Ang Kallipolis at ang ating Kasalukuyang Lipunan: isang Pakikipagdiyalogo ng Kritikal na...

28
Ang Kallipolis at ang ang Kasalukuyang Lipunan: Isang Pakikipagdiyalogo ng Krikal na Pilosopiyang Filipino sa Ang Republika ni Platon / The Kallipolis and our Present Society: A Dialogue Between Critical Filipino Philosophy and The Repubic of Plato Feorillo Petronilo A. Demeterio III, Ph.D. Pamantasang De La Salle, Manila [email protected] Ang pag-aaral na ito sa diyalogong Ang Republika ni Platon ay gumamit ng dalawang estratehiyang hermenyutikal. Una rito ay ang hermenyutika ng rekontekstuwalisasyon na sumuri sa nilalaman ng Platonikong teksto sa pamamagitan ng paglalagay nitong muli sa kaniyang historikal na kaligiran at sa kaniyang puwesto sa kabuuang kaisipan ng may-akdang ito. Pangalawa ay ang hermenyutikang diyalektikal o diyalohikal na tumingin naman sa politikal na aspekto ng parehong teksto habang pasan ng mambabasa ang mga suliranin at mahahalagang usapin ng kaniyang sariling politikal na sitwasyon. Ito ay upang mabigyan ng karagdagang kabuluhan ang klasikong tekstong ito at para rin mabigyan ng teoretikal na lente ang pagsusuri sa ating sariling lipunan. Ang pangalawang estratehiyang hermenyutikal ay tumutok sa: (1) pagpapahalaga ni Platon sa aristokrasya/monarkiya at kaniyang pagbatikos sa demokrasya; (2) kaniyang pagdalumat sa katarungang politikal bilang pagtuon sa sariling tungkulin at pag-iwas sa anumang pangingialam sa tungkulin ng iba; (3) kaniyang konsepto ng pampublikong edukasyon bilang reaksiyon sa Sopistang sistema ng edukasyon; (4) kaniyang parsiyal na komunismo bilang tugon sa banta ng korapsiyon at nepotismo; (5) diyalektika ng gahum sa pagitan ng indibidwal, pamilya at lipunan; at (6) pangkasariang politika kaugnay sa pagkababae at pagkahomosekswal. Mga Susing Salita: Platon, Ang Republika, katarungan, Kallipolis, aristokrasya, timokrasya, oligarkiya, demokrasya, tiraniya, politikal na edukasyon, korapsyon, nepotismo, komunismo, direktang demokrasya, pinunong-demokrasya, totalitaryanismo, politikang pangkasarian, pagkababae, homoseksuwalidad, kritikal na pilosopiyang Filipino, at pilosopiyang Filipino. MALAY 24.1 (2011): 1-28 Karapatang-ari © 2011 Pamantasang De La Salle, Filipinas

Transcript of Ang Kallipolis at ang ating Kasalukuyang Lipunan: isang Pakikipagdiyalogo ng Kritikal na...

Ang Kallipolis at ang ating Kasalukuyang Lipunan: Isang Pakikipagdiyalogo ng Kritikal na Pilosopiyang Filipino sa Ang Republika ni Platon / The Kallipolis and our Present Society: A Dialogue Between Critical Filipino Philosophy and The Repubic of PlatoFeorillo Petronilo A. Demeterio III, Ph.D.Pamantasang De La Salle, [email protected]

Ang pag-aaral na ito sa diyalogong Ang Republika ni Platon ay gumamit ng dalawang estratehiyang hermenyutikal. Una rito ay ang hermenyutika ng rekontekstuwalisasyon na sumuri sa nilalaman ng Platonikong teksto sa pamamagitan ng paglalagay nitong muli sa kaniyang historikal na kaligiran at sa kaniyang puwesto sa kabuuang kaisipan ng may-akdang ito. Pangalawa ay ang hermenyutikang diyalektikal o diyalohikal na tumingin naman sa politikal na aspekto ng parehong teksto habang pasan ng mambabasa ang mga suliranin at mahahalagang usapin ng kaniyang sariling politikal na sitwasyon. Ito ay upang mabigyan ng karagdagang kabuluhan ang klasikong tekstong ito at para rin mabigyan ng teoretikal na lente ang pagsusuri sa ating sariling lipunan. Ang pangalawang estratehiyang hermenyutikal ay tumutok sa: (1) pagpapahalaga ni Platon sa aristokrasya/monarkiya at kaniyang pagbatikos sa demokrasya; (2) kaniyang pagdalumat sa katarungang politikal bilang pagtuon sa sariling tungkulin at pag-iwas sa anumang pangingialam sa tungkulin ng iba; (3) kaniyang konsepto ng pampublikong edukasyon bilang reaksiyon sa Sopistang sistema ng edukasyon; (4) kaniyang parsiyal na komunismo bilang tugon sa banta ng korapsiyon at nepotismo; (5) diyalektika ng gahum sa pagitan ng indibidwal, pamilya at lipunan; at (6) pangkasariang politika kaugnay sa pagkababae at pagkahomosekswal.

Mga Susing Salita: Platon, Ang Republika, katarungan, Kallipolis, aristokrasya, timokrasya, oligarkiya, demokrasya, tiraniya, politikal na edukasyon, korapsyon, nepotismo, komunismo, direktang demokrasya, pinunong-demokrasya, totalitaryanismo, politikang pangkasarian, pagkababae, homoseksuwalidad, kritikal na pilosopiyang Filipino, at pilosopiyang Filipino.

MALAY 24.1 (2011): 1-28

Karapatang-ari © 2011 Pamantasang De La Salle, Filipinas

2 TOMO XXIV BLG. 1MALAY

PANIMULA

Uumpisahan ko ang papel na ito sa isang paliwanag kung bakit inilalagay ko ang kritikal na pilosopiyang Filipino at Ang Republika ni Platon sa isang diyalohikal at diyalektikal na konpigurasyon. Nangunguna sa aking mga dahilan ang aking personal na posisyon bilang isang mananaliksik sa mga larangan ng Araling Filipino at pilosopiyang Filipino na tumututol sa anumang pag-aaral ng kanluranin at dayuhang kaisipan kapag wala naman itong maiaalay na kabutihan para sa ating sitwasyon bilang mga Filipino. Pumapangalawa ay ang aking ginagamit na hermenyutikang estratehiya na nagdudulot ng karagdagang halaga at panibagong buhay sa isang klasikong tekstong mahigit dalawang libong taong gulang na sa pamamagitan ng pagbasa

nito mula sa politikal na perspektiba ng ating sariling lipunan. Pumapangatlo ay ang kabilang mukha ng parehong hermenyutikang estratehiya na nagdudulot sa atin ng pagkakataong masuri ang ating lipunan na gamit bilang lente ang parehong klasikong teksto na hanggang ngayon ay itinuturing pa rin ng maraming dalubhasa na isa sa mga pinakamahalagang teksto sa kasaysayan ng pilosopiyang politikal.

Uumpisahan ko rin ang papel na ito sa isa pang paliwanag kung ano ang ibig kong sabihin sa katagang “kritikal na pilosopiyang Filipino.” Sa aking sanaysay na may pamagat na “Thomism and Filipino Philosophy in the Novels of Jose Rizal,” inilatag ko ang limang kalipunan ng mga kaalamang maaari nating tawaging “Pilosopiyang Filipino” gamit ang isang diyagram na (Demeterio 2004):

This study on Plato’s The Republic used two hermeneutic strategies. First of these is the hermeneutics of recontextualization that studied the contents of the Platonic text by placing it back to its historical surroundings as well as to its proper place in the overall philosophy of its author. Second is dialectical or dialogical hermeneutics that analyzed the political aspects of the same text while being conscious of the reader’s own political problems and issues in order to provide additional relevance to the classic text as well as a theoretical lens for the examination of our own society. The second hermeneutic strategy focused on: (1) Plato’s valuation of aristocracy/monarchy and his critique of democracy; (2) his conceptualization of political justice as attending to ones’ responsibilities and avoiding interference on the responsibilities of others; (3) his idea of public education as a reaction against the Sophists’ system of education; (4) his partial communism as a reaction against the threats of corruption and nepotism; (5) the dialectics of power among the individual, family and society; and (6) the gender politics of femininity and homosexuality

Keywords: Plato, The Republic, justice, Kallipolis, aristocracy, timocracy, oligarchy, democracy,

tyranny, political education, corruption, nepotism, communism, direct democracy, leader-democracy, totalitarianism, gender politics, femininity, homosexuality, critical Filipino philosophy, and Filipino philosophy

3ANG KALLIPOLIS AT ANG ATING KASALUKUYANG LIPUNAN F.P.A. DEMETERIO III

Ang Tomismong Filipino (may bilang na 1 sa hugis 1) ay siyang pinakanauna sa limang ito, dahil itinatag ito ng mga mananakop na Espanyol noon pang ika-17 na siglo para sa pagsasanay ng kanilang mga seminarista. Nakabatay ito sa pag-aaral sa mga teksto na isinulat ni Tomas de Aquino, ang tinaguriang prinsipe ng mga eskolastiko. Sa kasalukuyan, ang Tomismong Filipino ang may pinakamaraming tagasunod sa limang kalipunang ito.

Ang kritikal na Pilosopiyang Filipino (may bilang na 2 sa hugis 1) ay umusbong noong panahon ng propaganda nang binatikos ng mga ilustrado ang mapang-aping politikal at ekonomikal na istruktura ng kolonyal na pamahalaang Espanyol. Napayaman ito noong dekada ‘60 ng nakaraang siglo gamit ang kaisipan nina Karl Marx, Vladimir Lenin, at Mao Tse Tung. Subalit humina ito noong panahon ng Martial Law at halos hindi na mararamdaman ngayon sa loob ng mga departamento ng pilosopiya sa bansa.

Ang eksposisyon ng mga kanluraning pilosopiya (may bilang na 3 sa hugis 1) ay umusbong matapos bumalik ang ilang mga Filipinong intelektwal na ipinadala ng mga Amerikano sa ibang bansa para mag-aral ng iba’t ibang sistema ng kalaaman. Ito ang unang naging banta sa Tomismong Filipino sa loob ng akademya, dahil ang mas naunang kritikal na Pilosopiyang Filipino ay dating umiiral lamang sa labas ng akademya.

Ang interpretasyon sa Filipinong identidad (may bilang na 4 sa hugis 1) ay umusbong noong mga dekada ‘70 at ‘80 ng nakaraang siglo at tumugon sa mga katanungang “sino ang Filipino,” “ano ang kaniyang identidad,” “ano ang kaniyang mga sistema ng pagpapahalaga,” at “ano ang kaniyang pananaw sa buhay at sa mundo.” Ang kalipunan ng kaalamang ito ay ang kadalasang tinutukoy natin kapag binanggit natin ang katagang “Pilosopiyang Filipino,” at ito rin ang kasalukuyang may pinakamaraming publikasyon sa limang kalipunang binanggit natin.

Ang interpretasyon sa mga Filipinong intelektwal (may bilang na 5 sa hugis 1) ay tungkol sa paghango ng mga pilosopikal na kontribusyon ng mga Filipinong intelektwal na sa pangkaraniwang antas ng diskusyon ay hindi naman maituturing na mga pilosopo.

Batay sa kani-kanilang mga espesyalisasyon at interes, malinaw na sa limang anyo ng pilosopiyang Filipino, ang kritikal na pilosopiyang Filipino ang pinaka-angkop na haharap at makikipagdiyalogo sa politikal na aspekto ng Ang Republika ni Platon. Kaya ang papel na ito ay may tatlong pangunahing bahagi: (1) ang pagsaliksik sa pwesto ng Ang Republika sa pangkalahatang pilosopiya ni Platon, (2) ang pagsuri sa kabuuang istruktura at nilalaman ng diyalogong ito, at (3) ang paghimay sa iilang mga temang politikal mula rito gamit ang perspektiba ng kritikal na pilosopiyang Filipino.

Filipino Thomism Interpretation of Filipino Identity Interpretation of Filipino Intellectuals Exposition of Western Philosophies Critical Filipino Philosophy

Early 17th Late 17th Early 18th Late 18th Early 19th Late 19th Early 20th Late 20th Early 21st

Century Century Century Century Century Century Century Century Century

1

2

3

4

5

Hugis 1: Ang Pag-usbong ng Limang Anyo ng Pilosopiyang Filipino

4 TOMO XXIV BLG. 1MALAY

Ang Pwesto ng “Ang Republika” sa Kaisipan ni Platon

Para makita natin ang malawakang relasyon ng diyalogong Ang Republika sa ibang mga obra ni Platon, makatutulong ang taksonomiyang ginawa ni Diogenes Laertius. Ang kaniyang obrang The Lives of the Philosophers, na isinulat noong ikatlong siglo AD, ay sumaklaw sa mahigit na walumpung mga Griyego at Italyanong pantas, ngunit naglaan ng isang buong libro para kay Platon. Ayon kay Diogenes Laertius, kahit pa man ang genre ng diyalogong pilosopikal ay unang ginamit ni Zeno ng Elea, o hindi kaya ni Alexamenos ng Styra, si Platon daw ang nagpakinis at nagpahusay sa genre na ito, kaya dapat na si Platon ang ituturing na tagapaglikha nito (Diogenes Laertius 106).

Dahil sa ugnayan nina Platon at Sokrates, nilinaw muna ni Diogenes Laertius ang pagkakaiba ng “diyalogo” at “diyalektika.” “Ang diyalogo,”

isinulat niya, “ay isang diskurso, na nasa anyo ng pagtatanong at pagsasagot, tungkol sa mga pilosopikal at politikal na mga paksa na nagbibigay halaga sa presentasyon ng mga kasaling karakter at sa ganda ng ekspresyon at diksiyon” (Diogenes Laertius, 106). Samantalang ang “diyalektika” naman ay “ang sining ng diskurso kung saan bumabatikos tayo sa posisyon ng katunggali o magpapahayag ng sariling proposisyon gamit ang proseso ng pagtatanong at pagsasagot kasama ang mga katunggali” (Diogenes Laertius 106-107). Ang punto ni Diogenes Laertius ay kung ang diyalektika ay ang pangunahing metodong pilosopikal nina Sokrates at Platon, ang diyalogo naman ang pinakaangkop na genre na tekstwal na magpapakita sa ganitong uri ng pamimilosopiya.

Matapos niyang linawin ang pagkakaiba ng “diyalogo” at “diyalektika,” inilahad niya ang kanyang taksonomiya ng mga Platonikong diyalogo (Diogenes Laertius 107):

Mga Diyalogo ni Platon

Mga Diyalogong Instructive

Mga Diyalogong Inquisitorial

Mga Diyalogong Teoretikal

Mga Diyalogong Praktikal

Mga Diyalogong Nagsasanay sa Isipan

Mga Diyalogong Nakatuon sa Pagpapanalo sa Debate

(1) Nakatuon sa Pisikal na Paksa

(2) Nakatuon sa Lohikal na Paksa

(3) Nakatuon sa Etikal na Paksa

(4) Nakatuon sa Politikal na Paksa

(5) Nakatuon sa “Mental Obstetric”

(6) Probing at Tentatibo

(7) Nakatuon sa Kritikal na Pagbatikos

(8) Nakatuon sa Pag-atake sa Posisyon ng Katunggali

Hugis 2: Ang Taksonomiya ni Diogenes Laertius sa mga Diyalogo ni Platon

5ANG KALLIPOLIS AT ANG ATING KASALUKUYANG LIPUNAN F.P.A. DEMETERIO III

Kapag paniniwalaan natin si Diogenes Laertius, may walong klasipikasyon ang mga diyalogo ni Platon: (1) mga teoretikal na diyalogong nakatuon sa pisikal na paksa; (2) mga teoretikal na diyalogong nakatuon sa lohikal na paksa; (3) mga praktikal na diyalogong nakatuon sa etika; (4) mga praktikal na diyalogong nakatuon sa politika; (5) mga diyalogong nagsasanay sa isipan at nakatuon sa “mental obstetric,” o ang proseso ng pagsisilang ng mga bagong ideya at kaalaman; (6) mga diyalogong nagsasanay sa isipan at nakatuon sa tentatibong eksplorasyon ng mga ideya at kaalaman; (7) mga diyalogong nakatuon sa pagpapanalo ng debate at nakasentro sa kritikal na paghihimay sa posisyon ng katunggali; at (8) mga diyalogong nakatuon sa pagpapanalo ng debate at nakasentro sa deretsahang pag-atake sa posisyon ng katunggali.

Ayon kay Diogenes Laertius saklaw ng unang kategorya ang diyalogong Timaeus; habang saklaw naman ng ikalawang kategorya ang mga diyalogong Politics, Cratylus, Parmenides, at Sophist. Napapabilang sa ikatlong kategorya ang mga diyalogong Apology, Crito, Phaedo, Phaedrus, Symposium, Menexenus, Clitiphon, Letters, Philebus, Hipparchus, at Rivals; habang napapabilang naman sa ika-apat na kategorya ang mga diyalogong Republic, Laws, Minos,

Epinomis, at Atlanticus. Kasama sa ikalimang kategorya ang mga diyalogong Alcibiades I, Alcibiades II, Theages, Lysis, at Laches; habang kasama naman sa ika-anim na kategorya ang mga diyalogong Euthyphro, Meno, Ion, Charmides, at Theatetus. Sakop ng ikapitong kategorya ang diyalogong Protagoras; habang sakop naman ng ikawalong kategorya ang mga diyalogong Euthydemus, Hippias I, Hippias II, at Georgias.

Batay sa taksonomiyang ito, ang diyalogong Ang Republika ay isang instructive o substantibong diyalogo, sa halip na inquisitorial; isang praktikal na diyalogo, sa halip na teoretikal; at nakatuon sa politikal na usapin, sa halip na sa etikal na usapin. Ngunit dapat tayong mag-iingat sa puntong ito dahil hindi gaano katalas ang pilosopikal na analisis at metodo ng pananaliksik ni Diogenes Laertius. Sa katunayan, iilan sa kaniyang binanggit na teksto ay hindi mga tunay na obrang Platoniko, at matutuklasan natin sa ibaba na higit na mas komplikado ang diyalogong Ang Republika kaysa simplistikong pagkahon nito bilang etikal na diyalogo.

Para mas maintindihan natin ang ugnayan ng diyalogong Ang Republika sa kabuuang Platonikong kaisipan, makatutulong ang pagtingin natin sa timeline ng kaniyang buhay na inilatag ng kasunod na diyagram:

Hugis 3: Ang Timeline ng Buhay ni Platon

427 BC: Ipinanganak

bilang Aristocles

407 BC: Tagasunod ni Sokrates at Pagsanay sa

Etika, Politika at Diyalektika

417-409 BC: Marahil Nag-aral sa

Pangangalaga ni Cratylus at Pagsanay sa Pisika at

Metapisika

404 BC: Katapusan ng Peloponnesian

War at ang Panunungkulan ng

Thirty Tyrants

403 BC: Pagtatag muli ng Demokrasyang

Athenian

399 BC: Pagkamatay ni

Sokrates

399-387 BC: Paglakbay sa Mediterranean at

Pagsanay sa Metapisika, Matematika, at Astronomiya

387 BC: Pagtatag ng Akademya

361 BC: Pagbalik sa Sicily para Turuan si

Dionysius II

367 BC: Pagdalaw Sa Sicily para Turuan si Dionysius I; Pagdating ni Aristoteles sa

Akademya

347 BC: Pagkamatay sa

Akademya

361-347 BC: Ang Posibleng Panahon sa Pagsulat sa mga

Nahuhuling Diyalogo

387-361 BC: Ang Posibleng Panahon sa Pagsulat sa mga

Kalagitnaang Diyalogo

399-387 BC: Ang Posibleng Panahon sa

Pagsulat sa mga Nauunang Diyalogo, o Sokratikong

Diyalogo

6 TOMO XXIV BLG. 1MALAY

Dahil ang diyalogong Ang Republika ay napapabilang sa mga nauuna sa kalagitnaang mga diyalogo (middle dialogues) ni Platon, na posibleng isinulat sa pagitan ng mga taong 387 at 361 BC, ang mga mahalagang muhon na nagbigay ng impluwensiya sa pagkahubog nito ay:

• 407 BC: Naging mag-aaral si Platon ni Sokrates at nagsanay sa etika;

• 404 BC: Katapusan ng Digmaang Peloponesian; pagbagsak ng demokrasya sa Athens; at ang madugong pamumuno ng tatlumpung tirano sa Athens;

• 403 BC: Pagbagsak ng tatlumpung tirano at ang pagtatag muli ng demokrasya sa Athens;

• 399 BC: Pagkamatay ni Sokrates sa ilalim ng demokrasya sa Athens;

• 399-387 BC: Naglakbay si Platon sa paligid ng Mediterranya at nagsanay sa metapisika, matematika at astronomiya; at

• 387 BC: Itinatag niya ang Akademya.

Ibig sabihin, isinulat ni Platon ang diyalogong Ang Republika noong panahon kung kailan naranasan na niya ang mga hagupit sa buhay na dala-dala ng pagkatalo ng Athens sa Digmaang Peloponesian, pamumuno ng tatlumpung tirano, panunumbalik ng demokrasya at ng pagkamatay ng kaniyang gurong si Sokrates. Ang mga gusot na ito ang nagtulak sa kaniyang magdesisyon na huwag nang sumali pa sa masalimuot na mundo ng politika.

Ang pagkakaiba ng mga naunang diyalogo (early dialogues) at mga kalagitnaang diyalogo ni Platon ay makikita sa karakter ni Sokrates at sa paksang pinagtutuunan nila ng pansin. Sa mga naunang diyalogo ang karakter ni Sokrates ay nakabatay sa historikal na Sokrates, habang sa mga kalagitnaang diyalogo, ang karakter na ito ay ginamit na lamang na tagapagpahayag sa sariling pilosopiya ni Platon (tingnan sa Kraut, 5-6). Ang mga naunang diyalogo ay nakatuon lamang sa etika, habang ang mga kalagitnaang diyalogo ay sumaklaw na pati sa sikolohiya, politika, edukasyon, at iba pang paksa sa pilosopiya (tingnan sa Kraut, 5.-6).

May mga dalubhasa, katulad nina Paul Shorey at Richard Nettleship, ang pumuna na ang unang aklat ng diyalogong Ang Republika ay kahalintulad, sa maraming aspekto, sa isang ganap na naunang diyalogo (Shorey, 160; Nettleship, 14). Kaya hindi nakagugulat kung marami ang mag-iisip na ang diyalogong ito ay binubuo ng isang maikling naunang diyalogo na dinugtungan na lamang ni Platon ng siyam pang mga aklat na napapabilang sa mga kalagitnaang diyalogo. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang diyalogong ito ay nag-umpisa sa isang etikal na paksa at sa kalaunan ay umusad sa iba’t ibang paksang pilosopikal.

Kung radikal ang mga mungkahi ng tinurang diyalogo, ito ay dahil isinulat ito ni Platon bago pa man niya maranasan ang mga masaklap na katotohanang kaakibat sa aktwal na pagdedisenyo ng estado noong mabigo siyang gawing mas mabuting pinuno ang mag-amang diktador na sina Dionysius I at Dionysius II ng Syracuse. Kaya ibang-iba ang tono ng politikal na pilosopiya ng Ang Republika sa tono ng diyalogong Laws na isinulat ilang taon matapos ang kaniyang karanasan sa Syracuse (tingnan sa Saunders, 464-492).

Ang Istruktura ng “Ang Republika”

Umpisahan natin ang paghimay sa istraktura ng Ang Republika sa pamamagitan ng pagsuri tungkol sa tagpuan, panahon, at tauhan.

Tagpuan, Panahon at TauhanAng tagpuan ng diyalogo ay ang bahay ng isang

tauhang may pangalang Cephalus sa Piraeus, isang daungang lungsod (port city), na nagsisilbing lunsaran ng mga barkong pangalakal at pandigma ng estadong lunsod ng Athens. Naangkop ang Piraeus bilang tagpuan ng diyalogong ito dahil ang lungsod na ito ay produkto ng urban planning at isang pook kung saan namumukadkad ang mga ideya na dala-dala ng mga banyagang negosyante at marinero (Pappas 19).

Ang piksyunal na panahon ng diyalogo ay isang araw matapos ang piyesta ng isang

7ANG KALLIPOLIS AT ANG ATING KASALUKUYANG LIPUNAN F.P.A. DEMETERIO III

banyagang diyosang si Bendis. Ang aspektong ito ay isa sa mga dahilan kung bakit marami ang naghihinala na talagang kasama ang unang aklat ng diyalogong ito sa mga naunang diyalogo ni Platon dahil posibleng ipinamumukha niya rito sa mga huradong humatol kay Sokrates at sa lahat ng mga taga Athens na wala naman talagang masama sa pagpapasok o pagdadala ng mga

bagong diyos at diyosa sa kanilang estadong lunsod (Pappas 21). Isa kasi ang isyu na ito sa mga akusasyong isinampa laban kay Sokrates. Para mas maintindihan natin ang taon kung kailan naganap ang piksyunal na pag-uusap ng mga karakter, makatutulong ang pagtingin natin sa timeline ng buhay nina Sokrates at Platon na inilatag ng kasunod na diyagram:

Sa piksyunal na panahong ito, 421-415 BC, mga limampung taong gulang na si Sokrates, ang Athens ay nasa panahon ng Kapayapaan ni Nicias sa pagitan ng unang dalawang bugso ng Digmaang Peloponnesian at si Platon ay anim hanggang labingdalawang taong gulang pa lamang.

Ang pangunahing tauhan ng diyalogong ito ay sina Sokrates at ang mga nakatatandang kapatid ni Platon na sina Glaucon at Adeimantus. Maituturing nating pangalawang mga tauhan ang mga sentral na karakter ng unang aklat: ang mayamang negosyanteng si Cephalus, ang kaniyang anak na si Polemarchus at ang Sopistang si Thrasymachus ng Chalcedon. May mga pangalawang tauhan din na wala, o halos walang, mga linyang ginampanan: ang dalawa pang anak ni Cephalus na sina

Lysias at Euthydemus, si Charmantides at si Cleitophon.

Matapos nating suriin ang tagpuan, panahon at tauhan ng diyalogo, handa na tayong pumunta sa kaniyang buod. Maaari nating balangkasin ang diyalogong ito sa tatlong malawak na diskusyon: (1) ang panimulang etikal na diskurso tungkol sa katarungan; (2) ang politikal na diskurso tungkol sa katarungan sa lipunan; at (3) ang panghuling etikal, sikolohikal, politikal at metapisikal na diskurso. Isa-isahin natin sa pagsuri ang tatlong malawak na diskusyong ito.

Panimulang Etikal na Diskurso Tungkol sa Katarungan

Ang panimulang etikal na diskurso tungkol sa katarungan ay maaari nating bigyan ng biswal na representasyon gamit ang ganitong diyagram:

Hugis 4: Ang Timeline ng Piksyunal na Pahanon ng Ang Republika at ng Buhay nina Sokrates at Platon

8 TOMO XXIV BLG. 1MALAY

Nag-umpisa ang diyalogo sa tanong ni Sokrates kung ano ang ibig sabihin ng “katarungan” (may bilang na 1 sa hugis 5; Platon, 331c). Ang mayamang negosyanteng si Cephalus ang unang sumagot sa kanya sa pamamagitan ng paglahad ng ideya na ang “katarungan” ay pagiging tapat at pagbibigay sa iba ng nararapat sa kanila (may bilang na 2 sa hugis 5; Platon, 331c). Ang anak at tagapagmana ni Cephalus, na si Polemarchus, ang nagbigay ng pangalawang sagot na ang “katarungan” ay ang pagbibigay ng kabutihan sa mga kaibigan at kasamaan sa mga kalaban (may bilang na 3 sa hugis 5; Platon, 332d). Para sa Sopistang si Thrasymachus ng Chalcedon, ang “katarungan” ay nakabatay sa kung ano ang idinidikta ng mga makapangyarihang tao sa lipunan (may bilang na 4 sa hugis 5; Platon, 338c).

Isa-isang pinasinungalingan ni Sokrates ang kanilang mga depinisyon (may bilang na 5 sa hugis 5). Sinabi niya kay Cephalus na hindi sa lahat ng pagkakataon ay makatarungan ang pagbibigay sa iba ng nararapat sa kanila. Halimbawa, kapag ang isang tao ay may hiniram na patalim mula sa kaniyang kaibigan na sa kasalukuyan ay

wala sa sarili at gustong magpakamatay, hindi makatarungang ibalik ng humiram ang sandata sa oras na iyon (Platon, 331c). Sinabi niya kay Polemarchus na problematiko ang pagiging mabuti sa kaibigan at masama sa kalaban. Ito ay dahil sa totoong buhay hindi natin matitiyak kung sino ang mga tunay nating kaibigan at mga kalaban at hindi rin tamang isipin na ang isang taong makatarungan ay gumagawa ng kasamaan sa ibang tao (Platon, 335d). Sinabi naman ni Sokrates kay Thrasymachus na problematiko rin ang depinisyon ng katurungan na nakabatay sa kung ano ang idinidikta ng mga makapangyarihan. Ito ay dahil ang mga batas na ginawa ng kahit pinakamasamang tirano ay maaari pa ring suriin bilang makatarungan o hindi.

Tinapos ni Platon ang unang aklat ng diyalogo sa pamamagitan ng isang teleolohikal na pahayag ni Sokrates na mas mabuti pa rin ang katarungan kaysa kawalan nito (may bilang na 6 sa hugis 5), dahil kapag ang isang lipunan ay binubuo ng mga taong hindi makatarungan, tiyak na mawawalan ang mga ito ng tiwala sa isa’t isa na magdudulot naman ng pagkawatak-watak ng kanilang lipunan (Platon, 351b).

(1) Ano ang Katurangan?

(5) Pagpasinungaling ni Sokrates

(6) Telelohikal na Saysay ng Katarungan

(7) Tanong ni Glaucon kung Teleolohikal o Ontolohikal ang

Saysay ng Katarungan

(2) Sagot ni Cephalus

(3) Sagot ni Polemarchus

(4) Sagot ni Thrasymachus

Hugis 5: Ang Panimulang Etikal na Diskurso ng Ang Republika

9ANG KALLIPOLIS AT ANG ATING KASALUKUYANG LIPUNAN F.P.A. DEMETERIO III

Sa Ikalawang aklat ng diyalogo, tinanong ni Glaucon, isa sa mga kapatid ni Platon, si Sokrates kung teleolohikal lamang ba ang saysay ng katarungan, o may taglay din ba itong ontolohikal na saysay (may bilang na 7 sa hugis 5; Platon, 357b-358a). Ang ibig niyang sabihin ng “teleolohikal na saysay” ay ang kabutihan ng katarungan dahil sa mabuting epekto nito sa lipunan, habang ang ibig naman sabihin ng “ontolohikal na saysay” ay ang kabutihan ng katarungan batay sa sariling nitong kabutihan (good in itself). Sumagot si Sokrates na mabuti ang katarungan sa parehong teleolohikal at ontolohikal na usapan. Subalit tumanggi siyang magbigay ng paliwanag kung bakit nasabi niya ito, at sa halip nagsabi na maiintindihan lamang

nila ang kaniyang punto kapag naintindihan na nila ang ibig sabihin ng “katarungan.”

Politikal na Diskurso Tungkol sa Katarungan sa Lipunan

Nagmungkahi si Sokrates na bago nila saliksikin ang kahulugan ng “katurangan” sa buhay ng tao, mas makatutulong na saliksikin muna nila ang mas lantaran at mas madaling pag-aralan na katarungan sa lipunan (may bilang na 8 sa hugis 6; Platon, 369a). Sa puntong ito pumasok ang usapan sa ikalawang malawak na diskusyon ng diyalogong Ang Republika, ang politikal na diskurso tungkol sa katarungan sa lipunan, na maaari nating bigyan ng biswal na representasyon gamit ang kasunod na diyagram:

(1) Ano ang Katurangan?

(5) Pagpasinungaling ni Sokrates

(6) Telelohikal na Saysay ng Katarungan

(7) Tanong ni Glaucon kung Teleolohikal o Ontolohikal ang

Saysay ng Katarungan

(2) Sagot ni Cephalus

(3) Sagot ni Polemarchus

(4) Sagot ni Thrasymachus

(8) Ang Katarungan sa Lipunan

(9) Ang Istraktura ng Makatarungang Lipunan

(10) Edukasyon at Pamumuhay ng mga Haring Pilosopo at Tagapagbantay

Hugis 6: Ang Politikal na Diskurso ng Ang Republika

10 TOMO XXIV BLG. 1MALAY

Dahil sina Sokrates, Glaucon at Adeimantus ay wala namang makitang lubusang makatarungang lipunan, nagpasya silang lumikha na lamang sa kanilang mga isipan ng isang mabuti at makatarungang lipunan, na pinangalanan nilang “Kallipolis” (καλλιπολις, o “magandang lunsod”). Ayon kay Sokrates, ang Kallipolis ay may tatlong mahalagang sektor: 1) ang mga manggagawa; 2) ang mga tagapagbantay; at 3) ang mga haring pilosopo (may bilang na 9 sa hugis 6; tingnan sa Platon, 369c-417b). Ang sektor ng mga manggagawa ay sumasaklaw pati sa mga magsasaka, komersiyante at iba pang tagapagbigay ng serbisyo at tungkulin nito na maitatag at mapanatili ang materyal na kaginhawaan sa loob ng Kallipolis. Ang sektor ng mga tagapagbantay ay ang hukbong sandatahan na magbibigay sa Kallipolis ng kakayahang sumakop ng ibang teritoryo at pumigil sa anumang estadong lunsod na lumusob sa kaniyang lipunan. Ang sektor naman ng mga haring pilosopo ay binubuo ng mga taong magpapatakbo sa Kallipolis bilang mga pinuno.

Para kay Sokrates ang isang makatarungang lipunan ay ang lipunan kung saan ang mga manggagawa, mga tagapagbantay at mga haring pilosopo ay nakatuon sa kani-kanilang mga tungkulin at hindi nakikialam sa tungkulin ng iba (Platon, 433a-433b). Ibig niyang sabihin, kapag ang lahat ng tao sa loob ng isang lipunan ay gumaganap sa kani-kanilang mga papel, hindi lamang maging masagana ang lipunang ito, ito rin ay magiging makatarungan.

Para maiwasan ang korapsyon, iminungkahi ni Sokrates ang isang parsiyal na komunismo, kung saan ang maaaring humawak ng pera at kayamanan ay ang sektor lamang ng mga manggagawa (may bilang 10 sa hugis 6), dahil ang mga sektor ng mga tagapagbantay at mga haring pilosopo ay pagsasama-samahin sa isang tirahan kung saan sasagutin ng kaban ng bayan ang lahat ng kanilang pangangailangan (Platon, 416e-417b). Dahil ang mga taong may direktang

kontrol sa kaban ng bayan ay pinagbabawalang humawak ng pera at kayamanan, matitiyak ng lahat na ang buwis mula sa sektor ng mga manggagawa ay mapupunta sa mga proyekto, serbisyo at iba pang gastusin ng Kallipolis. Para naman maiwasan ang nepotismo, iminungkahi ni Sokrates na burahin na ang institusyon ng pamilya sa mga sektor ng mga tagapagbantay at mga haring pilosopo at ang mga anak nila ay palalakihin bilang mga anak ng Kallipolis (may bilang na 10 sa hugis 6; Platon, 451c-471c).

Para matitiyak na ang mga tagapagbantay at mga haring pilosopo ng Kallipolis ay may taglay na kaalaman at dedikasyon sa kani-kanilang tungkulin, itinatag ni Sokrates ang isang pampubliko at sistematikong edukasyon (may bilang na 10 sa hugis 6). Una, para sa lahat ito nang sa gayon ay malalaman ng mga haring pilosopo kung sino sa mga bata, babae man o lalaki, ang may kakayahang maging kasapi sa sektor ng mga manggagawa, tagapagbantay, o pinuno (Platon 414c-415c). Pangalawa, kapag malinaw na kung sino sa mga bata ang naaangkop sa sektor ng mga manggagawa, ihihiwalay na sila at bibigyan na lamang ng aktwal na pagsasanay bilang mga baguhan ng iba’t ibang propesyong sakop ng sektor na ito. Pangatlo, ang mga batang natitira, lalaki man o babae, ay bibigyan ng edukasyon at pagsasanay para maging mga tagapagbantay ng Kallipolis (Platon 376e-414b). Pang-apat, ang mga pinakamahusay sa mga batang ito, lalaki man o babae, ay bibigyan ng mas mahaba pang edukasyon, pagsasanay at praktikum para maging mga ganap na haring pilosopo (Platon 412b-414b & 535a-537b).

Dahil nabigyan na niya ng depinisyon ang katarungan sa loob ng lipunan, bilang pagtuon ng mga mamamayan sa kani-kanilang tungkulin at pag-iwas sa pakikialam sa tungkulin ng iba, nagdesisyon si Sokrates na handa na niyang saliksikin kung ano ang ibig sabihin ng katarungan sa mas makitid na konteksto ng buhay ng tao (Platon 434d-435a).

11ANG KALLIPOLIS AT ANG ATING KASALUKUYANG LIPUNAN F.P.A. DEMETERIO III

Panghuling Etikal, Sikolohikal, Politikal at Metapisikal na Diskurso

Sa puntong ito pumasok ang usapan sa ikatlong malawak na diskusyon ng diyalogong Ang Republika, ang panghuling etikal, sikolohikal,

politikal at metapisikal na diskurso, na maaari nating bigyan ng biswal na representasyon gamit ang kasunod na diyagram (may bilang na 11 sa hugis 7):

(1) Ano ang Katurangan?

(5) Pagpasinungaling ni Sokrates

(6) Telelohikal na Saysay ng Katarungan

(7) Tanong ni Glaucon kung Teleolohikal o Ontolohikal ang

Saysay ng Katarungan

(2) Sagot ni Cephalus

(3) Sagot ni Polemarchus

(4) Sagot ni Thrasymachus

(8) Ang Katarungan sa Lipunan

(9) Ang Istraktura ng Makatarungang Lipunan

(10) Edukasyon at Pamumuhay ng mga Haring Pilosopo at Tagapagbantay

(11) Ang Katarungan sa Buhay ng Tao

(13) Ang Ontolohikal na Saysay ng Katarungan

(12) Mga Hindi Makatarungang Lipunan: Timokrasya, Oligarkiya, Demokrasya, at Tiraniya

Hugis 7: Ang Panghuling Etikal, Sikolohikal, Politikal at Metapisikal na Diskurso ng Ang Republika

Nag-umpisa si Sokrates sa retorikal na estratehiya ng makrokosmo/mikrokosmo kung saan niya inihayag na ang tao ay kahalintulad sa isang lipunang pinaliit habang ang lipunan ay kahalintulad sa isang taong pinalaki. Kaya kung ang katarungang politikal ay nakabatay sa harmoniya sa loob ng lipunan, hindi rin nalalayo rito ang kahulugan ng katarungan sa buhay ng tao.

Sa puntong ito ipinasok ni Sokrates ang doktrina ng pinagtatlong kaluluwa, kung saan ang kaluluwa ng tao ay dinalumat bilang isang puwersa na binubuo ng tatlong bahagi na may kani-kanilang pakay sa buhay: 1) ang appetitive(επιθυμητικον),2) ang spirited (θυμοειδες), at 3) ang rasyonal(λογιστικον) namgaparte (Platon435c-441c).Ang appetitive na bahagi ng kaluluwa ang siyang dahilan kung bakit gusto ng tao ang pagkain,

12 TOMO XXIV BLG. 1MALAY

inumin, pakikipagtalik at iba pang mga kasiyahan na mabibili ng pera; ang spirited na bahagi ang siyang dahilan kung bakit gusto naman ng tao ang karangalan at tagumpay; habang ang rasyonal na bahagi ang siyang nagtutulak sa tao na alamin at unawain ang katotohanan at kabutihan.

Ang taong may dominanteng appetitive na kaluluwa ay nakatuon sa paghahanap ng kasiyahan mula pagkain, inumin, pagtatalik at iba pang aliw na mabibili ng pera. Para maging maginhawa ang materyal na aspekto ng Kallipolis, malalakas dapat ang appetitive na kaluluwa ng kaniyang mga manggagawa (Platon 441a). Ang taong may dominanteng spirited na kaluluwa ay nakatuon sa pakikipagtagisan ng galing, husay, at talino para makamtan ang karangalan at tagumpay. Para maging ligtas ang Kallipolis sa internal at eksternal na kaguluhan, malalakas dapat ang spirited na kaluluwa ng kaniyang mga tagapagbantay (Platon 441a). Ang taong may dominanteng rasyonal na kaluluwa ay nakatuon sa pagsaliksik at pag-unawa kung ano ang katotohanan at kabutihan para sa kaniya at sa kaniyang lipunan. Para maging matiwasay ang pagpapatakbo ng Kallipolis, malalakas dapat ang rasyonal na kaluluwa ng kaniyang mga haring pilosopo (Platon 441a).

Kung ang katarungang politikal ay tungkol sa harmoniya sa pagitan ng sektor ng manggagawa, tagapagbantay, at haring pilosopo, ang katarungan sa buhay ng tao ay tungkol sa harmoniya sa pagitan ng appetitive, spirited, at rasyonal na bahagi ng kaniyang kaluluwa (Platon 434d-435a). Ibig sabihin, ang makatarungang tao ay ang taong may balanseng appetitive, spirited, at rasyonal na kaluluwa, at ito ang ibig sabihin ni Sokrates sa salitang “katarungan.”

Kahit nasagot na sa puntong ito ang pambungad na katanungan ng diyalogo na kung “ano ang ibig sabihin sa katarungan,” hindi pa nagtatapos dito ang usapan dahil nakabinbin pa ang isang tanong ni Glaucon kung bakit nasabi ni Sokrates na ang katarungan ay parehong mabuti sa teleolohikal at ontolohikal na perspektibo.

Gamit ang modelo ng Kallipolis at ng tripartite na kaluluwa, sinuri ni Sokrates ang mga istruktura

ng hindi makatarungang lipunan (may bilang na 12 sa hugis 7). Nag-umpisa siya sa aristokrasya/monarkiya ng Kallipolis, kung saan dominante ang rasyonal na kaluluwa ng mga haring pilosopo, bilang pinakamakatarungang lipunan. Ang ibig sabihin ng “aristokrasya,” batay sa mga Griyegong ugat nito na αριστος, o “kahusayan,” at κρατος, o “kapangyarihan,” ay ang pamumuno ng mga pinakamahusay na tao sa lipunan. “Aristokrasya” ang tawag sa kaayusan kapag maraming haring pilosopo ang namumuno, at “monarkiya” naman kapag nag-iisa lamang ang namumunong haring pilosopo, batay sa mga Griyegong ugat nito na μονος,o“isa,”atαρχων,o“pinuno.”

Ang unang hindi makatarungang modelo ng lipunan ay ang timokrasya o ang pamumuno ng mga taong hangad ang karangalan at tagumpay, o mga taong dominante ang spirited na kaluluwa, batay sa mga Griyegong ugat nito na θυμος, o “spirited na kaluluwa,” at κρατος. o “kapangyarihan.” Para kay Platon, hindi makatarungan ang lipunang ito dahil walang kasiguraduhan ang mga mamamayan dito kung may tunay na kaalaman ang kanilang mga timokratikong pinuno at nanganganib sila na baka mapahamak lamang sa labis na pakikipagtagisan ng lakas ng kanilang mga pinuno laban sa ibang lipunan (Platon 550b).

Ang pangalawang hindi makatarungang lipunan ay ang oligarkiya, mula sa mga Griyegong ugat na ολιγος,o“iilan,”atαρχων,o“pinuno,”naibigsabihin ay ang pamumuno ng iilang mayayamang tao, o mga taong dominante ang necessary na appetitive na kaluluwa. Ang necessary appetite ay nakatuon sa mga pangunahing pangangailangan para mabubuhay ang isang tao, habang ang unnecessary appetite ay nakatuon sa ibang kasiyahan na hindi naman ganoon kahalaga. Ang ibig sabihin ni Platon dito ay ang mga oligarko ay mga taong disiplinado, dahil kapag tinutugunan nila ang lahat ng kanilang appetite hindi sila makakaipon ng kayamanan at mawawalan sila ng pagkakataong mapabilang sa pangkat ng mayayamang pinuno. Hindi makatarungan ang oligarkiya dahil kumikiling ito pabor sa mga mayaman at nagpapabaya sa kapakanan ng mga manggagawa at mahihirap (Platon 554a). Kung

13ANG KALLIPOLIS AT ANG ATING KASALUKUYANG LIPUNAN F.P.A. DEMETERIO III

hindi makatarungan ang timokrasya, mas lalong hindi makatarungan ang oligarkiya.

Ang pangatlong hindi makatarungang lipunan ay ang demokrasya, mula sa Griyegong mga ugat na δήμος, o “mga tao,” at at κρατος, o “kapangyarihan,” na ibig sabihin ay ang pamumuno ng masa, o mga taong dominante ang unnecessary appetitive na kaluluwa. Hindi katulad sa mga oligarko na necessary appetite lamang ang tinutugunan, lahat ng uri ng appetite ay tinutugunan ng walang disiplinang masa, at ito ang dahilan kung bakit sa pananaw ni Platon ay magulo at hindi makatarungan ang demokratikong lipunan (Platon 561a-b).

Ang ikaapat na hindi makatarungang lipunan ay ang tiraniya, mula sa Griyegong ugat na τυραννος, o “tirano,” na ibig sabihin ay ang pamumuno ng isang tirano na walang sinusunod na batas kung hindi ang personal niyang mga kagustuhan (Platon 571a). Malinaw ang pagiging hindi makataranguan ng lipunang ito at hindi na natin kailangang ipaliwanag pa.

Matapos niyang masuri kung ano ang ibig sabihin ng katarungan sa konteksto ng lipunan at sa konteksto ng buhay ng tao, binalikan ni Sokrates ang nabinbin na tanong ni Glaucon kung bakit niya nasabi na ang katarungan ay parehong mabuti sa teleolohikal at ontolohikal na perspektibo (may bilang 13 sa hugis 7). Sa katotohanan, nasagot na ni Soktrates ang teleolohikal na kahulugan ng katarungan doon sa una pa lamang na aklat ng diyalogo nang sinabi niyang kapag walang katarungan ay hindi mananatiling buo ang isang lipunan, dahil tiyak na mawawalan ng tiwala ang mga mamamayan sa isa’t isa (may bilang na 6 sa hugis 5) kaya ang kanyang natitirang gawain para kay Glaucon ay ang pagpapaliwanag na lamang tungkol sa ontolohikal na saysay ng katarungan. Maraming argumentong inilatag si Platon kung bakit sinabi ni Sokrates na ang katarungan ay mabuti sa kaniyang sarili (good in itself), ngunit sa buod na ito, babanggitin lamang natin ang dalawang pangunahing argumento: 1) ang sikolohikal, at 2) ang epistemolohikal na paliwanag.

Ang sikolohikal na paliwanag ay nakabatay sa pagkakahalintulad ng katarungan, bilang pagkakaroon ng balanse at harmoniya sa kaluluwa, at kalusugan ng katawan (Platon 580d-583b). Kapag tatanggapin natin na ang kalusugan ay isang ontolohikal na kabutihan, dapat din nating tanggapin na ang katarungan ay isang ontolohikal na kabutihan. Makikita natin nang mas malinaw ang paliwanag na ito kapag ihahambing natin kung sino ang mas masayang tao: ang makatarungang haring pilosopo ba o ang hindi makatarungang tirano? Dahil taglay ng haring pilosopo ang balanse at harmoniya sa kaniyang kaluluwa, mapayapa siya at masaya siya sa kaniyang sarili; samantalang ang tirano, kahit man makukuha pa niya ang alinmang bagay na gustuhin niya, ay sinusundan palagi ng takot at panganib. Dahil siya at ang kaniyang lipunan ay walang taglay na balanse at harmoniya, hindi siya maaaring maging mapayapa at masaya sa kaniyang sarili (Platon 580a-c). Kaya ang katarungan ay may sariling naidudulot na kasiyahan sa sinumang taong makatarungan, at dahil dito, may malakas na punto si Sokrates kung bakit nasabi niya na ang katarungan ay mabuti sa perspektiba ng ontolohiya nito.

Ang epistemolohikal na paliwanag ni Platon ay nakabatay sa kaniyang teorya na bukod sa mga materyal na bagay na nakikita at nadadama, may mga metapisikal na bagay na higit pang mahalaga, katulad ng kabutihan at katotohanan. Sa kanyang pilosopiya, ang makatarungang tao lamang ang may pagkakataong makaintindi sa mga bagay na ito na magbibigay sa kanila ng labis na kasiyahan (Platon 583b-588a). Kaya napatunayan uli ni Platon na ang katarungan ay may sariling naidudulot na kasiyahan sa sinumang taong makatarungan at dahil dito muling may malakas na punto si Sokrates kung bakit nasabi niya na ang katarungan ay mabuti sa perspektiba ng ontolohiya nito.

Ang kasunod na diyagram ay biswal na naglalatag sa iba’t ibang diskursong bumubuo sa diyalogong Ang Republika.

14 TOMO XXIV BLG. 1MALAY

Ang b inaba lak ng pape l na i to na pakikipagdiyalogo ng kritikal na Pilosopiyang Filipino sa tekstong ito ni Platon ay sasaklaw lamang sa politikal na diskurso nito (may mga bilang na 8, 9, 10, at 12 sa hugis 8).

Mga Makabuluhang Tema mula sa “Ang Republika” sa Perspektiba ng Kritikal na Pilosopiyang Filipino

Kahit naiiba ang istraktura ng Kallipolis sa ating kasalukuyang lipunan, mayroon tayong mahahangong hindi bababa sa anim na mga tema mula sa politikal na diskurso ng diyalogo ni Platon na makabuluhan at napapanahon kapag susuriin pa nang mas malaliman sa kontexto ng kritikal na pilosopiyang Filipino at gagamitin bilang lente

sa pagsusuri naman sa ating sariling lipunan. Ang mga temang ito ay: (1) ang pagpapahalaga ni Platon sa aristokrasya/monarkiya at ang kaniyang pagbatikos sa demokrasya; (2) ang kanyang pagdalumat sa katarungang politikal bilang pagtuon sa sariling tungkulin at pag-iwas sa anumang pakikialam sa tungkulin ng iba; (3) ang kanyang konsepto ng pampublikong edukasyon bilang reaksiyon sa Sopistang sistema ng edukasyon; (4) ang kaniyang parsiyal na komunismo bilang tugon sa banta ng korapsiyon at nepotismo; (5) ang diyalektika ng gahum sa pagitan ng indibidwal, pamilya at lipunan; at (6) ang pangkasariang politika kaugnay sa pagkababae at pagkahomosekswal. Titingnan natin ang bawat isa sa mga temang ito sa kasunod na mga subseksiyon ng papel na ito.

(1) Ano ang Katurangan?

(2) Sagot ni Cephalus

(3) Sagot ni Polemarchus

(4) Sagot ni Thrasymachus

(5) Pagpasinungaling ni Sokrates

(6) Teleolohikal na Saysay ng Katarungan

(7) Tanong ni Glaucon kung Teleolohikal o Ontolohikal ang Saysay ng Katarungan

(8) Ang Katarungan sa Lipunan

(9) Ang Istraktura ng Makatarungang Lipunan

(11) Ang Katarungan sa Buhay ng Tao

(10) Edukasyon at Pamumuhay ng mga Haring Pilosopo at

Tagapagbantay

(12) Mga Hindi Makatarungang

Lipunan: Timokrasya, Oligarkiya, Demokrasya,

at Tiraniya

(13) Ang Ontolohikal

na Saysay ng Katarungan

Diskursong Etikal

Diskursong Politikal

Diskursong Edukasyunal, Epistemolohikal at Astetikal

Diskursong Metapisikal

Diskursong Sikolohikal

Hugis 8: Ang Etikal, Politikal, Sikolohikal, Ontolihikal, Edukasyunal, Epistemolohikal at Astetikal na mga Diskurso ng Ang Republika

15ANG KALLIPOLIS AT ANG ATING KASALUKUYANG LIPUNAN F.P.A. DEMETERIO III

Ang Platonikong Pagpapahalaga sa Aristokrasya/ Monarkiya at Pagbatikos sa Demokrasya

Nabanggit natin na ang “aristokrasya” at “monarkiya” na pinapaboran ni Platon ay tumutukoy sa pamumuno ng mga pinakamahusay at pinakamagaling na tao sa lipunan; “aristokrasya” ang tawag kapag marami ang namumuno at “monarkiya” naman kapag iisa lamang. Dapat malinaw sa ating isipan na ang “aristokrasya” at “monarkiya” ni Platon ay naiiba sa ating pangkaraniwang pagpapakahulugan sa mga salitang ito na nakabatay sa mga Europyanong konsepto ng “realeza” (royalty) at “nobleza” (nobility). Ang kadalasang tinutukoy natin sa mga salitang “aristokrato” at “monarko” ay ang mga oligarko sa terminolohiya ni Platon.

Ang demokrasya naman na binatikos ni Platon ay ang direktang demokrasya sa Athens, kung saan ang mga kwalipikadong mamamayang lalaki na nasa sapat na edad ay deretsahang nakikisangkot sa sistema ng pamumuno, paghuhusga at pagpapanday ng batas. Ibang-iba ang demokrasyang ito sa nakagisnan nating demokrasya, kung saan ang pamumuno, paghuhusga, at pagpapanday ng mga batas ay ipinaubaya na sa iilang mga piling pinuno. Kaya kung “direktang demokrasya” ang tawag sa uri ng demokrasya sa Athens, “pinunong-demokrasya” (leader-democracy, o fuhrer-demokratie sa wikang Aleman) naman ang tawag sa nakagisnan nating demokrasya.

May likas na kahinaan ang direktang demokrasya, sa puntong ang mga mamamayang walang sapat na kahandaan at kaalaman sa sining ng pamumuno ay may taglay na kapangyarihang mamuno na kasinglawak sa mga mamamayang pinakahanda at pinakamay-alam sa parehong sining. Masaklap na naranasan ni Platon ang kahinaang ito, nang pinatawan ng parusang kamatayan ang kanyang gurong si Sokrates ng daan-daang mga hurado sa ilalim ng direktang demokrasyang naitatag matapos ang madugong pamumuno ng tatlumpung tirano. Para maiwasan ang pamumuno ng mga taong walang alam sa sining ng pamumuno, o ang paghusga ng mga

taong walang alam kung ano ang katarungan, o ang pagpanday ng batas ng mga taong walang alam kung ano ang tama at mali, isinantabi ni Platon ang tinurang uri ng demokrasya at umasa na lamang sa aristokrasya/monarkiya bilang pinakamabuting alternatibo para sa kaniyang Kallipolis.

Ngunit, kapag nagmumula na tayo sa isang pinunong-demokrasya, makabuluhan pa bang sundan natin ang pagtalikod ni Platon sa demokrasya at ang pagpapahalaga niya sa aristokrasya/monarkiya? Kapag titingnan natin nang masinsinan ang kaniyang kontexto at argumento, makikita nating may malakas na punto pa rin si Platon para sa ating mga modernong Filipino. Ito ay dahil maaari nating gamitin ang kaniyang diskusyon sa ating pananalamin kung ano nga ba ang tunay na istraktura ng pamumuno sa loob ng ating pinunong-demokrasya. Kung sa konteksto ni Platon ay magkakasalungat ang mga konsepto ng “aristokrasya/monarkiya” at “demokrasya,” at hindi maaaring magkakasabay ang mga ito na umiral sa loob ng estadong lunsod, sa ating kasalukuyang konteksto ay hindi sila magkakasalungat at maaari silang magkasabay sa pag-iral. Bunsod ito sa malaking pagkakaiba sa pagitan ng direktang demokrasya at ng pinunong-demokrasya.

Sa loob ng pinunong-demokrasya ang mga halal na pinuno ay maaaring manggagaling sa panig ng mga aristokrato, timokrato, oligarko, demokrato, at tirano. Sa loob ng modernong demokrasyang ito, ang mga aristokratikong pinuno ay ang mga politikong may kahandaan, may kaalaman at may tunay na malasakit sa bayan; ang mga timokratikong pinuno ay ang mga politikong hangad lamang na makakuha ng karangalan at tagumpay bilang mga pinuno; ang mga oligarkikong pinuno ay ang mga politikong pera at kayamanan lamang ang pakay sa kanilang buhay; ang mga demokratikong pinuno ay ang mga politikong sunud-sunuran lamang sa mga kapritso ng masa dahil sa kanilang kawalan ng alam sa sining ng pamumuno at ang mga tiranikong pinuno naman ay ang mga politikong may balak na isantabi ang mga batas ng lipunan

16 TOMO XXIV BLG. 1MALAY

at pamunuan ito batay sa kanilang mga personal na kagustuhan.

Sa kaniyang librong The Modern Principalia: the Historical Evolution of the Philippine Ruling Oligarchy, ipinakita ni Dante Simbulan kung paano napanatili ng iisang panlipunang uri ang kanilang pagiging dominante sa politika ng Filipinas (Simbulan). Kahit pa man nasa isang pinunong-demokrasya na tayo ay hindi natin maitatanggi na ang ating bansa sa katunayan ay kontrolado pa rin ng mga oligarkikong politiko sa katauhan ng mga piyudal at kapitalistang “trapo” na mas kilala sa kanilang kahusayan sa pagpapayaman sa sarili kaysa kahusayan sa pagpapatakbo ng lipunan. Ang Republika ni Platon ay nagsasabi sa atin na dapat tayong kumilos para wakasan na ang paghari-harian ng mga oligarko sa loob ng ating pinunong-demokrasya at umpisahan na ang pagtatatag sa pamumuno ng mga Filipinong aristokrato, o mga mamamayang pinakamahusay, pinakahanda sa paglilingkod at lubusang may malasakit sa bayan.

Tiyak na maraming Filipino sa kasalukuyang panahon ang makukuntento at matutuwa kapag may mga timokratikong politiko ang umusbong, mangako sa atin ng dangal at tagumpay at handang lumaban sa mga dominanteng oligarkong politiko. Sino ba namang Filipino ang hindi sasaya sa mga pagbabagong maaasahan natin sa panahong tuluyan na nating mabaklas ang napakatanda nang gahum ng mga oligarko? Ngunit ang Ang Republika ni Platon ay nagpapaalala sa atin na hindi sapat ang timokratikong alternatibo dahil wala pa ring hihigit pa sa pamumuno ng mga aristokrato kahit pa man sa loob ng isang modernong pinunong-demokrasya.

Ang Platonikong Pagdalumat sa Katarungang Politikal bilang Pagtuon sa Sariling Tungkulin at Pag-iwas sa anumang Pakikialam sa Tungkulin ng Iba

Sa loob ng Kallipolis, kung saan ang kapakanan ng lipunan at ng bawat mamamayan ay nasa pangangalaga na ng mga haring pilosopo at mga tagapagbantay, at kung saan ang mga manggagawa

ay may sapat na pribadong yaman at awtonomiya sa produksiyon, talagang maaari nang sabihin na tumutok na lamang ang bawat mamamayan sa kani-kanilang kabuhayan. Ang ideyal na sitwasyon ng Kallipolis ang nagsilbing konteksto sa depinisyon ni Platon sa “katarungang politikal” bilang pagtuon sa sariling tungkulin at pag-iwas sa anumang pakikialam sa tungkulin ng iba. Sa kontekstong ito ay hindi mahirap itangging may saysay nga ang depinisyong ibinigay. Para sa mga taong hindi sasang-ayon at magtatanong kung ano ang mangyayari sa mga mamamayan kapag bigla na lamang silang apihin ng mga haring pilosopo o ng mga tagapagbantay, sasagutin sila ni Platon na hinding-hindi mangyayari ang eksenang ito dahil sa ang sistematikong edukasyon na dinaanan ng mga pinunong ito ay lubusan nang humubog sa kanilang kaalaman at kamalayan at pipigil sa kanila sa paggawa ng anumang katiwalian.

Ngunit kapag lalabas na tayo sa ideyal na sitwasyon ng Kallipolis at pupunta na sa imperpektong kondisyon ng ating pinunong-demokrasya, magiging problematiko ang Platonikong konsepto ng katarungang politikal. Ang unang bahagi ng depinisyon, ang pagtuon sa sariling tungkulin ay maaaring lubusan na nating tanggapin dahil angkop na angkop ito sa ating modernong kontexto. Sa katunayan ay nagmimistula pa nga itong isang prisipyong nagpapalaganap ng modernong rasyonalidad sa puntong tiyak na magpapatibay ito sa ekonomikal at organisasyunal na katatagan ng lipunan. Subalit ang ikalawang bahagi ng depinisyon, ang pag-iwas sa anumang pakikialam sa tungkulin ng iba ay hindi katanggap-tanggap kapag ang ibang tungkulin na tinutukoy natin ay ang tungkulin ng mga pinuno. Sa isang pinunong-demokrasya, o sa anumang uri ng demokrasya, kailangan ang edukadong pakikisangkot ng mga mamamayan.

Nabanggit na natin ang kawalan ng tiwala ni Platon sa nakararaming mamamayan na wala naman talagang kahandaan at kaalaman sa politika, at nabanggit na rin natin na isa ito sa mga dahilan kung bakit inisip niyang mas mabuti pang lubusang hindi na lamang makialam ang mga mamamayan sa usaping politikal at hayaan na

17ANG KALLIPOLIS AT ANG ATING KASALUKUYANG LIPUNAN F.P.A. DEMETERIO III

lamang ang mga haring pilosopo at tagapagbantay na asikasuhin ito. Subalit, sa kontexto ng pinunong-demokrasya, mahalaga ang pakikialam at patuloy na pakikialam ng mga mamamayan sa pagpili ng mga mapagkatiwalaang aristokrato at sa pagbabantay na hindi magkakamali at magnanakaw ang mga ito. Kaya sa halip na patahimikin ang mga mamamayan sa pamamagitan ng pagbabawal sa kanila na makialam sa pang-araw-araw na pagpapatakbo ng lipunan, mas mabuti para sa isang pinunong-demokrasya, o ng anumang uri ng demokrasya, na bigyan sila ng sapat na politikal na karunungan at himuking makialam palagi sa mga usaping may kinalaman ang lipunan.

Kung susuriin natin nang mas masinsinan ang diyalogong Ang Republika, makikita natin na kahit pa man ideyal ang sitwasyon ng Kallipolis, nangangamba pa rin si Platon na hindi mananatili habang panahon ang ekonomikal at politikal na kaginhawaan ng estadong lunsod na ito. Ito ay dahil may suspetsa siya na sa kalaunan ay magkakamali at magkakamali ang mga haring pilosopo sa pag-uuri-uri sa mga kabataan ayon sa kanilang kakayahan at ito ay magbibigay-daan sa pag-usbong ng mga susunod na pinuno na hindi naman tunay na mga haring pilosopo at tagapagbantay (Platon 546b-c). Kapag pinamumunuan na ang Kallipolis ng mga depektibong pinunong ito, hindi na nalalayo ang kanyang pagbagsak. Ibig sabihin, ang pinakabanta sa pananatili ng Kallipolis ay ang pagkakamali sa pagpili ng mga susunod na pinuno. Napakahalaga ang aral na makukuha natin sa puntong ito dahil parang sinasabihan na rin tayo ni Platon dito kung gaano kahigpit ang pagpili ng susunod na mga pinuno kahit pa man naiiba ang ating sistema ng pinunong-demokrasya sa kaniyang sistema ng aristokrasya/monarkiya.

Ang ugat sa problema ni Platon ay ang kaniyang disenyo na tanging ang mga haring pilosopo lamang ang may karapatang sumuri sa mga bata at pumili sa mga susunod na pinuno. Isinisisi niya ang posibleng pagkakamaling magagawa ng mga haring pilosopo sa imperpeksiyon ng paningin, pandama at pagpasya ng mga haring pilosopo. Dito natin makikita ang bentahe ng disenyo ng

pinunong-demokrasya dahil ang tungkulin sa pagpili ng mga susunod na pinuno ay nakasalalay sa lahat ng mamamayan. Kapag may sapat na politikal na edukasyon at karunungan ang mga mamamayang ito, magiging mas matalas ang kanilang pagpapasya kaysa iilang haring pilosopo lamang.

Ang mahalagang prinsipyo ng demokrasya na dapat pinakikialaman ng mga mamamayan sa usaping politikal, kahit pa man hayagang kinontra ito ni Platon sa teksto ng Ang Republika, ay maaari pa ring bigyan ng matatag na pilosopikal na batayan mula sa porma (form) at diwa ng parehong diyalogo. Kung sina Sokrates at Platon ay kumbinsido na ang katotohanan at kaalaman tungkol sa kabutihan ay matatagpuan lamang hindi sa pamamagitan ng indibidwal na pagmuni-muni ng sinumang pilosopo, kung hindi sa pamamagitan ng diyalektikal na pakikipagtalastasan ng mga taong may sapat na kaalaman, maaari rin nating sabihin na ang politikal na pagpapasya ay mas magiging tama at matatag kapag binubuo ito sa pamamagitan ng diyalektikal na pakikisangkot ng mga edukado at mulat na mamamayan. Labag man sa nilalaman ng Ang Republika ang pakikialam ng mga mamamayan sa tungkulin ng mga pinuno, tiyak na naaayon ito sa porma at diwa ng nasabing diyalogo.

Ang Platonikong Modelo ng Pampublikong Edukasyon bilang Reaksiyon sa Sopistang Sistema ng Edukasyon

Ang edukasyong iminungkahi ni Platon para sa mga mamamayan ng Kallipolis ay maaari nating basahin bilang reaksiyon sa sistema ng edukasyon na umiiral sa mayayamang sektor ng lunsod ng Athens noon. Ito ay walang iba kung hindi ang edukasyon na ibinibigay ng mga Sopista. Kahit pa man hindi kasing sama ang tingin ni Platon sa mga Sopista kaysa tingin ng kaniyang mag-aaral na si Aristoteles, batid pa rin niya ang malaking problema ng sistema ng edukasyon na kanilang ipinapalaganap. Unang-una, bukas lamang ito sa mayayamang Griyego; pangalawa, hindi malinaw ang nilalaman ng programa nito at pangatlo, kumikiling ito sa ideya na handa nang sumabak sa

18 TOMO XXIV BLG. 1MALAY

politika ang mga mag-aaral kapag natuto na silang magsalita at makikipagtalastasan sa publiko. Alam ni Platon na karamihan sa mga pinuno ng Athens noon ay nanggaling sa edukasyonal na sistemang ito, kaya alam din niya na pasan ng estadong lunsod na ito ang masang walang alam sa politika at mga edukadong sektor na may kwestiyonableng kahandaan sa politika.

Kahit ibang-iba ang edukasyonal na sistema na iminumungkahi ni Platon para sa Kallipolis sa ating nakagisnan nang sistema, mayroon tayong mahahangong ilang mahalagang aral na magagamit natin sa ating pagsusuri sa ating sariling edukasyonal na sistema. Nangunguna rito ang mito tungkol sa tatlong metal na nagpapahayag na ang ating pagkatao ay nakabatay sa tatlong elementong nariyan sa ating kalooban: ginto, pilak at tanso (Platon 415a-c). Ang pangingibabaw sa alinman sa tatlong ito sa pagkatao ng mga taga-Kallipolis ang siyang nagdidikta kung anu-ano ang magiging tungkulin nila sa lipunan: pagiging haring pilosopo kapag ginto, tagapagbantay kapag pilak at manggagawa kapag tanso. Dahil taglay ng lahat ng tao ang tatlong metal na ito, hindi natin matitiyak kung anong metal ang mangingibabaw sa pagkatao ng mga bata, dahil posible na ang anak ng mga haring pilosopo ay isisilang na dominante ang pilak o tanso. Gayundin, posible na ang anak ng mga manggagawa ay isisilang na dominante ang ginto o pilak.

Dahil dito, ang unang-unang tungkulin ng edukasyon sa Kallipolis ay ang paghahanda sa mga kabataan para sa takdang panahon kung kailan sila pag-uuri-uriin ng mga haring pilosopo ayon sa kani-kanilang mga taglay na potensiyal at kahusayan. Bilang implikasyon sa tungkuling ito, dapat lamang na maging bukas ito para sa lahat ng kabataan, may iisang sistema sa pagtuturo at kurikulum at mayroong iisang sistema sa pagsusuri at pag-uuri-uri ang edukasyon na ito. Ito ay sa dahilang nakasalalay sa pag-uuri-uring ito hindi lamang ang kinabukasan ng mga kabataan kundi pati na ng buong Kallipolis. Ang punto ni Platon dito ay ang prinsipyo na sa isang makatarungang lipunan ang antas ng kabuhayan ng mga mamamayan ay dapat nakabatay sa isang

meritokrasya kung saan nangunguna sa pagsasala ang isang pampublikong edukasyon.

Kapag titingnan natin ang ating sariling edukasyunal na sistema, makikita natin kung gaano kalaki ang ating pagkukulang. Ito ay sa dahilang ang dambuhalang pagkakahati nito sa pagitan ng mga dekalidad na pribado at Katolikong paaralan sa isang banda, at ng mga kulang sa kalidad na pampublikong paaralan sa kabilang banda, ay hindi makatarungan hindi lamang para sa mahihirap na kabataan kundi pati na rin sa kinabukasan ng ating bayan. Hindi natin makukuha ang mga pinakamahusay na aristokrato kapag sa sektor ng mga mayayaman lamang tayo umasa matapos nating isara sa sektor ng mga mahihirap ang pagkakataong mahubog ang kanilang mga anak sa edukasyong kasinghusay sa pribado at Katolikong edukasyon. Paano tayo makaaasa na makamtan ang isang makatarungang lipunan, kapag sa umpisa pa lamang ay sinasala na natin ang ating kabataan sa isang hindi makatarungang sistema ng edukasyon?

Ang ikalawang mahalagang aral na mahahango natin mula sa edukasyonal na sistema ng Kallipolis ay ang mga magkakaugnay na prinsipyong pedagohikal na: (1) ang edukasyon ay isa sa mga pinakamahalagang institusyon ng lipunan dahil dito nakasalalay ang kaniyang kaunlaran at kinabusakan; (2) ang edukasyon ay pinaplano dapat sa kontexto ng mga mithiin ng lipunan; (3) ang edukasyon ay dapat nakadisenyo ayon sa kung ano ang mga katangiang dapat mahubog sa pagkatao ng mga mag-aaral; at (4) ang edukasyon ay hindi lamang tungkol sa kaalaman at kalusugan, kundi ito rin ay tungkol sa pagkakaroon ng mga bagong sistema ng pagpapahalaga at pananaw sa buhay, at karunungan kung paano makamtan ang katotohanan at kabutihan.

Hindi na kailangang isa-isang gamitin natin bilang lente ang mga prinsipyong ito para sa pagsusuri sa ating sariling edukasyonal na sistema. Sa halip, gamitin na lamang natin ang unang pedagohikal na prinsipyo at tanungin natin ang ating mga pinuno kung sila ba ay naniniwala na sa edukasyon nakasalalay ang

19ANG KALLIPOLIS AT ANG ATING KASALUKUYANG LIPUNAN F.P.A. DEMETERIO III

ating kaunlaran at kinabukasan. Kung naniniwala man sila, isusumbat natin kung bakit malinaw na pinapabayaan nila ang kalunus-lunos na kondisyon ng ating pampublikong edukasyon at hinayaan na lamang ang mga pribado at relihiyosong organisasyon na dumiskarte para makamtan ang antas ng kalidad na wala rin namang maipagmamalaki kapag susukating gamit ang internasyonal na mga batayan. Kapag kulang ang ating paniniwala sa halaga ng edukasyon, walang saysay na pag-usapan pa natin ang ikalawa, ikatlo at ikaapat na mga pedagohikal na prinsipyong nahango natin mula sa edukasyonal na sistema ng Kallipolis.

Ang pangatlong mahalagang aral na mahahango natin mula sa edukasyonal na sistema ng Kallipolis ay ang prinsipyo na ang edukasyon ay tungkol rin sa pagwasak ng mga luma at sa paglinang ng mga bagong mito. Para maging mas sistematiko ang paghuhubog ng mga bagong sistema ng pagpapahalaga at pananaw sa buhay, detalyado ang diskusyon ni Platon kung anong mga mito ang maaari at hindi maaaring mabasa at marinig ng mga mag-aaral (Platon 377e-410d).

Para sa ating mga Filipino, hindi na bago ang ganitong mungkahi matapos natin maranasan ang matinding censorship noong panahon ng diktadurya ni Ferdinand Marcos na sinabayan naman ng mas nakakubling pagpapalaganap ng mga mito na nagtataguyod sa kaniyang pansariling interes. Posibleng sumabog ang kaniyang edukasyonal na estratehiya dahil hindi ito nakabatay sa kabutihan ng bayan, hindi katulad sa estratehiya ng Platon na sa lahat ng pagkakataon ay nakatali sa kapakanan ng kabuuang lipunan. Tapos na ang diktadurya ni Marcos at alam na natin kung paano nabigo ang kaniyang pilosopiya ng edukasyon. Ngunit marami pa ring mga mito ang dapat nating wasakin at linangin alang-alang sa ating bayan at kinabukasan. Halimbawa, ang kolonyal na pananaw at anti-kolonyal na kamalayan; ang ating inferiority complex at dangal bilang mga Filipino; ang etnosentrismo at multikulturalismo; ang ating politikal na kamangmangan at politikal na kamulatan; ang ating kawalan ng pakialam sa

kalikasan at pangangalaga nito, at marami pang iba.

Ang pang-apat na mahalagang aral na mahahango natin mula sa edukasyonal na sistema ng Kallipolis ay ang prinsipyong ang pagpapatakbo ng lipunan ay dapat sistematikong pinaghahandaan sa paaralan at sa aktwal na konteksto sa pamamagitan ng pulidong programang praktikum. Kapag tutuusin, ang politikal na paghahanda ng ating mga pinuno ay hindi nalalayo sa problematikong edukasyonal na sistema ng mga Sopista dahil pareho lang naman tayong walang tunay na programang sinusunod maliban sa mga malalabong kasanayan. Kung si Platon ay nagsasabi na dapat mayroong sistematikong politikal na edukasyon ang mga haring pilosopo at mga tagapagbantay sa isang demokratikong konteksto, dapat ding may sistematikong politikal na edukasyon ang lahat ng mga mamamayan at mas matalas pang politikal na edukasyon at pagsasanay ang sinumang napipintong magiging mga pinuno.

Dito natin makikita ang ating pagkukulang, dahil ang mga nakararaming kapuwa nating Filipino ay walang kamuwang-muwang sa usaping politikal. Ito ay nangyayari habang ang mga umuusbong nating pinuno ay hinubog lamang sa pamamagitan ng aktwal na pagsabak sa politikang nadungisan na ng labis na pagkakamali at korapsyon. Sa ganitong sitwasyon hindi tayo nalalayo sa demokrasya ng mga walang kahandaan at kaalamang masa na kinamumuhian ni Platon.

Ang Platonikong Modelo ng Partial na Komunismo bilang Tugon sa Banta ng Korapsiyon at Nepotismo

Dahil sa loob ng Kallipolis ang kapangyarihan at kayamanan ng lipunan ay sentralisado sa kamay ng mga haring pilosopo at mga tagapagbantay, iniisip ni Platon na dapat mayroong mabisang mekanismo ang lipunang ito para malalayo ang kanyang mga pinuno sa tukso ng korapsiyon at nepotismo at ang iminungkahi niyang solusyon para rito ay ang kontrobersiyal na ideya na dapat ang mga sektor ng mga haring pilosopo

20 TOMO XXIV BLG. 1MALAY

at mga tagapagbantay ay isasailalim sa isang sistema ng komunismo, habang ang sektor ng mga manggagawa ay hayaang umangkin ng kayamanan sa pamamagitan ng kanilang galing at tiyaga. Ang hindi lubusang pagpapairal ng komunismo sa lahat ng sektor ng Kallipolis ay siyang dahilan kung bakit tinatawag natin na “parsiyal na komunismo” ang kanilang sistema.

Malinaw ang pagkakaiba ng komunismong ito sa mga uri ng komunismong umusbong sa lilim ng mga anino nina Karl Marx, Vladimir Lenin at Mao Tse Tung, kung saan ang produksiyon at pagmamay-ari ng kapital ay kontrolado lahat ng estado; dahil sa Kallipolis ang pagpapalago ng ekonomiya ay tungkulin ng makaperang uri ng mga manggagawa. Ang kalayaan, awtonomiya at ang matinding pagnanasa ng mga manggagawang kumita ng maraming pera ay ang mga pwersang magbibigay ng ekonomikal na kaginhawaan sa lipunang ito. Naiiba rin ang komunismo ng Kallipolis sa komunismo ng simbahang Katoliko na matatagpuan halimbawa sa isang midyebal na monasteryo o abasiya, kung saan ang mga pari at monghe ay wala naman talagang pakialam sa ekonomikal na kaginhawaan ng mga kasamang magsasaka dahil ang pangunahing pakay nila ay ang kaluwalhatian sa kabilang buhay. Sa Kallipolis, ang mga haring pilosopo at tagapagbantay ay may tunay na malasakit hindi lamang sa politikal kung hindi pati na sa ekonomikal na kaginhawaan ng buong lipunan. Pakay nilang maghari ang kasaganaan, kaligayahan at kapayapaan sa loob ng kanilang estadong lunsod.

Para hindi matutuksong magnakaw ang mga haring pilosopo at mga tagapagbantay mula sa buwis na galing naman sa sektor ng mga manggagawa, sasagutin ng kaban ng bayan ang lahat ng kanilang pangangailangan pati na ang edukasyon ng kanilang mga anak; at para lubusang mawala ang parehong tuksong ito, iminungkahi ni Platon na hindi maaaring humawak ng pera o anumang uri ng kayamanan ang mga pinunong ito (Platon 416a-417b). Kasama sa kanilang edukasyon ang paghuhubog ng panibagong pananaw sa buhay na may mga bagay pang mas higit ang halaga kaysa pera o anumang materyal

na kayamanan, katulad halimbawa sa kasiyahang dulot ng kagalingan at kahusayan sa pamumuno o kasiyahang dulot ng matagumpay na pag-uunawa sa katotohahan at kabutihan. Binalikan ni Platon ang kaniyang mito ng tatlong metal at sinasabihan niya ang mga haring pilosopo at mga tagapagbantay na hindi na sila dapat magnasa pa na angkinin ang makamundong ginto at pilak dahil ang kanilang pagkatao ay umaapaw na sa mas mataas na uri ng ginto at pilak (Platon 416e). Mahalaga ang estratehiyang ito ni Platon para sa ating mga Filipino, dahil sa puntong ito ay tinuturuan tayo na ang pagpuksa sa korapsiyon ay mag-uumpisa sa edukasyon ng mga mamamayan sa pamamagitan ng paghuhubog ng mga bagong sistema ng pagpapahalaga na hihigit sa karaniwang sistema ng pagpapahalaga na nakasentro sa pera at kayamanan.

Para hindi matutuksong iluklok ng mga haring pilosopo at mga tagapagbantay ang kanilang mga anak bilang mga susunod na pinuno ng Kallipolis, iminungkahi ni Platon na ang parsiyal na komunismo na sasaklaw sa sektor ng mga pinuno ay aabot sa punto na pati ang institusyon ng pamilya ay buburahin sa pamamagitan ng pagbabawal sa mga pinunong magkaroon ng kani-kanilang mga asawa at anak. Magtatalik pa rin ang mga lalaki at babaeng haring pilosopo at tagapagbantay; magbubuntis at manganganak pa rin ang mga babaeng haring pilosopo at tagapagbantay; at may mga kabataan pa rin ang kanilang sektor; ngunit hindi na iiral sa kanila ang sistema ng pag-aasawa. Ito ay sa dahilang ang panandaliang pagsasama ng mga lalaki at babaeng pinuno ay ipadadaan sa isang lottery; hindi rin malalaman ng mga lalaki kung sino ang kanilang anak dahil maaaring iba-iba ang panandaliang katalik ng mga babae at hindi rin malalaman ng mga babae kung sino ang kanilang anak dahil kukunin kaagad ng Kallipolis ang kanilang kasisilang pa lamang na sanggol para palakihin sa isang komon na pasilidad sa pangangalaga ng kababaihang sinuswelduhan ng kaban ng bayan. Sa ganitong paraan ay balak puksain ni Platon ang nepotismo na maaaring sisira sa Kallipolis.

21ANG KALLIPOLIS AT ANG ATING KASALUKUYANG LIPUNAN F.P.A. DEMETERIO III

Ang pinakamensahe na maaari nating hanguin mula sa dalawang kontrobersiyal na mungkahi ni Platon ay ang prinsipyo na ang problema na dulot ng korapsyon at nepotismo ay isang pundamental na problema sa lipunan na dapat tugunan ng pinakamabisang paraan. Mahirap sundin ang mga solusyong inilatag niya para sa ating modernong pinunong-demokrasya o para sa anumang uri ng modernong lipunan. Mabuti na lamang na ang modernong panahon ay mayroong mabibisang alternatibo na mas naaangkop sa atin: ang matatag na burukrasya, malinaw na akawnting, metikulosong awditing, malinis na halalan, pagkakahiwalay ng pribado at publikong domain, mga batas na nagbabawal sa nepotismo at pagtatatag ng dinastiya, at higit sa lahat, ang kritikal na edukasyong politikal para sa lahat. Kung gaano kaseryoso si Platon sa pagpuksa sa mga banta ng korapsiyon at nepotismo ay dapat ganoon din tayo kaseryoso sa pagpapahalaga at pagtataguyod sa ating burukrasya, akawnting, awditing, halalan, pagkakahati ng pribado at publikong domain, batas laban sa nepotismo at dinastiya, at edukasyong politikal.

Ang Platonikong Diyalektika ng Gahum sa Pagitan ng Indibidwal, Pamilya at ng Lipunan

Bago natin suriin ang diyalektika ng gahum sa pagitan ng indibidwal, pamilya at ng lipunan, alalahanin muna natin ang piksyunal at historikal na panahon ng Ang Republika sa pamamagitan ng pagbaliktanaw sa mga hugis 4 at 3. Sa mundo ng piksiyon naganap ang pakikipagtalastasan ni Sokrates kina Glaucon, Adeimantus at iba pa sa isang Athens na noong Kapayapaan ni Nicias ay nasa tuktok pa ng kaniyang kapangyarihang militar, habang sa historikal na realidad ang diyalogong ito ay isinulat ni Platon sa isang Athens na nilupig na ng Sparta sa ikatlo at huling bugso ng Digmaang Peloponnesian. Sa madaling salita, sa mundo man ng piksyun o sa realidad, nandoon sina Sokrates at Platon sa isang estadong lungsod na pinapaligiran ng ibang estadong lungsod at kung saan palaging maselan ang balanse ng kapangyarihang militar. Kaya hindi tayo dapat

magugulat kung bakit ang pagdalumat ni Platon sa diyalektika ng gahum sa pagitan ng indibidwal, pamilya, at ng lipunan ay may pagkikiling sa panig ng lipunan. Dagdag pa rito, malaki ang posibilidad na sumilip din si Platon sa mga pinag-uugatan ng lakas militar ng Sparta. Sa sanaysay na “Plato on Sparta: Building a Perfect Society with Elements of the Earthly City,” halimbawa, ipinakita ni Vanesa Lauber ang istraktural na pagkakahawig ng Kallipolis at Sparta, na kilala sa kaniyang matinding totalitaryanismo (Lauber).

Ang pagkiling ni Platon sa panig ng lipunan ay mararamdaman natin sa paraan ng kaniyang pagtugon sa banta ng korapsiyon at nepotismo kung saan diretsahan niyang pinagbawalan ang mga pinuno ng Kallipolis na magmamay-ari ng kayamanan at magtatag ng sariling pamilya. Nagmungkahi rin siya kung paano magkakaroon ang lipunang ito ng mas mabubuti at malalakas na henerasyon ng mga pinuno kung saan itinatag niya ang nakakubling sistema ng pagpapalahi sa pamamagitan ng pagmanipula ng haring pilosopo sa lottery na siyang sinusunod kung sino ang magiging katalik ng mga pinunong babae at lalaki (Platon 460a). Lumalabas na ang hirarkiya ni Platon tungkol sa gahum sa pagitan ng indibidwal, pamilya at ng lipunan ay:

Hugis 9: Ang Platonikong Hirarkiya ng Gahum sa pagitan ng Indibidwal, Pamilya, at ng

Lipunan

Dahil sa ganitong hirarkiya, na marahil ay hindi naman nalalayo sa heneral na hirarkiya ng mga taga-Athens, taga-Sparta at iba pang mga Griyegong estadong lunsod, naging makabuluhan ang mga kontrobersyal na suhestiyon ni Platon kaugnay sa pagbubura sa institusyon ng pamilya, pagmanipula sa pagtatalik ng mga lalaki at babaeng pinuno, pagpaslang sa mga may kapansanang sanggol at pagpaplano sa populasyon (Platon 461c & 372b).

Lipunan

Indibidwal

Pamilya

22 TOMO XXIV BLG. 1MALAY

Titingkad ang kontrobersyang bumabalot sa mga suhestiyong ito maliban na siguro sa usapin tungkol sa pagpaplano sa populasyon, kapag babasahin ito ng mga taong nagmumula sa mga lipunang may hirarkiyang naiiba sa hirarkiya ni Platon. Katulad ito, halimbawa, sa ating sariling lipunan na mas kumikiling sa

pamilya o hindi kaya sa maraming modernong kanluraning lipunan na mas kumikiling sa indibidwal at kumikilala sa halaga ng pamilya bilang pangunahing yunit ng lipunan. Ang mga kasunod na diyagram ay naghahambing sa mga hirarkiyang ito sa nailahad na nating hirarkiya ni Platon:

Pamilya Indibidwal

Lipunan

Lipunan

Indibidwal

Pamilya

Indibidwal Pamilya Lipunan

Hirarkiya Hirarkiya ng Hirarkiya ng mga ni Platon Maraming Pilipino Moderno at Kanluraning Indibidwalista

Sa kontexto ng isang modernong demokrasya na may likas na pagtutol sa anumang bahid ng totalitaryanismo, maaari nating punahin agad ang pagkiling ni Platon sa panig ng lipunan, sa disbentahe ng indibidwal at pamilya, ngunit maaari rin nating pakinabangan ang kanyang imperpektong hirarkiya para mapatingkad ang imperpeksyon ng ating sariling hirarkiya. Gaano man kalabo at bitak-bitak ang salaming maibibigay sa atin ni Platon, makikita pa rin natin na ang ating labis na pagkiling sa pamilya at indibidwal, sa disbentahe ng lipunan ay posibleng isa sa mga pangunahing ugat ng ating lantarang nepotismo, pagtatatag ng mga politikal na dinastiya, korapsiyon at kawalan ng malasakit para sa bayan. Maski ang moderno at kanluraning indibidwalismo ay maaari ring mananalamin sa imperpektong salaming ito at makakukuha ng mahalagang bagong kaalaman tungkol sa kaniyang sarili.

Ang saysay ng ating pakikipagdiyalogo kay Platon sa aspekto ng diyalektika ng gahum sa pagitan ng indibidwal, pamilya, at ng lipunan ay ang reyalisasyon na dapat din nating suriin nang mas masinsinan ang ating sariling hirarkiya. Ito ay sa dahilang mas magiging makatarungan

Hugis 10: Ang Platoniko, Pilipino at Indibidwalistang mga Hirarkiya ng Gahum sa pagitan ng Indibidwal, Pamilya, at ng Lipunan

ang ating lipunan kapag ang diyalektika ng gahum sa pagitan ng mga sektor na ito ay nasa isang balanseng kahalintulad sa balanse ng mga elemento ng kaluluwa o ng balanse ng mga panlipunang uri. Dahil hindi tinalakay ni Platon kung paano makamtan ang balanse ng gahum sa pagitan ng indibidwal, pamilya, at ng lipunan, iminumungkahi ng papel na ito na para sa mga modernong demokrasya, kasama na ang ating sariling lipunan, na susundan na lamang natin ang porma at diwa ng diyalogong Ang Republika at ng iba pang Platonikong diyalogo. Kung sina Sokrates at Platon ay naniniwala na ang katotohanan at kabutihan ay nakakamtan lamang sa pamamagitan ng diyalektikal na pakikipagtalastasan ng mga taong may sapat na kaalaman, ang papel na ito rin ay naniniwala na ang paghahanap sa maselang balanse ng gahum sa pagitan ng indibidwal, pamilya, at ng lipunan ay makakamtan din natin sa pamamagitan ng demokratikong pakikisangkot ng mga mamamayan sa anumang krusyal na usaping politikal.

Sa puntong ito, babalikan natin ang usapin tungkol sa pagpaplano sa populasyon na binanggit natin sa itaas na hindi magiging mas kontrobersyal kapag titingnan sa alinman sa tatlong hirarkiya

23ANG KALLIPOLIS AT ANG ATING KASALUKUYANG LIPUNAN F.P.A. DEMETERIO III

ng gahum. Makabuluhan ang paksang ito hindi lamang dahil sa mga sandaling isinusulat ang papel na ito ay kaharap ng may akda ang bantang umaabot na sa isang daang milyon ang bilang ng mga Filipino kundi dahil sa panahong ito maiinit na muling pinag-uusapan ang matagal nang nabinbin na Reproductive Health Bill. Kahit kumikiling sa panig ng lipunan, o ng pamilya, o ng indibidwal ang isang bansa, o kahit balanse ang kanyang diyalektika ng gahum sa pagitan ng mga sektor na ito, makabuluhan palagi ang usapin tungkol sa populasyon, lalo na kung nararanasan ng bansang ito ang kakulangan o kalabisan sa bilang ng kaniyang mga mamamayan.

Ang pagpaplano sa populasyon sa konteksto ng Kallipolis ay nakabatay sa iilang konsiderasyon. Una rito ay ang ideya na dapat may sapat na bilang ng mga mamamayan para matugunan ang materyal na pangangailangan, kapayapaan at seguridad ng estadong lunsod. Pumapangalawa rito ay ang ideya na ang populasyon nito ay dapat makararanas ng kaginhawaan at katarungan sa buhay (Plato 372c). Ang kakulangan at kalabisan sa bilang ng mga mamamayan ay mayroong parehong negatibong implikasyon sa pang-ekonomikong produksiyon ng estadong lunsod. Noong panahon ni Platon, aktwal na naranasan ng Athens ang kakulangan sa butil (grain) dahil sa paglobo ng kaniyang urban na populasyon. Sa sanaysay na “The Institutional Setting of Plato’s Republic,” inihayag ni Edith Ayres Copeland na maaaring napansin ni Platon ang panganib sa pagdepende ng Athens sa importasyon ng butil (Copeland). Paano nga naman mapaplano ng mga haring pilosopo ang pangmatagalang kasaganaan ng Kallipolis kapag wala silang tunay na kontrol sa produksiyon ng pagkain? Dahil maliit lamang ang estadong lunsod kung ihahambing sa karaniwang modernong estado, kitang-kita kaagad ni Platon ang limitasyon at hangganan ng kanilang maaaring pagkuhanan ng pagkain at iba pang mahahalagang produkto, kaya isinama niya ang paksa ng pagpaplano sa populasyon sa kaniyang diskurso tungkol sa pagpaplanong politikal.

Higit pa sa usaping pang-ekonomiya, ang kakulangan at kalabisan ng bilang ng mga

mamamayan ay may pareho ring negatibong implikasyon sa teritoryal na lawak ng estadong lunsod; dahil ang maliit na populasyon ay naglalagay sa estadong lunsod sa panganib na lusubin ng mga katabing estadong lunsod, habang ang malaking populasyon ay tumutukso sa estadong lunsod na lumusob sa mga katabing estadong lunsod (Platon 372c). Sa alinmang sitwasyon ay malalagay sa alanganin ang katarungan.

Dahil mas malaki ang Filipinas kaysa Kallipolis at sa Athens, mahirap nating makita ang limitasyon at hangganan ng ating maaaring pagkuhanan ng pagkain at iba pang mahahalagang produkto ngunit nararanasan na natin ang parehong kakulangan sa butil na bumagabag sa Athens noon at tila wala tayong pangamba na tayo ay dumidepende sa importasyon nito sa loob ng napakahaba nang panahon. Hindi pa man nalalagay sa alanganin ang ating teritoryal na lawak, matagal nang nalalagay sa alanganin ang ating kakayahang magbigay ng sapat na hanapbuhay para sa ating mamamayan. Hindi man tayo lumusob sa ibang bansa, may ilang dekada na rin nating pinapaglakbay ang ating mga mamamayan sa ibang bansa upang maghanap ng kanilang ikabubuhay. Hindi man tayo naging hindi makatarungan sa ibang bansang pinagsisilbihan ng ating mga OFW, ang mga kawawang OFW naman at ang kanilang naiiwang pamilya ang madalas nakararanas ng kawalan ng katarungan. Paano natin mabibigyan ng kaginhawaan at katarungan ang lahat ng Filipino kapag sampung porsyento sa atin ay nasa labas ng ating teritoryo at ang kanilang kapalaran ay wala sa tunay na kontrol natin?

Ang pinakapunto ni Platon sa aspektong ito ay kasama sa pagpaplanong politikal ang paksa tungkol sa pagpaplano sa populasyon. Hindi niya binanggit kung ano ang dapat gawin ng mga haring pilosopo sa oras na ang tungkuling ito ay bigla na lamang harangin ng mga pari at propeta mula sa Bundok Olympus. Kagaya ng may ilang ulit na nating iminungkahi, may makukuha pa rin tayong solusyon mula sa porma at diwa ng diyalogong Ang Republika at ng iba pang Platonikong diyalogo: ang parehong diyalektikal

24 TOMO XXIV BLG. 1MALAY

at demokratikong pakikipagtalastasan ng lahat ng sektor ng ating lipunan para marating ang pinakaangkop na pagpapasya para sa Reproductive Health Bill.

Ang Platonikong Politikang Pangkasarian kaugnay sa Pagkababae at Pagkahomosekswal

Para kay Platon, ang katarungang politikal ay nangangahulugang katarungang pangkasarian din. Sa kontexto ng Athens kung saan walang boses, kulang sa karapatan at maraming restriksyon ang kababaihan, malaking hakbang ang kaniyang mga suhestiyon na maaari na silang maging mga tagapagbantay at haring pilosopo upang magagampanan ng mga kababaihan at homosekswal ang mga bagong tungkulin na ito, bukas para sa kanila ang sistema ng edukasyon at upang mapagaan ang kanilang dating tungkulin bilang asawa at ina dahil burado na ang institusyon ng pamilya sa pagkakatatag ng parsiyal na komunismo (Platon 457c). Dahil sa kontribusyong ito, sa isang panig ay kinilala si Platon bilang kauna-unahang feminista sa Europa; habang sa ibang panig naman ay binatikos siya dahil daw sa kakulangan sa kaniyang diagnosis sa Griyekong sobenismo at sa kanyang prognosis kung paano maitatatag ang katarungang pangkasarian sa loob ng Kallipolis (Forde 657).

Hindi magtatangka ang papel na ito na saliksikin kung alin sa dalawang panig na ito ang tama, dahil tiyak na walang katapusan ang ganoong proyekto. Balak lamang ng papel na ito na ilahad ang mahalagang punto ng proto-feminismo ni Platon. Ito ay walang iba kung hindi ang ideya na kapag ang isang patriyarkal na lipunan ay magnanais pumaroon sa isang bagong kaayusan kung saan umiiral ang partikular na antas ng katarungang pangkasarian, dapat itong mag-uumpisa sa iilang makatotohanang istraktural na pagbabago.

Mahalaga ba ang proto-feminismo ni Platon para sa lipunan nating pinaghihinalaan ng marami na may taglay na matriyarkal na kaayusan? Siguro dapat muna nating linawin kung bakit nasasabi ng

maraminatilamatriyarkalanglipunangfilipino.Ayon kina Dee Hunt at Cora Sta. Ana-Gatbonton, sa kanilang sanaysay na “Filipino Women and Sexual Violence,” ang popular na pananaw na ito ay nakaugat sa historikal nating kaalaman na ang Filipina noong bago pa man dumating ang mga Espanyol ay may hawak na kapangyarihang halos pumapantay sa hawak ng Filipinong kalalakihan at kahit pa man binago ito ng mga Espanyol, ay naremedyuhan ito noong panahon ng mga Amerikano na tumapat sa kasagsagan ng kanilang unang bugso ng feminismo (Hunt & Sta. Ana-Gatbonton 3).

Nalilinlang tayo sa pananaw na ito kapag iisipin natin na lubusang matriyarkal nga ang istraktura ng lipunang Filipino at hindi na tayo dapat mag-aaksaya pa ng panahon para sa anumang feministang pananaliksik. Ang parehong pananaw na ito ay mas malinaw na nagsasabi sa atin na kahit pa man may pangkasariang egalitaryanismong umiiral noong panahon bago pa man dumating ang mga Espanyol, pinatungan na ito ng apat na daang taong pangingibabaw ng sobenismong Espanyol at kung may remedyo mang idinudulot ang ilang dekadang Amerikanong kolonisasyon, ay hindi naman natin alam kung naibsan ba o napalala lamang ang kalagayan ng ating kababaihan. Mas rasonable ang posisyon na maaari ngang may nalalabi pang mga bakas sa ating lipunan ng lumipas na matriyarkal na kaayusan, ngunit nariyan na ang ang kanluraning kamalayan at diskursong patriyarkal.

Sa kontexto ng isang nakakalinlang na mala-matriyarkal na lipunan, mahalaga ang proto-feminismo ni Platon, dahil ito ay nagtuturo sa atin na hindi natin maaaring basta na lamang sabihin na umiiral na ang katarungang pangkasarian kapag hindi natin sinuri muna at isinaayos ang iilang istruktural na ugat ng pangingibabaw ng sobenismo. Kung sa Kallipolis, ang pagsusuri at pagsasaayos na ito ay humantong sa radikal na pagkakabura sa institusyon ng pamilya at pagkakatatag ng partial na komunismo, ituturing natin ang diyalogong Ang Republika bilang hamon sa atin kung ano ang mga istruktural na modipikasyon ang kaya nating maipatupad para

25ANG KALLIPOLIS AT ANG ATING KASALUKUYANG LIPUNAN F.P.A. DEMETERIO III

lubusang makamtan ng mga Filipina ang mas makatotohanang katarungang pangkasarian.

Maraming ipinahiwatig ang diyalogong Ang Republika na mga kaalaman tungkol sa homosekswalidad ng mga sinaunang Griyego. Nang inilatag ni Platon ang kaniyang ideya tungkol sa pagiging tripartite ng kaluluwa, binanggit niya ang kuwento ng isang may pangalang Leontius na habang umaakyat patungong Athens mula sa Piraeus ay nakatagpo ng mga bangkay na nakahandusay malapit sa hilagang pader at nakaranas ng magkahalong pagkakabighani at pandidiri (Platon 44a). Si Leontius ay kilalang may hilig sa mga batang lalaki na mapuputi at parang bangkay ang kutis. Nang tinalakay ni Platon ang detalye sa kaniyang sistema ng edukasyon, binanggit niya kung ano ang mga naaangkop na kilos at gawain ng mga nakatatandang guro sa harap ng mga makikisig na binatilyong mag-aaral (Platon 402d-403c). Nang inilahad niya ang kanyang radikal na ideya tungkol sa bagong papel ng kababaihan, isinantabi niya bilang hindi mahalaga ang magiging reaksiyon ng publiko kapag nandiyan na ang mga babaeng nag-eehersisyo nang hubad, gayong mas sanay ang mga Griyegong magmasid sa mga kaakit-akit na kalalakihang hubad (Platon 452a-b).

Hindi natin maiiwasang itanong kung homosekswal ba si Platon, ang kaniyang gurong si Sokrates, at ang maraming sinaunang Griyego? Dalawa ang maaaring sagot sa katanungang ito. Kung ang ibig nating sabihin sa salitang “homosekswal” ay ang pakikipagtalik ng isang lalaki sa kapuwa lalaki, maaaring homoseksuwal nga sina Platon, Sokrates, at maraming sinaunang Griyego. Ito ay sa dahilang bahagi na sa kanilang kaugalian ang ugnayan sa pagitan ng isang “erastes” (εραστης, o lalaking mangingibig) sa isang “eromenos” (ερωμενος, o lalaking iniibig), na minsan, o madalas, ay humahantong sa isang interkrural na pagtatalik, o ang pagsisiksik ng ari ng erastes sa pagitan ng mga hita ng eromenos. Hindi lamang sekswal ang ugnayang ito, dahil ito rin ay espiritwal, pilosopikal at parte ng kabuuang inisasyon ng eromenos para siya ay magiging ganap na lalaki. Sa katunayan sa oras na tinubuan

na ng balbas ang isang eromenos hindi na siya maaaring magpapatuloy pa sa kaniyang pagiging eromenos, dahil para sa mga Griyego, ito na ang nakatakdang panahon para siya ay maging isang erastes at maaari nang maghanap ng kaniyang sariling eromenos.

Subalit kung ang ibig nating sabihin sa parehong salitang “homosekswal” ay ang nakagisnan na nating teknikal na depinisyon nito, hindi natin lubusang matatawag na “homosekswal” sina Platon, Sokrates at marami pang sinaunang Griyego. Bunsod ito sa katotohanang ang konsepto ng “homosekswalidad” ay naimbento lamang noong 1869 ng isang Alemang sikolohistang si Karoly Maria Benkert at malinaw na walang katumbas na konsepto para nito ang mga sinaunang Griyego.

Ang diyalogong Ang Republika ay wala naman talagang sapat at malaliman na diskusyon tungkol sa homosekswalidad, ngunit ang klasikong tekstong ito ay maaaring magsilbing paalala sa ating mga modernong Filipino na ang “homosekswalidad” ay isang panlipunang konstrak lamang. Iba’t iba ang naging konstraksiyon ng “homosekswalidad” sa iba’t ibang yugto ng panahon at lokasyon ng kultura, kaya hindi natin dapat husgahan nang patapos ang sinumang indibidwal na sa kasalukuyan ay maaaring nabibilang sa kategoryang ito. Dito lamang sa bansa natin, may yugto rin ang ating kasaysayan kung kailan tinitingala ang “homosekswalidad” bilang phenomenon na maaaring mag-uugnay sa mundo ng mga mortal at diwata sa katauhan ng mga babaylan (Garcia).

Kahalintulad sa nakakalinlang na mala-matriyarkal nating kaayusan, may mga dayuhan ding nag-aakala na hindi nakararanas ng diskriminasyon ang mga Filipinong homosekswal dahil lantaran nilang nakikita ang mga bakla sa lansangan, trabaho, eskwelahan, sine at telebisyon. Ngunit batay sa sanaysay na “Male Homosexuality in the Philippines: a Short History” ni Neil Garcia, ay mamumulat ang ating mga isipan na ang lantarang manipestayong ito ay katanggap-tanggap lamang para sa iilang mga panlipunang uri at kontexto. Iginigiit niya

26 TOMO XXIV BLG. 1MALAY

na masasabi lamang natin na tanggap na nga ng mga Filipino ang mga homosekswal kapag nakakikita na tayo ng lalaking senador na may makulay na balabal, o mga lalaking presidente ng kompanya na naglalakad sa loob ng isang mall na nakasaya (Garcia). Sa argumento ni Garcia, lumalabas na sa ating lipunan, mas naaapi pa nga ang mga homosekswal kaysa kababaihan. Sa katunayan, ilang buwan lamang ang nakaraan, binansagang “imoral” ng ating COMELEC ang Ladlad, partidong kumakatawan sa sektor ng mga homosekswal na lalaki at babae, kasama na ang mga baklang operada.

Ang kaalaman natin tungkol sa Griyegong kultura, na dala-dala ng diyalogong Ang Republika, at sa sarili nating kasaysayan ang maaaring hihimok sa ating lahat na tumingin sa likod ng panlipunang konstrak ng “homosekswalidad,” para masasaksihan natin ang mga indibidwal na katulad din nating may pagnanais na maging ganap na bahagi sa isang maginhawa at makatarungang lipunan.

KONGKLUSYON Gamit ang hermenyutikal na estratehiya ng

historikal na rekontextuwalisasyon, inilahad ng papel na ito ang etiko-politikal na pilosopiyang nakapaloob sa diyalogong Ang Republika ni Platon.

Gamit naman ang hermenyutikal na estratehiya ng diyalohikal na pagbabasa, iminungkahi ng papel na ito na sa isang banda, ay magkakaroon ng karagdagang kabuluhan ang klasikong tekstong ito at sa kabilang banda naman, magkakaroon tayo ng teoretikal na lente at konseptwal na mga mahahawakan na maaari nating pakinabangan sa pagsusuri natin sa ating sariling lipunan. Sa katunayan, gamit ang teksto ni Platon inaasahan ng papel na ito na napalalim ng mga mambabasa ang kanilang pag-unawa sa ating sariling demokratikong kaayusan, sa mga pagkukulang ng ating oligarkikong sistema ng pamumuno, sa pundamental nating tungkulin na makikisangkot sa demokratikong proseso ng pakikipagtalastasan, sa sentralidad ng edukasyon para sa demokrasya,

sa sentralidad ng pagpuksa sa korapsiyon at nepotismo para sa isang demokrasya, sa pundamental na pangangailangang balansihin ang diyalektika ng gahum sa bawat sektor ng lipunan, sa halaga ng pagpaplano ng populasyon at sa panlipunang konstruksiyon ng kasarian.

Sa pagsasagawa natin ng diyalohikal na pagbabasa, nabibigyan din natin ng karagdagang buhay ang isang manipestasyon ng Pilosopiyang Filipinong--ang kritikal na Pilosopiyang Filipino--na sa ngayon ay isang marhinalisadong diskurso sa loob ng akademyang Filipino.

TALASANGGUNIAN

Abueva, Jose Veloso. ”Filipino Democracy and the American Legacy.” In Annals of the American Academy of Political and Social Science 428 (1976): 114-133. Print.

Annas, Julia. “Plato’s ’Republic’ and Feminism.” Philosophy 51.197 (1976): 307-321. Print.

Boas, George. “Fact and Legend in the Biography of Plato.” The Philosophical Review 57.5 (1948): 439-457. Print.

Bobonich, Chris. “Plato on Utopia.” In the Stanford Encyclopedia of Philosophy. Web. http://plato.stanford.edu/entries/plato-utopia/. Date Published: 19 December 2006. Date Accessed: 10 September 2010.

Brown, Eric. “Plato’s Ethics and Politics in The Republic.” In the Stanford Encyclopedia of Philosophy. Web. http://plato.stanford.edu/entries/plato-ethics-politics/. Date Published: 31 August 2009. Date Accessed: 10 September 2010.

Bruell, Christopher. “On Plato’s Political Philosophy.” The Review of Politics 56.2 (1994): 261-282. Print.

Brumbaugh, Robert. Plato for the Modern Age: An Introduction to Plato’s Life and Thought and their Meaning in Today’s World. New York: Collier Books, 1964. Print.

Cohen, David. “Law, Society and Homosexuality in Classical Athens.” Past & Present 117 (1987): 3-21. Print.

27ANG KALLIPOLIS AT ANG ATING KASALUKUYANG LIPUNAN F.P.A. DEMETERIO III

Copeland, Edith Ayres. “The Institutional Setting of Plato’s Republic.” In International Journal of Ethics 34.3 (1924): 228-242. Print.

Demeterio. F.P.A. “Ang Demokratikong Sistema at ang mga Modelo ng Pamumuno sa Pilipinas.” Kritike: Online Journal of Philosophy 4.1 (2010): 28-49. Web.

------------. “Thomism and Filipino Philosophy in the Novels of Jose Rizal: Rethinking the Trajectory of Filipino Thomism.” F.P.A. Demeterio’s Philosophy and Cultural Theory Page. Web. http://sites.google.com/site/feorillodemeterio/rizalandthomas. Date Published: 2004. Date Accessed: 05 October 2010.

Diogenes Laertius. The Lives of the Philosophers. Trans. Robert A. Caponigri. Chicago: Henry Regnery Company, 1969. Print.

Forde, Steven. “Gender and Justice in Plato.” The American Political Science Review 91.3 (1997): 657-670. Print.

Garcia, Neil. “Male Homosexuality in the Philippines: a Short History.” In International Institute for Asian Studies. Web. http://www.iias.nl/nl/35/IIAS_NL35_13.pdf. Date Published: November 2004. Date Accessed: 14 October 2010.

Hunt, Dee Dicen & Sta. Ana-Gatbonton, Cora. “Filipino Women and Sexual Violence: Speaking Out and Providing Services. In The Immigrant Women’s Support Service. Web. http://www.iwss.org.au/public/forumpapers/philippines.pdf. Date Published: 23 May 2006. Date Accessed: 15 October 2010.

Irwin, T.H. “Plato: the Intellectual Background.” In Kraut, Richard, Ed. The Cambridge Companion to Plato. Cambridge: Cambridge University Press, 1992. 51-89. Print.

Jowett, Plato. “Plato on Population and the State.” In Population and Development Review. Volume 12, Number 4 (December 1986), Pp. 781-798. Print.

Kraut, Richard. “Introduction to the Study of Plato.” In Kraut, Richard, Ed. The Cambridge Companion to Plato. Cambridge: Cambridge University Press, 1992. 1-50. Print.

Lauber, Vanessa. “Plato on Sparta: Building a Perfect Society with Elements of the Earthly City.” In the Universal Journal of the Association of Young Journalists And Writers. Web. http://www.ayjw.org/print_articles.php?id=761389&title=Plato%20on%20Sparta:%20%20Building%20a%20Perfect%20Society%20with%20Elements%20of%20the%20Earthly%20City. Date Published: No Date. Date Accessed: 12 October 2010.

Murley, Clyde. “Plato’s “Republic”, Totalitarian or Democratic?” The Classical Journal 36.7 (1941): 413-420. Print.

Nettleship, Richard. Lectures on The Republic of Plato. London: Macmillan, 1964. Print.

Pakulski, Jan & Higley, John. ”Towards Leader Democracy?” In Hart, Paul & Uhr, John, Eds. Public Leadership: Perspectives and Practices. In Australia and New Zealand School of Governance. Web. http://epress.anu.edu.au/anzsog/public_leadership/pdf/ch04.pdf. Date Published: November 2008. Date Accessed: 11 October 2009. 45-54.

Pappas, Nickolas. Plato and the Republic. London: Routledge, 1995. Print.

Philip, J.A., “The Platonic Corupus.” Plato: Critical Assessments. Ed. Nicholas Smith. London: Routledge, 1988. Vol. 1. 17-28. Print.

Pickett, Bren. “Homosexuality.” Stanford Encyclopedia of Philosophy. Web. http://plato.stanford.edu/entries/homosexuality/. Date Published: 06 August 2002. Date Accessed: 30 September 2010.

Plato. The Republic. Trans. G.M.A. Grube. Indianapolis: Hackett Publishing, 1992. Print.

Saunders, Trevor. “Plato’s Later Political Thought.” The Cambridge Companion to Plato. Ed. Richard Kraut. Cambridge: Cambridge University Press, 1992. 464-492. Print.

Schofield, Malcolm. “Plato.” Routledge Encyclopedia of Philosophy. Ed. Edward Craig. London: Routledge, 1998. Vol. 7, 399-421. Print.

28 TOMO XXIV BLG. 1MALAY

Shorey, Paul. What Plato Said. Chicago: University of Chigaco Press, 1965. Print.

Simbulan, Dante. The Modern Principalia: the Historical Evolution of the Philippine Ruling Oligarchy. Quezon City: University of the Philippines Press, 2005. Print.

Taylor, A. E. Plato: the Man and His Works. New York: Meridian Books, 1956.

Voegelin, Eric. “The Republic.” In Voegelin, Eric. The Collected Works of Eric Voegelin. Volume 16: Order and History. Volume 3: Plato and Aristotle. Missouri: University of Missouri Press, 2000. 100-188. Print.