1 PAGWAWASTO AT PAG-UULO NG BALITA

54

Transcript of 1 PAGWAWASTO AT PAG-UULO NG BALITA

Pagwawasto ng Kopya, Sipi o

Orihinal(Copyreading)

Ang pagwawasto ng sipi at pag-uulo ng balita ay gawain ng isang espesyalistang editor upang lalong mapabuti at mapaganda ang istorya at maging karapat-dapat na magkaroon ng espasyo sa pahayagan.

MGA GAWAIN NG EDITOR SA

PAGWAWASTO NG KOPYA

1. Tiyaking tumpak ang mga datos sa artikulo

2. Ang akdang ililimbag ay may wastong gramatika at pagbabaybay ng mga salita.

3. Magwasto ng kamalian ng mga datos batay sa kahalagahan nito.

4. Tinitiyak nito kung mabisa ang pamatnubay na ginagamit sa akda.

5. Pumutol o magkaltas ng di- mahalagang datos.

6. Mag-alis ng mga salitang nagsasaad ng opinyon kung ang winawasto ay balita.

6. Mag-alis ng mga salitang nagsasaad ng opinyon kung ang winawasto ay balia.7. Magpalit ng mga salitang walang kabuluhan tulad ng bangkay na di humuhinga, hawak ng kamay, pasan sa balikat at iba pa.8. Magpalit ng mga saitang mahirap maunawaan ng karamihang mambabasa.

9. Sinunsunod nito ang istilo ng

pahayagan.10.Tinitiyak nitong malaya sa anumang libelong pamamahayag

ang akda.11.Tinitingnan nitong ang akda ay

may mabisang istilo at ulo.

12.Sumuusulat ng ulo ng balita at nagpapasya sa tipograpiya nito.

13.Magbigay ng tagubilin sa tagapaglimbag ukol sa laki at tipong gagamitin, kolum at iba pang ems.

MGA DAPAT TANDAAN SA

PAGHAHANDA NG KOPYA

1. Makinilyahin ang kopya sa doble at tripleng espasyong 8½ at 11 pulgadang papel. Ito ay upang masulatan ng mga pagwawasto at pagbabago ng kopya.

2. Sa itaas ng kaliwang sulok ng papel, mga isang pulgada lamang sa pinakaitaas, isulat ang pangalan at gabay o slug. Ang slug ay karaniwang isa o dalawang salitang kumakatawan sa pinakanilalaman ng balita. Halimbawa, lindol para sa balita tungkol sa lindol na tumama sa Davao at DAP para sa balitang tungkol sa listahan ng mga miyembro ng DAP.

3. Simulan ang pagsulat ng istorya mga tatlo hanggang apat na pulgada mula sa pinakaitaas ng pahinaat maglagay ng isang pulgadang palugit sa kaliwa at kanang bahagi ng papel. Ang malaking palugit sa itaas ay para sa tagubilin para sa typesetter at sa ulo ng balita. Ang isang pulgadang palugit sa bawat gilid ng papel ay upang matantiya ang kahabaan ng istorya. Ang apat na makinilyadong linya ay katumbas ng isang pulgadang makinilyadong kolum na laki sa pahayagan.

4. Lagyan ng lima hanggang 10 espasyong palugit sa simula ng bawat talata.

5. Wakasan ang bawat pahina sa talata. Huwag putulin ang talata at ituloy sa kasunod na pahina. Ang dahilan nito ay maaaring mapunta sa ibang istorya ang karugtong ng talata.

6. Kung ang istorya ay sobra sa isang pahina, sulatan ng “pa” sa ibaba at ituloy ang istorya sa ikalawang papel. Huwag gamitin ang likuran ang pahina.

7. Sa halip na sulatan ang ikalawang pahina, labelan ito ng Unang dagdag o Dagdag isa at susundan ng slug. Halimbawa, Unang dagdag, Lindol.

8. Lagyan ng markang binilugang dobleng krus o sharp o binilugang bilang na ang wakas ng istorya bilang panapos.

9. Matapos makompleto ang istorya, iwastong mabuti sa pamamagitan ng lapis ang mga mali. Gamitin ang mga pananda sa pagwawasto ng sipi.

10.Kung hindi gaanong mabasa ang kopya dahil sa maraming pananda at dagdag, imakinalyang muli kung mayroon pang panahon. Ang maruming kopya ay mahirap iwasto, nagpapatanggal sa typesetting at maaaring magbunga ng mga kamalian sa pag-imprenta ng teksto.

# 30

MGA KATANGIAN NG MABISANG EDITOR SA

PAGWAWASTO NG KOPYA

Malawak na kaaalaman sa wika.Mahusay sa gramatika at pagbaybay.

Malawak ang kaalaman sa talasalitaan.

Mahilig magbasa.Maraming alam sa pangkalahatan at kasalukuyang impormayon.

Alam ang mga batas tungkol sa libelo.

Kabisado ang mga pananda sa pagwawasto ng sipi.

Metikuloso.

MGA URI NG ULO NG BALITA

1. Banner- ang ulo ng pinakamahalagang balita na may pinakamalaking titik at pinakamaitim na tipo at matatagpuan sa pangmukhang pahina.

2. Streamer- ang ulo ng balita na tumatawid sa kabuuan ng pangmukhang pahina.

3. Binder- ito ang ulo ng balita na tumatawid sa itaas ng panloob na pahina.

4. Payong- ang tawag sa isang streamer na matatagpuan sa itaas ng pangalan ng pahayagan.

5. Kubyerta- ito ang bahagi ng banner na nagtataglay ng maliliit na titik at naiibang tipo kaysa sa unang tipo.

6. Subhead- ang tawag sa pantulong na pamagat na ginagamit upang mabigyan ng espasyo ang mahabang istorya.

7. Kicker, tagline o teaser- ito ay isang maikling linya na inilagay sa kaliwa o sentrong itaas ng pinakaulo ng balita. May maliit na tipo at may salungguhit.

8. Hammer- ang tawag kung ang kicker o tagline ay mas malaki kaysa sa ulo ng balita.

9. Nakakahong ulo o box head- ginagamit ito upang mabigyang-diin ang kahalagahan ng balita o maaari ring gawing panghiwalay sa dalawang magkalinyang ulo ng balita o tombstone heads.

10.Talong ulo o jump head- ang tawag sa ulo ng karugtong na istoryang hindi natapos sa pahinang kinalimbagan dahil sa kakapusan ng espasyo.

MGA ANYO NG ULO NG BALITA

1. Pantay-kaliwa- ito ay binubuo ng dalawa o mahigit pang linyang pantay ang pagkakahanay ng unang titik sa kaliwa.

Halimbawa: 20 miyembro ng Tau Gamma

kinasuhan na

2. Pantay-kanan- ito ay binubuo ng dalawa o mahigit pang linyang pantay ang pagkakahanay ng mga hulihang titik sa kanan.

Halimbawa: 4 mangingisdang Pinoy iniligtas

ng Chinese ship sa Palawan

3. Dropline- binubuo ito ng dalawa o mahigit pang linya na ang mga kasunod na linya ay may palugit sa bawat linyang sinundan.

Halimbawa: Algieri wala pang desisyon

kung lalabanan si Pacquiao

4. Hanging indention- binubuo ito ng mahigit dalawang linya kung saan ang mga kasunod sa unang linya ay may pantay na palugit.

Halimbawa: Ex-Makati Vice Mayor

pinagbabayad ng P1-M

VP Binay wagi sa kaso

5. Baligtad na piramide- ito ay binubuo ng dalawa o higit pang linyag iniayos na parang piramide.

Halimbawa:

CIDG pinabulaanan ang 'suicide'

ni Deniece Cornejo

6. Crossline o barline- ito ay iang linyang ulo ng balita na maaaring sumakop ng dalawa o tatlong kolum.

Halimbawa: Global award ng WB, ipinangalan sa Pinoy

7. Flushline o full line- binubuo ito ng dalawa o mahigit pang magkasinghabang linyang pantay sa kanan o kaliwa.

Halimbawa:Pamamaril sa dating PTA

chief, kinondena ni VP

Jejomar Binay

MGA PANANDA SA PAGWAWASTO NG

KOPYA

@Lahat ng maliliit na titik ( maliban sa j, I, l, t, f , at m,w)- 1 yunit @maliliit na titik na j, I, l, t, f ------------------------------------1/2 yunit @m at w -------------------------------------------------------------1½ yunit @lahat ng malalaking titik ( maliban sa J I L T F M W )--------1½ yunit @J I L T F--------------------------------------------------------------1 yunit @M at W ----------------------------------------------------2 yunit@ lahat ng bantas (maliban sa gatlang, tandang pananong,simbolo ng piso, dolyar at bahagdan -----------1/2 yunit@gatlang, tandang pananong, simbolo ng piso, dolyar at bahagdan ---------------------------------------------------------1 yunit 

@lahat ng tambilang mula 0 hanggang 9 ( maliban sa 1 ) ---------------------1 yunit @tambilang na 1 ------------------½ yunit @lahat ng ispasyo -----------------1 yunit@Espasyo----------------------------1 yunit

Mga Dapat Tandaan sa Pag-uulo ng

Balita

1. Basahin ang istorya upang makuha ang pangkalahatang kaisipan.2. Kunin ang mahahalagang salita upang gawing batayan sa pag- uulo.3. Ang mga salitang gagamitin sa pag-uulo ay karaniwang nasa patnubay.

4. Gamitin ang pinakaikling mga salita sa pag-uulo.5. Gamitin lamang ang tuldok – padamdam kung kinakailangan.

7. Iwasan ang nagbanggaang ulo o dalawang ulo ng

balitang magkalinya at may magkasinlaking tipo.8. Huwag maglagay ng tuldok sa katapusan ng ulo ng balita.

9. Lagyan ng simuno at pandiwa ang ulo ng balita. Simulan ito sa simuno at huwag sa pandiwa.10. Maglagay ng kuwit sa dulo

ng simuno bilang pamalit sa ay.

11. Huwag gumamit ng mga pantukoy sa panimula.12. Huwag paghiwalayin ang mga tambalan o mga salitang magkaugnay.13. Gamitan ang kuwit, bilang pamalit sa at.14. Kung gagamit ng tahasang sabi bilang ulo, lagyan ng isang panipi lamang.Ngunit kung ang pinagkunan nito ay ibinigay, huwag nang lagyan ng panipi. Lagyan na lamang ng gatlang ang huling titik ng ulo at ibigay ang apelyido o dinaglat na pangalan ng kilalang taong nagsabi.15. Ang unang titik lamang ng ulo at ng mga tanging pangalan ang ilimbag sa malaking titik.

16. Gamitin lamang ang mga

kilalang daglat tulad

halimbawa ng RP para sa

Republika ng Pilipinas,Pnoy

para kay Pres. Aquino at iba pa.

17. Huwag magtapos

sa pang-angkop, pantukoy o pang- ugnay sa dulo ng unang linya.

18. Huwag bumanggit ng pangalan maliban kung tao ay kilala.19. Iwasan ang opinyon sa ulo ng balita.20. Iwasan ang masaklaw na pagpapahayag.

21. Iwasan ang paggamit ng negatibong pandiwa.22. Gumamit ng mabisa at makatawag-pansing pandiwa.23. Iwasan ang paghihiwalay ng pang-ukol sa layon nito.

Panuntunan sa ACRONYM *Ang ACRONYM ang salitang binubuo mula sa unang titik o pantig ng ibang mga salita. Mga Dapat Tandaan:

* Kapag ang acronym ay binubuo lamang ng dalawa hanggang apat na titik tulad ng WHO para sa WORLD Health Organization at MILF para sa Moro Islamic Liberation Front.

ng Asean para sa Association of Southeast Asian Nation at Unicef para sa United Nations International Children’s Emergency Fund.*Kung pantigan ang ginawang pagbubuo ng acronym, unang titik lamang ng pantig ang nasa malaking titik tulad ng Dep.Ed para sa Department of Education at GenSan pra sa General Santos.

Pamamaraan sa Pagsulat ng Ulo

*Pagkatapos makabuo ng ideya para sa ulo ng balita, ang kasunod na hakbang na gagawin ng editor ng kopya kung paano ito pagkasyahin sa nakalaang espasyo sa pahina.*Upang maisagwa ito ito, kailangan magbigay ng tagubilin sa tagapag-anyo kung anong tipo ng pagkasulat ang ilalapat sa teksto at kung paano ito isasaayos sa pahina.

Hal. 3-20TNRBAng unang bilang na 3 ay para sa uo ng balita ng balita na pagkasyahin sa tatlong kolum sa pahina. Ang bilang na 20 ay ang laki ng tipo ng titik na gagamitin. Ang TNR naman ay para sa Times New Roman, ang tipo ng titik na gagamitin ay B na nangangahugang bold o maitim na tipo ng titik.*Ang dalawang linya sa ibaba ay tumutukoy sa bilang ng dek o linya ng ulo ng balita kung lalagyan ng kiker o panimulang ulo ang balita,

Lalagyan lamang ng bar pagkatapos ng B at ilagay ang salitang kiker.

Hal. 3-20 TNRB/Kiker

*Ang pampaaralang pahayagang tabloid na may sukat na 12” x 8” ay magtataglay ng limang kolum na ang bawat sukat ay 12 ems o dalawang pulgada.

1 2 3 4 5 6

14 point 22 45

18 point 18 35 52

24 point 13 27 40 43

30 point 11 21 33 47 55

36 point 9 18 27 35 44 5348 point 7 14 20 27 34 4160 point 5 11 17 22 27 3372 point 4 9 13 18 22 26

Bilang ng Font:Point Sizes: 

*36 Point Size*5 columns

BalitaAlsheimers

p.1MNAS

8-13-2014

3-18 TNRB

Kroslayn

TextoArial bold

11pts-dead

10 pts-body2kol

Panuto para sa UloAng panuto ang para sa ulo ang isa sa pinakamahalaga sa pagdebuho ng isang pahina. Natutukoy sa ayos ng ulo ang kahalagahn ng artikulo lalo na sa balita. Kung mapapansin natin karaniwang nakasulat sa malaki at makapal na titik ang pinakamabigat na balita sa pahayagan.

*uri ng ‘font’*Laki ng ‘font’

*Dami ng linya*Bilang ng

kolum*anyo ng

Pagkakasulat

Ulo

TNRB

18 pts

2 linya

4 kol

Kroslyn

*uri ng artikulo *(Unang salita ng ulo)…*Pahinang Paglalagyan ng

artikulo*Pangalan ng nagwawasto*Petsa ng pagwawasto

Bukod sa panuto sa ulo, matukoy rin ang kahalagahan ng artikulo sa pamamagitan ng slugline. Isinusulat ito ng tagawasto katapat sa panuto sa ulo na nasa kaliwang bahagi ng orihinal na artikulo.

BalitaAlsheimers

p.1MNAS

8-13-2014

Panuto para sa teksto*ang panuto para sa teksto ay naglalaman ng mga direksyon gagamitin ng tagapaglimbag upang mailapat ang artkulo sa pahayagan.

*uri no ‘font’-Lead*Uri ng font-body

*Laki ng ‘font’-Lead*Laki ng font-body*Bilang ng kolum

TekstoArial Bold-

LeadArial-Body

11 pts –Lead10 pts. body

2 kol