Post on 10-May-2023
Republic of the Philippines
Department of Education Regional Office IX, Zamboanga Peninsula
Edukasyon Sa Pagpapakatao Ika-apat na Markahan: Modyul 1
MAINGAT NA PAGPAPASYA: BAKIT MAHALAGA?
Zest for Progress
Zeal of Partnership
7
Pangalan ng Mag-aaral: ___________________________
Baitang at Seksyon:______________________________
Paaralan:____ ___________________________________
1
Alamin
References: Flickr, (flight of the
conchords: http://www.listal.com/viewimage/435164), http://viewonbuddhism.org/general_symbols_bu
ddhism.html, http://en.wikipedia.org/wiki/Dharmacakra Sa modyul na ito, tutukuyin kung bakit mahalaga ang maingat na
pagpapasya, ano ang proseso nito at ano ang maging bunga nito tungo sa
pagkamit ng mga pangarap o makabuluhang buhay.
Ang mga sumusunod ay ang mga inaasahang malilinang sa iyong
kaalaman, kakayahan at pag-unawa: EsP7PB-IVc-14.1 Unang Linggo 1. Natutukoy ang proseso ng mabuting pagpapasya.
2. Naibibigay ang kahulugan ng pariralang maingat na pagpapasya. 3. Nakapagbubuo ng mga hakbang na dapat isaalang-alang bago gumawa ng pasya.
Subukin
Bago magsimula sa mga gawain, mabuting sagutin ang maikling pagtataya
upang tayahin ang lawak ng kaalaman lalo na sa nilalaman ng aralin.
Handa ka na ba?
Bakit mahalagang tingnan natin ang
maging kahinanatnan o bunga ng isang
bagay bago tayo gumawa ng pasya?
2
PAUNANG PAGTATAYA Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Piliin ang titik ng
pinakaangkop na sagot at isulat ito sa patlang bago ang bilang.
_____1. Ang lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Ibig sabihin nito na:
A. Ang lahat ng kilos natin ay dumadaan sa isang mahabang
proseso.
B. Ang lahat ng kilos natin ay ginagamitan ng proseso ng mabuting pagpapasiya.
C. Ang lahat ng ating kilos ay nababatay sa ating isip at kilos-loob. D. Kailangang pinag-iisipang mabuti ang lahat ng ating kilos o
ginagawa. _____2. Paano maikukumpara sa chess ang proseso ng pagpapasya? A. Mahirap laruin ang chess dahil ginagamitan din ito ng pag-iisip.
B. Kinakailangan ito ng panahon upang laruin. C. Pinag-aaralan munang mabuti ang bawat galaw upang maging
batayan ng gagawing tira. D. Kailangang isaalang-alang dito ang iyong mga pagpapahalaga.
_____3. Karaniwan na ang mga linyang “Bigyan mo pa ako ng panahong makapag-isip, “sa mga mahalagang pagpapasiyang ginagawa. Ibig sabihin nito;
A. Mahalagang bahagi ng proseso ng pagpapasiya ang panahon B. Kinakailangan ng mahabang panahon ang pagpapasiya.
C. Mahirap talaga ang gumawa ng pasya D. Ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay nakabatay sa
panahon
_____4. Kahit na binigyan ng magandang pwesto sa kumpanya si Chit ng
kanyang ama sa kanilang kumpanya, pinili pa rin nito ang magtayo ng
sariling negosyo. Alin sa pahawag ang tunay na nagpapasaya sa kanya?
A. Nakakahiya namang mabansagang COO o Child of Owner sa
isang
kumpanya bagama’t ikaw ay mahusay na CEO.
B. Kinakailangan ding isaalang-alang ang damdamin sa paggawa ng
pasya.
C. Mas mahalaga na masaya ang tao sapagkat maikli lamang ang
buhay.
D. Mahalaga kay Chit ang kanyang pansariling kaligayahan
_____5. Kung nananatili sa iyo ang agam-agam dahil mayroon ka ring
pakiramdam na maaari kang magsisi sa iyong pasiya, kailangan mong…
A. Pag-aralan muli ang iyong pasiya na may kalakip na panalangin
at mas ibayong pagsusuri.
B. Huwag mag-agam-agam dahil hindi ka makakikilos hanggang
hindi ka
nakapipili.
3
C. Gawin na lamang kung ano ang magpapasiya sa iyo.
D. Gawin na lamang ang magpapasiya sa mas nakararami.
6. Alin sa mga sumusunod ay gamit at instrumento sa pagpapasiya?
A. isip at damdamin B. musika C. kaibigan D. Pera
_____7. Ang tawag sa proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita
ng isang tao ang pagkakaiba ng mga bagay-bagay.
A. konsensy B. dilemma C. isip at kilos loob d.
mabutingpagpapasya
_____8. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang sangkap sa
anumang proseso ng pagpapasiya?
A. panahon B. pera C. konsensya D. dasal
_____9.Sinabi ng kaibigan mo na kailangan niya ng panahong makapag-isip.
Ano ang gagawin mo?
A. Pagbibigyan siya dahil mahirap talaga ang mag-isip.
B.Uunawain ko dahil kinakailangan ng mahabang panahon ang
pagpapasiya
C. okay lang dahil ang balangkas ng proseso ng pagpapasiya ay
nakabatay sa panahon
D. Pagbibigyan ko siya dahil mahalagang bahagi ng proseso ng
pagpapasiya ang panahon
_____10. Hukman kung alin sa mga sumusunod ang pakahulugan ng moral
dilemma ni Kohlberg
A. Madali lang magpasya kung alam natin ang sarili nating
pagpapahalaga.
B. Mahirap ang magpasya dahil ito ay nagiging sanhi ng pagtatalo ng
isip tungkol sa mga iba’t-ibang mga posisyon
C. Ang pagpapasya ay nakabatay sa ating mga pagpapahalaga
D. Ang pagpapasya ay pagpili sa maraming pamimilian
Modyul 1
MAINGAT NA PAGPAPASYA: BAKIT MAHALAGA?
Kumusta? Naging madali ba ang pagsagot sa mga katanungan? Sa
susunod na gawain maglalakbay tayo tungo sa kaalaman hinggil sa
kahalagahan ng makabuluhang pagpapasya. Simulan na natin!
4
Balikan
Gawain 1: Hulaan Mo!
Ang gawaing ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon na balikan ang
mga natutunan sa nakaraang leksiyon.
Panuto: Pag-aralan ang mga larawan na nasa ibaba. Tukuyin kung anong KEY EMPLOYMENT GENERATOR ang tinutukoy ng mga ito. Buuin ang mga
titik na angkop sa mga larawang ipinapakita. Isulat ang sagot sa kuwaderno.
LARAWAN TAMANG SALITA
1
2.
Source:https://en.wikipedia.org/wiki/Agricultu
re_in_Indonesia#/media/File:Bms_rice_planting
_141229-47913_rwg.JPG
P__ __mi__ __na
A__r__b__ __ine_s
3.
Source:https://www.google.com/search?q=cyberservices+
picture+wikipedia&tbm=isch&ved=2ahUKEwjh_vSF5cTtAh
V0JqYKHRCICD8Q2-
cCegQIABAA&oq=cyberservices+picture+wikipedia&gs_lcp=
CgNpbWcQA1DmvwFY_IECYN6EAmgAcAB4AIAB7gSIAZcU
kgELMC45LjIuMS4wLjGYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ8
ABAQ&sclient=img&ei=A83SX6HxCPTMmAWQkKL4Aw&bi
h=543&biw=1366#imgrc=C95fhRT9vnH_1M
C__ __er__ __rv__ __ es
Source:https://mindanao.politics.com.ph/ch
urch-official-calls-for-end-to-mining-in-samar-
islands/
5
4.
Source:https://www.google.com/search?q=imag
e+of+a+construction+worker&tbm=isch&ved=2a
hUKEwisr_a8o6DtAhXeyIsBHWrKA0oQ2-
cCegQIABAA&oq=image+of+a+construction+wor
ker&gs_lcp=CgN
C_ n_t__ __ c__ ion
5.
Source:image of manufacturing - Google Search
M_nu__ac_ur_ng
Tuklasin
Gawain 2: Ano ba ang dapat gawin?
Sa bahaging ito, pag-usapan natin ang mga pangyayari sa buhay
na hindi natin maiwasan na kailangan nating gumawa ng agarang
pagpapasiya. Tuklasin ang iyong kakayahan na magpasiya sa mga
sitwasyon na katulad ng nasa ibaba.
Source:ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya (slideshare.net)
Sitwasyon: May nakita kang wallet na nahulog.
Tanong: Isasauli mo ba ito sa may ari? Bakit?
Sagot: ____________________________________________________________
__________________________________________________________________
Magaling! Tiyak kong may natutunan ka sa nakaraang leksiyon. Ngayon
ay handa ka na sa talakayan ng ating panibagong paksa.
6
Source:ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya (slideshare.net)
Sitwasyon: Nakiusap sa iyo ang kaklase mo na mangopya sa iyo ng mga
sagot sa pagsusulit.
Tanong: Pakokopyahin mo ba siya para hindi siya magalit sa iyo?Bakit?
Sagot: ___________________________________________________________________
Source:ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya (slideshare.net)
Sitwasyon: Niyaya kang magsigarilyo ng matalik mong kaibigan
Tanong: Magsisigarilyo ka ba para hidi siya magtampo o tatanggihan
mo?Bakit?
Sagot:
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________
Sagutin ang sumusunod:
1. Ano ang naging pagpapasya mo sa mga ibinigay na sitwasyon?
2. Sa iyong palagay tama ba ang iyong mga naging pagpapasya?
3. Bakit mahalagang tingnan natin ang maaring maging bunga nito bago
tayo gumawa ng pasya?
Suriin
Ang tao ay biniyayaan ng Diyos ng isip at kilos-loob. Ito ang dahilan
kung bakit binibigyan din tayo ng laya na magpasiya para sa ating sarili.
Lahat ng kilos ng tao ay bunga ng proseso ng pagpapasiya. Mula sa
simpleng pagpapasiya tulad ng kung anong damit na isusuot hanggang sa
mga komplikadong pagpapasya katulad ng sasama sa mga kaibigan mag-
inuman sa party na walang paalam sa magulang. Alin man sa mga ito ay
nangangailangan ng kasanayan upang makagawa ng matalinong pasiya
lalo na sa mga sitwasyong moral.
Ngunit ano nga ba ang ibig sabihin ng pariralang “Mabuting pagpapasya”?
Ano ba ang proseso ng paggawa ng mabuting pagpapasya?
Ang mabuting pagpapasya ay isang proseso kung saan malinaw na
nakikilala o nakikita ng isang tao ang pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay.
Mahalaga ang prosesong ito sa ating pagpili. Ang pagpili ay
7
nangangailangan ng pagkakaroon ng pagtatangi o diskriminasyon. Sa
pagpipili mararanasan natin ang antas ng Kohlbergs Moral Dilemma.
Source:ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya (slideshare.net)
Source:ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya (slideshare.net)
Kung mahusay ang pagpapasya, mas malinaw ang mga pagpiling gagawin.
Kaya mahalagang tandaan na:
Source:ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya (slideshare.net)
At tandaan din na;
8
Source:ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya (slideshare.net)
Kadalasan ito ang una nating hinihingi upang makagawa ng pagpapasya
sa anomang bagay na inaasahan sa atin. Ang proseso ng mabuting
pagpapasya sa maikling salita ay - “batay sa ating pagpapahalaga,
ginagamit natin ang ating isip at damdamin upang tiyakin sa loob ng
sapat na panahon ang ating pasya.”
Pagyamanin
Gawain 3: Magpasya Tayo!
Panuto: Buuin ang pormat na ibinigay ibaba sa pamamagitan ng
pagsusulat nang mga hinihingi dito.
Alternatibo 1
1.
Alternatibo 2
Pasya: _____________________________________________________________ Paliwanag: __________________________________________________________
Niyaya kang
sumali sa
Fraternity para
dumami pa ang
iyong mga
kaibigan
______________
______________
______________
______________
Maaring Mangyari kapag ito ang pinili
________________________
________________________
Maaring Mangyari kapag ito ang pinili
_______________________
_______________________
9
Alternatibo 1
2.
Alternatibo 2
Pasya: _____________________________________________________________ Paliwanag: __________________________________________________________
Rubrics sa Pagmamarka
Mga Batayan 5 3 2
Nilalaman Naipahayag nang
tama ang opinyon
Hindi masyadong
naipahayag ang opinyon
Malayo sa paksa
ang opinyong ipinahayag
Organisasyon Mahusay ang
pagkasulat ng sagot at ang
pagkasunod-sunod ng mga
ideya.
Maayos ang
pagkasulat pero hindi masyadong
magkasunod-sunod ang mga
ideya.
Hindi maayos
ang pagkasulat ng sagot at di
klaro ang ideya.
Isaisip
Gawain 4.1 Anong natutunan mo? Buuin mo ako! Sa gawaing ito, inaasahan na maipamamalas ang naging lawak ng
kaalaman at pag-unawa sa paksa.
Panuto: Piliin ang mga salita sa nasa loob ng kahon at punan ang bawat
patlang ng tamang salita upang mabuo ang tunay na kahalagahan ng
makabuluhang pagpapasya. (10 puntos)
pagpapasya tao proseso sumusunod
kaalaman Mahalaga malinaw maingat
pagpili Pagpapahalaga isip damdamin
Sobra ang sukli
na ibinigay ng
tindera sa iyo
______________
______________
______________
______________
Maaring Mangyari kapag ito ang pinil
________________________
_______________________
Maaring Mangyari kapag ito ang pinili
_______________
_______________
10
Ang 1. ___________________________ na 2._________________ ay
isang3._______________ kung saan 4.________________ nakikilala o nakikita
ng isang 5._______________________ang mga bagay-bagay. 6.
______________________ ang prosesong ito sa ating 7. ______________________.
Ang proseso ng mabuting pagpapasya ay batay sa ating 8.
_________________________, ginagamit natin ang ating 9.
_____________________at 10. ______________________ upang tiyakin sa loob ng
sapat na panahon ang ating pasya.
Gawain 4.2 Panuto: Sagutin ang Tanong at ipaliwanag ang iyong sagot.
Tanong:
Bakit mahalagang pag-isipang mabuti ang kilos na gagawin bago
gumawa ng pasya?
Rubrics sa Pagmamarka
Mga Batayan 5 3 2
Nilalaman Naipahayag nang tama at klaro ang opinyon
Hindi masyadong naipahayag ang opinyon
Malayo sa paksa ang opinyong ipinahayag
Organisasyon Mahusay ang
pagkasulat ng sagot at ang
pagkasunod-sunod ng mga
ideya.
Maayos ang
pagkasulat pero hindi masyadong
magkasunod-sunod ang mga
ideya.
Hindi maayos
ang pagkasulat ng sagot at di
klaro ang ideya.
Isagawa
Gawain 5; Plano mo; Gawin mo!
Panuto: Gamit ang larawan sa ibaba bumuo o magsulat nang mga Hakbang
na dapat mong isaalang-alang bago ka gumawa ng pasya. Maging
makatotohanan sa iyong itatala na hakbang, siguraduhing magagawa mo
ito sa totoong buhay. Gawing gabay ang rubriko sa isusulat.
Source:ESP 7 Modyul 14 Ang Kahalagahan ng Mabuting Pagpapasiya (slideshare.net)
11
Rubrics sa Pagmamarka
Mga Batayan Antas ng Pagmamarka
5 3 2
Nilalaman Ang hakbang na
isinulat ay tiyak,
naaabot at
angkop sa
kanilang edad.
Hindi masyadong
tiyak ang mga
hakbang na
isinulat at hindi
angkop sa
kanilang edad.
Malayo sa
paksa ang mga
hakbang na
isinulat.
Organisasyon Mahusay ang
pagkasulat at
pagkasunod-
sunod ng mga
ideya sa
pagninilay.
Maayos ang
pagkasulat pero
hindi masyadong
magkasunod-
sunod ang mga
ideya.
Hindi maayos
ang pagkasulat
ng sagot at di
klaro ang
pinagninilayan.
Tayahin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang
pinakaangkop na sagot at isulat ang titik sa inyong kuwaderno.
1. Ito ay isang proseso kung saan malinaw na nakikilala o nakikita ng isang
tao ang pagkakaiba ng mga bagay-bagay.
A. panahon B. isip at kilos loob C. mabuting pagpasya D. dilemma
2. Ano ang pinakamahalagang sangkap sa anumang proseso ng
pagpapasiya?
A. Isip B. panahon C. damdamin D. pagdarasal
3. Ito ay instrumento at gamit sa pagpapasya.
A. pera B. argumento C. isip at damdamin D. kaibigan
4.
Ano ang maingat na pasya ang gagawin mo dito?
A. Gagamitin ko ito para makapagtapos ng pag- aaral at maabot ang mga
pangarap.
B. Maikli lang ang buhay kaya gagamitin ko ito sa paglalakbay saan mang
sulok ng mundo at pagsasaya.
C. Itatago sa bangko para hindi masayang ang pera
D. Ibibigay ko sa mga nangangailangan
5.Napagtanto ko sa aralin 14 na mula ngayon,
_____________________________.
Halimbawa pinagmanahan ka ng magulang mo ng kayamanan sa kanilang
pagpanaw,
12
A. hihingiin ko palagi ang tulong ng magulang bago ako magdesisyon.
B. iiwasan ang panahon na ma stress sa paggawa ng pasya.
C. pag-iisipan ko nang maigi at titimbangin ang pagpipilian bago
magdesisyon.
D. sasangguni ako kay teacher kung naguluhan na sa gagawing pasya
6. Masasabi lamang na tunay na naging epektibo ang edukasyon sa
pagpapahalaga sa tahanan kung:
A. tunay na nabubuo ang magandang relasyon ng magulang at ng kanilang
mga anak
B. nasiguro ng magulang na ang lahat ng kanilang mga anak ay
matagumpay na naisasabuhay ang parehong halaga na kanilang itinuro
C. walang sino man sa kanilang mga anak ang hindi naisasabuhay ang
pagiging maingat sa kanilang mga paghuhusga
D. lahat ng nabanggit
7. Sa paanong paraan magagawang possible ang pagsasakatuparan ng mga
misyon ng pamilya?
A. Pagsasagawa nito nang may pagmamahal at malalim na
pananampalataya.
B. Pagtiyak ng pagsasagawa ng mga ito nang kolektibo at may bahagi ang
lahat ng kasapi ng pamilya.
C. Paghingi ng tulong sa ibang mga magulang na may mas malalim na
karanasan.
D. Pagtiyak na malinaw sa mga anak ang hirap sa pagharap sa hamon at
pagtulong ng mga ito upang ito ay maisakatuparan.
8. Bakit mahalagang maturuan ang mga anak na mamuhay nang simple?
A. Upang maisabuhay nila ang pagiging mapagpakumbaba.
B. Upang masanay sila na maging masaya at kuntento sa mga munting
biyaya.
C. Upang hindi sila lumaking hindi marunong magpahalaga sa perang
kanilang pinaghirapan.
D. Upang maisapuso ng mga anak na mas mahalaga ang tao sa kung ano
siya at hindi sa kung ano ang mayroon siya.
9. Ang pagtuturo ng simpleng pamumuhay sa mga anak ay maaaring
magbunga ng sumusunod na pagpapahalaga MALIBAN sa:
A. pagtanggap C. katarungan
B. pagmamahal D. pagtitimpi
10. Ano ang implikasyon ng pangungusap?
A. Ang pamilyang Pilipino sa ngayon ay hindi mapagbantay sa mga
karapatan at tungkulin nito.
“Dapat pag-ibayuhin ng bawat pamilya ang pangangalaga at pagbabantay sa mga
karapatan at tungkulin nito dahil maraming banta sa integridad ng pamilya sa
makabagong panahon.”
13
B. Kung ang kabutihan ng pamilya ay napangangalagaan, naitataguyod
at nabibigyang proteksiyon sa lipunan, ang bawat isa ay
magkakaroon ng pagkakataong lumaki at maging ganap na tao sa
pinakamabuting kapaligiran.
C. Ang mga pagbabago sa daigdig ngayon ang unti-unting sumisira sa
pamilya; hindi kailangang sumabay sa mga pagbabagong ito ang
pamilya.
D. Ang pamilya mismo ang nararapat na gumawa nito dahil
napapabayaan na ng pamahalaan ang pangangalaga sa mga
Karapatan nito.
Karagdagang Gawain
Pagsusulat ng pagninilay hinggil sa mga nais baguhin at paunlarin upang
sundin ang tamang paghuhusga o pasya.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Rubrics sa Pagmamarka
Mga Batayan 5 3 2
Nilalaman Naipahayag nan g tama at klaro
sa talata ang pagninilay.
Hindi masyadong naipahayag ng
klaro ang napagninilayan
Malayo sa paksa ang pagninilay
na ipinahayag sa talata.
Organisasyon Mahusay ang pagkasulat at
pagkasunod-sunod ng mga
ideya sa pagninilay.
Maayos ang pagkasulat pero
hindi masyadong magkasunod-
sunod ang mga ideya.
Hindi maayos ang pagkasulat
ng sagot at di klaro ang
pinagninilayan.
14
Sanggunian: Edukasyon sa Pagpapakatao 9 Modyul para sa Mag-aaral pp.100-124 Mula sa Internet: Mga larawan hinango sa
www.google.com
1. References: Flickr, (flight of the
conchords: http://www.listal.com/viewimage/435164), http://viewonbuddhism.org/gen
eral_symbols_buddhism.html, http://en.wikipedia.org/wiki/Dharmacakra
2. https://www.google.com/search?q=image+of+a+construction+worker&tbm=isch&v
ed=2ahUKEwisr_a8o6DtAhXeyIsBHWrKA0oQ2-
cCegQIABAA&oq=image+of+a+construction+worker&gs_lcp=CgN
3. https://www.google.com/search?q=image+of+FARMERS&tbm=isch&ved=2ahUK
EwjJos36pKDtAhUSD6YKHYTlBr4Q2-
cCegQIABAA&oq=image+of+FARMERS&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAg
4. https://www.google.com/search?q=image+of+manufacturing&tbm=isch&ved=2ah
UKEwjb7JjkraDtAhUBDpQKHZiTCD8Q2-
cCegQIABAA&oq=image+of+manufacturing&gs_lcp=CgNpbWcQAz
5. https://www.google.com/search?q=image+of+ict+man&tbm=isch&ved=2ahUKEwi
Y0faMrqDtAhUN3pQKHX-HCt8Q2-
cCegQIABAA&oq=image+of+ict&gs_lcp=CgNpbWcQARgAMgQIIxAn
Slideshare
6.https://www.slideshare.net/RoselleVelasco/esp-7-modyul-14-ang-kahalagahan-ng-
mabuting-pagpapasiya
www.clipart.com
https://www.google.com/search?q=clip+art+on+steps&rlz=1C1GCEA_enPH875PH8
75&sxsrf=ALeKk03OfDjVpfNJ5sW01ip0_f30vpyKVQ:1606426474140&source=lnms
&tbm=isch&sa=X&ved=
7.References: Flickr, (flight of the
conchords: http://www.listal.com/viewimage/435164), http://viewonbuddhism.org/gen
eral_symbols_buddhism.html, http://en.wikipedia.org/wiki/Dharmacakra
15
Mga Bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral
Manunulat: CHERYL MARIE R. QUEZADA, Ed.D.
Master Teacher- I
DIPLAHAN NHS, Zamboanga Sibugay Division
Tagasuri: GLOCEL P. DINGCONG
Teacher – II
Titay NHS, Zamboanga Sibugay Division
Mona Lisa M. Babiera, Ed.D
Education Program Supervisor
Editor/s: RUBY G. SIARZA, MPA
Teacher-III
Buug NHS, Zamboanga Sibugay Division
ROWENA D. QUIBOYEN, MAED
Master Teacher-II
Malagandis ES, Zamboanga Sibugay Division
Tagapamahala:
Evelyn F. Importante
OIC-CID Chief EPS
Aurelio A.Santisas
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Jerry C. Bokingkito
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Jeanelyn A. Aleman, CESO VI
OIC-Schools Division Superintendent