Edukasyon sa Pagpapakatao

12
City of Good Character DISCIPLINE GOOD TASTE • EXCELLENCE May-akda: Marah-Vida S. Codon Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan 5 Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan - Modyul 1 Mapanuring Pag-iisip, Taglay Ko! Department of Education National Capital Region SCHOOLS DIVISION OFFICE MARIKINA CITY

Transcript of Edukasyon sa Pagpapakatao

City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

May-akda: Marah-Vida S. Codon

Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan

5 Edukasyon sa Pagpapakatao

Unang Markahan - Modyul 1

Mapanuring Pag-iisip, Taglay Ko!

Department of Education

National Capital Region

SCHOOLS DIVISION OFFICE

MARIKINA CITY

1 City of Good Character

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

Pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

• Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng pagsusuri sa mga: ➢ balitang napakinggan

➢ patalastas na nabasa/narinig ➢ napanood na programang pantelebisyon

➢ nabasa sa internet

Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at bilugan

ang titik ng pinakatamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tumutugon sa mapanuring pag-iisip?

A. Naiisa-isa mo ang mga tuntunin sa pakikinig sa radyo. B. Nababasa mo ang isang balita tungkol sa ekonomiya ng Pilipinas.

C. Naisasagawa mo nang sunod-sunod ang mga pamantayan sa tamang pagbabasa ng libro.

D. Naipaliliwanag mo nang maayos at may kumpletong detalye ang

tungkol sa COVID-19 pandemic.

Bilang panimula, sagutan mo nang may katapatan ang pagsusulit sa ibaba na susukat sa iyong kaalaman bago pag-

aralan ang modyul na ito.

Ang modyul na ito ay inihanda para sa iyo. Layunin nito ay

matulungan kang malinang ang pagkakaroon ng mapanuring pag-iisip. Ang nilalaman o kasanayan ng aralin ay magagamit sa

iyong pang-araw-araw na gawain tulad ng pagbabasa, pakikinig

o panonood.

Alamin

Subukin

2 City of Good Character

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

2. Sino sa mga batang ito ang nagpakita ng pagiging mapanuri? A. Lahat ng nababasa ni Ana sa internet ay kaniyang pinaniniwalaan.

B. Bago maniwala sa balita, inaalam muna ni Alma kung totoo ito o hindi. C. Ikinakalat ni Gene ang anumang usapan nila ng kaniyang kaibigan

kapag hindi niya ito kaharap. D. Isinusumbong agad ni Raffy sa kanilang guro ang mga kaklaseng sa

tingin niya ay nangongopya tuwing may pagsusulit.

3. Bakit mahalaga sa isang batang tulad mo ang laging mapanuri sa iyong nababasa, naririnig o napanonood? A. Upang umunlad ang buhay mo

B. Upang dumami ang iyong mga kaibigan C. Upang maging maayos ang pakikitungo mo sa kapwa

D. Upang tamang impormasyon ang makalap at matutuhan

4. Alin sa mga sumusunod ang HINDI makatutulong para malinang ang pagiging mapanuri? A. Ang natatanggap na impormasyon ay sinusuring mabuti kung tama at

totoo. B. Hinihingi ang opinyon ng mga magulang, guro o mga taong

mapagkakatiwalaan. C. Ang sariling kagustuhan ang ginagawang batayan sa pagpili ng

babasahin, pakikinggan o panonoorin. D. Ang mga binabasa, pinakikinggan o pinanonood ay nagdaragdag ng

kaalaman at naghahatid ng magandang aral.

5. May mga nagsasabing may COVID-19 ang isang pamilya sa inyong lugar.

Ano ang dapat mong gawin? A. Maniniwala agad sa nasagap na balita.

B. Maghihintay ng totoong balita mula sa kinauukulan. C. Ipagkakalat sa iba para iwasan ang pakikisalamuha sa kanila. D. Ipagwawalang-bahala ang naririnig na balita dahil malayo naman ito

sa inyo.

Mapanuring Pag-iisip, Taglay Ko!

Ano-ano ang maaari nating pagkunan ng mga impormasyon? Tukuyin at

isulat sa patlang ang ngalan ng mga ito.

1) 2) 3)

_________________ _________________ _________________

3 City of Good Character

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

4) 5) 6)

_________________ _________________ _________________

Naghahatid ang mga ito ng maraming kaalaman, balita, patalastas at

iba pang impormasyon. Malaki ang naitutulong nito sa atin subalit maaari

ding magdulot ng kapahamakan kung hindi tayo magiging mapanuri sa

paggamit sa mga ito.

Isulat ang iyong sagot sa graphic organizer na ito.

mapanuri

Noong nakaraang taon, pinag-aralan na ninyo ang tungkol sa

pagiging mapanuri. Ano-ano ang mga salitang iyong natatandaan na may kinalaman o maaaring maiugnay sa

salitang mapanuri?

Balikan

4 City of Good Character

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1) Ano ang ginawa ni Victor nang makatanggap siya ng tawag na naaksidente

ang kanyang magulang? ________________________________________________

________________________________________________________________________

2) Naipakita ba ni Victor ang paggamit ng mapanuring pag-iisip sa sitwasyon

sa kuwento? Patunayan. _______________________________________________

________________________________________________________________________

3) Ano kaya ang maaaring nangyari kung hindi gumamit ng mapanuring pag-

iisip si Victor? __________________________________________________________

________________________________________________________________________

Nasa bahay ang magkapatid na sina Victor at Becky nang biglang may tumawag sa telepono. Sinabihan si Victor ng kanyang Ate Becky na siya na ang sumagot nito. Nabigla siya nang sabihin ng kausap niya sa

kabilang linya na naaksidente ang kanilang mga magulang at kailangang dalhin sa ospital. Nagtaka siya dahil katatawag lang ng kanyang ina at

nagsabi na pauwi na. Kaagad niyang ibinaba ang telepono dahil hindi siya naniniwala sa sinasabi ng kausap at naisip niyang nanloloko lang

ito. Sinabi niya sa kanyang ate ang detalye ng usapan nila. Kapwa sila hindi makapaniwala sa natanggap na balitang natanggap at narinig sa

kausap sa telepono.

Maya-maya pa ay may kumatok sa pinto. Nang buksan nila ito, bumungad ang kanilang Mommy at Daddy na maraming dalang pinamili

sa palengke. Ikinuwento ni Victor ang tungkol sa tawag sa telepono na hindi niya agad pinaniwalaan. Hinangaan si Victor ng kanyang Mommy

sa kanyang ginawa.

(Hango sa kuwentong “Mag-ingat sa Pakikipag-usap”)

Ngayon naman ay ihanda mo ang iyong sarili sa pagbabasa

ng kuwento. Unawain ito at alamin kung paano ipinakita ng

tauhan ang pagiging mapanuri.

Tuklasin

5 City of Good Character

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

4) Kung mahaharap ka sa sitwasyong tulad ng kay Victor, gagawin mo rin ba

ang ginawa niya? Ipaliwanag. ___________________________________________

________________________________________________________________________

5) Mahalaga ba ang paggamit ng mapanuring pag-iisip? Bakit?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Ang mga ito ang dahilan kung bakit dapat malinang ng isang kabataang tulad mo ang pahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan ng masusing pagsusuri sa iyong mga nababasa, naririnig, o napanonood. Ang mga

sumusunod na hakbang ay makatutulong sa iyo kung paano ito gagawin:

⮚ Suriing mabuti ang impormasyon kung ito ay tama o mali. Huwag

madaling maniwala.

⮚ Sumangguni sa guro, magulang o mga taong mapagkakatiwalaan.

⮚ Piliin ang mga babasahin, pakikinggan o panonoorin na angkop sa iyong edad. Sa panonood ng mga pelikula o programa sa telebisyon, mahalagang sundin ang ginawang pag-uuri ng Movie and Television Review and

Classification Board o MTRCB.

⮚ Siguraduhing madaragdagan nito ang iyong kaalaman tungkol sa iyong aralin at sa mga nangyayari sa loob at labas ng bansa tulad ng

pandemyang COVID-19.

Mayroong mga anunsiyo o patalastas na lubhang kaakit-

kaakit o kapani-paniwala. May mga pelikula o programa sa

radyo at telebisyon na nagtataglay ng karahasan, kalaswaan

o kasamaan. May mga nababasa sa mga libro, dyaryo,

magasin o internet na hindi tama ang impormasyon. May mga

nabubuksan ding website kahit hindi pa angkop sa iyong edad

ang nilalaman nito.

May maidaragdag ka pa ba kung paano ito gagawin? Maaari kang

magtanong sa iyong magulang o nakatatandang kasapi ng pamilya na kasama mo ngayon sa inyong tahanan.

Suriin

6 City of Good Character

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung ang pahayag ay nagsasaad ng paggamit

ng mapanuring pag-iisip at ekis (X) naman kung hindi.

____1. Nagbabasa, nakikinig o nanonood ng balita upang malaman ang mga

nangyayari sa loob at labas ng bansa

____2. Naniniwala agad sa mga nababasa o napanonood na patalastas

____3. Nakikinig ng programa sa radyo tungkol sa makabuluhang gawain

____4. Inilalaan ang mahabang oras sa online games kaysa mag-aral ng mga

aralin.

____5. Gumagamit ng iba’t ibang sanggunian upang makakuha ng maraming

impormasyon tungkol sa inyong paksa sa tuwing may pag-uulat ang

inyong pangkat.

Ngayon naman ay maghanap ka ng balita sa dyaryo, magasin o internet tungkol sa pandemyang COVID-19. Idikit o kopyahin

mo ito sa kahon sa ibaba. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan sa susunod na pahina.

Kumusta? Taglay mo na ba ang mapanuring kaisipan? Halina’t magsanay ka pa.

Pagyamanin

7 City of Good Character

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

Ano ang iyong impormasyon na

nakuha mula sa

balita?

Tama ba o mali ang

impormasyon na iyong nakuha

mula sa balita?

Patunayan kung paano naging tama o mali ang

impormasyon na iyong nakuha

mula sa balita.

Ano ang iyong

ginawa upang masiguro na

tama o mali ang impormasyong

nakuha sa

balita?

❖ Masusing pinag-iisipan ang mga impormasyong natatanggap ng taong may mapanuring pag-iisip. Naniniwala siyang hindi lahat ng kanyang nababasa, naririnig, o napanonood ay tama at totoo. Sa pamamagitan nito,

naipakikita niya ang pagpapahalaga sa katotohanan.

Ano ang natutuhan mo sa aralin? Basahin at unawain ang nakatala sa ibaba. Pagkatapos, bigkasin mo ito nang

malakas sa harap ng iyong pamilya.

Isaisip

8 City of Good Character

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

Unawain ang mga sumusunod na sitwasyon at ipaliwanag kung ano ang iyong nararapat gawin gamit ang iyong mapanuring pag-iisip. Isulat ang sagot

sa patlang.

1) Nanonood kayo sa Youtube nang biglang may lumabas na maselang

eksena na hindi angkop sa inyong edad.

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

2) Balak ng iyong pinsan na bumili ng cellphone. May nabasa kang hindi magandang komento tungkol sa tatak ng cellphone na gustong niyang

bilhin. ________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

3) May kumatok sa inyong bahay at nagsabi na pinakukuha ng nanay o tatay

mo ang perang nakatago sa inyong aparador. ________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

4) Mahilig kang magbasa ng mga aklat tungkol sa kasaysayan ng ating

bansa. May nabasa ka sa ibang aklat tungkol sa isang paksa na salungat

sa nakasaad sa aklat na ginagamit ninyo sa paaralan.

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

5) May nag-alok sa inyong pamilya ng gamot para daw maiwasan ang sakit

dulot ng COVID-19.

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Ang mga pinag-aaralan mo sa asignaturang ito ay mahalagang iyong maisabuhay. Lagi mo itong gawin hanggang maging bahagi ng iyong pang-araw-araw na

pamumuhay.

Isagawa

9 City of Good Character

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

Tukuyin kung nagpapahayag ng paggamit ng mapanuring pag-iisip ang mga

sitwasyon. Isulat ang Opo o Hindi po sa patlang.

__________1. Pinag-aaralan ang idudulot sa iyong sarili at pamilya ng mga nababasa,

napakikinggan, o napanonood.

__________2. Pinahahalagahan ang mga telenobela o teleserye kaysa sa mga balita.

__________3. Kinikilatis munang mabuti ang isang produkto na nakita sa patalastas

bago bumili o gumamit nito.

__________4. Mas nasisiyahan sa mga awiting uso ngayon kahit hindi maganda ang

isinasaad nito.

__________5. Naniniwala ka na ang lahat ng nababasa sa internet ay nakasasama

kaya hindi ka gumagamit nito.

______________________________________

Lagda ng Magulang/Tagapag-alaga

Bilang pagtatapos, sukatin mo ang antas ng iyong pagkatuto sa pamamagitan ng pagsagot sa pagsusulit sa ibaba. Pagbutihin mo. Kaya mo yan!

Ngayong batid mo na ang pagpapahalaga sa katotohanan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mapanuring kaisipan, itala mo sa kuwaderno sa ibaba kung paano mo ito nailapat sa pang-araw-araw na gawain. Pagkatapos ay papirmahan mo ito sa iyong magulang o tagapag-alaga.

Araw

Gawain sa pang- araw araw na nagpapakita ng

pagpapahalaga sa katotohanan sa pamamagitan ng

pagkakaroon ng mapanuring kaisipan

Linggo

Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Tayahin

Karagdagang Gawain

10 City of Good Character

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

Natapos mo na ang unang modyul. Binabati kita!

Ylarde, Zenaida., at Gloria Peralta. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon

5. Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016.

Mga Larawan:

➢ https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Female-

speaker/73093.html ➢ https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Newspaper-vector-

icon/75638.html

➢ https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Pony-desktop-computer-configuration-vector-clip-art/21959.html

➢ https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Glossy-TV-vector-clip-at/25724.html

➢ https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Stack-of-newspapers/35707.html

➢ https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Vector-

scroll/1593.html ➢ https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Shaking-hands-

illustration/71028.html

Sanggunian

City of Good Character

DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Marah-Vida S. Codon (Guro, Sto. Nino Elementary School)

Mga Tagasuri:

Aizaleen M. Garchitorena (Principal, Malanday Elementary School)

Elena M. Santos (Principal, San Roque Elementary School)

Tagasuri - Panloob: Leilani N. Villanueva (Superbisor sa EsP) Tagasuri- Panlabas:

Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Guro, Jesus Dela Pena NHS)

Tagapamahala:

Sheryll T. Gayola Pangalawang Tagapamanihala

Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza Hepe – Curriculum Implementation Division

Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero

Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City Email Address: [email protected]

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 8682-2472 / 8682-3989