Lumbera AP 101 - Felonia

10
PAMBANSA, PANREHIYON, PAMPANITIKAN

Transcript of Lumbera AP 101 - Felonia

PAMBANSA,

PANREHIYON,

PAMPANITIKAN

NAGAWARAN BILANG PAMBANSANG ALAGAD NG SINING

SA PANITIKAN NOONG 2006

Award!

Isang siyang kilalang iskolar at alagad ng sining at panitikan. Ipinanganak siya Abril 11, 1932 sa Lipa, Batangas. Nakapagtapos siya noong 1950 sa Unibersidad ng Santo Tomas at noong 1967 naman sa Indiana University. Nakapagturo na din siya sa iba’t-ibang unibersidad sa loobat labas ng bansa. Sa kabila nang malaking ambag sa panitikan at mga parangal ay hindi nakakalimutan ni Bien na patuloy na pagsilbihan ang bayan.

BIEN LUMBERA

“Kung tayo man ngayo’y may piring na luha /Bukas, pagkamulathanapin ang tuwa; /Kalagin ang gapos ng ating tadhana, /Kung kikilostayo, tayo ay lalaya!”

PAMBANSANG PANITIKAN

GLOBALISASYONKaalinsabay ng globalisasyon ng teknolohiyang pangkomunikasyon ang globalisasyon ng kalakalan, kaya’t hindi mahirap maunawaan kung bakit may epekto hindi lamang sa ekonomiya ng mga bansa ang pagpapaluwag ng palitan ng mga produkto kundi lalo’t higit na sa kultura ng mamamayan.

BAGONG KOLONYALISMO

Isang anyo na rin ito ng bagongkolonyalismo, dahil ang proseso ay nagdidikta na isantabi ang mga pansarilinginteres ng mahinang bansa upang magingganap di-umano ang pakinabang nito sa kalakalang pandaigdig.

PAMBANSANG PANITIKAN

IDENTIDADKailangan ng mga Filipino na linawin ang identidad ng kanilang bansa. Importantengkilalanin natin ang kalagayan ng panitikanng Pilipinas sa konteksto ng mga kondisyonghumhubog sa pambansang panitikan. Kaugnay ng tanong na “Ano ang pambansa?” ang pagtiyak sa identidad ng panitikangtinatawag nating panitikan ng Pilipinas.

EPEKTONG KULTURAL

Ang malubhang epektong pangkultura ay dadanasin ng mga bansang may relatibongmahinang ekonomiya, at isa na sa mga iyonang Pilipinas. Ang epektong tinutukoy ritoay ang pagpapailalim sa kultura ng nasabingmga bansa.

PAMBANSANG PANITIKAN

BANSANG FILIPINO?Binubuo ng lahat ng mamamayang nabuhay at namumuhay sa teritoryong kinikilalang lupainng Pilipinas, na dumanas at dumaranas sa bisang mga pangyayari at pagkilos ng kasaysayan, politika at kultura ng lipunang kinabibilangannila.

“PAMBANSANG” TATAK

Ang panitikang likha ng lipunang iyan ay marami, hindi iisa, dahil nahahati ang teritoryosa iba-ibang rehiyon at ang kultura ng bawatrehiyon ay may sari-sariling katangiangnakaugnay sa wikang katutubo roon. Mula sa kalipunan ng mga panitikang rehiyonal, may mga akdang matutukoy bilang mga akdang may “pambansang” tatak.

PAMBANSANG PANITIKAN

“PAMBANSA”Maaring kilalanin sa pamamagitan ng pag-alam kung ano ang “sinasabi” ng akdatungkol sa bansa, sa kasaysayan nito, sa buhay pampolitika, sa kultura, at sa sosyo-ekonomikong kalagayan ng lipunan. Ang isapang pagkakakilanlan ay ang “kinakausap” ng akda sa sambayanang bumubuo sa lipunan.

“PAMPANITIKAN”

Galing ng pagkakagawa ng sentral nabatayan ng estetika ng alinmang likhang-sining, at ang galing na iyan ay kusangsumisilay sa kapag sinuri ang likha, sa alinpamang kultura matagpuan ito.

PAMBANSANG PANITIKAN

KATUTUBONG ESTETIKA

Bahagi ng epektibong panunupil ng kolonyalismo ang kawalan, hanggang sa kasalukuyang panahon, ng malalimang pag-ugat sa mga batas ng masining na paglikha sa hanay ng mga katutubong makata sa panahongprekolonyal. Halimbawa: “ganda,” “rikit,” “siya,” at “galing.”

IMPLUWENSYANG PAMPANITIKAN

Salamat sa bagong konseptong “intertextuality,” lalalim ang ating pagkaunawa sa interaksyon sa pagitan ng mga akdang lokal at ng mga akdangdayuhan at mabibigyang kaukulang pansin ang proseso ng pagsasakatutubo ng mga paksain at pamamaraang inihahain ng mga akdang galingsa labas ng Pilipinas.

PANITIKANG PANREHIYON

PANREHIYON“Ibalik sa rehiyon ang panitikangTagalog.”

Bagamat hindi maitatangging mahalaga ang pagsasalin sa wikang rehiyonal ng mga akdangTagalog sa Liwayway, ang relasyong hinahanapnatin sa pagitan ng panrehiyon at pambansa ay relasyong diyalektikal. Ibig sabihin, nais natingiwasan ang relasyong malakas-mahina sa pagsasalin ng mga akda, na siyang nasasaksihankapag ang pamabansa ay itinuturing na may “pribilehiyo” kaya’t siyang dapat mangibabaw. Hangga’t ang panitikang panrehiyon ay hindi pa nasisinop ng mga iskolar at kritiko, nakabimbimang pagbuo ng tunay at awtentikong kanon, at hindi pa rin tayo handa para pag-usapan nangmay bahagyang katiyakan ang tinatawag natingPambansang Panitikan.

PAMBANSANG PANITIKAN

May aral para sa mga kasalukuyangedukador ang paglingon sa kasaysayan ng edukasyong pampanitikan sa Pilipinas. Binubuksan ng ganitong pag-unawa ang daantungo sa mas matinong pagtimbang at pagpapahalaga sa mga akdang isinantabi ng pamantayang natutuhan sa kolonyal nasistema ng edukasyon sa Pilipinas.

EDUKASYONG PAMPANITIKAN

WAKAS