PAUNANG SALITA - Ephesians publishing inc

26
PAUNANG SALITA Bunsod sa mga bagong patakaran at kalakaran sa larangan ng edukasyon, ang pag- aaral ng Araling Panlipunan ay lalo pang naging isang malaking hamon. Napapanahon ang pagkakaroon ng isang batayang aklat sa Araling Panlipunan na tumutugon sa hamon ng nagbabagong panahon at lipunan. Ang BANSANG PILIPINAS, LAHING PILIPINO ay isang serye ng batayang aklat sa Araling Panlipunan sa paaralang elementarya. Sadyang inihanda ang serye upang makatugon sa K to12 Kurikulum para sa elementarya na binalangkas ng Kagawaran ng Edukasyon. Sa kurikulum na ito, iniangkop ang edukasyon sa pambansang pag-unlad at tutulungan ang mga bata na maging isang mamamayang mapanuri, mapagnilay, responsable, produktibo, maka-Diyos, makakalikasan, makabansa, at makatao. May paninindigang pananaw at may pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan. Nakapokus sa Sibika at Kultura para sa baitang 1, 2, at 3 at sa Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika para sa baitang 4, 5, 6. Binibigyang-diin ng seryeng ito ang paglinang ng mga paniniwala ng mga Pilipino: pambansang pagkakakilanlan; pambansang pagmamalaki; at pambansang karapatan. Nakapaloob sa bawat aklat ng serye ang mga temang: tao, kapaligiran at lipunan; panahon, pagpapatuloy at pagbabago; kultura, pagkakakilanlan at pagkabansa; produksiyon, distribusyon at pagkonsumo; kapangyarihan, awtoridad at pamamahala; karapatan, pananagutan at pagkamamamayan. Sa paghahanda ng serye at pag-aayos ng mga nilalaman, ginawang gabay ng mga may-akda ang mga sumusunod: probisyon sa Saligang-Batas kaugnay ng edukasyon layuning pang-edukasyong hango sa mga pambansang layunin sa pagpapaunlad at ang uri ng edukasyong kailangan ng lipunan sa kasalukuyan na nakapaloob sa Conceptual Framework ng Araling Panlipunan ELC (Elementary Learning Competencies) ng Araling Panlipunan sa mababang paaralan mula sa Kagawaran ng Edukasyon K to 12 Curriculum ng Araling Panlipunan (Grade 1-6). Iniayon ang mga aralin sa pangunahing pamantayan ng bawat lebel/baitang. Ang serye ay isang pinagsanib na workteks ng mga kaalaman at kasanayan sa pagtuturo ng Araling Panlipunan. Inter-aktibo ang istilo ng pagtalakay sa mga aralin. Ang mga gawain ay tumutugon sa mga uri ng talino (Multiple Intelligences) at istilo ng pagkatuto (Learning Styles). Naaayos mula sa madali, papahirap hanggang sa pinakamapaghamon. Binubuo ito ng anim na bahagi: PANIMULA, PAGTALAKAY, PAGPAPAHALAGA, PAGBUBUOD, PAGSUKAT SA NATUTUHAN, PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN.

Transcript of PAUNANG SALITA - Ephesians publishing inc

PAUNANG SALITA

Bunsod sa mga bagong patakaran at kalakaran sa larangan ng edukasyon, ang pag-aaral ng Araling Panlipunan ay lalo pang naging isang malaking hamon. Napapanahon ang pagkakaroon ng isang batayang aklat sa Araling Panlipunan na tumutugon sa hamon ng nagbabagong panahon at lipunan.

Ang BANSANG PILIPINAS, LAHING PILIPINO ay isang serye ng batayang aklat sa Araling Panlipunan sa paaralang elementarya. Sadyang inihanda ang serye upang makatugon sa K to12 Kurikulum para sa elementarya na binalangkas ng Kagawaran ng Edukasyon. Sa kurikulum na ito, iniangkop ang edukasyon sa pambansang pag-unlad at tutulungan ang mga bata na maging isang mamamayang mapanuri, mapagnilay, responsable, produktibo, maka-Diyos, makakalikasan, makabansa, at makatao. May paninindigang pananaw at may pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan.

Nakapokus sa Sibika at Kultura para sa baitang 1, 2, at 3 at sa Heograpiya, Kasaysayan, at Sibika para sa baitang 4, 5, 6.

Binibigyang-diin ng seryeng ito ang paglinang ng mga paniniwala ng mga Pilipino: pambansang pagkakakilanlan; pambansang pagmamalaki; at pambansang karapatan. Nakapaloob sa bawat aklat ng serye ang mga temang: tao, kapaligiran at lipunan; panahon, pagpapatuloy at pagbabago; kultura, pagkakakilanlan at pagkabansa; produksiyon, distribusyon at pagkonsumo; kapangyarihan, awtoridad at pamamahala; karapatan, pananagutan at pagkamamamayan.

Sa paghahanda ng serye at pag-aayos ng mga nilalaman, ginawang gabay ng mga may-akda ang mga sumusunod:

• probisyon sa Saligang-Batas kaugnay ng edukasyon

• layuning pang-edukasyong hango sa mga pambansang layunin sa pagpapaunlad at ang uri ng edukasyong kailangan ng lipunan sa kasalukuyan na nakapaloob sa Conceptual Framework ng Araling Panlipunan

• ELC (Elementary Learning Competencies) ng Araling Panlipunan sa mababang paaralan mula sa Kagawaran ng Edukasyon

• K to 12 Curriculum ng Araling Panlipunan (Grade 1-6). Iniayon ang mga aralin sa pangunahing pamantayan ng bawat lebel/baitang.

Ang serye ay isang pinagsanib na workteks ng mga kaalaman at kasanayan sa pagtuturo ng Araling Panlipunan. Inter-aktibo ang istilo ng pagtalakay sa mga aralin. Ang mga gawain ay tumutugon sa mga uri ng talino (Multiple Intelligences) at istilo ng pagkatuto (Learning Styles). Naaayos mula sa madali, papahirap hanggang sa pinakamapaghamon.

Binubuo ito ng anim na bahagi: PANIMULA, PAGTALAKAY, PAGPAPAHALAGA, PAGBUBUOD, PAGSUKAT SA NATUTUHAN, PAGPAPALAWAK NG KAALAMAN.

Ang mga aralin ay sinimulan sa pangunahing kaisipan (konsepto) - ito ang batayan upang matulungan ang mga mag-aaral na makalinang ng malalawak na kasanayang lubhang makabuluhan.

PANIMULA — Nagsisilbing pamukaw para sa ibayong pag-aaral. Sa pamamagitan ng mga pamprosesong tanong, aalamin ang prior na kaalaman ng mga bata sa kaisipang tatalakayin. Sa pamamamagitan ng kanilang mga kasagutan batay sa kanilang karanasan, malalaman kung may mga misconceptions sa paksang inilahad. Ang anumang misconceptions ay nilalayong bigyang-linaw o itama sa susunod na mga gawain.

PAGTALAKAY — Nasa bahaging ito ng aklat ang mga kaalaman at impormasyong lilinang sa aralin. Tiyak, detalyado, at napapanahon ang ginawang pagtalakay. Upang maging malinaw ang diwang ipinahahayag sa talakay, gumamit ng mga larawan, mapa, chart, grap, timeline at iba pang grapikong materyales.

Naglagay ng mga tanong para sa interaktibong pagtatalakayan. Sa halip na ibigay ang mga dapat malaman ng mga bata, tinutulungan silang mag-isip, magmasid, at malayang sumagot ayon sa sariling pananaw at karanasan. Kaalinsabay nito ang paglinang sa magandang- asal at pagpapahalaga upang mahubog ang kabuuang pagkatao ng bata gaya ng nasasaad sa bagong kurikulum ng Kagawaran ng Edukasyon.

Upang malaman kung naunawaan ng mga bata ang ginawang pagtalakay, gumamit ng iba’t ibang uri ng pagtataya.

PAGPAPAHALAGA — Pagsisiyasat ng damdamin ang bahaging ito ng aralin. Hinihimok ang mga bata na ipahayag kung ano ang nadarama nila sa isang isyu o pangyayari. Suriin ang mga dahilan ng kanilang reaksiyon o damdamin. Ihambing ang sariling damdamin sa damdamin ng iba. Ipamalas ang makatwirang pagpapasiya sa mahahalagang isyu at suliranin.

PAGBUBUOD — Mailahad ang mga nalinang na konsepto at paglalahat tungkol sa aralin. Paggamit ng iba’t ibang uri ng grapiko upang maging kawili-wili ang paglalagom.

PAGSUKAT SA NATUTUHAN — Ang mga gawain dito ay mahalagang instrumento sa pagsukat ng kaalaman, saloobin, kasanayan, at kakayahan ng mga bata.

PAGPAPAUNLAD NG KAALAMAN — Mayroong gawaing pansarili at mayroong pangklase o pampangkat. Binigyang probisyon ng mga dagdag na gawain ang prinsipyo ng pagkakaiba-iba ng mga indibidwal at ang multiple intelligences. Ang mga gawain ay mapaghamon upang maipakita ang katibayan ng masusing pag-iisip, pagiging malikhain at maparaan sa paghanap, pagsasa-ayos, at paglalahad ng mga kaalaman.

YUNIT I ANG KINALALAGYAN NG BANSANG PILIPINAS ..................................................

ARALIN 1 Lokasyon ng Pilipinas sa Mundo .........................................................

Pagtukoy sa Lokasyon ng Pilipinas .......................................................

Absolute o Tiyak na Lokasyon ..............................................................

Mga Likhang Guhit sa Globo ...................................................

Longitude ................................................................................

Prime Meridian .............................................................

International Date Line (IDL) .........................................

Latitude ...................................................................................

Equator ........................................................................

Grid .........................................................................................

Relatibong Lokasyon ...........................................................................

ARALIN 2 Klima at Panahon sa Pilipinas .............................................................

Rotation ...................................................................................

Revolution ...............................................................................

Mga Sona ng Klima .................................................................

Ang Klima at Panahon sa Pilipinas ......................................................

Galaw at Uri ng Hangin ...........................................................

ARALIN 3 Ang Pinagmulan ng Pilipinas .............................................................

Teorya ng Pagkabuo ng Pilipinas ........................................................

Continental Drift Theory ...........................................................

Pagkakabuo ng Kapuluan ng Pilipinas ....................................

Ang Pisikal na Katangian ng Pilipinas .......................................

Crustal Movement ...................................................................

Folding ....................................................................................

Ang Fault .................................................................................

Teoryang Bulkanismo ...............................................................

Continental Shelf Theory ..........................................................

ARALIN 4 Ang Pinagmulan ng Lahing Pilipino ...................................................

Prehistoriko ...............................................................................

Mga Teorya sa Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Pilipinas ..............

1

2

6

6

6

6

7

8

9

10

12

14

22

23

24

25

27

27

37

41

41

41

42

44

44

46

46

47

55

56

57

Talaan ng NilalamanTalaan ng Nilalaman

Teorya ng Tulay na Lupa ..........................................................

Bugso ng Migrasyon (Waves of Migration) ...............................

Austronesians ...........................................................................

Taong Tabon ...........................................................................

YUNIT II ANG SINAUNANG PILIPINO ..............................................................................

ARALIN 5 Panahanan ng Sinaunang Pilipino .....................................................

Mga Unang Pamayanan ....................................................................

Pamayanan sa mga baybaying katubigan .............................

Pamayanan sa Kapatagan .....................................................

Sa Kabundukan .......................................................................

Tirahan ................................................................................................ ARALIN 6 Sistema ng Pamahalaan ng mga Sinaunang Pilipino .......................

Pamahalaang Barangay ....................................................................

Ang Datu .................................................................................

Kalipunan ng mga Barangay ...................................................

Pagpapatupad ng Batas .........................................................

Pamahalaang Sultanato .....................................................................

Pangkat ng Tao sa Lipunan .................................................................

Kababaihan sa Sinaunang Lipunan ........................................

ARALIN 7 Pamaraang Pangkabuhayan ng mga Unang Pilipino .......................

Kahalagahan ng Pinagkukunang-Yaman sa Hanapbuhay .................

Ang Teknolohiya Noong Sinaunang Panahon .....................................

Panahon ng Lumang Bato (50,000-8000 BC) ..........................

Panahon ng Bagong Bato (2,000-500 BC) ..............................

Panahon ng Metal ...................................................................

Paraan ng Pagmamay-ari ng Lupa Noon ...........................................

ARALIN 8 Ang Mayamang Kultura ng mga Unang Pilipino ................................

Mayaman ang Kultura ng mga Unang Pilipino ...................................

Sistema ng Edukasyon .............................................................

Pagbasa at Pagsulat ................................................................

Wika .........................................................................................

57

58

60

60

68

69

70

71

71

72

73

82

83

84

85

86

87

89

91

102

103

106

106

108

109

110

120

121

121

122

124

124

125

126

127

128

129

137

138

139

141

144

151

152

152

152

152

153

153

153

154

154

154

155

155

156

156

166

167

168

169

169

172

Sining .....................................................................................

Musika at Sayaw .....................................................................

Panitikan .................................................................................

Laro ........................................................................................

Kasuotan ................................................................................

Pagkain ..................................................................................

ARALIN 9 Sinaunang Paniniwala at Pananampalatayang Pilipino ...................

Animismo ..........................................................................................

Paggalang at Pagpapahalaga sa Patay ...............................

Islam ..................................................................................................

Paglaganap ng Islam sa Bansa ............................................. ARALIN 10 Kagawiang Panlipunan .....................................................................

Ugnayan sa Pamilya ..............................................................

Katangian ng mga unang Pilipino .........................................

Matibay na buklod ng mag-anak ..............................

Paggalang sa matatanda at nakatatanda ...............

Bukas ang loob sa pagtanggap sa panauhin ...........

Tapat sa kanyang hanapbuhay .................................

Paggalang sa namatay .............................................

Mga Kaugalian ......................................................................

Sa Pangliligaw ............................................................

Sa Pagpapakasal .......................................................

Mga Kakaibang Kaugalian at Paniniwalang Panlipunan ...................

Pamahiin, Anting-anting at Mahika ........................................

Pagnganganga .....................................................................

Mga Kagayakan at mga Palamuti .........................................

YUNIT III ANG PANANAKOP NG KOLONYALISTANG ESPANYOL ........................................

ARALIN 11 Dahilan ng Pananakop sa Bansa ......................................................

Paghahati ng Mundo sa Pagitan ng Portugal at Espanya ..................

Kahulugan at Layunin ng Kolonyalismo .............................................

Ang Ekspedisiyon ni Magellan ............................................................

Iba Pang Ekspedisiyon ............................................................

172

173

175

175

175

184

185

187

187

187

189

190

190

190

191

193

201

202

203

205

206

213

214

215

215

216

217

217

218

219

218

221

Bunga ng Paglalakbay ni Magellan .......................................

Kolonisasyon ng Cebu, Panay, at Maynila .............................

Pananakop sa Luzon ..............................................................

Mga Dahilang ng Espanya sa Pananakop ng Pilipinas ..........

Mga Dahilan ng Mabilis na Kolonisasyon ...............................

ARALIN 12 Mga Paraan ng Pananakop ..............................................................

Kristiyanismo ......................................................................................

Sistemang Reduccion .......................................................................

Paglipat ng mga Komunidad (Reduccion) ............................

Sistemang Reduccion ...........................................................

Sistemang Encomienda ....................................................................

Tributo sa Pamamagitan ng Encomienda .............................

Bandala .................................................................................

Cedula ..................................................................................

Sapilitang Paggawa ..........................................................................

Reaksyon ng mga Pilipino sa Kristiyanismo ........................................

ARALIN 13 Ugnayan ng Simbahan at Pamahalaang Kolonyal ..........................

Ang Pilipinas sa Pamamahala ng mga Prayle ...................................

Balangkas ng Panrelihiyong Pamamahala sa Pilipinas ..........

Reaksyon ng mga Pilipino sa Pamamahala ng mga Prayle ............................................................................

Ang Hacienda, Sistemang Kasama .......................................

YUNIT IV PAGBABAGONG KULTURAL SA PAMAHALAANG KOLONYAL NG ESPANYOL ........

ARALIN 14 Pamamahala ng Sistemang Kolonyal ng mga Espanyol sa Pilipinas .........................................................................

Pamahalaang Sentral .......................................................................

Gobernador-Heneral .............................................................

Pansugpo sa Kapangyarihan ng Gobernador-Heneral ..........

Pamahalaang Lokal ..........................................................................

Pamahalaang Panlalawigan .................................................

Pamahalaang Munisipyo o Pambayan .................................

Pamahalaang Panlungsod ....................................................

Pamahalaang Pambarangay ...............................................

Pagkakaisa ng Simbahan at Pamahalaan ............................

230

231

231

232

232

233

235

236

236

237

237

238

244

246

246

247

248

248

255

256

256

257

257

257

257

258

258

258

258

259

259

259

ARALIN 15 Ang Ating Minana sa Espanya ..........................................................

Mga Uri ng Tao sa Lipunan Pagbabagong Panlipunan ..........

Mga Pista ...............................................................................

Ang Pamilya ...........................................................................

Ang Kababaihan ...................................................................

Sining at Panitikan ..................................................................

Pagpinta at Palilok .................................................................

Arketektura .............................................................................

Musika at Sayaw ....................................................................

Pananamit at Pagkain ...........................................................

Mga Pagdiriwang Panrelihiyon at Libangan ...........................

Mga Pangalang Espanyol .....................................................

ARALIN 16 Uri ng Edukasyon sa Panahon ng Espanyol ......................................

Mga Matataas na Paaralang Panlalaki ..................................

Mga Paaralang Pambabae ..................................................

Paaralang Bokasyonal ...........................................................

Paaralang Normal para sa Kalalakihan ..................................

Mga Puna sa Sistema ng Edukasyon sa Panahon ng Espanyol............................................................................

ARALIN 17 Pakikibaka ng mga Pilipino Laban sa Mga Espanyol .......................

Ang Unang Pagbabangon ................................................................

Lakan Dula at mga Kaanak ....................................................

Mga Pagbabangon ng Ika-17 Daantaon .........................................

Pagbabangon ng mga Gaddang (1621) .............................

Pagbabangon nina Tamblot at Bancao (1622) .....................

Pag-aalsa nina Miguel Lanab at Alababan ...........................

Pag-aalsa ni Pedro Ladia (1643) ............................................

Pagbabangon ni Sumuroy (1649) ..........................................

Pag-aalsa nina Maniago at Malong (1660) ...........................

Pag-aalsa ni Tapar (1663) ......................................................

Ang Iba Pang Pagbabago ................................................................

Francisco Dagohoy (1744-1829) ...........................................

Paghihimagsik nina Diego at Gabriela Silang (1762) .............

260

260

262

262

269

270

271

272

273

273

276

277

285

286

286

287

287

287

288

288

289

290

291

299

300

300

301

302

303

305

Basi Revolt (1807) ...................................................................

Pananakop sa mga Muslim ...................................................

Pananakop sa Cordillera .......................................................

Mga Dahilan s Pagkabigo ng mga Pag-aalsa ......................

YUNIT V PAG-USBONG NG KAMALAYANG PAMBANSA PATUNGO SA PAGKABUO NG PILIPINAS BILANG ISANG NASYON ............................................................

ARALIN 18 Mga Lokal na Pangyayaring Nagsilbing Mitsa sa Pag-usbong ng Kamalayang Pambansa ...................................................................

Kalakalang Galyon (Maynila-Acapulco) ............................................

Epekto ng Kalakalang Galyon sa Bansa ................................

Monopolyo ng Tabako ......................................................................

Kilusang Agraryo (1745-1746) ...........................................................

Okupasyon ng Maynila .....................................................................

Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose ................................................

ARALIN 19 Pag-usbong ng Kamalayang Pambansa .........................................

Paglipas ng Merkantilismo .................................................................

Pagbubukas ng Maynila sa Kalakalang Pangdaigdig ............

Pagbubukas ng Suez Canal ...................................................

Kaisipang La Illustracion .........................................................

Kaisipang Liberal sa Bansa ....................................................

Pagsulpot ng mga Ilustrado ...................................................

Ang Pangangasiwa ni Gobernador-Heneral Carlos dela Torre ..................................

Ang Isyo ng Sekularisasyon ................................................................

Pag-aalsa sa Cavite noong 1872 ..........................................

Pagkakasangkot nina Padre Gomez, Burgos at Zamora ........

ARALIN 20 Pagsilang ng Nasyonalismo ..............................................................

Implikasyon ng mga Naunang Pag-aalsa .........................................

Sanhi ng Pagkamulat .............................................................

Kilusang Propaganda ........................................................................

Kilalanin natin ang mga Repormista ......................................

Iba Pang Propagandista ........................................................

La Liga Filipina ...................................................................................

PB 1

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

YUNIT IANG KINALALAGYAN NG BANSANG

PILIPINAS

sa mundo gamit ang mapa batay sa mga likhang guhit na

makikita sa mapa at sa mga karatig bansa na nakapaligid dito gamit ang pangunahing at pangalawang direksyon.

Ang Aralin 2 ay may kinalaman sa ugnayan ng lokasyon ng bansa sa klima nito. Ilalarawan ang klima ng Pilipinas bilang isang

bansang tropikal ayon sa lokasyon nito sa mundo.

Sa Aralin 3, tatalakayin ang mga teorya sa pagkabuo ng

kapuluan at pinagmulan ng Pilipinas batay sa mga teoryang Bulkanismo, “Continental Drift” at “Continental Shelf”.

Sa Aralin 4, ilalahad ang mga pinakapinaniniwalaang teorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino batay sa mga ebidensyang nakalap.

Inaasahang sa pamamagitan ng mga araling ito maipagmamalaki ng mga mag-aaral na ang mga katangiang pangheograpiya gaya ng lokasyon at klima ay nakaapekto sa pagbuo ng sinaunang pamayanang Pilipino.

Tatalakayin ng yunit na ito ang lokasyong pangheograpiya at ang katangian ng Pilipinas na nakaimpluwensiya sa pagbuo ng sinaunang pamayanang Pilipino.

Apat na aralin ang nakapaloob sa yunit na ito na magbibigay linaw sa mga tanong tungkol sa kung paano nakaaapekto ang katangiang pangheograpiya ng bansa sa pagbuo ng isang pamayanan noon.

Sa Aralin 1, ating tutukuyin ang tiyak at relatibong lokasyon ng Pilipinas

2 3

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

LOKASYON NG PILIPINAS SA MUNDO

Konsepto

Panimula

Ang Pilipinas ay may tiyak na kinalalagyan sa mundo.

Mahalagang pag-aralan ang globo o mapa upang maunawaan ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo. Paghambingin ang mundo at ang globo. Isulat kung saan ito nagkapareho at nagkaiba.

Mundo Globo

Aralin 1

2 3

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

Pagkakapareho:

Pagkakaiba:

Mundo Globo

4 5

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

Pagtalakay

Napakalaki ng mundo para pag-aralan. Sa pag-aaral nito, mahalagang instrumento ang globo, ang replika o modelo ng mundo.

Ano ang pagkakaiba ng globo sa mapa? Ang mapa ay ang patag na paglalarawan ng kabuuan o bahagi ng mundo. Kakikitaan din ito ng mga likhang guhit.

Ang globo o ang mapa ay ang modelong nagagamit sa pagtukoy ng anumang lugar na matatagpuan sa ibabaw ng mundo. Nakatutulong din ito

sa paglalarawan ng hugis, sukat, direksiyon at distansya ng isang lugar sa mundo.

Ang mundo ay binubuo ng bahaging tubig at bahaging lupa o ¾ nito ay mga anyong tubig at ang natitirang ¼ ay ang iba’t ibang anyong lupa.

Kontinente ang tawag sa pinakalamalaking anyong lupa. Ang mundo ay mayroong pito nito. Ang Asia ang pinakamalaking kontinente sa mundo kung saan nabibilang ang Pilipinas.

Bukod sa Asia ano-ano pa ang ibang kontinente?

68 69

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

YUNIT IIANG SINAUNANG LIPUNANG

PILIPINO

Ang yunit na ito ay tumatalakay sa sinaunang pamumuhay ng mga unang Pilipino.

May sariling kultura ang mga unang Pilipino. Pinatunayan ito ng mga kinalabasang pag-aaral at pananaliksik ng mga dalubhasa sa kultura ng mga unang Pilipino.

Ang anim na araling nakapaloob sa yunit na ito ay magbibigay larawan sa atin sa naging buhay at karanasan ng mga sinaunang Pilipino sa usapin ng panahanan, pamamahala, lipunan, kultura at kabuhayan.

Ang Aralin 5 ay tumatalakay sa pook-panahanan ng mga sinaunang Pilipino. Pinili nilang magtayo ng kanilang tirahan malapit sa mga katubigan kung saan makakukuha sila ng kanilang ikabubuhay.

Ang Aralin 6 ay tumatalakay sa uri ng pamamahahala ng mga sinaunang Pilipino. Malaya mong masusuri ang paraan ng pamamahala ng ating mga ninuno.

Ang Aralin 7 naman ay may kinalaman sa kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino. Susuriin ang teknolohiyang ginamit ng ating mga ninuno sa iba’t ibang panahon.

Sa Aralin 8 naman ilalahad ang mayamang kultura ng sinaunang Pilipino. Ang paraan ng pamumuhay ay binubuo ng maraming bagay tulad ng kasuotan, tirahan, pagkain etc. Bahagi rin nito ang kanilang wika, panitikan, edukasyon at panulat.

Ang Aralin 9 ay tumatalakay sa sinaunang paniniwala at pananampalataya ng mga Pilipino pati na ang paraan ng kanilang pagsamba.

Sa Aralin 10 naman ay ilalahad ang kagawiang panlipunan: pangliligaw, kasal, ugnayan sa pamilya, mga tradisyon at kaugalian.

Inaasahang sa pamamagitan ng mga araling ito, maipagmamalaki natin ang mayamang kulturang ipinamana ng ating mga ninuno at mabibigyang pansin ang marangal na pinagmulan ng lahing Pilipino.

68 69

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

PANAHANAN NG SINAUNANG PILIPINO

Konsepto

Panimula

Nagtatag ng panahanan sa iba’t ibang lugar ng kapuluan ang mga unang Pilipino.

Aralin 5

Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng unang Pilipino, saan mo ibig manirahan?

Anong uri ng bahay ang itatayo mo? Iguhit ang iyong sagot sa espasyo sa ibaba. Magbigay ng ilang pangungusap bilang paliwanag sa iyong iginuhit.

Pumili ng kapareha at pagtalakayan ninyo ang inyong mga sagot.

70 71

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

Panahanan ang tawag sa pook-tirahan ng isang pangkat ng tao.

Ang topograpiya ng lugar ay isang mahalagang salik sa pagtatayo ng isang panahanan.

Pumili ang mga unang Pilipino ng pook na pagtatayuan ng kanilang mga tirahan. Ang pook-tirahan na kanilang pinili ay bunga ng pakikiangkop nila sa kanilang

Pagtalakay

MGA UNANG PAMAYANAN

kapaligiran. Pinili nilang manirahan sa mga lugar na maaaring makakuha ng ikabubuhay,

Ang mga unang Pilipino ay nakatira sa tabi ng dagat sa mga tagong look, sa tabing-ilog at sa mga tributaryo nito.

Maraming dahilan kung bakit ninais ng mga sinaunang Pilipinong manirahan malapit sa mga katubigan.

- Ang lupa sa gilid ng ilog ay karaniwang - Ang lupa sa gilid ng ilog ay karaniwang mataba at madaling bungkalin. mataba at madaling bungkalin.

Maraming pananim ang tutubo rito.Maraming pananim ang tutubo rito.

- Nakakukuha ng mga lamang-tubig tulad ng isda, - Nakakukuha ng mga lamang-tubig tulad ng isda, hipon, alimango, at iba pang pagkaing-dagathipon, alimango, at iba pang pagkaing-dagat

- Nakakukuha ng inuming - Nakakukuha ng inuming tubig, pandilig sa mga tubig, pandilig sa mga

tanim, panlaba, panluto. tanim, panlaba, panluto. Ang mga tao ay hindi na Ang mga tao ay hindi na

masyadong dedepende sa masyadong dedepende sa tubig-ulan kung nakatira tubig-ulan kung nakatira

sila sa isang permanenteng sila sa isang permanenteng pinanggagalingan ng tubig.pinanggagalingan ng tubig.

- Ang ilog at dagat ay nagbibigay sa mga - Ang ilog at dagat ay nagbibigay sa mga tao ng mahusay at maginhawang paraan ng tao ng mahusay at maginhawang paraan ng paglalakbay. Nakapaglalakbay ang mga tao paglalakbay. Nakapaglalakbay ang mga tao

upang makalipat sa ibang pamayanan at upang makalipat sa ibang pamayanan at makipagkalakalan.makipagkalakalan.

166 167

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

YUNIT IIIANG PANANAKOP NG

KOLONYALISTANG ESPANYOL

Sa yunit na ito maipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa konteksto ng bahaging ginagampanan ng simbahan sa layunin at mga paraan ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas at ang epekto ng mga ito sa lipunan.

Nahahati sa tatlong aralin.

Sa Aralin 11, mabibigyang linaw ang mga dahilan ng pagdating ng mga Espanyol sa bansa. Susuriin ang iba’t ibang perspektibo ukol sa pagkakatatag ng kolonyang Espanyol sa Pilipinas.

Ilalahad sa Aralin 12, ang iba’t ibang paraan ng pagsasailalim ng katutubong populasyon sa kapangyarihan ng Espanya.

At sa Aralin 13, tatalakayin ang ugnayan ng Simbahan at Pamahalaang Kolonyal sa pamamalakad sa bansa.

Inaasahan sa pamamagitan ng araling ito, ang mga mag-aaral ay makapagbibigay ng kanilang sariling pananaw tungkol sa naging epekto sa lipunan ng pamamahala ng mga prayle.

166 167

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

DAHILAN NG PANANAKOP SA BANSAAralin 11

Konsepto

Panimula

Tatlo ang pangunahing layunin ng Espanya sa pananakop ng Pilipinas-pampulitika, pangkabuhayan at panrelihiyon.

Noong ika-16 daantaon, nakarating ang mga Espanyol sa Silangan. Ano kaya ang dahilan at naisipan ng mga Espanyol na pumunta sa Silangan? Isulat ang iyong hinuha sa mga kahon.

Dahilan ng Pagpunta sa Silangan ng mga Espanyol

168 169

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

Pagtalakay

Napukaw ang hangarin ng mga taga-Europa na marating ang Asia dahil sa mga kalakal mula rito at mga kuwento ng mga Europeong manlalakbay at mangangalakal tulad ni Marco Polo. Ang hangaring ito ng mga Europeo ay lalo pang naragdagan sa pagkakasara ng mga rutang pangkalakalan na nagdadala sa kanila ng mga kayamanan ng silangan. Ang pagsasarang ito ng mga ruta ay dahil sa pagbagsak ng

Constantinople noong 1453 at sa paglakas ng mga kaaway na Turkong Muslim. Nagsimulang tumuklas ng panibagong rutang patungong Silangan ang mga Europeong magdaragat. Kasama rito ang dalawa sa makapangyarihang bansa sa Europa, ang Espanya at Portugal. Ang dalawang bansang ito ay nagdadaigan sa pagpapalawak ng kanilang teritoryo at kolonya.

PAGHAHATI NG MUNDO SA PAGITAN NG PORTUGAL AT ESPANYA

Taong 1400s, nanguna ang Portugal at Espanya sa pagpapadala ng mga eksplorasyon upang makahanap ng mga rutang pandagat patungo sa Silangan. Nagnais silang tumuklas ng mga bagong ruta sapagkat nasakop ng mga Muslim ang mga rutang panlupa sa Gitnang-silangan at nakontrol ang kalakalan sa pagitan ng Asia at Europa.

Dahil sa pag-uunahan o pagpapaligsahan ng Espanya at Portugal para sa mga kolonya, panunuklas, o eksplorasyon, sa mundo, nagpairal ng isang kautusan (Papa’s Bull) si Pope Alexander VI noong Mayo 3, 1493. Nagsasaad ang kautusan ng paghahati ng mundo sa Kanluran at sa Silangan. Ang paggalugad sa kanlurang bahagi ay ipinahihintulot sa Espanya at ang sa gawing silangan ng mundo

ay para sa Portugal.

Tumutol ang Portugal kaya nasundan ito ng Kasunduan sa Tordesillas. Binago ang paghahati na ginawa ng papa. Noong 1529, nagkaroon na naman ng alitan ang dalawang bansa sa pagmamay-ari ng Moluccas (Spice Islands). Gumawa sila ng bagong kasunduan (Kasunduan sa Zaragosa) na itinakda ang bagong hangganan.

168 169

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

KAHULUGAN AT LAYUNIN NG KOLONYALISMO

Ang paligsahan pampulitika sa pag-agaw ng bagong lupain sa mundo ay tinawag na kolonyalismo. Ang kolonyalismo ay popular noong ika-16 hanggang ika-19 na siglo sa mga makapangyarihang Europeo. Nagsisimula ang kolonyalismo kung sinasakop ng mga makapangyarihang bansa ang maliit na bansa. Ang maliliit na bansa ay nagiging kolonya ng makapangyarihang bansa. Ginagamit ng mga makapangyarihang bansa ang mga likas na kayamanan ng kolonya. Ang mga mamamayan ng mga kolonyang iyon ay hindi na malaya.

Nasa ilalim na sila ng kapangyarihan ng mga bansang makapangyarihan. Karamihan sa mga kolonya ay malayo sa kaniyang manananakop. Ang kadalasang naghihiwalay sa dalawa ay ang malalawak na karagatan sa mundo.

Ang pangunahing dahilan ng pananakop ay upang magkaroon ng mga benepisyong pang-ekonomiya ang mga kolonyalista at makapangalap ng maraming ginto, pilak at diyamante. Isa pa ring pinag-iinteresan ng mga mananakop ay ang mga hilaw na sangkap at kalakal na makukuha nila sa kolonyang bansa.

ANG EKSPEDISIYON NI MAGELLAN

Isang manlalakbay na Portuges, si Ferdinand Magellan, ang nagnais na maglayag patungo sa Silangan sa pamamagitan ng rutang pakanluran. Dahil hindi niya nakuha ang suporta ni Haring Manuel ng Portugal, idinulog niya ang plano kay Haring Carlos I ng Espanya. Tinustusan ito, kasama na ang pagkakaloob ng limang barko.

Noong Setyembre 20, 1519, tumulak si Magellan na sakay ng barkong Trinidad na naaagapayan ng apat na barko: ang Victoria, Concepcion, San Antonio at Santiago.

Kasama sina Antonio Pigafetta, taga-ulat ng ekspedisyon at Padre Pedro Valderrama, nagsimula ang makasaysayang paglalayag sa daungan ng San Lucar de Barrameda.

PB 213

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

YUNIT IVPAGBABAGONG KULTURAL SA

PAMAHALAANG KOLONYAL NG ESPANYOL

Sa yunit na ito isasalaysay ang mga pagbabagong naganap sa pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng kolonyal na pamamahala ng mga Espanyol.

Hinati ang yunit na ito sa apat na aralin.Hinati ang yunit na ito sa apat na aralin.

Sa Aralin 14, susuriin ang pagbabagong pampulitika na ipinatupad ng kolonyal na pamahalaan. Ihahambing ang istruktura ng pamahalaang kolonyal sa uri ng pamamahala ng mga sinaunang Pilipino. Tatalakayin ang epekto ng mga pagbabago sa pamamahala ng mga Espanyol sa mga sinaunang Pilipino.

Sa Aralin 15, aalamin ang pagbabago sa kultura ng mga Pilipino sa Panahon ng Espanyol. Ipaliliwanag ang impluwensiya nito sa kulturang Pilipino.

Susuriin naman sa Aralin 16 ang sistema ng edukasyong pinatupad ng Espanyol sa Pilipinas.

Tatalakayin sa Aralin 17, ang isinagawang rebelyon ng mga katutubong pangkat. Tatalakayin ang sanhi at bunga ng mga rebelyon at iba pang reaksyon ng mga katutubong Pilipino sa kolonyalismo.

Makabubuo ng kongklusyon tungkol sa mga dahilan ng di matagumpay na armadong pananakop ng mga Espanyol sa ilang piling katutubong pangkat.

Inaasahan sa pamamagitan ng mga araling ito, matutukoy ng mga mag-aaral ang mga magaganda at di magagandang pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng Espanyol. Makapagbibigay sila ng sariling pananaw tungkol sa naging epekto ng kolonyalismo sa lipunan ng sinaunang Pilipino.

214 215

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

PAMAMAHALA NG SISTEMANG KOLONYAL NG MGA ESPANYOL SA PILIPINAS

Konsepto

Panimula

Isang sentralisadong pamahalaan ang itinatag ng mga Espanyol sa Pilipinas upang mapadali ang pamamahala sa buong kapuluan.

Aralin 14

Nang mapayapa na ng mga Espanyol ang malaking bahagi ng kapuluan sa pamamagitan ng madugong labanan at ng pagtuturo ng relihiyon, nagsimula na ang ganap na pananakop sa Pilipinas. Kinakailangan ang isang sistemang pamamahala sa kapakanan ng kolonya.

Nagtatag ang mga Espanyol ng pamahalaang sentralisado. Ibig sabihin, isa lamang ang pamahalaang sumasakop sa buong kapuluan. Dahil sa napakalayo ng Espanya sa Pilipinas, pinamahalaan ng hari ng Espanya ang Pilipinas sa pamamagitan ng Council of Indies. Ito ang lupon na binigyang kapangyarihan upang gumawa ng mga batas, magpatupad ng mga batas at magbigay katarungan dito. Ito ang kumakatawan sa hari ng Espanya at ang nagpapadala sa mga pinuno ng kolonya ng mga kautusang royal na dapat ipatupad. Ang lupon ang humihirang sa gobernador-heneral, ang pinakamataas na pinunong-bayan sa Pilipinas.

* Makipangkat ka sa dalawang kamag-aral. Magbrainstorming kayo at ibigay ang inyong mga opinyon, reaksiyon at hinuha.

* Iulat sa klase ang inyong napag-usapan.

- Kung ikaw ang hari ng Espanya paano mo pamamahalaan ang iyong nasakop na lupain?

- Anong mga katangiang dapat taglayin ng mga pinunong ipadadala mo sa kolonya upang masiyahan ang kanilang pamamahalaan?

- Kung ikaw ang nahirang ng hari ng Espanya para maglingkod na gobernador-heneral, paano ang gagawin mong pamamalakad ng pamahalaan?

- Paano kaya pinamahalaan ng mga Espanyol ang mga Pilipino sa kanilang buong panahong pananakop?

214 215

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

Pagtalakay

PAMAHALAANG SENTRAL

Ang pamahalaang itinatag na nasa ilalim ng Ministro ng Kolonya ay lubhang sentralisado. Ang lahat ng kapangyarihan ng pamahalaan ay nagmula sa pamahalaang sentral na pinamumunuan ng gobernador-heneral.

Dalawa ang sangay ng pamahalaang sentral ang ehekutibo at ang hudisyal. Walang lehislatibo sapagkat ang batas para sa Pilipinas ay ginagawa sa Espanya. Ang pinakabatas sa Pilipinas ay Decreto Superior o kautusang ginawa ng gobernador-heneral.

Nasa kapangyarihan ng gobernador-heneral ang ehekutibo samantalang ang hudisyal ay nasa ilalim ng audencia Real, ng mababang hukuman, at ng gobernador-heneral.

Gobernador-Heneral

Ang hinirang ng hari ng Espanya bilang pinakamataas at pinakamakapangyarihang opisyal ng kolonya.

Kapanyarihan ng Gobernador-Heneral:

Tagapagpaganap at tagapag-patupad ng mga batas na galing sa Espanya;

May kapangyarihang cumplase o ang paggawa ng sariling batas o decreto superior na ang bisa ay parang tunay na batas. Nangyayari ito dahil sa kalayuan ng Pilipinas sa Espanya. Hindi agad nakararating ang kautusan ng hari. Minsan di na akma sa kalagayan ng bansa ang pagdating ng batas kaya hindi na ito ipinatutupad ng gobernador-heneral;

Tumatayong pinuno ng Royal Audencia;

Humihirang at nagtatanggal ng mga pinuno ng kolonya;

Nagrerekomenda ng arsobispo, obispo at mga pari;

Nagpapasya tungkol sa mga gawain ng hukbo (punong komandante ng hukbong sandatahan);

Namamagitan sa mga alitan ng pamahalaan at simbahan.

PB 269

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

YUNIT VPAG-USBONG NG KAMALAYANG

PAMBANSA PATUNGO SA PAGKABUO NG PILIPINAS BILANG ISANG NASYON

Sa yunit na ito ating pag-aaralan kung paano umusbong ang kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon.

Nahahati ang yunit sa tatlong aralin.

Tinatalakay sa Aralin 18, ang mga pangyayari sa bansa na nagsilbing mitsa sa pag-usbong ng kamalayang pambansa.

- reporma sa ekonomiya at pagtatatag ng monopolyo sa tabako;

- pag-aalsa sa loob ng estadong kolonyal;

- kilusang agraryo ng 1745;

- Pag-aalsa ng kapatiran ng San Jose;

- Okupasyon ng Ingles sa Maynila.

Sa Aralin 19, susuriin ang mga pandaigdigang pangyayari bilang konteksto ng pag-usbong ng kamalayang pambansa tungo sa pakikibaka ng bayan.

At sa Aralin 20, susuriin ang pagsilang ng nasyonalismong Pilipino. Sa kabila ng panunupil at pananakot ng mga Espanyol, ang mga Pilipino ay patuloy na humihingi ng reporma at sa bandang huli ay naghangad ng kalayaan.

Inaasahan sa pamamagitan ng yunit na ito, mapahahalagahan natin ang kalayaang tinatamasa natin ngayon na bunga ng mga pagpupunyagi at pagbubuwis ng buhay ng mga makabayang Pilipino para sa kalayaan ng bansa.

270 271

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

MGA LOKAL NA PANGYAYARING NAGSILBING MITSA SA PAG-USBONG

NG KAMALAYANG PAMBANSA

Konsepto

Panimula

May mga lokal na pangyayari na nagsilbing mitsa sa pag-usbong ng kamalayang pambansa ng mga Pilipino.

Aralin 18

Nagkaroon ng maraming pag-aalsang naganap sa panahon ng Espanyol ngunit ito ay hindi naging matagumpay.

Bakit kaya?

Ibigay ang sariling hinuha. Iguhit mo sa espasyo ang inaakala mong pinakadahilan.

Ibahagi mo sa iyong katabi ang iyong iginuhit at magtalakayan kayo tungkol dito.

270 271

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

Pagtalakay

Ang patakarang pangkabuhayan ng Espanya ay naaayon sa pamaraang merkantilismo. Ito ay isang doktrinang pulitiko-ekonomiko na ang kapakanang pangkabuhayan ng estado sa kabuuan ay higit na mahalaga kaysa pansariling

Ipinagbawal ng Espanya ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at ibang mga dayuhang bansa noong ika-16 na siglo. Ang pangangalakal sa mga kalapit-bansa sa Asia ay hinigpitan. Tanging ang kalakalan sa Tsina at Mexico, na kolonya rin ng Espanya ang pinahintulutan.

Ang kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco ang natirang

Galleon Trade

KALAKALANG GALYON (MAYNILA-ACAPULCO)

kapakanan ng indibidwal. Kailangang higit ang iniluluwas kaysa inaaangkat upang ito ay magbunga ng lalong higit na kikitain maging sa larangan ng pangangalakal, pagsasaka, o sa alinmang industriya.

komersyong panlabas ay kilala sa tawag na kalakalan sa galyon. Ito ay sa dahilang ang pangangalakal ay isinasagawa sa mga pampamahalaang sasakyang-dagat na kung tawagin ay galyon. Ang galyon ang pinakamalaki at pinakamayamang bapor-pangalakal noon. Ang karamihan sa galyong ito ay ginawa ng mga manggagawang Pilipino.

272 273

Sib

ika

Gr.

5Si

bik

a G

r. 5

Ang galyon ang nagdadala sa Mexico ng lahat ng mga karangyaan ng Silangan buhat sa Maynila. Ang mga telang seda mula sa Tsina, telang yari sa hibla ng bulak at linen, mga kagamitang porselana, panangkap sa ulam (spices), pabango at iba pa. Sa pagbabalik naman, dala ng galyon ang maraming salaping pilak, mga kagamitan para sa military, alak, de-latang pagkain, kasangkapan sa bahay at mga babasahin.

Ang mga taong maaaring lumahok sa kalakalan ay ang gobernador-heneral, mga kagawad ng Royal Audiencia, mga pinunong–sibil, mga pari, mga biyuda ng Espanyol, at mga Espanyol na retirado na sa paglilingkod sa pamahalaan.

Ang kalakalan ay pinamamahalaan ng mga opisyal ng kaharian at ito’y kumikita sa pamamagitan ng pagbibili ng boleta sa mga nais lumahok sa pangangalakal. Ang isang boleta ay nagkakahalaga ng mula sa P200.00 hanggang P250.00 ito ay katumbas ng silid o compartment sa galyon. Ang isang karaniwang galyon ay may 1500 silid. Ang boleta ay katumbas ng kasalukuyang lisensya sa pagluluwas ng kalakal o export license. Ang naghahawak ng boleta ay tinatawag na boletero.

Napakalaki ng kinita ng mga opisyal at prayleng Espanyol sa kalakalang galyon hindi lamang dahil sa napakataas na presyo at benta sa Europa ng mga produkto mula Tsina at sa kita ng pagbebenta ng bigas, bulak at iba pang lokal na kalakal. Halos lahat ng mga Espanyol na nakisangkot sa kalakalan ay yumaman. Ginastos nila sa marangyang pamumuhay ang malaking kinita nila mula sa pamumuhunan sa kalakalang galyon.

Tumagal ang kalakalang galyon ng halos 200 taon hanggang inalis noong Abril 23, 1815 ni Haring Fernando VII.

Ang mga prayle ang pinakamalaking namumuhunan sa kalakalang galyon. Malakas silang umutang sa pamahalaan at sa Obras Pias, isang samahang pangkawanggawa, ngunit mabagal naman silang magbayad. Naubos ang salapi ng samahan na dapat sana ay mapunta sa mga bahay-ampunan at pagamutan. Nang matuklasan ng bagong gobernador-heneral na wala nang salapi ang pamahalaan at ang Obras Pias. Inatasan niyang magbayad ang mga pari at iba pang may utang sa samahang pangkawanggawa.

Haring Fernando VII