Diwang Mapanghimagsik sa Panitikan

50
Republika ng Pilipinas Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas PAARALANG GRADWADO MASTER NG SINING SA FILIPINO Sta. Mesa, Maynila DIWANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKAN Iniharap kay Prop. Rogelio Ordonez Guro Bilang kahingian sa asignaturang Panitikang Mapanghimagsik MAF 504 NI Nimpha Landicho Gonzaga

Transcript of Diwang Mapanghimagsik sa Panitikan

Republika ng PilipinasPoliteknikong Unibersidad ng Pilipinas

PAARALANG GRADWADOMASTER NG SINING SA FILIPINO

Sta. Mesa, Maynila

DIWANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKAN

Iniharap kay Prop. Rogelio OrdonezGuro

Bilang kahingian sa asignaturangPanitikang Mapanghimagsik

MAF 504

NI

Nimpha Landicho Gonzaga

MAF-1

Hulyo, 2014

Republika ng PilipinasPoliteknikong Unibersidad ng Pilipinas

PAARALANG GRADWADOMASTER NG SINING SA FILIPINO

Sta. Mesa, Maynila

PAMAGAT: DIWANG MAPANGHIMAGSIK SA PANITIKAN

MANUNURI: NIMPHA LANDICHO GONZAGA

KURSO: MASTER NG SINING SA FILIPINO

URING PAMPANITIKAN PAMAGAT NG MGA KATHA MAY-AKDA

Sanaysay Si Rizal At Ang Sinasabing Halaw Ni Pedro C. Cruz Katamaran Ng Mga Pilipino

Tula Ibig KongMakita Benigno R. Ramos

Tula Sa Pagkamatay Ng Isang Newsboy Lamberto Antonio

Maikling Kwento AMBO Wilfredo Pa. Virtusio

Introduksyon

Paano nga ba ang panitikan ay maging interpretasyon

ng realidad at pagpapahayag ng may diwang naghihimagsik?

Maraming manunulat na ang nagtatangkang imulat ang mga

tao sa katotohanan na laganap na nangyayari ngayon sa

ating lipunan at upang patunayan na ang panitikan ay

salamin ng buhay. Sa pagpapahayag ng mga hinaing at

maalab na damdamin upang makatulong na gisingin at

mamulat sa pamamagitan ng akdang pampanitikan.

Katulad na lamang ng mga nobela na naisulat ni Dr.

Jose Rizal, ang Noli Me Tangere (1887) at El

Filibusterismo (1891) na hindi lamang akdang

pampanitikan kundi bilang dokumentong historikal na

nagmistulang makapangyarihang konsensiya upang mapukaw

ang kamalayan ng mga Pilipino sa hindi makataong

pamamalakad ng mga Kastila. Ang mga akdang pampanitikan

na kapupulutan ng mga kaalaman at kaisipan hinggil sa

kasaysayan at lipunan.

Tuwirang tumutuligsa at naghihimagsik sa umiiral na

pamumuno sa ating bansa, mga kasaysayang pampanitikan sa

panahon ng pananakop ng Kastila na karamihan sa mga

panitikang nalikha ay may diwang rebolusyonaryo at

nagbukas sa kamalayang Pilipino sa hindi makataong

pagtrato sa kanila ng mga Kastila at nag-uudyok na

kalabanin ang pamahalaan. Dahil sa labis na pang-aalipin at

pang-aalispusta at masidhing diskriminasyon ng mga Kastila

sa mga Pilipino; nagsilunsad ng mga kilusan ang iilang

Pilipinong hindi na sumasang-ayon sa pamamalakad ng mga

prayle at pamahalaang Kastila. Nagsisulat ang mga Pilipino

sa panahong ito ng mg a panitikang nagrerebolusyon.

Dahil sa mahigpit ang pamahalaan, nagsitago ang

mga manunulat sa ilalim ng ibat- ibang sagisag-panulat

upang maprotektahan ng mga sarili laban sa mapang-

alipustahang Kastila at upang patuloy na makasulat. Sa

panahon ng Propaganda, maraming mga nasulat na panitikan

sa wikang Tagalog. Ang mga ito ay sanaysay, tula,

kuwento, liham at mga talumpati na hitik sa damdaming

bayan. Napatatag ang Katipunan, isinulat nila ang

Kartilya ng Katipunan sa wikang Tagalog.

Sa pagpapahayag ng kanilang mga hinaing at ng

kanilang maalab na damdaming bayan, maraming tula at

sanaysay ang naisulat na siyang nakatulong upang

magising ang damdaming bayan at sumilang ang

nasyonalismo. Pagkatapos ng matagal-tagal nang panahon

ng pananakop ng mga Kastila, unti-unti na ring namulat

ang isipan at damdaming bayan ng mga Pilipino. Maging

hanggang sa kasalukuyan maraming manunulat ang

nagtatangkang imulat ang mga mambabasa sa kabulukan ng

sistema sa ating pamahalaan at lipunang ginagalawan.

Uring Pampanitikan

Ang mga akdang pampanitikan na tatalakayin nitong

papel ay sanaysay, tula at maikling kwento. Sa maanyong

sanaysay, karaniwang inaakay ng manunulat ang mambabasa

sa malalim na pag-iisip, pinapalakbay ang guni-guni sa

tulong ng matipunong kuro at magagandang pananalita.

Seryoso sa pagtalakay ang may-akda. Hindi nagpapaliguy-

ligoy, tuwiran ang kanyang pahayag, hindi nagbibiro

bagaman at maaring magpasaring o mangutya. Supil o

kontrolado ang emosyon ng may-akda. Binibigyang-diin ang

katotohanan, tahas ang tono at malinaw ang estruktura.

Palibhasa ay may layuning magpaliwanag, humimok, o

magturo, kaya ang paglinang ng tema ay sa pamamagitan ng

lohikal na kaayusan na malimit ay sinusuportahan ng mga

patotoo. Dito umiikot ang tema ng Si Rizal at Ang

Sinasabing Katamaran Ng Mga Pilipino, sanaysay na

hinalaw ni Pedro C. Cruz na siyang tugon ng ating

bayaning si Dr. Jose Rizal na nalathala sa La

Solidaridad.

Ang tula ay pagpapahayag nang matapat na

katotohanan na pinatinig at pinatingkad ng pananaw at

pandama ng makata. Ang mga taludtod ay hindi pumpon

lamang ng mga salita kundi manapa’y salamin ng

pansariling daigdig at ng mga karanasan, mithiin,

adhikain, at kapalaran ng tao sa kanyang paligid.

Gumagalugad sa katotohanan at kahiwagan ng buhay,

hinahabi ng guni-guni at ipinapahayag sa piling-piling

salita. Layunin ng mga may-akda ng Ibig Kong Makita at

Sa Pagkamatay ng Newsboy na hindi maglarawan lamang

kundi gumamit ng mga manuring ulirat at ituon ito sa “sa

mga bagay na nagaganap.” Sa madaling salita, pinag-iisa

ng makata ang anyo at laman ng tula tungo sa matalas at

kritikal na paglalantad ng mga realidad sa buhay na

karaniwang natatago sa paningin ng karaniwang mambabasa.

Ang maikling kwento ang pinakamaunlad na sangay ng

panitikan sa Pilipinas. Ito ay maituturing na mayabong

na punongkahoy na marami at malalim ang mga ugat. Ang

maikling kwento ay tinatawag ding maikling katha. Sangay

ito ng salaysay na may isang kakintalan. May sariling

katangian kabilang na dito ang mga sumusunod: 1 isang

madulang bahagi ng buhay ang tinatalakay; 2isang

pangunahing tauhang may mahalagang suliranin; 3isang

mahalagang tagpo; 4mabilis na pagtaas ng kawilihan

hanggang sa kasukdulan na medaling sinusundan ng wakas;

at 5iisang kakintalan. Ang maikling kwentong “Ambo” na isinulat ng batikang manunulat na si Wilfredo Pa.

Virtusio ay may malaking impluwensya sa moralidad ng

isang tao at sa ating lipunan. Ang lipunang

kinabibilangan ng mga tauhan ay nangyayari sa tunay na

buhay ng lipunan natin sa kasalukuyan. Maliwanag na

naipakita ang uri ng lipunang ginagalawan ng mga tauhan.

Naniniwala ang mga manunulat na tungkulin ng

panitikan na magmulat sa mga mamamayan tungkol sa

kalagayan ng lipunan sa ilalaim ng sistemang marahas at

mapaniil. Sa pamamagitan ng estratehiyang pampanitikan,

nakalikha sila ng mga larawan ---makukulay at

matatapat---ng tagisan ng pwersa sa kasaysayan na

karaniwang humahantong sa malalagim na wakas---

paghihirap at kamatayan para sa uring api. Ang mambabasa

ay kailangang imulat sa mga kontradiksyon ng lipunan; sa

madaling salita, pumasok ang publiko bilang mga taong

kailangang gisingin sa kanilang kalagayang api.

Malakas ang paniniwala na ang panitikan ay salamin

o repleksyon ng buhay; kung malalim ang pagkakabaon ng

akda sa ganitong paniniwala, higit ang kahusayan nito

kaysa akdang walang pagtatakdang maging salamin ng mga

kontradiksyon sa lipunan.

Sanaysay Na Mapanghimagsik

Ang pinaghalawan lathalain sa La Solidaridad ay

siyang tugon ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal sa

tuligsa ng mga Kastila sa sinasabing katamaran ng mga

Pilipino. Isang lagom sa Tagalog ng sanaysay na “La

Indolencia de los Filipinos,” na nalathala sa La

Solidaridad mula noong Hulyo 15 hanggang Setyembre 15,

1890. Hindi tinutulan ni Dr. Jose Rizal sa kaniyang

sanaysay manapa’y inamin nga niya ang pag-aangkin ng

katamaran ng kaniyang mga kababayan at nagbigay siya ng

mga matuwid kung bakit ang mga Pilipino ay masasabi

ngang tamad.

SI RIZAL AT ANG SINASABING KATAMARAN NG MGA PILIPINOHalaw ni Pedro C. Cruz

Kung walang paturuan at laya ang isang lupain ay hindi magkakaroon ngpagbabagong anuman, walang paraang magagawa upang magdulot ng

pinakamimithing bunga.

Naakala kong isang mabuting patakaran ng isang bansang umiibig sa bayan ang paggunita kung di man ang pagbuhay sa lahat ng mabubuting binhi, aral at simulain ng kanyang mga bayani. Ang Martir ng Bagumbayan ay dinadakila, pinupuri at halos sinasamba ng sambayanang Pilipino dahil sa kanyang kagitingan at malaking pag-ibig sa tinubuan, kaya’t hindi magiging kalabisan,

manapa’y lalong angkop na halawin ang isa sa kanyang mgasinulat ukol sa isang paksang di iilang panahong pinag-uukulan ng pansin at pagkukuro ng ating mga palasuri at palaaral.

Ang tinutukoy ko’y ang kanyang mga lathalain sa La Solidarida, at ang mga nakabasa ay yaong marurunong lamang ng wikang kastila noong may mahigit sa isang saling-lahing nakaraan. At sapagkat ang paksang kanyang pinag-uukulan ng kuro ay mahalaga sa kasaysayan ng lahi,minarapat naming bumanggit nang pahapyaw sa makatwirang paninindigan ng bayani sa nasabing paksa.

May palagay ang ating bayaning Rizal na lahat ng pagtuligsa sa sinasabing katamaran ng mga Pilipino ay anak lamang ng masamang pagpapalagay , maling pagkakilala, kasahulan ng sariling kuro, kakapusan ng pagmamatwid, kaamangmangan sa nakalipas, at iba pa. sinasabi niyang ang pagtuligsa ay nag-ugat sa mga narinig lamang ng mga sumusulat at sa hilig na pagpapasama gayon din sa masamang kaugalian ng ilan na ipalagay na mabuti ang ganang kanila at masama ang sa iba.

Nguni’t ang ating bayani, palasuri sa kabuhayan ng mga tao,bayan at lahi, gumagamit ng salaming walang kulay, may panukat na di maraya kundi bagkus naglalantadng katotohanan, walang pangiming magsabi ng matwid at bukas ang puso at isipan sa paglalahad ng kanyang kuro ay nagpaliwanag sa isang paraang kasiya-siya.

Hindi niya itinakwil na may matatagpuang katamaransa mga Pilipino. Ipinahayag niyang sa pagsusuri sa lahat ng tao at sa lahat “naming kakilala simula sa kabataan ay nababakas ang isang katamaran.” Gayon man, gaya ng katotohanang walang nangyayaring di may dahilan , hindi walang sanhi ang gayong ugali ng mga kababayan natin.

Ang pangunahing sanhi, aniya, ay nag-ugat sa hilig dahil sa di nagbabagong takbo ng panahon.

Bilang isang paghahambing ay kanyang sinabi, “Ang mainit na singaw ng panahonay pumipilit sa isang tao na manahimik at magpahinga, gaya rin ng pangyayaring ang lamigay nagtataboy sa tao upang gumawa at maging masigla. Dahil dito, ang Kastilaay lalong tamad kaysa Pranses; ang Pranses ay lalong tamad kaysa Aleman.” At ang kanyang dugtong: “Ang mga Europeo ring ito na labis-labis magparatang ng katamaran sa mga tao sa mga kolonya(at ang binabanggit niya’y hindi na ang mag Kastila kundi ang mga Aleman at Ingles ) ay paanong nangamumuhaysa mga bayang mainit ang singaw. Naliligid ng mga utusan, kailanman ay hindi sila naglakad kundi lulan ng mga sasakyan; at kinakailangan ang mga alila hindi lamamg upang mag-alis ng kanilang bota kundi upang sila’y abanikuhan o paypayan.

Anupa’t sa kanyang pansin, sila’y nabubuhay na sagana, kumakain ng mabuti, at gumagawa sa kanilang sariling kabutihan, samantalang ang mga Pilipino ay di man makatikim ng masarap na pagkain; walang inaasahan atgumagawa para sa iba, at gumagawang hirap at napipilitan.

Marahil, aniya pa, ay sasabihin ng mga puti na sila’y sadyang hindi hiyang sa panahon dito, ngunit iya’y isang pagkakamali, sapagka’t ang tao’y maaaring mabuhay sa alin mang singaw ng panahon. Ang pumapatay samga Europeo sa mga bayang mainit ay ang pagmamalabis sa alak, sapagka’t ibig nilang ugaliin sa ilalim ng ibang langitang pinagkaugalian nila sa kanila.

Ipinaliwanag ni Rizal na sa mga bansang mainit ang singaw ay hindi mabuti ang mahihirap na gawain, samantalang sa mga bayang malalamig, ang hindi pagkilos ay nangangahulugan ng paninigas sa lamg; ang hindi

paggawa ay kamatayan. Kaya naman ang Kalikasan na nakauunawang tulad ng isang makatarungang ina ay nagdulot ng matabang lupain bilang gantimpala, at ang pagbubungkal dito ng isang oras ay katumbas ng gawain saisang araw sa mga lupaing malalamig.

Gayon man ay sinabi niyang hindiligtas sa katamaranang mga Europeo. At ang kanyang tanong: “ Hindi ba natinnakikitang ang masiglang Europeo, yaong pinalakas ng taglamig, ay nagsisilisan sa kanyang gawain sa maikling panahon ng tag-init, at ipinipinid ang kanyang kamalig, at ginugugol nila ang kanilang panahon sa kasasalita at kakukumpas sa lilim, at tabi ng isang kainan, nagtutungosa mga paliguan at nag-uupuan at nag papalakad-lakad? Gaano pa sa mga bayang mainit na ang dugo ay pinasusubo ng walang hulaw na init ng Araw, at ang paggawa ay nakapanlalata sa pagod?”

Bukod diyan ay may mainam siyang banggit sa mga bagay na nasaksihan sa Maynila: “Sino ang tamad sa mga tanggapan sa Maynila, ang kawawang kawaning pumasok mulasa ika-8 ng umaga o ang umuuwi bago magtanghaling-tapat o ang walang ginawa kundi ang humitit, magkatang ng mga paa sa silya o sa mesa at makipag-usap sa kanyang mga kaibigan ukol sa kasamaan ng iba?”

Palibhasa’y isa siyang manggagamot at dalubhasa, inihambing ni Rizal ang kalagayan ng katamaang ipinararatang sa mga Pilipino sa isang maysakit, ngunit ipinakilalang ang pagkakasakit o ang paglubha ng karamdaman ay hindi dahil sa panghihina ng mga sangkap ng katawan kundi dahil sa masamang pagtingin ng manggagamot o ng pamahalaan. Gayon man, ang sisi ay ibinubunton sa balana at ayaw aminin ang sariling pananagutan.

“Ang katamaran ng mga Pilipino ay isang sakit na malubha nguni’t hindi minana.”

At ang ganyan pahayag ay pinatunayan niya sa pagsasabing ang libu-libong Pilipino, bago dumating ditoang mga Europeo ay may masiglang pakikipagkalakalan sa lahat ng bansang karatig gaya ng Tsina, Borneo, at Molukas. Ipinaliwanag niyang nang dumating dito si Pigafetta, kasama ni Magallanes sa unang pagdaong sa Samar, ay nakatugon sila roon ng mga kalakal, samantalang sa Butuan ay nasaksihang ang mga tao’y gumagamit ng mga damit na yari sa seda at mga balarawa may mahahabang pulugang ginto: Ang kanilang pangunahing kalakal ay bigas, dalanghita, limon at sagana sa kabuhayan sa kapuluan, maging sa Palawan, bukod sa ang lahat halos ay gumagawa sa kanilang sariling bukid.

Sinasabing limangpung taon bago dumating ang mga Kastila sa Luson, ang mga mamamayan dito ay nakauunawa na ng wikang Kastila. At ang ekspidisyon ni Legaspi sa Butuan ay nakatagpo ng mga mangangalakal na taga-Luson, may mga paraw na puno ng pagkit,kumot,porselana at iba pa, samantalang sa Sebu ay may saganang mina at sangkap na yari sag into,matao at laging dinadaungan ng mga sasakyang buhat sa Indiya. Nang sunugin ng mga Kastila ang mga kinabuhayang ikinaramay ng maraming kaluluwa, ang kapinsalaan ay madaling nalunasan ng saganang sangkap at ani sa mga pulong kanugnog.

Bilang pagpapatotoo sa lahat nang iyan ay kanyang tinukoy hindi lamang si Morga, hindi lamang si Chirino, kundi pati sina Colin, Argensola, Gaspar de San Agustin at iba pang nag-ukol ng pansin sa ating kalakal at kabuhayan nang mga panahong yaon.

Lumilitaw na ang mga Pilipino sa kabila ng singaw ng panahon, sa kabila ng kanilang kaunting pangangailangan (kakaunti noon kaysa ngayon) ay hindi mga tamad ng katulad ng mga Pilipino ngayon, at maging

ang moral at ugali ay hindi rin kagaya ng kanilang inaambil sa atin.

At ang mahalagang suliranin ay ito:Ano ang dahilan nakatulong sa pagkakatulog ng

nakamumuhing hilig na ito ng mga Pilipino? Bakit ang sambayanang Pilipinong dating maibigan sa kanilang kaugalian, ay tumalilis sa dating hilig sa paggawa, sa kalakalan at sa paglalakbay sa ibang bansa hanggang sa lubusang malibot ang kanyang kahapon?

“Ang ugat ng hilig na ito ngayon sa hindi paggawa ay ang kamatay-matay na dagok ng mga pangyayari, ang nabigong pagsisikap ng mga tao, ang kandungan at kamangmangan, mga maling simulain, at ibang bunga ng kapusukan, na humamon sa katamaran na nagimg malubha sapagka’t sa halip na lunasan sa pamamagitan ng katalinuhan, ng maingat napagbubulay-bulay at pagkilala sa kamaliang nagawa ng masamang pulitika, sa kabulagan at kapabayaan ay lalo’t lalong lumala hanggang sa kasalukuyang kalagayan.”

Sapagka’t dumating ang mga digma. Nagkaroon ng mga ligalig na bunga ng pagbabago ng

mga pangyayari. Maraming labanan ang kinasuungan. Nagkaroon ng mga patayan at paghihinalaan ukol sa paghihimagsik. At maidaragdag pa riyan ang panunulisan ni Limahong, at ang hindi matapos-tapos na pakikihamok na kumaladkad sa mga Pilipino upang ipagtanggol ang karangalan ng Espanya, at ang pagpapalawak ng kapangyarihan ng mga Kastila sa Borno, Molukas, Indo-China, at itaboy ang kalabangmga Olandes.

Sa dakong huli ng lathala ni Rizal ay sinasabing “gumagawa ang tao dahil sa isang layunin; alisin mo ang layuning iyan at siya’y mananatili sa hindi paggawa.” Idinugtong pa niyang “ ang pinakamasipag na tao sa daigdig ay maghahalukipkip ng kamay buhat sa sandaling

makilala niyang kabaliwan lamang ang gumagawa nang walang mapapakinabang, at ang bunga ng kanyang gawain aymagiging sanhi ng kanyang pagkasawi.”

Ang mga Pilipino, ayon sa bayani, ay nagsikap na ring magapi ang naghaharing katamaran, ngunit marami siyang kalaban at hindi siya nagtagumpay. Sinabi pa rin na sa isang tahanang naliligalig ay walang sinisisi kundi ang puno o ama ng tahanan. At sa kanyang halimbawa, ay ipinaliliwanag na ang isang taong walang laya sa paggawa ay walang pananagutan sa kanyang gawain,at sapagka’t ang Pilipino, sa pamamahala ng pamahalaang dayo ay walang laya, hindi sila masisisi kundi ang mga namamahala na rin Nagbigay pa nga ng masamang halimbawa ang pamahalaang nakasasakop, ayon kay Rizal, sapagkat sila’y naliligiranng mga utusan at inaaring hamak ang paggawa.

Hindi pa nasiyahan sa ganyang mga simulaing inihasik ay nagturo pa ng sugal, at ang sugal ay nakakapagpapatamad.

Paano maituturing na mapanghimagsik ang sanaysay na ito?

Sa kabuuan masasabi natin na hindi kinampihan o

binatikos ng may akda ang nasabing katamaran, bagkus

binigyan niya ng hustisya ang nasabing katangian sa

pamamagitan ng pagtitimbang ng mahahalagang bagay na

naka-impluwensya sa nasabing katamaran umano ng mga

Pilipino. Ito ay pagtuligsa at pambabatikos sa umiiral

na sistema sa panahon ni Dr. Jose Rizal.

Ang sikap at pagkukusa ay nawala sa mga Pilipino

dahil din sa kagagawan ng mga Kastila. Kinitil din ng

mga kastila ang pagmamahal ng mga Pilipino sa paggawa

dahil sa tinatawag na “forced labor”.

Dahil sa mga masasamang palakad ng pamahalaan,

tiwaling pagtuturo ng relihiyon at dahil sa ugali na rin

ng mga Kastila.Tiwali ang sistemang edukasyon, kung

mayroon mang edukasyon. Ang itinuturo sa mga paaralan ay

dasal at iba pang karunungang hindi magagamit ng

nagsisipag-aral. Walang kursong pang-agrikultura, pang-

industriya at iba pa, na lalong kailangan noon ng

Pilipinas. Laganap rin ng mga panahong ito ang

pagsusugal na kinahumalingan ng mga Pilipino. Inaasa na

lamang ng mga Pilipino ang kanilang kapalaran sa sugal.

Mataas ang buwis na ipinapataw sa mga Pilipino, kaya’t

ang kalakhan ng bahagi ng kanilang inaani ay sa

pamahalaan o sa mga prayle napupunta.

Ang pananakop at ilang mga kaguluhan na naganap sa

lipunan ang nagpalala sa kalagayan ng Pilipinas. Sinabi

ng mga Prayle na ang mga mahihirap ay may higit na

oportunidad na makaakyat sa langit. Dahil dito maraming

Pilipino ang naniniwala na hindi na nila kailangang

magkaroon ng ilang yaman mula sa pagtratrabaho dahil

hindi rin naman nila ito madadala sa langit Tinanggap na

ng mga Pilipino na sila ay nakababa sa mga kastila.

Bukod pa dito, hindi sila nabibigyan ng mga oportunidad

na tulad ng ibinibigay sa ibang lahi.

Gusto ng mga Pilipinong mag-aral, walang paaralan o

kung mayron ay kulang sa gamit at wastong salalayan ng

karunungan. Gusto ng mga Pilipinong magnegosyo, walang

puhunan at walang proteksiyon sa pamahalaan. Gusto ng

mga Pilipino na magbungkal ng lupa at magtayo ng

industriya, mataas naman ang buwis at nagsasamantala pa

ang mga pinunong bayan.

Bukod sa mga iyan, ang Pilipino’y hindi tumatanggap

ng karampatang halaga sa kanilang mga produkto, matapos

alipinin ang mga Pilipino, sila’y pinagagawa para sa

sarili nilang kapakinabangan, at ang iba nama’y

pinipilit na sa kanila ipagbili ang inaani o produkto sa

maliit na halaga at kung minsa’y wala pang bayad o

kaya’y dinadaya sa pamamagitan ng mga maling timbangan

at takalan.

Layunin ng sanaysay na ito na imulat ang mga

mambabasa at pagmunihan ang mga katibayang

pangkasaysayan na nagsasaad na hindi likas na tamad ang

mga Pilipino. Ang sabi nga ni Rizal “Ang katamaran ng

mga Pilipino ay sakit na malubha ngunit hindi minana.”

Ang kawalan ng diwa ng pagkakaisa ay sanhi rin ng

katamaran ng mga Pilipino.Walang pagkakaisa ang mga

mamamayan, wala silang lakas na hadlangan ang

mapaminsalang hakbang ng pamahalaan at iba pang puwersa

ng lipunan. Wala ring pagsusumigasig upang maisagawa ang

mga bagay na makapagpapaunlad sa nakakarami.

Tulang Mapanghimagsik: Ibig Kong Makita

Ang tulang"Ibig kong Makita" ni Benigno R. Ramos ay

sumasalamin sa suliranin ng ating lipunan laban sa

moralidad. Nagnanais itong makita ang magagandang asal

ng Pilipino, kailangan ng matalinong pagpasya na

itanghal ang kabutihan at itakwil ang kasamaan.

Pinatutunayan ng maraming kritiko na ang bawat pananaw

na ginagamit sa pagsusuri sa alin mang akda ay may

kakambal na pilosopiya sa buhay. Ito’y matatagpuan sa

pagpapahayag na ginagamitan ng kaisipang moral.

IBIG KONG MAKITA

Benigno R. Ramos

“Ibig kong Makita ang bayang dakilang pangarap niRizal, ang bayang may budhi at di natatakot sa dayuhan”.  Ibig kong Makita ang isang lalaki sa panunungkulan na nagkakasya na sa sweldong sa kanya'y kalood ng bayan; Ibig kong Makita ang isang pinunong maalam dumamay , katoto ng lahat at walang higanti sa kaaway;  Ibig kong Makita ang isang lalaki kung pulitiko man ay matuto sanang tumupad sa kanyang pangako't parangal; Ibig kong makita ang isang pangkating hindi manlilinlang at di uunahin ang sariling buti kahit magbulaan;  Ibig kong makita ang pamahalaang hindi nagbibigay ng p’westo kung hindi sa matatanda na at may kasanayan;  Ibig kong makitang mawala na rito ang Pulitikahan at nang hindi tayo laging nababagabag hanggang magpatayan;  Ibig kong makita ang unibersidad na tinuturuan ang magugulang na at di mga batang halos walang malay;  Ibig kong makita ang isang medikong kung nakararaan ng isang maysakit, kahit di tawagin, ay kusang aalay;  Ibig kong makita'y isang abogadong magiging tanggulan at di babaluktot dahil sa salapi at santong katwiran;  Ibig kong makita'y isang botikaryong hindi magpapalabnaw ng timpla ng gamot at di magdaraya sa hangad na yumaman;  Ibig kong makita ang kadalagahang mahinhin,

marangal, mapuri, marunong at sa wika natin ay sanay na sanay; Ibig kong makita ang kabinataang malakas, matapang, malaya, bihasa, at sasama agad kung maghimagsikan;  Ibig kong makita ang isang simbahang di mangangalakal sa ngalan ng Diyos at di sumisingil sa gawaing banal;  Ibig kong makita ang pagkakaroon ng gawaan ng awto at damit, baso at bubog, ng papel at pinggan;  Ibig kong makitang tayo ay marunong gumawa ng tanang kailangan natin at di tulad ngayong tagabili lamang;  Ibig kong makita'y mga Obreristang hindi salanggapang na kunwa ay lider ng mga Obrero bago'y tagasakal;  Ibig kong makita ang mga Obero ay matututo lamang kilanlin ang tigre at saka ang tupa sa mga balangay  Ibig kong makitang bawat mahirap ay may pahayagan at nang hindi bawat mandaraya'y pinaniniwalaan;  Ibig kong ating eskwela publika ay maging aralanng pagkamagiting at huwag lagi nang sayaw nang sayaw;  Ibig kong ang ating Nayo't Bukid ay may Paaralanna wala nang bayad at wala pang gugol sa mga … ambagan;  Ibig kong ang ating matatanda'y matutong magdasal sa sariling wika at nang matatalos ang ibig isaysay;  Ibig kong ang isang makata ay siyang maunang maunang gumalang ng kanyang salita at mga bisyo sana ay ilagan;  Ibig kong ang isang dalagang maganda'y ingatang nagpasyal sa awto ng isang lalaki at baka sa dulo ay

kulungan;  Ibig kong ang isang tao ay umibig ng di lalakipan ng masamang hangad na masamantala ang kasuyonghirang;  Ibig kong makita ang mga binatang hindi nanliligaw dahil lang sa pilak ng isang babae na tinatapatan;  Ibig kong makita ang isang pulis na hindi si Bantay-Salakay at ang mga titik na hindi pasusuhol at dimagnanakaw;  Ibig kong makita ang pamahayagang hindi nasisilaw sa mga anuns'yo at sa mga Apong makapangyarihan;  Ibig kong makita ang hukom na walang tanging kinikilingan kundi ang matuwid at lahat-lahat sa kanya ay pantay;  Ibig kong makita, sa isang salita, ang Pangasiwaang hindi pang-kumpare, hindi pampartido't di pangkaibigan;  Ibig kong Makita ang bayang dakilang pangarap niRizal, ang bayang may budhi at di natatakot sa mga dayuhan!

Paano maituturing na mapanghimasik ang tula na "Ibig kong Makita" isinulat ni Benigno R. Ramos?

Napakarami nating problema na kinakaharap at

layunin ng akda na ito na mabigyan ng pagkakatataon ang

mga mambabasa na makilahok upang mabawasan man lang ang

umiiral na problema sa kasalukuyan.Kapag nasasabi ang

katagang problema nariyan ang kahirapan, pagkagutom,

edukasyon, mga pulitikong kurakot, sistema, malaking

populasyon at martamin pang iba.

Pero kung iisipin natin, ang mga problemang nasabi

ay magkakaugnay, may relasyon, magkakadugtong.Lahat ito

ay nakakahadlang sa pag-unlad ng bansa.

Maaari rin na ang ugat ng lahat ng mga problema ay

nasabi na, di nga lang natin alam kung pano

ipapaliwanag.Sa pagtaas ng mga presyo ng bilihin, parami

ng parami ang mga mamamayan na nababalisa. Pero sa gitna

ng karamihan ng kababayan nating mahihirap, bakit may

mga taong sobrang yaman?

Dito na pumapasok ang iba pang mga problema.

Una, Edukasyon, may mga mahihirap dahil hindi

sila nakapag-aral dahil wala din silang perang

pampaaral. May mga nakapag-aaral nga pero hindi nila

ginagamit nang maayos ang napag-aaralan nila. Meron ding

nagpapanggap na nag-aaral pero wala talagang

natututunan.

Pangalawa, Nariyan ang kawalan ng sinseridad sa

panunungkulan ng mga pulitiko at nagtatrabaho sa

gobyerno na ang palaging iniisip ay kung paano

makakakuhasa kaban ng bayan.....hindi daw naman lahat

pero karamihan sa kanila. Ang kahirapan natin ay

kagagawan ng mga namumuno sa pamahalaan, wala silang

ibang intesyon sa posisyon kundi magpayaman. Sa

pulitika, pag nanalo yung tatay, isusunod na yung asawa

tapos mga anak, tapos mga kamag-anak. Tuloy- tuloy na

ang pag-akyat sa pwesto ng buong angkan kahit hindi sila

nararapat magkaroon ng pwesto sa gobyerno. Meron

talagang mga taong ayaw magpalamang sa ibang tao. Kapag

meron silang ayaw sa sistema, dinadaan nila sa karahasan

at pananakot. Kailan kaya natin makikita ang pagbabago

na nais makita ng may-akda?

Tulang Mapanghimagsik: Sa Pagkamatay ng Isang Newsboy

Si Lamberto Antonio ay batikang makata, kwentista,

at mananalaysay. Isinulat ang akda sa simula ng

dekada’80, subalit saksi tayo na naglipana pa rin sa

ngayon ang mga batang naghahanap-buhay sa lansangan. Ang

child labor ay isa pa ring pangunahing problemang

panlipunan.

.SA PAGKAMATAY NG ISANG NEWSBOY

Lamberto Antonio

Hindi na siya maaaring ibangon Ng mga pahinang naging pananggalang Sa kahubdan at matinding gutom.

           Maaari lamang siyang takpan ng mga iyon,            At ipagsanggalang sa mga langaw,            Sa huling pagkakataon.

Sapagkat musmos siyang nawalan ng pulso, Wala na siyang panahon upang gagapin Ang mga pangyayaring nagpapaikot sa mundo.

           Marahil ay hahanapin siya sa pag-aalmusal            Ng mga taong nahirati sa pagbasa            Ng balitang kasing-init ng kape’t pandesal.

Sayang at di na niya masisilayan (Sa kauna-unahang pagkakataon) Ang sariling retratong naligaw

           Sa espasyong batbat ng anunsiyo—            Newsboy na biktima ng isang kaskasero,            Gumulong ang ulo na parang sensilyo.

Paano maituturing na mapanghimasik ang tula na isinulat ni Lamberto Antonio?

Ang paglipana ng mga batang nagtatrabaho sa

lansangan ay tanda ng matinding kahirapan. Nakalulungkot

na ang mga batang sana’y naglalaro at nag-aaral ay

nakikipaghabulan sa dyip, ginagaygay ang mapanganib na

highway upang makaraos sa bawat araw.  Karamihan sa mga

batang ito na nasa edad 17 pababa ay magbabasura,

nagpapedicab, magbabakaw, mangingisda, industrial

workers (cyber sex), domestic helper, at manininda sa

lansangan. Sa mga kanayunan at liblib na pook, nariyan

ang mga batang manggagawa sa mga minahan, pangisdaan,

tubuhan, atbp. Kahirapan ng buhay ang nagtulak upang

magkaroon ng mga batang manggagawa, mga batang

manggagawang dapat na nasa paaralan ngunit kailangang

magtrabaho ng maaga dahil sa kagutuman, dahil hikahos

ang mga magulang, dahil hirap ang buong pamilya.

Inilalarawan ng akdang ito ang kondisyon na ang

paksa ay naglalayong pukawin ang ligalig ng mambabasang

may nalalabi pang konsensya at malasakit sa kapwa lalo

sa ating gobyerno, may isang sandali sa tulang “Sa

Pagkamatay ng Isang Newsboy” ni Lamberto Antonio na

nagpadanas, hindi lamang nagpaunawa, ng kahulugan ng

isang salita dahil sa mga puwersang nilikha ng mga

nakapaligid na salita sa pahina, isang sandali kung

kailan masasabing nagkaroon ng tunay na pagpukaw sa

damdamin ng mambabasa upang maipadama ang kahirapan ang

dinanas ng mga mga batang nagtatrabaho sa lansangan.

Karaniwan sa pamilyang Pilipino ay binubuo ng 2-3

na anak kaya kung titignan, malaking bahagi ng

nakakaranas ng gutom ay mga bata. Ang malaganap,

mabilisan at patuloy pagtataas ng presyo ng langis

kasama ng presyo ng bilihin ay nagpapalalala sa

kagutuman ng mga bata. Hindi kinakaya ng kakarampot na

sweldo o kita ng kanilang mga magulang ang halaga ng

bilihin. Nasasakripisyo ang kalusugan ng mga bata

kapalit ng malaking tubo ng mga kumpanya ng langis at

batayang bilihin. Ang karapatan sa pagkain ay kapantay

ng karapatang mabuhay. Ito ay batayang karapatan ng

lahat ng tao lalo na ang mga bata. Ang kagutuman at

malnutrisyon ay mga problemang bunsod  ng kawalan ng

pambansang industriyalisasyon, ng tunay na repormang

agraryo, ng trabaho at nakabubuhay na sahod ng

manggagawa.

Ang mga bata ay may limitasyon sa kaalaman at pisikal na

kakayahan upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili mula

sa iba’t ibang tipo ng paglabag sa kanilang batayang

karapatan. Dahil dito, masasabi natin na ang mga batang

Pilipino ay isa sa pinaka-bulnerableng sektor sa isang

lipunang laganap ang kahirapan at kawalan ng hustisya.

 

Ang kalagayan ng batang Pilipino ay salamin ng

lipunang Pilipino.Ang pagsusulong ng kapakanan at

pagkalinga sa mga bata ay isang panlipunang

responsibilidad.Bukod sa pagkain, ang tahanan ay isa sa

pangunahing kailangan ng tao lalo na ng mga bata dahil

ang tahanan ang kanilang unang paaralan. Bukod sa

nagsisilbing proteksyon sa init at lamig, ang tahanan ay

lugar ng pagkalinga ng pamilya at pamayanan. Dito

hinuhubog ang pagkatao ng mga bata. Kung kaya't kapag

pinagkait sa kanila ang tahanan, o kaya'y pinalayas o

dinemolis ang kanilang bahay, hindi lamang pisikal na

istruktura ang sinisira kundi ang buhay-pamilya at

buhay-pamayanan ng mga bata. Ang mga relocation sites ay mas

masahol pa ang kalagayan kumpara sa mga komunidad ng

maralita dahil ito ay malayo sa trabaho o hanap-buhay,

walang kuryente at malinis na tubig, hindi maayos ang

daan, at malayo sa paaralan at ospital.

 Isa ang Pilipinas sa may pinakamasahol na porma

ng "child labor" sa anyo ng pagtatrabaho sa bukid,

pagpapaalila bilang kasambahay at pagpapatrabaho sa mga

kriminal na sindikato sa droga at prostitusyon.

Nalalantad sila sa mga mapanganib sa sitwasyon, mga

lihis na gawi, at lalo pang paglabag sa kanilang

karapatan bilang bata at bilang tao.

Dugo at karahasan ang prinsipal na imahen sa tulang

ito, sa kanyang kamatayan, wala na siyang pagkakataong

unawain ang mga pangyayaring taglay ng mga kopya ng

pahayagang kanyang ipinagbibili. Bukod dito, hindi na

niya masisilayan (sa kauna-unahang pagkakataon) ang

sariling retratong naligaw sa espasyong batbat ng

anunsyo---

Ang pinakahuling imahen—“Gumulong ang ulo na parang

sensilyo”---salapi ang sensilyo, at salapi ang sagisag

ng mga makapangyarihan sa lipunang sumaksi sa buhay at

kamatayan ng newsboy. Nauwi sa isang walang halagang

bagay ang buhay ng isang indibidwal. Naging balita ang

isang tagapagbili ng bagay na nagbibigay ng balita

anunsyo sa mga mamamayan.

Layunin ng akdang ito na matapang na mailantad ang

katotohanan sa tulong ng panitikan. Laganap ang

kahirapan at gutom na namamayani sa ating bansa at

marami pang buhay ang masasakripisyo lalo na ang mga

batang umaasa lamang sa biyaya na makukuha lamang nila

sa lansangan sa halip na tulong ng gobyerno.

Maikling Kwentong Mapanghimagsik: Ambo

Ang maikling kuwentong “Ambo” na hango sa

kalipunang Ambo at iba pang akda ay nagwagi ng unang

gantimpala sa Gawad Balagtas noong 1969. Ito ay isinulat

ng batikan at premyadong manunulat na si Wilfredo Pa.

Virtusio, isang kilalang manunulat sa Kontemporaryong

Panitikang Pilipino.

Ang pagdaranas ng sagad na kahirapan at gutom ay isangrealidad sa ating lipunan. Malinaw na makikita angrealidad sa kwentong Ambo. Si Ambo at ang kanyangpamilya ay kumakatawan wsa milyun-miltong Pilipinongnagdaranas ng labis na kahirapan at gutom. Angpagdurusang dulot ng hirap at gutom ay nagtulak sakanyang gumawa nang hindi nararapat lalo pa’t ang ugatng kanyang pagdurusa ay ang pagwawalambahala ngpamahalaan gayundin ang korupsiyon o mga katiwaliangnangyayari sa pamahalaan. "Kung minsan nakagagawa angtao ng kasalanan dahil din sa kapwa tao."

Sa kabila ng marami ng batas at karapatang pantao

na inamiyendahan, ginawa at inilathala ng ating

gobyerno't mambabatas, laganap pa rin ang pang-aapi at

marami pa rin ang mga taong di nabigyan ng sapat

hustisya sa ating lipunan.

AMBOWilfredo Pa. Virtusio

Dati-rati, alas-singko pa lamang ay gising na si Ambo, nakabihis na, nakainom na ng malabnaw at matabang na kape at naglalakad na---- naglalakad lamang----patungo sa opisina ng sangay na iyon ng gobyerno sa may Port Area. Ngunit ngayong umaga, kalong na ng sarisaringingay ang kalapit nilang mga kuwarto ay nakababad pa rinsiya sa kuwarto.

“Bakit, ha, Ambo?” tanong ng kabiyak niyang si Marta.

Walang kibong ibinaling ni Ambo ang tingin sa katabing asawa. Tumiim sa kanya ang butuhan at marak na mukha nito.

“Di ka ba papasok ngayon, ha, Ambo?”“Parang tinatamad na ‘kong pumasok,” sabi ni Ambo.

“Pasok ‘ko nang pasok, e, ‘ala namang nanagyayari.”“Konting tiyaga.”“Parang gusto ko na talagang mainis, Marta,” at

bahagyang tumigas ang boses ni Ambo. “Sa araw-araw na ginawa ng D’yos, nakikiusap, nagmamakaawa, halos maglumuhod ka sa mga ‘yon. At kung iisiping pinagtrabahuhan mo naman ang kinukuha mo. . .”

“Konti pang tiis. . . Pasasaan ba’t bibigay rin nila ‘yon.”

“Kelan pa, Marta?”“Me awa ang D’yos.”Natahimik si Ambo. Me awa ang Diyos. Bukambibig ni

Marta iyon at ngayon, naitanong niya sa sarili kung kailan pa kaya darating ang awa ng Diyos. Napagmasdan niya ang nakahilatang mga anak sa kabuuan ng munting kuwartong iyon at naisip niyang kailangang ilawit na ng Diyos na iyon ang kanyang habag kung mayroon nga iyong habag sa mga taong tulad niya.

Mayamaya’y dinalahit si Marta ng tuyot, sunod-sunodna pag-ubo. Yumanig ang yayat na balikat ni Marta at ang

galit ni Ambo’y nahalinhan ng pagkaawa sa asawa, na pagkatapos ay humangga sa labis na pagkabahala nang tumiim sa kanyang isipan na may sakit si Marta, may tuberkulosis at hindi makapaglabada pa.

Si Marta’y may TB, patuloy na dumuro sa kanyang utak, at muli, natingnan niya ang nakahigang mga anak. Pito ang kanyang mga anak, pito, at natutulog ang mga iyon at mayamaya pa, magigising ang mga iyon at hihingi ng pagkain at magpapalahaw ng iyak sapagkat wala silang maibigay na pagkain. Naipasya niyang muling lumabas ng bahay nang umagang iyon: hindi, hindi niya matitiis na makitang nananangis ang mga anak dahil sa gutom.

Humupa na ang pag-ubo ni Marta. Bumangon si Ambo athinakbang ang pinakakusina ng kuwartong iyong inuupahan nila ng treinta pesos kada buwan. Nasa harapan ng kalan ang panganay nilang si Sonia. Sampung taon si Sonia, payat at maiksi ang kaliwang paa.

“Tay, ‘sang linggo na ‘tong latak na pinakukuluan ko,” sabi ni Sonia.

Walang kibo niyang tinungo ang hugasan ng plato. Walang sabon sa habonera. Naghilamos siyang hindi gumagamit ng sabon.

Gising na ang tatlo sa kanyang mga anak. Nilalaro ni Roma, otso anyos at sumunod kay Sonia, ang bunso nilang mag-iisang taon. Kinikiliti ni Roma ang sanggol, anaki’y gustong patawanin pero hindi tumatawa ang sanggol.

“Ta . . . Tata . . . Ta . . .”Nakalahad ang butuhang kamay na lumalapit sa kanya

si Nida. Pitong taon si Nida, ngunit sa edad na iyo’y wala pa itong alam na gawin kundi magtatata at ilahad ang yayat na mga kamay. Humihingi sa kanya ng singko sentimos-singko sentimos-ang kahabag-habag na batang

iyon at siya, siyang ama’y walang singko sentimos na maibigay.

Dali-dali niyang isinuot ang sulsihang pantalon at T-shirt. Mahaba ang T-shirt at bahagyang natatakpan niyon ang sulsi sa likuran ng kanyang pantalon.

Siguro nama’y di magtatagal ‘tong lagnat ko,”narinig niyang sabi ni Marta. “Makakapaglaba na ‘ko uli.”

Di karaniwang lagnat ‘yan, ibig sabihin ni Ambo, ngunit hindi na siya nagsalita pa.

“Magkape ka muna,” sabi ni Marta nang mapansing bihis na siya.

“Di na,” tinungo niya ang pinto.“Pagbutihin mo’ng pakiusap sa kanila, Ambo,”

pahabol na bilin ng asawa.Mabilis, walang imik siyang lumabas ng kuwartong

iyon. Matindi ang sikat ng araw at waring ibig tupukin

niyon ang anit ni Ambo. May isa’t kalahating kilometro ang layo ng opisina ng sangay na iyon ng gobyernong pinaglilingkuran niya mula sa kalyeng tinitirhan nila atnilalakad lamang ni Ambo ang distansyang iyon. Nilalakadsapagkat ang treinta sentimos niyang ipamamasahe (kung mapalad siyang magkaroon ng halagang iyon) ay malaking bagay ang magagawa sa kanila. Maibibili niya ang halagang iyon ng diyes na tuyo, diyes na asukal, at ang diyes –hindi singko lamang-ay maibibigay niya kay Nida.

Ngunit ngayo’y wala siya ni isang kusing sa bulsa.Pagbutihin mong pakiusap sa kanila. Naglalaro sa utak

niya ang biling iyon ni Marta. Nakadama siya ng sikad ngpaghihimagsik sa dibdib. Bakit siya dapat makiusap? Ang kinukuha naman niya’y suweldo niya, ang karapatang bayadng gobyerno sa paglilingkod niya. Ano ang dapat niyang ipakiusap?

A, pero dapat siyang makiusap, pakuwa’y naipasya niya. Hindi niya madadaan sa init ng ulo ang hepe niyangsi Mr. Reyes. Kailangang makiusap pa siya, maglumuhod kung maaari. Ang voucher niya’y matagal na sa mesa ni Mr. Reyes ngunit hindi pa rin napipirmahan niyon. Lagingabala sa trabaho o kaya’y mamaya o bukas na kaya, hanggang sabihin niyon ang tunay na dahilan kung bakit hindi niyon mapirmahan ang voucher.

“Alang pondo ang gobyerno ,” sabi ni Mr.Reyes. “Gaya ng siguro’y alam mo na, malaking anomalya ang ginawa ng mga tao rito ng nakaraang administration. Kelan nga lang, e, me natanggap kaming sirkular buhat sa Malakanyang na nagsasabi na magbawas kami ng mga kaswal dito. Pero di naman magagawa karaka. Malalakas na pulitiko rin ang me rekomenda sa marami sa mga kaswal dito.”

“Gusto nyong sabihin, e, alang pag-asang makuha pa’ng suweldo ko?”

“Ilang b’wan ka na bang di sumasahod?”“Tatlo na ho.”Napakamot sa batok si Mr. Reyes. “ Titingnan

natin,” pagkuway sabi nito.Magdadalawang buwan na ang pakikipag-usap niyang

iyon kay Mr. Reyes at hanggang ngayon ay hindi pa rin napipirmahan niyon ang voucher niya. Bale limang buwan na siyang hindi sumasahod. Sumahod pa nga kaya siya, naitanong niya sa sarili. Noong isang Linggo lamang ay dalawang kaswal ang tinanggal sa trabaho nang hindi nakasahod. Matiwalag rin kaya siya sa trabaho?

Napabilis ang paghakbang niya. Nahingingan niya, ang nagrekomenda sa dalawang iyon ay hindi gaanong malakas kaya natanggal. Si Mr. Maique na nagrekomenda sakanya’y hindi isang representante o senador kaya. Nagging amo niya si Mr. Maique sa huling pribadong

kompanyang pinagtatrabahuan at minsang masalubong niya ito sa Avenida matapos ang ilang taon maalis sa opisinang iyon (“pinagbakasyon” siya nang matuklasan sa taunang physical examination na may ganggaholeng butas ang dalawa niyang baga) ay nabanggit niya ritong tila hindi na siya makasumpong pang muli sa trabaho (kahit nasa posisyong dyanitor). Marami higit na mas batang aplikante sa kanya (siya’y sobra nang kuwarenta), at masmaraming mas pinag-aralan kasya kanya (grade 1 lang ang naabot niya).

Nagdalang-habag, inalapit siya ni Mr. Maique sa kumpare niyong hepe ng isang dibisyon sa opisina ng sangay na iyon ng gobyerno. A, hindi nga malakas ang nagrekomenda sa kanya at hindi malayong maalis rin siya sa gawain.

Ngunit hindi niya dapat pag-aksayahan ng panahon atisip kung matatanggal siya sa trabaho o hindi. Ang dapatniyang pagkaabalahan ay kung paano makukuha ang suweldo niya. Iyon ang kailangan niya, ngayon. May sakit si Marta at hindi makapaglabada. Nagugutom ang kanyang mga anak. Hanggang kailan tatagal ang mga ito?

Nagpatuloy siya ng paglalakad, nag–iisip. Naisip niya, ang binanggit na dahilan ni Mr. Reyes kung bakit hindi sila nasusuwelduhan. Walang pondo ang gobyerno. Ayon kina Sandoval, isang kawani sa accounting division,kung ilang milyon daw ang ninakaw ng mga tao ng nakaraang administrasyon sa sangay na iyon ng pamahalaan. Sampu, labindalawang milyong piso. Over-pricing ng mga makinarya. Mga ghost delivery. Pang-uumitng mga piyesa sa bodega. Wala pa raw dalawampung katao ang naghati-hati. Hindi pa raw nakakalaboso ang mga swerte, sabi ni Sandoval. Pag talagang malakas ang kapitmo, naaalala niya ang sinabing iyon ni Sandoval, kahit ano pa mang kawalanghiyaan ang gawin mo’y ligtas ka.

Maiisip niyang para ngang totoo iyon. Kung may pull ka, ayos lahat ang lakarin mo sa gobyerno. May kilala siyangmga kaswal rin sa opisinang iyon na regular na sumasahod. A, kaipala’y di siya sumusuweldo sapagkat wala siyang malakas na kapit.

Pasado alas-nuwebe na nang matapos ni Ambo ang paglilinis sa tokang gusali. Nagsisimula pa lamang magdatingan ang karamihan sa mga empleyado. Sina Sandoval at mga kasama sa acconting division ay alas-diyes na nang dumating. Nangaupo ang mga iyon sa kani-kanilang mesa, ngunit hindi ang trabaho ang inatupag. May nagbasa ng dyaryo, may naghinuko, may tumunghay sa dalang libro. Mayamaya’y pinalibutan ng mga kasamahan ang noo’y nagbasa-ng-dyaryong si Sandoval.

“Milyon, mga pare ko, milyon,” sabi ni Sandoval at ibinaba niya ang tinutunghayang dyaryo. “Ito na’ng pinakamarangyang handaang nabalitaan ko. Imported ang pagkain, ang orchestra, ang mga entertainer. At ang mga panauhin, mga pare ko, mga duke, prisesa’t prinsipe at kung sinu-sino pang kabilang sa dugong-bughaw.”

“Umabot daw sa dalawang milyon ang nagastos,” sabadnaman ni Javier,”“Iba talaga’ng makuwarta, ano, ha?”

Dalawang milyon . . .dalawang milyon . . . Nagsumiksik sa utak ni Ambo ang halagang iyon. Dalawang milyon ang ginastos sa isang anibersaryo ng kasal. A, tama na sa kanya ang kung ilang daang piso. Sapat na sa kanya ang kaunting halagang makatitighaw sa gutom ng kanyang pamilya at maipambabayad sa pagpapagamot ni Marta.

Bahagya pa siyang nagulat nang maalala si Mr. Reyes. Maaaring nasa kuwarto na niya si Mr. Reyes. Kaninang linisin niya ang kuwarto niyo’y wala pa iyon niang sekretarya nito.

Bilang puno ng general services ay may sariling silid si Mr. Reyes. Air conditioned, de alpombra, at makabago ang interior decoration. Napasukan na ni Ambo sa loob si Dory, ang sekretarya ni Mr. Reyes. Bata pa siDory, marahil ay lalabingwalo, ngunit taglay na ng mga mata nito ang lamlam, panglaw ng isang babaeng ganap nang nakakilala sa buhay. Hindi na lihim sa opisina ang relasyon nito sa may asawang si Mr. Reyes.

“Nand’yan na ba’ng Boss?”“Nandito na pero mainit ang ulo,” sabi ni Dory.Mainit ang ulo ni Mr. Reyes. A siguro’y talunan na

naman sa sugal. Bulong nina Sandoval ay nagmamadyong, nagpopoker, nagkakarera si Mr. Reyes. Nambubulyaw si Mr. Reyes, nagmumra kung mainit ang ulo. A, pero kailangan niyang lapitan ito, makausap.

“Me bilin s’yang h’wag iistorbohin,”sabi ni Dory . “Pero kelangang-kelangan ko s’yang makausap.”“Kung mapilit ka’y ikaw na lang ang pumasok,” at

muling hinarap ng sekretarya ang kanyang pagmamakinilya.Kinabahan siya, tulad ng dati tuwing makakaharap si

Mr. Reyes. Huminga muna siya nang malalim bago pinasok ang divider na nagkukubli kay Mr. Reyes.

Nakataas sa ibabaw ng mesa ang mga paa ni Mr. Reyes, natatakpan ng binabasang diyaryo ang mukha.

Mr. Reyes . . .”tawag ni Ambo at lumapit sa mesa nghepe.

Bilang bumaba ang dyaryo at natambad ang malapad atkunot-noong mukha ni Mr. Reyes.

“O, anong kelangan mo?” Dama niya karaka ang suya sa boses nito.

“Y-yong hong v-voucher ko . . .” nasabi niya sa wakas.

“Ilang beses ko bang sasabihin sa’yong di ko pa napipirmahan ‘yon?”Kumikitib ang magkabilang ugat sa pilisan ni Mr. Reyes. “Ke kulit-kulit mo.”

“Kelangang-kelangan ko hong pera.” Binayad at nakikiusap ang boses niya.

“A, wala akong magagawa! Sige, makakalabas ka na.” “Mr. Reyes, me sakit ho’ng asawa ko’t nagugutom angmga anak ko . . .”

“Ako ba’y talagang ginagalit mo, ha?”“Para n’yo nnang awa, Mr. Reyes . . .” “A, kabron kang talaga!” At sa pagkainis, muli

nitong itinaas ang mga paa sa mesa at itinuloy ang pagbabasa.

“Mr. Reyes . . .” Hindi siya pinansin ni Mr. Reyes at unti-unti’y

may namuong galit sa kanyang dibdib, pero bago sumiklab iyo’y nagawa niyang pigilan ang sarili. A, kailangang maging mahinahon siya. Babalikan na lamangniya si Mr. Reyes, baka mayamaya lamang ay lipas na ang init ng ulo.

Dinadamuhan ni Ambo ang tagiliran ng gusali nang ipatawag siya ng guwardiya sa gate. Malayo pa siya sa tarangkaha’y nakita na niyang paika-ikang sumasalubong sa kanya si Sonia.

“A-ang Nanay . . . sumuka ng dugo . . .” Pahablot niyang hinawakan sa kamay si Sonia at

mabilis silang lumabas ng gate. Sa himpapawid, nakalutang ang kumukulong init-araw. Wari’y patay ang hangin at ang nalalanghap ay ang amoy-usok na buga ng mga dyip, kotse, trak, bus.Naniningkit ang mga mata na Ambo, tiim na tiim ang mga bagang. May paghihimagsikna

nagsmulang magbangon sa kanyang dibdib. Napapikit siya, at sa pakiwari niya, ang paligid ay nag-uumikot na pula-itim na daigdig at sa pag-inog niyo’y kasama siyang nadadala, natatangay.

May kalahating oras na silang naglalakad, siya at ang iika-ikang si Sonia, at ang gutom at pagod at pagkabahala’y nagtulong-tulong upang ang kimkim na himagsik sa loob ni Ambo’y mag-ulol, mag-alimpuyo. Silang mag-ama’y naglalakad sa ilalim ng matalisik na init ng araw sapagkat wala sila sa treinta sentimos na ipamamasahe, at doon sa kuwartong inuupahan , maaaring naghihingalo o patay na si Marta. Patuloy na humahagibisang mga sasakyan, ang balanang nasasalabat nila’y nagwawalang-bahala, at naisip niya sina Sandoval, Javier, Roncal , Dory, at Mr. Reyes. Maaaring sa mga sandaling ito’y nanananghalian na ang mga iyon o namamahinga o kaya’y naglalaro ng ahedres o kaya’y nagpupusoy. Naisip niya ang mayamang pulitiko’t negosyanteng gumasta ng dalawang milyon sa isang handaanat ang iba pang katulad niyon. Nasaan sila sa mga sandaling iyon? A, sila’y nasa kani-kanilang magagarang tahanan, nasa pang-araw na mga naitklab, nasa mga pasugalan , nasa mga otel at motel na kaulayaw ng kanilang mga kerida, o nasa kani-kanilang mga opisina’t pinapaputok ang isip kung paano lalong magkakamal ng salapi, samantalang siya’y naritong naglalakad sa ilalimng nakatutupok na sikat araw kasama ang iika-ikang anak.

Naratnan niyang nakalupasay si Marta, yumayanig angyayat na balikat sa di-masawatang pag-ubo habang hagud-hagod sa likod ni Roma. Nagkalat ang buu-buong dugo sa banig. Ang sanggol ay walang damdaming nakatingin sa ina, matiim na nakatinging animo’y isang matandang bantad na sa kalagiman ng buhay. Nagpapalahaw ang iba pa

niyang anak, at mababatid niyang umiiyak ang mga iyon hindi dahil sa nangyayari sa ina kundi dahil sa nagugutom ang mga iyon. May naramdaman siyang yumapos samga binti, kumalabit.

“Tay, gutom na kami. ‘Tay. Gutom na kami.”Sabay-sabay na nagpalahaw ang iba pa niyang mga

anak at ang dumaraing, nakalulunos na paanghay ng mga iyon, gutom na kami, ‘Tay, ‘ingi pagkain, ‘Tay, ay sumasaliw sa putol-putol, tuyot na uh, uh, uh, uh, hu niMarta. Napapikit siya’t wari niya’y umiikot ang paligid,umiinog na pula-itim na daigdig, at nang imulat niya angpaningi’y gumagalaw, sa simula’y mabagal, pagkatapos ay mabilis, mabilis na mabilis ang bawat tamaan ng kanyang tingin, ang bangkito, ang daigdig,ang pinto, ang sanggol, ang ibang mga anak, si Marta…

“Ta…Tata…Ta…”Hindi ganap na magkahugis sa kanyang paningin ang

anyo ni Nida, ngunit ang tatata ay malinaw na nakaabot sa pandinig. Humihingi ng singko sentimos si Nida at siya’y wala ni isang kusing na maibigay. Nagugutom ang kanyang mga anak, at siya, siyang ama’y walang pagkaing maibigay. Maysakit si Marta, at siya, siyang asawa’y walang magawa.

“Ta…tata…Ta…”Isang malabong anino ang nakatanghod sa aknyang si Nida, at sa biglang

igkas ng silakbo’y binigwasan niya iyon ng sampal sa mukha. At sa iglap ding iyo’y

nagsalimbayang pula-itim ang paligid, iswang walang katuturang daigdig na kalong

ng nakakukulili, nakakabinging ingay---tili, iyak, ubo, daing---at supil ng matinding

kahibanga’y dinaluhong niya ang nagpapalahaw na mga aninong iyon, sinampal,

sinuntok, sinipa, pinagtatadyakan, ngunit sa halip na tumigil ay lalong nag-ibayo

ang pag-iyak at pagtili at pagtangis, at nang hindi na niya matagalan ang matinding

kainagang iyo’y nagtatakbo siyang palabas, sapu-sapo ng dalawang kamay ang ulo.Ngayon, muli siyang naglalakad sa matinding sikat ng araw. Ang lunsod ay

isa pa ring umiinog na pual-itim na daigdig. Walang kaisahan ang mga isisping

gumigitaw sa kanyang utak. Si Marta, si Nida, ang mga anak niya. Si Sandoval, si

Javier, si Dory. Si Mr. Reyes. Ang mayamang pulitiko at negosyanteng iyon. Ang

voucher niya. “Hoy, nagpapakamatay ka ba?”

Tuloy siya sa paglalakad. Pasuray-suray, animo’y lasing.“Hoy, talaga bang nagpapakamatay ka?”Ipinilig niya ang ulo, at saglit, bumagal ang pag-inog ng pula-itim na daigdig

at namalayan niyang nakatinding sa gitna ng kalye, siyang dahilan ng pagkakabuhol

ng trapiko. Di-magkamayaw ang businahan ng mga sasakyan,at mula paa

hanggang ulong pinagmumura siya ng nagmamaneho.“Gago!” Nakaabot sa kanyang pandinig.“Mga gago rin kayo!” sigaw niya at hinarap ang mga sasakyan, nanlisik ang

mga mata.Nagtutungayaw, iniurong ng nagmamaneho ng nasa unahan ang kotse,

ikinambiyo’t inilagang mahagip si Ambo. Sumunod ang iba pang sasakyan, at

mayamaya pa’y naiwang nag-iisa sa gitna ng lansangan si Ambo.Itinuloy niya ang paglalakad. Lakad. Lakad. Bumibilis ang pag-inog ng

paligid, tulad ng pagdagsa ng putol-putol at walang kaisahang mga gunita. Ang.

voucher niya. Ayaw pirmahan ni Mr. Reyes ang voucher niya. Ayaw ibigay ng

gobyerno ang sweldo niya. May sakit si Marta. Nagugutom ang kanyang mga

anak. Nagtatapon ng milyung-milyon piso ang pulitiko-negosyanteng iyon.

Walang-puso ang gobyerno, may tinitingnan, walang malasakit sa tulad niya. Si

Nida at ang iba pang mga anak niya. Si Marta...Nang humakbang siya muli, ang bahid na itim sa umiikot na paligid ay

naglaho; ngayon, isang umiinog na bolang pula ang daigdig. Isang nagbabagang pula ang darang sa init na lunsod.

Nagsumpungan niya ang sarili sa harap ng kongretonggusaling iyon. Humuhulas sa pawis ang buo niyang katawan, ngunit wala siyang nararamdamang pagod, gutom. Bumagal nang bahagya ang pag-inog ng paligid subalit ngayo’y naglalagablab na bolang apoy iyon.

Nasa loob si Mr. Reyes. Ayaw pirmahan ni Mr. Reyes ang voucher niya. Ayaw ibigay ng gobyerno ang suweldo niya…

Lumapit siya sa guardpost. Nakayukayok ang guwardiya. A, natutulog ang tanod ng gobyerno. Bigla, inagaw niya ang baril na hawak ng tanod. Napatayo ang guwardiya, at napaurong siyang nakaumang ang dulo ng baril sa katawan nito. Napangiti ang tanod nang wari’y makilala siya, dahan-dahang lumapit sa kanyta. A,

nakangisi ang tanod, iniinsulto siya, iniinsulto. Dumiinang daliri niya sa gatilyo at halos kaalinsaabay ng dumagundong na putok ay nakita niyang bumagsak ang guwardiya, unti-unting nahandusay, ang naninirik na mga mata’y nakatuon sa kanya, sa wari’y nagtatanong kung ano—at bakit—iyon nangyari.

Mayamaya’y tumigil sa pagkisay ang nakalugmok na katawan. Napatay niya nag tanod. Napatay niya! May saya anaki’y kaligayahang sumuno sa dibdib niya. At biglang bumilis ang pag-inog ng pulang bola, mabilis na mabilis.Nakaliliyo, nagsasalimbayang kulay-dugo ang daigdig, at patakbo niyang sinugod ang pinto ng konkretong gusali.

Nagpulasan ang malalabong anino. May tumalon sa bintana, may nagtago sa mesa. May naulinigan siyang mga tinig na tumatawag sa pangalan niya, ngunit waring napakalayo ang pinagmumulan ng mga tinig. Muling dumiin ang daliri niya sa gatilyo, at isang malabong anino ang nahandusay. Inulit niya ang pagkalabit, at isa pang malabong anino ang bumagsak. Minsan a at isa uling malabong anino ang nalugmok.

Pinid ang pintong iyon. Sumisigaw siya, labas ka d’yan! Labas d’yan!, ngunit nanatiling nakasara ang pinto. Pinagtatadyakan niya ang dahon ng pinto, pinukpokng puluhan ng baril, subalt namalaging pinid ang pinto.

“Labas d’yan! Ayaw niyong pirmahan ang voucher ko! Ayaw n’yong ibigay ang sweldo ko!”

Tinugon siya ng paikpik na katahimikan, at siya’y nakadama ng biglang pagkapagal. Humihingal siya at wari’y ibig siyang madala ng mabilis na pag-ikot ng paligid. Nangangalog ang kanyang tuhod, nangangapos ang hininga. Napasandal siya sa into, humihingal at pinagpapawisan ng malamig.

Unti-unting bumanayad ang pag-ikot ng paligid, unti-unting pumupusyaw ang kulay-dugong bahid niyon.Ang

lumulukob ngayo’y dilim, isang papakapal na karimlang nagdudulot sa damdamin niya ng lungkot, panglaw, ng isang uri ng napakatinding pangungulilang humahangga sa kirot, sa pumipiga at lumuluray sa sakit.

Si Marta…si Nida…ang mga anak niya…Pakuwan, humahangos na pumasok ang unipormado at

armadong mga pulis, nakatutok ang tangang mga baril sa kanya, subalit siya’y hindi man lang nagpamalas ng kahitanong pagkilos ng paglaban; napatutok lamang ang blangkoniyang paningin sa nagsasalinbayang malalabong aninong iyon. Bumuka ang mga labi niya, ngunit iglap lang iyon, umangil ang sandata ng mga pulis at isa, dalawa,tatlo, apat, lima, marami, di-mabilang na mga tingga ang bumistay sa katawan niya at siya’y nalugmok at sa nagdidilim, nagliliwanag niyang isispa’y sumalingit ang mapusyaw na larawan ng kanyang mag-anak, at swa pagkakasubsob sa nagdadanak-sa-sariling dugong baldosangsahig, pinilit niyang makatihaya, pilit itinutok ang nagwawatig na tingin sa nagsasalimbayang malalabong aninong iyon, pilit na pinanulay sa nanlalabong paninginang pakiusap, hinaing na hindi mabigkas ng mga labi—si Marta, si Nida, ang mga anak niya. Subalit muling bumugaang sandata ng mga pulis, malupit, walang awang tumadtadsa katawan niya at sa papatakas nang malay, bumabanayd ang nakakaliyong pag-inog ng itim na daigdig, bumabanayad at dumidiin hanggang sa mayamaya’y kalungin ng sakdal-dilim na karimlan ang kaganapan ng lahat.

Paano maituturing na mapanghimasik ang maikling kuwento na isinulat ni Wilfredo Pa. Virtusio?

Ang “Ambo”, isang kuwentong sumasalamin at lutang

na lutang ang ng realidad ng buhay. Ang mga pangyayari

sa buhay ni Ambo ay isa lamang pag-uulit sa mga

pangyayari sa tunay na buhay ng milyun-milyung Pilipino

sa iba’t ibang panig ng bansa.

Ito ay tumatalakay sa katiwalian na siyang dahilan

ng paghihirap ng maraming mamamayan. Sinasalamin nito

ang kawalang pakialam ng mga opisyales na walang ibang

inatupag kung hindi ang magkamal ng salaping nagmumula

sa paghihirap ng mga taong ang nais lamang ay maibigay

ang pangunahing pangangailangan ng kanilang pamilya. Ano

nga ba ang ating mararamdaman kung hindi maibigay sa

loob ng limang buwan ang inaasahang suweldo dahil wala

raw pondo ang gobyerno samantalang nabalitaan mong isang

pinuno ng gobyerno ay gumastos ng dalawang milyong piso

sa isang gabing handaan para sa anibersaryo ng kanyang

kasal? 

Isang anyo ng panitikan na nagmumulat sa mamamayan

na ang bahagi ng lipunan kung saan bulgarang madarama

ang korupsyon, pang- iisa ng kapwa at patuloy na takbo

ng bulok na sistemang ang biktima ay ang mga mamamayang

walang tinig, lakas at kapangyarihang baligtarin ang

isang bangungot na lumalamon sa ating pagka- Pilipino.

Ang korupsiyon at katiwalian sa pamahalaan ay

nagbubunga ng labis na kahirapan sa marami nating

kababayan sapagkat ang salaping dapat sanang mapunta sa

kaban ng bayan upang magamit sa ikabubuti ng mga

mamamayan ay napupunta at pinakikinabangan lamang ng

iilan. Ang korupsyon ay makikita sa halos lahat ng lebel

ng pamahalaan mula sa pinakamababa hanggang sa

pinakamataas.

Hindi rin maitatwa ang katotohanang laganap ang

korapsiyon at pagsasamantala ng mga nakaupo sa

pamahalaan kaya’t hindi na bago sa pandinig ng madla ang

realidad na may mga pulitikong gumagastos ng milyon sa

isang marangyang hapunan lang gayong milyong Pilipino

ang namamatay sa matinding gutom, sakit, at kahirapan.

            Nais gisingin ng may-akda ang ating mga

isipan upang bigyang katarungan ang mga bagay na gaya ng

mga nangyayari sa kwento. Naging makatotohanan ang takbo

ng mga pangyayari sa kwento. Nakapaghatid ito ng mga

damdamin tulad ng awa, pagkakasuklam at inis.

Nakapagbukas ng isipan tungkol sa mga katotohanang

nangyayari sa ating paligid. Mga katotohanang kadalasang

nangyayari sa tunay na buhay.

Maraming tao sa ating lipunan ang yumayaman dahil

sa pagpapahirap sa mga maliliit at kapus-palad. Mga

taong sarili lamang ang iniintindi at kahit maghirap man

ang kapwa ay walang pakialam. Kasama na rito ang mga

pulitikong inuubos ang kaban ng bayan na galing sa dugo

at pawis ng mga mamamayan. Na kung sa pamumulitika'y

ginagamit ang galing at talino upang bilugin ang ulo ng

mga tao. Ito namang si Juan ang daling maniwala sa tamis

ng mga pangako ng mga ito. Sa huli pagkahalal sa iba

ginagamit ang talino, sa pagpapayaman sa mga bulsa ng

mga ito. Kasi naman si Juan rin lang ang dahilan kung

bakit ganito ang kanyang gobyerno.

Ang pananamantala sa maliliit at mahihinang mga tao

sa ating paligid ay alam nating nakapapanlumong

moralidad o ugali ng tao. Marami sa atin ang may

ganitong katangian na ang hangad ay makapagtamasa lamang

ng karangyaan ng mundo, kadalasan sila ang mga taong

makasarili. May kasabihan tayo na "Kung walang

magpapaapi ay walang mang- aapi". Oo nga't totoo ang

kasabihang ito, ngunit kung ang pagtatanggol naman sa

sarili at karapatan ay kalakip nito ang buhay o

kamatayan. Sino kaya ang may tunay na tapang upang

harapin kahit kamatayan?

Layunin ng akdang ito na matapang na mailantad ang

katotohanan sa tulong ng panitikan. Lubhang malawak at

laganap ang kahirapan at gutom na namamayani sa ating

bansa at kung hihintayin lagi ang paglalawit ng

pamahalaan ng tulong sa mga tulad ni Ambo ay marami pang

buhay ang masasakripisyo.

Talaan ng Sanggunian

Aklat

Baesa-Julian, Ailene G. et al. Pluma III Wika at Panitikan para

sa mataas na

paaralan. Quezon City: Phoenix Publishing

House.Inc.2010 .

Cruz, Teresita Cristobal, Ed. D. Gintong Ani. Quezon City:

FNB Educational,

Inc.2009.

Imbat, Celia B. at Reyes, Maurita M. Filipino sa Hayskul III.

Manila: Sta. Teresa

Publications.1997.

Marasigan, Emily V. Pluma IV Wika at Panitikan para sa Mataas na

Paaralan.

Quezon City: Phoenix Publishing

House, Inc.2012.

Reyes, Soledad S. Pagbasa ng Panitikan at Kulturang Popular.Quezon

City:

Ateneo De Manila University

Press.1997.

Tepace, Alita I. Ph. D. Yaman ng Pamana III Wika at Panitikan.

Quezon City:

Vibal Publishing House, Inc.2010.

Websayt

“Mula Tula Hanggang Dula, Mula Tradisyon Hanggang Sa Bulok Na Sistema: Ang Panitikang Mapanghimagsik Sa Panitikang Pilipino.” http://mgasigwaatagos.blogspot.com/2010/10/mula-tula-hanggang- dula-mula-tradisyon.html

Wika at Panitikan. http://filipinowikapanitikan-smcc.weebly.com/ibig-kong- makita.html