ONE SHOT STORIES By: Serenity_Elle - serenity elle

35
ONE SHOT STORIES By: Serenity_Elle All rights reserved 2012 Stop plagiarism please? ^__^ God is watching you. ------- Christmas gift (A mother’s regret) Isa akong istudyante ng isang pampublikong paaralan. Kadalasan ako ay napagkakamalan nilang weird pero eto talaga ang totoo ako eh, at kung hindi nila yun matanggap bahala na sila sa buhay nila. Hindi ko kailangan ang awa nila para maintindihan ako. Matino akong estudyante, maraming nagsasabing maganda daw ako kung marunong lang akong mag- ayos. Hindi ko nama na kailangan mag-ayos at magmake-up tulad ng iba. Ayos na ko sa natural kong itsura. “Laila!!” tawag sakin ni Joana na bestfriend ko. Tahimik lang kasi ako, college na kami at malaki ang expectation sakin ng mga magulang ko.. At ayoko silang biguin.. Isa akong honor student samin simula highschool hanggang elementary. Masyado kong mahal ang mga magulang ko at alam ko sa sarili kong tama ang pagpapalaki nila sakin..

Transcript of ONE SHOT STORIES By: Serenity_Elle - serenity elle

ONE SHOT STORIES

By: Serenity_Elle

All rights reserved 2012

Stop plagiarism please? ^__^ God is watching you.

-------

Christmas gift (A mother’s regret)

Isa akong istudyante ng isang pampublikong paaralan. Kadalasan ako ay napagkakamalan nilang weird

pero eto talaga ang totoo ako eh, at kung hindi nila yun matanggap bahala na sila sa buhay nila. Hindi ko

kailangan ang awa nila para maintindihan ako.

Matino akong estudyante, maraming nagsasabing maganda daw ako kung marunong lang akong mag-

ayos. Hindi ko nama na kailangan mag-ayos at magmake-up tulad ng iba. Ayos na ko sa natural kong

itsura.

“Laila!!” tawag sakin ni Joana na bestfriend ko. Tahimik lang kasi ako, college na kami at malaki ang

expectation sakin ng mga magulang ko..

At ayoko silang biguin..

Isa akong honor student samin simula highschool hanggang elementary. Masyado kong mahal ang mga

magulang ko at alam ko sa sarili kong tama ang pagpapalaki nila sakin..

“Oh ano, sama ka sakin best? Libot lang tayo mamayang gabi! ^_^”

“Hahahah ayy sige ba. Papaalam muna ako kay papa ha?”

“Osige.”

Kapag ganitong may lakaran hindi ko maiwasang hindi magpaalam kay papa. Kasi lagi siya ang may

hawak na desisyon. Yeah, masaya naman ako sa simpleng buhay na meron ako.

Second year college na ko ngayon, yeah! Marami rami naman kasi akong friends kaso yung iba ang tingin

sakin weird eh.

Tinawagan ko si papa.

“Hello anak?”

“Pa, pwede po ba kong sumama sa paglilibot nila Joana. Birthday po niya kasi.”

“Ahh ganun ba anak? Sige sige may tiwala naman ako sayo. Kakausapin ka daw ng mama mo.”

“Anak, mag-ingat ka ha! Mahal na mahal ka namin hahah osige na masyado nang madrama mama mo.

Ingat anak.”

“Sige po.”

Masaya ako kasi may ganyang klaseng magulang ako. I’m happy with my life until. Nangyari ang isang

bagay saking nakapagpabuhay sakin sa poot at galit.

Naglibot kami kasama ang mga kaibigan kong sina Joana, Shiela, Paulo at Nathaniel. Nakangiti nila kong

sinalubong. Ang babait talaga ng mga kaibigan ko kaya masayang masaya ko kasi andiyan sila palagi para

saakin. Nagpunta lang kami seven eleven, park at naglibot kung saan saan. Nagulat ako nang biglang

may tumabi sakin.

“Tahimik mo.” Tsaka niya ko kinurot sa pisngit.

Kahit kailan talaga si Nathaniel. Siya ang isa sa pinakamalapit sakin eh. Nursing ang course, gusto ko kasi

toh. Mahilig akon mag-alaga eh. Isa si Nathaniel sa mga taong pinagdarasal ko. Mabait siya sobra. Asa

kanya na ang lahat, mabait, gwapo, gentleman lahat na. kaya nga maswerte ang magiging girlfriend niya

baling araw.

“Hahaha wala lang. hmmm”

“Hahahah ano nga ba ang maasahan ko sayo. You are Laila that’s why tahimik ka hahah!”

Natawa naman ako dun. Palabiro kasi siya eh :)

Naging masaya ang araw ko.

“Ahhm Laila hatid na kita?” aya sakin ni Nathaniel.

“No haha kaya ko nang umuwi mag-isa tsaka diba may kailangan ka pang puntahan sa ospital?

Remember si tita ^__^ kaya ko na. salamat!” nagnod naman siya at tsaka tuluyang umalis na. Ang lamig

sa daan sobra at wala naring masyadong tao.

Medyo malayo layo pa ang abangan ng jeep mula dito sa park kaya maglalakad na lang ako. Napatingin

ako sa orasan. 10:00 pm na pala ang bilis naman ng oras.

Habang naglalakad ako sa medyo liblib na daan. May naramdaman akong yabag na sumusunod sakin. Di

kaya sina Joana toh? Nanlalamig na ko.

Bigla akong kinabahan.

Binilisan ko ang lakad ko. >////< napahawak na lang ako ng mahigpit sa bag ko. Dali dali kong pinasok

ang kamay ko sa loob ng bag ko para kuhanin ang pepper spray pero huli na ang lahat dahil nahawakan

na ng kung sino ang kaliwang kamay ko na sana’y ipangkukuha ko ng pepper spray.

Pagharap ko. Isang lalaking hindi ko kilala ang tumambad sakin.

Amoy alak na rin siya.

“Laila, ang tagal kitang sinusundan. Hindi mo ba naisip? Bagay na bagay tayo. Kaso hindi mo ko mahal

eh.” Huh? Sino siya?? Nakita kong pamilyar ang mukha niya.

“Marco?”

Nag grin siya.

Si Marco ay isa sa mga manliligaw kong binusted ko. Mukha siyang adik swear. At ramdam ko ang kaba

sa dibdib ko.

“Ngayon, mapapasakin ka.” Agad niya kong hinalikaw sa leeg at unti unting dinala sa isang bahay na

walang katao-tao. Nagpupumiglas ako ngunit kahit anong gawin ko ay hindi ko magawa. Nagsisigaw ako

pero wala namang nakakarinig sakin.

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaag!!!!!” sigaw ko napaluha na lang ako sa mga nangyari. Pinilit kong

sumigaw pero walang nakakarinig sakin. Diyos ko, sana tulungan niyo po ako. Wala akong pakialam kung

malatin man ako o hindi.

Ang gabing yun. Yun ang pinakamasaklap na nangyari sa buhay ko. Sinira niya ang pagkatao ko at

ninakaw ang pagkababae ko. Isa siyang demonyong nabuhay sa lupa. Wala akong nagawa nang gabing

iyon. Ang tanging nagawa ko lang ay ang pumikit at manalangin. Ngunit wala parin :”( iyak lang ako ng

iyak sa mga nangyayari.

Walanghiya siya. Kinuha niya lahat sakin.

“Wag kang mag-alala Laila, ligtas ka na anak.” At tsaka ako hinalikan ni papa sa noo.

“Anak, ayos ka lang ba?”

“Ayos lang po ako ma.” Habang iyak parin ako ng iyak. Napayakap na lang ako kay mama ng sobrang

higpit habang ako ay humahagulgol.

“Wag po kayong mag-alala, nahuli na namin ang suspek.” Sabi samin ng pulis. Andito parin kami sa

bahay kung saan winalangya ang pagkatao ko.

“Laila, please patawarin mo ko mahal na mahal kita. Intindihin mo ko, handa akong mahalin ka habang

buhay.”

“Mabulok ka sa kulungan Marco, pati na rin sa impiyernong pinasukan mo.”lumapit ako sa kanya at

tsaka ko siya inesprayan ng pepper spray sa mukha.

“Masakit? Hindi lang yan ang dapat mong maranasan.” Umiiyak ako habang nagsasalita. Susugurin ko na

sana siya nang biglang may yumakap sa likod ko.

“Tama na please.”

“Nathaniel?”

“Sorry.”

Ilang buwang ang lumipas nang mangyari ang pangyayaring yon. Napagalamang may isang bagay na

saaking sinapupunan. Hindi ko siya matatanggap, bunga siya ng pagwawalangya sakin gusto kong

mawala na siya!

“Laila! Wag na wag mong gagawin yan utang na loob. Bata lang siya, wala siyang alam kaya pwede ba

Laila??” sermon sakin ni Joana.

“Siya ang bunga ng lahat. Anak siya ng demonyo hindi mo ba alam?”

Humarap ako sa salamin habang hawak hawak ang tiyan ko. Di kita mapapatawad Marco, kasalanan mo

lahat nang nangyari sakin. At napaluha na lang ako. Hindi ko naituloy ang pagpapalaglag ko sa batang

toh. Peste -___-

Anim na taon na ang nakalilipas simula nang maipanganak ko siya. Hanggang ngayon, dahil sa kanya

wala parin akong matinong buhay. Isa akong desgrasyada! Bwiset, sino ba naman ang tatanggap sa isang

desgrasyadang tulad ko? Hindi ko na rin naipagpatuloy ang pag-aaral ko. Masyado na kong nadala sa

mga nangyari sakin.

“Pwede ba? Wag kang tatanga tanga! Masyado kang bata ka, dapat hanggat maaga matuto ka ng mga

Gawaing bahay!”

“Sorry po mama.”

“Lyraaaa!!”

“Tito Nathaniel! Kyaaahh.” Dumating kasi si Nathaniel. Iniwan ko na lang silang magkasama doon tutal

wala naman na akong pakialam bahala sila.

“Laila, bakit naman ganun ang pagtrato mo sa bata?”

“Wag ka ngang makialam.” Lagi siyang nandiyan para pasalubungan lang si Lyra. Psh wala akong balak

pakialaman sila.

“Lyraaaaa!! Halika nga dito. Hugasan mo toh sa labas okay? At pagkatapos ibigay mo sa lola mo. Geh

takbo!”

“Mama, sige po! I love you mama!!” tinalikuran ko na lang siya at tsaka ko pinagpatuloy ang ginagawa

ko.

“Hindi mo ba naisip? Na wala namang kasalanan si Lyra sa lahat nang nangyari sayo. Laila malapit na ang

pasko, sana naman matuto kang magmahal muli. Mahal kita Laila alam mo yan kahit sino ka pa.”

Napabuntong hininga na lang ako.

“Isa lang naman talaga ang hiling ko eh.”

“Para sa pasko?ano naman yon?”

“Yun ay ang mawala na yang salot na bata na yan!”

“Sana baling araw matuto mong buksan yang puso mo sa mga pangyayari sana matutunan mong

umunawa Laila. Napakabait na bata ni Laila, alam mo yan. Mahal na mahal ka rin niya sana naman

maappreciate mo yun kahit kaunti dahil baka baling araw, pagsisihan mo toh.” At tuluyan na ring umalis

si Nathaniel.

May narinig naman ako biglang nabasag sa may pinto.

“Ano ba naman! Sa susunod mag-iingat kang bata ka pwede ba?”

“Sorry po mama. Hehe nabitawan ko lang po kasi. Sige po mama akyat na ko sa itaas! I love you

mama!!” dalawang araw na lang at pasko na. kahit kailan ang galawgaw nitong batang toh.

---Dispiras ng pasko.

Abala ang lahat dahil bukas ay pasko na. pero bakit hindi ko pa nakikita si Lyra?

“Lyraaaa!! Asan ka? Anak?” unang beses ko siyang tinawag na anak sa tanang buhay ko. Hindi ko alam

pero bigla na lamang yan lumabas sa dila ko.

Napagdesisyunan kong umakyat sa itaas para puntahan siya sa kwarto.

Ngunit pagbukas ko ng pinto.

Napahawak na lang ako sa dibdib ko sa sobrang gulat sa nakikita ko. Tumakbo ako sa kanya at tsaka ko

siya niyakap. Si Lyra, nakita ko siyang nakabikti. Sobrang bata niya para gawin toh, at hindi ko alam kung

paanong niya toh ginawa. Ang alam ko lang ay sobrang baba ng pinagbigtihan niya.

Ang anak ko :”( wala na ang anak ko.

Niyakap ko siya.

Hanggang sa may nakita akong pink na papel sa kama niya. Kinuha ko ito at sinimulang basahin kung ano

ang nilalaman nito. Sulat kamay ito ni Lyra.

Dear Mama,

Mama!! Hihi advance Merry Christmas po mama! Sana maging masaya ka po sa Christmas gift ko sayo!

Haha, mama mahal na mahal po kita ng sobra sobra! Alam ko kahit isa akong pasaway na bata ako

mahal mo parin ako kahit kaunti. Mama sana po wag niyong kakalimutan na mahal na mahal ko po kayo.

Kasi ikaw lang ang mayroon ako mama sana po maging masaya ka :) I loooove you mama at hinding

hindi po ako magsasawang sabihin yan sayo araw araw kaso hindi ko na masasabi yan eh :) waaaahh

mama oo nga pala, wala na pong magpapahirap sa inyo. Kasi ganun kita kamahal mama. Alam mo

mama? Sabi ng mga kaklase ko kamukhang kamukha daw kita. Sabi nila ang bad bad mo daw na mama.

Hmmp! Para sakin ikaw ang pinaka the best na mama sa buoooong mundo! Ito po sana ang

pinakamagandang Christmas gift na matanggap niyo. Ang pagkawala ko.

Alam mo mama pangarap kong makasama ka nang medyo matagal pero okay na sakin na makita ka

araw araw kasi ganun kita kamahal. Sana mama sumaya ka na. ikaw po ang nag-alaga sakin nung baby

pa ako at nung nasa loob pa ko ng tummy mo. Masakit man pong marinig galing sa inyo na salot ako.

Okay lang po yun sakin mama kasi mahal kita ^__^ kahit itakwil mo po ako ng ilang beses mama parin po

kita yehhey! Mama, hindi ka na po makukulitan sa pagsasabi ng iloveyou kasi eto wala na po ako.

I love you mama!! Forever. Mama para sayo po yung star ko sa kamay I looove you so mats. ETO PO

ANG GIFT KO. I LOVE YOU MAMA :”( GOODBYE :)

Lyra ^___^

Humahagulgol akong binabasa ang sulat ng aking anak. Diyos ko patawarin niyo po ako. Niyakap ko si

Lyra nang sobrang higpit. Anak ko.

Patawarin mo ko :( mahal na mahal kita. :(

Sa isang pagkakamali ko. Nawala lahat saakin. Nawala lahat ng pagkakataong sumaya ako kasama ang

anak ko.mali ako, hindi siya isang salot. Siya ay isang biyaya na ipinagkaluob saakin ng Diyos pero

binaliwala ko siya.

Alam kong bunga siya ng kasamaan pero hindi pala ako sa kanya galit kung hindi sa ama niyang walang

kwenta.

“Anak, kung nasaan ka man. Sana wag na wag mong kakalimutang mahal na mahal ka ni mama! Alam

kong masaya ka na kung nasaan ka. Masyado kang mabait.” Habang umiiyak ako sa harap ng puntod

niya.

Wala akong magawa kung hindi ang umiyak lang nang umiyak. Napakasama kong ina para gawin sa

kanya. Sana maging aral sa inyo ang wag magtanim ng galit sa kapwa.

Nang dahil sa anak ko. Natuto akong magpatawad, magmahal mulit at magkaroon ng pag-asa. Ang pag-

asang mabuhay hindi sa poot at galit. Kung hindi sa pagmamahal na bigay sa akin ng ibang tao. Nang

dahil sayo anak natutunan ko ang lahat ng yan.

Nagsisi ako sa mga ginawa ko sayo anak.

Hinding hindi kita makakalimutan dahil nakatanim ka sa puso ko. Nakatanim ka sa puso ni mama anak ko

:”( sana mapatawad mo ko.

Christmas Special: Kuya bespren (Hope)

Gabing gabi nang maglakad ako sa may tabi ng simbahan. Kasama ko ang mga batang kapwa ko rin

namamalimos. Hmmm wala akong balak na makihalubilo sa kanila.

Kasi ang gusto lang naman nila ay ang magnakaw.

Hindi ko po gawain yun.

“Hoy Lester kapag ikaw hindi sumama sakin patay ka!” pananakot sakin ni Buknoy.

“Ano namang gagawin niyo sakin ha?”

“Bugbugin na toh!”

Isa lang akong palaboy sa daan, madalas gutom at walang makain.marami nang nagkikislapang mga ilaw

sa loob ng simbahan. Ano naman kaya ang nasa lobb nun? Hindi kayo nagkamali, binugbog nga nila ko.

Totoo ba talagang may Diyos? Sabi sakin ng lola ko meron daw. Pero kung meron, bakit nangyayari sakin

toh?

“Tama na po” hinang hina na ang katawan ko at bugbog na bugbog na rin ako. Idagdag niyo na rin ang

aking gutom na sikmura.

*gruuu*

“Hahaha buti nga sayo! Magdusa ka diyan pwe!”

9 years old ako simula nang mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. Wala na rin ang lola ko :(

kaya eto ako ngayon. Isang palaboy laboy na bata. Ito na siguro ang tadhana ko. Natutulog lang ako sa

kalye. Sako lang ang tanging kumot ko para maibsan ang lamig.

Tinitiis ko lang ito gabi gabi.

Tuwing madaling araw ay nakakarinig ako ng lalaking nagsasalita galing sa loob ng simbahan. Ano kayang

meron? At tuwing madaling araw na rin na iyon ay may isang lalaking hindi ko kilala ang lumalapit sakin

at binibigyan ako ng pagkain na sapat para sa umagahan ko. Hindi ko siya kilala, at parang ang bait bait

niya.

Salamat sa kanya :)

Tuwing binibigyan niya ko ng mga pagkain. May kasama itong mga tinapay at biscuit na siya ko namang

pinangmimiryenda tuwing tanghali. Nabubuhay lang kasi ako sa limos eh >////< wala naman kasi akong

alam na trabaho.

Nung ikatlong madaling araw na. naisipan ko siyang kausapin. Tuwing nagsasabi kasi ako ng salamat sa

kanya, ngumitingiti na lang siya at tsaka lumalakad na palayo sakin. Tuwing ngumingiti siya, gumagaan

ang pakiramdam ko.

“Kuya ako nga po pala si Lester, ikaw ano pong pangalan niyo?”

“Hmm..hindi mo pa nga pala ako kilala. Sige tawagin mo na lang akong bespren. Ako si kuya bespren mo.

Na pwede mong pagsabihan ng mga problema mo araw araw. :)” ngayon ko lang narinig ang magandang

boses ni kuya bespren.

“Ahh ganun po ba? Salamat kuya bespren ahh!! Sige araw araw na tayong mag-uusap.”

Tuwing makakatapos akong kumain ay aalis na siya at ako naman ay matutulog.

Dumating ang ikaapat na araw ng madaling araw na pagsisimba ng mga tao.

Dinalahan naman ako ni kuya bespren ng isda at kanin. Ang sarap ng mga dinadala niya sakin. Naisipan

ko namang kausapin siya.

“Kuya bespren, bakit mo nga pala ako naisipang bigyan ng pagkain?”

“Alam mo, nakikita ko sayong isa ka lang inosenteng bata. At isa pa alam kong mabait ka, kaya naman

dinadalhan kita niyan.” Tsaka siya tumawa at nagappir naman kami. Napansin kong may dumi siya sa

kamay.

“Kuya bespren ano yun?”

“Wala toh hehe sige kain ka lang.” ang bait talaga ni kuya bespren napakagaan ng loob ko sa kanya.

Ika-limang araw.

Dinalhan naman ako ni kuya bespren ng kanin at gulay. Ang sarap! Binibigyan niya ko ng mga pagkain.

Ang bait naman ni kuya bespren! ^__^

Napayuko naman ako.

“May bumabagabag ba sayo?” tanong niya sakin.

“Kuya bespren miss na miss ko na ang mga magulang ko. Sana andito sila at kasama kong nabubuhay.

Kuya bespren ang lungkot lungkot ko. :(“

Nakita ko siyang ngumiti.

“Sadyang nakalaan lang ang mga bagay na yan na mangyari sayo. Minsan kailangan nating harapin ang

mga pagsubok na nangyayari satin upang malampasan iyon para makamtan natin ang tunay na

kasiyahan at tunay na kapayapaan sa sarili natin. Doon din masusubok ang iyong kalooban sa pagharap

sa mga problema. Kung nasaan man ang mga magulang mo. Sigurado akong masaya na sila.”

“Salamat kuya bespren :)”niyakap ko siya.

Araw araw akong nagsasabi sa kanya ng mga problema ko. Love na love talaga ako ni kuya bespren.

Hanggang sa dumating ang isang gabi na sobra sobra nang dami ng tao sa loob ng simbahan.

Napakagaan ng loob ko sa kanya.

Ano naman kaya ang meron?

“Anak.”

“Kuya bespren!!”

Niyakap niya ko at tsaka ako binigyan ng pagkain ulit. Binigyan niya ko ng masasarap na pagkain. Habang

kumakain ako ay nakatingin siya sakin. Naisipan kong magtanong sa kanya.

“Kuya bespren, ano ba ang meron sa loob?”

“Diyan ba anak? Hmmm isa yang lugar kung saan mo pwedeng kausapin ang Diyos para sabihin ang mga

problema mo. Tulad ko diba nakikinig ako sa mga problema mo? Kaya bespren mo ko. Kakausapin mo

lang Siya na parang matalik mong kaibigan tulad ng pagkausap mo sakin, isipin mo na lang na ako ang

kinakausap mo. Yun ay ang pagdarasal. Hihingi ka ng tawad sa mga kasalanan mo at hihiling ka ng mga

biyaya galing sa Kanya. Wag kang matakot dahil lahat kayo ay mahal Niya, nagpapatawad Siya at kahit

anong gawin mong kasalanan ay patatawarin at patatawarin ka parin Niya kung hihingi ka ng tawad.”

“Totoo po ba Siya?”

“Oo naman. Pero depende sayo kung maniniwala ka sa Kanya. Alam mo, subukan mo lang na

makipagusap sa kanya. Subukan mo lang anak isipin mo na lang na ako ang kausap mo. “

“Hindi naman po ata totoo yan eh.”

“Halika pasok tayo.” Hinawakan ni kuya bespren ang kamay ko at pumunta sa simbahan. Hindi kami

makapasok kaya nagstay na lang kami sa tabi ng simbahan.

“Ipikit mo ang mga mata mo. Kausapin mo lang Siya tulad ng mga ginagawa mo sakin anak.” Pinikit ko

ang aking mga mata at sinunod si kuya bespren.

“Uhhmm ako nga po pala si Lester Cruz, sabi ni kuya bespren totoo Ka daw po? Sana po totoo nga po

kayo. Sana po patawarin niyo po ako sa mga nagawa kong mali hinihingi ko po sana ang gabay niyo sakin

araw araw at pati na rin kay kuya bespren. Alam mo po, para ka pong si kuya bespren. Nang makausap

po Kita. Gumaan din po ang loob ko.” Muli kong idinilat ang mga mata ko at nakita ko ulit si kuya

bespren.

“Maligayang pasko Lester!”

“Salamat kuya bespren!” nagappir kami ulit.

Ang amo talaga ng mukha ni kuya bespren..

Nagpaalam na siya sakin at umalis na. ngunit iniwanan niya ko ng isang makahulugang mensahe.

“Wag ka sanang mawawalan ng pag-asa, kung may problema ka lumapit ka lang sa Kanya at Siya na ang

bahala sayo. Mahal na mahal kita Lester hanggang sa muling pagkikita!” at umalis na si kuya

bespren.hayy nalungkot ko dahil nawalan ako ng isang kaibigan.

“Anak, gabi na tara sa bahay namin. Paskong pasko halika!” dinala ako ng dalawang matanda sa bahay

nila at tsaka ako pinakain at kinupkop.

Tama si kuya bespren, totoo nga Siya.

Isang araw, napagisipan naming magsimba. Hmmm.

Pagpasok namin sa loob, wow ang daming ilaw at ang dami ring tao. Ibig sabihin andito ako kung saan

nila kinakausap si God. Ako kasi nakausap ko lang Siya sa labas.

Pagkapunta namin sa harapan. Nakita ko si..

Kuya bespren?

Puro litrato ni kuya bespren ang nandito?

Ibig sabihin siya ang kinakausap ko noon sa labas ng simbahan?

Namiss kita kuya bespren! :) makakausap parin pala kita eh. Ang saya ko naman,maraming salamat kuya

bespren! ^__^

Wag tayong mawalan ng pag-asang lumigaya at mabuhay tayong walang tinatapakan. Matuto tayong

magdasal ng naaayon sa sinisigaw ng nararamdaman natin. Walang mawawala kung maniniwala ka,

pero para sa mga taong bukas ang puso’t isip ay totoo Siya. Ang paggising sa isang umaga at matatawag

na nating isang biyaya, biyaya na ito ng Diyos, ang isang umagang buhay tayo ulit at isang araw na

kasama nanaman natin ang mga mahal natin sa buhay.

Ang pasko ay pagmamahalan at pagbibigayan wag sana nating kalimutan yan. Learn to appreciate simple

things that we have. Christmas is not just about food, gifts and money. Ang pasko ay ang panahon ng

pagpapatawad at pagbubukas ng bagong kabanata ng iyong buhay para sa bagong taong kailangan

nating harapin at salubungin ng may ngiti sa mga labi. Isa ang Diyos sa bumubuo ng pagkatao natin,

nasa sayo kung maniniwala ka.

Ang kaunting tulong natin sa kapwa at napakalaki na para sa mga taong kapos palad. Mas mabuti ang

nabibigay at tumulong sa kapwa kaysa ang binibigyan. Tandaan natin na lahat tayo ay may pananagutan

sa bawat isa. Pagmamahal, pagtulong, pagpapatawad at pagbibigayan, yan ang diwa ng pasko.

--Serenity_Elle

*Author’s Note*

I don’t care if you find it weird pero, yan talaga ang gusto kong ishare haha. Libre lait sa iba hindi po ako

magagalit. ^__^ noong sinulat ko tong story na to? Ang daming bumagabag sakin, it’s temptation

actually. Andoong biglang mamamatay ang laptop ko, andoong maghahang hahaha! Weird right? Well,

sorry na lang sa kanilang mga pumipigil sakin. Faith is my armor :)

^___^ try ko lang gumawa ng hindi love story..

--Ela V.

A/N: eto po, totoo pong nangyari sa kaklase ko toh. Dinagdagan ko na lang po ng details para mas

masaya. Pero kamakailan lang po talaga eto nangyari. Wala lang, gusto ko lang ishare ang mga lessons

na natutunan ko sa story na toh ni ate Hanna :)

Christmas Special: Fake friend. (Forgiveness)

Masayang masaya akong gumising araw araw para sa aking mahal na mahal na lalaki sa buhay ko. Si

Scott <3 yeah, Scott ang pangalan niya. Scott Montenegro. Hmm actually hindi ko pa siya nakikita sa

personal pero alam kong mahal ko siya.

Binigay sakin ni Rhazel ang number niya. Well, actually siya kasi yung unang nagtext sakin. Actually

mayaman siya yun ang alam ko.

Ako nga pala si Hannah Padua, isang simpleng babaeng masayang nag-eexist sa mundong ito. Marami

akong mga kaibigan, ito ay sina Mikka, Maybelyn, Rhazel, Hazel at marami pang iba.

“Te Hannah gutom na ko tara sa canteen!” tsaka kami pumuntang lahat sa canteen. Mabait ang mga

kaibigan ko at alam kong hindi nila ko pababayaan.

“Hanna kamusta naman na kayo ni Scott?”

“Ayun okay naman,hihi mahal ko na ata siya eh.”

“Aaa.” Sagot naman ni Rhazel.

Magsisix months ko nang katext si Scott. Mhine pa nga ang tawagin namin eh, hanggang sa isang araw,

kinausap na lang ako bigla ni Mikka.

“Ate Hanna bakit hanggang ngayon hindi mo parin nakikita ang picture ni Scott?” pati rin ako ay nagtaka.

“Hindi ko rin alam eeh.”

Araw-araw kaming magkakasama ng mga kaibigan ko hanggang sa makita ko sina Rhazel at Maybelyn na

nagtatawanan. Nilapitan ko sila.

“Hi Rhazel!”

“Hanna hello! Ay wait, pahawak muna ko nitong cellphone ko iihi lang ako sa may room grabe sasabog

na pantog ko eh!” mataba si Rhazel, madalas siyang tinutukso ng mga kaklase namin. Wala na lang

kaming magawa kung hindi ang hayaan lang silang manukso.

Wow, dual sim pala tong cellphone ni Rhazel.

Pagbuklat ko ng inbox. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.

Siya si Scott? Hindi to maaari! Paglabas niya ng cr agad ko siyang kinonpronta at sinabing.

“Nasaktan nga ako nang dahil sayo, pero hindi ibig sabihing hindi babalik sayo lahat ng naramdaman ko

sa mga ginawa mo. Niloko mo ko Rhazel, all this time ikaw lang pala ang katext ko? Nandidiri ako sayo!”

sabay takbo. Napaiyak na lang ako sa isang sulok ng room. Kami palang kasi ang tao dito eh.

Ang sama niya. Bulong ko sa sarili ko.

Lumapit sakin si Maybelyn na pinaka-kaclose ni Rhazel.

“Ako na ang nanghihingi ng tawad para sa kanya, hindi ko rin talaga alam. Ngayon ko lang din nalaman

sorry. Sana maniwala ka sakin.” Tumayo ako at hinarap siya.

“Hindi ko pa kaya sa ngayon Maybelyn.”

Agad namang kumalat ang issue sa buong klase namin. Oh yeah, I don’t care. Kadalasan nagpaparinig

ang mga kaklase ko kay Rhazel. Dapat lang sa kanya yun dahil napakasama niya! May narinig pa akong

sinabi ni Hazel.

“Masyado kang manloloko! Palibhasa maSCOTT!” at tsaka sila nagtawanan. Wala siyang masamahang

iba kung hindi si Maybelyn lang. lahat sa mga kaklase namin at kinukutya siya.

Wala akong pakialam.

“We’ll have our revenge for ate Hanna! Mwahaha!!” sabi naman ni Renz.

“Masyado! Hahaha Rhazel tignan mo nga muna yang itsura mo!” sabi naman ni Emmanuel nagtawanan

ulit sila. Nakayuko lang si Rhazel at walang magawa.

“Sama mo naman, ang galing mong manloko grabe Scott! Rhazel is Scott!! Tengene!” sabi naman ni

Romina.

“Anong karapatang niyang manloko ng ibang tao? What are your guts to do this? Oh baka naman

natitibo ko na kay ate Hanna Rhazel. Or should I say Scott? Oh well, dalawa lang naman kasi yan Hazel

eh. It’s either may hinanakit siya kay ate Hanna. *lumapit siya kay Rhazel at tsaka nilapit ang kanyang

mukha* or baka naman may gusto siya kay ate Hanna. Am I right Scott?” sabi naman ni Ela.

(A/n oo ako yun haha wag na po kayong magtaka. Hahah, maldita ang peg ko eh nuh?)

Araw-araw siyang ginaganon ng mga kaklase ko. Lalo na ang mga lalaki. Parang kinahihiya nila na kaklase

namin si Rhazel. Yun naman kasi ang sabi ko sa kanya eh, ito na nga talaga siguro ang karma niya. Sorry

na lang sa kanya.

Dumating din yung time na habang naglalakad siya papuntang room ay nasa labas ako at naglilinis sa

tapat ng room. Biglang sumigaw si Rhazel.

“Sorry Sorry Sorry Sorry Sorry!” sa tonong nakakaasar. Sh*t hindi ko na lang siya pinansin.

Halos araw-araw siyang napapaiyak sa pangungutya ng mga kaklase namin. Wala akong pakialam,

ginusto mo yan.

Malapit na ang pasko. Hmm.

May natanggap akong text galing kay Rhazel na ang sinasaad ay magkita daw kami sa mall. K fine.

Pumayag na lang ako tutal wala naman akong magawa sa bahay eh. Malamig na rin ang simoy ng

hangin. Halatang malapit na malapit na talaga ang pasko. Sinabi ko naman kila Hazel at Mikka na

makikipag kita nga ako kay Rhazel.

“Ano? Sasama kami baka mamaya kung anong gawin nanaman sa kanya ng Scott na yan!”

“Oo nga te Hanna!” dagdag naman ni Mikka.

“Nakuhh wag na, kaya ko na ano ba!”

Pumunta akong mall at nakita ko si Rhazel na nakaupo sa food court.

“Hanna sorry sa mga nagawa ko. Hindi totoo si Scott pero totoo si Mark Louie Montenegro. Nang

malaman kong naghahanap siya ng girlfriend. Naisip kita, kasi gusto kitang sumaya.”

“Ghhhad Rhazel, sana hindi mo na lang ginawa, hindi lahat ng ginagawa mo ay para sa ikasasaya ko.

Tandaan mo yan!”

“Sorry. Sana mapatawad mo ko.”

Kahit papaano ay kaibigan ko naman siya at kahit papaano ay pasko naman na. siguro kailangan ko

namang magpatawad sa ngayon.

“Sana wag mo nang uulitin.”

“Talaga?? Pinapatawad mo na ko?” masaya niyang sabi. Tumango ako.

Nagpapapalkpak naman siya sa sobrang saya.

“Pero hindi na tayo tulad pa ng dati.” Dagdag ko pa. nalungkot naman siya bigla.

Minsan sapat nang magpatawad ka at layuan mo na lang ang mga taong nanloko sayo dahil baka ulitin

lang nila ito sayo. Sapat nang alam nating marunong tayong magpatawad sa kapwa kaysa hindi.

“Sige, pangako magbabago na ko.” Sabi ni Rhazel.

Umiling ako.

“Hindi pinapangako yan Rhazel, ginagawa.” Tumalikod na ko at umalis. Sapat na saking mapatawad ko

siya at wala na kong nakabaong galit para sa kanya tutal pasko naman.

Masama man siya sa mata ng iba, para sakin naging kaibigan ko parin siya. Hindi naman masama kung

lalayuan ko na siya diba?

Mas mabuti na siguro talaga toh kesa mapalapit pa ko sa kanya.

------

Sa buhay natin, hindi maiiwasan ang mga kaibigang manloloko o ang tinatawag nating mga fake friends.

Marami ang nagogoyo lalong lalo na sa text. Sana buksan natin ang ating mga kaisipan tungkol diyan.

Ang mga tao sa ngayon ay nagagawa nang manloko gamit ang cellphone. Ganun pa man, kahit anong

laki ng kasalanan sa atin ng isang tao, sana matutunan nating magpatawad at huwag magtanim ng galit.

Hindi man natin sila binigyan ng second chance sa buhay natin. Ayos na yung mapatawad natin sila sa

nagawa nila.

Kung ang Diyos nga nagpapatawad, tayo pa kayang tao? Hindi man natin kaya silang patawarin sa ibang

araw, darating din ang panahon na huhupa lahat ng sakit na idinulot nila at magkakaruon muli ng

bagong pag-asa. Time heals the pain at kapag kaya mo na, mapapatunayan mo sa iyong sarili na

napakagaan pala sa kaloobang magpatawad. Sapat na ang naranasan nilang makarma sila, sa ganung

pangyayari at matututo sila.

---Serenity_Elle

(A/n sana po magustuhan niyo ang mga stories ko. Lame eh nuh? Hihi!)

Sleeping Pills

*yaaaaawn* hmmm ang sarap naman ng tulog ko. Ay btw, kailangan ko pa nga palang pumasok sa

school ng maaga para hindi ako mapagalitan! Hehehe ;) isa pa excited na rin akong makita si crush ee

hohoho! Siya si Kevin yay! ^__^ saya ko naman. Ang gwapo niya kasi ee ^O^

Gumayak ako para sa school pagkatapos ko namang gumayak ay pumunta na ko ng school. Hinatid ako

ng kapatid ko. Yun na ata ang daily routine niya eh!

“Ms.Kimbery Agorto.”

Ayy ako na pala yun.

“Present ma’am!” tsaka ako nagtaas ng kamay. Isa akong honot student sa klase namin hihih sabi nila

mabait daw ako at medyo maldita.hoho oo na nga! >__<

---Lunch time

Kasama ko sina Ronnie, Mary at Siana. Sila ang mga friends ko mababait sila yun nga lang minsan

nangangain sila ng tao tulad ko di joke lang haha.

Third year high school na ko samantalang si crush naman ay fourth year high school na. dito kami sa

cafeteria kumakain dahil andito lagi ang crush ko ^__^ araw araw ko ngang hinihiling na sana maging

crush din niya ko ee hohoh! Sino ba naman ang hindi may gusto nun diba?

Nakita ko silang pumasok na sa loob ng cafeteria. Nakuuhh eto na nga ba ang sinasabi ko! Ang puso ko!!

Waaaaahhh angingay ingay niya swear!

“Ayieee Kim ohh ayiee!”

“Psh.” Sabi naman ni Ronnie. Ang epal naman nito. Laging badtrip ahahaha well, focus muna kasi ako sa

pagsilay eeeh.

Bigla namang.

*Haaaachoooo!* oppps! Napatingin sila crush emeged! Bakit ngayon pa ko inatake ng allergy ko

uwaaah! Katabi lang ng table namin yung kila Kevin kaya napatingin sila sakin. Kinalabit ko si Siana dahil

na sa kanya lagi ang gamot ko.

“Siana, yung gamot ko!”

Kakahiya. Kilala kasi ako ni Kevin eh pati na rin ang mga katropa niya. Lagi sila kasing kadota ni kuya ko

ee kaya ayun kilala nila ko.

“Anong gamot mo naman ai? Yung flanax hahah lols!” sabi ni Kuya Benjie na katropa ni Kevin. T__T

sheeeeet ayoko na >////< nakakahiya swear!

“Sira!masakit yung ulo ko wag kang makialam!” sabi ko naman.

Si Kevin yung tipong napakahirap kausapin. Tahimik lang kasi siya, at bihira niyang kausapin ang mga tao

sa paligid niya pero bugok siya. Weird nga eeh noh? Di kaya abnormal lang talaga siya??nahihiya talaga

ko! Ni hindi na nga ako makatingin sa kanila eeh.

“Psh ingay.” Reklamo ni Ronnie. Kahit kailan talaga tong lalaking toh napaka pms.

Nagulat naman ako bigla sa nagsalita.

“Try mo uminom ng sleeping pill tanggal yang hilo mo hahahaha makakatulog ka lang.” tsaka tumawa pa

ng sobrang wagas si Kevin. Nagulat ako dahil ngayon lang niya ulit ako kinausap. Para namang isang

automatic na dumaloy pataas ang dugo ko papuntang mukha ko kaya eto ako ngayon nag-iinit ang

mukha at feeling ko para na kong kamatis sa pula.

“HAHAHA SLEEPING PILLS MEN!” tsaka sila nagappir.

“Huuuy joke lang ah!” pahabol pa ni Kevin. Kaurat lang eh, lagi niya kong kinakausap pagdating sa pang-

aasar.

Malapit na ang student’s night. Hmmm. Excited na ko waaah.

Di nagtagal, dumating rin ang studen’t night. Siyempre nakadress kami, hinatid naman ako nila mama sa

loob ng school para daw mas safe.

“Anak yung pawis mo ha lagi mong pupunasan at tsaka dapat kumain ka wag kang magpapagutom.

Tandaan mo yan ha! O eto payong kung saka sakaling uulan sige na sige yung cellphone mo buksan mo

para maitetext kita.” Ang dami namang sermon ni mama.

“Opo opo si mama talaga.”

“Osige na.” at tsaka na umalis si mama.

“Hahaha hindi ka naman magkakasakit, ako nga may hepa na epileptic pa oh diba? San ka pa.” nagulat

ako sa nagsalita. Si O__O Kevin?

“Hahaha baliw. Abnormal ka talaga!” pumasok kami sa loob. Nagulat ako kung saan sya pumunta. Sa

tabi ng isang babae. At ang babaeng iyon ay si Siana. Huh? Anong meron sa kanila? Biglang hinawakan ni

Kevin sa kamay si Siana at napatulala lang ako.

>/////< kaibigan ko ba talaga siya?

Eto ba yung surprise niya sakin para sa gabing ito?na sila na ni Kevin?

Umupo na lang ako sa tabi ni Jen. Ang isa din sa pinaka-kaclose ko.

“Oh ano? Nakuh dapat talaga sa kanya nginungudngod eh! Hay nako! Kimberly wag mo na lang tignan at

nakuh makukunsumi ka lang sa kaharutan ng babaeng yan!” napangiti na lang ako dahil kahit papaano

ay nandiyan si Jen. Hindi man kami madalas nagsasama nito pero siya pa ang kakampi ko ngayon.

Madalas ko kasing kasama sina Siana. Pero hindi ko akalaing kung sino pa ang hindi ko madalas

kasaman, siya pa ang magtatanggol sakin. Wala tuloy akong gana ngayong gabi. May tumayong lalaki sa

harap ko at inabot ang kaniyang kamay. Pagtingin ko ay si Jeremy. Isa din sa kaclose ko sa section namin.

Mabait si Jeremy at siya ang first dance ko ^__^

“Hahahah alam mo, minsan nagtataka ko kung pano mo natitiis yung kaplastikan ng babaeng yan eh.

Kita mo nga nasisira yang ganda mo ngayong gabi kainis siya ha!” isip bata talaga toh kahit kailan

hahaha. Natawa na lang ako sa sinabi niya.

Nag-usap lang kami ng ilang mga bagay at umupo na.

Nahihilo na ko kaya naman napagdesisyunan kong lumabas na lang para magpahangin. Hmmmmuch

better here. Tahimik, walang ingay at walang Kevin at manloloko akong kaibigang nakikita! Haayyy

umupo lang ako sa damuhan at kita ko parin ang liwanag galing sa gym.

Ilang oras din akong ganun. Tinignan ko ang relo ko. Hmmm malapit na palang magtwelve. Kaya naman,

tumayo na ko. Uuwi na lang ako. Hayyy, :(

Biglang may tumayong lalaki sa harapan ko.

“Can I have this dance miss iyakin?? Haha.”tumingala ako at nakita ko si Ronnie. Ang gwapo niya ngayon

sobraaaa!!

Tumayo ako at napayakap na lang sa kanya. Naiyak ako sa ginawa sakin ni Siana.

“Ronnie *huk*” sabi ko habang nagsisimula na kaming sumabay sa tugtog.

NP: Can I have this dance.

“Ayan, sabi ko na nga ba iiyak ka nanaman eh. Sige ayan lang yung balikat ko iyak lang! hanggang sa

mawala lahat. Lukutin mo pa ang damit ko kung gusto mo.”

Niyakap ko siya. Napakagaan talaga ng loob ko sa kanya. Sa pagyakap kong yon, naramdaman ko ang

lakas ng tibok ng puso niya. Napahiwalay ako.

“Feel that? It beats for you.” Sabi niya habang seryoso. Hindi ko siya maintindihan.

“A-ano?”

“Gusto ko lang malaman mong handa akong masaktan para sayo. Hindi man ako ganung kaperpektong

lalaki tulad ng inaakala mo. Kaya naman kitang pangitiin na hindi magawa ng iba para sayo. Mahal kita

Kim, please pakinggan mo ko. Hindi ko masabi sabi sayo dahil parang hindi umaayon ang oras at

panahon sating dalawa. Sorry. Yun talaga nararamdaman ko, pero kung sakaling hindi mo yun

matanggap, handa akong lumayo para sayo.”

Bibitaw na sana siya kaso hinigpitan ko lalo ang yakap ko.

“Kung talagang mahalaga ako sayo. Mahalin mo ko upang matutunan kitang mahalin. Alam ko hindi ka

mahirap mahalin Ronnie. Please don’t leave me, and please love me.”

Tumingin siya sakin at tsaka niya ko hinalikan sa noo.

“I will, even if takes so long to wait.”

------

May mga bagay na sadyang hindi nakalaan para satin, matuto tayong magparaya. Kapag alam mong ang

isang bagay ay hindi nakalaan para sayo, matuto kang pakawalan ito at maging masaya sa kung saan

man siya dalhin ng tadhana. Bawat bagay na hindi nakalaan satin ay may kapalit na isang bagay na MAS

pa sa dati.

Bawat tao sa mundo ay may nakalaang isang taong mamahalin ka kahit na nasaktan ka pa at handang

maghintay para sayo. Hindi natin kailangang itong hanapin dahil kusa itong dadating sa atin sa tamang

panahon at oras kung saan handa na kayong dalawang umikot ang mundo sa isa’t isa at bumuo ng isang

bagong kabanata sa inyong buhay na puno ng masasayang ala-ala.

---Serenity_Elle

My bestfriend is an idiot.

Napakahirap para saking itago ang aking nararamdaman para sa kanya. Araw-araw kong hinaharap ang

isang umaga na pinipigil ang aking damdamin para sa kanya. Tuwing nakikita kong masaya siya at ang

dahilan nun ay ang iba, nalulungkot ako. Alam kong may pagkaselfish pero, masisisi niyo ba ko? Sa 3

years ko siyang kasama natutunan ko siyang mahalin.

Napakahirap magtago ng pagmamahal ko. Kaya nga minsan dinadaan ko na lang lahat sa biro kahit hindi

parin niya ko maintindihan.

“Kuyaaa Jacob! Hoho bili tayong ice cream please!!! I wan’t some ice cream yehhey!!” sino ba naman

ang makakatiis sa kanya dibah? >/////< siya si Alice,napakulit kong bestfriend. Pero kahit ganun ayaw

niyang tinatawag akong Jacob lang.

Naiilang ata siya -_-

“Oo na!”

“Yey! I love you kuya!” at tsaka niya ko hinalikan sa pisngi. Masarap sanang pakinggan ito kaso may kuya

eh. Mahal lang yun dahil matalik niya akong kaibigan.

“Psh. -_-“

Naglakad kami papuntang seven eleven para bumili ng magnum, naglilihi ata to sa ice cream eh.

Pasalamat siya mahal ko siya at hindi ko siya kayang tiisin. Kailan ko kaya masasabi sa kanya ang lahat

lahat ng yun? Kailan kaya ako hindi matotorpe?

Araw araw ako ang kasama niya sa school. Well, siyempre bantay sarado sakin yan lalo na kung may mga

manliligaw. Isa lang naman talaga ang ayaw kong manliligaw niya eh.

Si Paulo. Mahal niya kasi si Paulo dati pa kaso hindi siya mahal nito at tsaka nung nagbreak sila nung

girlfriend niya ayun tsaka niya niligawan si Alice. Alam ko namang wala akong laban dahil mas nauna

silang magkakilala kesa samin.

-____-

Ang gusto ko lang malaman niya ang nararamdaman ko.

Kaso natatakot ako sa magiging sagot niya. Araw araw ako ang hatid sundo niya, kilala rin ako ng mga

magulang niya at sa katunayan ay boto nga silang lahat sakin eh. Natatakot akong mareject. Natatakot

akong harapin ang katotohanang marereject talaga ako. Kasi ayoko munang marinig sa kanya yun.

Naglalakad kami ngayon sa school.

Nagulat naman ako nang bigla siyang utusan ng teacher namin.

“Pssst alice buhatin mo yun tatlong kahon na yun papunta dun sa may room na yun.” At tinuro niya ang

itapat ng room namin. -__-

“Ma’am ako na lang po.”

“Hindi, ikaw naman bumili ka ng pagkain sa canteen.” Siraulo ba siya? Ang lalaki ng mga pinapabuhat

niya, dapat si Alica na lang ang pinabili niya ng pagkain. Psh, pwede bang ipakulam tong teacher na toh

nakakabwisit eh.

Pagkatapos kong bumili ng pagkain, nakita ko si Alice na nakaupo at pagod na pagod. Nakuh puyat pa

naman toh.

“Huyyy ayos ka lang?”

“Hmmmm.” Tsaka siya sumandal sakin at kita kong tulog na tulog na siya. Walangya kasing teacher yun

eh, kababaeng tao pinapagod walang awa amputs! Sanay na saamin ang mga kaklase namin. Hahah

ganun talaga kami kasweet eh. Lumapit sakin si Gerald na kaklase ko.

“Imbaa! Iba na yan ahh! Hahaha.”

“G*go” sabi ko naman.

Hindi ko na siya ginising para iuwi, instead binuhat ko na lang siya na bridal style at inuwi sa kanila, oo

tama kayo tulog siya sa taxi >__< akala nga nung driver eh may ginawa akong masama pero siyempre

nagpaliwanag naman ako.

Inuwi ko siya sa kanila at yung ate lang pala niya ang kasama niya sa bahay. Lagi kasing nasa work ang

parents niya eh. Pagkarating ko dun agad ko siyang binaba sa higaan nila at pinagiistay muna ako di to ni

ate Cheska.

“Huyyy kayo na ba ng kapatid ko ha?”

“Hindi ah!”

“Please win her heart okay?” sabi ko naman sa inyo eh, botong boto sakin ang ate niyan pati na rin ang

iba niyang kapamilya at kapuso.

Pinuntahan ko siya sa kwarto niya at tinitigan ko siyang matulog. Hmmm ang peaceful niyang tignan,

parang hindi siya ang bestfriend kong nangungulit sakin at parang nawala yung sungay niya? Hahaha

joke ano kaya kung tanungin ko siya?

Oo wala naman mawawala eh.

Nagising siya at nagulat nang makita ko.

“Nakatulog ka hoy! Hinayupak kasing teacher yun!”

“Ahh oo nga pala hihi :)”

“Ahhh Alice may tanong ako sayo.”umayos siya ng upo at tumabi sakin. Sumandal ulit sa balikat ko at

pumikit.

“Hmm?”

“Mahal mo pa ba si Jigs?” kinakabahan ako sa pag-amin na toh.

“Ah hindi na bakit?”

“Kung sakali bang sabihin ko sayong mahal kita maniniwala ka?” umalis siya sa yakap at tsaka ako

pinagtawanan. Ganyang naman ang ugali niya eh, akala niya lagi akong nagbibiro pagdating diyan sa

pagsasabi ko ng I love you. Don’t she know that jokes are half meant? Ang manhid naman niya para

hindi maramdaman yun >/////<

“Ah sige sabi ko nga eh hindi ka maniniwala.”

“Hahaha oo naman kuya noh! Sino ba naman ako para mahalin mo diba? Ako lang naman si Boyish,

makulit, isip bata, panget galaw—“

“Ikaw si Alice kaya gusto kita at kaya mahal kita.” Nagulat siya sa pagsasalita ko at nakita kong may

pumatak na luha galing sa mga mata niya. Sh*t anong ginawa ko? >/////< ayan nanaman siya eh, sinabi

ko na ngang ayoko siyang nakikitang umiiyak. Ako rin naman pala ang dahilan ng pag-iyak niya. Aisssh.

Niyakap ko siya ng mahigpit.

“Hindi mo naman kasi kailangang umiyak, kung hindi mo ko mahal eh di hindi! Ayos lang naman sakin

yun, ang sakin lang ayaw kong tinatago yun sayo at hindi ko na talaga kaya.” Umiiyak parin siya at

hinahampas hampas ako sa dibdib.

“Ikaw kasi ang tanga mo eh hindi mo man lang naramdaman yun Alica. No wonder, my bestfriend is an

idiot right? Hahaha stop crying!”

“Ikaw *huk* nakakainis ka! Bakit *huk* ngayon mo lang yan sinabi! Hindi mo ba alam na araw araw

kong hinihintay na sabihin mo sakin yan? *huk* nakakainis ka Jacob I hate you!” nagulat ako sa sinasabi

niya at napangiti ako.

“Hahahaha you hate me? Sige tutuloy na lang pala ako sa Australia hahaha sige!” aakamang aalis na ko

pero hinigpitan niya ang yakap sakin.

“Kapag umalis ka, hindi na kita love *huk*.”

“Hmmm ano sabi mo? Hindi ko narinig eh. Mahina na kasi ang tenga ko eh.”

“*huk* ayaw, talo bingi!”

“Okay sige alis na ko.”

“I love you kasi ano ba! Ahuhuhuh *Huk*”

“I love you too.” Then I kiss her passionately.

This is the best day ever. Buti na lang pala at hindi ako natakot harapin ang katotohanan.

Ang katotohanang..

Mahal pala namin ang isa’t isa :)