watty

52
Epektong Dulot ng Wattpad 1 Epektong Dulot ng Wattpad sa mga Mag-aaral na Nasa Unang Taon ng Kolehiyo sa Kursong Pagtutuos Jasmine Joyce S. Bacurin Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Ma. Victoria R. Apigo Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Sta. Mesa, Manila Marso, 2014

Transcript of watty

Epektong Dulot ng Wattpad 1

Epektong Dulot ng Wattpad sa mga Mag-aaral

na Nasa Unang Taon ng Kolehiyo

sa Kursong Pagtutuos

Jasmine Joyce S. Bacurin

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, Ma. Victoria R.

Apigo

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Sta. Mesa, Manila

Marso, 2014

2

Epektong Dulot ng Wattpad 2

Epektong Dulot ng Wattpad 1

KABANATA I

Panimula

Tila ang layo-layo na nga ng henerasyon noon sa

henerasyon ngayon. Maraming bagay na ang nagbago sa

pamumuhay ng bawat tao dahilan para masabi kong tunay na

nasa modernong panahon na tayo. Isang magandang halimbawa

ang aspeto ng pagbabasa. Kung dati-rati, lahat ng mga

kabataan aklat ang ginagamit sa tuwing nagbabasa ng mga

babasahin, ngayon dulot na rin ng teknolohiya ang mga

imposible noon ay naging posible sa kasalukuyang panahon –

nakapagbabasa na tayo ng maraming kwentong mula sa

magkakaibang genre gamit ang ating mga computer, laptop at

maging sa ating mga cellphone.

At isa sa pinakapopular na produkto ng teknolohiyang

tinatangkilik ng maraming kabataan sa kasalukuyang panahon

ay ang Wattpad. Ang Wattpad ay isang uri ng social

networking site at isa ring online community na itinatag

noong 2006 nina Allen Lau at Ivan Yuen ngunit naging tanyag

lamang sa lahat noong 2011. Ang aksesibilidad nito para sa

Epektong Dulot ng Wattpad 2

mga manunulat at mambabasa ang isa sa mga naging daan upang

tuluyan itong makilala at yakapin ng publiko partikular na

ang mga kabataang Pilipino. Kaya naman habang tumatagal

lalong dumarami ang mga taong nakakikilala at sumusuporta

dito.

A. Layunin ng Pag-aaral

Pangkalahatang layunin ng pananaliksik na ito na mapag-

alaman at mailahad ang iba’t ibang patunay ng pagiging isang

wattpader, ang mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral

na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos sa

pagbabasa ng Wattpad kaalinsunod ng mabuti’t masamang epekto

nito sa kanila maging ang pananaw ng mga ito ukol sa

pagtangkilik nila sa Wattpad.

B. Suliranin ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong bigyang kasagutan

ang mga sumusunod na katanungan:

Epektong Dulot ng Wattpad 3

1. Ano ang iba’t ibang patunay ng pagiging isang

Wattpader?

2. Bakit kinahuhumalingan ng mga mag-aaral na nasa unang

taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos ang pagbabasa ng

Wattpad?

3. Ano ang mga positibong epektong natatamo ng mga mag-

aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong

pagtutuos sa pagbabasa ng Wattpad?

4. Ano ang mga negatibong epektong natatamo ng mga mag-

aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong

pagtutuos sa pagbabasa ng Wattpad?

5. Ano ang pananaw ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng

kolehiyo sa kursong pagtutuos ukol sa pagtangkilik nila

sa Wattpad?

C. Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon lamang sa pag-alam at

paglahad ng mga patunay ng pagiging isang wattpadder maging

ang dahilan ng pagkahumaling ng mga respondente sa pagbabasa

Epektong Dulot ng Wattpad 4

ng Wattpad. Sa pag-aaral na ito, ginamit ng mananaliksik ang

Slovin’s formula upang tukuyin ang bilang ng respondenteng

tutugon sa talatanungan.

Pormula: n = N / (1 + Ne²) Aplikasyon:

n = Kabuuang Bilang ng Sampol n = N / (1 + Ne²)

N = Kabuuang Populasyon = 1440 / (1 +

1440 * .10²)

e = Inaasahang Kamalian = 1440/ 15.4

= 93.506 o 94

Ang mga respondenteng ito na may kabuuang bilang na 94

ay ang mga mag-aaral na mula sa unang taon ng kolehiyo sa

kursong pagtutuos at maituturing na wattpader sa iba’t ibang

kadahilanan. Pinili ng mananaliksik ang mga respondente ayon

sa trend o magkakaibang sampol ng iisang populasyon sa

magkakaibang panahon. Isinaalang-alang din sa pag-aaral na

ito ang kahigpitan ng kurikulum sa kursong pagtutuos dahilan

Epektong Dulot ng Wattpad 5

upang alamin at ilahad din ng mananaliksik ang mabuti’t

masamang epekto ng pagbabasa ng Wattpad sa kanila maging ang

kanilang pananaw ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad.

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa mula Disyembre, 2013

hanggang Marso, 2014 sa Politeknikong Unibersidad ng

Pilipinas, Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila.

D. Teoretikal na Balangkas

Ang teorya ay isang lupon ng mga salita at kaisipan na

gustong magbigay ng liwanag sa isang bagay na walang

sapat na paliwanag. Produkto ito ng mga kuro-kuro o haka-

haka ng mga taong nagsagawa ng mga pag-aaral upang may

mapatunayan. Sa pananaliksik na ito, isinaalang-alang ang

mga teoryang pinaniniwalaan ng mananaliksik na may

kaugnayan sa pag-aaral at makatutulong sa pagkamit ng mas

malalim na pag-unawa sa pag-aaral.

Epektong Dulot ng Wattpad 6

1Ayon kay Emile Durkheim sa kanyang Evolutionary

Theory ang isang lipunan ay unti-unting nagbabago mula sa

pinakasimple hanggang sa pinakakomplikadong bagay, mula

sa iisang porma hanggang sa magkakaiba, mula sa pagiging

primitibo hanggang sa mapalitan na ng modernisasyon, mula

rural na pamumuhay hanggang urban. Angkop ang teoryang

ito sa ebolusyon ng mga babasahing aklatin hanggang sa sa

pag-usbong ng Wattpad.2 Kaalinsunod nito, ang Lazarus

Theory ni Richard Lazarus na tumutukoy sa stress na bunga

ng paglampas ng demand sa kapasidad o kakayahan ng isang

taong maisagawa ang isang bagay. Isang halimbawa ang

pagkakaroon ng mataas na pamantayan ng isang paaralan na

kung minsan hindi na umaangkop sa abilidad at kapasidad

ng mag-aaral. Ang teoryang ito ang sumasalamin sa pagpili

ng mananaliksik sa mga naging respondente, kung saan ang

naturang kurikulum ng mga mag-aaral na nasa unang taon ng

1 San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House2 Sincero, S.M. (2011). http://explorable.com/stress-and-cognitive-appraisal

Epektong Dulot ng Wattpad 7

kolehiyo sa kursong pagtutuos ay maituturing na may

kahigpitan at kahirapan dahilan upang umusbong ang

presyur sa mga mag-aaral na siyang nakapagbigay ideya sa

akin upang alamin ang epekto ng pagbabasa ng Wattpad sa

katulad nilang nakararanas ng kahigpitang pang-akademiko.

3Ayon naman sa Labeling Theory ni Howard Becker ang gawi

ng bawat tao ay binibigyan ng label o antas batay sa

sariling opinyon o pananaw ng komunidad. Dito papasok ang

iba’t ibang pagpapakahulugan ng mga mag-aaral sa kanilang

mga sarili bilang mga wattpadder. 4Sumunod ang Rational

Decision Making Theory ni Neil Smelser na nagsasabing ang

desisyon ng mga tao ay nakabatay sa sariling gawi at

kaugalian nila maging sa kondisyon o lagay ng isang

sitwasyon. Sa teoryang ito papasok ang dahilan ng mga

3 San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House4San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House

Epektong Dulot ng Wattpad 8

respondente sa pagkahumaling sa pagbabasa ng Wattpad.

5Ang Psychological Exchange Theory ni George Homans naman

na naglalarawan sa interaksyon ng mga tao bilang

interaksyon na binubuo ng mga pabuya at parusa iniugnay

ng mananaliksik ang mabuti’t masamang epektong nadudulot

ng pagbabasa ng Wattpad sa mga mag-aaral na nakabatay sa

mismong interaksyon nila. 6Kaalinsunod nito ang isa pang

teorya ni George Homans, ang Rational Choice Theory kung

saan ang bawat indibidwal ay hinihikayat ng kani-kanilang

sarilang mga mithiin maging ang mga magagandang bagay na

nakuha at nakukuha nila sa iba7. Isinasaad ng teoryang

ito na nakabatay ang kanilang desisyon ukol sa kanilang

sariling pananaw. Inilahad ng mananaliksik ang teoryang

ito bilang tugma sa personal na persepyon, opinion o

5 San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House6 San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House7

Epektong Dulot ng Wattpad 9

pananaw ng mga mag-aaral sa pagtangkilik ng Wattpad dahil

sa iba’t ibang bagay na maaring makuha nila rito.

Ang mga teoryang magkakaugnay na inilahad ang siyang

naging batayan ng mananaliksik sa pag-aaral na ito.

Pinaniniwalaan din na ang teoretikal na balangkas na ito

ang magiging daan sa maaayos na daloy ng pag-aaral at sa

mas malinaw na mga impormasyon.

E. Konseptwal na Balangkas

Ang balangkas konseptwal ng mananaliksik ay ibinatay

sa teoretikal na balangkas na nauna nang nailahad.

Magsisimula ang pag-aaral sa paksa at pokus ng

pananaliksik, ang Wattpad. Sumunod dito ang mga napiling

respondente ng pag-aaral, ang mga mag-aaral na nasa unang

taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos at magpapatuloy sa

iba’t ibang patunay ng mga mag-aaral ng pagiging

wattpadder. Kaalinsunod nito ang dahilan ng pagkahumaling

ng mga mag-aaral sa pagbabasa ng Wattpad kung saan

gagamitan ng deskriptib-sarbey na metodo sa pagkalap ng

Epektong Dulot ng Wattpad 10

mga datos at impormasyon. At mula sa metodo, ang daloy ng

pag-aaral ay nakatuon din sa epektong dulot ng Wattpad sa

mga respondente, ang mabuti’t masama. Sa kabilang banda,

ang pananaw ng mga respondete ukol sa pagtangkilik ng

Wattpad ay binigyang tuon din.

Epektong Dulot ng Wattpad 11

Ang dayagram 1 ang siyang magpapakita ng buong daloy

ng konseptwal na balangkas ng pag-aaral na kaugnay ng

teoretikal na balangkas.

Epektong Dulot ng Wattpad 12

Epektong Dulot ng Wattpad 13

Wattpad

(Evolutionary Theory)

Mga Mag-aaral na Nasa Unang Taon ng Kolehiyo sa

Kursong Pagtutuos

(Lazarus Theory)

Pananaw ng Respondente ukol sa pagtangkilik sa Pagbabasa ng

Wattpad

(Rational Choice Theory)

Dahilan ng Pagkahumaling

sa Pagbabasa ng Wattpad

(Rational Decision Making theory)

Wattpadder

(Labeling Theory) Deskripti

b-Sarbey Metod

Epekto(Psychological

Exchange Theory)

Masama Mabuti

Epektong Dulot ng Wattpad 14

Dayagram 1.

F. Paglalahad ng Metodolohiyang Ginamit

a. Metodong Ginamit

Ang metodong ginamit sa pananaliksik na ito ay

deskriptib-sarbey metod na angkop sa mga mag-aaral

na nahuhumaling sa pagbabasa ng Wattpad. Tinangkang

suriin ng mananaliksik ang kasalukuyang damdamin,

kaalaman at pananaw ng mga respondente sa iba’t

ibang patunay ng pagiging wattpadder, dahilan ng

kanilang pagkahumaling nila rito maging sa mabuti’t

masamang epekto ng pagbabasa ng Wattpad sa kanila at

ang kanilang mga tugon sa pagtangkilik sa Wattpad.

b. Mga Respondente ng Pag-aaral

Ang mga respondente ng pag-aaral na ito ay mga

mag-aaral mula sa unang taon ng kolehiyo sa kursong

pagtutuos sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas,

Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila. Ang mga naturang

Epektong Dulot ng Wattpad 15

mag-aaral ay pinili ayon sa trend o magkakaibang

sampol ng iisang populasyon sa magkakaibang panahon

na may kabuuang bilang na 94 ay mga “Wattpadder” sa

iba’t ibang kadahilanan.

c. Instrumento sa Pangangalap ng Datos

Talatanungan o kwestyoner ang instrumentong

ginamit sa pananaliksik na ito. Binubuo ang

talatanungan ng 5 bilang na nagtataglay ng dikotomus

at maraming pagpipiliang mga tanong na ipinamahagi’t

ipinasagot sa mga respondente. Sinagot ng mga

kalahok na respondente ang bawat tanong sa

pamamagitan ng paglalagay ng tsek (√) sa

talatanungan. Sa kabuuan, ang instrumentong ginamit

ay siyang naging daan para makakuha ng mga datos na

susuporta sa pag-aaral ng mananaliksik.

*Ang liham na kalakip ng sampol ng talatanungan ay

nasa susunod na pahina.

Epektong Dulot ng Wattpad 16

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila

Ika-10 ng Enero, 2014

Epektong Dulot ng Wattpad 17

Sa mga kagalang-galang na respondente,

Isang mapagpalang-araw ang bati ko sa inyo!

Kalakip ng liham na ito ang talatanungan sa pag-aaral naaking isinasagawa bilang pagtupad sa isa sa mgapangangailangan ng asignaturang Filipino 2, Pagbasa atPagsulat Tungo sa Pananaliksik na pinamagatang “Epektongdulot ng Wattpad sa mga Mag-aaral na Nasa Unang taon ngKolehiyo sa Kursong Pagtutuos.” Ang nasabing pag-aaral aymay pangkalahatang layunin na mapag-alaman at mailahad angiba’t ibang patunay ng pagiging isang wattpader, ang mgadahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral na nasa unang taonng kolehiyo sa kursong pagtutuos sa pagbabasa ng Wattpadkaalinsunod ng mabuti’t masamang epekto nito sa mga nasabingrespondente at ang pananaw ng mga ito ukol sa pagtangkiliknila sa Wattpad. Makaaasa na ang mga impormasyong makukuhaay gagamitin lamang sa pag-aaral na ito at hindi sa iba pangbagay.

Lubos na pagpapasalamat ang aking iniaabot sa oras na inyong inilaan, kooperasyong ibinigay at tapat ninyong mga kasagutan. Maraming salamat at pagpalain tayong lahat!

Lubos na gumagalang,

BACURIN, Jasmine Joyce S.

Mananaliksik

Epektong Dulot ng Wattpad 18

Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas

Mabini Campus, Sta. Mesa, Manila

I. Profayl ng Respondente

Pangalan(Opsyonal): ______________________________ Petsa: __________

Kurso, Taon at Pangkat: _____________________________

Kasarian: Lalaki [ ]

Babae [ ]

II. Talatanungan

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang kasagutang umaayon sa inyong paniniwala o opinyon. Isa lamang ang piliin. (Ang inyongkatapatan sa pagsagot ay ipinagpapasalamat ng

mananaliksik.)

1. Maituturing mo ba ang iyong sarili bilang isang“Wattpadder” dahil sa mga sumusunod na kondisyon:

1.1 Wattpadder ka kung hindi mo maipaliwanag ang kabogng dibdib mo sa tuwing may bagong kabanatanginaapdeyt ang awtor ng paborito mong kwento.

Oo Hindi

Epektong Dulot ng Wattpad 19

1.2 Wattpadder ka kung naglalaan ka ng ilang minuto para magmuni-muni at magbalik-tanaw sa mga pangyayari ng kwento.

Oo Hindi

1.3 Wattpadder ka kung hanggang sa panaginip nakikita mo ang mga karakter sa kwento.

Oo Hindi

1.4 At Wattpadder ka kung naaapektuhan ka ng sobra sa mga pangyayari na para bang ikaw iyong karakter sa mismong kwento.

Oo Hindi

2. Bakit mo kinahuhumalingan ang pagbabasa ng Wattpad?

Libangan o pampalipas-oras

Nakapagbibigay ng kasiyahan

Nakapagbibigay ng satispaksyon

Nakapagtuturo ng aral

Iba pa (Pakisulat) ______________________________

3. Ano sa tingin mo ang masamang naidudulot ng pagbabasa ng Wattpad sa mga katulad mong mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos?

Napapabayaan ang pag-aaral

Nawawalan ng disiplina sa sarili

Nalilipasan ng gutom

Nawawalan ng oras sa pamilya at iba pang mahahalagangtao

Iba pa (Pakisulat) ______________________________

Epektong Dulot ng Wattpad 20

4. Ano naman sa iyong palagay ang mabuting naidudulot ng pagbabasa ng Wattpad sa mga katulad mong mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa kursong pagtutuos?

Lumalawak ang kaisipan ukol sa realidad

Nadedebelop ang 5 aspeto ng isang indibidwal (Pisikal, Mental, Emosyonal, Sosyal at Espiritwal)

Nagkakaroon ng kasiyahan at satispaksyon sa sarili

Nakakalimutan ang mga problema

Iba pa (Pakisulat)

5. Sa iyong palagay, nararapat lamang bang tangkilikin ng mga mag-aaral sa unang taon ng kolehiyo sa kursong Pagtutuosang Wattpad?

Oo, dahil maramingbenepisyo ang makukuha sa pagababasa nito.

Hindi, dahil mas maraming dapat pagtuunan ng pansin sa kursong Pagtutuos kaysa sa pagababasa ng Wattpad

Neutral

Di-masabi

*** MARAMING SALAMAT PO SA KOOPERASYON! :) ***

-JJSB-

d. Paraan ng Pagkalap ng Datos

Nagsimula ang pangangalap ng datos sa pamamagitan

ng paggawa ng instrumentong ginamit sa pananaliksik

- ang talatanungan o kwestyoner na nagtataglay ng

mga katanungang umaayon sa layunin ng pag-aaral.

Epektong Dulot ng Wattpad 21

Sumunod na rito ang pamamahagi ng talatanungan sa

mga respondente ng pag-aaral. At huli, ang

pagbibigay ng interpretasyon sa mga nakalap na

datos.

e. Istatistikal na Tritment

Dalawang istatiskal na tritment ang ginamit ng

mananaliksik sa pag-aaral na ito. Una, ang paglapat

ng Slovin’s formula sa pagkuha ng kabuuang bilang ng

respondenteng sasalamin sa buong populasyon.

Pormula: n = N / (1 + Ne²) Aplikasyon:

n = Kabuuang Bilang ng Sampol n = N / (1 + Ne²)

N = Kabuuang Populasyon = 1440 / (1 +

1440 * .10²)

e = Inaasahang Kamalian = 1440/ 15.4

= 93.506 o 94

Epektong Dulot ng Wattpad 22

Ikalawa, upang makuha ang resulta ng mga datos

kinuha ang porsyento o bahagdan gamit ang pormula sa

ibaba:

Bahagdan = Bilang ng Respondenteng May

Magkakaparehong Sagot/Bilang ng

Kabuuang Respondente X 100

Aplikasyon:

Bahagdan = Bilang ng Respondenteng May

Magkakaparehong Sagot/Bilang ng

Kabuuang Respondente X 100

= 12/94 X 100

= 12.7 % o 13%

Epektong Dulot ng Wattpad 23

KABANATA II

Kaugnay na Literatura at Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga lokal at

internasyonal na babasahin at pag-aaral na may kaugnayan sa

paksa ng pananaliksik na ito.

A. Kaugnay na Literatura

8Ang panahon ay hindi lang nagbabago ito ay ganap at

lubusang nagbabago. Habang ang mga social media ay nagiging

parte ng buhay natin isang malawakan at demokratikong

kulturang pagbabago ang nag-aabang. Sa tulong ng ugnayan sa

isa’t-isa, pagbabahagi ng karanasan at pagsasaayos ng online

unti-unting nahuhubog ang publiko, paghubog na hindi pa

nangyayari noon ang dala ng mga social media ngayon. Ang

pundasyon ng pagtangkilik ng maraming tao dito ay ang

kakayahang pamamahayag nito na nagagamit ng maraming tao sa

buong mundo.

8 Zandt, D.W. (2010). http://www.amazon.com/Share-This-Change-Social-Networking/ dp/1605094161

Epektong Dulot ng Wattpad 24

B. Kaugnay na Pag-aaral

9Ayon sa pananaliksik ng mga mag-aaral mula sa STI Global

City na pinamagatang Epekto ng Oplayn na Laro sa mga Piling

Estudyante ng Colegio de Sta. Ana na naglalayong alamin ang

epekto ng Oplayn na laro sa pag-aaral ng mga estudyante ng

Colegio de Sta. Ana, ang mga Oplayn na Laro na tinatangkilik

ng mga mag-aaral ng Colegio De Sta. Ana, mga masamang epekto

sa pag-aaral ng mga estudyante, magiging epekto ng Oplayn na

laro sa kaalaman ng mga estudyante at sa iba pang

asignaturang inaaral nila kasabay ng kanilang paglalaro at

mga positibong epekto ng oplayn na laro sa mga estudyante.

Ang mga mananaliksik ay humantong sa mga konklusyon na ito:

1. Isa sa mga konklusyon ng mga mananaliksik ay, ang Text

Twist ang paboritong laruin ng mga estudyante.

2. Ang pagtaas ng memorya ang isa sa konklusyon ng mga

mananaliksik, sapagkat ayon sa mga nakalap naming mga

9 Flores, J.C. (2013). http://www.slideshare.net/JenoFlores/epekto-ng-oplayn-na-laro

Epektong Dulot ng Wattpad 25

impormasyon na ang pagtaas ng memorya ng mga estudyante

ang dahilan kung bakit nila ito kinagigiliwan.

3. Kung ang positibong epekto ng paglalaro ng Oplayn na

laro ay ang pagtaas ng memorya, ang negatibo epekto

naman ay ang pagpapabaya sa pag-aaral.

4. Ayon sa nakalap ng mga mananliksik na impormasyon na

ang Oplayn na Laro ang kadahilanan sa pagpapabaya sa

pag-aaral ng mga estudyante.

5. Napag-alaman ng mga mananaliksik na araw-araw naglalaro

ng Oplayn na Laro ang mga estudyante, ngunit kailangang

limitahan nila ito upang hindi mapabayaan ang pag-

aaral.

6. Kinagigiliwan nila ang Oplayn na Laro dahil narerelax

sila sa paglalaro nito, bukod dito ay nahahasa din ang

kanilang memorya.

Epektong Dulot ng Wattpad 26

10Ayon naman sa pag-aaral ni Sanzhar Naizabekov sa

kanyang pananaliksik na pinamagatang Negative Impact of

Social Networking Sites on Academic Performance of Students

na naglalayong alamin ang mga epektong nadudulot ng social

media sa mga mag-aaral at ang mga posibleng solusyon dito

lumilitaw na ang mga mababang marka ng mga mag-aaral ay

bunga ng multi-tasking iniaaplay sa pang-araw-araw na buhay.

Ayon sa kanya, ang sabay na gawaing ipinipilit ng mga mag-

aaral ay nagdudulot ng hindi magagandang resulta lalo na sa

kanilang pag-aaral.

10 Nayzabekov, S. (2009). https://www.academia.edu/1810511/ Negative_impact_of_social_networking_sites_on_academic_performance_of_students

Epektong Dulot ng Wattpad 27

KABANATA III

Paglalahad at Pagsusuri sa mga Nakalap na Datos

Sa kabanatang ito inilahad at sinuri ang mga datos na

nakalap mula sa talatanungang ipinamahagi sa mga

respondente.

Epektong Dulot ng Wattpad 28

Interpretasyon:

Ipinapakita ng talahanayan 1.1 na sa siyamnapu’t apat

(94) na respondenteng tumugon sa talatanungan dalawampu’t

pitong porsyento (27%) na katumbas ng dalawampu’t limang

(25) respondente ang naniniwalang hindi sila Wattpadder

dahil lang sa kondisyon na hindi nila maipaliwanag ang kabog

ng kanilang dibdib sa tuwing may bagong inaapdeyt ang

paborito nilang awtor samantalang pitumpu’t tatlong

porsyento (73%) naman na katumbas ng animnapu’t siyam (69)

na respodente ang sumang-ayon na maituturing nila ang

kanilang mga sarili bilang mga Wattpadder dahil kumakabog

Epektong Dulot ng Wattpad 29

ang kanilang mga dibdib sa tuwing may bagong inaapdeyt ang

paborito nilang awtor.

Analisis:

Malaking porsyento ng respondente ang naniniwalang sila

ay mga Wattpadder dahil mas nananig ang kabog ng kanilang

dibdib sa tuwing ang paborito nilang awtor ay nag-aapdeyt ng

mga detalye sa kwentong kanilang binabasa samantalang maliit

na porsyento ng mga respondente ang naniniwalang Wattpadder

sila ngunit hindi sa kondisyong inilahad ng mananaliksik

marahil ang resultang ito ay bunga ng pagkakaiba ng damdamin

at estado ng emosyonal na aspeto ng mga respondente sa

tuwing magbabasa ng wattpad.

Epektong Dulot ng Wattpad 30

Interpretasyon:

Sa talahanayan 1.2, inilalarawan na pitong porsyento (7%)

na katumbas ng pitong (7) respondente ang hindi sumang-ayon

sa kondisyong sila ay Wattpadder sa kadahilanang naglalaan

sila ng ilang minuto para magmuni-muni at magbalik-tanaw sa

mga pangyayari sa kwento at siyamnapu’t tatlong porsyento

(93%) naman o walumpu’t pitong (87) respondente ang umaming

sila ay Wattpadder dahil naglalaan sila ng ilang minuto para

magmuni-muni at magbalik-tanaw sa mga pangyayari ng kwento.

Epektong Dulot ng Wattpad 31

Analisis:

Sa ikalawang kondisyong inilahad ng mananaliksik lumitaw

na karamihan sa mga respondente ay naglalaan ng oras sa

pagmumuni-muni at pagbabalik- tanaw sa bawat detalye ng

kwento ngunit may mangingilan-ngilan parin ang sumalungat sa

kondisyong inilahad na marahil ang mga sumagot ng hindi ay

mga respondenteng may iba pang pakahulugan ng pagiging

Wattpadder na ilalahad sa mga susunod na talahanayan.

Interpretasyon:

Epektong Dulot ng Wattpad 32

Ang talahanayang ito, talahanayan 3 na naglalahad ng

kondisyon na nakatuon sa pagiging Wattpader ng mga

respondente sa kadahilang hanggang sa panaginip nakikita

nila ang karakter sa kwento, apatnapu’t isang porsyento

(41%) ang sumagot ng oo, ito ay katumbas ng tatlumpu’t siyam

(39) na respondente samantalang limampu’t siyam na porsyento

(59%) naman na katumbas ng limampu’t limang (55) respondente

and sumagot ng hindi.

Analisis:

Sa pagkakataong ito, nangibabaw ang mga respondenteng

hindi nakikita ang mga karakter sa kwentong kanilang

binabasa sa kanilang panginip ngunit hindi naman nalalayo

ang bilang ng mga respondenteng maiuturing ang kanilang mga

sarili bilang mga Watpadder dahil sa ikatlong kondisyong

inilahad ng mananaliksik. Isang maaaring nagbunsod upang

lumitaw ang resultang ito ang pagkakaiba ng mga iba’t ibang

aspeto ng pagkatao ng mga respondente.

Epektong Dulot ng Wattpad 33

Interpretasyon:

Inilalarawan ng talahanayan 1.4 ang ika-apat at huling

kondisyon ng mananaliksik sa kung anong mga pagkakalarawan

ng mga respondente sa kanilang pagiging Wattpadder lumabas

na labinglimang porsyento (15%) o labing-apat (14) na

respondente ang sumagot ng hindi sa kondisyong maituturing

nila ang kanilang mga sarili bilang mga Wattpadder dahil

naapektuhan sila ng sobra sa mga pangyayari na para bang

sila ang karakter ng mismong kwento samantalang walumpu’t

limang porsyento (85%) o walumpung (80) respondente ang

sumagot ng oo.

Epektong Dulot ng Wattpad 34

Analisis:

Lumilitaw na karamihan sa mga respondente ay inilalarawan

ang kanilang mga sarili bilang mga Wattpadder dahil

naaapektuhan sila ng sobra sa kwentong kanilang binabasa na

para bang sila iyong mismong gumaganap sa kwento. Ngunit

kaalinsunod parin nito ang bahagdan ng mga respondenteng

hindi itinuturing ang kanilang mga sarili na Wattpadder

dahil lang sa huling kondisyong inilahad. Ang magkakaibang

estado ng emosyon sa bawat respondente ang isa sa mga

tiningnang dahilan ng mananaliksik ukol sa resultang

lumitaw.

Epektong Dulot ng Wattpad 35

Interpretasyon:

Ang Talahanayan 2 ay tumutukoy naman sa iba’t ibang

kadahilanan ng mga respondente kung bakit nila

kinahuhumalingan ang pagbabasa ng Wattpad. Kapwa walang

sumagot sa dahilan na ang Wattpad ay nakapagbibigay ng

satispaksyon at nakapagtuturo ng aral, dalawang (2)

respondente naman na katumbas din ng dalawang porsyento (2%)

ng kabuuang populasyon ang tumugon sa iba pang dahilan ng

respondente. Limampung porsyento (50%) sa mga respondenteng

sumagot ng iba pa ay nagsabing nagsisilbing inspirasyon ang

pagbabasa ng Wattpad kaya sila nahuhumaling dito at ang

Epektong Dulot ng Wattpad 36

natitirang limampung porsyento (50%) ay nagbigay ng dahilan

na habit na raw kasi ang pagbabasa ng Wattpad. Anim na

poryento (6%) naman ng kabuuang populasyon na sumasalamin sa

anim na respondente (6) ang sumang-ayon na nakapagbibigay ng

kasiyahan ang pagbabasa ng Wattpad at siyamnapu’t dalawang

poryento (92%) ang sumagot na libangan o pampalipas-oras na

nila ang pagbabasa ng Wattpad kaya nila ito

kinahuhumalingan.

Analisis:

Lumilitaw na malaking bahagdan ng respondente ang

nahuhumaling sa Wattpad dahil nagsisilbi na itong libangan o

pampalipa-oras ng mga naturang mag-aaral. Hindi rin

maikakaila ayon sa datos na nakalap na may iilan ang

naniniwala na ang pagbabasa ng Wattpad ay nakapagbibigay ng

kasiyahan, ang iba naman ay may sariling dahilan ng

pagkahumaling nila sa Wattpad at walang respondente naman

ang sumang-ayon na nahuhumaling sila sa pagbabasa ng Wattpad

dahil nakapagbibigay ito ng satispaksyon at nakapagtuturo ng

Epektong Dulot ng Wattpad 37

aral. Ang ganitong resulta ay pinanghihinuhaan ng

mananaliksik na nakadepende sa dalas ng panahong ginugugol

nila sa pagbabasa ng Wattpad.

Interpretasyon:

Ang talahanayan 3 ang nagpapakita sa mga tugon ng

respondente ukol sa mga masamang epektong dulot ng pagbabasa

ng Wattpad sa kanila. Tatlong porsyento (3%) na tumutukoy sa

tatlong (3) respondente ng kabuuang populasyon ang sumagot

ng iba pa kung saan ang isa (1) rito ay may pananaw na ang

Epektong Dulot ng Wattpad 38

pagbabasa ng Wattpad ay nagiging dahilan ng pagkukulang niya

ng oras na makapag-aral, ang isa (1) naman ay nagsabing

napupuyat siya sa pagbabasa ng Wattpad at ang natitirang isa

(1) ay nagsawalat na dahil sa pagbabasa ng Wattpad

nakaliligtaan na niya ang mga gawaing-bahay. Limang

porsyento (5%) naman ng kabuuang populasyong katumbas din ng

limang (5) respondente ang sumagot na nalilipasan sila ng

gutom sa pagbabasa ng Wattpad, labingdalawang (12)

respondente naman o katumbas ng labingtatlong porsyento

(13%) ang sumagot na nawawalan sila ng oras sa pamilya at

iba pang mahahalagang tao dahil sa pagbabasa ng Wattpad.

Nawawalan naman ng disiplina sa sarili ang tugon ng

dalawampu’t siyam (29) na respondenteng katumbas ng

tatlumpu’t isang porsyento (31%) ng kabuuang populasyon. At

apatnapu’t limang respondente (45) naman ang nagsabing

napapabayaan nila ang kanilang pag-aaral dahil sa pagbabasa

ng Wattpad.

Analisis:

Epektong Dulot ng Wattpad 39

Mula sa mga datos na nakalap mahihinuha ng mananaliksik

na ang pagpapabaya ng mga respondente sa pag-aaral na

lumitaw bilang pinakamasamang epekto ng wattpad sa kanila ay

bunga ng iba’t ibang dahilan ng pagkahumaling ng mga

naturang respondente sa Wattpad na ipinakita sa nauna ng

talahanayan, ang talahanayan 2.

Interpretasyon:

Epektong Dulot ng Wattpad 40

Ipinapakita ng talahanayan 4 ang daloy ng mga tumugon

ukol sa mabuting epektong dulot pagbabasa ng Wattpad sa

kanila. Sa pagkakataong ito walang respondente ang nagbigay

ng iba pang kasagutan samantalang siyam (9) na respondente o

sampung poryento (10%) ng kabuuang populasyon naman ang

sumang-ayon na nakatutulong ang pagbabasa nila ng wattpad sa

pagdebelop ng 5 aspeto ng isang indibidwal, ang pisikal,

mental, emosyonal, sosyal at espiritwal. Sa kabilang banda

dalawampu’t tatlong (23) respondenteng katumbas ng

dalawapu’t apat na porsyento (24%) ang naniniwala na

nakalilimutan nila ang kanilang problema dahil sa pagbabasa

ng Wattpad, dalawampu’t siyam (29) o tatlumpu’t isang

porsyento (31%) naman ng mga respondente ang nagsabing

lumalawak ang kanilang kaisipan ukol sa realidad sa tulong

ng Wattpad at tatlumpu’t tatlo (33) na katumbas ng

tatlumpu’t limang porsyento (35%) ng mga respondente ang

sumagot na ang kabutihang dulot ng pagbabasa ng Wattpad sa

kanila ay ang pagkakaroon ng satispaksyon at kasiyahan sa

sarili.

Epektong Dulot ng Wattpad 41

Analisis:

Ang resultang lumitaw base sa mga nakalap na datos maging

sa pangingibabaw ng pagkakaroon ng satispaksyon at kasiyahan

sa sarili bilang pinakamabuting epektong dulot ng Wattpad sa

mga respondente ay pinaniniwalaan ng mananaliksik na

maaaring bunga ng iba’t ibang ingay-panloob ng bawat

respondente.

Epektong Dulot ng Wattpad 42

Interpretasyon:

Ang talahanayan 5 ay tumutukoy sa sariling persepyon ng

mga respondente kung dapat lang bang tangkilikin ang

pagbabasa ng Wattpad. Base sa mga nakalap na sarbey may

parehong bilang ng respondente ang sumagot ng oo dahil

maraming benepisyo ang makukuha sa pagbabasa nito at ang mga

respondenteng sumagot na di-masabi kung dapat o hindi ba

dapat tangkilikin ang pagbabasa ng Wattpad. Ang mga

respondenteng ito ay may eksaktong bilang na lima (5) na

katumbas din ng limang porsyento (5%) ng kabuuang

populasyon. Sinusundan ito ng dalawampu’t apat na porsyento

(24%) o dalawampu’t tatlong (23) respondente na nagsabing

hindi na dapat tangkilikin pa ang pagbabasa ng Wattpad dahil

mas maraming bagay ang dapat pagtuunan ng pansin kaysa sa

pagbabasa nito. Nangibabaw naman ang mga respondenteng

sumagot ng neutral na may bilang na animnapu’t isang (61)

katumbas ng animnapu’t limang porsyentong (65%) ng kabuuang

populasyon.

Epektong Dulot ng Wattpad 43

Analisis:

Mahihinuha ng mananaliksik batay sa mga nakalap na datos

kung saan lubos na nangibabaw ang mga respondenteng hati ang

opinyon kung dapat bang tangkilikin pa ang Wattpad o hindi

na ay bunga ng parehong masama at mabuting epektong

naidudulot ng wattpad sa mga respondente na naunang nasuri

sa ikatlo at ikaapat na talahanayan.

Epektong Dulot ng Wattpad 44

KABANATA IV

Paglalahad ng Natuklasan, Konklusyon at Rekomendasyon

Ang bahaging ito ng pananaliksik ay naglalahad ng mga

natuklasan, napatunayan at mga mungkahi para sa kalutasan at

kabutihan ng pag-aaral na ito.

Natuklasan

Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa layuning mapag-

alaman at mailahad ang iba’t ibang patunay ng pagiging isang

wattpader, ang mga dahilan ng pagkahumaling ng mga mag-aaral

ng mga respondente sa pagbabasa ng Wattpad kaalinsunod ng

mabuti’t masamang epekto nito sa kanila at ang pananaw ng

mga ito ukol sa pagtangkilik nila sa Wattpad. Ang pag-aaral

ay batay sa mga naitala at ibinigay na sagot ng siyamnapu’t

apat (94) na mag-aaral na nasa unang taon ng kolehiyo sa

kursong pagtutuos. Ginamitan ito ng deskriptib-sarbey metod

samantalang dikotomus at maraming pagpipiliang tanong naman

ang uri ng sarbey na ginamit sa pangangalap ng datos at

Epektong Dulot ng Wattpad 45

impormasyon. Ang pag-aaral ay isinagawa sa pagitan ng

Disyembre, 2013 hanggang Marso, 2014.

Natuklasan na sa siyamnapu’t apat (94) na kabuuang

populasyon, animnapu’t siyam (69 o 73%) ang nagpapatunay ng

pagiging wattpadder nila dahil sa kabog ng dibdib sa tuwing

may bagong inaapdeyt ang paborito nilang awtor, walumpu’t

lima (85 o 93%) ang naglalaan ng ilang minuto para magmuni-

muni at magbalik-tanaw sa kwento, at walumpu (80 o 85%)

naman ang naapektuhan ng sobra na para bang sila ang

karakter sa mismong kwento. Dagdag pa rito, walumpu’t anim

(86 o 91%) ang nagsabing libangan at pampalipas oras na nila

ang Wattpad kaya nila ito kinahuhumalingan, kapabayaan naman

sa pag-aaral ang tugon ng apatnapu’t limang (45 o 48%) mag-

aaral ukol sa masamang dulot nito sa kanila at tatlumpu’t

tatlo (33 o 35%) ang sumagot na ang kabutihang dulot nito sa

kanila ay satispaksyon at kasiyahang ibinibigay ng wattpad.

Nangibabaw din ang neutral na pananaw ng mga respondente sa

pagtangkilik ng Wattpad kung saan animnapu’t isa (61 o 65%)

Epektong Dulot ng Wattpad 46

ang tumugon sa nasabing sagot. Bawat datos na ito ay

pinatototohanan ng mga talahanayang nauna nang inilahad.

Konklusyon

Batay sa mga nakalap na datos at impormasyon at

kaalinsunod ng pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito,

buong tapat na inilalahad ng mananaliksik ang mga sumusunod

na konklusyon:

1. Ang mga patunay ng pagiging isang wattpadder ay

tumutukoy sa kabog ng dibdib sa tuwing may bagong

inaapdeyt ang awtor ng paboritong kwento, sa paglalaan

ng ilang minutong pagmumuni-muni at pagbabalik-tanaw sa

mga pangyayari nito at sa pagiging sobrang apektado na

para bang mga karakter sa kwento.

2. Kinahuhumalingan ng mga mag-aaral ang pagbabasa ng

Wattpad dahil nagsilbi na itong libangan o pampalipas-

oras nila.

Epektong Dulot ng Wattpad 47

3. Napatunayan na ang pagbabasa ng Wattpad ay nagiging

dahilan upang mapabayaan ng mga mag-aaral ang kanilang

pag-aaral.

4. Nakabubuti ang pagbabasa ng Wattpad sa aspetong

nabibigyan nito ang mga mag-aaral ng satispaksyon at

kasiyahan.

5. Neutral ang pananaw ng mga mag-aaral sa pagtangkilik

ng Wattpad dahil sa parehong mabuti’t masamang epekto

nito sa kanila.

Rekomendasyon

Kaugnay ng isinagawang pag-aaral at ng mga konklusyong

inilahad iminumungkahi ng mananaliksik nang may buong giliw

at pagpapakumbaba ang mga sumusunod na rekomendasyon:

1. Para sa mga respondente at maging sa iba pang

Wattpadder, ipagpatuloy lamang ang pagbabasa ng

Wattpad kasabay ng pag-aplay ng time management o

tamang paggugugol ng oras at prioritization o

pagtimbang sa kung ano ang mas mahalagang gawin. Sa

Epektong Dulot ng Wattpad 48

ganitong paraan mababalanse ang oras sa pagbabasa ng

Wattpad at sa iba pang bagay.

2. Para sa mga respondente, kung sa palagay ninyo ay

hindi na nakatutulong ang pagbabasa ng Wattpad sa

inyong pag-aaral na kung minsan pa’y nagiging

produkto na nito ang mga mababa’t bagsak na marka

hinihikayat ng mananaliksik na itigil pansamantala

ang pagbabasa nito hanggang sa maaplay ang mga bagay

na nauna nang iminungkahi.

3. Para sa iba pang mag-aaral, buong pusong hinihikayat

ng mananaliksik na palawakin pa ang pag-aaral na ito

upang makabuo ng mga bagong tuklas ukol sa pagbabasa

ng Wattpad.

4. Para sa lahat, mahalagang malaman natin na ang

mabuti’t masamang epektong maari nating maranasan o

matamo ay nakadepende sa kung paano natin ito

isinagawa dahil ang katotohanang tayo ang gumuguhit

sa sarili nating kapalaran ay hindi na maikaiila pa.

Epektong Dulot ng Wattpad 49

REFERENSYA

San Juan, W.R. & Centeno, L.J. (2011). Sociology, Culture and Family Planning. 200 C-INSILAY, Pasig City: Unlad Publishing House

Sincero, S.M. (2011). http://explorable.com/stress-and-cognitive-appraisal

Zandt, D.W. (2010) http://www.amazon.com/Share-This-Change-Social-Networking/ dp/1605094161

Flores, J.C. (2013). http://www.slideshare.net/JenoFlores/epekto-ng-oplayn-na-laro

Nayzabekov, S. (2009). https://www.academia.edu/1810511//Negative_impact_of_social _networking_sites_on_academic_performance_of_students

Epektong Dulot ng Wattpad 50