ANG EL NIÑO Isang papel ng pananaliksik na isinagawa ni

25
ANG EL NIÑO Isang papel ng pananaliksik na isinagawa ni RONIEL Z. PASCUAL 1

Transcript of ANG EL NIÑO Isang papel ng pananaliksik na isinagawa ni

ANG EL NIÑO

Isang papel ng

pananaliksik na isinagawa

ni

RONIEL Z. PASCUAL

1

TALAAN NG NILALAMAN

PAMAGAT PAHINA

Dahong

Pamagat.............................................

....................................................

.

1

Talaan ng

Nilalaman...........................................

.................................................

2

Panimula o

Introduksyon........................................

.............................................

3

Paglalahad ng

Suliranin...........................................

............................................

5

Pamamaraan..........................................

....................................................

6

2

...........

Kinalabasan ng Pag-

aaral...............................................

.....................................

7

Konklusyon..........................................

....................................................

...........

14

Rekomendasyon.......................................

....................................................

.......

15

Sanggunian..........................................

....................................................

............

16

3

PANIMULA O INTRODUKSYON

Madalas ay nagiging kasama sa mga usaping ukol sa pagbabago

ng pangkalahatang lagay ng klima at panahon ang terminong El

Niño. Kadalasan, kapag nababanggit ang salitang ito, pumapasok sa

ating kamalayan o pag-iisip ang isang mahabang tagtuyot at mainit

na panahon. Sa kabilang dako, nakakabit din sa salitang El Niño

ang La Niña na nangangahulugang kabaligtarang lagay ng El Niño at

nagdudulot naman ito na malawakan at mahabang pag-ulan at

pagbaha. Madalas kaysa hindi, nababanggit ng karamihan ang

terminolohiyang ito subalit wala pa silang sapat na kamalayang o

malinaw na pang-unawa sa tunay na kahulugan ng pagbabagong ito sa

lagay ng panahon at kapaligiran maging ng tunay na dahilan kung

bakit nagkakaroon ng ganitong pangyayari sa ilang mga bahagi ng

mundo.

Noong taong 2012 ang pinakabagong karanasan ng ating bansa

kaugnay ng El Niño. Batay sa ipinalabas na balita ng GMA News

noong September 2012, tinalakay ang paghahanda ng Pilipinas sa

pagpasok ng El Niño. Kasunod nito, lumabas din ang mga balitang

nagsasaad na aabot na sa 25 ektaryang ng palayan sa Kidapawan

4

City ang natuyo dahil sa mainit na panahon samantalang ipinalabas

din ang balitang inag-isipan na ng pamahalaan ng Bohol ang

pagsasagawa ng cloud seeding upang maisalba ang mga sakahang

natutuyot na. Ilan lamang ang mga ito sa mga patunay na ang

pagkakaroon ng El Niño sa ating bansa ay nagbibigay ng pinsala sa

maraming bahagi ng ating kabuhayan lalo na ng mga magsasaka. Ang

epekto ng El Nino sa agrikultura ay natutuyo ang mga halaman,

kulang ang tubig para madiligan ang mga halaman dahil dito

magkakaroon ng kaunting produksyon at maaaring maging dahilan ng

pagtaas ng presyo ng mga ito dahil sa kakulangan sa suplay. Ang

suplay natin ng bigas ay magiging kaunti na lamang dahil nga sa

kakulangan sa patubig sa mga palayan na nagbubunga ng higit na

mababang ani.. Sa mga rancho din, kumonti ang nakukuha nilang

gatas mula sa baka, kung noon ay 8 na litro nagiging hanggang

apat na litro na lamang sa panahon ng El Niño.

Magkaganunpaman, sa kabila ng lawak ng nagiging epekto ng

pagyayaring ito kabuhayan, ang mga tao ay mayroon pa ring

limitado o kaunting pagkaunawa ukol sa tunay na kahulugan at

pinagmulan ng El Niño. Layunin ng pananaliksik na ito na

makalikom na sapat na impormasyon mula sa mga dokumentaryo at

5

nakalimbag na mga lathalain ukol dtto upang makapaglahad ng

malawakang kapaliwanagan tungkol sa dahilan ng pagkakaroon ng El

Niño, mga epekto nito sa ating kapaligiran at mga kaparaanan

upang mapaghandaan ito at mapaunti ang mga pinsalang maaring

hatid nito sa pamumuhay ng mga tao.

6

PAGLALAHAD NG SULIRANIN

Hangad ng mananaliksik na makapagbigay ng mahahalagang

impormasyon tungkol sa paksang El Niño. Kaugnay nito, hangarin

niyang makapagbigay ng malinas na sagot sa mga katanungang:

1. Ano ang El Niño?

2. Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng El Niño?

3. Anu-ano ang mga epekto ng El Niño partikular sa kabuhayan at

sa agrikultura?

4. May posibilidad bang matukoy kung kalian magkakaroon ng El

Niño?

5. Maari bang maiwasan ang pagkakaroon ng El Niño sa isang

lugar? Ano ang mga dapat gawin upang maiwasan ito?

7

PAMAMARAAN

Upang magkahanap ng maliwanag na kasagutan para sa mga

suliraning inilahad sa pananaliksik na ito, ginamit ng

mananaliksik ang pamamaraan dokumentaryong pagsusuri (documentary

analysis) kung saan nangangailangan ito ng masusing pagkalap ng

mga impormasyon sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga nasusulat na

record at mga dokumento upang malutas ang mga suliranin. Ang isa

pang katawagan ng uri ng palarawang pag-aaral ay pagsusuri ng

nilalaman o content analysis.

Ginamit ng mananaliksik bilang batayan ng kanyang pag-aaral

ang mga dokumentaryong nakasulat o nakalathala. Maliban sa mga

ito, sinuri at pinagaralan din ng mananaliksik ang iba’t ibang

mga dokumentaryong tungkol sa nakalahad ng paksa at mga suliranin

sana matatagpuan sa internet.

Pagkatapos ng pagkalap ng mga mahahalagang impormasyon para

sa pananaliksik na ito, masusing pinag-aral at sinuri ang mga

datos upang magkaroon ng sapat na kasagutan sa mga suliranin ng

paksang nabanggit.

8

9

KINALABASAN NG PAG-AARAL

Ang El Niño ay isang katawagang naglalarawan sa isang

likas na kaganapang nagyayari sa Karagatang Pasipiko. Ang El Niño

ay isang gawi ng klima na nagyayayari sa kahabaan ng tropikal ng

Karagatang Pasipiko na karaniwang nangyayari sa pagitan ng tatlo

o hanggang pitong taon samakatwid malawak at makabuluhan, kilala

bilang kuwasi peryodiko. Ang El Niño ay pinakakilala sa

pagsasama-sama nito ng mga baha, tagtuyot at ibang pag-iiba ng

kalangitan sa maraming mga rehiyon ng mundo na nag-iiba-iba ang

bawat pangyayari. Sa mga ganitong pangyayari, ang mga bansang

malapit sa Karagatang Pasipiko ang siyang pinakaapektado.

Ang El Niño ay ang katayuang nagaganap kapag ang temperatura

ng tubig sa dagat ay tumataas sa mga kalatagan ng mga tubig ng

tropikal ng Karagatang Pasipiko. Bawat dalawa hanggang limang

taon, ang Karagatang Pasipiko ay may kaganapang tinatawag na

Oskilasyong Pantimog ng El Niño. Isa itong mahina at mainit-init

na daloy na nagsisismula bawat taon sa bandang panahon ng Pasko

sa kahabaan ng dalampasigan ng Ekuwador at Peru. Nagtatagal ito

ng ilang mga linggo lamang hanggang sa isang buwan o mahigit pa.

10

Bawat tatlo tatlo hanggang pitong mga taon, ang pangyayaring El

Niño ay maaring tumagal ng ilang mga buwan. Maari nitong baguhin

ang timpla ng panahon at magkaroon ng epekto sa mga ekonomiya o

kabuhayan sa buong mundo. Ang Australya at Timog-Silangang Asya

ay maaring magkaroon ng tagtuyot subalit ang mga disyerto ng Peru

ay magkakaroon ng napakalakas ng pag-ulan.

Ang Pangkatimugan Oskilasyon ay natuklasan ni Sir Gilbert

Walker noong 1923. Isa itong "seesaw" (larong lawin-lawinan) ng

presyong atmosperiko sa pagitan ng mga Karagatang Pasipiko at

Karagatang Indiyano. Mayroong ugnayang inberso (taliwasan o

baligtaran) sa pagitan ng presyon ng hanging sinusukat sa

dalawang mga lugar: sa Darwin, Australia, sa Karagatang Indiyano

at sa pulo ng Tahiti sa Timog Pasipiko. Ang Talatuntunan ng

Oskilasyong Pantimog o Southern Oscillation Index (SOI) ay ang

diperensiya o kaiban sa presyon na nasa antas ng dagat doon sa

Darwin at Tahiti. Ang Talatuntunan ng Malamig na Dila o Cold

Tongue Index (CT) ang sumusukat kung gaano karami ang

pangkaraniwang temperatura ng ibabaw ng dagat sa panggitna at

pansilangang Pasipiko na malapit sa ekwador (equator, hindi ang

bansang Ekuwador) na nagpapabagu-bago mula sa mga paikot na

11

panahunan taun-taon. Ang dalawang mga sukat ay may antikorelasyon

o nagtataliwasan ang pagiging magkaugnay, kaya't ang negatibo SOI

ay pangkaraniwang may kasamang mainit-init na hanging pangdagat

na kilala bilang El Niño.

Sa pagsapit ng kaagahan ng dekada 1980, malinaw na ang El

Niño at ang Oskilasyong Pangtimog ay magkaugnay, at ang

akronimang ENSO ay ginamit upang ilarawan ang malakihang

kaganapang ito.

Ayon sa Watchtower ONLINE LIBRARY “Ang El Niño, sa tuwirang

salita, ay ang mainit na daloy lamang ng tubig na lumilitaw

malapit sa baybayin ng Peru tuwing dalawa hanggang pitong taon,”

ang sabi ng magasing Newsweek. Sa loob ng mahigit na sandaang

taon na, napansin ng mga magdaragat sa kahabaan ng baybayin ng

Peru ang gayong pag-init. Yamang ang mainit na mga daloy na ito

ay karaniwan nang dumarating kapag magpapasko, pinanganlan ang

mga ito na El Niño, ang katagang Kastila para sa sanggol na si

Jesus.

Ang pag-init ng katubigang malapit sa baybayin ng Peru ay

nangangahulugan ng mas maraming pag-ulan sa lupaing iyan.

Pinangyayari ng ulan na mamulaklak ang disyerto at dumami ang mga

12

hayupan. Kapag malakas ang buhos, ang mga pag-ulan ay nagdudulot

din ng mga pagbaha sa rehiyon. Bukod dito, hinahadlangan ng

mainit na tubig sa bandang ibabaw ng dagat na pumaitaas ang

masustansiyang tubig na mas malamig na nasa ilalim. Bunga nito,

ang maraming nilikha sa dagat at maging ang ilang ibon ay

lumilipat sa ibang lugar upang maghanap ng makakain. Pagkatapos

ay mararamdaman ang mga epekto ng El Niño sa iba pang lugar na

malayo sa baybayin ng Peru.

Ano ang dahilan ng pagkakaroon ng El Niño? Kung ito ay

nagsisimula sa di-karaniwang pagtaas ng temperatura ng karagatang

malapit sa baybayin ng Peru, ano ang tunay na sanhi ng

pangyayaring ito? Upang maunawaan ito, isaalang-alang muna ang

higanteng sirkulasyon ng siklo, kilala bilang ang Walker

Circulation, na umiiral sa atmospera sa pagitan ng silanganin at

kanluraning bahagi ng Pasipiko sa tropiko. Habang pinaiinit ng

araw ang bandang ibabaw na katubigan sa kanluran, malapit sa

Indonesia at Australia, ang mainit at mahalumigmig na hangin ay

pumapaitaas sa atmospera, na nagiging sanhi ng sistema ng

mababang-presyon malapit sa pinakaibabaw ng katubigan. Ang

pumapaitaas na hangin ay lumalamig at pinakakawalan ang

13

halumigmig nito anupat nagdudulot ng mga pag-ulan sa lugar na

ito. Ang tuyong hangin ay tinatangay pasilangan ng mga hangin na

nasa mas mataas na atmospera. Habang ito ay naglalakbay

pasilangan, ang hangin ay lumalamig at bumibigat at nagsisimulang

bumaba pagdating sa Peru at Ecuador. Nagiging sanhi ito ng

sistema ng mataas na presyon malapit sa pinakaibabaw ng

karagatan. At, sa mababang altitud, ang mga takbo ng hangin na

kilala bilang mga trade wind (hangin na kalimitan ay humihihip sa

iisang direksiyon) ay humihihip naman pabalik sa kanluran

patungong Indonesia, sa gayon ay nakukumpleto ang siklo.

Kung magkaganon, maaring maging katanungan naman natin

ngayon kung paanong naaapektuhan ng mga trade wind ang

temperatura sa pinakaibabaw ng bahagi ng Pasipiko sa tropiko?

“Ang mga hanging ito ay karaniwan nang kumikilos na gaya ng mga

simoy ng hangin sa isang maliit na lawa,” ang sabi ng Newsweek,

“anupat itinutulak ang mainit na tubig patungo sa kanlurang

bahagi ng Pasipiko kung kaya’t ang kapantayan ng dagat doon ay

mas mataas ng 60 sentimetro at mas mainit ng 8 antas ng Celsius

kaysa sa kapantayan ng dagat, bilang halimbawa, sa Ecuador.” Sa

silangang bahagi ng Pasipiko, ang masustansiyang tubig na mas

14

malamig mula sa ilalim ay pumapaitaas, na nagiging sanhi ng

pagdami ng mga buhay sa dagat. Kaya, kapag normal na mga taon, o

kapag walang El Niño, ang temperatura sa pinakaibabaw ng dagat ay

mas malamig sa silangan kaysa sa kanluran.

Anong pagbabago sa atmospera ang nagiging sanhi ng El Niño?

“Sa mga kadahilanang hindi pa rin natatalos ng mga siyentipiko,”

ang sabi ng National Geographic, “tuwing lilipas ang ilang taon ay

humihina o naglalaho pa nga ang mga trade wind.” Habang humihina

ang mga hanging ito, ang mainit na tubig na naipon malapit sa

Indonesia ay humuhugos pabalik sa silangan, na nagiging sanhi ng

pagtaas ng temperatura sa pinakaibabaw ng dagat sa Peru at sa iba

pang lugar sa silangan. Ang pagkilos namang ito ay may epekto sa

sistema ng atmospera. “Ang pag-init ng silangang bahagi ng

Karagatang Pasipiko sa tropiko ay nagpapahina sa Walker

Circulation at nagiging sanhi para kumilos pasilangan ang siklo

ng malalakas na pag-ulan, mula sa kanluran tungo sa gitna at

silangang bahagi ng Pasipiko sa tropiko,” ang sabi ng isang

akdang reperensiya. Kaya naman apektado ang takbo ng lagay ng

panahon sa kahabaan ng buong bahagi ng Pasipiko sa gawing

ekwador.

15

May posibilidad bang matukoy kung kalian magkakaroon ng El

Niño? Matutukoy ba ang pangyayaring ito katulad ng bilis ng

pagtukoy n gating mga siyentista sa babala ng pagdaing ng isang

bagyo? Hindi. Sa halip na nagsasangkot lamang ng maiigsing

pangyayari sa lagay ng panahon, sangkot sa mga patiunang pagtaya

hinggil sa El Niño ang abnormal na mga kalagayan ng klima sa

malalaking rehiyon na kung minsan ay tumatagal ng ilang buwan. At

ang mga mananaliksik sa klima ay nagtamo ng isang antas ng

tagumpay sa patiunang pagtaya hinggil sa El Niño.

Halimbawa, ang patiunang pagtaya sa 1997-1998 na El Niño ay

ipinalabas noong Mayo ng 1997—mga anim na buwan bago ang

pagdating nito. Nakakalat ngayon sa bahagi ng Pasipiko sa tropiko

ang 70 nakaangklang palutang na siyang sumusukat sa mga kalagayan

ng hangin sa pinakaibabaw ng karagatan at sa temperatura ng

karagatan hanggang sa lalim na 500 metro. Kapag ito ay ipinasok

sa mga computer na may sistema ng paglalarawan sa klima, ang mga

impormasyong ito ay naglalabas ng mga pagtaya sa lagay ng

panahon.

Ang maagang mga babala hinggil sa El Niño ay tunay na

makatutulong sa mga tao na maghanda para sa inaasahang mga

16

pagbabago. Halimbawa, mula noong 1983, ang mga patiunang pagtaya

hinggil sa El Niño sa Peru ay humimok sa maraming magsasaka na

mag-alaga ng baka at magtanim ng mga pananim na angkop sa maulang

klima, samantalang ang mga mangingisda naman, sa halip na

manghuli ng isda ay nanghuli na lamang ng hipon na sagana sa

maiinit na katubigan. Oo, ang tumpak na patiunang pagtaya kalakip

ang patiunang paghahanda ay maaaring makabawas sa pinsala ng El

Niño sa tao at sa kabuhayan.

Kung susuriin ang mga dokumento at kasaysayan, mahihinuhang

ang pagkakaroon ng El Niño ay nagkakaroon ng malawakang hindi

kanais-nais na epekto sa agrikultura, buhay at kabuhayn ng mga

tao. Mula sa artikulong “Ano ba ang El Niño?” na inilathala sa

Watchtower ONLINE LIBRARY, Mga Publikasyon sa Tagalog (2000-2014)

naitala ang mga sumusunod na pinsalang nagawa ng El Niño:

■ 1525: Ang pinakamaagang ulat sa kasaysayan tungkol sa isang

kaganapan ng El Niño sa Peru.

■ 1789-93: Ang El Niño ang dahilan ng pagkamatay ng mahigit na

600,000 sa India at naging sanhi ng matinding taggutom sa

timugang Aprika.

17

■ 1982-83: Ang pangyayaring ito ang dahilan ng pagkamatay ng

2,000 at mahigit na $13 bilyong pinsala sa ari-arian, pangunahin

na sa mga rehiyon sa tropiko.

■ 1990-95: Tatlong sunud-sunod na pangyayari ang nagsama-sama na

naging isa sa pinakamahabang yugto ng El Niño na naitala.

■ 1997-98: Sa kabila ng unang malawakang tagumpay sa mga rehiyong

may kinalaman sa patiunang pagtaya hinggil sa mga pagbaha at

tagtuyot bunga ng El Niño, mga 2,100 buhay ang nasawi, at

nagdulot ito ng mga pinsala sa buong daigdig na nagkakahalaga ng

$33 bilyon.

Samantala, hindi lahat ng mga budoy ay nagaganap sa

Silangang Pasipiko. Sa loob ng kamakailang mga dekada, natuklasan

ang mga Panggitnang Pasipikong mga El Niño. Kapag nagaganap ito,

ang mga epekto mula sa El Niño ng Gitnang Pasipiko ay napaka

kaiba mula sa tradisyunal na mga El Niño. Nangyari ang mga

Panggitnang Pasipikong El Niño noong 1986-1988, 1991-1992, 1994-

1995, 2002-2003, 2004-2005, 2006-2007 at 2009-2010.

Dahil sa ang El Niño ay isang natural na kalamidad at

nagyayari ito bunga ng pagkilos ng mga natural na sistema ng

ating klima at kapaligiran, masasabing hindi possible na maiwasan

18

natin ang pagkakaroon nito. Magkaganunpaman, sa dahilang ang

ating mga siyentista at dalubhasa sa pag-aaral sa lagay ng

panahon ay mayroong kakayahang matukoy ang posibilidad ng

pagkakaroon ng El Niño sa isang lugar, nakapagbibigay na ito ng

paunang babala upang mapaghandaan ang pagdating nito. Sa ganitong

paraan, hindi man maiwasan ang pagkakaroon nito, napapababa naman

ang pinsalang maaring dulot nito sa buhay at kabuhayan ng mga

tao. Sa kabilang banda, dahil sa ang pagkilos ng El Niño ay

naapektuhan ng mga pagbabagong nagaganap sa ating atmospera dulot

ng tinatawag nating global warming, maari ring makatulong bilang

pangmatagalang solusyon ang patuloy na pag-iingat sa ating

kapaligiran kasama na ang malawakang pagtatanim ng mga puno,

pagpapababa n gating gamit at pagbuga ng karbon sa hangin, pag-

iiwas sa pagsusunog nga mga plastic upang mapababa ang polusyon

sa hangin, pag-iingat sa gamit ng fuel o langis sa mga sasakyan

at iba pang makinaryang nangangailangan nito, pagtangkilik sa

paggamit ng mga tinatawag na renewable fuels and energy,

pagtitipid sa gamit ng enerhiya at ang iba pang mga gawaing

naglalayong maibalik ang dating sitwasyon at takbo n gating

normal na kapaligiran. Sa ganitong pamamaraan, maibabalik ang

19

dating sigla ng ating natural na kapaligiran at mapapakinabangan

ng wasto ang ating likas na yaman. Inaasahan na sa pamamagitan

nito, mababawasan ang pagkakaroon ng mga abnormalidad sa ating

klima at kapaligiran tulad ng El Niño.

20

KONKLUSYON

Batay sa isinagawang pag-aaral at pagsusuri sa mga nakalap

na impormasyon, inilalahad ng mananaliksik ang mga sumusunod na

konklusyon:

Ang El Niño ay nagyayari bunga ng natural na pagkilos ng

system ng hangin sa ating kapaligiran at nagdudulot ng mainit na

daloy lamang ng tubig na lumilitaw malapit sa baybayin ng Peru

tuwing dalawa hanggang pitong taon. Ang pinagmulan ng El Nino ay

ang habagatang pabago bago ng klima sa karagatang pasipiko na sa

gayun ay naapektuhan ang mga karatig na baybayin malapit sa

pasipiko dahil dala rin nito ang maiinit na hangin mula sa

pasipiko.

Ang El Nino ay nangyayari kapag ang isang klima sa isang

bansa ay lalong tumataas o nagbabago ang kalagayan ng

temperatura.

Ang pangyayaring tulad ng El Niño, bagamat natutukoy kung

kalian maaring dumating ay hindi maiiwasan ang pagdating o kaya

ay mailihis ang lugar na maaring daanan nito. Kung gayon,

maituturing itong isang natural na kalamidad at marapa na

21

paghandaan upang maiwasan ang pagdulot nito ng malawakang pinsala

sa buhay at kabuhayan ng mga tao sa isang lugar.

Ang kamalayan sa mga pangyayaring tulad ng El Niño tulad ng

dahilan ng pagkakaroon nito, kailan ito maaring mangyari at anu-

ano ang mga pinsalang maaring dulot nito ay nakatutulong ng

malaki upang mapaghandaan ang pagdating nito.

22

REKOMENDASYON

Pagkatapos ng mga impormasyong nakalap at napag-aralan,

inirerekomenda ng mananaliksik ang mga sumusunod:

1. Pagkakaroon ng malawakang kampanya upang higit na maipaunawa

sa mga tao kung ano ang El Niño, saan ito nanggaling, bakit

ito nagyayari, anu-ano ang mga pinsalang maaring idulot nito

at kung paano makatutulong ang isang ordinaryong tao pang

maiwasan o mapaunti ang mga pinsalang dulot nito;

2. Hikayatin ang bawat isa ma makiisa sa pangmalawakang gawaing

nauukol sa pagbabalik ng dating sigla at lagay ng ating

kapaligiran upang maiwasan ang pangyayaring nagdudulot ng

abnormalidad sa kilos at sistema ng ating kapaligiran.

3. Pagkakaroon ng iba pang masusing pag-aaral na naayon sa

pananaliksik na ito upang higit na mapagtibay ang mga

impormasyong natuklasan mula rito.

23

24

MGA SANGGUNIAN

1. ANO ANG EL NIÑO?, Watchtower ONLINE LIBRARY, wol.jw.ord/en/wol/r/r27/lp-

tg/102000207

2. EL NIÑO, www.wikipedia.com

25