Ang Pag-aalaga ng Alimango - DOST ScINet-Phil

35
Ang Pag-aalaga ng Alimango Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) Department of Science and Technology (DOST) ISSN 0116-7736 Information Bulletin No. 54/2014

Transcript of Ang Pag-aalaga ng Alimango - DOST ScINet-Phil

Ang Pag-aalaga ng Alimango

Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD)

Department of Science and Technology (DOST)

ISSN 0116-7736Information Bulletin No. 54/2014

The Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) is one of the sectoral councils under the Department of Science and Technology (DOST). PCAARRD was established on June 22, 2011 through the consolidation of the Philippine Council for Agriculture, Forestry and Natural Resources Research and Development (PCARRD) and the Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development (PCAMRD).

The Council formulates policies, plans, and programs for science and technology (S&T)-based research and development (R&D) in the different sectors under its concern. It coordinates, evaluates, and monitors the national R&D efforts in the agriculture, aquatic, and natural resources (AANR) sectors. It also allocates government and external funds for R&D and generates resources to support its program.

As a leader in providing S&T solutions for AANR development, PCAARRD promotes active partnerships with international, regional, and national organizations and funding institutions for joint R&D; human resource development and training; technical assistance; and exchange of scientists, information, and technologies.

PCAARRD also supports the National Agriculture, Aquatic and Resources Research and Development Network (NAARRDN) composed of national multi- and single-commodity and regional R&D centers, cooperating stations, and specialized agencies.

Being an ISO 9001:2008-certified agency for its quality management system, PCAARRD is committed to advance and foster partnerships and reinforce the culture of relevance, excellence, and cooperation through its good governance and continual improvement programs. As such, PCAARRD will remain steadfast in catalyzing the Philippine AANR sectors toward self-sufficiency and global competitiveness.

About PCAARRD

MAILING ADDRESS PHILIPPINE COUNCIL FOR AGRICULTURE, AQUATIC AND NATURAL RESOURCES RESEARCH AND DEVELOPMENT Los Baños, Laguna, Philippines 4030 TELEPHONES Los Baños - (63) (049) 536-0014/536-1956/536-2305/ 536-2383/536-5907/536-6980/536-7927 FAX Los Baños - (63) (049) 536-0016/536-7922 MANILA OFFICE 2F Metrology Center, ITDI, Bicutan, Taguig City TELEFAX (63) (02) 837-1651 E-MAIL [email protected] WEBSITE http://www.pcaarrd.dost.gov.ph

Outstanding Very Satisfactory Fair Unsatisfactory/ Satisfactory Needs Improvement

- Content- Usefulness/

- Overall layout/ design- Response & delivery time (Quick and on time)

Name:Customer Type: (Please tick)

Researcher Business/Private SectorPolicymaker Others (Pls. specify):

Sex: Age:Email Address:Contact No.

Date:

IB: Pag-aalaga ng Alimango

This survey form aims to assess the services that PCAARRD provides and how such services can be improved.

THANK YOU VERY MUCH FOR YOUR FEEDBACK.

NOTE: Please detach this form and mail it back to PCAARRD, Paseo de Valmayor, Timugan, 4030 Los Baños, Laguna, Philippines or through e-mail ([email protected])

Document Code QSF.AC.02Revision No. 1Effectivity Date March 24, 2014

vi

i

Information Bulletin No. 54/2014

Ang Pag-aalaga ng Alimango

Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD)

Department of Science and Technology (DOST)

Los Baños, Laguna2014

ii

Unang Edisyon 2014

ISSN 0116-7736

Bibliographic Citation:

Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development. Ang pag-aalaga ng alimango. Los Baños, Laguna: PCAARRD-DOST, 2014. 22p. - (Information Bulletin No. 54/2014).

iii

Ang mga nilalaman ng babasahing ito ay hango sa mga araling tinalakay sa programang “Paaralan ng Pangisdaan sa Himpapawid Tungkol sa Pag-aalaga ng Alimango” na isinakatuparan ng Department of Science and Technology – Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development (DOST-PCAMRD) sa pakikipagtulungan ng Santeh Feeds Corporation, ABS-CBN Foundation, Inc. sa pamamagitan ng DZMM at ng Philippine Foundation of Rural Broadcasters. Ang mga paksang isinahimpapawid sa nasabing programa ay base sa mga isinagawang pag-aaral at mga karanasan ng ilang mga eksperto sa pag-aalaga ng alimango. Kabilang sa mga ekspertong nakapanayam at nagbahagi ng kanilang mga nalalaman tungkol sa pag-aalaga ng alimango ay ang dating PCAMRD Executive Director Rafael D. Guerrero III; Bb. Riza San Juan, Technical Sales Representative ng Santeh Feeds Corporation; G. Joey dela Cruz, Provincial Fisheries Coordinator ng Roxas City, Capiz; G. Pol Rubia ng Agri-Aqua Network International; Dr. Romeo Fortes, dating Dekano ng College of Fisheries and Ocean Sciences ng University of the Philippines Visayas; G. Nilo Franco, Aquaculturist ng Technology Verification and Commercialization Division ng Dumangas Brackishwater Station at Dr. Cecila Lavilla-Pitogo ng Aquaculture Department ng Southeast Asian Fisheries Develoment Center (SEAFDEC-AQD) sa Tigbauan, Iloilo; Dr. Gildo Bayogos, Director for Extension Services and Non-Formal Education at Prof. Henry Biona ng Iloilo State College of Fisheries sa Barangay Tiwi, Barotac Nuevo, Iloilo City; G. Federico Ricablanca ng Aparri, Cagayan; G. Roy Ortega ng Santeh Feeds Corporation; G. Arnaldo Mendoza ng Buguey Fishpond Cooperators Association sa Buguey, Cagayan; Dr. Minerva Morales ng Catanduanes State University sa Virac, Catanduanes; Gng. Marita R. Ocampo at G. Romeo Sunga ng Pamahalaang Lokal ng Sasmuan, Pampanga; at Gng. Alicia Ore ng Board of Investments ng Department of Trade and Industry. Ninanais ng babasahing ito na makapagbigay ng dagdag-kaalaman sa mga nag-aalaga at dagdag na hanapbuhay sa mga mag-aalaga ng alimango.

PATRICIO S. FAYLONExecutive DirectorPCAARRD

Paunang Salita

iv

Pasasalamat

Nagpapasalamat ang Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development ng Department of Science and Technology (PCAARRD-DOST) sa mga sumusunod:

Philippine Council for Aquatic and Marine Research and Development •(PCAMRD) ng DOST, na dating pinamumunuan ni Dr. Rafael D. Guerrero III, sa pagsasagawa ng programang Paaralan sa Pangisdaan (Fisheries School-on-the- Air, FSA) tungkol sa pag-aalaga ng alimango;SANTEH Feeds Corporation sa pamumuno ni Mr. Phillip L. Ong, sa •suportang ibinigay sa nasabing programang FSA sa loob sampung taon upang maipahatid ang mga teknolohiya at impormasyon sa pangisdaan sa mga benepisyaryo o mangingisda;Angelo B. Palmones, dating Station Manager ng DZMM, ABS-CBN at •anchorperson ng programang Bago Yah Ah! sa pagsasahimpapawid ng nasabing programa;Sa mga ekspertong naging guro mula sa iba’t-ibang ahensya at •institusyon ng nasabing programa;Mag-aaral-tagapakinig ng nasabing programa; at•Dr. Dalisay DG. Fernandez at Ms. Zenaida C. Pamulaklakin ng PCAARRD •sa pamamahala at koordinasyong isinagawa sa nasabing programa, sa panahon ng PCAMRD-DOST.

v

Editorial Adviser: Patricio S. Faylon Editor-in-Chief: Dalisay DG. Fernandez

Associate Editors: Madeleine V. Ricafrente Christie A. Surara

Technical Editors: Emilia T. Quinitio Norida P. Samson Wilfredo C. Ibarra

Photographers: Emilia T. Quinitio Victor V. Oro

Layout Artist: Marina T. de Ramos

Lupon ng Patnugot

vi

vii

Paunang Salita ............................................................................................................ iiiPasasalamat ................................................................................................................. ivLupon ng Patnugot................................................................................................... viPagkilala sa Alimango .......................................................................................... 1Mga Uri ng Alimango ........................................................................................... 1 Sukat ng Semilya .............................................................................................. 2 Pagkukunan ng Semilya ................................................................................ 3 Pagbili ng Semilya ............................................................................................ 3 Pagkokondisyon at Pagbibiyahe ng Semilya ........................................ 4Pagpaparami ng Alimango ................................................................................ 5 Pagpapaitlog ng Inahin .................................................................................. 5 Mga Yugto ng Pagbabago sa Paglaki ....................................................... 5 Lugar na Pag-aalagaan .................................................................................. 6Pag-aalaga ng Alimango sa Palaisdaan ....................................................... 7 Paghahanda ng Palaisdaan ............................................................................ 7 Dami ng Alimango na Aalagaan .................................................................. 8 Pagpapanatili ng Kalidad ng Tubig-tabsing ............................................ 8 Pag-aalaga ng Alimango sa Kulungan ....................................................... 9Polyculture ng Alimango. ................................................................................... 10 Isdang Inaalagaan Kasama ng Alimango ................................................. 10 Paraan ng Pag-aalaga ..................................................................................... 11Pakain at Pagpapakain ng Alimango ............................................................ 12 Pakain .................................................................................................................. 12 Pagpapakain ..................................................................................................... 12 Pag-imbak ng Pakain ..................................................................................... 13Sakit ng Alimango at Paraan ng Pag-iwas Dito ........................................ 14 Palatandaan ng may Sakit ............................................................................ 14Pag-aani at Pagbebenta ...................................................................................... 15Potensyal ng Alimango sa Pamilihan ............................................................ 16Pagluluwas ................................................................................................................. 18Pamilihan .................................................................................................................... 18 Dokumento para Makapagluwas ng Alimango sa ibang Bansa ...... 19 Problema sa Pagluluwas ng Alimango sa mga Karatig-bansa .......... 19 Mga Dapat Isaalang-alang ng mga Magluluwas ng Alimango sa mga Karatig-bansa .................................................................................... 20Gastos at Kita sa Pag-aalaga ..................................................................................... 21

Gastos at Kita sa Pag-aalaga ng Alimango sa Plastik na Lalagyan ... 22

Mga Nilalaman

viii

1

Ang alimango ay isang ‘invertebrate crustacean’ o hayop na walang backbones na naninirahan sa mga bakawan. Ito ay isang mataas na uri at mahalagang pagkain mula sa dagat, mamahalin (‘high value commodity’), at mabuting pagkakitaan. Dahil sa masarap nitong lasa, mataas ang halaga nito sa pamilihan.

Pagkilala sa Alimango

Mga Uri ng Alimango

Fig. 1. Scylla serrata.

Fig. 2. Scylla tranquebarica.

Ang Scylla serrata (Fig. 1) ay ang pinakamataas na uri at pinakamahal na alimango. Ito ay mas kilala sa tawag na higanteng alimango o ‘king crab.’ Mabilis itong palakihin at patabain. Kadalasan, ito ay tumitimbang ng isang kilo bawat piraso pagkaraan ng anim na buwan. Kapag tama ang pagpapakain, maayos itong nabubuhay sa palaisdaan (‘pond’) o kulungang-kawayan (‘pens’). Bihira itong naghuhukay sa putik (‘burrowing’) kaya’t kaunti lang ang napipinsalang dike.

Ang Scylla tranquebarica (‘purple mudcrab’ ) (Fig. 2) ay nakukuha sa karagatan. Tinatatawag itong ‘lawadnon’ sa Bisaya.

May apat na uri ng alimango. Ang mga ito ay ang Scylla serrata, Scylla tranquebarica, Scylla olivacea, at Scylla paramamosain.

2

Ang Scylla olivacea (‘orange mudcrab’) (Fig. 3) ay ang pulahan na makukuha sa mga bakawan (‘mangrove areas’).

Ang Scylla paramamosain (‘green mudcrab’) (Fig. 4) ay tinatawag na kalawangin at sa bahagi ng Mindanao lamang matatagpuan.

Fig. 5. Kuto-kutong alimango na may sukat na mababa sa 1 cm.

Fig. 6. Ang sukat langaw-langaw.

Fig. 7. Ang sukat piso.

Fig. 3. Scylla olivacea.

Fig. 4. Scylla paramamosain.Sukat ng Semilya

Ang alimango ay may apat na sukat. Ito ay ang ‘kuto-kuto’, (Fig. 5) pinakamaliit na semilya (sukat na mababa sa 1 sentimetro (cm) at nagkakahalaga ng P2.00 ang isa; ‘langaw-langaw’, (Fig. 6) kasing laki ng langaw at nagkakahalaga ng P4.00 ang isa; ‘piso size’, (Fig. 7) kasinlaki ng piso, P12.00 ang isa; at ‘posporo size’, pinakamahal at nagkakahalaga ng P18.00 hanggang P20.00 bawat isa.

Ang kuto-kuto ang pinakamabuting alagaan kung nagnanais magbenta ng semilya. Kapag mas malaki ang semilya, mas malaki ang gastos sa pagpapakain at pag-aalaga sa ‘nursery pond.’

www.uniprot.org

3

Pagkukunan ng Semilya Ang ‘mudcrab juveniles’ na tumitimbang ng 10–40 gramo (g) o 5–20 cm ang sukat ng likod o talukap (‘carapace width’) ay karaniwang nahuhuli sa mga bakawan sa pamamagitan ng bintol (‘lift net’), pangal o bobo (‘crab pot or trap’), sakag (‘skimming or scissor net’), o baklad (‘trap net’).

Ang karaniwang pinagkukunan ng semilya ng alimango ay sa Northern at Eastern Samar; Buguey, Cagayan; Camarines; Sorsogon; Catanduanes; Cotabato; Lanao; at Surigao. Ang mga nag-aalaga ng alimango sa Bulacan at Pampanga ay bumibili ng semilya ng S. serrata mula sa Samar, Buguey at Catanduanes. Maraming nakukuhang S. olivacea ngunit kakaunti ang S. tranquebarica sa Panay Island at Bataan. Maraming S. serrata naman ang makukuha sa mga lugar sa harap ng Pacific Ocean at may ilan sa Surigao o sa bahagi ng Mindanao.

Pagbili ng Semilya Ang semilya ng alimango (Fig. 8) ay hinuhuli ng mga mangingisda sa ‘estuaries’ at dinadala sa mangangalakal o diretsong ipinagbibili sa mga may-ari ng palaisdaan (‘fishpond operators’).

Fig. 8. Ang semilya ng alimango.

4

Sa pag-aalaga ng alimango, dapat ang semilyang aalagaan ay tumitimbang ng 10–40 g o may sukat na 5–20 cm ang talukap.

Pagkokondisyon at Pagbibiyahe ng Semilya Pagkahuli ng semilya ng alimango, ito ay inilalagay sa tangke (‘holding tank’) (Fig. 9) at kulungang-kawayan (‘pens’) kung saan ay inaalagaan sa loob ng 5–7 araw.

Ang mga semilyang kasinlaki ng piso o posporo ay isinisilid sa basket na yari sa dahon ng pandan. Lagyan ng 500–600 pirasong alimango ang bawat basket. Maaari itong ibyahe hanggang 12 oras. Wisik-wisikan ng tubig-tabsing ang alimango tuwing ika-anim na oras upang hindi ito matuyo habang nasa byahe.

Ang kuto-kuto at langaw-langaw ay inilalagay sa kahon ng sapatos na sinapinan ng papel (Fig 10). Lagyan ng 900–1,000 pirasong alimango ang kahon at takpan ng papel sa ibabaw. Maaaring maglagay ng hanggang apat na patong ng alimango sa isang kahon. Huwag siksikin ang kahon upang maiwasang madurog ang mga nasa ilalim na semilya. Ilagay ang karton sa hindi naiinitang lugar. Maaaring tumagal ang mga ito ng hanggang sampung oras sa diretsong biyahe kahit hindi wisik-wisikan ng tubig.

Fig. 10. Semilya ng alimango sa kahon ng sapatos na may sapin na papel.

Fig. 9. Semilya ng alimango sa tangke.

5

Pagpapaitlog ng Inahin Sa pagpapaitlog ng mga inahing alimango (‘broodstock’) (Fig. 11), gumamit ng mataas na kalidad ng tubig-tabsing o tubig-alat para sa tangkeng pag-iimbakan. Panatilihing mataas ang lebel ng ‘dissolved oxygen’ (DO), 5 parts per million (ppm), at sa 7.5–8.5 na pagkaasim o pagkapakla (pH level). Pakainin ang inahing alimango araw-araw hanggang sa mangitlog ang mga ito.

Pagpaparami ng Alimango

Fig. 11. Babaeng alimango na madaming itlog.

Mga Yugto ng Pagbabago sa Paglaki

Ang unang yugto sa paglaki ng isang alimango ay ang pagkapisa ng itlog (‘zoea stage’). Ito ay binubuo ng limang yugto ng pagbabago (Zoea 1, 2, 3, 4, at 5) na tumatagal ng mula 2.5–3 araw hanggang pitong araw bawat isang transisyon. Ang susunod sa zoea 5 ay megalopa kung kailan nagkakabuntot ito. Ito ay tumatagal ng 5–7 araw bago maging ‘crab instar’ na anyong maliit na alimango. Ito ang pinakakritikal na kondisyon sa pagpaparami ng semilya sapagkat 95–98 porsyento ang namamatay bago umabot sa laking kuto-kuto.Ang dami ng itlog ng isang alimangong may timbang na kalahating kilo (kg) ay 500,000 hanggang 700,000. Kaya kung mula sa 1.5–3.0% nito ay

6

mabubuhay, matipid at kapaki-pakinabang pa rin ang pag-aalaga ng semilya.

Ang semilya ng alimango ay pinakakain ng ‘rotifers’ upang maitaas ang tsansang mabuhay (‘survival rate’) ang mga ito. Ang rotifers ay maliliit na organismo, ilang milimetro (mm) lang ang laki, at nabubuhay kung mayroong ‘green microalgae.’ Ang klase ng microalgae na nagdudulot ng mas magandang tubo ng ‘rotifers’ ay ang Nannochloropsis, Nannochlorum, at Tetraselmis ‘algae.’

Lugar na Pag-aalagaan

Ang alimango ay pinalalaki sa tubig-tabsing (‘brackishwater’) o sa pinaghalong tubig-tabang (‘freshwater’) at tubig-alat (‘seawater’). Maaaring pagsamahin ang pag-aalaga ng alimango at bangus, subalit hindi maaaring magsama ang pag-aalaga ng alimango at sugpo. Ito ay dahil sa kinakain ng alimango ang sugpo kapag nagsisimula nang magluno ang huli.

Ang mga dapat isaalang-alang sa pag-aalaga ng alimango ay ang mga sumusunod:

1. Lugar. Kailangang protektado ang lugar mula sa bagyo, baha, malalakas na alon, at iba pang kalamidad na makapipinsala sa palaisdaan o kulungang-kawayan. Pumili ng lugar na may sapat na pinaghalong tubig-alat at tubig-tabang na may 15–25 bahagi sa bawat isang libo (‘part per thousand o ppt’). Mas mabuti kung ang uri ng lupa ay maputik na may kaunting buhangin (‘sandy clay’).

2. Kalidad ng tubig. Kailangan ng alimango ang malinis na tubig-tabsing. Mas makabubuti kung ang palaisdaan o kulungang-kawayan ay nasa lugar na malayo sa mga bahay at industriya na nagdudulot ng polusyon.

3. Kapayapaan at kaayusan ng paligid. Pumili ng lugar na pagtatayuan ng palaisdaan o kulungang-kawayan na ligtas sa mga masasamang elemento ng lipunan.

4. Pamilihan. Itayo ang palaisdaan o kulungang-kawayan sa mga lugar na madaling marating at malapit sa pamilihan o lugar ng pagdadalhan ng inaning alimango.

Kailangang maayos ang kalsada o daan papuntang pamilihan upang mabilis makarating ang mga produkto. Mataas ang bentahe ng alimangong buhay sa pamilihan at mas mataas din ang presyo nito.

7

5. Kuryente. Kailangan din ang ‘freezer’ na pinaaandar ng kuryente na pagtataguan ng pakain upang may regular na suplay ng pagkain ang alimango.

Paghahanda ng Palaisdaan Bakuran ng ‘polyethylene net’ (1 cm ang laki ng butas) ang palaisdaan (Fig. 12). Siguraduhing nakabaon sa sahig ng palaisdaan ang ginawang bakod bago lagyan ng ginupit na plastik (30 cm ang lapad) sa itaas na bahagi upang maiwasan ang pagtakas ng alimango. Sa angkop na bahagi ng palaisdaan, maglagay ng apat na tulay (‘catwalks’) at kanlungan (‘shelters/hides’) na gawa sa pinagputol-putol na kawayan o plastik na tubo.

Pag-aalaga ng Alimango sa Palaisdaan

Fig. 12. Palaisdaan ng alimango.

Patuyuin ang palaisdaan sa loob ng dalawa o tatlong linggo hanggang sa magkabitak-bitak ang lupa. Pagkatapos ay lagyan ito ng apog (‘agricultural lime’).

Bahagyang magpapasok ng tubig-tabsing sa palaisdaan hanggang umabot sa 80–100 cm ang lalim nito. Panatilihin ang ganitong lalim ng tubig-tabsing hanggang sa lumaki ang alimango. Sa dulo ng bawat tulay ay maglagay ng pakainan (‘feeding tray’).

Bago maglagay ng semilya, siguraduhing ang alat ng tubig-tabsing ay 16–30 ppt. Mas mabuti kung ang pag-aalagaan ay malapit sa mapagkukunan

8

ng tubig-tabang upang maiwasan ang pagtaas ng alat (‘salinity’) nito kapag tag-init. Panatilihin sa 5 ppm ang DO at 26–31 °C ang temperatura ng tubig. Kailangang 7.5–8.5 ang pH ng tubig sa palaisdaan. Ang pagbaba o pagtaas ng pH ay maaaring maging sanhi ng pagkamatay ng alimango.

Dami ng Alimango na Aalagaan

Maaaring maglagay ng 5,000–8,000 pirasong ‘crablets’ na may timbang na 5–20 g ang bawat piraso sa bawat ektarya ng palaisdaan. Semilya ng alimangong ‘king crab’ ang inirerekomendang alagaan dahil mas mabilis itong lumaki kaysa sa ibang uri ng alimango.

Pagpapanatili ng Kalidad ng Tubig-tabsing

Palitan ang tubig-tabsing sa palaisdaan dalawang beses sa isang buwan —tuwing ‘spring tide cycle’ o kabilugan ng buwan (‘full moon’) at ‘new moon.’ Palabasin ang maruming tubig-tabsing bago magpapasok ng bago at malinis na tubig-tabsing.

Bigyan lamang ng sapat na pakain ang alimangong inaalagaan sa palaisdaan. Ang sobrang pakain ay nagpapababa ng kalidad ng tubig. Regular na palitan ang tubig-tabsing (50 porsyento) sa loob ng palaisdaan at magpapasok ng bago at malinis na tubig-tabsing tuwing kabilugan ng buwan.

Ang angkop at mainam na kulay ng tubig-tabsing ng palaisdaan ay ‘greenish-brown.’

Kung maliit na pang-isahang kulungan ang ilalagay sa palaisdaan at walang pagpapalit ng tubig, at walang suplay ng oxygen, may posibilidad na mamatay ang alimango. Ang kulungan ay dapat nakalutang kung saan isa sa ikaapat na bahagi nito (1/4) ay nakalitaw sa tubig. Kung bumaba ang lebel ng DO, tuloy-tuloy na magpapasok ng tubig-tabsing sa palaisdaan.

Mga dapat isaalang-alang upang maging maayos ang pag-aalaga ng alimango:

1. Lagyan ng bakod na gawa sa ‘polyethylene’ net (1 cm ang laki ng butas) ang loob ng palaisdaan at idikit ang ginupit na plastik (30 cm ang lapad) sa bandang itaas ng bakod para hindi makatakas ang alimango. Lagyan ng pagtataguan ang alimango gaya ng mga sanga o bubo ng kawayan, sanga ng sampalok, plastik na tubo, o kaya ay bunton ng lupa tuwing magluluno (‘molting’) ito.

9

2. Palabasin ang luma at maruming tubig-tabsing sa palaisdaan bago palitan ng bago at malinis na tubig-tabsing. Siguraduhing hindi bababa sa 50 porsyento ang binawas na tubig-tabsing.

3. Panatilihing 80–100 cm ang lalim ng tubig-tabsing sa palaisdaan.

4. Tadtarin ang pakain ng tama sa laki ng inaalagaan at ipamahagi ito ng sapat upang lahat ng alimango ay makakain. Maglagay ng pakainan para makita ang kalidad ng alimango at tamang konsumo nito.

Pag-aalaga ng Alimango sa Kulungan

Sa mismong palaisdaan o dagat ilagay ang kulungang-kawayan (Fig. 13). Ito ay maaaring lagyan ng lambat (‘fish net’) sa palibot. Dalawang mililitro (2 mm) ang laki ng butas ng lambat na suportado ng kawayan at 2–3 metro (m) ang pagitan ng bawat kawayan na suportado ng pahabang (‘horizontal’) kawayan. Sa pagtatayo ng lambat, humukay ng kanal na mayroong sukat na 0.5 m. Ipitin ang ibaba ng lambat sa dalawang biniyak na kawayan at ipako sa ibaba o puno ng kawayan upang hindi matanggal ng malakas na hangin at galaw ng tubig.

Maaari ding magtayo ng kulungang-lambat sa lugar ng bakawan (‘mangrove areas’) (Fig. 14). Sa pagtatayo ng kulungang-lambat, iwasang madaanan ang puno at ugat ng bakawan. Maaaring ilagay ang lambat sa pagitan ng mga bakawan. Huwag putulin ang bakawan.

Fig. 13. Kulungang-kawayan ng alimango.

10

Polyculture ng Alimango

Alagaan ang alimango sa malilim na lugar. Maaari ding alagaan ang alimango sa kulungang gawa sa kawayan o plastik na galon na ginagawang pang-isahang kulungan ng alimango.

Isdang Inaalagaan Kasama ng Alimango

Ang bangus o tilapiang tabsing (‘saline-tolerant’) ay maaaring alagaan kasama ng alimango (Fig. 15). Hindi nakikipag-agawan sa pakain at lugar ng alimango ang mga isdang ito. Ang mga isdang ito ay kumakain ng lablab at lumot (‘filamentous green algae’) samantalang ang alimango ay kumakain ng tinadtad na mumurahing isda (‘trash fish’), suso (‘snails’) at iba pang ‘mollusks,’ o anumang hilaw na karne.

Ang mga isdang ito ay nabubuhay sa itaas na bahagi (‘upper layer’) ng tubig habang ang alimango ay gumagapang sa ilalim ng palaisdaan ‘(bottom dweller’).

Maaaring maglagay ng 1,500–2,000 pirasong bangus, 500–1,000 pirasong tilapia (5 g bawat piraso) at 500–800 pirasong alimango (‘king crab,’ Scylla serrata) sa isang ektaryang palaisdaan.

Fig. 14. Kulungang-lambat ng alimango sa lugar ng bakawan.

11

Paraan ng Pag-aalaga

Ang bangus o tilapia na may timbang na 5–10 g bawat piraso ay maaaring anihin pagkalipas ng apat na buwang pag-aalaga kung saan mayroong apat hanggang limang piraso sa isang kilo. Itala ang laki at kalagayan ng alimango isang beses bawat buwan. Kunin ang timbang at bilis ng paglaki na magiging batayan ng pagtantya ng kabuuang timbang (‘biomass’) at dami ng alimango sa palaisdaan.

Magtala rin ng kondisyon ng tubig sa palaisdaan katulad ng lalim, alat, asim (pH), at lebel ng DO tuwing ika 7:00 ng umaga at ika 3:00 ng hapon.

Anihin ng paunti-unti ang 5–20 g na alimango na kasinglaki ng piso o bahay ng posporo at inalagaan sa loob ng 45 araw. Ang mga ito ay muling aalagaan, patatabain o palalakihin sa loob ng 90–120 araw.

Ang lablab at lumot na pakain sa bangus ay mapapanatiling marami kung ang palaisdaan ay malalagyan ng abono tuwing kalahating buwan. Maglagay ng 18–20 kg ng ‘urea’ (45-0-0) o 50 kg sa bawat ektarya kung ang gagamitin ay 16-20-0.

Fig. 15. Pag-ani ng bangus na kasama ng alimango na inalagaan sa palaisdaan.

12

Bigyan ng sapat na pakain ang inaalagaang alimango. Ang alimango ay pinakakain araw-araw (umaga at hapon) ng katumbas ng 5 porsyento ng timbang ng bawat alimango.

Sa pag-aalaga ng alimango, alamin ang laki at timbang ng bawat alaga, dami ng alaga, at ang kundisyon ng inaalagaang alimango upang maging basehan ng dami ng ibibigay na pakain.

Pakain Ang supplemental na pakain sa alimango ay ‘trash fish’ o mga mababang uri ng isda (Fig. 16) na mabibili sa palengke sa murang halaga katulad ng sapsap, bituka ng manok, dinurog na tahong, at golden kuhol. Maaari din ipakain ang balat ng kalabaw. Sunugin ito upang matanggal ang balahibo, saka ito ilaga at hiwain ng isang pulgada ang laki bago ito ipakain. Ang kuhol at tahong ay dinudurog bago ipakain.

Pagpapakain

Sa pagpapakain ng alimango, talian ang lalagyan ng pakain at ibitin nang nakalubog sa tubig ng palaisdaan o kulungang lambat (Fig. 17). Huwag

Fig. 16. Mababang uri ng isda na pakain sa alimango.

Pakain at Pagpapakain ng Alimango

13

Fig. 17. Tray ng pakain sa alimango.

hayaang lumapat sa ilalim ng palaisdaan o sahig ng kulungang-lambat ang pakain upang maiwasan ang pagkasira ng kulungan at maabot ng alimango. Maaari ding isabog o ikalat ang pakain sa palaisdaan o kulungang kawayan.

Siyasatin kung ang pakain na ibinigay ay kinain o naubos ng mga alimango upang masigurong nasa mabuting kalagayan ang mga ito.

Pag-imbak ng Pakain

Ang wastong pag-iimbak ng artipisyal na pakain ay napakahalaga upang maiwasan ang pagkasira at pag-aaksaya nito.

Ilagay sa ‘freezer’ ang mga pakaing sariwa katulad ng isda o bituka ng manok (Fig. 18). Maaari rin itong ibilad hanggang matuyo sa init ng araw. Ihiwalay ang sapat na dami ng pakain sa bawat supot. Kung ‘commercial’ ang pakain, ilagay ito sa tuyong lugar.

14

Fig. 19. Alimangong may sakit.

Fig. 18. Pag-iimbak ng pakain sa alimango sa freezer.

Sakit ng Alimango at Paraan ng Pag-iwas Dito

Ang karaniwang sakit ng alimango ay sa talukap na dulot ng bakterya at parasitiko. Ang maruming kapaligiran ang karaniwang pinagmumulan ng pagkakasakit nito.

Palatandaan ng may Sakit Ang may sakit na alimango (Fig. 19) ay hindi masyadong gumagalaw o mabagal kumilos, may maruming talukap na sanhi ng dumi sa paligid, maraming tumutubong ‘barnacles’ at lumot, nagiging kulay-kape (‘brown’), nangingitim at nabubulok ang hasang, at nagkakaroon ng masamang amoy (amoy-putik) kaya ito ay pumapanghi.

15

Maiiwasan ang pagkakasakit ng alimango sa pamamagitan ng malinis na kapaligiran at paggamit ng magandang kalidad ng tubig-tabsing sa lugar ng pag-aalagaan.

Simula sa ikatlong buwan ng pag-aalaga, anihin at ibenta ng paunti-unti ang alimango na may timbang na 250–300 g ang bawat isa.

Ulitin ang pag-ani tuwing kabilugan ng buwan dahil sa ganitong panahon ay pasulang (pasalubong sa agos ng tubig) ang paglangoy ng alimango sa gate na mayroong sariwang tubig na pumapasok sa palaisdaan. Gumamit ng bintol (Fig. 20), panukot (‘hooks’), sakag, at pante (‘gill net’) sa paghuli ng alimango.

Bago dalhin sa pamilihan ang mga alimango, talian ng tuyong dahon ng sasa o ng plastik na straw ang magkabilang sipit na malapit sa tiyan nito upang hindi makapang-sipit (Fig. 21) at ilagay sa bayong upang hindi ito mainitan habang ibinibyahe (Fig. 22).

Sa Capiz, ang malaking bahagi ng inaning alimango ay dinadala sa Maynila. Ang sukat ng inaning alimango (S. olivacea at S. tranquebarica) para sa lokal na pamilihan ay tumitimbang ng 400 g kung babae, 250 g kung lalaki, at 200 g kung bakla (‘immature female’) bawat piraso. Ipagbili o panatilihing buhay ang alimango kahit wala sa tubig-tabsing sa loob ng pitong araw upang mapataas ang presyo nito sa pamilihan. Panatilihin sa malamig na lalagyan at palaging basain o wisik-wisikan ng tubig-tabsing ang alimango upang maiwasan ang pagkatuyo.

Pag-aani at Pagbebenta

Fig. 20. Bintol na ginagamit sa paghuli ng alimango.

16

Potensyal ng Alimango sa Pamilihan

Fig. 21. Alimangong tinalian ng plastik na straw.

Fig. 22. Alimango sa bayong upang i-byahe.

Ang pag-aalaga ng alimango ay magandang pagkakitaan dahil ito ay isang mahalagang pagkain. Sa kasalukuyan, mataas ang halaga nito sa pamilihan sapagkat kulang ang suplay nito upang matugunan ang pangangailangan ng lokal at internasyonal na pamilihan.

Ang presyo ng alimango ay depende sa nangangalakal nito. Ang matabang babaeng alimango ay mas mahal kaysa sa lalaking alimango. Ang

17

baklang alimango (‘immature female’) minsan ay mas mahal pa kaysa sa babaeng alimango kung ibebenta sa labas ng bansa (‘export’). Sa lokal na pamilihan, nangunguna pa rin ang babaeng alimango sa presyo dahil sa taba at kapal ng aligi (‘orange ovary’) nito. Ang nag-aalaga ay kailangang marunong kumilala ng bakla, babae, lalaki, at matabang alimango. Lamang sa bentahan ng alimangong may kumpletong bahagi ng katawan (Fig. 23). Ang mga buhay ngunit payat o kaya ay kulang ang mga sipit ay ibinabalik sa palaisdaan upang patabain at patubuing muli ang nawala o nasirang bahagi ng katawan.

Ang pagnenegosyo ng pag-aalaga ng alimango ay hindi nangangailangan ng malaking halaga.

Malaki ang potensyal na merkado ng alimango sa mga karatig-bansa sa Asya. Ang mga Tsino ang pinakamalaking mamimili ng alimango dahil sa kanilang paniniwalang mabuti sa katawan at nakatutulong magpagaling ng ilang karamdaman ang pag kain nito.

Fig. 23. Pambentang alimango na may kumpletong bahagi ng katawan.

18

Ang China, Taiwan, Hongkong, at Guam ay mga bansang may pamilihan ng alimango. Ang mga bansang ito ang pangunahing pinagluluwasan ng alimango noon pa man.

Ang pandaigdigang pangangailangan sa alimango ay tumataas din sa Hilagang Amerika at Europa. Ang alimango ay nakikipagsabayan sa mga ‘high-value marine products’ tulad ng ‘lobster’ at iba pang ‘crustaceans’ kaya malaki ang potensyal ng pagluluwas nito.

Ang ‘minor markets’ naman ng alimango ay ang Singapore, Brunei, Germany, at Korea. Maaari pa ring palawakin ang merkado ng alimango sa mga bansang ito.

Maganda ang presyo ng alimango sa pamilihan, sa lokal man at labas ng ating bansa. Sa lokal na pamilihan, kulang pa ang suplay ng inaaning alimango sa pangangailangan ng mga mamimili sa bansa. Ang inaning alimango ay maaaring ibenta sa seafood restaurants sa Chinatown sa Binondo, Maynila, at sa iba pang ‘malls’ (Fig. 24). Mataas ang bentahan ng lutong alimango.

Pagluluwas

Pamilihan

Fig. 24. Alimango para sa pamilihan.

19

Hindi tulad ng ibang lamang-dagat, ang pagbebenta ng alimango ay hindi lang base sa talukap kundi sa kabuuang anyo nito. Maging payat o mataba man ang alimango, ito ay nabibili sa parehong halaga kaya mapananatili nito ang magandang halaga sa pamilihan.

Mataas ang bentahe sa pagluluwas ng alimango sa mga karatig-bansa tulad ng Singapore at Taiwan kaysa sa lokal na pamilihan. Sa ’export market,’ walang limitasyon ang dami ng binibili. Sa lokal na pamilihan, ang isang restaurant ay bumibili lang ng lima o sampung kilo, samantalang sa pangdaigdigang pamilihan ay tone-tonelada ang kailangan. Sa exporter, ang presyo nito ay mababa pero lahat ay binibili. Ang kalakal ng alimango ay tuloy-tuloy at nagiging mabilis ang kita dito.

Kung maganda ang kalidad ng alimango, napakadali nitong ibenta. Ang batayan ng mga exporter tungkol sa klase ng binibiling alimango ay ang laki at kalidad. Para sa pangdaigdigang pamilihan, ang laman na itlog o ‘egg content’ ng babaeng alimango ay dapat lampas sa 75 porsyento.

Dokumento para Makapagluwas ng Alimango sa ibang Bansa Para makapagluwas ng alimango sa ibang bansa, kailangang kumuha ng ‘export permit’ mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR). Mayroong ‘application fee’ na babayaran at ang permit na ito ay epektibo sa loob ng 30 araw matapos na ito ay maaprubahan. Kailangan ding magpakita ng sample sa BFAR para masuri ang kalidad ng ibebentang alimango sa ibang bansa. Susuriin nila ito upang malaman kung mayroong dalang sakit o kulang sa timbang, haba, o laki.

Ang alimangong may timbang na 500–700 g ang tinatanggap sa ibang bansa. Ito ay isinasagawa upang mapangalagaan ang suplay na nanggagaling sa ating karagatan.

Problema sa Pagluluwas ng Alimango sa mga Karatig-Bansa

Ang pangunahing problema sa anumang produktong ibinebenta ay ang pagsunod sa mga pamantayan at pamamaraan ng mga pinagluluwasang bansa. Ang bawat bansa ay may iba’t-ibang pamamaraan at pamantayan na ipinapatupad.

Sa Taiwan, batayan sa pagkumpiska ang pagkakaroon ng kaunting lupa sa mga produktong ipinapasok sa kanilang bansa. Pinag-iingatan nila na walang makapasok na kahit na anumang sakit sa kanilang bansa upang hindi maapektuhan ang kanilang agrikultura.

20

Sa paglalagay ng etiketa sa mga produkto, dapat ito ay nakasulat sa wika ng bansang pagdadalhan ng produkto. Halimbawa, wikang intsik kung ito ay ibebenta sa China. Ang ibang mga bansa naman ay mahigpit sa mga nalalabing kemikal na dala ng mga produkto na iniluluwas sa ibang bansa.

Mahirap magluwas ng alimango dahil ito ay isang kalakal na madaling mabulok o masira. Hindi madaling humanap ng katuwang sa negosyo sa mga karatig-bansa na kung saan ay magiging ‘mutual’ ang pakikipagkalakalan. Dapat munang pag-aralan ang pamilihan ng bansang pagluluwasan nito upang maiwasan ang ganitong problema.

Ang Board of Investments at ang Department of Trade and Industry ay makatutulong sa pagluluwas ng produkto. Base sa pag-aaral, kailangang tingnan ang kultura at lipunan ng mga taong magiging katuwang sa negosyo sa bansang pagluluwasan ng alimango. Mabuting alamin ng tagapagluwas kung anu-ano ang mga pamamaraan at mga pamantayan sa pagluluwasang bansa. Mayroong mga institusyong pinansyal na tumutulong sa mga maliliit at nagsisimulang negosyante na gustong mag-export. Nag-aalok din sila ng maliit na tubo at nagbibigay ng payong pinansyal.

Mga Dapat Isaalang-alang ng mga Magluluwas ng Alimango sa mga Karatig-bansa

Mayroong pangangailangan sa mataas na kalidad ng alimango sa mga karatig-bansa ngunit kailangang isaalang-alang ng mga tagapagluwas ang suplay nito. Huwag mangangako nang higit sa maaaring maibigay na dami ng alimango na mailuluwas sa mga karatig-bansa.

Ang karaniwang puna ng mga ‘foreign importers’ sa mga Pilipinong nagluluwas ay ang kakulangan sa pagsusustine ng kalakal o produkto (‘sustainability’) kaya hindi matugunan ang pangangailangan ng mga pinagluluwasang bansa.

Ang kalidad ng mga alimango ay dapat naaayon o pasado sa kaukulang pamantayan ng bansang pagluluwasan nito. Kailangang magaling ang istratehiya sa pangangalakal upang higit na maging competitive ang produkto kaysa sa mga ka-kumpetensyang bansa ng Pilipinas na tulad ng Australia, Indonesia, at Bangladesh.

21

Ang gastos at kita sa pag-aalaga ng alimango sa isang ektaryang palaisdaan ay ang mga sumusunod:

Gastos at Kita sa Pag-aalaga

Dami at Sukat Halaga Bawat Isa (P) Kabuuang Halaga (P)

Upa sa Trabaho 1. Paghahanda ng palaisdaan 3.5 MD 300 1,125.002. Pagkakabit/Instilasyon ng net 1 MD 279 279.003. Koleksyon ng pagkain 7 MD 150 1,050.004. Paghahanda ng pagkain 11 MD 275 3,025.005. Pagpapakain 11 MD 280 3,080.006. Paghaharvest 11 MD 345 3,795.007. Tagapag-alaga (P 1,500/mo/ha) 1 kada buwan 1,500 1,875.00

Sub-Total 14,229.00 Mga Gamit na Materyales Pond Management 1. Semilya ng alimango (crablet) 1,803 piraso 6.5 11,719.502. Apog (agricultural) 0.88 bag 272 239.363. Pataba sa lupa 0.44 bag 1,087.50 478.504. Tea seed cake 6.17 kg 71 438.07 Sub-Total 12,875.43 Pakain at Pagpapakain1. Pagkain (feed) 5 kg 70 350.002. Trash fish 1,022 kg 23 23,506.003. Brown mussels 1,172 timba 22 25,784.004. Dilaw na mais 3 bag 700 2,100.00 Sub-Total 51,740.00 Transportasyon at iba pang Gastusin 2,298.88 Sub-Total 2,298.88 Depresasyon 3,382.97 Sub-Total 3,382.97

*MD - Man days

22

Dami at Sukat Halaga Bawat Isa (P) Kabuuang Halaga (P)

Pagtutuos ng Kita 1. Aning alimango (kabuuang benta) 432 kg 294.35/kg b 127,159.202. Kabuuang gastos 84,526.283. Netong kita 42,632.924. Balik na gastos (%) 50.435. Bawi sa puhunan 287.00

Gastos at Kita sa Pag-aalaga ng Alimango sa Plastik na Lalagyan

Kung sa kulungang-lambat/kawayan mag-aalaga, ang gastos at kita ay ang mga sumusunod:

Inisyal na timbang ng alimango 4–8 g o sukat ng piso Crablets/pc at P10, 1,000 piraso P10,000Plastic container/pc, 1,000 piraso P 6,000Pakain (15 days/pc),1,000 piraso P40,000Bamboo floaters (2pc/container), P4/2 piraso P4,000Labor/container P40,000Tagal ng pag-aalaga 10–15 araw ‘Feed conversion ratio’ (FCR) 2% ng ‘average body weight’Antas ng pagkabuhay 100%Kabuuang gastos P100,000Kabuuuang timbang ng ani 200 g (bakla) 400 g (babae) 400 g (lalaki)Presyo ng alimango pagbenta P300/kgKabuuang kita P300,000Linis na kita P200,000