto nito sa pagtanaw ng

mamamayan sa mga programa at polisiya ng kaniyang administrasyon?

Frankly, hindi ko nababasa ang blog ni Mocha pero ang blog, noon pa iyan. Pero

ang mga bloggers na sumusuporta kay Duterte, tingin ko , it’s not a matter of

agreeing or disagreeing with them. It’s about critical reality that from now on,

politicians and political parties will have to cultivate loyal followers on social media

para sa kanilang political existence.

c. Paano magagamit ang social media upang suriing mabuti ng publiko ang

pamamalakad ng pamahalaan?

Puwede kang mag-seek ng accountability, for verifying ng news, pag-monitor sa

policies and statements ng politicians and our leaders, pag-organize ng action for or

against the policy and to spread opinion about an issue whether for or against.

6. Paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani

a. Paano ginamit ang social media upang maihayag ng publiko ang kanilang saloobin sa

paglilibing kay Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani?

Ang Marcos burial ay hindi ang first na may social media tapos magra-rally. Best

example is the Million People March noong 2013. ‘Yong practice noon was an

inspiration for the Marcos burial.

b. Ano ang naging papel ng social media sa paglulunsad ng iba’t ibang kilos-protesta

laban sa paglilibing na ito?

Through social media ‘yong announcement, organizing ng action, spreading of

memes, etc.

128

c. Ano ang naging epekto ng mga pagkilos na ito sa mamamayan at maging sa

pamahalaan?

Politics always involves creating or disproving an opinion or information so useful

ang social media lalo na kapag may protesta, pressure ‘yan sa politicians at sa

gobyerno.

7. Isyung dapat bigyang-puwang sa lipunan

a. Napapalutang ba sa social media ang mga usaping may kaugnayan sa relasyon ng

Pilipinas at ibang bansa lalo na ang US?

Napapalutang pero hindi ko alam kung ano ang reach niya, kung widespread ba at

kung ano ang perspective na dominant. Ang criticism ko sa social media, bagamat

convenient at madaling mag-akses ng information, pero what kind of information?

Baka mamaya ang nangyayari lang ay chamber echo. Ang chamber echo effect- we

tend to be friends sa ating social network with people we share our thoughts so we

are friends with people who like what we want, think what we think. Kumbaga,

palitan lang kayo ng mga gusto at mga opinyon so kung ‘yon lang ang set of

information mo, ang doubt ko kung ano ‘yong klase ng impormasyon tungkol sa US-

Philippines relations. Mahalaga pa rin talaga ang mainstream media.

b. Sa paanong paraan magagamit ang social media upang maiangat ang kamalayan ng

publiko tungkol sa mga isyung may kinalaman sa kasarinlan at ugnayang pandaigdig?

Kailangan organized spread of information – ‘yong fake news phenomenon,

alternative facts. Dapat organized din ang pagtukoy kung ano ‘yong mga fake news

tapos turuan mula bata ‘yong paggamit ng internet. Don’t teach young people how to

129

use the internet. Kumbaga, basic skills pa rin – reading, writing, arithmetic, etc.

Teach them to filter online content to distinguish relevant information.

8. Gaano kaepektibo ang paggamit ng social media sa pagpapalutang ng mga isyu at

impormasyon? Nakakatulong ba ito sa pagmumulat sa masa ukol sa mga kinakaharap ng

lipunan?

Sa pag-spread ng information, useful. To raise the consciousness of public, it depends.

Ironically, in this age na we can fact check everything, we tend to forget the essential

things kasi sa isang araw, you’re bombarded with too much information. At the end of

the day, you consume too much at hindi mo na alam kung ano ‘yong relevant, ano ‘yong

hindi kaya kailangan basic skills pa rin ang ituro sa mga bata.

9. Paano sa tingin ninyo matutuldukan ang pagkalat ng maling impormasyon o balita sa

social media?

Predictable na ngayon ang format at content ng fake news. Pero kailangan pa rin ituro

sa tao ang basics about fake news and how distinguish. Sa pag-akses ng information,

pag-consume ng information, kailangang ituro ‘yong critical na pag-absorb ng

information whether fake news or corporate media kasi hindi lang naman fake news ang

mali. Kahit naman ang corporate media, may bias iyan. Kailangan, critical ang tao. Pero

ang kaibahan ngayon, sa Pilipinas, sa US, and elsewhere, ‘yong paggamit ng fake news

to distort political discourse perspective, napatunayan niya na kaya niya. ‘Yon ang

danger, ang threat sa politics kasi ang daming information, hindi iyan simpleng tama ka.

You have to campaign for it, fight for it.

130

10. Paano magiging instrumento ang social media upang matukoy ang mga isyung hindi

nabibigyang-pansin sa lipunan?

Kailangan labanan ang tendency ng pagkiling sa mga isyu na may trending, viral. Hindi

puwede na ang political campaign ay para lang makapag-trend ka. Kailangan, back to

the basics. Target a particular sector or place, then you campaign. Then, organize your

volunteers para organized din ang campaign niyo.

11. May paraan ba upang maging magkatuwang ang social media at iba pang uri ng media?

Una, ang social media ay dating nag-present bilang alternative media. Tingin ko totoo

pa rin pero ang mainstream media, ginagamit niya na ang social media for information

sharing, so embedded na ang social media sa alternative media. Pero, napaka useful pa

rin ng social media for progressive groups to maximize this for their campaigns.

12. Gaano kahalaga ang social media sa kasalukuyan at paano ito magagamit nang tama sa

paglahad at pagsuri sa mga isyu sa lipunan?

Hindi mo ito puwedeng i-ignore dahil it’s a convenient and fast way of distributing

information whether you’re in government, outside the government, private sector,

resisting the government, kahit revolutionary groups may social media kasi napaka

useful niya na tool to reach public, mas malaki, mas mabilis. ‘Yong pag-spread ng

information, magagamit siya hindi lang ng estado, kahit ‘yong mga humahamon sa

estado.