DIASPORA AT PELIKULA: - CAS DSpace

148
Unibersidad ng Pilipinas Maynila Kolehiyo ng Agham at Sining Ermita, Manila DIASPORA AT PELIKULA: Pagsusuri ng Implikasyon sa kalagayan ng Migranteng Kababaihan at ugnay nito sa Kamalayan at Kaunlaran Iniharap sa Kagawaran ng Agham Panlipunan Kolehiyo ng Agham at Sining Unibersidad ng Pilipinas Maynila Ipinasa ni Precious Diane L. Virtucio 2013-37831 Bilang parsiyal na katuparan sa mg rekisito sa Batsilyer sa Sining Dalubhasa sa Araling Pangkaunlaran (BA Development Studies) Propesor Rommel F. Linatoc, PhD Tagapayo Mayo 2017

Transcript of DIASPORA AT PELIKULA: - CAS DSpace

Unibersidad ng Pilipinas MaynilaKolehiyo ng Agham at Sining

Ermita, Manila

DIASPORA AT PELIKULA: Pagsusuri ng Implikasyon sa kalagayan ng Migranteng Kababaihan

at ugnay nito sa Kamalayan at Kaunlaran

Iniharap sa Kagawaran ng Agham Panlipunan Kolehiyo ng Agham at Sining

Unibersidad ng Pilipinas Maynila

Ipinasa ni Precious Diane L. Virtucio

2013-37831

Bilang parsiyal na katuparan sa mg rekisito sa Batsilyer sa Sining Dalubhasa sa Araling Pangkaunlaran

(BA Development Studies)

Propesor Rommel F. Linatoc, PhD Tagapayo

Mayo 2017

iiDIASPORAATPELIKULA

Kolehiyo ng Agham at Sining Unibersidad ng Pilipinas Maynila

Padre Faura, Ermita Manila

PAHINA NG PAGPAPATIBAY

Ang pananaliksik na ito na pinamagatang: DIASPORA at PELIKULA: Pagsusuri ng

Implikasyon sa kalagayan ng Migranteng Kababaihan at ugnay nito sa Kamalayan at

Kaunlaran na inihanda at isinulat ni Precious Diane L. Virtucio bilang parsyal na katuparan sa

Development Studies 199.2 para sa antas ng Batsilyer sa Sining, Dalubhasa sa Araling

Pangkaunlaran, ay inirerekomenda upang tanggapin at pagtibayin.

______________________________ Propesor Rommel F. Linatoc, PhD Tagapayo Departamento ng Araling Panlipunan

Ang pananaliksik na ito ay tinanggap at pinagtibay bilang bahagi ng katuparan upang

makamit ang antas ng Batsilyer sa Sining, Dalubhasa sa Araling Pangkaunlaran.

______________________________ Propesor Jerome Ong, MA Tagapangulo Departamento ng Araling Panlipunan

iiiDIASPORAATPELIKULA

Maleta, Kahon, at Karatula1

ni Rommel ‘Pipoy’ Linatoc

Amoy-bagong-bago ang maletang pinili Bughaw ang kulay, may dilaw na palamuti

Pinaganda ang kalooban ng telang pula Tinahi ang bawat sulok ng sinulid na puti

Inilagay nang maayos ang mga kagamitan Pati mga ala-ala ng pamilya’t kabigan Bumukal ang luha, tumulo sa maleta

Agad pinahiran, nangibabaw ang pasya

Tatlumpu’t limang kilo, pinagpilitang magkasya Upang habulin ang pangarap,umahon sa hirap

Walo ang gulong , pinabilis ang paghila Sa pagragasa ng tunog, laman ay binulabog

Pagpasok sa paliparan, maleta ay pinabuksan Isa-isang sinuri , lahat ay binusisi

Ng bantay seguridad para sa kaligtasan Lahat ay kinalkal ng walang pakundangan

Walang nagawa kundi ang ayusin Mga kagamitan, muling sininsin

Gutay-gutay na balot muling binilot Kasama ang inis at pagkayamot

Maleta ay tinimbang sa gomang umuusad Nanginginig, gumagalaw ang etikitang taglay

Tila lumalaban sa lungkot at lumbay Dulot ng malayong pagkakawalay

Sa loob ng paliparan may malaking larawan Ng isang nilalang na nakangisi’t nagbubunyi

Tila nanghihikayat upang magmadali “Lungkot ay pawiin , dolyar ay hakutin !”

Mga kababayan, kaniyang pinagbibilinan, “Male-maletang salapi inyong iuwi Pambayad utang sa mga dayuhan

Upang tayo ay makautang na muli.”

1 Kopya mula sa Bulatlat.com; Inilagay ng mananaliksik ang politikal na tulang ito upang maging simulang-pangmulat at patikim sa mga kagyat na karanasan ng mga migrante; Itinanghal ng Teatro Ekyumenikal ang tula noong Pasinaya 2017 sa Cultural Center of the Philippines.

Mga maletang tinatakan ng Bagong Bayani Saan mang bahagi ng daigdig, handang mag-

alay Ng angking talino at lakas pag-gawa

Papasanin ang mabigat, upang pamilya’y maiangat

Anim na buwan ang dumaan, bumalik sa paliparan

Labis na nagtataka ang mga kapamilya Namumugto ang mga mata, Nangangatal ang mga panga

Sa babaan ng mga bagahe, Lumabas ang malaking kahon

Selyado ang lahat ng gilid Bawat kanto ay nakapinid

Itsura niya hindi na nila nakita Tanging pangalan ang pinagkakilanlan

Saad sa sulat ng kumpanya, nagpatiwakal siya Kinatawan ng embahada di man lang nagpakita

Inilagay ang kahon sa inarkilang sasakyan Palahaw at iyak ang nagsasalimbayan

Nakikipag-agawan sa ingay ng mga salimpapaw Habang nagpipiyesta ang mga peryodista

Sa di kalayua’y patuloy sa pagdagsa Ang maraming maletang puno ng pag-asa

Hinahabol ang tagumpay na hindi maibigay Ng abang lipunang pinaghahatian ng iilan

Tumakbo ang sasakayan , palabas ng paliparan Mga nagmamalasakit , nagtirik ng kandila

Bilang parangal at pagdakila Dala ang karatulang , sigaw ay hustisya!

ivDIASPORAATPELIKULA

Sa iyo Inang Bayan

vDIASPORAATPELIKULA

Pagsayaw sa ritmo ng Praxis (Ang aking kuwentong-DevStud)

Minsan ko nang pinangarap gumawa ng mga pelikula. Bagamat walang sinehan sa aming

probinsya, madalas na ang panonood ko ng mga luma man o bagong pelikula sa Cinema One. Ito

ang nagtulak sa aking pagnanais na kumuha ng kursong Film sa kolehiyo. Ngunit dahil sa usaping

pampinansyal, pumili ako ng kursong hindi magiging mabigat sa bulsa at bago sa aking pandinig.

Sa pagnanais na ito, nagsimula ang aking pagkilala sa kursong BA Development Studies o Araling

Pangkaunlaran. Bagamat wala akong kamuwang-muwang sa kung anong lalamanin at konteksto

ng kursong ito, isa ako sa iilang aplikante ng UPCAT na sadyang isinulat ang kursong BA

Development Studies sa application form.

Noon, hindi ko nakikita ang pagiging iba at prestihiyoso ng Unibersidad ng Pilipinas,

sapagkat kung titingnan ang mga gusali nito, tila wala naman itong pinagkaiba sa ibang

pampublikong kolehiyo maliban sa estatwa ng isang hubad na lalaki na tinatawag nilang ‘Oble’.

Naalala ko pa ang mala-naliligaw na pusa kong sarili sa loob ng unibersidad sa tuwing may pisikal

na eksaminasyon sa PGH at enrolment sa aming kolehiyo, sa Kolehiyo ng Agham at Sining. Lubos

na ginulat ako ng UP sa kaliwa’t kanang pagra-rally ng mga estudyante at ng mga propesor sa

kanilang husay sa pagtuturo, lalo’t higit ay ang una kong nakilalang propesor ng programa na si

Propesor John Ponsaran. Naaalala ko pa ang nag-iisang beses na na-Last Person Standing (LPS)

ako sa kanyang klase sa NSTP.

Noong unang taon, ramdam ko na agad ang saya kasama ang aking mga kaklase at tila

nahanap ko ang kalalagyan ko sa mundo ng kolehiyo. Nang mga panahong iyon, lingid pa sa aking

kaalaman na progresibo pala ang kursong Araling Pangkaunlaran. Bagamat noong una’y mayroon

pa rin akong agam-agam kung mananatili ba ako sa kurso dahil nagkukubli pa rin sa aking isipan

ang pagnanais na kumuha ng Film, natuldukan ang agam-agam na ito nang mapanood kong

magtanghal ang mga estudyante ng DevStud sa isang variety show noong 2014. Nakita ko sa

kanilang pagtatanghal kung ano ang programang ito at kung bakit natatanging pamantasan ang

UP.

viDIASPORAATPELIKULA

Nananatili ako sa kurso at patuloy na nag-aral sa ilalim ng mga propesor sa ekonomiya,

agham panlipunan, kasaysayan, agham pampolitika, at araling pangkaunlaran, na lahat ay may

karakter ng pagiging isang makabayan. Napatunayan kong malaking bahagi ang mga propesor sa

pagbubuo at pagpapanatili ng karakter at identidad ng UP. Ipinaliwanag ng mga kurso sa

ekonomiya kung paanong tumataas ang GDP ng bansa gayong salungat ito sa bilang ng pamilyang

Pilipinong nakatatamasa ng sapat at maayos na primaryang pangangailangan. Inilatag ng mga

kurso sa agham panlipunan at pampolitika ang mga pilosopo at kanilang mga akda na

nakapagpabago ng galaw ng lipunan sa mahabang panahon. Binigyang-linaw ng mga kurso sa

kasaysayan na dapat tingnan at aralin ang kasaysayan ng bansa batay sa perspektiba ng

mamamayang sinakop at hindi sa inilathala ng dayuhang mananakop. Ang Historico Dialectical

Materialism ang isa sa mga primaryang aral na nakuha ko sa kursong Araling Pangkaunlaran.

Batid nito na ang kasalukuyang estado ng lipunan ay may materyal na batayan at bunga ng

mahabang kasaysayan at nagpapatuloy na tunggalian sa lipunan. Ito ang nagbigay-daan kung

paano ko naunawaan ang esensiya ng mobilisasyon ng mamamayan.

Bagamat lumilitaw-litaw ang banggaan sa pagitan ng iba’t ibang disiplina, malinaw na

inihahayag ng Araling Pangkaunlaran na may pagkakaugnay-ugnay ang bawat isa kung kaya’t

walang disiplina ang mas nakaaangat sa iba.

Napakalaki ng ambag ng mga libro nina Engels, Freire, Marx, at Mao Ze Dong sa

pagpapalawak ng pang-unawa ko sa paglutas sa malawakan at sistematikong problema ng lipunan.

Ipinakita ng mga libro na hindi natatangi ang istruktural na kahirapang nararanasan ng Pilipinas

sapagkat pinagdaanan din ito ng maraming kolonyang bansa. Pinalitaw ng mga librong ito ang

kahalagahan ng pag-alam sa kasaysayan ng lipunan at sibilisasyon, kahalagahan ng masa,

partikular ay ang uring proletaryo, kahalagahan ng edukasyon naka-ugat sa pakikibaka, at cultural

revolution na patuloy na nagpapadalit sa mainit na apoy ng pakikibaka.

“Ang walang kinikilingan ay pagkaling sa nakapangyayaring lakas; Ang hindi pag-imik

sa isang partikular na isyu ay pagbibigay ng lehitimo sa makapangyarihang puwersa” – ito ang

maituturing kong pinakanagamit kong linya sa loob ng apat na taon ko sa kurso. Ito ang madalas

kong ginamit na bala upang depensahan ang kahalagahan ng pakikialam sa mga isyung panlipunan

viiDIASPORAATPELIKULA

at pakikisangkot sa mga gawaing-masa. Dagdag pa, ito rin ang tumutulak sa aking kumilos at

huwag abandonahin ang masa sa kabila ng mga panahon ng pag-aalinlangan.

Sa apat na taon sa programang ito, hindi ako binigong mulatin at hamunin ng Araling

Pangkaunlaran. Sa lahat ng panaho’t pagkakataon – maging sa entablado man o sa rural na

komunidad, itinanim ng kurso sa aking isipan na bawat gawain o praktika ay dapat nakasandig sa

teorya. Sa pagkamulat ko sa maraming isyung panlipunan at karahasang tinatamasa ng

mamamayan, nabuo sa aking isipan ang pagnanais na kumuha ng abogasya balang araw. Malaking

ambag ang Araling Pangkaunlaran sa propesyong nais kong tahakin sapagkat itnutuwid nito ang

mga baluktot na pilosopiya ng pagtingin at pag-analisa sa lipunan at binibigyang-diin nito ang

sagot sa tanong na “Para Kanino?”

Minahal ko ang programang DevStud dahil sa pagiging multidisiplinaryo nito. Sinusuyod

nito ang lahat ng dimensyon ng lipunan – ekonomiko, politikal, kultural, sosyal, at maging

salimbayan ng bawat dimension. Kinukuwestiyon at inaaral nito ang lahat ng aspeto ng pagkatao

– relihiyon, food systems at kalusugan, edukasyon, sakuna at kalamidad, migrasyon, atbp. Wala

itong iniiwang sektor sa pag-aaral ng kaunlaran – maging pesante, manggagawa, at petiburges

man.

Sa loob ng kurso, mas nakita ko ang kahalagahan ng pagpapakatao. Sinumang propesor at

anumang asignatura, palaging hindi iniiwan sa pag-aaral ang kapakanan ng marhinalisadong

mamamayan. Hinamon ako ng Araling Pangkaunlaran na lumabas sa aking kumportableng lungga

at kuwestiyonin ang kasalukuyang kalagayan ng lipunan. Iwanan ang pagiging makasarili at

makialam sa mga karahasang pinagdadaanan ng mga magsasaka, katutubo, manggagawa,

kababaihan, at kapwa estudyate – ito ang unang hakbang ng pagmumulat na itinanim ng programa

sa aking isipan.

Iniharap sa akin ng Araling Pangkaunlaran ang nagkukubling mukha ng burges na lipunan

sa perspektiba ng maralita at ipinatong naman ng UP sa aking mga balikat ang obligasyon ng

pagiging isang Iskolar ng Bayan. Magpapatuloy ang pagsayaw ko sa awit ng Praxis na hindi

hihinto hangga’t patuloy na lumalaban ang masang api at pinagsasamantalahan.

viiiDIASPORAATPELIKULA

Bagamat kumbinsido na ako sa pagnanais kong maging abogado, hindi nagmamaliw ang

hangarin kong makabuo pa rin ng isang pelikula – isang orihinal na obra na magpapalitaw ng tunay

na mukha ng kahirapan sa katauhan ng maralitang masa. Ginamit ko ang pagkakataon sa

pagsusulat ng aking thesis upang mapasok at maaral ang mundo ng pelikula at mailapat sa aking

interes ang itinurong pamamaraan ng pananaliksik ng Araling Pangkaunlaran.

Tila kalahati ng aking pagkatao ay hinubog ng UP at ng Araling Pangkaunlaran. Ang

pananatili sa programa ang maituturing ko na isa sa mga pinakamahahalagang desisyong ginawa

ko sa aking buhay. At ngayong nasa huling taon na ako sa programa, nais kong bumuo ng

natatanging pananaliksik. Nais kong ipakita ang mukha ng kababaihang migrante sa lente ng

alternatibong media. Nais kong bagtasin ang malikhai’t mapaglarong mundo ng pelikula habang

tinutuklas ang lalim ng karanasan ng mga kababaihang migrante.

Inaarmasan ng Araling Pangkaunlaran ang mga Iskolar ng Bayan ng mga pag-aaral at

makatotohanang pagsasanay upang ganap na maisagawa ang obligasyon nito sa lipunang Pilipino.

Hinamon ako ng UP at ng programa na makita’t maunawaan na ang ganap na tagumpay ng

pagiging isang estudyante ay hindi makakamit sa apat na sulok ng ating unibersidad. Mayroong

mas makatotohanang pagsubok sa atin ang akademya’t lipunan na siyang ganap na susukat sa ating

husay at kapasidad. Lubos ang aking pagsaludo sa aking mga naging propesor at sa masa na naging

daluyan ko ng kaalaman.

Nagsimula ako sa programa na puno ng katanungan, “Ano ba ang Devstud?, “Anong karir

ang puwede sa akin pagkatapos kong mag-aral?”, at “Paano ko ipapaliwanag sa iba kung ano ang

DevStud?”. Ngayon, lalabas ako ng unibersidad bitbit ang mga kasagutan at kaalamang hindi

ipagkakait sa masa, tapang na handang kumuwestiyon sa lipunan, at prinsipyong handang

maglingkod sa bayan. Padayon!

#

ixDIASPORAATPELIKULA

Pasasalamat

Sa loob ng isang taong pagbuo ng pananaliksik na ito, tila lahat ng emosyo’y naramdaman ko. Sa kabila ng hirap, napagtagumpayan ko ang lahat ng pagsubok dahil sa gabay, suporta, at inspirasyong walang maliw na ibinigay sa akin ng napakaraming tao: Sa masang Pilipino. Ang pagkakaisa, determinasyon, at prinsipyo ninyo ang patuloy na nagtutulak sa akin upang paghusayin ang pagsusulat na ito. Sa bawat sigaw at sama-samang pagkilos ninyo, na aking nakikita sa iba’t-ibang lansangan ng Kamaynilaan, ang patuloy na nagpapaalab ng aking panlipunang pakikisangkot. Utang ko sa inyo ang prinsipyong kinatatayuan ko ngayon. Sa migranteng kababaihan. Bakas sa inyong mga naratibo ang lupit ng mapaniil na lipunan. Lubos ang aking pasasalamat sa pagtitiwalang inyong ibinigay sa pagbabahagi ng malagim ninyong karanasan sa ibayong-dagat. Ang inyong naratibo ang puso ng pananaliksik na ito. Malaki ang utang ng bansang ito sa inyo. Patuloy sana kayong tumindig at magkaisa para matuldukan na ang eksploytasyon sa buong sektor ng manggagawa. Sa aking Tatay. Maraming salamat sa lahat ng pang-unawa sa tuwing hindi ako nakauuwi ng probinsya, sa pang-unawa sa lahat ng hindi nasagot na tawag sa telepono dahil kung hindi man may ginagawa sa paaralan, ay bagsak na sa pagod. Maraming salamat sa pagbibigay sa akin, at sa aking mga kapatid, ng buhay na may malawak na pagpipilian sa kabila ng kasalatan. Anumang karangalan sa akademiya’y hindi magiging sapat upang masuklian ko ang lahat ng iyong sakripisyo. Sa aking butihing tagapayo, Propesor Rommel Linatoc. Kayo ang lubid na nagtali sa akin sa poste ng thesis sa isang buong taon. Napakaraming beses kong naligaw sa pagsusulat sa paksang ito, ngunit sa pamamagitan ninyo’y bumabalik at bumabalik ako sa tamang konteksto. Ang higpit ng taling ito sa akin ang nag-udyok na sa lahat ng pagkakatao’y paghusayan ang pagsusulat at talasan ang isipan. Napakalaki ng aking utang na loob sa ibinahagi ninyo sa aming disiplina, kaalaman, pagmamalasakit ng gaya ng sa isang ama. Sa Migrante International, partikular kay Sir Lao at Kuya Arman. Walang panahon na hindi ako humanga sa tibay ng inyong kalooban sa pagharap sa kalunos-lunos na kalagayan ng mga kababayan nating OFW. Lubos ang aking pasasalamat, na sa kabila ng dami ng inyong gawain sa samahan, natulungan niyo pa rin ako sa pagkalap ng mga kinakailangang datos. Isang hindi malilimutang karanasan sa akin ang magdaos ng kaarawan sa komunidad ng mga kabataang anak

xDIASPORAATPELIKULA

ng mga OFW. Lubos ko kayong tinitingala, dinagdagan ninyo ang aking dahilan para pagsumikapang maging mahusay na abogado balang araw upang makapaglingkod sa masa. Sa mga propesor ng Kolehiyo ng Agham at Sining, partikular kay Propesor Rose Roque, Propesor John Ponsaran, at Propesor Ruth Legaspi. Sa kabila ng pagiging busy ninyo, lubos po akong nagpapasalamat sa mga pagkakataong tinulungan ninyo ako sa aking thesis. Kay Mam Roque, bagamat hindi ninyo ako naging estudyante, maraming salamat dahil kayo ang naging daan upang makilala ko ang isang napakahusay at progresibong alagad ng pelikula na si Bonifacio Ilagan. Maraming salamat sa pasensiya sa pagsagot sa mga katanungan ko sa Messenger sa kabila ng hindi natin personal na pagkakilala sa isa’t-isa. Kay Propesor John Ponsaran, sa pagbibigay ng mga suhestiyon upang mapagyaman ang aking thesis at sa walang humpay na paghimok sa aming aralin ang malawak na aspeto ng kaunlaran sa loob ng apat na taon. Kay Propesor Ruth Legaspi, maraming salamat po Mam sa pagsagot ng napakarami ko ring katanungan sa Messenger at sa pagbibigay ng panahon upang makapagpakonsulta ako sa Kay Mam Russel Contemplacion at Mam Alicia Dalquez. Salamat sa kumpiyansang ipagkatiwala sa akin ang naritibo ng mabigat na bahagi ng inyong buhay. Kay Mam Russel, isa kayo sa pinakamatatag na taong nakilala ko at nawa’y huwag magmaliw ang inyong pananampalataya dahil inspirasyon kayo sa maraming kababaihan. Salamat sa naging napakasaya at kumportableng interbyu na tila napakatagal na nating magkakilala. Kay Mam Alicia, sa kabila ng pagiging mainit na usapin ng magiging hatol kay Jennifer Dalquez sa mga panahong iyon, hindi ninyo ipinagkait sa akin ang pagkakataong ma-interbyu kayo. Lubos po ang aking pasasalamat na nakilala ko kayo na salamin ng isang matatag na ina at lola. Kay Propesor Roland Tolentino at Sir Boni Ilagan. Napakapalad kong nakilala ko kayo sa personal na natuto ako mula sa inyo. Kay Dr. Roland, sa kabila ng maikling panahon, lubos ninyo akong pinahanga sa inyong pagiging dalubhasa sa Pelikula. Salamat sa napakakumportable interbyu sa kabila ng pagod ko nang mga panahong iyon. Salamat din sa napakayayaman ninyong akda at mga artikulo na isa sa naging matibay na pundasyon ng pag-aaral na ito. Kay Sir Boni, napakarami ko pong dapat ipagpasalamat sa inyo - sa napakamalaman na interbyu at sa paggawa ng paraan upang makapanayam ko si Direk Joel Lamangan. Salamat din po sa pagsagot sa napakarami kong katanungan. Napakataas ng aking respeto sa inyo bilang tunay at makabayang alagad ng sining. Sa mga naging katugon ko sa sarbey. Bagamat kwantitatibo-kwalitatibo ang konsepto ng aking sarbey, nagpapasalamat ako at pinaunlakan ninyo ako – salamat sa matiyagang pagresponde sa mga katanungan na humihingi ng enumerasyon at personal na pananaw.

xiDIASPORAATPELIKULA

Sa aking mga propesor na sina Prof. Reggie Vallejos at Prof. Allan Mesina. Maraming salamat po sa moral support sa tuwing kinakamusta niyo ang estado ko sa pagsusulat ng thesis. Salamat po sa pakikinig at pagkumbinsing kayaning matapos ng maayos ang pananaliksik na ito. Sa napakarami kong kaibigang naging saksi sa mga pinagdaanan ko sa pagbuo ng pananaliksik na ito. Buong tiyaga ko kayong iisa-isahin sapagkat napakalaki ng suporta at gabay na ibinigay ninyo sa akin, lalo na sa mga panahon ng panghihina:

Kay Mark Manato, isa sa aking mga kaibigan sa hayskul, maraming salamat sa malaki mong naitulong sa pag-aaral na ito partikular sa pagsasaayos ng mga datos sa sarbey. Maraming salamat!

Sa aking barkada sa kolehiyo (sa loob at labas man ng inuman) – Jojo, Conchita,

Mikey, Renz, Steven, Jomer, Lala, Mika, Nash, Mark, Yna, Roma, Marco. Salamat sa pakikinig, moral support, at pagtawa sa lahat ng kahihiyang pinagdaanan ko sa pagkalap ng datos para sa thesis. Nakagagaan ng loob ang mga kapalpakang iyon kapag sabay-sabay nang tinatawanan ng barkada.

Kay Diego Fodulla at Tanic, ang aking mga kaibigan sa UP Diliman, na nagsilbing

kamay at paa ko sa UP Diliman para sa mga hinihiram at binabalik na mga libro, at pag-alam ng mga impormasyon. Mahal ko kayo!

Sa aking blockmates lalo na kina Karla, Jhayber, Jogie, Addie, Iza, at Rheyn -

padayon at napagtagumpayan natin ang hamon sa atin ng akademiya! Nawa’y manatili tayong nakatungtong sa prinsipyong makamasa sa pagharap naman sa hamon ng malawak na lipunan! At sa mga kakilala’t kaibigan ko sa UP Manila – kina Aries, Dave, Walter, MM, Harlon etc. na nagbigay ng tulong at compliment sa aking thesis, marami pong salamat!

Sa iyo Alex Falame. Ikaw ang nakasaksi ng mga pagtangis ko sa panahon ng panghihina.

Walang maliw ang aking pasasalamat sa pagsama sa akin sa lahat ng interbyu at porum, sa pag-edit ng mga kinakailangang larawan sa thesis, at higit sa lahat, sa pagtanggap ng mga sakripisyo para sa buong taon ng aking pagiging graduating student. Maraming maraming salamat! At higit sa lahat, sa Panginoong walang maliw na ipinamalas ang pag-ibig at dakila niyang plano para sa aking buhay. Mula sa iyo at hiram lamang ang lahat ng regalong ito, ibinabalik ko ito sa iyo Panginoon ng buong pagpupuri at pasasalamat!

Lahat kayo ay naging sandigan ko sa buong panahon ng pagbubuo sa pananaliksik na ito. Maraming maraming salamat! Nawa’y yakapin niyo ang tagumpay na ito na para na ring sa inyo.

xiiDIASPORAATPELIKULA

Mga Acronym

CTUHR - Center for Trade Union and Human Rights

DFA - Department of Foreign Affairs

DH - Domestic Helper

EPZ - Export Processing Zone

ILO - International Labour Standards

NI - National Industrialization

OCW - Overseas Contract Worker

OFW - Overseas Filipino Worker

OWWA - Overseas Worker Welfare Administration

POEA - Philippine Overseas Employment Administration

PSA - Philippine Statistics Authority

UNIFEM - United Nations Development Fund for Women

xiiiDIASPORAATPELIKULA

Abstrakto Sa pagbaybay sa kasaysayan ng pandaigdigang migrasyon ng kababaihan,

kasabay nitong sumibol ang kaliwa’t-kanang mga pelikulang nagtampok ng

pakikibakang ito. Higit pa sa enterteynment, naging bahagi na ang pelikula, mula

pa noong panahon ng Soviet Russia, sa pagpapalaganap ng progresibong kultura at

katotohanan. Nilalatag ng pag-aaral ang papel ng pelikula sa pagpapataas ng

panlipunang pakikisangkot ng mamamayan. Gamit ang Marxismong dulog,

napatunayan sa pamamagitan ng mga kwantitatibo at kwalitatibong datos na

mayroong ugnayan ang institusyonalisasyon ng mga labor export policies at ang

burukratisasyon sa industriya ng pelikula. Inilalantad ng kasalukuyang kalagayan

ng maraming OFW films at ng nagpapatuloy na forced migration ang oryentasyong

import-dependent at export-oriented ng ating bansa, ang malawakang kawalang-

empleyo at ang masidhing pangangailangan para sa industriyalisadong bansa.

xivDIASPORAATPELIKULA

Talaan ng Nilalaman Maleta, Kahon, Karatula …………………………………………………………………….…. iii Pagsayaw sa ritmo ng Praxis ………………………………………………………………… iv-vi Pasasalamat ………………………………………………………………………………..... vii-xi Mga Acronym ………………………………………………………………………………...... xii Abstrakto ………………………………………………...…………………………….……… xiii Talaan ng Nilalaman ………………………………………………………………....…… xiv-xv Mga Talahanayan at Larawan ………………………………………………………………… xvi KABANATA I: INTRODUKSIYON ……………………………………………………… 1-18 § Suliranin ng Pananaliksik …………………………………………………………..………. 2 § Layunin ng Pananaliksik …………………………………………………………….……... 5 § Konseptuwal na Balangkas ………………………………………………………………… 8 § Teoretikal na Balangkas …………………………………………………………………… 12 KABANATA II: MGA KAUGNAY NA LITERATURA ……………………...……….. 19-39 § Statistika at Propayl ng Kababaihang Migrante …………………………….………..…… 20 § Mga Pwersang Nagtulak sa Kababaihan sa Migrasyon …………………….……..……..... 22 § Financial Remittance: Bunga ng Panggagatas …………………………….……..……..... 24 § Diskriminasyon at Karahasan sa Migranteng Kababaihan ……………….…….……......... 25 § Pelikula bilang instrumento ng pagmumulat …………………………….……....………... 29 § Mukha ng Kababaihan sa Pinilakang-tabing …………………………….….…………..… 32 § Si Flor sa Kamera: Ang Kababaihang Migrante sa Pelikulang Pilipino .….…………….... 33 § Vaginal Economy – Seksuwalisasyon ng Pambansang Kaunlaran…...………………….... 36 § Tunggalian ng Imperyalista at Progresibong Kultura …………………..……………….... 37 KABANATA III: METODOLOHIYA ……………………………………………...…… 40-47 § Disenyo ng Pananaliksik …………………………………………………………….…...... 41 § Lugar at Panahon ng Pangongolekta ng Datos ……………………………….….…...…… 41 § Instrumento sa Pagkalap ng Datos ……………………………………….………………... 41 § Instrumento sa Analisis ng Datos ………………………………………………….……… 46 KABANATA IV: PRESENTASYON NG MGA DATOS ……………………………… 48- § Pakikibakang overseas – sa pelikula at kasaysayan ……………………………………. 49-57

o Mapa ng mga Migrante …………………………………………………………… 49 o Kasaysayan ng Migrasyon sa bansa ………………………………………………. 50 o Peminisasyon ng Pandarayuhan ……………………………………...…………… 52 o Kasaysayan ng Migranteng Pilipina sa lente ng Pelikula ……………………...…. 54

§ Ugnayan ng Pelikula at Lipunan sa usapin ng Migrasyon ……………………………..... 58-68

o Ang mga kababaihang migrante …………………………………………………….. 58

xvDIASPORAATPELIKULA

o Kuwentong-buhay ng mga migranteng Pinay ……………………………………..... 59 o Ang mga alagad ng Pelikula …………………………………………………...……. 63 o Dalubhasang Pananaw sa OFW films ………………………………………..……… 65 o Migrante Internasyonal at OFW films ……………………...…………………….…. 67

§ Pulso ng Masa sa Pelikula ……………………………………………………..………... 69-80 § Migrasyon at Pelikula: Panawagan at Polisiya …………………………...……..…...….. 80-82 KABANATA V: UGNAYAN SA KASAYSAYAN: PELIKULA, KRISIS, AT KARAHASAN ………………………………...…………….. 83-90 KABANATA VI: KRITIKAL NA PAGSUSURI ……………………………………… 91-101 § Analisis sa Pananaw ng Manonood sa Tatlong Pelikula ………………………………….. 92 § Ugnay ng datos ng sarbey sa mga kuwentong-buhay ……………………………….…….. 92 § Analisis sa mga Naratibo ng kababaihang migrante ……………………………….……… 95 § Papel ng Pelikula sa Pagsulong ng Migranteng Kababaihan …………………….……...… 97 § Sapilitang Migrasyon bilang Lumalalang Epidemya sa Lipunan ……………….………… 98 § Pelikula at Kababaihan: Globalisasyon at Karahasan …………………………………….. 100 § Mga Dinamikong Pananaw …………………………………………………………...….. 101 § Imperyalistang Kultura – pelikula’t merkado’y namamanipula ………………….…….… 103

KABANATA VII: KONKLUSYON ……………………………………………...…… 104-110 KABANATA VIII: REKOMENDASYON ………………………………………….…111-113 KABANATA IX: LIMITASYON NG PAG-AARAL …………………………...…… 114-115 Sanggunian ……………………………………………..……………..………………... xvii-xxii Mga Apendiks …………………………………………………………………………….. xxiii

xviDIASPORAATPELIKULA

Talaan ng Talahanayan at Larawan KABANATA I Talahanayan 1.1 Uri ng eksternal na migrasyon ayon kay 3

Sharon Lee Balangkas 1.1 Konseptuwal na balangkas ng pananaliksik 8 Balangkas 1.2 Balangkas ng analisis sa desisyong mirasyon 13

batay sa modelo ni Michael Todaro KABANATA II Talahanayan 2.1 Bilang ng mga Pilipinong migranteng may 19

kontrata sa iba’t ibang bansa Talahanayan 2.2 Bilang ng mga Pilipinong migrante sa 20

iba’t-ibang uri ng trabaho KABANATA III Balangkas 3.1 Paraan ng pagsusuri sa bawat pelikula sa 43

mga aspetong panlipunan KABANATA IV Imahe 4.1 Bilang ng mga OFW sa Top 10 destination 47

Countries ng overseas Filipino labor Imahe 4.2 10 klase ng trabaho sa abroad na mayroong 47

pinakamalaking bilang ng mga OFW Imahe 4.3 Timeline ng kasaysayan ng migrasyon sa Pilipinas 48 Imahe 4.4 Mga yugtong pinagdadaanan ng mga migrante at 64

mga nakaambang karahasan sa bawat yugto Graph 4.1 Bilang ng OFW na dine-deploy kada taon 49 Talahanayan 4.1 Mga pelikulang nagtampok sa Kababaihang Migrante 52 Talahanayan 4.2 Propayl Matrix ng mga Migranteng babae na umupo 56 sa Focus Group Discussion Diagram 4.1 Venn diagram ng karahasan sa kababaihan batay sa 68 tatlong pelikula Diagram 4.2 Venn diagram ng karahasan sa migrante batay sa 71 tatlong pelikula Talahanayan ng mga karahasan sa kababaihan sa bawat pelikula 66-67 Talahanayan ng mga karahasan sa migrante sa bawat pelikula 69-70 Talahanayan ng kwantitatibong resulta ng sarbey 71-72

1DIASPORAATPELIKULA

Kabanata I Introduksiyon

“Ang pelikula at lipuan ay hindi dapat magkahiwalay. Ang pelikula at lipunan ay dapat magkaugnay.

Walang pelikula kung walang lipunan.”

(Lamangan, J., 2017)

2DIASPORAATPELIKULA

Suliranin ng Pananaliksik

“Bakit ganoon, ang lalaki kapag binigyan niya ang pamilya niya ng pagkain, damit, agad sasabihin ng mga tao: ‘Aba! Mahusay siyang ama’. Pero kapag babae ka, kahit ibinigay mo na’ng lahat ng iyon sa mga anak mo, kasama pa pati puso mo, pati kaluluwa mo, parang hindi pa rin sapat na tawagin kang mabuting ina” – Anak, 2004

Isa lamang ito sa mga mabibigat na linyang binitawan ng karakter ni Vilma Santos

sa dekalibreng drama kanyang pinagbidahan. Ang daloy ng istorya ng buhay ni Josie

(karakter ni Vilma Santos sa Anak) at ng malaking porsiyento ng mga babaeng migrante

ay nagtatagpo sa iisang punto ng buhay – kapwa mga kababaihang manggagawang

nakipagsasapalaran at umaasa sa mataas na sahod sa ibayong-dagat.

Batid ni Rolando Tolentino sa kanyang artikulong Globalizing National

Domesticity sa Philippine Studies (2009), tila nakadikit na sa terminong ‘Filipina’ ang

imahe ng pagiging domestic worker sa maraming bansa. Sa Gresya, bahagi ng kanilang

diksiyonaryo ang salitang ‘Filipineza’ (Filipina) na ibig sabihin ay ‘domestic servant;

someone who performs nonessential auxiliary tasks’ at nagkaroon din ng mga ibinebentang

Pilipinang manika sa Hong Kong kung saan mayroon itong aksesoryang pasaporte,

kontrata, at balikbayan box (Ebron, 2002).

Inilatag ni Sharon Lee sa kanyang kabanatang Issues in Research on Women,

International Migration and Labor sa librong Asian Women in Migration (1996), ang iba’t

ibang uri ng sistema ng migrasyon (Tingnan ang Talahanayan 1.1). Ang sinasaklaw ng

pag-aaral ay ang mga migranteng nabibilang sa kategoryang Guest/Contract workers kung

saan wala sa plano ng mga ito na manirahan sa ibang bansa.

Lubos na dumarami ang mga pelikulang nagtatampok sa mga kababaihang

migrante – mula sa panahong naging matunog ang kaso ni Flor Contemplacion noong 1995,

3DIASPORAATPELIKULA

na siyang isinapelikula (The Flor Contemplacion Story2), hanggang sa makabagong

perspektiba sa mga babaeng migrante sa kasalukuyan. A Mother’s Story3, The Caregiver4,

Migrante: The Filipino Diaspora5, at iba pa – ilan lamang ito sa mga OFW films6 na

nagsentro ng mga karakter sa kababaihan. Iba’t ibang genre na ng mga OFW films at iba’t

ibang anggulo na rin ng mga naratibo ng migrante ang binigyang-pokus ng

pagsasapelikula. Ayon pa kay Rolando Tolentino, ang mga nilikhang pelikula na

nagtampok sa isyu ng mga kababaihang migrante ay ang pantapat diumano sa mga

pelikulang nagbibida ng kabayanihan ng kalalakihan. Ang mga overseas contract workers

(OCW) diumano ang nagiging target ng malalaking institusyon ng media na hindi

nahihiwalay sa interes ng estado usaping politikal at ekonomiko (Tolentino, 2009).

Ang patuloy na produksiyon ng mga ganitong uri ng pelikula sa ating bansa ay

sumasalamin at naglalantad sa nagpapatuloy na penomenon ng pandarayuhan ng malaking

bilang ng migranteng kababaihan. Sa Lebanon pa lamang, umaabot na sa 22, 860 ang

2 Ang pelikulang The Flor Contemplacion Story, na pinagbidahan ni Nora Aunor, ay hango sa kaso ng isang domestic helper sa Singapore na binitay noong 1995 sa kasong pagpatay sa kapwa Pilipinong domestic helper. 3 Ang A Mother’s Story, na pinagbidahan ni Pokwang, ay kuwento ng isang inang nag-illegal alien upang makapagtrabaho sa Amerika. 4 Ang The Caregiver ay pelikula ng Star Cinema na pinagbidahan ni Sharon Cuneta na nakasentro sa kuwento ng isang dating public school teacher na lumipad sa London upang maging caregiver. 5 Migrante ay pelikulang pinagbidahan ni Jodi Sta. Maria kung saan ang bidang karakter ay babaeng migrante dumanas ng kaharasan sa Jerusalem 6OFW films – terminong ginagamit ni Rolando Tolentino sa kanyang mga akda para tukuyin ang mga pelikulang nagsentro ng mga karakter sa mga migrante.

4DIASPORAATPELIKULA

kababaihang Pilipino na domestic worker noong Hunyo 2015 (Center for Migrant

Advocacy, 2016).

Talahanayan 1.1. Uri ng eksternal na migrasyon ayon kay Sharon Lee

Kakabit ng pagnanais na makamit ang isang tunay o ganap na kaunlaran (genuine

development) ay ang pagkamit sa isang tunay at pambansang industriyalisasyon. Hindi

iwinawaksi ng pambansang industriyalisasyon ang mahalagang papel ng kababaihan sa

lakas-panggawa, ngunit dahil sa globalisasyon, nagiging mukha ng pagsasamantala, imbis

na pagsasakapangyarihan, ang peminisasyon sa paggawa (IBON, 2002).

Sa kabila ng naiaambag ng eksportasyon ng lakas-paggawa sa ekonomiya, hindi

maitatangging napakataas din ng bilang at lebel ng karahasang natatamasa ng malaking

bilang ng mga migrante, lalo na sa kababaihang nakararanas ng double burden dahil sa

kanilang trabaho at kasarian. Patunay dito ang mga inilatag na pelikula kung saan iba’t-

ibang mga mukha ng karahasan at suliranin ang itinatampok sa bawat pelikula at

kadalasang makikita na babae ang bida sa mga pelikulang patungkol sa mga overseas

Filipino workers (OFW). Ang karanasan ng maraming Pilipinong migrante ay isa sa mga

naratibong nananatiling hindi lubusang nailalantad. Maging sa sari-sariling pamilya ng

maraming migrante, tila kagyat lamang ng kanilang pinagdaanan ang nasasabi nila sa mga

Uri Primaryang iskema

Sekondaryang iskema Halimbawa

Permanent Immigrant Settlement manirahan magtrabaho US, Canada,

Australia Long-term

establishment magtrabaho manirahan France, Sweden, Hong Kong

Guest/Contract Workers magtrabaho magtrabaho

Middle East, Germany, Singapore

Ethnic minorities o recent immigration

walang ispesipikong imigrasyon

manirahan o magtrabaho Japan

5DIASPORAATPELIKULA

ito dulot ng matindi at kakila-kilabot na karanasan na kinailangan nilang tawirin upang

tumawid naman sa gutom ang pamilyang naiwan sa Pilipinas. Kung pagbabatayan ang

Structuralist approach sa pagsuri sa karanasan ng mga migrante, inuugat nito ang

karahasang natatamasa ng mga migrante sa hindi pantay na relasyon sa pagitan ng mga

bansang nag-eeksport at nag-iimport ng manggagawa sa isang kapitalistang merkado, at

ang mga highly-developed na ekonomiya ng mga core nations ang pangunahing nagdidikta

ng magiging relasyon nito sa mga peripheral nations (Lee, 1996).

Sinusuri ng pag-aaral ang mahalagang papel ng pelikula sa kalagayan ng mga

kababaihang migrante at ang ugat ng patuloy na produksiyon ng mga OFW films. Gayundin,

nais ng pag-aaral na matukoy ang iba’t-ibang pagkokoteksto sa pelikula ng kalagayan ng

mga babaeng migrante na direktang napapanood ng ordinaryong mamamayan at maaaring

makaapekto sa kanilang panlipunang pagtingin. Ang instrumentong panlibangan ay

maaaring maging instrumento ng panlilinlang na magbabaluktok sa pananaw ng

mamamayan sa usapin ng migrasyon ng kababaihan at magbibigay ilusyong nasa

pangingibang-bansa ang sagot sa kaginhawaang nais matamasa ng malaking bahagi ng

sektor ng manggagawa.

Layunin ng Pananaliksik

Pangunahing layunin ng pag-aaral ang masuri ang konteksto ng mga pelikulang

nagtampok ng karanasan ng mga kababaihang migrante batay sa perspektiba ng masang

manonood at matukoy ang panlipunang epekto at ambag ng mga ito.

Sa paghimay sa pangunahing layunin, inilalatag ang mga sumusunod na

sumusuportang layunin na bubuo sa balangkas ng pag-aaral:

1. Matukoy ang kalahagahan ng pelikula sa pagpapalaganap ng mga naratibo ng mga

kababaihang migrante mula sa perspektiba ng:

1.1 mga manunulat at direktor ng pelikula

1.2 masang manunood

6DIASPORAATPELIKULA

1.3 mga kababaihang migrante

1.4 mga kritiko at dalubhasa sa pelikula

1.5 pangmasang-organisasyong Migrante;

Ang patuloy na pagpoprodus ng mga pelikulang gaya ng ‘Anak’ at ‘A Mother’s

Story’, at ang walang humpay na pagpatok ng mga ito sa takilya ay sumasalamin sa

malaking papel na ginagampanan ng mga ganitong uri ng pelikula sa mundo ng sining,

komunikasyon, at realidad. Nais ng unang layunin ng pananaliksik na matukoy ang

kahalagahan ng mga ganitong obra mula sa limang perspektiba, upang mabigyang

kahulugan ang patuloy na pagtaas ng demand sa mga obrang tampok ang mga

kababaihang migrante.

2. Masuri ang konteksto ng tatlong pelikulang Pilipinong The Flor Contemplacion Story,

A Mother’s Story, at Migrante: The Filipino Diaspora

2.1 Mailatag ang mga porma ng karahasang naitatampok sa mga pelikula;

2.2 Mahambing ang mga perspektiba at pagsusuri ng mga manonood sa mga

pelikulang tampok sa pananaliksik;

2.3 Matukoy ang mga misrepresentasyong ipinakikita ng mga pelikula sa karanasan

ng kababaihang migrante;

Sa paglalatag ng mga porma ng karahasan, layunin nitong tukuyin ang mga limitasyon

ng pagsasapelikula bilang daluyan ng impormasyong makatotohana’t napapanahon.

Layunin din nitong suriin ang epekto ng iba’t ibang porma ng pagkokonteksto ng suliranin

ng karakter na babaeng migrante, sa pang-unawa ng mga manonood. Sa paghahambing sa

perspektiba ng mga manonood sa tatlong pelikula, layuning matukoy ang pagkakaiba-iba

ng mga suliraning tinatalakay at masuri kung paano nakikita o nauunawaan ng manonood

ang konteksto pelikula. Bilang panghuli, bahagi ng pagsusuri sa konteksto ng mga pelikula

ay ang pagtukoy sa mga inihaing misrepresentasyon sa kababaihan at sa kanilang

pakikibaka bilang mga migrante na maaaring makapagpabaluktot ng katotohanang dapat

inilalantad.

7DIASPORAATPELIKULA

3. Malaman ang posisyonalidad ng mga manunulat at direktor sa pagbubuo ng mga

pelikulang nagtatampok ng pakikibaka ng mga kababaihang migrante;

Nais ng pag-aaral na ugatin ang pinagmulan ng mga ideyang isina-obra ng mga

manunulat at direktor ng pelikula. Sa pag-alam ng mga naging motibasyon ng mga

pangunahing utak ng pagsasapelikula, masusukat ang pagiging epektibo ng mga obra sa

pagsasalamin ng kalagayan ng mga kababaihang migrante.

4. Mailatag ang mga naiaambag ng mga pelikulang tatalakayin sa pag-angat ng

kalagayan ng mga kababaihang migrante at sa kamalayan ng masang manunood;

Nais basagin ng pag-aaral na ang pelikula ay nililikha lamang bilang libangan.

Nananatili ang konotasyon na isang porma lamang ng eskapismo at indibidwalismo ang

pagtangkilik ng masa sa mga sine kung kaya’t kinonsidera ng pananaliksik ang hamong

mailatag ang ambag at papel ng pelikula sa lipunan ng peminisadong pandarayuhan.

5. Masuri kung paano sinasalamin ng mga pelikula ang iba’t ibang aspetong panlipunan:

5.1 politikal

5.2 ekonomiko

5.3 kultural;

Ang pagsibol ng mga OFW films ay hango sa makatotohanang konteksto ng buhay

ng mga indibidwal at ng lipunan. At ang walang mintis na paglikha at pagtabo sa takilya

ng mga ganitong uri ng pelikula ay repleksiyon ng isang nagpapatuloy na pakikibaka ng

mga kababaihang migrante sa realidad at mataas na pagtangkilik ng masa rito. Kung kaya’t

layunin ng pananaliksik na matukoy kung paano ipinakikita sa mga ganitong uri ng pelikula

ang istruktural na kahirapan ng lipunan sa pamamagitan ng paglalantad nito sa kalagayang

politikal, ekonomiko, at kultural na aspeto ng bansa, na sumusukat sa layunin nitong

magmulat.

6. Matukoy ang pananaw ng mga kababaihang migrante sa pagkokonteksto sa kanilang

pakikibaka sa loob ng pelikula;

8DIASPORAATPELIKULA

Karugtong ng pagsukat sa antas ng kahalagahan ng mga ganitong uri ng pelikula batay

sa mismong mga babaeng migrante ay ang pag-alam sa kanilang pananaw sa ganitong

midyum ng pagpapalaganap ng impormasyo’t kaalaman tungkol sa kanila.

9DIASPORAATPELIKULA

Konseptuwal na Balangkas

Nakasentro ang pag-aaral sa mga pelikulang Pilipinong nagtatampok ng pakikibaka

ng mga kababaihang migrante. Ikinakahon ng pananaliksik ang pagsusuri ng pelikula sa

mga aspeto ng laman, biswalisasyon, at kuwento (storyline). Samantala, nakakonteksto ang

pag-aaral sa kababaihang migrante sa mga aspetong pakikibaka ng mga OFW,

representasyon sa imahe ng kababaihan (women image representation), at mga karahasan

laban sa kababaihan (violence against women). Malinaw na inilalahad sa balangkas ang

ugnayan ng pelikula at kababaihang migrante na materyal na ipinapakita sa mga obrang

10DIASPORAATPELIKULA

*The Flor Contemplacion Story (VIVA Films:1995:Lamangan), A Mother’s Story (Star

Cinema:2008:Lazatin), at Migrante: The Filipino Diaspora (XITI

Productions:2012:Lamangan).

Bahagi ng pananaliksik ang pagtukoy sa kahalagahan ng OFW films batay sa

pananaw ng mga direktor at manunulat ng pelikula, mga kritiko at dalubhasa sa pelikula,

masang manunood, mismong mga kababaihang migrante, at ng Migrante International na

lahat ay kapwa maituturing na aspeto ng produksyon. Mahalaga na matukoy ang pananaw

ng mga direktor at manunulat sa kahalagahan ng mga nasabing obra dahil sa kanilang mga

isipan unang inihuhulma ang laman, biswalisasyon, at istorya ng mga pelikula. Bahagi ng

layunin ng pananaliksik ang malaman ang motibasyon ng mga direktor at manunulat sa

pelikula sa pagbuo ng mga natatanging obra – mula sa pagsusulat ng iskrip (script)

hanggang sa pagkuha ng bawat eksensa sa harap ng kamera. Sa labas ng isang production

staff ay mga kritiko at dalubhasa sa larangan ng Pelikula na sa kabuuan ay maituturing ding

bahagi ng obra dahil sa naiaambag nilang pag-aaral at kritikal na pag-aanalisa sa konteksto

at iba pang aspeto ng pelikula. Mahalagang makuha ang perspektiba ng mga kritiko’t

dalubhasa upang makakuha ng ibang anggulo ng paliwanag, na nakabatay sa malawak at

akademikong pananaw sa kahalagahan ng mga pelikulang tampok ang kababaihang

migrante.

Malaki ang partisipasyon ng masang manunood o audience ng pelikula sa pagsusuri

ng kahalagahan ng mga ipinalalabas sa pinilakang-tabing. Malinaw na sinasalamin ng

milyon-milyong kita sa takilya ng mga pelikula ang taas ng suporta at tindi ng pagtangkilik

ng masa. Ang pagtabo ng 24.8 milyong piso, sa loob lamang ng dalawang linggo, ng A

Mother’s Story (Star Cinema) ni John Lazatin (kung ikukumpara sa iba pang mga

pelikulang pinondohan ng mainsteam producers) ay manipestasyon ng pagtangkilik ng

masa na sumasalamin sa pagiging epektibo nito na mahamig ang manonood. Bagamat

bahagi ng masang manunood ang mismong mga kababaihang migrante, mahalagang

mabigyang pokus ang partikular nilang pananaw sa kahalagahan ng pagsasapelikula ng

kanilang mga karanasan. Sa tala ng Philippine Statistics Authority noong 2015, pumapalo

sa 51.1% ng kabuoang bilang na 2.4 na milyong Pilipinong migrante ang babae sa iba’t

ibang rehiyon ng mundo. Nakikita sa mga sandaling eksena sa ibang mga pelikula na ang

11DIASPORAATPELIKULA

karakter ng isang babaeng OFW o overseas Filipino worker ay may pagtangkilik din sa

mga pelikula’t teleseryeng gawa sa Pilipinas na kadalasa’y kilig ang emosyong ipinapakita

habang pinapanood ang mga loveteam na Pinoy. Ano kaya ang nagiging reaksyon ng mga

babaeng migrante habang nakikita ang sarili sa karakter ng isa ring babaeng OFW sa mga

pelikulang Pilipinong napapanood sa ibang bansa? Ang pelikulang The Flor

Contemplacion Story, na hango sa isang totoong pangyayari, ay mainam na halimbawa

para sa mga kababaihang migrante upang matukoy ang antas ng kahalagahan ng

pagsasapelikula para sa kanila – ‘nakikita ba nila ang kahalagahan at implikasyon ng

pagsasapelikula ng trahedyang nangyari sa buhay ni Flor Contemplacion bilang isang

migrante?’

May ilang mga pelikulang Pilipino ang nagtampok ng mga bidang babaeng OFW

gaya ng Milan (Star Cinema) ni Olivia Lamasan noong 2004. Sa pelikulang ito’y mas

nangibabaw ang romantisismo dahil ang primaryang uri ng pelikula ay romantiko-drama

at maliit na bahagi lamang ng mga eksena ipinakita ang hirap ng pagiging migrante ng mga

karakter. Kabilang din sa mga ganitong pelikula ay ang In the Name of Love (Star Cinema)

din ni Olivia Lamasan noong 2011 na na kinunan naman sa bansang Japan. Ipinakita rito

ang sakripisyo ng karakter ng bidang babae bilang danser sa Japan upang makalaya sa

bilangguan ang kasintahan. Bagamat mas nabigyang-empasis sa pelikulang ito ang bigat

ng trabaho’t sakripisyo ng babaeng migrante, mas nangibabaw pa rin sa buong pelikula ang

romantisismo.

Mahalagang bahagi sa pagsuri ng antas ng kahalagahan ng pagsasapelikula ng

pakikibaka ng mga kababaihang migrante ang perspektiba ng isang organisadong samahan

na araw-araw ay nahaharap sa iba’t ibang mukha ng karahasan at kuwento ng mga

Pilipinong migrante – ang Migrante International. Bagamat malaki ang papel ng Migrante

International maging ng ibang mga NGO sa pagtugon sa mga kaso at problema ng mga

Pilipinong migrante, hindi madalas na naipapakita ito sa mga pelikula, lalo’t higit ay sa

mga iprinodus ng malalaking korporasyon ng media. Mahalaga na makuha ang opinyon ng

Migrante sa pagtukoy ng kahalagahan upang matukoy kung epektibo ba ang mga uri ng

pelikulang pinoprodus sa pagpapataas ng diskurso ng masa sa realidad na kinahaharap ng

mga babaeng migrante.

12DIASPORAATPELIKULA

Nilalayon ng pag-aaral na masukat ang antas ng kahalagahan ng mga nasabing

pelikula upang mahimay ang mga naiaambag nito sa kamalayan at komunidad ng masang

manunood sa aspetong politikal, ekonomiko, at kultura.

13DIASPORAATPELIKULA

Sa tesis ni EJ Dela Cruz noong 2016 na may titulong ‘You Are What You Watch’, batid nito

na may epekto sa nabubuong identidad ng isang indibidwal at lipunan ang eksposyur sa mga uri

ng pelikulang napapanood at inihahain ng merkado. Bahagi ng pagbabagong-identidad ay ang

pagbabago ng antas ng kamalayan ng masang manunood. Bagamat may iba’t ibang uri o genre

ang pelikula – aksyon, pantasya, komedi, horror, musikal, historikal, drama kung saan nabibilang

ang mga obrang pokus ng pananaliksik, at iba pa – hindi mawawala ang panganganak ng mga

bagong kaalaman o personal na aral sa bawat pagtatapos nito. Nais bigyang pokus ng pananaliksik

ang mga pagbabago sa kamalayan ng masa sa aspetong politikal, ekonomiko, at kultural dahil

sumisibol mula rito ang pagbabago sa pagtingin ng masang manunood sa istruktura ng lipunan. Sa

bahaging ito’y nais suriin ng pag-aaral ang pagiging epektibo ng pelikula bilang midyum (medium)

ng pagpapataas ng panlipunang kamalayan sa mga manunood nito.

Karugtong ng pagbabago sa antas ng kamalayan ay ang pagbabagong hatid ng pelikula sa

lipunan. Bagamat maituturing na isang primaryang midyum ng komunikasyon at sining ang

pelikula, nananatiling malaking kuwestiyon kung may ganap bang ambag ang paglikha ng mga

pelikulang tampok ang mga panlipunang isyu sa komunidad o partikular na sektor na nagiging

paksa ng pagsasapelikula.

Kung titingnan sa imahe, mayroong putol-putol na linyang nakapalibot sa mga unang

tinalakay na bahagi ng balangkas at sa labas nito’y mga salitang ‘pagsusuri sa konteksto ng

pakikibaka ng migranteng kababaihan’. Ipinakikita ng bahaging ito na higit pa sa anim na layunin

ng pag-aaral ay ang kabuuang pagsusuri sa kinasasadlakang kalagayan ng migranteng kababaihan

na pagsisibulan ng tindig at panawagan ng buong pag-aaral. Nilalayon ng mananaliksik na sa

pagkakabuklod-buklod ng mga datos ay mabuo ang pagsusuri, na gaya ng pelikula, ay

makapagpapalinaw ng katotohanan at magbibigay-panawagan para sa sektor ng migrante at

kababaihan.

14DIASPORAATPELIKULA

Teoretikal na Balangkas

Nakasandig ang pag-aaral sa Marxismong dulog na kumikilala sa mga teoretikal na

konseptong ‘substructure’ at ‘superstructure’ ng lipunan kung saan itinuturing na base o

substructure ang aspetong pang-ekonomiko na mayroong mga pwersa at relasyon sa produksyon

na humuhubog sa katangian ng lipunang mayroon sa kasalukuyan. Mula sa ekonomikong base ay

sisibol ang superstructure kung saan ito ay mga aspetong panlipunan – kultura, politika, mga

panlipunang institusyon gaya ng media, edukasyon, relihiyon, at pamilya, na sumasalamin sa

interes ng naghaharing-uri (ruling class) na siyang kumokontrol sa ekonomikong base (Cole,

2016). Mas pinagtitibay ng teorya ni Karl Marx ang kahalagahan ng pag-aaral ng pelikula bilang

kultural na instrumentong sumibol at kasalukuyang pinagtitibay ang ekonomikong base ng

lipunan.

Sa pag-aaral ng migrasyon, gagamitin ng mananaliksik ang pinakaunang teorya sa

migrasyon na binuo ni Ernest Ravenstein noong 1889 kung saan ginamit nito ang datos sa census

ng England at Wales. Batid ng kanyang ‘Laws of Migration’ na ang migrasyon ay sinasakop ng

prosesong ‘push-pull’ kung saan ang hindi kaaya-ayang kondisyon sa isang partikular na lugar ang

nagtutulak (‘push’) sa mga taong umalis sa lugar samantalang ang mga paborableng kondisyon sa

labas ng kanilang lokasyon ang humihila (‘pull’) sa mga taong lumipat dito. Dagdag pa ng ‘Laws

of Migration’ ni Ravenstein, ang primaryang dahilan ng migrasyon ay ang mas maayos na

eksternal na ekonomikong oportunidad (Net Industries, 2016).

Batay sa modelo ng migrasyon ni Michael Todaro, Sa kabila ng malawakang kakulangan

sa trabaho sa mga urbang lugar, patuloy ang migrasyon ng mga mamamayan mula sa mga baryo

at rural na lugar. Isang ekonomikong penopenon diumano ang migrasyon kung saan pinipili ng

mga nandarayuhan ang lugar o merkado, urban o rural, kung saan namamaksimisa ang inaasahan,

at hindi aktwal, nilang kikitaing halaga (expected over actual gains). Sinusukat ang inaasahang

kita (expected gains) sa pamamagitan ng lamang ng halagang kikitain sa urban kaysa sa rural na

merkado at ang probabilidad na makakuha ng trabaho sa urban ang isang nandarayuhan. Ang

probabilidad na makakuha ng trabaho sa urbang merkado ay may baliktad na relasyon sa bilang

ng kawalang-empleyo sa urban (Economic concepts, 2016).

15DIASPORAATPELIKULA

Binibigyang paliwan ni Todaro kung bakit nagpapatuloy ang pagtaas ng bilang ng mga

lumilipat mula sa rural hanggang sa urban sa kabila ng mataas na bilang ng kawalang-empleyo sa

urban. Kung susuriin, bagamat sa migrasyong rural-urban nakapokus ang modelo ni Todaro, hindi

ito naiiba sa sitwasyon sa pandaigdigan migrasyon, maliban lamang sa usapin ng employment,

sapagkat nananatiling mataas ang demand para sa mga manggagawa sa ibang bansa. Dahil sa

mataas na probabilidad na magkaroon ng trabaho at malaking pagitan ng sahod sa Pilipinas at

destinasyong bansa, patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga migrante. Ngunit batid ni Todaro, hindi

Imahe 1.1: Iskematikong balangkas ng analisis sa desisyong migrasyon. Mula sa Economicsconcepts.com (2016) sa http://economicsconcepts.com/michael_p_ todaro's_model_of_rural_urban_migration.htm

16DIASPORAATPELIKULA

sinusukat ng ganitong kaisipan ang bigat ng Psychic costs7 (Tingnan ang Imahe 1.1) na bahagi ng

halaga ng migrasyon (Cost of migration) kung saan isang napakalaking sugal ang pandarayuhan,

at ang taas ng probabilidad nila sa empleyo ay taas din ng probabilidad nilang makaranas ng mga

karahasan at diskriminasyon sa dayuhang bansa. Bilang pagsusuri, nakikita ng mananaliksik ang

papel ng media, partikular ng pelikula, bilang midyum na tagapagpalaganap ng mapanghamig na

kaisipan sa mga nagnanais mandarayuhan sa pamamagitan ng mas pagbibigay-diin sa usapin ng

mataas na sahod at empleyo sa kabila ng kawalang kasiguruhan sa kaligtasan.

Sa bahagi ng pag-aaral sa kababaihan, partikular sa aspeto ng karahasan at

misrepresentasyon, ginamit ng mananaliksik ang ‘Violence triangle’ ni Johan Galtung (1969),

batay sa paliwanag at pagtalakay ni Rajkumar Bobichand noong 2012 sa website ng Galtung

Institut, kung saan klinasipika ang tatlong uri ng karahasan: personal o direkta, hindi direkta o

istruktural, at kultural o simboliko.

Ang personal o direktang karahasan ay naka-ugat di umano sa kultural at istruktural na

karahasan. Kadalasan ay nasa porma ito ng pisikal na pananakit gaya ng rape, pagpatay,

pamamalo, at iba pang paraang direktang tinatamaan ang katawan. Ayon kay Galtung (1969),

nabibilang din sa ganitong porma ng karahasan ang berbal na pananakit at pananakot gaya ng

pagbabanta. Binigyang-kahulugan nito ang personal o direktang karahasan bilang porma na

bumabalakid sa isang indibidwal upang makamit nito ang mga pangangailangan at mataas na

potensiyal.

Kasabay na paglaki ng isang indibidwal ang pagsilang ng kultural na karahasan kung saan

mas namamayagpag ang mga makasaysayang kuwento ng giyera at tunggalian, na punong-puno

ng iba’t ibang mukha ng karahasan. Nabibigyang-atensyon lamang ang kaso ng pagpatay kung iisa

o iilang indibidwal ang naging biktima, ngunit sa usapin ng patayan sa mga giyera, mas

binibigyang-pokus ang pagkapanalo ng isang bansa o grupong umubos at pumatay ng daan-daan

7Psychic costs at Costs of migration – mga terminong ginamit ni Michael Todaro sa kanyang Migration model. Costs of migration ay laki at bigat ng isinaaalang-alang sa pandarayuhan gaya ng cost of living, transport costs, opportunity cost, at psychic costs. Ang Psychic costs ay sabset ng social cost kung saan nagiging insentibo ito o disbentahe sa pag-angat ng kalidad ng buhay (hal. stress at posibleng insidente).

17DIASPORAATPELIKULA

o libo-libong katao. Tila naging bahagi na ng kultura o pangkaraniwang kaalaman ang karahasang

iginuguhit sa kasaysayan (Bobichand, 2012). Ang istruktural na porma ng karahasan ay isang

bahagi ng pagsasalamin sa sistematikong kahirapan sa lipunan, kung saan isang partikular na

grupo, lahi, bansa, o sektor ang may monopolyadong kontrol sa mga rekursong na pinagmumulan

ng kanilang kapangyarihan sa ekonomiya at politika. Sa tatlong uri ng karahasang inilatag ni

Galtung (1969), maiu-ugnay ang pagtukoy sa ambag ng pagsasapelikula ng naratibo ng mga

babaeng migrante sa komunidad at kamalayan sapagkat ang unang hakbang sa paghahanap ng

solusyon at paggawa ng aksyon ay ang pag-uugat sa mga suliranin at pinagmumulan ng iba’t ibang

porma ng karahasang natatamasa ng paksa na sektor (Bobichand, 2012).

Sa tatsulok ng pag-aaral ni Galtung (1969), batid niya na ang direkta o personal na

karahasan ay naka-ugat sa isktruktal at kultural na karahasang laganap sa lipunan, na sa pag-igting

ng mga istruktural na pagpapanipula’y nagiging bahagi na ng kultural na porma ang mga tumitindi

at lumalalang direktang karahasan. Malaki ang ambag ng lohika ng ‘Violence triangle’ sa

pagsusuri sa karahasang natatamasa ng mga kababaihang migrante sa global na konteksto ng

migrasyon kung saan mula sa istruktural na aspeto, partikular sa manipulasyon at kontrol ng

malalaking bansa sa mga papaunlad na bansa, nagbunga ang paglago ng migrasyon na punong-

puno ng direktang karahasan sa mga migrante mula sa mga dayuhang amo. Nakararanas ng double

burden ang mga kababaihang migrante dahil maliban sa mga pisikal at berbal na pananakit, mas

bulnerable sila sa mga sekswal na karahasan. Sa kawalan ng aksyon at proteksyon sa mga

migrante, nanatili ang ganitong estado ng mga manggagawa sa abrod hanggang sa kasalukuyan

kung saan tinitingnan na lamang ang mga ganitong uri ng karasahan na bahagi ng buhay na pinasok

ng mga migrante. Dahil sa nahubog sa pagiging isang kultural na karahasan ang kalbaryo ng mga

kababaihang migrante, naging normal na rin ang pagsasapelikula ng kanilang pakikibaka, bagamat

sa loob ng mahabang panahon at marami nang nagdaang pagsasapelikula ay nananatiling sadlak

pa rin ang mga ito sa pare-parehong porma ng karahasan.

Iniuugnay ng mananaliksik ang konsepto ng ‘Violence triangle’ ni Galtung (1969) sa

peministang dulog (Feminist approach) sa karahasan kung saan isinasaad nito na ang karahasang

natatamasa ng kababaihan ay nakaugat sa patuloy na umiiral na patriarkal na katangian ng lipunan

o ang dominasyon ng kalalakihan sa lahat ng kasarian. Ang hindi pantay na pagkilala sa kasarian

at kapangyarihan ang mas nagpapaigting ng pagiging bulnerable ng kababaihan (Knowledge for

18DIASPORAATPELIKULA

Growth, 2011). Sa pagbibigay-diin sa kultural na porma ng karahasan ni Galtung, iniuugnay dito

ang peministang dulog kung saan ang mga pisikal na porma ng karahasan ay naka-ugat sa kultural

na kontekstong nagbibigay-permiso sa isang indibidwal upang gawin ang nasabing pananakit, na

naka-ugat sa pagtanggap ng lipunan sa loob ng mahabang panahon sa konsepto ng patriyarka na

nagbukas sa malawak na pagtanggap sa iba’t ibang porma ng karahasan (Ferraro & Pope, 2006).

Sa aspetong kultural, sasandalang dulog din ng pananaliksik ang Marxismo (Cultural

Marxism) kung saan mga kultural na analisis nina Antonio Gramsci (1985) at Walter Benjamin

(1969)8 ang pangunahing bibigyang-diin. Kinikilala ni Gramsci (1985) ang gahum (hegemony)

bilang instrumento ng nasakapangyarihang intelektwal at kultural na pwersa na nagbibigay sa

kanila ng kalayaan upang patuloy na magdomina. Malaki ang papel diumano ng mga institusyon

sa lipunang sibil – simbahan, media, eskuwelahan, pop culture, etc. – sa pagpapa-igting sa gahum.

Bahagi rin ng pinalalaganap ng mga ito ay ang pagsasakapangyarihan ng kalalakihan (male

supremacy) at partikular na lahi o etnisidad sa lipunan. Kombinasyon diumano ng hegemonya at

dominasyon o puwersa (ideological and repressive state apparata) ang pamamaraan ng

nasakapangyarihan upang mapanatili ang kasalukuyang porma ng lipunang pumapabor sa interes

ng iilan (Kellner, 2016).

Batid naman ni Benjamin (1969) na maaaring maghubog ng mga kritikal na indibidwal ang

kultura ng media na may kapasidad na suriin ang kanilang kultura katulad ng isang manonood ng

sports na kayang kilatisin at bigyang ebalwasyon ang mga atletikong aktibidad. Sa usaping

pampelikula, hinamon ni Benjamin ang mga progresibong manlilikha o alagad ng kultura na

baliktarin ang burges na layunin ng mga instrumentong pangkultura, partikular ang teatro at

pelikula, upang maging espasyo ng politikal na kamalayan at diskurso ang mga ito, at hindi lamang

maging pormang panlibang ng manonood (Kellner, 2016).

Ang ideya nina Gramsci at Benjamin ay magkaugnay sapagkat pinaliliwanag ni Gramsci

ang papel ng mga institusyon sa pagpapanatili sa kasalukuyang mapaniil na estado ng lipunan

habang pinupukaw naman ni Benjamin ang mamamayan na baliktarin at gamitin ang mga

institusyong ito, partikular ang media at pelikula, bilang negasyon sa mga ideolohiyang

pinalalaganap ng nasakapangyarihan. Malaking ambag ang mga kaisipang ito sa pananaliksik

8Batay sa paliwanag ni Douglas Kellner sa kanyang akademikong papel na Cultural Marxism and Cultural Studies (2016)

19DIASPORAATPELIKULA

sapagkat mas pinagtitibay nito ang pundasyon ng layunin ng pag-aaral sa pamamagitan ng

pagkilala sa kahalagahan ng pelikula sa pagpapataas ng panlipunang kamalayan.

Bilang panghuling teorya ng pananaliksik, nais nitong bigyang diin ang kahalagahan ng

konsentisasyon o Conscientization ni Paulo Freire mula sa Pedagogy of the Oppressed (1970) at

ang ‘V-effect’ o ‘Alienation effect’ ni Bertolt Brecht (1936). Nagmumula ang ideya ng

konsentisasyon sa isang mapagpalayang edukasyon o pagmumulat kung saan maaaring maging

midyum ang pelikula. Nakakamit ito sa proseso ng pakikipag-diskurso, repleksyon-aksyon-

repleksyon, at sintesis. Ayon kay Freire, nakakamit at mas napaiigting ang Conscientization sa

pamamagitan ng patuloy na pagharap sa mga sosyal, politikal, at ekonomikong kontradiksyon, at

ang patuloy na paggawa ng aksyon laban sa mga mapangahas na elemento ng lipunan. Mahalaga

ang papel ng pelikula, bilang daluyan ng impormasyon sa pagpapalaganap ng konsyentisasyon

sapagkat itinatampok nito ang iba’t ibang konteksto at isyu ng lipunan na nakapagbubukas-

kamalayan sa mga manunood. Ngunit bahagi lamang ang pelikula sa buong proseso sapagkat

upang mapalalim ang konsyentisasyon, nangangailangan ito ng mas kritikal na diskurso sa

pamamagitan ng mga mapagpalaya at hindi kolonyal na pang-akademikong pag-aaral.

Bagamat ginamit ni Brecht ang ‘V-effect’ sa konteksto ng teatro, mailalapat din ang

koseptong ito sa usaping pampelikula. Intensyon ng ‘V-effect’ na kumbinsihin ang mga manunood

na huwag lamang basta tanggapin ang mga nakikitang mga eksena kundi mag-isip at kritikal na

tingnan ito sa realidad na konteksto ng lipunan. Hinahamon ng ‘V-effect’ na basagin ng manunood

ang ilusyong nakikita at maunawaan na mayroong mas makatotohanang konsepto sa labas ng

teatro, o maging sa likod ng kamera. Malaki ang ambag nito sa pagbabago ng kamalayan ng

manunood ] sapagkat ginigising nito ang mga manunood na huwag magpakulong sa mga

problemang inihahain lamang ng bawat eksena sa sine kundi analisahin ang mas malawak at mas

malalim na ugat nito na hindi kadalasang bahagi ng mga ipini-frame ng mga pelikula. Dagdag pa,

binabasag ng ‘V-effect’ ang three-act scenario9 ni Aristotle na gaya sa mga pelikula hindi

9 Three-act-scenario ni Aristotle – pormang laganap sa mga naratibong pelikula kung saan nahahati sa tatlong akto ang pelikula. Sa unang akto ay ang pagpapakilala kung bakit dapat tunghayan ang pelikula, paglalakbay at pagpapakilala sa bida. Sa ikalawang akto nabibilang ang

20DIASPORAATPELIKULA

matatapos ito nang walang dumadating na solusyon sa mga suliranin ng bidang karakter.

Pinalalaganap ng konseptong ito ang pag-asa ng mga tao sa mga darating at panandaliang solusyon

sa lantad na problema. Mahalaga ang papel ng koseptong ‘V-effect’ dito sapagkat bahagi ng

binabasag nito ay ang pagsandal sa mga solusyon sa lantad na suliranin at ang kawalang bahid ng

pagsusuri at pagdiskubre sa mas kritikal na mga sulirani’t solusyon (Linatoc, 2016)10.

pinakamalalaking eksena ng pakikitunggali ng bida sa kontrabida. Ang huling akto ay pagbaba ng tama sa pelikula kung saan pinakikita ang kinahantungan at magandang pagwawakas ng pakikitunggali ng bida. 10Mula sa DS 122 (Alternative Development Models) lecture notes ng mananaliksik noong 2016

21DIASPORAATPELIKULA

Kabanata II Mga Kaugnay na Literatura

“I think it is a very serious indignant ng isang gobyerno na napapanatiling nakatayo ang ekonomiya dahil sa remittances ng mga mamamayan nitong alipin sa ibang bansa”

(Ilagan, B., 2017)

22DIASPORAATPELIKULA

I. Statistika at Propayl ng Kababaihang Migrante

Sa datos ng sarbey ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2015, pumapalo sa 2.4

milyon ang bilang ng mga overseas Filipino workers (OFW) sa iba’t ibang bansa (PSA, 2016).

Ang OFW, ayon sa IBON, ay isang kolektibong terminong tumutukoy sa mga overseas contract

workers (OCW) at migranteng manggagawang walang kontrata, at tanging ang mga remittance na

napipiga sa mga ito ang pinakamalaking pinagmumulan ng foreign exchange ng bansa (IBON,

Enero 2006). 97.1 na porsyento ng mga OFW ang maituturing na OCW at 2.9 ang walang kontrata

(PSA, 2016). Kasalukuyang Pilipinas ang ikalawa sa mga bansang pinakanag-eeksport ng mga

migranteng manggagawa sa mundo. Mula sa 3,600 na OFW ang umaalis ng bansa araw-araw

noong 2009, pumalo na sa 6,000 manggagawa ang umaalis noong 2015 (CTUHR11, 2016).

Nananatiling Saudi Arabia pa rin ang bansang may pinakamaraming Pilipinong migrante batay sa

datos ng POEA noong 2014 (Tingnan ang Talahanayan 2.1). Samantalang nananatiling malaking

porsyento naman ng mga migrante ay service workers ang okupasyon sa ibang bansa (Tingnan

ang Talahanayan 2.2). 51.1 porsyento ng mga manggagawang nangingibang-bansa ay kababaihan

(PSA, 2016). Ayon kay Aida Santos sa kanyang sanaysay na The Philippines: Migration and

Trafficking in Women (2001), mas bata ang edad ng kababaihang sumasabak sa pagtatatrabaho sa

ibang bansa kumpara sa edad ng mga kalalakihan. Batay sa kanyang datos, 3 sa bawat limang

11 Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR)

Talahanayan 2.1. Bilang ng mga Pilipinong migranteng may kontrata sa iba’t ibang bansa. Datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) noong 2014. Mula sa http://www.poea.gov.ph/ofwstat/compendium/2014.pdf

23DIASPORAATPELIKULA

babaeng OFW ang nasa edad 20 hanggang 34, habang 52.6% naman ng kalalakihang OFW ay

nasa edad 30-44 (Santos, 2001).

Sa sanaysay ni Sharon Lee na Issues in Research on Women, International Migration and

Labor sa librong Asian Women in Migration (1996), batid nito na nakararanas ng labor market

crowding o segementasyon ang mga kababaihang migrante kung saan narerekonsentra sa

limitadong industriya at trabaho ang mga ito. Ayon sa IBON, ang malaking bilang ng mga babaeng

migrante ay pumapatak lamang sa dalawang kategorya ng trabaho sa ibang bansa: (1) ang pagiging

domestic helper at (2) at pagiging entertainer (IBON, Agosto 2006).

Ayon kay Rolando Tolentino sa kanyang librong National/Transnational: Subject

Formation, Media, and Cultural Politics In and On the Philippines (2001), ang unpaid labor sa

bansang pinagmulan ay paid labor sa patutunguhang bansa kung kayat milyon-milyong

kababaihan ang tumangkilik sa trabahong ito. Bagamat malaking bahagi ng mga kababaihang ito

ay nakapag-aral, pinili ng mga itong iwan ang propesyon upang kumita ng mas malaki sa mga

menyal na trabaho (Tolentino, 2001).

II. Mga Pwersang Nagtulak sa Kababaihan sa Migrasyon

Naglatag ng 10 push and pull factors si Aida Santos, sa librong A Comparative Study of Women

Trafficked in the Migration Process (2001), na nagtataguyod ng female migration sa Pilipinas:

1. Ang mismong mga polisiya sa migrasyon ng gobyerno ng Pilipinas ay masiglang

isinusulong ang rekrutment ng kababaihan sa pamamagitan ng mga yunit ng pamahalaan

at ahensyang nagrerekrut;

Talahanayan 2.2. Bilang ng mga Pilipinong migrante sa iba’t ibang uri ng trabaho. Datos ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) noong 2014. Mula sa http://www.poea.gov.ph/ofwstat/compendium/2014.pdf

24DIASPORAATPELIKULA

2. Laganap ang gender stereotyping kung saan mas sinasadlak at kinukulong ang kababaihan

sa mga trabahong caregiving at enterteyment;

3. Ang paglala ng kahirapang nakakonteksto sa mga structural adjustment programs na

nagdudulot ng kawalan ng lupa ng mga rural na komunidad, na mas nagtutulak sa

kababaihan na maging manggagawa;

4. Ang pag-angat ng bilang ng mga female-headed households dulot ng pagbasag sa

tradisyonal na istruktura ng pamilya;

5. Kawalan ng oportunidad sa lokal na empleyo para sa mga kababaihan na nagtutulak sa

marami na pataasin ang antas ng kakayahan;

6. Papataas na pagsandig sa kababaihan sa usapin ng pagkakakitaan lalo na sa mahihirap na

pamilya;

7. Demand sa mauunlad na bansa para sa mga kababaihang migrante;

8. Pag-boom ng ekonomiya ng ilang bansa;

9. Pagsasarili ng ilang kababaihan sa usaping pampinansyal at personal sa mga bansang

pinagtatrabahuhan;

10. Ang pagiging normal na bahagi na ng lipunan ang prostitusyon at mga trabahong naka-

ugnay sa sex industry na kadalasang itinuturing na bahagi ng industriya ng enterteynment

Ang mga inilatag na push and pull factors ni Santos (2001) ay hindi lamang nakabatay sa

mga istruktural na kontektsto kundi mayroon ding personal na dahilan. Ngunit ang mga personal

na dahilan ay sekondarya lamang sapagkat nagmumula ang mga personal na pagnanais ng mga

migrante na magtrabaho sa ibang bansa dahil sa kahirapang kanilang kinasasadlakan na bunga ng

mga politikal at ekonomikong sistema.

Ayon pa rin sa A Comparative Study of Women Trafficked in the Migration Process (2001),

ang pagbagsak ng demand sa manggagawa kalalakihan sa Kanlurang Asya ang nagsilbing hudyat

sa mga manggagawang kababaihan na sumalang sa migrasyon. Dahilan din ang tradisyunal na

kaugaliang hindi dapat pinababayaan ng babae ang kanyang pamilya kung kaya’t dapat itong mag-

abroad kung saan mas malaki ang kita, ang natatamasang kalayaan ng kababaihang migrante sa

ibang bansa ay nakaiimpluwensya sa iba ring kababaihan (Raymond, 2001). Batid din ni Jean

D’Cunha, ang kinahinatnang kalagayan ng mga kababaihan bilang mga komoditing ineeksport ay

25DIASPORAATPELIKULA

dulot ng katangiang desentralisado, sab-kontraktwal ng produksyon, at export-oriented ng

globalisasyon at structural adjustment programs (Cunha, 2001). Malaki ang pakinabang ng

pamahalaan sa ganitong uri ng kalakaran sapagkat nakaaambag ito sa kabawasan ng utang

panlabas at nakapagpapataas ng remittance ng bansa. Ngunit ayon kay Raymond, hindi lamang

tipikal na kahirapan ang nagtutulak sa malawakang migrasyon ng mga kababaihan kundi dulot din

ng natural, ekonomiko, at politikal na kalagayan ng bansa kagaya ng mga interbensyong militar at

kalamidad (Raymond, 2001). Sinususugan ito ng datos ng IBON noong 2006 kung saan malaking

bahagdan ng mga kababaihang migrante sa Pilipinas ay mula sa mga rehiyon na biktima ng

militarisasyon, malawakang kawalan ng empleyo (massive unemployment), at labis na kahirapan

(abject poverty). Halos 23,154 babaeng migrante ang nagmula sa Maguindanao (IBON, Agosto

2006).

Maging mga propesyunal ay nahihila ng mataas na sahod at mas kompetetibong

pagsasanay sa ibang bansa. Sa tala ng IBON noong 2003, ang isang doktor sa Pilipinas ay naka-

iipon ng P50,000 kada buwan samantalang sumasahod and isang nars sa Estados Unidos ng $4,350

o P234,900 (P54 = $1) kada buwan (taong 2002-2005 nang magbukas ng kalahating milyong

oportunidad ang US para sa mga nars). Ngunit sa katotohanan diumano’y nakararanas ang mga

propesyunal ng ‘deskilling’ kung saan bumababa ang antas ng trabaho ng mga ito pagdating sa

ibang bansa (hal. ang nars sa Pilipinas ay nagiging caregiver sa Canada) (IBON, 2003). Ayon pa

kay Rolando Tolentino12, 100 milyong dolyar ang nareremit sa Pilipinas kada taon ng 50,000 mga

nars sa Estados Unidos. Batay diumano sa Alliance of Health Workers, ang diasporang ito ay dulot

ng tatlong istruktural na batayan: (1) kasalukuyang labor export policy ng gobyerno, (2) mahigpit

na istratehiya sa pagrerekrut ng mga lokal na internasyunal na ahensya, at ang (3) Kanluraning

oryentasyon ng edukasyong Nursing sa Pilipinas (Tolentino, 2001). Patunay lamang na hindi

lamang mga kababaihang may mababang natamong edukasyon ang umaasa sa magandang

oportunidad na inihahain ng migrasyon.

12 National/Transnational: Subject Formation, Media, and Cultural Politics In and On the Philippines (2001)

26DIASPORAATPELIKULA

III. Financial Remittance: Bunga ng Panggagatas

Tinalakay ng IBON sa kanilang isyu na Declining OFW Remittances ang pagiging

bulnerable ng mga papaunlad na bansa (developing countries) sa labis na pagsandal nito sa

remittance dulot ng mga krisis na nararanasan ng mga destinasyong bansa. Dahil sa krisis sa mga

mauunlad na bansa, naitalang nasa 210-239 milyon ang walang trabaho noong 2009 na sumalamin

sa 6.5% at 7.4% na pandaigdigang kawalan ng empleyo (global unemployment). Upang diumano’y

tugunan ng malalaking bansa ang resesyon, nagpatupad ang mga ito ng mga polisiyang ukol sa

paggagawa na nagpabawas ng kota sa mga tatanggapin at tuluyang nagtanggal ng mga migranteng

manggagawa (IBON, Hulyo 2009).

Sa ginawang sarbey ng Bangko Sentral ng Pilipinas noong 2009, lumalabas na halos 75% ng

mga pamilyang sumasandig sa remittance ay nagagamit lamang ang pera para sa mga primaryang

pangangailangan gaya ng pagkain, edukasyon, at medikal na gastusin, 11% ang napakikinabangan

ang pera upang makabili o makapagpaayos ng bahay, 6% ang nakapaglalagak pa sa investments,

at 5.5% ang nakabibili ng mga sasakyan. Lumalabas diumano sa resulta ng sarbey na hindi

nailalaan ang mga remittance sa pagpapaunlad ng agrikultura o industriyal na produksyon, kundi

ay bilang mga pambayad sa mga pampublikong serbisyong dapat ay tinutugunan ng pamahalaan

(IBON, Hulyo 2009).

Binigyang-diin din ng IBON sa isyung ito ang uri ng mga trabahong tinatanggap ng mga

OFW ay repleksyon ng desperasyon ng mga Pilipino na maka-ipon ng sapat na kita sapagkat 76.5%

ng mga ineksport na manggagawa noong 2007 ay mga low-skilled o unskilled workers (IBON,

Hulyo 2009).

Kontra sa dahilang walang sapat na trabaho sa Pilipinas, ayon sa Philippine Labor and

Employment Plan (2011-2016), job mismatch ang dahilan ng kawalan ng empleyo ng marami.

Kung kaya’t sa halip na gumawa ng mas maraming trabaho ang gobyerno, mas binibigyang-pokus

nito ang job facilitation kung saan nagsisilbing ahensya ng rekrutment ang pamahalaan sa mga

OFW. Malaking bahaging sinasaklaw ng 22-Point Agenda ni dating Pangulong Noynoy Aquino

ay nakapokus sa labor export policy na nagpapabilis ng pag-eeksport sa mga mangagawa. Hindi

nahadlangan ng tumataas na bilang ng pagpatay sa mga OFW, ng pagkalat ng malalalang sakit sa

27DIASPORAATPELIKULA

Middle East, at ang krisis sa ekonomiya ng mga bansa sa Europa ang pagsandig ng dating pangulo

ang labor export policy (CTUHR, 2016).

IV. Diskriminasyon at Karahasan sa Migranteng Kababaihan

Ayon kay Noeleen Heyzer at Vivienne Wee, sa Domestic Workers in Transient Overseas

Employment: Who Benefits, Who Profts sa librong The Trade in Domestic Workers: Causes,

Mechanisms, and Consequences of International Migration (1994), ang mga gawain sa bahay ay

itinuturing diumanong ‘dirty work’ na kusang kayang gawin ng kababaihan kahit walang

pagsasanay. Dulot ng ganitong pagtingin, itinuturing diumano ang empleyo sa domestikong

serbisyo bilang impormal na trabaho (informal work) at hindi ‘formal waged employment’ (Heyzer

& Wee, 1994).

Dagdag pa nina Heyzer at Wee, ang mga negosyong umunlad dahil sa pakikipagkalakalan

ng mga kababaihang kasambahay ay tumubo diumano mula sa debalwasyon ng domestikong

trabaho bilang gawaing-pangkababaihan, opportunity cost ng pagtalima ng mga kababaihan sa

edukasyon at alternatibong empleyo, at kakulangan ng legal na proteksyon ng mga manggagawang

komoditi ng pandaigdigang kalakalan ng paggawa (Heyzer & Wee, 1994).

Seryosong usapin sa mutinasyonalismo at transnasyonalismo ang pagiging bulnerable at

atrasado ng kondisyon ng kababaihan sa trabaho na tinalakay ni Rolando Tolentino sa kanyang

librong National/Transnational: Subject Formation, Media, and Cultural Politics In and On the

Philippines (2001). Isinalarawan ni Tolentino ang epekto ng multinasyonalismo sa pamamagitan

ng mga trabahong binuksan ng mga export processing zones (EPZs) sa mga kababaihan.

Nasasadlak sa murang lakas-paggawa (cheap labor) at manwal at tradisyunal na gawaing

pangkababaihan ang mga manggagawang babae dulot ng dibisyon sa trabaho batay sa kasarian

kung saan ang mabibigat na industriya (heavy industries) gaya ng pagmimina, pagmamanupaktura

ng mga makinarya at ekwipment ay sa mga lalaking manggagawa lamang napupunta, at ang

itinuturing na light industries naman gaya ng pagpoproseso ng pagkain, pagmamanupaktura ng

mga tela at damit, ang agad ibinibigay sa kababaihan. Ang mga trabaho diumanong ibinibigay sa

mga kababaihan ay paulit-ulit at tila iisang gawain (monotonous task) lamang na hindi

nakatutulong upang tumaas ang antas ng kaalaman at kakayahan ng kababaihan sa ibang trabaho.

28DIASPORAATPELIKULA

Dahil dito, nasasadlak sa kawalan ng alternatibong trabaho at mga dead-end jobs ang mga

kababaihan. Dagdag pa, ang bilang ng mga kababaihang may trabaho ay nahahati sapagkat mas

binubuksan ng mga employer ang oportunidad para sa mga hindi pamilyadong babae upang

mapanatiling mababa ang kaso ng absenteismo (absenteeism) at mas may lakas na kayanin ang

bigat ng trabaho (Tolentino, 2001).

Dagdag pa ni Tolentino na ang militarisasyon bilang isang manipestasyon ng

neokolonyalismo ay nagpapalala at nagpapasikip sa daan ng kababaihan tungo sa maayos at

makataong trabaho. Ang pagbubukas ng mga base militar ay nagbukas din ng mga komersiyal na

libangan para sa mga dayuhang sundalo na naging pintuan ng karahasan para sa mga kababaihan.

Deskripsyon dito ni Tolentino na tila mga magnet ang mga base militar na umaaakit sa

naghihikahos na mga katawang mula sa mga rehiyong pinakasadlak sa kahirapan. LBFM o ‘little

brown fucking machines’ ang taguri sa mga kababaihan ng mga dayuhang sundalo (Tolentino,

2001).

Sa ulat ng United Nations Development Fund for Women (UNIFEM) noong 2003 sa

Human Rights Protections Applicable to Women Migrant Workers, maraming kababaihang

migrante ang bagamat may kontrata ay hindi naman nauunawaan ang laman nito, hindi

nakatatanggap ng kopya nito, at hindi nakamamalay na napalitan na ang laman ng kontrata. Ang

kawalan ng akses sa kontrata ng mga kababaihang nasa impormal o ilegal na sektor ay hadlang sa

kanilang malayang pag-akses sa mga korte at institusyon ng hudikatura. Ayon din diumano sa

International Labour Standards (ILO), ang pangunahing dahilan ng eksploytasyon at sapilitang

paggawa (forced labor) ay ang hindi pagpapatupad ng mga ‘labour standards’ ng mga bansa.

Talamak diumano sa mga ilegal na ‘domestic worker’ ang kaso ng labis na seklusyon (Seclusion)

kung saan ginagamit na dahilan ng mga employer ang kanilang pagiging ilegal upang ikulong sila

sa loob ng bahay o pinagtatrabahuhan. Kadikit ng pagkukulong sa mga migrante ay ang

pagkukumpiska sa mga pasaporte at dokumento ng mga manggagawang ito upang hindi makatakas

diumano sa mga employer (UNIFEM, 2003).

Hindi garantiya ang legal na rekrutment o migrasyon upang maligtas sa sekswal na

eksploytasyon ang mga migrante. Ilan sa mga porma ng eksploytasyong inilatag ni Santos ay:

29DIASPORAATPELIKULA

sapilitang paggawa o serbisyo, labis na pang-aalipin, ilegal na pagkukulong o detensiyon,

pagkakait ng pera at pagkain, pagtatali sa kanila sa utang, pagkakait ng sosyalisasyon, lampas sa

oras na pagtatrabaho. Naharap din diumano ang mga biktima sa sekswal na ekspolytasyon upang

makabayad sa pagkakautang (Santos, 2001).

Sa pag-aaral ni Aida Santos (2001), inilatag nito ang anim na sitwasyon na mas

nagpabulnerable sa mga kababaihan sa seksuwal na trafficking at eksploytasyon:

(1) Kahirapan at kawalan ng ekonomikong oportunidad

(2) Mababang antas ng natamong edukasyon at kakulangan ng inpormasyong ibinibigay sa

proseso ng rekrutment

(3) Kasaysayan ng seksuwal na pang-aabuso

(4) bigat ng impluwensya ng pamilya

(5) Pagnanais ng kababaihan sa personal at ekonomikong pagpapasya

(6) Mga kuwento ng nagtagumpay na migrante sa ibang bansa (Santos, 2001).

Naglatag din si Santos na mga karahasan at pagmamaltratong nararanasan ng mga

kababaihang migrante sa ibang bansa: pagkakakulong, pagkahawa sa mga sexually-transmitted

diseases, pisikal at mental na karamdaman, pang-aabusong sekswal, maagang terminasyon ng

kontrata, pagtatrabaho ng lampas sa itinakdang panahon sa kontrata, pagtakas, kamatayan, at

problema sa pamilya.

Sa tala ng Migrante noong Hunyo 2015, 11 kababaihang Pilipino ang nakakulong sa ibang

bansa ang nasa ilalim nila kung saan dalawa ang nasa death row. Naglatag ang Migrante ng mga

suliraning kinahaharap ng mga migranteng Pilipinong nasa piitan na manipestasyon diumano ng

kakulangan sa serbisyo ng pamahalaan upang masiguro ang kaligtasan ng mamamayan nito. Ilan

sa mga suliranin ay ang (1) kawalan ng representasyon sa mga panahon ng pag-aresto at

imbestigasyon, (2) kawalan ng mga pribadong abogado sa panahon ng prosekusyon, (3)

pagsasantabi sa pamilya ng mga migrante sa panahon ng paglilitis sa kaso, at (4) hindi paghingi

ng pamahalaan ng ibang legal na aksyon upang magkaroon ng makatarungang paglilitis sa kaso

ng mga nasa death row (Migrante International, 2015).

30DIASPORAATPELIKULA

Talamak din sa mga migrante ang kaso ng misteryosong pagkamatay o mysterious deaths

kagaya ng ibinalita ng Pinoy Weekly noong Nobyembre 14 2016, namatay ang isang tatlong

buwan pa lamang na OFW sa Saudi na si Irma Jotojot dahil sa labis na pagdurugo at mga bugbog

sa katawan (Pinoy Weekly, 2016).

Sa usapin ng diskriminsyon sa kasarian, inihain din ng ulat ng UNIFEM (2003) ang tatlong

penomena sumasalim dito – (1) Gender Wage Gap, (2) Segregasyon sa merkado ng lakas-

paggawa (Labour Marker Segregations), at (3) Glass Ceiling. Sa ulat diumano ng ILO, kumikita

lamang ang kababaihan ng 20-30% ng kinikita ng kalalakihan. Mayroong uganayan ang gender

wage gap sa labour market segregation kung saan hinihiwalay batay sa kasarian ang trabaho sa

merkado at naiiwan sa kababaihan ang magagaang trabaho na may mabababang sahod (UNIFEM,

2003).

Tinalakay din ni Tolentino13 ang kalagayan ng mga sex worker sa Japan kung saan

entertainer ang oryentasyon ng trabahong iniaalok sa mga Pilipina ngunit isang iskema lamang

pala ito upang maabot ang demand sa sex market sa Japan (Tolentino, 2001). Ayon kay Judy

Taguiwalo sa kanyang librong Intensifying Working Women’s Burdens: The Impact of

Globalization on Women Labor in Asia (2005), isang eupemismo (euphemism) ng prostitusyon

ang industriya ng entertainment sa ibang bansa kung saan bagamat ipinasasailalim ang mga

kababaihan sa kultural na pagsasanay, sa mga bar din ang ibinabagsak ang mga ito. Laganap din

ang mga kaso ng human trafficking at white slavery sa ibang bansa kung saan maraming

kababaihan ang natulak sa prostitusyon sapagkat sila’y minsang pinangakuan ng trabaho

(Taguiwalo, 2005).

Ang pagsasapelikula ng pakikibaka ng kababaihang migrante at iba pang sektor sa lipunan

ay hindi isang bagong penomenon sapagkat ayon kay Denise Youngblood14 (1992), ginamit ng

Soviet Russia noong 1920s ang pelikula bilang midyum na makatutulong sa pagbasura ng burges

na ideolohiya sa kanilang sosyalistang lipunan. Naniniwala ang pamahalaan ng sosyalistang

13 National/Transnational: Subject Formation, Media, and Cultural Politics In and On the Philippines (2001) 14Movies for the masses: Popular cinema and Soviet sciety in the 1920s (1992)

31DIASPORAATPELIKULA

Russia na pelikula ang pinakabatang midyum ng sining kung kaya’t ito ang may pinakamaliit na

impluwensiya mula sa burges na kultura (Youngblood, 1992).

V. Pelikula bilang instrumento ng pagmumulat

Sa librong Cinematic Sociology, nakasaad na sa sosyolohikal na perspektiba,

nakakonteksto ang pagsusuri sa pelikula sa kung anong mga naratibo ang tinatalakay at kung paano

ipinakikita o isinasalaysay ito sa isang pelikula. Mayroong apat na tema sa sosyolihiya kung saan

maaaring ikonteksto sa pagsasapelikula: (1) identidad, kung saan nakasentro ang maraming

pelikula sa pag-unlad ng isang karakter; (2) interaksiyon, kung saan isinasalaysay sa pelikula ang

mga interaksiyong sosyal ng mga karakter maging ang pagkakahiwalay (isolation/separation) ng

isang karakter sa iba; (3) di pagkakapantay-pantay (inequality), kung saan dito naka-ugat ang

dayalektika na mga pelikula na makikita sa porma ng uring panlipunan, lahi, kasarian, etc.; at (4)

mga institusyon na humuhubog sa mga karakter sa pelikula na mas nagpapatibay ng kanilang

identidad (Sutherland and Feltey, 2010).

Batay din sa nasabing libro, ang paggamit ng conflict perspective sa pelikula ay pagkilala

na ang pelikula ay nabuo at ginawa na may pagsandig sa pang-ekonomikong relasyon ng

kapangyarihan (economic relations of power), at hindi lamang isang ordinaryong rekord ng mga

pangyayari sa lipunan (Sutherland and Feltey, 2010).

Ayon kay Peter Hopkinson (1971), ang pelikula kagaya ng ibang porma ng mass media ay

mahalagang instrument upang makapagpalaganap at magturo ng iisang wika tungo sa pambansang

pagkakaisa. Ang patuloy o walang humpay na pagpapalaganap sa bawat rehiyon ng bansa ng

impormasyon ay mahalagang hakbang upang makamit ng pamahalaan ang pampolitikang

partisipasyon ng mamamayan. Tulad ng mga peryodiko at radyo, maaari ring magpalaganap ng

mahabang ideya at kaalaman ang pelikula sa mga larangan gaya ng agrikultura at kalusugan. Ang

kakulangan diumano sa mga ahenteng mamamayan at social workers na gumagabay sa pagbibigay

ng instruksiyon at kaalaman sa mga mamamayan, ay maaaring punan ng partisipasyon ng pelikula.

Maging sa larangan ng edukasyon, malaki rin ang maiaambag ng pelikula sa pagtuturo ng mga

bagong kurikulum hanggang sa training. Sa bahagi naman ng katutubong kalinangan, makikita

32DIASPORAATPELIKULA

ang ambag ng pagsasapelikula sa pamamagitan ng pagrerekord at pagpapalabas ng mga kultural

na gawain ng mga katutubo upang hindi ito tuluyang makalimutan (Hopkinson, 1971).

Ayon kay Bienvenido Lumbera sa kanyang akdang PELIKULA: An Essay on the

Philippine Film: 1961-1992, malaking bagay sana ang pelikula bilang educational tool kung

maayos na pinalalakad ng gobyerno, sa pamamagitan ng mga polisya, ang industriya ng pelikula

at hindi tiningnan lamang ito bilang porma ng pagkakakitaan. Malaki diumano ang papel ng mga

pelikulang nilikha bilang porma ng pag-aklas noong panahon ng Martial Law sa pagpapalaganap

ng mga konseptong ‘isip-talangka’, pambansang pagkakakilanlan, at pambansang kalayaan.

Pinatutunayan ng naging pag-aaral ni EJ Dela Cruz sa kanyang ‘You Are What You Watch:

The Role of Film in Identity Formation and Development in the Philippines’ (2016), na nakalilikha

ng positibong aksyon ang eksposyur sa mga manonood ng mga pelikulang tumatalakay sa mga

isyung panlipunan. Batid nito ang kahalagahan ng Mirror Hypothesis kung saan mayroong

ugnayan ang pagiging makatotohanan ng laman ng mga pelikula sa positibong pananaw at aksyon

ng manonood. Pinatunayan din ng kanyang pag-aaral ang naiaambag ng politikal na mga pelikula

sa ekonomiya na maaaring kumumbinsi sa pamahalaan na suportahan ang industriya ng pelikula

(Dela Cruz, 2016).

Kinikilala ni Joel David sa kanyang librong Wages of Cinema: Film in Philippine

Perspective (1998), na malaki ang epekto sa pelikulang Pilipino ng mga nagdaang kolonisasyon

sa bansa. Ayon kay Nick De Ocampo, pelikula ang huling pabaon ng Espanya at isa sa pinalawak

ng Amerikano at Hapones na industriyang panglibangan sa bansa (De Ocampo, 2016). Sa labis na

impluwensya ng mga kolonyalistang bansa, ang pelikula ay isa sa pangunahing nagpalaganap at

natakda ng lingua franca ng bansa sapagkat itinatakda ito ng mga may kontrol sa pagpoprodus ng

pelikula. Binanggit ni David si Bienvenido Lumbera sa sinabi nitong ang eksploytasyon sa pelikula

ay may malaking ugnayan sa kolonyalismo na walang humpay na tinatanggap naman ng masa

bilang porma ng komunikasyon at libangan (David, 1998).

Isa mga puna ni Emmauel Reyes sa pelikulang Pilipino, sa kanyang librong Notes on

Philippine Cinema (1989), ay ang konsepto ng overt representation kung saan talamak sa mga

pelikula ang kawalan ng lalim at intelektwal na konsepto. Malaking bilang diumano sa bansa ang

33DIASPORAATPELIKULA

walang akses sa edukasyon kung kaya’t maaaring hindi maka-ugnay sa pelikula ang malaking

bahagdan ng manonood kung kaya’t mas ginugugol ang mahabang oras ng pelikula sa pagpapakita

ng eksahirasyon, repetisyon, at daykotomi na pumipigil sa naratibo ng pelikula na mas lumalim at

umunlad. Problema rin, ani niya, ang pagkain ng malaking bahagi sa pelikula ng mga digression

o mga eksenang walang mahigpit na relasyon sa primaryang suliranin na lalong humahadlang sa

malalim na pag-unlad ng naratibo ng mga mainstream na pelikulang Pilipino. Binanggit ni Reyes

sa bahaging ito ang kosepto ng ‘tranquilizing effect’ ng pelikula kung tawagin ni Renato

Constantino kung saan naliligo sa pantasya ang mga pelikulang Pilipino (Reyes, 1989). Bahagi ito

ng nilalayon ng pananaliksik – ang mabasag ang mga hindi makatotohanang aspeto sa mga

pelikulang primaryang itinitema ang isyu ng migrasyon ng kababaihang migrante.

Tinalakay ni Choy Pangilinan (2016), sa kanyang paksang ‘Problematisasyon sa ugnayan

ng bansa at pelikula sa konteksto ng pambansang pelikula: Tungo sa makabayan at partisanong

sine’, na upang maging malinaw kung ano ba ng kahulugan ng pambansang sinema ay dapat

malinaw muna kung ano ang kahulugan ng bansa sa mga mamamayan. Mula sa punto de bista ni

Pangilinan, kinikilala nito na ang Pilipinas ay nananatiling malakolonyal at malapyudal, at

nahaharap sa maraming krisis tulad ng kawalang akses sa batayang serbisyo, militarisasyon sa

kanayunan, labis na migrasyon, patuloy na paglabag sa karapatang pantao, etc.

Dagdag pa ni Pangilinan (2016), ang pelikula ay bahagi ng kultura na kung saan ang

kultura, na salamin ng lipunan at identidad, ay kinokonkretisa upang ipasok ang politikal at

ekonomikong layunin. May mahigpit na ugnayan ang may hawak ng dominanteng kultura sa may

hawak ng politika at ekonomiya. Ngunit malaking bagay din ang kultura upang pagmulan ng

panibagong bisyon at kritikong bansa at bilang espasyo ng pag-aklas at pagtutol.

Isang mahalagang punto ni Pangilinan sa usapin ng problema sa pagtatakda kung ano ang

pambansang sinema ay ang usapin ng kanonisasyon kung saan ang ideolohiya ng isang pelikula

ay nakasandig sa ideolohiya ng institusyong nagkanonisa sa mga pelikulang ito. Binigay niyang

halimbawa ang Cinemalaya ng Cultural Center of the Philippines (CCP) kung saan hindi diumano

maituturing na alternatibong sinema ang Cinemalaya sapagkat produkto ito ng isang elitistang

kultural na institusyon na kilalang anti-manggagawa at oligarkiya (Pangilinan, 2016). Ipinakikita

34DIASPORAATPELIKULA

ng kanyang paliwanag ang pagkaroroon ng power relations sa paggawa ng pelikula na

nakapagbibigay-lamat sa pagkakakilanlan ng lipunan sa pelikula sapagkat ang alternatibong

sinema ay nagpapalakas ng boses diumano ng pag-aklas ng mamamayan.

VI. Mukha ng Kababaihan sa Pinilakang-tabing

Sa bahaging The World on Her Shoulders ng librong Notes on Philippine Cinema (1989)

ni Emmanuel Reyes tinalakay nito ang pangkaraniwang kalagayan ng karakter ng bidang babae sa

isang pelikula. Ayon kay Reyes, kadalasang pinalalabas ng mga pelikula na ang sariling ambisyon

ng isang babae ang nagiging ugat ng pagdurusa nito. Sa apat na dekada diumano ng melodrama sa

pelikula, nananatiling umiikot sa tunggalian ng mayaman o mahirap ang sentral na suliranin sa

naratibo. Nilatag ni Reyes ang kadalasang pinatutunguhan o kapalaran ng karakter ng babaeng

bida, na inihambing niya sa karakter ni Sharon Cuneta sa ‘Pasan ko ang Daigdig15’: (1)

Nakatatagpo ng suwerte sa buhay ang karakter na tila ito ang nagpapa-angat sa kanya mula sa

kinasasadlakan nitong kahirapan; (2) ang tagumpay na nakakamit ay nakabatay sa materyal na

kayamanang nakukuha ng babaeng karakter; (3) sinususugan ng ganitong naratibo ang paniniwala

ng isang relihiyon na ang pagdurusa ay mabuti kung kaya’t walang humpay ang pagtitiis ng mga

karakter na babae sa pang-aapi; (4) Bahagi na ng buhay ang kahirapan kung kaya’t hindi

kinukuwestiyon ng mga karakter sa ganitong naratibo ang kanilang kalagayan bagkus ay aasa na

lamang sa kapalaran sa pag-ahon; at (5) laganap na ‘isip-talangka’ kung saan ang mga mahihirap

ay kanya-kanyang diskarte sa pag-ahon at paninira ng pag-ahon ng kapwa mahirap, nakikita nito

bilang kakumpitensya ang imbis na kapwa biktima ng kahirapang kanilang kinasasadlakan (Reyes,

1989).

VII. Si Flor sa Kamera: Ang Kababaihang Migrante sa Pelikulang Pilipino

Tinalakay ni Alice Guillermo sa kanyang sanaysay na The Filipina OCW in Extremis sa

librong Geopolitics of the Visible (2000) ni Rolando Tolentino ang naratibo ng mga kababaihang

migrante na kadalasang tinatampok sa mga pelikula. Ang pakikibaka ng mga kababaihang

migrante na naging biktima ng karahasan sa ibang bansa ay sinubaybayan sa balita ng maraming

15 Pasan ko ang Daigdig (1987): Lino Brocka (Direktor), Pablo Gomez (Manunulat)

35DIASPORAATPELIKULA

tao, anuman ang kanilang uring kinabibilangan. Agaran namang kinukuha ng mga produser ng

pelikula ang pagkakataong itampok ang mga naratibong ito oras na humantong sa pagwawakas

ang kani-kanilang mga kaso upang makalikom ng malaking tubo mula sa mainit na isyu at upang

ilantad ang kahirapang nararanasan ng mga OCW. Binigyang diin ni Guillermo dito bilang

halimbawa ang naratibo ni Flor Contemplacion, isang kasambahay sa Singapore na binitay noong

1995 dahil sa akusasyong pagpatay sa kapwa nito Pilipino at isang batang Singaporean.

Inihayag ni Guillermo na karaniwang tema sa mga naratibo ng mga manggagawa sa ibang

bansa ang pagpapahala ng mga ito sa edukasyon ng mga anak o miyembro ng pamilya bilang

solusyon sa kahirapan. Sa pagbibigay kritisismo nito sa tatlong pelikulang nagtampok kay Flor

Contemplacion16, sa iba’t ibang porma diumano ipinakita ang hirap na kinasadlakan ni Flor –

maaaring sa pagpapakita ng pamilyadong buhay nito at ang pagkasira ng relasyon nila ng kanyang

asawa, maaari ring sa pagpapakita ng hirap at bigat ng kanyang trabaho bilang domestic helper, o

sa pagpapakita ng aysolasyong naranasan nito habang nasa piitan sa Singapore habang naghihintay

ng araw ng kamatayan nito (Guillermo, 2000).

Ipinakilala rin ni Guillermo sa bahaging ito ang naratibo ni Sarah Balabagan, isang

dalagang Muslim na nakapaslang ng amo dahil sa tangkang panghahalay nito, at Delia Maga, ang

kaibigang domestic helper sa Singapore ni Flor Contemplacion na pinatay ng amo matapos

malunod sa banyo ang alagang may epileptic na kondisyon. Ang naratibo ng tatlong domestic

helper na ito ay may pagkakapareho kung susuriin ang panlipunang konteksto. Lumilitaw sa

kanilang mga istorya ang kanilang pyudal na kalagayan sa isang rural na lipunan na walang

kapasidad mapag-aral ang mga anak at matustusan ang iba pang primaryang pangangailangan.

Pinakikita sa mga pelikulang nagtampok ng naratibo ng buhay nina Flor Contemplacion at Delia

Maga ang oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa bilang natatanging solusyon sa

kahirapan. Mas pinalilitaw pa ng mga naratibo ng mga migranteng ito ang kalagayan ng isang

16 Tatlong pelikulang nagtampok ng naratibo ni Flor Contemplacion: (1) The Flor Contemplacion Story (1995), Joel Lamangan (Direktor), William Leary (Produser), VIVA Films; (2) ‘Victim No. 1 Della Maga, Jesus Pray for Us!’ (1995), Carlo Caparas (Direktor), Regal Films & Golden Lions Films, (3) ‘Bagong Bayani’ (1995), Tikoy Aguiluz (Direktor), VIVA Films

36DIASPORAATPELIKULA

pesante sa kanayunan ang nararanasang hirap ng naiwang pamilya – ang maltratong nararanasan

ng mga anak mula sa mga pinag-iwanang kamag-anak, at ang pangangaliwa at labis na

alkoholismo ng kanilang mga asawa (Guillermo, 2000).

Tinalakay din ni Rolando Tolentino ang mga pelikulang nagtatampok ng mga kababaihang

migrante sa kanyang Globalizing National Domesticity: Female Work and Representation in

Contemporary Women’s Films (2009). Ayon sa kanya, naging bahagi na ng maraming

melodramang pelikula at serye ang maglagay ng mga karakter na babaeng migrante. Ilan sa mga

mayoryang halibawang pelikula na binanggit ni Tolentino ay ang Anak17 kung saan pokus

diumano ng pelikula ang implikasyon ng absentee mothering, at Milan18 na nakasentro sa isang

romantiko-dramang tema na pinagbidahan ng malalaking artista ng ABS-CBN. Ang paggamit

diumano ng malalaking artista at paksa ng mga migrante ng malaking korporasyong pampelikula

ay maituturing na malaking tabo para sa pelikula (Tolentino, 2009).

Sa pagsasalarawan ni Alice Guillermo sa karanasan sa ibang bansa ng mga biktimang

kababaihan, lumilitaw ang malaking agwat at pagtatangi sa uri sa pagitan ng mga domestic helper

at employer na pinakikita sa porma ng komunikasyon at pagkontrol ng amo sa sahod ng

kasambahay. Pinakikita sa suliranin sa komunikasyon, sa mga eksena sa pelikula, ang malaking

agwat at pagkakaiba ng kultura ng mga Pilipinong kasambahay at dayuhang employer. Litaw na

litaw din diumano, sa mga pelikula, ang mukha ng patriyarka kung saan pinakikita ng kalalakihan

– maging amo, bilanggo, o miyembro ng pamilya, ang pagdodominisa at pagtrato ng mga ito sa

kababaihan bilang mas mababang uri. Mas nabigyang-diin ang isyung ito sa pelikulang nagtampok

ng karanasan ni Sarah Balabagan. Ang labis namang melodrama sa mga OFW films ay nagpapakita

ng pinagdaan emosyonal at sikolohikal na depresyon ng mga biktima (Guillermo, 2000).

Tinalakay ni Rolando Tolentino, sa introduksyon ng librong A Reader in Philippine Film:

History and Criticism (2014) ang epekto ng pelikula bilang ideolohiya. Mayroong relasyon dito

17Anak (2000): Rory Quintos (Direktor), Trina Dayrit (Produser), Star Cinema 18Milan (2004): Olivia Lamasan (Direktor), Charo Santos-Concio & Malou Santos (Produser), Star Cinema

37DIASPORAATPELIKULA

ang naunang sinabi ni Pangilinan sa ugnayan ng ideolohiya ng pelikula at ng institusyong

nagtatakda. Batid ni Tolentino na mas madalas umaayon sa gahum ang mga pelikula kaysa

kumokontra ngunit sa pamamagitan ng pagbabasa at mga gawiang kultural maaaring ding

makapagluwal ng alternatibong sining. Nabubuo ang ideolohiya batay sa kung paano kinikilatis

ng indibidwal ang gahum na may pagpanig sa uri o kategoryang kinabibilangan nito (Tolentino,

2014).

Sa pananaw ni Alice Guillermo, mayroong nakakubling protesta sa mga pelikulang

nagtampok ng karanasan ng mga nasabing biktima na pumupuna sa polisiya ng gobyerno sa pag-

eeksport nito ng mga manggagawa bilang panakip-butas sa lumalalang krisis sa ekonomiya ng

bansa. Ang bansag diumano sa kanila bilang mga ‘bagong bayani’ ay nagpapataas lamang ng

kanilang moralidad at kasikatan ngunit walang katumbas na anumang institusyunal na suporta,

datapwat ang bansag na ‘bagong bayani’ sa kanila ay isang mukha ng ideolohikal na sabmisyon at

opresyon sa uri (Guillermo, 2000).

Batid ni Tolentino na ‘Female labor’ ang maituturing na pinakamalaking eksport ng bansa

sa global na merkado. Ang pagtatampok ng mga kababaihang migrante sa pelikula at melodrama

ay sumasalamin diumano sa ispektakularisasyon ng domestikong trabaho (spectacularization of

domestic work) kung saan mas instrumento ang malalaking artista upang mahamig ng estado ang

maraming manonood – na may potensyal na mga maging OCW – at patuloy na matangkilik sa

malalaking negosyong gumagatas sa mga naratibo ng mga migrante (Tolentino, 2009).

VIII. Vaginal Economy – Seksuwalisasyon ng Pambansang Kaunlaran

Sa artikulo ng Rappler noong Pebrero 13, 2012, ang buong industriya ng pelikulang

Pilipino, sa kabila ng dibisyon sa pagitan ng mga mainstream at local films, ay nakapag-aambag

lamang diumano ng 0.016% sa gross domestic product ng bansa samantalang ang mga foreign

films ay may kontribusyong 0.046%. Ito ay dahil halos 85% ng mga pelikulang ipinalalabas sa

mga sinehan sa bansa ay mga dayuhang pelikula. Sa kabila rin ng pagiging mas mahal ng tiket sa

sinehan ng mga foreign films, halos 74% pa rin ng lahat ng nabentang tiket sa mga sinehan ay

nahakot ng mga ito (Rappler, 2012).

38DIASPORAATPELIKULA

Sa isinulat na paksa ni Rolando Tolentino (2011) na ‘Vaginal Economy: Cinema and

Globalization in the Post-Marcos Post-Brocka Era’, ipinakita niya ang ugnayan ng penomenon

ng soft-porn films sa Pilipinas at ng diasporisasyon ng lakas-paggawa ng kababaihan. Batid niyang

ang dalawang penomenon na ito ay manipestasyon ng pagiging vaginal economic-dependent ng

Pilipinas kung saan lantad ang eksploytasyon sa katawan at kakayahan ng kababaihan upang

magsilbing capital accumulation.

Ang mga sex-oriented films o mas kilala bilang mga ‘bomba films’ ang nagpatili sa

pagkakatayo ng pambansang sinema. Batid ni Tolentino (2011) na naka-ugat sa usaping pang-

ekonomiko ang unti-unting pagbagsak ng industriya ng pelikulang Pilipino. Dahil sa nagpapatuloy

na globalisasyon, natatalo sa merkado ng mga dayuhang pelikula ang demand para sa mga local

films kung kaya’t sa patuloy na pagpasok ng mga dayuhang sine, unti-unting bumabagsak ang

bilang ng ginagawang pelikula sa bansa taon-taon. Bagamat nanghimasok na sa industriya ang

iba’t ibang pamantayan ng sensorsyip, nagpapatuloy ang produksiyon at pagtangkilik sa mga TT

films (‘titillating films’) na nag-iiba-iba lamang ng porma sa mga nagdaang panahon – mula sa

lantarang pagpapakita ng pagtatalik ng mga karakter noong panahon nina Gloria Diaz hanggang

sa pagpapakita na lamang ng ilang segundong frontal nudity ng mga karakter sa panahon nina

Rossana Roces.

Gaya ng mga sex-oriented films, ang penomenon ng transnasyonalisasyon ng lakas-

paggawa ng kababaihan ay nagsilbing iskema ng akumulasyon ng kapital para sa ekonomiya. Sa

mahabang panahon, ito ang nagpanatili sa ekonomiya ng Pilipinas sa pagkakatayo sa kabila ng

mga pandaigdigang krisis. Hindi lamang sa dayuhang teritoryo nagaganap ang

transnayonalisasyon ng lakas-paggawa, kundi laganap din ito sa loob ng bansa (dual

transnationalization of Philippine labor) kung saan 45% ng trabaho sa pangserbisyong sektor ay

nasa ilalim ng special economic zones o mula sa mga negosyong kontrolado ng malalaking

dayuhang korporasyon, at maging mga trabaho sa sektor ng turismo at enterteynment sa Pilipinas

ay kinakailangang may pamantayang ‘globally-competitive’. Bagamat naging institusyonalisado

na ang esportasyon ng lakas-paggawa, nagpapatuloy ang kakulangan na mabigyang-atensiyon ang

mga pangangailangan ng malaking bilang ng mga migrante. Noong 2001, sa P875 milyong

39DIASPORAATPELIKULA

ipinasok ng mga OCW sa bansa, tanging P91 milyon lamang ang inilaan ng OWWA para sa

benepisyo ng mga migranteng manggagawa (Tolentino, 2011).

IX. Tunggalian ng Imperyalista at Progresibong Kultura

Tinalakay ni Mailafiya Magaji sa kanyang papel na Cultural Imperialism and National

Development (2013) ang konsepto ng cultural imperialism at kung paano ito nagbabago. Ayon

dito, isang global na sitwasyon ang cultural imperialism kung saan nadodomina ng

makapangyarihang Kanluranin, sa pamamagitan ng kultural nitong industriya ang lokal at

pambansang kultura ng ibang bansa. Kinikilala dito ang kontribusyon ng hindi pantay na ugnayan

ng dalawang bansa sa kasaysayan sa usapin ng pampolitika at ekonomikong kapangyarihan.

Dalawang konsepto sa ilalim ng cultural imperialism ang binigyang-pokus ni Magaji: media

imperialism at ‘Americanisation’. Ayon kay Julia Galeota, ang Amerikanisasyon ng dayuhang

kultura ay ang labis na pagpapalaganap ng prinsipyo ng Amerika na nagdudulot ng pagkalaho ng

maraming kultura sa mundo. Naka-ugnay ang Amerikanisasyon ng kultura sa imperyalismong

pinalalaganap ng Estados Unidos – pagnanais na makakuha ng akses sa dayuhang merkado at

pagtingin sa Estaods Unidos bilang superyor na kultura sa lahat. Samantala, binigyang kahulugan

naman ang konseptong media imperialism bilang sitwasyon kung saan ang pokus ng sistema ng

media ng isang bansa ay dinidikta ng sistema ng media ng ibang bansa. Ayon kay Boyd-Barrett,

ito ay kalagayan kung saan ang pag-aari, istruktura, at distribusyon ng nilalaman ng media ay may

patong na panggigipit ng interes ng ibang bansa.

Sa isang porum ni Jose Ma. Sison noong Abril 25 1986 sa UP Diliman ukol sa Crisis of

Philippine Culture (1946-Present), batid ni Sison na ang kultura ay ang ideolohikal na repleksyon

ng mga dominante at papausbong na pwersa ng ekonomiya at politika. Kontrolado ng

imperyalismong US, ang dominanteng pwersa, ang iba’t ibang porma ng mass media sa bansa –

mula sa mga iniimprentang mga publikasyon hanggang mga programa sa radyo, telebisyon, at

pelikula na nagpapalaganap ng reaksyunaryong propaganda at nagtutulak sa mga Pilipino na mas

tangkilikin ang panlasang dayuhan. Pinalawig ni Julie de Lima Ma. Sison, sa kanyang talumpating

On the Imperialist Cultural Offensive noong 2015 sa UP Diliman, ang kahulugan ng kultura kung

saan sinasaklaw din nito ang lenggwahe at mga simbolo ng komunikasyon, libangan, kaugalian,

40DIASPORAATPELIKULA

idelohiya, etc. Batid din nito ang limang tema na pinalalaganap ng kultura ng mapangahas na

imperyalismong US – ang neoliberalisasyon, globalisasyon, ang kapitalismo bilang pinakahuling

uri ng sistemang panlipunan, gyera at terorismo, at eksepsiyonalismo ng Amerika. Binanggit ni

Julie de Lima ang mga overseas contract workers bilang halimbawa ng mga tagatawid ng

mapangahas na kultura sa pamamagitan ng mga ipinadadalang pasalubong, na lingid sa kanilang

kaalaman ay nagpapalaganap diumano ng istilo ng pamumuhay na itinatakda ng pandaigdigang

kapitalismo (global capitalism) (De Lima Ma. Sison, 2015).

Nilatag din ni Julie de Lima ang mga ideolohiyang pinalalaganap ng imperyalistang

kultura: (1) Labis na indibidwalismo bilang paraan ng paglaya na nakakonteksto sa

monopolistikong kapitalismong nakasentro sa pag-angat ng iilan lamang; (2) ang interes sa labis

na pagyaman sa pamamagitan ng pagsakay sa mga iskema ng pagkitang pinalalaganap ng

kapitalismo o paggamit ng social media sa upang sumikat; (3) labis na konsumerismo na

nakapokus sa pagtustos sa pansariling luho o interes na naghihiwalay sa masa sa mga panlipunang

obligasyon ng mga ito upang matugunan ang pangmatagalang pangangailangan ng mahihirap at

atrasadong sektor; (4) labis na obsesyon sa mga piksyonal na bayani, karakter, at mundo na

humahadlang sa masa upang bukas-isip na harapin ang makatotohanang kalagayan at mga

suliranin ng lipunan at maka-isip ng mga solusyon at alternatibo sa kasalukuyang dominanteng

sistema; (5) pagpapalaganap ng rasismo na mas nagpapaigting sa kulturang puti (white supremacy)

na kadalasang pinalalaganap sa mga pelikulang mula sa Kanluran; at (6) ang glamorisasyon ng

giyera (Glamorization of war) na lumalaganap sa mga pelikulang nagtatampok ng imperyalistang

dominasyon at tagumpay na walang pagkilala sa mga uri sa lipunan (De Lima Ma. Sison, 2015).

41DIASPORAATPELIKULA

Kabanata III Metodolohiya

“Sinasabi nga natin na tayo ang nagpaunlad ng Saudi kasi sino bang nagtayo ng mga building diyan? Yung mga welder,

construction worker, engineer, at arkitektong Pilipino. Kung ang Saudi kaya nating paunlarin, bakit hindi natin magawa sa bansa

natin?” (Hernando, A., 2017)

42DIASPORAATPELIKULA

Disenyo ng Pananaliksik

Dalawang disenyo sa pananaliksik ang gagamitin sa pag-aaral: Descriptive at Exploratory.

Ang disenyong deskriptibo ay nakatutulong sa pagsagot sa mga tanong na: sino, ano, saan, kailan,

at paano. Makatutulong ang ganitong disenyo ng pananaliksik sa pagkalap ng mga kasalukuyang

estado ng isang penomenon (University of South California, n.d.).

Ang disenyong eksploratori naman ay kadalasang ginagamit sa mga pag-aaral na wala o

may iilan lamang na naging pag-aaral at hindi madaling malaman ang magiging resulta (University

of South California, n.d.). Ang Exploratory Research ay naglalayong magpalitaw ng mga

inpormasyon na maaaring makaambag sa pormulasyon ng haypotesis (Linatoc, 2016).

Dahil kwalitatibo at kwantitatibo ang inaasahang makakalap na datos sa pananaliksik,

gagamitin sa pag-aaral ang dulog na ‘Mix-method approach’. Ang dulog na ito ay kumikilala sa

ugnayan ng dalawang uri ng datos kung saan ang materyal na datos ay mabibigyang interpretasyon

o paliwanag ng mga makakalap mula sa kwalitatibong proseso (Bulsara, n.d.).

Lugar at Panahon ng Pangongolekta ng Datos

Isasagawa ang pangongolekta ng datos sa sa loob ng Disyembre 2016 hanggang Pebrero

2017 sa loob at labas ng Unibersidad ng Pilipinas Maynila. Mayroong mga partikular na lokasyon

ang bawat instrumentong gagamitin sa pagkalap ng datos.

Instrumento sa Pagkalap ng Datos

Gagamitin sa pag-aaral ang mga instrumentong Key Informant Interview (KII), Focus

Group Discussion (FGD), Survey Questionnaire, Documentary Research, at Case study.

Samantalang isinasaalang-alang din sa ilang mga instrumento ang paggamit ng Case control.

Key Informant Interview

Layunin ng Key Informant Interview na kumalap ng impormasyon mula sa mga taong may

primaryang kaalaman sa paksa sa isang komunidad kagaya ng mga lider ng komunidad, mga

43DIASPORAATPELIKULA

dalubhasa, at ilang partikular na residente. Mahalaga ang pagpili sa mga indibidwal na

kakapanayamin sapagkat malaking bagay ito upang makuha ang ugat ng suliranin sa komunidad

at makapaglatag ng makatotohanang rekomendasyon ang mga ito. Mayroong dalawang uri ng KII

– telephone at face-to-face (UCLA Center for Health Policy Research).

Isasagawa ang KII sa mga sumusunod na tao – Direktor Joel Lamangan; Bonifacio Ilagan,

manunulat sa pelikula at libro; Dr. Rolando Tolentino, dalubhasa sa Araling Pampelikula;

Laorence Castillo mula sa Migrante International; Ms. Nora Aunor, ang binansagang ‘The

Superstar’ na gumanap sa karakter ni Flor Contemplacion.

Si Direk Joel Lamangan, bilang direktor ng pelikulang Migrante at The Flor

Contemplacion Story na bahagi ng pag-aaral, at si Bonifacio Ilagan, kilalang manunulat sa pelikula

na sumulat ng Anak, ang magsisilbing representante ng mga manunulat at direktor sa pelikula ng

pananaliksik. Layunin ng hiwalay na KII sa kanila ang masagot ang dalawang layunin ng pag-

aaral – (1) ang masukat ang antas ng kahalagahan ng mga pelikulang tampok ang isyu ng

kababaihang migrante at (2) ang matukoy ang motibasyon ng mga manunulat at direktor sa

paggawa ng mga obrang nasa ganitong tema. Layunin ng pananaliksik na matamo ang isang face-

to-face na KII sa dalawang alagad ng pelikula.

Si Dr. Rolando Tolentino, propesor sa pagpepelikula sa UP Diliman ang magiging

representante ng mga kritiko’t dalubhasa sa pelikula ng pananaliksik at samantalang si Laorence

Castillo naman sa Migrante International. Layunin ng KII sa kanila na masagot ang – (1) antas ng

kahalagahan ng pagsasapelikula ng naratibo ng mga kababaihang migrante, at (2) ambag ng

pagsasapelikula ng mga ganitong naratibo sa kamalayan at komunidad ng masang manonood. Nais

suriin ng pananaliksik kung paano tinitingnan ng mga eksperto at ng pangmasang-organisasyon

ang usapin ng kontribusyon ng mga ganitong pelikula sa lipunan, na humahantong sa panganganak

ng mas marami pang mga obra. Sasailalim din sa face-to-face KII ang mga nasabing personalidad.

Isang espesyal na KII ang isasagawa kasama si Nora Aunor, bilang gumampan sa karakter ni Flor

Contemplacion sa pelikula at maituturing ding aktibo sa mga mobilisasyon.

Ginagamit ang KII sa maraming pampelikulang pag-aaral. Ginamit ito ni EJ Dela Cruz sa

kanyang pananaliksik na pamagat na ‘You Are What You Watch’ noong 2016 kung saan sinasabing

44DIASPORAATPELIKULA

nakaiimpluwensya ang mga pelikulang inihahain sa merkado at napapanood ng mga tao sa

pagtingin ng mga ito sa mga isyung panlipunan. Isa sa mga nakapanayam nito ay si Petersen

Vargas, direktor ng Lisyun Qng Geografia (2014) at hinirang na pinakamahusay na direktor noong

2015 Cinemalaya Film Festival.

Focus Group Discussion

Ang Focus Group Discussion (FGD) ay bubuoin ng grupo ng anim hanggang sampung

katao na pinamumunuan ng isang tagapagpadaloy o moderator. Umaabot lamang dapat sa 65-90

minuto ang pagsasagawa ng FGD. Bagamat hindi magkakapareho ng ideolohiya ang mga nasa

isang FGD, mahalagang mayroon silang ugnayan sa isang paksa na siyang pokus ng FGD.

Maluwag ang daloy ng mga opinyon sa FGD na nakabalangkas sa pinkamarami na ang sampung

katanungan. Layunin ng tagapagpadaloy na kumalap ng malawak na baryasyon ng mga opinyon

at ideya, at mas malalim na pagtatalakay sa isyu sa loob ng limitadong oras (Eliot and Associates,

2005). Karaniwang daloy ng isang FGD ay ang (1) pagtanggap sa mga dumalo, (2) pagbibigay ng

hapyaw na pagpapaliwanag sa magiging daloy ng paksa, (3) pagsi-set ng mga guidelines at ground

rules, (4) pagtatanong, (5) pagsasara ng usapan (Krueger, 2002).

Isasagawa ang mga Focus Group Discussion na kapapalooban ng mga aktwal na

kababaihang migrante. Layunin ng FGD na masuri ang antas ng kahalagahan ng pagsasapelikula

ng isyu ng mga kababaihang migrante batay mismo sa perspektiba ng sektor na mismong paksa

ng pananaliksik at upang mapalalim ang pagtatalakay sa kanilang opinyon ukol sa porma ng

representasyon nila sa mga nilikhang pelikula. Mula sa rekord at listahan ng Migrante International

magmumula ang mga magpapartisipang mga migrante. Gagamitin ang Purpose Sampling sa

pagpili ng mga magiging bahagi ng FGD sapagkat isinaaalang-alang ng mananaliksik ang

lokasyon ng mga kababaihang migrante at limitadong oras bilang mga pamilyadong mamamayan.

Kadalasang ginagamit ang FGD sa mga pag-aaral na mayroong espesipikong sektor na

tinatalakay gaya ng pananaliksin ni Monesa Carpon noong 2015 sa kanyang ‘Buhay Drayber at

Asosasyon ng mga Tsuper at Ruta ng Santa Ana—Padre Faura: Salamin ng Kaunlarang

Panlipunan’ kung saan nagsagawa dito ng impormal na FGD kasama ang ilang drayber ng dyip.

45DIASPORAATPELIKULA

Survey Research at Case Control

Bahagi rin ng pagkalap ng datos ang Survey Research kung saan mga indibidwal na

nakapanood na ng isa sa tatlong pelikula ang naging mga katugon o survey respondents. Mahalaga

ang Case control sa aspetong ito upang maipakita ang baryasyon ng mga opinyon ukol sa paksa

(Linatoc, 2016). Nilalayon ng pagsasarbey na: (1) masukat ang antas ng kahalagahan ng

pagsasapelikula sa isyu ng kababaihang migrante batay sa perspektiba ng masang manunood, (2)

mailatag ang mga porma ng karahasan at misrepresentasyong ipinakita sa mga pelikula, (3)

mailatag ang sari-sariling analisis ng mga manonood sa pelikula at kung paano sinasalamin ng

pelikula ang aspetong politikal, ekonomiko, at kultural ng bansa, at (4) matukoy ang ambag ng

pagsasapelikula ng mga naratibo sa kamalaya’t komunidad ng masa.

Upang masuri ang konteksto ng mga itinatampok na pelikula, isasagawa ang Content

Analysis sa mga obrang A Mother’s Story, The Flor Contemplacion Story, at Migrante. Katuwang

nito ang Survey research kung saan magmumula ang mga datos ng pagsusuri sa mga katugon

(respondents) na minsan nang nakapanood ng isa sa mga nasabing pelikula.

Bagamat unang plano ng mananaliksik na magpanood sa mga klase ng bawat isa sa mga

pelikula, minabuti na lamang nitong humanap ng mga indibidwal na minsan nang nakapanood ng

isa sa mga pelikula dahil sa kawalan ng sapat na rekurso (lalo na ng lehitimong kopya ng pelikula)

upang isagawa ito. Sa limitadong panahon at lokasyon ng paghahanap, mga indibidwal sa Metro

Manila ang sinaklaw ng naging pagsasarbey.

Kung babalikan ang ikalimang layunin ng pag-aaral, susukatin din sa bawat pelikula ang

tatlong panlipunang aspeto: politikal, ekonomiko, at kultural. Kung kaya’t sa ikalimang bahagi ng

sarbey ay maaaring magkakaiba ang katanungan bagamat parehong pelikula ang pinanood ng mga

katugon (Tingnan ang Imahe 3.1).

Ginamit ni Dianne Lopez ang metodong sarbey sa kanyang pananaliksik na ‘Kalsada at

Kababaihan: Kritikal na Pagsusuri sa mga Pagbabagong Idinulot ng Pagpapagawa ng mga Farm

to Market Roads sa Sosyo-ekonomikong Kalagayan at Pampulitikang Kamalayan ng Sektor ng

46DIASPORAATPELIKULA

Kababaihan’ noong 2016, kung saan naging katugon nito ang piling kababaihan na nakatira

malamit sa mga farm-to-market roads at binubuo ng anim na bahagi na may 48 katanungan ang

buong sarbey. Sa kabuuan, binubuo ng 18 kwantitatibong katanungan at tatlong kwalitatibong

katanungan ang sarbey ng pag-aaral.

Case study

Bahagi ng Exploratory Research na isasagawa sa pananaliksik ay ang Case study. Ang

Case study ay kadalasang ginagamit upang masuma ang nagtutugmang karanasan ng mga

indibidwal na kaso. Nais palitawin ng paggamit ng case study ang mga tinatawag na ‘patterns of

behavior’ ng isang partikular na populasyon. Makatutulong ang Case study upang mas magkaroon

ng matalas na kamalayan sa mga espesyal na problema at malawak na pananaw ang mananaliksik

(Fidel, 1984).

Isasagawa ang dalawang Case study kung saan primaryang pokus ang karanasan ng mga

pamilya ng dalawang pamilya ng mga migranteng naging biktima ng hindi makaturungang hatol

sa ibang bansa – ang pamilya ni Flor Contemplacion sa San Pablo, Laguna at pamilya ni Jennifer

Dalquez sa General Santos City. Sa bahaging ito, mas malalim na tatalakayin ang mga suliraning

kinahaharap ng mga ito at ang indibidwal na epekto nito sa bawat naiwang miyembro ng pamilya

– asawa, anak, magulang, kapatid, etc. Sa pamamagitan ng isasagawang Case study maikukumpara

ang karaniwang daloy ng pakikibaka ng mga kababaihang migrante sa pelikula sa daloy ng

kanilang karanasan sa totoong buhay.

Imahe 3.1. Pagsasalarawan kung paano sasagutin ang ikalimang layunin ng pananaliksik sa pamamagitan ng survey research. Larawan ay orihinal na ginawa ng mananaliksik

47DIASPORAATPELIKULA

Ginamit din ni Dianne Lopez ang Case study sa kanyang pananaliksik ukol sa farm-to-

market roads at kababaihan noong 2016 kung saan kumalap siya ng kuwentong-buhay (case study)

ng mga kababaihan sa mga lugar ng Tarlac at Bulacan (Lopez, 2016).

Mahalaga sa lahat ng aspeto ng pangongolekta ng mga datos ang malinaw na paghingi ng

kumpormiso (informed consent) mula sa mga magpapartisipang indibidwal upang mapanatali ang

pagiging lehitimo ng mga nakalap na datos partikular sa isasagawang Survey Research. Isasagawa

ito sa pamamagitan ng paglagda ng mga indibidwal sa isang katibayang papel na dapat na

maipaliwanag ng mananaliksik na may kalayaan ang indibidwal na itigil ang partisipasyon sa

kalagitnaan ng pananaliksik bago magsimula ang sarbey o panayam.

Instrumento sa Analisis ng Datos

Descriptive Statistics

Ang Descriptive Statistics ay ginagamit upang isuma ang datos ng buong populasyon o

sample ng mga survey respondents. Sa ilalim ng Descriptive Statistics ay ang Measures of Central

Tendency kung saan bahagi nito ang Mean (x̄) na gagamitin sa pag-aaral. Layunin ng Measures of

Central Tendency na tukuyin ang score kung saan nakasentro o nakakonsentra ang mga datos

(Investopedia, 2017).

Ginamit ang Descriptive Statistics, partikular ang Mean (x̄) sapagkat walang hinihinging

korelasyon ng mga kwantitatibong datos ang layunin ng sarbey at konsentrasyon ng mga scores

ng mga katugon ang kinakailangan upang masagot ang layunin ng pag-aaral. Ang paghanap ng

Mean score ay batay sa pormulang:

x = Σ𝑥𝑛 𝑜x =

𝑥( + 𝑥* + ⋯+ 𝑥,𝑛

Thematic Coding

Ito ang instrumentong ginamit upang tasahin ang mga kwalitatibong datos. Ang Thematic

Coding ay paglalatag ng mga larawan o mga salitang na pinag-uugnay ng isang partikular na tema

48DIASPORAATPELIKULA

o ideya na makapagbubuo ng balangkas ng mga ideyang nakasandig sa iisang ideya (Better

Evaluation, 2016).

Ginamit ang Thematic Coding sa pag-aanalisa ng mga makukuhang datos mula sa mga

Focus Group Discussions, Content analysis, at Case study. At maliban sa sa paglalatag sa

talahanayan, ginamit din ng mananaliksik ang Thematic Coding sa porma ng Venn diagram

kung saan mga inilatag na karahasan sa tatlong pelikula ang inilagay sa dayagram at makikita

ring iniugnay ang pagkakapareho ng tatlong pelikula sa mga isinalaysay na karahasan ng

mismong mga migranteng babae na sumalang sa Focus Group Discussion.

49DIASPORAATPELIKULA

Kabanata IV Presentasyon ng mga Datos

“Hindi naman kailangang mangibang-bansa ng babae

kung talagang may trabaho dito sa Pilipinas…”

(Pinay DH, 2017)

50DIASPORAATPELIKULA

Pakikibakang overseas – sa pelikula at kasaysayan

Mapa ng mga migrante

Gaya ng Talahanayan

2.1 sa Ikalawang Kababanta,

Saudi Arabi ang nananatiling

mayroong pinakamalaking

bilang ng mga idinedeploy na

Pilipinong manggagawa kada

taon. Ang mga bansang

kabilang sa Top 10 destination

countries ng mga Pilipinong

migrante ay mula lahat sa

Asya partikular ay sa mga

Gulf countries at Tiger

economies.

Ipinakikita ng Imahe 4.2

na nananatiling mayorya sa mga

uri ng trabahong napupuntahan ng

mga OFW ay blue-collar jobs at

ayon sa Migrante International,

maituturing na 4D – Dirty,

Dangerous, Difficult, at

Dehumanizing19.

19 Mula sa pagtalakay ni Arman Hernando sa porum ng Migrante: Krisis ng Migrasyon at ang Pagbangon ng Pamilyang Migrante (Pebrero 2017)

Imahe 4.1. Bilang ng mga overseas Filipino workers sa Top 10 destination countries ng overseas Filipino labor sa tala ng POEA noong 2015. (Orihinal na Imahe mula sa Rappler)

Imahe 4.2. Sampung klase ng trabaho sa abroad na mayroong pinakamalaking bilang ng mga OFW. (Orihinal na Imahe mula sa Rappler)

51DIASPORAATPELIKULA

Kasaysayan ng Migrasyon sa bansa

Ayon sa Center for Migrant Advocacy (2017), dumaan na sa apat na sigwa (waves) ang

migrasyon sa paggawa ang Pilipinas. Mauugat pa sa panahon ng kolonyalismo ng España sa bansa

ang unang sigwa kung saan sa kalakalang Maynila- Acapulco noong ika-16 na siglo, mayroong

mga Pilipinong mandaragat (seafarers) ang kasama sa mga galyong bumabyahe patungong

Mexico. Ilan sa mga Pilipinong mandaragat diumano ay nanatili na sa Louisiana samantalang ang

ilan nama’y nagtrabaho bilang mamimitas ng mga prutas sa California. Sa pagtatapos ng ika-19

na siglo, marami nang Pilipino diumano ang mga propesyunal o estudyante sa Europa.

Hudyat ng ikalawang sigwa ng pandarayuhan ng mga Pilipino ang panahon ng

kolonyalismong Amerikano kung saan taong 1906 nang magtrabaho bilang mga sakada ang mga

Pilipino sa malalawak na plantasyon ng tubo sa Hawaii. Karamihan diumano sa mga unang

sakadang dinala sa Hawaii ay mga kalalakiyang Bisaya at Ilokanong nasa 16-22 ang edad at

nakapag-aral kahit hanggang sa ikawalong lebel. Dahil sa nagbabagong kalagayan sa Amerika,

mayroong mga sakada ang naghanap ng panibagong trabaho gaya ng sa mga konstraksiyon ng

riles, restaurants, at mga hotel. Marami na rin sa panahong ito ang lumipat patungo sa fish canning

industry sa Alaska.

Imahe 4.3. Artistikong paglalatag sa 5Pilipinas (Orihinal na mga imahe mula sa Rappler. Layout ni Alex Falame).

52DIASPORAATPELIKULA

Sa panahon ng ikatlong sigwa, 1950s hanggang 1960s, naging limitado para sa mga

Pilipinong nais sumama sa hukbong pandagat ang migrasyon sa Estados Unidos noong panahon

ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Dahil dito, marami ang nagsimulang pumunta sa mga bansa

sa Asya at maghanap ng trabaho sa mga bansa gaya ng Iran at Iraq, na may mataas na demand

noon para sa mga engineer at technician, at sa Sabah, Malaysia, at Thailand na may demand ng

empleyo sa mga logging camps. Maraming Pilipino ang naging bahagi ng mga armadong base ng

Estados Unidos sa Vietnam, Thailand, at Guam noong Digmaang Indochina. Nagsimula na rin

dumayo sa mga panahong ito sa Amerika at Kanlurang Europa ang mga Pilipinong nars at domestic

worker. Sa ikatlong sigwa sinasabing nagsimula ang pagpasok ng mga Pilipino sa mga white-

collar jobs sa Amerika dahil sa mga Pilipinong propesyunal at nakapagtapos ng post-graduate

dito.

Sa ikaapat na sigwa (1970s) ng migrasyon nagsimulang maging lehitimo ang pag-eeksport

ng lakas-paggawa sa bansa. Panahon ito ng paghihikahos ng ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ni

Graph 4.1. Nakasaad sa graph ang bilang ng mga OFWs na dinedeploy kada taon. Makikita na patuloy na tumataas ang bilang sa bawat nagdaang administrasyon. Sa datos ng POEA, sa administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino pumalo na sa dalawang milyon ang bilang ng mga OFW na dinedeploy kada taon. (Datos mula sa POEA. Layout ni Alex Falame)

53DIASPORAATPELIKULA

dating Pangulong Ferdinand Marcos. Nagsimula ito sa panahon ng oil crisis kung saan labis na

tumaas ang halaga ng langis sa maraming bansa, maging sa Pilipinas, na nagpalala ng kahirapan.

Ito ang nagsilbing ‘push factor’ diumano upang mag-eksport ng lakas paggawa sa mga Middle-

East countries na nagailangan ng mga manggagawang magtatayo ng mga kinakailangang

imprastraktura para sa industriya ng langis. Pumasok din sa panahong ito ang papel ng kababaihan

sa overseas work kung saan marami ang naging domestic worker sa mga booming economies sa

Middle East (Saudi Arabia at Kuwait) at sa Asya-Pasipiko (Hong Kong, Singapore, Taiwan,

Malaysia). Tumaas din ang bilang ng mga medikal na propesyunal sa Europa at Amerika.

Ayon sa artikulo ni Stephen Castles at Mark Miller (1998)20, mayroong mga eksperto na

kumikilala sa kasalukuyang panahon bilang ‘The Age of Migration’ dahil sa limang penomenang

tumutukoy dito: 1) globalisasyon (kung saaan napakaraming bansa ang naapektuhan at involve sa

pandarayuhan), 2) akselerasyon (walang humpay na pagtaas ng bilang ng mga nandarayuhan), 3)

differentiation (pagkakaiba-iba ng etnisidad ng mga migranteng lumilipat sa isang malaking

bansa), 4) politisasyon (mayroong ang migrasyon sa mga lokal, pambansa, at bilateral na polisiya

ng estado), 5) at peminisasyon (kung saan hindi maitatanggi ang papataas na bilang ng kababaihan

nandarayuhan sa buong mundo).

Peminisasyon ng Pandarayuhan

Ang peminisasyon ng pandarayuhan (feminisation of migration) ay sumasalamin sa

dalawang transpormasyong mayroong epekto sa kababaihan: ang peminisasyon ng kahirapan

(feminisation of poverty) at ang peminisasyon ng paggawa (feminisation of work) (Caritas

Internationalis, 2017).

Itinuturing na ‘coping mechanisms’ ang kababaihan, partikula sa mga nasa Ikatlong

daigdig, kung saan maliban sa kanilang unpaid work sa loob ng bahay, napipilitang maging

20The Age of Migration: International Population Movements in the Modern World mula sa librong The Feminisation of Migration: Dreams and Realities of Migrant Women in Four Latin American Countries ni Cecilia Lipszyc

54DIASPORAATPELIKULA

labandera at plantsadora diumano ang maraming kababaihan sa oras na masadlak sa mahirap na

kondisyon ang pamilya (IBON, 2002)21. Sa eksternal o pandaigdigang migrasyon naman,

nananatiling mayorya ng mga trabahong napupunta sa kababaihan ay sa pang-serbisyong sektor

na kadalasang lantad din sa mga bulnerableng sitwasyon ng sistema ng pandaigdigang

produksiyon (global production system) gaya ng komersiyalisasyon sa migrasyon ng kababaihang

namamasukan bilang mga domestic worker at caregiver na kadalasang nagreresulta sa pagiging

biktima nila sa trafficking at seksuwal na eksploytasyon.

Itinuturing na ‘dead-end’ ang mga trabahong domestiko (domestic work) sapagkat hindi

ito nangangailangan ng ispesipikong kakayahan, hindi nagbibigay-daan para sa mas malawak na

oportunidad sa ibang linya ng trabaho, at hindi ito nanghihikayat sa mga kababaihan na kumuha o

magtuloy ng pormal na edukasyon (Caritas Internationalis, 2017).

Ang pagtaas naman ng demand para sa lakas-paggawa ng kababaihan sa mga dayuhang

bansa ang nagiging seguridad ng kanilang mga pamilya upang mabuhay ng matiwasay. Kinikilala

din ng United Nations ang penomenong ‘care drain’ kung saan sa pandarayuhan ng isang babae

sa pamilya, sinasalo ng naiiwang babae (gaya ng anak o kapatid) ang mga obligasyon sa tahanan

na minsa’y humahantong sa kanilang paghinto sa pag-aaral. Laganap ang ‘deficit care’ ng mga

inang hindi nagagampanan ang pormatibong pangangalaga (formative care) sa kanilang mga anak

– mga anak na dumaan o sumailalim sa ‘grandmothering’ na penomenon. Hindi lamang din

financial remittances ang nakapagtutulak ng mga sosyo-ekonomikong pag-unlad sapagkat

mayroon ding social remittances (gaya ng ideya, kaalaman, at kakayahan) ang mga migranteng

kababaihan na nakapagtutulak ng pagkakapantay-pantay ng kasarian, sosyo-ekonomikong pag-

unlad, at karapatang-pantao (Caritas Internationalis, n.d.). Ngunit binabangga ng pagtalakay ng

IBON (2002) sa peminisasyon ng paggawa (Labor feminization) ang argumentong ito.

Ayon sa IBON (2002), sa konteksto ng globalisasyon, ang aktibo at pagtaas ng

partisipasyon ng kababaihan sa lakas-paggawa ay hindi katambal ng pagtaas ng antas ng kanilang

pagsasakapangyarihan (empowernment). Inaatake ng globalisasyon ang kababaihan sa dalawang

porma – ang pagsasamantala sa atrasadong kalagayan ng mga ito upang makamaksimisa ng tubo,

at pagpapalala sa kinasasadlakang kahirapan ng kababaihan dulot ng pagkasara ng mga lokal na

21IBON Journal:Labor Feminization in the context of Crisis and Globalization (Marso 31, 2002)

55DIASPORAATPELIKULA

negosyo, pagtaas ng kakulangan sa trabaho (job scarcity), at paglala ng labis na kawalan ng lupa

na mas nagtutulak sa mga kababaihan upang maging mga ‘coping mechanisms’ na pangunahing

nag-a-adjust para sa pamilya (IBON, 2002).

Kasaysayan ng Migranteng Pilipina sa lente ng Pelikula

Ang mga pelikulang nasa Talahanayan 4.1 ay ilan lamang sa napakaraming mga OFW

films o mga pelikulang nagtampok ng naratibo ng mga oversas Filipino workers. Makikitang

kababaihan ang kadalasang bida sa mga pelikula:

Talahanayan 4.1. Mga Pelikulang nagtampok sa Kababaihang Migrante

Pelikula Taon inilabas Direktor Manunulat Kompanyang

nagprodus

Miss X 1980 Gil Portes Ricky Lee Sining Silangan Productions

‘Merika 1984 Gil Portes Clodualdo Del Mundo Jr., Gil

Quito Adrian Films

The Flor Contemplacion Story 1995 Joel Lamangan Ricky Lee,

Bonifacio Ilagan Viva Films

The Sarah Balabagan Story 1997 Joel Lamangan -- Viva Films

Anak 2000 Rory Quintos Ricky Lee Star Cinema

Milan 2004 Olivia Lamasan

Olivia Lamasan, Raymond Lee Star Cinema

Dubai 2005 Rory Quintos Ricky Lee Star Cinema

Apat Dapat, Dapat Apat: Friends 4 Lyf and

Death 2007 Wenn V.

Deramas Mel Mendoza- Del

Rosario Viva Films

Caregiver 2008 Chito S. Roño Chito S. Roño, Chris Martinez, Jewel C. Castro

Star Cinema

In My Life 2009 Olivia Lamasan

Raymond Lee, Olivia Lamasan Star Cinema

A Mother’s Story 2011 John D. Lazatin Senedy Que Star Cinema

Migrante: The Filipino Diaspora 2012 Joel Lamangan Bonifacio Ilagan Xiti Productions

56DIASPORAATPELIKULA

Parehong pelikula ni Gil Portes ang Miss X at ‘Merika na pinagbidahan nina Vilma Santos

at Nora Aunor. Itinampok ng Miss X ang kalagayan ng isang Pilipinang biktima ng ilegal na

rekrutment at nagtrabaho bilang prostitute sa Amsterdam. Nakaranas ang karakter ni Vilma

Santos, bilang si Miss X, ng iba’t ibang pang-aabuso na sumalamin diumano sa kalagayan ng mga

Pilipinang entertainer sa Japan. Ipinakita naman ng pelikulang ‘Merika ang personal na pakikibaka

ng karakter ng isang Pilipinang nars sa Amerika na nagnanais makauwi ng bansa, ngunit nakatali

sa magandang oportunidad na inihahain ng dayuhang lupain. May ugnay ang paggamit ng karakter

na nars sa pelikula sapagkat mahaba na rin ang kasaysayan ng migrasyon ng mga Pilipinang nars

sa Estados Unidos na maaari pang ugatin mula sa panahon ng 1900s.

Ang mga pelikula ni Joel Lamangan na The Flor Contemplacion Story at The Sarah

Balabagan Story ay hinango mula sa isang makatotohanang karanasan na naging mainit na isyu

sa bansa noong dekada 90’s. Si Flor Contemplacion at Sarah Balabagan ay parehong nahatulan ng

kamatayan dahil sa kasong pagpatay. Inilantad ng dalawang kaso ng mga babaeng OFW ang

pagiging bulnerable ng mga kababaihan sa iba’t ibang karahasan, inhustisya, at kapabayaan ng

pamahalaan. Ang kahalagahan ng isang institusyonalisadong legal assistance mula sa pamahalaan

ay pinagtibay ng kinahinatnan ng mga kaso ni Flor Contemplacion at Sarah Balabagan. Dulot ng

kawalan ng agarang pagresponde at pagbibigay ng serbisyong legal kay Flor Contemplacion sa

Singapore, tuluyang nabitay ang domestic helper na tubong San Pablo, Laguna. Samantala, dahil

sa naging isang malaking sampal sa administrasyong Ramos noong 1995 ang pagkakabitay kay

Flor Contemplacion, agad na rumesponde ang pamahalaan sa kaso ni Sarah Balabagan at naligtas

mula sa hatol na kamatayan sa United Arab Emirates ang domestic helper na tubong Maguindanao.

Sa pagtabo sa takilya ng ganitong mga uri pelikula, sa iba’t-ibang anggulo at sa iba’t-ibang

pamamaraan na rin itinampok sa sinema ang naratibo ng mga kababaihang migrante. Patunay ang

mga pelikulang Milan (Star Cinema:Lamasan:2004), Dubai (Star Cinema:Quintos:2005), Apat

Dapat, Dapat Apat: Friends 4 Lyf and Death (Viva Films:Deramas:2007), na kapwa mga produkto

ng malalaking kompanya, ng paglaganap ng ‘romantization of OFW films’. Hindi lamang sa istilo

ng bawat eksena, kundi sa kabuoang konteksto ng mga pelikulang ito nanuot ang romantisismo.

Bagamat kapwa OFW ang primaryang karakter sa mga nasabing pelikula, nangibabaw ang temang

romantic love at komedya sa mga nabanggit na pelikula.

57DIASPORAATPELIKULA

Samantala, inilantad ng pelikulang Caregiver (Star Cinema:Roño:2008) ang

makatotohanan at kalunos-lunos na kalagayan ng maraming propesyonal sa bansa – napilitang

lumipat sa mas mababang propesyon o trabaho upang kumita sa abroad. Ipinakita ito ng karakter

ni Sharon Cuneta sa pelikula kung saan mula sa pagiging public school teacher sa Pilipinas ay

nagdesisyong maging caregiver sa London para sa mas malaking sahod. Ipinakita rin ng pelikula

ang pagbabago sa uri ng pandarayuhan ng karakter na OFW kung saan mula sa pagiging

Guest/contract workers ay nagsusumikap maging Permanent settlers sa dayuhang bansa.

Bagamat nakapokus din ang pelikulang A Mother’s Story (Star Cinema:Lazatin:2011), na

pinagbidahan ni Pokwang, sa social cost ng migrasyon, ipinakita rin ng pelikula ang

diskriminasyong narararanasan ng mga undocument workers o TNT sa ibang bansa, partikular sa

Amerika. Tinatayang nasa 200,000 ang bilang ng mga undocumented workers na Pilipino sa

Estados Unidos noong panahon ni Barack Obama (Bernal, 2014), at patuloy pa rin ang pagtaas ng

bilang na ito sa bawat taon. Inilalantad ng pelikula ang tunggalian ng kapwa Pilipino sa abroad

kung saan ito ay sa pagitan ng mga Pilipinong permanent settlers (maaari ring mga contract

workers) at mga undocumented workers, na maiikukonsidera bilang diskriminasyon batay sa

legalidad ng migrasyon.

Isang malagim na realidad ang inilantad ng pelikulang Migrante: A Filipino Diaspora

(XITI Productions:Lamangan:2012) na nagpapahiwatig ng pananatili ng karahasan at kawalang-

proteksyon sa mga migrante, partikular sa kababaihan. Malawak ang sinaklaw na konteksto ng

pelikula sapagkat hindi lamang pamilya at employer ang naging bahagi ng naratibo, kundi maging

ang embahada ng Pilipinas at organisasyon ng mga OFWs - Migrante International. Bahagi rin ng

malawak na saklaw ng pelikula ang iba’t ibang suliraning inilantad dito– mula sa personal na

suliranin, suliranin sa sistema ng empleyo, karahasan at diskriminasyon sa mga migrante,

hanggang sa kapabayaan ng pamahalaan. Pinatototohanan ang pelikula ng napakaraming kaso ng

pang-aabuso sa mga kababaihang OFWs, partikular ng kaso ni Jennifer Dalquez, isang domestic

helper sa Saudi Arabia. Pinatawan ng sintensiyang kamatayan si Jennifer Dalquez noong 2015

matapos nitong mapatay ang among nagtangkang manggahasa sa kanya. Hindi lamang isang beses

nakaranas ng tangkang pang-aabuso ang domestic helper na tubong General Santos City.

Maiuugnay ang mg konteksto at panahong ginawa ang mga nabanggit na mainstream OFW

films, sa tinalakay ni Rolando Tolentino (sa personal na panayam) ang periodisasyong naganap sa

58DIASPORAATPELIKULA

mga OFW films. Una diumanong itinampok ang naratibo ng mga OFW sa pamamagitan ng mga

historical at traumatic films kung saan batay ang pelikula sa isang totoong pangyayaring mayroong

kalunos-lunos na sinapit. Halimbawa nito ay ang The Flor Contemplacion Story (VIVA

Films:1995) at The Sarah Balabagan Story (VIVA Films:1997) ni Joel Lamangan.

Ang pagpasok ng romantisismo22 sa mga OFW films ay hudyat ng ikalawang yugto ng

periodisasyon nito kung saan kabilang diumano ang mga romantiko at melodramang pelikula gaya

ng Milan (Star Cinema:2004) ni Olivia Lamasan at Anak (Star Cinema:2000) ni Rory Quintos.

Naglaho sa yugtong ito ang historikal na aspeto ng mga OFW films. Ang pelikulang Anak, na

pinagbidahan din ni Vilma Santos at Claudine Baretto, ang tila nagsimula ng melodramang porma

ng mga OFW films kung saan sentro ng pelikula ang suliranin sa ugnayan ng pamilya, partikular

ng ina at anak. Samantala, naglaho naman sa ikatlong yugto ang realidad ng kahirapang natatamasa

ng mga migrante sa dayuhang bansa kung saan ibinibida sa mga pelikula ang isang komersyalisado

at fictionalized version na may pinaghalo diumanong ‘glamour at romanticism’. Primaryang

halimbawa rito ang mga romantic-comedy na pelikula gaya ng In My Life (Star Cinema:2009) ni

Olivia Lamasan kung saan itinampok ang kuwento ng dalawang klase ng relasyon – relasyon ng

dalawang lalaking magkasintahan at ng anak sa ina. Nangibabaw ang komedya dahil sa matandang

karakter na ginampanan ni Vilma Santos at drama dahil sa karanasan ng mga karakter nina Santos,

John Lloyd Cruz, at Luis Manzano.

22Romantisismo (Villafuerte at Bernales,2008): kaisipang ibinabandila ang indibidwalismo kaysa kolektibismo, imahinasyon kaysa katwiran,… pagpapalutang ng damdamin kaysa isipan at pagkahirati sa internal na tunggalian.

59DIASPORAATPELIKULA

Ugnayan ng Pelikula at Lipunan sa usapin ng Migrasyon

Ang mga kababaihang migrante

Nakalatag sa Talahanayan 4.2 ang impormasyon ng anim na babaeng OFW na naging

bahagi ng isinagawang Focus Group Discussion sa opisina ng Migrante International noong Marso

27, 2017. Makikita na lahat ay mga naging Domestic Helper (DH) sa Hong Kong o Saudi Arabia,

mga bansang kabilang sa Top 5 destination countries ng mga OFW, batay sa ulat ng POEA noong

2014 (balikan ang Talahanayan 2.1 sa Ikalawang Kabanata para sa kumpletong listahan ng mga bansa).

Talahanayan 4.2. Propayl Matrix ng mga Migranteng babae

na umupo sa Focus Group Discussion

Tagasubaybay din ang mga babaeng OFW ng mga pelikulang nagtatampok ng kanilang

naratibo. Sa katunayan, ang pelikulang Anak (Star Cinema:2000) ni Rory Quintos ang pinakakilala

ng mga katugon ng FGD. Ayon sa kanila, lubos na makatotohanan ang ipinakita ng nasabing

pelikula lalo na sa bahagi ng pangungulila’t pag-aalala sa mga anak sa tuwing kakain sila sa ibang

bansa:

“Hindi mo siya kayang minsang kayang lunukun kasi minsan ang pagkain mo medyo masarap, iisipin mo ay yung mga anak mo; kung ang pagkain ba nila totally is yung

pagkain mo din o kaya nagdidildil lang ba sila ng asin?”

Nakikita diumano ng mga respondents ang kagandahan ng mga ganitong uri ng pelikula

sapagkat nalalaman diumano ng mga tao kung gaano kahirap ang buhay ng isang OFW at upang

Trabaho sa ibang bansa

Bansang pinagtrabahuhan

Probinsyang pinanggalingan

Tagal ng paninilbihan sa

abroad Domestic Helper Hong Kong Isabela 4 na buwan Domestic Helper Saudi Arabia Cavite 4 na buwan, 19 na araw Domestic Helper Saudi Arabia Nueva Ecija 3 buwan Domestic Helper Saudi Arabia - 5 taon Domestic Helper Saudi Arabia - - Domestic Helper Hong Kong - -

60DIASPORAATPELIKULA

magbigay-aral sa mga kapamilyang naiiwan sa Pilipinas na pahalagahan ang perang pinadadala sa

kanila.

Samantala, nang tanungin naman kung anong bahagi ng kanilang personal na karanasan

ang hindi naipakita sa pelikula, ginamit nilang halimbawa muli ang pelikulang Anak (Star

Cinema:Quintos:2000). Suhestiyon ng isang respondent na dapat sana maipakita pa ang paraan ng

pagtrato sa mga OFW sa pelikulang Anak sapagkat tila ang pinakamahirap na suliraning ipinakita

sa pelikula ay ang pagkamatay ng kanyang asawa at paglayo ng loob sa kanya ng mga anak niya.

Batid ng isang respondent na napakaraming hindi makataong pagtrato ang naranasan at

nararanasan ng mga babaeng OFW na dapat sana’y mas ilantad pa sa pelikula.

Ayon din sa kanila, ang pagkakawalay sa mga anak at pagkatagpo ng malupit na amo ang

maituturing nilang pinakamabigat na karanasan bilang migrante. Sinuma ng mananaliksik ang

naging karanasan ng lima sa anim na OFW na naging bahagi ng diskusyon. Para sa kanilang

personal na seguridad, hindi ilalantad sa mga sumusunod na detalye ang tunay na pangalan ng mga

respondents:

Kuwentong-buhay ng mga migranteng Pinay

1. Dating video operator ang DH sa Saudia Arabia na tubong Cavite. Labis na

pagtatrabaho ang kanyang naranasan kung saan iba’t ibang bahay ang pinalinis sa

kanya ng kanyang amo. Walang pahinga at day-off ang kanyang pagtatrabaho sa mga

Arabong employer. Nang tanungin nito ang amo kung nabasa ang kanyang kontrata,

ang sagot ng kanyang amo ay “No! Your contract is XXX!”. Bodega ang kanyang

naging tulugan kung saan kadalasang playground din ng mga bata at kahit dis-oras

na ng gabi, may papasok at biglang ibabagsak ang pinto. Nakaranas din ng mga

aksidente ang OFW kung saan nabagsakan ng mabigat na furniture ang paa ngunit

walang inialok na tulong ang employer. Dagdag pa, nilimitahan ng employer sa isang

beses kada linggo lamang maaaring tumawag sa cellphone ang DH. Labis na gutom

din ang kanyang sinapit sapagkat pinagbawalan siyang kumain hangga’t hindi pa

nakakakain ang kanyang mga amo samantalang huli sa oras ng pagkain kung kumain

ang mga ito.

61DIASPORAATPELIKULA

Nang makaramdam ng pananakit ng paa, humingi siya ng dalawang oras na

pahinga ngunit hindi ito napagbigyan. Maghapong nakatayo, nagkukuskos, at hindi

pa pinakakain ang mga mga domestic helper na inatasang maglinis ng isang

abandonadong bahay. Dahil umaga na nang matapos ang paglilinis, dalawang oras

lamang ang kanyang naging tulog sapagkat kinailangan na nitong mag-intindi ng mga

estudyanteng anak ng kanyang amo. Tanghali nang humingi ng pahinga ang DH dahil

sa pananakit ng paa. Kinabukasan, pinalayas na siya sa trabaho at ibinalik sa agency.

Pinilit kunin ng amo ang cellphone at sahod, ngunit ipinaglaban ng domestic helper

ang kanyang sahod. Pagdating sa agency, dinahilan ng amo sa ahensya na ayaw na

nitong magtrabaho kaya nila ibinalik.

Nais ng agency na magpalit ng employer ang DH dahil nais mabawi ng dating

employer ang binayad sa ahensya. Hindi siya pumayag sapagkat ibang employer ang

nakapirma sa kanyang kontrata at wala siyang magiging seguridad sa bagong amo,

kung kaya’t nagdesisyon na lamang siyang umuwi.

2. Para sa isang Pinay DH na galing Hong Kong, ang pinakamabigat na karanasan para sa

kanya ay ang mawalay sa mga anak at ang pangangaliwa ng kanyang asawa. Ayon sa

kanya, ang depresyong naranasan niya matapos malaman ang na mayroong babae ang

kanyang asawa ang nagtulak sa kanyang mga amo na i-terminate siya. Labis na stress at

pamamayat ang pinagdaanan niya.

Gutom din ang daing niya sa kanyang mga employer ngunit malaking bagay para

sa kanya ang kanyang lingguhang day-off sapagkat napababaunan siya ng kanyang kapwa

mga Pinay domestic helper sa Hong Kong ng pagkain sakaling magutom siya sa trabaho.

3. Illegal detention naman ang pinakamalagim na sinapit diumano ng Pinay DH sa Saudi

Arabia. Walo silang kasambahay sa bahay ng kanyang employer kung saan mayroon

siyang mga kasamang domestic helper mula India at Sri Lanka. Isang linggo diumano

silang ikinulong, pinagpapalo, at hindi pinakain ng amo nang nakawin ng isang Sri Lankan

DH ang isang bra ng amo nilang babae.

62DIASPORAATPELIKULA

Naging ugali na ng mga kasamahan niyang DH na isukat ang mga damit, sapatos,

at alahas ng kanilang amo kung kaya’t nang makita ito ng anak ng kanilang employer, agad

silang isinumbong. Suwerte na lamang daw sila at palihim na inaabutan sila ng pagkain ng

drayber sa tuwing magbabanyo ang mga domestic helper.

Naranasan din niya ang labis na pagkagutom sapagkat hindi niya kinakain ang

anumang lutuin ng mga kasamahan niyang DH dahil sa nalaman nitong hinahaluan ito ng

mga kasamahan niya ng sarili nilang regla. Ito raw ang ganti ng kanyang mga kasamahan

sa pagiging salbahe ng kanilang employer. Dahil sa takot na magkasakit, tiniis niyang

kainin ang Cerelac (pagkain ng bata) at gatas ng kanyang alagang bata.

4. Pangbibintang ng pagnanakaw ng isang litrato naman ang pinakamalaking dagok sa buhay-

OFW ng isa sa mga respondent. Matapos ang halos tatlong taong pagiging domestic helper

sa kanyang employer, tatlong araw na lamang ang hihintayin niya at makakauwi na siya

ng Pilipinas. Ikinulong siya ng kanyang amo ng sampung araw, binugbog, at pilit pina-

inom ng tubig na may halong asin at cologne habang pinipilit siyang paaminin sa

ibinibintang na pagnanakaw. Matapos ang sampung araw, dinala ng employer sa presinto

ang OFW at sinampahan ng kasong pagnanakaw. Pitong buwang siyang nakakulong ng

walang naganap na imbestigasyon.

Matapos ang Ramadan, nagkaroon ng tatlong sunod-sunod na imbestigasyon at

pagkatpaos, iniharap agad siya sa korte. Batid ng Pinay DH na wala siyang nakasamang

abogado, bagamat nangakong magpapadala ang embahada ng Pilipinas. At bagamat hindi

pa siya nakapagsasalita sa hearing, agad siyang binasahan ng sintensiya na makulong muli

ng 10 buwan.

Dahil sa pressure at stress, naisip na niyang magpakamatay sa loob ng loob ng selda

habang natutulog ang mga kasama sa loob. Inisip daw niya ang kahihiyang sinapit ng

kanyang mga anak dahil nagkaroon ng ibang asawa ang kanilang ama at nakulong naman

sa abroad ang kanilang ina, ngunit naisip din niya na ang pera ay maaaring ibalik, ngunit

ang buhay niya ay hindi na.

Matapos makulong, umuwi ang Pinay DH sa Pilipinas na tanging abaya at pajamas

lamang ang suot at walang kahit anong dalang pera at personal na gamit.

63DIASPORAATPELIKULA

5. Labis na gutom at hindi makataong pagtrato rin ang dinanas na isa pang respondent na

nagtrabaho sa Hong Kong. Ayon sa kanya, expired na mga tinapay at biscuit ang

pinakakain sa kanya ng kanyang amo. Wala rin siya diumanong pahinga sapagkat madalas

umabot sa alas dos ang kanyang pagtatrabaho. Nakaranas din siya ng berbal na abuso kung

saan sinasabihan siyang ‘tanga’ at ‘siraulo’ ng amo sa tuwing nagsusuot ng jacket sa

malamig na bahagi ng Hong Kong. Muntik na rin siyang mahulog sa pagkikiskis ng labas

na bahagi ng bintana dahil sa dulas ng yero.

Ang ikaanim na respondent ng isinagawang FGD ay si Celia Veloso, ina ni Mary Jane

Veloso na kasalukuyang nasa death row sa Indonesia. Dati ring naging OFW si Nanay Celia sa

Saudi Arabia. Kagaya ng ibang respondents, nakaranas din siya ng pangmamaltrato ngunit para sa

kanya, wala ang kanyang sinapit sa bigat ng pinagdadaanan ng kanyang anak.

“Hindi na!” – ito ang naging sagot ng anim na babaeng migrante nang tanungin kung

pipiliin pa rin nilang magtrabaho sa abroad kung mayroon namang matinong trabaho na may

nakabubuhay na sahod sa Pilipinas.

Pinuna ng ilang respondents ang P10, 000 dapat ibinibigay ng Overseas Workers Welfare

Administration (OWWA), kung saan P5,500 na lamang ang naibibigay sa kanila dahil kinakaltasan

ito ng mga nagastos diumano sa tatlong araw na training. Dagdag pa, napakatagal daw ibigay ng

OWWA ang tseke na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nila natatanggap.

Ang mga alagad ng pelikula

Nakapanayam ng mananaliksik sina Joel Lamangan at Bonifacio Ilagan, mga batikang

manunulat at direktor sa pelikula at kapwa naging bahagi ng unang sigwa (first quarter storm)

noong panahon ng Martial Law, upang kumatawan sa boses ng mga alagad ng pelikula sa pag-

aaral na ito.

64DIASPORAATPELIKULA

Para kay Joel Lamangan, ang pelikula ay mayroong katangiang politikal sa lahat ng

panahon sapagkat nagpapakita ito ng ugnayan sa lipunan – tao sa tao, tao sa sistema, tao sa

gobyerno, etc. Binigyang-linaw din ni Lamangan ang kahalagahan ang pelikula sa mga isyung

panlipuan kung saan ayon sa kanya, ang pelikula ay isang artistikong ekspresyon na maglalantad

ng katotohanan – katotohanang batay sa tao o grupong gumawa ng partikular na pelikula, at

katotohanang nagpapakita ng malinaw na kontradiksyon sa lipunan:

“Ang pelikula at lipuan ay hindi dapat magkahiwalay. Ang pelikula at lipunan ay

dapat magkaugnay. Walang pelikula kung walang lipunan.” (Lamangan, J., 2017)

Nakikita naman ni Bonifacio Ilagan ang kahalagahan ng pelikula sa pagpapalaganap ng

naratibo ng mga kababaihang migrante sapagkat malaki ang papel diumano ng pelikula upang

mabuhay sa kamalayan o consciousness ng mga tao sa mga usaping nais bigyang-buhay. Ginamit

na halimbawa ni Ilagan ang pagiging matunog ng kaso ni Flor Contemplacion noong 1995 upang

maipaliwanag ang punto niya sa kahalagahan ng pelikua:

“Dati-rati, yung tungkol kay Flor, front page ‘yan. Pero dahil sa madalas nang

nangyayari, nagiging karaniwang balita na lang to the point na sa karaniwang tao, hindi na iyan kagila-gilalas… and even the media treat such news as an ordinary event at nilalagay na nga lang sa inside pages which brings me to my point na sa ganiting kalagayan… yung pelikula ang mas magda-dramatize noong isang usapin na otherwise ay hindi na pinapansin.”

Samantala, detalyadong ipinaliwanag ni Lamangan ang papel ng pelikula sa pagpapabago

ng lipunan. Ayon sa kanya, hindi direktang makapag-aambag sa panlipunang pagbabago o pag-

unlad ang pelikula sapagkat hindi ito pampolitikang pwersa, kundi ito ay artistikong ekspresyon

na naglalantad ng katotohanan, sa paningin ng lumikha ng pelikula, na magmumulat sa taumbayan

upang kumilos, at kinakailangan ng lakas ng isang pampolitikang pagkilos (political movement)

upang magkaroon ng pagbabago sa lipunan. Ayon nga kay Bonifacio Ilagan:

“Ang kailangan ay mga pelikula, mga obra ng sining na magtutulak sa tao upang kumilos.”

65DIASPORAATPELIKULA

Ngunit madiing nilinaw nina Lamangan at Ilagan na hindi lamang iisang bersiyon ang

katotohanan at hindi lahat ng pelikulang naglalantad ng katotohanan ay naglalayong magmulat sa

manonood upang kumilos. Batid ni Lamangan na ang katotohanang ipinapakita sa pelikula ay

batay sa katotohanang sinasandigan ng gumawa ng pelikula – direktor, manunulat, o produser –

na sumasalamin sa interes ng isang grupo ng tao sa isang partikular na panahon. Sinususugan ito

ni Ilagan kung saan batid niya na ang pagpanig ng isang pelikula ay nakabatay sa punto de bista

ng tao o grupong lumikha ng obra.

“Truth favors whose interest you’re protecting.” (Lamangan, J.,2017)

Ani nila’y hindi rin sapat na mailantad lamang ang katotohanan sapagkat mahalagang

layunin din ng pelikula ang mapag-isip ang manonood at makabuo ng kritikal na analisis batay sa

napanood. Ayon kay Ilagan, hindi dapat nakasara sa emosyonal na aspeto lamang ang mga pelikula

sapagkat dapat nagbubunga ang mga ito ng pagkamulat at nagtutulak sa mamamayan upang

kumilos. Batid niya na anuman ang maging pagsusuri ng mga manood, mahalaga na dapat

mayroong mabuong desisyon sa kanila bilang bahagi ng lipunang inilantad sa pelikula:

“… at the end of the day, after having seen a film or a theater production, napaiyak mo, napatawa, kailangan may isang desisyon na nabuo sa tao. It’s either uunawain niya pa yung usapin or kikilos na siya upang tumulong na malutas yung problema.”

Para kay Joel Lamangan, ang konsepto ng isang maunlad na lipunan at mamamayan ay

hindi dapat ‘exploitative’, hindi dapat tao ang tila numero unong produktong ineeksport upang

pagyamanin ang bansa. Payo rin niya sa mga nag-aasam maging mga alagad ng pelikula (sa isang

forum sa Film Development Council of the Philippines) na nawa’y piliin nila ang katotohanang

magsisilbi sa interes ng nakararami:

“Ako naniniwala akong my truth should serve the interest of the many. If the many is the oppressed, then my truth should serve the interest of the oppressed. I will never serve the interest of the oppressor… And I will fight with them so that they will not be oppressed anymore, by means of my art, by means of the movie(s) I create.” (Lamangan, J., 2017)

Samantala, binigyang-diin naman ni Bonifacio Ilagan ang bigat ng social cost ng

migrasyon sa pamilya ng mga OFW – kadalasang pagkakapariwara ng anak at pangangaliwa ng

66DIASPORAATPELIKULA

asawa. Bagamat kinikilala niya na mayroong mga OFW na umasenso dahil sa trabaho sa abroad,

binigyang-diin niya na ang mga kasong ito ay eksempsiyon sa tunay na batas o kalakaran ng

migrasyon sapagkat mas marami pa ring OFW ang biktima ng karahasan sa ibang bansa.

Naninindigan siya para sa mas malawak na oportunidad sa trabaho sa Pilipinas na siya ring mariing

panawagan ng organisasyong Migrante International:

“Kailangan ng lipunan na nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan nito na

mabuhay nang disente at normal sa sariling bayan.” (Ilagan, B., 2017)

Dalubhasang Pananaw sa OFW films

Kinapanayam ng mananaliksik si Dr. Rolando Tolentino, dating dekano ng College of

Mass Communication sa UP Diliman, upang makuha ang pananaw ng isang dalubhasa sa Pelikula

ukol sa OFW films na kadalasan ding paksa ng kanyang mga artikulo at akda.

Ayon kay Dr. Tolentino, ang overseas work sa Pilipinas ay isang penomenon kung saan

hindi maganda ang kalagayan ng mga Pilipino at nananatili diumano sa construction boom ang

kalakhang bilang ng mga OFW. Nakikita niya ang kahalagahan ng ugnayan ng pelikula at

kalagayan ng mga migrante sapagkat mas nangingibabaw na diumano sa kasalukuyang panahon

ang visual arts culture gaya ng pelikula kaysa sa reading culture at dahil sa nilikha ang pelikula

ng may sinasandigang realidad sa partikular na panahong inilabas ito na may inilalantad diumano

ng mga seryosong OFW films.

Kung babalikan ang naging pagtalakay ni Tolentino sa periodisasyon ng OFW films (balikan

sa pahina 64), ang paglabas ng mga komersiyalisado at fiksiyonalisadong OFW films ay mapanganib

dahil mayroong posibilidad na ang manonood ay naghahangad ding mangibang-bansa kung saan

madaling ibenta sa manonood na makipagsapalaran din sa ibayong-dagat kapag naromantisa ang

pagtingin nila sa kalagayan ng mga OFWs sa pamamagitan ng mga pelikula.

Pinaliwanag din ni Tolentino ang pagiging ‘economically-rooted’ ng pagbaba ng bilang ng

mga napoprodus na pelikulang Pilipino sa kabuuan, na binanggit niya sa kanyang tekstong Vaginal

Economy. Batid niya na taong 1990s, panahon din diumano nang naganap ang World Trade

Organization (WTO) gap, nang labis na bumagsak ang bilang ng mga napoprodus na pelikula sa

bansa – mula 200 pelikula noong 1970s hanggang 30 pelikula na lamang kada taon noong 1980s.

Dahil sa WTO gap, mas naging bukas din sa pandaigdigang kompetisyon maging ang industriya

67DIASPORAATPELIKULA

ng pelikula ng iba’t ibang bansa. Maging pelikula ng malalaking kompanya ay umaatras kapag

ipinapasok sa bansa ang mga Hollywood films sapagkat napakataas diumano ng probabilidad na

tumiklop ang mga lokal na pelikula kung kaya’t sa mga panahong walang Hollywood films sa

malalaking sinehan na lamang ipinapasok ang mga pelikulang Pilipino na kadalasan pa’y mga

komersiyalisadong pelikula.

Para kay Dr. Tolentino, hindi makatotohanan ang konsepto ng pambansang kaunlaran o

national development sa konteksto ng kasalukuyang labor export policy ng bansa sapagkat ang

remittances mula sa overseas employment ay isang stopgap measure lamang. Sa panahon ng

pandaigdigang krisis, partikular ay ang 2007 Global Financial Crisis, ang nagligtas diumano sa

ekonomiya ng Pilipinas ay ang remittances ng 11 milyong Pilipinong patuloy na nagpapadala sa

kanilang mga pamilya sapagkat, kumpara sa ibang industriya, hindi naaapektuhan ng

pandaigdigang krisis ang walang humpay na remittance ng mga OFW.

Migrante International at OFW films

Kinapanayam ng mananaliksik si Ginoong Arman Hernando, tagapagsalita ng Migrante-

Youth upang hingin ang pananaw ng pangmasang-organisasyong Migrante International ukol sa

mga pelikulang nagtatampok ng kalagayan ng mga kababaihang migrante.

Kinikilala ni Hernando ang kahalagahan ng mga OFW films sapagkat batid niya na sa

kasalukuyang panahong babad ang mamamayan sa mga iskrin – iskrin ng cellphone, computer,

etc., mas nangingibabaw na diumano ang biswal kaysa sa tekstong pamamaraan. Dahil dito,

pelikula ang isa sa pinakamadaling paraan para ipaabot sa mamamayan ang kalagayan ng mga

migranteng Pilipino. Ayon pa sa kanya, malaking bagay ang mga ganitong pelikula para sa mga

pamilyang migrante upang makita at maramdaman ng mga kapamilya ang totoong pinagdadaanan

ng kanilang mga kaanak na OFW sapagkat kadalasa’y ang masasayang karanasan lamang ang

ipinakikita ng mga ito sa mga larawan sa takot na mag-alala pa ang pamilya.

68DIASPORAATPELIKULA

Gayundin, inilatag ng Migrante International ang mga porma ng karahasan at suliraning

natatamasa ng kalakhan sa mga migrante sa bawat proseso ng kanilang pandarayuhan (Tingnan ang

Imahe 4.4). Mula pre-employment, kung saan napakarami na agad ang nahuhulog sa patibong ng

mga ilegal na rekruter, hanggang sa reintegration, kung saan mayorya sa mga nabigong OFW ay

nabaon sa utang dahil sa maraming dahilan gaya ng tambak na utang ng pamilya, pagkumpiska ng

employer sa sahod, hindi pagpapasuweldo, at panlilinlang ng agency o kapwa OFW.

Ayon pa sa porum na isinagawa ng Migrante (Pebrero 2017), mauugat ang

institusyonalisasyon ng eksportasyon ng lakas-paggawa ng bansa noong panahon ni dating

Pangulong Marcos kung saan ipinaloob sa Presidential Decree 442 o Labor Code ang Overseas

Employment Program na nagtayo ng mga ahensya ng gobyernong naatasang maghanap ng mga

manggagawang maaaring i-eksport. Kung kaya’t imbis na lumikha ng maraming trabaho sa bansa

at paunlarin ang industriya nito, gumawa na lamang ito ng mga mangagawang may angkop na

kakayahan sa trabahong inihahain ng malalaking bansa.

Para kay Arman Hernando, nakikita niya ang papel ng isang istruktural na lipunan sa

pagpoprodus ng mga OFW films na may politikal na konteksto. Kung ang ekonomiya diumano

ang nagdidikta ng politikal at kultural na sitwasyon ng bansa, dapat salaminin ng kalagayan ng

Imahe 4.4. Mga yugtong pinagdadaanan ng mga migrante at mga nakaambang karahasan sa bawat yugto (Orihinal na Imahe mula sa ulat ng Migrante International).

69DIASPORAATPELIKULA

mga migrante sa pelikula ang mukha ng ekonomikong base kung saan sila ay marhinalisado,

pinagkakaitan, at biktima ng mga labor export policies – mga polisiyang labis na pinakikinabangan

ng malalaking recruitment agencies at malalaking negosyante. Dapat diumanong ipakita ang ugat

ng ganitong kalagayan ng mga OFW, pagsasamantala ng mga negosyante at maging ng

pamahalaan at bansang nananamantala sa kanila. Mahalaga rin diumanong ipakita ang epekto ng

pandarayuhan sa mga pamilya at ang pinakamahalaga’y makapaglatag ng solusyon sapagkat hindi

sapat diumano ang maglantad lamang ng mga suliranin. Naniniwala siyang makapagmumulat

lamang at masasabi niyang kumpleto ang isang pelikula ng OFW kung mayroong konkretong

solusyon itong ihahain sa mamamayan.

Pulso ng masa sa Pelikula

Layunin ng sarbey na masuri ang konteksto ng mga pelikulang sentro ng pag-aaral mula sa

perspektiba ng mga manonood. Sinuri ang konteksto sa pamamagitan ng kwalitatibo at

kwantitatibong uri ng pagtatanong. Tatlong pelikula ang isinailalim sa pagsasarbey – The Flor

Contemplacion Story, A Mother’s Story, at Migrante: The Filipino Diaspora.

Inilatag ng kwalitatibong datos ng sarbey ang mga porma ng karahasan, diskriminasyon, o

suliranin ng kababaihang OFW na ipinakita sa bawat pelikula. Sa dalawang aspeto binalangkas

ang mga porma ng suliranin – bilang overseas worker at bilang babae.

Karahasan sa kababaihan

1. The Flor Contemplacion Story

Porma Detalye Bilang ng sumagot

70DIASPORAATPELIKULA

Pambababae ng asawa (Bigamy)

Pagbabahay ng asawa sa kabit habang nasa ibang bansa si Flor 10

Kawalang-oportunidad na magampanan ang obligasyon sa mga anak

Pagkakait sa ina ng pagkakataong magabayan ang mga anak 7

Peminisasyon ng paggawa at kahirapan (Feminization of labor and poverty)

Peminisasyon ng mga overseas workers 4

Kawalang representasyon Kawalang-boses sa sa pamahalaan sng ibang bansa at sa patriyarkal na lipunan, kawalang kapangyarihang ipagtanggo ang sarili

4

Pang-aabuso Pisikal na pang-aabuso, torture upang mapilitang umamin sa kasalanang hindi ginawa

4

Diskriminasyon sa kasarian (Gender discrimination)

Babae bilang “yaya” sa ibang bansa 3

Emosyonal na istres (Emotional stress)

Pangungulila sa mga anak 3

Kakulangan o kawalang proteksyon

Pambubugaw ng pamahalaan, bulnerabilidad na maakusahan sa krimeng hindi ginawa 3

Diskriminasyon sa lahi (Racial discrimination)

1

2. A Mother’s Story

Porma Detalye Bilang ng sumagot

Pang-aabuso

Pisikal (pamamalo), Emosyonal, Berbal na maltrato, Ekonomiko (labis na paggasta para sa bisyo ng asawa), kawalang-kalayaan, overwork, pangmamaliit ng amo

27

Diskriminasyon sa kasarian (Gender discrimination)

Hindi maaaring magtrabaho ang babae sa abroad, pagtrato sa kababaihan bilang mas mababang uri, mas magandang oportunidad ang binibigay sa kalalakihan, pagkulong sa kababaihan sa mga pambahay na trabaho

12

Pambababae ng asawa (Bigamy)

6

Victim blaming Sinisisi ang babae dahil sa pagkakawatak-watak ng pamilya 5

Paninirang-puri Pinagchichismisan ang babae na nanlalaki sa ibang bansa 3

71DIASPORAATPELIKULA

Hindi makatarungang pagbabawas ng sahod

Pagbibigay ng mababang sahod ng amo, pandaraya sa sahod ng kapwa ng Pilipino 2

Sapilitang pandarayuhan (Forced migration)

1

3. Migrante: The Filipino Diaspora

Porma Detalye Bilang ng sumagot

Rape at sexual harrasment Mula sa sekswal na pagbabanta hanggang sa pagdadalang-tao ng ginahasang biktima 26

Pisikal, berbal, at emosyonal na pang-aabuso

Tinatawag na ‘slave’, pambubugbog ng amo 12

Kawalang-boses at representasyon

Hindi pagkilala sa karapatan, Walang boses upang magreklamo, pagtanggi ng among

babae na paniwalaan ang sumbong ng OFW, hindi pantay na pagtingin ng ibang

bansa at batas sa mga kababaihan

7

Diskriminasyon sa trabaho

Hindi pagpapasweldo, tinuturing na alipin, sapilitang pagtatrabaho sa hindi maayos na

kondisyon kung saan mas naging bulnerable sa seksuwal na karahasan ang kababaihan

7

Gender stereotyping

Palaging domestic work ang ibinibigay na trabaho sa kababaihan, kawalang

oportunidad umunlad sa ibang uri ng trabaho

3

Trauma at kahihiyan Dulot ng naging marahas na karanasan at pagkakabuntis 2

Biglaang pagpapalit ng trabaho Kawalang-bisa ng kontrata dahil sa biglaang pagpapalit ng employer 1

Forced migration / feminization of overseas work

Sapilitang pag-alis dahil mas mataas ang demand sa kababaihan sa ibang bansa 1

Pangangaliwa ng asawa (Bigamy)

1

Diskriminasyon sa uri (Racial discrimination)

1

Isolation 1 Kakulangan sa oportunidad magampanan ang pagiging ina

1

72DIASPORAATPELIKULA

Bilang pagsusuma sa mga talahanayan, ginamit ng mananaliksik ang Venn diagram upang

makita ang mga karaniwang isyung pare-parehong inilantad ng mga pelikula at ang mga isyung

ispesipikong tinalakay at binigyang-diin sa partikular na pelikula. Layunin din ng paglalatag na ito

na maiugnay ang mga inilantad na karanasan sa pelikula sa aktuwal na karanasan ng mga OFW sa

pamamagitan ng naganap na focus group discussion.

Makikita sa Venn diagram, na Bigamy o pangangaliwa ng asawang lalaki ang isa sa

primaryang isyu na inilantad ng tatlong pelikula. Sinususugan ng mga babaeng migranteng naging

bahagi ng focus group discussion, na ito ang isa sa pinakalaganap na suliranin ng mga kababaihang

migrante. Apat sa anim na naging respondents ang biktima ng pangangaliwa at tuluyang

nakipaghiwalay sa asawa. Pang-aabuso (pisikal, emosyonal, berbal, at ekonomiko) rin ang

pinakalaganap na karahasan na inilantad ng tatlong pelikula at pinatototohanan din ng naging

usapin sa focus group discussion. Ang anim na OFW na umupo sa diskusyon ay lahat nakaranas

ng pangmamaltrato sa iba’t ibang porma at lahat din ay nagtrabaho bilang domestic helper sa Saudi

Arabia at Hongkong na nagpapatunay sa ipinakitang isyu ng gender stereotyping sa tatlong

pelikula

Diagram 4.1. Karahasan sa Kababaihan. Sinusuma ng Venn diagram ang mga pagkakahintulad at malawak na baryasyon ng mga porma ng suliranin at karahasan sa kababaihan na ipinakita sa bawat pelikula.

73DIASPORAATPELIKULA

Karahasan bilang overseas worker

1. The Flor Contemplacion Story

Porma Detalye Bilang ng sumagot

Kapabayaan ng pamahalaan

Hindi paggampan ng embahada sa tungkulin nito sa kaso ni Flor Contemplacion, pagiging pasista ng gobyerno, kakulangan ng suporta mula sa gobyerno, dahil sa labor export policy ng bansa

14

Inhustisya Walang pantay na paglilitis, kabulukan ng sistema ng korte sa Singapore 13

Pang-aabuso Sapilitang pagpapaamin, pangba-blackmail, pisikal na abuso, pananamantala sa kahinaan ng migrante

5

Diskriminasyon sa trabaho

Mababang tingin sa mga trabahong pambahay tulad ng mga DH, Hindi pantay na turing sa mga migrante sa ibang bansa

4

Sapilitang migrasyon dulot ng kahirapan at kawalang-empleyo 3

Brain drain Mentalidad na aayos ang buhay sa pangingibang-bansa 1

Diskriminasyon sa lahi (Racial discrimination)

1

2. A Mother’s Story

Porma Detalye Bilang ng sumagot

Diskriminasyon sa trabaho dahil sa undocumented o ilegal na istatis

Pangmamata, hindi maayos na pakikitungo ng amo, itinuturing na ‘cheap labor’, pagbabawas at pandaraya sa sahod, hindi pantay ang karapatang ibinibigay

23

Pisikal, Berbal, Emosyonal, at Ekonomikong Pang-aabuso

22

Kawalang seguridad, kalayaan, at oportunidad

Pagkumpiska sa pasaporte at ibang dokumento, illegal detention, pangba-blackmail, madalas napagbibintangang nagnanakaw

14

Panlilinlang ng kapwa Pilipino Pagbabawas ng sahod 5

74DIASPORAATPELIKULA

Pangbibintang ng pamilya Inaakusahang masamang ina dahil sa pagtatrabaho sa abroad 1

Diskriminasyon sa lahi 1

Diskriminasyon sa kasarian Inaasahang bilang babae at ina na manatili lamang sa bahay upang asikasuhin ang pamilya

1

3. Migrante: The Filipino Diaspora

Porma Detalye Bilang ng sumagot

Diskriminasyon sa trabaho

Underpaid labor, alipin at bayaran ang tingin sa mga OFW, hindi pagpapasweldo, hindi pantay na turing sa mga migrante

13

Sekswal, pisikal, at mental na abuso Pangmamaltrato sa mga naarestong OFW, panggagahasa ng kapulisan sa OFW na humihingi ng tulong, trauma

13

Pang-aakusa ng mga gawa-gawang krimen/ victim blaming

10

Kawalan ng kalayaan at karapatan

Pagkumpiska ng pasaporte at ibang dokumento, Isolation, hindi makapagpagamot ang mga nabugbog na OFW dahil sa takot na mahuli

9

Pag-abandona ng embahada at pamahalaan

Kawalang-proteksiyon mula sa pamahalaan, pagpabor ng embahada sa akusasyong ibinibintang ng employer sa OFW, labor export policies ng bansa

9

Kawalan ng boses at proteksiyon Sa pagkakadakip, sa bantang deportasyon, sa mga awtoridad na nakabangga ng biktima

6

Diskriminasyon sa lahi 4

Biglaang pagpapalit ng employer/trabaho

Kawalan ng seguridad sa trabaho, mula sa pagiging caregiver ay naging kasambahay

3

Pagkakawalay sa pamilya 1

75DIASPORAATPELIKULA

Liban pa sa pang-aabuso, mga isyu din ng diskriminasyon sa trabaho (sa iba’t ibang porma)

at diskriminasyon sa lahi (racial discrimination) ang inilantad ng tatlong pelikula sa aspeto ng

pagiging migrante. Kadikit ng pang-aabuso ang hindi pantay na trato at karapatang ipinapataw sa

mga migranteng babae. Sa isang pagbabahagi, batid ng isang OFW na hindi lamang labis na

pagtatrabaho kundi pagkakait ng karapatang makapagpahinga ang naranasan nito sa mga amo sa

Middle East. Ang malala pa, ang paghingi nito ng ilang oras na pahinga mula sa mga amo ang

naging mitsa ng kanyang kontrata at trabaho, at ayon nga sa kanya, hindi na tao ang turing sa mga

migrante sa ibang bansa.

Nilayon namang masuri ng kwantitatibong bahagi ng sarbey ang – kahalagahan, pagiging

makatotohanan, kabuuang konteksto at panawagan, at papel ng mga aspetong panlipunan sa

pelikula. Nahati sa limang sab-kategorya ang sarbey at ang mga sumusunod ang nagsuplay ng

kwantitatibong datos:

Diagram 4.2. Karahasan bilang mga Migrante. Sinusuma ng Venn diagram ang mga pagkakahintulad at pagkakaiba ng mga porma ng suliranin at karahasan bilang mga migranteng manggagawa na ipinakita sa bawat pelikula.

76DIASPORAATPELIKULA

I. Pagsusuri sa mga karahasang itinapok at pagiging makatotohanan ng pelikula

Mean

The Flor Contemplacion Story 3.52

A Mother’s Story 3.09

Migrante: The Filipino Diaspora 3.81

Sa tatlong pelikula, Migrante: The Filipino Diaspora ang pelikulang nakakuha ng

pinakamataas na mean sa unang sab-kategorya. Samakatwid, batay sa perspektiba ng mga naging

respondents, ito ang pelikulang pinakanagpakita sa pelikula ng malawak na saklaw ng mga

karahasan at ng pagiging dobleng bulnerable ng kababaihang migrante.

II. Pagsusuri sa kabuuang konteksto at panawagan ng pelikula

Mean

The Flor Contemplacion Story 3.25

A Mother’s Story 2.82

Migrante: The Filipino Diaspora 3.59

Ang pelikulang Migrante: The Filipino Diaspora, na may mean na 3.61, ang nakakuha ng

pinakamataas sa ikalawang sab-kategorya. Batay sa perspektiba ng masang manonood, ang

pelikulang ito ang pinakanagpalitaw sa migrasyon bilang isang istruktural na isyu na naka-ugat sa

malawakang kawalang-empleyo sa bansa at pinakanagbitbit ng panlipunang panawagan at hamon

sa mga respondents.

IV. Pagkilala sa papel ng mga aspetong panlipunan sa pelikula

77DIASPORAATPELIKULA

Mean

Politikal

The Flor Contemplacion Story 3.0

A Mother’s Story 2.58

Migrante: The Filipino Diaspora 3.44

Ekonomiko

The Flor Contemplacion Story 3.56

A Mother’s Story 2.72

Migrante: The Filipino Diaspora 3.24

Kultural

The Flor Contemplacion Story 3.44

A Mother’s Story 2.42

Migrante: The Filipino Diaspora 3.64

Migrante: The Filipino Diaspora ang pelikulang pinakasumalamin sa politikal at kultural

na aspeto ng lipunan samantalang The Flor Contemplacion Story, na may mean na 3.56, ang

pinakanagpalitaw sa pelikula ng ekonomikong usapin ng lipunan.

V. Pagkilala sa kahalagahan ng pelikula bilang midyum ng pagmumulat

Mean

The Flor Contemplacion Story 3.72

A Mother’s Story 3.35

Migrante: The Filipino Diaspora 3.68

Sa mean na 3.72, ang pelikulang The Flor Contemplacion Story ang pinakanagpakita at

malawak na nagtalakay ng kahalagahan ng pelikula bilang epektibong midyum sa pagpapalaganap

ng isyu ng kababaihang migrante.

78DIASPORAATPELIKULA

Sinusuma ng mga sumusunod na talata ang mga puntong ninais bigyang-diin ng mga

manonood sa pelikulang naging sentro ng kanilang sarbey:

The Flor Contemplacion Story

Inilantad ng pelikula ang lihim ng pamilya Contemplacion – ang pagkakaroon ng

karelasyon ni Efren Contemplacion, ngunit hindi diumano masyadong naipakita ang kalagayan ni

Flor Contemplacion bilang overseas Filipino worker (OFW). Ipinakita rin ng pelikula ang

malaking epekto ng migrasyon sa isang pamilya, ngunit hindi naman diumano nabigyang-diin ang

iba pang isyung kinasasangkutan ng kababaihang migrante. Ayon sa ilang mga naging

respondents, may malinaw na pagpanig kay Flor Contemplacion ang kabuuang naratibo bagamat

mayroong nagsabi na dapat mas ipinakita pa ang ugat ng suliranin sa pelikula, at bagamat

nakasandig sa emosyonal na aspeto ang pelikula, nangibabaw din diumano ang pagtalakay sa kaso

ni Flor bilang isang panlipunang isyu.

Sa kabuuan, inilantad ng pelikula ang laganap na diskriminasyon at pagiging bulnerable

ng kababaihang migrante, ang kapalpakan ng gobyerno – ang kabulukan ng hustisya noong

administrasyong Ramos at ang kawalan nito ng malinaw na solusyon, at ang malawakang

kakulangan sa trabaho sa bansa. Panawagan ng masang manonood, kailangan diumanong

matugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga migrante at hindi epektibong solusyon

para sa lahat ang pandarayuhan upang umangat mula sa kahirapan.

A Mother’s Story

Malawak diumano ang naging pagtalakay ng pelikula sa kalagayan at suliranin ng mga

kababaihang migrante. Maliban sa kaso ng illegal status, ipinakita rin ng bahagya ang karanasan

ng Pilipinang produkto ng ‘green card marriage’ na, kabaliktaran ng tipikal na mga OFW, ay

nanlilinlang ng kapwa Pilipinong migrante. Nakita ng manonood ang kahalagahan ng

pagkakatampok sa kaso ng passport confiscation kung saan maituturing na porma ng banta sa

karapatan at kalayaan ng mga migrante.

Naging malawak din diumano ang pagtatampok ng pelikula sa usapin ng kasarian at

pamilya sa kaso ng mga OFW. Kinilala ng mga respondents ang mga diskriminasyon sa kasarian

bilang produkto ng isang patriyarkal na lipunan samantala ang yunit na pamilya bilang payak na

79DIASPORAATPELIKULA

mukha ng isang lipunan. Nangibabaw diumano sa aspetong pampamilya ang kahalagahan ng isang

ina at papel ng mga kamag-anak sa pagpapaunawa ng tunay na kalagayan ng mga OFW sa ibang

bansa. Samantala, batid ng mga respondents na dapat sana’y mas ikinumpara ng pelikula ang

kalagayan ng babae at lalaking migrante at mas ipinakita rin ang hirap na nararanasan ng naiwang

pamilya.

Mula sa mga naging punto, mayroong mga respondents na hindi naniwala sa ipinakita ng

pelikula. Batid ng ilan na hindi naman daw lahat ng amo ay masama, at hindi rin lahat ng pamilya

ay masama ang tingin sa kamag-anak na OFW. Samantala, mayroon ding ilan na nakita ang

konteksto ng pelikula na mas magaan kumpara sa tunay na karanasan kagaya ng naging mabuting

pakikitungo ng ilang Amerikano sa mga Pilipino sa pelikula na hindi sinasang-ayunan ng ilang

manonood. Dagdag pa, binigyang-diin ng ilang respondents na sa pagtatapos, ipinakita ng pelikula

na tila pangingibang-bansa pa rin ang solusyon upang umangat mula sa kahirapan dahil nag-

abroad din sa huli ang anak ng OFW. Puna ng ilang manonoodd na masyadong naging personal

ang naratibo ng pelikula at naisantabi ang relasyon ng migrasyon sa lipunan. Hindi diumano

masyadong nabigyang-diin ang malawakang kakulangan sa trabaho sa bansa na nagsisilbing push

factor sa mamamayan. Hindi rin gaanong naipakita sa pelikula diumano ang papel ng gobyero at

ibang organisasyon sa kaso ng migrasyon.

Inangat ng ilang respondents ang kahalagahan ng serbisyong pangkalusugan para sa mga

OFW, ang pangangailangang maisabatas ang Divorce sa bansa, at ang kahalagahan ng family

planning. Kinilala naman ng mga manonood ang kahalagahan ng pelikula sa pagtalakay sa isyu

ng mga OFW. Panawagan ng masang manonood ng A Mother’s Story na ang pagbibigay-empleyo

sa mamamayan sa loob ng bansa ang siyang tunay na lalagot sa kahirapang kanilang tinatakasan.

Migrante: The Filipino Diaspora

Ayon sa mga naging manonood, makatotohanan at nakapupukaw ang ipinakitang

karanasan ng mga kababaihang migrante. Naging malawak ang paglalatag diumano ng pelikula sa

usapin ng migrasyon – kapalpakan ng embahada at pamahalaan na magbigay ng legal na suporta

at tila ang mga OFW ang sumasalo sa pagbibigay-serbisyo sa bansa na hindi nagagawa ng

pamahalaan. Ipinakita rin ng pelikula ang papel ng mga progresibong samahan at non-government

organizations (NGOs) sa pag-agapay sa mga kaso ng mga OFW.

80DIASPORAATPELIKULA

Ayon sa isang respondent, diniin ng pelikula ang mukha ng Pilipinas bilang ‘land of the

slaves’. Iba’t iba ring kalagayan ng mga OFW ang inilantad ng pelikula – pagiging undocumented,

homosexual, at mga nagbabalak pa lamang mangibang-bansa. Tinalakay ng pelikula ang malawak

na porma ng mga karahasan at pang-aabuso sa mga OFW, hirap na pinagdadaanan ng pamilya ng

OFW, ang kaso ng brain drain at sa ilang bahagi rin diumano’y ang glamorisasyon sa mga OFW

(glamorization of OFWs). Nakita ng ilang respondents ang pagiging istruktural ng pagtalakay sa

kaso ng mga migrante sapagkat pinalitaw diumano ng pelikula ang problema sa kultura ng ibang

bansa at power relations sa pagitan ng Pilipinas at Middle East.

Puna naman ng ilan na nawa’y mas natalakay pa ang naging pangyayari sa kaso ni Frida

(bida sa pelikula) sapagkat naging ‘open-ended’ ang pelikula. Dagdag pa, dapat diumano’y

ipinakita kung saan maaaring tumungo ang mga OFW sa oras ng kapahamakan at dapat ring

inilantad ang papel ng media sa pagpapagaan o pagpapalala sa mga kaso ng OFW. Sa bahagi

naman ng pamilya, batid ng isang respondent na dapat mas nabigyang-diin ang suliranin sa

development aggression sa lupa ng pamilya ni Frida na isa sa mga sitwasyong nagtulak sa bidang

babae upang mangibang-bansa.

Panawagan ng mga manonood ng Migrante: The Filipino Diaspora na dapat magkaroon ng

masusing pagmomonitor sa kalagayan ng mga OFW upang mabigyang-proteksiyon ang mga ito.

Batid din ng mga manonood na nawa’y marami pa ang makapanood ng pelikulang ito, at dapat

ipaglaban ang karapatan ng ating mga migrante at kilalanin ang kahalagahan ng sama-samang

pagkilos (collective action) para maisulong ang kanilang mga hinaing.

Migrasyon at Pelikula: Panawagan at Polisiya

Hamon ng mga manunulat at direktor ng pelikula sa mga manonood na kumawala sa

nakasanayang pag-iwas o pagtalikod sa mga pelikulang Pilipinong mayroong adbokasiya,

partikular ay ang mga independent films. Sa laki diumano ng ginagastos sa mga pelikula – mula

sa mga artistang gaganap hanggang sa pag-a-adverstise sa mga telebisyon at print media,

nahihirapan ang maraming independent filmmakers na mabawi ang kanilang gastos dahil sa

mahinang pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga ganitong uri ng pelikula. Batid ni Bonifacio Ilagan,

na mahalaga ang papel ng mamamayan upang mapanatili sa merkado ang mga ganitong uri ng

81DIASPORAATPELIKULA

pelikulang Pilipino at ayon nga kay Joel Lamangan, dapat panoorin ng mamamayan ang isang

pelikula batay sa konteksto nito. Samantala payo rin niya sa mga naghahangad na maging direktor

balang araw na piliin nila ang katotohanang nagsisilbi sa interes ng nakararami.

Hamon ni Ilagan sa mga kapwa niya alagad ng sining na mag-organisa ng samahan upang

makapagtulungan sa mga suliranin gaya ng pinansiyal at audience, at upang lubos at epektibo pang

mailapit sa mamamayan ang mga pelikulang may itinatampok na adbokasiya.

Hindi man daw numero unong layunin ng mga ganitong pelikula ang kumita ng malaki,

makatotohanan pa rin diumanong isipin na kahit papaano’y kinakailangang mabawi ang puhunan

sa pelikula, kung kaya’t panawagan din niya sa mga institusyong pampelikula ng pamahalaan na

magkaroon ng institusyonalisadong pampinansiyal na suporta para sa mga pelikulang nagsusulong

ng mga adbokasiya. Dahil kung hindi, magpapatuloy ang ‘beg, steal, and borrow’ na sistema para

sa mga maliliit na Pilipinong filmmakers.

Panawagan ng mga kababaihang migrante sa pamahalaan na bigyan ang kababaihan ng

trabaho sa Pilipinas, tanggalin ang age limit sa pagtatrabaho at bigyan ng legal assistance ang mga

may kasong Pilipino. Batid naman ni Celia Veloso na iligtas ang mga nasa death row at bigyan ng

pantay na paglilitis ang mga Pilipino bago hatulan ng bitay. Dapat din diumanong huwag gawing

basehan ang antas ng pinag-aralan ng mga naghahangad maging OFW sapagkat ang pagiging

mahirap nila ang siya mismong nagtulak sa kanilang maghanap ng trabaho sa ibayong-dagat, at

marami ang nahihirapan sa dami ng requirements na hinihingi sa kanila.

Ang Migrant Workers Act of 1995

Hunyo 05, 1995 – tatlong buwan matapos bitayin si Flor Contemplacion sa Singapore,

ipinatupad ni dating Pangulong Ramos (1992-1998) ang Republic Act 8042 o ang Migrant

Workers Act upang mabuhusan ng malamig ng tubig ang nagbabagang galit ng mamamayan dahil

sa pag-abandona ng pamahalaan kay Flor Contemplacion. Malaki ang pagpupuna ang pagtutol ng

organisasyong Migrante International sa batas na ito sapagkat

Binansagan ito ng Migrante International bilang ‘ticking bomb’ dahil sa malinaw na

probisyon nito na nagpakomplika sa mekanismo ng paghahatid-tulong, pag-alis ng direktang

responsibilidad ng gobyerno sa mga OFW, at ibayong pagpapalala ng labor export policy (LEP).

82DIASPORAATPELIKULA

Inilarawan din ang polisiya ni Ramos na ‘midnight law’ kung saan ginamit ni Ramos ang ugnayan

sa hudikatura upang linisan ang pangalan sa kaso ni Contemplacion at upang magsimula ng

panibago at payapang diplomatikong relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.

Ipinangako pa diumano ng dating pangulo na sa pamamagitan ng nasabing batas, wala nang

susunod pang Flor Contemplacion sapagkat lahat ng migrante ay protektado na ng Migrant

Workers Act of 1995. Huwad diumano ang proteksiyong inihahain ng batas sapagkat batay sa

Comprehensive Deregulation on Recruitment Activities, binibitawan ng gobyerno ang obligasyong

proteksiyunan sa ibayong-dagat ang mga migrante kung saan sakop ng pagbibigay-proteksiyong

ito ay ang pagba-background check sa mga employer na pagtatrabahuhan ng mga Pilipinong

manggagawa. At dahil dito pinapasa ng gobyerno ang trabahong ito sa mga recruitment agencies,

mga pribadong negosyong ang primaryang layunin ay kumita.

Dagdag pa, pinagulo diumano ng nasabing batas ang sistema ng pagkonsulta ng mga

migrante o mga pamilya sa panahon ng sakuna at insidente. Kadalasang pinagpapasa-pasahan

diumano ng DFA, OWWA, at POEA ang mga pamilya sa tuwing lalapit sa kanila upang humingi

ng update o tulong. Kadalasan pa, tumatangging tumulong ang mga ahensiya ng pamahalaan kapag

ang OFW na nagrereklamo ay may ilegal na istatus. Dahil dito, hindi agad narerespundihan ang

mga pangangailangan ng mga migranteng nasa panganib at naiisang-tabi ang papel ng pamilya ng

mga migrante sa mga kaso. Para sa Migrante International, sa dami na ng nabitay na OFW sa

abroad matapos si Flor, bigo ang RA 1842 na proteksiyonan ang mga migranteng Pilipino, at sa

halip lalo pa nitong pinalala ang sistema ng labor export policy ng bansa.

83DIASPORAATPELIKULA

Kabanata V Ugnayan sa Kasaysayan: Pelikula, Krisis, at

Karahasan

“The camera is a sociologist”

(Brecht, B., 1930)

84DIASPORAATPELIKULA

Hindi mabilang ang dami ng kaso ng karahasan sa mga babaeng migrante. Batay nga sa

karanasan si Bonifacio Ilagan sa pagsusulat sa pelikulang Migrante: The Filipino Diaspora

(XITI:Productions:2012:Lamangan), hindi siya nahirapang isulat ang istorya ng pelikulang ito

sapagkat napakarami ng accounts ng mga Pilipinong migranteng pinagsasamantalahan sa Middle

East na hindi lubusang nailalantad ang kalagayan.

Layunin ng kabanatang ito na pag-ugnayin, gamit ang timeline, ang mga pelikula, aktuwal

na mga kaso, krisis, at penomenong mayroong ugnayan sa kababaihang migrante. Layon nitong

maipakita ang mga pagbabagong nagaganap sa kalagayan ng migranteng kababaihan at

maikumpara ang dalawang mabigat na kasong 20 taon ang pagitan – ang kaso ni Flor

Contemplacion at ang

kaso ni Jennifer

Dalquez, mula sa

perspektiba ng

kanilang pamilya.

85DIASPORAATPELIKULA

Ugnay ng Penomenon, Krisis, at Pelikula

Kung titingnan ang timeline, makikita na may jastipikasyon ang mga paksa ng mga pelikula

mula sa Miss X noong 1980 hanggang sa Anak noong 2000. Ang pelikulang Miss X ay patungkol

sa isang Pilipinang enterteyner sa Japan. Napapanahon ang paksang ito noong mga 1980s sapagkat

sa panahong iyon, mataas na ang bilang mga enterteyner o ‘japayuki’ na Pilipina. Samantala noong

1965, pumasok na ang ikatlong sigwa ng migrasyon ng mga Pilipinong nars kung kaya’t

napapanahon din noong 1984 na gamiting paksa sa OFW film na ‘Merika ang pakikibaka ng

Pilipinang nars sa ibayong-dagat.

Maituturing na historic/traumatic OFW films ang mga pelikulang Maricris Sioson

Japayuki, The Flor Contemplacion Story, at The Sarah Balabagan Story sapagkat hango sila sa

mga totoong kaso ng mga babaeng migrante. Samantala, ang pagiging lehitimo ng eksportasyon

86DIASPORAATPELIKULA

ng lakas-paggawa noong panahon ni dating Pangulong Marcos, na siya namang nagbukas ng

malaking oportunidad para sa mga Pilipinang domestic helper sa Hong Kong, ang naging

jastipikasyon sa paggamit ng Hong Kong DH bilang bidang karakter sa pelikulang Anak. Kumpara

sa mga historic/traumatic films, nilantad naman ng pelikula ang social cost ng pandarayuhan sa

pamilya.

Ngunit noong pagpatak ng 2004, nawalan na ng korelasyon sa mga penomenon sa lipunan

ang mga paksa ng mga OFW films. Milan, Dubai, at Apat Dapat, Dapat Apat – mga pelikulang

produkto ng romantisismo – na imbis na ilantad ang kaso ng Gang rape sa isang Ifugao na DH sa

Middle East, ang tanging OFW film na inilabas noon ay ang komedyang pelikulang Apat Dapat,

Dapat Apat.

2008 hanggang 2010, napakaraming Pilipinang migrante ang pinaslang at naging biktima

ng karahasan. Sa pagitan ng panahong iyon, umusbong ang krisis sa langis sa Saudi Arabia kung

saan bumaba ang presyo ng langis na nakaapekto sa ekonomiya ng Middle East. Dahil dito,

maraming Pilipinong manggagawa doon ang natanggalan ng trabaho. Sa kabila ng mga krisis at

karahasang ito, hindi sinalamin ng mga pelikulang In My Life at Caregiver ang napapanahong

suliranin ng mga migrante sa ibayong-dagot.

Sa pagpasok ng 2011 hanggang sa 2017, iilan na lamang ang OFW films na inilalabas sa

merkado. Sa kabila ng mainit na isyu sa nagpapatuloy na krisis sa Saudi at mga kaso nina Mary

Jane Veloso at Jennifer Dalquez, sa kabila ng nagpapatuloy na kaso ng misteryosong pagkamatay

kung saan naging biktima si Irma Jotojot, at sa kabila ng patuloy na pagbitay sa mga Pilipinag

migrante kung saan biktima si Jakatia Pawa, bilang na lamang sa kamay ang mga OFW films na

patuloy na sumasalamin at nagpapalaganap ng makatotohana’t kalunos-lunos na kalagayan ng

migrante kababaihan.

87DIASPORAATPELIKULA

Ugnay ng Karahasan sa Kasaysayan

Kung babalikan ang timeline, makikita na 22 taon na mula nang mabitay sa Singapore si

Flor Contemplacion, ang pangyayaring nagtulak sa pamahalaan na ipatupad ang Migrant Workers’

Act of 1995 – isang pangako diumano ng administrasyong Ramos na wala nang susunod pa sa

naging kapalaran ni Flor Contemplacion. Ngunit sa 22 taon na ito, napakaraming kababaihang

migrante na ang napatay, naabuso, at nakulong sa ibayong-dagat. Ilan lamang ang mga pangalang

nasa timeline sa mga babaeng migrante dumanas ng hagupit ng pandarayuhan (datos mula sa

Bulatlat.com):

o Rowena Peremne Arceo (33) mula Cordillera, biktima ng misteryosong pagkamatay sa Saudi Arabia noon 2008.

o Joy Cabansi Sarto (28) mula Isabela, pinaslang ng Arabong employer noong 2009. o 33 taong gulang na babaeng OFW mula Isabela, ginahasa sa Saudi Arabia noong 2009. o Clair (hindi tunay na pangalan) mula Ifugao, biktima ng panggagang-rape ng mga Arabo

sa bahay ng employer noong 2007. o Marilou Macam Ating (37) mula Lingayen, Pangasinan, iniulat na aksidente ang

pagkakahulog sa ikaapat na palapag ng bahay ng employer noong 2008. Ngunit may hinala ang pamilya na hindi basta aksidente ang nangyari sa kaanak.

o Romilyn Eroy-Ibanez (22) tubong Kidapawan, Cotabato, namatay sa mga saksak at acid ingestion sa Saudi Arabia noong 2010.

20 taon ang pagitan ng pangyayari kay Flor Contemplacion at Jennifer Dalquez. Hindi lamang

mismong mga babaeng migrante ang naaapektuhan ng karahasang pinagdaanan at pinagdadaanan

nila, kundi pati na rin ang mga pamilya nilang naiwan. Sa pamamagitan ng isinagawang case study

kina Russel Contemplacion (anak ni Flor Contemplacion) at Alicia Dalquez (ina ni Jennifer

Dalquez), inilatag ng mananaliksik ang kalagayan at saloobin ng kanilang pamilya ukol sa

trahedyang sinapit ng kanilang kaanak:

Pamilya Contemplacion

Nagdesisyon si Flor Contemplacion na magtrabaho sa dayuhang bansa upang mapagtapos

ang mga anak sa pag-aaral. Drayber ng jeep ang kanyang asawa at apat ang kanilang anak kung

kaya’t hindi sapat ang kita ng pamilya upang matupad ang hangaring edukasyon para sa mga anak.

88DIASPORAATPELIKULA

Nang pumutok ang balitang ikinulong ang isang Pinay DH sa Singapore sa salang

pagpatay, hindi agad natulungan ng pamahalaan ang pamilya Contemplacion. Ayon kay Russel

Contemplacion, isang guro lamang niya noong high school ang tumulong sa kanya upang

makapunta ng Maynila at humingi ng tulong sa radyo. Lumapit din diumano sila kay Senador Tito

Sotto noon, ngunit wala silang natanggap na tulong.

Sa Singapore, noong una lamang daw mayroong abogado si Flor habang nasa kulungan at

nang mawala ito’y isang madre ang tumulong sa kanya upang makahanap ng abogado. Inilantad

ni Russel ang kawalang-pakialam ng embahada ng Pilipinas sa tuwing susulat ang kanyang ina sa

embahada upang humingi ng suporta sa gaganaping hearing sa korte. Kadalasan diumano’y tapos

na ang pandinig sa tuwing dumarating ang tulong at direkta siyang tinuturuan kung ano ang dapat

gawin at sabihin sa korte, na siya namang ikinalala pa ng kaso niya. Sinabihan diumano si Flor

Contemplacion na magpanggap na baliw upang mapawalang-bisa ang kanyang kaso, ngunit

lumala lamang ito sapagkat nang tingnan siya ng doktor ay wala naman talagang sakit sa pag-iisip

si Flor. Batid ni Russel na kahit noong pumutok na ang balitang bibitayin ang kanyang ina, tanging

tulong lamang mula sa lokal na pamahalaan ng Laguna ang natanggap nila upang makapunta sila

sa Singapore.

Matapos ang insidente, sunod-sunod din ang trahedyang sinapit ng pamilya

Contemplacion. Bigla ring naglaho ang mga ipinangako ng pamahalaan sa pamilya habang unti-

unting naglalaho ang isyu ni Flor Contemplacion sa publiko. 16 na taong naghirap sa sakit na

Cerebral Palsy ang anak ni Russel at pumanaw ito sa sakit na Sepsis Impetigo. Hindi nakatapos

ng pag-aaral ang tatlo niyang kapatid na lalaki at noong 2007, nakulong sila at nahatulan ng

habambuhay na sintensiya dahil sa paggamit at pagtutulak diumano ng droga. 2012 nang mamatay

ang panganay nilang kapatid. Bagamat nasa piitan sa Muntinlupa, namatay diumano ito sa sakit,

bagay na ikinaduda ng pamilya. 2008 naman nang nakulong din ang ama nilang si Efren

Contemplacion dahil diumano sa droga at nakalaya matapos ang limang taon. Sa kasalukuya’y

mayroong tatlong anak si Russel Contemplacion, at hiwalay sa asawa.

Nang tanungin din si Russel kung may sinisisi ba siya sa trahedyang sinapit ng kanilang

pamliya, malaki diumano ang sisi niya sa gobyerno, partikular ay noong panahon ni dating

89DIASPORAATPELIKULA

Pangulong Ramos kung saan bagamat sinabi ng pangulo na nakausap at siniguro nito ang

kalagayan ni Flor sa Singapore, walang miski isang dumalaw diumano kay Flor na mula sa

gobyerno ng Pilipinas.

Batid ni Russel na kung nagkaroon lamang ng maayos na trabaho ang kanyang ina sa bansa,

hindi na nito pipiliin pang mangibang-bansa at hindi ganito ang sinapit ng kanilang pamilya.

Marahil hindi raw naging masaya ang kaluluwa ng kanyang ina sa kabilang-buhay dahil sa naging

takbo ng buhay ng kanyang mga kapatid, na hindi siya nagsakripisyo sa ibang bansa upang

makulong lamang ang kanyang mga anak.

Pamilya Dalquez

Dahil sa magsasaka lamang ang napangasawa ni Jennifer Dalquez at hindi naging sapat

ang kita ng pamilya upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang dalawang anak, sumugal

si Jennifer Dalquez sa oportunidad sa Middle East.

Batid ng ina ni Jennifer na sadyang napakabagal kumilos at tumanggap ng balita ng

pamahalaan. Nalaman lamang ng pamilya na ikinulong si Jennifer dahil sa balita ng kasamahan

nitong OFW. Kadalasang ‘walang update’ diumano ang Department of Foreign Affairs ngunit

nakapagbalita na sa pamilya si Jennifer. Dahil dito, hindi agad natugunan ang mga pangangailan

ni Jennifer sa piitan. Maging lokal na gobyerno ng kanilang probinsya’y walang naibigay diumano

na tulong sa pamilya miski panghanap-buhay man lang. Sa kasalukuya’y (Mayo 2017) patuloy

ang pakikiisa ng pamilya sa Migrante Internationale upang tuluyang maalis sa death row ang

kanilang kaanak na biktima ng hindi pantay na katarunga’t paglilitis sa dayuhang bansa.

Pinatutunayan lamang ng tala ng pagkamatay at karahasan sa mga migranteng kababaihan,

at ng mga testamento ng pamilya ni Contemplacion at Dalquez, na palpak ang Migrant Wokers’

Act of 1995 na proteksiyonan ang mamamayan nito. 22 taon ngunit nagpapatuloy pa rin ang

mabagal at mapaniil na sistema ng pamahalaan sa nagbabalat-kayong proteksiyon sa mga

migrante. Kaugnay nito ang mga detalyeng inilatag ng Migrante International kung saan ipinapasa

ng pamahalaan, sa pamamagitan ng batas na ito, sa mga recruitment agency ang obligasyon tiyakin

ang ligtas na pagtatrabahuhan ng mga Pilipinong manggagawa.

90DIASPORAATPELIKULA

Mula sa panahon ni Flor Contemplacion hanggang sa panahon nina Jennifer Dalquez at

Mary Jane Veloso, nananatil at nagpapatuloy ang mapaniil na labor export policy sa bansa –

nagpapatuloy ang nagbabalat-kayong oportunidad, ang laganap na karahasan sa mga migrante,

partikular sa kababaihan, ang bulok na sistema ng serbisyo sa sariling bansa, ang bulok na sistema

ng hustisya sa dayuhang bansa, at ang bigat at pangmatagalang pasanin ng pamilya ng mga

migrante. Ito ang katotohanang dapat inilalantad sa pelikula at dapat ikinikitil sa isip ng masa.

91DIASPORAATPELIKULA

Kabanata VI Kritikal na Pagsusuri

“Ang kailangan ay mga pelikula, mga obra ng sining na magtutulak sa tao upang kumilos.”

(Ilagan, B.,2017)

92DIASPORAATPELIKULA

Analisis sa Peryodisasyon ng OFW films

Ang peryodisasyong naganap sa mga OFW films ay pumasok na sa ikaapat ng sigwa ng

migrasyon sa bansa. Sa kabila ng napakaraming rekord ng karahasan sa mga migrante, partikular

sa kababaihan, sumibol at namamayagpag pa rin sa merkado ang mga komersiyalisado at

fiksiyonalisadong bersiyon ng mga OFW films. Kung titingnan ang mga taon na ginawa ang mga

pelikulang ito, A Mother’s Story at Migrante:The Filipino Diaspora lamang ang dalawang

pelikulang umiwas sa fiksiyonalisadong karakter ng babaeng OFW mula nang pumasok ang mga

romantisadong bersiyon noong taong 2000.

Bagamat inilantad ng pelikulang A Mother’s Story ang hirap na nararanasan ng babaeng

karakter – mula sa pamilya hanggang sa trabaho sa abroad, bigo naman itong maipakita ang kritikal

na katangian ng pelikula dahil sa dalawang hadlang – kawalan ng pag-uugat sa suliraning

nararanasan ng pamilya ng karakter, kung saan kinilala lamang nila ang kanilang suliranin bilang

personal na problema, at ang kawalan ng malinaw na panawagan at solusyon ng pelikula, kung

saan isang suwerteng pagkakataon ang naging daan sa karakter upang masolusyonan niya ang

kanyang mga suliranin.

Hindi humihinto ang karahasan sa kababaihang migrante, ngunit tila ang papel ng pelikula

bilang tagapagpalaganap ng tunay nilang kalagayan ay nabaluktot dulot ng komersiyalisasyon.

Napakalaking banta nito sa kamalayan ng manonood sapagkat hindi lamang pamilya ng mga OFW

ang naaapektuhan ng pelikula kundi maging ang malawak na reserve army of labor ng bansa.

Analisis sa Pananaw ng Manonood sa Tatlong Pelikula

Inilatag ng mananaliksik sa Ikaapat na Kabanata ang kwantitatibong datos ng sarbey na

sumukat sa pananaw ng masang manonood sa konteksto ng tatlong pelikula (The Flor

Contemplacion Story, A Mother’s Story, at Migrante:The Filipino Diaspora). Susuriin sa bawat

sab-kategorya ng sarbey ang naging pananaw ng manonood:

93DIASPORAATPELIKULA

I. Pagsusuri sa mga karahasang itinapok at pagiging makatotohanan ng pelikula

Sa kontekstong ito, Migrante: The Filipino Diaspora ang pelikulang nakakuha ng

pinakamataas na mean. Batay sa mga manonood, ito ang pelikulang pinakanagpakita ng malawak

na porma ng karahasan sa migranteng kababaihan.

Inugat ng pelikulang ito ang dahilan ng pangingibang-bansa ng bidang babae – mula sa

pagkakasakit ng anak at magulang, hindi sapat na kinikita ng asawa bilang drayber, at suliranin sa

lupa. Ang pangangaliwa at rape, dalawa sa talamak na karahasan sa kababaihan, ay ipinakita rin

sa pelikula. Mga suliraning gaya ng biglaang-pagpapalit ng employer at hindi paniniwala ng

among babae sa mga sumbong ng babaeng domestic helper ay partikular na itinampok sa pelikula.

Dagdag pa, ipinakita ng pelikula ang mahabang panahon ng recovery ng bida mula sa trauma ng

pagkakagahasa at karahasan.

II. Pagsusuri sa kabuuang konteksto at panawagan ng pelikula

Migrante: The Filipino Diaspora ang pelikulang nakakuha ng mataas na mean. Ang

pelikulang ito ang kinikilala ng mga manonood bilang obrang umuugat sa istruktural na

suliranin ng migrasyon at may bitibit na panlipunang panawagan.

Malaki ang naitulong ng partisipasyon ng Migrante International sa pelikula kung saan

binibigyang-diin ng samahan ang panawagan ukol sa mga isyu ng mga migrante. Sabi nga ni

Arman Hernando at Bonifacio Ilagan, mahala ang panawagan sa isang pelikula upang

magabayan ang mamamayan sa kung anong hakbang ang kanilang sasandigan. Naipakikita rin

sa pelikula, sa pamamagitan ng partisipasyon ng pangmasang samahan, ang mga hakbanging

legal at metalegal upang mas mapalawig ang kaalaman ng mamamayan sa kung paano sila

magiging bahagi ng pagkilos.

VI. Pagkilala sa papel ng mga aspetong panlipunan sa pelikula

Migrante: The Filipino Diaspora ang pelikulang pinakasumalamin sa politikal at kultural

na aspeto ng lipunan samantalang The Flor Contemplacion Story, na may mean na 3.56, ang

pinakanagpalitaw sa pelikula ng ekonomikong usapin ng lipunan.

Dahil sa mahaba ang panahong ginamit sa pelikulang Migrante: The Filipino Diaspora

upang maipakita ang karahasan natamasa ng karakter na migrante sa pelikula, mas nabigyan

94DIASPORAATPELIKULA

ng jastipikasyon ang nananaig na kultura ng karahasan (culture of violence) ng

makapangyarihang bansa sa mamamayan ng maliliit na bansa. Isiniwalat din nito ang politikal

na kalagayan ng lipunan kung saan iba’t-ibang tunggalian ang pinakita ng pelikula – pamilya

laban sa negosyanteng nangangamkam ng lupa, pamilya laban sa mga pinansiyal na suliranin,

babaeng migrante laban sa patriyarkal na lipunan (pangangaliwa ng asawa at panggagahasa),

babaeng migrante laban sa makapangyarihang employer, Migrante International laban sa

embahada at inhustisya, etc.

Samantala, The Flor Contemplacion Story ang pelikulang pinakasumalamin sa

ekonomikong kalagayan ng lipunan kung saan sa pamamagitan ng partisipasyon ng mga

pangmasang organisasyon sa pelikula, labis na napalitaw ang usapin ng labor exportation ng

bansa kung saan inuugat ng mga samahan na si Flor Contemplacion ay biktima ng kawalang-

oportunidad sa sariling bayan at ng patibong na labor export policy ng pamahalaan. Dahil sa

kaso ni Flor Contemplacion, naungkat hindi lamang ang kawalang-proteksiyon sa mga

migrante kundi pati ang lumalalang puwersahang migrasyong bumibiktima ng mga Pilipinong

napagkakaitan ng pagkakataong mabuhay ng marangal sa sariling bayan.

VII. Pagkilala sa kahalagahan ng pelikula bilang midyum ng pagmumulat

The Flor Contemplacion Story ang pelikulang kinikilala ng mga manonood na

pinakanagpalitaw ng kahalagahan ng pelikula bilang midyum ng pagmumulat at

pagpapalaganap ng isyu ng kababaihang migrante. Dahil sa hango sa tunay na karanasan ang

naratibo ng pelikula, nakita ng mga manonood ang isang makatotohanang mukha ng karahasan

sa kababaihang migrante. Malinaw din ang naging pagpanig ng mga gumawa ng pelikula ukol

sa kaso ni Flor Contemplacion kung saan naniniwala ito na si Flor Contemplacion ay biktima

ng inhustisya sa Singapore at ng pamaniil na polisiya ng pamahalaan. Sa pamamagitan ng

pelikulang ito, patuloy na maipapaalala sa mamamayan ang kabulukan ng eksportasyon ng

lakas-paggawa sa bansa at ang nagpapatuloy na karahasan sa migranteng kababaihan.

Mula sa datos ng sarbey, pinakanabigyang-pansin ang isyu ng Bigamy sa pelikulang The

Flor Contemplacion Story. Ito ay ipinakita bilang isang seryosong mukha ng pangangaliwa kung

saan ibinabahay ng asawang lalaki ang kirida habang nasa Singapore ang asawa. Malaki rin ang

95DIASPORAATPELIKULA

naging karakter ng kirida sa pelikula – lumabas sa maraming eksena at may bahaging nagsalaysay

pa ito ng kanyang naratibo – kung kaya’t ito ang pinakanabigyang-pansin ng mga manonood. Apat

sa anim na mga umupo sa focus group discussion ay naging biktima ng pangangaliwa ng asawa.

Samantala sa pelikulang A Mother’s Story, iba’t-ibang porma naman ng pang-aabuso ang

pinakanabigyang-pansin – pisikal, berbal, emosyonal, at ekonomiko kung saan nauubos na lang

basta-basta ang ipinadadalang pera ng babaeng OFW dahil sa mga bisyo ng asawa. Lahat ng

migranteng kababaihan na umupo sa FGD ay biktima ng iba’t-ibang mukha ng karahasan at

eksploytasyon sa dayuhang bansa.

Sa pelikulang Migrante: The Filipino Diaspora, bagamat iba’t-ibang porma ng pang-

aabuso ang pinakanapansin ng mga katugon, mahalagang bigyang-pansin din ang isyu ng

‘biglaang pagpapalit ng employer’ kung saan ito ang inihaing solusyon sa isa sa mga Pinay DH ng

kanyang agency upang diumano’y mabayaran ang dati nitong employer.

Analisis sa mga Naratibo at Pananaw ng Migranteng Kababaihan

1. Malinaw na inilantad ng unang naratibo ng dating DH sa Saudi Arabia ang kawalang-

pagpapahalaga ng employer sa kanyang kontrata – ang natatanging legal na dokumentong

magbibigay-proteksiyon sa kanyang kaligtasan at karapatan sa dayuhang lugar.

Pinatotohanan nito ang ulat ng UNIFEM (2003) at isinulat ni Aida Santos (2001) kung

saan hindi garantiya ang kontrata at legal na istatus upang makaligtas sa karahasan.

Ipinakita rin nito ang mataas na bulnerabilidad ng OFW sa mga karahasan dahil sa kawalan

ng pribadong espasyo sa loob ng bahay gaya ng sariling kuwarto o silid-tulugan, at hindi

bodega. Lantad din sa iba’t-ibang panggigipit ang OFW gaya ng kalayaang magpahinga,

makipag-usap sa telepono, at at kumain ng ayon sa oras. Tila pinagsawaang komoditi ang

OFW nang ninais ng employer nito na ibalik sa agency ang OFW dahil sa gawa-gawang

dahilan. Ipinakita rin ng naratibong ito ang kawalang-pagkilala ng ilang mga agency sa

mismong kontrata nang gustuhin ng agency na magpalit na lamang ng employer ang OFW

upang hindi nila sagutin ang bayad na kinukuha pabalik ng dating employer ng Pinay DH.

96DIASPORAATPELIKULA

Ipinapasa ng ilang ahensiya ang bigat ng bayarin sa mga OFW kung saan ang biglaang

pagpapalit ng employer sa dayuhang bansa ay maaaring magtulak sa mga kababaihang

migrante na mas maging bulnerable sa karahasan.

2. Ang bigamy o ang pangangaliwa ng asawa ay isa sa mga karaniwan ngunit mabigat na

social cost na hinaharap ng mga migrante. Katunayan apat sa anim na katugon sa diskusyon

ay naging biktima ng pangangaliwa. Ipinakita rin ng naratibo ito ang kultura ng mga Pinay

DH na mula Hong Kong kung saan nagkikita-kita ang mga ito tuwing Linggo upang

kumain o magsaya. Ipinakita ang kulturang ito sa pelikulang Sunday Beauty Queen23 (Solar

Entertainment Corporation:2016:Villarama)

3. Isang manipestasyon ng pagiging makabagong alipin ng mga migrante ay ang illegal

detention o puwersahang pagkukulong sa mga migrante. Bagamat ang itinuturong dahilan

ay isang inaming kasalanan, paglabag pa rin sa karapatang-pantao ng mga migrante ang

illegal detention at pamamalo ng amo. Ipinakita rin ng naratibong ito ang pagiging

bulnerable ng mga Pilipinang DH sa mga hakbang ng mga DH ng ibang lahi kung saan

banta sa kanyang kaligtasan at kalusugan ang mga lihim at masahol na pagganti ng mga

kasamahan niyang domestic helper.

4. Ang mga gawa-gawang kaso ang isa rin sa pinakahinaharap ng mga migrante sa dayuhang

bansa. Torture nang maituturing ang sinapit ng isa ring Pinay DH sa Saudi kung saan

ikinulong ito sa bahay, binugbog, at pinainom ng tubig na may halong asin at pabango.

Bago pa man dalhin sa kapulisa’y, nakaranas na ng panghaharas sa amo ang OFW.

Ipinakita rin ng kasong ito ang mental depression na nararanasan ng maraming migranteng

sadlak sa kahirapan at karahasan sa abroad. Lumitaw ang kabulukan ng sistema ng

hudikatura sa dayuhang bansa nang masintensiyahan at mahatulang guilty ang OFW kahit

23Ang pelikulang Sunday Beauty Queen ay tungkol sa mga Pinay DH sa Honk Kong na nagsasagawa o naghahanda tuwing Linggo para sa mga beauty pageants kung saan mga Pinay DH ang kandidato at organizers. Pelikula ni Baby Ruth Villarama, Prinodus ni Chuck Gutierrez

97DIASPORAATPELIKULA

wala pang paglilitis sa kaso. At ang pinakamalaking kapabayaang inilantad ng naratibong

ito ay ang kapabayaan ng embahada na bigyan ng tulong-legal ang mga migranteng

mayroong kaso at primaryang pangangailangan gaya ng damit at pagkain para sa mga OFW

na lumaya mula sa bilangguan at uuwi ng Pilipinas. Pinatototohanan ng testamentong ito

ang hinaing ng Migrante International sa pamahalaan kung saan walang iniaabot na tulong-

legal sa ang embahada sa mga migranteng may kaso sa ibang bansa.

5. Ang berbal na abuso, na dinanas ng Pinay DH sa Hong Kong, ay manipestasyon ng

diskriminasyon, hindi lamang sa trabaho kundi sa lahi. Ipinakita ng kasong ito ang

kawalang-limitasyon ng kanilang pagtatrabaho bilang mga DH kung saan kasagsagan ng

taglamig ng pagkiskisin siya ng bintana sa labas ng bahay.

Papel ng Pelikula sa Pagsulong ng Migranteng kababaihan

Sinususugan ng mananaliksik ang paniniwala ni Lamangan kung saan iba’t-ibang

‘katotohanan’ ang maaaring ipakita ng pelikula. Ang katotohanang inilalantad ng pelikula ay

batay sa katotohanang pinaniniwalaan ng lumikha nito – direktor, manunulat, o produser.

Malaki ang papel ng katotohanang ito sapagkat dito ibinabatay ng pelikula ang ugat ng

suliranin at karahasan sa migranteng kababaihan at ang panawagan at solusyong inihahain nito

sa masang manonood. Sinususugan din ng mananaliksik ang paniniwala ni Lamangan na

kinakailangang magbunga ng mulat at organisadong masa ang pelikula upang ganap na

makapag-ambag sa pag-angat ng kalagayan ng migranteng kababaihan.

Upang makamit ang ‘katotohanang’ magmumulat sa mamamayan, batid ni Ilagan na

kinakailangang maging mulat at organisado rin ang mga lumilikha ng pelikula. Nakikita ng

mananaliksik ang kahalagahan ng organisado at mulat na mga alagad ng sining upang

mapalakas ang puwersa ng mga mapagpalayang pelikula sa lokal at pambansang merkado o sa

mga sinehan sa buong bansa. Kinakailangang mayroon palaging alternatibong pelikula sa

merkado na tatapat sa mga dayuhan at mainstream na sine, at upang mamulat at masanay ang

mamamayan sa kultura ng alternatibong pelikula. Gaya ng sinabi ni Tolentino, maigting ding

nananalaytay sa mga dayuhan at mainstream na pelikula ang imperyalistang kultura na

naglalayong pataasin ang burges na konsumerismo ng manonood. Kakabit ng mga ganitong

98DIASPORAATPELIKULA

uri ng sine ang pangangapital gamit ang mga dayuhang produkto na ikinokomersiyalisa sa mga

pelikula. Dahil dito, kinikilala ng mananaliksik ang papel din ng alternatibong sine upang

mabigyang-pokus ang mabasag ang ganitong kaisipan sa manonood na humahadlang sa

kanilang pagkamulat at pagbubukas sa kritikal na diskurso.

Sapilitang Migrasyon Bilang Lumalalang Epidemya sa Lipunan

Kahirapan – ito ang nag-iisa at sabay-sabay na sagot ng mga nakapanayam na babaeng

OFWs sa kung ano ang dahilan ng kanilang pangingibang-bansa. Hindi masama ang

migrasyon, nagiging mali na lamang ito kapag ito na lamang ang natitirang opsiyon para

mabuhay ng disente ang mamamayan ng isang bansa – ito ang paliwanag ni Arman Hernando,

tagapagsalita ng Migrante-Youth, tungkol sa sapilitang migrasyon o forced migration.

Kung babalikan ang kasaysayan ng migrasyon sa bansa, ang remittance na ibinunga ng

eksportasyon ng lakas-paggawa ang lumagot sa naghihingalong ekonomiya ng Pilipinas noong

panahon ni dating Pangulong Marcos (1960-1980s). Imbis na naging panandaliang solusyon

ay nanatili hanggang ngayon at naging institusyonalisado ang pagsandal ng pambansang

ekonomiya sa remittances na pinipiga ng mga labor export policies ng pamahalaan.

Iniuugnay din ni Hernando ang atrasadong kalagayan ng agrikultura at malawakang

kakulangan sa trabaho sa bansa, bilang mga ugat o push factors ng pwersahang migrasyon.

Atrasado ang agrikultural na ekonomiya ng Pilipinas kung saan nananatiling hindi

mekanisado ang sistema ng produksyon. Dahil sa pang-aabuso at pananamantala sa lupa,

nasasadlak sa labis na opresyon at kahirapan ang mamamayang nakasandig sa agrikultura. Ang

katotohanang iilang malalaking tao lamang ang nagkokontrol sa malalaking agrikultural na

lupain ng bansa ang pinakamalaking pasanin ng mga magsasaka sa kanayunan. Iba’t-ibang

karahasan at paglabag sa kanilang karapatang pantao ang ibinubunga ng pangangamkam ng

lupa ng mga elite – sapilitang pagpapaalis, pagsira sa kanilang mga tanim, panggigipit sa usura,

pananakot, pagpatay, etc. Malaking bagay para sa mga elite ang mga lupaing mayroong

malaking potensyal sa komersyalisasyon. Ang mga dating lupang agrikultural ay unti-unting

tinatayuan ng mga komersyal na gusali, partikular ng mga shopping malls. Paliwanag ni

Hernando, bagamat mukhang nakatutulong ang mga shopping malls na ito sa pagbibigay-

99DIASPORAATPELIKULA

trabaho, hindi ito tuwirang nakapag-aambag sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, sapagkat

ang kailangan ay mga industriyang lumilikha ng produkto at nagpapaunlad ng manggagawa.

Sa patuloy na kawalang-seguridad sa lupa at abot-kayang serbisyong pang-agrikultura ng

kalakhan ng mahihirap na magsasaka, mas tumitindi ang kahirapang kanilang kinasasadlakan

at mas umiigting ang pagnanais ng karamihan na humanap ng ibang trabahong pagkakakitaan.

Samantala, bagamat mayroong mga nagbubukas na trabaho sa kalunsuran, nananatiling

kontraktwal, mababa ang sahod, at kadalasang walang kalayaang magtayo ng unyon ang mga

mangaggawa.

Dahil sa kasalukuyang materyal na kondisyon ng bansa – sa rural o urban mang komunidad,

malinaw na naka-ugat ang kahirapan sa kawalan ng maayos na trabaho at seguridad sa sariling

lupa para sa dalawang pinakamalaking sektor sa ating lipunan. Dahil dito, ang nakabubulag na

alok na trabahong may tripleng kita sa abroad ang nagiging madaliang solusyon ng maraming

mamamayan upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya. Ipinakikita ng kalagayang

ito ang makatotohanang ‘push and pull factors’ sa migrasyon sa teorya ni Ravenstein (1889).

Dagdag pa, sa kabila ng hindi kasapatan ng sinasahod (balikan ang datos ng IBON 2009 sa

ikalawang kabanata) at nagpapatuloy na karahasan sa mga migrante, pikit-matang

nagpapatuloy ang kalakhan ng mga Pilipino sa pandarayuhan dahil sa pag-asa sa posibilidad

na umunlad. Kaugnay nito ang sinasabi ni Michael Todaro sa kanyang modelo ng migrasyon

kung saan mas kinokonsidera ng mga nagbabalak mangibang-bansa ang expected gains kaysa

actual gains at mataas na costs of migration (transport costs + cost of living + opportunity

costs + psychic costs). Ang ganitong porma ng pag-iisip ay hinuhubog ng mga ‘push and pull

factors’ ng pandarayuhan.

Pelikula at Kababaihan: Globalisasyon at Karahasan

Kinikilala ng mananaliksik ang epekto ng Hollywoodization sa pagbagsak ng bilang ng

napoprodus na pelikulang Pilipino kada taon. Kapwa industriya ng pelikulang Pilipino at lakas-

paggawa ng bansa ay apektado ng globalisasyon. Bilang komoditi rin ang mga ginagawang

pelikula, kasama ang mga ito sa mga produkto sa pandaigdigang merkado na inaangkat ng mga

import-dependent na bansa gaya ng Pilipinas. Ibat’-ibang pelikula, kadalasan ay

100DIASPORAATPELIKULA

komersiyalisado at mainstream, na mula sa malalaking bansa ang pumasok sa Pilipinas at

nakipagkompetisyon sa mga lokal na pelikula – mainstream at independent. Ayon nga kay Dr.

Rolando Tolentino, kahit ang mga pelikula ni Vice Ganda (artista ng Star Cinema), na

malaking humakot sa takilya, ay hindi ilalabas sa merkado o mga sinehan kapag pumasok sa

bansa ang mga dayuhang pelikula gaya ng Batman vs. Superman dahil alam nitong mas

tatangkilikin ang kanluraning pelikula. Dahil dito, ang mga independent films na isinasantabi

sa tuwing dagsa ang mainstream films ay mas lalong nawawalan ng espasyo at naisasantabi sa

merkado. Nakikita ng mananaliksik ang mahalagang papel ng mga independent films upang

magpalaganap at maglantad ng mga isyung panlipunan. Ngunit dahil sa labis na

pinagkakagastusan ang malalaking pelikula at nakasanayan nang umiwas sa mga pelikulang

may adbokasiya o panawagan, mas nagiging kaaya-aya sa malaking bilang ng manonood na

tangkilikin ang foreign at mainstream films. Dagdag pa, profit-driven ang katangian ng

mayorya sa mga sinehang pinagmamay-arian ng malalaking korporasyon sa bansa kung kaya’t

pipiliin nitong mamaksimisa ang kita sa pamamagitan ng pagbibigay-prayoridad sa mga

pelikulang lubos na tatangkilikin ng maraming manonood.

Sinususugan ng pananaw ni Jean D’ Cunha (2001) ang ugat ng sapilitang migrasyon kung

saan batid niya sa ikalawang kabanata na ang kinahinatnang kalagayan ng mga kababaihang

migrante bilang mga komoditing ineeksport ay dulot ng katangiang desentralisado, sab-

kontraktuwal na produksiyon, at export-oriented na structural adjustment programs (SAP)

dulot ng globalisasyon – mga SAP na humahadlang sa pagkamit ng uring magsasaka sa

karapatan sa lupa dahil sa komersiyalisasyon sa lupa at ang patuloy na pagdomina ng mga

dayuhan at malalaking korporasyon sa pambansang merkado na pumapatay sa anumang

umuusbong na industriya sa bansa. Mananatiling tagatustos lamang ng hilaw na materyales at

murang lakas-paggawa ang bansa at kailanma’y hindi makukuhang mabalanse ng ekonomiya

ang kanyang kalakal at pinansiya. Bunga nito’y patuloy na lolobo ang utang-panloob at -

panlabas ng bansa, patuloy na hahambalos ang implasyon, bababa ang halaga ng piso, tataas

ang presyo ng mga bilihin, kukulangin ang kita ng pamahalaan sa kanyang badyet at

pangangailangan, tataas ang buwis, at hindi hihinto ang pamahalaan sa pagtutulak ng mga

manggagawa palabas ng bansa. Dahil sa komodipikasyon sa mga manggagawa, naisasantabi

101DIASPORAATPELIKULA

ang mga pangangailan at proteksiyon kailangan ng mga ito na yumuyurak sa kanilang mga

karapatang-pantao sa dayuhang bansa.

Mga Dinamikong Pananaw

Social Dynamics

Hindi mabilang ang dami ng kababaihang naging biktima ng karahasan sa ibang bansa.

Testigo rito ang opisina ng Migrante International kung saan araw-araw ay mayroong biktima o

pamilyang darating sa opisina upang humingi ng tulong. Nasaksihan ito ng mananaliksik sa lahat

ng araw na nakipag-ugnayan siya sa opisina ng samahan.

Kinikilala ng mananaliksik ang konseptong Idiotization of media sa pagpapataas ng papel

ng mga pelikula sa pagtalakay sa isyu ng migrasyon ng kababaihan. Magkaugnay ang naging

paliwanag nina Bonifacio Ilagan at Dr. Roland Tolentino ukol sa usapin ng media kung saan

nagiging magkasing-halaga ang balitang showbiz at balita tungkol sa OFW na nasa death row o

kaya nama’y itinatrato ng media ang balita tungkol sa OFW na isang ordinaryong penopenon na

lamang kung kaya’t nasa inside pages na lamang ito sa mga dyaryo. Sa mga telenovela naman sa

mga telebisyon, nakasanayan na ang pagpapahaba sa mga dramatikong senaryo (kung patungkol

man sa OFW) upang mas humaba ang buong palabas at mas kumita ang TV network sa mga

patalastas.

Economic Dynamics

Kinikilala ng pag-aaral ang diaspora ng mga Pilipino, ang migrasyon, bilang produkto ng

transnasyonal at globalisadong kapitalismo. Sa paglaon ng panahon, mas tumitindi ang pagsandig

ng ekonomiya ng Pilipinas sa isang stopgap measure, ang remittance ng mga OFW, at tumindi rin

ang labor export policies ng pamahalaan. Tunay na ang ekonomikong base ang siyang nagdidikta

sa pampolitika at pangkulturang sitwasyon ng bansa.

Cultural Dynamics

102DIASPORAATPELIKULA

Kinikilala rin ng pag-aaral ang ugnayan ng institusyonalisasyon ng labor export policy

(LEP) ng bansa at ng burukratisasyon sa industriya ng pelikula. Bilang ang ekonomikong base ang

humuhubog sa ibang aspetong panlipunan, kinukondisyon nito ang produksiyon ng mga partikular

na pelikula upang mas maging magaan ang pagtanggap ng ordinaryong mamamayan sa realidad

na kinahaharap ng malaking bilang ng mga migrante. Samantala, ang mga OFW films na walang

inihaing pagsalungat sa kasalukuyang LEP ng bansa, ay nagbibigay ng lehitimo at pagsandig sa

umiiral na kalagayan ng mga migranteng biktima ng sapilitang migrasyon.

Political Dynamics

Ang mga OFW films ay malinaw na manipestasyon ng patuloy na pagsandig na pamahalaan

sa pag-eeksport ng lakas-paggawa ng mamamayan nito. Ang mga polisiya at batas na nagbabalat-

kayong proteksiyon diumano sa mga manggagawa sa dayuhang lupain ay siyang nagbibigay-

lehitimo sa pagkita at pagtakas ng pamahalaan sa mga obligasyon nito sa mga manggagawang

itinulak pinalabas ng bansa upang isalba ang ekonomiya.

Imperyalistang Kultura – Pelikula’t merkado’y namamanipula

Gaya ng paliwanag ni Julia Galeota sa cultural imperialism at Americanisation sa

ikalawang kabanata, layon ng konseptong ito na magamit ang kultura upang makakuha ng akses

sa dayuhang merkado at gawing superyor ang pagtingin sa kultura ng Amerika at ibang dayuhang

bansa. Kaugnay ng paliwanag ni Galeota ang paliwanag ni Dr. Tolentino tungkol sa laganap na

cultural imperialism sa mga pelikula. Gamit ang pelikula, naitatampok ang iba’t ibang mga

dayuhang produkto gaya ng cellphone, sapatos, etc. Hindi lamang simpleng advertisement ang

pagtatampok ng mga produktong ito sapagkat ipinakikita sa mga pelikula ang pagtatakda ng

mataas na pamantayan ng pamumuhay ng Kanluraning kultura. Dahil sa istratehiyang ito, tataas

ang demand sa mga Kanluraning produkto at doble ang pagkita ng bansang gumawa ng pumatok

na pelikula at nagmamanupaktura ng produktong itinapok dito. Batid nga ni Julie De Lima Ma.

Sison sa ikalawang kabanata, maging mga migrante diumano sa ibang bansa’y nagiging

tagapaghatid ng pandaigdigang kapitalismo dahil sa mga inuuwing mga dayuhang produkto bilang

103DIASPORAATPELIKULA

mga pasalubong na nakapagpapalaganap ng istilo ng pamumuhay na itinatakda ng mga

korporasyong kumikita sa mga produktong ito.

104DIASPORAATPELIKULA

Kabanata VII Konklusyon

“Truth favors whose interest you’re protecting” (Lamangan, J., 2017)

105DIASPORAATPELIKULA

Tinatawid ng pelikula sa ibang dimensiyon ng buhay ang mga manonood. Ang lente ng

kamera ay animo’y nagiging mata ng masa sa mga nakakubling panlipunang realidad. Kadalasang

maituturing ng marami ang panonood ng pelikula bilang porma ng eskapismo na pansamantalang

magsasara ng kani-kanilang maiingay na mundo, ngunit maaari rin nitong buksan sa mga

manonood ang isang mas maingay, mas malawak, at mas magulong mundo na magsisilbing

pintuan para sa kanilang pagkamulat. Maaaring pakalmahin ng pelikula mula sa mga personal na

problema ang manonood at maaari rin nitong basagin ang katahimikan ng kanilang panlipunang

pakikisangkot.

Mga Hadlang sa Pagkamit ng Panlipunang Kamalayan sa Pelikula

Ang layunin ng pelikula ay maglantad ng katotohanan, ngunit ang layunin ng isang kritikal

at mapagpalayang obra ay maglantad, kritikal na mag-analisa, at maghain ng solusyon. Bagamat

ipinakikita ng mga OFW films ang kalagayan ng migrante, maraming pelikula ang bigong

mairepresenta ang makatotohanang kalagayan ng mga babaeng OFW dahil sa laganap na

romantisismo sa pelikula – kinikilala ito ng mananaliksik bilang unang hadlang sa pagpapataas ng

kamalayan ng mamamayan uko sa kalagayan ng mga kababaihang migrante. Samantala, bagamat

mayroong mga pelikulang konkreto at makatotohanan ang kalagayang inilalantad sa mga OFW

films, bigo naman ang ilan na analisahin ang kalagayan at ugatin ang suliraning pinagdadaanan ng

mga karakter sa pelikula. Maraming pelikula ang nililimita ang mga suliraning ito bilang mga

personal na kalbaryo lamang at bigong maipakita ang pagiging istruktural ng sigalot na kanilang

pinagdadaanan – ito ang ikalawang hadlang. Mahalaga ang isang kritikal na analisis sapagkat dito

lumilitaw ang pagpanig ng pelikula o kung kaninong interes ang pinagsisilbihan nito. Ang ikatlong

hadlang ay ang pagiging bigo ng pelikula na maghain ng makatotohanan at pangmatagalang

solusyon. Sa solusyong inihahain ng pelikula nakasalalay ang magiging papel ng manonood at

mamamayan sa pampolitikang pagbabago na magsusulong ng interes ng sektor na pinapanigan.

Hindi dapat basta maging neutral ang pagtalakay sa pelikula upang hindi rin maging neutral ang

pananaw at pagkilos ng mamamayan sa mga isyung panlipunan.

106DIASPORAATPELIKULA

Kinikilala ng mananaliksik ang pelikula bilang isang midyum na maaaring maging daluyan

ng edukasyon. Hindi lubusang makakamit ang Conscientization (Freire, 1968) sa pamamagitan ng

pelikula kung nakakubli lamang ang katotohanang dapat inilalantad nito at kung walang sintesis

(tesis + antitesis = sintesis) na bunga ng isang neutral na pananaw. Mapagpalaya dapat ang

pelikula, na nakahanay sa ilalim ng mapagpalayang edukasyon, upang makamit ng manonood ang

Conscientization.

Malaki ang papel ng kritikal na pagsusuri at solusyon sa isang pelikula sa pagtulak sa

manonood na kritikal ding tingnan ang mga eksena sa konteksto ng kasalukuyang lipunan – ito

ang mahalagang papel ng V-effect ni Brecht (1936). Binabasag ng V-effect ang pagkilala sa

inilalantad ng pelikula bilang personal na suliranin lamang. Isang mahalagang katangian ng

pelikula ang pagkakaroon ng V-effect upang mapataas ang antas ng kalamayan at pagkilos ng

manonood at mamamayan. Hindi fiksiyonal ang kalbaryo ng mga migranteng babae kung kaya’t

dapat ding maramdaman ng manonood na hindi fiksiyonal ang mga eksenang nakikita nila

Sa gabay ng konseptwal at teoretikal na balangkas, tinutugunan ng mga sumusunod na

pagsusuma ang mga layunin ng pananaliksik:

Kahalagahan ng Pelikula

Mula sa perspektiba ng masang manonood, manunulat at direktor, dalubhasa sa Pelikula,

kababaihang migrante, at Migrante International, napakahalaga ng pelikula sa paglantad ng

katotohanan sa kalagayan ng kababaihang migrante – mahalaga ang pelikula para sa kanilang

pamilya upang mapahalagahan ang pinagtatrabahuhang pera ng kanilang mga kaanak, at para sa

mamamayang naghahangad makipagsapalaran sa ibang bansa o kaya nama’y sa ordinaryong

mamamayan upang mamulat sa realidad at tumindig sa panig ng sektor na biktima ng isang export-

oriented na ekonomiya. Mahalaga ang patuloy na produksyon ng mga OFW films upang ilantad

na isang penomenon ang karahasang natatamasa ng mga kababaihang migrante sa ibang bansa, at

hindi lamang mga isolated cases. Mahalaga ang papel ng pelikula sa paglalantad kung ano ang

mali sa migrasyon – ang pagiging sapilitan nito.

107DIASPORAATPELIKULA

Pagsusuri sa mga Pelikula

Lumabas na Migrante: The Filipino Diaspora ang pelikulang pinakanaglantad sa kalagayan

ng mga kababaihang migrante bilang istruktural na kondisyon at ang may pinakamalinaw na

inihahaing panawagan, samantalang ang pelikulang The Flor Contemplacion Story naman ang

nagpakita sa manonood ng kahalagahan ng pelikula bilang midyum ng pagmumulat.

Bilang overseas worker, diskriminasyon sa trabaho, diskriminasyon sa lahi, at iba’t ibang

mukha ng pang-aabuso ang mga porma ng karahasan at suliraning pinaka-itinampok ng tatlong

pelikula. Samantalang bilang babae, Bigamy, diskriminasyon sa kasarian, at pang-aabuso naman

ang pinaka-itinampok na porma ng karahasan at suliranin ng mga kababaihang migrante.

Nailatag sa Ikaapat na Kabanata ang mga pananaw ng mga manonood sa bawat pelikula.

Samantala, romantisismo sa mga OFW films ang pinakalaganap at lantad na porma ng

misrepresentasyon ng kalagayan ng mga kababaihang migrante sa pelikula. Isang malaking

panganib sa hangarin ng pelikula na magmulat ang patuloy na trend sa mga fiksiyonalisado at

komersiyalisadong mga sine.

Posisyonalidad ng Manunulat at Direktor

Napakahalagang katangian ng isang pelikulang may layuning magmulat ang pagkakaroon

ng malinaw na pagpanig sa mga isyung itinatampok nito. Para kay Bonifacio Ilagan at Joel

Lamangan, ang katotohanang kanilang inilalantad sa pelikula ay may malinaw na bias sa

mayoryang bilang ng lipunan – ang uring pinagsasamantalahan. Binabasag nila ang paniniwalang

neutral sapagkat kailanma’y hindi ito hahantong sa pagkamulat ng mamamayan. Hindi sapat ang

maglantad lamang, kundi kinakailangan din ang kritikal na pagsusuri na magpapalitaw sa isyu ng

kababaihan bilang epekto ng malawakang problema sa sistema ng industriyalisasyon sa bansa.

Ambag ng Pelikula sa Pag-unlad

Ang pelikula ay isang porma ng sining at midyum ng biswal na kultura na may obligasyong

maglantad ng katotohan sa manonood sapagkat sa pagkamulat sa katotohanan nagsisimula ang

panlipunang pakikisangkot ng mamamayan. Napakalaki ng papel ng pelikula sa pagpapaalala sa

108DIASPORAATPELIKULA

mamamayan ng mga isyung ikinukubli ng burukratikong sistema ng media. Hindi dapat

nakukulong lamang sa media ang pag-alam sa mga isyung panlipunan sapagkat ito rin ang

magiging mapagpasya sa hangganan ng dapat malaman ng mamamayan.

Mula sa pagkamulat ng mamamayan magsisimula ang desisyong makiisa sa politikal na

hakbangin – pag-aaral ng lipunan, pag-oorganisa, at kolektibong pag-aksiyon. Kinikilala ng pag-

aaral ang malaking papel ng organisadong masa upang makapaghatid ng pangmatagalan at

makatotohanang pagbabago sa sistematikong kalagayan ng kababaihang migrante.

Pelikula at mga Aspetong Panlipunan

Sa pagsandig sa Marxismong dulog, sinasalamin ng mga OFW films ang labis na pagsandal

ng bansa sa vaginal at labor-export economy. Lakas-paggawa ng kababaihan ang isa sa primaryang

komoditing binebenta ng pamahalaan sa malalaking bansa. Dahil sa ganitong kalagayan ng

ekonomiya, ito ang nagiging sandigan ng mga polisiyang ipinatutupad ng pamahalaan. Iniluluwal

ng export-oriented na ekonomiya ang mga labor export policies na tinuligsa ng kalakhan ng

migranteng biktima ng karahasan sa ibayong-dagat. Manipestasyon ang patuloy na pag-abandona

at hindi sapat na proteksyon at tulong-legal sa mga biktima ng inhustisya.

Hindi maikakailang nakadikit na sa kultura ng migrasyon ang kultura ng karahasan at

diskriminasyon hindi lamang sa malalaking bansa kundi sa sariling bansa. Isang manipestasyon

ng kultura ng karahasan at diskriminasyon ay ang pag-iisang-tabi ng pamahalaan sa mga hinaing

ng malaking bilang ng mga migranteng nasa kapahamakan, partikular ay sa kababaihan.

Pananaw ng Kababaihang Migrante

Kinikilala ng kasalukuyang mga babaeng migrante ang kahalagahan ng mga pelikulang

nagtatampok ng kanilang kalagayan. Partikular na importansiya para sa kanila ng pelikula ay

upang maunawaan ng kanilang pamilya ang tunay nilang kalbaryo sa ibayong-dagat sapagkat

napakalaki ng social cost ng migrasyon sa pamilya ng mga OFW.

109DIASPORAATPELIKULA

Para sa kanila, kinakailangan sa isang pelikula na mailantad ang iba’t ibang porma ng

karahasan na talagang dinadanas ng mga babaeng OFW. Napakarami pa ang mga kasong hindi

lubusang nailalantad at mananatili ang pikit-matang magtanggap ng kababaihang migrante sa

mapanganib nilang kalagayan kung hindi sila sasandigan ng mamamayan dahil sa kakulangan ng

kaalaman sa kanilang madilim na kalagayan.

Mananatiling mga larawan ang mga panawagan at paglalantad ng karahasan sa pelikula

kung hindi ito magbubunga ng isang kolektibong pagkilos at kritikal na diskurso mula sa

mamamayan. Malaki ang papel ng pelikula sa paglalantad ng karahasan sa kababaihang migrante

na siyang ikinukubli ng media, malaki ang papel nito sa pagtutulak sa mamamayan na makisangkot

sa panlipunang karahasan. Ngunit higit pa sa pagpapalaganap ng pelikula, malaki ang

pangangailangan para sa mamamayan na isulong ang nagsasariling polisiya ng bansa na walang

kontrol ng pandaigdigang kapitalismo at kultural na imperyalismo.

Ang karahasan sa kababaihang migrante ay naka-ugat sa power relations sa pagitan ng

developed at developing countries. Hindi hihinto ang iba’t –ibang porma ng karahasang ito

hangga’t nakakapit ang Pilipinas sa polisiyang idinidikta ng malalaking bansa. Ang pagbibigay-

prayoridad sa industriyalisasyon na kayang isulong ng bansa ang magbubukas ng pantay na

oportunidad sa trabaho para sa kalalakihan at kababaihan. Marapat lamang na matuldukan ang

pag-unlad na nakasandig sa eksploytasyon ng mamamayan nito – ang kaunlarangan nakatuntong

sa karahasan sa kababaihan at eksploytasyon sa manggagawa ay hindi ganap na kaunlaran.

Kinikilala ng pag-aaral ang kahalagahan ng pandarayuhan bilang bahagi ng kalayaan ng

mamamayan, ngunit mariing tinututulan ng pag-aaral na ito ang patuloy na pwersahang migrasyon

sa mga manggagawang Pilipino, partikular sa kababaihan na biktima ng dobleng diksriminasyon

sa dayuhang bansa. Hindi matutuldukan ang bilang ng mga kababaihang biktima ng pasistang

kultura sa dayuhang bansa hangga’t mayroong push factor sa sariling bansa na sumisipa sa

kababaihan palabas upang makipagsapalaran. Samantala, isinusulong din ng pag-aaral ang

proteksiyong dapat na natatamasa ng mga migrante – mula sa pre-employment hanggang sa

reintegration. Tanging ang nagsasariling bansa ang makalalagot sa sapilitang migrasyon –

110DIASPORAATPELIKULA

bansang nagsusulong ng kaunlarang nakabatay sa interes ng mayoryang mamamayan, ang

pagsusulong ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon, at ang pagtakwil sa

foreign-dominated na merkado ng bansa.

Sinasalamin ng pelikula ang lantad at nakakubling katotohanan subalit katulad ng ibang

porma ng media, sa lakas ng impluwensya at pagtangkilik dito ng masa bilang porma ng

eskapismo, nagiging midyum ng paglilimita at misrepresentasyon din ang mga obra sa pinilakang-

tabing na humahadlang sa kritikal na kamalayan ng masa at nagiging salik upang patuloy na

mahamig ang mga kababaihan sa nagbabalat-kayong oportunidad ng empleyo sa ibayong dagat.

Ang pelikula ay salamin ng katotohanan, katotohanang nakabatay sa pinaniniwalaan ng

gumawa nito. Ang pelikulang walang sinasandigang katotohanan at panawagan ay mga pelikulang

nagbibigay ng lehitimo sa mapaniil na labor export policy at pandaigdigang kapitalismo. Ang

pelikulang may ganap na layuning sumandig at maglingkod sa masa ay pelikulang nagmula at

nagsisilbing boses ng masa.

111DIASPORAATPELIKULA

Kabanata VIII Rekomendasyon

“Kailangan ng lipunan na nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan nito na mabuhay nang disente at

normal sa sariling bayan.”

(Ilagan, B., 2017)

112DIASPORAATPELIKULA

Upang mas mapaunlad ang pag-aaral sa ugnayan o aspeto ng migrasyon at pelikula, at upang

maisulong ang kaunlaran nagmumula sa sa pagmumulat ng masa, inihahain ng mananaliksik ang

sumusunod na mga rekomendasyon:

1. Kailangan ng mga pelikulang nagtutulak sa mamamayan upang kumilos

Malaki ang hamon sa mga alagad at sining na lumikha ng mga obrang magbibigay-linaw

sa katotohanang sa mga pelikula- katotohanang nakabatay sa interes ng mayorya sa lipunan,

partikular sa interes ng mayorya ng mga kababaihang migrante. Gayundin, malaki ang hamon sa

mamamayan na tangkilikin at huwag matakot mamulat sa mga pelikulang mayroong bitbit na

adbokasiya.

2. Dinggin ang hinaing ng mayorya ng mga kababaihang migrante

Dapat nang matuldukan ang imahinasyon ng magandang oportunidad na na inihahain ng

pandarayuhan. Hindi ito ang batas ng migrasyon. Ang realidad sa likod ng kamera ay malaking

bilang ng mga kababaihang migrante ang biktima ng sapilitang migrasyon na nagluwal ng iba’t

ibang porma ng karahasan sa kababaihan bilang overseas worker at bilang babae. Nararapat

lamang na tupdin ng pamahalaan ang obligasyon nito sa mamamayan niyang alipin sa ibang bansa

na mabigyan sila ng sapat na proteksyon sa tulong-legal. Sa dami nang migranteng biktima ng

mapaniil na batas sa dayuhang bansa, matindi ang panawagan na huwag abandonahin ng

pamahalaan ang mga Pilipinong nangangailangan ng tulong-legal upang maligtas sila sa anumang

kaparusahan nakapatong sa kanilang mga balikat.

3. Ibasura ang labor export na katangian at polisiya ng pamahalaan

Dapat lamang na ibasura na ang mga polisiyang nagtutulak sa mamamayan na humanap

ng magandang oportunidad sa empleyo sa ibayong-dagot sapagkat karapatan ng bawat

mamamayan ang mabuhay ng disente at normal sa sariling bansa – isang lipunang nagbibigay ng

oportunidad sa bawat mamamayan na umunlad at umahon mula sa kahirapan sa pamamagitan ng

trabahong nagmula sa mga industriya ng sariling bansa. Kinakailangan ng isang nagsasariling

polisiya ng bansa upang hindi tuluyang malamon ng globalisasyon ang hilaw na materyales at

113DIASPORAATPELIKULA

lakas-paggawa ng bansa. At sa pagkamit nito’y malaki ang papel ng organisadong masa upang

makamit ang kaunlarang dapat na sa kanila.

4. Lumikha ng trabahong magpapaunlad sa bayan at mamamayan

Napakalaki ng sugal sa pandarayuhan at higit sa remittance, hindi nakapagsasariling pag-unlad

ang inihahain nito sa bansa, bagkus ay ang patuloy na pagkapit nito sa malalaking bansa.

Mananatili ang ganitong kalakaran kung mananatili ang kawalan ng industriya sa bansa –

industriyang kontrolado ng pamahalaan at hindi ng dayuhan. Sa pagsusulong ng pambansang

industriyalisasyon, nakapagsasarili at pangmatagalan ang kaunlarang inihahain nito. Dagdag pa,

tataas ang bilang ng trabaho sa bansa at unti-unting mababawasan ang bilang ng mga Pilipinong

biktima ng sapilitang pandarayuhan.

5. Mangahas mag-aral ng higit pa sa teknikal na porma ng edukasyon

Kabataan, mangahas mag-aral sa labas ng pamantasan. Hindi lamang nakukulong sa

teknikal na usaping ekonomiko at pampolitika masusuri ang kalagayan ng bawat sektor sa lipunan.

Kritikal na mag-isip sa bawat isyung ibinabato ng kasalukuyang sigwa ng mga suliraning patuloy

na gumigipit sa malaking bilang ng mamamayang Pilipino. Huwag matakot tuklasin at pag-aral

ang papel ng sining sa isang kritikal na lipunan. Sumandig sa kaalamang inihahain ng mga

pangmasang organisayon gaya ng Migrante International sapagkat higit sa Internet at datos ng

pamahalaan, hindi mapanlinlang ang datos ng mamamayan. Napakalawak ng pag-aaral sa

migrasyon at kultura, suyudin ang mga isyung lubos na makatutulong sa masa.

114DIASPORAATPELIKULA

Kabanata IX Limitasyon ng Pag-aaral

“The camera is a sociologist”

(Brecht, B., 1930)

115DIASPORAATPELIKULA

Inilalatag ng mananaliksik ang mga limitasyon ng pag-aaral upang maging malinaw ang

naging saklaw at mga paksang maaaring mapa-unlad sa mga susunod na pag-aaral:

1. Limitado sa mga residente sa Metro Manila ang naging pagsasarbey

15 lamang ang naging katugon para sa The Flor Contemplacion Story (1995),

kumpara sa 28-30 katugon sa dalawang pelikula, dahil sa iilan na lamang ang minsan nang

nakapanood ng pelikula. Ito rin kasi ang pinakalumang pelikula sa tatlo kung kaya’t ito ang

may pinakamaunting naging katugon.

2. Limitado ang bilang ng mga naging katugon para sa Focus group discussion

Dahil sa walang partikular na lugar sa bansa mayroong posibilidad na makalikom

ng sampung migranteng kababaihan sa partikular na panahon, nalimita sa anim lamang ang

mga umupo sa FGD, mga babaeng migranteng nakikipag-ugnayan sa opisina ng Migrante

International noong mismong araw ng diskusyon. Dagdag pa, naging limitado rin ang

panahon ng FGD dahil hindi napaghandaan ng mga katugon ang mahabang oras ng

diskusyon.

3. Naudlot ang pakikipag-ugnayan ng mananaliksik sa ilang pampelikula’t kultural na

institusyon

Bagamat kinikilala ng mananaliksik ang papel ng mga pampelikula’t kultural na

institusyon gaya ng Film Development Council of the Philippines, hindi nakapagbigay ng

panahon ang ahensya upang makapagbigay ng datos o anumang ulat ukol sa layunin nilang

paunlarin ang industriya ng pelikulang Pilipino.

xviiDIASPORAATPELIKULA

Sanggunian

Mga Libro Castles, S. & Miller, M. (1998). The Age of Migration:International Population Movements in the

Modern World.The Guiford Press, New York, in The Feminisation of Migration:Dreams and Realities of Migrant Women in Four Latin American Countries, by Cecilia Lipszyc, p.8.

David, J. (1998). Wages of Cinema: Film in Philippine Perspective.

Feltey, K., & Sutherland, J. (2010). Cinematic Sociology: Social Life in Film (Ed.). California: SAGE Publications Co.

Freire, P. (1970). Pedagogy of the Oppressed. New York: Herder and Herder.

Guillermo, A. (2000). The Filipina OCW in Extremis. In Tolentino, R. (Ed.), Geopolitics of the Visible (pp.107-117). Quezon City: Ateneo De Manila University Press.

Heyzer, N., Wee, V. (1994). Domestic Workers in Transient Overseas Employment: Who Benefits, Who Profits. In Heyzer, N., Nijeholt, G., Weerakoon, N. (Eds.), The Trade in Domestic Workers: Causes, Mechanisms and Consequences, of International Migration (pp. 31-33). Kuala Lumpur, Malaysia: Asia and Pacific Development Centre.

Hynes, H.P., D’ Cunha, J., Dzuhayatin, S.R., Raymond, J., Rodriguez, Z.R., & Santos, A. (2001). A Comparative Study of Women Trafficked in the Migration Process: Patterns, Profiles, and Health Consequencess of Sexual Exploitation in Five Countries (Indonesia, Philippines, Thailand, Venezuela, and the United States). Coalition Against Trafficking in Women.

Lee, S. (1996). Issues in Research on Women, International Migration and Labor. In Battistella, G., & Paganoni, A. (Eds.), Asian Women in Migration (pp. 2-5). Quezon City: Scalabrini Migration Center.

Lumbera, B. (1992). PELIKULA: An Essay on the Philippine Film (1961-1992). Manila: Cultural Center of the Philippines Special Publications Office.

Reyes, E.M. (1989). Notes on Philippine Cinema. Manila: De La Salle University Press.

Taguiwalo, J. (2005). Intensifying Working Women’s Burdens: The Impact of Globalization on Women Labor in Asia (Ed.). Asia Pacific Research Network.

Tolentino, R. (2001). National/Transnational Subject Formation, Media, and Cultural Politics In and On the Philippines. Quezon City: Ateneo de Manila University Press.

xviiiDIASPORAATPELIKULA

Tolentino, R. (2014). Introduksyon: Sinema ng Milenyo: Kritisismong Pampelikula, Kritisismong Pambansa. In Chua, J., Lucero, R., & Tolentino, R. (Eds.). A Reader in Philippine Film: History and Criticism. Quezon City: University of the Philippines Press.

Villafuerte, P. & Bernales, R. (2008). Pagtuturo ng/sa Filipino: Mga Teorya at Praktika. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.

Youngblood, D. (1992). A historical overview “from below”. Movies for the Masses: Popular cinema and Soviet society in the 1920s. New York: Cambridge University Press.

Journals Del Rosario-Malonzo, J. (2006). Economic Role of OFW Remittances. IBON Facts and Figures,

29(1), pp. 3-4.

Del Rosario-Malonzo, J. (2006). Migration: Dominantly Female. IBON Facts and Figures, 29(16), pp. 2-5.

Guzman, R. (2002). Labor Feminization and Genuine Development. IBON Facts and Figures, 25(6), p. 10.

Guzman, R. (2003). The Migrant Workers’ Exodus. IBON Facts and Figures, 26(9), pp. 2-3.

Guzman, R. (2009). Declining OFW Remittances. IBON Facts and Figures, 32(14), pp. 3-9.

Tolentino, R. (2009). Globalizing National Domesticity: Female Work and Representation in Contemporary Women’s Films. Philippine Studies, 57(3), pp. 422, 426, 436.

Other Published Documents & Sources

_____________. (2016). Death amid Growth for a Few, Destitution and Resistance: A Report Assessment of Workers’ Situation under the Aquino Administration. Quezon City: Center for Trade Union and Human Rights (CTUHR).

Caritas Internationalis (2017). The Female Face of Migration (Background paper). Retrieved April 11, 2017 from http://www.caritas.org/includes/pdf/backgroundmigration.pdf

Carpon, M. (2015). Buhay Drayber at Asosasyon ng mga Tsuper at Ruta ng Santa Ana—Padre Faura: Salamin ng Kaunlarang Panlipunan. Undergraduate Thesis. Unibersidad ng Pilipinas Maynila, Manila.

Dayrit, T. (Produser), & Quintos, R. (Direktor). (2000). Anak (Pelikula). Philippines: Star Cinema.

xixDIASPORAATPELIKULA

De Jesus, O., Lopez, R., Santos-Concio, C. (Produser). & Lazatin, J. (Direktor). (2011). A Mother’s Story (Pelikula). Philippines: Star Cinema.

De Lima Ma. Sison, J. (2015). On the Imperialist Cultural Offensive. Transcript of speech during the Commission 14 Workshop. UP Diliman, Quezon City.

Dela Cruz, E. (2016). You Are What You Watch: The Role of Film in Identity Formation and Development in the Philippines. Undergraduate Thesis. Unibersidad ng Pilipinas Maynila, Manila.

De Ocampo, N. (2016). Charting the Evolution of ‘National Identity’ in Philippine Cinema, Proceedings of the Quezon City International Film Festival: Perspectives on National Cinema forum. Quezon City.

Gray, M. (2003). Human Rights Protections Applicable to Women Migrant Workers. United Nations Development Fund for Women Briefing Paper. New York, USA.

Hopkinson, P. (1971). The role of film in development. France: UNESCO.

Lamangan, J. (2012). Migrante (Pelikula). Philippines: XITI Productions

Leary, W. (Produser), & Lamangan, J. (Direktor). (1995). The Flor Contemplacion Story (Pelikula). Philippines: Viva Films.

Linatoc, R. (2016). Bertolt Brecht’s Alienation Effect (Notes on Development Studies 122 class).

Linatoc, R.F. (2016). Thesis notes on case control

Lopez, D. (2016). Kalsada at Kababaihan: Kritikal na Pagsusuri sa mga Pagbabagong Idinulot ng Pagpapagawa ng mga Farm to Market Roads sa Sosyo-Ekonomikong Kalagayan at Pampulitikang Kamalayan ng Sektor ng Kababaihan. Undergraduate Thesis. Unibersidad ng Pilipinas Maynila, Manila.

Magaji, M. (2013). Cultural Imperialism and National Development. Nigeria: University of Jos

Malubay, M. (2016, Nobyembre 13). Ang misteryosong pagkamatay ni Irma Jotojot. Pinoy Weekly, pp. 4-5.

Ma. Sison, J. (1986). Crisis of Philippine Culture (1946-Present). Transcript of speech lecture on Philippine Crisis and Culture (1946-Present). UP Diliman, Quezon City.

Migrante International. (2017). Krisis ng Migrasyon at ang Pagbangon ng Pamilyang Migrante [Powerpoint slides].

xxDIASPORAATPELIKULA

Naco, J. (2015). Kamera at Kalamidad: Kritikal na Pagsusuri ng Representasyon ng Media sa mga Masang Nasalanta ng Bagyong Yolanda at ang Implikasyon nito sa kanilang Panlipunang Pagsasakapangyarihan. Undergraduate Thesis. Unibersidad ng Pilipinas Maynila, Manila

Pangilinan, C. (2016). Problematisasyon sa ugnayan ng bansa at pelikula sa konteksto ng pambansang pelikula: Tungo sa makabayan at partisanong sine, Proceedings from Quezon City International Film Festival: Perspectives on National Cinema forum. Quezon City.

Santos, M., Santos-Concio, C. (Producer), & Lamasan, O. (Direktor). (2004). Milan (Pelikula). Philippines: Star Cinema

Santos, M., Santos-Concio, C. (Producer), & Rono, C. (Direktor). (2008). Caregiver (Pelikula). Philippines: Star Cinema

Samson-Martinez, M. (Producer), & Lamasan, O. (Direktor). (2011). In the Name of Love (Pelikula). Philippines: Star Cinema

Internet sources Bernal, B. (2014 November 26). 40K Filipinos now eligible for Obama's deportation shield –

study. Retrieved April 20, 2017 from http://www.rappler.com/move-ph/balikbayan/76106-filipinos-eligible-us-deportation-shield

Better Evaluation. (2016). Thematic Coding. Better Evaluation. Retrieved November 16, 2016 from http://betterevaluation.org/en/evaluation-options/thematiccoding

Bulsara, C. (n.d.). Using a Mixed Methods Approach to Enhance and Validate your Research. Retrieved November 15, 2016 from https://www.nd.edu.au/downloads/research/ihrr/using_mixed_methods_approach_to_enhance_and_validate_your_research.pdf

Ebron, G. (2002 October). Not Just the Maid: Negotiating Filipina Identity in Italy. Retrieved November 14, 2016 from http://intersections.anu.edu.au/issue8/ebron.html

Center for Migrant Advocacy. (2016). Replies to LOI for the Philippines with a focus on Women Migrant Workers. Retrieved November 3, 2016 from http://tbinternet.ohchr.org/Treaties/CEDAW/Shared%20Documents/PHL/INT_CEDAW_NGO_PHL_24247_E.pdf

Center for Migrant Advocacy. (2017). History of Philippine Migration. Retrieved March 02, 2017 from https://centerformigrantadvocacy.com/history-of-philippine-migration/

xxiDIASPORAATPELIKULA

Eliot and Associates. (2005). Guidelines for Conducting a Focus Group. Retrieved September 20, 2016 from https://assessment.trinity.duke.edu/documents/How_to_Conduct_a_ Focus_Group.pdf

Ellao, J. (2011 June 06). Family demands the truth about mysterious death of OFW. Retrieved May 02, 2017 from http://bulatlat.com/main/2011/06/06/family-demands-the-truth-about-the-mysterious-death-of-ofw/

Fidel, R. (1984). The Case Study Method: A Case Study. Retrieved September 22, 2016 from http://faculty.washington.edu/fidelr/RayaPubs/TheCaseStudyMethod.pdf

Gavilan, J. (2016 December 19). What you need to know about overseas Filipino workers. Retrieved February 4, 2017 from http://www.rappler.com/newsbreak/iq/114549-overseas-filipino-workers-facts-figures

Krueger, R. A. (2002, October). Designing and Conducting Focus Group Interviews. Retrieved on September 22, 2016 from http://www.eiu.edu/ihec/Krueger-FocusGroupInterviews.pdf

Philippine Statistics Authority. (2016). Total Number of OFWs Estimated at 2.4 Million (Results from the 2015 Survey on Overseas Filipinos). Retrieved on October 18, 2016 from https://psa.gov.ph/content/total-number-ofws-estimated-24-million-results-2015-survey-overseas-filipinos

Net Industries. (2016). Migration-Theories of Migration. Retrieved on September 5, 2016 from http://family.jrank.org/pages/1170/Migration-Theories-Migration.html#ixzz4Jffopgbp

Bobichand, R. (2012). Understanding Galtung’s Violence Triangle and Structural Violence.

Retrieved on September 6 2016 from https://www.galtung-institut.de/en/network/groups/anything-galtung/forum/topic/understanding-galtungs-violence-triangle-and-structural-violence/

Afzaal, A. (2012). The Violence Triangle. Retrieved September 6 2016 from https://ahmedafzaal.com/2012/02/20/the-violence-triangle/

Cole, N. (2016). Understanding Marx's Base and Superstructure. About.com Education. Retrieved

15 November 2016, from http://sociology.about.com/od/Key-Theoretical-Concepts/fl/Base-and-Superstructure.htm

Explaining Domestic Violence using Feminist Theory. (2016). Knowledge For Growth. Retrieved

15 November 2016, from https://knowledgeforgrowth.wordpress.com/2011/03/21/explaining-domestic-violence-using-feminist-theory/

Ferraro, K., Pope, L. (2006). The Duluth Power and Control Model. Retrieved 10 November 2016,

from http://vawresources.org/index_files/powercontrolmodel.pdf

xxiiDIASPORAATPELIKULA

Investopedia LLC. (2017). Descriptive Statistics. Retrieved April 2, 2017 from http://www.investopedia.com /terms/d/descriptive_statistics.asp

Kellner, D. (2016). Cultural Marxism and Cultural Studies. Retrieved 15 November 2016, from

https://pages.gseis.ucla.edu/faculty/kellner/essays/culturalmarxism.pdf Makilan, A. (2007 March). Stories of Abuse and Courage of Women OFWs. Retrieved May 02,

2017 from http://www.bulatlat.com/news/7-6/7-6-ofws.htm Michael P. Todaro's Model of Rural-Urban Migration - Definition and Explanation - Assumptions

- Diagram/Figure of Schematic Framework - Characteristics - Economicsconcepts.com. (2016). Economicsconcepts.com. Retrieved 15 November 2016, from http://economicsconcepts.com/michael_p_todaro's_model_of_rural_urban_migration.htm

Migrante International. (2015). Executive Summary of Death Row/Candidates for Death

Row/Jailed Cases of OFWs being hanled by Migrante International. Migrante International. Retrieved from https://migranteinternational.org/category/services/

Philippine Overseas Employment Administration. (2014). 2010-2014 Overseas Employment Statistics. Philippine Overseas Employment Administration. Retrieved on November 10, 2016 from https://migranteinternational.org/category/services/

Philippine Statistics Authority. (2016, April). Total Number of OFWs Estimated at 2.4 Million (Results from the 2015 Survey on Overseas Filipinos). Retrieved on October 18, 2016 from https://psa.gov.ph/content/total-number-ofws-estimated-24-million-results-2015-survey-overseas-filipinos

Rappler. (2012, February 13). Movie spending contribute to 0.06% to GDP – NSCB. Retrieved on October 20, 2016 from http://www.rappler.com/business/1505-movie-spending-contribute-0-06-to-gdp-–-nscb

Santos, A. (2014 July 06). Philippines: A History of Migration. Retrieved March 05, 2017 from http://pulitzercenter.org/reporting/philippines-history-migration

UCLA Center for Health Policy Research. (n.d.). Section 4: Key Informant Interviews. Retrieved

on September 19, 2016 from http://healthpolicy.ucla.edu/programs/health-data/trainings/documents/tw_cba23.pdf

University of South California. (n.d.). Organizing Your Social Sciences Research Paper: Types

of Research Designs. USC Libraries. Retrieved on October 30, 2016 from http://libguides.usc.edu/writingguide/researchdesigns

Tolentino, R. (2011). Vaginal economy: Cinema and Globalization in the Post-Marcos Post-

Brocka Era. Retrieved March 05, 2017 from http://journals.upd.edu.ph/index.php/humanitiesdiliman/article/download/1988/1875

xxiiiDIASPORAATPELIKULA

Apendiks

Gabay sa Apendiks

Sample survey form …………………………………………………………………. xxiv-xxv

Tala ng mga pangalan ng lahat ng nakapanayam ………………………………………… xxvi

Transcribed interview (Bonifacio Ilagan) …………………………………………… xxvii-xxxiii

Legends para sa Survey forms:

Color code Pelikula Number code Aspeto The Flor Contemplacion Story

1-10 Politikal

A Mother’s Story 11-20 Ekonomiko

Migrante: The Filipino Diaspora 21-30 Kultural

** Sa mambabasa, minarapat ng mananaliksik na ilagay sa hiwalay na bind ang ibang bahagi ng Apendiks para protektahan ang konpidensiyal na identidad o datos *Mayroong mga kasunduan sa mga Pahina ng Pagpapatibay ng mga katugon sa sarbey na hindi nasunod sa ilalim ng sab-kategorya ng ‘Proseso’ at ‘Durasyon’ sapagkat nabago sa kalagitnaan ng koleksiyon ng datos ang proseso ng sarbey.

xxivDIASPORAATPELIKULA

xxvDIASPORAATPELIKULA

xxviDIASPORAATPELIKULA

Listahan ng mga Nakapanayan Key Informant Interview

• Arman Hernando • Bonifacio Ilagan • Joel Lamangan • Dr. Rolando Tolentino

Case Study

• Russel Contemplacion • Alicia Dalquez

Focus Group Discussion

• Marie Fe Delos Reyes • Merisa Durigo • Lalaine Ladia • Rosemarie Rondon • Celia Veloso • Lorna Lumapang

xxviiDIASPORAATPELIKULA

Panayam kay Bonifacio Ilagan Enero 21, 2017 | Quezon City Diane: So ‘yong start po ay, pwede n’yo po bang i-discuss ‘yong background n’yo, simula ‘yong buong journey n’yo talaga sa film industry? Boni Ilagan: Ah, ‘yong sa akin? Diane: Sa inyo po muna… Boni Ilagan: Sige. Oo. Nagsimula ako… sa pag-arte… sa teatro, mula sa pag-arte ay nagsulat na ako ng script. Ahm… may dahilan kasi… medyo matagal na ‘to, ‘no? 1970’s. Ahm… kailangan namin ng mga script na maipapalabas sa teatro na bagay d’on sa aming gustong sabihin. Ah, tungkol sa problema ng mga taong-bayan. Eh walang script, so… napilitan akong magsulat kahit na hindi naman ako nag-aral ng pagsusulat ng script. Nakatulong nang malaki ‘yong… naging artista ako sa teatro kaya hindi ako unfamiliar doon sa… daigdig ng, ng ah… teatro. Ah… dahil… palaging nagsusulat, ah… naipalalabas naman kaagad ‘yong mga isinusulat, nakikita ko ‘yong resulta. At dahil doon, ah… natuto na rin ako kung alin ang maganda, alin ang hindi maganda. Ah… s’yempre nagbasa na rin ako ng tungkol sa pagsusulat at nagsama-sama ‘yon, yuong aktwal na pagsusulat at yuong mismong pagtatanghal at yuong reaksyon ng mga tao hanggang… before I knew it eh marami na akong alam sa pagsusulat. Dahil kulang din ng direktor, napilitan din akong maging direktor eh wala rin akong alam d’yan. Kasi sa totoo lang, ang kurso ko n’ong panahong ‘yon ay Political Science at kahit elective, kahit cognate, walang tungkol sa teatro. So talagang ano ‘yan eh, ah… yuong bunga ng pangangailangan at saka interes na rin kasi interesado talaga ako sa teatro. Sa madaling sabi, maraming taong ginugol ko sa teatro hanggang… kailangan kong… magtrabaho nang may kita. Kasi ‘yong teatro, sinasabi ko sa ‘yo, walang kita ‘yon. Nag-apply ako ngayon sa television, at ah… naging manunulat ako sa television. Uhm, bagong larangan ‘yon, dahil… iba ‘yong form, format ng writing for television at saka ng writing for live theater pero madali akong nakapag-adjust and eventually, ah… humility aside, naging maganda ang… takbo ng aking ah… trabaho sa TV. Eh dahil palaging umaattend ng mga shoot, ng taping, taping pa ang tawag n’on sa TV dahil tape ang ginagamit eh. Ngayon hindi na tape, hindi ko alam kung ano na ang tawag ‘pagka nagshu-shoot, ano. Nalaman ko na rin yuong… paano ang trabaho ng direktor. So… nabigyan din ako ng trabaho bilang direktor sa TV, so… that’s the long in the short of it. Eh from TV writing and TV directing, ‘yon na ‘yon, pelikula na ang logical na… kahahantungan. So when the time came na ako ay nabigyan ng offer na magsulat sa pelikula, nagsulat na ako sa pelikula and until now, iyon na ang aking pinagkakaabalahan. Diane: Eh ‘yong ano n’yo po, ‘yong… journey n’yo po sa… progreso po… Boni Ilagan: ‘Yong binanggit ko sa iyong karanasan ko ay progressive lahat ‘yan. Ah… ‘pagka may mga ino-offer sa akin na writing or directorial jobs na hindi ko gusto, dahil hindi umaayon d’on sa aking progresibong consciousness, dini-decline ko. Diane: Sa Diliman din po kayo nag-start? Boni Ilagan: Oo, oo. Oo. Diane: Ako din po, sa UP po. Boni Ilagan: Ah… okay. Diane: So ahm, pwede n’yo po bang ‘yon nga po, i-k’wento n’yo po ‘yong karanasan n’yo po kung paano n’yo po nabuo ni Sir Ricky Lee ‘yong k’wento n’ong sa kay Flor Contemplacion story po.

xxviiiDIASPORAATPELIKULA

Boni Ilagan: Oo. Ahm, hindi ko makakalimutan ‘yong pelikula na ‘yan dahil… ‘yon ang, that was my first writing assignment after I was released from prison. Ako ay ahm, nahuli n’ong 1994. (Hi… Yah, mamaya. Okay, okay.) Ah, nahuli ako n’ong 1994, second na pagkahuli ko ‘yon kasi nahuli na, ah, naaresto na ako n’ong 1974, n’ong Martial Law. Na-release ako, naaresto ulit ako n’ong 1994. Right after my release from prison in 1994, na-offer sa akin ‘yong… ah… anon a ‘yan, ‘yong pagsusulat. Ah… at ah… dal’wa kami ng Ricky na… nagsulat. Ang maganda d’yan, si Ricky naman kasi eh matagal ko nang kasama, kaibigan. Kasi aktibista rin si Ricky eh, n’on 70’s, nakulong din ‘yan. Hindi naging mahirap para sa amin dalawa ‘yong pagtatrabaho. Alam mo, ah… ano ‘yon eh, putok na putok ‘yong issue ng Flor Contemplacion eh, n’ong panahon na ‘yon. In fact, kung natatandaan ko, halos isang b’wan, araw-araw front page ‘yang balita tungkol kay Flor Contemplacion. So nakatulong din ‘yon sa kumpanya ng pelikula, sa Viva Films kasi ano na, ah… yu--, kumbaga ‘yong publicity, ‘yong promotions ng pelikula ay hindi na nila problema at ah, dinumog talaga ng tao. Anyway, ahm… ginawa naming ‘yong lahat ng kailangan, preliminary interview, everyone and anyone na related d’on sa kaso. S’yempre ‘yon pi--, ‘yong pamilya, except Flor, kasi si Flor, nakakulong, ano, hindi naman naming p’wedeng interview-hin sa Singapore. In-interview naming ang kanyang asawa, ‘yong lahat ng anak n’ya, mga malalapit na kaibigan, ‘yong abogado n’ya, s’yempre, even the Philippine government, ah ‘yong sa Embassy, lahat ‘yan ay ah, in-interview namin. Nakaipon kami ng napakaraming research materials plus ‘yong aming nire-research sa mga d’yaryo, ah, lahat ng lumalabas tungkol sa, sa kaso. Si Ricky, he was very meticulous, s’ya ‘yong nag-organize n’ong research eh. Ah… dahil Viva fims ‘yan, may budget, talagang may binayaran na researchers, kumpleto. So hindi, hindi naging mahirap sa ‘min ‘yong, ‘yong proseso. Nakatulong din s’yempre na kaming dalawa ni Ricky ay interested at very much active d’on sa… sa kilusan, ah, especially ‘yong sa kapanan ng mga manggagawa. Ah… after having made the research, ah, dalawa kami Ricky na gumawa ng outline. Chronological n’ong una para maging malinaw ‘yong, ‘yong flow ng istorya saka namin ah, jinumble-jumble, ano. So yuong kinalibasan--, kinalabasan in terms of structure, hindi na s’ya chronological, ano, flashbacks, etc. What is interesting in our research and eventually we thought we should include in the film was the secret. And the secret was, may number two si Efren Contemplacion, na s’yempre hindi ‘yan lumalabas sa, sa balita. Nagtaka lang kami na everytime na mag-iinterview kami sa family, nand’on ‘yong babae, tapos, very outspoken s’ya. S’ya ‘yong articulate eh, ah, in fact, more than Efren, more than the husband, s’ya ‘yong articulate. So, tinanong naming ni Ricky, ‘Kamag-anak n’yo ba s’ya?’ N’ong una, hindi sila nakasagot kaagad… Diane: Oo nga po… Boni Ilagan: Siguro nahirapan sila until eventually, they had to tell us na hindi kamag-anak kundi… ah… girlfriend,… Diane: Parang po ‘yong sa pelikula… Boni Ilagan: Girlfriend ni… ni Efren. S’yempre naging problema sa amin ‘yon dahil s--, sikreto nila, hindi namin alam kung p’wede naming isama sa pelikula. Pero umano naman sila, pumayag sila na isama. Ang malungkot dito, n’ong matatapos na ‘yong pelikula, hinabla kami, hinabla kami n’ong… Diane: N’ong babae… Boni Ilagan: Nakalimutan ko na ‘yong pangalan eh, ah… kasi matagal na ‘yon eh, 1994 eh. Anyway, hinabla kami, kami ni Ricky, ‘yong director, ‘yong Viva Films dahil… eto nagfa-flash forward na ako. Ang gusto n’ong babae ay gumawa rin kami ng pelikula tungkol sa kanya.

xxixDIASPORAATPELIKULA

Parang ang pagkakahabla ay, hindi n’ya ibinibigay sa amin ang permiso para gamitin ang kanyang istorya d’on sa pelikula. Nire-recall ko kasi matagal na ‘yan eh. So nagkaroon nga ng court proceedings ah, may dumating sa ‘ming subpoena pero naayos naman. I think, ah, Viva Films had to settle for an amicable ah… condition, so, parang may bin--, may ibinigay doon sa babae. Ayon, ang the long in the short of it. Do’n naman sa content mismo, mas, mas naging malinaw sa amin ni Ricky na director, ‘yong usapin ng Overseas Filipino Workers, and in particular, ‘yong, ‘yong issue ng kababaihan. Ah, s’yempre ‘yong bias ng pelikula, malinaw na malinaw, ano. Ahm, ang isang pianag-uasapan pa nga namin nang medyo matagal, papa’no naming ipi-present ‘yong legal, legal case kasi ang Singapore ay nagsasabing guilty pero tayo, sinasabi natin na hindi guilty. We took the position ng Pilipinas at ni Flor. Bagaman si Flor, sa simula ay umamin, eventually, ni-retract n’ya ‘yon eh. Although, ‘yon ang naging problema kasi, may una s’yang admission na later na lang kinailangang baguhin. Tapos, iba s’yempre ‘yong judicial system sa Singapore kaya nahirapan din tayo. Ahm, nga pala… ang natatandaan ko, wala pang Migrante n’on eh. Walang organisasyong Migrante ang pangalan. Wala pang organisasyon ang kilusan noon na para sa OFW, kaya ang nag--, the one, the one organization that took up the case was Bayan. So Bayan talaga ang pumapapel d’yan. Yuong Migrante ay ipinanganak ng kaso ni Flor Contemplacion. After the Flor Contemplacion case, nabuo ang ah, Migrante International. So if only for that, malaking bagay ‘yong usapin ni Flor. Diane: So, Sir, ahm, sa tingin n’yo po, s’yempre bilang manunulat at director, gaano po kahalaga ‘yong pelikula sa pagmumulat sa mga mamamayan ng ganitong mga kalagayan, ganitong mga isyung panlipunan sa atin. Boni Ilagan: Ah, lalo na ngayon, kapag may mga usapin ng OFW hanggang sa puntong nabitay, ang balita ay nasa inside pages na lang eh. Kasi ngayon, may lumabas eh, ‘di ba? Diane: Opo, ‘yong… Boni Ilagan: Ah, sa Sau--, Sau--, sa Middle East ito, ‘no? Diane: Opo, sa Middle East. Boni Ilagan: Sa Middle East. Ah… domestic helper. Parang… muslim dahil ang pangalan n’ya ay from the south eh. Nabitay s’ya, pinagbintangang pinatay n’ya ‘yong anak ng employer pero tingnan mo, nasa inside pages na lang. Dati-rati, gaya ng sinabi ko ‘di ba ‘yong tungkol kay Flor, front page ‘yan. Pero dahil sa madalas nang nangyayari, nagiging karaniwang balita na lang to the point na ang karaniwang tao, ano na, hindi na ‘yan kagila-gilalas, hindi na ‘yan nakakabigla and even the media treat such news as an ordinary event at nilalagay na nga lang sa inside pages which brings me to my point na ang, sa ganiting kalagayan, ang pelikula eh napakahalaga kasi ‘yong pelikula ang mas magda-dramatize eh, noong isang usapin na otherwise ay hindi na pinapansin. Kaya doon sa tanong mo, napakahalaga ng pelikula and for that matter, kahit teatro, napakahalaga ng mga anyo na ‘yan ng sining para yuong mga usapin na gusto nating mabuhay sa consciousness ng tao ay mabuhay, oo. Diane: Sa, ‘di ba po, sa pagtagal ng panahon mula no’ng nailabas ‘yong pelikula ng Flor, andami na rin pong nailabas na mga ibang pelikula, mga, mga mother story… Boni Ilagan: Sarah Balabagan… Diane: Si Sarah Balabagan, Sir. Boni Ilagan: Oo, oo. Diane: Ano po, ano po sa tingin n’yo ‘yong ibang puna sa mga pelikulang ‘yon? Boni Ilagan: Well, s’yempre ‘pagka ikaw ay artista at gumawa ka ng isang obra, isang likha, dala-dala mo ang iyong point-of-view, d’on may problema. Kasi kung tungkol nga sa OFW,

xxxDIASPORAATPELIKULA

tungkol nga sa Migrante, tungkol nga sa kababaihan ‘yan pero hindi naman malinaw ang iyong panig, magiging ano lang s’ya, entertainment, ah… kaya, mahalaga para sa mga lumilikha ng pelikula at ng sining, in general na maunawaan din nila ‘yong milute, ‘yong usapin, ‘yong kaso hindi lamang sa puntong factual, o quote-unquote objective. Ah, mahalaga rin na angkinin nila ‘yong subjective factor which is ‘Nas’an ang iyong pagpanig?’ ahm… halimbawa, kung isang kumpanya ng pelikula na gustong paksain ang kababaihan o ang Migrante, kung simpleng kompanya ng pelikula lang s’ya, iiwas s’ya d’on sa… political, gagawin n’yang commercial, and by commercial, entertaining and by entertaining, feel good, ibig sabihin, ah… p’wedeng may iyakan pero… alam mo na, para lang ma-titillate, para lang makiliti ‘yong emotion na hindi naman magbubunga ng pagkamulat. Diane: Walang kritikal na pagsusuri. Boni Ilagan: Exactly. So… ‘yon ang, ‘yon ang isang usapin d’yan. Sunod ay, sinabi mo nga andami, andami na n’ya. Puro babae, puro Migrante pero nauuwi lang sa love story eh, ‘di ba? Diane: Naro-romanticize. Boni Ilagan: Gan’on lang. Hindi ko sinasabing mali ‘yong love story, in fact kailangan ang love story kahit nga ‘yong Flor Contemplacion, may live--, may love story, la--, ano nga eh, triangle nga eh, ‘di ba? Sa tagal ko na sa pagsusulat, sa pagdidirek, obligatory na mayroong love angle pero hindi dapat ‘yon ang mag-define. Ang dapat pa ring mag-define, ‘yong social context at ‘yong esens’ya ng pelikula sa lipunan in terms of… interest ng, ng higit na nakararami. Diane: Sir, sa kasalukuyan po, ano po ‘yong pananaw ninyo sa patuloy na pagtaas ng bilang ng nagiging migranteng kababaihan po? Boni Ilagan: I, I did together with Direk Lamangan another film on migra--, on migrants. Ang title ay ‘Migrante’. Diane: Oo nga po. Boni Ilagan: Okay. Doon namin nalaman na ang mas preference pala ngayon ng employers abroad ay babae. Nakalimutan ko na ‘yong prosyento eh pero mukhang 80%. I’m not sure about this ha, 80% yuong sinasabing 12 million na mi--, migrante ay babae, babae. Ah… ayon ang, iyon ang isang, risk ‘yon kasi mas, mas nae-expose ‘yong kababaihan sa mga panganib. Like do’n sa aming ginawang pelikulang ‘Migrante’, ang aming ahm, bida… Diane: Si Jodi. Boni Ilagan: …ay si Jodi Sta. Maria. Hindi ako as a writer, hindi ako nahirapan na… palam’nan ‘yong pelikula dahil lahat ng detalye ay… galing d’on sa ano eh, sa mga accounts, ah, kung papa’no minomolest’ya ang kababaihan. At marami ang… hindi na ‘yan nalalaman eh, hindi nalalaman, oo, ‘yon ang isang nakakalungkot d’on. Diane: So, sa inyo pong palagay, ano po ‘yong p’wedeng material or ‘di material na naia-ambag ng pagsasapelikula ng mga ganitong isyung panlipunan? Boni Ilagan: Ano ang, material… Diane: o ng non-material na naia-ambag po ng mga ganitong pelikula sa mga, sa pagpapalaganap ng mga gan’tong isyung panlipunan. Boni Ilagan: Pa’nong ibig mong sabihin? Anong… Diane Virtucio: Ano po ‘yong mga, ay anon a lang po, ano po ‘yong mga, ‘yon nga, ‘yong mga naia-ambag po nila sa mga mamayan, sa mga particular sector? Boni Ilagan: Ah okay. Well, definitely, ah… ang, ang, ang bias ng pelikula ay nasa realm ng consciousness, nasa realm ng pag-iisip at ah, ‘yon naman ang mahalaga upang yuong, ang mga tao ay kumilos. First, I have to affect their consciousness, bilang writer, malinaw sa akin na you

xxxiDIASPORAATPELIKULA

can only have an impact on the consciousness of the people, manonood kung pelikula ‘yan if you are able to go through their emotions. ‘Pagka hindi mo naabot ang kanilang emos’yon, hindi ‘yan magbubunga ng… ideya. So, go though their emotions, get through their emotions and then you are able to affect their consciousness. Ang mahirap, kung isasara mo lang sa emoption kasi p’wedeng very emotional na ang iyong obra pero hindi nagbunga ng pagkamulat at hindi nagtulak sa tao para kumilos. So what I’m trying to say is, ang naia-ambag ng pelikula ay ang pag-antig ng damdamin upang sa gan’on, ang tao ay… ah, mamulat. To make a long story short, ang kailangan ay mga pelikula, mga obra ng sining na magtutulak sa tao upang kumilos, upang maunawaan nang tama ang nasa kanilang kahinaan. And I’m talking about the common people. Sa kanilang kahinaan ay may pagkakaisa at kung may pagkakaisa sila, merong lakas. ‘Yon lang, so parang ah… at the end of the day, aftyer having seeing film or a theather production, napaiyak mo, napatawa, kailangan may isang desisyon na nabuo sa tao. It’s either uunawain n’ya pa ‘yong usapin or kikilos na s’ya upang tumulong na malutas ‘yong, ‘yong problema. Diane Virtucio: So, tama pop ala. Kasi ‘yong part po n’ong thesis ko ay magpapalabas ako ng pelikula sa mga estud’yante. Susuriin po nila, gan’yan, gan’yan. Ta’s napili ko po, ‘yong tatlong pelikula ay ‘yong ‘Migrante’ ta’s ‘yong Flor Contemplacion. So ta’s ah, ‘yong pangatlo po ay ginawa ko pong galing sa mainstream para maikumpara po nila ‘yong, gaya nga po n’ong ‘A Mother’s Story’. Ah… ay, so meron ka na ng pelikula, may kopya ka na ng mga ‘yan? ‘Yong sa ‘Migrante’ po ay nakahanap na po ako sa kaklase ko. ‘Yong Flor Contemplacion po ay manghihiram po ako ng bala sa Diliman. Boni Ilagan: Okay. Ah nakakuha ka ng ‘Migrante’? Aba okay ah, pirated ‘yan, sigurado ako kasi hindi pa ‘yan available sa ano, hindi pa ipinagbibili. Kahit ako, ang kopya ko n’yan ay rough, wala ako no’ng clean, n’ong clean copy. Diane Virtucio: Siguro po. ‘Yon nga po eh. Sir, ‘yong sunod ko pong tanong ay ‘yong ano, Pa’no n’yo po tiniti--, sa ganitong kalagayan ng mga kababaihang migrante natin, pa’no n’yo po tinitingnan ‘yong suliranin sa pampulitika at ang pang-ekonomikong kalagayan ng bansa natin? Boni Ilagan: Ano… ah, well, in general, Ke nanay o ke tatay ang mawala sa pamilya, ‘yong social cost ay napakalaki. Alam naman natin ‘yong dahil sa pagkakahiwalay ng pamilya, nagkakaro’n sa family. So ang mga anak ay napapariwara. Ang lalaki, ‘pag naiwan ditto ay nagkakaro’n ng affair at kahit na ‘yong babae, nagkakaro’n din ng, nagkakaro’n din ng affair. So it’s really that toll, ang, ang epekto talaga ay sa family. Alam mo, no’ng kami ay nag-screen ng ‘Migrante’ abroad, i--, nag--, nag-iisa lang ‘yong sagot no’ng mga Pilipinong nandodoon. Sabi nila, kung may trabaho lang sa Pilipinas na nakakabuhay, hindi sila… aalis ng, ng bansa. Kaya ang panawagan nga ng Migrante, napakaganda. Kailangan ng lipunan na nagbibigay ng pagkakataon sa mga mamamayan nito na mabuhay nang disente at normal sa sariling bayan para hindi kailangang maghanap ng so called greener pasteurs or ‘yong ginto sa dulo ng ah, bahaghari, ano. The golden pot at the end of the rainbow, dahil in the final analysis, there’s no such gold in pot at walang greener pasteurs. Ang hirap ng buhay ng mga migrante. No’ng kami nag-screen abroad, mas nagustuhan ko ‘yong arrangement na nakikitira kami sa mga migrants, do’n sa kanilang apartment, sa mga inuupahan nila at napakahirap. Ofcourse, may mga Pilipinong maase--, maasenso na rin, maganda na rin ‘yong buhay pero hindi ‘yon ‘yong rule eh, hindi ‘yon ‘yong rule. Exception ‘yon eh. Eh dahil may mga gano’ng pangyayari, s’yempre, lalo na kung wala namang mataas na political consciousness, palaging ambisyon ng mga Pilipino, marating nila ‘yong ganoong exception. In the process, ayon, nagkakaro’n na ng breakdown sa family and so on and so forth. And in general, I think it is a very serious enditement ng isang

xxxiiDIASPORAATPELIKULA

gobyerno na napapanatiling nakatayo ang ekonomiya dahil sa remittances ng mga mamamayan nitong alipin sa ibang bansa, ‘di ba? Eh sige, and’yan na, nakatayo ang ekonomiya mo eh dahil naman sa nag--, ‘yong modern slavery, ‘di ba? So, hindi magan--, sa tingin ko, dapat second thinking ang gobyerno kapag ina-anunsyo nito na ang mga Pilipino abroad ay mga makabagong bayani, ‘di ba sabi nila, sapagkat sa totoo ay, sila ay makabagong alipin. So ‘yon ‘yong social and political na ano… Diane Virtucio: So ito, sa industriya po ng pelikula, ano po ‘yong maihahain n’yong hamon sa mga ahensya, o sa mga institusyong pampelikula natin na, ayon, sa kasalukuyan, ‘di ba po, nag-evolve naman po ang MMFF ngayon pero kagaya po sa ibang pong mga institusyong pampelikula, ano po ‘yong maihahain n’yong hamon para mas ipalaganap nila ‘yong mga pelikulang may panawagan para a-angat ‘yong ??? ng mga nasa laylayan? Boni Ilagan: Ah… I’ve done ah… five indie films, ibig sabihin, of course, sabi ng iba, ‘wag na nating paghiwalayin ‘yong indie at saka ‘yong mainstream, ano? Pero whether we like it or not, there’s a dichotomy. May mga pelikula talagang pino-produce primarily para kumita; may mga pelikulang pino-produce na sa--, hindi ‘yon ang primary consideration, pero kahit ‘yong mga pelikulang ang pangunahing konsiderasyon ay makalikha ng sining at hindi na baleng hindi kumita, kelangan ding kumite at the very least, kailangan mabawi yuong kikitain. Why have I been out of job as a film maker doing indie film? Because, this is the simple reason, ‘yong mga nag-produce ng mga indie films namin ay hindi nakabawi sa kanilang investment at dahil nalugi sila, papa’no ba sila magkakaro’n ng susunod na investment? So it’s matter of realizing that indie films need to, at the very least recoup ‘yong kanilang gastos, otherwise, magiging beg, steal and borrow ‘yong mga film makers. Ayaw man natin at gustong aminin, we need money. Of course, sasabihin ng iba, oo pero hindi naman kailangan ng 75 million, kasi ‘yon ‘yong laki ng ano, ano? Kailangan lang namin ng konti. How much is that konti? Realistically, you cannot produce a film that would come up to the standards if you only have 200,000. Kahit na ‘yong mga festivals eh, Cinemalaya, magkano baa ng binibigay? Last I heard, it’s 500,000. ‘Yon namang mga sumasali d’yan, naghahanap pa sila ng mga investors eh, kasi hindi sila makakabuo ng pelikula kapag 500 thousand lang, kailangan may pandagdag. So the reality is this: There has to be an institutionalized support for films that advocate causes. And that is the challenge, ‘yon ‘yong hamon. Ang hamon ay naka-address sa government, ang hamon ay naka-address sa mga film makers din. And para do’n sa mga pelikulang may advocacies, ang mga film makers ng mga ito should get organized. Dahil hangga’t hindi sila organized, hangga’t nagkakanya-kanya sila, hindi magkakaroon ng malinaw na sistema ng distribution, ng marketing. Alam mo ‘yong mga ginawa naming pelikula, ito sasabihin ko na, writer ako, direktor ako, hindi ako marketer, hindi ako… alam mo na pero ginawa ko ‘yan. ‘Yong mga pelikula namin, ibinebenta ko ‘yan sa mga eskwelahan. Totoo ‘yan. Kinakausap ko ‘yong administration, mga organizations ng estudyante, nagpopro--, nagbibigay ako ng proposal para ma-screen ‘yong mga pelikula naming. Okay naman, siguro mahusay-husay naman akong salesman ‘no? So nakakapag-screen kami. Pero after almost a month of negotiation, maipapalabas ang pelikula, kikita lang ng 30,000. Almost a month of negotiations. Ang ginastos ay 4,000,000. Kung sa isang b’wan, 30,000 lang ang kikitain, papa’no mo mababawi ‘yong 4,000,000? Ilang taon. Samantalang ‘yong mga commercial films, ‘di ia-anunsyo nila. Now showing in 150 cinemas nationwide, ‘di ba? Tapos sa loob lang ng isang linggo, ‘yong 75 million, aba, nabawi na. Kasi first week palang, naka-35 million na, ‘di ba? So that is the word, the discrepancy lies. So the challenge is, ‘yon na nga, kailangan may support, kailangan na may organization and kailangan din tumulong ang ating

xxxiiiDIASPORAATPELIKULA

mamamayan kasi may, may habit ang mga Pilipino eh. Una, ‘yong kapag nalaman nilang may advocacy, hin--, hindi nila gusto, eh kami nga, ‘yong ginawa na nga namin, puro sikat na artista na eh. There’s one film that we did na dalawang generation ng mga artista ‘yong si k’wan, I don’t know if its ‘yong isang generation, sila ah… nakalimutan ko na… ahm, Oh my God. Basta two generations of, of artists, ano, ‘yong second generation ay mga bata, at lea--, at least bata pa sila no’ng ginawa namin pero ngayon, may mas bata na sa kanila eh, sila Lovie Poe, sila Pauline Luna, sina Marvin Agustin, ano. Ah… tapos ‘yong isang generation, itong… asawa ni Dolphy, sino ba ‘tong? Diane Virtucio: Si Zsazsa… Boni Ilagan: Si Zsazsa, ah, Gina Alajar, Robert Arevalo. Ibig sabihin, in terms of ah… audiences, makikinig ‘yong mga may edad sa may edad, ‘yong mga bata sa may bata. Alam mo, it took a long time bago nabawi ‘yong, yuong investment eh mga artista na ‘yan. Kasi kulang ng promotions. Kailangan kasi i-promote mo sa radyo, sa TV saka sa print. Eh magkano kapag ikaw ay nag-advertise sa TV? Ang primetime na 30-seconder sa TV, alam mo kung magkano? Mga 250,000. 30 seconds. One 30-seconder lang ‘yan eh kailangan mong i-promote nang isang linggo, dalawang linggo, nang kung ilang beses. Para pumasok sa consciousness ng, ng tao, do’n na lang din, do’n nila ‘yan bino-bombard eh, sa advertisement. So, ‘yong sinabi kong ang hamon ay sa mga mamamayan din, na tangkilkin ‘yong mga pelikulang may adbokasiya at ah… so ang first na… depekto ng ating audiences, ‘yong, ‘yong gano’n… they shy away from films that have a message. Second, ‘yong kung nakakapanood nang libre, ‘di mas maganda, libre. Mas mura, ‘di mas mura. Kailangan may konkretong suporta din sa audience. Kaya ang NCCA, alam ko meron tinatawag silang Audience Development Fund. Ano ‘to eh, this might be an aside, pero baka mai-connect mo eh, this is an attempt of the government through the NCCA to meet up with the challenge of quote-unquote, educating or raising the consciousness of audiences. Simple lang ‘yan, ikaw ay mayroong pelikula or meron kang theater production, lalapit ka sa NCCA, sasabihin mo sa NCCA, ‘Gusto po naming humingi ng tulong, at ang gusto po naming i-access, ‘yong Audience Development Fund.’ So ang gagawin ng NCCA, magbibigay sa inyo ng I don’t know how much now, 30,000 or 50,000, around those figures. Ibibigay nila ‘yan sa ‘yo, ang kapalit lang, ‘yong mga manonood, pipirma. In other words, p’wede mong sabihin sa isang urban-poor community, manood kayo, libre ‘to, pipirma lang kayo. So, nae-educate ‘yong mga manonood na… ‘Uy, maganda pala ‘to!’ So eventually, siguro, after na ma-expose na sila sa isa, dalawang palabas na may sinasabi, baka sa susunod p’wede na silang bumili ng 50 pesos na ticket, ‘no? At wala nang libre eh, kailangang bumili na, ‘di ba, bumili na kayong ticket. Dapat may gano’n ding (Attorney! Ba-bye!), dapat may ganoon ding klase ng… so, kailangang magtagpo at makakatulong sa aking palagay ‘yong … organizations kasi ito, they are organized eh. ‘Pagka nagpaliwanang ka tungkol sa ah… necessity ng ah, pagsuporta ng taong-bayan sa mga ganitong pelikula, ma--, mauunawaan nila ‘yan. Kesa do’n sa… ‘yong pupun--, nando’n ka sa isang kanto tapos magpapaliwanag ka, wala naman makikinig sa ‘yo, ‘di ba? You start small but eventually, ano ‘yan, ah, lalaki ‘yong effort. Diane Virtucio: So, ‘yon lang po, Sir. Boni Ilagan: Oh, sige. Diane Virtucio: At… maraming salamat po sa… ano