Pamanahong Papel 1

43
1 Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mga Kabataan SIKOLOHIKAL, EMOSYONAL, PISIKAL AT ESPIRITWAL NA EPEKTO NG MUSIKA SA MGA KABATAAN Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Kolehiyo ng Sining, Technological Institute of the Philippines Bilang pagtupad sa mga Pangangailangan ng Asignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik Nina: Miguel, Mark Vincent DLC. Digawan, John Mark C. Lomibao, Vanessa Jane B.

Transcript of Pamanahong Papel 1

1Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

SIKOLOHIKAL, EMOSYONAL, PISIKAL AT ESPIRITWAL NA EPEKTO NGMUSIKA

SA MGA KABATAAN

Isang Pamanahong Papel na Iniharap sa Kaguruan ng Kolehiyong Sining,

Technological Institute of the Philippines

Bilang pagtupad sa mga Pangangailangan ngAsignaturang Filipino 2, Pagbasa at Pagsulat

Tungo sa Pananaliksik

Nina:

Miguel, Mark Vincent DLC. Digawan, John MarkC.

Lomibao, Vanessa Jane B.

2Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Recto, Krizia Camele N.

Castro, Jerry M.

Marso 2012

Kabanata 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksyon

3Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Isa sa mga kinahihiligan ng mga mag-aaral ay ang

musika. Ang epekto ng musika sa mga kabataan na may edad 15-

19 ay may apat na dibisyon. Ito ay ang Sikolohikal,

Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na epekto. Sa kaalamang

ito, ang pag-aaral na gagawin ng mga mananaliksik ay

patungkol sa epekto ng musika, kasama ang mga dibisyon, sa

mga kabataan na nag –aaral sa Technological Institute of the

Philippines.

Sa panahon ngayon napakarami nang nagkalat na

makabagong paraan ng pagpapahayag ng damdamin gamit ang

musika. Bilang bahagi ng makabagong henerasyon, nais ng mga

mananaliksik na malaman kung ano na nga ba ang narating at

nais iparating ng modernisasyon sa larangan ng musika.

Ninanais ng mga mananaliksik na pag-aralan kung papaano

nakakaapekto ang musika sa gawain at pag-aaral ang mga

musika sa makabagong panahon.

4Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga upang malaman natin

ang epekto ng musika sa mga kabataan sa aspetong

Sikolohikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal. Maaaring

malaman sa pag-aaral na ito ang mga natatanging epekto ng

musika, mga dahilan kung bakit ito nangyayari at ang mga

posibleng solusyon sa mga positibo at negatibong epekto na

naidudulot nito.

Mahalaga rin sa mga mananaliksik at sa lipunan ang pag-

aaral na ito sapagkat maraming matututunan ang bawat

inibidwal sa gagawing pag-aaral na ito. Maaaring magamit ang

mga bagay na ito sa mga bagay na may kaugnayan sa paksa ng

mga mananaliksik o sa mga gagawin pang mga pag-aaral

patungkol sa musika.

Kailangan ang pag-aaral sa paksang ito sapagkat dito

maaaring matukoy ang mga sanhi o dahilan ng pagkakaroon ng

nasabing epekto ng musika sa mga nakakarinig at sa mga

gumagawa at nagpapahayag ng kani-kanilang sariling damdamin

gamit ang musika.

5Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Paglalahad ng Suliranin

Pangkalahatang Suliranin

Nilalayon ng pag-aaral na alamin ang Sikolohikal,

Emosyonal , Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mga

Kabataan.

Mga Tiyak na Layunin/Suliranin

1. Ano-ano ang mga sikolohikal na epekto ng musika sa

kabataan?

2. Ano-ano ang mga emosyonal na epekto ng musika sa mga

kabataan?

3. Ano-ano ang mga pisikal na epekto ng musika sa mga

kabataan?

6Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

4. Ano-ano ang mga espiritwal na epekto ng musika sa mga

kabataan?

5. Bakit mahalaga na malaman ang epekto ng musika sa mga

kabataan?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Naninwala ang kasalukuyang mga mananaliksik na ang pag-

aaral ay makapagbibigay ng mahahalang datos at impormasyon

upang makuha ang sikolohikal, emosyonal, pisikal at

espiritwal na epekto ng musika sa mga kabataan.

Sa mga mag-aaral – mabibigyan ng impormasyon ang mga

mag-aaral tungkol sa apat na epekto ng musika.

Sa mga magulang – makapagpapaalam ng mga epekto ng

musika sa kanilang mga anak.

7Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Sa mga susunod na mananaliksik – makapagbibigay ng mga

karagdagang kaalaman at impormasyon sa mga sikolohikal,

emosyonal, pisikal at espiritwal na epekto ng musika.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay para malaman ang sikolohikal,

emosyonal, pisikal at espiritwal na epekto ng musika sa mga

kabataan.

Ang mga respondente ng pag-aaral ay mga mag-aaral ng

Technological Institute of the Philippines na nasa labinlima

hanggang labing-siyam na taong gulang (15-19 years old).

Gagamitin sa pag-aaral na ito ang deskriptib-analitik.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

8Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng

mga mambabasa, minarapat na bigyan ng depinisyon ang mga

sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang

bawat isa sa pamanahong papel na ito:

Amplified Rock Music- malalakas na musika na maaaring

makapagdulot ng pagkasira ng pandinig.

Balm-like Effect- pagpapagaling na epekto na nagagawa ng musika.

Catholic Church- simbahan na binubuo ng mga Katoliko.

Christian Public Worship- paraan ng pagsamba ng mga Kristyano

gamit ang musika.

Cochlea- parte ng tainga na kung saan nadarama ang pagdinig.

Decibels- sukatan kung gaano kalakas o kahina ang tunog ng

isang bagay.

Emosyonal- mga bagay na tumutukoy sa emosyon o sa

nararamdaman.

9Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Espiritwal- mga bagay na may kinalaman sa mga relihiyosong

gawain.

Esteryotipiko- mga bagay na paulit-ulit ginagawa.

Liturhiya- seremonyang ginaganap sa isang simbahan.

Musika- paraan na kung saan naipaparating ng isang

indibidwal ang kanyang naiisip o nararamdaman

sa pamamagitan ng tunog o huning kanyang nabuo.

Pisikal- mga bagay ng patungkol sa pangangatawan.

Realismo- natural o tumutukoy sa mga bagay na totoo.

Rock-n-Roll- mga taong gumagamit ng bawal na gamut upang

maging masigla ang kanilang pagkanta.

Sikolohikal- mga bagay na tumutukoy sa utak ng tao o sa pag-

iisip.

10Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Kabanata 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Naglalaman ang kabanatang ito ng mga kaugnay na

literatura at pag-aaral upang mailahad ang pagkakatulad ng

mga ito sa gagawing pag-aaral.

Sa layuning maihanda ang mga sarili sa pag-aaral na

isasagawa, ang mga mananaliksik ay babasa ng iba’t ibang

aklat, mga artikulo na may kaugnayan sa pag-aaral na napili.

Tutunghay rin ang mga mananaliksik ng ibang babasahing

inaakalang makatutulong sa pananaliksik na gagawin.

11Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Mga Kaugnay na Literatura (Lokal)

Ayon sa aklat ni Rivadelo (1986), ang musika ay paraan

na kung saan ipinapakita ang ating nararamdaman na

kasiyahan, kalungkutan, pag-ibig sa bayan, pagsisisi at

papuri. Ito ay

tumutukoy din sa mahinahon, kalugud-lugod, nakagagaling na

musika at naaayon sa pagkakasunod-sunod at patuloy na

gumaganap hanggang sa katapusan.

Sa aklat nina Incerna at Corera (1963), ang Gregorian

Chant ay isang pangalang tumutukoy sa kasalukuyang uri ng

pasalitang musika na isinilang sa Catholic Church, tugtuging

binuo upang makumpleto ang parte/bahagi ng Christian Public

Worship o Liturhiya. Ang Gregorian ay isang kilalang

masining na uri ng tugtuging ipinapahayag.

12Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Ayon sa aklat ni Mojica (2004), ang kapangyarihan ng

musika sa nakapagpapagaling at nagbibigay-sigla na halos

lampas na sa ating pang-unawa.

Nasasaad naman sa artikulo ng Philippine Daily

Inquirer, sinabi ni Koo(2000) una, ang musika ay parehong

nakapagpapagaling at nakakapanabik. Ito rin ay nakaaapekto

sa pagtibok ng puso, paghinga, pagbilis ng pulso at kahit sa

temperatura ng katawan. Kaya nitong pabagalin ang takbo ng

utak.

Ayon naman sa Diwa Scholastic Press (2006) mahilig sa

awitin ang mga Pilipino. Anuman ang ating gawain, may

kaakibat itong awitin. Umaawit tayo upang maaliw ang sarili

at mapawi ang hirap sa maghapong gawain. Ang mga awiting ito

ay nagpapasalin-salin habang hinihimig o inaawit kapag

narinig hanggang sa ito’y lumaganap sa buong kapuluan. Kung

sino ang lumikha ng mga awitin ay hindi natin tiyak. Ang

tanging masasabi nayin ay mahusay silang mag-ugnay ng

magagandang salita, dahil nakagagawa sila ng himig habang

nagmamasid sa kanilang paligid.

13Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Ayon din sa aklat na ito (Diwa Scholastic Press,2006),

ang mga awit ay nabubuo mula sa sari-saring pangkaraniwang

karanasan ng bawat tao. Ang bawat musika ay may tiyak na

pangyayaring pinaghuhugutan ng karanasan kaya nalikha ang

mga letra nito.

Magandang suriin ang “pinanggalingan” ng mga letra na

ito sa pamamagitan ng pananaw na “Realismo” nama’y pagkiling

sa paglalarawan ng mga katotohanan sa lipunan ayon sa

kanyang kapaligiran.

Mga Kaugnay na Literatura (Banyaga)

14Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Ayon kay Chavez (1985) kapag ang mga tao ay nakikinig

sa isang bahagi ng musika siya ay patungo sa mental,

emosyonal, sikolohikal, ay intelekwal na proseso.

Ayon naman sa aklat ni Stravinsky (1947), na ang wika

ay walang magagawa upang mapalinaw ang sinasabi o

ipinahihiwatig ng musika sa kanyang kabuuan.

Sa aklat naman ni White (1988), madalas na ginagamit

ang musika upang mapaglingkuran ang layunin o paniniwala ng

kasamaan. Ngunit kung ito’y gagamitin sa tama, ito ay isang

napakagandang regalo mula sa Maykapal na ginawa upang

mapaunlad ang mga layunin nito at upang makapagbigay-sigla

at maitaas ang papuri sa Diyos.

Ayon din naman sa aklat ni Session(1950), ang totoong

tagapakinig na nakaiintindi ang nagdadala ng musika sa

kanyang kamalayan at nananatili sa kanyang imahinasyon para

sa kanyang sariling paggamit.

15Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Ayon naman kay Tsatalbasidis (2003), isang dating

tambolista ng rock and jazz band ang nagsabing: “ Bahagi ng

kanilang paniniwla ang paggamit ng mga bawal na gamot. Para

sa kanila, imposibleng maiwan nila o matigilan nila ang

paggamit ng alkohol, droga, sa pagtatago ng mga sikreto at

maging sa pakikipagtalik habang sila ay nasa industriya ng

Rock.”

Ayon parin kay Chavez (1985), labis na napanghahawakan

ng musika ang isipan ng isang tao na nagdidikta sa kanya

tungo sa pagkamalikhain, at malalim na pag-iisip na maaaring

makatulong sa kanyang malaking tagumpay.

Mga Kaugnay na Pag-aaral(Banyaga)

Sa ginawang pag-aaral nina Anderson et. Al. (1998) na

may pamagat na The Interactive Relation… mayroong balidong

dahilan upang mag-alala tungkol sa mapinsalang resulta ng

tugtugin. Isang pag-aaral ag kanilang pinakita na ang salita

16Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

ay maaaring maging pangunahing puna sa kanyang kilos o

gawain.

Sa ginawang pag-aaral nina Hallam at Godwin (2000) na

may pamagat na The Effect of Backgound Music… ang musika ay

wikang diretsong natatanggap ng ating kaluluwa. Pasalita,

ang isa sa maselang paraan ng pagpapahayag ng nararamdaman.

Nagpapadala ito ng karanasan,

layuning nakakapagbigay-sigla at lubos na nakaiimpluwensya

sa sensitibo at emosyonal na bahagi ng isang tao.

Sa pag-aaral naman ni Duckworth (1990) na may pamagat

na A Creative Approach… nagiging maliit ang pang-unawa ng

mga estudyante tungkol sa kanilang kakayanan sa mga ritmo at

tungkol sa kanilang abilidad sa pakikinig at pag-awit ng mga

tono at isaisip din na iyon ang mas angkop na tugtugin na

kinakailangan ng iyong aktibong partisipasyon.

Sa pag-aaral na ginawa nina Denora (2000) at Sloboda

(1999) natuklasan na ang musika ay nakakaimpluwensya sa

17Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

kalagayan ng isipan at isang eksena o tagpo. Nagagamit ito

sa ating pang-araw-araw na pamumuhay kasama na dito ang

pagmamaneho, mga gawaing bahay at maging ang pagpapahinga.

Sa ginawang pag-aaral nina North et al., (2000) na may

pamagat na The Importance… isa sa mga gawaing nais ng mga

kabataan ay ang pag-awit dahil sila nalilibang at

nasisiyahan.

Sa tisis nina Lawrence at Joyner (1991) na may pamagat

na The Effects… ang mataas na antas ng asal ng pagpapabaya,

pagpapakamatay, at magpahayag ng malawak na pagtanggap ng

karanasan ay higit na sinasang-ayunan ng esteriotipiko at

nagatibong pakikitungo hinggil sa kababaihan dahil sa

pakiking ng matitinding tugtugin.

18Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Mga Kaugnay na Pag-aaral(Lokal)

Ayon sa ginawang pag-aaral ni Diamante (2008) na may

pamagat na Attitude of Students… ang epekto ng musika ay

nakikita sa kabuuang pagkatao ng isang bata. Ang maagang

karanasan ng bata sa musika ay nakatutulong upang mahasa ang

kanilang pisikal, emosyonal, paraan ng pananalita, pang-

unawa, panlipunan at musikal na pag-unlad sa kabuuan. Isa sa

tungkulin ng musika ay ang magturo para sa kinabukasan ng

mga tagapakinig at gisingin sila sa kahalagahan nito. Ang

pagpapahalaga ng musika ay may tiyak na kilos upang mas

mahasa pa ang kanilang kaalaman.

Gayundin sa tisis ni Calacal(2010) na may pamagat na

Effects of Background Music… nakasaad na ang musika ay

nakakaapekto sa kalagayan ng isip ng isang tao. Ito ay

nagbibigay ng ‘balm-like effect” sa ating katawan na

nagdudulot upang muli itong buhayin, nakapagpapaluwag o

nakakapagpataas sa napakalalim na karanasan ng isang tao. Sa

19Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

nakababahalang isipan at lumiliit na tension, takot at

pagkabigo. Maaari nitong pagalingin ang sakit at magbigay ng

panibagong inspirasyon sa kanila. Maaari din nitong

mabawasan ang kahirapan o paghihirap ng buhay at gawin itong

mas mahalaga. At kaya din nitong lutasin ang lubos na

pagkadismaya.

Natuklasan naman sa pag-aaral ni Diamante (2008) na may

pamagat na Attitudes of Students… na ang pagiging malapit sa

malakas na ingay ay maaaring makapinsala ng ating maliliit

na buhok sa cochlea at humantong sa pansamantalang pagkasira

ng ating pandinig. Gayunpaman, kung patuloy itong ginagawa,

maaari itong humantong sa permanenteng pagkasira ng

pandinig. Ang Amplified Rock Music ay isang uri ng ingay

mula 110-130 decibels, ito ay

maaaring maging dahilan ng pagkasira ng pandinig pagkatapos

ng 3:75-30 minuto na pakikinig kada araw.

20Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Nabanggit naman ni Badulis (2002) na may pamagat na

Effects of Classical… ang musika ay nakatutulong sa proseso

ng layunin ang paggamit ng utak , kasama na dito ang

matematika at siyentipikong pag-iisip. Ang maaaring resulta

ay tumataas ang pagamit ng matematika. Tinatarget nito ang

isang particular na bahagi ng utak upang buhayin ang gamit

ng pansamantalang pangangatwiran, kung saan ito ay

mapapakinabangan sa matematikal na pg-iisip.

Ayon sa isang artikulo sa The Health and Lifestyle

Magazine (2006), isang bagong pag-aaral ang ipinakita na ang

mabagal na musika ay nagbibigay ng maluwag na epekto,

samantalang ang karagdagang paghina ng ritmo o indayog ng

musika at pagkalat o sirkulasyon ng taguktok sa mabuting

paraan. Ang resulta nito ay higit na nakatutulong para sa

mga taong mayroong kasanayan sa musika.

Ayon sa pag-aaral ni Mahinay (2005) na may pamagat na

The Effects of Music, napatunayan na isa ang mga mag-aaral

sa higit na nakikinabang sa musika dahil ito ay

21Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

nakapagbibigay-pansin, nakatutulong sa kanilang paggawa at

higit sa lahat ito ay nakakabawas ng pagkabagot.

Kabanata 3

DISENYO AT PAMAMARAAN N PANANALIKSIK

Ang kaganapan ng isang pag-aaral ay maisasakatuparan

lamang kung mayroong sapat na datos na mapagbabatayan.

Sinabi ni Good (2001) na ang layunin ng pananaliksik ay ang

katoohanan.

22Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Ang pananaliksik na ito ay naglalayong suriin ang

Sikolohikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng

Musika sa mga Kabataan.

Hindi magkakaroon ng kabuluhan ang isang pananaliksik

kung walang sapat na impormasyon at kaalaman ang mga

mananaliksik. Kung kaya ang mga pamamaraan at mga hakbang na

gagamitin sa pag-aaral ay maingat na isasagawa upang maging

makatuturan at makatotohananan ang magiging resulta ng

gawain.

Ang mga may-akda ay mangangalap ng mga datos sa

pamamagitan ng iba’t ibang pamaraang angkop sa kanilang

pananaliksik.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa ayon sa pamaraang

deskriptib-analitik na pananaliksik. Tatangkaing ilalarawan

23Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

at susuriin sa pag-aaral na ito ang Sikolohikal, Emosyonal,

Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mga Kabataan.

Mga Respondente

Ang mga pipiliing respondente sa pag-aaral na ito ay

ang mga mag-aaral ng Technological Institute of the

Philippines na hindi-kumulang sa isang daan na mag-aaral.

Pipiliin ang mga respondente sa kadahilanang sila ay mga

kabataang kakikitaan ng pagkahilig sa musika na pangunahing

dahilan ng pananaliksik na ito. Sila ay pipiliin sa

pamamaraang random.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa pamamagitan ng

pagsasarbey. Ang mga mananaliksik ay maghahanda ng isang

sarbey-kwestyoneyr na naglalayong makapangalap ng mga datos

upang masuri ang Sikolohikal, Emosyonal, Pisikal at

24Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Espiritwal na Epekto ng Musika sa mga Kabataan ng mga

respondente. Magsasagawa rin ng pangangalap ng mga impormasyon ang

mga mananaliksik sa iba’t ibang hanguan sa aklatan tulad ng

mga aklat, tisis at iba pa. Kukuha rin ang mga mananaliksik

ng ilang impormasyon sa internet.

Tritment ng mga Datos

Dahil ang pamanahong-papel na ito ay isang panimulang

pag-aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa

pagtatamo ng digri tulad ng tisis at disertasyon, walang

gagawing pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral

na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na

istatistikal na pamamaraan.

Bilang o dami lamang ng mga pipili sa bawat pagpipilian

ng bawat aytem sa kwestyoneyr ang aalamin ng mga

mananaliksik. Sumakatuwid, ang pag-tally at pagkuha ng

porsyento lamang ang kakailanganing gawin ng mga

mananaliksik. Dahil isang-daan(100) ang mga respondente,

magiging madali para sa mga mananaliksik ang pagkuha ng

porsyento dahil sa bawat dami ng kabilang ay awtomatikong

katumbas sa porsyento niyon.

25Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Pormula :

Bahagdan:

F x 100

N

Na kung saan:

F = Frequency

N = Resondente

100=Bilang ng Respondente

LISTAHAN NG SANGGUNIAN

Libro

Chavez, Carlo. 1985 . Musical thought . Massachussets .

Harvard University Press

26Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Duckworth, William . 1995 . A creative approach to music

Fundamentals:

Belmont,California.Wadsworth Publishing Company

Incerna, Pero & Corero, Jaime. 1963 . A course in Church

Music: Manila . The Marian center

publications

Session, Rogen. 1950 . the musical Experience of Composer .

performer Sloboda, J.A.S. 1999 .

Everyday uses of music Listening: a preliminary study .

( INSUK WON YI (ed) Music, mind,

and Science . Seoul: Western Music Institute

Mojica, Joel Zalavaria. 2004 . The Art of Singing: Extensive

vacal Therapy: Makati City . Sound

Publishing

Rivadelo, Rosita F. 1986 . Fundamentals of Music: Manila .

National bookstore, Inc.

27Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Stravinsky, Igor.1947 . Poetic of Music . Campbridge:

Harvard University Press

Strokes, M.1994 . Ethically, Identity & Music: The Musical

Construction of Place . Oxford Berg

Publisher

Tsatalbasidis, Karl. 2003 . Drums, rock, and Worship:

Rooseville CA: Amazing Facts, INC.

Wika at panitikan: Makati City . Diwa Learning

System, Inc. University Press of First asia

Villafuente, Patrocinio V., Cantal-Pagkalinawan, Leticia

&Sonajo, Benjamin, Jr. 2009 . Tanglaw sa

Wika at panitikan: Makati City . Diwa Learning System,

Inc. University Press of First asia

White, Ellen G. 1988 . The voice in Speed and song . Idaho .

Pasific Press Publishing Association

28Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Zillman, D. & Gan S. 1997 . Musikal taste in a adolescence .

( IN D.S. HARGREAVES & A.C.

NORTH (eas) The Social Psychology of Music : Oxford

University Press

Pahayagan

Koo, Grace Shangkuan. 2000 ., Marso . How music can Boost

Your Brain Powers . Philippine Daily

Inquirer

Magasin

Manicad, Ryan D.dec.1006-jan.2007 . health & lifestyle :

friendly alliances & media expression, inc.

29Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Tisis

Anderson, K.B., Anderson, C.A., Dill, K.E. & Deusen, W.E.

1998 . The interactive

relations between trait hostility, pain, and

aggressive thoughts . Aggressive Behavoir . 24 .

161-171

Badulis, Emmanuel B. 2002 . Effects of Classical Music on

Statistics Achievement of the

Philippines  

Calacal, Felipa M. 2001 . Effects of Background Music on

Mathematics Achievement: Nalathalang

Tisis Mariano Marcos State University . Laoag City 

Denora T.. 2000 . Music in Everyday Life .

Campbridge .Nalathalang Tisis. Campbridge University

Diamante, Ermilin. 2008 . Attitude of Students Toward

Various Types of Music and Their musical

30Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Involvement:Nalathalang Tisis. Adventist University

of the Philippines

Hallam, Susan & Godwin C. 2000 . The effect of background

music primary school pupils

performance on a writing task . paper presented at the

annual conference of the british educational research

Ass.Nalathalang Tisis. University of Wales.

Lawrence, S. & Joyner, D.J. 1991 . The effects of sexually

violent rock music on males acceptance

of violence agains women . Psychology of women

Quarterly, 15, 49-63

Mahinay, Kirt. 2005 . The Effects of Music with Violent on

Aggressive Thoughts & Feeling .

.Nalathalang Tisis. Adventist University of the

Philippine .

31Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

North, A.C., Harguaves, D.J. & O’Neill, S.A. 2000 . The

importance of Music to adolescenes .

Nalathalang Tisis.British journal of educational

phsychology

Elektroniko

What is a Hymn? . http:// www.smithcreekmusic

.com/Hymnology/what.is.a.hymn/what.is.a.hymn.html

32Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

APENDIKS A

TALATANUNGAN SA MGA RESPONDENTE

Mahal naming Respondente:

Maalab na Pagbati!

Kami ay mag-aaral na may asignaturang Filipino 2,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik na kasalukuyang

nagsasagawa ng isang pananaliksik hinggil sa Sikolohikal,

Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mga

Kabataan.

Kaugnay nito, kami ay naghanda ng isang kwestyoneyr

upang makapangalap ng mga datos na kakailanganin namin sa

aming pananaliksik.

Mangyaring sagutan nang buong katapatan ang mga

sumusunod na aytem. Tinitiyak po naming konpidensyal na

impormasyon ang inyong mga kasagutan.

33Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

I. Batayang Impormasyon

Pangalan (Opsyonal):_______________________________KasarianEdad: ___________ Babae

Lalaki

II. Mga Katanungan

1. Ano-ano ang mga Sikolohikal na epekto ng musika sa mga Kabataan?

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang iyong pagsang-ayon sa mga sumusunod

5 – Higit na sumasang-ayon

4 – Lubos na sumasang-ayon

3 – Sumasang-ayon

2 – Bahagyang Sumasang-ayon

1 – Hindi sumasang-ayon

Mga Sikolohikal na Epekto ngMusika sa mga Kabataan

5 4 3 2 1

1.Marahas2.Nagpapakalma3.Depresyon4.Nagbibigay Kaginhawaan5.Nagpapasigla

34Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

2. Ano-ano ang mga Emosyonal na epekto ng musika sa mga Kabataan?

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang iyong pagsang-ayon sa mga sumusunod

5 – Higit na sumasang-ayon

4 – Lubos na sumasang-ayon

3 – Sumasang-ayon

2 – Bahagyang Sumasang-ayon

1 – Hindi sumasang-ayon

Mga Emosyonal na Epekto ngMusika sa mga Kabataan

5 4 3 2 1

1.Nakapagpapasaya2.nakapagpapaginhawa3.Nakapagpapalungkot 4.Nakapagpapasigla5.Nagbibigay Enerhiya

3. Ano-ano ang mga Pisikal na epekto ng musika sa mga Kabataan?

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang iyong pagsang-ayon sa mga sumusunod

5 – Higit na sumasang-ayon

35Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

4 – Lubos na sumasang-ayon

3 – Sumasang-ayon

2 – Bahagyang Sumasang-ayon

1 – Hindi sumasang-ayon

Mga Pisikal na Epekto ng Musikasa mga Kabataan

5 4 3 2 1

1. Kalusugan2. Pag-aaral3. Pagsasalita4. Pakikinig5. Pagbabasa

4. Ano-ano ang mga Espiritwal na epekto ng musika sa mga Kabataan?

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang iyong pagsang-ayon sa mga sumusunod

5 – Higit na sumasang-ayon

4 – Lubos na sumasang-ayon

3 – Sumasang-ayon

2 – Bahagyang Sumasang-ayon

1 – Hindi sumasang-ayon

Mga Espiritwal na Epekto ngMusika sa mga Kabataan

5 4 3 2 1

1.Paggawa ng mabuti2.Paggawa ng masama3.Espiiritual na Kaligayahan4.Nagbibigay ng Espiritwal na

36Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

sigla5.Espiritwal na Kalungkutan

Kurikulum Bitey

Pangalan: Castro, Jerry M.

Kapanganakan: September 4, 1994

Palayaw: Jerry

Tirahan: #001 Victory Hills, Fortune, Marikina City

Mga Paaralang Pinag-aralan

Paaralan Taon Karangalan

Concepcion Elementary School 1999-2005

Marikina High School 2006-2010

Technological Institute of the

37Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Philippines 2011-present

Mga Organisasyon/Samahan:

PICE

Kurikulum Bitey

Pangalan: Recto, Krizia Cemele N.

Kapanganakan: September 25, 1994

Palayaw: Camele

Tirahan: 1812 Sitio Inuman, Brgy. Inarawan, Antipolo City, Rizal

Mga Paaralang Pinag-aralan

Paaralan Taon Karangalan

38Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Inuman Elementay School 2001-2007 Gr.VI- Top 3

in EPP

Contest

-Top 6

East Manila Integrated School 2007-2011 First Year-Top

8

Second Year- Top 16

Third Year- Top 13

Fourth Year- Top 10

Technological Institute of the

Philippines 2011-present

Mga Organisasyon/Samahan:

HSSS

Kurikulum Bitey

39Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Pangalan: Digawan, John Mark C.

Kapanganakan: August 22, 1995

Palayaw: Jan-jan

Tirahan: Block 2 Lot 1 Orchard of Maia Alta, Bgry. Dalig, Antipolo City, Rizal

Mga Paaralang Pinag-aralan

Paaralan Taon Karangalan

Luhong Elementary School 2001-2007Salutatorian

Matalam National High School 2007-2011Salutatorian

Technological Institute of the

Philippines 2011-present

40Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Mga Organisasyon/Samahan:

PICE

Kurikulum Bitey

Pangalan: Lomibao, Vanessa Jane B.

Kapanganakan: January 5, 1994

Palayaw: Vane

Tirahan: Block 8 Lot 12, Nazarene Ville Ph III, Don Enrique,Brgy. San Roque, Antipolo City, Rizal

Mga Paaralang Pinag-aralan

Paaralan Taon Karangalan

Antipolo Immaculate

41Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Conception School 2000-2006

Gr.1-Gr.3 (Top

2)

Unciano Colleges, Inc 2006-2011

First Year-

14th

Honorable

Mention

Second Yr- 1st

Honors

Third Yr- 1st

Honors

Valedictorian

Mga Organisasyon/Samahan:

PICE

Kurikulum Bitey

42Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

Pangalan: Miguel, Mark Vincent DLC.

Kapanganakan: May 23, 1994

Palayaw: Ven

Tirahan: 129 Sitio Dalisay Brgy. San Isidro Antipolo City

Mga Paaralang Pinag-aralan

Paaralan Taon Karangalan

Juan Sumulong Elementary School 2001-2007

San Isidro National High School 2007-2011

Technological Institute of the

Philippines 2011-present

Mga Organisasyon/Samahan:

43Sikolihikal, Emosyonal, Pisikal at Espiritwal na Epekto ng Musika sa mgaKabataan

PICE