PILIPINANG AKADEMIKO SA ESTADOS UNIDOS: ISANG PAG-UULAT MULA SA GUMUGUHONG IMPERYO

25
PILIPINANG AKADEMIKO SA ESTADOS UNIDOS: ISANG PAG-UULAT MULA SA GUMUGUHONG IMPERYO S. Lily Mendoza, Ph.D. Bilang isang akademikong naninirahan sa labas ng bayan, itinuturing kong tungkulin na ibahagi sa papel na ito ang isang perspektibong nagmumula sa aking kinatatayuan. Ayon na rin kay Zeus Salazar (1991), kung makikilahok man ang mga tagalabas sa usapin ng bayan, hindi ito bilang dalubhasa sa mga kaganapan sa bansang Pilipinas kundi bilang tagapamahagi ng katayuan at pananaw mula sa kanilang parte ng mundo. Ang sumusunod ay isang pagbabahagi ng aking karanasan bilang isang Pilipinang akademiko na naninirahan sa Estados Unidos ng Amerika at ang makabuluhang leksyong maaaring mahango mula sa nasabing katayuang ito. Kung tutuusin, maraming pwedeng iulat tungkol sa mga kilusan ng ating mga kababayan sa Estados Unidos. Napakaraming organisasyon at iba’t ibang lokal na asosasyon ang may mga kasaping nagkikita-kita nang regular para magdiwang at magbigay ng suporta sa isa’t isa. Gayundin, nagsasagawa sila ng iba’t ibang pang- edukasyong gawain tulad ng pagtuturo ng Filipino sa mga pangalawang henerasyon ng mga Pilipinong Amerikano o yaong mga ipinanganak sa Estados Unidos. Dagdag pa, nagdaraos sila sa Pilipinas ng taunang pangkawanggawang gawain tulad ng mga tinatawag na medical mission. Meron din namang mga organisasyong mas aktibista ang dating— karamiha’y may mga kasaping kabataan mula sa iba’t ibang unibersidad na kumukuha ng kursong Ethnic Studies, American Studies, Asian American Studies, o mga araling kultural (Cultural Studies). May masigla silang programa ng mga aktibidades sa kampus tulad ng pagtatanghal ng mga dula, awit, sayaw, tula, at iba pang malikhaing gawain. Kasama na sa kanilang gawain ang pagdaraos ng mga protesta at rali kung may kinakailangang ipaglaban na karapatan o

Transcript of PILIPINANG AKADEMIKO SA ESTADOS UNIDOS: ISANG PAG-UULAT MULA SA GUMUGUHONG IMPERYO

PILIPINANG AKADEMIKO SA ESTADOS UNIDOS:ISANG PAG-UULAT MULA SA GUMUGUHONG IMPERYO

S. Lily Mendoza, Ph.D.

Bilang isang akademikong naninirahan sa labas ng bayan,itinuturing kong tungkulin na ibahagi sa papel na ito angisang perspektibong nagmumula sa aking kinatatayuan.Ayon na rin kay Zeus Salazar (1991), kung makikilahok manang mga tagalabas sa usapin ng bayan, hindi ito bilangdalubhasa sa mga kaganapan sa bansang Pilipinas kundibilang tagapamahagi ng katayuan at pananaw mula sakanilang parte ng mundo. Ang sumusunod ay isangpagbabahagi ng aking karanasan bilang isang Pilipinangakademiko na naninirahan sa Estados Unidos ng Amerika atang makabuluhang leksyong maaaring mahango mula sanasabing katayuang ito.

Kung tutuusin, maraming pwedeng iulat tungkol sa mgakilusan ng ating mga kababayan sa Estados Unidos.Napakaraming organisasyon at iba’t ibang lokal naasosasyon ang may mga kasaping nagkikita-kita nangregular para magdiwang at magbigay ng suporta sa isa’tisa. Gayundin, nagsasagawa sila ng iba’t ibang pang-edukasyong gawain tulad ng pagtuturo ng Filipino sa mgapangalawang henerasyon ng mga Pilipinong Amerikano oyaong mga ipinanganak sa Estados Unidos. Dagdag pa,nagdaraos sila sa Pilipinas ng taunang pangkawanggawanggawain tulad ng mga tinatawag na medical mission. Meron dinnamang mga organisasyong mas aktibista ang dating—karamiha’y may mga kasaping kabataan mula sa iba’t ibangunibersidad na kumukuha ng kursong Ethnic Studies, AmericanStudies, Asian American Studies, o mga araling kultural (CulturalStudies). May masigla silang programa ng mga aktibidadessa kampus tulad ng pagtatanghal ng mga dula, awit, sayaw,tula, at iba pang malikhaing gawain. Kasama na sakanilang gawain ang pagdaraos ng mga protesta at ralikung may kinakailangang ipaglaban na karapatan o

Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan2

anupamang kahilingan. Meron ding organisasyongkasaysayan ang tutok tulad ng Filipino American National HistoricalSociety o FANHS (2013). Sa partikular, tumutunton angFANHS sa itinuturing na napakahabang kasaysayan ng mgaPinoy sa Estados Unidos. Tinatayang nagsimula ito noong1763, nang, ayon sa ulat, tumalon at tumakas raw ang mgamanggagawang Pilipino mula sa mga barkong komersyal ngEspaña sa kanilang taunang pagdaong sa baybayin ngLouisiana malapit sa siyudad ng New Orleans noong panahonng kalakalang galyon. Tinagurian silang Manilamen—mgaPilipinong naunang nakapagtayo ng mga komunidad saEstados Unidos. Bahagi rin ng gawain ng mga lokal natsapter ng FANHS ang pangangalap ng mga oral history ngiba’t ibang komunidad ng Pilipino sa buong bansa at angpagtatala ng kanilang mga kuwento at talambuhay.

Isang kilusang sinimulan ng yumaong Virgilio “Ver”Enriquez ang Sikolohiyang Pilipino. Inilunsad nito angmaraming karera sa akademya noong mga unang taon ngdekada 1990, ngunit mukhang hindi na naipagpatuloy pabilang isang natatanging kilusan sa konteksto ngakademikong pag-aaral sa Estados Unidos. Sa kabila ngganitong pangyayari, nagsisilbi pa ring batayan ang mgaprinsipyo ng Sikolohiyang Pilipino para sa bagong diskurso saidentidad na Pilipino, kasama ng mga iba pang lathalainukol sa dekolonisasyon sa hanay ng mga manggagawa sakomunidad at mga iskolar sa unibersidad (Strobel 1996;PSSP 2014).

Isang lumalagong kilusan sa California ang Center forBabaylan Studies o CfBS (2011). Itinatag ito noong 2009 sapamumuno ni Leny Mendoza Strobel, kasama ang isangmatapat na core group ng mga Pilipinong Amerikano. Gawaingpagsasakatutubo o pag-uugat at muling pagsasabuhay ng mgapananaw, pagpapahalaga, kaisipan, at kaugalian ng atingmga ninuno ang tutok ng CfBS. May patuloy na ugnayangimpormal ito sa Heritage and Arts Academies of the Philippines(HAPI) na pinangungunahan ni Katrin de Guia na nakabasesa siyudad ng Baguio. Ang HAPI ang naglunsad ng mgakumperensyang internasyunal ukol sa Kapwa (Kapwa

MENDOZA: Pilipinang Akademiko sa Estados Unidos 3

Conferences) kung saan malaking bahagi ang pakikilahok ngmga katutubo mula sa iba’t ibang panig ng Pilipinas atgayon na rin, mula sa ibang bansa gaya ng Japan,Australia, Thailand, at iba pa. Dinadaluhan ang mgakumperensyang Kapwa ng mga kasapi ng CfBS mula sa EstadosUnidos at ng mga Pilipinong taga-Canada. Nagbibigay-inspirasyon sa mga nasabing kalahok ang mga kumperensyangito para sa gawaing pagsasakatutubo sa kani-kanilang mgabansa. Babalikan ko ang pag-uulat patungkol dito sabandang huli ng aking diskusyon.

Bukod sa CfBS, wala akong direktang ugnayan sa alinmangkilusang nabanggit kaya’t di nakatutok sa mga ito angpag-uulat na ito. Marahil, maitatanong ninyo kung bakit.Isang maaaring dahilan ang pakiramdam kong hanggangngayon, sa kabila ng aking mahigit na dalawang dekadangpananatili sa Estados Unidos, hindi ko pa rin maituturingang aking sarili bilang isang Pilipinong Amerikano.Pakiramdam ko, isa pa rin akong tagalabas—isang dayuhan oeksilong napatapon sa ibang bansa na ang loob at pagkataoay hindi pa rin Amerikano, anuman ang nais pakahulugan saidentidad na ito. Subali’t sa isang banda, may masmalalim na dahilan kung bakit hindi ako gaanongpumapaloob sa mga isyu ng mga minoridad sa Amerika gaanoman kahalaga ang nakikita kong gawain ng mga ito.

Madalas maghayag ang mga grupong minoridad sa EstadosUnidos, kasama na ang mga Pilipinong Amerikano, na angkanilang pakikipaglaban ay para sa katarungang anghangarin ay ang pagkakapantay-pantay ng lahat sa harap ngbatas at lipunan anuman ang pagkakaiba—maging ito ma’y saoryentasyong sekswal, kasarian, lahi, etnisidad, at ibapa, gayon na rin sa kalayaang maghanap ng kaginhawaan sabuhay. Marangal ang layuning ito, at hindi ko minamaliitang mga nagawang radikal na pagbabago sa lipunan ng iba’tibang kilusang gaya ng Civil Rights Movement, Women’s LiberationMovement, Black Power Movement, American Indian Movement, GayRights Movement, at Labor Movement, na kinabibilangan ngiba’t ibang grupo noong dekada ’60 at ‘70. Subali’tmadalas, ang hindi naitatanong sa ngayon: Ano ba talaga

Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan4

ang pinapangarap na makamit ng mga sumasali sa mgaganitong kilusan para sa sarili at para sa komunidadpagkatapos matamo ang mga karapatang garantisado sailalim ng batas na dati’y para sa mga puti at maykayalamang? Pinangangambahan kong sa bandang huli, angtanging adhikain ay makamit lamang ang patas na bahagisa tinapay ng pribilehiyo (equal share of the pie of privilege) naang ultimong pakay ay para makasali lamang sa mgaproyekto ng pag-angat pang-ekonomiko (upward mobility), nasiyang tipikal na pakahulugan sa tinatawag na “AmericanDream.”

Kaugnay nito, maaari ring itanong: Ano ba naman angmasama kung maghanap ng ginhawa sa buhay sa pamamagitanng pansariling pag-angat sa kalagayang ekonomiko? Hindiba’t ito na rin ang hanap-hanap ng bawa’t isa sa atin,lalo na ng nakararaming lumaki sa hirap at hanggangngayon marahil ay nagsisikap pa ring makaahon? Medyoatubili ako sa pagpuna ng ganitong hangarin sapagkatmaaaring madali para sa aking kuwestyunin ito dahilnatamo ko na naman ang ganitong ginhawang materyal opang-ekonomiko. Lehitimong pag-aatubili o pagtanggi ito.Totoo ngang ako ay taga-Estados Unidos, itinuturing paring pinakamayaman at pinakamakapangyarihang bansa sabuong mundo sa kabila ng krisis pinansyal nito noong 2008at ng tumitinding pagdarahop ng marami sa kasalukuyan.May populasyon itong bagama’t ikalimang porsyento lamangng populasyong pandaigdig ay siyang umuubos ng 25-40% sakayamanan ng buong mundo. Ang sabi pa, ang karaniwangtulin ng pagkonsumo o pag-ubos (average rate of consumption)ng isang indibidwal sa Amerika ay tatlumpu’t dalawangbeses na higit kaysa sa isang katapat na mamamayan mulasa isang bansang tulad ng Kenya o dili kaya ng Pilipinas(Diamond 2008). Kung saka-sakali, puwede ngang ibalikang akusasyon sa isang nanggagaling sa Amerika:Pagkatapos ninyong magpakasasa sa layaw ng buhay, ano angkarapatan ninyo para magsabi sa amin na hindi ito angdapat din naming pangarapin? Wala akong sapat namaisasagot hinggil dito. Maihahambing ang nabanggit natanong sa sinabi ng isang kaibigang Afrikanong Amerikano:

MENDOZA: Pilipinang Akademiko sa Estados Unidos 5

“I just want the right to oppress others as I and my people have beenoppressed for the last 500 years.” Sa ganito ring pananaw,walang masasabi ang asawa kong puting Amerikano dahil saharap ng hustisya, maituturing na makatarungan lamang angnabanggit na pangangatwiran. Kung tutuusin, hanggangngayon, matapos maihalal ang unang itim na presidente ngEstados Unidos, hindi pa rin ligtas ang mga ordinaryongAfrikanong Amerikano sa pahirap na dulot ng matindingrasismo at diskiminasyon. Makikita ito sa halos lahat nglarangan ng buhay sa Amerika, tulad ng hindipagkakapantay sa sahod, ilegal na praktis ng redlining(kung saan dinidirekta ng mga real estate agent ang mganamimili ng bahay na tumingin lamang sa mga lugar ngkalahi nila), labis na pagpaparusa at pagkukulong sa mgaitim at iba pang minoridad sa pinakamaliit na paglabag sabatas, at iba pang di-makatarungang pagtrato na normallamang sa pang-araw-araw na buhay ng mga di-puti sabansa. Sa ngayon, hihilingin ko ang inyong paumanhin nahindi ko muna sasagutin nang tuwiran ang ganitongpagtutol. Sa halip, nais kong gumugol ng kauntingpanahon para magbigay ng personal na konteksto hinggil saaking paglalakbay-intelektwal bilang bahagi na rin ngpahilis na pagsagot sa katanungang nabanggit dito.

MAIKLING TALAMBUHAY

Ipinanganak ako sa San Fernando, Pampanga sa isangsimpleng pamilya. Lumaking Katoliko ang nanay ko at angtatay ko nama’y nagmula sa isang pamilyang kabilang samga unang konvert ng relihiyong Metodistang Protestante.Sa pag-aaral, umabot ang nanay ko hanggang hayskul, perohanggang grade four lamang sa elementarya ang tatay ko.Silang dalawa ay parehong self-taught na may malakingpagpapahalaga sa edukasyon. Bagama’t Katoliko ang nanayko, nahikayat siya ng aking tatay na maging Metodista atnagsilbi siyang pianista sa aming simbahang lokal samatagal na panahon. Ang simbahang Protestante, kasama nang mga Amerikanong misyonero, ang naging daan paramakondisyon ang aming pag-iisip, paniniwala, at

Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan6

sosyalisasyon ayon sa Kanluraning kultura. Itinuro nitoang diin sa indibidwalismo, ang hindi pagsandal o pag-asasa ibang tao, at ang matinding moralismo. Kasama na ritoang direktang impluwensya ng mga Amerikanong Peace CorpsVolunteer na naging guro ko sa San Fernando Elementary Schoolkung saan kaming magkakapatid ay nag-aral. Bilangdagdag, dalawa sa aking nakatatandang kapatid na babae aynagturo sa Wurtsmith Elementary School na matatagpuan sa loobng Clark Air Base sa Angeles. Mula rito, tumuloy na magturoang isa sa kanila sa Joint US Military Assistance Group (JUSMAG)Academy sa Maynila noong panahong lumalaki ako. Naalalako pa noon kung paanong araw-araw, dala-dala nila tuwinguuwi ang mga kuwento at kamangha-manghang pagmamasidpatungkol sa kakaibang buhay sa loob ng baseng Amerikano.Ayon sa kanila, malinis, maganda, malago, mabango, atmalaki ang lahat. Ang petsang ika-apat ng Hulyo angpinakahihintay naming pagsilip sa mahiwaga at di-pangkaraniwang mundong yaon. Ito ang araw kung kailanbinubuksan sa publiko ang baseng Amerikano bilangpagdiriwang daw sa Philippine-American Friendship Day. Dahildito, minsan sa isang taon, nakatutuntong kami sa loob nganimo’y paraiso at nabibigyan ng supot na may lamangmansanas, hamburger, kending tsokolate, at lollipop nabinalutan ng kulay ng American flag.

Dala ng malakas na dayuhang impluwensyang ito, nagingkakaiba ang aming pamilya sa tipikal na pamilya sa amingbaryo sa Teopaco kung saan Katoliko ang karamihan.Makikita ito lalo na tuwing Mayo, sa panahon ng piyestang santong patron ng San Fernando kung saan kami lamangang nag-iisang di kasali sa pagdiriwang dahil sabi nga ngtatay namin: Hindi tayo sumasamba sa mga idolo tulad nila.Hindi rin kami pinayagang magbasa ng lokal na komiks peropinayagan kaming magbasa ng mga illustrated fairy tales ni HansChristian Andersen, gaya ng mga kuwento ni Rapunzel, SnowWhite and the Seven Dwarves, Cinderella, at iba pang akdang anglahat ng karakter ay puro puti. Gayumpaman, nakapupuslitako sa isang maliit na tindahang may paupahan ng Tagalogkomiks malapit sa aming bahay kapag iskedyul ko nangmangolekta ng kaning-baboy mula sa mga kapitbahay. Ang

MENDOZA: Pilipinang Akademiko sa Estados Unidos 7

tatay ko kasi ay nag-aalaga ng baboy para pambayad ngaming matrikula sa paaralan. Naalala ko pa yaong mgasinusubaybayan kong kuwento: ang kuwento ng taong-tuod,ang kapre sa punong-kahoy, at ang babaeng nakaputi saBalete Drive (tila Hiwaga yata ang pangalan ng komiks). Peroistrikto ang moral code ng Protestanteng Metodismo.Kasalanan daw ang maniwala sa walang katotohanang bagay(halimbawa, sa mga itinuturing na pamahiin at sa daigdigng mga multo at lamang lupa) at lalo’t higit na kasalananang magkamit ng kasiyahan sa mga ito.

Sa madali’t sabi, dahil sa mga direktang impluwensya ngKanluraning kultura sa aming pamilya, matindi ang nagingkolonisasyon naming magkakapatid. Tinanaw namin angaming mga sarili bilang kakaiba, hindi mapamahiin, at mayangking tamang paniniwala. Naisaloob din namin angpagpapahalagang pang-middle class bagama’t hindi naman kamitotoong middle class kundi nagpapanggap lamang. Natutunandin naming hamakin at bansagan bilang “baduy,” “bakya,” o“low-class” ang kulturang Pinoy, pati na ang mga mali-maling mag-Ingles. Ang ilan sa ami’y naging mahusay sapagiging “little brown American.”

Sa kabila nito, isa ako sa aming anim na magkakapatid nakailanma’y hindi naging komportable sa ganitong pagtinginsa sarili. Manapa, nagdala ito ng matinding kalituhan atkrisis sa identidad na dinala ko hanggang paglaki.Pagtungtong ko ng kolehiyo, kinainggitan ko ang mga de-tsuper kong kaklaseng pawang mga Inglesero at nagmula samga eksklusibong paaralan. Tinanaw ko sila bilang mgataong nagtataglay ng lahat ng pwedeng naisin sa mundo.Sa kabilang banda, higit kong kinainggitan ang aming mgamaralitang pinsang Katoliko na, bagama’t di hamak na masmahirap kaysa sa amin, napansin kong masaya, natural, atwalang kakimian o inferiority complex. Sa paghahanap ko ngsarili, napasali ako sa isang grupong Kristiyanongtinatawag na “born-again” sa kampus ng University of thePhilippines (UP). Ilang dekada ko rin itong pinagbuhusan nglahat ng aking lakas-kabataan. Subali’t kahit roon, walaakong natamong kaginhawaan.

Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan8

Nagsimula lamang ang paghilom ko mula sa kolonisasyon atmatinding krisis identidad nang nakapasok ako sa isangkursong gradwado sa Humanities sa UP. Ang tawag sakursong nabanggit ay “The Image of the Filipino in the Arts.” Angetnomusikolohistang si Felipe De Leon Jr. ang amingpropesor at wala siyang ginawa sa klase kundi ipakita saamin ang mga katutubong sining ng ating mga ninuno—angkanilang mga kakaibang sayaw, awit, kuwento, indayog,habi, arkitektura, at iba pa—at kung ano ang kahulugan atsaysay ng mga ito sa kakaibang pagkatao ng katutubongPilipino. Hindi ko lubos maunawaan ang naranasan ko saklaseng iyon, kung bakit napakalakas ng tama noon saakin. Naalala ko pang tuwing naglalakad ako pauwi mulasa klase, hindi ko maiwasang umiyak nang umiyak, hindi koalam kung bakit. Noong mga sumunod na taon ko na langnapagwaring ang dahilan ay sa unang pagkakataon,natagpuan ko ang aking hinahanap-hanap na tunay napagkatao sa uri ng pagkataong nasasalamin sa mga likhang-sining ng ating mga ninuno—ang sariling hindi nabigyan ngpagkakataong maipahayag dahil sa aking pagkaalipin saisang Kanluraning ideolohiyang nagnanais na gawin akongiba—tulad ng empasis sa indibidwalismo at kompetisyon,paglait sa mga wala raw galudgod dahil hindi tumatayo sasariling paa, at iba pa. Yun pala, napag-alaman kongang indibidwalismo pala ang anomalya sa kasaysayan ngsangkatauhan, isang modernong imbensyon lamang na angpinagmulan ay ang konsepto ng pribadong pag-aari. Sakabilang banda, ang pakikiisa, pakikipagtulungan, atpakikipagkapwa ang mas tipikal na kondisyon para samatagumpay na ebolusyonaryong pakikiangkop ng ating uri.Nakatulong din sa aking pagkamulat na ito ang mga gawainnina Enriquez, Zeus Salazar, at Prospero “Poping” Covar1

na bagama’t hindi ko lahat naging guro ay maituturingkong mentor at pinagkakautangan ng loob sa pagkatuto kong kakaibang lapit sa pagbubuo ng kaalaman gamit angating mga sariling kategorya ng pag-iisip at pananaw samundo bilang Pilipino—hindi sa isang simplistikongpagpapalagay na mayroong iisang tamang pananaw kundi sapagpopook ng kaalaman sa pamamagitan ng palagiang

MENDOZA: Pilipinang Akademiko sa Estados Unidos 9

pagtatanong: Kanino bang interes ang pinagsisilbihan ngnasabing pananaw na ito?

KONTEKSTO NG IMPERYO

Masalimuot kung papaano ako napadpad sa Estados Unidosnoong mismong panahon kung kailan ang nais kong gawin ayang kumuha ng doktorado sa Sikolohiyang Pilipino sa UP.Sabihin na lang nating may ilang personal na krisis nanagtulak sa akin para lumayo muna sa Pilipinas. Angmasaklap, nangyari ito noong nagsisimula pa lang bumukasang aking mundo papaloob sa ating katutubong kaalaman,kasaysayan, at kultura. Iisa lamang ang aking inaplayangprogramang doktorado sa Estados Unidos at tinatawag itongkomunikasyong interkultural (intercultural communication).Dahil produkto ako ng mga nag-aaklasang impluwensya saaking paglaki, naisip ko na ang disiplinang ito marahilang makatutulong para magbigay-saysay sa mgakontradiksyon sa aking mundo. Sa intindi ko, isa sapinakamahalagang gawain ng disiplinang ito ang pagtutulay—yaong pag-uugnay sa iba’t ibang kaalamang sa pang-ibabaway mukhang walang kinalaman sa isa’t isa nguni’t kapaginusisa’y matutuklasang magkakabit pala. Sa ganitongpananaw, palaging tumatayo ang isang interkulturalista sapagitan ng mga diskurso, sa gitna ng mga kumpol nakaalaman o di kaya’y mga disiplinang hindi nag-uusap saisa’t isa. Hangarin ng isang interkulturalistang pag-ugnayin ang mga ito sa isang paraang nakapagbubuo ngmalawakang larawan o pagsasakonteksto. Ang hulingnabanggit ay isang pangangailangan sa harap ngpakakawatak-watak ng kaalaman dulot ng walang pasubalingespesyalisasyon at paghahati-hati ng analisis batay samga tinatayang hanggahan ng iba’t ibang disiplina nanagtatakdang: “Hindi mo pwedeng talakayin ang tungkol saekonomiya dahil hindi ka naman ekonomista;” o di kaya angpananaw na nagtatanong: “Ano ang alam mo saanthropolohiya samantalang komunikasyon naman ang inaralmo?”

Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan10

Sa karanasan ko, malaking balakid ang Kanluraningoryentasyong ito para maunawaan kung bakit nagkaganitoang ating mundo ngayon—kung bakit nalalagay sa matindingpanganib ngayon ang ating planeta. Ayon sa mgadalubhasa, sa kauna-unahang pagkakataon, maaaring malipolo maging ekstinkt ang sangkatauhan, kundi man sapamamagitan ng nuclear holocaust, ay sa pamamagitan ngekolohikal na pagguho at pagbagsak ng industriyal nasibilisasyon. Ang sanhi ng huli’y ang pagkasira samaselang balanse ng kalikasan at ang walang taros napaglampas sa kapasidad ng planetang sumuporta sa buhay nglahat ng nilalang. Ito rin, sa aking pagtingin, anglimitasyon ng pagteteorisa sa akademya na hindi nakaugatsa reyalidad—isang reyalidad na kung uusisain ay lagingsari-sari ang tapyas (multi-faceted) kaya hindi dapatilimita sa paisa-isang lapit na disiplina lamang. Higititong makikita kung isasaalang-alang ang problema ngideolohiya na ang pakay ay pagtakpan ang katotohanankaugnay ng mga nakikinabang sa kasalukuyang kaayusan.Naisasagawa ang nasabing pananakip sa pamamagitan ngpagkontrol sa mensahe, pagtatakda ng panuntunan hinggilsa mga puwedeng pag-usapan sa mga silid-aralan, at kungano ang bibigyang prayoridad sa diskursong pampubliko.Kaya kahit hindi ako ekonomista o political scientist, nagingmahalaga para sa akin ang unawain, halimbawa, angkonteksto ng globalisasyon, lalo na ang lohika sa likodng walang pagtitimping paglaki ng mga korporasyon nasiyang pangunahing tagapagtaguyod nito. Kasama rin ditoang mga mekanismo ng panloloko, kung papaanongnakalulusot ang sabwatan ng estado at korporasyon sakasalukuyan at nagagawang maging katanggap-tanggap angganitong kalakaran kahit sa mga binansagang“demokratikong” bansang tulad ng Estados Unidos o di kayang Pilipinas.

Ano ang kinalaman nito sa kultura at komunikasyon?Lahat. Dahil ang kultura at komunikasyon ang pangunahinginstrumento ng lehitimasyon upang pagtakpan angpagsasamantala ng mga naghaharing uri sa mga ordinaryongmamamayan sa buong mundo.

MENDOZA: Pilipinang Akademiko sa Estados Unidos 11

Sa di inaasahan, pagdating ko sa Estados Unidos,nadiskubre kong ako lang pala ang nagtataglay ng ganitongpag-unawa sa gawain ng komunikasyong pang-interkultural.Ito ay dahil sa indibidwalistikong lapit na gamit ngkaramihan—hindi nyutral o inosente, kundi masasabingsinasadya para hindi hamunin ang umiiral na kaayusan osistema batay sa dominasyon ng mga puting elit. Madalas,napakakitid at limitado ang lumalabas na analisis sa mgaengkuwentrong interkultural. Tulad ng nasabi ko na, angganitong indibidwalistikong lapit ay hindi inosente. Angpaggigiit na tingnan lamang ang kagyat na sitwasyon ngpagtatagpo ng dalawang kalahok sa anumang engkuwentro atang pagtangging ipasakasaysayan ito ay pag-iwas sa tanongng ideolohiya at ang implikasyon nito para bunuin nangmalaliman ang mga pamamaraan ng naghaharing uringkasangkot sa globalisasyon.

Isa sa pangunahing estratehiya ng ideolohiya angpagpapaniwalang ang umiiral na kaayusan ay naturallamang, “meant-to-be,” ‘ika nga, at ang tanging dapatgawi’y tanggapin ito bilang bahagi ng hindi maiiwasangproseso ng pag-unlad o ebolusyonaryong pagsulong, o dikaya’y bilang resulta ng prinsipyong matira ang matibay(survival of the fittest). Halimbawa, kung hindi bubusisiin angtunay na kasaysayan ng bansang Estados Unidos, madalingpaniwalaang ito nga ang tanging itinalaga para maghari sabuong mundo (tingnan na lang ang mitolohiya ng “City on aHill” at “Manifest Destiny”). Ang tawag sa ganitong mito ay“US exceptionalism,” ang paniniwalang “hindi kamiimperyalista, hindi kami rasista; ang aming materyalismoay pagsulong, at meron kaming natatanging kapabilidad atpananagutang ikalat ang ilaw ng kalayaan at demokrasya sabuong mundo.”

Hindi alam ng marami na ipinanganak ang bansang EstadosUnidos kapalit ng buhay ng maraming tribung katutubo naminasaker2 upang makamkam ang kanilang lupain mula sapagdating ni Christopher Columbus noong 1492. Isa itongpagsasamantalang nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan.

Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan12

Ang lakas na ginamit sa pagtatayo ng mga infrastrukturanito tulad ng mga tulay, highway, dam, riles ng tren,pagawaan sa industriya, at iba pa ay galing sa dugo atpawis ng maraming inalipin mula sa kontinente ng Afrika3

at iba pang inaliping manggagawa. Kasama na rito ang mgaPilipinong manong na nagsilbi sa ilalim ng mararahas nakondisyong matatagpuan sa mga bukirin at cannery. Hindirin alam ng marami na ang orihinal na batayan ng mgaideyang Europeo hinggil sa kalayaan (liberty), ayon samananaliksik na si Jack Weatherford (1988), ay hindigaling sa mga Kanluranin o Europeong pilosopo kundinatutunan lamang ang mga ito mula sa mga katutubongAmerikanong Indiano tulad ng mga tribong Iroquois atAlgonquian. Napansin mula sa mga nasabing tribo na hindisila nagpapasakop sa kapwa-tao o sa kanino man at lalonghindi kumikilala sa kapangyarihan batay lamang sakayamanan o naipong pribadong pag-aari ng isang tao.Hindi rin alam ng marami na ang pagpasok ng EstadosUnidos sa entablado ng mga tinatawag na “superpower” ay sapamamagitan ng sapilitang pagkamkam sa bansang Pilipinasbilang ipinagmamalaking “colonial possession” noong bungad ngika-20 siglo. Bagama’t hindi na muling kumamkam pa ngibang pormal na kolonya ang Estados Unidos pagkatapos ngmadugo nitong pang-aalipin sa Pilipinas, ang pakikialamnito (sa pamamagitan ng interbensyong militar) sa di-mabilang na mga bansa ay di kailanman tumigil. Sapamamagitan ng pagmanipula ng mga opisyal na kasunduan otratado at pagkatha ng mapagsamantalang palisi kaugnay ngnegosyo o kalakalan, sinisiguro na patuloy na dadaloypatungong Amerika ang mga kayamanan ng mga bansangnabanggit.

Alam natin dito sa Pilipinas ang kasaysayang ito, o sananaman, inaasahan kong alam nga natin. Subali’t maniwalakayo o hindi, walang nalalaman ang nakararamingmamamayang Amerikano tungkol dito. Ang tanging alam nilaay: “Kami ang pinakamagaling sa mundo kaya gusto ng lahatna magpunta rito.” Ipinangangalandakan nga ngekonomistang si Milton Friedman (2007) na bumoboto rawang mga tao sa pamamagitan ng kanilang mga paa, kaya kung

MENDOZA: Pilipinang Akademiko sa Estados Unidos 13

nagkakandarapa raw mag-aplay ng visa sa Amerika at sa ibapang bansang Kanluranin, ito ay dahil sa paniniwalanilang ang Amerika ang may pinakamagandang sistema sabuong mundo. Subali’t lingid sa kaalaman ng marami, maysinusundang lohiko ang daloy ng migrasyon sa mundo.Tulad ng sabi ng ilang manunulat, ang kasaysayan raw ngmigrasyon sa mundo ay maibubuod sa maikling pangungusap:“We are here because you were there” (Frankenberg at Mani, 1996,274). “Narito kami dahil pumaroon kayo sa amin—pumaroonkayo at ninakaw ang aming yamang lupa, pati na ang amingekonomiya, at pumarito kami upang bawiin namin ito.”

Bakit nga ba hindi alam ng karamihang Amerikano angmadugong kasaysayan sa likod ng kanilang pagiging NumberOne sa mundo? Dahil hindi itinuturo sa mga eskuwelahanang ganitong kasaysayan at hindi rin pinapayagang pag-usapan ito kahit kailan sa pambansang diskurso. Anghindi pagtuturo nito ay para panatilihin ang mito ngkawalang kasalanan (myth of innocence) ng bansang Amerika atgayundin ang magkatuwang na naratibo ng Americanexceptionalism at meritocracy. Tumutukoy itong huli sapaniwalang kung ano man ang natamong kayamanan atkapangyarihan ng bansang Estados Unidos sa ngayon aygaling lahat sa makatarungan at walang pandarayangpagsisikap nito. Kapag ipinangangalandakan ang superyorna sistemang demokratiko, hindi alam na walang kalayaan okarapatang pantao ang basta na lamang ipinagkaloob ngpamahalaang Amerika kundi muna dumanak ang dugo salansangan at naganap ang matinding pakikipaglaban ng mgamamamayan tulad ng mga kilusang nabanggit ko na—Civil RightsMovement, Women’s Liberation Movement, Black Power Movement,American Indian Movement, Gay Rights Movement, Labor Movement, atsa ngayon, ang Anti-war Movement at Anti-globalization Movement.Kaya naman, isa sa pinakamatinding proyekto ng estadongkorporatismo ang kung papaano sasanayin at pananatilihingmaamo at masunurin ang mga mamamayan—bigyan ang mga itong maraming laruan, gadyet, at kung anu-ano pang libanganat iba pang distraksyon, o kaya’y takutin sa pamamagitanng pagkalat ng diskurso ng terorismo, para ang mga ito’yhindi masyadong umangal sa anumang balakin ng imperyo.

Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan14

Ang walang patumanggang patalastas at promosyon ngkonsumerismo ay isa lamang sa pinakamabisang paraan kungpapaano napapangyari ito. At dahil sa angpinapahalagahan ng kulturang konsumerismo ay angpansarili at panandaliang aliw lamang, ang kulturangpambayan (civic culture) kung saan puwedeng punahin ng mgamamamayan ang pamahalaan at mag-usap-usap patungkol samga isyung pulitikal at may kinalaman sa kapakanan ngsambayanan ay hindi nagkakaroon ng pagkakataong lumago.Kasama na rin dito ang kawalan ng malayang pamamahayagdahil hawak ng malalaking korporasyon ang mainstream media.Ang tanging pinapayagang ilabas na punto-de-bista samidya ay yaon lamang magtataguyod sa interes ng mga ito.Kung saka-sakali, sa aking tanto, anumang masasabingdemokrasyang mayroon ang Estados Unidos ngayon, tulad narin ng anupamang bansa sa mundo, ay isang demokrasyangipinaglalaban, hindi sa Kongreso o sa mga pormal naproseso ng pamahalaan, kundi sa di-tumitigil na pagkilosng mga ordinaryong mamamayan sa lansangan at sa masusingpag-iimbestiga ng mga alternatibong pamamahayag parailabas ang katotohanan.

DETROIT: ISANG “POST-INDUSTRIYAL” NA SIYUDAD

Nang magdesisyon akong iwanan ang aking trabaho bilangisang tenured faculty sa University of Denver, Colorado paramanirahan sa Detroit, Michigan, marami ang nag-akalangnasiraan na ako ng bait. Kung tutungo ka nga naman sasiyudad ng Detroit, mapapansin mong para itongpinagdaanan ng giyera: maraming inabandonang bahay, ilanrito’y sunog o ninakawan ng mga parte, mga bahay na sakapanahunan nila’y maaaninag mong walang katulad sa gandaat disenyo na ngayo’y nasa iba’t ibang estado ngpagkaguho o pagkabulok; marami rin ang mgaestablisimyentong dati’y masigla at kapakipakinabang nangayo’y sarado na at natatakpan ng graffiti, at ang mgadating sementadong parking lot at mga bakanteng lote ayunti-unti nang tinutubuan ng damo, samantalang ang iba’ynagmistulang gubat na. Sa loob lamang ng apat na dekada,

MENDOZA: Pilipinang Akademiko sa Estados Unidos 15

ang siyudad ng Detroit na dati’y pang-apat napinakamalaking siyudad sa bansa, may booming na automotiveindustry (tahanan ng tinatawag na Big Three: Chrysler, GeneralMotors, at Ford) at may downtown na kinikilalang “Paris of theMidwest,” ngayon ay nawalan ng mahigit na kalahati ngkanyang dating dalawang milyong populasyon. Lumisan angmga puti, sa tinatawag na “white flight,” pagkatapos ngtinaguriang “race riots” (sa ibang pagtingin, “righteousrebellion”) noong 1967—isang pag-aalsa ng mga matagal nanginaaping itim na mamamayan ng siyudad. Ang kombinasyonng mapait na rasismo, kasabay ng pagbagsak ng ekonomiyangnakabatay sa single-industry formula at matagal ng napipintongpagkaubos ng non-renewable resource ng petrolyo ay parangsabayang suntok na bumuwag sa dating malagong ekonomya ngDetroit. Hindi nito nagaya ang halimbawa ng kapitbahayna siyudad ng Chicago na mabilis na nakapagtransisyonmula sa industriya patungo sa pinansya bilang basehan ngkanilang ekonomiya. Tuluyang nalugmok ang Detroit atngayo’y nagmistulang pangunahing simbolo ng tinatawag naurban decay. Dagdag pa rito ang walang patumanggangdiktadurya at sabwatan ng mga bangko at ng konserbatibongpamahalaan ng estado para isapribado ang siyudad base saprinsipyong neoliberalismo. Sa kabila ng inakalangkaligtasan mula sa pinansyal na sektor ng ekonomiya,panahon lamang ang hinintay bago sumunod na rin, noongtaong 2008, ang pagsabog ng bula (bubble blast) ng abstrakna finance-based economy. Totoo ito, hindi lamang sa WallStreet kundi pati na rin sa ekonomya ng buong mundo.Tulad ng di inaasahan, mukhang nauna lang pala angDetroit sa ngayo’y tinatayang magiging kapalaran, sa dikalaunan, ng bawa’t siyudad sa buong mundo. Ganito anginaasahan kung ipagpapatuloy ang kasalukuyang direksyonng pagpapalakad ng ekonomiya batay sa walang pagtitimpingpagpapalaki nito. Mahalagang tandaang ang siyudadmismo’y isang istruktura ng karahasan, dahil nakabatayito sa isang pamamaraan ng pamumuhay na hindi kayangsustenahan ang sarili nang hindi nag-aangkat ng mgakinakailangan mula sa labas, halimbawa, pagkain,paggatong, gamit kasangkapan, at iba pa.

Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan16

MGA LEKSYON MULA SA GUMUGUHONG IMPERYO

Dito pumapasok, para sa akin na isang Pilipinongintelektwal na nagkaroon ng pagkakataong umupo, kungbaga, sa front seat ng pagsaksi sa pagguho ng imperyongEstados Unidos, ang tanong kung ano ba talaga ang akingpaniwala sa ibig sabihin ng pinakamimithing ginhawa sabuhay. Ano ang kahulugan, halimbawa, ng pagtatagni nglohika ng walang limitasyong paglaki, materyal naakumulasyon, pakikipagkompetisyon sa kung sino angpinakamaykapangyarihang kumamkam sa nalalabing yamangpangkalikasan sa mundo sa harap ng mga signos na paubosna ang kakayahan ng ating planeta na suportahan angganitong proyekto ng walang patumanggang materyal napaglaki at pagkonsumo? Sabi nga nila, kakailanganin angmahigit apat hanggang anim na planeta kung ang lahat ayipapamuhay ang American middle class lifestyle. At kahit na paang anim na planetang yaon ay may hangganan rin tulad ngating planeta sa kasalukuyan at hindi kayang sustenahinang lohiko ng walang tigil na paglaki at pagkonsumo.

Para sa akin, nagbabadya ito, una sa lahat, ng walangtigil na giyera. Anuman ang rasyonalisasyon para ikubliang tunay na pakay (halimbawa ang “war on terror” o giyerapara sa ideolohiya ng “demokrasya,” “kalayaan,” “pag-unlad,” at iba pang pangungubli) sa katotohanan, angpaglusob sa ibang bansa (tulad ng Iraq) ay isangpaniniguro para sa patuloy na akses at kontrol ngnalalabing yamang lupa. Anupamang marangal na retorikaang bumabalot sa mga ganitong pagkilos, maging mula manito sa bibig ng isang pangulong nangako ng pagbabago,tulad ng Pangulong Barack Obama, retorika itong hungkag.Pangalawa, may badya ng tinatawag na “race to the bottom”—angpagbebenta ng pinakamurang pasahod sa mga manggagawa,pagsidhi ng madugong paniniil ng korporatistang estado saanumang protesta laban sa sistemang umiiral, pag-igtingng militarisasyon, lubusang pagwasak sa kabuhayan ng mganatitirang katutubong namumuhay palabas ng tinatawag na“free market,” at sapilitang inkorporasyon ng mga ito sa

MENDOZA: Pilipinang Akademiko sa Estados Unidos 17

ekonomya at pagsamsam ng kanilang mga minanang lupain,lalo pang paglala ng agwat sa pagitan ng mayayaman atmahihirap (Reuters 2013), at higit sa lahat, ang pagwasaksa kalikasan, ang paglason ng ating hangin, tubig, atpagkain, ang nakababahalang permanenteng pagkawala ngmaraming uri ng hayop, at sa bandang huli, ang posiblenglubos na paglipol sa buhay sa planeta sa napakaiklingpanahon ng pananatili ng ating sibilisasyong industriyal.

Ganito na ngayong mag-isip ang mga natitirang residenteng Detroit, tulad na rin ng mga bagong kilusan ng mgamilitanteng katutubo sa iba’t ibang dako ng mundo. Kungdati, ang tanging hangad ay ang patas na bahagi satinapay ng pribilehiyo, ngayon, tinatanggihan na ito atsinasabing lason sa kanila ang tinapay na ito, na angpinapangarap na American Dream ay natatamo lamang sapamamagitan ng pagnanakaw, pagpatay, at pagsasamantala,na ang korporatistang sistemang global, sa katotohanan,ay isang deklarasyon ng walang hanggang giyera sa lahatng nagnanais mamuhay nang kakaiba, na ang lohiko nito aymonopolista, pasista, at likas na marahas at dahil dito,ayaw na nilang magkaroon ng anumang bahagi rito. Tuladng sabi ng walang pinag-aralang beteranong civil rights activistna si Fannie Lou Hamer noong panahong ipinakikipaglabanang karapatang bumoto noong dekada 1960:

I couldn’t tell nobody with my head up I’m fighting for equalright[s] with a white man, because I don’t want it. Because ifwhat I get, got to come through lynching, mobbing, raping,murdering, stealing, and killing, I didn’t want it, because itwas a shocking thing to me, I couldn’t hardly sit down(Wright 1968, 26).

Sa madali’t sabi, mahalagang makitang ang mahalay nakayamanan ng iilan ay hindi hiwalay sa matindingkahirapan ng nakararami, na sa harap ng limitadongplaneta, ang tanging paraan kung papano makapagpapayamanng sobra-sobra ang iilan ay sa pamamagitan lamang ngpanlalamang at pagnanakaw ng kung ano ang laan sa iba,pati na ang laan sa ibang hayop na may karapatan ding

Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan18

mabuhay sa ibabaw ng mundo. Ito ang lohika ng lotto: paramanalo ang isa, kailangan ng maraming talo. Ito angsistemang umiiral ngayon sa ating global na ekonomiya.

Dahil natanto na ang tunay na kahulugan sa likod ngakumulasyon ng kayamanan sa ilalim ng umiiral na sistema,may umuusbong ngayon sa siyudad ng Detroit na kakaibangkilusan sa gitna ng pagkawasak. Maaaninag ang kaibahangito sa mga nagsusulputang malalagong hardin sa mgabakanteng lote (urban community garden) at ang intensyunalna pagkalas mula sa kapitalismo at galamay ngkorporasyong transnasyunal at industriyang petrolyo.Imbes na malakihang produksyon para sa nasyunal atinternasyunal na palengke, ang tutok ngayo’y sa maliliitna negosyong kayang gawin ng mga lokal na komunidad.Kasama rin dito ang paggawa ng mga bagay na tumutugon samga payak na pangangailangan ng lahat, kabilang na angpagkain at pagbibigay ng iba’t ibang klase ng serbisyo.Sa maraming lugar sa siyudad, nagsisimulang mag-usap atmagkakilanlanan ang magkakapitbahay. Nagbubuklud-buklodang mga manunula (spoken word artist), may kakanyahan sateatro, midya, at iba pang malikhaing gawain upangtalakayin ang mga suliranin ng kani-kanilang komunidad atmagsagawa ng mga programang pagsasanay para sa kabataan.Marami rin ang naglalayong imbentuhing muli ng konseptong makahulugang paggawa (new work, skills trading, time dollars vs.wage labor) na hindi nangangailangan ng pera. Ang layonay kasarinlan, kasapatan (self-sufficiency), at tunay nakaginhawaan. Ang malalimang prinsipyo ay upangmatutunang muli ang pakikipagkapwa-tao: mapayapa atmakatarungang pakikipag-ugnayan sa isa’t isa at sa lahatng kapwa nilalang, at pagbabalik-loob sa kalikasan nasiyang pinagmulan ng kagandahang loob na bumuhay sa lahatng nilalang, sa loob ng pinakamahabang panahon bago natinsinimulang wasakin ito.

Buwan ng Oktubre, taong 1989, nang isulat ng isa namingkaibigang aktibista ang ganitong panalangin para sasiyudad ng Detroit. Aniya:

MENDOZA: Pilipinang Akademiko sa Estados Unidos 19

Die and arise. In your weakness is your hope. You are at anend and a beginning. Recollect your best history and comealive. You will do this if you set the lives of your people aboveyour own. Attend to the least, the poorest, the homeless.Defend them from the ravages of corporation and economy.In their empowerment is your life. Cast off your bondages.(This too may feel like dying.) Begin with drugs and guns.Your people pray for this; join them in action. Instead ofMurder Capital, become the city of nonviolence. It can be so.

Your industrial heyday has gone to rust. You will not see itslike again. Now think small. Encourage the modest, aneconomy of creativity and self-reliance. Nourish the projectsof human scale, the works of community and struggle. Letyour empty lots bloom green; you will find there a hiddeneconomy all its own. Sit light upon the river, but not as realestate frontage for the rich. Be in right relationship to its life,and through it to the region, to earth itself. For your sins,enough. Now you have my blessing. Sing to glory and cometo life (Wylie-Kellermann 2009).

Dalawampung taon matapos isulat ang dasal na ito, angbawa’t isinalarawang pangarap ay mukhang nagsisimula nangmatupad. Sino ang mag-aakalang mamumukadkad na muli angpamumuhay na organiko at makatao mula sa industriyal nakapital ng mundo? Isang resureksyon o muling pagsilangang tawag sa nagaganap na transpormasyong ito mula sapinakakinatatakutang siyudad ng Detroit. Sa pakikilahoknaming mag-asawa sa kilusang ito, mapalad kamingmatutunan ang kakaibang paraan ng pag-iisip at pamumuhay,hindi ang kasakiman at kawalanghiyaang itinuturo nglohikong imperyal.

KAHALAGAHAN NG PAGBABALIK-LOOB AT PAGSASAKATUTUBO

Nabanggit ko sa umpisa na kung may isang kilusan saEstados Unidos na taos-puso ang aking pakikilahok, ito ayang kilusan sa pagsasakatutubo (indihenisasyon) napinangungunahan ng Center for Babaylan Studies. Bagama’t si

Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan20

Leny na kapatid ko ang nagpasimuno nito, hindi agadtumimo sa aking kalooban ang tradisyong babaylan bilangsimbolo ng adhikaing nais makamit ng kilusan. Unang-una,kakaunti ang kaalaman ko hinggil sa tradisyong ito ngating mga katutubo; pangalawa, nangangamba ako saposibleng di makatarungang apropriyasyon sa ibayong-dagat(o ang tinatawag ng maraming kritiko na romantisasyon) ngkatutubong tradisyong ito na hindi nakabatay sa malalimna pag-aaral at pag-unawa. Sa kabila ng pagkakaroon kong sariling malalimang pag-aaral sa muling pagsasabuhayng aking katutubong kalooban (Mendoza 2002), hindi kokaagad nagagap kung bakit ang tradisyong babaylan angnaisip na pagtuunan ng pansin ng mga tagapagtaguyod ngkilusan. Hanggang nitong katatapos pa lang napangalawang kumperensyang internasyunal na ginanap saWestminster Woods sa Occidental California noong Oktubre2013. Dala marahil ng mahabang paghahanda para sakumperensya (isa ako sa mga workshop facilitator at dito narin inilunsad ang aming bagong labas na antolohiya(Mendoza at Strobel 2013), naging malinaw para sa akinkung bakit sa dinami-rami ng mga puwedeng pag-ukulan ngpansin, isang tradisyong espiritwal ang napagpasyahanggawing sentro ng kilusang pagsasakatutubo sa ibayong-dagat. Ito ay dahil napakahalaga, sa napagwari ko, ngespiritwal na dimensyon sa anumang pakikibaka kunghaharapin ang tumitinding hamon ng ating panahon. Angsagradong pananaw na ito ukol sa mundo at sa buhay aysiya ring daan tungo sa pag-unawa sa tunay na kahuluganng ginhawa (well-being) ayon sa ating mga katutubo, tuladdin ng iba pang grupong katutubo sa iba pang dako ngmundo. Naisip kong panahon na para pag-aralan angkakaibang lohika, karunungan, katalinuhan, at pagkatao ngating mga ninuno na nasasalamin sa espiritwal natradisyon ng babaylan, hindi lamang bilang obheto ngsiyentipikong pag-aaral kundi bilang tunay na yaman atbukal ng lakas, kakayahan, inspirasyon, at sigla samismong personal na buhay bilang mga intelektwal atnasasabing paham. Ito ang malinaw sa akin: angpaghahanap ng ginhawa sa pamamagitan ng materyal na pag-angat tulad ng pangako ng American Dream at ng bawa’t

MENDOZA: Pilipinang Akademiko sa Estados Unidos 21

patalastas sa telebisyon at sa midya ay isang hungkag napangarap. Sa halip na kapayapaan, pakikipagkapwa,malasakit, at kaligayahan, ang dulot nito ay paghihiwa-hiwalay, kahirapan, kawalan ng kapayapaan, at pagkawasakng ating iisang planeta.

Tingnan na lamang natin: sa likod ng kinang ng mga imahenng Hollywood at telebisyon ay ang malagim na katotohanantungkol sa tunay na kondisyon ng buhay sa bansang EstadosUnidos. Hayaang magpatotoo ang mga estadistika: angEstados Unidos ang may pinakamataas na incarceration rate sabuong mundo. Kulang sa limang porsyento ng populasyon ngmundo ang naninirahan dito, pero may bahaging 25porsyento ng lahat ng preso sa buong mundo. Ayon sa U.S.Justice Department Report (Glaze 2011), may tinatayang 7.1milyon na nakakulong o di kaya on parole o probation sa mgamamamayan nito. Ibig sabihin, isa sa bawat 32 Amerikanoang nasa loob ng sistema! Sa pagitan ng taong 1999 at2005, ang rate ng suicide at may post-traumatic stress syndrome(PTSD) ay tumaas at naging panlabing-isa sa hanay ngdahilan ng pagkamatay sa bansa. Sa iba pang larangan,batay sa pag-aaral ng U.S. Centers for Disease Control and Prevention(2012), mahigit sa 45 milyon ang walang health care ataraw-araw, parami nang parami ang nawawalan, hindi langng trabaho, kundi pati na ng tahanan. Dahil sa huli,umuusbong ang mga tinatawag na tent cities kung saan ang mgapamilyang nawalan ng tahanan mula sa foreclosure crisis aykinailangang mamuhay sa ganitong mga makeshift naistruktura.

Nais papaniwalain ng mga namumuno na kailangan langbigyan ng panahon at konting tulak o istimulus, ‘ika nga,para maibalik ang ekonomiya. Sinasabi rin nilangtalagang ganoon ang tayang “science ng economics:” maysiklikong iniikutan ito, at bahagi pa rin daw ng“corrective process” ang kasalukuyang downturn o pagbaba sasistemang kapitalismo. Hindi kailanman naisasaalang-alang sa ganitong kalkulasyon na may di-maikakailangpisikal na hangganan ang planetang ating ginagalawan; namarahil, ang trahedya ng ating panahon ay ang pagtatayo

Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan22

ng isang sistema ng pamumuhay na hindi akma sakatotohanang ito.

Sa ganitong pag-iisip, nais ko tayong iwanan ng ilangkatanungan: Posible kayang kahit madalas nating nilalait-lait ang kultura ng ating mga “di-sibilisadong ninuno”bilang “barbariko” at “primitibo,” sa katotohanan ay masmay alam sila hinggil sa pamumuhay na hindi marahas, namas makatao, at mas may respeto sa maselang balanse ngkalikasan kaysa sa ating tinatawag na mga sibilisado?Kung totoo ngang higit ang kanilang kaalaman sa matiwasayna pamumuhay, may kakayahan kaya tayong makinig sa mgaleksyong puwede nating matutunan mula sa kanila—sila nanamuhay sa loob ng napakahabang panahon nang hindisinisira ang kanilang kapaligiran? Ano kaya ang dapatnating matutunan tungkol sa kinakaharap na pandaigdigangkrisis kaugnay ng ekonomiya at ekolohiya? Kaya kayanating magkalakas ng loob at makalikha ng mgaalternatibong paraan ng pamumuhay, tulad ng kasalukuyangmalikhaing pag-iimbento ng mga lokal na inisyatibo ng mgaresidente ng siyudad ng Detroit? At kung tulad ngnabanggit ko sa panimula na ang komunikasayon at kulturaang pangunahing instrumento ng pagtatakip sa katotohananat panlilinlang ng mga nasa kapangyarihan, anong gawaingintelektwal at popular ang dapat nating pagkaabalahanbilang mga guro, mananaliksik, at estudyante nang sagayon ay mabago natin ang ating kultura at magamit angkomunikasyon para sa ibang simulain—ang pagsasabi ngkatotohanan patungkol sa kinakaharap nating panganib kunghindi tayo magbago ng direksyon? Higit sa lahat, kayakaya nating magbalik-loob sa ating pinagmulangkagandahang loob ng kalikasan, at awatin ang ating sarilipara itigil ang pagkabaliw at pagkahumaling sa kumikinangna pangako ng materyal na progreso at pagpapayaman—isangbuhay na nakapapatay ng kaluluwa at di-tunay nanagbibigay ng ginhawa?

Ito ang ilang katanungang nais kong iwanan sa atin. Sanaang sagot nating lahat ay oo.

MENDOZA: Pilipinang Akademiko sa Estados Unidos 23

Talahuli* Unang binasa sa Ika-7 Pambansang BAKAS Seminar-Wokshop ukol sa “AngBayan sa Ibayong-Dagat: OFW, Pamilyang Pilipino, at Katatagang Panlipunan saAgos ng Kasaysayan ng Migrasyon,” Joy Center, Don Bosco TechnicalSchool, Makati, 22 Abril 2009. Nirebisa para sa publikasyongito.1 Produkto ng pakikipagtaban ko sa kaisipan nina VirgilioEnriquez, Zeus Salazar, at Prospero Covar ang aking librotungkol sa identidad na Pilipino at Pilipinong Amerikano(Mendoza 2002).2 Tinatayang 100-145 milyon ang populasyon ng Americas sapagdating ng mga Europeo ngunit pagkatapos ng tinatawag napinakamalaking genocide sa kasaysayan ng mundo (American holocaust),95 porsyento nito ang lubusang nalipol (Stannard 1992).3 Tinatayang ang di-binayarang trabaho (unpaid labor) ng mgainaliping Afrikano ay nagkakahalaga sa kasalukuyang tantiya ngmahigit 1-5 trilyong dolyares (America 1993; Feagin 2004).

Sanggunian

America, Richard. 1993. Paying the Social Debt: What WhiteAmerica Owes Black America. Connecticut: PraegerPublishers.

Center for Babaylan Studies (CfBS). 2011. About.Websayt ng Center for Babaylan Studies (CfBS),http://goo.gl/lrcOcG (nakuha noong Marso 10, 2014).

Diamond, Jared. 2008. What’s Your Consumption Factor?New York Times, Enero 2, http://goo.gl/QrC1z8 (nakuhanoong Nobyembre 2, 2013).

Feagin, Joe. 2004. Documenting the Costs of Slavery,Segregation, and Contemporary Racism: WhyReparations are in Order for African Americans.Harvard BlackLetter Law Journal 20: 49-167.

Filipino American National Historical Society (FANHS).2013. Mission. Websayt ng Filipino American

Pantayong Pananaw: Pagyabong ng Talastasan24

National Historical Society (FANHS),http://goo.gl/KfmltA (nakuha noong Marso 10, 2014).

Frankenberg, Ruth at Lata Mani. 1996. Crosscurrents,Crosstalk: Race, “Postcoloniality,” and thePolitics of Location. Nasa Displacement, Diaspora, andGeographies of Identity, mga pat. Smadar Lavie at TedSwedenberg, 273-294. London: Duke UniversityPress.

Friedman, Milton. 2007. Milton Friedman Speaks. Websaytng Freedom Channel, pinost noong Disyembre 5,http://goo.gl/G5x1GJ (nakuha noong Marso 17, 2014).

Glaze, Lauren. 2011. Correctional Populations in theUnited States, 2010. Websayt ng Bureau of JusticeStatistics, pinost noong Disyembre,http://goo.gl/CrJrcE (nakuha noong Marso 17, 2014).

Mendoza, S. Lily. 2002. Between the Homeland and the Diaspora:The Politics of Theorizing Filipino and Filipino American Identities; ASecond Look at the Poststructuralism-Indigenization Debates. NewYork at London: Routledge. Binagong edisyon,Manila: University of Santo Tomas Publishing House,2006.

Mendoza, S. Lily at Leny Mendoza Strobel, mga pat. 2013.Back from the Crocodile’s Belly: Philippine Babaylan Studies and theStruggle for Indigenous Memory. Santa Rosa, California:Center for Babaylan Studies.

Pambansang Samahan sa Sikolohiyang Pilipino (PSSP). 2014.Maikling Kasaysayan. Websayt ng Pambansang Samahansa Sikolohiyang Pilipino (PSSP),http://goo.gl/CBKtqe (nakuha noong Marso 10, 2014).

Reuters. 2013. Richest 1 Percent Hold 46 Percent of theWorld’s Wealth. Huffington Post, Oktubre 9,http://goo.gl/IXoLbH (nakuha noong Nobyembre 2,2013).

MENDOZA: Pilipinang Akademiko sa Estados Unidos 25

Salazar, Zeus. 1991. Ang Pantayong Pananaw bilangdiskursong pangkabihasnan. Nasa Pilipinolohiya:Kasaysayan, Pilosopiya, at Pananaliksik, mga pat. Violeta atRogelia Pe-Pua, 37-45. Manila: Kalikasan Press.

Stannard, David. 1992. American Holocaust: The Conquest of theNew World. New York: Oxford University Press.

Strobel, Leny. 1996. “Born-Again Filipino”: FilipinoAmerican Identity and Asian Panethnicity. AmerasiaJournal 22, blg. 2: 31-53.

U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDCP).2012. Health Insurance Coverage. Websayt ng U.S.Centers for Disease Control and Prevention, pinostnoong Nobyembre 17, http://goo.gl/oimmQ (nakuhanoong Marso 17, 2014).

Weatherford, Jack. 1988. Indian Givers: How the Indians of theAmericas Transformed the World. New York: CrownPublishers. Binagong edisyon, New York: ThreeRivers Press, 2010.

Wright, Robert. 1968. Interview with Fannie Lou Hamer.Manuskrito. Washington, D.C.: Civil RightsDocumentation Project, Moorland-Spingaarn ResearchCenter, Howard University.

Wylie-Kellermann, Bill. 2009. Resurrection City.Sojourners: Faith in Action for Social Justice, Mayo,http://goo.gl/8Gjt6O (nakuha noong Nobyembre 2,2013).