Q3 7L pah.1 - 1 File Download

17
Q3 7L pah.1 Grade 6 Daily Lesson Log (Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo) Paaralan San Lorenzo Ruiz Elementary School Baitang/Antas Ikaanim Guro Cristina P. Reyes Asignatura Filipino Petsa/ oras Markahan Ikatlong Markahan (Q3) Ikapitong Linggo (7L) Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes I. LAYUNIN A. Pamantayang Pangnilalaman Pakikinig Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan. Pagsasalita Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin. Pagbasa Naisasagawa ang isang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napapalawak ang talasalitaan. Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto. Pagsulat Napauunlad ang kasanyan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin. B. Pamantayan sa Pagganap Naisasagawa ang mga hakbang o panutong napakinggan. Nakapagbibigay ng isang panuto. Nakabubuo ng isang nakalarawang balangkas. Nakagagawa ng nakalarawang balangkas upang maipakita ang nakalap na datos o impormasyon. Nakasusulat ng isang talambuhay at orihinal na tula. C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan) F6PN-IIIg-19 Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa napakinggang talata. F6PS-IIIg-1 Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balitang isyu o usapan. F6WG-IIIg-11 Nagagamit nang wasto ang mga pangatnig. F6PT-IIIg-1.11 Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar na salita sa pamamagitan ng halimbawa. F6PB-IIIg-17 Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating karanasan/kaalaman. F6EP-IIIg-11 Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa F6PU-IIIg-6 Nakabubuo ng isang poster. 80-100% ng mga tanong sa lingguhang pagsusulit/ kasanayan sa pagganap ay nasasagot/ naisasagawa ng mga mag-aaral. II. NILALAMAN Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Napakinggang Talata Kuwento: Lupang Pamana Pagpapahayag ng sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang balita/isyu o usapan. Paggamit nang wasto sa mga pangatnig. Paghula ng maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating karanasan/kaalaman. Pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa Pagbuo ng isang poster. Lingguhang Pagtataya III. KAGAMITANG PANTURO

Transcript of Q3 7L pah.1 - 1 File Download

Q3 7L pah.1

Grade 6 Daily Lesson Log

(Pang-araw-araw na Tala sa Pagtuturo)

Paaralan San Lorenzo Ruiz Elementary School Baitang/Antas Ikaanim

Guro Cristina P. Reyes Asignatura Filipino

Petsa/ oras Markahan Ikatlong Markahan (Q3) Ikapitong Linggo (7L)

Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman

Pakikinig Naipapamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan.

Pagsasalita Naipapamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita at pagpapahayag ng sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

Pagbasa

Naisasagawa ang isang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at napapalawak ang talasalitaan.

Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t ibang teksto.

Pagsulat Napauunlad ang kasanyan sa pagsulat ng iba’t ibang uri ng sulatin.

B. Pamantayan sa Pagganap

Naisasagawa ang mga hakbang o panutong napakinggan.

Nakapagbibigay ng isang panuto.

Nakabubuo ng isang nakalarawang balangkas.

Nakagagawa ng nakalarawang balangkas upang maipakita ang nakalap na datos o impormasyon.

Nakasusulat ng isang talambuhay at orihinal na tula.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto (Isulat ang code ng bawat kasanayan)

F6PN-IIIg-19

Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa napakinggang talata.

F6PS-IIIg-1

Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang balitang isyu o usapan. F6WG-IIIg-11 Nagagamit nang wasto ang mga pangatnig.

F6PT-IIIg-1.11

Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar na salita sa pamamagitan ng halimbawa. F6PB-IIIg-17

Nahuhulaan ang maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating karanasan/kaalaman. F6EP-IIIg-11

Nakakakuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa

F6PU-IIIg-6

Nakabubuo ng isang poster.

80-100% ng mga tanong sa lingguhang pagsusulit/ kasanayan sa pagganap ay nasasagot/ naisasagawa ng mga mag-aaral.

II. NILALAMAN

Pagbibigay ng Angkop na Pamagat sa Napakinggang Talata Kuwento: Lupang Pamana

Pagpapahayag ng sariling opinion o reaksyon sa isang napakinggang balita/isyu o usapan. Paggamit nang wasto sa mga pangatnig.

Paghula ng maaaring mangyari sa teksto gamit ang dating karanasan/kaalaman. Pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pahapyaw na pagbasa

Pagbuo ng isang poster.

Lingguhang Pagtataya

III. KAGAMITANG PANTURO

Q3 7L pah.2

A. Sanggunian

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga pahina sa Gabay ng Pang-mag-aaral

3. Mga pahina Teksbuk

4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng Learning Resource

B. Iba pang Kagamitang pangturo

Baybayin 6, pah. 214-218, mga

awitin, metacard, show-me-

board

Baybayin 6, pah. 214-218,

Yamang Filipino 6 pah.288-289

Kopya ng kuwento, activity

card, metacard

Baybayin 6 pah. 214-218, Yamang

Filipino 6 pah. 308, Binhi 6 , pah.

284-285, 196-197

Kopya ng kuwento, activity card,

mga larawan hango sa kuwento

Baybayin 6 pah.222, Bagong

Filipino 6 pah.232

Halimbawa ng poster o

islogan, typewriting paper,

manila paper, pangkulay,

lapis

Test Notebook, papel, ballpen

at test paper

IV. PAMAMARAAN

A. Balik –Aral sa nakaraang aralin at/o pagsisimula ng bagong aralin (Panimulang Gawain)

Paunang Pagtataya: Ibigay ang paunang pagtataya sa ibaba upang malaman ang kahandaan ng mag-aaral para sa aralin. Panuto: Iguhit ang nakangiting mukha kung inyong ginagawa at malungkot na mukha kung hindi. 1. Nauunawaan ko ang mensahe ng tekstong aking napakinggan. 2. Natutuhan kong igalang ang aking kapwa sa larangan ng paggawa. 3. Natutuhan kong gumawa nang sama-sama at nakikipagtulungan. 4. Sumusunod ako sa itinakdang gawain sa aming pangkat. 5. Natuto akong magbahagi ng aking sariling opinion.

Balik-aral: Balikan natin ang kuwentong Lupang Pamana. Natatandaan ninyo pa ba yung istorya ng mga ita sa Lupang Pamana? Kung papalitan natin ang pamagat ng kuwentong Lupang Pamana, ano kaya ang magandang pamagat na angkop sa kuwento? Paano ang pagbibigay ng angkop na pamagat sa isang talata o kuwento?

Balik-aral: Ano ang tawag sa mga kataga o salitang ginagamit upang mabuo ang diwa ng pangungusap? Magbigay kayo ng halimbawa ng pangungusap na may pangatnig. Gamitin ang vocabulary knowledge scale sa pagtatasa sa talasalitaang gagamitin para sa aralin sa pakikinig. Vocabulary Knowledge Scale Sa bawat salitang ipapakita ng guro na nakasulat sa bituin, isusulat nila sa papel ang bilang kung 5-1 kung saan nag-uugnay ang kanilang nararamdaman o naiisip.

5-alam ko ang salita/parirala at kaya

Balik-aral: Balikan natin ang kuwentong Lupang Pamana. -Tungkol saan ba ang kuwentong ito? (tungkol sa mga Ita na ipinamana sa kanila ang lupang matagal na nilang inilagaan) - Tumutukoy din ba sa kalikasan ang kuwentong ito?

Pagbabalik-aral: Sabihin: Balikan natin ang ating nakarang mga aralin. Ano-ano ang mga nakaraang aralin natin? Pamantayan sa Pagsusulit

(Magtatanong ang guro) Ano ang mga dapat tandaan kapag kayo ay kumukuha ng pagsusulit?

Q3 7L pah.3

Gamitin ang vocabulary knowledge scale sa pagtatasa sa talasalitaang gagamitin para sa aralin sa pakikinig. Vocabulary Knowledge Scale Sa bawat salitang ipapakita ng guro na nakasulat sa bituin, isusulat nila sa papel ang bilang kung 5-1 kung saan nag-uugnay ang kanilang nararamdaman o naiisip.

5-alam ko ang salita/parirala at kaya kong gamitin sa pangungusap

4- alam ko ang salita/parirala at maibibigay ko ang kahulugan

3-nakita ko na dati itong salita/parirala. Sa palagay ko maibibigay ko ang kahulugan.

2-Nakita ko na dati ang salita/parirala ngunit di ko alam ang kahulugan.

1-hindi ko pa nakikita ang salita/parirala.

kong gamitin sa pangungusap

4- alam ko ang salita/parirala at maibibigay ko ang kahulugan

3-nakita ko na dati itong salita/parirala. Sa palagay ko maibibigay ko ang kahulugan.

2-Nakita ko na dati ang salita/parirala ngunit di ko alam ang kahulugan.

1-hindi ko pa nakikita ang salita/parirala.

1. bangkat 2. gurangon 3. pamana 4. IPRA 5. CADT Pagpapaunlad ng Talasalitaan:

Bigyan-kahulugan ang sumusunod na mga salita batay sa pagkagamit nito sa kuwento. (Ipapaskil ng guro ang mga pangungusap upang ibigay ang kahulugan ng mga pamilyar at di-pamilyar na salita.) 1. Inilagay na sa kanyang ulo ang panali ng bangkat at inayos sa kanyang likod. 2. Ipinagkaloob na ang lupang pamana sa kanilang mga gurangon, ang kanilang mga ninuno. 3. Dahil sa pagbabagong ito, lalo pang pagyayamanin ng mga katutubo ang lupang pamana. 4. Ayon sa balitang kanyang narinig nang dahil sa IPRA (Indigenous People’s Right Acts) of 1997 na kumilala at

Pumupokol

Katribo

pagyayamanin

Q3 7L pah.4

(Pagkatapos maipakita ang mga salita, gawin ang talasalitaan) Talasalitaan:

-Ngayon ang guro ay

magbabasa ng isang kuwento. Ngunit bago magbasa ang guro tingnan ang mga salita sa kuwento na hindi ninyo maunawaan. 1. Matagal na pinagmamasdan ni Bato ang malawak na lupain habang pumupukol ng batong maliliit. 2. Lalo pang pagyayamanin ng mga katutubo ang lupang pamana. 3. Umalis na ang bisita ngunit ramdam pa rin niya sa katribo

ang magandang damdaming hatid ng kawani. Pamantayan sa pakikinig ng kuwento: Ano ang dapat tandaan kapag ang guro ay nagbabasa kuwento sa inyo?

nagpoprotekta sa karapatan ng mga katutubo. 5. Tatanggapin na nila ang Certificate of Ancestral Domain Title o CADT ng libong ektarya ng lupaing kanilang binabantayan at tinitirhan sa mahabang panahon. Pamantayan sa Pagbasa nang Pasalita:

-Ano ang dapat tandaan kapag nagbabasa nang pasalita ang inyong kaklase sa harapan?

B. Paghahabi ng layunin ng aralin at paglalahat (Pagmomodelo at Paglalahat)

Pagganyak: Maglaro Tayo: KANTARIRIT Alam ninyo ba ang larong kantaririt? Saan natin ito napapanood? ( hatiin ang klase sa dalawang pangkat) Panuto: -Bumunot muna ng tunog na inyong gagamitin. (maaaring tsik, ra, ta, hiss, meow atbp) -Pag may nabunot na kayong tunog, magpapakita ang guro ng pamagat ng awit sa unang miyembro sa pila.

Paglalahad/Pagmomodelo:

Hanguin ang mga pangungusap na gagamitin mula sa kuwentong ipinarinig kahapon bilang lunsaran ng aralin sa gramatika. Sabihin:

Balikan muli natin ang kuwentong Lupang Pamana, basahin sa kuwento ang pangungusap na may salitang naka-italisado ang pagsulat.

Pagganyak:

Pagpapakita ng mga larawan ng gawain ng mga Ita. (nasa LM ang larawan) -Kilalanin ang mga nasa larawan. Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa kanila? Pangganyak na Tanong:

Sino kaya ang makakahula kung bakit lupang pamana ang pamagat ng kuwento? (Isusulat ng bata ang hulang sagot sa pisara)

Pagganyak:

Ano ba ang mga kalikasan? Magbigay ka ng isang kalikasan at iguhit mo sa pisara. (Tatawag ang guro ng batang guguhit ng kalikasan) -Anong mensahe ng kalikasang iginuhit ng iyong kaklase? Paglalahad/Pagmomodelo:

Basahin ninyo nga ang nasa loob ng kahon.

Pagsasagawa ng gawain sa pagsusulit/pagganap A. Paghahanda B. Pagbibigay ng panuto ng pagsusulit. C. Pagsusulit ng mga bata (Ang guro ang gagawa ng kanyang pagsusulit) D. Pagwawasto ng pagsusulit E. Pagtatala ng iskor Pagbibigay ng komento o suhestiyon

Q3 7L pah.5

-Kung ano yung nabunot ninyong tunog yun ang bibigkasin ninyo sa pag-awit. Walang lirikong maririnig kundi tunog lamang. -Ang bawat pangkat ay may 1 minuto lamang sa paglalaro. -Ang pinakamaraming tama na pamagat ang siyang panalo. Pagbasa ng kuwento ng guro.

Handa na ba kayong makinig? Tanong na Pang-unawa: -Sino ang mga tauhan sa kuwento? -Bakit kaya napaluha si Bato noong siya ay nasa bukid? Paglalahad/Pagmomodelo:

-Ano kaya ang angkop na pamagat ang mailalagay natin dito? (Isusulat ng bata ang mga pamagat na ibibigay nila.) Magbibigay pa ng talata ang guro na kanyang babasahin. -Isulat sa show-me-board ang angkop na pamagat sa narinig ninyong kuwento. Paglalahat:

-Paano ang pagbibigay ng angkop na pamagat sa kuwento? Buuin natin ito. Ang pamagat (title) ng isang talata o kuwento ay nagpapahayag _____ o paksa nito. Mahalagang tandaan na sa pagbibigay ng _____,

Maaari bang isulat mo sa pisara? (Tatawag ang guro ng bata para isulat sa pisara ang pangungusap.) a. Kung nabubuhay pa si Ama, masaya sana siya ngayon. b. Naluha siya sapagkat naalala niya ang kanyang ama. c. Umalis na ang bisita ngunit ramdam pa rin niya ang magandang damdaming hatid ng kawani. (Hindi lang 3 pangungusap ang isusulat ng mga bata) -Ang mga katagang ito ay nag-uugnay sa dalawang parirala, salita o sugnay na pinagsunod-sunod sa mga pangungusap. Ang tawag natin sa mga katagang ito ay Pangatnig. Ano muli ang tawag natin sa mga katagang ito? (Pangatnig)

Paglalahat:

Punan ang mga patlang upang mabuo ang kahulugan ng pangatnig. Piliin sa metacard ang mga salita at idikit sa patlang. ___ ang tawag sa mga ____ o salitang ____ ng dalawang salita, parirala o ____ na pinagsusunod-sunod sa mga pangungusap.

Pagbasa nang pasalita. Tatawag ang guro ng batang magbabasa ng kuwento sa harapan. Sabihin: Habang nagbabasa ang kaklase ninyo kunin ang mga mahahalagang impormasyon sa kuwento. Tanong na Pang-unawa:

a. Tungkol saan ang binasang teksto? b. Ano ang magandang balitang natanggap ni Bato? c. Saan kaya naninirahan ang tribo ni Bato? Ipaliwanag ang sagot. d. Ano ang magandang dulot ng IPRA? e. Bakit dapat na bigyan ng lupain ang kababayan nating katutubo? Paglalahad/Pagmomodelo:

Sabihin: Basahin ang talatang hango sa kuwento. Ayon sa balitang kanyang narinig nang dahil sa IPRA (Indigenous Peoples’ Right Acts of 1997) na kumilala at nagpoprotekta sa mga karapatan ng mga katutubo, tatanggapin na nila ang Certificate of Ancestral Domain Title (CADT) ng libong ektarya ng lupaing kanilang binabantayan at tinitirhan sa mahabang panahon. Proteksyunan nila ang titulong ito laban sa mga illegal na pagtotroso, iresponsableng pagmimina,

1. 2. -Ano ang mga nakikita ninyo sa larawan? -Ano ang tawag natin dito? (poster) Ang ikalawang larawan ay pinagsamang poster at islogan. Yan ay ilan lamang halimbawa ng poster. Ano kaya ang ginamit na pangkulay sa poster? Paglalahat:

Ang poster ay mensaheng isinalalarawan na maaaring gamitin bilang dekorasyon o anunsyo. Ginagawa ito sa malapad na papel o cardboard at inilalagay sa bulletin board. Ang paggawa o paggamit ng poster ay nakatutulong sa paglinang ng kasanayan sa pag-unawa ng nilalaman.

sugnay pangatnig

Nag-uugnay kataga

Q3 7L pah.6

mabuting gawin itong maikli at nakatatawag ng pansin. Ito ay kalimitang ______ sa mambabasa na ituloy ang pagbabasa ng kuwento o talata. Kailangang simulan sa ______ titik ang mahahalagang salita sa pamagat.

( pamagat, diwa, humihikayat,malaking )

at korapsyon sa manang lupain ng mga katutubo. -Anong impormasyon ang

inyong nakuha sa talata? - Mahuhulaan ninyo ba ang kalalabasan ng pangyayari sa talata?

- Ano ang maaaring mangyari? (Isusulat ng bata ang kanilang mga hula sa pisara) Paglalahat: Isang mataas na antas ng pag-uanawa ang paghula sa kalalabasan ng mga pangyayari sa tekstong binasa. Unang antas ng pag-unawa ang pag-alam sa literal na detalye na tuwirang matatagpuan sa binabasa. Ang paghinuha sa kalalabasan ay di-tuwirang nakasaad ngunit sa mga pahiwatig na salita sa teksto at sa paggamit ng dating kaalaman ay makabubuo ng paghinuha o paghula.

Tandaan na kailangan tiyak ang paksa sa poster. Ang maikling mensahe ay naghahatid ng maliwanag at mabisang impormasyon. Maaaring lakipan ng drowing ang poster.

Q3 7L pah.7

C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin (Pinatnubayang Pagsasanay)

Gawin Natin 1: Sabihin: Makinig kayo sa babasahin kong talata. Pagkatapos, bigyan ninyo ng angkop na pamagat ang talatang inyong narinig. Panuto: Piliin ang tamang pamagat sa pisara. (Ang pamagat ay nakasulat sa metacard) Ang gabi ay lumalamig na at ang mga durungawan ay may sabit ng parol. Marami nang nananapatan at umaawit na mga bata sa bahay-bahay. May iba’t ibang kulay ng mga ilaw na pumikit-dumilat sa mga tindahan. At sa aming bahay ay may puno na kaming sinabitan ng iba’t ibang palamuti at laruan. -Ano kayang angkop na pamagat ang dapat sa talatang ito? -Maaari bang kunin ang metacard sa pisara at idikit sa loob ng kahon na nakadrowing sa pisara?

Gawin Natin 1: (Gagabayan ng guro ang mga bata sa pagsagot) Panuto:

Basahin ang pangungusap sa

pisara. Bilugan ang pangatnig

na ginamit sa pangungusap.

1.Naisip niyang bagama’t wala

na ang mga magulang, tiyak

niyang lubos ang kaligayahan

ng mga ito.

2.Nagpasya nang bumalik sa

kubo si Bato.

3.Lumapit siya upang

malaman ang sanhi ng

pagtitipong iyon.

4.Matagal na pinagmamasdan

ni Bato ang malawak na lupain

habang pumupukol ng batong

maliliit.

5.Nakaramdam na ng init si

Bato sa kanyang balat dahil sa

tindi ng init ng araw.

Gawin Natin 1: Punan ang mga patlang sa ibaba batay sa iyong dating karanasan/kaalaman sa teksto. Piliin ang sagot sa loob ng kahon sa ibaba. Isulat sa patlang ang sagot na napili mo. (Gabayan ang mga bata sa pagbibigay ng sagot.) 1. Kahit na naging puno na si Ku, siya ay maaari pa ring __________________. 2. Ang mga kapitbahay ni Ku ay magsisimula nang _________________________. 3. Kung sakaling magkaroon uli ng taggutom ang taong-bayan ay ______________________.

Gawin Natin 1: (Ipapagawa ng guro ang pangkatang gawain) Pangkatang-Gawain:

1. Pamantayan sa pangkatang-gawain

2.Pagpapaliwanag sa gagawin ng bawat pangkat.

Isulat ang mensahe ng

poster na ito. Bawat pangkat

ay may iba’t ibang mensahe

tungkol sa poster na ito. Isulat

ang inyong sagot sa manila

paper.

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1 (Pinatnubayang Pagsasanay)

Gawin Natin 2: (Ipapagawa ng guro ang pangkatang gawain)

Pangkatang-gawain: Panuto: Tatawag ang guro ng isang bata para basahin ang talata. Pagkatapos, isulat ninyo sa metacard ang angkop na pamagat sa talatang inyong

Gawin Natin 2: (Ipapagawa ng guro ang pangkatang gawain)

Pangkatang-gawain: Panuto: May tula akong ibibigay sa bawat pangkat. Bubunot ang lider ng bawat pangkat kung anong gagawin nila sa tula.

- Sabayang pagbigkas - Pagtula

Gawin Natin 2: (Ipapagawa ng guro ang pangkatang gawain) Pangkatang-Gawain: Ipapaliwanag ng guro ang gagawin ng bawat pangkat. Pangkat I: Iguhit Ninyo! -May mga larawan na nakalagay sa manila paper na kanilang huhulaan kung ano ang

Gawin Natin 2: Ngayon naman sa parehong pangkatang ibibigay ng guro ang envelop na may lamang pira-pirasong puzzle. Sa loob ng isang minuto kailangan ay mabuo ninyo ang puzzlze. Isigaw ang kanilang Yell pag natapos ng buuin. Ibigay ang mensahe ng poster na kanilang nabuo.

A. Magsisikap ang taong-bayan na mag-ipon ng pagkain. B. mapakinabangan ng kanyang pamilya. C. mag-unahang kunin ang kanyang mga bunga.

Q3 7L pah.8

narinig. Idikit sa pisara ang inyong kasagutan. Ipinagmamalaki ito ng Las Pinas pagkat nag-iisa sa buong mundo ang ganitong organo. Ibang iba ito pagkat yari sa kawayan. Ang tunog nito, kapag pinatugtog ay kawili-wili at kay gandang pakinggan. Maraming dumarayo sa Las Pinas upang marinig ang matamis na tugtog ng organong ito. -Isulat ang maaaring maging

angkop na pamagat sa

talatang ito.

(Gagabayan ng guro ang mga

bata sa paggawa.)

- Pag-awit - Pagrarap

(nasa LM ang kopya ng tula)

mangyayari. Iguguhit ninyo ang kalalabasan ng pangyayari sa larawan. Pangkat II: Camera! Lights! Action! -Babasahin nang pahapyaw iarte ang pinakamahalagang pangyayari sa kuwento. Pangkat III: Ipaliwanag Mo! -Ano kaya ang mangyayari kung hindi maibibigay ang lupa sa mga katutubo? Pangkat IV: Hulaan Ninyo! -Basahin at unawain ang talata

at hulaan ang susunod na

mangyayari sa talata.

(nasa LM ang mga larawang gagawing puzzle ng guro) (Gagabayan ng guro ang mga bata sa gawain)

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 2 (Pagpapalawak ng Kasanayan)

Gawin Ninyo 1: (Ipapagawa ng guro ang laro sa mga bata.) Maglaro tayo: Maghanda ng metacard ang bawat pangkat. Sa metacard ninyo isusulat ang pamagat ng talatang aking babasahin. Unahan makapagdikit ng metacard sa pisara. Ang pinakaangkop na pamagat na maisusulat ninyo ang mananalo. -Handa na ba kayo? Pakinggang mabuti ang talata. A. Ang paghahalaman ay isang mainam na libangan. Nalilibang ka na naeehersisyo mo pa ang iyong katawan. Hindi ka man mainip, sa araw-araw na pagdidilig at pag-aalis ng mga kulisap sa iyong halaman ay mamumulaklak

Gawin Ninyo 1: (Ipapagawa ng guro ang laro sa mga bata.) Maglaro Tayo: Relay Panuto: Hatiin sa dalawang pangkat ang klase. Unahang maisulat ang angkop na pangatnig sa patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Mas masaya sana si Bato _____buhay ang kanyang mga magulang.

2. Nagtipon ang buong tribo _____sa pagdating ng bisita.

3. _____pagyayamanin ng lahat ang lupa, magbibigay ito ng maraming biyaya.

4. Walang magugutom _____masipag

Gawin Ninyo 1: (Ipapagawa ng guro ang laro sa mga bata.) Maglaro Tayo: Sabihin: Humanap kayo ng kapareha. Tatawag ako ng magkapareha. Bubunot sila ng sitwasyon na nakasulat sa index card. Babasahin nila ang sitwasyon na sila lang ang nakakaalam. Iaarte nila ang sitwasyon. Huhulaan ninyo ngayon ang kalalabasan ng pangyayari.

Gawin Ninyo 1: Gawin ang sumusunod: a. Bumuo ng apat na pangkat. b. Magpasya kung paano ninyo mapapangalagaan ang kalikasan sa sarili ninyong pamamaraan. c. Ibuod ang lahat ng inyong napagpasyahan sa pamamagitan ng poster. d. Maaaring ilahad ang gamit ang pinagsama-samang larawan, iguhit ito gamit ang iba’t ibang kulay. Rubriks: Pagkatapos maisagawa ang proseso sa pagsasagawa ng poster, tayahin nagawa mo sa iyong pangkat. Lagyan ng kulay kung ilang bilang ng araw ang umaayon sa iyong tugon.

Hindi kasya sa nilipatang

bahay ng pamilya Abad

ang mga dala nilang gamit.

Hindi pinansin nila Aling Viring at Leni ang mga lumilipat na kapitbahay.

Q3 7L pah.9

ang mga ito. Ang iba ay mamumunga pa. B. Ikaw ba ay mabuting kasambahay? Ang mabuting kasambahay ay masunurin at magalang sa nakatatanda sa kanya. Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin sa tahanan. Matulungin siya at masipag. Mapagmahal siya at marunong umunawa sa mga kasama sa bahay. Hindi siya maramot, bagkus marunong siyang magparaya lalo na sa kanyang mga kapatid.

lamang ang isang tao.

5. Naisip niya na _____ ay kapiling pa niya ang kanyang mga magulang.

(Nakalagay sa pisara ang mga pangungusap. Dadagdagan pa ng guro ang mga pangungusap na tama sa dami ng miyembro sa bawat pangkat.)

Rubriks: 5-kung naisagawa at nahulaan ng pangkat ang kanilang ginawa. 4-kung naisagawa nang maayos ngunit di masyadong nahulaan ang pangyayari. 3-kung naisagawa ng bahagya at di masyadong nahulaan 2-kung naisagawa ng bahagya ngunit di nahulaan ang susunod na pangyayari. 1-kung di maayos ang pagsasagawa sa sitwasyon at di nahulaan ang pangyayari.

F. Paglinang sa kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)

Gawin Ninyo 2: (Ipapagawa ng guro ang laro sa mga bata.) Maglaro Tayo: Pass the Message Panuto: Mayroong 4 na grupo na may 5 miyembro. Lalapit ang unang bata sa pila, babasahin niya ang kuwento sa loob ng isang minuto na siya lang ang makakabasa. siya na rin ang magbibigay ng pamagat at ipapasa ngayon sa susunod na bata hanggang makarating sa batang nasa pisara. Ang batang nasa pisara ang magsusulat ng pamagat ng ipinasa sa kanya. Kung sino ang tama o malapit ang pamagat sa tunay na pamagat ang panalo.

Gawin Ninyo 2: (Ipapagawa ng guro ang laro sa mga bata.) Maglaro Tayo: Kapartner ko nasaan ka? Panuto: Ibibigay ng guro ang isang metacard na may nakasulat na pangatnig sa isang bata at isa pang metacard na nakasulat naman ang pangungusap. Hahanapin ng mga bata ang kanilang kapareha. Ang unang magkapartner na nakarating sa harapan at nabasa ang kanilang pangungusap ng tama ang siyang panalo. 10 segundo lamang ang paghahanap sa kapartner.

Gawin Ninyo 2: (Ipapagawa ng guro ang laro sa mga bata.) Maglaro Tayo: Sabihin: Tatawag ako ng isang bata sa bawat pangkat. Babasahin ng lider ang sitwasyon at huhulaan ng kanyang pangkat ang kalalabasan ng pangyayari. 1. Salamat. Kailangan ko na talagang palakihin ang taniman ko ng letsugas. ____________ 2. Hindi ako gumagamit ng komersyal na abono sa aking mga tanim. ________________ 3. Dumalo siya sa isang organic farming seminar sa Bangkok, Thailand. 4. Maraming nagretiro sa trabaho na bumili ng lupang sakahan sa Batangas. _________________________

Gawin Ninyo 2: Minsan ang poster ay patugma o islogan. Tapusin ang poster na patugma. Piliin ang angkop na salita na bubuo sa tugma sa salitang katugma na may salungguhit. Isulat ito sa papel. 1. Ang payapang buhay Hangad ng (tao, lahat,

sinuman) 2. Basurang itinapon mo Babalik din sa (atin, iyo,

ka) 3. Ang batang magalang Dangal ng (magulang,

ninuno, pamilya)

1. Natukoy ko ang mga pamamaraan kung paano pangangalagaan

ang kalikasan.

2. Gumamit ako ng mga angkop na kagamitan para maging malikhain

ang poster.

3. Nagbahagi ako ng aking ideya upang makabuo ng konsepto para sa

poster.

Napalayo sa nilipatang pamayanan ng pamilya Abad ang paaralang pinapasukan ng mga anak.

Q3 7L pah.10

Ipinasok ako sa iskauting ng aking tatay sa tulong ng aking guro. Kay-inam maging iskaut. Sinasanay kami sa maraming mabubuting bagay, tulad ng pagtulong sa kapwa, pagiging magalang sa matatanda, at higit sa lahat, pagkilala sa Lumikha. Sa aming pagkakamping ay nahahasa kami sa pakikipagkapwa at sa mabilisang pagkilos kung may biglang pangangailangan. Masaya kami sa aming pagsasama-sama. Ikaw, sumama ka na rin sa amin.

5. Mahilig kumain ng lettuce salad ang magkapatid na Moses at Lotlot. _________________________

Q3 7L pah.11

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw araw na buhay (Aplikasyon)

Gawin Mo 1:

(Ipapagawa ng guro ang laro sa mga bata.) Panuto: Bigyan ng angkop na pamagat ang bawat talata na babasahin ng guro. Piliin ang tamang sagot. 1. Kailangang maglibang ang bawat tao. Pagkatapos ng mahalagang gawain sa maghapon, nararapat maglibang ang isang tao. May libangang nakapagpapatalas ng isipan tulad ng pagbabasa, pagbubugtungan at pag-iiskrabol. Mayroon ding pampalakas ng katawan gaya ng basketbol, balibol, tennis, badminton at pingpong. May libangan ding nakabubuti sa damdamin tulad ng panonood ng sine at telebisyon at pakikinig sa radio. Kung may labis na panahon, kailangang gugulin iyon sa wastong paglilibang. A. Iba’t ibang Libangan B. Ang Paglalaro C. Ang Mabuting Libangan 2. Kabilang ang paru-paro sa pinakamagandang kulisap sa buong daigdig. Mahahaba at mahagway ang katawan nito at may dalawang pares ng pakpak. Sa araw kung lumipad ang paru-paro at kung nakadapo ito nakatiklopang dalawang pakpak na parang layag ng isang bangka. Nagkakaroon ng isang ganap na pagbabago ang paru-paro mula sa itlog hanggang sa

Gawin Mo 1:

(Ipapagawa ng guro ang laro sa mga bata.) Panuto: Buuin ang mga pangungusap. Punan ng wastong pangatnig ang bawat patlang. 1. Ang mga magulang _____ guro sa paaralan ay dapat magtulungan. 2. Napalo siya ni tatay ____ matigas ang kanyang ulo. 3. Mahusay magmaneho si Raul ____ hindi siya maingat ___ naaksidente siya. 4. _____ umulan, gagawin na lamang sa awditoryum ang programa. 5. Nagtatrabaho siya sa araw _____ nag-aaral sa gabi.

Gawin Mo 1:

Humanap ng kapareha. pag-usapang mabuti ng magkapartner kung ano ang kalalabasan ng pangyayari. Gawin ito sa isang buong papel. Narito ang ilang sitwasyon. Lagyan ng tsek (/) ang kalalabasan ng pangyayari. 1. Nakapag-ipon sina Vincent at Shelly bago ikasal. Kapwa masigasig sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo at at matipid sa paggasta ang mag-asawa. ___ Mabilis na tatanda at hindi

magiging masaya ang mag-

asawa.

___ Mabilis na lalago at uunlad

ang kanilang negosyo.

2. Maliit pa’y napansin ang husay ni Andrea sa pagsayaw. Palagi siyang kasali sa program sa pinasukang paaralan sa hayskul. Miyembro siya ng tanyag na dance troupe ng kanilang paaralan sa kolehiyo. Sa kasalukuyan…. ___ sinubukan naman niyang linangin ang kanyang husay sa pag-awit. ___ kumikita siya sa pagiging choreographer o tagagawa ng mga sayaw. 3. Ayaw ni Gng. Tuazon na maranasan ng kanyang tatlong anak na pawing babae ang katakot-takot na hirap na kanyang pinagdaanan mula sa pagkabata. Sa ganito, lumaki sa layaw at hindi naturuan sa bisnes na kanilang pinagkukunan ng ikinabubuhay ang mga ito. Sa kasawiang-

Gawin Mo 1:

Sabihin:

Maghanap ng dalawang kasama upang tatlo kayong mag-isip kung ano ang iguguhit ninyong poster. Sa isang typewriting paper, gumawa ng poster. Pumili ng paksa sa mga sumusunod. A. Wastong Nutrisyon ang Kailangan B. Filipino: Wika ng Karunungan C. Paghahanda sa Kalamidad D. Kalinisan ng Kapaligiran upang Maiwasan ang Dengue.

Q3 7L pah.12

maging ganap na paru-paro. Nangingitlog ang babaeng paru-paro sa mga halamang siyang nagsisilbing pagkain para sa mga batang paru-paro. Marami sa mga paru-paro ang nangingitlog minsan sa isang taon. A. Ang Kulisap B. Ang Paru-paro C. Isa sa Pinakamagandang Kulisap sa Daigdig 3. Nanawagan si Kuwago sa kanyang mga kasamahan upang lutasin ang suliranin. Naging bukas siya sa opinion ng lahat upang makabuo ng isang solusyong pinag-uusapan ng buong samahan. May ilang kumontra san a normal sa isang pangkat subalit nagpatuloy sila sa mabuting hangarin at sa huli’y nagtagumpay naman sila. A. Ang Kuwago B. Ang Panawagan C. Ang Samahan 4. Si Melda ay anak ng isang labandera. Siya ay masipag, matiyaga at higit sa lahat ay mapagtiis. Ulila na si Melda at ang isa pa niyang kapatid kaya mahirap ang kanilang pamumuhay. Upang makatulong sa ina, tumigil siya muna sa pag-aaral at namasukan siya bilang kasambahay. Masungit ang kanyang amo ngunit dahil sa hirap maghanap ng mapapasukan kanya ng tiniis lahat. Ngunit di niya matiis ang pananakit ng kanyang amo

palad, biglaang namatay si Gng. Tuazon. Sa tatlong anak naiwan ang pamamahala sa kaunting kabuhayang naiwan ng ina. ______Mahihirapan sila sa simula pero unti-unti nilang matutunan ang pangangasiwa sa kanilang kabuhayan. ______Mahihirapan sila kaya kukuha sila ng mga taong mangangasiwa sa kanilang hanapbuhay. 4. Dala ng kahirapan sa buhay, hindi nakapagpapatingin ni minsan sa doktor at walang ininom na bitamina si Dolly na ngayon ay kasalukuyang nagsisilang ng sanggol sa tulong ng isang hilot. Maya-maya, narinig ng mga kasambahay ang iyak ni Dolly. _______Hindi na siya kayang paanakin ng hilot at kailangang isugod sa ospital. _______Naisilang niya ang kanyang anak subalit namatay makaraan ang ilang sandal. 5. Isang tanyag na aktres at mang-aawit si Danica Ver, isang banyagang producer ang nakapanood sa kanya at labis na humanga sa husay niya. Pagkatapos ng konsiyerto, kinausap siya at …… _______inalok siya ng kontratang paggawa ng ng pelikula at pagdaraos ng mga konsiyerto sa ibang bansa. _______pinayuhang maghanap ng bagong manedyer na makapagbibigay sa kanya ng mas malaking break sa pag-awit at pag-arte.

Q3 7L pah.13

kaya nagpaalam na siya sa kanyang amo. A. Ang Pagiging Kasambahay B. Ang Amo C. Ang Masungit na Amo 5. Ang pagmamahal ay ang pinakadakilang biyayang tinanggap natin mula sa Panginoon. Nang dahil sa pagmamahal ay pinagkaloob Niya ang kanyang Bugtong na Anak para sa bawat isa sa atin. Kasama ng pagmamahal ay ang kapayapaan at pananalig natin sa Kanya. A. Ang Bugtong na Anak B. Ang Biyaya C. Ang Pagmamahal

H. Pagtataya ng aralin (Optional na gawain para sa guro kung maganda ang kinalalabasan ng Gawin Mo) (Malayang Pagsasanay)

Gawin Mo 2:

(Ipapagawa ng guro ang laro sa mga bata.) Panuto: Lagyan ng angkop na pamagat ang bawat talata na babasahin ng guro. Piliin ang tamang sagot. 1. May maunlad na sibilisasyon ang ating mga ninuno. Manggagawa ng Bangka ang ilan sa kanila. May magsasaka at mangingisda sa kanila. Ang

Gawin Mo 2:

(Ipapagawa ng guro ang laro sa mga bata.) Panuto:

Lagyan ng angkop nasugnay na may mga pangatnig ang sumusunod upang mabuo ang pangungusap. 1. Kumuha ng prutas mula sa puno ___________________. 2. Nakikisama ang ilang mga taganayon ______________. 3. ______________nakakuha ng mga buto upang itanim.

Gawin Mo 2:

(Ipapagawa ng guro ang laro sa mga bata.) Panuto:

Piliin ang tamang hula mo sa kalalabasan ng bawat pangyayari o sitwasyon. 1. Nagbago ang isip ni Mang Isko at binawi ang kasunduang pagbebenta kay G. Lirio ng bahay at loteng nasa tapat ng bahay nina Aling Tinay at Mario. A. Si Mario at ang kanyang mga kaibigan ay makikiusap kay G.

Gawin Mo 2:

Kumuha ng typewriting paper. Ito ay kanya-kanyang gawa na. Gumuwa ng poster sa paksang ito: “Kahandaan at Pagtugon sa Sakuna, Tungkulin ng bawat Isa”. Yan ang paksa ng DRRM, gumamit ng crayola sa pangkulay ng inyong poster.

Q3 7L pah.14

iba naman ay nagtatanim ng niyog o nag-aalaga ng baboy o manok. Noon pa ay marunong na silang maghalo ng bakal at iba pang metal, maghabi at gumawa ng palamuti sa katawan at sa tahanan tulad ng naggagandahang paso. Ilan sa mga paso, pinggan at iba pang kasangkapang yari nila ay natuklasan sa mga yungib. Inilagak sa mga museo ang mga labing ito ng kultura. 2. Ang pating ay isang uri ng karniborong isda. Sa kasalukuyan, mayroong mahigit na limandaang uri ng pating. Karamihan ng uri ng pating ay nananatili sa tubig-dagat ngunit may iilang nabubuhay sa tubig tabang. Ang pinakamaliit na pating ay may habang anim na pulgada. Ang pinakamahaba naman ay ang butanding. Ito ay umaabot sa haba na labindalawang metro.

3. Sabik na sabik si Julia na

pumasok sa paaralan ngayong araw na ito. Kagabi pa lamang ay inihanda na niya ang kanyang uniporme. Naka-ayos na rin ang kanyang bag at baunan. Pagtunog ng kanyang relo, mabilis na bumangon si Julia upang maligo na. Dali-dali siyang nagbihis at pumunta sa silid-kainan. "Julia, mukhang handa ka na para sa unang araw ng pasukan," ang bati ng kanyang nanay. "Opo! Sabik

4. ____________siya ay nagtanim ng puno. 5. Alam niya na kailangan ang kanyang tulong __________.

Lirio na humanap ng bagong tirahan na malapit sa kanila. B. Si Mario at ang kanyang mga kaibigan ay magpapaalam ky G. Lirio bago sila umalis. 2. Walang nakapagturo kay Mario at sa mga kaibigan niyang tumugtog ng instrumenting pangmusika. A. Tatanda na silang pangarap na lamang ang matutong tumugtog ng instrumentong pangmusika. B. Magkakanya-kanya silang mag-aral tumogtog ng instrumentong pangmusikang gusto nila. 3. Nabalitaan ng mga kabataan sa kabilang barangay na nag-aaral ng pagtugtog ng mga instrumentong pangmusika si Mario at ang mga kaibigan nito. A. Pagtatawanan nila ang mga ito dahil hindi nila akalaing mag-aaral ng pagtugtog ng instrumentong pangmusika. B. Sasama sila sa mga ito para mag-aral ding tumugtog ng instrumentong pangmusika. 4. Nalaman ng mga magulang sa lugar na nilipatan ni G. Abad na ito’y nag-aalok ng libreng pag-aaral ng pagtugtog ng instrumentong pangmusika. A. Magpapasalamat sila sa magandang pagkakataong ibibigay nito sa mga bata. B. Magtataka sila kung bakit ibibigay nito nang libre ang iniaalok na pagtuturo sa mga bata. 5. Nagparinig ng tugtugin sa mga kabarangay ang ilang kabataang sinanay ni G. Lirio.

Q3 7L pah.15

na po akong pumasok!" ang sagot ng bata. 4. Nagkaroon ng salo-salo noong nakaraang kaarawan ni Susana. Namigay siya ng lobo sa kanyang mga bisita at sa lahat ng kanyang mga kaibigan. Binigyan niya ito ng pinta at sinabihan na lumikha ng nakakatuwang mukha o mukha ng hayop. Naipinta ni Carol ang pinakamagandang mukha sa lobo. Lahat ay natuwa at natawa sa ipinintang lobo ni Carol. Ano ang pinakaangkop na pamagat sa talata? 5. Si Susi ay ang alaga kong pusa. Siya ay malaki at mataba. Siya ay may malambot na balahibo at maaliwalas ang mata. Tatlo ang kanyang kulay- dilaw, itim at puti. Siya ay may tatlong maliliit na mga kuting. Napakagaganda ng kanyang mga Kuting. Binabantayan niya ito nang mabuti. Ayaw niyang may masamang mangyari sa kanyang mga Kuting. Ibigay ang pinakaangkop na pamagat sa talata.

A. Magsasabi ang ibang kabataan kay G. Lirio na gusto rin nilang matutong tumugtog ng instrumentong pangmusika. B. Gaganyakin ng ibang kabataan ang mga tumugtog na humarap na lamang ng ibang paggagamitan ng kanilang oras.

I. Karagdagan Gawain para sa takdang aralin at remediation

Ipagawa ang pangkatang-gawaing ito ayon sa kasanayan ng mga bata.

Ipagawa ang pangkatang-gawaing ito ayon sa kasanayan ng mga bata.

Ipagawa ang pangkatang-gawaing ito ayon sa kasanayan ng mga bata.

Ipagawa ang pangkatang-gawaing ito ayon sa kasanayan ng mga bata.

May Kasanayan

(Mag-aaral na nakakuha ng 80-100%)

Pagtulungan ninyo ng iyong kapareha na makabuo ng isang maikling talata at lagyan ito ng pamagat.

May Kasanayan

(Mag-aaral na nakakuha ng 80-100%)

Bumuo ng isang usapan tungkol sa kalikasan na ginamitan ng mga pangatnig.

May Kasanayan

(Mag-aaral na nakakuha ng 80-100%)

Isulat ang inyong hula sa kalalabasan ng pangyayari sa talata.

Q3 7L pah.16

V.MGA TALA

Bilang ng mga mag-aaral: 40 5 x 18= 90 4 x 15= 70 3 x 5= 15 2 x 2= 4 1 x 0= 0 0 x 0= 0 40x5=200 179/200=90%

Bilang ng mga mag-aaral: 40 5 x 18= 90 4 x 15= 70 3 x 5= 15 2 x 2= 4 1 x 0= 0 0 x 0= 0 40x5=200 179/200=90%

Bilang ng mga mag-aaral: 40 5 x 18= 90 4 x 15= 70 3 x 5= 15 2 x 2= 4 1 x 0= 0 0 x 0= 0 40x5=200 179/200=90%

Bilang ng mga mag-aaral: 40 5 x 18= 90 4 x 15= 70 3 x 5= 15 2 x 2= 4 1 x 0= 0 0 x 0= 0 40x5=200 179/200=90%

VI. PAGNINILAY

Nagsisimula (Mag-aaral nanakakuha ng 74-pababa) Humanap ng kapareha at pagtulungan ninyong piliin ang angkop na pamagat sa talatang babasahin ng guro.

Tumutugon (Mag-aaral na

nakakuha ng 75-79%) Maghanap ng kapareha at ibigay ang angkop na pamagat sa talatang babasahin ng guro.

Nagsisimula (Mag-aaral na nakakuha

ng 74-pababa) Lagyan at piliin sa loob ng kahon ang mga pangatnig upang mabuo

ang pangungusap.

Tumutugon (Mag-aaral na nakakuha

ng 75-79%) Sumulat ng 10 pangungusap na mayroong pangatnig.

Nagsisimula (Mag-aaral na nakakuha ng 74-pababa) Mula sa talata, isulat ang kalalabasan ng pangyayari. Piliin ang tamang hula sa kalalabasan ng pangyayari.

Tumutugon (Mag-aaral na nakakuha

ng 75-79%) Gamit ang talatang ipapakita ng guro, hulaan ang kalalabasan ng pangyayari.

Nagsisimula (Mag-aaral na nakakuha ng 74-pababa) Magbibigay ang guro ng poster na gawa ngunit di pa maayos ang pagkakaguhit at walang kulay. Lilinawan ng mga bata ang drawing at kukulayan nila ito.

Tumutugon (Mag-aaral na nakakuha

ng 75-79%) Magpapakita ng poster ang guro na gagayahing ng mga batang mahina pang gumuhit.

May Kasanayan (Mag-aaral na nakakuha

ng 80-100%) Gumawa ng poster tungkol sa “Kagandahang-asal dapat Pairalin ng bawat Kabataan.” Gawin yan sa

oslo paper. Kayo na ang bahala kung anong midyum ng pangkulay ang inyong gagawin.

Note: Ito ang halimbawa ng ilalagaya sa Mga Tala at Pagninilay

Q3 7L pah.17

A. Bilang ng mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya

33

33

33

33

B. Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang Gawain para sa remediation

2

2

2

2

C. Nakatulong ba ang remediation? Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa aralin.

38

38

38

38

D. Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation?

2

2

2

2

E. Alin sa mga estratehiyang pagtuturo na nakatulong ng lubos? Paano ito nakatulong?

Ang paggamit ng iba’t ibang estratehiya tulad ng scaffolding, collaborative at iba pa ay makakatulong ng malaki upang higit na maunawaan ng mga mag-aaral.

Estratehiya sa pangkatang-gawain tulad ng collaborative ay nakakatulong ng lubos sa mga bata.

Ang estratehiya sa paglalaro na naging kawili-wili sa mga mag-aaral.

Mabilis natututo ang bata kapag ang guro ay gumamit ng mga kagamitan na nakikita nila. Scaffolding isa ring mabisang estratehiya na madaling matututo ang mag-aaral.

F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa tulong ng aking punung-guro at superbisor?

Hindi sapat ang oras sa mga pangkatang-gawain.

Hindi sapat ang oras sa mga

pangkatang-gawain. Hindi sapat ang oras sa mga

pangkatang-gawain. Hindi sapat ang oras sa mga

pangkatang-gawain.

G. Anong kagamitang panturo ang aking ginamit/nadiskubre na nais kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?