1
KABANATA I
ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO
Panimula
Sa araw-araw, iba’t-ibang klase ng balita ang ating hinahanap at inaalam.
Karaniwang hinahanap natin ang balitang nauukol sa ating interes at pangangailangan.
Napakarami na nating mapagkukunan nito, halimbawa nito ay ang dyaryo, radyo,
telebisyon, internet at social media. Mahalaga na alam ng bawat isa ang mga napapanahong
pangyayari sa ating kapaligiran, tulad ng di magandang lagay ng panahon, upang sa gayon
ay maaari tayong makapaghanda at maiwasan ang higit na kasakunaan.
Napakarami ng sakunang naganap sa Pilipinas na lubhang nakasira sa di masukat na
halaga ng ari-arian at kumitil sa napakaraming buhay. Mula pa noon ay napakarami ng
nagawang libro at babasahin tungkol sa pagpaplano, paghahanda at muling pagbangon at
paglaban sa mapangwasak na puwersa ng mga sakuna. Mayroon na tayo ngayong di
mabilang na sanggunian tungkol sa kaalamang pangkaligtasan na nakalathala sa mga
babasahin pati na sa internet o online. Subalit kahit sa mga pagunlad na ito, mukhang
marami pa ring dapat na matutunan para mapabuti ang ating pamumuhay dahil tuloy-tuloy
pa rin ang pagdating ng marami pang sakuna.
2
Mahalagang malaman ito ng mga estudyante ng kursong Engineering dahil ang
kahandaan sa pagdating ng sakuna ay napakakritikal ngunit marami pa rin ang pumipili na
maging di-handa. Hangad lamang ng mananaliksik na ito na magkaroon ng interes ang mga
estudyante na pag-aralan at bigyang pansin ang mga kaalamang pangkaligtasan at survival
kit gayon din ang pagkuha ng mahahalagang kaalaman tungkol sa mga nangyayari sa
paligid nila. Nais ng mananaliksik na ito, na maipakita ang kahalagahan ng pagiging
maalam sa balita sa kahit anong klase ng teknolohiya na available sa kanya, dyaryo,
telebisyon o internet man. Ipinapakita ng pananaliksik na ito, na ang pagiging maalam sa
kapaligiran at pagkakaroon ng kahadaan at kagamitang pangkaligtasan (Survival Kit) ay
dapat na makaugalian ng isang mag-aaral.
Paglalahad Ng Suliranin
Di tulad sa mga mauunlad na bansa, hindi prioridad dito sa Pilipinas ang
pagkakaroon ng Survival Kit sa lahat ng lugar. Walang ispesyal na pagaaral at pagtuturo
para dito sa ating mga paaralan, kung mayroon man ay bibihira lamang at hindi lubos ang
pansin na ibinibigay dito. Umaasa lang din tayo sa mga sanggunian na gawa ng ibang
bansa at umaangkat ng mga kagamitan dahil wala tayong kakayahang makagawa ng
pansarili at nakabatay ng husto sa pangangailangan natin.
Sa pamanahong papel na ito, nais ng mananaliksik na magbigay linaw sa
persepsyon at pagpapahalaga ng mga magaaral sa mga kaalaman at kagamitang
pangkaligtasan nang sa gayon ay maging daan ito upang matuklasan at malaman ng mga
3
mag-aaral mula sa kursong Engineering ng Baliuag University, taong 2014-2015 ang mga
hakbanging dapat nilang gawin tungo sa mas ligtas na pamumuhay.
Ito rin ay naglalayong masagot ang mga sumusunod na katanungan:
1. May nakkikita bang pagpapahalaga sa kaalaman at kagamitang pangkaligtasan ang
mga mag-aaral mula sa pamahalaan, paaralan, kapamilya, kasamahan o kaibigan?
2. May interes ba ang mga magaaral sa mga kaalamang pangkaligtasan at sa
pagkakaroon ng kagamitang pangkaligtasan (Survival Kit)?
3. Nakakakuha ba sa paaralan ng lubos na kaalamang pangkaligtasan ang mga mag-
aaral?
Layunin Ng Pag-Aaral
Pangunahing layunin ng pananaliksik na ito, ay alamin kung gaano kalawak ang
kaalaman ng mga magaaral tungkol sa mga sakuna at mga dapat gawin dito. Higit sa lahat
ay kung mayroon ba silang ideya at pagpapahalaga sa pagkakaroon ng survival kit. Gayon
din kung may interes silang alamin ang mga kaalaman tungkol sa mga ito na makatutulong
sa pangaraw-araw na buhay, at nang mapagtimbang ito ng mga estudyante na maaaring
makatulong sa kursong kanilang pinag-aaralan.
Sinikap na mabigyang kasagutan ng pananaliksik na ito ang mga sumusunod na tanong:
4
1. Ilang bahagdan ng mga estudyante ang may wastong kaalaman at kahandaan sa
mga sakunang maaaring mangyari at ilang bahagdan naman ang nagsasabing mas
hindi sapat ang kanilang kaalaman at kahandaa?
2. Ilang bahagdan ng mga estudyante ang walang interes sa paksang ito?
3. Ano ang mga uri ng sakuna at kung anu-ano ang mga dapat malaman tungkol sa ga
sakuna?
4. Anu ano ang mga dapat ihandang survival kit?
Kahalagahan Ng Pag-Aaral
Ang pag-aaral na ito ay mkakatulong sa mga sumusunod:
Mag-aaral. Mamumulat ang mga mag-aaral sa wastong paggamit ng oras at
panahon sa pag-alam ng mga kaalamang pangkaligtasan na maaaring makapagligtas sa
kanila at sa mga mahal nila sa panahon ng sakuna.
Guro. Upang mai-ambag sa napakalawak na kaalaman ng mga guro ang mga
resulta, datos at kaalaman na maibabahagi ng pananaliksik na ito na maaari nilang magamit
sa kanilang mga aralin.
Mga Magulang. Upang magkaroon ng magandang samahan at pagkakabuklod ang
mga magulang at mga anak, dahil makikita nila ang sa pagkakaroon ng pagpapahalaga sa
isa’t isa sa pamamagitan ng ganap na pakikialam sa mga kaalamang makakapagligtas at
mangangalaga sa isa’t isa.
5
Upang sa pagkakaroon ng mga mag-aaral ng interes sa kaalamang pangkaligtasan
ay magkakaroon din ng kapanatagan ang mga magulang na kahit saan man mapunta ang
mga anak ay may baon silang kaalaman at dunong upang mapanatiling ligtas ang sarili sa
harap ng sakuna.
Saklaw At Limitasyon ng Pag-aaral
Sinasaklaw ng pananaliksik na ito, ang pagsusuri kung may pagpapahalaga ba ang
mga magaaral sa mga kaalamang pangkaligtasan lalo’t higit sa pagkakaroon ng kagamitang
pangkaligtasan (Survival Kit). Gayon din kung may nararamdaman silang pagpapahalaga
sa mga kaalamana at kagamitang pangkaligtasan mula sektor ng pamahalaan, paaralan o
pamilya. Ang mga palagay ng mga estudyante kung nakakakuha ba sila sa paaralan ng
lubos na kaalamang pangkaligtasan at ay isa sa mga tatalakayin sa pananaliksik na ito.
Ang sulating ito ay magbibigay diin sa pagmumungkahi na magkaroon tayo ng
bukas at mapanuring isipan tungkol sa pagpapalawak ng ating kaalamang pangkaligtasan
lalo na sa pagkakaroon ng sari-sariling survival kit.
Susubukan suriin at ilahad ng sulating ito ang mga kinalaman ng kapaligiran,
kasanayan at kaisipan ng mga Pilipino tungkol sa mga kaalamang pangkaligtasan at
survival kit.
6
Isinasaalang-alang lamang dito ang opinyon ng mga estudyante ng kursong
Engineering na nasa ika-2 at ika-3 taong antas sa loob ng pribadong paaralang Baliuag
University ng akademikong taon 2013-2014.
Hanggang dito lamang ang saklaw ng pananaliksik na ito at hindi na masyadong
palalawakin pa.
Ang impormasyong nakalap ay ginamitan ng talatanungan, at pinagtibay ng mga
impormasyon na nakalap sa internet, aklatan, mga artikulong may relasyon sa paksang
tinatalakay, at ilang kaugnay na pamanahunang papel upang masuportahan ang mga
nakolektang datos.
Naniniwala ang mananaliksik na angkop at tunay na napapanahon ang
suliraning ito. Mainam na makaroon ng ganitong klaseng pag-aaral upang mapunan at
malaman ang sagot sa suliraning nararanasan sa kasalukuyan.
Batayang Teyoretikal ng Pag-aaral
Ang conceptong sakuna ay ang seryosong pagkaantala ng mga normal na takbo ng
komunidad o lipunan, at nagdudulot ng malawakang pagkasira ng buhay ng mga tao,
materyal, ekonomiya at kapaligiran na higit sa kakayahan ng comunidad/lipunan na
makangkop gamit ang sarili nitong kakayahan.(ISDR, 2002:24). Sina Paton at Johnston
(2001:270) at Alexander (1997:289) ay binigyang kahulugan ang sakuna bilang mga
7
kaganapang nagiiba sa mga structura, economiya, organisasyonal, kultural at ispiritual na
pananaw ng komunidad sa pamamagitan ng pawasak sa kanilang paraan ng pamumuhay.
Ang sakuna ay maaaring gawa ng tao o natural na pangyayari. Natural na pangyayari kung
walang interbasyon ng tao gaya ng tsunami, bulkan, lindol, bagyo at baha.
Ayon sa Philippine National Red Cross, Sa pagtama ng sakuna , asahan na ang
unang pitumpo’t dalawang (72) oras ay napaka kritikal. Maaaring mawalan ng kuryente
gayon din ng tubig at linya ng komunikasyon. Kung nasa isang lugar ka na baha, walang
kuryente at wala kang komunikasyon sa labas malamang ay hindi ka agad mailigtas o
mailikas. Wala kang ibang maaasahan kundi ang iyong pagiging maparaan at kakayahang
makaligtas. Ang bawat isang nasa wastong gulang na miyembro ng pamilya ay
kinakailangang handa at kayang makaligtas magisa sa loob ng 3 araw mula sa sakuna. Sa
ganitong mga pagkakataon ay siguradong magagamit at makakatulong ng malaki ang
pagkakaroon ng survival kit o lifeline kit. Bagamat hindi tuwirang sinasaad ng PNRC kung
anu ang laman ng isang survival kit o lifeline kit, nagbigay ito ng komprehensibong
batayan at struktura ng mga maaaring nakapaloob dito dahil nagbabago ang pangangailang
ng bawat tao. Ang survival kit ay dapat naglalaman ng lahat ng kakailanganin ng buong
pamilya para manatiling buhay sa loob ng 72 oras. Isinasaalang-alang lamang dito na
makaligtas habang ikaw ay naghihintay ng tulong o lumilikas. Kinakailangang nakahanda
na ito sa lahat ng oras kahit na sa unang senyales pa lamang ng sakunang paparating.
Sa kabutihang palad ay maaari naman itong gawin at buoin sa pamamagitan ng mga
bagay na nakikita sa bahay at mabibili sa malalapit na hardware, botika o pamilihan.
8
Maliban dito ay maaaring maging masaya at kawiliwili ito kung gagawin ng buong
pamilya sapagkat sa paggawa nito ay napapalawak ang kaalaman ng bawat isa sa
kahalagahan at pangangailangan ng paghahanda sa sakuna.
Kinakailangan lamang na magkainteres at magkaroon ng pagpapahalaga ang bawat
isa para dito at ng sa gayon ay masumpungan paghahangad ng marami pang kaalaman ukol
dito.
9
Paradigma
KAHALAGAHAN NG SURVIVAL KIT SA MGA MAG-AARAL NG ENGINEERING
NG BALIUAG UNIVERSITY
PAG-AARAL SARILI
BENEPISYO SULIRANIN
Mabibigyan nila
ng pansin ang
halaga ng
kanilang
kaalamang
pangkaligtasan.
Madadgdagan ang
kanilang mga
dapat aralin na
maaaring humati o
bumawas sa oras
nila sa iba pang
aralin.
Nagiging dahilan
upang makahanap
ng mga bago at
kapakipakinabang
na kaalaman.
Mababawasan ang
oras sa paglilibang
at sa iba pang nais
gawin.
BENEPISYO SULIRANIN
Magbibigay ng
inspirasyon
upang maging
maalam sa mga
bagay na
magpapabuti ng
kanilang buhay.
Magkakaroon sila
ng dagdag na
gawain at gastusin
upang maisagawa
ang mga
mungkahing
gawain at
kagamitan.
Magkakaroon ng
kapanatagan na
kayang harapin
ang mga sakuna at
manatiling
kalmado sa
pagpapasya.
Hininingin din nito
ang panahon,
tiyaga at
kooperasyon ng
mga kapamilya,
paaralan at
pamahalaan.
10
Katuturan ng mga Talakay
Para makatulong na mabigyang linaw ang mga salitang ginamit sa pananaliksik
naito ay binigyang kahulugan ang mga sumusunod na katawagan.
Survival Kit – Lifeline kit sa ibang katawagan, ay isang komprehensibong listahan o lupon
ng mga kagamitan na naglalayon na mapunan ang mga pangangailangan upang manatiling
buhay sa oras, pagkatapos o sa paglikas mula sa sakuna.
Philippine National Red Cross (PNRC).
United Nations Education, Scientific and Cultural Organization(UNESCO).
United Nations Children’s Fund (UNICEF)
United Nations International Strategy for Disaster Reduction (UN ISDR).
National Disaster Risk Reduction and Management Plan (NDRRMP) - Isang
documentong ginawa at pinatutupad ng Office of Civil Defense (OCD) na nagtatakda ng
mga layunin at ispesipikong alituntunin para mabawasan ang mga panganib ng mga sakuna
kung saan ang mga alituntuning ito ay may mga nakatakdang namang hakbang kung paano
isasagawa.
Online. Isang mundo sa loob ng sistema ng komunikasyon ng mga kompyuter kung saan
naglalaman ng iba’t ibang kaalaman at impormasyon.
Disaster Drills. Isang aktibidad kung saan ang mga hakbang sa paglikas, pag-iwas, at mga
dapat gawin kung may sakuna ay inaankto at ginagawa upang sa gayon ay maging natural
na itong gagawin kung may atwal na pangyayari na.
11
KABANATA II
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA
Ang bahaging ito ay naglalaman ng akademiko at propesyunal na mga babasahin na
may kinalaman sa ginawang pag-aar. Makakapagbigay tin ito ng higit na malinaw na
kaalaman sa mga literatura at pag0aaral na inilakip sa pananaliksik na ito na may motibong
madagdagan ang kaalaman ng mga mambabasa.
Mga kaugnay na Literatura
Ang Philippine National Red Cross ay nagmumungkahi na magkaroon ng Lifeline
Kit bago pa may dumating na sakuna. Ito ay dapat na praktikal kayang dalin sa paglikas.
Kailangan na mayroon nito ang bawat isang miyembro ng pamilya. Gawin ito ng kasama
ang buong pamilya upan matuto ang mga bata na isa buhay ang pagiging handa sa mga
sakuna.
Para sa marami pang impormasyon maaaring basahin ang sumusunod:
http://www.redcross.org.ph/get-involved/volunteer/item/837-red-cross-lifeline-kit
Ang UNESCO kasama ang iba’t ibang organisation ay nagtakda ng mga adhikain
ng Comprehesive School Safety na nalalayong maproteksyonan ang mga edukador at mag-
aaral mula sa disgrasya o kamatayan, pagpaplano para sa paghahanda sa mga kinakaharap
na panganib, pagpapanatiling ligtas ng sektor ng edukasyon, mga ari-arian at pagpapatibay
ng edukasyon sa mga kalamidad upang sa gayon ay maging matatag tayo.
12
Ilan sa mga prayorida nito ay pagsigurado kung ang bawat binubuong paaralan ay
ligtas at pagtatakda ng mga batayan para sa pagtatayo ng mga istraktura ng paaralan. Layon
din nitong bigyang prayoridad ang pagsasaayos ng mga gabay ng mga namamahala sa
paaralan para sa polisiya at mga gawain pangkaligtasan sa paaralan, mga tuntunin at paraan
sa mga disaster drills.
Ang Kagawaran ng Edukasyon ay kinunsidera ang isang hangarin ng Hyogo
Framework For Action (HFA) 2005-2015 kung saan papairalin at isusunong ang polisiya
para sa matatag na pag-buo ng mga paaralan, nasyon at komunidad laban sa mga sakuna.
And HFA ang pandaigdigang batayan ng paglaban sa mga kapahamakang dulot ng sakuna
ng sa gayon ay mabawasan ang pagkasira ng mga buhay, ari-arian ng komunidad at bansa.
Batay dito, ang DepEd ay naghanda ng Disaster Risk Reduction Resource Manual
(DRRRM) para sa eskwelahan noong 2007 na sumasaklaw sa istruktural at di-istruktural na
bahagi. Ang istraktural na bahagi ay ang mga konstraksyon ng matitibay na gusaling
pampaaralan, habang ang di-istraktural na bahagi ay ang pagsasama ng mga konseptong
pangkaligtasan sa elementarya at sekondaryang kurikula, modyul sa paghahanda sa sakuna,
pagsusuri sa tubig at elektrikal na pasilidad, at pagsasagawa ng mga drills tuwing ika-3
buwan.
13
Kaugnay na Pag-aaral
Isang asignatura na ang Disaster Risk Management sa Univerity of the Philippines.
Ang dating isang seminar lang sa disaster risk managemet ay isa na ngayong tatlong yunit
na asignatura sa Unibesidad ng Pilipinas na tinatawag na Civil Engineering 10: Disaster
Mitigation, Adaptation and Preparedness Strategies.
Kasama sa kakayahang itinuturo ay kung paano basahin ang isan hazard map at
paggamit ng internet-base resources gaya ng Project Noah.
Para sa marami pang impormasyon maaaring basahin ang sumusunod:
"At UP, disaster risk management now a subject." Philippines Daily Inquirer [Makati City,
Philippines] 7 Apr. 2014. InfoTrac Custom Periodicals. Web. 22 Aug. 2014.
http://go.galegroup.com/ps/i.do?id=GALE|A364069146&v=2.1&u=phbu&it=r&p=GPS&s
w=w&asid=dc17ec1df0cc4b5f9e9caf65d4a91c9e
Julie M. Aurelio
Source Citation (MLA 7th Edition)
Ang Voyager Innovations Incorporated kamakailan ay lumagda sa isang kasunduan
sa Project Noah (Nationwide Operational Assessment of Hazards) ng Gobyerno para sa
papapaunlad ng kakayahang makapaghanda sa sakuna sa pamamagitan ng mobile at
smartphone technology.
14
Di magtatagal ay mas mabilis ng malalaman ng mga Pilipino ang tiyak na lagay ng
panganib sa isang lugar sa pamamagitan ng higit 700 sensors ng Department of Science
and Technology na lumilikom ng mga datos tungkol sa panahon sa nakamamanghang 95%
na katiyakan.
Para sa marami pang impormasyon maaaring basahin ang sumusunod:
"Deal inked with Project Noah on disaster preparedness." Philippines Daily
Inquirer [Makati City, Philippines] 14 Dec. 2013.InfoTrac Custom Periodicals. Web. 22
Aug. 2014.
http://go.galegroup.com/ps/i.do?id=GALE|A352820062&v=2.1&u=phbu&it=r&p=GPS&s
w=w&asid=7b84c7e7976b3373b44f186d1d678d28
Source Citation (MLA 7th Edition)
Para sa hangarin na mapukaw ang isipan ng mag tao sa panganib na kalikasan,
Gobyerno sa pamamagitan ng Kagawaran ng Edukasyon ay nagsagawa ng seminar at
pagtuturo sa mga guro at namamahala ng paaralan ukos sa pamamahala sa mga sakuna.
Ang DepEd naman kasama ang UNICEF ay nagsagawa ng pagtuturo tungkol sa kung
paano mababawasan ang panganib ng mga sakuna sa mga paaralan.
Para sa marami pang impormasyon maaaring basahin ang mga sumusunod:
Assessment of Disaster Preparedness in Selected Public Schools in Luzon, Philippines at
by Jonathan Guevarra, et. al.
Workshop Orientation on Disaster Risk Reduction in Schools and Emergency Preparedness
and Response Planning Training
15
Pinagmulan:
“Disaster Preparedness Measures for Schools.” Retrieved January 27, 2012 from
http://www.affordablecebu.com/load/philippine_government/disaster_preparedness_measu
res_for_schools/5-1-0-2119
“DOST-SEI Brings Disaster Preparedness Awareness to schools.” (Posted May 6, 2011.)
Retrieved January 27, 2012 from
http://www.ro7.dost.gov.ph/index.php/component/content/article/1-latest/212-dost-sei-
brings-disaster-preparedness-awareness-to-schools.html
Republic Act 10121.
UNICEF et al. Comprehensive School Safety.
Jose D. Tuguinayo Jr. et al., Disaster Risk Reduction in the School Curricula: The
Philippine Country Report
UNESCO et al. Towards a Learning Culture of Safety and Resilience: Technical Guidance
for Integrating Disaster Risk Reduction in the School Curriculum
ACF and Save the Children. Comprehensive Household Vulnerability and Risk Analysis.
2010.
National Disaster Risk Reduction and Management Plan (NDRRMP) 2011-2028.
16
KABANATA III
DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
Sa kabanatang ito, inilahad ang pamamaraan, pinagmulan ng mga impormasyon at
ang kagamitan sa pangangalap ng datos. Kalakip din sa bahaging ito ang istatistikal na pag-
aanalisa at paraan ng pagsusuri ng mga datos nakalap.
Pamamaraan
Ang pag-aaral na ito ay ginamitan ng pamaraang palarawan o descriptive method na
sumusuri sa isang phenomena, grupo ng mga tao, ideya o teyorya na tumutugon sa mga
katotohanan at kkundisyon ng paksa. Sinasaklaw nito at pinag-aaraln amg kasalukukyang
inagawa, pamantayan at klagayan. Sa ganitong paraan,
Pamamaraan
Ang mga pag-aaral mula sa colege of environmental design and engineering
ang namiling tagatugon sa pag-aaral na ito sapagkat nanainiwala ang mga
mananaliksik na mas lantad sila sa ganitong klaseng mga gawain at lubos na
makakatulong sa pagsagot ng mga katanungan ukol sa pag-aaral. __________ang
naging tagatugon sa pag-aaral na ito kung saan _____ang mga babae at
____________ring mga lalaki na pawang nasa ikalawa at ikatlong antas sa kanilang
kolehiyo.
17
Instrumento ng Pananaliksik
Talatanungan ang pangunahing instrumentong ginamit ng mga mananaliksik sa
pagkalap ng mga datos at impormasong kailangan sa nasabing pag-aaral. Ang
talatanungang ito ay naglalaman ng siyam na katanungan patungkol sa mga mag-
aaral ___________gayundin ang epekto nito sa mga nasabing mag –aaral. Gumawa
rin ng liham pahintulot ang mga mananaliksik at pinapirmahan sa punong dekano ng
mga mag- aaral ng ________ upang magamit ang mga talatanungang ginawa.
Matapos ito, ang mga mananaliksik ay nagsimula nang magsagawa ng serbey sa mga
nasabing mag- aaral upang masagot ang sinaliksik na suliranin. Binigyan ng
karampatang oras ang mga ito upang masagutan ng maayos ang talatanungan at
makuha ang tamang datos na kailangan sa pag-aaral. Nagsagawa rin ng pangangalap
ng impormasyon ang mga mananaliksik sa pamamagitan ng internet, aklatan, at
ilang kaugnay na pamanahunang papel upang masuportahan ang nasabing pag-
aaral.
18
Metodolohiya
Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng
deskriptiv serbey
dahil sa paggamit ng
talatanungan at estatistika
. Ang mga datos ay sinuri gamit ang pagkuha ng
mean at ranking
sa mga aytem para malaman kung ano ang antas ng kahandaan at kaalaman ng mga mag-
aaral.
PANIMULA
METODOLOHIYA
Mga Tiyak na Katanungan:
19
1. Ano ang antas ng kahandaan sa sakuna ng mga mag-aaral ng Arkitektura ng
Pamantasang San Luis?
2. Ano ang antas ng kaalaman tungkol sa kahandaan sa sakuna ayon sa kasarian ng mga
mag-aaral ng Arkitektura sa Pamantasang San Luis?
3. Ano-ano ang ginagawa bilang paghahanda sa panahon ng sakuna ng mga mag-aaral ng
Arkitektura sa Pamantasang San Luis?
Disenyo at Pamamaraan ng Pag-aaral
-Paglalarawan o Deskriptiv
Populasyon at Lokal ng Pag-aaral
-Ang nasabing pag-aaral ay gaganapin sa Pamantasang San Luis.
-Ang mga napiling respondente ay ang mga nasa unang taon sa kurso, dahil nais patunayan
ng mga mananaliksik na kahit nasa unang taon pa lamang ang mga mag-aaral ay mayroon
ng mga kaalaman sa dapat nilang gawin tuwing may sakuna.
Kasangkapan sa Paglikom ng Datos
Ang nasabing pag-aaral ay gagamit ng
talatanungan
bilang pamamaraan ng pangongolekta ng datos.
Binubuo ng:
una, ang liham ng mga mananaliksik sa mga respondente
ikalawa, ang pagkalap ng impormasyon sa respondente tulad ng pangalan(opsyonal),
20
gulang, kasarian at iba pang baryabol na kinakailangan sa pag-aaral.
pangatlo at ang pinakaimportante sa lahat, ay ang mga tanong na may kinalaman sa pag-
aaral.
Ang mga tanong na ito ay gagamitan ng
iskala
upang maliwanag na maipakita ang nais ipahiwatig ng mga datos.
REKOMENDASYON AT KONKLUSYON
1. Ang antas ng kahandaan sa sakuna ng mga mag-aaral sa Pamantasang San Luis ay hindi
gaanong handa.
2. Ang antas ng kaalaman tungkol sa preparasyon na ginagawa sa mga sakuna ay Hindi
Gaanong Lubos ang Kaalaman.
3. Ang mga pangunahing ginagawa ng mga mag-aaral ng Arkitektura sa Pamantasang San
Luis tuwing may
bagyo
ay pakikibalita sa iba,
pag-iimbak ng pagkain, paghahanda ng flashligh, reserbang baterya, kandila at posporo,
pag-'chacharge' ng mga gadyet.
At tuwing may
lindol
naman ay pagseseryoso sa mga
21
'earthquake drills', pag-iimbak ng mga pagkain na hindi madaling masira, pag-alam ng mga
emergency exits, at paghahanda ng flashlight.
Maging Laging HANDA! :D
Bakit ito ang napili naming paksa para saliksikin?
Proseso sa Pagkalap ng mga Datos
Ang mga datos sa pananaliksik na ito ay kinalap sa pamamagitan ng serbey na
ginamitan ng talatanungan. Bago maisagawa ang nasabing serbey, gumawa ng liham
pahintulot ang mga mananaliksik kalakip ang talatanungang gagamitin sa serbey,
masusi itong pinasuri sa gurong tagapayo. Upang masimulan ang serbey, humingi
ang mga mananaliksik ng pahintulot sa Punong Dekano ng Baliuag University mula
sa _________ gamit ang liham paghingi ng pahintulot. Nang maaprubahan ito,
nagsagawa na ang mga mananaliksik ng serbey at nagsimulang magbigay at
magpamahagi ng mga kopya ng talatanungan sa mga nasabing mag-aaral at
sinimulan ang serbey batay sa kailangang datos sa pag-aaral. Binigyan ang mga mag-
aaral ng karampatang oras upang masagutan ng maayos ang talatanungan. Matapos
22
makalap ng mga mananaliksik ang mga talatanungan, ang mga datos ay pinagsama-
sama at masusing sinuri at inalisa.
Istatistikal na Pag-aanalisa
Matapos maipamahagi ang mga talatanungan, makalap ang mga kailangan at
mahahalagang impormasyon, ang mga datos ay masusing sinuri at pinag aralan.
Upang mailarawan ang mga nakalap na datos, ang mga mananaliksik ay gumamit ng
isang pamamaraan upang makuha ang bahagdan ng mga naging kasagutan ng mga mag-
aaral sa Baliusag University. Ang pormiulang ginamit ay:
%=f/Nx100
Kung saan:
% = bahagdan
N = kabuuang bilang ng mga sagot sa iasng katanungan
F = bilang ng mga kasagutan sa iasng partikular na opsyon
100 = constsnt
KABANATA IV
PAGLALAHAD AT PAGSUSURI NG MGA DATOS
Grap 1