Aab sa gunita: Isang pagsusuri sa 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista

39
Aab sa gunita Isang pagsusuri sa 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista Jed Elroy E. Rendor AB Development Studies Fil 102 Bb. Glenda Oris Unang Semestre, 2011-2012

Transcript of Aab sa gunita: Isang pagsusuri sa 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista

Aab sa gunita Isang pagsusuri sa

50 Kuwentong Ginto ng 50

Batikang Kuwentista

Jed Elroy E. Rendor

AB Development Studies Fil 102 – Bb. Glenda Oris

Unang Semestre, 2011-2012

1

Nagbigay-daan ang supòt na kalayaang nakamit mula sa kamay ng mga Kastila para sa

isang nakakapanibagong kalayaang matatamasa ng panitikang Filipino sa ilalim ng pananakop ng

Amerikano. Sa pananakop ng mga Amerikano, magsasanga ang panitikang “Filipino” dahil sa

pagbuo ng sari-sariling tradisyong pampanitikan ng wikang Kastila, Filipino, at Ingles1.

Maipagpapatuloy ang mga talulot ng rebolusyonaryong panitikan sa Tagalog (na siyang

babansagang Filipino), mawawatas ang damdaming makabayan sa pamamagitan ng wika ng

naunang mananakop, at makapaghuhukay ng dibersyon mula sa naunang dalawang tradisyon ang

wika ng bagong manluliping2. Bagamat tuluyang namamayagpag ng tatlong anyo ng panitikan,

tuluyan, panulaan, at dula, sa panahong Amerikano3, isinilang ang pinakabunso sa pormang

pampanitikan ng bansa – ang maiikling kuwento4.

Sa tulong ng sistemang pang-edukasyon ng mga Amerikano, pumasok sa kamalayan ang

maiikling kuwento. Bagamat masasabi sa ganitong kaligiran na napaka-Kanluranin ng

pinagmulan nito, ang kuwentong-bayan at mga alamat ang ilan sa masasabing nuno nito5.

Sa pagbabago ng mga istruktura sa lipunan, nagkaroon ng mga bagong paraan ng

pagtangkilik sa panitikan. Taliwas sa hiniling ni Fray Bustamante sa kaniyang mambabasa sa Si

Tandang Basio Macunat6 na basahin ang akda nang hindi patalun-talon, maaari nang

makonsumo ang panitikan nang paputol-putol sa pamamagitan ng radio, ng komiks, at ng mga

1 Veneranda Santos Lachica, Literaturang Filipino (Pasig City: Academic Publishing Corporation, 1996), 179-210. 2 Efren Abueg, Simplicio Bisa and Emerlinda Cruz, Talindaw: Kasaysayan Ng Panitikan Sa Pilipino Para Sa

Kolehiyo at Unibersidad (Manila: Merriam & Webster, Inc., 1981). 3 Ibid., 118. 4 Rolando Tolentino, “Ang Kuwento: Introduksyon,” sa Paano Magbasa Ng Panitikang Filipino: Mga Babasahing

Pangkolehiyo, ed. Bienvenido Lumbera, Joi Barrios and Rolando Tolentino (Quezon City: University of the Philippines Press, 2000), 255-265.

5 Ibid. 6 Miguel Lucio Bustamante, Si Tandang Basio Macunat: Salitang Quinatha Ni Fray Miguel Lucio y Bustamante, ed.

Virgilio Almario (Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, Sistemang Unibersidad ng Pilipinas, at

National Commission for Culture and the Arts, 1996).

2

peryodikong babasahin katulad ng Liwayway. Ito ang ilan sa kaligirang sinilayan ng maiikling

kuwentong bumubuo sa 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista7 (KGBK).

Sa pamamagitan ng naunang dalawampu‟t limang (25) kuwento (Aklat 1) sa nasabing

antolohiya, gagamitin ang dibuho ni Tolentino8 upang makita anu-ano ang sosyo-historikal na

salik na humubog sa mga kuwento at upang makita kung gaano nasasalamin ng mga kuwento

ang mga naturang sosyo-historikal na salik. Alinsunod sa pag-aaral ni Tolentino9 sa mga

maiikling kuwento, maaring masipat ang mga kuwento gamit ang mga perspektiba hinggil sa (1)

mga formal na elemento at (2) mga kultural na salik, na maisasakuwadro sa (3) sosyo-historikal

na kaligiran ng mga ito, patungo sa (4) bisa nito sa estetika at pagbuo ng pagkatao o pag-meron.

Hindi na titingnan pa ang huling perspektiba dahil sa hindi na ito kakasya pa sa panunuri at higit

na gustong tingnan ng pagsusuring ito ang ugnayan ng akda at kasaysayan. Gagamit ang

pagsusuring papel na ito ng close reading para ilunsad ang naturang analisis nang magkaroon ng

talaban ang mga formal na elemento ng akda at ang kalagayang sosyo-historikal. Sa huli,

malalaman kung namamayani pa rin ang mga umusbong na imahen ng lalaki at babae, ng nayon,

lungsod, at ibang bansa, at iba pa, sa kontemporanyong pagpapahalaga. Upang maka-agapay ang

mambabasa ng panunuring ito, maaaring tingnan ang Apendiks sa dulo ng papel para sa buod ng

mga kuwento (kung sakaling hindi pa nababasa ang antolohiya).

Ang Antolohiya

Isang kalipunan ng maiikling kuwentong ng mga manunulat na isinilang mula 1873

hanggang 1915 ang 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista. Kung gayon, mahihiwatig

7 Pedrito Reyes, ed., 50 Kuwentong Ginto Ng 50 Batikang Kuwentista (1939; repr., Quezon City: Ateneo de Manila

University Press, 2003). 8 Tolentino, “Ang Kuwento,” 255-265. 9 Tolentino, “Ang Kuwento,” 255-265.

3

na umiinog ang mga akda sa transisyon sa pagitan ng pananakop ng mga Espanyol at ng

pananakop ng mga Amerikano. Una itong inilimbag noong 1939 sa Ramon Roces Publications

sa pamamatnugot ni Pedrito Reyes10

. Hindi ngayon kataka-takang marami sa mga akdang

inilakip ang nanalo sa mga timpalak o nailathala na sa Liwayway, Liwayway Extra, o Hiwaga –

mga babasahing regular na inililimbag. Ngunit, hindi naging malinaw kung paano pinili at

isinaayos11

ni Reyes ang mga naturang kuwento para mabuo ang antolohiya. Datapwat ninasa ni

Reyes na maging hiyas ng panitikan12

ang antolohiya, may mga makatang hindi nabigyan ng

pagkakataong maisama13

. Muli itong inilimbag ng Ateneo de Manila University Press nang

dalawang ulit – noong 1998 at 2003.

Inilalahad ni Añonuevo14

, sa kaniyang paunang salita, ang mga pagbabago sa ortograpiya

na nagpakinis sa antolohiya. Makikita rito ang isang pag-aangkin ng wikang Filipino sa mga

salita at sa mga palatuntuning banyaga. Ibinalik ang dating pagbaybay sa mga salitang pangtangi

(mula sa Bagyo patungo sa Baguio), tinanggal ang pagka-italiko ng ilang mga salitang hiram

(elegante, homestead, atbp.), at ibinaybay naman ang ilang salitang banyaga sa Filipino (radyo sa

halip na radio). Tinanggal din ang mga labis na tandang panamdam at tandang pananong na

ginagamit ng Espanyol.

10 Roberto Añonuevo, “Pagdarang sa mga Kuwentong Ginto: Pagpapakilala sa Bagong Edisyon,” in 50 Kuwentong

Ginto Ng 50 Batikang Kuwentista, ed. Pedrito Reyes (1939; repr., Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2003), v-xiv.

11 Tila isinaayos ang mga kuwento nang pa-alpabeto batay sa unang pangalan ng mga manunulat. 12 Reyes, 50 Kuwentong Ginto, xv-xviii. 13 Añonuevo, “Pagdarang,” v-xiv. 14

Ibid., xi.

4

Formal na mga elemento

Nagtatala si Tolentino ng limang (5) formal na sangkap ng maiikling kuwento15

-

tagpuan, karakter (o tauhan sa panunuring ito), tunggalian, banghay, at resolusyon. Sa bahaging

ito ng panunuri, titipunin kung alin sa mga akda ang nagtataglay ng mga naturang formal na

elemento.

Tagpuan

Inilalahad ng tagpuan ang “panahon, kapaligiran, atmosphere, lugar at oras”16

ng mga

kuwento. Kapuna-puna sa dalawampu‟t limang kuwento ang diin sa apat na pangunahing

tagpuan – (1) ang nayon, (2) ang lungsod, (3) nayon at lungsod, (4) at ibang bansa. Mapapansin

sa bawat kapaligirang nabanggit na nakapaloob ang isang panahon kung saan umiinog ang

kuwento.

Nayon

Sakahan, komunidad, pagtatanim, at mga tradisyunal na pag-uugali, ang ilan sa mga

naging palatandaan upang ma-uri ang isang kuwento sa naturang tagpuan. Hitik sa likas-yaman

ang nayon. Inilahad naman mismo ng ibang kuwento na mismong sa nayon ito naganap. Inuri rin

ang mga kuwento sa lupon na ito kung naganap ang kabuuan ng kuwento sa nayon. Mainam

itong ipinakita sa Hikbi sa Karimlan kung saan inilarawan ang kagubatang tinabas at ang mga

sakahan. Luntian at malupa naman ang tanawing mababanaag sa Kristal na Tubig sa

paglalarawan ng ilog sa pusod ng kagubatan.

Tila maalala naman ang mababang bahay na maaaring gawa sa semento o sa nipa na nasa

gitna ng mga patse ng puno sa Ang Kaniyang Bantayog at Pamumunga ng Mangga. Mahihiwatig

naman sa Irog, Maligtas Ka Rin! ang itsura ng isang tulay na bato sa gitna ng dalawang usli ng

15 Ibid., 258-259 16

Ibid., 258.

5

lupang tinatanuran pa ng mga puno kung saan tila sinasalamin ng ilog na kahel sa paglubog ng

araw ang kulay ng mga bangkay ng gera. Tila makikita naman ang abuhin na adobe ng isang

katedral kung saan nagtitinda si Nene ng Ang Dalaginding.

Hindi lahat ng mga nasabing kuwento ang pumapatungkol sa panahon ng kasukdulan ng

pananakop ng mga Espanyol. Tanging ang Irog, Maligtas Ka Rin! at Ang Kaniyang Bantayog

ang pumapaksa pa sa rebolusyong Katipunero laban sa mga Espanyol. Nakausad naman sa

panahon ang ibang mga akda. Sa Hikbi sa Karimlan at Pamumunga ng Mangga, hindi na sapat

ang agrikultural na saligan ng nayon at nagagawa nang sumabak ng mga tauhan sa mga trabaho

sa labas ng kanilang nayon patungo sa ibang lugar na nayon pa rin naman, i.e. Mindanao sa

nauna, at Baguio sa nahuli. May kapuna-punang paglalarawan sa nayon bilang tagpuan ng

pakikibaka, pagkahiwalay sa minamahal, mga paglalarawang nakukulayan nang madilim, ng

hinagpis. Kaiba sa naunang apat ang Kristal na Tubig at Ang Dalaginding na higit na malumanay

at mapayapa ang paglalarawan sa nayon bagamat may pagtatangka sa karahasan ang nauna.

Lungsod

Karamihan ng mga akda sa Aklat 1, 9 mula sa 25, ang may tagpuan sa lungsod. Naging

batayan ang malawig na pagpatungkol sa Maynila, access sa mga imprastrukturang moderno at

sa mga kagamitang kanluranin katulad ng auto, at ang mga trabahong at mga aktibidad na sa

lungsod nakabatay. Walang ipinapakitang kahitikan ng likas na yaman ang lungsod. Inuri ang

mga kuwento rito kung naganap ang kabuuan ng kuwento sa lungsod.

Inilarawan naman ang malalaking Amerikanong bunglaow sa Dakilang Kabayanihan,

Damdaming may Kamandag, at Walang Maliw. Bakas na bakas naman ang larawan ng isang

opisina sa Bulong ng Budhi, Naghintay at Umasa, at Luma Kong Payong. Makikita rin ang mga

6

bagong trabahong binuksan para sa mga Filipino katulad ng nars sa Kulang sa Dilig. Nakadadalo

naman sa pagdalong panlipunan ang mga babae sa Hiram na Alahas at Masaklap na Tagumpay.

Walang masalimuot na paglalarawan sa tagpuan ang kapansin-pansin sa mga akda.

Bagkus, inilalarawan nang hindi maganda ang kapuwa. Nagiging pananda ng pagbabago ng

panahon ang mga bagong trabaho o mga dati nang naririto ngunit ngayon lamang ibinukas para

sa mga hindi Kastila. Ilan sa mga trabahong ito ang abogado, takigrapa, mang-aalahas, taga-suri

ng pirma, manggagamot, at peryodista. Naka-angkla ang mga trabahong ito, pati na rin ng mga

kagamitan katulad ng auto, sa pagbabago ng ekonomiya at ng kaakibat nitong pagbabago sa

pisikal na ayos ng lungsod.

Nayon at Lungsod

Ginugrupo ng naunang dalawang lupon ang mga kuwento kung tanging sa nayon o sa

lungsod naganap ang kabuuan ng kuwento. Ngunit para sa ibang mga kuwento, may mahalagang

ugnayan ang nayon at lungsod kung saan umiinog ang kabuuan ng kuwento sa paglisan mula sa

nauna para sa nahuli.

Ipinakita sa Malupit na Kabihasnan ang pagkakaiba ng buhay-Maynila at buhay-Igorote

sa pamamagitan ng pagbabago ni Pad-leng na nakapag-aral sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa

O…Lalaki!, sa Maynila napag-alaman ni Elang na pamilyado na si Delfin at bumalik siya sa

nayon at doon kinaharap ang kagipitan na bunsod sa pagkakasakit ng anak nila ni Delfin. Sa

Maynila rin nagawang lokohin ni Adolfo si Puring sa Ipinaghiganti ang Puri at iyon ang nilahad

na dahilan sa pagpatay ni Puring kay Adolfo bagamat galling sila sa magkaibang nayon. Bumalik

naman si Carmen sa nayon matapos malaman sa Maynila na kabit lang pala siya ngunit wala

namang mauwing tahanan. Sa Maynila rin nilustay ng persona sa Kawanggawa ang naiwang

mana sa kaniya, doon nakatagpo ang kababatang si Slyvia, ngunit sa nayon nabunyag ang

7

ginawang kabutihan ni Slyvia para sa kaniya. At panghuli, nakabuntis ng mananayaw si Eliseo sa

Maynila bagamat inaasahan siya ng kaniyang pastor na ama na tumahak sa buhay relihiyoso sa

nayon.

Makikita sa mga akdang ito na kinakaharap ng pangunahing tauhan ang kanilang lubos

na ikasasama sa lungsod. Doon sa lungsod nabunyag ang kuwento na siya pala ang kerida, at

doon nagaganap ang pagbabago ng ugali na ikinalulungkot ng nayon sa pagbalik ng mga tauhan.

Tahasan ang pagdiin ng ganitong pagsasalarawan sa tagpuan sa Pagsisisi.

Ibang Bansa

Panghuli sa mga uri ng tagpuan ang hindi na lamang naglalarawan ng „bayan‟, ng

„bansa‟, bagkus naglalarawan na ng ibayong dagat. Tahasan ang paglalahad ng mga lugar na

banyaga para masabing naganap nga ito sa ibang bansa. Umikot sa pagkain ni Miss Dela Cruz sa

Pinoy Inn ng Amerika sa kuwentong ang Isang Dayuhan at doon niya nalamang ang kanina pang

tumitingin sa kaniya ay ang pinalitan niyang Pilipinong editor ng babasahin. Nilisan naman ni

Oscar ang bansa, sa tulong ni Don Morgan, matapos mawala si Gloria at doon nanalo sa mga

timpalak sa pagpipinta at doon nakatagpong muli si Gloria. Nasubok naman ang pag-iibigan nina

Dan, isang Amerikano, at Noemi, isang wahini, nang bumisita sila sa pamilya ni Dan sa Amerika

ngunit bumalik din sa Hawai‟i.

Bagamat naganap sa Filipinas ang naunang bahagi ng Sa Guhit ng Pinsel, minarapat na

isama ito sa lupon na ito dahil malaking bahagi ng kuwento ang naganap din naman sa ibang

bansa. Higit ding nabibigyan ng kosmopolitan na mukha ang „bayan‟ sa Isang Dayuhan at Sa

Guhit ng Pinsel. Lubos namang nakahiwalay sa Filipinas ang Aloha! na pumapaksa sa Hawai‟i at

Amerika. Sa naunang dalawa, parehong makikita ang kasaganahan sa ibayong dagat. Sa mga

8

kuwento sa lupon na ito sa ibayong dagat din nasusubok ang identidad ng pagiging Filipino o

pagiging Kanaka (taga-Hawai‟i).

Sa pangkalahatan, pasakit ang makikitang imahen ng nayon. Dito nasisira ang pag-

iibigan at kinakailangang kumaharap sa mga desisyong hindi pa rin naman magdadala sa mga

tauhan palabas sa kahirapan. Tanging Ang Dalaginding ang may masayang mukha ng nayon.

Para naman sa mga kuwentong tungkol lamang sa lungsod, hindi ang mismong lungsod ang

nagdadala ng pagsubok, bagkus ang kaugalian ng mga tao at mismong mga tao ang nagiging

problema. Sinususugan ang ganitong pagsasalarawan sa dalawa ng mga kuwentong pumapaksa

sa parehong nayon at lungsod. Ang mga galing sa nayon na nasaktan ng mga kaugalian at

katotohanan sa Maynila ay kumakaharap pa rin sa mga pagsubok sa nayon lalong lalo na sa

Pagsisisi. Kaiba lamang ang Kawanggawa kung saan naging lubos na mapagkalinga ang nayon.

Pagsubok din ang makikitang larawan ng ibang bansa kung saan kailangan pa rin naman

kumayod nina Miss Dela Cruz sa Isang Dayuhan at kailangan pang subukin ang pag-ibig sa

Aloha! at kailangang manalo pa ni Oscar sa Sa Guhit ng Pinsel. Ngunit sa kabila ng mga

naturang pagsubok, maaaring makatamasa ng maiging buhay. Kung gayon, makikita na walang

kinikilingang tagpuan ang antolohiya. Bagkus makikita na batbat ng mga pagsubok, at hinagpis,

ang lipunan sa pangkalahatan.

Tauhan

Tungkol naman sa mga katangian ng mga tauhan ang bahaging ito. Dahil sa rami ng

tauhan sa buong antolohiya, hindi naman praktikal na himayin pa nang paisa-isa, bagkus,

ilulupon na lamang sila upang makita rin ang mga isteryotipiko o mga hulmahan ng tauhan sa

panahong ito. Dito mailulugar ang hinihingi ni Tolentino na pagsusuri sa motibasyon ng tauhan.

9

Ang Don

Kapuna-puna sa mga kuwento ang mga tauhan na binabansagan na Don. Kaunti lamang

sila ngunit mahahalaga ang naging papel sa kani-kanilang kuwento. Madalas silang nilalarawan

bilang mga lalaking nasa katandaan na ngunit nakatatamasa ng karangyaan sa buhay. Negosyo o

lupa ang kadalasang pinagmumulan ng naturang bansag. Iisa lamang sa mga tauhan sa ibaba ang

inilarawan bilang maitim ang budhi (Don Tomas Salvador ng O…Lalaki!) bagamat nilarawan

silang lahat bilang taga-sustento kung nanaisin nila. Mapupuna rin na sina Don Mariano ng Kung

Magturo ang Pag-ibig at si Don Juanito ng Walang Maliw ay mga ama na mapaghadlang sa pag-

ibig ng kanilang anak kapag hindi pa nila tanggap ang lalaki. Tila tago naman ang kuwento ni

Don Segismundo ng Bulong ng Budhi kung saan pineke ang kaniyang pirma. Isa namang

mayamang mangangalakal si Don Matias ng Dakilang Kabayanihan na nakakapag-libut-libot.

Ipinakita namang ninong ni Oscar sa kaniyang pangngibang bansa si Don Morgan ng Sa Guhit

ng Pinsel.

Ang lalaking taksil o ikinuwadro bilang taksil

Ito ang mga lalaking nagtaksil sa kanilang mga asawa o karelasyon. Napapabilang din

dito ang mga lalaking ikinahon sa kuwento bilang taksil bagamat hindi naman talaga nagtaksil.

Sa kaso ni Alfredo ng Kulang sa Dilig, ipinakita na hindi na siya masiya kuno sa kaniyang

asawa, kung saan hindi na niya ipinamamalas ang pagmamahal niya katulad nang dati bagamat

hindi naman talaga nagtaksil si Alfredo. Pinili naman ni Pad-leng ng Malupit na Kabihasnan

ang isang babaeng nakadaupang-palad sa Maynila, isang pagtataksil sa kasintahang si Puranti.

Higit nang akma sa pagbabago ng ugali ni Pad-leng si Rita Miraflor. Panghuli, si Delfin naman

ng O…Lalaki! ang ipinakita bilang isang binata na nanligaw kay Elang ngunit may asawa at anak

na pala si Delfin. Ganito rin si Armando ng Pagsisisi kay Carmen (Mameng). Sa naunang

10

dalawa, parehong naging abala ang mga lalaki sa kani-kanilang careers samantalang sadyang

hindi lang nakapagpigil si Delfin at si Armando sa kaniyang pagpili ng ibang babae.

Ang babaeng pinagtaksilan

Kasangkapat ng mga lalaking nagtaksil ang mga babaeng kanilang pinagtaksilan. Higit na

may diin ang mga kuwento sa pananaw ng mga babaeng ito hinggil sa ginawa sa kanila ng

kanilang mga karelasyon. Si Didang ng Kulang sa Dilig ang asawa ni Alfredo na nakararamdam

ng pagkapagod at pagkayamot sa kawalan ni Alfredo ng oras para sa kaniya. Isinuko niya ang

kaniyang career para maging mabuting asawa kay Alfredo. Si Puranti naman ng Malupit na

Kabihasnan ang Igorote na dating minamahal ni Pad-leng. Sinubok pa nga niya ang pag-ibig ni

Pad-leng nang magpadala ng bulaklak sa kaniya ngunit hindi sumagot pabalik ang lalaki. Wala

naman masyadong inilahad hinggil sa kuwento ni Carmen, ang tunay na asawa ni Delfin sa

O…Lalaki! kaya hindi masyadong masabi ang kaniyang naging karanasan. Nilarawan siya bilang

maganda at mabait naman, at naki-usap kay Elang na kailangan isa sa kanila ang magparaya.

Namatay rin si Carmen sa huli dahil sa isang panganganak. Hindi naman binigyang bansag ang

asawa ni Armando sa Pagsisisi. Pare-parehong dumanas ng pakiramdam ang mga babaeng ito na

hindi na sila ang kailangan ng kanilang mga karelasyon para maka-agapay pa at makapaglakad

pa sa kani-kanilang tinahak na landas. Pinakita rin na sila pa ang gumagawa ng paraan para

sagipin ang relasyon. Ipinapakita rito ang isang mukha ng pagkamatiisin ng kababaihan noon.

Ang babaeng taksil o ikinuwadro bilang taksil

Sa kabilang banda, hindi lang ang mga lalaki ang ipinakita bilang mga nagtaksil.

Ipinapakita rin ng antolohiya na may mga babaeng nagtaksil sa kani-kanilang mga asawa o mga

karelasyon. Maaaring hindi naman talaga nagtaksil ang babae ngunit sa karamihan ng kuwento,

maaaring ganoon ang kaniyang naging karakter. Ipinapakita sila na lumalapit sa mga lalaking

higit na “agile” at may lubos na panahon para saluhan sila sa kanilang mga ginagawa. Isang

11

halimbawa nito si Monang mula sa Dakilang Kabaniyan bagamat hindi naman talaga siya

nagtaksil.Tunay namang nagtaksil si Gloria mula sa Masaklap na Tagumpay kung saan ang

kaniyang kataksilan ang pinaghugutan ng pamagat ng naturang kuwento. Sa ganitong bisa, si Dr.

Marcelo, asawa ni Gloria, ang tanging tunay na pinagtaksilang lalaki sa buong kuwento.

Ang nangibang lugar

Katulad ng naipakita sa naunang seksyon hinggil sa tagpuan, umiinog ang ilang mga

kuwento hindi lamang sa iisang lugar. Mapupuna ang kanilang laya na makapanglibot sa ibayong

lugar. Ang pagbabago na tauhan o/at sa kanilang kapalaran ang mahalagang punto sa kanilang

pangingibang lugar. Ikinuwadro na „napasama‟ hindi lamang sa mismong paglabas, bagkus dahil

ang Maynila ang kanilang naging destinasyon, sina Pad-leng ng Malupit na Kabihasnan, ang

persona ng Kawanggawa, at si Eliseo ng Hinakdal!. Ikinuwadro naman na hindi maganda ang

naging kapalaran sa ibayong lugar, bagamat para sana sa ika-uunlad ang paglisan, nina Felipe ng

Hikbi sa Karimlan at ni Menandro sa Pamumunga ng Mangga.

Hindi rin maganda ang sinapit ng mga babaeng sina Elang ng O…Lalaki, Puring ng

Ipinaghiganti ang Puri, Carmen ng Pagsisisi, at ni Noemi ng Aloha!. Doon nila kinaharap ang

masasaklap na katotohanan ng mga lalaking kanilang nakasama. Matapang na hinarap ng mga

babae ang kanilang kinasapitan at ang kanilang tagumpay mula sa kapighatian ang naging pokus

sa huling mga bahagi ng mga kuwentong kanilang kinabibilangan. Nangibang bansa naman sina

Miss Dela Cruz ng Isang Dayuhan at si Oscar ng Sa Guhit ng Pinsel at doon nakahanap ng

maayos na buhay.

Ang mga kimi at martir

Kapuna-puna rin ang mga tauhang kimi hinggil sa kanilang nararamdaman, at tila may

dagdag na pasaning emosyonal dahil sa kanilang mga napipisil na mga desisyon. Kalaban nila

12

ang kani-kanilang mga sarili. Ganito sina Laura ng Dakilang Kabayanihan, Armando ng Bulong

ng Budhi, Elang ng O…Lalaki, at Nelia ng Naghintay at Umasa.

Ang mabuting haligi ng tahan

Mayroon ding mga lalaki na ipinakita na maasahan at masasabing mabuting haligi ng

tahanan. Magkagayon man, makikita rito ang inaasahan sa isang lalaki sa panahong ito dahil

kumakayod sila ng ikabubuhay ng kanilang asawa. Ganito sina Alfredo ng Kulang sa Dilig, at

Ramon ng Hiram na Alahas.

Ang mabuting ilaw ng tahanan

Kung may mabubuting haligi ng tahanan, mayroon ding mga ulirang ilaw ng tahanan.

Kasangkapat sila ng kanilang mga asawa, naging mapag-aruga sa mga anak kung mayroon man.

Ganito sina Didang ng Kulang sa Dilig, Itsay ng Hikbi sa Karimlan, at Titay ng Hiram na

Alahas,

Lalaking muling nagpakasal

Itinatampok rin sa antolohiya ang kalayaan sa pag-ibig sa puntong posible ang ikalawang

kasal. Naging motibasyon ng mga lalaki ang kamatayan ng unang asawa para muling mag-

asawa. Muling nagpakasal sina Armando ng Naghintay at Umasa, at Ramon ng Damdaming

May Kamandag.

Ang unang asawa

Komplikasyon sa kalusugan ang naging dahilan para muling mag-asawa ang mga

lalaking nabanggit. Namatay sa pangangak sina Carmen ng O…Lalaki!, at Claudia ng

Damdaming May Kamandag. Namatay naman sa sakit sa puso si Cristina ng Naghintay at

Umasa. Inilarawan sila bilang mabubuting tao ngunit sadyang minalas sa kalusugan.

13

Ang ikalawang asawa

Nagsumikap naman ang mga ikalawang asawa sa mga kuwentong kanilang

kinapalooban. Naging puwang ang pagkamatay ng naunang mga asawa ng kanilang minamahal

para mabigyan sila ng pagkakataon. Ikalawang asawa sina, Nelia ng Naghintay at Umasa, at

Cristina ng Damdaming May Kamandag.

Napariwara ka man, tanggap ka pa rin – mga kaibigan/kamag-anak na taga-salo

Marami-rami sa mga tauhan ang sanang malulugmok na sa kahirapan o kasalatan. Ngunit

tila biniyayaan ang ilan ng mga taong naroon pa rin para maging saligan. Tinatampok sila bilang

higit na maalam, higit na malayo-layo ang abot-tanaw, at may dunong. Malaya rin nilang

ibinigay ang kanilang tulong. Ganito sina Doro sa Hikbi sa Karimlan, Guido ng Hiram na

Alahas, at si Slyvia ng Kawanggawa.

Ang batang walang muwang

Nagkaroon din ng mga inosenteng bata sa antolohiya. Babae silang pareho at ipinakita

ang kanilang pagka-puro at kung paano nila sinisipat-sipat ang daigdig na kanilang ginagalawan.

Sina Nene at Kristal na Tubig at Ineng ng Ang Dalaginding ang ganito.

Ang babaeng sumasabak sa lipunan

Ipinakita rin ng ilang kuwento ang pagsali ang mga babae na nakikilahok sa mga

pagtitipunan ng lipunan. Ipinakita na hindi nagdudulot ng magandang bagay ang ganitong

pakikilahok dahil sa lifestyle na hinihingi nito. Nakikilahok sa lipunan sina Titay ng Hiram na

Alahas, at si Gloria ng Masaklap na Tagumpay.

Sa pangkalahatan, maraming bagong imahen ng mga tauhan ang naisasalarawan. Higit na

ipinapakita ang kakayahan ng tao na idikta ang magiging daloy ng kaniyang buhay. Palalawigin

naman sa mga susunod na bahagi ang iba pang imahen ng mga tauhan.

14

Tunggalian

Para kay Tolentino, ang tunggalian ang nagbibigay-dahilan kung bakit nga ba may

kuwento. Maaari itong uriin sa tatlo: tunggaliang (1) tao sa sarili, (2) tao sa kapaligiran, at (3) tao

sa tao. Maaaring itampok ng kuwento ang higit sa isang tunggalian kung saan maaaring ang

sekondarya lamang ang isang tunggalian. May implikasyon ang tunggalian sa pag-unawa sa pag-

memeron ng tao sa panahong ito, kung ano ang madalas binibigyang-diin sa kuwento.

Tao sa sarili

May mga iilang kuwentong pumapaksa sa tunggalian ng tao sa sarili. Dito, humaharap

ang mga tauhan sa isang etiko/moral na dilemma kung saan binibigyang-diin ang kanilang pag-

aagam-agam o ang kanilang pagmumuni-muni. Matingkad na halimbawa ang Bulong ng Budhi

kung saan ipinamalas ang pasakit na binabata ng gunita ni Armando, kung pipiliin niyang

ihiganti ang sarili kay Delfin na umagaw sa pinakamamahal na si Amelia o huwag nang idiin sa

pamemeke ng pirma si Delfin nang sundin ang pagsusumamo ni Amelia alang-alang sa mga anak

ni Amelia kay Delfin.

Krux ng Kulang sa Dilig ang pagbabata ni Didang sa kawalan ng panahon ni Alfredo

para sa kaniya at ang kaniyang ginawang pagpapasiyang lisanin ang tahanan upang bumalik lang

sa piling ni Alfredong nabaril dahil ginagawa niya nang maigi ang trabahong pinag-ukulan ng

tampo ni Didang. Pinag-bulay-bulayan din nang maigi ni Tasio, sa Kristal na Tubig, kung ano

ang gagawin niya kay Nene, ang anak ng kaniyang nasirang minamahal na si Nelia, ngayong

malapit na siyang mamatay. Umikot din ang kuwento ng Hinakdal! sa magiging pagtanggap ni

Pastor Paglinawan na nabuntis ni Eliseo, kaniyang anak, si Josefina, isang mananayaw, lalo na‟t

taliwas ang ginawa ni Eliseo sa kaniyang mga sariling paniniwala hinggil sa pinagkakapitan

niyang relihiyon. Ipinakita rin sa Pamumunga ng Mangga ang paghihintay ni Adelia kay

Menandro sa kaniyang pagbalik mula sa minahan ng Benguet at ang paghihinagpis ng pagbalik

15

ni Menandro, sa araw ng kanilang pangako, ngunit bilang isang bangkay. Idinaan naman ni

Oscar sa Sa Guhit ng Pinsel ang paghihinagpis sa pagkawala ni Gloria sa pamamagitan ng

pagpipinta. Umikot din sa saloobin ni Cristina hinggil sa asawang si Ramon na bukod sa tila

hindi pa nito pagkalimot sa unang asawang si Claudia, na napapabarkada na‟t wala nang oras sa

kaniya.

Ito ang ilan sa mga kuwentong nagpamalas ng bahagyang tunggalian ng tao sa sarili

bagamat hindi ito ang pangunahing tunggalian ng kuwento. Ipinamalas ng mga kuwentong ito

ang pagharap ng mga tauhan sa kani-kanilang damdamin at saloobin, lalo na ang paghihinagpis:

Hikbi sa Karimlan – mga desisyon ni Felipe, mula paglisan sa bayan, hanggang sa

paglisan sa homestead pabalik sa bayan.

Ang Kaniyang Bantayog – ang desisyon ni Remigio na lisanin ang bayan matapos

mabalitaan na ikakasal na ang iniirog na si Dorina sa pinakamatalik na kaibigang si

Ernesto matapos niyang magbalik mula sa gera.

Tao sa kapaligiran bilang pangunahing tunggalian

Pinakasalat ang antolohiya sa mga kuwentong pumapaksa sa tunggalian hinggil sa

kapaligiran. Sa panunuring ito, tinitingnan ang kapaligiran nang hindi lamang pumapatungkol sa

mga yamang likas bagkus pati sa mga mismong kalagayang panlipunan ng mga tauhan. Ipinakita

kung gaano kahirap ang pag-aalaga ng homestead sa Hikbi sa Karimlan kung saan nagdulot ito

sa kamatayan ng asawa at magiging anak ni Felipe. Ipinakita naman ng Irog, Maligtas Ka Rin

kung paano nagpatuloy sa gera si Kapitan Pedro. Sa parehong kuwento, napakalupit ng

kalikasan.

16

May ilang kuwento rin na nagpamalas ng tunggalian ng tao sa kalikasan bagamat hindi

ito ang kanilang pangunahing tunggalian.

Malupit na Kabihasnan – sa diin ng pagwawagi ng lungsod sa nayon dahil sa

pagkakatalo ni Puranti kay Rita para kay Pad-leng na binago na ng Maynila. Ano ngayon

ang mas matimbang sa puso ni Pad-leng, ang Maynila o ang buhay Igorot?

Kristal na Tubig – sa kawalan ni Tasio ng pag-asa dahil sa sapantahang iwawaksi si Nene

ng mga kapitbahay at ang kaniyang pagbaling sa ilog.

Ang Kaniyang Bantayog – sa pagharap nina Remigio at Ernesto sa digmaan

Tao sa tao bilang pangunahing tunggalian

Karamihan sa mga kuwento sa antolohiya ang pumapaksa sa tunggalian ng tao sa tao.

Umiikot dito ang mga kuwento ng pagmamahal, pagdadalamhati, pagtataksil, at marami pang

iba. Hinggil sa pag-aakala ni Laura sa pagtataksil ni Monang kay Don Matias dahil kay Arturo at

ang pag-ako ni Laura nang mahuli si Arturo ang krux ng Dakilang Kabayanihan. Ipinakita

naman ng Hiram na Alahas ang mga ginawa ni Ramon upang ibalik sa “tuwid” si Titay.

Ipinakita naman ang love-triangle, ang paghintay ng isa sa isa pa hanggang sa mauwi sa kasal

sina Ernesto at Dorina. Sa paghihintay rin ni Nelia umikot ang Naghintay at Umasa kung saan

ipinakita ang magkaibigang sina Nelia at Armando na nauwi sa pag-iibigan dahil sa pagkamatay

ng unang asawa ni Armando at ang pagkamulat nito sa pag-ibig sa kaniya ni Nelia.

Ang pagtataksil naman ang pinukulan ng atensiyon ni Pad-leng sa Malupit na

Kabihasnan, at Gloria sa Masaklap na Tagumpay. Kinailangan namang dumanas sa pagsubok

ang pag-iibigan nina Dan at Noemi sa Aloha!. Sumama naman sa mga lalaking minamahal nila

sina Elang ng O…Lalaki! at Mameng ng Pagsisisi upang mapag-alaman lang na mga kabit lang

sila. Nagkatuluyan din sa wakas ang mga tauhan sa Kung Magturo ang Pag-ibig at Walang

17

Maliw matapos na maging catalyst ang mga magulang ng mga babae. Ipinakita naman ang

naging pagdurusa ni Puring sa kamay ni Adolfo kaya niya napatay ang lalaki sa Ipinaghiganti

ang Puri. Natunghayan naman ang ginawa ni Slyvia para sa tauhan ng Kawanggawa nang hindi

ito malugmok sa kahirapan. Nagbungkal naman ang mga kuwento sa likod ng payong ni Lino,

ang payong na naging dahilan ng kuwento ni Celso, sa Ang Luma Kong Payong. Umusbong

naman ang pag-ibig sa Ang Dalaginding.

Banghay

Isa ring mahalagang bahagi ng maikling kuwento ang banghay. Nagpamalas na ang mga

naunang akda tulad ng Florante at Laura ng isang hindi linyar na banghay. Nakikita na sa mga

hindi linyar na banghay ang isang tinig na sumusubok umalala at hindi na ito ang pagsasalaysay

na ginagawa sa epiko o ilang kuwentong bayan. Ngunit karamihan pa rin sa mga kuwento ng

antolohiya ang sumusunod sa linyar na banghay kung saan higit na makikita ang pagdiin sa

halaga ng daloy ng panahon. Nagsimula sa pagbabalik-tanaw ang naging banghay ng O...Lalaki,

Naghintay at Umasa, Pamumunga ng Mangga, Ipinaghiganti ang Puri, at Pagsisisi. Ito ang

ilang mga kuwentong hindi linyar ang banghay at nagsisimula sa pag-alaala ng mga pangunahing

tauhan:

Resolusyon

Sa panahong kolonyal, hindi na lamang nauuwi sa pista o kasalan lamang ang mga

kuwento, „di tulad ng mga naunang epiko. Hindi nauwi sa masayang pagtatapos ang El

Filibusterismo ni Rizal. Gayon din naman ang pagtatapos ng Urbana at Feliza ni de Castro.

Bagamat masaya namang nagtapos ang mga awit at korido tulad ng Ibong Adarna at Florante at

Laura bunsod ng catharsis na madadala ng pagsasadula ng dalawa, lalo na iyong nahuli.

Makikita sa antolohiyang ito ang iba‟t ibang klase ng resolusyon.

18

Masayang resolusyon sa pamamagitan ng kasal o pagsasama ng mga tauhan

May mga kuwentong masaya pa rin naman ang pagtatapos bagamat dumaan sa mga

pagsubok ang mga tauhan. Nauwi ang ilan sa kasalan na matagal nang na-foreshadow ng

kuwento. Nakasal sa wakas sina Ramon at Angela sa Dakilang Kabayanihan at nalaman na rin

ang totoong naging pakay ni Arturo noong gabing iyon. Kinasal rin si Nelia kay Armando sa

Naghintay at Umasa. Ganoon din naman ang persona at si Slyvia sa Kawanggawa. Matapos din

ang impluwensiya ng mga magulang, ikinasal din sina Pablo at Luding sa Kung Magturo ang

Pag-ibig at sina Daniel at Leda sa Walang Maliw. Bagamat hindi kinasal, masasabi ring nabuhay

na nang maligaya sa kani-kanilang pagsasama sina Oscar at Gloria sa Sa Guhit ng Pinsel at sina

Ineng at ang binata sa Ang Dalaginding.

Napagtibay na samahan matapos ang unos sa resolusyon

May mga kuwento naman kung saan umikot ang banghay sa problemang namagitan sa

dalawang nagmamahalan. Sa huli, nagkasama rin sila nang higit na buo at matibay ang

pagmamahalan. Nawala na ang gunam-gunam ni Didang kay Alfredo at nangakong „di na

lilisanin ang asawang peryodista sa Kulang sa Dilig. Bumawi naman si Delfin sa lahat ng pasakit

na idinulot niya kay Elang sa O…Lalaki! kung saan nailigtas niya ang kanilang anak at si Elang.

Nagawa naman sa wakas ni Cristina ng Damdaming May Kamandag na ilabas ang saloobin kay

Ramon at doon napagtibay na mahal talaga siya ng asawa. Nalampasan naman ni Noemi ang

pagsubok ng mga magulang ng asawang si Dan sa Aloha!. Nagkita naman sa wakas sa Roma

sina Oscar at Gloria sa Sa Guhit ng Pinsel. Nangako naman si Gloria ng Masaklap na Tagumpay

na hindi na muling magtataksil nang mahuli siya ng nanay ng kaniyang asawa.

Masaklap na pagtatapos

Masaya man ang mga naunang resolusyon, may mga kuwento namang nagpamalas ng

pagkagapo ng mga tauhan sa kani-kanilang hinaharap na tunggalian. Namatay ang mag-anak ni

19

Felipe sa Hikbi sa Karimlan, at namatay naman si Puranti sa Malupit na Kabihasanan. Bumalik

man si Remigio ng Ang Kaniyang Bantayog mula sa gera, nalaman din niyang ikakasal ang

minamahal sa kaniyang matalik na kaibigan kaya nagpakalayu-layo nang hindi man lamang

napag-alaman ng bayan na nabuhay pala siya. Hindi naman naligtas si Kapitan Pedro ng Irog,

Maligtas Ka Rin, at namatay siya, ang kaniyang asawa, at ang kaniyan tagapaghatid ng balita

samantalang nakikipaglaban para sa gera. Umuwi namang bangkay si Menandro sa araw ng

kaniyang pangako kay Adelia sa Pamumunga ng Mangga. Tuluyan namang walang mauwian si

Mameng nang manggaling sa katotohanan ng Maynila sa Pagsisisi.

Mahinahong Pagtatapos

Mayroon namang mga kuwentong napatos nang hindi naglalarawan ng pawang

kasaganahan sa tema ng pag-ibig o pagkabigo. May mga kuwento kung saan naharap ng mga

tauhan ang kani-kanilang tunggalian at iyon na. Nagawa ni Armandong sundin ang kaniyang

budhi sa Bulong ng Budhi. Nalaman naman ni Celso ang halaga ng kaniyang binaling payong ni

Lino, ang payong na naging dahilan ng kaniyang pag-iwan sa asawang si Doring sa Ang Luma

Kong Payong.

Bukas na kuwento

Kung naisara ng mga kuwentong nabanggit sa itaas ang kani-kanilang mga kuwento, may

mga kuwento namang nananatiling bukas. Hindi pa sila natatapos at hinahayaan ang mambabasa

na mag-speculate sa maaaring kahinatnan ng kuwento. Hindi natin alam kung ano na ang

nangyari kay Tasio at Nene sa Kristal na Tubig. Nabitin din ang kuwento ni Miss Dela Cruz sa

palimbagan sa Isang Dayuhan. Naiwan ding nakabinbin ang kaso ni Puring sa Ipinaghiganti ang

Puri. Hindi rin ipinakita ang nangyari sa buhay ni Eliseo at Josefina sa Hinakdal!.

20

Sa pangkalahatan makikita na namamayani pa rin ang masasayang resolusyon sa mga

kuwento. Kakaunti lamang ang mga neutral na pagtatapos, kung saan sapat nang matagumpay na

kinaharap ng mga tauhan ang kani-kanilang tunggalian. Kakaunti lang din ang mga naiwang

bukas. Makikita rito na mabenta ang moda ng romantisismo sa panahong ito at masasabing tila

hindi ito nagbago sa kasalukuyan kung saan hindi maaaring magtapos ang mga telenovela nang

bitin. Tila bahagi na ng kontemporanyong kamalayan ang mga resolusyong katulad ng mga

epiko – nauuwi sa happily ever after o isang buhay na lubos na maligaya.

Kultural na dimensiyon

Mula sa mga naging paghimay ng ilang elementong pormal, makikita sa mga kuwento

ang isang larawan ng lipunang kanilang kinagagalawan. At mula rin sa mga salik ng lipunan

makikita ang iba‟t ibang salik na bumubuo sa identidad17

kung saan nagsisilbing structure ang

lipunan at agency ang tauhan. Para kay Tolentino, ang uring namamayani, lahi at etnisidad, at

ang pagpapahalaga sa kasarian ang mga salik na bumubuo sa identidad. Sa ganitong perspektiba,

palaging may namamayani at may naiisantabi.Kung gayon, ang tinitingnan ng perspektibang ito

kung may sapat na kakayahan ng isang tauhan na buuin ang kaniyang sarili.

Sa antolohiya, makikita na matindi ang dibisyon ng lupa at dibisyon ng paggawa. May

mga nagmamay-ari ng lupa sa anyo ng mga Don samantalang may nanatili pa ring mga

magsasaka katulad nina Felipe at Doro. Sa lungsod naman, mayroong mga mangagawa ngunit

mayroon pa ring mga mangangalakal na may hawak sa mga puwersa ng paggawa. Sa kabila nito

makikita rin ang pag-usbong ng isang bagong gitnang uri sa pamamagitan ng mga propesyunal

katulad ng mga abugado at mga doctor, peryodista at mga nars, at marami pang iba. Naipakita sa

mga kuwentong katulad ng O…Lalaki! ang kapangyarihan ng isang Don at naipakita naman sa

17

Ibid, p. 261.

21

Hikbi sa Karimlan ang kahirapan ng buhay-magsasaka. Sa ganitong salik, makikita na hindi lang

naman pag-ibig ang kinakaharap ng mga tauhan. Kinakailangan din nila ng mapagkukunan ng

ikabubuhay nila ngunit hindi patas ang oportunidad. Sa isang pagbasa mula sa daluyong ng

teorya ni Marx, kung hindi mainam ang kalagayang ekonomikal at pisikal ng isang tao, ano pang

kalayaan o pag-ibig ang mapag-uusapan.

Nagkaroon din ng kulay ang mga tao at ng kamalayan sa iba‟t ibang “lahi”. Nagkaroon

ng distinksyon sa mga Igorote. Pumasok na rin ang kamalayan hinggil sa mga Amerikano ang

kaibahan ng kanilang itsura sa isang “Filipino” bagamat hindi ipinakita ang tahasang pagkakaiba

nila sa nibel ng phenotype. Mayroon na ring konsepto ng mga Hawaiian. Hindi sapat ang mga

impormasyon upang sabihin na inferior ang kayumanggi sa puti sa kabila ng pagpapahalaga sa

kaputian sa kontemporanyong panahon. Nananatiling nakatali ang lahi sa pinanggalingang bayan

sa pinakamalaking sakop nito, kung saan maaaring tumukoy ang bayan sa simpleng nayon o sa

bansa mismo. Maaaring sabihin na mula sa antolohiya na hindi hadlang ang lahi o etnisidad sa

pagkamit ng “kaunlaran”. Nagawa nga ni Pad-leng na makapag-aral sa Maynila, at nagawa

ngang manalo ni Oscar sa Roma.

Makikita rin ang magkaibang pagpapahalaga sa mga lalaki at babae. May mga lalaking

maginoo ngunit may mga lalaki rin namang hindi mapag-aruga sa mga babae. Sa parehong

pagkakataon, nadidiin ang kapangyarihan ng lalaki sa babae, kung saan nagagawang idikta ng

lalaki ang magiging takbo ng buhay o maging dahilan ng malaking pagbabago sa buhay ng

babae. Maginoo man ang mga lalaking tulad ni Alfredo sa Kulang sa Dilig siya pa rin ang

inuwian ni Didang, at tila si Didang pa ang dapat na higit na umintindi sa career ng asawa. Si

Ramon naman ng Hiram na Alahas ang nagtuwid kay Didang. Para sa mga lalaking tulad nina

Delfin ng O…Lalaki!, Adolfo ng Ipinaghiganti ang Puri, at ni Eliseo ng Hinakdal! naging

22

masalimuot ang buhay ng mga babae kanilang nakadaupang-palad. Namatay pa nga si Itsay ng

Hikbi sa Karimlan dahil sa mga naging desisyon ni Felipe. Kailangan pa ng babae na maghintay

na sumpungan sila ng pansin at magmamahal katulad ni Nelia ng Naghintay at Umasa, at ni

Cristina ng Damdaming may Kamandag.

Sinusugan ito ng pagtingin sa mga babae na kailangan silang bantayan at ituwid sa

landas. Katulad nito sina Titay ng Hiram na Alahas, Gloria ng Masaklap na Tagumpay, at

Mameng ng Pagsisisi. Ngunit may ilang babae naman ang nagpakita ng kanilang kakayahang

ituwid ang buhay ng mga lalaki, katulad nina Slyvia ng Kawanggawa at ni Gloria ng Sa Guhit ng

Pinsel. Sa ganitong talab, masasabi na hindi lahat ng babae ang may kakayahan na idikta ang

kanilang buhay sa panahong ito. Makikita na may double-standard kung saan dapat isa siyang

masunurin na ilaw ng tahanan, at bawas-bawasan ang pakikipag-lipunan. Ayos lang sa lalaki na

maki-apid ngunit hindi ito maganda para sa mga kababaihan. Maaaring sabihin na nananatili pa

rin ang pananaw na ito hanggang sa kasalukuyan.

Makikita sa pangkalahatan na bahagi ng kultura ng panahong pinagmulan ng antolohiya

ang mga nasabing dibisyon sa lipunan. Tatalakayin ito sa susunod na bahagi.

Kaligirang Sosyo-historikal

Sa ating pagbasa ng panitikan, maaaring isakuwadro ang akda batay sa kalagayang

sosyo-historikal na nilalahad nito o isakuwadro sa kalagayang sosyo-historikal sa panahong

binabasa ito18

. Higit na pagtutuonan ng pagsusuring ito ang kalagayang sosyo-historikal na

kalagayang inilalahad ng antolohiya upang makita kung anu-ano kaya ang naging mga salik na

bumuo sa mga elementong formal at sa mga kultural na dimensiyong sinuri sa naunang bahagi.

18

Ibid. 260.

23

Hindi tinanggap nang matiwasay ang pagdating ng mga Amerikano19

kaya may iilan

pang mga akda ang sumasalamin sa naganap na resistance na manipis na dahil sa huli nitong

pakikibaka laban sa mga Espanyol. Ngunit hindi napigilan ang pagdating ng mga Amerikano at

nagpatuloy ang kanilang mga polisiya sa bansa. Isang halimbawa nito ang Payne-Aldrich Act ng

1909, kung saan malaya nang makakapasok ang mga produktong Amerikano20

. Nakita na ni

Quezon na hindi makatutulong ang free trade na magsusulong lang ng ika-uunlad ng kalakalan

ng abaka, at pangangalagaan ang muling binuhay na kalakalan ng asukal at tobako21

. Para sa

kaniya, pangangalagaan lamang nito ang interes ng mga mayayamang may hawak ng mga

naturang produkto at magkakaroon ng pag-depende ng ekonomiya ng Pilipinas sa Amerika dahil

sa naturang Export Oriented Industrialisation.

Itong pagkatali ng mga puwersa ng produksyong sa mga piling tao ang naging dahilan

para sa mga Don at sa mga mayayamang mangangalakal. Ito rin ang naging dahilan kung bakit

hindi mainam ang kalagayan ng nayon sa panahong ito. Kaya hindi kataka-takang maghahanap

nga si Felipe sa Hikbi ng Karimlan na makatakas sa kaniyang pinagtatrabahuan. Naging huwaran

naman ang homesteads ng Amerika para masolusyonan ang problema sa lupa22

ngunit nakita

natin na hindi naman ito madali kaya nga hindi ito nagtagumpay. Sa kabilang banda, sa

pamamagitan din ng pagkakatali ng ekonomiya ng Pilipinas, pumasok ang mga teknolohiyang

Amerikano at sinasalamin ito ng pagbanggit sa pabrika at mga gawain sa sektor ng industriya.

Sa kabila nito, ang mapagpalubag-loob na mga polisiya ng namamayaning Nacionalista

Party ay isang praktikal na paraang upang dahan-dahang isulong ang kalayaan ng Pilipinas23

.

19 Ibid., 267-283. 20 Milagros Guerrero, ed., Under Stars and Stripes (Asia Publishing Company Limited, 1998) 21 Ibid., 115. 22 Ronald Dolan, ed., Philippines: A Country (Washington: GPO for the Library of Congress, 1991). 23

Milagros Guerrero, ed., Under Stars and Stripes (Asia Publishing Company Limited, 1998).

24

Nagkaroon ngayon, sa tulong ni Quezon, ng malayang pahayagan, mga paaralan, mga eleksyon

at mga batas, upang ihanda ang Pilipinas sa independensiya24

. Ito ang naglaan ng espasyo para sa

bagong gitnang uri na naka-angkla sa mga trabaho tulad ng pagiging peryodista, nars, atbp. At

dahil kasama rin sa isinusulong ang edukasyon, nilika ang Unibersidad ng Pilipinas25

para

palawakin ang sistema ng edukasyon. Ito ang naging dahilan kung bakit nabanggit na ang

Unibersidad ng Pilipinas sa Malupit na Kabihasnan.

Kasangkapat ng pagsulong ng edukasyon ang naging eksposisyon ng St. Louis kung saan

itinampok ang iba‟t ibang etnisidad sa Pilipinas26

. Itong kamalayang ito ang maaaring naging

impetus sa pagsulat hinggil sa mga Igorote sa Malupit na Kabihasnan. Ngunit, masasabi na wala

namang matingkad na pagdiin sa etnisidad kaya maaaring sinasalamin ng mga kuwento ang pag-

kondena ng mga Pilipino sa nangyaring eksposisyon kahit na nasa isang mataas na pagkakataon

ang lipunan sa panahong ito na magtanggi ng tao batay sa kulay ng balat.

Wala namang naging restriksyon sa pagpunta ng mga Pilipino sa Amerika. Bilang mga

manggagawa sa mga taniman ng asukal sa Hawaii noong una, nakapasok ang maraming Pilipino

sa Amerika27

. Ito ang naging lunsaran ng mga kuwentong tumatalakay sa ibang bansa.

Malamang na nanggaling ang konsepto ng sining sa Roma hindi lamang mula sa Amerikano

bagkus mula sa matagal nang pagkakakabit ng kasaysayan ng Pilipinas sa Kanluran.

Bahagi rin ng pananakop ng Amerikano ang pagpasok ng kanilang mga kaugalian.

Mahalaga rito ang mga pagpasok ng pagtitipon ng lipunan28

na dinaluhan ng mga babae ngunit

24 Ibid., 292. 25 Ibid., 234. 26 Ibid., 229. 27 Ibid., 294. 28

Ibid.

25

ipinakita na hindi ito katanggap-tanggap sa panahong ito dahil sa naidudulot nitong pagbabago

sa mga babae (na tila kumakapit na sa mga bagay na pinapahalagahan ng mga Amerikano).

Sa pangkalahatan, sapagkat hindi naman naging maganda ang ekonomiya ng Pilipinas sa

naunang mga taon ng pananakop nito, ang panahong sinilayan ng mga akda sa antolohiya, hindi

maikakaila kung bakit ganoon ang pagtingin sa nayon na walang pag-asa sa kamay ng mga

monopolista, sa lungsod na batbat ng mga impluwensiyang Amerikano lalo na ang liberalism sa

pakikipagtalik at ang naging bunga nitong mababang pagpapahalaga sa kasal bagamat

inilarawang higit na problema sa lungsod ang mga mismong tao. Hindi rin maikakaila na

kinailangan ng ilang tauhan na maghanap ng ibang lugar. Kung hindi man dito sa Pilipinas, baka

sa Amerika mismo.

At sa isang perspektibong cultural materialist kung saan hinuhubog ng mga puwersa ng

produksyon ang pagpapahalaga sa kasarian29

, hawak ng kalalakihan ang kapital sa umusbong na

kapitalismo ng Pilipinas. Lalaki ang may hawak ng politika. Lalaki ang may hawak ng mga

negosyo. Kapag sinipat ang aklat ng kasaysayan, larawan ng mga lalaki at ang kanilang

nagbabagong damit batay sa kanilang apilyasyon ang makikita. Kaya hindi nakapagtataka na sa

panahong ito, malakas ang lalaki. Sinasalamin ito ng antolohiya.

Paglalagom

Sa pangkalahatan, sinundan ng panunuring ito ang mga minumungkahing perspektiba ni

Tolentino sa pagtingin sa maiikling kuwento, maliban sa estetika at pag-memeron sapagkat hindi

na ito kakasya pa sa pagsusuring ito. Inisa-isa ang mga formal na element at nakita ang

implikasyon ng ito sa dibuho ng sarili batay sa kaligirang sosyo-historikal na sinasalamin naman

29

Marvin Harris and Orna Johnson, Cultural Anthropology (6th Edition), 7 ed. (Boston: Allyn & Bacon, 2003).

26

nang maigi ng mga akda. Tapos na ang realismo ng rebolusyonaryong panitikan. At ang

kalayaan, at ang pasakit ng kalayaang ito, bagamat limitado pa rin ng kolonyal na administrasyon

ang tila naging dahilan sa pagkiling sa moda ng romantisismo na nagbigay ng saglit na

paghulagpos sa panahong masyado nang masakit maging sunud-sunuran na lamang. Ang mga

bagong imahen ng mga tao, ng bayan kung saan walang pag-asa ang nayon at mahirap naman

makisalamuha sa Maynila, baka nga sa ibang bansa ang pag-unlad. Ilang taon na ang nakalipas

ngunit ang ganitong sensibilidad ay hindi pa rin nagbabago sa kamalayan ng nakararami. Hindi

pa rin nakakawala ang kontemporanyong Pilipino sa tunggalian ng tao sa tao at ang moda ng

realismong umaakibat sa tunggalian ng tao sa sarili o sa kapaligiran ang tila hindi kayang

malunok ng “masa”. Sinasalamin ng antolohiyang ito ang mga pagbabagong ito ng siglo,

pagbabagong tumatak na sa kontemporanyong panahon, sa kontemporanyong panitikang

Pilipino. Aab na ang mga pagbabagong ito sa ating kolektibong gunita.

27

Talaan

Abueg, Efren R., Simplicio P. Bisa, and Emerlinda G. Cruz. Talindaw: Kasaysayan ng Panitikan

sa Pilipino para sa Kolehiyo at Unibersidad. Manila: Merriam & Webster, Inc., 1981.

Añonuevo, Roberto T. "Pagdarang sa mga Kuwentong Ginto: Pagpapakilala sa Bagong

Edisyon." In 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista, edited by Pedrito Reyes.

Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 2003.

Bustamante, Miguel Lucio. Si Tandang Basio Macunat - salitang quinatha ni Fray Miguel Lucio

y Bustamante. Edited by Virgilio S. Almario. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino,

Sistemang Unibersidad ng Pilipinas, at National Commission for Culture and the Arts,

1996.

Dolan, Ronald, ed. Philippine: A country study. Washington: GPO for the Library of Congress,

1991.

Guerrero, Milagros C. Under stars and stripes. Vol. 6, in Kasaysayan: the story of the Filipino

people, edited by Raymundo S. Punongbayan. Asia Publishing Company Limited, 1998.

Harris, Marvin, and Orna Johnson. Cultural Anthropology. 6th Edition. Boston: Allyn and

Bacon, 2003.

Lachica, Veneranda Santos. Literaturang Filipino. Pasig City: Academic Publishing

Corporation, 1996.

Reyes, Pedrito, ed. 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista. Vol. I. 2 vols. Quezon City:

Ateneo de Manila University Press, 2003.

Tolentino, Rolando B. "Ang Kuwento: Introduksyon." In Paano Magbasa ng Panitikang

Filipino: Mga Babasahing Pangkolehiyo, edited by Bienvenido Lumbera, Joi Barrios,

Rolando B. Tolentino, & Rene O. Villanueva. Quezon City: University of the Philippines

Press, 2000.

28

APPENDIKS – BUOD NG MGA KUWENTO

Dakilang Kabayanihan

Inako ni Angela ang ginawang pakikipagtipan ni Laura kay Arturo sa kanilang bahay

nang minsang napa-aga ang uwi ni Don Matias, ama ni Angela sa pag-aakalang inaahas ni

Arturo si Monang, ang batang asawa ni Don Matias. Inako ito upang hindi atakihin sa puso si

Don Matias kung sakali mang kinakalaguyo ni Monang si Arturo. Si Ramon lamang ang

nakaalam ng dahilan ni Angela ngayong ikinasal na sila.

Kulang sa Dilig

Pinaghihinalaan ni Didang ang pag-uwi ni Alfredo, ang kaniyang asawa, nang gabi na

mula sa kaniyang trabaho sa peryodiko. Dahan-dahan nang nawawalan ng panahon si Alfredo sa

kaniya, taliwas sa matamis nilang pag-iibigan noon pang nililigawan siya sa ospital kung saan

nagsisilbing nars si Didang. Minsang tumatawag si Didang sa peryodiko ngunit sinasabing naka-

alis na si Alfredo ngunit sa kalaliman na ng gabi kung maka-uwi. Nabuhay ang kutob na ito nang

minsang inabot nang 4am si Alfredo na agad na bumulagta sa kama upang matulog. Sa bulsa,

isang papel ang may nakasulat na Nora Clarin, Dormitoryo ng San Juan, 11p.m. Naging mitsa

ito ng pag-alis ni Didang sa bahay at bumalik sa ospital upang magsilbi bilang nars nang walang

bayad nang sa parehong araw, may isinugod sa ospital bunsod sa pagkakabaril ng isang rebolber

– si Alfredo. At doon natalastas ng mga kasamahan sa peryodiko ang ginagawang pagtitiktik ni

Alfredo sa kaso ni Nora Clarin nang mapalaya mula sa hostage.

Hikbi sa Karimlan

Nagpasyang lisanin ni Felipe ang nayon nila. Kasama si Itsay, nais niyang bumuo ng

isang homestead sa Mindanao sa kabila ng hindi-pagsang-ayon ni Doro, kapatid ni Felipe.

29

Sapagkat buong-buo na ang pasya ni Felipe, lumisan sila papuntang Maynila kung saan hindi

naglaon, nakarating sa Mindanao. Kinailangan nilang linisin ang kagubatan upang kanilang

maging taniman. Sapagkat malayo sa kabihasnan at tanging si Itsay ang nakatutulong kay Felipe,

nalaglag ang bata sa sinapupunan ni Itsay. Nanghina si Itsay at tinamaan ng matinding lagnat.

Hinihintay na lamang ni Felipe ang aanihin nang mapagamot si Itsay ngunit hindi na umabot pa

si Itsay bunsod sa malaria. Dalawa na ang puntod sa tabi ng kaniyang kubo. Pagdating ng

anihan,binenta niya ito ang bumalik sa kinayunan. Bukas-palad naman siyang tinanggap ng

butihing kapatid na si Doro.

Malupit na Kabihasnan

Sa pag-aaral ni Pad-leng sa Kamaynilaan, nahiwalay siya sa iniirog na si Puranti.

Nalulong si Pad-leng, isang Igorot, sa kaniyang mga tagumpay sa unibersidad sa puntong hindi

niya tinumbasan ang huling pagsipat ni Itsay sa natitirang damdamin ng lalaking ngayong

tinatawag nang si Raul Del Monte. Ang maliit na bugkos ng everlasting ay hindi tinumbasan ni

Raul na agad ding nagpakasal kay Rita Miraflor. Papanain na ni Puranti si Pad-leng nang

magbalik sila ni Rita sa kabundukan para sa mga serbisyong medikal. Ngunit nahulog sa gilid ng

kabundukan si Puranti na parang bato.

Bulong ng Budhi

Pagkakataon na ni Armando. Maipaghihiganti na niya ang sarili mula kay Delfin, ang

lalaking umagaw sa kaniyang pinipitagang si Amelia na mayroon nang dalawang supling kay

Delfin. Naki-usap si Amelia, alang-alang sa kaniyang dalawang anak. Binubulungan siya ng

kaniyang budhi na alalahanin ang naturang mga bata na walang kinalaman sa kaniyang

paghihiganti. Datapwat tinutukoy ng kaniyang panunuri na si Delfin nga ang nagkasalang

mameke ng pirma ni Don Segismundo, ibinalik ni Armando ang dalawang daang libong

30

magiging sahod niya sana, at sinabi sa lahat na hindi nameke ng pirma si Delfin. Tumugon siya

sa kaniyang budhi na sinunod niya ang kaniyang tungkulin.

Kristal na Tubig

Inaaruga ni Tasio ang anak ng kaniyang minamahal na si Ninay. Kalapating-mababa ang

lipad ni Ninay ngunit tinanggap pa rin siya ni Tasio ngunit pumanaw rin si Ninay sa

pagkakasilang kay Nene. Inaaruga ni Tasio si Nene nang may pasubaling iyon din ang gagawin

ni Ninay kung nabubuhay pa siya. Ngunit nang minsang napasuri si Tasio hinggil sa lumalalang

kalagayan ng kaniyang baga, napagtanto niyang iilang buwan na lamang ang natitira sa kaniyang

buhay. Paano na si Nene? Hinanap niya ng matutuluyan si Nene ngunit sino ba ang tatanggap sa

pagsusumamo ng tulad niyang umibig sa isang puta at nagpapalaki ng anak ng isang puta? Nang

minsang namamangkang muli sina Tasio at Nene, napagtanto niyang katulad ng kristal na tubig

ang dignidad ni Nene. Hindi siya dapat mahiya na ilapit sa mga kanayon sa lugar.

O...Lalaki!

Nahulog ang loob ni Elang kay Delfin matapos na bisi-bisitahin ni Delfin ang babaeng

natalamsikan ng putik mula sa kaniyang auto kahit na hindi ito gusto ng kaniyang ama. Nahulog

naman si Elang kay Delfin na noon pala‟y pamilyado na kay Carmen. Nagpalaya naman si Elang

para sa dalawang bunso ni Delfin kay Carmen at bumalik sa nayon upang sapitin ang masamang

balita ng pagkamatay ng kaniyang ama. Nakituloy siya sa kapatid na si Monang at doon isinilang

si Erning, ang anak ni Delfin kay Elang. Nang minsang nagkasakit si Erning, ginawa ni Elang

ang lahat upang makalikom ng panggamot hanggang sa nawalan siya ng magagawa kundi ang

humiram kay Don Tomas Salvdor. Ngunit hindi nais pasinayaan ni Elang ang hinihinging kapalit

ni Don Tomas para sa ibibigay nitong limampung piso kahit na sampung piso lamang ang

hinihingi mula sa tusong Don. Ninakaw ni Elang ang salapi at hinatulan sa korte ng sino pa

31

kundi ang lalaking naging dahilan ng lahat, si Delfin. Nang aminin na ni Elang mula sa pag-

uusig ang kaniyang kasalanan, nasentensiyahan na si Elang. Ngunit sa mismong gabing iyon,

itinakas ni Delfin si Elang, sinabing namatay na si Carmen mula sa panganganak dalawang taon

na ang nakalilipas at hiniling ni Carmen kay Delfin na paligayahin si Elang. Naghihintay na sa

bahay ni Delfin sina Monang at ang magaling-galing nang si Erning.

Hiram na Alahas

Tumaas ang sahod ni Ramon ngunit mukhang hindi pa rin ito makasasapat sa luho ni

Cristeta o Titay na mahilig makisayaw at makidalo sa mga piging ng mga lipunan at wala noon

upang marinig ang mabuting balita ni Ramon. Isinalaysay na lamang ni Ramon sa kaniyang ina

ang mabuting balita ngunit pinaalalahan siya ng kaniyang ina sa kakulangan ni Titay sa pag-

aaruga sa kanilang mga anak. Nang minsang magkaroon ng malaking piging, humiling si Titay

kay Ramon na maghanap ng bagong alahas. Maagang umalis sa trabaho si Ramon upang

maghanap ng alahas ngunit nauwi rin sa kaibigang si Guido na nagpakita ng mga alahas mula sa

P950 hanggang sa P25000. Isinalaysay ni Ramon ang kaniyang dinadalamhati sa asawa at

ipinahiram ang isang alahas nagkakahalagang P25000. Ipinagamit ito ni Ramon kay Titay nang

kinabukasan, matapos ang piging, nawawala ang alahas. Nagkasundong babayaran ni Ramon ng

P150 si Guido buwan-buwan sapagkat kasya naman ang P100. Noong una, matamlay si Titay at

tanging ang nawalang alahas ang nasasaisip. Sa tulong ng ina, naaliw si Titay hanggang sa

malimutan ang nawala at naituwid ang sarili sa pagiging mabuting ina. Matapos ang ilang taon,

nagkaroon ng hapunan kasama si Guido kung saan tinalastas ni Guido na siya mismo ang

kumuha ng alahas noong gabing nawala ito. Ang paghuhulog ni Ramon ng P150 di-umano para

sa nawala ay napunta sa isang bangko. Ibinalik na ni Guido ang lahat ng naimpok ni Ramon.

32

Ang Kaniyang Bantayog

Ipinaghiwalay ng digmaan ang noo‟y ikakasal na si Remigio at Dorina. Sasama si

Remigio sa digmaan datapwat ayaw ni Dorina. Naghintay siya ng maraming taon kasama ang

asong si Sultan na iniwan ni Remigio sa kaniya. Ngunit minsang umuwi si Ernesto at nagbabalita

sa masamang sinapit ni Remigio sa digmaan. Hindi naglaon, naramdaman ni Dorina na

kailangan niyang suklian ang pagmamahal ni Ernesto, ang minsang manliligaw ngunit kaibigang

matalik ni Remigio na noo‟y nagwagi sa kaniyang puso. Ipinatayo ang isang bantayog para sa

alaala ni Remigio at nakita ito ni Remigio nang siya‟y magbalik. Ninais niyang sugurin ang

bahay nina Dorina ngunit ang balita ng nalalapit nitong kasal ang pumigil sa kaniya at

nagpakalayu-layo kasama si Sultan.

Naghintay at Umasa

Takigrapa si Nelia sa bupete ni Armando. Ihahatid sa araw na iyon ni Armando pauwi si

Nelia nang maaksidente. Binista si Armando ni Cristina. Magpapakasal sila ni Cristina.

Magpupulot-gata. Nawawala sa isip si Armando kapag nagdidikta kay Nelia. Namatay si Cristina

sa sakit sa puso. Ang dating malungkuting Nelia ay naging masiyahin. Naging sila ni Armando.

Irog, Maligtas Ka Rin

Sumugod si Kapitan Pedro sa laban sa kabila ng sakit ng kaniyang asawa. At datapwat

binalitaan na siya na namatay na ang kabiyak, patuloy siyang nakikipaglaban, animo‟y walang

naririnig. Namatay rin siya.

Isang Dayuhan

Pakiramdam ni Miss de la Cruz, tubong Bulakan, na tinititigan siya ng mga tao sa

Pinoy‟s Inn. Sinundan siya palabas ni Mr. Martin, tubong Rizal, ang editor na kaniyang pinalitan

33

sa palimbagan sapagkat hindi matatas managalog si Mr. Martin na napaghihinalaang hindi

Filipino. Humiling si Mr. Martin ng kaunting trabaho nang matuto kay Miss de la Cruz.

Damdaming May Kamandag

Namatay si Claudia, asawa ni Ramon Moreno, sa pagsilang ng kanilang anak. Hindi

naglaon, matapos ang hinagpis, nakapagpakasal muli si Ramon kay Cristina, isang babaeng

nakita ni Ramon sa kaniyang pamimintuho sa mga lugar-lugar. Umiikot ang kuwento sa

paninibugho at hinagpis ni Cristina na nagmumula sa tikatik ng alaala ni Claudia sa bahay na

iyon. Nang minsang hindi na napigil ni Cristina ang natuksong Ramon na umuuwi na ng gabi,

nabulalas niyang hindi na siya at higit namang pinatunayan ni Ramon na siya‟y nagkakamali.

Pamumunga ng Mangga

Hinihintay ni Adelia ang pagbabalik ni Menandro mula sa minahan sa Benguet. Kahit na

nakasasapat na ang pagsasaka, ninanais ni Menandro na lumuwas sa Benguet nang mabigyan ang

buhay nila ni Adelia ng higit na kasaganahan kahit na hindi ito sinasang-ayunan. Nangako si

Menandro na babalik pagkabunga ng puno ng manggang malapit sa kanilang bahay. At

naghintay nga si Adelia hangga‟t ang sinapitang bulaklak ng mangga ay naging mahihinog na

bunga. Dumating nga si Menandro, alinsunod sa kanilang usapan, bilang isang bangkay.

Aloha!

Nasusubok si Dan Merton ng kataga ni Runyard Kipling hinggil sa paghihiwalay ng

kanluran at silangan. Inimbitahan ang nasabing puti upang magsalita sa harap ng mga wahini.

Dito niya nakilala si Noemi, ang kaniyang naging asawa. Binantaan si Dan ng kaniyang ama na

huwag dalhin si Noemi sa kanilang tahanan ngunit nagpatuloy si Dan. Doon sa tahanan ipinakita

34

ng mga magulang ni Dan ang kasalaulaan ng kanilang kultura. Binigyan si Noemi ng salapi

upang lisanin na ang buhay ni Dan ngunit hindi niya tinanggap, bagkus, nagbihis Hawaiian at

ipinakita ang alindog ng isang Aloha. Nagsamang maigi sina Dan at Noemi.

Ipinaghiganti ang Puri

Walang makapagsabi bakit pinatay ni Purificacion si Adolfo, isang mayaman. Hindi

maaaring away politiko ang sanhi. Kaya naman ang nakapinid na kuwento ni Puring ang naging

dahilan upang makiusisa ang marami. Sa kaniyang salaysay sa araw ng kaniyang paglilitis,

isinalaysay niya kung paano siya sinamahan ni Adolfo paikot sa Escolta at napadaan sa tindahan

ng orasan. Maya-maya, pinagkamalan nanakaw ni Puring ang isang mamahaling orasan kaya

nagpatawag ng pulisya at abogado at doon nakituloy kina Adolfo. Pinangakuan ni Adolfo ng

kasal si Puring ngunit nagpakasal si Adolfo sa kaniyang ka-uri sa lipunan. Ito ang dahilan ng

lahat.

Sa guhit ng pinsel

Nangako na pakakasalan ni Oscar si Gloria matapos siyang magbalik at manalo sa Belle

Artes na paligsahan ng pagpipinta. Nanalo si Oscar ngunit sa kaniyang pag-uwi, misteryosong

nawala si Gloria. Ginugol ni Oscar ang hinagpis sa pagpipinta at nang muling imbitahin ng Belle

Artes, naalukan ng isang pag-aaral sa ibang bansa sa pagsuporta ni Don Morgan. Nag-aral maigi

si Oscar hanggang sa pinasali ng Don sa Casa D‟Arte sa Roma. Doon nagwagi siya sa pagguhit

ng mukha ni Gloria na doon mismo niya muling nakita, ang anak ni Don Morgan na ninasang

makamit ni Oscar ang kaniyang pinakamalalayong mga pangarap.

35

Pagsisisi

Inaruga nina Mang Pedro at Aling Lilay si Carmen (Mameng) na naulila na sa mga

magulang. Lumaki si Carmen na mabait ngunit isang araw ay nagtanan kasama ni Armando.

Pamilyado na pala si Armando. Hindi na muling tatanggapin nina Mang Pedro at Aling Lilay si

Mameng sa kanilang tahanan.

Masaklap na Tagumpay

Nagsusumikap si Dr. Marcelo upang muling makakita ang kaniyang ina. SIya ang

tanging anak. At dahil sa pagiging busy ni Marcelo, hindi na niya naasikaso si Gloria sa

kaniyang mga pagdalo sa lipunan. Pinasasama niya si Gloria sa pinsang si Adolfo. Naghintay si

Marcelo sa gamot na ipinatak sa mata. Hanggang nang makakita na ang kaniyang nanay, nakita

niya ang pagtataksil ni Gloria. Narinig ni Marcelo ang pagpapalayas ng kaniyang nanay kay

Gloria na nag-akalang bulag ang nanay ni Marcelo. Tinago ng ina ang luha at sinabing luha iyon

ng kasiyahan at siya‟y nakakakita na at ikinubli na lamang ang pagkakasala ni Gloria nang

mangakong hindi na muling gagawin ang kasalanan. Tinanong ni Marcelo kung ano iyon ngunit

pinili ng kaniyang nanay na panatilihing masaya ang araw ng tagumpay ng Doktor.

Kawanggawa

Ulila na ang persona. Hindi niya alam kung saan siya mamamalagi. Nagtrabaho siya sa

pagawaan ngunit natanggal kasama ng iba. Nakasagasa at nakulong dahil sa pagmamaneho ng

automobil. Hindi niya kinayang mabansagang tamad kahit na mahirap ang trabaho sa kainan.

Ano pa ang gagawin niyang isang ulila na walang salapi. Pagbalik sa lalawigan, isinalaysay ni

Tandang Berto na nagmana siya ng malaking pera. Niwaldas ito ng persona sa Maynila sa bar ni

Sylvia, isang kaibigan sa kabataan. Kasama niya si Sylvia sa sayawan sa kabaret, atbp.

Hanggang sa naubos ang pera ng persona. Hinanap niya si Sylvia. Hinahanap pala siya ni Sylvia

36

at isinauli ang pera ng persona na kinukuha niyang paunti-unti sa persona nang maibalik ito at

nang magamit nang tama. Nagpakasal sila at naging maligaya.

Ang Luma Kong Payong

Binali ni Celso ang dalang lumang payong ni Lino. Ikinagalit ni Lino ang ginawa ni

Celso at nasuntok niya ito. Nang magkabati, nagsama-sama ang magkakaibigan sa opisina upang

uminom ng serbesa at doon nagbahaginan ng kani-kanilang kuwento. Isinalaysay ni Celso na una

niyang napakasalan ang isang matanda na nag-angat sa kaniya mula sa kalagayang aba. Nang

mamatay, nakahanap si Celso ng isang mas batang babae. Umiyak na si Celso at hindi na

ipinagpatuloy. Isinalaysay naman ni Lino kung bakit mahalaga ang payong na iyon. Noong isang

araw, nakisukob kasi ang isang babae na kagagaling lamang sa sakit. Nang makatila-tila

pupuntahan pala nung babae ang asawa sa bapor. Sumakay sila sa kalesa at naunang bumaba si

Lino sa kaniyang opisina. Nagpalitan sila ng pangalan at address. Kinabukasan isinalaysay nung

babae na pinaghinalaan pala silang dalawa ng kaniyang asawa kaya paguwi niya matapos ang

matagal na pagiikot, pagkain sa labas, at pamimili ng maibibigay sa asawa, ay nawalan na ng

gamit ang bahay. Namatay ang babae sa panganganak at inampon nina Lino ang batang lalaki. Si

Doring pala ang babaeng tinutukoy ni Celso.

Kung Magturo ang Pag-ibig

Noong una, ayaw ni D. Mariano kay Pablo, ang minamahal ni Luding (kaniyang anak) na

kalaban niya sa politika. Matapos makita kung paano magsalita nang walang habas si Pablo sa

isang pagpupulong, inatasan niyang huwag nang ibigin pa ang tulad ni Pablo na tila‟y walang

magulang. SInunod ito ni Luding sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang liham kay Pablo.

Napagmuni-muni si Pablo at nagbago naman sa pamamaraan ng pagsasalita na nagpamalas ng

kaniyang galing bilang abogado. Narinig ito ni D. Mariano at nagbago ang isip hinggil kay Pablo

37

at pilit nang ipinapaibig kay Luding na siya namang natanggap na ang dating loob ng ama.

Nagtanan sina Luding at Pablo at dumating matapos ang isang liham ni Teray. Doon nakita ni D.

Mariano na si Pablo ang pinili ni Luding.

Hinakdal!

Pinalaki ni Pastor Paglinawan ang anak na si Eliseo bilang isang butihing lalaking

susunod sa kaniyang yapak. Napalibot-libo si Eliseo upang ipahayag ang kaniyang teolohiya.

Ngunit minsan siyang nagtapat na may inibig siyang mananayaw samantalang nasa Maynila

siya. Ngunit hindi ito pinayagan ni Pastor Paglinawan. Samantalang patapos na siya sa

napakagandang homilya sa Biyernes Santos, nasok ang isang babaeng may kargang sanggol,

naghihinagpis at humihingi rin ng hustisiyang ipinapangako ng homilya, at ang sanggol na ito ay

anak ni Eliseo sa mananayaw na si Josefina.

Walang Maliw

Anak ni Don Juanito at Donya Minggay si Leda. Napansin nilang pala-labas si Leda kay

Daniel – isang gawaing ikinagalit ni Don Juanito nang mapansin himuhigit na ito. Mula sa

usapan nina Leda at Daniel, ang mangangalakal, hindi na maipagpapatuloy ang dating sistema

upang makita rin si Ramon, isang dukha. Nagtanan sina Ramon at Leda. Pinakiusapan ni Don

Juanito si Daniel na hanapin si Leda ngunit ang nahanap ni Daniel ay si Ramon. Hindi pala

ibinigay ni Leda ang kaniyang oo sa kasal kay Ramon. Hinanap ni Daniel si Leda sa dormitoryo

ng Santa Escolastica kung saan ang nag-aakalang binisita ni Ramon ay binisita pala ni Daniel,

ang tunay niyang iniibig. Nagpakasal sila at doon pala noong ikakasal na sina Leda at Ramon

napagtanto niyang tunay niyang iniibig si Daniel.

38

Ang Dalaginding

Nahumaling ang binata sa sampagita ni Irene kaya araw-araw niyang pinapakyaw ang

tinda nito. Nagtatanong-tanong ang dalaginding sa kaniyang ina hinggil sa nararamdaman ng

isang nagtitinda sa kaniyang mamimili at kung ganoon din ang nararamdaman nung ina noong

hindi pa sila noong kaniyang ama. Hanggang sa sinabi ng binata na iniibig niya si Irene at

sumama na si Ineng sa binata.