WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM OUTCOME-BASED ...

20
WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4 0 WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM OUTCOME-BASED EDUCATION LEARNING MODULE EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO QUARTER 3 WEEK 8 GRADE 4

Transcript of WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM OUTCOME-BASED ...

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

0

WHOLE BRAIN LEARNING SYSTEM

OUTCOME-BASED EDUCATION

LEARNING

MODULE

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO

QUARTER 3

WEEK 8

GRADE

4

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

1

MODYUL SA

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 4

KUWARTER 3

LINGGO 8

Sa Pagpapanatili ng Kalinisan,

Recycling ang Kailangan

Development Team

Writer: Jane A. Javier

Editors: Venus G. Miguel Grace G. Manuel

Reviewers: Venus G. Miguel Grace G. Manuel

Jo Eulie Mei T. Domingo

Illustrator: Eyriche Jan A. Dela Cruz

Lay – Out Artist: Eyriche Jan A. Dela Cruz

Management Team:

Vilma D. Eda Arnel S. Bandiola

Lourdes B. Arucan Juanito V. Labao

Jo Eulie Mei T. Domingo

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

2

Alamin

Layunin ng bahaging ito ng modyul na gabayan ka sa iyong lubos

na pag-unawa sa ikawalong araling nakapaloob sa Ikatlong Kuwarter ng

Edukasyon sa Pagpapakatao 4. Sundin ang mga panuto at gawin ang

hinihingi ng mga pagsasanay at mga gawain.

Sa modyul na ito, inaasahang maisasagawa mo ang mga

sumusunod na kasanayang pampagkatuto (Most Essential Learning

Competencies) na nakapaloob sa mga aralin sa Ikatlong Kuwarter,

Ikawalong Linggo.

Pinakamahalagang

Kasanayang Pampagkatuto

1. Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng

kapaligiran saanman sa pamamagitan ng:

1.1 pagsasagawa ng muling paggamit ng mga patapong bagay

(Recycling)

LAYUNIN:

Ang mga batang nasa ikaapat na baitang ay:

1. Nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran

saanman sa pamamagitan ng pagsasagawa ng muling paggamit ng mga

patapong bagay (Recycling)

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

3

Subukin

PAUNANG PAGSUSULIT

Panuto: Iguhit ang puso ( ) kung ang pahayag ay nakatutulong sa

pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran, ( )

bituin naman kung hindi. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Sinusunog ni Mang Kardo ang mga plastik na pinaglagyan ng mga

pagkain.

2. Iniipon ni Kyla ang mga malalaking lata para gawing taniman ng mga

halaman.

3. Gumagawa si Carlo ng mga dekorasyon gamit ang mga papel na de-

kolor mula sa mga lumang magasin.

4. Iniipon at itinatabi ni Aling Aning ang mga kahon na yari sa papel

upang ibenta.

5. Itinatapon ni Mang Efren ang mga basag na bote sa ilog.

6. Tinutulungan ni Ana ang kaniyang Nanay sa paggawa ng basahan

mula sa mga lumang t-shirt.

7. Nakahihiligan ni Hannah na gumawa ng mga bulaklak mula sa mga

patapong papel.

8. Iniipon ni Mang Francis ang mga tira-tirang kahoy para gawing laruan

ng kaniyang anak.

9. Ibinabaon ni Nilo and mga plastik, bote at lata sa lupa.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

4

10. Itinuturo ni Jomar sa kaniyang nakababatang kapatid ang tungkol sa

pinag-aralan nilang pag-rerecycle ng plastik.

Balikan

Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa

sagutang papel. Tanong: 1. Bakit ipinagbabawal ang pagsusunog ng mga basura?

___________________________________________________

___________________________________________________

2. Ano ang epekto ng pagsunog ng mga basura sa ating kalusugan?

___________________________________________________

___________________________________________________

3. Kung may nakita kang nagsusunog ng mga plastik o goma, ano ang

iyong dapat gawin?

___________________________________________________

___________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

5

Tuklasin

Panuto: Basahin ang ulat sa ibaba, pagkatapos sagutin ang mga

sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Recycling hinikayat para iwas-kalat sa Kapaskuhan

-Ulat ni Raphael Bosano

Tuwing matatapos ang kasiyahan at pagdiriwang sa Pasko,

sandamakmak na basura ang nadadatnan sa mga pasyalan.

Karamihan sa mga naiiwang basura ay mga pinagkainang pinggan,

disposable na kubyertos at mga plastik.

Kada taon, mas maraming basura ang nakokolekta tuwing sasapit

ang Kapaskuhan.

Tantiya ng Environmental Group na EcoWaste Coalition, mula 0.7

kilo ay umakyat na sa 1.2 kilong basura ang itinatapon ng bawat tao kada

araw sa Metro Manila.

Para mabawasan ang tambak na basura, hinikayat ng EcoWaste

Coalition ang publiko na matutong mag-recycle o muling gamitin ang ilang

kalat.

Payo ni Daniel Alejandre na miyembro ng grupo, maging malikhain

para magkaroon ng bagong anyo at kabuluhan ang basura.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

6

Halimbawa niya ang paggawa ng parol o Christmas tree gamit ang

mga bote.

Suliranin sa pagbubukod:

Isa rin sa nakikitang problema ng EcoWaste ay ang maling paraan

ng waste segregation o pagbubukod sa mga basura.

Madalas kasi ay magkakahalo ang mga nabubulok at hindi

nabubulok na basura.

Sa inaasahang pagdagsa ng mga tao sa mga pampublikong

pasyalan sa panahon ng Pasko at Bagong Taon, panawagan ng

EcoWaste Coalition na maging responsable sa sariling kalat.

Payo nila'y magdala ng trash bag at tiyaking itatapon o itatago nang

maayos ang mga pinagkainan.

(halaw sa https://news.abs-cbn.com/news/12/07/17/recycling-hinikayat-para-iwas-kalat-sa-kapaskuhan)

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

7

MGA TANONG:

1. Tungkol saan ang ulat?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

2.Bakit lumalaki ang nakokolektang basura kapag dumarating ang

Kapaskuhan?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

3.Ano ang hinikayat ng EcoWaste Coalition na gawin ng mga tao para

mabawasan ang tambak na basura?

_________________________________________________________

4. Ano ang payo ni Daniel Andre na dapat gawin sa mga basura?

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

8

5. Ano ang dapat gawin ng mga tao sa kanilang sariling kalat?

_________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

9

Suriin

Panuto: Suriin ang larawan. Ipagpalagay na iyong naranasan ang

sitwasyong ito. Pagnilayan ang maaaring naging dahilan kung

bakit nagkaroon ng ganitong sitwasyon.

Panuto: Sagutin ang mga tanong tungkol sa sinuring larawan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Ano kaya ang matinding dahilan ng pagbaha tulad ng nasa larawan?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

2. Ano ang maaaring masamang epekto sa kalusugan at kapaligiran ng

palagiang pagbaha?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

______________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

10

3. Kung ang bawat tao ay matutong mag-recycle ng mga patapong

bagay, maiiwasan kaya ang:

pagbaha?

pagkakasakit ng mga tao?

pagdumi ng kapaligiran?

Sa paanong paraan?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

4. Upang maiwasan naman ang sobrang dami ng basura, ano ang dapat

gawin sa mga patapong bagay?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

5. Kung ang lahat ng tao sa buong daigdig ay magkakaisa sa pag-

recycle ng mga patapong bagay at magiging matalino sa pagbili at

paggamit ng mga bagay, ano kaya ang magiging hitsura ng ating

daigdig?

_________________________________________________________

_________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

11

Pagyamanin

A. Panuto: Pagnilayan kung bakit dapat isapuso ang pagre-recycle.

Kumpletuhin ang bawat bilang sa ibaba. Gawin ito sa

iyong sagutang papel.

1. Magsisimula na akong mag-recycle dahil alam kong

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

2. Bago ako bumili ng isang bagay dapat

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

3. Tinutupi ko at inaayos ang mga tuyong kahon na yari sa papel para

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

______________________________________________________

4. Kung hindi pa alam ng kapatid ko ang pag-recycle, dapat ay

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

12

5. Simula ngayon, ako ay palagi nang mag-recycle para

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

_________________________________________________________

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

13

Isaisip

Mula sa ating tahanan, paaralan o pamayanan man, ang mga basura ay hindi maubos-ubos. Kung minsan ang mga ito ay umaapaw na sa basurahan. Maraming mga bagay na akala natin ay patapon na ngunit ang hindi natin alam ay marami pang puwedeng gawin sa mga bagay na ito. Ang ilan sa mga ito ay puwede pang pagkakitaan o pakinabangan tulad na lamang ng papel, bote, lata, goma at plastik. Puwede itong gawing dekorasyon, bag, taniman o laruan. Kailangan lang ng tiyaga at pagkamalikhain para maisagawa ang recycling o muling paggamit ng mga patapong bagay.

Sa pagrerecycle, nababawasan ang kalat sa paligid at makakabawas ito sa pagkakasakit ng tao dahil sa basura. Maiiwasan ang pagdami ng mga basura, mababawasan ang pagkonsumo ng bago at sariwang mga materyal at mababawasan ang polusyon tulad ng polusyon ng hangin at tubig. Kapag walang nakakalat na basura, siguradong gaganda ang ating kapaligiran.

Kung hahayaan lamang na itapon ang lahat ng bagay na maaari pang magamit ay maaaring humantong tayo sa panahong wala na tayong mapaglalagyan pa ng basura. Pero kung nakasanayan na ng bawat isa ang pag-recycle, ito ay isang magandang halimbawa na maipamamana sa mga susunod na salinlahi. Kaya’t kumilos na tayong lahat upang makatulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng kapaligiran hindi lang sa ating bansa kundi pati na rin sa buong daigdig.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

14

Isagawa

PERFORMACE TASK (1 PRODUCT - GRASPS) (12 puntos)

Panuto: Basahin at isagawa ang sumusunod:

SITWASIYON:

Dahil sa Modified Enhanced Community Quarantine, maraming ayuda

ang naipamigay sa bawat tahanan sa ating pamayanan. Kabilang na dito

ang mga iba’t ibang uri ng de-lata. Sa mga basurahan ng bawat tahanan,

nagkalat ang napakaraming pinagkainan ng mga de-lata. Bilang isang

mag-aaral sa ikaapat na baitang, gusto mong makatulong sa

pagpapanatili ng kalinisan nito sa pamamagitan ng pag-recycle ng mga

basura. Gumawa ng anumang kapaki-pakinabang na bagay mula sa

mga lata sa inyong basurahan. Para sa Modular class, isumite ang ni-

recycle na proyekto kasabay ng pagsusumite ng modyul. Para sa online

class, kunan ito ng larawan at i-post sa group messenger.

GOAL: Nakagagawa ng kapaki-pakinabang na bagay sa pamamagitan

ng pag-recycle ng lata

ROLE: Malikhaing mag-aaral sa Grade 4

PRODUCT: Na-recycle na lata

AUDIENCE: Magulang, guro at mga mag-aaral

STANDARDS: Ang na-recycle na produkto ay ibabatay sa sumusunod:

pakinabang, pagkamalikhain at kalidad ng ginawang produkto

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

15

RUBRIK SA PAG-RECYCLE

Komponent Napakahusay

4 Mahusay

3 Nalilinang

2 Nagsisimula

1

Marka

Pakinabang

Kapakipakina-

bang ang

ginawang

produkto

May pakinabang ang ginawang produkto

May kaunting pakinabang ang ginawang produkto

Walang pakinabang ang ginawang produkto

Pagkama-likhain

Napakamalik-

hain ang pag-

recycle

Malikhain ang pag-recycle

May kaunting pagkamalik-hain ang pag-recycle

Hindi malikhain ang pag-recycle

Kalidad ng mga produkto

Napakataas ng

ang kalidad ng

produkto

Mataas ang

ang kalidad ng

produkto

Mababa ang

ang kalidad

ng produkto

Walang

kalidad ang

produkto

Kabuuan

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

16

Tayahin

Panuto: Iguhit ang masayang mukha ( ) kung ang pahayag ay

nakatutulong sa pagpapanatili ng kalinisan at kaayusan ng

kapaligiran, malungkot naman na mukha ( )kung hindi. Gawin

ito sa sagutang papel.

1. Nagpipinta si Mang Berto ng mga bote ng alak para gawing palamuti

sa tahanan. Ibinebenta rin niya ang mga dinisenyuhang bote sa

kaniyang mga kaibigan.

2. Laging nagpapabili si Liza ng bagong laruan. Itinatapon niya kaagad

ang kaniyang mga laruan kahit maliit lamang ang sira nito.

3. Kahit anong paalala ni Nanay Janet na magtipid sa paggamit ng

papel, itinatapon kaagad ito ni Jenny kahit konti lamang ang kaniyang

kamalian sa pagsulat.

4. Iniipon ni Harvey ang mga pinagtabasan ng kahoy sa kanilang

ginawang bahay. Mahilig gumawa ng laruan si Harvey mula sa mga

patapong kahoy.

5. Pinipintahan at ginagawang paso ni Aling Auring ang mga lata ng

gatas ng kaniyang apo.

6. Kapag namimili si Aling Jema, tinutupi niya ang mga papel na balot

nito at ginagamit ito muli.

7. Kapag walang nakakakita, sinusunog ni Jerome ang mga plastik na

basura sa likod ng kanilang bahay.

8. Ginagawang palamuti ni Jocelyn ang mga straw ng softdrinks mula

sa karinderyang malapit sa kanila.

9. Ginagawang lagayan ng mga halaman ang mga lumang bakal sa

bahay ni Aling Carmela.

10. Gumagawa ng coco pole si Allen mula sa mga pinagbalatan ng niyog

at ibinebenta niya ang mga ito sa mga mahilig mag-alaga ng halaman.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

17

Susi sa Pagwawasto

Subukin

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Balikan, Tuklasin, Suriin,

Pagyamanin at Isagawa

Maaaring magkakaiba ang sagot

ng mga mag-aaral

Tayahin

. 1. 6.

2. 7.

3. 8.

4. 9.

5 10.

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

18

Reperensiya

A. Aklat

Felamer E. Abac, et. al., Edukasyong sa Pagpapakatao 4, Patnubay ng

Gurol, Kagawaran ng Edukasyon : Vibal Group, Inc. 2015, pp. 227-228.

Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas, Edukasyon sa

Pagpapakatao 4, Most Essential Learning Competencies

B. Electronic

https://news.abs-cbn.com/news/12/07/17/recycling-hinikayat-para-iwas-

kalat-sa-kapaskuhan

https://news.trust.org/item/20171018014705-jcdsn/

WBLS-OBE MELC-Aligned Self-Learning Module Edukasyon sa Pagpapakatao 4

19

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Schools Division of Laoag City

Curriculum Implementation Division

Brgy. 23 San Matias, Laoag City, 2900

Contact Number: (077)-771-3678

Email Address: [email protected]