LEARNER'S MATERIAL - 1 File Download

115
DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________ 1 Department of Education Schools City Division Cabanatuan City LEARNER’S MATERIAL (Araling Panlipunan) GRADE 5 (Quarter 4) Author/Developer: Joana Marie Dizon Maureen I. Junio Teacher III Teacher III Czarina I. Junio Roselle C. Dela Cruz Teacher I Teacher III Quality Assurance: Mrs. Josephine S. Tabangay EPS-I Araling Panlipunan Ever M. Samson EPS-I LRMDS Priscilla D. Sanchez, Ph.D. Chief ES, Curriculum Implementation Division

Transcript of LEARNER'S MATERIAL - 1 File Download

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

1

Department of Education

Schools City Division Cabanatuan City

LEARNER’S MATERIAL

(Araling Panlipunan) GRADE 5 (Quarter 4)

Author/Developer:

Joana Marie Dizon Maureen I. Junio Teacher III Teacher III

Czarina I. Junio Roselle C. Dela Cruz Teacher I Teacher III

Quality Assurance:

Mrs. Josephine S. Tabangay EPS-I Araling Panlipunan

Ever M. Samson EPS-I LRMDS

Priscilla D. Sanchez, Ph.D. Chief ES, Curriculum Implementation Division

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

2

IKAAPAT NA MARKAHAN

TALAAN NG NILALAMAN PAHINA

ARALIN A : KONTEKSTO NG REPORMA Natatalakay ang mga lokal na mga pangyayari tungo sa

sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan Reporma sa ekonomiya at pagtatatag ng monopolyong tabako ....................................................... 5

Mga pag-aalsa sa loob ng estadong kolonyal .................................................... 9

Kilusang Agraryo ng1745................................................................... 12 Pag-aalsa ng kapatiran ng San Jose ....................................................... 18

Okupasyon ng Ingles sa Maynila ............................................... 22

ARALIN B : PANDAIGDIGANG PANGYAYARI

Natatalakay ang mga pandaigdigang pangyayari bilang. 26 Konteksto ng malayang kaisipan tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan -Paglipas ng merkantilismo bilang ekonomikong batayan 32 Ng kolonyalismo …………………………………….. -Paglitaw ng kaisipang “ La Ilustracion ……………………. 39 ARALIN C : PAG-USBONG NG MALAYANG KAISIPAN AT NAUNANG PAG-AALSA

Natatalakay ang sanhi at bunga ng mga rebelyon At iba pang reaksyon ng mga Pilipino sa Kolonyalismo ..................................... 45

Naipaliliwanag ang pananaw at paniniwala Ng mga Sultanato (Katutubong Muslim) Sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan ………………………… 52

Natataya ang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sector (katutubo at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan 63

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

3

Natatalakay ang kalakalang galyon at ang epekto nito Sa bansa …………………………………… . . ….. .

Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkakawatak- watak ng mga Pilipino ng mga Pilipino sa

mahalagang pangyayari at mga epekto nito sa naunang mga pag-aalsa labansa kolonyalismong Espanyol ……………………………………………………

Nakapagbibigay-katuwiran sa mga naging epekto ng mga unang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan na tinatamasa ng mga mamamayan sa kasalukuyang panahon Naipapahayag ang saloobin sa kahalagahan ng pagganap ng sariling tungkulin sa pagsulong ng kamalayang pambansa tungo sa pagganap ng sariling tungkulin sa pagsulong ng kamalayang pambansa tungo sa pagkabuo ng Pilipinas bilang isang nasyon

ARALIN B : Pagpupunyagi ng katutubong Pangkat

na mapanatili ang kalayaan sa kolonyal na Pananakop

Naipapaliwanag ang di matagumpay na pananakop

sa mga kolonyalismong Espanyol ....................................................... 89

Nasusuri ang mga paraang armado ng Pananakop ng mga Espanyol ................................................................. 94

Natatalakay ang mga isinagawang rebelyon Ng mga katutubong pangkat ............................................................. 99

Natataya ang sanhi at at bunga ng mga rebelyon at iba pang reaksyon ng mga katutubong Pilipino sa kolonyalismo .......................108

Nakakabuo ng konklusyon tungkol sa mga dahilan ng di matagumpay na armadong pananakop ng mga Espanyol sa ilang piling katutubong pangkat ..................................................112

Nasusuri ang epekto ng kolonyalismong Espanyol sa pagkabansa at pagkakakilanlan

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

4

Ng mga Pilipino ......................................................................................................115 Glossary 118

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

5

aA

KONTEKSTO NG REPORMA

PANIMULA

Maramiing mga pangyayaring naganap sa panahon ng ating mga

ninuno nang sakupin tayo ng mga Espanol, sila’y nakipaglaban upang

ipagatnaggol ang ating bayan. Ang kanilang pakikibaka ay nagbunga ng

maganda at di magandang pakikipaglaban sa ating mga ninunong mga

Pilipino. Dahil sa kanilang mahusay na pakikibaka naipaglaban nila ang

kanilang nais na ipaglaban.

Sa aralin ngayon inaasahang

1. Natatalakay ang mga pangyayari tungo sa pag-usbong ng

pakikibaka sa bayan.

2. Natutukoy ang mga magagandang dulot ng pag-usbong ng

pakikibaka sa bayan.

1. Ano ano ang mga lokal na mga pangyayari tungo sa pag-usbong ng

pakikibaka sa bayan?

2. Ano ano ang mga magaganda at di-magandang naidulot ng

pakikbaka ng bayan.

Mga Pandaigdigang Pangyayari Tungo sa Pag-usbong ng Pakikibaka ng

Bayan:

Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan

Umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas.

Marami ang yumaman.

Nagnasa ng kalayaan mula sa pananakop ng mga Espanyol.

Tinawag itong filibustero o subersibong kaisipan.

Pagpapatibay ng Dekretong Edukasyon ng 1863

Paaralang Primarya

Paaralang Normal para sa Guro

Sapilitan pero walang bayad sa primarya.

Wikang Espanyol ang ginagamit sa pagtuturo.

Pagbabago ng Antas ng Lipunan

Kolonyalistang Espanyol

Aralin 1 AP5PKB-Iva-b-1

Alamin Mo

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

6

Peninsulares at Insulares

Principalia

Ilustrado

IndioPag-usbong ng Liberal na Ideya

Mapaunlad ang buhay ng tao.

Pagbabago sa pulitika, pangkabuhayan, panrelihiyon at edukasyon.

Panahon ng Kaliwanagan o Enlightenment

Umunlad noong ika 18 siglo sa Europa

Pagbubukas ng Suez Canal

Naging maikli ang paglalakbay at napadali ang komunikasyon mula sa

Maynila hanggang Espanya.

Liberal

Ang tao ay may natural na karapatang mabuhay, magkaroon ng ari-arian,

maging malaya, at may karapatang mangatuwiran.

Pagkakaroon ng Panggitnang Lipunan (Middle Class) na nakapag-aral

Binuksan ang kalakalan sa daigdig noong 1834. Amerikano, Ingles, Tsino.

Marami ang nagsiyaman.

Maraming nakapag aral na tinatawag na middle class.

Pagpapalaganap ng isang relihiyon.

Pagbibigay ng pangalan sa lupain.

Pang aabuso at pagmamalupit.

Gawain A.

Lagyan ng tsek( /) kung ito ay magandang naidulot ng pakikibaka ng mga

ninuno at ekis (x) kung hindi

_____1. Pag-aaral sa primary at kolehiyo

_____2. Pangkabuhayan, marami ang nagsiyaman

_____3. Sapilitang paggawa

_____4. Pagbubukas ng Suez Canal

_____5. Wikang Espanyol ang ginagamit sa pagtuturo.

_____6. Pagpapatayo ng mga gusali

_____7.Pagpapalaganap relihiyon

______8.Peninsulares at Insulares

______9.Principalia

______10.Pagbibigay ng pangalan sa lupain

GAWIN MO

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

7

Gawain B.

Ano ano ang mga magaganda at di-magandang naidulot ng

pakikibaka ng nga mga ninuno sa bayan. Isulat ang sagot sa ibaba.

MAGANDA DI-MAGANDA

1. 1.

2. 2.

3. 3.

4. 4.

5. 5.

Gawain C.

Hanap salita. Hanapin at bumuo ng mga salitang napapaloob dito. Bilugan

ang mabubuong salita.

S U E Z C A N A L S I

A B B C C C B S I S L

E K O N O Q W Z B W U

Z Z X X C N B Q E E S

P A G A A R A L R Q T

W S X C V B Z X A W R

P R I M A R Y A L T A

E K O N O M I Y A A T

P R I N C I P A L A O

K A L A K A L A N W R

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

8

Buuin ang mga pangungusap sa ibaba.

1. Ang tao ay may natural na karapatang __________, magkaroon ng

__________, maging ___________, at may karapatang mangatuwiran.

2. Binuksan ang kalakalan sa daigdig noong _________.

3. Naging maikli ang paglalakbay at napadali ang komunikasyon mula sa

_____________hanggang __________.

4. Sapilitan pero walang bayad sa ______________.

5. Wikang ____________ang ginagamit sa pagtuturo

TANDAAN

TANDAAN MO

MO

Mga Pandaigdigang Pangyayari Tungo sa Pag-usbong ng

Pakikibaka ng Bayan:

Ang mga pangyayari tungo sa pag-usbng ng pakikibaka ng bayan

ay nagdulot ng mga magaganda at di-maganda. May

pangkabuhayan, paaralan, karapatan, relihiyon at marami pang

iba.

NATUTUHAN KO

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

9

KONTEKSTO NG REPORMA

PANIMULA

Sa loob ng mahabang panahon na pamamalagi ng mga Kastila sa

Pilipinas, maraming panukala ang kanilang inilunsad. Mayroon para sa

paggawa, agrikultura, relihiyon at maging sa pangangalakal. Maliban sa

Pilipinas ay mayroon pa silang ibang mga nasasakupan at ginamit nila ang

mga ito maging sa paglilipat at pagdadala ng mga kalakal na siyang

nagbunsad sa pagkakabuo ng galyon at nang kalakalan sa pagitan ng

Pilipinas at ng Acapulco, Mexico.

Sa aralin ngayon inaasahang :

1. Natatalakay ang reporma sa ekonomiya at pagtatatag ng

monpolyang tabako.

2. Napaghahambing ang mga mabuti dulot at masamang dulot ng

monopolyang tabako

Upang lumaki ang kita, nagkaroon ng pagbabago

sa ekonomiya sa panahon ni Gobernador-Heneral Jose

Basco y Vargas. Noong 1781, itinatag ang monopolyo ng

tabako. Kontrolado ng pamahalaan ang malawakang

pagsasaka at pagbili ng tabako tulad ng sa Ilocos,

Cagayan, Nueva Ecija at Marinduque. Ito ay tumagal

hanggang 1881.Ang bawat mag-anak ng magsasaka ay

may takdang dami ng tabako na dapat anihin. Sila ay

nagtanim ng 40,000 halaman ng tabako sa isang taon. Ito

ay binili ng lahatan ng pamahalaan sa mababang halaga.

Ipinagbawal din ng pamahalaan ang paghithit ng mga

mamamayan sa sariling ani. Pinagmumulta sila kung

ang kanilang ani ay nasira o nasalanta ng bagyo. May

mabigat na parusa sa sinumang lumabag sa mga alituntunin.

Aralin 1.1 Code AP5PKB-IVa-b-1

ALAMIN MO

Paano itinatag ang monopolyang tabako?

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

10

May kabutihang naidulot ang monopolyo. Natupad ang mithiin ni

Basco na lumaki ang kita ng pamahalaan at makapagsarili ang bansa.

Nagkaroon ng trabaho ang libu-libong mamamayan. Nang lumaon, mas

marami ang kasamaang naidulot nito. Inabuso ng mga pinunong namahala

rito ang kanilang tungkulin kayat katakut-takot na paghihirap ang dinanas ng

mga mamamayan. Ang mga magsasakang nasiraan ng pananim ay hindi

lamang pinagmulta kundi binawian pa ng lupa. Hindi rin sila binayaran.

Nagkaroon ng puslitan at suhulan. Sa halip na mapunta sa pamahalaan ang

salapi, napunta ito sa bulsa ng mga opisyal. Umabot ito sa kaalaman ng Hari

ng Espanya kayat ipinatigil niya ang monopolyo.

.

Gawain B

Gamit ang Venn Diagram, isa-isahin ang iba’t ibang kabutihan at

kasamaang dulot ng monopolyo ng tabako sa ating bansa.

Gawain A

Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng monopolyo

ng tabako sa ating bansa?

2. Sinong pinunong Espanyol ang nagpasok ng mga

pagbabagong pang-ekonomiya sa kolonyang

Pilipinas?

3. Paano naapektuhan ang mga Pilipino ng reporma

ni Basco?

4. Ano-ano ang mga lalawigang sakop ng monopoly

ng tabako?

5. Bakit nagpatupad ng mga reporma o pagbabago

sa kabuhayan ang Espanya sa kolonya?

GAWIN MO

MO

Monopolyo

ng Tabako

Kabutihang dulot

Di Mabutng

Dulot

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

11

Gawain C

Pangkatang Gawain

Magkaroon ng isang maikling pagsasadula ng pagtatatag ng monopolyang

tabako naganap sa ating bansa.

Iguhit ang masayang bilang kung ang pahayag ay nagpapakita ng

kagandahang naidulot ng monopolyo ng tabako, malungkot na mukha

kung ito ay nagpapakita ng kasamaang naidulot nito sa ating bansa. Gawin

ito sa notbuk.

_____ 1. Marami sa mga opisyal ng pamahalaan ang naging mapagsamantala.

_____ 2. Natutustusan na ng kinikita sa monopolyo ng tabako ang

pangangailangan ng kolonya at hindi na kailangan pang humingi ng

suporta mula sa Espanya

_____ 3. Malaking lupain din ang nalinang upang gawing taniman ng tabako.

_____ 4. Naging mapang-abuso ang ilang mga opisyal sa tuwing

maghahalungkat ng mga bahay ng magsasaka na pinaghihinalaang

nagtatago ng tabako.

_____ 5. Nanguna ang Pilipinas sa pag-aani ng tabako sa buong silangan.

TANDAAN MO

MO MO

Upang lumaki ang kita, nagkaroon ng pagbabago sa ekonomiya sa panahon ni Gobernador-Heneral Jose Basco.

Ang monopolyo ng tabako ay naitatag.Tabako lamang ang itinatanim sa Hilagang Luzon.

May takdang dami ng itatanim at may takdang presyo rin. Nahirapan ang mga Pilipino dahil kinapos sa pagkain.

NATUTUHAN KO

MO MO MO

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

12

Code AP5PKB-IVa-b-1

KONTEKSTO NG REPORMA

PANIMULA

Ayon sa mga mananaliksik ng kasaysayan ng ating bansa, tumutol ang

marami sa ating mga ninuno sa pananakop ng mga Español. Malaking hirap,

pagmamalupit at pang-aabuso ang dinanas ng mga Pilipino noon kaya nag-

alsa sila. Mahigit sa 100 pag-aalsa ang isinagawa nila sa loob ng 333 taong

pananakop ng mga Español sa Pilipinas.

Sa araling ito inaasahang:

Natatalakay ang ilang mga pag-aalsa sa loob ng kalagayang kolonyal.

Bakit nag-alsa ang mga katutubo?

Larawan ng paglaban ng mga Pilipino at mga mananakop

Ang pag-aalsa ay ang pagtutol o hindi pagsang-ayon sa mga patakaran o anumang nakahahadlang sa kalayaan ng mga mamamayan sa isang lugar o ng isang indibidwal.

Ilan lamang ang mga sumusunod na pag-aalsa:

Lakan Dula at Sulayman (1574)

Ang pamamalakad sa bansa ni Legazpi ay

maganda at maayos. Ngunit nang mamatay si

Legazpi, ang naging kapalit niyang si Gobernador

Heneral Guido de Lavezares ay hindi naibigan ng

mga katutubo dahil bigla niyang inalis ang mga

Aralin 1.2

ALAMIN MO

Lakan Dula Raha Sulayman

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

13

karapatang ipinagkaloob ni Legazpi. Pinagmalupitan at pinagsamantalahan

ng mga Español ang mga katutubo. Naging matindi ang galit nina Lakan

Dula at Sulayman at sila ay nag-alsa.

Naganap ito sa Tondo noong 1574. Natigil lamang ang pag-aalsa ng mga Pilipino nang ibalik kina Lakan Dula at Sulayman ang kanilang karapatan.

Magat Salamat (1587-1588)

Lalong matindi ang pag-aalsa ni Magat Salamat, anak ni Lakan Dula, kaysa sa naunang pag-aalsa ng kanyang ama at tiyuhin. Nagtatag siya ng lihim na samahan upang ipaglaban at makamit muli ang kalayaan ng mga katutubong Pilipino noong unang bahagi ng 1587. Ang mga kasapi ay buhat sa iba’t ibang panig ng Gitnang Luzon at sa Pulo ng Cuyo at Borneo. Nakipagsabwatan din sila kina Juan Gayo at Dionisio Fernandez na magpasok ng mga sandata buhat sa Japan.

Subalit sila ay hindi nagtagumpay dahil sa pagtataksil ng isa nilang kasamahan na si Antonio Surabao. Dahil dito, ikinulong at pinatay si Magat Salamat.

Magalat

Ang mga taga-Cagayan sa pamumuno ni Magalat ay nagpakita ng hindi pagsang- ayon sa buwis at sapilitang paggawa na ipinatutupad ng mga Espanyol subalit siya rin ay nabigo.

Ang Pag-aalsa ni Tapar (1663) Isang babaylan si Tapar. Itinatag niya sa Oton, Panay ang isang bagong relihiyon na parang binagong anyo ng Kristiyanismo noong 1663. Tinutulan ng paring Español ang kilusang panrelihiyon. Sumugod ang mga tropa ng pamahalaan at nahuli si Tapar. Binitay siya kasama ng iba pa niyang kaibigan. Itinali ang kanilang labi sa poste upang makita ng mga taong bayan at hindi pamarisan. Dagohoy (1744-1829)

Ang malawakang pag-aalsa laban sa mga Español ay pinagunahan ni Francisco Dagohoy na siya ring

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

14

itinuturing na pinakamahabang rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas.

Naghimagsik si Dagohoy nang ayaw pumayag ng paring si Gaspar Morales na bigyan ng Katolikong libing ang kanyang kapatid.

Palaris

Ang pag-aalsa sa Pangasinan ay pinamunuan ni Juan dela Cruz Palaris. Nahimok na sumapi ang mga mamamayan ng mga bayan ng Binalatongan, Dagupan, San Jacinto, Bayambang at Santa Barbara, upang humingi ng reporma sa pamamahala.

Ang Rebelyon nina Bancao at Tamblot (1621-1622)

Naganap ang rebelyong panrelihiyon dahil nais talikdan ng ilang Pilipino ang Kristiyanismo. Nais nilang bumalik sa pananampalataya sa mga diyos ng kanilang mga ninuno. Ang pag-aalsa sa Bohol ay pinamunuan ni Tamblot. Sa Leyte, ito ay pinamunuan ni Bancao. Nagpadala ang pamahalaan ng mga sundalong Español at sundalong Pilipino galing Cebu upang supilin ang rebelyon.

Gawain A

Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Ano-anong katangian ng mga Pilipino ang kanilang ipinakita?

1. Lumban ang mga katutubo kahit

mahina ang kanilang armas. _______________ 2. Sumapi ang mga taga iba’t ibang lalawigan

sa lihim na samahang itinayo ni Magat Salamat.

Katalinuhan

Kasipagan

Katapatan

Katapangan

Pagkakaisa

Pagmamahal sa kalayaan

GAWIN MO

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

15

3. Namundok sila at nagtatag ng sariling pamahalaan ng sariling pamahalaan. Nagrebelde siya mula 1744 hanggang 1825, hanggang siya ay pinatawad at hinayaang mamuhay nang tahimik.

4. Nagtatag ng isang bagong relihiyon na parang binagong anyo ng Kristiyanismo noong 1663.

5. Gumawa ng sariling armas ang mga Muslim upang lumaban sa mga Español.

Gawain B

Narito ang mapa ng ating bansa. Ipinakikita ng marka ang ilang bahagi nito kung saan naganap ang ilan pag-aalsa laban sa mga Español. Isulat kung sino ang namuno ng mga pag-aalsang ito.

Cagayan: ____________

Pampanga: ____________

Pangasinan: ___________

Panay Leyte: ___________

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

16

Gawain C. Cooperative Learning Technique. Hatiin ang klase sa 4 pangkat. Ang bawat pangkat ay sasagutin ang mga tanong mula sa task card.

Pangkat I

Tukuyin. Ang unang nagrebelde laban sa mga Español. Ano ang dahilan nito?

Pangkat II

Bakit nagtatag ng lihim Na pagaalsa- si Magat

Pangkat IV

Ano ang kinalabasan ng pag-aalsa sa Pangasinan?

Pangkat III

Gaano katagal ang pag-aalsa ng grupo ni Dagohoy? Ano ang dahilan nito?

TANDAAN MO

Nagsipaglaban sa mga Espanyol ang mga Pilipino upang tutulan ang mga kalupitan at di-makatarungang pamamahala. Karamihan sa mga pag-aalsa ay nabigo dahil kanya-kanya sila ng ipinaglalaban. Ilan sa mga ito ay pinamunuan ni Lakan Dula, Magat Salamat, Bancao, Tamblot, Silang, Sumuroy, Maniago, Malong, Dagohoy, Pule at Tapar.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

17

NATUTUHAN KO

Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Sino ang namuno sa pag-aalsa sa Cagayan? A. Diego Silang C. Hermano Pule B. Felipe Catabay D. Magat Salamat

2. Bakit nag-alsa si Tamblot? Ano ang ipinaglaban niya? A. Nais nilang bumalik sa pananampalataya sa mga diyos ng kanilang mga ninuno. B. Inalis ni Gobernador Heneral Guido de Lavezares ang karapatang

ipinagkaloob ni Legazpi sa mga katutubo. C. Ipinadala ng mga manggagawang taga-Samar sa Cavite upang

magtrabaho sa gawaan ng barko. D. Tinutulan nila ang sapilitang pagtratrabaho ng mga Español.

3. Anong pangkat-etniko sa Luzon ang sumuko sa pakikipaglaban sa mga Español? A. Apayao C. Cebuano B. Badjao D. Gaddang

4. Bakit ikinulong at pinatay si Magat Salamat.

A. Dahil sa pagtataksil B. Dahil nakapatay C. Natalo sa laban D. Hindi nagtagumpay

5. Bakit hindi nagtagumpay ang mga rebelyon ng mga Pilipino laban sa mga Español? A. Wala silang pinuno. C. Wala silang pagkakaisa. B. Wala silang mga armas. D. Wala silang sapat na dahilan.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

18

KONTEKSTO NG REPORMA

PANIMULA

Ang Kilusang Agraryo ng 1745

Ang pag-aalsang ito ay bunsod ng hindi makatarungang pang-aagaw at

pangangamkam ng mga fraile o paring misyonero (Heswita, Dominiko,

Agustino, at Recoletos) sa lupa ng mga katutubo. Libo-libong mga Filipino ng

hindi nagdalawang-isip na humawak ng sandata upang ipakita ang kanilang

marubdob ng pagtutol dito. Nangyari ang mga ganitong uri ng pag-aalsa sa

Silang, Cavite noong Abril 1745 na mabilis na kumalat sa mga nayon ng

Taguig, Parañaque, Hagonoy, Bacoor, San Mateo, at Bulacan. Pinamunuan ito

nina Jose dela Vega, Francisco Santos de Medina, Ignacio Marcelo, Julio

Lopez de Montaya, Andres Pulido, at Francisco Gonzales. Ang Katagalogan

ang naging sentro ng mga ganitong uri ng pag-aalsa (Agraryo) sapagkat sa

mga lalawigang ito lamang matatagpuan ang asyenda ng mga fraile.

Naganap ang pag-aalsa sa mga Tagalog na probinsya noong 1745. Sa

mga lalawigang ito, malalaki ang lupaing pag-aari ng mga Prayleng Español,

kung saan ipinagbayad ang mga magsasaka ng renta hindi lamang para sa

lupang sinasaka kundi pati na rin sa lupang kinatatayuan ng kanilang bahay

Sa aralin ngayon inaasahang

Natatalakay ng tungkol sa Kilusang Agraryo 1745.

Ayon sa kasaysayan, noong 1745, nagkaroon ng malawakang pag-aalsa

ang mga taga-Cavite, Morong, Batangas, Bulacan, at Laguna.

Aralin 1.3

Ano ang Kilusang

Agraryo? Bakit ito nangyari?

ALAMIN MO

MmmMOMO

AP5PKB-Iva-b-1

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

19

Dahilan ng pag-aalsa:

1. Pangangamkam ng mga lupa ng mga katutubo 2. Pagtanggal ng mga nakamulatang karapatan ng mga mamamayan 3. Pandaraya sa mga lupain at hindi makatarungang paniningil ng buwis

sa kanilang lupain

Batay sa ulat ni Pedro Enriquez Calderon na siyang nagsiyasat noong 1739, ang mga lupain at kita nito ay napupunta sa mga relihiyosong pari tulad ng mga Dominicano, Heswita, at Agustino.

Ang karampatang bayad ng mga katutubo ay ang mga sumusunod. Ito ay binabayaran sa loob lamang ng isang taon.

1. Tatlong piso (P3.00) sa may asawa 2. Piso at limang sentimo (P1.50) sa mga biyudo o biyuda 3. Natuklasan din ni Don Pedro Enriquez na ang mga sukat ng lupa na

inilaan sa mga katutubo ay hindi naayon sa tamang sukat. 4. Isang kawani ng audiencia ang gumawa nito at ang mga sumukat ng

lupa ay kasabwat upang dayain ang mga katutubo. 5. Ayon naman sa akda ni Juan dela Concepcion, nanghimasok ang mga

Heswita sa mga ari-arian ng mga katutubo. 6. Iginiit nila na kanila ang mga lupain at pinagkakamkam ito. 7. Nang malaman ito ng mga katutubo, sila ay nag-aklas at nilusob ang

mga tahanan ng mga Heswita at sinunog ang kanilang mga bahay. Ang paghihimagsik na ito ay lumaganap sa mga karatig na lalawigan.

Noong Nobyembre 7, 1751, si Don Pedro Enriquez ay nagsumite ng ulat sa hari hinggil sa kanyang natuklasan sa mga pamayanan ng Taguig,

Hagonoy, Cavite, at Paranaque.

Ang mga paring relihiyoso tulad ng Dominicano at Agustino ay nang-agaw ng mga lupain, inalisan ng kalayaan sa pangingisda sa mga iIog, at hindi pinahintulutang pumutol ng mga puno at kumuha ng mga prutas ang mga katutubo. Hindi rin sila pinayagang makapagpastol ng kanilang mga hayop sa kaburulan.

Sa Katagalugan ang naging sentro ng mga ganitong uri ng pag-aalsa sapagakat sa mga lalawigang ito matatagpuan ang hacienda ng mga prayle.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

20

Gawain A

Sagutin ang mga katanungan.

1. Magkano ang ibinabayad sa lupa ng mga katutubong may asawa sa

mga pari?

2. Ano ang ginawa ng mga katutubo nang malaman ang anomalya sa

kanilang lupain?

3. Sino ang lubusang nakinabang sa mga lupain ng mga katutubo?

4. Bakit nabuo ang kilusang agraryo? Ano ang mahihinuha mo sa

pahayag na ito?

5. Paano mo ilalarawan ang mga prayleng sangkot sa tinalakay na paksa?

Gawain B

Pag-aralan ang mapa. Kulayan ang mga lugar kung saan naganap ang

kilusang agraryo noong 1745.

GAWIN MO

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

21

Gawain C

Buuin ang fish organizer. Isulat rito ang mga dahilan ng pag-aalsa ng mga

katutubo.

Isulat ang Tama kung wasto ang ipinapahayg ng bwat pangungusap.

Kung mali, iwasto ang mga nakasalungguhit na salita.

1. Ang mga lupain at kita nito ay napupunta sa mga relihiyosong pari tulad ng mga Indiano, Heswita, at Agustino.

2. Tatlong piso ang bayad ng mga biyudo at biyuda sa lupain. 3. Sa Kabisayaan ang sentro ng kilusang agraryo. 4. Isa sa mga dahilan ng pag-aalsa ay ang pandaraya sa mga lupain at

hindi makatarungang paniningil ng buwis sa kanilang lupain 5. Tinanggalan ng mga nakamulatang karapatan ang mga katutubo.

Ang pag-aalsang ito ay bunsod ng hindi makatarungang pang-aagaw at

pangangamkam ng mga pari sa lupa ng mga katutubo. Libo-libong mga

Pilipino ang humawak ng sandata upang ipakita ang kanilang pagtutol

dito. Nangyari ang mga ganitong uri ng pag-aalsa sa Silang, Cavite

noong Abril 1745 na mabilis na kumalat sa mga nayon ng Taguig,

Parañaque, Hagonoy, Bacoor, San Mateo, at Bulacan.

TANDAAN MO

NATUTUHAN KO

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

22

PAG-AALSA NG KAPATIRAN NG SAN JOSE

PANIMULA

Si Apolinario de la Cruz (1815-1841) ay mas kilala sa pangalang

“Hermano Pule”. Siya ay isinilang noong Hulyo 22, 1815 sa Sitio Pandak,

bayan ng Lucban, Tayabas (Quezon), kung saan niya natamo ang

pangunahing pag-aaral ng pananampalataya. Siya ay natanggap na hermano

sa San Juan De Dios. Kabilang sa labinsiyam na dating hermano na nagtatag

ng Confradia de San Jose, siya ay naging tagapagtanggol ng kalayaan sa

karapatang panlipunan at pananampalataya.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na nakapagtatalakay ng pag-

aalsa ng Kapatiran ng San Jose.

Ano ang kapatirang ito?

Bakit nagsipag-alsa ang mga kasapi?

Pag-aalsa ni Hermano Pule

Si Hermano Pule ay isang "lay brother" ng Ospital ng San Juan de Dios. Gusto niyang magpari ngunit hindi siya tinanggap dahil isa siyang Pilipino.

Kaya noong 1832, itinatag niya ang Kapatiran ng

San Jose o Cofradia de San José, isang “kapatiran” na Pilipino lamang ang puwedeng sumali. Karamihan ng mga kasapi nito ay mga magsasaka at ito ang naging kapalit ng Katolisismo.

Mula sa punong himpilan nito sa Bundok Banahaw, nagkaroon sila ng malawak na kapatiran sa Tayabas (Quezon), Laguna, at Batangas.

Sa paglakas ng samahan, nabahala ang mga Español. Sa kabila ng paghiling niya na kilalanin ng pamahalaan at ng simbahan ang kanyang samahan, sa tulong ni Domingo Roxas, nabigo si Pule.

Aralin 1.4

ALAMIN MO

AP5PKB-Iva-b-1

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

23

Noong Oktubre, 1841, sinalakay ng mga Español ang Cofradia. Inipon ni Pule ang 4,000 mga kasapi sa Alitao at matagumpay na nakipaglaban sa mga Español.

Ngunit nang dumating ang mga sumaklolong sundalong Español, walang awa nilang pinagpapatay ang matatanda, mga babae at mga bata na kasama nina Pule.

Nahuli si Pule sa Barrio Guibanga at hinatulang mamatay sa Casa Tribunal ng Tayabas.

Matapos siyang barilin (sa edad na 26), ang katawan niya ay pinaghati-hati, inilagay sa mga kawayan at ibinandera sa mga lugar na madaling makita upang maging babala sa mga nag-iisip na mag-alsa.

Gawain A

Sagutin ang mga katanungan.

1. Sino ang nagtatag ng Cofradia de San Jose o Kapatiran ng San Jose? 2. Sino-sino ang mga eksklusibong kasapi ng Cofradia de San Jose? 3. Saang lalawigan nangyari ang pag-aalsa ni Hermano Pule? Bakit hindi

tinanggap sa pagpapari si Hermano Pule? 4. Nang tinanggihan siyang magpari, ano ang isyung ipinakita rito? 5. Bakit nabahala ang mga Español sa Cofradia de San Jose?

Gawain B

Pagsunud-sunurin ang mga pangyayaring naganap sa Kapatiran ng San Jose.

Isulat ang bilang 1-5 sa loob ng kahon.

Nagkaroon ang samahan ng malawak na kapatiran sa Tayabas (Quezon), Laguna, at Batangas.

Nahuli si Pule sa Barrio Guibanga at hinatulang mamatay sa Casa

Tribunal ng Tayabas.

Noong 1832, itinatag niya ang Kapatiran ng San Jose o Cofradia de

San José, isang “kapatiran” na Pilipino lamang ang puwedeng sumali.

Noong Oktubre, 1841, sinalakay ng mga Español ang Cofradia.

Hindi tinanggap si Pule na maging pari.

GAWIN MO

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

24

Gawain C

Magbigay ng opinyon.

Naitatag ang Samahan ng San Jose dahil sa isyu ng diskriminasyon sa

lahi. Ginawa itong kahalili ng Katolisismo ng mga kasapi. Nag-umpisa ang

pag-aalsa nang sumalakay sa kanila ang mga Español. Bagama't nagtanggol

ang mga Pilipino, tinalo sila ng mga kalaban.

1. Sa palagay mo, may katuwiran bang magtatag ng samahang pangrelihiyon

si Hermano Pule?

____________________________________________________________

____________________________________________________________

_____________________________________________________.

2. Paano ipinakilala ang mga Español pagkatapos na hulihin at patayin si

Hermano Pule?

___________________________________________________________

___________________________________________________________

_____________________.

___________________________________________________________

___________________________________________________________

_______________________________________________________.

TANDAAN MO

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

25

Isulat ang mga salitang nawawala sa bawat pangungusap. Humanap ng kasagutan sa loob ng kahon.

1. Itinatag ni Pule ang _____________________, isang samahan na Pilipino lamang ang pwedeng sumali.

2. Sa tulong ni _____________________, hiniling ni Pule na kilalanin ng pamahalaan at ng simbahan ang kanyang samahan.

3. Mula sa punong himpilan ng nito sa __________________, nagkaroon sila ng malawak na kapatiran sa iba’t ibang lalawigan.

4. Sinalakay ng mga _________________ ang kapatiran noong Oktubre, 1841.

5. Nahuli si Pule at hinatulang mamatay sa ______________________.

Bundok Banahaw Domingo Roxas

Kapatiran ng San Jose Español Casa Tribunal Barrio Guibanga

NATUTUHAN KO

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

26

PAGBABAGO SA KOLONYA AT PAG-USBONG NG

PAKIKIBAKA NG BAYAN ( IKA -18 DANTAON HANGGGANG 1815

Panimula

Sa nagdaang aralin ay tinalakay ang ibat –ibang lokal na mga

pangyayari tungo sa pag-usbong ng pakikibaka nga bayan . Dito ay

napatunayan na maraming mga pagbabago ang naranasan ng mga Pilipino

na nagusbong pakikibaka ng bayan .

Ang Europea ay mayroong malalaking paniniwala na ang ginto at

pilak ay makakatulong sa kanilang adhikain na maging makapangyarihan at

maunlad . Ang merkantilismo ay isang sistemang pang ekonomiya

Sa araling ito inaasahang,

-Matatalakay ang mga pandaigdigang pangyayari bilang konteksto ng

malayang kaisipan tungo sa pagusbong ng pakikibaka ng bayan sa paglipas

ng merkantilismo bilang ekonomikong batayan ng kolonyalismo .

-Matatalakay ang

Bilang Batayang Pang-Ekonomiko

Merkantilismo

Naniniwala ang mga kanluranin na kapag maraming hawak na kolonya ay

mas makapangyarihan at maimplwensiya ang isang bansa . Isa sa mga

nagging dahilan kung bakit ang mga Europeo ay dinala ang kolonyalismo sa

Pilipinas ay upang mapalago ang kanilang ekonomiya. Isang patunay ditto ay

ang ginawang pagsakop ng Espanya sa Pilipinas .

Ano kaya ang mga pandaigdigang pangyayari na nakapagpabago ng

diwa o kaisipan ng Pilipino ?

ALAMIN MO

ARALIN 2 CODE : AP5PKB-IVd-

2.1

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

27

Nanakop sila ng mga lupain sa pagnanais na makatuklas ng mga lugar na

mayaman sa mga yamang mineral lalo na ang ginto at pilak . Ang sistemang

merkantilismo ay may kinalaman sa layuning ito.

Ano ang Sistemang merkantilismo ? Ang merkantlismo ay isang sistemang pangkabuhayan sa Europa noong ika -16 at ika-17 ng siglo na nakatuon sa maraming ginto at pilak . Naipapakita ang yaman ng bansa batay sa dami ng yaman nito. Pinaniniwalaan na kapag ang isang bansa ay mayaman sa ginto at pilak ito ay maituturing na mayaman na bansa . Dahil kulang ang mga likas na yaman sa Europa , sila ay naghanap ng mga lugar na maaaring pagkunan ng mga ito , kung kayat dto na nagsimula ang tinatawag na kolonyalismo . Sa panahon ng pagtuklas at paggalugad , naglakbay ang mga bansa na mahuhusay sa larangan ng paglalayag upang Makakita ng mga ginto at pilak na kailangan nila upang maituring na ang kanilang bansa ay mayaman at makapangyarihan . Isa rintoito sa dahilan ng mga Espanyol kung bakit nila sinakop nag Pilipinas dahil sa mga ginto at pilak , at ang mga palamuti na isinusuot ng ating mga ninuno . Nahumaling ang Europa sa ating bansa at tuluyan nga itong ginawang kolonya . Pagkatapos ng merkantilismo ay ipinakilala ng ng Britanya ang malayang kalakalan . Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang KalakalanP Upang mabilis ang pag-aangkat ng produkto sa mga kolonya ng mga bansa sa Europa binuksan ang pandaigdigang kalakalan sa Suez Canal noong ika-17 ng Nobyembre 1869. Ang pagbubukas ng Canal na ito na nag durugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea ay nagging dahilan upang mapadali ng isang buwan ang paglalakbay sa pagitan ng Espanya at Pilipinas . Hindi lamang ito ang nagdala ng kalakal sa bansa kundi ang kaisipang liberal o Malaya gaya ng pagtutol sa paraan ng pamumuno ng isang leader na hindi karapat dapat o ang pag-aalsa laban sa pamahalaan . Nang buksan ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan , nagsimulang pumasok sa bansa ang malalayang kaisipan mula sa Europa at Amerika . Ang mga malalayang kaisipan ay nabasa ng mga Pilipino mula sa aklat at pahayagang dala ng mga barko at dayuhang nakarating sa ating bansa . Napapaloob sa mga babasahing ito ang makasaysayang himagsikan Pranses at Amerikano at mga kaisipang Amerikanong pilosopo sa pulitika . Paglitaw ng Gitnang Antas ng Lipunan Dahil sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa ay nagkaroon ng panggitnang antas ng tao sa lipunan at ito ay kinabibilangan ng mga mayayamang Pilipino na tinatawag ng mga ilustrado . Ang kanilang anak ay nag-aral sa Maynila, Espanya at ibang bansa ay higit na naging masigasig sa paghiling ng mga pagbabago at pagtatanggol sa kanilang karapatan.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

28

Sagutin : 1. Ano ang tawag sa sistemang pangkabuhayan ng Europa noong ika 16-

at ika -17 siglo na nakatuon sa akumulasyon na maraming ginto at pilak ?

2. Ano ang pandaigdigang pangyayari tungo sa pakikibaka ng bayan ang ipinakilala?

3. Paano nakatulong ang kalakalang pandaigdigan tungo sa pakikibaka ng mga Pilipino para sa kalayaan ?

4. Bakit mahalaga ang paglitaw ng mga Gitnang Antas ng tao sa pagbuo ng diwang makabayan ?

5.

Gawain A: MAGLARO TAYO: Pangkatang-gawain Gamit ang meta cards ng

bawat pangkat. Isulat ang mga pangyayari na nakapagpabago sa diwa at

kaisipan ng mga Pilipino .

GAWIN MO

Paglipas ng

merkantalismo

metacard

metacard

metacard

Paglitaw ng

Gitnang

Antas ng tao

Pagbubukas

ng

Pandaigdigang

kalakalan

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

29

Gawain B.

Sumulat ng limang pangungusap na tumutukoy sa mga pagbabagong

naganap sa diwa at kaisipan ng mgaPillipino pagkatapos ng merkantalismo. .

GAWAIN C. Gamit ang Concept Binning : Isulat ang mahahalagang Pagdaigdigang pangyayari pagkatapos ng merkantalismo .

Gawain D

Sumulat ang mag—aaral ng isang sanaysay na nagpapaliwanag ng

mga Pandaigdigang Pangyayari na nakapagpabago sa diwa at isipan ng mga

1.__________________________________________

2.__________________________________________

3.__________________________________________

4.__________________________________________

5.__________________________________________

PANDAIGDIGANG

PANGYAYARI

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

30

Pilipino . Magbigay din ng mga halimbawa ng pangyayari na hanggang sa

kasalukuyan ay naigiwan sa Pilipinas .

SANAYSAY

____________________________________________________________________

TANDAAN:

Nang buksan ang Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan ,

nagsimulang pumasok sa bansa ang malalayang kaisipan mula sa

Europa at Amerika . Ang mga malalayang kaisipan ay nabasa ng mga

Pilipino mula sa aklat at pahayagang dala ng mga barko at dayuhang

nakarating sa ating bansa . Napapaloob sa mga babasahing ito ang

makasaysayang himagsikan Pranses at Amerikano at mga kaisipang

Amerikanong pilosopo sa pulitika .

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

31

A. Lagyang ( /) tsek kung ang pangyayari ay nakatulong upang

magising ang diwang makabayan ng mga Pilipino , at lagyan ng ( X )

ekis kung hindi .

_______________1. Pag-unlad ng kalakalan

_______________2. Pagbubukas ng Suez Canal

_______________3. Pagpapagawa ng mga daan

_______________4. Pagpapatayo ng mga Pabrika

_______________5. Pag-aaral ng mga Pilipino sa Europa

_______________6. Paglitaw ng gitnang antas ng lipunan

_______________7. Pagbubukas ng mga daungang barko sa Pilipinas

B. Buuin ang pangungusap sa ibaba .

1. Ang _____________________________________________ang pumukaw

sa kamalayang pambansa ng mga Pilipino sapagkat ______________.

2. Bilang mag-aaral , naipamamalas ko ang pagmamahal sa bansa sa

pamamagitan ng ______________________________________________.

Natutuhan ko

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

32

MGA PAGBABAGO SA KOLONYA AT PAG-USBONG NG

PAKIKIBAKA ng BAYAN( ika -18 dantaon hanggang 1815 )

Panimula

Sa nakaraang aralin ay binigyan diin ang mga pandaigdigang pangyayari

na pumukaw sa damdamin ng mga Pilipino . Dahilan din rito ay ang

pagkakaroon ng malayang kaisipan na nakapagpabago ng isipan at

tumulongsa Pilipino upang gisingin ang kanilang damdamin.

Sa kasalukuyan panahon ay dala parin ng mga Pilipino ang pagmamahal sa

sariling bansa , at patuloy na pakikipaglaban sa sariling karapatan , at

nananatili ang diwang makabayan .

Sa araling ito ay tatalakayin natin ang mga pangyayaring naganap sa

paglitaw ng kaisipang “ La Ilustracion “ .

Inaasahang :

-Matatalakay ang mga pandaigdigang pangyayari bilang konteksto ng

malayang kaisipan tungo sa pag-usbong ng pakikibaka ng bayan sa paglitaw

ng kaisipang “ La Ilustracion “.

Nagkaroon ng mga pagbabago sa pag-uuri ng mga tao sa

lipunan kaugnay ng kalakalang pandaigdig . Mula sa ‘ Lahi “ ang bagong

batayan ay ang kayamanan . Sa usaping yaman at edukasyon nahigitan ng

CODE : AP5KB-IVd-2.1

ARALIN 2

Ano kaya ang mga pandaigdigang pangyayari sa

paglitaw ng kaisipang “ La Ilustracion “ ?

ALAMIN MO

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

33

mga Pilipino ang mga Espanyol . Mayroong mga bagong uri ang nabuo .

Ang pangkat na ito ay kilala bilang panggitnang uri . Binubuo sila ng

mayayamang Pilipino at mestisong Espanyol .Sila ang nagmamay-ari o

nagrerenta ng malalawak na hacienda o malalawak na taniman .Sa kabila

nito , mababa parin nag tingin ng mga Espanyol sa kanila . Nabuo ang

hangarin ng gitnang uri na magkaisa .Hinangad nila na magkaroon ng

kalayaan at karapatan pang pulitikal kagaya ng mga Espanyol . Dahil

mayayaman ang gitnang uri n nakapag-aral ang anak nila sa matatas na

institusyon ng edukasyon ng Pilipinas at sa Europa. Tinawag na Ilustrado

ang mga Pilipino na nagkaroon ng pormal na edukasyon sa mga pamantasan

.

Ang paglalakbay at pag-aaral sa ibang bansa ang nagbukas ng

kaisipan sa ideya ng pagkakapantay pantay na hindi nangyayari sa Pilipinas

xsa ilalim ng Espanya . Sa kalaunan sila ay nakabuo ng Kilusang Propaganda

na humihingi ng pagbabago mula sa Espanya . Sa ganitong paraan lumitaw

ang kaisipang “ La Ilustracion “ na pinangungunahan ng mga ilustrado , na

nangangahulugan mga “naliwanagan “ .

Dahil sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa ay nagkaroon ng gitnang atas ng

tao sa lipunan at ito ay kinabibilangan ng mayayamang Pilipino na tinawag

na mga ilustrado . Ang kanilang anak ay nag-aral sa Maynila , ESpanya at

ibang bansa ay higit na naging masigasig sa paghiling ng mga pagbabago at

pagtatanggol sa kanilang karapatan .

Bunga ng malayang kaisipan , namulat ang mga Pilipino sa kanilang

kaawa-awang kalagayan . Nagkaroon sila ng kamalayan tungkol sa pulitika ,

kalayaan at katarungan . Ito ang nagbunsod sa kanila upang humingi ng

mga repormang kinakailangan sa pamahalaan upang wakasan ang mga

paghihirap ng mga Pilipino .

SULIRANIN SA SEKULARISASYON

Sekularisasyon ang tawag sa paglalagay ng mga paring secular sa mga

parokya sa Pilipinas . Alinsunod sa konseho ng Trent ang mga parokya sa

Pilipinas ay pamamahalaan ng mga paring secular . Ang mga paring regular

ay hindi maaaring italaga sa mga parokya nang walang pahintulot ang

Obispo na may kapangyarihan sa mga parokya .

Dumami ang mga parokya sanhi ng pagdami ng mga Kristiyano. Ang

kakulangan ng mga paring secular na manungkulan sa mga bagong parokya

ang nagbigay daan upang magtalaga ng mga paring regular ( paring

nabibilang sa isang orden ) sa mga bagong parokya .

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

34

ISYU SA SEKULARISASYON :

1. Ang mga paring regular ( Espanyol ) ay nagsanay ng mga paring secular

( Pilipino ) upang makatulong sa pagtuturo ng relihiyon .

2. Itinadhana ng konseho ng trent na mamuno sa mga misyon at sa

pagpapalaganap ng Katolisismo samantalang ang mga sekular naman ay

namahala sa parokya ng bansa .

3. Ikinatakot ito ng mga regular na pari kaya gumawa sila ng paraan upang

maibalik sa kanila ang pamumuno sa mga parokya .

4. Hindi nagustuhan ng mg a secular ang ang pamumuno sa simbahan ng

mga regular sa bansa kaya binuo nila ang KILUSANG SERKULASYON

na humihiling na pantay na karapatan ng paring secular at regular .

PAGPASOK NG LIBERAL NA PAMUMUNO

NI GOBERNADOR DE LA TORRE

Ang pagbubukas ng Suez Canal na nagdurugtong sa Mediterranean Sea at

Red Sea ay hindi lamang nagdala ng kalakal sa bansa kundi ng mga

kaisipang liberal o Malaya gayan ng pagtutol sa paraan ng pamamahala ng

isang lider na hindi karapat dapat .

Noong ika 19 ng Setyembre , 1868 sumiklab ang isang himagsikan sa Spain

mula sa kamay ng mga konserbatibo tungo sa mga liberal . Sa panahong ito

ipinadala ang bagong Heneral na si Carlos Maria De La Torre . Sa kanyang

panunungkulan ay nakatulong ng malaki sa pag-unlad ng nasyonalismo sa

puso ng mga Pilipino .

Madaling nakuha ni De La Torre ang tiwala ng mga Pilipino . Sa kanyang

paniunungkulan ay naramdaman ng mga Pilipino na sila ay hindi alipin ,

kundi mga mamamayang bahagi ng lipunan . Ito ang naging daan upang ang

mga Pilipino ay patuloy na maging masigasig at ipagpatuloy ang kanilang

nasimulan .

ANG PAG-AALSASA CAVITE

Ang mga pribilehiyong tinatamasa ng mga manggagawa sa arsenal ng

Cavite ay winakasan ni Gobernador Izquierdo noong ika -28 ng Nobyembre

, 1871 . Ang mga pribilehiyong ito ay ang di pagbabayad ng buwis at and di

paglilingkod nang sapilitan sa matagal nang panahong kanilang tinatamasa

Ikinagalit ng mga manggagawang Pilipino ang pagbawi sa kanilang mga

pribilehiyo kaya’t silay naglunsad ng isang pag-aalsa sa arsenal noong ika- 20

ng Enero , 1872 . Agad na nasugpo ang pag-aalsadahil sa puwersang

ipinadala buhat sa Maynila sa pamumuno ni Don Felipe Ginoves , bunga ng

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

35

madugong paglalabanan maraming manghihimagsik, kabilang si Sarhento

La Madrid , ang pinuno ng pag-aalsa , ang namatay . Ang mga hindi namatay

ay dinala sa Maynila noong ika -22 ng Enero at ikinulong .

Ginamit ng mga paring regular na tutol sa sekularisayon ng mga parokya

ang pag-aalsa upang isangkot ang ang mga paring secular na may

kinalaman sa isyu ng sekularisayon . Kasama ang mga paring ipinadakip

sina Mariano Gomez , Jacinto Zamora , Jose Burgos , , Agustin Mendoza ,

Mariano Sevilla , Pedro Dandan , Toribio Del PIlar , Miguel Laza , Jose

Guevarra at iba pa.

Ang tatlong paring sina Mariano Gomez , Jacinto Zamora at Jose Burgos ay

nahatulang bitayin noong Pebrero 15, 1872 pagkatapos ng isang kunwaring

paglilitis . Ang tanging testigo laban sa tatlong pari ay si Francisco Saldua na

pinangakuan ng kung anu ano upang sumaksi lamang laban sa tatlong pari .

Sagutin :

1. Ano ano ang naging dahilan upang unti-unting umusbong ang

nasyonalismo sa mga Pilipino ?

2. Ano ang palatandaan ng taong may kaisipang liberal o Malaya ?

3. Ano ano ang mga naging isyu sa sekularason ?

4. Paano nakaambag ang pamamahala ni Gobernador Heneral Dela

Torre sa pagmulat ng kamalayang pambansa ng mga Pilipino

Gawain A. Pangkatang Gawain

Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot . Isulat sa metacard ang inyong

sagot . Bawat grupo ay ipapaliwanag ang kanilang sagot

GAWIN MO

A. Pamumuno ng mga Paring Pilipino o Sekular sa mga Parokya sa bansa .

B. Dahil siya ay may kaisipang liberal

C. Nalaman nila na maari para silang maging kapantay ng mga Espanyol

D. Napadali ang paglalakbay sa pagitan ng Espanya at Pilipinas dahil dito

E. Dahil sila ay nakapag-aral at naliwanagan sa totoong kalagayan ng mga Pilipino .

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

36

1. Ano ang natutuhan nila sa mga manunulat na dayuhan nang mabuksan

ang Pilipinas sa kalakalang pandaigdig?

2. Ano ang naging bunga ng pagbubukas ng Suez Canal?

3. Bakit naiiba si De La Torre sa lahat ng naging Gobernador ng Pilipinas ?

4. Ano ang ikinatatakot ng mga paring regular ?

5. Bakit tinawag na ilustrado ang ilang Pilipino ?

Gawain B :

Ibigay ang hinihingi kasagutan ayon sa pahiwatig . Isulat ang nawawalang

letra upang mabuo ang sagot sa tanong .

1. S __K ___ L A __ I __ A __ Y O __ – tawag sa paglalagay ng mga

paring secular sa parokya .

2. __ A R __ N __ R __ __ U L __ __ - Hindi maaaring italaga sa

mga parokya ng walang pahintulot ng Obispo .

3. __ I __ E __ A __ – Ito ay tumutukoy sa kaisipang Malaya

4. __ A I __ U S ___ R ___ C I __ ___ – Ang kaisipang

pinangunahan ng mga ilustrado na nangangahulugan ng

naliwanagan .

5. I ___ U ___ T ___ A ___ O - Ang tawag sa mga Pilipino na

nagkaroon ng pormal na edukasyon sa Pamantasan

Gawain C. Pangkatang Gawain

Paghambingin angpagkakaiba ng dalawang uri ng Pari sa katoliko

nuon . Ipakita ang pinagkaiba ng dalawa sa pamamagitan ng

pagbuo ng skit o role playing .

Gawain D . Gumawa ng poster tungkol sa pagusbong ng diwang

La Ilustracion . Ipaliwanag ang poster na ginawa sa pamamagitan

ng pagsulat ng talata sa isang buong papel. Pagkatapos ay

ipapakita sa harap ng kaklase ang nabuong poster .

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

37

Gawain E.

Maglaro Tayo ; Ang bawat pangkat na mag-aaral ay magkakaroon ng isang

laro na tinatawag na FAMILY PORTRAIT . Kukuha ang bawat grupo ng

metacard at iyon ang ipipicture sa pamamagitan ng Family Portrait.

TATLONG PARING MARTIR

TATLONG PARING MARTIR NA

PINATAY SA GAROTE

TANDAAN:

Sa paglipas ng merkantilismo , nagkaroon ng ilang pangyayari

noong ika-19 siglo na nagbunsod sa pagsilang ng diwang

nasyonalismo ng bansa at ito ang mga sumusunod .

Pagbubukas ng pandaigdigang kalakalan

Pagpasok ng kaisipang liberal

Pagsilang ng gitnang uri

Isyu ng sekularisasyon

Paglitaw ng kaisipang La Ilustracio

Hindi man sinasadya ngunit mayroong malaking bahagi upang

mabago ang diwa ng kaisipan ng mga Pilipino .

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

38

Isulat ang tatlong paring namatay sa garote gamit ang concept binning .

Magbigay ng sariling damdamin tungkol sa Paglitaw ng “ La Ilustracion

“.Isulat ang sagot sa loob ng kahon .

Natutuhan ko

PARI NAMATAY

SA GAROTE

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

39

Mga Pagbabago sa Kolonya at Pag-usbong ng Pakikibaka ng Bayan

( ika -18 dantaon hanggang 1815 )

Panimula

Sa nakalipas na aralin ay tinalakay ang mga lokal na pangyayari tungo sa

pagusbong ng pakikibaka ng bayan sa pamamagitan ng pag-aalsa sa loob ng

estadong kolonyal.

Sa araling ito, inaasahang :

Matatalakay ang mga local na mga pangyayari tungo sa pag-usbong ng

pakikibaka ng bayan sa okupasyon ng Ingles sa Maynila.

Nagpaligsahan sa pagpapakita ng lakas ang mga bansa sa Europa ng

magtatap[o sang ika -18dantaon . Nais ng nakararaming mga bansa na

manguna sa larangan ng panunuklas , pananakop at pagpapayaman .

Nangunguna sa mga bansa sa Europa na may naturang adhikain ay ang

Inglatera at ang Pransya . Anupat ang kanilang interes sa pananakop ay

umabot sa ibat-ibang rehiyon sa mundo . Upang mapalakas ang pwersa sa

panahon ng pangangailangan nagkasundo ang Pransya at Espanya na sila

ay magtulungan . Magkamag-anak ang Hari ng Pransya at ang Hari ng

Espanya pagkat kapwa sila nabibilang sa pamilya Bourbon .

Nagalit ang ingles sa pagtulong ng Espanya sa Pransya kayat gumanti sila sa

ibang paraan . Gumanti ang nga Ingles sa pamamagitan ng pagpapadala ng

ekspedisyon na sasalakay sa Pilipinas bilang kolonya ng Espanya . Ang

ekspedisyon ay inihanda ng East India Company sa India . Pakay nina

Admiral Samuel Cornish at Heneral William Draper , mga komander ng

ekspedisyon , na salakayin at sakupin ang Maynila .

CODE :AP5KB-Iva-b-1.5 ARALIN 1

ALAMIN MO

Ano kaya ang mga pandaigdigang pangyayari sa pagdating ng Ingles

sa Maynila ?

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

40

Dumating ang mga Ingles

Setyembre 20, 1742 ng mamataan ng mga Espanyol at mga Pilipino

ang pagdating ng mga sasakyang pandagat sa Look ng Maynila . Nagkataon

na walang gobernador – heneral sa Pilipinas sa pagsalakay ng mga Ingles

noong 1762 . Si Arsobispo Antonio Rojo ang siya rin noong gumaganap ng

tungkulin ng gobernador heneral . Batid ni Arsobispo na may kahinaan ang

pwersa ng Maynila . Hiniling ng mga Ingles ang pagsuko ng mga Espanyol

at ng pamahalaang kolonyal ng Pilipinas . Dahilan sa kakulangan ng lakas

laban sa mga Ingles isinuko rin ni Arsobispo Rojo ang Maynila noong

Oktubre 6 , 1762 . Napasailalim ng mga Ingles ang Maynila .

Sa pagdating ng mga Ingles sa Maynila ay ipinangako ang mga sum,usunod :

1. Pangangalagaan ang seguridad ng buhay at pag-aari ng mga Pilipino .

2. Pagpapatuloy sa pagsamba sa simbahang Romano Katoliko .

3. Kalayaan sa pangangalakal at industriya

4. Pagpapanatili ng Royal Audiencia

5. Pagbibigya parol sa mga pinunong Espanyol .

Sa loob ng pananakop ng mga Ingles na nagtagal mula noong 1762 hanggang

1764 , pinamunuan ng mga Inles ang Pilipinas sa pamamagitan ng East India

Company na noon ay may punong tanggapan sa India na nasa Timog Asya.

Si Dawsonne Drake ang nahirang na gobernador at isang pamahalaang sibil

ang itinatag niya sa Maynila . Sa loob ng dalawang taon na pananakop ng

mga Ingles sa Maynila ay nalagay sa ilalim ng pamamahala ang isang mayor .

Nagkaroon ng pagbabago sa pamamahala dahilan sa pakikipagkalakalan ng

Maynila sa ibang bansa , paggamit ng salaping rupee ng India , pagkumpiska

ng mga lupaing agricultural na napasakamay ng mga Kastila , at pagdaraos

ng halalang local sa mga lugar na nasasakupan ng mga Ingles .

Si Simon de Anda na isang mahistrdao ng Royal audience ay nagsumikap na

tumakas sa mga Ingles . Lulan ng isang maliit na Bangka siya’y tumakas sa

mga ingles hanggang sa makarating siya sa Bacolor , Pampanga . Idineklara

ni Anda ang kanyang sariling gobernador – heneral at doon niya itinatag sa

Bacolor , Pampanga pansamantalang pamahalaan . Sinimulan niya nag

pagtawag na kawal sa mga Pilipino at humingi siya ng tulong sa lahat na

sector ng lipunan . Sumoporta lahat sa panawagan ni Anda . Nagtipon sila ng

lakas hanggang sa dumating ang panahon na nagging handa na sila sa

pagsalakay sa mga Ingles sa Maynila .

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

41

Sa pamumuno ni Anda ipinagpatuloy ang paglaban ng mga Espanyol

at Pilipino sa mga Ingles .Nang mabatid ni Gobernador Dawsonne Drake na

mayn puwersa ng mga gerilyang Pilipino sa Ilog Pasig , kaagad inutusan

niya si Kapitan Blackhouse upoang sagupain ang mga gerilya sa ilalim ng

pamumuno ni Pedrop Bustos . Maraming namatay sa labanan at marami ring

nabilanggo .

Sa kabilang dako , ang galyon na naggaling sa Mexico ay naharang ng

mga tauhan ni Anda . Ang kayamanan na lulan ng galyon ay ginamit nila sa

pagbili ng mga armas at amunisasyon para mapalakas ang kanilang pwersa.

Dahilan ditto , higit na maraming sumoporta kay Anda lalo na sa karatig

Maynila .

NATAPOS ANG DIGMAAN

Ang pitong taon na digmaan ay natapos sa pamamagitan ng isang

kasunduan ./ Ito ang kasunduan sa Paris na nilagdaan noong Pebrero 10,

1763 . Nasasaad sa kasunduan na dapat lisanin ng mga Ingles ang Pilipinas

subalit di kaagad naisakatuparan ito . Una , di kaagad nakarating ang

probisyon n g kasunduan sa Pilipinas , pangalawa , ayaw pasalilalim si

Simoon de Anda sa kapangyarihan ng mga Ingles .

Di nagtagal ay matagumpay na nakapasok sina Anda sa Pilipinas . Ito ay

naganap noong Mayo 31, 1764 . Gayon na lamang ang katuwaan ng lahat .

Doon idinaos ang seremonya ng panunumbalik ng pamahalaang Espanyol sa

patyo ng simbahan ng Sta. Cruz . Nilisan ng Ingles ang Maynila at

namayaning muli ang pamahalaang kolonyal ng Espanya sa Pilipinas .

Sagutin :

1. Ano ang interes ng mga bansa sa Europa sa pagtatapos ng ika-18

dantaon ?

2. Bakit sinalakay ng mga Ingles ang Maynila ? Naging matagumpay ba

ang mga Ingles ? Patunayan ang iyong sagot ?

3. Bakit natapos ang hidwaan ng mga Espanyol at mga Ingles sa Maynila

? ano ang nangyari sa mga Ingles ? sa mga Espanyol ?

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

42

Gawain A. Pangkatang Gawain

Gamit ang punong ito , tukuyin ang mga mahahalagang pangyayari na

naganap sa pagdating ng Ingles sa Maynila . Bawat grupo ay pipitas ng

bunga at itatapat sa mga pangyayari na nakasulat sa metacard .

GAWAIN B :

GAWAIN B: Gamit ang metacard sa Gawain A, pagsunud sunurin ang mga

pangyayari . Idikit ang mga ito sa manila paper .

GAWAIN C;

Gumawa ng mural na nagpapakita ng pagsalakay ng mga Ingles sa Pilipinas .

GAWAIN D. Pangkatang Gawain

Gumawa ng isang dula-dulaan tungkol sa pagsalakay at matagumpay na

pagpasok ni Simon de Anda sa Maynila .

GAWIN MO

1762 Mayo

31,

1763

Pebrero

10, 1763 Oktubre

6 , 1762

Setyembre

20, 1742

Pagdating ng Ingles sa Look ng Myanila

Pagsalakay ng Ingles sa pilipinas

Pagsuko ni Arsobispo Rojo ang

Maynila

Kasunduan sa Paris

Matagumpay na nakapasok si Anda

sa Maynila

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

43

GAWAIN E.

Magbigay ng limang dahilang kung bakit gustong sakupimn Maynila .

1. ___________________________________________________________

2. ________________________________________________________________

3. ______________________________________________________________

4. _____________________________________________________________

5. ___________________________________________________________

GAWAIN F: Itala sa Venn Diagram ang naging Mabuting epekto at masamang epekto ng pananakop ng Ingles sa Maynila .

HINDI – MABUTING

EPEKTO

____________________________

_________________________-

Mabuting Epekto

___________________________

TANDAAN:

Sa pagdating ng mga Ingles sa Maynila ay ipinangako ang mga

sum,usunod :

1. Pangangalagaan ang seguridad ng buhay at pag-aari ng mga

Pilipino .

2. Pagpapatuloy sa pagsamba sa simbahang Romano Katoliko .

3. Kalayaan sa pangangalakal at industriya

4. Pagpapanatili ng Royal Audiencia

5. Pagbibigya parol sa mga pinunong Espanyol

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

44

G

Gumawa ng sanaysay na sumasagot sa tanong na ito : Sa iyong palagay

may mga aral bang natutuhan ang mga Pilipino sa pagsalakay ng mga Ingles sa Pilipinas

? Ano ano ang mga ito

Natutuhan ko

s

____________________

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

45

NILALAMAN : PAG-USBONG NG MALAYANG KAISIPAN AT NAUNANG PAG-AALSA

MGA SANHI AT BUNGA NG PAG-AALSA AT IBA PANG

MGA REAKSYON NG PILIPINO SA KOLONYALISMO PANIMULA

Sa mahigit na tatlong daang taon ay namayagpag ang kapangyarihan ng Kastila sa Pilipinas. Marami ring mga pangyayari ang naghudyat at nagpaalab sa damdamin ng mga Pilipino. ALAMIN :

Sa tagal ng pamamalakad at pamamahala ng mga kastila sa Pilipinas ,isa sa

naging reaksyon o pagtugon nila sa kaganapang ito ay ang pag-aalsa.

Maraming sanhi o pinagmulan ang damdaming ito ng mga Pilipino . Narito

ang ilang sanhi ng kanilang naging pag-aalsa laban sa pamahalaang Kastila.

(1)Pansariling Karaingan.

Ang paghihimagsik nina Lakan Dula at Raha Sulayman (1574),

Tamblot(1621-1622)at Bankaw (1621-1622) ay nag-ugat sa kawalang

kasiyahan sa pamamalakad ng mga Kastila. Nangako ang mga Kastila kina

Lakan Dula at Raha Sulayman na ililibre sila sa pagbabayad ng buwis sampu

ng kanilang mga kamag-anakan subalit ito ay hindi tinupad ng mga Kastila.

Bilang ganti sinalakay nila ang bagong tatag na kuta ng mga Kastila sa

Maynila. Napigil lamang ang kanilang pag-aalsa nang mamagitan at tiyakin

ni Juan Salcedo na tutuparin ng mga Kastila ang kanilang pangako.

Samantala , si Dagohoy ay nagalit dahil napahiya sa pagtanggi ng mga

paring Heswita na bigyan ng Kristiyanong libing ang kanyang kapatid kaya

pinangunahan niya ang pag-aalsa ng mga Boholano.Marami ang nahimok ni

Dagohoy na sumama sa kanyang kilusan . Ganap itong nasupil pagkaraan

ng 85 taon.

ARALIN 3.1 Code AP5PKE-IIIe-1

Ano ang naghudyat sa mga Pilipino

upang mag-alsa?

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

46

(2)Pagtutol ng mga kolonyal na Pilipino sa pagpapataw ng buwis ng mga

Kastila

Ang pag-aalsa ni Magalat sa Cagayan ay sanhi ng illegal na pangongolekta

ng buwis. Pinatay siya ng mga katutubong inupahan ng mga Kastila.

Samantala,sina Sumuroy,Juan Ponce at Pedro Caamug ng Samar ay namuno

ng isang pag-aalsa laban kay Gobernador Diego Fajardo dahil sa kanyang

utos na magpadala ng mga polista sa pagawaan ng bapor sa Cavite at

Bisaya.Nasupil ang pag-aalsa nang ang magkasamang puwersa ng mga

Kastila at mga katutubong nasilaw sa kinang ng salapi ay mabihag ang mga

pinuno ng kilusan sa kabundukan ng Samar.Pinamunuan naman ni Francis

Maniago ng Pampanga noong 1660 ang mga katutubo laban sa gawain ng

pamahalaan na sapilitang pagpuputol ng mga torso at pagpapadala ng mga

ito sa Cavite para sa paggawa ng mga galyon. Si Malong ng Pangasinan at

Pedro Almasan ng Ilocos ay namuno rin ng pag-aalsa dahil sa sapilitang

paglilingkod at sistemang bandala.Ang pang-aabuso ng alcaldes mayors sa

paggamit ng indulto de comercio ang nag udyok kay Diego Silang upang

mamuno sa isang pag-aalsa na nagsimula sa Vigan, Ilocos Sur at umabot

hanggang Pangasinan at Lambak ng Cagayan . Nagpalabas siya ng isang

kautusang bumuwag sa sapilitang paglilingkod at pagbubuwis .

Nanghimasok ang simbahan upang masugpo ang pag-aalsang ito. Pinaslang

si Diego Silang ng kanyang matalik na kaibigang si Manuel Vicos.Ang

kanyang pag-aalsa ay ipinagpatuloy ng kanyang maybahay na si Gabriela

Silang subalit tulad ng kanyang asawa siya man ay ipinapatay rin.

(3) Pag-aalsang may kaugnayan sa relihiyon

Naghimagsik ang mga Ilongot noong 1601 dahil sa pamimilit ng mga Kastila

na gawin silang mga Kristiyano. Ito’y nasupil ng mga Kastila sa tulong ng

mga boluntaryong katutubong sundalo. Noong 1840,si Apolinario dela Cruz

na nais maging pari sa ilalim ng ordeng Dominicano ay hindi tinanggap.

Dahil sa pangyayaring ito nagtatag siya ng isang kilusang pangkapatiran na

tinawag niyang Cofradia de San Jose sa Tayabas (Quezon). Marami ang

naakit sumama sa kapatirang ito. Tinanggihan ng mga Kastila ang

kahilingan niyang kilalanin ang kapatirang ito, sa halip hinuli ang daan-

daang tagasunod niya. Dahil dito si Hermsno Pule na siyang tawag sa kanya

ay nag-alsa sa Tayabas at piñata ang panlalawigang Gobernador. Subalit siya

ay hinuli at ipinapatay sa harap ng taong bayan upang hindi pamarisan ang

kanyang ginawa.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

47

(4)Karaingang Pang-agraryo

Noong ika-18 dantaon sumiklab ang mga kaguluhang pang-agraryo sa mga

kanugnog na lugar ng Maynila. Sa pamumuno ni Matienza ang mga katutubo

ng Lian at Nasugbu sa Batangas ay nag-alsa dahil sa apropriyasyon ng

kanilang mga lupain ng mga Jeswita. Ang pag-aalsa ay nasupil sa

pamamagitan ng mga sundalong galing sa Maynila. Sa nasabi ring dantaon

dinagdagan ng mga Dominicano at Agustiniano ang kanilang nasasakupang

lupain sa pamamagitan ng di makatwirang paglilipat ng mga lupain

inuukupahan ng daan-daang magsasaka sa Bulacan . Hindi lamang nila

dinagdagan ang upa sa lupa kundi ipinagbawal din ang pangunguha ng mga

produktong-gubat at pangingisda sa mga ilog kung hindi sila magbabayad

ng buwis.Inatasan si Pedro Calderon Enriquez na magsiyasat sa kalagayang

pang-agraryo sa Bulacan at hiniling niya sa mga ordeng ito na magharap

ng mga titulo ng kanilang mga lupain. Subalit nilabagng ordeng ito ang batas

at nagpatuloy sila sa pag-ukupa sa mga lupain.

Iba pang reaksyon ng mga Pilipino sa kolonyalismo

1. Pagtanggap:

a. May mga sector na kaagad tinanggap ang kapangyarihan ng

kastila at silaay ginamit ng Kastila bilang kasangkapan sa

kanilang layuning pampulitika . Isa na rito ang principalia,

isang sector ng lipunan na kinabibilangan ng mga datu. Kapalit

ng pagtanggap ay ang mga pribelihiyong ipinangako ng Kastila

sa mga Datu sampu ng kanyang mga kamag-anakan.

2. Pagwawalang –bahala

a. Maraming Pilipino ang ipinagwalang bahala ang mga

kabulukan na nagaganap sa pamahalaang kolonyal. Marahil ito

ang dahilan kung bakit nagpatuloy ang mga namumunong

Kastila sa kanilang bulok at tiwaling

pamamahala.Maidadagdag pa dito ang ang lubhang kalayuan

ng Espanya sa Pilipinas. Bago pa makarating ang anumang

karaingan nais iparating ng mga Pilipinong kolonyal sa hari ng

Espanya ,napagtakpan na o nagawan na ng paraan ng

namumunong Kastila ang suliraning dapat lutasin. Dahil ditto

,maraming Pilipino ang nagsasawalang-bahala sa maling

pamamalakad ng mga Kastila.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

48

3. (5) Di ganap na hispanisasyon

Naganap ito dahil sa pagtanggi ng mga Kastila na ituro ang

kanilang wika sa mga Pilipinong kolonyal. Dahil ditto nagbigay ito ng

damdaming agam-agam sa mga Pilipino. Dahil dito hindi lumaganap

ang wikang Kastila.

Sagutin natin:

1. Ano ang iba’t ibang reaksyon ng mga Pilipini sa kolonyalismong Kastila?

2. Bakit kagyat tinanggap ng principalia sa kapangyraihang Kastila? 3. Bakit nagwalang-bahala angmga Pilipinong Kolonyal sa harap ng

pang-aabuso sa pamamahala ng mga Kastila? 4. Ao ang sanhi ng pag-aalsa ng mga Pilipino sa pamahalaang Kastila? 5. Sino-sino ang namuno sa pag-aalsa laban sa Kastila? 6. Bakit hindi ganap ang hispanisasyon ng mga Pilipino? Nakabuti ba ito

para sa mga Pilipino? Ipaliwanag ang sagot.

GAWIN MO .Gawain A .Ilahad ang naging kaugnayan ng mga

sumusunod na salita sa kolonyalismo.

_______________________________________________

_______________________________________________

_______________________________________________

_

Pag-aalsa

_______________________________________________

_______________________________________________

_______________________________________________

_

Pagtanggap

Pagwawalang

Bahala

______________________________________________

______________________________________________

______________________________________________

____

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

49

Gawain B: Sa pamamagitan ng tree diagram,punan ng mahahalagang impormasyon na may kinalaman sa naging pag-aalsa ng mga Pilipino sa kolonyalismong pamamahala ng mga Kastila ang bawat kahon ayon sa iyong nalalaman. Bumuo ng sariling reaksyon hinggil sa mga datos na inilagay sa bawat kahon.

Pansariling Karaingan.

_____________________

. Pagtutol ng mga kolonyal

na Pilipino sa pagpapataw

ng buwis ng mga Kastila.

_____________________

________________________

Pag-aalsang may kaugnayan

sa relihiyon

_____________________

________________________

_________________________

Karaingang Pang-agraryo

_____________________

________________________

_________________________

REAKSYON/OPINYON

_________________________

__________________________

__________________________

___________________________

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

50

Gawain C. Sagutin ang mga sumusunod ng TAMA o MALI. Isulat ang sagot sa patlang.

____________1. Pinagwalang bahala ng mga Pilipino ang aksyon ng kastila sa

ilalim ng pamamahala sapagkat naging maayos at mabuti ang pamamahala

ng mga ito sa kanilang nasakop na bansa.

____________2. Naghimagsik ang mga Ilongot noong 1601 dahil sa hindi

pagpayag ng mga Kastila na gawin silang mga Kristiyano.

___________3. Ang pag-aalsa ni Magalat sa Cagayan ay sanhi ng illegal na

pangongolekta ng buwis

___________4. Pinaslang si Diego Silang ng kanyang matalik na kaibigang si

Manuel Vicos.

____________5. Nag-alsa si Dagohoy sa mga Kastila sapagkat pinilit ng mga

ito na magbayad siya ng buwis sa simbahan.

Tandaan Natin:

Maraming naging reaksyon ang mga Pilipino sa kolonyalismo

1. Pag-aalsa na mayroon iba’t ibang sanhi o pinag-ugatan tulad

ng pangsariling karaingan ni Lakan Dula , Sulayman at

Bankaw na nagsimula sa hindi pagtupad ng mga Kastila sa

kanilang mga pangako,na naging dahilan upang hindi

magkaroon ng kasiyahan sa pamamalakad ang mga Pilipino.

2. Pag-aalsang may kaugnayan sa relihiyon ,kung saan

maraming Pilipino ay hindi sang-ayon sa pagtanggap sa

relihiyong Kristiyanismo na ipinapalaganap ng mga Kastila

3. Pagtutol sa Pagpataw ng Buwis sa mga Pilipino .

4. Karaingang Pang-agraryo , nag-alsa ang mga Pilipino dahil

sa aproprisasyon o di makatwirang paglipat ng mga Heswita

o pari sa kanilang mga lupain.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

51

Natutuhan ko

Piliin ang titik ng tamang sagot .

1. Ito ay pag-aalsa na tumalakay sa hindi makatwirang paglilipat ng mga prayle sa mga lupain ng mga Pilipino bilang karagdagan sa kanilang sariling lupain. a. Pag-aalsa hinggil sa relihiyon b.Pag-aalsa Dahil sa Pansariling

Karaingan c. Karaingang Pang-agraryo d. Di ganap na Hispanisasyon 2. Alin sa mga sumusunod na salita ang hindi naging reaksyon o tugon ng mga Pilipino sa kolonyalismo. a. pag-aalsa b. pagwawalang-bahala c. pagtanggap d. pagsumbong sa hari hinggil sa katiwalian 3. Alin sa mga sumusunod ang naging dahilan ng pag-aalsa ni Dagohoy a. pagbabayad ng buwis b. paghimok ng Kastila sa Kristiyanismo c. paglilipat ng mga lupa sa mga prayle d. hindi pagpayag ng mga prayle na bigyan ng kristiyanong libing ang kanyang kapatid

4. Siya ang nagtatag ng kilusang pangkapatiran na tinawag niyang Cofradia de San Jose sa Tayabas (Quezon). a. Apolinario dela Cruz b. Hermano Pule c. Pedro Calderon Enriquez d. Pedro Almasan

5. Ano sa mga sumusunod na kadahilan ang dahilan ng pagwawalang- bahala ng mga Pilipino sa katiwalian ng mga Kastila. a. dahil kaisa rin sila sa katiwalian b. dahil hindi nila alam ang mga katiwalian c. dahil kaibigan nila ang mga Kastila d. dahil malayo naman ang hari ng Espanya at bago pa makarating ditoang mga katiwalian ay nagagawan na ng hakbang ng mga Kastila na nasa bansa. Czarina I. Junio Teacher I ---------------------------------------------------------------------------------

-REFERENCE : Araling Panlipunan I High School

Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas

May akda: Lydia N. Agno, Cristina B. Cristobal, Melton B. Juanico, Corazon

N. Libunao, Rosita C. Tadena

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

52

Pananaw ng mga Muslim sa Pagpapanatili ng Kanilang Kalayaan

PANIMULA

Noon pa man sa ating kasaysayan ,batid na natin ang

katapangan at paninindigan ng mga kapatid nating Muslim . Sa

mahabang panahon na lumipas napanatili nila ang kanilang

paniniwala at kultura sa kabila ng mahabang panahon na pananakop

ng mga kastila . Ang masidhing pagyakap at pagtupad ng mgaMuslim

sa Islam ang dahilan upang hindi matinag ng mga kastila ang

relihiyong Islam sa kabila ng masidhing pagpapalaganap ng relihiyong

kristiyanismo sa buong kapulungan.

Sa araling ito, maipaliliwanag ang pananaw at paniniwala ng

mga Muslim sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan.

ALAMIN MO

Ang mga Pilipinong Muslim ay nanahanan sa mahabang panahon sa

gawing Mindanao at sa karatig na mga pulo gaya ng Sulu,Tawi-tawi at

Basilan.Ang relihiyong Islam ay laganap sa mga lugar na ito at ito rin ang isa

sa mga naging pangunahing pagkikilanlan ng mga Muslim kung kaya’t ng

dumating ang mga kastila taglay ang hangaring maipalaganap ang

kristiyanismo ay hindi naging madali ang pagpasok sa lugar ng mga Muslim.

Nabibilang sa mga mga katutubong Muslim ay ang mga Maranao sa

Paano naipagtanggol ng mga

Muslim ang kanilang nasasakupan

sa pananakop ng mga kastila?

Ano ang pananaw ng mga Muslim

hinggil sa kalayaan?

ARALIN 3.2 Code AP5PKB-IVe-3

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

53

Lanao,Maguindanaon sa Cotabato; mga Tausug sa Jolo; ang mga Yakan sa

Basilan ; ang mga Samal sa Sibutu at Sulu ; ang mga Jama Mapun sa

Cagayan de Sulu ; ang mga Palawanon sa Palawan ; at ang mga Siasi sa

Tawi-tawi.

Matatag ang pananalig ng mga Pilipinong Muslim sa kanilang

pananampalatayang Islam. Paano’y di lamang nila itinuring na relihiyon ang

Islam kundi ito rin ang paraan ng kanilang pamumuhay. Samantalang sa

kabilang dako, ang mga Kristiyano na Pilipino sa Bisaya at Mindanao ay

niyakap ang relihiyong Kristiniasmo kung kaya’t sa labanang Kastila at

Muslim ay tumulong ang mga kristiyanong Pilipino sa kawal na kastila hindi

sa mga kapwa Pilipinong Muslim.

Alam ba ninyo na noong panahon ng kastila ay tinawag ng mga Espanyol

ang mga Muslim na “Moro” sa kadahilanang noong unang paahon ay may

isang pangkat ng mga mamamayan sa hilagang kanluran ng Africa na

sumalakay sa Espanya . Ang pangkat ng na ito ay kilala sa tawag na “Moor”

na may relihiyong “Mohammedanismo” o Islam na buhat sa lahi ng

pinagsamang lahing Arabe at Berber. Kung kaya , tinawag ng mga kastila

ang mga Pilipinong Muslim na “Moro” buhat sa salitang “Moor”

Sumidhi ang alitang kastila at mga Muslim ng salakayin ng mga kastila ang

Mindanao sa hangaring maipalaganap ang relihiyon sa buong kapulungan.

Dahil ditto nagalit ang mga Moro sapagkat ayaw nilang magpasakop sa mga

dayuhan . Nais ng mga Muslim na maglingkod lamang sa pamumuno ng

kanilang kalahi.

Dahil dito pinatunayan ng mga Muslim ang kanilang paninindigan .

Hinadlangan nila ang pagsakop ng mga kastila . Lumaban sila sa lahat ng

pagkakataon anuman ang kanilang kahinatnan sa labanan. Gayon ang

kanilang ginawa kung kaya hindi nasakop at di nalupig ng mga kastila ang

Kamorohan.

Puspusan ang ginawang pagtulong ng mga Kristiyanong Pilipino sa mga

Kastila upang magapi ang mga Muslim. Ito ang naghudyat upang magalit

ang mga Muslim at sunugin ang mga bahay at simbahan . Maraming

nasirang kabuhayan ang nasira at maraming mga mamamayan ang lalong

nasadlak sa hirap.

Pananaw ng mga Muslim:

1. Malaki ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kanilang kalayaan.

2. Handa nilang ipaglaban ang kanilang teritoryo sa kahit anomang

kahinatnan ng labanan

3. Hindi nila gusto na sumailalim sa kapangyarihan ng dayuhan

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

54

4. Mataas ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kanilang “pinuno” datu

o sultan gayundin sa kanilang pamahalaan ,ang pamahalaang

sultanato.

Ang Digmaang Moro o Paglaban ng mga Muslim

Sa loob ng maraming taon , nagtagumpay ang mga Muslim sa kanilng

pamamahayag ng relihiyong Islam . Naipakita ng matinding pagtutol ng

mga Muslim sa pananakop ang sariling disposisiyon ng mga Pilipino hinggil

sa usaping kalayaan.

Noong 1578 , ipinadala ni Gobernador Francisco Sande ang kauna-unahang

ekspedisyon sa kamorohan na pinamunuan ng isang Kapt. Esteban

Rodriguez de Figueroa. Binubuo ang ekspedisyon ngmga kawal na kastila at

mga kristoyanong Pilipino. Ang unang sinalakay ay ang pulo ng Jolo.Natalo

ang mga Muslim sa labanan sa Jolo subalit di naman sila nasakop ng mga

Kastila.Gayun na lang ang galit ng mga Muslim sa pangyayari dahilan upang

magpahayag si Sultan Panguian ng “jihad” o pakikidigma laban sa Kastila.

Nagpadala muling ekspedisyon ang mga kastila noong 1596 sa Cotobato .Ito

ay pinamunuan muli ni Kapt. Figueroa. LUmaban naman ang mga muslim sa

ilalim ng pangangasiwa nina Datu Sirungan at DatuUbal. Sa labanan ay

namatay si Kapt. Figueroa.

Matalo man o manalo , dir in nakalimutan ng mga Kastila ang kanilang

mithiin na masakop ang Kamorohan . Kaya noong Pebrero 2, 1637 nagsugo si

Gobernador Heneral Hurtado de Corcuera ng armada na binubuo ng mga

kawal na kastila at mga Pilipino sa Mindanao . Ang pangkat ay nagdaan sa

Rio Grande del Mindanao na isa sa mga nangungunang ilog sa timog ng

Pilipinas. Mula roon ay sinalakay ng mga Kastila an gang Lamitan na noon

ay pinamumunuan ni Sultan Kudarat. Kinilala noon ang kapangyarihan ni

Sultan Kudarat sa Kamorohan. Nakipaglaban si Sultan Kudarat at ang

kanyang mga kawal subalit dahilan sa kakulangan ng armas ay nasakop ng

mga Kastila ang Lamitan. Tumakas si Sultan Kudarat sapagkat ayaw niyang

pagapi sa mgadayuhang Kastila.

Dahilan sa pagkapanalo ni Corcuera sa Lamitan ay lumakas ang kanyang

loob kung kaya muli siyang bumalik sa zamboaga noong 1637.Doon siya

naghanda upang lusubin ang Jolo. Nang sinalakay na ng mga Kastila ang Jolo

ay hinadlangan sila ng mga Muslim. Ang labanan sa pagitan ng dalawang

panig ay tumagal ng tatlong (3) buwan. Naganap ang labanan noong

1638.Dahil sa lakas ng mga kastila aynakapasok sila sa Jolo, nakapagpahayag

sila ng Kristiyanismo at nakapagpatayo ng garrison. Masasabi na tanging

doon lamang nakapasok ang mga Kastila sa pulo ng Jolo sa panaho ng

kanilang pananakop.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

55

Isang ekspedisyong military ang ipInadala ng pamunuan ng mga Kastila sa

Lawa ng Lanao noong 1639.ang naturang ekspedisyon ay pinamunuan nina

Padre Agustin de San Pedro at ni Kapt. Francisco Atienza . Sa lugar na di

kalayuan sa lawa nagtayo ng kuta ang dalawa. Sinundan ito ng iba pang

ekspedisyon na nagpalakas ng pwersa ng kastila. Pinamunuan ito ni Don

Pedro Bermudez de Castro. Nagalit ang mga katutubong Maranaw at

sinalakay ang mga Kastila. Nagkaroon ng labanan atdahilan sa matinding

alitan ay din a nagpadala ang mga Kastila ng mga ekspedisyon sa mahaba

habang panahon sa Kamorohan.

Di rin malilimutan ng mga Pilipino si Sultan Alimud Din ng Jolo. Sa

kanyang panahon nagkaroon ng pagbabago sa Jolo dahilan sa kanyang

malawak na pananaw. Sa ilalim ng kanyang pamumuno sinikap niyang

“masusugan”ang batas ng Sulu at maisalin sa wika ng Sulu ang mga

babasahin nanakasulat sa wikang Arabe. Pinayagan din niya ang mga

misyonero na maipahayag ang Kristiyanismo sa Jolo at gayundin ang

pagtatayo ng kuta doon.

Subalit din naibigan ng marami ang gawain ni Sultan Alimud Din kung kaya

naagaw sa kanya ang trono ng kanyang kapatid na si Bantilan. Tumakas si

Sultan Alimud Din at nagtungo sa Maynila .Sa lugar na iyon din nagpabinyag

bilang kristiyano ang Sultan at kanyang pamilya.Palibhasa ay malapit sa

Kastila si Sultan Alimud Din , nakatanggap siya ng tulong sa mga Kastila

upang mabawi ang trono mula sakanyang kapatid na si Bantilan sa tulong ng

ekspedisyon na ipinadalani Gobernador Obando. Natalo si Bantilan at muli

ay kinilala bilang sultan sa Jolo si Sultan Alimud Din.Naamuki naman ni

Fatima ,anak ni Sultan Alimud Din na makipagkasundo si Bantilan sa mga

Kastila.Dahilan sa magaling na pakikipag-usap ay nahimok ang panig ng

muslim na pakawalan din ang mga bilanggong kristiyanong Pilipino. Naging

mabuti ang pagtingin ng mga Kastila kay Alimud Din.

Sa pagdaan ng panahon marami pang labanan ang naganap sa Pagitan ng mga Pilipinong Muslim at mga Kastila. May pagkakataon na natatalo ang mga Muslim subalit hindi pa rin sila sumusuko. Mula sa pagdating ng mga Espanyol hanggang sa sila ay umalis, naging malaking hamon ang mga Muslim sa kanila. Maraming matapang na Pilipinong Muslim ang lumaban sa mga Espanyol upang hindi

hindi sila masakop ng mga ito. Sila ay gumawa ng

sariling armas na kanilang ginamit laban sa mga

dayuhan.

May gobernador na nagpadala ng mga kawal upang sakupin ang

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

56

Mindanao. Nakapagpatayo sila ng mga pamayanan at kuta sa Zamboanga,

ngunit hindi nagtagumpay ang mga Espanyol na lupigin ang mga Muslim at

masakop ang buong Mindanao. Hindi nila nasakop ang lugar na ito dahil

hindi nila napasuko ang mga Muslim.

Billang paghihiganti, sinalakay ng mga Muslim ang mga pamayanan sa may

baybayin ng Luzon at Visayas. Tinangay nila ang maraming mamamayan at

ipinagbili sa ibang bansa. Gumugol ang pamahalaang Espanyol ng malaking

halaga upang matigil ang gawaing ito ngunit hindi nila ganap na nasupil ang

mga Muslim.

Noong 1851, nakipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo upang

mahinto ang labanan. Binigyan nila ng kalayaang manampalataya sa Islam

ang mga Muslim. Binigyan din ng pension ang mga sultan at datu at

hinayaan ang karapatan sa pagmamana ng mga anak at apo ng Sultan sa

trono ng Jolo. Bilang kapalit ng mga ito, kikilalanin ng mga Muslim ang

kapangyarihanng Espanya, ihihinto na ang pananalakay ng mga Muslim at

hindi makikipagkasundo sa ibang bansa. Bagamat nagkaroon ng kasunduan

ang mga Espanyol at mga Muslim, kailanma’y hindi nila napasuko ang mga

Muslim.

Mga Dahilan ng Digmaang Espanyol-Muslim (Digmaang Moro)

Gusto ng mga Espanyol na sakupin ang teritoryo ng mga Muslim

subalit dahil sa pagmamahal nila sa kanilang kalayaan, mas

gugustuhin pa nilang mamatay kaysa magpa-alipin sa mga dayuhan.

Ang pakikipaglaban ng mga Muslim ay pagpapakita ng kanilang

pagtatanggol sa kanilang kinagisnang relihiyong Islam.

Sagutin ang sumusunod:

1. Ano ang relihiyon ng mga katutubong Muslim?

2. Ano ang tawag ng mga Espanyol sa mga katutubong Muslim sa

Mindanao?

3. Sino ang isang pinuno ng Maguindanao na nang dahil sa kanyang

kagitingan ay ipinangalan sa kanya ang isang lalawigan?

4. Bakit medyo takot ang mga Espanyol na kalabanin ang mga

katutubong Muslim?

5. Sino si Sultan Alimud Din? Bakit di makalimutan ng mga Pilipino si

Sultan AlimudDin?

6. Naging makatarungan ba ang naging pagsalakay ng mga Muslim sa

Bisaya at Luzon? Patunayan ang inyong sagot.

7. Naging matagumpay ba ang mga Muslim sa kanilang pakikipaglaban

sa mga Kastila.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

57

GAWIN MO

Gawain A

Ayusin sa tamang pagkakasunud-sunod ang mga pangyayari sa

pamamagitan ng paglalagay ng numerong 1-10.

_____a. Noong 1851, nakipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo

upang mahinto ang labanan.

_____b. Noong 1578 , ipinadala ni Gobernador Francisco Sande ang kauna-

unahang ekspedisyon sa kamorohan na pinamunuan ng isang Kapt. Esteban

Rodriguez de Figueroa

_____c. Isang ekspedisyong military ang ipnadala ng pamunuan ng mga

Kastila sa Lawa ng Lanao noong 1639.ang naturang ekspedisyon ay

pinamunuan nina Padre Agustin de San Pedro at ni Kapt. Francisco Atienza

_____d.. Pebrero 2, 1637 nagsugo si Gobernador Heneral Hurtado de

Corcuera ng armada na binubuo ng mga kawal na kastila at mga Pilipino sa

Mindanao.

_____e.Nakipaglaban si Sultan Kudarat sa mga Kastila.

____f. Naagaw ni Bantilan ang trono ng pamumuno sa Jolo sa kanyang

kapatid na si Sultan Alimud Din?

____g. Tumakas si Sultan Kudarat sapagkat ayaw niyang pagapi sa

mgadayuhang Kastila.

____h. Nang sinalakay na ng mga Kastila ang Jolo ay hinadlangan sila ng mga

Muslim. Ang labanan sa pagitan ng dalawang panig ay tumagal ng tatlong

(3) buwan. Naganap ang labanan noong 1638.Dahil sa lakas ng mga kastila

aynakapasok sila sa Jolo, nakapagpahayag sila ng Kristiyanismo at

nakapagpatayo ng garrison.

______i. Dahilan sa pagkapanalo ni Corcuera sa Lamitan ay lumakas ang

kanyang loob kung kaya muli siyang bumalik sa zamboaga noong 1637.Doon

siya naghanda upang lusubin ang Jolo.

_____j. Bagamat nagkaroon ng kasunduan ang mga Espanyol at mga Muslim,

kailanma’y hindi nila napasuko ang mga Muslim.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

58

Gawain B. Itugma ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng iyong sagot.

HANAY A HANAY B.

_____1. Sa ilalim ng kanyang

pamumuno sinikap niyang

“masusugan”ang batas ng Sulu at

maisalin sa wika ng Sulu ang mga

babasahin nanakasulat sa wikang

Arabe.

a. Sultan Kudarat

_____2. Umagaw sa trono ng

kapangyarihan kay Sultan Alimud

Din

b. Sultan Alimud Din

____3. Nakalaban ni Sultan Kudarat c. Bantilan

___4. Siya ang nagpadala ng kauna

unahang ekspedisyon upang sakupin

ang kamorohan

d. Heneral Corcuera

____5. Naghimok kay Bantilan na

makipagkasundo sa mga kastila

e. Gobernador Francisco

Sande

f. Fatima

Gawain C

Lagyan ng tsek (/) ang bilang kung ang pangugusap ay nagpapakita ng

pananaw at paniniwala ng mga Muslim at ekis (×) kung hindi.Gawin ito sa

notbuk.

______1. Malaki rin ang pagpapahalaga ng mga Muslim sa kalayaan.

______2. Ang relihiyong Islam ay ang paraan din ng pamumuhay ng mga

Muslim kung kaya ito ay kanilang ipaglalaban.

______3. Ang pagsakop sa kanilang teritoryo ay nangangahulugan ng

malaking digmaan hanggang kamatayan

______4. Tinalikuran nila ang kanilang relihiyon at tinanggap ang relihiyong

Katoliko.

______5. Ang pakikipaglaban ay pagpapakita ng kanilang pagtatanggol sa

kanilang kinagisnang relihiyon.

_

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

59

Gawain D: Isulat sa loob ng bilog ang mga pananaw ng mga Muslim

hinggil sa pananakop ng mga Kastila.

_____________

_____________

_____________

_____________

_____________

_____________

_____________

_____________

_____________

_____________

________

_____________

_____________

_____________

_____________

____________

_____________

_____________

_____________

_____________

_____________

_

PANANAW

NG MGA

MUSLIM

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

60

Gawain E

Ipares ang mga parirala sa hanay A at sa inilalarawan nito sa hanay B.

Gawain F. Gumawa ng apat na pahinang komiks na naglalarawan ng

Digmaang Moro , Basahin ang komiks sa klase.

A

____1. Pamahalaan ng mga Muslim

sa Mindanao.

_____2. Ugali ng mga Muslim na

hindi sila basta nakikipagkasundo.

_____3. Pinunong Muslim na labis

na ng mga Espanyol.

______4. Tawag sa pakikipaglaban

ng mga Muslim sa mga

Espanyol

______5. Lugar na sinalakay ng mga

Muslim bilang paghihiganti sa mga

Espanyol.

B

a. Luzon at Visayas

b. B. Sultan Kudarat

c. Sultanato

d. Matapang

e. Digmaang Moro

f. Datu Buisan

g. Maguindanao at Sulu

_________________________________________________________________)

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

61

Gawain G. Sumulat ng isang salaysay tungkol sa isang pangyayari na may

kaugnayan sa Digmaang Moro.

Tandaan Natin

Natutuhan Ko

Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang dahilan ng Digmaang Espanyol- Muslim?

a. Gusto ng mga Espanyol na sakupin ang teritoryo ng mga Muslim

b. Hindi kinilala ng mga Muslim ang kapangyarihan ng Espanya

c. Gustong makuha ng mga Muslim ang makabagong armas ng mga

Espanyol

d. Nagrebelde ang mga Muslim dahil sa kalupitan ng mga Espanyol

Likas sa mga Muslim ang pagiging matapang. Ang katangiang ito ang naging

susi upang hindi masakop ng mga Kastila ang mga teritoryong pinamumunuan

ng mga Muslim o nasa ilalim ng kapangyarihan ng pamahalaang Sultanato. Ang

matibay na paninindigan at pagmamahal sa kalayaan ay hindi nagapi ng mga

dayuhang mananakop.

SALAYSAY

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

62

2. Anong katangian ang ipinamalas ng mga Pilipinong Muslim na

nakipaglaban sa mga Espanyol?

a. Kasipagan

b. Katapangan.

c. Katalinuhan

d. Pagkakaisa

3. Bakit nakipagkasundo ang mga Espanyol sa Sultan ng Jolo?

a. Upang mahinto ang labanan.

b. Upang malinlang nila ang mga Muslim

c. Upang mahikayat ang mga Muslim sa relihiyong Katoliko

d. Upang kilalanin ng Muslim ang kapangyarihan ng Espanya.

4. Bakit hindi tuluyang nasakop ng mga Espanyol ang Mindanao?

a. Malawak ang lugar na ito.

b. Hindi interesado ang mga Espanyol dito.

c. Walang sasakyan ang mga Espanyol patungo rito.

d. Nagkaisa ang mga Muslim sa mga Espanyol.

5. Bakit pinayagan ng mga Espanyol na magkaroon ng kalayaan ang mga

Muslim?

a. Masunurin ang mga ito.

b. Mayayaman ang mga ito.

c. Hindi nila unabot ang lugar na ito.

d. Hindi nila masupil ang mga ito.

-------------------------------------------------------------------------------------------------------

REFERENCE:

Araling Panlipunan I High School

Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas

May akda: Lydia N. Agno, Cristina B. Cristobal, Melton B. Juanico, Corazon

N. Libunao, Rosita C. Tadena

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

63

PAG - USBONG NG MALAYANG KAISIPAN AT NAUNANG PAG – AALSA

ANG PARTISIPASYON NG IBA’T-IBANG REHIYON AT SECTOR (KATUTUBO AT KABABAIHAN) SA PAKIKIBAKA NG BAYAN

PANIMULA Natutunan mo sa huling aralin ang pananaw ng mga Muslim hinggil sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan sa kamay ng mga dayuhan. Nalaman mo rin ang mga katangian ng mga Muslim, ang kanilang katapangan na naging dahilan upang hindi nila isuko ang kanilang teritoryo sa mga Kastila. Ang pagpapahalaga rin sa kanilang paniniwalang pangrelihiyon-Islam ay nagbigkis upang magkaisa ang mga Muslim sa pakikibaka at paninindigan laban sa kolonyalinisasyon. Sa aralin natin ngayon, malalaman mo naman ang iba’ibang sector at organisasyon na nakibaka rin para sa kalayaan ng bayan. Sa araling ito, inaasahang:

Matataya ang partisipasyon ng iba’t-ibang rehiyon at sector (katutubo at kababaihan) sa pakikibaka ng bayan.

ALAMIN MO

Ang mga Pilipina noon pa man sa panahon ng barangay at sultanato

ay binigyang pagpapahalaga na ng lipunan.Hindi maikakaila ang maraming papel na ginampanan ng mga kababaihan , bilang mandirigma,babaylan at punong tagapangasiwa sa loob ng tahanan.

Sa pagdating ng mga Kastila nagbago rin ang katayuan at pamumuhay

ng mga kababaihan noon sapagkat mas binigyan ng pagkakataon lamang na makapag-aral ay mga kalalakihan. Ang pangyayaring ito marahil ang dahilan kung bakit mas maraming mga lalaki ang nagkaroon ng papel sa kasaysayan.Sa ating aralin ngayon, muli nating babalikan ang kasaysayan

Ano ano ang naging

partisipasyon ng iba’t ibang

rehiyon at sector sa

pakikibaka sa bayan.?

Ano ang naging

epekto ng kanilang

partisipasyon?

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

64

upang mabigyang pagpapahalaga naman ang iba’t ibang sector sa lipunan kasama na ang mga kababaihan na naging bahagi ng pakikibaka laban sa kolonyalismo o pananakop ng mga kastila. Ang papel na ginampanan ng mga iba’t ibang sector ay isa sa dahilan kung bakit natatamasa natin ngayon ang kalayaan.

ANG PARTISIPASYON NG MGA KABABAIHAN SA PAKIKIBAKA NG BAYAN

Gabriela Silang

Asawa ni Diego Silang

Gregoria de Jesus

Isinilang si Gregoria de Jesus sa Caloocan. Panganay siya sa magkakapatid at masasabing naging maayos naman ang kaanilang buhay. Katatatag lamang ng Katipunan nang makilala niya si Andres Bonifacio. Labingwalong taong gulang lamang siya samantalang tatlumpung taong gulang naman si Bonifacio na isang balo. Bagaman tutol ang ama, napapayag niya itong makasal siya sa Supremo ng Katipunan.

Bago maikasal ang dalawa, sumapi na sa Katipunan si Gregoria de Jesus. Sa isang pagpupulong ng mga Katipunero, nabuo ang isang sector na pambabae sa samahan. Si Josefa Rizal, kapatid ni Jose Rizal, ay nahalalna pangulo at siya ang inihalal na pangalawang pangulo. Mahirap ang naging kalagayan ni Oriang, kanyang palayaw, lalo na nang matuklasan ang Katipunan. Bilang Lakambini ng Katipunan at asawa ng Supremo, siya ang tagapagtago ng mga lihim na dokumento ng samahan.

Tuwing matutunugan niya ang pagadating ng mga Espanyol sa kanilang tahanan, sumasakay siya sa isang karetela at nililibot ang Tondo. Madalas na inaabot siya ng gutom at hatinggabi na kung umuwi. Naisulat niya noon ang sumusunod na pahayag:

“Noon ay para akong kinatatakutan pagkat lahat ng akyatin kong bahay upang magparaan ng oras ay ipinagtatabuyan ako at mamamamatay wari sila sa takot. Noo’y naghihinanankit ako sa lahat.

Noong ako’y kasama ng mga kawal na nanghihimagsik sa parang ng digmaan, wala akong pangiming sumuong sa anumang kahirapan at sa kamatayan man, sapagkat wala akong nais… kundi ang maiwagayway ang bandila ng kasarinlan ng Pilipinas. Kabilang din ako sa mga kawal at upang maging ganap na kawal, ako’y nagsasanay ng pagsakay sa kabayo at nag-aral na mamaril at humawak ng ilang uri ng mga sandata.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

65

Naranasan kong matulog sa lupa, nang walang kinakain sa buong maghapon, uminom ng maruming tubig o kaya’y katas ng isang uri ng baging sa bundok na totoong mapakla na nagiging masarap din dahil sa matinding uhaw…

Pinkamasakit na siguro sa tulod ni Oriang ang mawalan ng asawa at hindi Makita ang bangkay nito. Noong Mayo 10, 1897, dinala at binaril sa Bundok Hulog sa Maragondon, Cavite si Andres Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na si Procopio. Hanggang ngayon, hindi pa rin nakikita ang kanilang mga labi.

Gliceria Marella de Villavicencio

Bagaman marami ang kumampi sa mga dayuhan, may mga miyembro rin ng mga mayayamang angkan ang matapat na sumuporta sa layunin ng rebolusyon. Isa sa kanila si Gliceria Mmarella de Villavicencio ng Taal, Batangas. Maaga siyang nagpakasal kay Eulalio Villavicencio sa gulang na 19. Dahil parehong nagmula sa mayamang angkan at mahusay sa pagnenegosyo, mas napalago nila ang kanilang mga ari-arian.Nang mapatay noong 1872 ang mga paring GOMBURZA, nagsimula na sai Gliceria at ang kanyang asawa sa pagiging aktibo sa Propaganda. Nang si Rizal ay nasa Hong Kong, nakipagkita sa kanya si Eulalio at nagbigay ng Php18 000.00 . Nang bumalik, may dala na itong mga kopya ng Noli Me Tangere at ng El Filibusterismo ni Rizal. Ang mga ito ay kanilang ipinamigay.

Sinuportahan din ng mag-asawa ang rebolusyon ng 1896. Ipinagamit nila ang kanilang mga kamalig para sa pagmimiting at pagpaplano ng mga Katipunero. Ito ang naging dahilan ng pag-aresto at pagkakakulong ng kanyang asawa. Bagaman pinakawalan ito, iyon ang naging simula ng paghina niya at naging bunga ng kanyang kamatayan.

Ipinagpatuloy ni Gliceria ang pakikipaglaban. Nang gamitin ng mga Espanyol ang kanilang tahanan, sinikap niyang maging mabuting espiya. Noong 1898, ipinahiram niya ang kanyang barko kay Aguinaldo.

Hindi siya tumigil sa mga rebolusyunaryo kahit sa panahon ng Amerikano. Inokupahan ng mga Amerikano ang Batangas. Nahuli siya ng mga itonang makuha ng kalaban ang liham na ipinadala niya sa isang heneral ng puwersang rebolusyon, si Heneral Mariano Trias. Siya ay inilagay sa house arrest at nakalaya lamang noong 1900 nang ganap nang makontrol ng mga Amerikano ang rebolusyon.

Patrocinio Gamboa

Tubong Ilo-Ilo si Patroocinio Gamboa. Bagaman nagmula rin siya sa isang mayamang angkan ng mga illustrado, kabilang siya sa mga naghahangad ng

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

66

kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. Mahilig siyang magbasa ng mga komposisyon nina Rizal at Lopez Jaena. Hindi nagtagal, sumapi na rin siya sa mga nagrerebolusyonaryo sa kanilang lalawigan.

Hindi siya kaagad pinagdudahan ng m,ga Espanyol dahil siya ay babae. Nakatulong siya sa paniniktik at sa pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon. Naging aktibo rin siya bilang miyembro ng Red Cross.

Ang pinakatatanging bahagi ng kanyang pagiging kasapi ng puwersang rebolusyon ay nang matagumpay niyang malampasan ang bantay ng kalaban sa Sta. Barbara, Iloilo. Bahagi na ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pamahalaang rebolusyonaryo ang paglaladlad ng watawat.

May watawat na nakahanda na para sa mga taga-Jaro, Iloilo ngunit ang problema nila ay kung paano ito madadala sa kampo ni Heneral Delgado ng Sta. Barbara. Dadaanan nila ang mga bantay na kawal ng mga espanyol na mahigpit na naghahalughog ng mga gamit ng mga nagdaraan. Pinapatay nila kaagad ang sinumang kanilang mapaghinalaan.

Mahusay na nakaisip ng paraan si Patrocinio ng paraan. Itinago niya ang regaling esopada ni Aguinaldo kay Heneral Delgado sa ilalim ng mga pinaggiikan ng palay samantalang ang bandila naman ay kaniyang itinali sa kanyang baywang at saka niya isinuot ang kaniyang damit. Kasama niya ang isang katipunero na siya naming nagpanggap na kaniyang asawa.

Nang dumaraan sila sa tapat ng mga bantay ay umarte ang dalawa na nag-aaway. Natatawang pinalampas sila ng mga bantay. Ang bandila ay nakarating sa oras ng programa.

Melchora Aquino

Kilala si Melchora Aquino bilang sa bansag na “Ina ng Katipunan”. Sa edad na 84, hindi siya nag-atubiling magbigay ng tulong sa mga nasugatang Katipunero sa tuwing napapasabak ang mga ito sa labanan.

Dahil mayroon siyang palayan, naging mainam na kanlungan ng mga rebolusyonaryo ang kanyang lugar. Hindi rin siya nagging maramot na magbigay ng palay o kalakal niya sa kanyang tindahan. Dito madalas niyang makausap si Andres. Siya ay hinuli at ikinulong dahil sa kaniyang pagtuloong sa mga Katipunero. Siya ay ipinatapon sa Guam kung saan tinanggap siya ng mag-asawang Pilipino. Pinili niyang magtrabaho sakanila kaysa tumanggap ng libreng tulong.

Nakabalik siya sa Pilipinas noong 1903, nang ang mga Amerikano ay nasa bansa na. Namatay siya sa piling ng kaniyang mga anak sa edad na 107.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

67

Teresa Magbanua

Nagmula sa mayamang angkan si Teresa Magbanua. Tubong Pototan, Iloilo uiya at pinag-aral sa mahusay na paaralan. Nagtapos siya ng pagkaguro at sandaling nakapagturo. Nang siya ay mag-asawa, ginugol niya ang panahon sa pag-aasikaso sa kanilang asyenda. Nahasa pa niya ng lalo ang kanyang galling sa pangangabayo.

Nang sumiklab ang rebolusyon, sumanib siya sa kabila ng pagtutol ng kaniyang asawa. Naunang sumapi sa Katipunan ang kaniyang dalawang kapatid na lalaki na pawing may mataas na katungkulan sa Katipunan. Pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga kalalakihan. Tumulong siya sa pakikipaglaban. Nakilala siya sa kaniyang husay sa pamumuno at tinawag na Nay Isa. Maraming labanan ang kanilang naipanalo. Sa kabila ng gutom at kakulangan sa armas, unti-unting naagaw nila ang mga bayan ng Panay hanggang masakop ng mga puwersang rebolusyonaryo ang buong isla.

Ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa panahon ng mga Amerikano. Ang kaniyang kapatid na si Heneral Pascual ay isa rin sa nagtanggol sa Jaro. Aktibo rin sa pakikipaglaban ang kanyang kapatid na si Elias. Nang bumagsak ang Sta. Barbara, Iloilo sa mga kamay ng mga Amerikano, nagging gerilya sila. Napata yang kaniyang kapatid na si Elias sa isang labanan, samantalangpatraydor namang pinatay si Pascual.

Nagluksa siya sa pagkamatay ng kaniyang mga kapatid. Nang magsimulang magsisuko ang mga Heneral, nilansag niya ang kanyang pangkat sa halip na sumuko. Lumipat siya sa bayan ng kaniyang asawa at namuhay nang tahimik. Itinigil niya ang pakikipaglaban nang makita niyang walang mangyayari sa pagtutol nila sa pananakop ng mga Amerikano. Nagbalik siya sa kanyang asawa nang sumiklab ang digmaan. Ipinagbili niya ang kanilang mga ari-arian sapagkat patay na ang kaniyang asawa at wala naman silang nagging anak. Nakitira na lamang siya sa kaniyang kapatid sa Mindanao. Namatay siya noong 1947.

Ang Partisipasyon ng Iba’t Ibang Rehiyon at Sektor sa Pakikibaka ng Bayan

Ang pag-aalasa o paggamit ng armas ay unang naging pagtugo ng mga Pilipino sa pagtrato sa kanila ng mga Espanyol. Tulad ng ginawa ni Lapu-Lapu noong 1521, ipinasiya ng ibang mga Pilipino na tapatan ng dahas ang hindi maayos na pagtrato sa kanila ng mga Espanyol. Magkakaiba ang mga dahilang nagbunsod sa kanilang paglulunsad ng rebelyon . Narito ang mga pag-aalsa at sector na bumuo sa bawat pag-aalsang naganap sa kasaysayan .

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

68

Pag-aalsa ni Dagami (1565–1567) Ang pamilya-Dagami ng Leyte ay namuno sa rebolusyon laban sa mga Espanyol noong 1567. Si Raha Lakandula (1574) Ang Dakilang Raha ng Tondo –na si Raha Lakandula ay nanguna rin sa isang pag-aalsa laban sa mga Kastila.Sa simula ay naging maayos ang ugnayan ni Raha Lakandula at Kastila sa isa’t isa sapagkat mayroon siyang prebilehiyo na hindi pagbabayad ng buwis sa mga Kastila at pagiging malaya sa paghahanap buhay.Ang pribilehiyong kanyang natanggap ay hindi naging pangmatagalan sapagkat ipinatigil ito ni Gobernador Guido Lavezares na siyang pumalit kay Legaspi nang ito ay mamatay. Naging mapang –abuso at mapang-alipin si Gobernador Guido Lavezares ,bagay na ikinagalit ni Raha Lakandula

Noong taong 1574, nagsimula ang labanang Raha Lakandula at ang mga Kastila. Subalit isinugo ni Lavezares sina Padre Geronimo Martin at Kapitan Juan de Salcedo upang himuking sumuko ang dalawang hari (sina Raha Lakadula at Sulayman). Sumuko ang dalawa nang tiyakin ang paggalang sa kanilang karapatan sampu ng kanilang nasasakupan . Muling nanumbalik ang kapayapaan at pagkakaibigan sa pagitan ni Raha Lakandula at Kastila . Tumulong pa sina Lakandula at Sulayman sa pagtataboy kay Limahong at ng kanyang mga mandirigma.

Noong 1587, ipinagpatuloy ito ng anak ni Raha Lakandula, si Magat Salamat. Ang dahilan ng kanilang paghihimagsik ay ang hindi pagtupad ng mga Kastila na ibalik ang prebelehiyo nila ng hindi pagbabayad ng buwis. Si Raha Sulayman (1574)

Si Raha Solayman na nakikilala rin bilang Raha Sulayman, ay isang Muslim na datu, na namuno kasama ni Raha Matanda at Lakan Dula, hari ng Tondo, isang malaking populasyon ng mga Tagalog sa Timog ng Ilog Pasig sa Lungsod ng Maynila noong ika-16 na dantaon.

Malugod niyatinanggap at pinapasok ang mga Kastilang kongkistador na sina Martin de Goiti at Juan de Salcedo. Naging palakaibigan siya at binigyan niya ang mga kongkistador ng mga pampalasa at mga babae bilang regalo. Ngunit nang dumaan ang mga linggo, sinimulang abusuhin siya ng mga Espanyol at hindi naglaon, nalaman niya ang pakay ng mga Espanyol na sakupin ang kanyang lungsod at nakawin ang mga likas na yaman ng kanyang lugar. Namuno siya ng isang kudeta upang mapaalis ang mga Kastila sa lungsod. Pampangga Revolt (1585)

Ang pag-aalsa ng mga Pampagueno ay pinasimulan noong 1585 bilang protesta sa mga pang-aabuso ng mga encomendro. Binalak nila ang lihim na pagpasok sa Maynila at pagpatay sa mga kastila sa tulong ng mga taga-Borneo.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

69

Sa kasamaang palad, ang lihim ay nalaman ng isang babaeng katutubo na asawa ng isang sundalong Kastila Ipinadakip at ipinakulong ni Gobernador-Heneral Santiago de Vera ang mga pinuno ng nasabing pag-aaklas at ipinapatay naman ni Heneral Christian Cruz-Herrera.

. Conspiracy of the Maharlikas (1587–1588) Noong 1587-1588 ay nabuo ang rebolusyong/pag-aalsang kilala bilang “Conspiracy of the Maharlikas o Tondo Conspiracy “laban sa mga Kastila. Binubuo ang samahan ng mga maharlika o pangkat ng mga datu ng Maynila, Bulacan at Pampanga kasama ang kanilang mga kaanak. Ito ay pinangunahan ni Agustin de Legazpi, pamangkin ni Raha Lakandula at ng isa pa nitong pinsan na si Martin Pangan. Ang mga datu ay sumumpang makikidigma laban sa mga mananakop at ipaglalaban ang kanilang mga karapatan sa kanilang dating mga nasasakupan at babawiin ang kalayaan ng kanilang mga nasasakupan. Subalit sila ay hindi naging matagumpay sa kanilang mga hangarin. Ang kanilang mga balak at plano ay nabatid ng mga Espanyol mula kay Antonio Surabao na nagmula sa Calamianes ng Palawan na isa ring bahagi ng pamilyang maharlika sa nasabing lugar. Cagayan at Dingras (1589) Ang pag-aalsang nabuo laban sa pagbabayad ng tribute o buwis ng mga taga Cagayan at Ilocos Norte noong 11589 ay tinawag na Cagayan at Dingras Revolt. Ang mga pagmamalabis ng mga conquistadores na nananakit at nang-aabuso sa mga Pilipino bukod pa sa pagbabayad ng mataas na buwis ang naghudyat upang mag-alsa ang mga Ilokano sa pamamahala ng mga Kastila. Nagsimula ito nang mapatay sa Vigan ng mga katutubo ang anim na mga taga kolekta ng buwis ng pamahalaan. Ipinadala ni gobernador-heneral Santiago de Vera ang kaniyang hukbong binubuo ng mga Pilipino at ilang Espanyol upang mapatigil ang namumuong pag-aaklas na ito ng mga taga Cagayan. Pag-aalsa ni Magalat (1596)

Ang pag-aaklas ni Magalat ay nagsimula noong 1596 at sila ay tubong Cagayan. Siya ay nadakip sa Maynila sa kasong rebelyo at ipinakulong ng goberndor-heneral. Hindio nagl;aon ay pinalaya rin siya sa tulong na rion ng ilang mga paring Dominikano. Kasama ng kaniyang kapatid na lalaki, hinimok niyang ipagpatuloy ang pakikidigma sa mga Espanyol. Hindi nagtagal ay nagawa nilang sakupin ang ilang nakapaligid na mga kabayanan hanggang tuluyan nilaitong makuha mula sa mga Espanyol na mga kawal.

Ipinadala ni gobernaor-heneral Francisco de Tello de Guzman sina Pedro de Chavez mula sa Maynila kasama ng mga kawal na Esppanyol at Pilipino upang dakipin sina Magalat. Nagawang hulihin ang pangkat ni Magalat at ang mga pinuno ng pangkat ni Magalat ay binitay. Si Magalat

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

70

naman ay patraydor na pinatay ng kaniyang ilang mga kasamahan sa kanilang sariling kuta.

Pag-aalsa ng mga Igorot (1601)

Mula sa kautusan ni Gobernador-Heneral Francisco de Tello de Guzman, nagpadala ng isang ekspedisyon sa Cordillera para sa pagpapalawak ng relihiyon sa bansa sa pamumuno na rin ni Padre Esteban Marin. Si Marin ay ang kuta paroko noon ng Ilocos at sinubukan niyang kumbinsihin ang mga Igorot na maging mga Kristiyano.

Sa kabilang dako, hindi pumayag ang mga katutubo na mapasa ilalim rin sa kagustuhan ng mga Kastila na maging mga Kristiyano sila at talikuran ang kanilang mga paniniwala sa kani-knilang mga relihiyon. Pinatay ng mga mandirigmang Lumad si Marin kasama ng hukbong pinadala ni Kapitan Aranda. Naging mabilis lamang ang rebolusyong ito ng mga Igorot sa kadahilanang labis na dahas ang ginamit ni Aranda upang masupil ang mga manndiirigmang Igorot upang hindi na ito malaman pa ng iba pang mga katutubo.

Ang pag-aaklas ng mga Intsik 1603

Noong 1603, mahigit kumulang na 30,000 Tsinong mangangalakal, namumuno at mamamayang Intsik ay pinatay ng mga Espanyol na nnamumuno noon sa lugar. Ang mga nakaligtas ay agad na nagtungo sa Wawa na ngayon ay mas kilala sa tawag na Guagua. Nagsunog at naglunsad ng pag-aaklas ang mga Intsik na nainirahan sa Legarda at Binondo at kanilang binantaan na kukuhanin nila ang pamumuno ng mga Espanyol sa Intramuros. Pag-aalsa ni Tamblot (1621–1622) Si Tamblot ay pinuno ng relihiyon sa Bohol at pinamunuan niya ang isang rebolusyong kinilala sa tawag na Tamblot Revolt noong 1621. Matapos makarating nag mga Heswitang pari sa Bohol ay agad nilang ipinakilala ang Kristiyanismo sa mga Boholano at pinilit ang mga ito na iwan ang kanilang dating relihiyon at paniniwala at tuluyan nang maging mga Kristiyano. Hinikayat naman ni Tamblot, na isang babaylan, ang kaniyang mga kababayan na huwag magpadala at maniwala sa mga paring Heswita at manatili sa kanilang kinagisnan na relihiyon at paniniwala. Nagsimula ang rebolusyong ito ni Tamblot noong ipinagdiwang ng mga paring Heswita ang kapistahan ng isang patron, St. Francis Xavier sa Cebu na naganap noong gabi ng bagong taon noong 1622. Hindi nagtagal ay nahuli nila sa Tamblot at binitay sa pamamagitan ng pagpugot ng ulo upang maging banta sa ilan pang mga Pilipino na hindi aanib sa mga Kastila at lalabag sa kanilang mga kautusan.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

71

Pag-aalsang Bankaw (1621–1622) Ito ay pinamumnuan ni Bankaw na dating datu ng Carigara sa Leyte. Malugod na tinanggap noon ni Bankaw si Heneral Miguel Lopez- de Legazpi sa kanyang nasasakupan noong unang dumating si Legazpi sa Pilipinas noong 1565. Bagaman nagpabinyag si Bankaw sa Kristiyanismo noon, siya ay tumiwalag sa paniniwalang ito. Sa tulong ng isang babaylan, si Pagali, nagtayo siya ng isang temple para sa mga diwata at diyos na kaniyang dating pinaniniwalaan noong panahong siya ay isa pang datu. Hinikayat niya ang kaniyang mga dating nasasakupan na magbalik loob sa kanilang dating mga paniniwala at talikuran ang Kristiyanismo. Gumamit si Pagali ng mahika upang mahikayat ang mga tao na sumama sa kanila.

Ipinadala ni heneral Alonso Fajardo de Entenza ang alcalde mayor ng Cebu nma si Juan de Alcarazo kasama ang ilang kawal na Espanyol at mga kawal na Pilipino upang sugpuin ang rebelyong binubuo ni Bankaw. Matapos mahuli sila Bankaw, pinatawan sila ng parusang bitay at kaniyang ulo ay inilagay sa isang kawayan upang magsilbing babala sa mga Pilipinong nagnanais na mag-aklas laban sa mga Espanyol sa kanilang lugar. Ang rebolusyong Mandaya o Itneg (1625–1627) Ang rebolusyong Itneg o kilala rin sa tawag na Mandaya Revolt ay rebolusyong nabuo dahil sa relihiyon laban sa pamumuno ng mga espanyol sa pamumuno nina Miguel Lanab at Alababan. Sina Lanab at Alababan ay parehong nabinyagan na rin sa Kristioyanismo at parehong tumiwalag din agad dahil ang kanilang pagpapabinyag ay sapilitang pinagawa noon sa kanilang bayan. Sila ay namuno ng pag-aaklas dahil sa sapilitang pagpapalit ng relihiyon sa mga mamamayan. Nang sila ay papuntahan sa mga paring misyonaryo ay kanilang pinatay at pinugutan ang mga ito ng ulo dahilan upang sila ay tugisin naman ng mga Espanyol sakautusan na rin ni Governador-Heneral Fernando de Silva noong 1626. Sinunog ng mga kastila nag mga taniman at palayan na nagging sanhi ng pagkagutom ng mga Itneg dahilan na rin upang sila ay sumuko noong 1627. Rebolusyong Ladia (1643)

Si Pedro Ladia ay isang Moro Bornean na nagmula sa angkan ni Raha Lakandula na dumating sa Malolos noong 1643. Noong panahon na iyon, ang kanyang lupain ay sinamsam ng mga Kastila kung kaya’t pinamunuan niya ang isang pag-aaklas laban sa pagmamalabis ng mga Espanyol sa kanilang pangangamkam ng mga lupain sa mga Pilipinong tunay na nagmamay-ari ng mga lupa at lupain. Binansagan niya ang kaniyang sarili bilang “Hari ng mga Tagalog”. Pinigilan siya ng mga paring Espnayol sa kaniyang mga balakin subalit ito ay kaniyangipinagpatuloy pa rin. Nang siya ay madakip, siya ay ikinulong sa Maynila at doon pinatawan ng parusang kamatayan.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

72

Pag-aalsa ni Sumuroy (1649–50)

Sumiklab ang Sumuroy Revolt noong 1649 sa pamumuno ni Agustin Sumuroy kasama ng ilan sa kaniyang mga kababayan na Waray sa Palapag. Northern Samar. Ang kanilang pangunahing dahilan sa pag-aaklas ay ang pagmamalabis ng mga Espanyol sa kanilang sapilitnag paggawa sa polo y servicios.

Ang kautusan ukol sa polo ay nagsasaad na ang mga manggagawa na mula sa Maynila ay hindi ipadadala sa mga malalayiong lugar sa kanilang pagtatrabaho sa polo subalit ang mga Waray ay ipinadala at ipinatapon naman sa malalayong lugar tulad ng Cavite na siyang nagbunsod ng kanilang pag-aakllas laban sa mga mananakop. Matapos mapatay ang isang pari sa Palapag, mabilis na kumalat ang pag-aaklas na uinilunsad ni Sumuroy at nakarating ito hanggang sa Mindanao, Bicol at sa Visayas, lalo’t higit sa lugar ng Cebu, Masbate, Camiguin, Zamboanga, Albay, Camarines at ilan pang mga bahagi ng Mindanao tulad ng Surigao. Isang gobyernong rebelyon ang kanilang itinatag sa kabundukan ng Samar. Subalit si Sumuroy ay nahuli at binitay noong Hunyo 1650 na siyang nagging dahilan upang humina ang kanilang hukbo. Ipinagpatuloy ng kaniyang pinagkakatiwalaang kasama na si David Dula ang pakikipaglaban subalit nang siya ay malubhang masugatan sa kanilang pakikidigma ay nahuli siya at binitay din sa Palapag, Northern Samar kasama ng kaniyang mga Heneral na pawing nahuli ng mga Kastila. Rebolusyong Maniago / Pampanga (1660–1661) Ang Maniago Revolt ay nalunsad sa Pampangga noong 1660. Sa panahong ito ay labis na pinagnasahan ng mga Espanyol na mananakop ang Pampangga sa kadahilanang mayaman ang bayan ng Pampangga lalo’t higit ang kanilang relihiyon. Bukod ito, ang mga mamamayan ng Pampangga ay pinatawan ng mas mataas na tribute, sapilitang paggawa kahit sa malalayong lugar at ang pagkamkam sa kanilang mga pananim na palay. Karamihan sa kanila ay pinagtrabaho sa loob ng walong buwan na higit sa mga napagkasunduan at hindi rin binayaran ang kanilang paggawa sa mga ito maging ang mga bigas na kinukuha sa kanila ay hindi rin binabayaran ng mga Espanyol. Hindi naglaon ay inilunsad nila ang kanilang rebolusyon laban sa mga pagmamalabis sa kanila ng mga Espanyol. Ang Maniago Revolt ay nagging simula ng mas malawak, mas malaki at mas madugong digmaan laban sa mga Kastila sa Pangasinan. Andres Malong ng Malong Revolt (1660–1661)

Si Andres Malong ay isang maestro de campo ng Binalatongan (na ngayon ay kilala bilang Lungsod San Carlos, Pangasinan), noong 1660. Siya ang tumulong sa mga Espanyol, nang ang mga dayuhan ay magtatag ng pamahalaan sa Pangasinan. Sa mga Espanyol niya natutuhang maging malupit at gumamit ng dahas.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

73

Napagtanto ni Malong na mag-aklas laban sa mga Espanyol, dahil sa kaniyang mga naging kaalaman sa mga gawain ng Espanyol. Napigil lamang ito dahil naunang mag-aklas si Francisco Maniago sa Pampanga. At nang nabigo si Maniago, sinimulang ni Malong ang kaniyang planong mag-aklas laban sa mga dayuhan. Nagsimula siya sa barangay Malungeuy, at nabigo. Ang kabiguang ito ay hindi naging hadlang sa kaniyang pangarap, ipinagpatuloy niya ang kaniyang mga balak hanggang sa matagumpay niyang masakop ang buong Pangasinan. At idineklara ni malong, siya ang Hari ng Pangasinan. Rebolusyong Almazan (January 1661) Kasunod ng Malong Revolt ay ang Ilocos Revolt na pinamunuan ni Don Pedro Almazan, isang mayamang namumuno sa bayan ng San Nicolas, Laoag, Ilocos Norte. Ang mga sulat na ipinadala ni Don Andres Malong, ang “Hari ng Pangasinan” na nagsasaad ng pagkatalo ng mga Espanyol sa kanilang lugar sa kanilang rebolusyon ay nakapagpalakas ng loob ng mga kapwa nila Pilipino sa mga karatig bayan at kabilang ditto sina Don Pedro Almazan. Lumakas ang suportang tinanggap ng mga pag-aaklas na ito at nagbunsod sa mga sumunod pang mga pag-aaklas. Pinangunahan ni Almazan ang rebelyon sa Ilocos at tinawag siya bilang “Hari ng Ilocos” at ang kanyang anak naman ay tinuran bilang “Prinsipe ng Ilocos”. Subalit matapos ang digmaan ng mga Kastila sa mga Briton ay kanilang nadakip naman si Almazan na siyang nagging dahilan ng kanyang pagkakabitay. Panay Revolt (1663) Ang Panay Revolt ay kinilala rin bilang Tapar Revolt sapagkat si Tapa rang namuno sa pag-aaklas na ito sanhi ng di pagkakaunawaan sa relihiyon. Mula sa isang isla sa Panay si Tapar at nais niyang magtayo ng sarili niyang relihiyon sa isla na hindi naman kailanman pinayagan ng mga Espanyol. Napatay si Tapar kasama ng kaniiyang mga tagasunod sa isang madugong sagupaan sa patraydor na pag-atake ng mga kawal ng espanya kasama ang mga kawalna Pilipino. Zambal Revolt (1681–1683) Isang pangkat ng mga pinuno, datu ng Zambales ang tumangging magpasakop at kilalanin ang pamumuno ng mga Kastila sa Pilipinas kung kaya’t sila ay naglunsad ng digmaan sa mga ito. Dagling nagpadala ng mga hukbo ang mga kinatawan ng espanya sa Pilipinas ng mga higit kumulang na 6000 kawal upang hindi na mapaigting pa ang bilang at dami ng mga nag-aaklas. Matapos ang halos 2 taon ng paglalabanan, tuluyang nasakop ng mga espanyol ang buong bayan at sila ay tuluyan nang napailalim sa pamamahala ng mga Espanyol. Ang lahat ng nakibahagi sa pagrerebelyon ay pawing pinatawan ng parusang kamatayan.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

74

Agrarian Revolt of 1745 Ang Agragrian revolt ay nagtagal mula 1745 hanggang 1746. Kabilang sa mga bayan na ito ay nagmula sa CALABARZON (Batangas, Laguna at Cavite) at sa Bulacan na pawang bahagi ng walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas. Ang pinakaunang naglunsad at nagsimula nito ay ang bayan ng Lian sa Nasugbu, Batangas Ang mga tubong Batangas na tunay na nagmamay-ari ng mga lupain ay kinamkaman ng mga ari-arian at ng mga lupain ng mga paring prayle at ng iba pang mga espanyol na namuno sa kanilang bayan. Pinilit nila ang mga ito na ibalik sa kanila ang kanilang mga ari-arian at lupain subalit iginiit ng mga prayle na ito ay hindi sa kanila sakadahilanang wala silang mga titulo ng mga ito at ito ay marapat lamang na maging kabayaran nila sa kanilang pamamalagi at pamumuno sa lugar. Ito ang nagbunsad upang magrebelyon ang mga taga Batangas na siyang nagging dahilan upang ang mga ito ay sunugin maging ang mga parokya ng mga paring prayle maging ng mga ranching kinamkam ng mga Kastila. Pinaimbistiogahan ang pangyayari ng mga Kastilang namumuno kung saan ipinag-utos naibalik ng mga prayle sa mga Pilipino ang kanilang mga ari-arian subalit nagawang baliktarin ng mga prayle ang naunang kautusan kung kaya’t ibinalik na kahit anong pagmamay-ari sa mga Pilipino. Francisco Dagohoy Rebellion (1744–1829)

Noong 1744 sa Bohol, pinamunuan ni Francisco Dagohoy ang isang rebelyon na bunsod rin ng hindi pagkakasundo sa relihiyon. Matapos mapatay ang kkapatid ni dagohoy ay hindi ito pinayagan na basbasan ng paring prayle sa kanilang bayan. Ang pagtangging ito ng prayle ang siyang nagging dahilan ng pagsisimula ni Dagohoy ng rebolusyon. Ito ang nagging pinakamatagal na rebolusyon nasaksihan at kinabilangan ng mga Pilipino kahit patay na ang nagpasimula nito na nagtagal ng 85 taon.

Dalawampung gobernador-general mula kay Juan Arrechederra hanggang kay Mariano Ricafort y Abarca ay hindi nagapi ang rebolusyong ito na nakapagtayo ng isang malayang rebolusyonaryong gobyerno ng mga Boholano Nagpadala ng 2,200 kawal si ricafort sa Bohol na nagapi rin naman ni Dagohoy at ng kaniyang mga tauhan. Muling nagpadala ng sundalo si Ricafort noong 1828 at 1829 at tulad ng nauna ay hindi nagging matagumpay ang mga ito. Namatay si Dagohoy 2 taon bago pa man matapos ang kanilang rebelyon, na siya namang naging dahilan ng pagtatapos ng rebolusyon. Mahigit 19,000 sa mga tauhan ni Dagohoy na nabuhay at nadakip ay pinalaya at pinabayaang mamuhay sa ilang bayan ng Bohol; Balilihan, Batuan, Bilar, catigbian at Sevilla.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

75

Diego Silang (1762–1763)

Si Diego Silang ay ipinanganak noong Disyembre 16, 1730. Ang kanyang ama ay si Miguel Silang at kanyang ina ay si Nicolasa Delos Santos.

Noong siya ay bata pa, nagtrabaho si Diego bilang katulong ng kura paroko ng Vigan. Doon siya naging mahusay magsalita ng wikang Kastila. Siya ay pinadala ni Padre Crisolo bilang mensahero. Dinadala niya ang mga sulat mula sa Vigan papuntang Maynila sa pamamagitan ng bangka. Sa isa sa kanyang paglalakbay, ang kanyang bangka ay inatake ng mga katutubong Zambal sa baybayin ng Zambales. Ang ilang sakay ay nalunod at pinatay ng mga katutubo. Si Diego naman ay nakaligtas ngunit naging bihag. Siya ay pinalaya sa pamamagitan ng ransom na pinadala ng mga misonaryong Rekoleksyonista.

Pinakasalan niya ang biyudang si Josefa Gabriela na tubong Santa, Ilocos Sur. Sila ay 27 taong gulang nang ikasal.

Nang nasa Maynila si Diego, at naghihintay sa Galleon, nakita nya na maraming mga atakeng barko ang mga Ingles sa Maynila de Bay. Noong Setyembre 24, 1762 inatake ng hukbong Ingles ang Maynila. Nasakop ang Maynila noong Oktubre 1762. Ang pagsakop ay kabilang sa Pitong Taong Digmaan.

Napansin ni Diego na humihina ang hukbong Kastila at dito nya naisipang mamuno ng kilusang rebolusyonaryo sa Hilagang Luzon. Lumakas ang pwersa nito. Nagtatag siya ng sariling kampo sa isang mataas na bundok na kung saan matatanaw ang kabuuan ng lalawigan ng Vigan. Ito ay kilala ngayon bilang Bundok ng Silang.

Si Diego Silang ay isang mahusay na pinuno at disiplinadong militar. Upang magkaroon ng pondong panustos, siya ay nanghingi ng tulong sa mga mayayaman at mahihirap na tao, depende na rin sa kakayahan ng mga ito.

Habang abala ang mga Kastila sa pagkuha muli ng Maynila, iniutos ng pamahalaan na sumuko si Silang. Hindi sumuko si Silang at sinubukang pang makipagsanib pwersa sa mga Ingles. Sumulat siya ng liham sa pamahalaang Ingles sa pamumuno ni Lt. Gen. Dawson Drake. Dito niya kinilala ang pagsakop ng Maynila. Binigay niya ang kanyang pagsuporta kapalit ng pagkilala sa kanya bilang Sarjento Mayor at Alcalde Mayor ng Ilocos. Hiningi rin nya ang pagkilala sa pagtalaga ng mga opisyales sa Ilocos.

Sa ilalim ng pamumuno ni Diego Silang, binigyan niya ng pagkakataong mamuno ang kapwa Pilipino. Lahat ng mga tinanggal na Kastilang opisyal ay pinalitan niya ng mga karapat-dapat na Ilokanong sibil at opisyal-militar na naaayon din naman sa kagustuhan ng kanyang nasasakupan. Ang kanyang mga makatarungang batas ay ipinahayag sa iba't ibang bayan.

Nagpatawag ang mga opisyales ng Espanya (Audencia) sa Maynila sa pamumuno ni Simon de Anda at nag-alok ng pabuya kung sino man ang

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

76

papatay kay Diego Silang. Noong Mayo 28, 1763, binisita ni Miguel Vicos at Pedro Becbec, mga kaibigan ni Diego, si Diego sa kanyang kuta sa Casa Real sa Vigan. Tinaksil nila si Diego nang binaril nila ito kapalit ng pabuya ng Audiencia.

Sa edad na 32, si Diego Silang ay binawian ng buhay. Dahil sa kanyang husay na pamumuno, siya ay tinaguriang Liberator ng Ilocos. Tinuloy ng kanyang asawang si Gabriela ang laban. Juan de la Cruz o Palaris (1762–1764)

Si de la Cruz ay anak ni Santiago de la Cruz, cabeza de barangay, at Catalina Ugay, na tubong Binalatongan, Pangasinan. Si Juan ay may dalawang kapatid na sina Colet at Simeona. Ang pamilya de la Cruz ay kabilang sa principalia sa Binalatongan.

Nakapag-aral si de la Cruz, sa sinilangang bayan ng Binalatongan, at naulila noong siya ay bata pa. Nang makatapos ng pag-aaral, siya ay nagtungo ng Maynila, at doon nagtrabaho kay Francisco Enriquez de Villacorta, na isang opisyal ng pamahalaang Espanyol. Nagsimulang magprotesta ang mga taga-Binalatongan sa mga pang-aabuso ng mga kanilang gobernador. Nais ng mga pinuno ng mga bayan sa Binalatongan na mapatalsik ang kanilang gobernador at itigil na ng pamahalaang Espanyol ang pagkolekta ng buwis, dahil ang kanilang isla ay nasa ilalim na ng mga Briton.

Hindi pumayag ang Gobernador ng Espanya na si Hen. Simon de Anda sa nais ng mga taga-Binalatongan. At noong 1762, nagsimula ang aklasan laban sa pamahalaang Espanyol, at ang pangalang “Palaris” ay nakilalang bilang pinuno ng mga rebolusyonaryo. Sina Colet de la Cruz, Andres Lopez, at Juan de Vera Oncantin ay kasama ni Juan de la Cruz na namuno sa aklasan laban sa mga Espanyol. Disyembre, lahat ng opisyal ng pamahalaang Espanyol ay lumiban na sa Pangasinan, maliban ang mga paring Dominiko, dahil sa panganib na kanilang kinakaharap. Ang pamahalaang Espanayol ay nakipag alyansa sa mga Briton, na kasalukuyang nakikipaglaban kay Diego Silang, sa lalawigan ng Ilocos sa hilagang bahagi ng Pilipinas.

Noong 1 Marso 1763, nakaharap ng grupo ni de la Cruz si Alfonso de Arayat at kaniyang mga kawal at ilang mga Pilipino na matapat sa pamahalaang Espanyol sa Ilog Agno. Napilitang umurong sa laban ang grupo ni Arayat matapos malagasan ng maraming kawal. Napunta muli sa mga Filipino ang Ilog Agno, na matatagpuan sa pagitan ng Pampanga at Pangasinan sa katimugang bahagi. Kilala ang pangyayaring ito sa kasaysayan ng Pilipinas bilang “Battle of Agno River of 1763.” At sa kasagsagan ng aklasan upang mapalaya ang Pangasinan , si de la Cruz ay may mahigit 10,000 kawal, na patuloy na nakikipag-usap kay Silang upang mapabilis at maging mas epektibo ang kanilang laban sa mga Espanyol. Nang lagdaan ang Kasunduan sa Paris, noong 1763, natapos na rin ang Pitong Taong Digmaan noong 10 Pebrero 1763. Nagkaroon nang pagkakataon ang

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

77

mga Espanyol na sugpuin ang mga aklasan laban sa kanilang pamahalaan, nagpadala sila ng mga armadong kawal sa Pangasinan upang madakip si de la Cruz. Ang mga prayle na naiwan sa lalawigan ay nagsimulang himukin ang kanilang mga parokyano upang mapabilis ang pagdakip kay de la Cruz.

Noong Setyembre 1763, nakarating na ang balita sa Pangasinan na pormal nang nilagdaan ang Kasunduan sa Paris, nagsimulang sumuko nang ilang kawal ni de la Cruz at bumalik sa kanilang mga pamilya upang makaiwas sa mga opensiba ng mga sundalong Espanyol.

Disyembre 1763, nagsimulang lusubin ng mga kawal ng Espanyol ang bayan na Mabalitec, na malapit sa Ilog Agno na nasa pagitan ng Binalatongan at Bayambang. Nabigo ang mga kawal ni de la Cruz na ipangtanggol ang lugar na ito. Sumunod na nakuha ang bayan ng Binalatongan, at sa San Jacinto, Pangasinan, nahuli ng mga Espanyol sina Andres Lopez at Juan de Vera at ilang matatapat na kawal ni de la Cruz.

Marso 1764, halos lahat ng lugar sa Pangasinan ay nasa kamay na ng mga Espanyol, piniling manatili ni de la Cruz sa Pangasinan kasama ng kaniyang matatapat na kawal. Dahil sa tumitinding takot sa mga Espanyol, napilitang ituro ng kaniyang kapatid na si Simeona kay Agustin Matias na isang gobernadorcillo ng Binalatongan kung saan nagtatago ang kaniyang kapatid. Noong 16 Enero 1765, si de la Cruz ay dinala sa kapitolyo ng Lingayen para litisin. Habang nasa loob ng piitan, inamin niyang siya ang pinuno ng aklasan laban sa mga Espanyol. At noong 26 Pebrero 1765, si de la Cruz ay binitay. Basi Revolt (1807) Ang Basi Revolt ay kilala rin sa tawag na Ambaristo Revolt, na naganap noong September 16 to 28, 1807. Pinamunuan ito ni Pedro Mateo at Salarogo Ambaristo na sinasabing iisang tao rin lamang, dahil na rin sa malabis na pamamalakd ng mga Espanyol sa bayan ng Piddig, Ilocos Norte. Ito ay naiiba sa ibang mga rebolusyon dahil ito ay umiikot sa kanilang basi, o alak na nagmula sa tubo na siya namang ginagawa at produkto ng lugar. Noong 1786, ipinagbawal ng mga Kastila nag paggawa at pagbebenta ng basi. Napilitan ang mga mamamayan na bumili sa mga tindahan. Dahil dito ay inilunsad ang isang rebolusyon sa mga Espanyol noong September 16, 1807 na nagtatagal ng ilang lingo sa bawat pagtatagpo na nakakaabot din sa mga karatig na bayan. Tuluyang nagapi ng mga espanyol ang mga rebolusyonaryo noong September 28, 1807 na nagdulot ng maraming pagkamatay ng maraming Pilipino na kasapi sa rebolusyon at maging ng mga kawal na Pilipino na kasama ng mga Kastila. Hermano Pule Revolt (1840–1843) Isa sa pinakkilala na rebolusyong lunsad ng relihiyon ay ang Pule Revolt na naganap noong June 1840 na nagtangal hanggang Nobyembre 1841. Ito ay pinangunahan ni Apolinario dela Cruz na kilala rin sa tyawag na Hermano Pule.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

78

Itinatag niya ang sarili niyang relihiyon na tinatawag na Confraternity of saint Joseph o Confradia de San Jose sa Lucban Quezon na matatagpuan ngayon sa Tayabas Quezon. Sa kabila ng maigting na pamamahala at paghikayat ng mga paring Heswita at Fransiskano at Agustinian, marami pa ring sumali at sumapi sa Confradia mula, Batangas, Quezon, Laguna at maging mula sa Maynila. Dahil dito ay laging nagpapadala ng mga kawal na Espanyol upang supilin ang binuong samahn ni ela Cruz na siya namang nagtulak sa kanila upang ipagtanggol ang kanilang mga sarili at pamilya sa mga pananakit at paglusob ng mga Espanyol sa kanilang mga lugar. Maraming madugong labanan ang sunud-sunod na naganap sa pagitan ng samahan at ng mga Espanyol. Ang pinakahuli nilang pakikidigma sa mga ito ay noong October 1841 sa Bundok San Cristobal malapit sa Bundok Banahaw. Natalo ang pangkat ni dela Cruz at siya ay binitay noong Nobyembre 4, 1841 sa Tayabas, Quezon. Cavite Mutiny (1872)

Ang Cavite Mutiny noong 1872 ay binuo ng mga kawal na Pilipino ng Fort San Felipe ng Spanish Arsenal sa Cavite. Ito ay naganap noong January 20, 1872. Mahigit sa 200 sundalong espanyol kasama ng iba pang mga manggagawa ang nadamay dito na hindi agad mapaniwalaan ng mga espanyol at ilang Pilipino dahil ang mga nag-aklas ay pawang mga kawal din. Ang kanilang pag-aaklas nabunsod dahil sa pagkakabitay ng tatlong paring Pilipino, ang GOMBURZA. Bagaman nagtagumpay sila sa umpisa ay hindi rin ito nagtagal ng sila ay mahuli rin ng ipinadalang mga kawal na Kastila at sila ay binitay agad.

Sagutin Natin:

1. Sa paanong paraan nakatulong ang kababaihan noong panahon ng Kastila?

2. Sino sino ang mga kababaihan na tumulong sa pakikibaka sa pakikipaglaban sa Kastila?

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

79

GAWIN MO Gawain A Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A.

Gawain B.Ilagay ang partisipasyon sa pakikibaka ng mga pangalang nasa kahon.

1. Kilala bilang “Ina ng Katipunan 2. Nakilala siya sa kaniyang husay sa

pamumuno at tinawag na Nay Isa. 3. Nakatulong siya sa paniniktik at sa pag-

iipon ng pondo para sa rebolusyon. Naging aktibo rin siya bilang miyembro ng Red Cross

4. Siya ang nagpahiram barko kay Aguinaldo at asawa siya ni Eulalio Villavicencio

5. Matapang na asawa ni Andres Bonifacio 6. Tatlong paring Martir 7. Tinawag siyang Hari ng Ilocos 8. Kilala siya sa tawag na Hermano Pule siya

rin ang nagtatag ng Pule Revolt 9. Dahil sa kanyang husay sa pamumuno

,siya ay tinaguriang “Liberator ng Ilocos” 10. Maestro de campo ng Binalatongan (na

ngayon ay kilala bilang Lungsod San Carlos, Pangasinan), noong 1660

a. Apolinario dela Cruz

b. Diego Silang c. Andres Malong d. Teresa

Magbanua e. Melchora Aquino f. Gliceria Mariella

De Villavicencio g. Gregoria de Jesus h. Patrocinia

Gamboa i. GomBurZa j. Basi Revolt

Melchora

Aquino

________

________

________

________

________

________

________

________

_______

Teresa

Magbanua

________

________

________

________

________

________

________

________

________

Gregoria

De Jesus

________

________

________

________

________

________

________

________

_______

Patrocinia

Gamboa

________

________

________

________

________

________

________

________

______

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

80

Gawain C

Punan ang tsart sa ibaba mula sa mga napag-aralan sa klase.

Dahilan Namuno

1.

Francisco Dagohoy

2.

Basi Revolt

3.

Lakandula at Sulayman

4.

Sumuroy

5.

Maniago

Gawain E

Sa isang maikling talata, ipaliwanag ang mga kadahilan na naglunsad ng mga rebelyon ng mga Pilipino.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

81

Gawain F. Idikit ang Mapa ng Pilipinas sa isang pahina ng notbuk. Tukuyin ang mga lugar kung saan saan nanggaling ang mga rebolusyon at partisipasyon ng pakikibaka laban sa kastila . Lagyan ng marking o palatandaan ang bawat lugar.

MAPA

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

82

TANDAAN MO

Natutuhan Ko. Isulat sa patlang ang tamang sagot .

__________1. isang Moro Bornean na nagmula sa angkan ni Raha Lakandula na dumating sa Malolos noong 1643. __________2. Mula sa isang isla sa Panay na nagnais niyang magtayo ng sarili niyang relihiyon sa isla na hindi naman kailanman pinayagan ng mga Espanyol.

__________3. Asawa ni Diego Silang na ipinaglaban ang karapatan ng kababaihan

__________4.Nakipagkita kay Jose Rizal sa Hongkong at nagbigay ng Php18 000.00.Siya ay nagbalikna may dala dalang libro ni Rizal.

___________5. Ang supremo ng Katipunan.

Gawain D. Isulat sa notbuk ang kung sang-ayon ka sa sinasabi ng pangungusap at naman kung hindi.

_____. Walang mahalagang naitulong mga Pilipino mula sa ibang rehiyon sa pakikipaglaban sa mga mananakop na espanyol.

____2. Maraming iba’t ibang dahilan kung bakit nag-alsa ang mga Pilipino laban sa mga Kastila.

____3. Ilan sa mga Pilipino ay nag-aklas dahil sa relihiyon.

____4. Ang mga katutubong Pilipino tulad ng mga Igorot ay sang-ayon sa pananakop ng mga Kastila.

____5. Ang maraming pagmamalabis ng mga Espanyol ay isa sa mga pangunahing dahilan ng mga sinaunang pag-aaklas ng mga Pilipino.

Ang kalupitan at pagmamalabis ng mga Kastila ang naging dahilan

upang sumiklab ang damdaming ng mga Pilipino. Sa pagbubukas ng

Suez Canal lumaganap ang liberal na kaisipan ng mga Pilipino laban

sa mga Espanyol. Maraming kababaihan ang nakatulong ng malaki sa

labanang Kastila at Kristiyano katulad ng kabayanihan ni Melchora

Aquino .

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

83

___6. Tinaguriang Lakambini ng Katipunan.

___7. Kinikilala bilang Ina ng Katipunan.

____8. Kasama ng kaniyang asawa ay sinuportahan nila ang rebolusyon lalo na matapos bitaying ang tatlong paring Pilipino, ang GOMBURZA.

____9. Sumapi sa Katipunan matapos sumapi dito ang kaniyang 2 kapatid na lalaki at namuno sa isang maliit na pangkat.

_____10 Siya ang dahilan kung papaano nakarating ang watawat kay Heneral Delgado ng sta. BarbarA

REFERENCE:

Araling Panlipunan I High School

Kasaysayan at Pamahalaan ng Pilipinas

May akda: Lydia N. Agno, Cristina B. Cristobal, Melton B. Juanico, Corazon

N. Libunao, Rosita C. Tadena

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

1

NILALAMAN : PAG-USBONG NG MALAYANG KAISIPAN

AT NAUNANG PAG-AALSA

PARTISIPASYON

IMPLIKASYON NG MGA NAUNANG PAG-AALSA

PANIMULA Sa nakaraang aralin, tinalakay ang mga pananaw ng mga Sultanato (Katutubong Muslim) sa pagpapanatili ng kanilang kalayaan.

Bilang bata na bahagi ng lipunan na ating ginagalawan, higit kang

maliliwanagan kung sino-sino ang mga pangkat ng Pilipino na luamaban sa

mga Espanyol. Tutulungan ka ng araling ito upang hawiin ang mga bumabalot

sa inyong isip at sagutin ito sa bawat talakayan na gagawin.

Sa araling ito, inaasahang:

1. Matataya mo ang partisipasyon ng iba’t ibang rehiyon at sector sa pakikibaka sa bayan.

ALAMIN MO

Mula sa panahon ng barangay, ang mga Pilipina ay pinahahalagahan na.

Marami silang mahahalagang ppel na ginampanan bilang mandirigma, babaylan, at

higit sa lahat, bilang ilaw ng tahanan. Ang pagdating ng mga mananakop na Espanyol

ang dala ng pagbabago sa mga kababaihan. Tanging ang mga kalalakihan na lamang

ang nakapag-aral noon.

Kapuna-puna rin na higit na mas marami ang mga lalaking nababanggit sa

kasaysayan ng bansa na kalimitan pa ay pawing mga Heneral ng rebolusyon mula sa

Maynila. Napapanahon na upang mabigyan natin ng pagpapahalaga ang mga

Rebolusyonaryo mula sa iba’t ibang rehiyon, lalawigan at sector, kabilang na ang mga

kababaihan na mga tumulong at nakidigma para sa bayan.

ARALIN 4 Code AP5PKB-IVF-4

Ano-ano ang partisipasyon ng iba’t-ibang

rehiyon at sector sa pakikibaka ng bayan laban

sa mga Espanyol?

Sinu-sino ang mga bayaning babae na kinilala n

gating kasaysayan?

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

2

PAG-ALAALA SA NAKARAAN

Gunitain natin ang mga napag-aralang pangyayari tungkol sa

pananakop ng mga Espanyol. Narito ang ilang kaganapan:

► 1521

Marso 17 – Nakarating ang ekspedisyon ni Magellan sa Homonhon

, Leyte. Nakipagkaibigan at nakipag-sanduguan sila kina Raha

Kulambu at Raha Siagu, ang hari ng Butuan.

Marso 31 – Sa pamumuno ng paring kasama nila, nagdaos sil ng

kauna-unahang misa sa tabing-dagat. NAgtirik sila ng malaking

krus sa itaas ng isang gulod na malapit sa dagat. Nakipagkaibigan

sila kina Raha Kulambu at Raha Siagu. Naganap ang isang

sanduguan.

Abril 8 – nakarating gn ekspedisyon ni Magellan sa Cebu sa tulong

ni Raha Kulambu at nakipagkaibigan sila kay Raha Humabon.

Abril 27 – sinalakay ng mga Espanyol ang MActan, Sa pamumuno

ni Lapu-lapu, buong tapang na sinalubong at nilabanan ng mga

katutubo ang mga mananakop. Napatay ni Lapu-lapu si Magellan.

► 1565

Pebrero 13 – Nakarating ang ekspediskyon ni Miguel Lopez de

Legazpi sa Cebu. Hindi pinayagang makadaong ang mga Espanyol

dito dahil siguro sa hindi magandang karanasan ng mga Pilipino sa

mga Espanyol.

Napilitan silang pumunta sa Samar at Leyte. Malugod naman

silang tinanggap ni Prinsipe Kumatahon. Tinulungan sila ng

prinsipe na matunton ang Limasawa. Sinalubong sila at binigyan

ng pagkain ng hari ng Limasawa, si Bankaw.

Marso 16 – narrating ng ekspedisyon ni Legazpi ang Bohol.

Nakipagkaibigan sila kay Raja Sikatuna at nakipagsanduguan.

Abril 27 – narrating muli ni Legazpi ang Cebu. Tumangging

pasakop si Haring Tupas kaya nagkaroon ng labanan. Mahigpit na

ipinagtanggol ng mga katutubo ang Cebu ngunit mas malakas ang

puwersa ng mga Espanyol. Sinunog ng mga katutubo ang kanilang

mga bahay upang hindi mapakinabangan ng mga Espanyol.

Umurong sila at nagpunta sa kabundukan.

Pinakiusapan ni Legazpi si Haring Tupas at ang kanyang mga

kasama na bumalik sa kabayanan at ipinangakong patatawarin

niya ang mga ito. Ipinaliwanag ni Legazpi na mbuti at maganda

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

3

ang kanyang layunin para sa kanila. Napaniwala ang mga tao kaya

nagkaroon muli ng kapayapaan sa Cebu.

Nagtatag si Legazpi ng isang pamayanang Espanyol sa Cebu. Ito

ang kauna-unahang pamayanang Espanyol sa Pilipinas.

► 1569

Narating muli ni Legazpi ang Panay at ginawa itong himpilan

► 1570

Nagpadala si Legazpi ng ekspedisyon sa Maynila.

Mayo 24 – sa pamumuno ni Martin de Goiti, sinalakay ng mga

Espanyol at mga Bisaya ang Maynila. Buong tapang na nanlaban

sina Raha Sulayman sa mgas sumalakay. Subalit natalo sila dahil

mas mahusay ang mga sandata ng mga dayuhan. Bumalik si Goiti

sa Panay.

► 1571

Abril 20, dumako ang ekspedisyon ni Legazpi sa Luzon. Sinalakay

nila ang MAynila. Nang Makita ni lakandula ang lakas ng hukbo ni

Legazpi, sinalubong at nakipag-kaibigan siya sa mga ito.

Pinakiusapan ni Lakandula si Raha Sulayman na tanggapin na ang

pamamahala ng mga dayuhan. Hindi maatim ni Raha Sulayman na

makipagkaibigan sa mga Espanyol kaya’t tinipon niya ang kanyang

tauhan, sinunog muli ang Maynila at saka tumakas lulan ng mga 40

malalaking Bangka. Habang bumabaybay sa Tondo, sa bandang

Bankusay, nagkaroon ng labanan at siya ay natalo.

Hunyo 24 – ginawang punong-lungsod ng Pilipinas ni Legazpi ang

Maynila. Pinanglanan niya itoong “Katangi-tangi at Laging Tapat

na Lungsod”. Itinatag ni Legazpi ang pamahalaang lungsod ng

Espanyol na kung tawagin ay ayuntamiento. Humirang din siya ng

mga pinunong mangangasiwa nito.

Ipinagpatuloy ni Legazpi ang pananakop sa iba’t ibang lugar sa

Pilipinas. Siya ang tinaguriang kauna-unahang mananakop na

Espanyol at gobernador-heneral ng Pilipinas.

► 1574 – Unang Pag-aalsa

Inalis ni Gobernador Heneral Guido de Lavezares ang mga

karapatang ipinagkaloob ni Legazpi. Pinagmalupitan at

pinagsamantalahan ng mga Espanyol ang mga katutubo. Naging

matindi ang galit nina Lakandula at Sulayman at sila ay nag-alsa.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

4

NARITO ANG ILAN PANG SUMUNOD NA PAG-AALSA

► 1587-1588 – Pag-aalsa ni Magat Salamat

- Nagtatag siya ng lihim na samahan upang ipaglaban at makamit

muli ang kalayaan ng mga katutubong Pilipino

► 1621 – Rebelyon ng Gaddang

- Dahil sa pagmamalabis ng mga Espanyol, pinamunuan nina Felipe

Catabay at Gabriel Taya gang paghihimagsik ng mga Gaddang sa

Cagayan Valley.

► 1621-1622 – Rebelyon ni Sumuroy

- Sa pamumuno ni Juan Sumuroy ng Samar, nahikayat ang mga tao

upang labanan ang mga Espanyol. Nag-alsa sila dahil sa sapilitang

pagtatrabaho sa paggawa ng mga barko sa Cavite.

► 1660-1661- Rebelyon ni Maniago

- Pinamunuan ni Francisco Maniago ang rebelyon ng mga

Kapampangan. Nagrebelde sila noong Oktubre 1660 dahil sa nais

nilang maging Malaya. Tinutulan nila ang sapilitang

pagpapatrabaho.

► 1663 – Pag-aalsa ni Tapar

-Isang babaylan si Tapar. Itinatag niya sa Oton, Panay ang issang

bagong relihiyon sa parang binagong anyo ng Kristiyanismo noong

1663.

► 1660-1661 – Rebelyong ni Malong

- Si Andres Malong ay naakit sa panawagan ni Maniago na mag-alsa

laban sa kalupitan ng mga Espanyol.

► 1745-46 – Pag-aalsang Agraryo

- Kinamkam ng mga prayle ang mga lupain ng mga katutubo.

Ipinagbawal pa nila ang pagkuha ng mga katutubo ng mga kahoy

at prutas sa mga lupaing nakamkam nila. Ipinagbawal din ang

pagpapastol ng mga hayop ng mga katutubo sa mga lugar na ito.

Hindi rin pinahintulutan ang mga katutubo na magtungo sa ilog at

manguha ng likas na yaman.

► 1840-1841 – Pag-aalsa ng Kapatiran ng San Jose (Rebelyon ni Hermano

Pule)

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

5

-nagtatag ng isang relihiyong kapatiran na tinawag niyang Confradia de

San Jose (Kapatiran ng San Jose) sa Tayabas (Quezon ngayon) para sa mga

Pilipino. Tumanggi silang magbigay ng polo y servicio at magbayad ng tributo.

Partisipasyon ng Iba’t ibang Rehiyon

Narito ang ilan pang pag-aalsa sa iba’t ibang panig ng ating bansa

mula 1742 hanggang 1898.

Ilocos 1762-65 -Diego at Gabriel Silang 1785- Sapilitang paggawa, tributo at monopolyo ng tabako 1807-Rebelyong Basi 1815-Rebelyong Sarrat

Cagayan 1763- Dab at Marayac

Pangasinan 1762-64- Rebelyonog Juan Dela Cruz

Isabela 1763- Lagutao at Baladon laban sa tributo at monopolyo ng tabako

Camarines 1649- Sumuroy 1762-64- Reporma

Tayabas 1762-64 -Pag-aalsang nainspira ng matagumpay na pananakop ng Ingles sa Maynila. 1728- Muslim sa Baler 1840- Hermano Pule (Apolinario Dela Cruz Revolt) (Apolinario

Samar 1649- Corralat 1649-50-Sumuroy laban sa sapilitang paggawa 1649-50-Pintados sa Ibaba, Samar laban sap ag-abuso at sapilitang paggawa 1762-64 - Pag-aalsang nainspira ng matagumpay na pananakop ng Ingles sa Maynila. Cebu 1569- Pagsalakay ng mga Muslim sa mga Espanyol 1649 - Sumuroy 1762-64 – Pag-aalsang humihingi ng pagbabago sa pamahalaan

Bohol 1621-22- Tamblot 1744-1829-Dagohoy

Cotabato 1861- Datu Arneriel

Kalinga 1763- Monopolyo

Manila 1762-64- Tondo 1843 - Samaniego Morong 1745-46 – laban sa pagkamkam ng mga lupaing pang-agraryo Cavite 1745-46 – Agraryo 1762-64 - Pag-aalsang nainspira ng matagumpay na pananakop ng Ingles sa Maynila.

Laguna 1745-46 – Agraryo laban sa pagkamkam ng lupa 1762-64 - Pag-aalsang nainspira ng matagumpay na pananakop ng Ingles sa Maynila.

Batangas 1745-46 – Agraryo 1762-64 - Pag-aalsang nainspira ng matagumpay na pananakop ng Ingles sa Maynila.

Panay 1762-64 – Pagbabago ng pamahalang Kolonyal

Zamboanga 1762-64 – Pag-aalsang nainspira ng matagumpay na pananakop ng Ingles sa Maynila.

Tagalog Region 1896- Himagsikan ng Pilipino

Lahat kaya ng mga pag-

aalsang ito ay naging

matagumpay?

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

6

ANG REBELYON NI DAGOHOY 91744-1829) Pinamumunuan ni Francisco Dagohoy ang pag-aalsa ng mga Boholano. Nagalit si Dagohoy nang tanggihan ng kura na bigyan ng Kristiyanong libing ang kanyang kapatid na yumao. Pinatay niya ang pari at hinikayat ang mga mamamayan ng Bohol na magrebelde at lumaban sa mga Espanyol. Namundok ang may 20,000 rebelde at nagtatag sila ng isang malayang pamahalaan sa kabundukan. Ang rebelyong pinamunuan ni Dagohoy ang pinakamatagal na rebelyon sa kasaysayan ng Pilipinas. Si Dagohoy ay namatay sa sakit at katandaan. Ipinagpatuloy ng kanyang mga anak ang pag-aalsa. Ang pagrerebeldeng ito ay nagsimula noong 1744 at tumagal hanggang 1829 – may kabuuang 85 taon. Hinsi sila nasupil ng 20 gobernador na Espanyol mula kay Gaspar dela Torre hanggang kay Juan Antonio Martinez. Nahuki sila sa isang labanan ngunit pinatawad ng gobernador at pinahintulutang mamuhay nang payapa. ANG REBELYON NG MGA SILANG (1762-17963) Nag-alsa si Dioego Silang laban sa mga Espanyol dahil ikinulong siya nang magpetisyon siya na alisin ang pagpapataw ng buwis sa mga Indio (ang tawag sa mga Pilipino noon). Hinimok niya ang mga kababayan na maghimagsik laban sa pangaabuso ng mga Espanyol nang siyia ay pakawalan. Nagtatag siya ng sariling pamahalaan sa Vigan. Sinamantal niya ang pananakop ng mga Ingles sa ating bansa. Nakipag-ugnayan siya sa mga Ingles upang makayanan ang pakikilaban sa mga Espanyol. Pinadalhan siya ng mga sandata ng mga ito at nagsimula ang rebelyon noong Disyembre 14, 1762 sa Vigan. Nagpadala ng puwersa si Arsobispo Bernardo sa Vigan upang supilin ang mga rebelled ngunit hinsi sila nagtagumpay. Umupa ang mga Espanyol ng taong papatay kay Silang. Pinatay ni Miguel Vicos si Silang noong Mayo 28, 1763. Si Vicos ay ang mestisong Espanyol na kaibigan ni Silang. Ipinagpatuloy ng kanyang asawa, si Maria Josefa Gabriela, ang paghihimagsik ngunit sa kasamaang palad, hindi rin nagtagal ang kanyang pagrebelyon. Pinatay siya ng mga Espanyol noong Setyembre 20, 1763. ANG REBELYON NI PALARIS (1762-1764)

Pinamunuan ni Juan dela Cruz Palaris ang isang himagsikan sa Binalatongan, Pangasinan noong Nobyembre 3, 1762. Nagtatag si Palaris ng isang malayang pamahalaan at ginawa niyang kabisera ang Binalatongan.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

7

ANG PARTISIPASYON NG KABABAIHAN SA PAKIKIBAKA SA BAYAN

Gabriela Silang Gregoria de Jesus

Isinilang si Gregoria de Jesus sa Caloocan. Panganay siya sa magkakapatid at masasabing naging maayos naman ang kaanilang buhay. Katatatag lamang ng Katipunan nang makilala niya si Andres Bonifacio. Labingwalong taong gulang lamang siya samantalang tatlumpung taong gulang naman si Bonifacio na isang balo. Bagaman tutol ang ama, napapayag niya itong makasal siya sa Supremo ng Katipunan. Bago maikasal ang dalawa, sumapi na sa Katipunan si Gregoria de Jesus. Sa isang pagpupulong ng mga Katipunero, nabuo ang isang sector na pambabae sa samahan. Si Josefa Rizal, kapatid ni Jose Rizal, ay nahalalna pangulo at siya ang inihalal na pangalawang pangulo. Mahirap ang naging kalagayan ni Oriang, kanyang palayaw, lalo na nang matuklasan ang Katipunan. Bilang Lakambini ng Katipunan at asawa ng Supremo, siya ang tagapagtago ng mga lihim na dokumento ng samahan. Tuwing matutunugan niya ang pagadating ng mga Espanyol sa kanilang tahanan, sumasakay siya sa isang karetela at nililibot ang Tondo. Madalas na inaabot siya ng gutom at hatinggabi na kung umuwi. Naisulat niya noon ang sumusunod na pahayag:

“Noon ay para akong kinatatakutan pagkat lahat ng akyatin kong bahay upang magparaan ng oras ay ipinagtatabuyan ako at mamamamatay wari sila sa takot. Noo’y naghihinanankit ako sa lahat. Noong ako’y kasama ng mga kawal na nanghihimagsik sa parang ng digmaan, wala akong pangiming sumuong sa anumang kahirapan at sa kamatayan man, sapagkat wala akong nais… kundi ang maiwagayway ang bandila ng kasarinlan ng Pilipinas. Kabilang din ako sa mga kawal at upang maging ganap na kawal, ako’y nagsasanay ng pagsakay sa kabayo at nag-aral na mamaril at humawak ng ilang uri ng mga sandata. Naranasan kong matulog sa lupa, nang walang kinakain sa buong maghapon, uminom ng maruming tubig o kaya’y katas ng isang uri ng baging sa bundok na totoong mapakla na nagiging masarap din dahil sa matinding uhaw…” Pinkamasakit na siguro sa tulod ni Oriang ang mawalan ng asawa at hindi Makita ang bangkay nito. Noong Mayo 10, 1897, dinala at binaril sa Bundok Hulog sa Maragondon, Cavite si Andres Bonifacio kasama ang kanyang kapatid na si Procopio. Hanggang ngayon, hindi pa rin nakikita ang kanilang mga labi.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

8

Gliceria Marella de Villavicencio

Bagaman marami ang kumampi sa mga dayuhan, may mga miyembro rin ng mga mayayamang angkan ang matapat na sumuporta sa layunin ng rebolusyon. Isa sa kanila si Gliceria Mmarella de Villavicencio ng Taal, Batangas. Maaga siyang nagpakasal kay Eulalio Villavicencio sa gulang na 19. Dahil parehong nagmula sa mayamang angkan at mahusay sa pagnenegosyo, mas napalago nila ang kanilang mga ari-arian. Nang mapatay noong 1872 ang mga paring GOMBURZA, nagsimula na sai Gliceria at ang kanyang

asawa sa pagiging aktibo sa Propaganda. Nang si Rizal ay nasa Hong Kong, nakipagkita sa kanya si Eulalio at nagbigay ng Php18 000.00 . Nang bumalik, may dala na itong mga kopya ng Noli Me Tangere at ng El Filibusterismo ni Rizal. Ang mga ito ay kanilang ipinamigay. Sinuportahan din ng mag-asawa ang rebolusyon ng 1896. Ipinagamit nila ang kanilang mga kamalig para sa pagmimiting at pagpaplano ng mga Katipunero. Ito ang naging dahilan ng pag-aresto at pagkakakulong ng kanyang asawa. Bagaman pinakawalan ito, iyon ang naging simula ng paghina niya at naging bunga ng kanyang kamatayan. Ipinagpatuloy ni Gliceria ang pakikipaglaban. Nang gamitin ng mga Espanyol ang kanilang tahanan, sinikap niyang maging mabuting espiya. Noong 1898, ipinahiram niya ang kanyang bark okay Aguinaldo.

Hindi siya tumigil sa mga rebolusyunaryo kahit sa panahon ng Amerikano. Inokupahan ng mga Amerikano ang Batangas. Nahuli siya ng mga itonang makuha ng kalaban ang liham na ipinadala niya sa isang heneral ng puwersang rebolusyon, si Heneral Mariano Trias. Siya ay inilagay sa house arrest at nakalaya lamang noong 1900 nang ganap nang makontrol ng mga Amerikano ang rebolusyon.

Patrocinio Gamboa

Tubong Ilo-Ilo si Patroocinio Gamboa. Bagaman nagmula rin siya sa isang mayamang angkan ng mga illustrado, kabilang siya sa mga naghahangad ng kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya. Mahilig siyang magbasa ng mga komposisyon nina Rizal at Lopez Jaena. Hindi nagtagal, sumapi na rin siya sa mga nagrerebolusyonaryo sa kanilang lalawigan. Hindi siya kaagad pinagdudahan ng m,ga Espanyol dahil siya ay babae. Nakatulong siya sa paniniktik at sa pag-iipon ng pondo para sa rebolusyon. Naging aktibo rin siya bilang miyembro ng Red Cross.

Ang pinakatatanging bahagi ng kanyang pagiging kasapi ng puwersang rebolusyon ay nang matagumpay niyang malampasan ang bantay ng kalaban sa Sta. Barbara, Iloilo. Bahagi na ng pagdiriwang ng anibersaryo ng pamahalaang rebolusyonaryo ang paglaladlad ng watawat. May watawat na nakahanda na para sa mga taga-Jaro, Iloilo ngunit ang problema nila ay kung paano ito madadala sa kampo ni Heneral Delgado ng Sta. Barbara. Dadaanan nila ang mga bantay na kawal ng mga espanyol na mahigpit na

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

9

naghahalughog ng mga gamit ng mga nagdaraan. Pinapatay nila kaagad ang sinumang kanilang mapaghinalaan. Mahusay na nakaisip ng paraan si Patrocinio ng paraan. Itinago niya ang regaling esopada ni Aguinaldo kay Heneral Delgado sa ilalim ng mga pinaggiikan ng palay samantalang ang bandila naman ay kaniyang itinali sa kanyang baywang at saka niya isinuot ang kaniyang damit. Kasama niya ang isang katipunero na siya naming nagpanggap na kaniyang asawa. Nang dumaraan sila sa tapat ng mga bantay ay umarte ang dalawa na nag-aaway. Natatawang pinalampas sila ng mga bantay. Ang bandila ay nakarating sa oras ng programa. Melchora Aquino

Kilala si Melchora Aquino bilang sa bansag na “Ina ng Katipunan”. Sa edad na 84, hindi siya nag-atubiling magbigay ng tulong sa mga nasugatang Katipunero sa tuwing napapasabak ang mga ito sa labanan. Dahil mayroon siyang palayan, nagging mainam na kanlungan ng mga rebolusyonaryo ang kanyang lugar. Hindi rin siya nagging maramot na magbigay ng palay o kalakal niya sa kanyang tindahan. Dito madalas niyang makausap si Andres. Siya ay hinuli at ikinulong dahil sa

kaniyang pagtuloong sa mga Katipunero. Siya ay ipinatapon sa Guam kung saan tinanggap siya ng mag-asawang Pilipino. Pinili niyang magtrabaho sakanila kaysa tumanggap ng libreng tulong. Nakabalik siya sa Pilipinas noong 1903, nang ang mga Amerikano ay nasa bansa na. Namatay siya sa piling ng kaniyang mga anak sa edad na 107. Teresa Magbanua

Nagmula sa mayamang angkan si Teresa Magbanua. Tubong Pototan, Iloilo uiya at pinag-aral sa mahusay na paaralan. Nagtapos siya ng pagkaguro at sandaling nakapagturo. Nang siya ay mag-asawa, ginugol niya ang panahon sa pag-aasikaso sa kanilang asyenda. Nahasa pa niya ng lalo ang kanyang galling sa pangangabayo. Nang sumiklab ang rebolusyon, sumanib siya sa kabila ng pagtutol ng kaniyang asawa. Naunang sumapi sa Katipunan ang kaniyang dalawang kapatid na lalaki na pawing may mataas na katungkulan sa Katipunan.

Pinamunuan niya ang isang pangkat ng mga kalalakihan. Tumulong siya sa pakikipaglaban. Nakilala siya sa kaniyang husay sa pamumuno at tinawag na Nay Isa. Maraming labanan ang kanilang naipanalo. Sa kabila ng gutom at kakulangan sa armas, unti-unting naagaw nila ang mga bayan ng Panay hanggang masakop ng mga puwersang rebolusyonaryo ang buong isla. Ipinagpatuloy niya ang pakikipaglaban sa panahon ng mga Amerikano. Ang kaniyang kapatid na si Heneral Pascual ay isa rin sa nagtanggol sa Jaro. Aktibo rin sa pakikipaglaban ang kanyang kapatid na si Elias. Nang bumagsak ang Sta. Barbara, Iloilo sa mga kamay ng mga Amerikano, nagging gerilya sila. Napata yang kaniyang

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

10

kapatid na si Elias sa isang labanan, samantalangpatraydor namang pinatay si Pascual. Nagluksa siya sa pagkamatay ng kaniyang mga kapatid. Nang magsimulang magsisuko ang mga Heneral, nilansag niya ang kanyang pangkat sa halip na sumuko. Lumipat siya sa bayan ng kaniyang asawa at namuhay nang tahimik. Itinigil niya ang pakikipaglaban nang makita niyang walang mangyayari sa pagtutol nila sa pananakop ng mga Amerikano. Nagbalik siya sa kanyang asawa nang sumiklab ang digmaan. Ipinagbili niya ang kanilang mga ari-arian sapagkat patay na ang kaniyang asawa at wala naman silang nagging anak. Nakitira na lamang siya sa kaniyang kapatid sa Mindanao. Namatay siya noong 1947.

GAWIN MO

Gawain A Pangkatang Gawain. Sagutin:

1. Bakit kaya napakaraming pag-aalsa ang naganap noon sa iba’t ibang rehiyon laban sa mga Espanyol? _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Bakit hindi nila napaalis ang mga mananakop na Espanyol sa ating lupain sa kabila ng napakaraming pag-aalsa? _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

3. Gaano katagal ang pag-aalsa ng grupo ni Dagohoy? Bakit ipinagpatuloy ni Gabriela ang pag-aalsa laban sa mga Espanyol? _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

4. Bakit nagkaroon ng partisipasyon sap ag-aalsa sa iba’t ibang rehiyon at

sector (Katutubo at kababaihan sa pakikibaka ng bayan? _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

11

5. Sa panahon ngayon, paano ipinakikita ang pag-aalsa? Makatarungan baa ng ginagawang pag-aalsa? Bakit? Bakit hindi? _____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

Gawain B Mula sa kahon sa ibaba, isulat sa patlang sa bawat bilang kung sino ang tinutukoy sa bawat bilang. _________________1. Tinaguriang Lakambini ng Katipunan. _________________2. Kinikilala bilang Ina ng Katipunan. _________________3. Kasama ng kaniyang asawa ay sinuportahan nila ang rebolusyon lalo na matapos bitaying ang tatlong paring Pilipino, ang GOMBURZA. _________________4. Sumapi sa Katipunan matapos sumapi dito ang kaniyang 2 kapatid na lalaki at namuno sa isang maliit na pangkat. _________________5. Siya ang dahilan kung papaano nakarating ang watawat kay Heneral Delgado ng sta. Barbara. Gawain C Punan ang tsart sa ibaba mula sa mga napag-aralan sa klase.

Dahilan Namuno

1.

Francisco Dagohoy

2.

Basi Revolt

3.

Lakandula at Sulayman

4.

Sumuroy

5.

Maniago

Gawain D Sa isang maikling talata, ipaliwanag ang mga kadahilan na naglunsad ng mga rebelyon ng mga Pilipino.

________________________________________________________________________________________________________________________________________

Melchora Aquino Gabriela Silang Patrocinio Gamboa

Gliceria Villavicencio Teresa Magbanua

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

12

____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

NATUTUHAN KO

Isulat sa notbuk ang kung sang-ayon ka sa sinasabi ng pangungusap at X naman

kung hindi.

____1. Walang mahalagang naitulong mga Pilipino mula sa ibang rehiyon sa

pakikipaglaban sa mga mananakop na espanyol.

____2. Maraming iba’t ibang dahilan kung bakit nag-alsa ang mga Pilipino laban sa

mga Kastila.

____3. Ilan sa mga Pilipino ay nag-aklas dahil sa relihiyon.

____4. Ang mga katutubong Pilipino tulad ng mga Igorot ay sang-ayon sa pananakop

ng mga Kastila.

____5. Ang maraming pagmamalabis ng mga Espanyol ay isa sa mga pangunahing

dahilan ng mga sinaunang pag-aaklas ng mga Pilipino.

Maraming dahilan na nagbunsod ng rebolusyon sa pagitan ng mga Pilipino at ng mga Espanyol, ilan sa mga ito ay ang paggawa, tribute, polo, buwis, relihiyon, pangangamkam ng mga lupa at ari-arian at pagmamalabis ng mga Kastila

Maraming Pilipino ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa kanilang mga ipinaglalaban

Maging ang mga babae ay sumama sa pakikidigma Maraming kababaihan ang tumulong sa maraming paraan sa

rebolusyon at ang ilan sa kanila ay sina Melchora Aquino, Gabriela Silang, Teresa Magbanua, Gliceria, Patrocinio at marami pang iba.

TANDAAN MO

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

13

NILALAMAN : PAG-USBONG NG MALAYANG KAISIPAN

AT NAUNANG PAG-AALSA

PANIMULA .Sa loob ng mahabang panahon na pamamalagi ng mga Kastila sa Pilipinas, maraming panukala ang kanilang inilunsad. Mayroon para sa paggawa, agrikultura, relihiyon at maging sa pangangalakal. Maliban sa Pilipinas ay mayroon pa silang ibang mga nasasakupan at ginamit nila ang mga ito maging sa paglilipat at pagdadala ng mga kalakal na siyang nagbunsad sa pagkakabuop ng galyon at nang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at ng Acapulco, Mexico.

Sa araling ito, inaasahang:

1. Matatalakay ang kalakalang galyon at ang epekto nito sa bansa

ALAMIN MO

ANG KALAKALANG GALYON AT ANG EPEKTO NITO SA BANSA Napakalaki ng naging epekto sa pamumuhay ng ating mga ninuno noon ang kalakalan sa pagitan ng Pilipinas at ng Mexico na nagtagal mula 1565 hanggang 1815. Ito ang tinatawag na kalakalang galleon o kalakalang Maynila-Acapulco (Mexico). Nagkaroon ng palitan ng produkto sa pagitan ng Asya, Mexico at Amerika.

Noong 1576, naging matatag ang kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco, Mexico. Ang mga produkto mula sa Asya tulad ng rekado, telang seda, bulak mula sa India, at mantas na tawag sa telang mula sa Ilocos ay dinadala sa Mexico. Iniluluwas

ARALIN 5 Code AP5PKB-IVG-5

Ano-ano ang

epekto ng

kalakalang

galyon?

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

14

din sa Mexico ang mga palamuti sa katawan na yari sa iba’t ibang bato, perlas, pamaypay, suklay, relos, mga mineral tulad ng tanso at ginto. Nakarating naman sa Pilipinas ang iba’t ibang uri ng prutas at halaman, tul;ad ng chico, avocado, cacao, maguey, bayabas, cactus, mani, pinya, calachuchi, ipil-ipil, at marami pang uri ng halaman. Sa Mexico din galling ang mga hayop tulad ng tandang, kabayo, at baka. Mga imahen tulad ng Black Nazarene at Birhen ng Antipolo, gayundin ang pagtatanghal ng moro-moro at Moriones ay pawing nagmula sa Mexico.

Tumagal nang may halos 250 na taon ang kalakalang galyon hanggang ipag-utos ng hari na itigil ito noong 1813. Noong una, naging maganda ang takbo ng kalakalang galyon. Nagdiriwang ang mga taga-Maynila sa aalis o babalik ang galyon. Ito ang barko na naglalaman ng mga produkto mula sa Maynila. Nagtutungo sa Maynila ang maraming pinunong bayan tulad ng mga alcalde at gobernadorcillo upang tiyaking maisasama sa galyong ang kanilang mga produkto. Dahil dito, napabayaan nila nag kanilang mga nasasakupan. Ang mga lupain ay ginamit para sa pagtatanim ng mga produktong kinakailangan para sa pangangalakal na dadalhin ng galyon. Nawalan ng laya ang mga magsasaka na magpasiya kung anong produkto ang nais nilang itanim.

Ang Kalakalang Galyon ay naging monopolyong kalakalan na ang nangasiwa ay ang pamahalaan. Ito ay bilang pagsunod sa utos ng hari ng Espanya. Ang kautusang ito’y isinagawa upang protektahan ang mga mangangalakal na Kastila sa Cadiz at Seville na humina ang negosyo nang mga panahong iton. Mula 1583 yaon lamang mga sasakyang-dagat ang makapagdadala ng mga produkto sa Pilipinas patungong Mexico at pabalik sa Pilipinas. Nagtakda pa ang kota na halagang P250,000 ang mga produktong mailuluwas ng mga mangangalakal sa Acapulco, Mexico. Yaon namang mga produktong maipapasok sa Mexico ay pinatwan ng taripa. Ang mga produktong maaaring ipadala sa Maynila mula sa Mexico ay nagkakahalaga ng P500,000.

Sa ganitong patakaran, napayaman nang husto ang mga prayle sa pangangalakal. Naakit sila nang husto sa nakukuhang pakinabang sa Kalakalang Galyon kung kaya’t minabuti nilang manatili sa Maynila at iniwan ang kanilang gawain sa lalawigan. Nakilahok na lamang sila sa Kalakalang Galyon kung kaya’t napabayaan nila ang kani-kanilang tungkulin. Nakatulong ang mga prayleng Kastila sa pakikipagkala-kalan nang panahong iyon. Hindi ito nagbigay ng magandang imahe sa tunay nna tungkulin nila sa pagpapalaganap ng pananampalataya. Bunga tuloy nito ay nakilahok din ang mga biyuda at ulila ng mga namatay na opisyales ng pamahalaan.

Hindi lamang mga produkto ang paroo’t paritong iniluluwas sa Maynila at ACAPULCO. Maging ang tulong na pinansyal ng pamahalaang Kastila sa Pilipinas na tinatawag na situado real o tulong na royal ay dala-dala rin nito. Hindi kasi makasapat na matustusan ng pamahalaang kolonyal sa Pilipinas ang mga gugulin sa pagpapatakbo nito. Taun-taon, dalawang daan at limampung pisong tulong ang tinatanggap ng Pilipinas bilang situado real. Dala-dala rin ng Galyon ang mga kasulatan, batas, kagamitan at mga pinuno at kawal na Kastila mula sa Espanya. Ganito nang ganito ang naging kalakaran mula noong 1565 hangggang 1821.

Nangailangan ng malaking halaga bilang puhunan ang nais makilahok sa kalakalang galyon. Dahil dito ay napilitan ang mga mangangalakal na mangutang sa Obras Pias. Ang halagang naipon ng Obras Pias na nakalaan na mangutang sana sa

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

15

kawanggawa ay naipautang sa mga mangangalakal. Pinatungan ito ng malaking interes o tubo. Yaong nangutang sa Obras Pias ay mga kalahok sa kalakalang galyon. Naubos ang pondo ng Obras Pias dahil di nakabayad ang mga nangutang bunga ng pagkalugi ng mga ito.

Pagsapit ng ika-19 na siglo, unti-unting lumiit ang kita mula sa kalakalang galyon. Mahigpit na kasi ang kompetisyon sa pagitan ng mga bansa na nagdadala ng mga kalakal sa Mexico. Bukod dito, madalas ang paglubog ng mga galyon sa karagatan. Ang mga dahilang ito ang nagging sanhi ng pasiya ng hari na itigil na ang kalakalang galyon. GAWIN MO Gawain A Punan ang tsart sa ibaba. Isulat ang mga kalakal na natanggap ng Pilipinas mula sa Acapulco na dati rati ay wala sa Pilipinas.

Halaman Hayop

Gawain B Isulat kung Tama sa patalng kung sang-ayon ka sa pangungusap sa bawat bilang at Mali naman kung hindi. _________________1. Walang magandang naidulot ang kalakalang galyon sa Pilipinas. _________________2. Lalong umunlad ang mga sakahan sa Pilipinas dahil sa galyon _________________3. Ang Kalakalang Galyon ay sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos. _________________4. Dahil sa Galyon ay hindi na nakipagkalakalan sa Tsina at mga karatig na bansa ang Pilipinas. _________________5. Higit na napagtuunan ng pansin ng mga namumunong alcalde at gobernadorcillo ang kanilang mga nasasakupan dahil sa Galyon. Gawain C Gumuhit ng isang larawan na naiisip mo na kalagayan sa mga daungan at sa iba pang lugar noong panahon ng Kalakalang Galyon.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

16

Nagbukas ang daungan ng Maynila at nabuo ang Kalakalang Galyon sa pagitan ng Maynila at Acapulco Mexico

Nagdala ang galyon ng iba’t ibang kalakal na hhalaman at hayop mula sa Acapulco at mula naman sa Maynila ay nadala ang mga palamuti, pagkain, halaman, spices at iba pang mga kasangkapan sa Mexico

Nagkaroon ng sapilitang pagtatanim ng mga kalakal sa mga sakahan na naging sanhi ng kakulangan sa bigas

Napabayaan ng mga alcalde mayor at gobernadorcillo ang kanilang mga nasasakupan dahilk na rin sa Galyon

Nanatili sa loob ng 250 taon ang Kalakalang Galyon

Gawain D Sa isang maikling talata, ipaliwanag kung bakit sa palagay mo ay nakatulong o hindi ang kalakalang galyon sa bansa.

___________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

NATUTUHAN KO

Sagutin:

1. Sa iyong palagay, ano ang pinakamagandang epekto ng kalakalang galyon? Bakit?

_________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

2. Alin naman ang pinakamasamang epekto nito? Bakit? _________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________

TANDAAN MO

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

17

NILALAMAN : PAG-USBONG NG MALAYANG KAISIPAN

AT NAUNANG PAG-AALSA

ANG PAGKAKAISA AT PAGKAKAWATAK-WATAK NG MGA

PILIPINO SA PAG-AAKLAS LABAN SA MGA ESPANYOL

PANIMULA

Mula pa man ng unang dumating nag mga Espanyol sa Pilipinas ay hindi na

buo ang nagging pagtangggap sa kanila ng mga Pilipino. Bagaman may ilang bukas

palad buong puso silang tinanggap at marami rin naman ang hindi sumang-ayon sa

kanilang mga kagustuhan at pawang lumaban sa kanila tulad ni Lapu-Lapu.

Marami pang iba na lumaban sa mga Kastila sa loob ng mahabang panahon ng

kanilang pamamalagi sa Pilipinas. May iba’t ibang kadahailanan ang bawat pag-

aaklas na inilunsad ng mga Pilipino mula sa iba’t ibang mga lugar sa bansa. Ang ilan

ay nagtagumpay sa kanilang layunin ngunit kalimitan sa kanila ay hindi.

Ang lahat ng mga ito ay siyang naglunsad upang unti – unting mabuo ang

malayang kamalayan ng mga mas makabagong Pilipino ng kanilang panahon. Ito ang

kanilang nagging daan at paraan upang ang kalayaang matagal na nilang inaasam ay

kanila nang makamit matapos ang maraming taon ng mahirap at madugong

pakikidigma.

Sa araling ito, inaasahang:

Nababalangkas ang pagkakaisa o pagkakawatak-watak ng mga Pilipino sa

mga mahahalagang pangyayari at mga epekto nito sa naunang mga pag-aalsa

laban sa kolonyalismong Espanyol.

ALAMIN MO

Mula sa panahon ng barangay, ang mga Pilipina ay pinahahalagahan na.

Marami silang mahahalagang ppel na ginampanan bilang mandirigma, babaylan, at

higit sa lahat, bilang ilaw ng tahanan. Ang pagdating ng mga mananakop na Espanyol

ang dala ng pagbabago sa mga kababaihan. Tanging ang mga kalalakihan na lamang

ang nakapag-aral noon.

ARALIN 6 Code AP5PKB-IVH-6

Anu-ano kaya ang nagging dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay

ang mga pag-aalsa ngmga Pilipino laban sa mga Kastila?

Papapaano nila napagtagumpayan ang mga balakid na ito upang

makamtan ang kalayaan ng bansa?

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

18

Kapuna-puna rin na higit na mas marami ang mga lalaking nababanggit sa

kasaysayan ng bansa na kalimitan pa ay pawing mga Heneral ng rebolusyon mula sa

Maynila. Napapanahon na upang mabigyan natin ng pagpapahalaga ang mga

Rebolusyonaryo mula sa iba’t ibang rehiyon, lalawigan at sector, kabilang na ang mga

kababaihan na mga tumulong at nakidigma para sa bayan.

Pag - usbong ng Malayang Kaisipan at Naunang Pag - aalsa

Ang pag-aalsa o paggamit ng armas ay unang nagging pagtugon ng mga

Pilipino sa pagtrato sa kanila ng mga Espanyol. Tulad ng ginawa ni Lapu-Lapu noong

1521, ipinasiya ng ibang mga Pilipino na tapatan din ng dahas at armas ang mga

pagmamalupit ng mga Kastila.

Marami at magkakaiba ang dahilan na nagbunsod sa mga P{ilipino upang ang

mga Espanyol ay kanilang kalabanin. Muling pag-aralan ang nasa tsart sa ibaba.

Dahilan Mga Namuno Taon Lugar

Labis na Tributo o

Buwis

Lakandula at Sulayman 1577 Maynila

Juan de la Cruz o Palaris 1762-1764 Pangasinan

Diego at Gabriela Silang 1762-1765 Ilocos

Paggawa

Sumuroy 1649-1650 Samar

Malong 1660-1661 Pangasinan

Maniago 1660-1661 Pampanga

Relihiyon

Bankaw 1621 Leyte

Tamblot 1621 Bohol

Tapar 1663 Panay

Dagohoy 1744-1829 Bohol

Apolinario dela Cruz o

Hermano Pule 1840 Quezon

Resulta ng mga Rebelyon

Pawang nabigo ang mga inilunsad na mga rebelyon sanhi ng iba’t ibang

kadahilanan. Unang dahilan ang kawalan ng pagkakaisa. Wala pa sa kamalayan noon

ang mga Pilipino na silang lahat ay nagmula sa isang lahi lamang, kaya’t nararapat na

sila ay magtulungan. Magkakaiba ang kanilang dayalekto, kaya hindi nila

maunawaan ang isa’t isa. Naging madali para sa mga Espanyol na gamitin ang

taktikang “divide et empera” o divide and rule”. Upang supilin ang pag-aalsa ng isang

lalawigan, hindi na kailangan ang mga puwersang espanyol mula sa Maynila.

Nakakukuha sila ng mga tulong mula sa mga karatig na pook. Nang inilunsad ni

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

19

Tamblot ng Bohol ang kaniyang pag-aalsa, 300 mandirigmang Cebuano ang nakuha

ng mga Espanyol para tumulong sa kanila.

Pangalawang dahilan ng pagkabigo ng mga rebelyon ay ang kakulangan ng

mga armas na siyang gagamitin sa rebolusyon. Kadalasan ang gamit lamang nila sa

kanilang mga pag-aaklas ay ang kanilang mga tabak, itak, sibat at pana na pawing

walang kalaban-laban sa mga baril at kanyon na dala at gamit ng kanilang mga

kalaban.

Pangatlong dahilan ay ang kawalan nila ng maayos na estratehiya at

pagpaplano. Ang mga pag-aaklas ay agad-agad na inilulunsad nang walang

isinasagawang mahusay na pagpaplano. Ang ilan sa kanilang mga lider ay wala ring

kasanayan o pagsasanay sa paghawak ng mga armas kungkaya’t sila ay hindi handa

sa oras na sila ay mapalaban. Ang ilan naman ay hindi mahusay ang pamamahala sa

mga kasapi ng kanilang pangkat o grupo.

Pang-apat na dahilan ay ang pagiging maliliit ng kanilang mga grupo. May

mga pag-aalsa na isinasagawa lamang nila para sa kanilang mga pansariling

kadahilanan, kung kaya’t binubuo lamang ito ng maliit na bilang ng mga

mandirigmang kasapi nito. Naging madali para sa mga Espanyol ang pagsupil sa

kanila.

Pagsilang ng Nasyonalismo

Sa unang dalawang siglo ng pananakop ng mga Espanyol, tahimik na

tagasunod lamang ang mga nakararaming mga Pilipino. Bagaman may mga

rebelyong naganap sa simula pa lamang ng pagdating ng mga Espanyol, hindi ito

nakatulong upang mapag-isa ang mga Pilipino.

Ang pagdating ng huling siglo o ika-19 na siglo ay nagging saksi sa mga

maraming pangyayari na nagulot ng maraming mga pagbabago. Ang mga

pagbabagong ito ang siyang nagbukas daan sa pagsilang ng damdaming

nasyonalismo o diwng makabansa ng mga Pilipino.

Pagbubukas ng Suez Canal

Ang paglalakbay mula sa Espanya patungo sa Pilipinas ay nagging mas madali

at mas malapit ng 9700 kilometrong layo.Dumami ang mga espanyol sa Pilipinas na

nagpalaki rin ng bilang ng mga mestizong Espanyol. Sila ay mga bunga ng mga mag-

asawang Pilipino at Espanyol.

Nakarating din ang maraming makabagong kaisipan na nakalakip sa mga

librong inaangkat sa Pilipinas. Ang Pilipinas ay binuksan sa pandaigig na pamilihan

noonpang 1830. Ang paglayang Estados Unidos at France matapos maglunsad ng

rebolusyon ang mga mamayan sa kani-kanilang mga lugar ay nagging inspirasyon ng

mga kabataan.

Paglaki ng Middle Class

Nabibilang sa panggitnang antas ng lipunan o ng middle class ang mga

mestizong Espanyol, mestizong Tsino, at mga principalia. Ang mga kabataang

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

20

nagmula sa mga grupong ito ay pawang mga nakapag-aral. Tinatawag silang mga

illustrado. Sila ang nagpasimula ng pagtawag sa kanilang sarili bilang mga Pilipino.

Ang mga illustrado ay ipinapadala sa ibang Espanya upang makapag-aral.

Nakahalubilo nila ang mga kabataang Espanyol na may mga makabagong pananaw.

Sila man ay nakikipaglaban para maisulong sa Espanya ang maraming pagbabago sa

sistema ng kanilang pamahalaan. Nagkapalitan ng mga ideya ang mga kabataang

nagmula sa Espanya at sa Pilipinas kaugnay ng kanilang mga nararanasan.

Pagdating ni Carlos Maria de la Torre

Noong 1868, napatalsik sa kaniyang trono ang pinuno ng kaharian sa Espanya,

si Reyna Isabel II. Pumalit ang isang pamahalaang republika kaya ang naipadalang

gobernador-heneral sa Pilipinas ay may liberal ding pamamaraan ng pamumuno. Siya

ay si Carlos Maria dela Torre.

Napamahal siya sa maraming mga Pilipino. Nakikipag-usap siya sa mga

PilipinoIpinagbawal niya ang paggamit ng dahas, ang labis na buwis at ang sapilitang

paggawa. Ilan sa mga nakinabang sa kaniyang pamamahala ay ang mga paring

secular at ang mga manggagawa sa arsenal ng armas ng Cavite

Sa maikling panahong itinagal ni dela Torre sa Pilipinas, naranasan ng mga

Pilipino ang ilang kalayaan na dati-rati ay kailanman ay hindi nila natikman. Tatlong

taon lamang ang inilagi ni dela Torre bilang gobernador-heneral ng bansa dahil noong

1871, nakabalik sa kaniyang kapangyarihan si Reyna Isabela II. Lumisan si Carlos

Maria dela Torre at pinalitan siya ni Rafael de Izquierdo. Ang lahat ng mga kalayaang

tinamasa ng mga Pilipino ay muling binawi ng bagong gobernador-heneral sa

kaniyang pamumuno sa Pilipinas.

Isyu ng Sekularisasyon

‘ Ang isyu ng sekularisasyon ay isang matinding isyu sa kkaparian noong ika-

18 na siglo. Ang sekularisasyon ay ang pagbibigay ng karapatan sa mga paring

Pilipino ng karapatan na magkaroon ng sarili nitong parokya.

Noong ua, ang mga pari sa Pilipinas ay nahahati sa dalawang grupo – ang mga

paring secular at ang mga paring regular na pawing mga Espanyol. Dahil sa pagganda

ng buhay ng mga Pilipino, marami sa mga magulang ang nagnaisa na ipasok sa

seminary ang kanilang mga anak na lalaki upang maging pari. Gayunpaman, mababa

ang pagtingin ng mga paring Espanyol sa mga paring Pilipino, kaya katulong lamang

sila ng mga ito.

Dahil sa paglaki ng mga parokya at paglisan ng mga Heswita sa Pilipinas,

nagkaroon ng kakulangan sa mga pari. Itinadhana ng hari ng Espanya ang

pagpapatupad ng dikring 1774 na nagbigay sa mga Pilipinong pari ng karapatan na

magkaroon na rin ng kanilang sariling parokya.

Nang magbalik ang mga Heswita sa Pilipinas, maraming Pilipinong pari ang

natanggalan ng katungkulan at posisyon sa kani-kanilang mga parokya. Nagkaisa

ang mga Pilipinong pari na ipaglaban ang kanilang karapatan na pamunuan ang

kanilang sariling parokya.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

21

Isa sa mga nangunang mga pari sa pagtatanggol ng kanilang mga karapatan

ay si padre Pedro Pelaez. Kabilang siya sa grupo ng mga Espanyol na creoles o

insulares. Tubo siyang Pagsanjan, Laguna. Kinilala siya bilang lider ng mga Pilipinong

pari. Naging maikli ang kaniyang pakikipaglaban. Namatay siya noong 1863 sa loob

ng gumuhong Katedral ng Maynil dahil sa lindol.

Pinalitan siya ni Padre Jose Burgos na isa naming mestizong Pilipino. Tubo

siyang Vigan, Ilocos Sur at kinilala bilang isang matalino at mahusay na pari.

Ipinagpatuloy niya ang nasimulan ni Padre Pelaez.

Kamatayan ng GOMBURZA

Nang mahirang si Rafael de Izquierdo bilang kapalit ni dela Torre sa pagiging

gobernador-heneral, ipinagkait niyang muli ang mga karapatang tinamasa ng mga

Pilipino. Kabilang sa mga naapektuhan nito ay ang mga nagtatrabaho sa Fort Felipe

sa Cavite na isang arsenal ng armas. Pinagbayad silang muli ng buwis.

Noong Enero 20, 1872, pinamunuan ni Sarhento La Madrid ang pag-aalsa ng

mga Pilipino sa nasabing arsenal ng armas. Napatay nila ang maraming Espanyol sa

loob ng moog, ngunit nasupil din sila agad. Apatnapu’t isa sa mga nag-aklas ang

napatay, samantalang ang iba ay nakakulong. Pagkaraan ng ilang araw, ang

labingtatlo pang nag-aklas ay ipinapatay na rin.

Sa sumunod na mga araw, marami ang hinuli at ikinulong. Kasamang idinawit

sa nasabing pag-aalsa sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora. Ang

layunin ng pagdawit sa kanila ay upang takutin ang mga paring Pilipino at huwag

nang isulong ang isyu ng sekularisasyon. Idinaos ang mabilis na paglilitis sa kanila.

Ang kanilang kamatayan ay nagpaalab sag alit ng mga Pilipino. Inialay ni Jose Rizal

ang kaniyang ikalawang nobela na El Filibusterismo sa tatlong pari.

GAWIN MO

Gawain A

Anu-ano ang mga dahilan kung bakit ang mga pag-aalsa at mga rebolusyong

sinimulan ng mga Pilipino ay kadalasang hindi nagtatagumpay?

1. _________________________________________________________________________

2._________________________________________________________________________

3._________________________________________________________________________

4._________________________________________________________________________

5._________________________________________________________________________

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

22

Gawain B

Magbigay ng halimbawa sa mga dahilan ng pag-aalsa na nasa ibaba. Tukuyin ang

pinag-ugatan ng kanilang pag-aalsa

A. Relihiyon

1.____________________________________________________________________

2.____________________________________________________________________

3.____________________________________________________________________

B. Paggawa at Buwis

1 ____________________________________________________________________.

2.____________________________________________________________________

Gawain C

Iguhit sa patlang ang kung tama ang pahayag at naman kung hindi

____1. Isa sa dahilan ng pagkabigo ng mga rebolusyonginilunsad ng mga Pilipino ay

ang kanilang hindi pagkakaisa.

____2. Ang mga heneral ng mga kilusan ng rebolusyon ay pawang bihasa at

magagaling sa paghawak ng armas.

____3. Maliban sa mga kalalakihan ay may mga kababaihan din na kasapi ng

katipunan at kasama rin sa mga pakikidigma.

____4. Nakapagpapalakas ng loob ng iba pang rebolusyonaryo kapag nalalaman nila

na nagtagumpay ang ibapang rebolusyonaryo sa mga karatig bayan.

____5. May mga reboljusyong naging matagumpay ang mga Pilipino.

Gawain D

Ipaliwanag sa maikling pangungusap o talata ang pagbabago sa kamalayan na

naidulot ng mga sumusunot na salita o kaisipan o pangyayari sa mga Pilipino.

1. Pagbubukas ng Suez Canal

___________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

23

Ilan sa mga dahilan ng pagkabigo ng mga rebolusyong inilunsad ng

mga Pilipino ay ang mga sumusunod:

o Pagkakaroon ng magkakaibang diyalekto

o Hindi pagkakaisa

o Kawalan ng Nasyonalismo

o Nabubuo lamang ng maliliit ng pangkat at watak-watak

o Makasariling mithiin at adhikain sa pakikipaglaban

o Kakulangan sa armas at kasanayan sa paggamit ng mga ito

Maka,lipas ang mahabang panahon ng pakikibaka laban sa mga

Espanyol ay unti-unting nabuo ang Nasyonalismo sa mga Pilipino

Ang mga nagbunsod ng pagkakabuo ng pagkakaroon ng

Nasyonalismo ng mga Pilipino ay ang mga sumusuno:

o Ang pagbubukas ng Suez Canal

o Ang paglaki o pagdami ng nabibilang sa Middle Class

o Ang pagdating sa Pilipinas ni Gobernador Heneral dela Torre

o Ang isyu gng Sekularisasyon

o Ang pagbitay sa 3 Paring Pilipino na sina Padre Mariano

Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora na kilala sa tawag na

GOMBURZA

2. Paglaki ng Middle Class

__________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________

3. Pagdating ni Gobernador-Heneral dela Torre sa Pilipinas

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

4. Sekularisasyon

_________________________________________________________________________

_________________________________________________________________________

5. Pagbitay sa GOMBURZA

__________________________________________________________________________

TANDAAN MO

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

24

NATUTUHAN KO

Sagutin:

1. Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng Espanyol, sasali ka din bas a mga

pag-aalsang ginawa ng ating mga ninuno? Bakit? Bakit hindi?

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________

____________________________________________________________________.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

25

NILALAMAN : PAG-USBONG NG MALAYANG KAISIPAN

AT NAUNANG PAG-AALSA

PANIMULA

Ayon sa mga mananaliksik ng kasaysayan n gating bansa, tumutol ang marami sa ating mga ninuno sa pananakop ng mga Espanyol. Malaking hirap, pagmamalupit at pang-aabuso ang dinanas ng mga Pilipino noon kaya nag-alsa sila. Mahigit sa 100 pag-aalsa ang isinagawa nila sa loob ng 333 taong pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Sa araling ito inaaasahang:

1. Nakapagbibigay-katwiran sa mga naging epekto ng mga unang pag-aalsa ng mga makabayang Pilipino sa pagkamit ng kalayaan na tinatamasa ng mga mamamayan sa kasalukuyang panahon.

Mga dahilan sa pag-aalsa ng mga katutubo laban sa mga Espanyol

1. Pagbawi sa nawalang kalayaan. 2. Pang-aabuso at masamang Gawain ng mga pinunong Espanyol. 3. Pangangamkam ng mga lupain ng mga pinunong Espanyol. 4. Sapilitang paggawa. 5. Kahigpitan sa relihiyon 6. Paniningil ng labis-labis na buwis.

Mga bunga ng Pag-aalsa ng mga Pilipino Nabigo ang lahat ng pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa mga Espanyol. Nabigo sila dahil kulang sila sa pagkakaisa at kulang ang kakayahan ng mga lider na namuno sa mga pagbabangon. Marami sa knila ang walang maayos na plano at kulang sa mga armas. Nagpangkat-pangkat sila at nahati sa iba’t-ibang tribo. Pumanig sa mga Espanyol ang karamihan sa mga Pilipino noon. Naging sunud-sunuran din sila sa mga kagustuhan ng mga ito. Naging mas matapat pa sila

ARALIN 7 Code AP5PKB-IVI-7

ALAMIN MO

Ano kaya ang naging epekto ng unang

pag-aalsa sa kalayaang tinatamasa n

gating bansa sa kasalukuyang

panahon?

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

26

sa mga Espanyol kaysa sa kapwa nila Pilipino. Sinamantala rin ng mga Espanyol ang pagkakawatak-watak ng mga katutubo. Ginamit ng mga Espanyol ang mga Pilipino. Dahil sa likas na kaugalian ng mga Pilipino na magtimpi at matiisin, sila ay nanatiling alipin ng mga dayuhan sa mahabang panahon. Naging mahalaga rin ang mga nauanag pag-aalsa kahit puro kabiguan ang kinalabasan ng mga ito. Dahil ditto, napatunayan na ang lahing Pilipino ay may pagmamahal sa kalayaan. Nakita rin nila ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagsasama-sama upang matamo ang kanilang nilalayon. Sagutin:

1. Ano ang udyok sa mga Pilipino na mag-alsa laban sa mga Espanyol? 2. Ano ang naging dahil kung bakit nabigo ang mga pag-aalsa? 3. Sa palagay ninyo, ano kaya ang naging epekto ng mga bigong pag-aalsa sa

kalayaang tinatamasa ng Pilipinas sa kasalukuyan?

GAWAIN A Tukuyin kung alin dahilan ng pag-aalsa ang ipinakikita sa larawan. Isulat ang sagot sa notbuk.

1. ______________________ 2. ______________________

3._______________________ 4. _______________________ 5.________________

GAWIN MO

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

27

Gawain B Buuin ang konsep map. Sipiin ito sa notbuk. Gawain C Pangkatang Gawain. Pangkat I- Poster na nagpapakita ng pang-aabusong dinanas ng mga Pilipino. Pangkat II- Poster na nagpapakita ng pag-aalsa isinagawa ng mga Pilipino Pangkat III- Poster na nagpapakita ng pagiging makabayan. Pangkat IV- Poster na nagpapakita ng kasarinlan ng ating bansa.

Tinanggap ang mga sinaunang Pilipino ang pagpasok ng mga Espanyol dahil sa

maganda at maayos na pamamalakd ni Legazpi, ngunit ang naging kapalit niyang

si Gobernador-heneral Guido de Lavezares ay hindi naibigan ng mga katutubo dahil

bigla niyang inalis ang mga karapatang ipinagkaloob ni Legazpi. Pinagmalupitan at

pinagsamantalahan ng mga Espanyol ang mga katutubo. Sa hirap at png-aabusong

dinanas ng mga Pilipino, nag-ugat ang mga pag-aalsa.

Sa higit na 100 na pag-aalsa, ang mga ito ay nabigo dahil sa kawalan ng plano,

armas at kaalaman sa pakikidigma. Sa kabila ng kabiguan ang mga pag-aalsa ay

naging daan parin upang umalab ang damdamin pagkamakabayan ng mga Pilipino

na naging panimula upang makamit natin ang kasarinlan na tinatamasa natin

hanggang sa kasalukuyan.

Dahilan kaya nabigo ang

mga pag-aalsa

TANDAAN MO

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

28

NATUTUHAN KO

Isulat kung TAMA o MALI ang isinasaad ng sumusunod na pangungusap. Isulat ang sagot sa notbuk.

1. Hindi nagtagumpay ang mga pag-aalsa dahil sa pagkakawatak-watak at pagkakanya-kanya ng mga Pilipino.

2. Dumanas ang mga Pilipino ng maayos na pamamahala mula sa mga Espanyol sa loob ng mahigit 300 taon.

3. May mga katutubong sumanib sa mga Espanyol at nilabanan ang kapwa Pilipino sa panahon ng pag-aalsa.

4. Hindi man nagtagumpay ang mga naunang pag-aalsa naging simbolo naman ito ng pagiging makabansa ng sinaunang Pilipino.

5. Malaki ang naging epekto ng mga unang pag-aalsa upang makamit natin ang kasarinlan.

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

29

NILALAMAN : PAG-USBONG NG MALAYANG KAISIPAN

AT NAUNANG PAG-AALSA PANIMULA

Sa araling ito, mauunawaan mo naman na mahalagang mapaunlad ang sarili

nang sa gayon ay mapaunlad din ang bansa. Mahalagang mapaunlad ang sarili upang

maging kontribusyon ito sa pagsulong at kaunlaran ng bansa kung saan ka kabilang

at naninirahan.

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay dapat na:

1. Nakapagpapahayag ng saloobin sa kahalagahan ng pagganap ng sariling

tungkulin sa pagsulong ng kamalayang pambansa.

ALAMIN MO

Paano ka gaganap ng iyong dakilang tungkulin sa iyong bansa?

Paano mo mapauunlad ang sariling kakayahan at kasanayan?

Tayo, Bilang Bahagi ng Pagkabuo ng Pilipinas. Madalas ay itinatanong natin

sa ating sarili, may halaga ba ako sa aking bansa?

Oo! Ikaw ay mahalaga sa pagtataguyod ng ating bansa. Ang bawat isa sa atin ay mahalaga dahil lahat tayo ay may papel na ginagampanan upang magpatuloy sa pag-unlad ang ating bansa.

Kung ang pamahalaan ay may layuning mapabuti ang kalagayan ng kabuhayan ng mga mamamayan upang matamo ang kaunlaran ng ating nasyon, hindi ito maisasakatuparan kung hindi tutulong ang mga mamamayan.

Pakikipagkapwa-tao

Mahalaga ang mabuting pakikipagkapwa sa ating mga kapwa mamamayan. Lagi ngang sinasabi na "no man is an island" kaya naman marapat lamang na pakitunguhan nang maayos ang ating kapwa dahil ang mabuting samahan ay nagdudulot ng pagkakaisa.

Tamang saloobin sa paggawa

Mahalaga rin na mayroon tayong mabuting saloobin sa paggawa. Nagiging madali ang mga gawain kung ito ay pinagtutulungan at binibigyan ng tamang pansin at oras. Kung laging positibo ang isang mamamayang Pilipino, sigurado na siya ay magiging produktibo.

ARALIN 8 Code AP5PKB-IVJ-8

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

30

Tangkilikin natin ang ating mga produkto.

Sa ganitong paraan, mapatatatag natin ang ating ekonomiya. Uunlad ang mga lokal na industriya, maraming mga Pilipino ang mahihikayat na mamuhunan at magtayo ng mga negosyo, at maraming magkakaroon ng trabaho sa ating bansa.

Gamitin natin nang wasto ang mga likas na yaman.

Dito tayo kumukuha ng ating ikinabubuhay kaya naman marapat lamang natin itong alagaan upang magkaroon tayo ng sustainable development o ang matalinong paggamit ng mga likas na yaman. Dahil dito, hindi kaagad mauubos ang mga pinagkukunang-yaman at mayroon pang matitira para sa susunod na henerasyon.

Pahalagahan at pagyamanin natin ang kultura nating mga Pilipino.

Bilang isang mamamayan, tungkulin natin na mapaunlad ito dahil ang kultura ang nagbibigay-buhay sa ating bansa at isa ito sa mga nagiging batayan ng kaunlaran.

Bantayan natin ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno. Pawis, dugo, at buhay ang ipinuhunan nila para maipamana sa atin ang kalayaang hindi na nila natikman.

May pakinabang ba sa iyo ang iyong bansa?

Gawain A

Bilugan ang mga pangungusap na nagsasaad ng pagiging maunlad ng isang

bansa. Isulat ang sagot sa notbuk.

1. May mga nakatapos sa pag-aaral na umaalis ng bansa upang manilbihan sa

ibang bansa.

2. Marami ang bilang ng hindi nakababasa at nakasusulat.

3. Ang mga 15 taong gulang na kabataan pababa ay pinagtatrabaho.

4. Masaya ang nakararaming mamamayan na nanunung- kulan sa pamahalaan.

5. Sapat at makatuwiran ang kinikita ng mga tao.

6. Laganap ang rebelyon at krimen sa mga lalawigan.

7. Maraming dayuhan ang dumadalaw at namumuhunan sa ating bansa.

8. Naaabuso ang mga likas na yaman.

9. Hindi nakikinig sa Pangulo ng bansa at hindi sinusunod ang mga batas.

10. Walang krimen na naitala sa loob ng isang buwan.

GAWIN MO

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

31

Gawain B

Lagyan ng bituin ang mga pahayag na nakatutulong sa pag- unlad ng sarili o

ng bansa. Isulat ang sagot sa notbuk.

1. Nagsasanay nang mabuti si Mikaela sa paglangoy upang makasali sa

pambansang koponan.

2. Madalang mamasyal sa parke si Lara dahil tumutulong siya sa tindahan ng

kaniyang tiyahin.

3. Mahilig magkumpuni ng mga sirang kagamitan si Mang Lito.

4. Bata pa lamang si Inso ay sakitin na.

5. Mahilig makipaghuntahan si Aling Selya. Pati paghahanda ng pananghalian

ay nalilimutan niya.

6. Kahit kailan di nabisita ni Jing ang silid-aklatan sa kanilang paaralan.

7. Laging huli sa pulong si Cristina.

8. Mahilig sumabad si Liza sa usapan at hindi sinusuri ang binibitawan niyang

mga salita.

9. Binibili agad ni Raymond kung ano ang maibigan niya.

10. Mahilig si Lucia sa imported na mga gamit.

Gawain C

1. Bumuo ng mga pangkat na may limang kasapi. Ipatalakay kung paanong

naitataguyod ng mga mamamayan ang kaunlaran ng isang bayan. Palikhain

sila ng larawan hinggil dito at palagyan ng islogan. Ilagay sa likod ang

paliwanag ng islogan ng parehong poster at islogan.

2. Magsagawa ng classroom walk kung saan nakatanghal ang mga poster. Mag-

anyaya ng mga panauhing pipili ng tatlong pinakamahusay na poster at

islogan.

Ang bawat isa sa atin ay mahalaga dahil lahat tayo ay may papel na ginagampanan upang magpatuloy sa pag-unlad ang ating bansa. Kung ang lahat ng Pilipino ay gagawin ang kani-kaniyang mga tungkulin bilang isang mamamayan ng Pilipinas, sigurado ang kaunlaran ng ating bansa at siguradong magkakaroon ng kapayapaan. Dahil ang malilit na gawa, kapag pinagsama-sama ay tiyak na magbubunga ng isang malaking pagbabago.

TANDAAN MO

DepEd Division of Cabanatuan City LEARNING RESOURCE MANAGEMENT AND DEVELOPMENT ___________________________________________________________________________________

32

NATUTUHAN KO

Sumulat ng isang sanaysay na tumatalakay sa iyong panata sa sarili

para sa kaunlaran ng bansa. Palamutian ito ng iyong mga simbolo at iba pang

representasyon sa sarili.

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________

____________________________________________________________