Ibagsak ang papet, korap at pasistang rehimeng US-BS ...

32
BASAHIN AT TALAKAYIN Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan TOMO 36 BILANG 3 HULYO-SETYEMBRE 2014 E D I T O R Y A L Wasto at malalim ang batayan ng panawagan ng mamamayan na patalsikin ang papet, korap, at pasistang rehimeng US-BS Aquino. Hindi na mabilang ang krimen ng rehimen mula sa pagpapabaya sa batayang pangangailangan ng taumbayan, korapsyon, karahasan hanggang sa mismong pagkakanulo sa mga Pilipino. Ipinamalas ni Aquino ang pinakamasahol na pangangayupapa sa amo nitong imperyalismong US nang lagdaan nito ang Enhanced Defense Cooperaon Agreement o EDCA na lansakang pagsuko sa soberanya at teritoryal na integridad ng bansa. Ibinubukas ng EDCA ang anumang bahagi ng bansa na maging isang baseng pandigma ng US. Tampok dito ang Oyster Bay sa Palawan at Sangley Point sa Cavite na planong gawing base-militar ng mga tropang Amerikano. Dagdag pa, inutulak ng pangkang BS Aquino ang pagbabago ng konstusyong 1987 o Charter Change (Cha- Cha) na lalong maglulugmok sa bansa bilang isang kolonya ng US at magpapahintulot sa mga dayuhang buu-buong magmay-ari ng mga lupain at negosyo sa bansa. Katulad ng mga nagdaang rehimen, todo largang ipinatutupad ni Aquino ang neoliberal na mga Ibagsak ang papet, korap at pasistang rehimeng US-BS Aquino, Isulong ang pambansa-demokratikong interes ng mamamayang Pilipino S umisilakbo ang manding galit ng sambayanan. Sa loob ng apat na taong paghahari ng rehimeng Aquino, bigo itong tugunan ang pambansa at demokrakong interes ng mamamayan. Malinaw na tanging ang pagtatanggol sa interes ng imperyalismong US at lokal na naghaharing uri ang nasa unahan ng prayoridad ni Aquino. Ang labis na pang-aapi at pagsasamantala ang hindi masugba-sugbang gatong ng marubdob na kagustuhan ng malawak na masa ng sambayanan na papanagun ang lahat ng wali sa reaksyunaryong gubyerno at kagyat na patalsikin ang rehimeng US-BS Aquino.

Transcript of Ibagsak ang papet, korap at pasistang rehimeng US-BS ...

BASAHIN AT TALAKAYIN

Opisyal na Pahayagan ng Rebolusyonaryong Mamamayan ng Timog Katagalugan

TOMO 36 BILANG 3 HULYO-SETYEMBRE 2014

E D I T O R Y A L

Wasto at malalim ang batayan ng panawagan ng mamamayan na patalsikin ang papet, korap, at pasistang rehimeng US-BS Aquino. Hindi na mabilang ang krimen ng rehimen mula sa pagpapabaya sa batayang pangangailangan ng taumbayan, korapsyon, karahasan hanggang sa mismong pagkakanulo sa mga Pilipino. Ipinamalas ni Aquino ang pinakamasahol na pangangayupapa sa amo nitong imperyalismong US nang lagdaan nito ang Enhanced Defense Cooperation Agreement o EDCA na lansakang pagsuko sa soberanya at teritoryal na integridad ng bansa. Ibinubukas ng EDCA ang anumang bahagi ng bansa na maging isang baseng pandigma ng US. Tampok dito ang Oyster Bay sa Palawan at Sangley Point sa Cavite na planong gawing base-militar ng mga tropang Amerikano. Dagdag pa, itinutulak ng pangkating BS Aquino ang pagbabago ng konstitusyong 1987 o Charter Change (Cha-

Cha) na lalong maglulugmok sa bansa bilang isang kolonya ng US at magpapahintulot sa mga dayuhang buu-buong magmay-ari ng mga lupain at negosyo sa bansa.

Katulad ng mga nagdaang rehimen, todo largang ipinatutupad ni Aquino ang neoliberal na mga

Ibagsak ang papet, korap at pasistang rehimeng US-BS Aquino,Isulong ang pambansa-demokratikong interes ng mamamayang Pilipino

Sumisilakbo ang matinding galit ng sambayanan. Sa loob ng apat na taong paghahari ng rehimeng Aquino, bigo itong tugunan ang pambansa at demokratikong interes ng mamamayan. Malinaw na tanging ang

pagtatanggol sa interes ng imperyalismong US at lokal na naghaharing uri ang nasa unahan ng prayoridad ni Aquino. Ang labis na pang-aapi at pagsasamantala ang hindi masugba-sugbang gatong ng marubdob na kagustuhan ng malawak na masa ng sambayanan na papanagutin ang lahat ng tiwali sa reaksyunaryong gubyerno at kagyat na patalsikin ang rehimeng US-BS Aquino.

NILALAMAN

HULYO-SETYEMBRE 20142 KALATAS

HULYO-SETYEMBRE 2014Tomo 36 Bilang 3

1 Editoryal

5 “Tuwid na daan” ni Aquino: bangin ng pagdurusaat kahirapan sa sambayanang Pilipino

14 Pastor Macario: Pastol ng samabayanan

17 Handog ng imperyalismong US ay di pagkakaibigan kundi bitag ng habambuhay na pagkaalipin

9 Ang mga buhay na nawala ay mananatili sa alaala at pakikibaka ng mamamayan

7 Tanganan ang hamon ng kasaysayan at kolektibong kumilos para sa

rebolusyonaryong pagbabago

15 Naghihingalong lawa: ang pagkawasak na dulot ng PPP at imperyalistang globalisasyon

programa at patakaran ng imperyalismong US. Nananatiling atrasado ang agrikultura at industriya ng Pilipinas. Itinatali ng liberalisasyon sa kalakalan ang lokal na ekonomiya sa pagluluwas o eksport ng kalakal at pag-asa sa mga produktong import na nagwawasak sa lokal na ekonomiya. Sa halip na lumikha ng matatag na baseng agrikultural at industriyal na salalayan ng tunay na pag-unlad ng bansa, ibayong pinahihigpit ang kontrol at malawakan ang pambubusabos at pandarambong ng imperyalismong US at naghaharing uri sa likas na yaman ng bansa. Gayundin, patuloy na ipinatutupad ang deregulasyon sa industriya ng langis, pamumuhunan, at pagmimina upang akitin ang mga dayuhang kumpanyang mamuhunan sa bansa sa kapinsalaan ng kapaligiran at buhay at kabuhayan ng mamamayan. Todo-todo ang pribatisasyon ng mga pampublikong pasilidad, serbisyo at institusyon. Hindi mapigilan ang pag-imbulog ng presyo ng mga serbisyo at produkto. Tunay na inutil ang rehimen na tugunan ang kagalingan at ihatid ang panlipunang serbisyo sa mamamayan.

Hindi kailanman naramdaman ng karaniwang mamamayan ang hinabing ilusyon ng pag-unlad at pagbabago sa “tuwid na daan” ni Aquino. Sa katunayan, diretso sa hukay ang tuwid na daang ito. Nakalugmok sa matinding kahirapan ang mamamayang Pilipino. Walang hanapbuhay ang mayorya ng populasyon sa bansa samantalang ibayong pinasasahol ng CARP/ER ang kawalan ng lupang masasaka ng masang magbubukid. Malawakan ang pang-aagaw ng mga lupain gayundin ang demolisyon sa mga komunidad ng maralitang lunsod upang bigyang-daan ang mga negosyo ng mga panginoong maylupa at malalaking burgesya kumprador.

Walang-habas na ipinatutupad ng rehimen ang mga kampanya at operasyong kontra-rebolusyonaryo sa ilalim ng Oplan Bayanihan. Dahil sa dumadausdos na popularidad, ipinagmamalaki ng rehimen ang kamakailan lamang na pag-aresto sa berdugong si Palparan. Subalit hindi natatapos ang karahasan at brutalidad ng mga yunit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) laban sa mamamayan. Nananatili ang kultura ng hindi pagpapanagot sa mga maysala sa hanay ng AFP at pamahalaan. Sa kanayunan at kalunsuran, nagpapatuloy ang panggigipit, pagdukot, pag-aresto, pagpiit at pagpatay sa mga sibilyan at rebolusyonaryong pwersa sa layuning supilin ang paglaban ng mamamayan para sa kanilang demokratikong mga karapatan at kagalingan.

Pilit mang ikubli ni Aquino sa mamamayan, maliwanag pa sa sikat ng araw ang nagpapatuloy at lumalalang korapsyon sa naghaharing sistema. Agosto noong isang taon nang sumambulat ang 10 bilyong pisong pork barrel scam na nagbunyag sa malawakan at sistematikong korapsyon ng mga opisyal ng pamahalaan sa kabang-yaman ng bansa. Upang

19 Kilusan kontra pork barrel, lumalawak

Hulyo 4, sinalubong ng protesta

28 Kultura

20 Sigaw ng mamamayan ng TK sa SONA ng Bayan: Itakwil ang rehimeng US-BS Aquino

26 Bantay Karapatan

Palparan, nasa kanlungan ng militar

25 Mga Balitang TO

BKP, matagumpay na inilunsad sa Mindoro

27 Panukalang pagtaas ng matrikula sa PUP,binigo ng mga Iskolar ng Bayan

21 Pagpapatalsik kay Aquino, sigaw ng Kabitenyo

22 Pagsasanay sa isnayping, inilunsad ng LdGC-BHB Mindoro

23 Hustisya para sa mga biktima ng Martial Law, ipinanawagan

Mga Desaparecidos, ginunitaHustisya, ipinanawagan

HULYO-SETYEMBRE 2014 3 KALATAS

isalba ang sarili, kinasuhan at ipinaaresto ni Aquino ang mga katunggaling senador na sangkot sa pork barrel scam. Ngunit ang nabanggit na 10 bilyong piso ay bahagi lamang ng 25 bilyong pisong pork barrel para sa kongreso na pinagpapasasaan ng mga burukrata-kapitalista. Munting pasilip lamang ito sa higit na masalimuot at maanomalyang pangungulimbat ng pondo ng bayan.

Bilang hari ng pork barrel, pangunahin at pinakamalaking nakikinabang sa malawakang korapsyon sa burukrasya si Aquino. Pagkalaki-laking 1.3 hanggang 1.5 trilyong pork barrel ang nasuba ni Aquino sa pamamagitan ng kanyang Disbursement Acceleration Program (DAP) kaya ganoon na lamang puspusan at garapalan kung ipagtanggol ni Aquino ang kanyang mga kasabwat at tagapagpatupad ng mga operasyon at maniubrang burukrata-kapitalista.

Pinatunayan na ng rehimeng Aquino na wala itong ipinagkaiba kundi man mas masahol pa sa mga nagdaang rehimen. Natataranta ang rehimeng Aquino kung paano bibilugin ang ulo ng taumbayan upang makaligtas sa kanyang mga kriminal na pananagutan. Agarang pinatay ng kongreso ang tatlong reklamong impeachment na inihain ng mga progresibong grupo laban kay Aquino; dalawang kaso sa batayan ng DAP at isa sa EDCA habang pinaiingay ang usapin ng Cha-Cha upang palakihin ang kathang-isip na hiyaw ng bayan na manatili sa poder si Aquino nang lagpas 2016.

Isang kahangalan na umasam ang ganid-sa-kapangyarihan na si Aquino ng isa pang termino gayung sukang-suka na sa kanya ang mamamayang Pilipino. Hindi sasapat ang ilang salita upang ilarawan ang rehimeng US-BS Aquino – papet, korap, pasista, mandarambong, kriminal. Bumabaha sa pahayagan, radyo, telebisyon at maririnig maging sa pangkaraniwang talakayan ng batayang masa ang mga salitang manipestasyon ng nag-aapoy na galit ng mamamayan kay Aquino. Dinudumog

ng mga protestang masa ang mga lansangan na nananawagan ng pagpaparusa sa lahat ng tiwali sa pamahalaan at pagpapatalsik kay Aquino.

Sa kasalukuyan, umaani ng mga tagumpay ang sama-samang pagkilos ng mamamayang nananawagang ibasura ang lahat ng anyo ng pork barrel. Dahil sa malawakang protestang masa laban sa DAP, mismong ang Korte Suprema ay napilitang magdesisyon pabor sa mamamayan. Gayunman, hindi ang desisyon ng burges na korte ang tutuldok sa malawakan at sistematikong korapsyon sa burukrasya at magpapatalsik sa korap na rehimen. Ang korapsyon at katiwalian ay manipestasyon ng burukrata-kapitalismo, isang ugat na suliranin sa lipunang Pilipino. Katambal ng imperyalismo at pyudalismo, pinanatili ang pag-iral ng burukrata-kapitalismo upang ipagtanggol ang interes ng imperyalismong US, malalaking burgesya kumprador at panginoong maylupa. Sa huli, ang mamamayan, hindi ang burges na korte, ang tunay na magpapatalksik kay Aquino.

Sa kasaysayan ng bansa, pinatunayan na kayang igiit ang popular na kagustuhan at kapangyarihan ng taumbayan upang magpatalsik ng korap at pasistang mga rehimen sa pamamagitan ng kanilang kolektibong aksyon. Sa gitna ng labis-labis na kahirapan at pang-aaping kanilang nararanasan, tanging ang pagpapatalsik sa kasuklam-suklam na rehimen ang pinakawasto at pinakamakatarungang hakbangin ng malawak na masa ng sambayanan. Kailangang likhain ang kilusang talsik na kinatatampukan ng malawakang pagkilos at pakikibaka ng buong bayan upang ihiwalay at ganap na patalsikin ang rehimeng US-BS Aquino.

Upang magtagumpay ang kilusang talsik kailangan ang malawakan, sistematiko at puspusang pulitikal na paghihiway kay Aquino bilang pangunahing nakikinabang sa burukrasya at pinakamasugid na

Ang KALATAS ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Pinapatnubayan ito ng Marxismo-Leninismo-Maoismo. Inilalathala ito ng Partido Komunista ng Pilipinas (MLM) at ng Bagong Hukbong Bayan ng Timog Katagalugan.

Inaanyayahan ng Pamatnugutan ang mga mambabasa na mag-ambag sa pagpapahusay ng ating pahayagan. Magpadala ng mga komentaryo at mungkahi, balita at rebolusyonaryong karanasan na maaaring ilathala sa ating pahayagan.

Ito ay tumatanggap ng mga liham sa:

[email protected]

4 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2014

tagapagtanggol ng naghaharing sistema ng malalaking kumprador at panginoong maylupang sunud-sunuran sa imperyalismong US.

Kailangang ilunsad ang malawak at masinsing pakikibakang masa sa kalunsuran at kanayunan. Isustine ang mga aksyong protestang masa sa lahat ng syudad, munisipalidad, komunidad, paaralan, pagawaan at mga tanggapan na nananawagan sa pagbibitiw, impeachment hanggang sa pagpapatalsik kay Aquino sa Malakanyang. Samantala, paigtingin ang armadong pakikibaka sa kanayunan sa pamamagitan ng mas madalas na mga taktikal na opensibang patama sa ulo at katawan ng reaksyunaryong paghahari. Ang kumbinasyon ng mga pakikibaka sa kalunsuran at ng malaganap at masinsing pakikidigmang gerilya sa kanayunan ang magpapabilis sa panibagong pagkahinog ng krisis ng naghaharing sistema na lulundo sa pagbabagsak sa pasistang diktadurang US-BS Aquino.

Kaugnay ng sa i taas , t rangkuhan ang lahat ng laban at pagkilos nang may malinaw na direksyon at plano at mga pamamaraan kung paano matatamo ang mga ito. Labanan ang “anti-kaliwang” propaganda ni Aquino na nakahulma sa doktrinang “war on terror“ at “anti-komunismo” ng US. Maging mapagbantay sa lahat ng usaping panlipunan at ilantad at labanan ang samu’t saring pakana at maniubra ng rehimen upang patuloy na makapaghari.

Huwag maglulubay at dibdibang pukawin, organisahin at pakilusin ang pinakamalaking bilang ng masa batay sa kanilang makatarungan at kagyat na mga panawagan. Buong-panahong lumubog sa kanilang hanay. Pukawin ang kanilang diwang palaban sa pamamagitan ng paglulunsad ng masinsin at sistematikong propaganda-edukasyon na naglilinaw ng mga isyu, nagtataas ng kanilang kamulatang pampulitika at nagtutulak sa kanilang kumilos laban sa pagpapahirap at panunupil ng rehimen. Malaki ang papel ng rehiyong

Timog Katagalugan upang organisahin ang lahat ng demokratikong pwersa na huhugos sa kalunsuran at mag-aambag ng solidong lakas para sa tuluy-tuloy at malawakang pagkilos at pakikibakang bayan upang patalsikin si Aquino sa Malakanyang.

Samantalahin at patindihin ang kontradiksyon sa pagitan ng mga naghaharing uri at kabigin ang lahat ng pwersang positibo at anti-US-Aquino. Kabigin ang makabayang elemento ng pulisya at militar na suportahan ang kilusang talsik. Ipatupad at palakasin ang kapangyarihan ng mamamayan sa pamamagitan ng transisyunal na konsehong tunay na kakalinga sa interes ng taumbayan sa oras na mapatalsik si Aquino.

Tumitindi ang mithiin ng mamamayang ibagsak ang rehimeng US-BS Aquino. Ngunit hindi sapat na patalsikin lamang ang kasalukuyang rehimen. Mananatili ang panlipunang ligalig at kahirapan hanggat hindi naibabagsak ang sistemang malakolonyal

at malapyudal. Kailangang pangibabawan ang naging

kakapusan ng mga nauna nang pag-aalsang bayan at ituon ang

pagpapabagsak sa mismong sistemang malakolonyal at

malapyudal sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyong bayan.

Ubos-kayang isulong at patindihin ang armadong pakikibaka. Patamaan sa ulo ang reaksyunaryong estado sa pamamagitan ng paglulunsad ng mas matitindi at mas maraming taktikal na opensiba laban sa armadong pwersa nito. Itayo ang demokratikong gubyernong bayan na siyang tanging kaayusang tutugon sa demokratikong kahilingan at interes ng mamamayan.

Ang pang-aapi at pagsasamantala ng imperyalismong US at mga naghaharing uri sa bansa ay hindi mga suliraning walang kalutasan. Sa matalas, wasto at puspusang pamumuno ng Partido, nagpupunyagi at optimistiko ang rebolusyonaryong kilusan at mamamayan na tiyak na matatamo ang mas mahusay na sistemang panlipunang tunay na malaya at masagana sa gitna ng mahirap na pakikibaka.

HULYO-SETYEMBRE 2014 5 KALATAS

“Tuwid na daan” ni Aquino: bangin ng pagdurusa at kahirapan sa sambayanang Pilipino

Sa saligan, hindi naiiba ang kasalukuyang paghahari ng pangkating Aquino sa kanyang mga sinundang rehimen—pare-pareho silang mapagsamantala, malupit at mapanupil sa mamamayan, batbat ng katiwalian, sukdulang taksil sa bayan at labis ang pangangayupapa sa imperyalismong US. Ipinagpatuloy lamang ni Aquino ang mga antidemokratiko, antimamamayan at antinasyunal na mga patakarang nauna nang ibinandila ng kanyang mga sinundang rehimen. At sa ilalim ng rehimeng US-BS Aquino, lalo lamang nasadlak sa bangin ng pagdurusa at kahirapan ang sambayanang Pilipino.

Hindi nagtagumpay si Aquino na akitin ang mamamayang kumakalam ang tiyan sa ilusyon ng “sama-samang kaunlaran”. Hindi na kaya pang ikubli ng anumang palamuti ang hagupit ng mga patakarang isinusulong ng rehimeng US-BS Aquino sa batayang sektor ng lipunang Pilipino—ang masang magsasaka at manggagawa. Nananatili ang pangunahing suliranin ng kawalan at kakulangan ng lupang mabubungkal sa hanay ng mga magbubukid. Walang itinira sa mga magsasaka ang huwad na Comprehensive Agrarian Reform Program na pinasimulan ni Corazon Aquino, pinahaba ni Gloria Arroyo at ipinagpatuloy ni BS Aquino. Kinansela ang dating mga ipinamahaging Certificate of Land Transfer (CLT) at Certificate of Land Ownership and Acquisition (CLOA) kung saan tinatayang aabot sa 20,000 ektaryang lupain ang matatagpuan sa Timog Katagalugan. Hindi ito nagdulot ng pag-alwan sa pamumuhay ng mga magsasaka. Ang mga panginoong maylupa at malalaking pribadong debeloper ang nakikinabang sa malalaking tipak ng lupaing dapat na nililinang at ginagawang produktibo upang makalikha ng sapat na pagkain para sa mamamayan.

Sa hanay ng mga manggagawa, malaganap na ipinatutupad ang iskemang kontraktwalisasyon at

pleksibleng paggawa na pumapatay sa regular na trabaho. Dagdag na pabigat pa para sa kanila ang pagpapatupad ng two-tiered wage system. Isinadsad nito ang sahod ng mga manggagawa sa isang floor wage na higit na mababa sa dati nang hindi-nakabubuhay na minimum wage. Isang kabalintunaan ang ipinagmamayabang ni Aquino at ng Department of Labor and Employment (DoLE) na dahil diumano sa mahusay na pamamalakad ni Rosalinda Baldoz sa DoLE, isa na lamang ang pumutok na welga sa nakalipas na taon. Ang totoo, lalong tumindi ang pagsikil sa karapatan ng mga manggagawa sa malayang pag-oorganisa. Tinatanggal sa trabaho ang mga manggagawang kasapi ng mga progresibong unyon sa tuwing magsisimula ang tawaran sa pagitan ng mga manggagawa at kapitalista para mabuo ang Collective Bargaining Agreement (CBA). Ang ibang mga pabrika naman ay bigla-bigla na lamang nagsasara tulad ng Carina Apparel sa Biñan, Laguna noong Pebrero 2014 upang ipagkait sa mga manggagawa ang kanilang mga benepisyo at mapigilan ang paglulunsad ng welga.

Inutil ang rehimeng Aquino na ihatid sa mamamayan ang mga batayang serbisyong panlipunan. Patuloy ang pribatisasyon ng mga ospital sa bisa ng Public-Private Partnership (PPP). Laganap ang kakulangan ng mga silid-aralan, libro at guro sa mga pampublikong paaralan. Papalaki ang bilang ng mga kabataang hindi nakakatapos ng pag-aaral. Tampok ang demolisyon sa mga komunidad upang bigyang-daan ang malalaking negosyo habang walang maayos na relocation site na inihahain sa mga pamilyang maaapektuhan. Malaking dagok sa mamamayan ang pagtama ng magkakasunod na kalamidad sa nakaraang taon. Di pa rin nakakabangon ang mga biktima ng pagyanig ng lindol sa Bohol, at ng pananalasa ng bagyong Yolanda at Glenda. Higit pang delubyo ang dulot sa mamamayan ng mabagal na

Sa kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA), muling ibinida ni BS Aquino ang diumanong pag-unlad na nakamit ng bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon. Ngunit sa loob ng mahigit apat na taon

sa estado poder, tanging bangungot ang hatid ng gasgas-nang-retorikang “tuwid na daan” ng rehimeng Aquino sa mamamayan.

PANGUNAHING LATHALAIN

HULYO-SETYEMBRE 20146 KALATAS

pagresponde ng rehimeng Aquino sa panandaliang pangangailangan ng mamamayan at ang kawalan ng pangmatagalang programa upang itaas ang kahandaan ng mamamayan sa pagharap sa mga sakuna.

Bigo ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) na ibsan ang kahirapan ng mamamayan. Naglingkod lamang ang pamumudmod ng kakarampot na limos sa pagpapalaganap ng pampulitikang padrino sa mga komunidad. Lalo pang tumindi ang kahirapan dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin bunsod ng mga neoliberal na patakaran ng rehimen.

Tumindi ang korapsyon at katiwalian sa ilalim ng kasalukuyang rehimen. Nilulustay ng iilang nasa kapangyarihan sa pangunguna ni BS Aquino, ang tinaguriang pork barrel king, ang kabang-yaman ng bayan. Nagkakandarapa ang mga reaksyunaryong pulitiko sa pagtupad sa mga kahilingan ni Aquino upang makakulimbat ng malaking halaga. Pawang kabalintunaan ang paghuhugas ng kamay ng rehimen sa isyu ng katiwalian.

Tulad ng ipinatupad na Oplan ng mga nagdaang rehimen, sagad-sa-buto ang kalupitan ng Oplan Bayanihan ni Aquino. Bagamat nadakip na ang berdugong si Jovito Palparan na may napakahabang listahan ng mga krimen at mga kaso ng pang-aabuso s a karapatang pantao sa Timog Katagalugan,

nagpapatuloy ang masaker, pampulitikang pamamaslang, sapilitang pagkawala at iba

pang tipo ng paglabag sa karapatang pantao gawa ng marahas na panunupil ng mga elemento ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Nakatanim na sa mahabang mersenaryo at antimamamayang tradisyon ng AFP ang duguan nitong kamay. Hindi mawawakasan ng pagkakahuli kay Palparan ang brutalidad ng AFP sapagkat nananalaytay sa kaibuturan nito ang berdugong gawi ng mga tulad ni Palparan.

Walang kaparis sa nakaraan ang pangangayupapa ng rehimeng US-BS Aquino sa patuloy nitong paglapastangan sa pambansang soberanya matapos nitong pagtibayin ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) noong Abril 2014. Ginawa nitong lehitimo ang pagtatayo ng mga base militar ng imperyalismong US sa bansa at ibinukas sa napakalaking bulnerabilidad at panganib ang mamamayang Pilipino. Kinakaladkad ng rehimeng Aquino ang bansa sa paglahok sa anumang gerang papasukin ng US.

Nais ibukas ng rehimeng US-BS Aquino ang Pilipinas sa labis na imperyalistang pandarambong sa isinusulong na Charter Change sa reaksyunaryong Kongreso. Babaguhin ang mga probisyong pang-ekonomiko upang bigyang-daan ang 100 porsyentong pag-aari ng mga dayuhang korporasyon sa mga lupain, empresa at negosyo sa bansa. Tiyak na papatayin nito ang mga lokal na negosyo sa bansa at magbubunsod ng labis na pagsasamantala sa hanay ng mga manggagawang Pilipino.

Hindi pa nasapatan ang rehimeng Aquino sa kahirapang hatid nito sa

HULYO-SETYEMBRE 2014 7 KALATAS

mamamayan. Pinalalabas ngayon ng mga alipures ni Aquino na nais diumano ng taumbayan na palawigin ang termino ng kasalukuyang administrasyon. Ang totoo, isinusuka na ng mamamayang Pilipino ang reaksyunaryong rehimeng US-BS Aquino.

Ito ang “tuwid na daan” ni Aquino: nakamamatay. Itinutulak ng mga antidemokratiko, antimamamayan at antinasyunal na mga patakaran at programa ng rehimeng US-BS Aquino ang

sambayanang Pilipino sa isang malalim na bangin na wala ni katiting na pag-asang masinagan ng araw. At ang tanging hatid nito sa mamamayan ay labis na pagdurusa at kahirapan.

Ito ang mga kalagayang nagtuturo sa mamamayang magbalikwas. Lumalawak ang pakikibaka ng sambayanang Pilipino laban sa papet, pasista at asyenderong rehimeng US-BS Aquino. Kumakalat ang apoy ng paglaban at muling iguguhit ng mamamayan sa kanyang

rebolusyonaryong kasaysayan ang hudyat ng pagbagsak ng naghaharing pangkating Aquino.

Ang mamamayan, hindi ang rehimeng US-BS Aquino, ang siyang magtatakda ng tatahaking landas ng buong bansa. Ang p a m b a n s a - d e m o k r a t i k o n g aspirasyon ng mamamayan, hindi ang “tuwid na daan” ni Aquino, ang maghahatid sa bayan sa lipunang masagana at malaya kung saan namamayani ang kapayapaan at hustisyang panlipunan.

Tanganan ang hamon ng kasaysayan at kolektibong kumilospara sa rebolusyonaryong pagbabago

Batas Militar. Malagim ang sinapit at dinanas ng sambayanan sa kamay ng pasistang diktadurang Marcos nang ipinataw nito ang kamay na bakal ng paghahari ng lagim, Setyembre 21, 1972. Walang kaparis na

paghihirap at saklot ng pangamba ang mamamayan sa tinawag nitong “Bagong Lipunan”. Apatnapu’t dalawang taon mula noon, muling nagbabangon ang panibagong diktadura sa katauhan ng isang Benigno Aquino III.

Panlipunang kundisyon sa panahon ng Martial Law

Wari ay isang bangungot ng sambayanan na nais isumpa ang lagim at pahirap na dulot ng haring hacienderong si BS Aquino. Katulad niya, isang perpektong papet ng imperyalistang US si Ferdinand Marcos. Si Marcos na larawan ng isang tutang sunud-sunuran sa dikta ng kanyang imperyalistang amo ay hinamak ang buong sambayanan at tiklop-tuhod na isinuko ang soberanya ng bansa.

Matinding kahirapan ang naranasan ng mamamayan dahil sa kumbinasyon ng abuso sa ekonomya at pulitika. Bumulusok ang ekonomya dahil sa di makontrol na implasyon, laganap na kawalan ng trabaho, mabilis na pagtaas ng buwis at patuloy na debalwasyon o pagbaba ng halaga ng pera. Nagpatupad ang rehimeng Marcos ng samu’t saring batas na nag-eengganyo sa dayuhang puhunan. Nagtamasa ang mga monopolyo kapitalista ng US

ng iba’t ibang pribilehiyo sa ilalim ng konstitusyon ni Marcos, Batas sa Insentiba sa Pamumuhunan, Batas sa Insentiba sa Pag-eeksport at napakaraming iba pang dikretong pasista.

Masugid na sinuportahan ng rehimeng Marcos ang gerang agresyon ng US sa Byetnam at buong Indochina. Ginamit na lunsaran ng imperyalismong US ang mga base militar nito, mga lupain, karagatan at himpapawid ng Pilipinas sa pananalakay nito sa mga bansa sa Silangang Asya.

Mainit na tinutulan ng sambayanan ang pagsangkot ng Pilipinas sa gerang di naman sa atin. Ginamit ni Marcos ang kontrarebolusyonaryong dalawahang taktika sa paggamit nito ng dahas sa paglulunsad ng mga kampanyang antidemokratiko habang pakutyang winawasiwas ang “liberal na demokrasya”. Tatak ng diktadurang Marcos ang madugong barbarismo, brutalidad, masaker, maramihang pag-

8 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2014

aaresto, pagdukot, asasinasyon, panggagahasa, panununog, pangingikil at pandarambong.

Paglaban ng mamamayan sa diktadurang US-Marcos

Ipinataw ng diktadurang Marcos ang Batas Militar bunga ng kalubhaan ng krisis ng naghaharing sistema kung saan hindi na makapaghari sa dating paraan ang uring malaking burgesya kumprador, mga panginoong

maylupa at mga burukrata-kapitalista. Gayunman sa kabila ng hagupit ng pasistang puting lagim, patuloy na nagpunyagi ang rebolusyonaryong kilusang lihim na nasa pamumuno ng Partido. Pinamunuan ng Partido Komunista ng Pilipinas ang rebolusyonaryong armadong pakikibaka sa kanayunan at mga rebolusyonaryong pakikibaka sa kalunsuran laban sa diktadura. Mabilis na kumalat na tulad ng apoy ang galit at paglaban ng mamamayan. Sa patuloy na pagpupunyagi,

lumaganap sa buong kapuluan ang rebolusyonaryong kilusan at iminulat ang sambayanan sa kanilang rebolusyonaryong tungkuling palayain ang sarili sa kamay ng pasistang diktador.

Sa makasaysayang EDSA People Power ng 1986, ibinagsak ng popular na pag-aalsa cum rebelyong militar si Marcos. Ngunit ang isang pasistang papet ay mapapalitan lamang ng kinatawan mula sa kalabang

paksyon ng naghaharing uri. Si Corazon Aquino, ang pinaka-lyamadong kabayo ng imperyalismong US ang itinanghal nito bilang panibagong punong papet. Ipinagpatuloy ng rehimen ni Corazon Aquino ang pagpabor sa mga dayuhang monopolyong korporasyon, pag-iwas sa tunay na repormang agraryo, pagtalikod sa pambansang industriyalisasyon, pagliberalisa sa ekonomya at pagpapatupad ng mga programang antimamamayan. Kung gayon, bigo ang mamamayan na ang

EDSA People Power I at si Corazon Aquino ang lulutas sa pundamental na suliranin ng bansa na labis na nagpapahirap sa mamamayan.

Sa kabila ng naging limitasyon ng EDSA People Power I, nagkamit ng makabuluhang tagumpay ang sambayanang Pilipino. Itinaas nito ang pambansang kamalayan ng mamamayan na sa pamamagitan ng lakas ng kolektibong pagkilos maaari nilang mabago ang kanilang kalagayan. Ibinunga ito ng walang patid na pagpupukaw at pag-oorganisa sa mamamayan ng Partido.

Ang Hamon: Patalsikin ang bagong diktadurang US-BS Aquino

Ang rehimeng BS Aquino ang numero unong tagapagtaguyod ng mga neoliberal na polisiya, masugid na tagasuporta ng gerang agresyon ng US at punong pasista. Sa kasalukuyan, umiiral ang isang di-deklaradong Batas Militar. Patuloy na lumalala ang lansakang paglabag sa karapatang pantao at laganap ang kawalang katarungan at ang inhustisya sa lipunan.

Pangunahing instrumento ng pasismo ng rehimeng BS Aquino ang Oplan Bayanihan na hinulma mula sa Counter-insurgency Guide ng US. Binibigyang-matwid ng Oplan Bayanihan ang malawakang presensyang militar sa kanayunan. Mula nang umupo bilang pangulo si BS Aquino, naitala ang 204 kaso ng extrahudisyal na pamamaslang, 21 desaperacidos, 99 kaso ng tortyur, nagkakailang kaso ng panggagahasa ng mga sundalo

HULYO-SETYEMBRE 2014 9 KALATAS

sa mga kabataang tagabaryo at 39,800 biktima ng sapilitang pagpapalikas at marami pang ibang kaso ng paglabag sa karapatang pantao. Walang intensyon ang reaksyunaryong gubyerno na maglatag ng kundisyon para sa makatarungan at pangmatagalang kapayapaan. Sa halip, patuloy nitong nilalabag ang mga pandaigdigang batas ng digma at mga kasunduang pinasok nito sa National Democratic Front tulad ng Joint Agreement on Safety and Immunity Guarantees (JASIG) at Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL).

Nahihibang ang reaksyunaryong gubyerno sa pag-aakalang sa pamamagitan ng gulatang militar at gulangan ay magagapi nito ang rebolusyonaryong kilusan. Paulit-ulit na pinatunayan ng kasaysayan na mabibigo ang kontra-rebolusyon at magtatagumpay ang makatarungang digma ng mamamayan. Isinusulong ng Partido Komunista ng Pilipinas at Bagong Hukbong Bayan ang isang makatarungang rebolusyonaryong digma na kumakatawan

sa demokratikong kahilingan at adhikain ng mamamayan.

Ang puso at isipan ng mamamayan ay kaisa at kasanib ng rebolusyonaryong kilusan. Anumang dahas at ilusyon ang gamitin ng rehimeng BS Aquino, malinaw sa mamamayan na ang demokratikong rebolusyong bayan (DRB) lamang ang tunay na solusyon sa karalitaan, paghihikahos at inhustisya na kanilang nararanasan. Sa pamamagitan ng Partido at Hukbong Bayan na syang kongkretong ekspresyon ng saligang alyansa ng manggagawa at magsasaka, malinaw na nauunawaan ng mamamayan ang kumprehensibong programa ng DRB. Ang gulong ng kasaysayan ay pumapabor sa lahat ng rebolusyonaryo. Ang rebolusyonaryong kilusan lamang ang may kakayahang antigin at bigyang inspirasyon ang malawak na hanay ng api at pinagsasamantalahan na kumilos para sa rebolusyon, itakda ang kanilang kinabukasan at iguhit ang isang sosyalistang hinaharap.

Ilan na nga bang mga mukha at pangalan ang naisama sa mahabang listahan ng mga nawala—

nawala sa gitna ng kanilang pakikibaka para sa pangarap na malayang bukas. Nagluwal ang rehiyong Timog Katagalugan ng mga bayaning inalay ang kanilang nag-iisang buhay sa paglilingkod sa masang api. Marami sa kanila ay di na muling nakita.

Isang walang kapatawarang kasalanan sa

sangkatauhan ang ginawa ng mga pasista at berdugong rehimen na ipagkait ang buhay at kalayaan ng pinakamabubuting anak ng bayan. Mula pa sa panahon ng pasistang rehimeng Marcos hanggang sa kasalukuyan, nananatili at lumulubha ang mga kaso ng sapilitang pagkawala. Isa itong karumaldumal na pamamaraan upang supilin ang pakikibaka ng mamamayan laban sa isang sistemang naglilingkod sa iilang makapangyarihan. Subalit kinuha at nawala

Ang mga buhay na nawala ay mananatilisa alaala at pakikibaka ng mamamayan

Isang araw sila’y nawala na lang…Pagkaraan ng ilang araw o linggo, o buwan, o taon, pagkaraan ng maraming maghapon at magdamag…pagkaraan ng luha’t tiyaga, ang ilan sa kanila’y lumitaw. Lumitaw sila sa bilangguan, sa bartolina, sa kubling bahay na imbakan ng ungol, tili at panaghoy, himpilan ng mga berdugong eksperto sa sanlibo’t isang istilo ng pagpapahirap. Lumitaw silang bali ang buto o sira ang bait. O kaya’y lumitaw silang lumulutang sa mabahong ilog, o nakahandusay sa pampang, o umaalingasaw sa mga libingang mababaw na hinukay ng mga asong gala. Lumitaw silang may gapos ang kamay at paa…o tadtad ng butas ang bangkay likha ng bala o balaraw. Ang iba ay hindi na lumitaw. Hindi na kailanman lumitaw. Nawala na lang…walang labi, walang bangkay, hindi malaman kung buhay o patay…Buhay man sila o patay, sa aking alaala’y mananatili silang buhay.

- Mula sa “Ang mga Nawawala” ni Jose F. Lacaba

man ang magigiting na nangahas tumunggali sa agos, hindi man natin nalaman ang kanilang sinapit, mananatili sila sa alaala ng mamamayang minahal nila nang lubos.

Mabubuting anak ng bayan

Sina Rizalina Ilagan, Jessica Sales, Gerardo Faustino, Cristina Catalla, Ramon Jasul, Modesto Sison, Erwin de la Torre, Manny Salvacruz, Salvador Panganiban at Virgilio Silva ay kilala bilang ST 10 na dinukot noong Hulyo 1977 sa Makati sa kasagsagan ng Martial Law. Sila ay grupo ng mga kabataang aktibistang humarap at lumaban sa diktadura. Karamihan sa kanila ay mga dating mag-aaral ng University of the Phi l ippines-Los Baños (UPLB). Nakita noong Agosto 27, 1977 ang mga bangkay nina Virgilio Silva at Salvador Panganiban sa isang bangin sa Tagaytay. Matapos ito, nakita ang bangkay ni Modesto Sison sa Lucena, Quezon. Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa nakikita ang mga labi ng pito nilang kasamahan.

Maraming natanggap na parangal si Rizalina Ilagan noong sya’y estudyante pa. Sumapi si Rizalina sa Kabataang Makabayan (KM) noong 15 taong gulang pa lamang siya. Naging aktibo sya sa grupong pangkultura ng KM na Panday Sining. Nagpasya si Rizalina na iwan ang unibersidad at magsilbi bilang panrehiyong tagapag-ugnay ng pangkulturang sektor ng KM sa Timog Katagalugan (TK). Parating mataas ang moral ni Rizalina at hindi basta-basta sumusuko sa mga hamon at problema. Naging bahagi siya ng pamatnugutan ng Kalatas, ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong mamamayan ng Timog Katagalugan. Hindi na muling nakita pa si Rizalina matapos syang dukutin ng mga elemento ng militar

noong Hulyo 1977.

Nagtapos bilang cum laude si Jessica Sales noong 1972 sa Centro Escolar University (CEU). Umusbong ang pampulitikang kamulatan ni Jessica habang nasa kolehiyo sya. Naging tagapangulo sya ng konseho ng mga mag-aaral, naging patnugot ng pahayagan ng mga estudyante sa CEU at naging aktibo sa College Editors Guild of the Philippines (CEGP). Limang taon syang nagturo ng sociology at political science sa UP Manila at kinalaunan sa UPLB. Nagtrabaho sya bilang mananaliksik sa Department of Agricultural Education

at UPLB College of Agriculture. Isa si Jessica sa nagtatag ng Student Christian Movement (SCM) sa UPLB. Inorganisa nya ang kanyang mga kapwa guro sa Katipunan ng mga Gurong Makabayan (Kaguma), i sang organisasyon na nagtataguyod ng karapatan ng mga guro at

aktibong kumakampanya laban sa diktadurang

Marcos. Hindi na muling nakita si Jessica nang dukutin sya noong Hulyo 1977.

Nagpakita naman ng nasyunalistang paninidigan si Gerardo Faustino, o mas kilalang Gerry, maging noong nasa hayskul pa lamang sya. Sa kolehiyo, kinuha nya ang kursong BS

Agriculture sa UPLB. Noong 1973, naging aktibo sya sa UP

Student Catholic Action (UPSCA) at sumama sa mga programa nitong pakikipamuhay sa mga manggagawa at magsasaka. Niyakap ni Gerry ang pakikibaka para sa panlipunang pagbabago. Dinukot si Gerry at siyam nitong kasamahan noong Hulyo 1977 at di na sya muling natagpuan.

Ipinanganak si Cristina Catalla, o mas kilala sa tawag na Tina, sa Tondo, Manila. Nag-aral sya ng kolehiyo sa UPLB College of Agriculture. Naging

Jessica Sales

Gerardo Faustino

Rizalina Ilagan

Cristina Catalla

HULYO-SETYEMBRE 201410 KALATAS

aktibo sya sa iba’t ibang organisasyon sa loob ng pamantasan tulad ng UPSCA at Delta Pi Omicron Sorority. Naging pangalawang patnugot din siya ng Aggie Green and Gold. Mababasa sa mga sinusulat ni Tina ang kanyang matalas na pagsusuri sa iba’t ibang isyung panlipunan. Noong 1969 naging aktibo si Tina sa mga aktibidad at protesta sa loob ng unibersidad at nang sumunod na taon, sumapi si Tina sa Samahang Demokratiko ng Kabataan (SDK). Tulad ng maraming aktibista noong panahong iyon, nang masuspinde ang writ of habeas corpus, naramdaman ni Tina ang matinding pangangailangan na maglingkod sa bayan. Tumigil sya sa pag-aaral at nagpasyang ilaan ang kanyang buong panahon bilang organisador ng mga kabataan. Ipinakita ni Tina ang magagandang katangian bilang organisador at propagandista. Nag-organisa sya ng malalaking pagkilos laban sa lumalalang paglabag sa karapatang pantao ng rehimeng Marcos na nagbunga ng pagkakabuo Southern Tagalog Movement for Civil Liberties (STMCL) noong 1972. Nang dukutin at mawala si Tina noong Hulyo 31, 1977, hindi na sya muling nakita pa. Nakatanggap ng sulat ang pamilya ni Tina noong 1978 mula sa militar, na diumano namatay si Tina sa isang engkwentro sa Mauban, Quezon.

Si Ramon Jasul, o mas kilalang Monching, ay tubong Lucban, Quezon. Bata pa lamang si Monching nakitaan na sya ng mga katangian ng isang mabuti at matatag na lider. Parati syang nahahalal sa mataas na pusisyon noong hayskul at nagbibigay din sya ng mga kontribusyon sa pahayagan ng kanilang paaralan. Pumasok si Monching sa Lyceum of the Philippines na noo’y nasa kasagsagan ng aktibismo. Sumali sya sa Samahang Molave at naging aktibo sa mga pag-aaral at seminar. Noong 1977, nilisan ni Monching ang Lyceum at bumalik sa Lucban. Inorganisa nya ang

Bagong Kabataan ng Lukban at pinangunahan nya ito hanggang ideklara ang Martial Law noong 1972. Nang mawala sya noong Hulyo 1977, nanguna ang 2nd Military Intelligence Group (MIG) sa pinaghihinalaang dumukot kay Monching at iba nya pang kasamahan.

Bata pa lamang ay responsable at maalaga na si Modesto Sison, o mas kilala bilang Bong. Nais nya parating ipaglaban at protektahan ang mahihina. Nagturo si Modesto sa Maryknoll High School sa Davao Oriental. Naging aktibo sya sa Basic Christian Community (BCC) at nakilala dito ang ilang miyembro ng Federation of Free Farmers (FFF) at Khi-Rho, isang organisasyon na tinatag sa UPLB at naglalayong

isulong ang karapatan ng mga magbubukid. Si Modesto ang tumulong upang maitatag ang Khi-Rho sa Davao. Nang ideklara ang Martial Law, nagpatuloy si Modesto sa gawaing pag-oorganisa sa mga magbubukid. Noong 1976, lumipat si Modesto at ang kanyang pamilya sa Silang, Cavite at nagturo sya

sa Cavite Institute. Pinili ni Modesto na iwan ang

kanyang trabaho upang ilaan ang kanyang buong panahon sa gawaing pampulitika at pag-oorganisa laban sa diktadura. Hindi na nakarating si Modesto sa unang taong kaarawan ng kanyang anak. Dinukot sya kasama ng iba pang aktibista noong Hulyo 1977. Nakita ang katawan nyang tatad ng bala sa probinsya ng Quezon.

Dinukot din noong 1975 si Leticia Pascual, o mas kilala bilang Tish. Bata pa lamang si Tish nakitaan na sya ng husay at sipag sa pag-aaral. Nagkolehiyo si Tish sa UPLB at isa sya sa mga nagtatag ng UP Cultural Society. Ikatlong taon nya sa kolehiyo nang itanghal syang kauna-unahang babaeng punong patnugot ng Aggie Green and Gold. Naging aktibo din sya sa CEGP at League of Editors for a Democratic Society. Mabilis na namulat si Tish sa pampulitikang kalagayan ng bansa nang sumali sya sa SDK. Nakipamuhay sya sa batayang masa at pinag-aralan ang kanilang kalagayan. Umalis sya sa unibersidad noong 1971 at

Modesto Sison

Ramon Jasul

Leticia Ladlad

11 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2014

HULYO-SETYEMBRE 2014 12 KALATAS

nag-organisa sa hanay ng mga magbubukid sa mga probinsya ng Quezon at Laguna. Noong Nobyembre 1975 dinukot si Tish kasama ng iba pa nitong kasamahan sa Paco Church, Manila. Siya ay 25 taong gulang nang mawala.

Isang tagapagtaguyod ng karapatang pantao si Albert Enriquez, o mas kilalang Abet, sa Quezon. Naging lider-estudyante sya sa Luzonian University Foundation (Enverga University na ngayon). Muli nyang binuo ang University Collegiate Student Council at pinamunuan nya ang negosasyon ukol sa iba’t ibang isyu na kinakaharap ng mga estudyante. Naging aktibo din si Abet sa paglaban sa lumalalang kalagayan ng karapatang pantao. Naging kalihim sya ng tsapter ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa Lucena City at naging aktibo sa lokal na yunit ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) sa Quezon. Dinukot si Abet noong Agosto 29, 1985 at di na sya nakita pa mula noon.

Maraming nagsasabi na isang natural na lider-aktibista si Rodelo Manaog, o mas kilalang Delo at Ka Gino. Nagtapos sya bilang balediktoryan sa klase sa elementarya noong 1972. Sya rin ang kauna-unahang nakapasok sa Philippine Science High School na nagmula sa Mauban, Quezon. Hayskul pa lamang si Delo nang sumali sya sa KM. Pumasok si Delo sa Luzonian University Foundation sa Lucena City at naging aktibo sa iba’t ibang aktibidad bilang miyembro ng konseho ng mga mag-aaral at istap ng The Luzonian, ang pahayagan ng mga mag-aaral ng unibersidad. Lumipat si Delo sa UPLB noong 1977. Naging aktibo syang miyembro ng UPLB Writers’ Club at naging managing editor ng UPLB Perspective. Kinalaunan

nilisan ni Delo ang unibersidad at nag-organisa sa hanay ng mga manggagawa. Organisador sya ng Institute For Workers Leadership and Development sa Laguna, mas kilala bilang National Federation of Labor Unions. Bago mawala si Delo noong June 1984, napapansin na nya na parating may sumusunod sa kanya at nasa ilalim sya ng surbeylans. Dinukot si Delo ng mga ahenteng militar na sakay ng isang dyip

habang papalabas siya sa Batangas Sugar Central sa Balayan, Batangas. Hindi na siya nakita pa mula noon.

Noong Oktubre 30, 1987 dinukot si Arnel Mendoza sa San Jose, Occidental Mindoro. Si Arnel ay tubong Calapan, Oriental Mindoro. Nilaan nya ang kanyang buong lakas at panahon bilang giyang pampulitika ng yunit partisano ng Mindoro. Hindi na muling nakita si Arnel mula nang sya ay dukutin.

Nag-aral si Geminiano Gualberto ng kursong pre-medikal sa University of Santo Tomas. Naging pangunahing kadre sya ng Quezon-Bicol Zone (QBZ) at naging kagawad ng KTKR ng QBZ. Pagkatapos nito,

naging kagawad sya ng Southern Luzon Commission. Nireyd ang bahay na hinihimpilan nila at dinakip si Geminiano habang nagpapagaling mula sa tama ng bala. Hindi na sya muling nakita pa.

Dinukot si Cesar Batralo sa pagitan ng San Mateo, Rizal at Maynila noong Disyembre 21, 2006. Tubong San Pablo, Laguna si Batralo at dekada sitenta pa lamang nang mamulat sya sa mga problemang kinakaharap ng lipunan. Naorganisa sya at buong panahon na kumilos upang maglingkod sa mamamayan. Batay sa mga organisasyong nagtataguyod sa Karapatang Pantao, si Batralo ay ang ika-94 na biktima ng pagdukot sa ilalim ng administrasyon ni Macapagal-Arroyo. Minahal siya ng kanyang mga kababayan at bawat masang

Albert Enriquez

Rodelo Manaog

Benjamen Villeno

Cesar Batralo

13 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2014

kanyang makasalamuha dahil sa kanyang kababaang-loob at taus na paglilingkod sa kanila. Bilang kagawad ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komiteng Rehiyon sa TK, pinangunahan niya ang pagsusulong ng mga rebolusyonaryong tungkulin sa kanyang saklaw. Kilala sya bilang Raffy sa Kabikulan, Edmund sa Katagalugan, Ruben sa Rizal at Bart sa kanyang pamilya at kaibigan. Hindi na muling nakita si Batralo mula noon.

Taong 2006 rin nang dinukot ng mga operatiba ng militar si Philip Limjoco na tubong San Pablo City, Laguna. Si Limjoco ay tinugis at dinukot sa bahagi ng Dau, Pampanga. Tulad ng ibang biktima ng pagkawala, hindi pa siya natatagpuan magpahanggang sa kasalukuyan.

Kamakailan lamang, tumampok na kaso ang pagdukot kay Benjamin “Ka Ben” Villeno noong Agosto 27, 2013. Simula 1992 naging organisador sya ng mga manggagawa sa loob ng Honda Cars Philippines, Inc. Noong 1998, naging tagapangulo sya ng Lakas Manggagawang Nagkakaisa sa Honda (LMNH). Nagbitiw si Pangulong Ben sa trabaho upang buong panahong makapagsilbi bilang tagapangulo ng pederasyong Organized Labor Association in Line Industries and Agriculture-Kilusang Mayo Uno (OLALIA-KMU) at ng Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan-KMU (PAMANTIK-KMU). Naging panrehiyong tapag-ugnay siya kalaunan ng Bayan Muna Partylist at ng Makabayang Koalisyon ng Mamamayan noong halalang 2010. Nagsilbing inspirasyon si Pangulong Ben sa maraming mga organisador at aktibista na puspusang maglingkod sa sambayanan. Bago sya mawala, nakapagpadala si Ben ng isang text message na may bumubuntot sa kanyang kahina-hinalang lalaki habang sya ay pauwi sa Dasmariñas, Cavite. Hindi na sya muling nakita pa.

Hindi malilimutan ng mamamayan

Nararapat na ihandog ang pinakamataas na pagpupugay at parangal sa kanilang mga ulirang-lingkod ng sambayanan. Alalahanin natin sina Rizalina Ilagan, Jessica Sales, Gerardo Faustino, Cristina Catalla, Ramon Jasul, Modesto Sison, Erwin de la Torre, Manny Salvacruz, Salvador Panganiban at Virgillo Silva. ‘Wag nating kalimutan ang mga inialay na sakripisyo nina Leticia Pascual, Geminiano Guaberto, Rodelo Manaog, Albert Enriquez, Arnel Mendoza,

Cesar Batralo, Philip Limjoco , Ben Villeno at marami pang mga walang mukha at walang pangalan. Patuloy nating isigaw ang katarungan para sa marami pang tulad nila na nakibaka hanggang sa kahuli-hulihang sandali.

Hanggang sa kasalukuyan nagpapatuloy at mas lalo pang sumisidhi ang mga kaso ng mga Desaparecidos. Ang mga kaso ng sapilitang pagkawala ay nagpapakita ng kawalang pagpapahalaga ng reaksyunaryong estado at armadong pwersa nito sa buhay man o kamatayan ng isang indibidwal. Sa mga kasong ito walang bangkay na paglalamayan, walang libingang mababalikan. Sa bawat taong nawawala, hindi lamang ang kanilang pamilya ang nauulila kundi ang buong sambayanan. Nawalan ang bayan ng magigiting at mabubuti nitong anak na nagtatangol sa karapatan at kumakalinga sa mga api.

Subalit sa bawat pagkawala sumisibol din ang bagong usbong ng mga rebolusyonaryong nagpapatuloy sa kanilang sinimulan. Hindi tumitigil ang mamamayan sa paglaban at paghahangad ng katarungan. Hindi makalilimot ang mamamayan sa pagkamit ng hustisya at kalayaan.

Bayan ko, hindi pa tapos ang laban mo

Apoy na kumakalat at nagliliyab sa buong kapuluan ang rebolusyon. Maraming mga anak ng bayan ang pinili ang landas ng rebolusyonaryong pakikibaka sapagkat malinaw sa kanila na ito lamang ang tanging daan na magpapalaya sa bayan mula sa lahat ng uri ng pang-aapi at pagsasamantala.

Para sa mga rebolusyonaryo, hindi na mahalaga kung paano sya mamamatay o kung saan sya mapapadpad. Ang mahalaga ay kung paano sya nabuhay at kung para kanino nya inalay ang nag-iisa nyang buhay. Nawala man ang pisikal na katawan, wala mang libingang mahimlayan, hangga’t nagpapatuloy ang rebolusyon, mananatili silang buhay sa alaala, kasaysayan at pakikibaka ng mamamayan. Hindi natatapos ang lahat sa kamatayan. Pagkat ang mga sakripisyo ng mga martir ng rebolusyon ang dugong bumubuhay sa mga rebolusyonaryo upang puspusang makibaka para sa isang lipunang malaya.

HULYO-SETYEMBRE 2014 14 KALATAS

Pastor Macario: Pastol ng sambayanan

Sa bawat araw kinakaharap natin ang napakaraming mga numero—bilang ng mga pinatay, dinukot, tinakot, hinaras, tinortyur, inabuso at niyurakan ang karapatang pantao. Ngunit ang mga numerong

ito ay di lamang mga simpleng istadistika. Sila ay may mukha at pangalan. Sila ay may istorya ng pakikibaka at paglaban.

Si Pastor Macario, labing walong taong gulang pa lamang nang maging aktibo sa simbahan. Iminulat ng kahirapan ang kanyang kalooban sa kahalagahan ng paglilingkod lalo sa mahihirap at nangangailangan. Ang paglilingkod na ito ang magbibigay daan upang makasalamuha at makalahok si Pastor Macario sa kilusang paggawa. Naging isang manggagawa si Macario at sa proseso ay naging kasapi ng isang unyon. Dito, tumaas ang kanyang pampulitikang kamulatan. Masigasig syang dumadalo sa mga pag-aaral tungkol sa panlipunang kalagayan. At bunga ng pagkamulat na yaon, nakiisa siya sa iba pang mga manggagawa at maralita sa mga pagkilos sa lansangan upang hilingin ang pagtaas ng sahod para sa kanilang mga manggagawa.

Hindi nagtagal, bumalik si Pastor Macario sa seminaryo upang ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral sa pangangaral at pagiging alagad ng Diyos. Laking tuwa niya nang maramdamang hindi naman pala siya nag-iisang seminarista at pastor na naghahangad ng mas malalim pang paglilingkod sa sambayanan. “Wala na akong dahilan upang hindi kumilos”, ito ang unang pumasok sa isip ni Pastor Macario. At mula noon tinanganan na nya ang buhay na naglilingkod sa bayan.

Nasaksihan ni Pastor Macario ang barbarismo ng mga militar sa komunidad na kanyang pinaglilingkuran. Sa ilalim ni Hen. Jovito Palparan, sunud-sunod ang mga kaso ng pagpatay, pang-aabuso at pagpapahirap sa ordinaryong mamamayan. Napuno ng takot ang

komunidad at maraming nangamba para sa kanilang kaligtasan. Nasaksihan niya ang pagdanak ng dugo sa araw-araw. Narinig nya ang sigaw ng mga biktimang humihingi ng hustisya para sa pinaslang nilang magulang, dinukot na anak, sinunog na tahanan, ginahasa at sinirang kabuhayan. Sa malagim na

yugtong ito, nagdesisyon si Pastor Macario na manindigan at sumama sa rebolusyonaryong p a k i k i b a ka u p a n g kamtin ang hustisyang panlipunan. Sa likod ng kanyang diwa, wala nang natitira pang pagpipilian ang mamamayan kungdi ang magrebolusyon.

Dahil sa kanyang aktibong paglilingkod sa mga militarisadong komunidad, naging mainit

si Pastor Macario sa mata ni Palparan. Maging ang kanyang pamilya ay tinakot ng mga militar at

makailang ulit siyang pilit na “inimbitahan” sa kampo ng militar. Nilabanan niya ang harrassment at panggigipit na ginawa sa kanya at mga kapamilya. Sa halip ipinakita niya sa mga pasistang hindi siya kayang intimidahin at patahimikin ng kanilang pananakot.

Dahil sa tindi ng banta sa kanyang buhay, nagpasya ang pamunuan ng institusyong kanyang kinabibilangan na ilipat siya ng destino bilang bahagi ng pangangalaga sa mga manggagawa ng simbahan. Ngunit nalipat man o kahit saan, nagpatuloy ang pananalig ni Macario sa kanyang sinumpaang paglilingkod. Punung-puno ng inspirasyon ang mga katagang ibinahagi ni Pastor Macario: “Kung mamatay man, hindi na ako takot. Nakahanda ako. Lahat ng tao namamatay. Ang mahalaga, saan mo ginamit ang buhay mo. Ang aking bautismo at ordinasyon ay pagyakap sa rebolusyon at paglilingkod sa masa. Ang simbahan ay hindi ang batong gusali kundi ang sambayanang aking pinaglilingkuran”.

15 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2014

Naghihingalong lawa: ang pagkawasak na dulot ng PPP at imperyalistang globalisasyon

Isang mahalagang yamang-tubig ang lawa ng Laguna. Para sa milyun-milyong mamamayang naninirahan sa paligid nito, ang lawa ay karugtong ng kanilang buhay. Pinagkukunan ito ng mga pagkain tulad ng isda

at gulay, pinagmumulan ng tubig para sa irigasyon ng mga palayan sa paligid nito at nagsisilbing mahalagang daluyan para sa transportasyon. Ito ang lawa ng Laguna na sa paglipas ng panahon ay unti-unting kumupas at nanganganib na tuluyan nang maglaho.

Ang simula ng pagkawasak

Mula sa masaganang yamang tubig na hatid ng lawa para sa lahat ng umaasa rito, nagkaroon na ng mga monopolyo sa pangisdaan ang malalaking negosyante simula pa noong panahon ng diktadurang US-Marcos. Kasabay ng monopolyo sa pangisdaan, nagsulputan ang maraming pabrikang nagdulot ng mabilis at malawakang pagkasira ng lawa. Lalo itong pinalala ng Project CALABARZON na pundasyon ng mga programang “pangkaunlaran” diumano ng rehimen ni Corazon Aquino sa Timog Katagalugan. Nagsulputang parang kabute ang mga empresa sa paligid ng lawa na nagtatapon dito ng dumi at lason nang walang pakundangan at walang pananagutan. Kaya taliwas sa pangakong kaginhawaan ng proyekto, ito ang naging mitsa ng labis na kahirapan para sa mamamayang nakaasa sa lawa. Kabi-kabila ang mga itinayong pabrika na sa kasalukuyan ay umabot na sa 1,572. Matatagpuan ang 530 sa mga ito sa Laguna, 195 sa Rizal, habang 722 naman ang nasa kalakhang Maynila.

Panahon din ng rehimen ni Corazon Aquino nang ipatupad ang Dominant Water Use Policy na ang nasa likod at motibasyon ay hindi upang makapaghatid ng tunay na serbisyo sa patubig para sa lahat kundi pagpasok ng puhunan upang pagkakitaan. Inaprubahan ni Corazon Aquino ang P622 milyong Rizal Province Water Supply Improvement Project na pinondohan ng bansang France at ang P1.2 bilyong Manila South

Water Project na pinondohan ng Asian Development Bank. Hinawan nito ang daan para sa monopolyo ng pribadong sektor sa serbisyo sa tubig na nagkaroon ng ganap na katuparan sa panahon ngayon ng kanyang anak na si BS Aquino.

Dagdag na pahirap sa mga mangingisda ang Fisheries Zoning and Management Plan noong 1993. Pinaburan ng Laguna Lake Development Authority (LLDA) ang hanggang sa 50 ektaryang pag-aari ng korporadong palaisdaan habang aabot

lamang sa kalahati o 25 ektarya ang para sa kooperatiba at 15 ektarya para sa mga indibidwal. Habang nagkakamal ng limpak-limpak na kita ang malalaking negosyo, isiniksik sa mas maliit na erya ang maaaring saklawing ektarya ng ilandaang libong pamilyang mangingisda.

Ang tunay na salot sa lawa

Ang tunay na salot sa lawa na tuluyan nang papatay dito ay wala nang iba pa kundi ang kasalukuyang rehimeng BS Aquino at ang mga imperyalistang patakarang isinusulong nito. Kamatayan at hindi pagbuhay ng lawa ang dulot ng ipinangangalandakan ng rehimen na mga “programang pangkaunlaran”.

Sa balangkas ng Public-Private Partnership, tampok dito ang Laguna Lake Expressway Dike Project (LLEDP) kung saan nakaplanong magtayo ng lansangan sa paligid ng lawa: 9.8km na haba ng lansangan mula Taguig hanggang Taytay, 9.5km sa Bicutan-Taguig, 28km sa Sta. Rosa-Calamba, 32km sa Bay-Sta Cruz, 28km sa Siniloan-Kalayaan at 10km sa erya ng Tanay. Ibinunsod nito ang pagsasailalim sa

HULYO-SETYEMBRE 2014 16 KALATAS

Laguna Bay Reclamation Project ng 3000 ektarya sa Taguig, 5000 ektarya sa Muntinlupa, 500 ektarya sa Los Baños at 100 ektarya mula sa mga bayan ng Taytay hanggang Binangonan sa Rizal na magdedemolis at magpapalayas sa daanlibong pamilyang nakatira sa baybayin. Kasunod ng pagpapagawa ng mga kalsada ang pagpasok ng malalaking negosyo tulad ng pagpapatayo ng mga casino at iba pang mga gusali para sa eko-turismo na naglalayong ilako ang lawa ng Laguna sa mga mamumuhunan para pagkakitaan. Tiyak na higit na dadami pa ang sasaluhin ng lawa na mga nakalalasong kemikal na direktang itatapon ng mga negosyo at magkokontamina sa tubig. Idudulot nito ang pagkamatay ng mga hayop at halamang-dagat sa lawa at wawasak sa ekolohikal na balanse sa tubig na magiging sanhi ng tuluyang pagkamatay nito.

Sa mga nabanggit na proyekto, ang mga dayuhan at lokal na negosyante ang makikinabang sa lawa at hindi ang malawak na hanay ng mamamayang nakaasa dito. Samakatwid, hindi ang pagbuhay sa lawa sa tunay na pakahulugan nito ang gagawin ng gubyernong Aquino kundi ang pagbuhay sa mga negosyong nakasuso sa kalikasan ng lawa at papatay sa mamamayang karugtong ng lawa ang mga bituka.

Sino ang makikinabang?

Bilyun-bilyong halaga mula sa pondo ng bayan ang gagamitin ng rehimeng US-BS Aquino para sa pribatisasyon ng lawa. Inilagak nito ang P69.941 bilyon para sa pagsasakatuparan ng LLEDP habang P57.897 bilyon ang para sa Reclamation Project. Dagdag pa dito ang P270 milyon na nagmula sa Disbursement Acceleration Program para sa LLDA. Gagawin ito ni Aquino upang pagkakitaan ng mga mamumuhunan sa kapakanan ng mga maralitang nabubuhay dito.

Panibagong utang na naman ito sa malalaking bangko at organisasyong pangunahing magpopondo ng mga proyekto sa lawa tulad ng Asian Development Bank, World Bank at Japan International Cooperation Agency at iba pang mga dayuhang korporasyon mula sa European Union, Japan, South Korea at US. Samantala, matagal nang nakapusisyon ang mga pamilyang Ayala at Lopez sa pagnenegosyo sa tubig ng lawa. Nakapwesto na si Lucio Tan sa itatayo

nitong internasyunal na paliparan sa Talim Island na matatagpuan sa gitna ng lawa. May kanya-kanya na ring itatayong negosyong pagkakakitaan sina Manny Pangilinan at Henry Sy. Ang mga negosyanteng ito ang paborito ni Aquino na pagkalooban ng masaganang oportunidad para kumita.

Sa mga proyektong ito, wala nang iba pang makikinabang sa lawa ng Laguna kundi ang mga dayuhan at lokal na mamumuhunan at korporasyon, at ang rehimeng BS Aquino na buong pusong nagtataguyod ng mga imperyalistang patakaran sa sulsol ng imperyalismong US.

Ang pakikibaka para sa kinabukasan

Ang tuluyang pagkawasak ng lawa ng Laguna ay katumbas ng pagkawasak ng kabuhayan at buhay ng milyong mamamayan. Walang aasahan ang taumbayan sa rehimeng BS Aquino sapagkat siya mismo ang pangunahing tagapagpatupad ng mga proyektong PPP na tuluyang kikitil sa naghihingalong lawa at kikitil sa mamamayang ang lawa ang kabuhayan. Dapat labanan ng mamamayan hindi lamang ang mga proyektong PPP kundi ang lahat ng mga programa sa balangkas ng imperyalistang globalisasyon.

Nasa kamay na ng masang anakpawis ang kapasyahang ipaglaban ang tunay na pagkalinga sa lawa at ibuhos ang lahat ng lakas para hadlangan ang pagkubabaw dito ng mga higanteng kapital at gawing pribadong lugar aliwan at negosyo. Ito lamang ang natatanging balangkas upang mabuhay ang lawa.

Ang pagsagip sa lawa ng Laguna ay may pangmatagalang kabuluhan. Hindi ito para lamang sa kasalukuyang kapakinabangan kundi magsisilbing yaman ito para sa susunod pang mga henerasyon. Matibay ang kapasyahan ng rebolusyonaryong mamamayan na labanan ang paulit-ulit na pandarambong ng mga imperyalista sa mga likas na yaman sa bansa at patuloy na pagyurak sa karapatang mamuhay nang masagana at matiwasay ng mamamayan. Dapat nang patalsikin ang rehimeng US-BS Aquino na patuloy na yumayakap sa mga programang mapangwasak sa kalikasan at kabuhayan ng mamamayan.

17 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2014

Handog ng imperyalismong US ay di pagkakaibigan kundi bitag ng habambuhay na pagkaalipin

Tuwing ika-4 ng Hulyo, ipinagdiriwang ng reaksyunaryong gubyerno, ng amo nitong imperyalismong US at mga lokal na kasapakat na burgesya kumprador at panginoong maylupa ang tinaguriang Filipino-

American Friendship Day. Subalit para sa mamamayang Pilipino, walang dapat ipagdiwang sa araw na tanda ng labis na pagsasamantala at pang-aapi, ng patuloy na pananakop ng isang mangongolonya sa isang kolonya, at ng pagkontrol ng isang amo sa kanyang papet.

Para sa US, ang Hulyo 4 ang araw ng kalayaan ng Amerika mula sa kolonyal na paghahari ng United Kingdom. Ngunit para sa Pilipinas, ang araw na ito ang nagtali sa kanya sa kuko ng agilang imperyalismong US bilang malakolonya. Habang diumano ay ipinagkaloob ng imperyalismong US ang kalayaan ng Pilipinas mula sa kanyang pangongolonya sa araw ding ito, tiniyak naman nitong mananatili ang katapatan at pagsisilbi ng dating kolonyang Pilipinas sa inangbayan nitong Amerika. Nanatili ang dominasyon ng imperyalismong US sa Pilipinas. Ang bawat presidente mula sa Commonwealth ni Manuel Quezon ay sumusumpa ng katapatan sa Amerika at tila mga asong sunud-sunuran sa US. Samu’t sari ang mga ginagawang ikot at pamamaraan para bigyang-daan ang imperyalistang interes nito.

Sa panahon ng diktadurang US-Marcos, bumuhos ang suportang militar, rekurso at personel na may pangunahing layuning kitlin-sa-usbong ang rebolusyonaryong pakikibaka ng mamamayan. Naglunsad ng iba’t ibang mga ehersisyong militar at lumahok maging sa mga operasyong kombat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga personel ng US Special Forces. Nang mapabagsak ng popular na pag-aalsa ng mamamayan at rebelyong militar ang rehimeng

US-Marcos, tiniyak ng US na poprotektahan ni Corazon Aquino ang interes nito at isusulong ang muling pagtitibay ng kasunduan sa pananatili ng mga base militar ng US.

Bunga ng malawakang pagtutol ng mamamayan at kahilingan nitong wakasan na ang pananatili ng mga base militar ng US sa bansa, ipinawalambisa na ng senado ang Bases Agreement noong 1991. Walang nagawa ang halos paglulupasay ni Corazon Aquino para pahinuhurin ang senado sa kanyang nais na magpatuloy pa ang pananatili ng mga base militar ng Amerikano sa bansa.

T u l a d n g m g a masunuring aso, ang mga presidente ng Pilipinas ay nagpaligsahan kung sino sa kanila ang pinakamahusay na papet at tuta ng among imperyalista. Isinulong at namaniobra ni Fidel Ramos ang pagpapasa ng Visiting Forces Agreement (VFA) noong 1998. Itinaguyod ito ni Joseph Estrada hanggang sa mapatalsik siya ng ikalawang pag-aalsa ng mamamayan noong 2001. Ang pumalit na si Gloria Arroyo naman ay nagmarali ng kanyang sariling “gera laban sa terorismo” bilang pagsunod at pagtataguyod

ng sariling bersyon ng “War on Terror” ng gubyernong Bush ng US. Ngunit lahat sila ay itinaob ng pinakapapet at nagbabangong diktador na si BS Aquino.

Sa administrasyon ni BS Aquino nagkaroon

18 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2014

ng katuparan ang ganap na panggagahis at pangangayupapa sa imperyalismong US. Ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na pinagtibay nitong Abril 2014 ang nagbuhol ng gapos ng bansang Pilipinas sa kalingkingan ng higanteng imperyalismong US. Tulad ng una at ikalawang digmaang pandaigdig, hindi nahahangganan ang pamamalagi ng tropang US saanmang bahagi ng bansa. Maaari nilang ilunsad ang iba’t ibang aktibidad-militar saanman at kailanman nila naisin. Libreng magagamit ng mga tropa ng US ang mga pasilidad at lupa sa bansa sa paanong paraan man nito naisin. Ang mga pasilidad-militar ng US sa bansa ay sila lamang ang may eksklusibong akses at otoridad rito.

Nais na palabasin ni BS Aquino na makikinabang ang sambayanan sa “pagkakaibigan” ng dalawang magkapatid na bansa – ang US at Pilipinas. Ngunit hindi pagkakaibigan kundi pagkaalipin ang dulot ng pinasok na mga kasunduan. Magiging malinaw sa mamamayan na ang “pagkakaibigang” ito ay nakabatay sa hindi pantay na relasyon. Ni minsan ay hindi nanagot o mananagot ang US sa mga krimen nito laban sa sambayanan. Maliban sa tampok na mga kaso ng panggagahasa ng mga tropang Amerikano sa mga kababaihang Pilipino, paulit-ulit ding ginagahasa ng US ang likas na yaman ng bansa. Sino ang makalilimot sa panggagahasa ni Daniel Smith kay “Nicole”, sa pagwasak ng USS Guardian, isang barkong pandigma ng US sa protected areas ng Tubbataha Reef sa Palawan, at ang pagtatapon ng mga nakalalasong kemikal sa Subic Bay? Natakasan ng US ang pananagutan sa lahat ng ito dahil sa mga kasunduang nag-aabswelto sa US sa mga kaso ng paglabag sa batas ng bansa dahil hindi sila masasaklawan nito. Ganito rin ang tinutungong direksyon ng kaso ni Joseph Scott Pemberton na walang-awang pumaslang kay Jeffrey “Jennifer” Laude.

Bukod sa militar, lantad din ang kamay ng imperyalismong US sa larangan ng ekonomiya at pulitika ng bansa. Upang todong mailarga ang

pandarambong ng mga dayuhang kapital, itinutulak ng mga alipures ni Aquino sa reaksyunaryong kongreso ang Charter Change (Cha-Cha) para tuluyan nang baguhin ang mga probisyon sa ekonomiya at bigyang-laya ang mga dayuhang magmay-ari ng 100 porsyento ng mga empresa, lupain at negosyo sa bansa. Kanya-kanyang patalbugan ang mga reaksyunaryo upang makuha ang basbas ng US sa nalalapit na pambansang halalan sa 2016. Isa nang katiyakan na kung sinuman ang i-endorso ng US ang siyang mananalo sa pagkapangulo. At nakatitiyak ang sambayanan na ang ieendorso ng US ay ang pangunahing papet na handang ipagkanulo pati ang kaluluwa ng mga di pa isinisilang sa amo nitong imperyalista.

Labis-labis na ang pagyurak ng imperyalismong US sa pambansang soberanya at teritoryal na integridad ng bansa. Labis-labis na rin ang pagpapakapapet ng gubyernong BS Aquino sa US. Sa harap ng tumitinding krisis sa ekonomiya at pulitika, ang mamamayan

ay dapat na manindigan upang labanan ang sanhi ng kahirapan at pagdurusang dulot ng pinatigas na neolokolonyal at malapyudal na kaayusang bunga ng imperyalistang pangingibabaw sa bansa. Walang ibang pagpipilian ang mamamayan kundi ang kumilos upang wakasan na ang daantaong paghahari at pagpapahirap ng imperyalismong US sa Pilipinas.

Sa halip na ipagdiwang ang “pagkakaibigang” ginugunita tuwing Hulyo 4 na araw ng kalayaan ng Amerika, dapat kundinahin ang mga makaisang-panig na kasunduang gapos na pina-iigting ng imperyalismong US sa leeg ng sambayanan. Nararapat lamang na isumpa at iwaksi ang ginagawang pagdakila ng rehimeng US-BS Aquino sa araw na simbolo ng patuloy na pagkagapos at pangangayupapa sa imperyalistang kapangyarihan ng Estados Unidos. Ginagatungan ng araw na ito ang mas maigting na rebolusyonaryong pakikibaka ng sambayanan upang wakasan na ang paghahari ng imperyalismong US at patalsikin na ang rehimeng BS Aquino.

“Ginagatungan ng araw na ito ang mas maigting

na rebolusyonaryong pakikibaka ng sambayanan

upang wakasan na ang paghahari ng

imperyalismong US at patalsikin na ang rehimeng

BS Aquino.”

19 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2014

Kilusan kontra pork barrel, lumalawak

Lumalakas ang panawagan ng mamamayan ng Timog Katagalugan na litisin at parusahan

ang lahat ng tiwali. Lumalakas ang inisyatiba nila sa pagbabalangkas at pagtitibay ng batas sa pamamagitan ng lagda upang tuluyan nang ibasura ang pork barrel. Sa pangunguna ng Abolish Pork Movement-Southern Tagalog (APM-ST), mahigpit na nakikiisa ang mamamayan ng rehiyon sa panukulang batas na isinusulong ng People’s Initiative Against Pork Barrel (PIAP). Layunin ng PIAP na pukawin, organisahin at pakilusin ang mamamayan upang mabuo ang pagkakaisa laban sa lahat ng anyo ng katiwalian at korapsyon.

Sa hamong “Manindigan! Pumirma! Pork Barrel Ibasura!” nag-umpisa ang pangangalap ng mga pirma para sa People’s Initiative noong Agosto 25 pagkatapos ng matagumpay na Kongreso ng Mamamayan noong Agosto 23 sa probinsya ng Cebu. Kasabay ng anibersaryo ng Million People March at pambansang araw ng pagsisimula ng malawakang pagpirma para sa People’s Initiative, ang mamamayan sa rehiyon ay naglunsad ng mga kilos-protesta kasabay ngpagtatayo ng sign-up booths sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon.

Sa pamamagitan ng APM-ST, nabuo ang PIAP-Quezon, PIAP-Batangas at PIAP-Cavite at naglunsad ng sign-up day at mga porum tungkol sa kabulukan ng sistemang pork barrel at ang kapangyarihan at karapatan ng mamamayang lumikha ng mga batas na tunay na maglilingkod sa kanilang mga demokratikong interes sa pamamagitan ng isang “people’s initiative”. Layunin ng PIAP na makakalap ng mahigit sa anim na milyong pirma o sampung porsyento ng kabuuang bilang ng mga botante sa bansa nang sa gayon ay masiguro ang lubusan nang pagpawi sa sistemang pork barrel.

Nakiisa sa PIAP ang maraming sektor at mamamayan sa rehiyon. Aktibo ang mga manggagawa, kababaihan, kabataan, mga taong simbahan at relihiyoso, mga propesyunal at negosyante sa pagsusulong at pagpapaliwanag sa maraming dako upang makalap ang pagsang-ayon ng mamamayan

sa tuluyang pagbabasura ng lahat ng anyo ng pork barrel. Anang BAYAN-ST, “ang People’s Initiative ay hindi simpleng pangangalap ng lagda. Ito ay organisadong pagkilos ng mamamayang sukang-suka na sa talamak na korapsyon at kainutilan ng rehimeng BS Aquino. Bahagi ito ng sustenido at papalaking kilos at protestang masa na ultimong nananawagang magbitiw si BS Aquino sa pwesto hanggang sa tuwirang pagpapabagsak sa kanya sa pamamagitan ng pag-aalsang bayan tulad noong EDSA 1986 at 2001 na nagpatalsik sa mga korap at pasistang rehimeng Marcos at Estrada.”

Hulyo 4, sinalubong ng protesta

Sa pangunguna ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (BAYAN-

ST), lumahok ang mamamayan mula sa Timog Katagalugan sa pambansang pagkilos noong Hulyo 4 na tinaguriang “Filipino-American Friendship Day” upang kundinahin ang labis na pangangayupapa ng rehimeng BS Aquino sa amo nitong imperyalismong US.

Ipinanawagan nila ang pagbabasura ng makaisang panig na mga kasunduang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at Visiting Forces Agreement (VFA). Anila, lansakang paglabag ito sa pambansang patrimonya at teritoryal na integridad ng bansa. Binibigyang-katwiran ng mga kasunduan ang ganap na panunumbalik ng mga base militar ng US sa Pilipinas.

Bago pa man makarating ang mga nagpoprotesta sa embahada ng US, sinalubong na sila ng pulis upang pigilan ang kanilang martsa. Dahil sa marahas na pag-atake, nasugatan ang marami sa mga nagpoprotesta. Ipinakita lamang nito ang lantarang pagpoprotekta ng mga pulis sa tunay na amo nito, ang rehimeng US-BS Aquino. Gayunman, hindi natinag ang mga nagpoprotesta at itinuloy ang kanilang programa.

BALITA

20 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2014

State of the Region Address (SORA)

Sa TK, inilunsad ang State of the Region Address (SORA) sa Crossing Calamba na dinaluhan ng lampas isang libong mamamayan. Nagmarka ito ng pagsisimula ng tatlong araw na protesta laban sa SONA ni Aquino. Pinangunahan ng Bagong Alyansang Makabayan-Southern Tagalog (BAYAN-ST) ang mga aktibidad na naglalayong ipakita ang tunay na kalagayan at kahirapang dinaranas ng mamamayan sa rehiyon taliwas sa mga deklarasyon ni Aquino ng “sama-samang pag-angat at kaunlaran”.

Ayon sa BAYAN-ST, hindi nararamdaman ng mamamayan ang ipinagmamalaki ni Aquino na pag-angat ng ekonomiya dahil sa talamak na kawalan ng trabaho, pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin at kawalan ng akses sa serbisyong panlipunan. Sa halip na pag-angat ng kabuhayan lalong nasadlak sa karukhaan ang maraming mahihirap. Mula sa sektor ng manggagawa, kinundina ng Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) ang pagbibigay ng pabor ng rehimeng BS Aquino sa malalaking korporasyon at negosyante. Kinundina nito ang patuloy na malawakang tanggalan sa trabaho ng mga manggagawa sa NXP Semiconductors sa Cabuyao, Laguna at Hoya Glass Philippines sa Batangas habang nasa gitna ng negosasyon para sa Collective Bargaining Agreement (CBA). Isiniwalat at kinundina ng Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog Katagalugan (KASAMA-TK) ang pagiging bingi ng asyenderong rehimen ni Aquino sa panawagan ng mga magsasaka para sa tunay na repormang agraryo.

Tinalakay sa SORA ang nakababahalang isyu ng pagkasira ng kalikasan sa rehiyon dahil sa mga ehersisyong militar ng US sa Sangley Point sa Cavite at Ulugan Bay sa Palawan matapos lagdaan ang

Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA). Tampok din ang tumitinding kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa rehiyon tulad ng iligal na pag-aresto kina Andrea Rosal at Maria Torres na kabilang sa 59 detinidong pulitikal sa TK. Kasabay nito ang umiigting na militarisasyon sa rehiyon kung saan umaabot sa mahigit 29 na batalyong pwersa ng AFP-PNP-CAFGU ang nakapakat sa buong rehiyon. Aabot naman sa higit 13 batalyon ang maituturing na pwersang gamit sa kombat at operasyon sa TK. Nakakalat ang mga ito sa kabuuang 266 mga kampo, detatsment sa buong rehiyon.

Matapos ang SORA tumungo na ang delegasyon ng TK sa Department of Agrarian Reform (DAR) upang sumanib sa delegasyon mula sa Gitnang Luzon.

Karnabalbalan at Ligalig Photo Exhibit

Aktibong nakilahok ang iba’t ibang artista ng bayan na nagbahagi ng kanilang musika, tula at sining biswal sa kilos-protesta. Sa isang eksibit ng Southern Tagalog Exposure (STEX) na tinawag na “Ligalig: Portraits of Human Insecurity and Public Unrest”, ipinakita ang 25 larawan ng buhay ng karaniwang mamamayan na naiipit sa kahirapan at iba’t ibang isyung panlipunan. Ayon sa STEX, nais ipakita ng eksibit ang tunay na kalagayan ng bansa at ang mga suliraning kinakaharap ng mamamayan. Isinisiwalat ng mga larawan ang pagdurusa at pagtutol ng batayang sektor na kadalasang tinatakpan o binabaluktot upang umayon sa imahe ng pambansang pagkakaisa, pagkakaibigan at kaunlaran na inilalako at nagbibigay-matwid sa di-pantay at di-makatarungang mga programa at hakbangin ng pangkating Aquino. Ginamit ng eksibit ang kakayahan ng mga larawan upang magpahayag at bilang isang instrumentong nagsasalaysay ng mga totoong kwentong pinabubulaanan ang mga deklarasyon ni Aquino.

Sigaw ng mamamayan ng TK sa SONA ng Bayan:Itakwil ang rehimeng US-BS Aquino

Libu-libong mamamayan sa buong bansa ang nagsagawa ng kilos-protesta sa ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Aquino noong Hulyo 28. Umabot sa 60,000 ang lumahok sa mga protestang bayan sa

iba’t ibang panig ng bansa at nagsagawa ng iba’t ibang bersyon ng SONA ng Bayan upang ipakita ang tunay na kalagayan ng mamamayan. Isa ang rehiyong Timog Katagalugan (TK) sa mainit na nagsagawa ng protesta laban sa papet, pasista at asyenderong rehimeng BS Aquino.

21 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2014

Tampok din ang effigy na pinangalanang “Noynoy’s Karnabalbalan”. Inilalantad nito ang samu’t saring palabas at kabalbalan ng rehimen para iligaw ang mamamayan sa mga importanteng isyung panlipunan at pagtakpan ang mga anomalyang bumabalot sa rehimeng BS Aquino.

SONA ng Bayan

Sumanib ang libu-libong delegasyon mula Gitnang Luzon at National Capital Region (NCR) sa malawakang protesta para sa SONA ni Aquino. Ayon sa BAYAN, umabot sa 30 libong mamamayan ang dumalo sa pagtitipon sa harapan ng Ever Gotesco Mall sa Commonwealth. Habang sa loob ng bulwagan ng kongreso, nagwalkout ang mga progresibong kongresista ng Makabayan Bloc upang ipakita ang di pagsang-ayon sa mga nilubid na kasinungalingan ni Aquino at lumahok sa tunay na SONA ng bayan. Ito na ang pinakamalaking protesta na isinagawa sa nakaraang limang SONA ni Aquino.

Ipinakita din ang effigy na tinaguriang “HolDAPer King” — isang higanteng baboy na may ulo ni Aquino habang hawak ang isang baril at ninanakawan ang mamamayan. Isa itong simbolismo kung paano pinagtataksilan ng rehimeng BS Aquino ang taumbayan. Sinunog ito matapos ang programa.

Sinubukan ng mga nagprotesta na alisin ang harang at umabante patungong Batasang Pambansa subalit sinalubong sila ng dahas ng mga pulis at binomba sila ng kulay pulang tubig. Gayunman hindi pa rin napigilan ng pandarahas ng estado ang mapanlabang diwa ng m a m a m a y a n a t ipinagpatuloy nila ang programa nang nakataas ang mga kamao. Tampok sa mga nakilahok ang mamamayan mula sa iba’t ibang rehiyon kabilang ang Timog Katagalugan at mga personalidad na dating mga masugid na tagasuporta ni Aquino.

Pagpapatalsik kay Aquino, isinisigaw ng mga Kabitenyo

Dumagundong ang panawagan ng mga Kabitenyo na patalsikin si BS Aquino sa pagkapangulo

sa ginanap na magkasunod na State of the Province Address (SOPA) at State of the Youth Address (SOYA) sa Cavite.

Ginanap noong Hulyo 23 sa Bacoor City, ang SOPA sa Cavite ay dinaluhan ng halos 2,000 Kabitenyo kung saan inilantad ang bogus na kaunlaran ng rehimeng Aquino. Pagkawasak ng kabuhayan, paninirahan at kapaligiran ang kahulugan ng kaunlarang ito para sa mga Kabitenyo, ani Mark Anthony Duller, pamprobinsyang istap ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN)-Cavite.

Binigyang diin ni Duller ang National Reclamation Plan ng ahensyang Philippine Reclamation Authority ng rehimeng Aquino na naghahain ng oportunidad sa pagnenegosyo para sa mga dambuhalang negosyong dayuhan at lokal. Inihalimbawa niya rito ang proyektong pangimprastrakturang Nasugbu-Ternate road na nagwasak sa halos 10,000 puno sa

kagubatan ng Cavite at Batangas na matatandaang ibinida ni Aquino sa kanyang State of the Nation Address (SONA) bilang resulta umano ng pagtahak

sa kaunlaran ng “tuwid na daan” ng rehimen.

Pinabulaanan din ni Duller ang ibinabandila

ng rehimen na pagkalinga nito sa mga biktima ng superbagyong Yolanda. Aniya, hanggang sa ngayon ang mahigit sa 200 pamilya mula sa Tacloban na ipinatapon

sa Rosario, Cavite ay nananatiling walang maayos na tirahan at halos mamalimos na lamang para makatawid sa araw-araw.

Hindi rin maramdaman ng mga Kabitenyo ang

22 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2014

pag-ahon umano sa kahirapan ng mga Pilipino na ibinida ni Aquino sa kanyang SONA. Ani Duller, ang dati nang maralita sa mga resettlement area at baybay-dagat ng Cavite ay nililigalig pa ngayon ng sunud-sunod na banta ng demolisyon, tulad ng nangyari sa Brgy. Zapote III, Bacoor City. Nakaamba ngayon ang mga demolisyon sa 10 iba pang barangay ng Bacoor, sa lupang PNOC sa Noveleta at Rosario, sa Brgy. Tabon at Batong Dalig sa Kawit, Bagong Bayan sa Dasmariñas, gayundin sa GMA, Carmona, at mga lupang sakahan sa Silang at Alfonso.

Ginanap naman ang SOYA noong Hulyo 26 na nagtipon ng mahigit sa 200 kabataan at estudyante mula sa iba’t ibang pamantasan at komunidad sa lalawigan. Tumampok sa naturang pagtitipon ang sistematikong pag-aabandona ng rehimeng Aquino sa edukasyon na nagresulta umano sa halos P5,000-P8,000 dagdag-bayarin sa Cavite State University System sa porma ng Student Facilities and Development Fund na isang uri ng development fee. Napaulat rin ang parehong dagdag-bayarin sa iba pang pampublikong pamantasan sa Cavite, tulad ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology-Cavite at Technological University of the Philippines.

Iniwang hamon ni dating Bayan Muna Representative Teddy Casiño sa naturang SOPA na kailangang linangin ng mga Kabitenyo ang potensyal na lakas nito bilang nasa bunganga ng Kamaynilaan upang padagundungin ang kilusang masang nananawagan ng pagpapatalsik sa pahirap na rehimeng Aquino.

Pinuruhan naman ni dating Pambansang Pangkalahatang Kalihim ng Anakbayan na si Charisse Bañez sa SOYA sa Cavite ang pagbalikwas ng mga kabataang Kabitenyo sa korap na tradisyon sa isang bulok na estadong neokolonyal tulad ng sa rehimeng Aquino. Aniya, kailangang magpanibagong-hubog ang kabataang Kabitenyo upang simulan ang bagong henerasyong papatid sa ilusyon ng “tuwid na daan”.

Nakiisa rin ang mga magkakaalyadong rebolusyonaryong organisasyon sa National Democratic Front (NDF)-Cavite sa panawagang pagpapatalsik sa rehimeng Aquino. Ani Simeon Magdiwang, tagapagsalita ng NDF-Cavite, hibang

ang rehimeng Aquino na ibilang ang Cavite sa aniya’y “nanormalisa” na umano dahil nasupil na ang armadong rebolusyon. Sa katunayan, aniya, paparaming mga Kabitenyong mula sa kanayunan at kalunsuran ang nagpapasyang sumapi sa Bagong Hukbong Bayan at kumilos ng buong panahon upang isulong ang digmang bayan.

“Hindi na kayang pasubalian ng rehimeng Aquino ang papalakas na rebolusyon sa Cavite. Ilang sandali na lamang ng paghahanda, sisigabo ang malalakas na dagok sa reaksyunaryong sandatahang lakas sa lalawigan habang lumalakas naman ang kilusang masa sa kanayunan at kalunsuran para mag-ambag sa pagkamit ng estratehikong pantay-lakas ng digmang bayan,” pagtatapos ni Magdiwang.

Pagsasanay sa isnayping, inilunsad ng LdGC-BHB Mindoro

Matagumpay na inilunsad ng Lucio de Guzman Command-BHB Mindoro ang

isang pagsasanay at kurso sa isnayping. Sa loob ng siyam na araw, natuto ang mga mag-aaral ng tamang pagsipat, pagpapaputok ng baril, balistiks, tracking at countertracking, at pagkakamoplahe. Naging malaman ang mga talakayan at nakahugot ng panibagong mga aral hindi lamang ang mga estudyante kundi maging ang mga instruktor.

Sa pamamagitan ng pagsasanay, patuloy na naitataas ang antas ng kakayahan at teknika ng mga Pulang mandirigma sa larangang militar. Ang mga kaalamang ito ay dagdag sa mayamang kaban ng mga aral at karanasan na natipon sa nakaraan na mahalaga sa pagtupad sa tungkulin sa kasalukuyan na itaas ang antas ng digmang bayan.

Isang bigwas sa kaaway ang tagumpay ng inilunsad na pagsasanay. Panandang-bato ito sa mas maigting na opensiba ng BHB laban sa reaksyunaryong hukbo sa hinaharap.

23 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2014

Hustisya para sa mga biktima ng Martial Law, ipinanawagan

Ginunita ang ika-42 na malagim na anibersaryo ng Martial Law sa pamamagitan ng serye ng mga aktibidad na

inilunsad sa pangunguna ng KARAPATAN-ST at BAYAN-ST kasama ang PAMANTIK-KMU at mga balangay sa rehiyon ng Bayan Muna, Gabriela at Anakbayan.

Sa pamamagitan ng pag-aalay ng isang misa sa EDSA Shrine inalala ang mga bayani at martir ng Martial Law at diktadurang US-Marcos. Ang mga kalahok ay pawang nakasuot ng itim simbolo ng patuloy na pagluluksa at kawalang hustisya na nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyang rehimeng BS Aquino.

Isang eksibit ng mga larawan ng mga biktima magmula pa sa Martial Law ni Marcos at mga sumunod pang presidente sa ilalim ni Corazon Aquino hanggang kay BS Aquino ang itinayo. Sa apat na taong panunungkulan ni BS Aquino, naitala sa rehiyon ang apat na biktima ng sapilitang pagkawala, 23 biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang at 55 bilanggong pulitikal.

Ang inilunsad na black Sunday protest at pagsisindi ng mga kandila na inilunsad sa pangunguna ng BAYAN at KARAPATAN-ST ay simbolo ng panawagang hustisya para sa mga biktima ng Martial Law at paglaban sa nagbabangong diktadurang rehimeng BS Aquino.

Sa Bantayog ng mga Bayani muling nagpugay at ginunita ang buhay ng mga martir ng Martial Law, nag-alay ng mga bulaklak at muling nagsindi ng kandila. “Kahit mailap ang hustisya sa kasalukuyan, determinado kaming makamtan ang hinihiling naming nararapat na hustisya para sa mga biktima ng Martial Law at kanilang pamilya. Ito ay sa gitna ng pagharap ng mamamayan laban sa nagpapatuloy na terorismo ng estado at de facto Martial Law sa ilalim ng kasalukuyang rehimen,” ani Rev. Gil Sediarin ng KARAPATAN-ST. Mula sa Bantayog ng mga Bayani, nagmartsa sila patungong Mendiola bitbit ang mga panawagang “Hustisya para sa lahat. Labanan ang bagong diktadura.” na nakamarka sa kanilang ulo at kasuotan. Nagsindi sila ng “isang libong kandila para sa kapayapaan at hustisya” at naglunsad ng prusisyon.

“Masasabing nagtapos na ang diktadurang Marcos ngunit nanatiling nasa kuko ng paniniil at pang-aapi ang mamamayan. Lalong sumisidhi ang atake sa dignidad at karapatang pantao sa ilalim ng kontra-insurhensiyang programang Oplan Bayanihan ng rehimeng BS Aquino na layuning patahimikin ang pagtutol ng mamamayan,” pagtatapos ni Rev. Sediarin.

Mga Desaparecidos, ginunitaHustisya, ipinanawagan

Ginunita ng mga kasapi ng mga progresibong organisasyon

sa pangunguna ng Alliance for the Advancement of People’s Rights-Southern Tagalog (KARAPATAN-ST) at HUSTISYA-TK ang Internasyunal na Araw ng mga Desaparecidos sa pamamagitan ng serye ng mga kilos-protesta. Kinalampag nila ang mga opisina ng National Bureau of Investigation (NBI), Korte Suprema, Kagawaran ng Hustisya (DOJ) hanggang sa makarating sa Mendiola noong Agosto 29. Nanawagan ang mga kaanak at mga tagasuporta nila na ilitaw ang mga mahal nila sa buhay na sapilitang dinukot at itigil ang mga paglabag ng rehimeng BS Aquino sa karapatang pantao ng karaniwang mamamayan.

Unang sinugod ng mga nagprotestang mamamayan ng TK ang tanggapan ng NBI sa Maynila kung saan kinukupkop ang berdugong si Jovito Palparan. Namahayag sa programang inilunsad ang anak ni Benjamen Villeno na si Justin Villeno at nanawagang ilitaw ang kanyang ama. Dinukot ng mga pwersa ng militar si Villeno noong Agosto 27, 2013 at mula noon ay hindi na muling nakita pa. Si Villeno ay dating pangulo ng unyon ng mga manggagawa ng Honda Cars Philippines sa Sta. Rosa, Laguna.

Kasama sa mga nakiisa sa kilos-protesta ang Bayan Muna-ST, GABRIELA-ST, Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY)-ST, Migrante-ST at Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan-Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU).

24 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2014

Nanawagan din sa Korte Suprema sa Maynila ang pamilya ni Edward Lanzanas na pagbigyan ang kanilang isinampang writ of habeas corpus para sa kanya. Si Lanzanas ay kasama ni Andrea Rosal na iligal na inaresto noong Marso 2014 at ngayon ay nakabinbin sa Special Intensive Care Area (SICA) sa Camp Bagong Diwa.

Tinungo rin ng grupo ang DOJ. Dito ay ipinanawagan nilang gumawa ng mapagpasyang hakbangin ang kagawaran upang ilitaw ng estado ang mga nawawala at matigil na ang pagdukot sa mga aktibista at inosenteng mamamayan. Namahayag sa programa si Linda Cadapan, ina ng estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas na si Sherlyn Cadapan, na dinukot ng mga militar noong 2006 sa Hagonoy, Bulacan at si Belith Batralo, kapatid ng desaparecidong si Cesar Batralo na dinukot naman ng militar sa Maynila noong Disyembre 2006. Habang nanawagan din ang pamilya naman ni Alfredo “Tatay Fred” Bucal na ilantad ng gubyerno kung sya’y buhay pa o ipakita ang mga labi nito kung ito’y patay na. Huling nakita si Tatay Fred noong Nobyembre 10, 2010. Ayon sa mga saksi, dinala sya ng mga sundalo sa kampo-militar sa Palico, Nasugbu, Batangas. Hanggang sa kasalukuyan, patuloy pa ring itinatanggi ng militar ang ginawa nilang pagdukot at patuloy na pagtatago kay Tatay Fred.

Nagtapos ang serye ng mga kilos-protesta sa paanan ng Mendiola sa Malakanyang bandang alas-2:00 ng hapon. Kinundina ng mga kaanak at tagasuporta nila ang nagpapatuloy na pagdukot sa mga kasapi ng progresibong organisasyon maging sa karaniwang mamamayang nakikibaka para sa pagbabago. Siningil nila si BS Aquino bilang punong kumander na siyang utak sa patuloy na pamamaslang

at sapilitang pagkawala ng mamamayang kritikal sa mga antimamamayang patakaran ng gubyerno.

Ang Internasyunal na Araw ng mga Desaparecidos ay ginugunita tuwing ika-30 ng Agosto ngunit minarapat ng mga kasapi ng organisasyon na ilunsad ang serye ng mga kilos-protesta noong Agosto 29 habang bukas ang opisina ng mga reaksyunaryong ahensya ng gubyerno. Gayunman, nagmistulang bingi ang mga ahensya sa panawagan.

Samantala, isang rali ang inilunsad ng mga manggagawa at mamamayan sa Sta. Rosa, Laguna noong Agosto 27, 2014 upang manawagan ng

hustisya sa pagkawala ni Benjamen Villeno at brutal na pagpatay kay Melita “Tita M e l y ” Tr i n i d a d -Carvajal, ki lalang tagapagtanggol ng karapatan ng mga maralitang lunsod.

Lumahok sa kilos-protesta ang iba’t ibang organisasyon ng mga manggagawa

at mamamayan ng Timog Katagalugan na LMNH, OLALIA-KMU, PAMANTIK-KMU, Mamamayan ng Santa Rosa para sa Kagalingan, Kaunlaran at Kapayapaan Tungo sa Magandang Kinabukasan (MSRK3), Alyansa ng Manggagawa sa Engklabo (AMEN), at mga lokal na balangay ng KARAPATAN, KADAMAY, at GABRIELA sa rehiyon.

Nagsindi ng kandila sa kahabaan ng Old National Highway ang mga nagsipagdalo sa kilos-protesta. Sumisimbolo ito sa kanilang panatang panatilihin ang lagablab ng apoy ng hustisya at tungo sa mas pinaalab na paghahanap ng katarungan para sa mga biktima ng sapilitang pagkawala, pagpatay at iba pang paglabag sa karapatan ng karaniwang mamamayan.

25 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2014

Mga Balitang TORetiradong sundalo, dinis-armahan sa Rizal

Dinis-armahan ng mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan sa ilalim ng Narciso Antazo Aramil Command ang isang retiradong sundalo. Naganap ang pagdidis-arma kay Lino Filipino, 57 taong gulang, sa tahanan nito sa Barangay Tinucan, Tanay, Rizal noong Oktubre 1, 2014. Nasamsam mula kay Filipino ang isang shotgun at iba pang gamit-militar.

Isparo sa Quezon, matagumpay

Tagumpay ang isinagawang operasyong isparo ng mga Pulang mandirigma ng Apolonio Mendoza Command sa dalawang elemento ng militar. Naganap ang operasyon sa Brgy. San Vicente, Gumaca, Quezon noong Setyembre 30, 2014. Kinilala ang mga nasawing militar na sina Private First Class Christopher Antonio Dingle at PFC Alpasain Ahamil Ikan na parehong mula sa 85th Infantry Batallion ng Philippine Army. Ang 85th IBPA ang berdugong responsable sa karumal-dumal na pagpaslang sa hors de combat na si Roberto “Ka Brando” Campaner noong Marso 2014. Bago pa man madestino sa Quezon, nauna nang naghasik ng pasistang lagim ang 85th IBPA sa isla ng Mindoro.

Mga Pulang mandirigma, binigo ang atakeng militar sa Quezon

Binigo ng mga Pulang mandirigma ng Mario Corpus Command ng BHB ang atake ng 30 sundalo ng 1st Infantry Battalion ng Philippine Army (IBPA) sa Sityo Sulog, Bgy. San Marcelino, General Nakar sa probinsya ng Quezon. Habang namamahinga ang mga Pulang mandirigma ng BHB, inatake sila ng mga nasabing sundalo noong Hulyo 12, ganap na 5:00 ng umaga. Mahusay na nakapanlaban ang BHB at nakapagdulot ng kaswalti sa kaaway sa labanang tumagal ng 30 minuto. Tatlong sundalo ang naitalang sugatan. Samantala, ligtas na nakaatras ang mga Pulang mandirigma ng BHB.

Ang 1st IBPA ay naglulunsad ng malawakang operasyong militar sa Hilagang Quezon. Bahagi ito ng kampanya ng gubyerno na supilin ang paglaban ng mamamayan sa mga planong pang-ekoturismo sa paligid at kabundukan ng Sierra Madre. Sa nasabing mga proyekto libu-libong mga magsasaka at maralita ang nakaambang mapalayas sa kanilang mga tirahan. Nakahanda ang BHB na biguin ang mga pakanang ito at ipagtanggol ang karapatan ng mamamayan.

Batayang Kurso ng Partido, matagumpay na inilunsad sa Mindoro

Labing-isang iskolar ang nagtapos ng pag-aaral sa Batayang Kurso

ng Partido (BKP) sa isang yunit ng Hukbong Bayan sa isla ng Mindoro. Naging matagumapay ang Paaralan ng BHB sa gitna ng walang tigil na operasyong militar ng Armed Forces of the Philippines (AFP) mula Hulyo hanggang Agosto ng taong ito.

Ito ang unang pagkakataon na nagamit ng larangan ang bagong pinaikli at nirebisang bersyon ng BKP na inilabas ng Pambansang Kagawaran sa Edukasyon (PAKED) noong 2009. Sa pagtuturo ng mga batayang kaalaman hinggil sa Marxismo-Leninismo-Maoismo (MLM), ginamit ang prinsipyong pagbibigay ng “edukasyon na nakatutok sa target” o pag-aaral batay sa katangian ng mga mag-aaral, mga kinakaharap na usaping praktikal sa paggampan ng gawain, at paglilinaw at pagbaka sa mga maling pananaw at gawi. Masigla ang naging partisipasyon ng mga iskolar sa proseso ng pag-aaral. Matagumpay na naisapraktika ang prinsipyo ng rebolusyonaryong pag-aaral kung saan natututo ang mga mag-aaral sa instruktor, ang mga instruktor sa mga mag-aaral, at ang mga mag-aaral sa kapwa mag-aaral. Naarmasan ang nagsipagtapos na mga iskolar ng mga rebolusyonaryong teorya na magagamit sa paggampan ng kanilang mga rebolusyonaryong gawain.

26 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2014

Matapos ang tatlong taong pagtatago, nadakip ng magkasanib na pwersa ng NBI at

Naval Intelligence ang berdugong si Jovito Palparan noong Agosto 12 sa Sta Mesa, Maynila. Si Palparan ay responsable sa napakaraming kaso ng mga karumaldumal na atrosidad sa iba’t ibang rehiyon sa bansa kabilang na ang Timog Katagalugan, Gitnang Luzon at Kabisayaan. Sa kasalukuyan kinakanlong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Palparan sa AFP Custodial Center sa Fort Bonifacio. Inilipat sya dito mula sa Bulacan Provincial Jail.

Naliligo sa dugo ng kanyang mga biktima si Palparan. Ayon kay Patnubay de Guia, tagapagsalita ng National Democratic Front-Southern Tagalog,

mula Enero 27, 2001 hanggang Disyembre 3, 2003, naitala ang 1,268 kaso ng paglabag sa karapatang pantao na bumiktima sa 4,493 inbidwal at 1,721 pamilya. Naganap ito nang pamunuan ni Palparan ang Joint Task Force Banahaw na sumaklaw sa Laguna, sa una at ikalawang distrito ng Quezon at Mindoro, at kinalaunan ng 204th Brigade sa Mindoro mula taong 2000 hanggang 2004. Sa parehong panahon, nasangkot ang mga tauhan ni Palparan sa 69 kaso ng pamamaslang, 34 kaso ng walang habas na pamamaril, 68 kaso ng pisikal na pag-atake, 50 kaso ng tortyur, 92 kaso ng iligal na panghahalughog, 190 kaso ng pamimilit at pananakot, tatlong masaker, 251 kaso ng harasment, 75 kaso ng iligal na pag-aresto, 41 kaso ng iligal o arbitraryong detensyon, 10 kaso ng

Sa ikatlong kwarto ng taon, isang magsasaka ang biktima ng pampulitikang pamamaslang sa

probinsya ng Quezon habang marahas na dinemolis naman ang isang Sityo sa Batangas.

Magsasaka sa Quezon, walang-awang pinagbabaril

Matapos manalasa ang bagyong Glenda sa probinsya ng Quezon, isang matinding delubyo ang muling tumama sa isang pamilya sa Barangay Sta. Catalina, Candelaria, Quezon. Walang habas na pinagbabaril hanggang mamatay si Hildegardo “Gil” Hernandez ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo noong Agosto 6, ganap na 6:00 ng hapon. Nagtamo ng malalang tama si Hernandez sa ulo, mukha, leeg at katawan.

Naganap ang pamamaril isang araw bago ang ilulunsad na relief operations na inihanda nina Hernandez para sa mga nasalanta ng bagyong Glenda. Si Hernandez ay aktibong nag-oorganisa sa hanay ng maliliit na magniniyog at kasapi ng Pagkakaisa ng mga Magsasaka at Tagapagtaguyod sa Ikalawang Distrito ng Quezon (Pamatid-Quezon).

Mamamayan sa Laiya, marahas na dinemolis

Sinalubong ng dahas ng ilang daang kasapi ng demolition team at pinagsanib na pwersa ng militar at pulis ang mga residente ng Sityo Balakbakan, Laiya,

San Juan, Batangas. Noong Hulyo 4, dinemolis ang 277 bahay ng mga maralita. Sapilitan at marahas na binuwag ng demolition team at mga militar at pulis ang barikada ng Samahan ng Kabahayan at Mangingisda ng Balakbakan Laiya.

Balak ikumbert ng Laiya Development Corporation at Macaria Development Corporation na parehong pagmamay-ari ni Federico Campos III ang 25 ektaryang lupain sa tabing-dagat bilang beach resort. Humiling ang mga residente ng temporary restraining order (TRO) sa korte matapos ipaabot ang kautusan ng demolisyon noong Setyembre 2013. Ayon sa kautusan, 1000 residente ang kailangang umalis sa lugar.

Bago ito, nakaranas din ng marahas na demolisyon ang mga residente ng Barangay Zapote III sa Bacoor, Cavite. Nagpapatuloy ang banta ng mararahas na demolisyon sa iba’t ibang komunidad sa buong bansa. Bunsod ito ng mga proyektong eko-turismo sa mga baybaying-dagat ng mayayamang debeloper ng lupa na naglalayong gawing negosyo ang mga lupain para sa kanilang pansariling kapakinabangan. Mahigpit ang pagkakaisa ng mamamayan sa Sityo Balakbakan at mataas ang kanilang kahandaang ipaglaban ang kanilang mga karapatan sa lupa’t dagat na malaon na nilang nililinang.

Paglabag sa karapatang pantao sa TK, dumarami

Palparan nasa kanlungan ng militar

BANTAY KARAPATAN

27 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2014

Panukalang pagtaas ng matrikula sa PUP, binigo ng mga Iskolar ng Bayan

Binigo ng mga Iskolar ng Bayan ng Polytechnic University of the Philippines (PUP) ang panukala ng pamunuan ng pamantasan na 830%

pagtaas ng matrikula sa pitong kampus sa ilalim ng PUP. Matagumpay na napigilan ng mga galit na estudyante ang panukalang itaas sa P100 mula sa P12 kada yunit ang matrikula sa Cabiao (Nueva Ecija), San Pedro at Sta. Rosa (Laguna), General Luna (Quezon), Sta. Maria at Pulilan (Bulacan), at San Juan City.

Sinugod ng libu-libong estudyante ng PUP ang punong tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) sa Diliman, Quezon City noong Hulyo 2 kung saan inilulunsad ang pulong ng Board of Regents (BOR) ng pamantasan upang pormal na aprubahan ang panukalang 830% pagtaas ng matrikula. Bukod dito, plano ring itaas ang singil sa samu’t saring bayarin tulad ng laboratory, sports at library fee. Agad na dumepensa ang pamunuan ng PUP at naglabas ng pahayag na hindi itataas ang matrikula.

Sa kasalukuyan, may apat na mga kampus sa ilalim ng PUP ang naniningil ng labis sa P12 kada yunit. Umaabot ng P5,000 kada semestre ang matrikula sa Biñan, Laguna, P2,500 kada semestre ang matrikula sa Bansud, Mindoro Oriental habang ang kampus naman sa Parañaque at Sablayan, Mindoro Occidental ay naniningil ng P1,500 kada estudyante, kada semestre.

Nagbunyi ang nagpoprotestang mga estudyante sa nakamit nilang tagumpay. Gayunman, tuluy-tuloy ang pagkilos ng mga Iskolar ng Bayan. Ani Jess Ferrera, tagapagsalita ng Ugnayan ng Mag-aaral Laban sa Komersyalisasyon-PUP (Umaksyon-PUP) at pangalawang pangulo ng PUP Central Student Council, nagkamit ang masang estudyante ng inisyal na tagumpay bunga ng kanilang kolektibong aksyon ngunit kailangan pa rin nilang maging mapagbantay upang tuluyang maibasura ang panukalang 830% na pagtaas ng matrikula. Kasabay nito, tinuligsa ng mga Iskolar ng Bayan ang komersyalisasyon ng mga pampublikong unibersidad at kolehiyo (State Universities and Colleges o SUCs) alinsunod sa “Roadmap to Public Higher Education Reform” ng rehimeng BS Aquino. Sa ilalim ng nasabing programa, garapalang binabawasan ng reaksyunaryong gubyerno ang subsidyo at badyet para sa mga SUCs. Resulta nito ay napipilitang magtaas ng mga bayarin at maghanap ng ibang paraan ang mga SUCs upang makalikom ng pondo.

Ang panawagan ng masang kabataan at estudyante ay mas mataas na subsidyo sa edukasyon. Anila, hindi dapat balikatin ng mga estudyante ang responsibilidad ng reaksyunaryong gubyerno na magbigay ng libre, abot-kaya at de-kalidad na edukasyon para sa lahat. Tanging ang mataas na subsidyo sa edukasyon ang lulutas sa kakulangan ng badyet ng mga SUCs at hindi ang pagtaas ng matrikula, paniningil ng samu’t saring bayarin sa masang estudyante at pakikipagkasundo sa pribado at dayuhang mga kumpanya kapalit ng pagbabago ng mga kurikulum ayon sa kanilang dikta upang magsanay ng mga kabataang magsisilbi sa interes at pangangailangan ng mga kumpanya at hindi ng mamamayang Pilipino at bansa.

sapilitang pagkawala, 54 kaso ng pwersahang pagpapalikas at 123 kaso ng pagwasak at pagbebenta ng ari-arian.

Tampok dito ang 41 na biktima ng pampulitikang pamamaslang sa Oriental at Occidental Mindoro pa lang mula 2001 hanggang 2004. Ilan sa mga biktima ang kasapi ng ANAKBAYAN na si Ramon “Bong” Ternida at panlalawigang tagapag-ugnay ng Anakpawis na si Isaias Mañano; mag-asawang Expedito at Manuella Albarillo; pangkalahatang kalihim ng KARAPATAN-ST na si Eden Marcellana at tagapangulo ng KASAMA-TK na si Eddie Gumanoy; Adrian Allegria; Naujan Vice Mayor Juvy Magsino at si Leyma Fortu na isang tagapagtaguyod ng karapatang pantao.

Buhay ang estilong Palparan sa ilalim ng rehimeng US-BS Aquino. Ang mismong mersenaryong tradisyon ng AFP ang nagluluwal ng marami pang berdugong tulad ni Palparan.

Walang maaasahang hustisya ang mamamayan sa i la l im ng kasalukuyang rehimeng US-BS Aquino na siyang kumakanlong sa berdugong si Palparan. Sa mata ng sambayanang Pilipino, sapat na ang madugong rekord ni Palparan upang mahatulan siya ng parusang kamatayan. Sa opisyal na pahayag ng Partido, nananatili ang bisa ng standing order kay Palparan at isasagawa ito ng Bagong Hukbong Bayan sa tamang pagkakataon sa hinaharap.

28 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2014

KULTURA

Ilang oras, araw, buwan at taon na ba ang lumipas mula nang kayo’y nawala nang sapilitan. Kinuha kayo sa aming piling nang walang kalaban-laban. Isa sa pinakamasakit na maaaring madama sa

mundong ito ay ang mawalan ng isang ama, ina, kapatid, anak at minamahal—ang hinagpis ng bawat sandali na walang katiyakan kung sila’y muling masisilayan pa. Kinuha kayo sa mamamayan—kayong mga anak ng bayang pinili ang landas ng paglaban.

Masakit na makita ang inyong pangalan sa mahabang listahan ng mga biktima ng dinukot at hindi pa nililitaw. Kayo ay mga magsasakang nakikibaka para sa sariling lupa. Kayo ay mga manggagawa na nakikipaglaban sa pang-aalipin ng kapital. Kayo ay mga maralitang tagalunsod na humihiling ng disenteng tirahan at kabuhayan. Kayo ay mga kabataang lumalahok sa pakikibakang masa. Kayo ay mga estudyanteng nagsusuri ng lipunan. Kayo ay mga aktibista na nakipamuhay sa batayang masa at niyakap ang kanilang buhay at pakikibaka.

Minahal nyo ang inyong bayan. Iyan ang natitiyak ko. Ito ay isang pagmamahal na walang kaparis, na handang isakripisyo ang sarili. Para sa inyo, hindi kailanman kasalanan ang paglubog sa batayang masa, pagprotesta sa harap ng inhustisya at paglaban sa pagsasamantala. Tinanganan nyo ang karet, hinawakan ang maso at dinala ang saligang prinsipyo na paglingkuran ang sambayanan. Pinili nyo ang isang dakilang buhay, isang landas na hindi madalas tinatahak.

Hindi maiwasang isipin kung ano ang sinapit ninyo sa kamay at kampo ng mga berdugo. Hindi ko maiwasang itanong kung gaano katagal ang isang minuto habang pinapaamin nila kayo sa mga salang hindi nyo ginawa. Anong klaseng pasakit ang ginagawa nila? Anong klaseng pananakot at pagpapahirap?

Galit at naghihimagsik ang aking kalooban. Sadyang malupit ang kasalukuyang sistema. Dahas ang isinusukli nito sa karaingan ng mamamayan. Dugo ang sinisingil nito sa mga nagtatangkang lumaban.

Subalit hindi padadaig ang sambayanan na tulad nyo ay tumutunggali sa agos. Maraming nagpapatuloy sa inyong laban. Hangga’t hindi napapawi ang ugat ng lahat ng uri ng pang-aalipin at pagsasamantala, magpapatuloy ang daluyong ng pakikibaka.

Hindi man namin alam kung nasaan kayo, hindi nyo man naririnig ang aming sigaw—isipin nyo ang ating pag-ibig sa bayan. At hayaan nyong protektahan kayo nito sa lahat ng sakit at pag-iisa na inyong nadarama. Tanganan nyo ang pag-ibig na ito upang parating ipaalala, maging sa mga panahon na nawawalan ng pag-asa, na patuloy na lumaban. Minsan lang tayo mabubuhay at ang ialay ang kaisa-isahang buhay na ito sa bayan ang pinakamatamis sa lahat.

Sa ngayon habang kayo’y hinahanap namin, patuloy pa rin kayong makikita, sa mukha ng magsasaka at ngiti ng manggagawa. Parating dala ang inyong alaala ng mga nagpapatuloy na maglingkod sa masa. Ang bawat araw ay pakikibaka na aking tatanganan upang ipagpatuloy ang inyong sinimulan.

Para sa bayan at sa malayang hinaharap,Ka Lire Rosa

Bukas na liham para sa lahat ng nawawala at patuloy na hinahanap:

29 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2014

Malalim na ang gabiNang marinig mga paang nagmamadaliBigla akong bumalikwasMga militar nasa labas

Hindi na ako nakatakboNang masira nila ang pintoPiniringan aking mataBinusalan ang bunganga

Tumindi ang aking kabaAno ba aking sala?Ang pakikipamuhay sa magsasaka?O pagtulong sa manggagawa?

Sadyang ganito ang estadoMersenaryo at berdugoBinubulag ang nakakakitaPinapatahimik ang nagsasalita

Ngunit nagkakamali silaNa isiping diwa ko’y magagapi nilaAng takot ko’y napapangibabawanNg aking prinsipyo at paninindigan

Hindi ko alam kung saan ako dadalhinAt ano ang sasapitinNgunit kailanman di pagsisisihanAng desisyong lumaban

Hindi kailanman maling pangarapinNa lipunan ay baguhinMangarap ng isang mundoNa pantay-pantay tayo

Mawala man ako at di makitaTulad ng maraming iba paHindi mawawala pag-ibig sa masaHindi mawawala paghahangad na lumaya

Ito ang hindi nila makukuha sa akinAnumang pasakit kanilang gawinPaghihimagsik ko’y mananatiliHanggang kahuli-hulihang sandali

Ilang taon na nga ba ang lumipasnang ang militaristang paghahari ay ipamalas?Kadiliman ang bumalotsa bayang ang demokrasya’y malaon nang sinaklot.Bangungot para sa mamamayanang malalagim na karanasan.

Bawal magtanongo di kaya’y magtipon.Tiyak na kaparusahan ang sasapitinkung ang rehimen ay iyong susubukin.Ikaw ba’y papatayin tulad ni Lorena?O dudukutin gaya nina Cristina at Rizalina?

Ilang taon na ang lumipas.Ilang henerasyon na rin ang isinilang.Ang mga pamilya ng mga biktima’y walang kapaguranpara lang makamtan ang katarungan.Ngunit ang hustisya’y patuloy pa ring hinahanapAt nananatiling mailap.

Darating ang panahonAng mamamayan ay tiyak na babangonBawat inutang na dugo ay sisingilinAng lahat ng mapang-aping uri ay papapanagutin

Darating ang panahonTiyak ang araw ng paghuhukomIgagawad ang rebolusyonaryong hustisyaIpagtatagumpay ang matagalang digma!

Hindi Mawawalani Lire Rosa

Setyembre 21ni Ka Pia

30 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2014

Isa-isang binibigkas ang pangalanInaayos ang salansanSa pinatag na pilit at dating sukalanNananabik ba o di malamanDi mo kaanu-ano nasa kanigid mo at kanawanDito mo sinubukan tatag ng paninindiganSa lamig, sa pagod, sa puyat

May sasakit ang sikmuraMay balot pa ng kumotMay magtatago sa imbakan ng bagMay hindi rin magkaintindihanMay nabuhol na ang paa o nalilito sa paggayaMay nasisigawanMerong “Ka Isbo” na yata ang pangalan

Umulan, umarawDito mo hinubogKatawan at isip mong ginigisingPaulit-ulit mong gagawin, sasabihin, iisipinLabanan ang sarili!Labanan ang sarili!at pagkatapos ng isang gabiDito muling magtitiponsa hudyat ng silbatoPaisa-isang lulusong at aahonTila mga alitaptap sa madaling arawDito iniipon mumunting puhunang ilawDito sa treyning grawnd!

Hayaan ang kanayunang

Kumutan ng di-mabilang na bituin

Paalunin ng humahagunot na hangin

Magningning sa ilalim ng nagngangalit na araw

Pagbaguhing-sibol ng walang-humpay na ulan.

Magtatayo tayo ng bagong daigdig

Malawak na masa ng sambayanan tumindig

Sa bisig ng bawat api sumandig

Tatlong salot sa lipunan tiyak na malulupig.

Sa pamamagitan ng armadong pakikibaka

Itatag ang Pulang kapangyarihang pampulitika

Sa pamumuno ng uring proletaryado at Partido

Ibagsak ang bulok at burges na estado.

Umindak sa saliw ng bala mula sa tangang sandata

Pagkalinga sa mamamayan ang tuntunin at adhika.

Hayaang kanlungin ng umaangil na lupa

Pasalunga sa hangin ang pambansang paglaya.

Sanlaksang unos ang nasa harapan

Pansamantalang mga kabiguan ang daraanan

Datapuwa’t balon ito ng karanasan at kaalaman

Paano pamumunuan at ipagtatagumpay digmang bayan.

Kukubkubin ng kanayunan ang kalunsuran

Aalon sa hiyaw ng mamamayan

Magniningning sa dugong inialay

Magbabagong-sibol sa walang-humpay na paglaban.

Hindi na maghihintay ng mas banayad na panahon

Paliyabin ang di-mapupugnaw na apoy

Mangahas sumuong, patindihin ang daluyong

Itatag ang demokratikong gubyernong bayan

at sumulong sa sosyalistang rebolusyon!

Vistani Ka Jia

Treyning Grawndni Ka Martin

31 KALATASHULYO-SETYEMBRE 2014

Think of me driving the weak and wounded,the union situation I try to discuss succinctly,or our simple joy when we invented,how to run the machine more efficiently.

Think of me heading for the countryside,the principles of the working class I proudly abide.I went neither for the race nor the scenery,but to fight with the masses – the driving force of history.

Not everyone chooses it.Difficulties traverse across it.But for each lap freedom is sought.There is no alternative route.

Don’t let my predicament overtake nor push down the brake and wonder when I took my last breath.

Each one ought to serve even if one doesn’t always know what’s behind the curve.

Gather your strength,every meter of blood I shed is a testament:

Each worker that wheels up toward the mountains,breaks the chains that is forever broken,the capitalist can never again fetter his mind and bodynor his ideals be captured and disgraced by the enemy!

Alalahanin mo akong inihahatid ang mga nanghihina’t sugatanSitwasyon ng unyong tinatalakay nang maikli’t malinawO ang simpleng kaligayahan namin nang matuklasanKung paano patatakbuhin ang makina nang mas mahusay.

Alalahanin mo ako habang tumutungo sa kanayunanPrinsipyo ng uring manggagawa buong karangalang isinasakatuparanTinahak ko ito hindi para sa karera o tanawinKundi upang makibaka kasama ng masa – sa gulong ng kasaysayan ay syang mapagpasya.

Hindi lahat ay pumipili nitoMga pagsubok ang bumabagtas ditoSubalit sa bawat ikot kalayaan makakamtanWalang ibang alternatibong rutang mapagpipilian.

Huwag hayaang lukuban ng mabigat kong kalagayanO kaya nama’y ihinto ang manibelaAt isipin kung kailan ako nalagutan ng hininga.

Bawat isa’y nararapat maglingkodKahit na hindi parating mahihinuhaKung ano ang nasa likod ng kurbada.

Tipunin ang inyong lakasBawat metro ng dugong aking inalayay isang patunay:

Ang bawat manggagawang umaakyat sa kabundukanNilalagot ang tinakalang patid na habambuhayHindi na muling maikakadena ng kapitalista ang kanyang isip at katawanAng kanyang paniniwala’y di mabibihag at mabubusabos ng kaaway!

E hersisyong militar ang tabing Ng mga barko’t eroplanong darating Dadagsa ang tropang Kano Kasabwat ng mga mersenaryo

D ahil sa EDCA maibabalik Base-militar ng US na kahindik-hindik Panghihimasok sa Pilipinas Ang kanilang pangunahing atas

C rusada ng nasyunalismo ating tanganan Pagtapak sa soberanya’y wag hayaan Pambansang kasarilan ating kamtin Tanikala ng imperyalismong US ay lagutin

A rmasan ang mamamayan At isulong ang digmang bayan Tanging ito lamang ang papawi Sa pagsasamantalang maka-uri

Comrade Danielni Ka Jia

Kasamang Daniel(Salin sa Filipino ni Ka Jia)

EDCAni Lire Rosa

32 KALATAS HULYO-SETYEMBRE 2014

Pababa1. Idineklara noong Setyembre 21, 19722. Babago sa lipunan3. Napipintong gawing base militar ng US4. Oplan _________5. Sinapit ng ST 10

Pahalang1. Diktador2. Kasunduang militar ng US at Pilipinas3. Hukbo ng mamamayan4. Dinukot na lider-manggagawa5. ___ People's Army

 

1.     2.     3.              

              4.       5.    

                   

                   

        2.            

                   

                   

            3.          

                   

              5.        

Hari ng mga magnanakawNoynoy ang kanyang ngalanDilaw ang kanyang kulay Hindi maitago ang kanyang sungay

Ang pagmamahal ng hari ng magnanakawKatumbas ay pera at kapangyarihanAng mamamayan sa kanya’y umaayawSa kanyang mga mapang-aping patakaran

Pilit nyang itinutulak ang sarili sa tao Na sambahin at sundin ang bawat utosGamit din ang kanyang mga salamangkeroBabaliin ang bawat batas, kapangyarihan ay nilulubos

Nanakawin ang perang hindi pinaghirapanKanyang tatak sa lahat ng nasasakupan

Kinukulimbat maging bawat sentimoHanggang sa walang matira sa kanyang

mamamayan

DAPat pagbayarin ang hari ng mga magnanakaw

Na siyang baho ng kanyang gawai’y umaalingasaw

Huwag nang hayaan pang magpakabusog

Habang ang mamamaya’y sa kahirapa’y inilulubog

Tapusin na ang kanyang paghahariSa mamamayang puno ng poot at

pighatiIbagsak na ang kanyang kaharian

Upang kalayaan at demokrasya’y makamtan

CROSSWORD

Hari ng Magnanakawni Ka Karlos