WCF BIBLE STUDY GUIDE - WordPress.com

70
1 KILALANIN ANG DIYOS WCF BIBLE STUDY GUIDE 2017

Transcript of WCF BIBLE STUDY GUIDE - WordPress.com

1

KILALANIN

ANG DIYOS

WCF BIBLE STUDY GUIDE

2017

2

NILALAMAN

KILALANIN ANG DIYOS ……………………………………………………………………..... 4

ARALIN 1 - ALAMIN KUNG ANO ANG DIYOS ……………………………………………... 6

ARALIN 2 – ALAMIN ANG PROBLEMA NG TAO: KASALANAN ………………………… 18

ARALIN 3 – KILALANIN SI JESU-CRISTO:

ANG TAGAPAGLIGTAS NG MGA MAKASALANAN ……………………….. 34

ARALIN 4 – ALAMIN ANG ATING TUGON SA GINAWA NI JESUS ………………………. 44

ANG BANAL NA KASULATAN (1689 LBCF) ………………………………………………… 60

MAAARI NATING PANIWALAAN ANG BIBLIA ……………………………………………. 64

TALAAN NG MGA AKLAT …………………………………………………………………….. 70

3

4

KILALANIN ANG DIYOS

PANIMULA

I. ANG PAGKAKAIBA NG “ALAM KO NA MAY DIYOS” AT “KILALA

KO ANG DIYOS”.

Ano ang kaibahan ng dalawang pangungusap na ito?

-Alam ko na may Diyos.

-Kilala ko ang Diyos.

A. Napakalaki ng pagkakaiba ng dalawang pangungusap na ito. Halos lahat ng tao sa Pilipinas ay

nakakaalam na may Diyos pero iilang tao lamang ang nakakakilala sa Diyos.

1. Kapag sinabi mo na kilala mo ang isang tao, ito ay nagpapakita na may relasyon o kaugnayan ka sa

taong iyon.

2. Alam mo kung ano ang gusto at ayaw ng taong iyon.

a. Pagsasalarawan ng relasyon ng mag-asawa: Sa isang magandang relasyon ng mag-asawa, alam ng

bawat isa sa kanila kung ano ang gusto at ayaw nila. Alam nila ito sapagkat sila’y namumuhay na

malapit sa isa’t isa.

b. Pagsasalarawan ng “Pangulo ng Pilipinas.” (Alam ko na si ______ ang Pangulo ng Pilipinas pero

hindi ko siya talaga kilala). Halos lahat ng tao sa Pilipinas ay nakakaalam na si ______ ang Pangulo.

Pero, iilang tao lang ang tunay na nakakakilala sa kanya.

Kilala mo ba talaga ang Diyos? O ikaw ay isa sa mga tao na alam na may Diyos pero hindi mo

talaga Siya kilala?

May mga tao na ang akala nila ay kilala nila ang Diyos, pero ang “diyos” na kilala nila ay hindi

talaga ang Diyos ng Biblia o ang Diyos na totoo. Ang kilala nila ay ang “diyos na nagmula sa kanilang

imahinasyon” o ang “diyos na nagmumula sa mga iba’t ibang ideya ng tao”.

Dito sa “Kilalanin ang Diyos”, titingnan natin kung ano ang itinuturo ng Biblia kung paano

makikilala ang Diyos. Pag-aaralan natin ang mga sumusunod na paksa: 1) Alamin Kung Ano Ang

Diyos, 2) Alamin Ang Problema Ng Tao: Kasalanan, 3) Kilalanin Si Jesus: Ang Tanging

Tagapagligtas Ng Mga Makasalanan, at 4) Alamin Ang Tugon Sa Ginawa Ni Jesus. Bilang Kristiyano/mananampalataya, naniniwala kami at tinatanggap namin na Ang Biblia ang

Salita ng Diyos. Dahil dito, ang Biblia ang awtoridad at pamantayan ng aming pamumuhay. Sa araling

ito, pag-aaralan natin ang nag-iisa at tunay na Diyos – Ang Diyos Ng Biblia. Para sa karagdagang

kaalaman tungkol sa Biblia, basahin ang mga sumusunod na babasahin:

1) handout from the 1689 Confession of Faith

2) simplified handout about the Bible

Sumaatin nawa ang Diyos sa mahalagang pag-aaral na ito.

5

6

Aralin #1 – ALAMIN KUNG ANO ANG DIYOS

I. PANIMULA

Kapag naiisip mo ang “Diyos” anong mga bagay o katangian ang pumapasok sa isip mo?

A. Maraming tao ngayon ang may iba’t ibang ideya o kuru-kuro tungkol sa Diyos. Minsan sila ay tama

ng kaunti at minsan sila ay maling-mali. Marami sa kanilang ideya o kuru-kuro ay nagmula sa

kanilang magulang, ninuno at komunidad.

B. Napakahalaga na magkaroon tayo ng tamang pagkaunawa tungkol sa kung sino talaga ang Diyos at

kung ano Siya. Hindi natin tunay na makikilala ang Diyos kung hindi natin alam kung ano Siya.

C. Sa unang bahaging ito, makikita natin kung ano ang sinabi ng Biblia tungkol sa mga katangian ng

Diyos.

II. KILALANIN ANG DIYOS – BILANG ATING MANLILIKHA

A. Ang Diyos ang lumikha sa lahat ng bagay – kasama tayo.

1. Mga pangunahing talata: Genesis 1:26-27; Mga Awit 146:5-6 (Iba pang mga talata: Mga Awit 100:3;

Mga Gawa 14:15)

Genesis 1:26-27 – 26) Sinabi ng Diyos, "Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating wangis;

at magkaroon sila ng pamamahala sa mga isda sa dagat, sa mga ibon sa himpapawid, sa mga hayop, sa

buong lupa, at sa bawat gumagapang sa ibabaw ng lupa." 27) Kaya't nilalang ng Diyos ang tao ayon sa

kanyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos siya nilalang. Sila'y kanyang nilalang na lalaki at

babae. (basahin din ang Genesis 1:1-25 – Paglikha ng Diyos sa lahat)

Mga Awit 146:5-6 – 5) Maligaya siya na ang saklolo ay ang Diyos ni Jacob, na ang pag-asa ay nasa

PANGINOON niyang Diyos, 6) na gumawa ng langit at lupa, ng dagat, at ng lahat ng naroroon; na nag-

iingat ng katotohanan magpakailanman;

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

a. Ang Diyos ang lumikha sa atin at sa lahat ng bagay.

b. Nilalang ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang sariling larawan, ayon sa larawan ng Diyos.

(Genesis 1:26-27)

1) Hindi ito ginawa ng Diyos sa ibang nilalang.

2) Ang tao lamang ang binigyan ng Diyos ng kakayanang mag-isip, makipag-usap at makipag-ugnayan.

3) Sa lahat ng nilikha o nilalang ng Diyos, ang tao lamang ang may kakayanan na makilala ang Diyos at

makipag-ugnayan sa Kanya.

7

Ano ang karapatan ng Lumikha sa Kanyang nilikha?

Ano ang maaaring hingin ng Diyos sa tao bilang kanilang Manlilikha?

B. Implikasyon o kahalagahan ng pagkilala sa Diyos bilang ating Manlilikha.

1. Ang Diyos ang ating Manlilikha at tayo ay pag-aari Niya. Hindi tayo ang “boss” ng buhay natin. Ang

Diyos ang nagmamay-ari sa atin.

2. Bilang nilikha ng Diyos, mayroon tayong responsibilidad na magpasakop sa Diyos at sundin Siya.

Hindi natin puwedeng gawin ang bawat magustuhan natin sapagkat ang Diyos ang nagmamay-ari sa

atin.

Ano naman ang naisin at layunin ng Diyos sa Kanyang nilikha?

C. Ang layunin ng Diyos para sa Kanyang mga nilikha – Magbigay ng luwalhati/karangalan sa

Diyos.

1. Mga pangunahing talata: Roma 11:36; I Corinto 10:31

Roma 11:36 - Sapagkat mula sa kanya, at sa pamamagitan niya, at para sa kanya ang lahat ng mga

bagay. Sumakanya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.

Roma 11:36 - Sapagkat ang lahat ng bagay ay mula sa kanya, sa pamamagitan niya, at pag-aari niya. Sa

kanya ang karangalan magpakailanman! Amen. (MBB2)

I Corinto 10:31 - Kaya kung kayo man ay kumakain, umiinom, o anuman ang inyong ginagawa, gawin

ninyo ang lahat sa ikaluluwalhati ng Diyos.

(para sa karagdagang pag-aaral basahin ang I Pedro 4:11; Col. 1:16; Efeso 3:20-21; I Timoteo 1:17)

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

a. Ang lahat ng bagay ay nagmula sa Diyos – “Mula sa Kanya” = pinagmulan; sa Diyos nagbuhat ang

lahat ng bagay.

b. Ang lahat ng bagay ay sa pamamagitan ng Diyos – “Sa pamamagitan Niya” = nagpapanatili; ang

Kanyang kapangyarihan ay nagpapanatili sa lahat ng bagay.

c. Ang lahat ng bagay ay para sa Diyos – “Para sa Kanya” = layunin; ang Kanyang kaluwalhatian ang

layunin ng lahat ng bagay.

d. Nilikha ng Diyos ang lahat ng bagay para sa Kanya at para sa Kanyang mga layunin. Kaya, lahat

(ikaw at ako, tayong lahat) ay dapat magbigay ng luwalhati/karangalan sa Diyos.

e. Ang biblikal na kapahayagan ng pagkilala sa mga karapatan ng Diyos: Sa Kanya ang kaluwalhatian

(Roma 11:36; I Corinto 10:31)

8

1) Pagluluwalhati sa Diyos = pagsamba; paglilingkod; pagsunod; pagtitiwala

Roma 12:1 - Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin, ako'y

nakikiusap na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa

Diyos. (MMB2)

2) Lahat ng ating ginagawa sa bawat araw, kahit sa maliliit na bagay, ay dapat magbibigay ng luwalhati

sa Diyos. (I Corinto 10:31).

f. Bilang nilikha ng Diyos, nararapat lang na ang lahat ng ating gagawin ay magbigay luwalhati sa

Diyos. (I Corinto 10:31)

D. Buod.

1. Ang Diyos ang lumikha ng lahat ng bagay.

2. Nilikha ng Diyos ang tao ayon sa Kanyang wangis. Dahil dito, ang tao ay may kakayanang makipag-

ugnayan sa Diyos o magkaroon ng relasyon sa Kanya.

3. Ang layunin ng mga nilikha ng Diyos ay magbigay ng luwalhati sa Diyos.

4. Makakapagbigay tayo ng luwalhati sa Diyos sa pamamagitan ng pagsamba, paglilingkod, pagsunod at

pagtitiwala sa Kanya. Lahat ng ating ginagawa sa buhay, kahit maliit na bagay, ay dapat magbigay ng

luwalhati/karangalan sa Diyos.

E. Mga mapanuring tanong:

1. Kinikilala mo ba ang Diyos bilang Manlilikha na may karapatan sa iyo? Paano?

2. Ang iyong buhay ba ay naghahanap ng ikaluluwalhati ng Diyos? Sa paanong paraan?

3. Ang iyong buhay ba ay kumikilala sa mga karapatang ito upang unahin ang Kanyang kaluwalhatian?

Kung oo, sa paanong paraan? Kung hindi naman ay bakit?

4. Nararamdaman mo ba na tila ang Diyos ay malayo o laban sa iyo? Bakit?

5. Kung ang Diyos ang lumikha, nag-aalaga at nagmamay-ari ng mga nilikha, ano ang dapat mong

gawin upang maipakita ang iyong pagdakila at paggalang sa Kanya bilang Manlilikha?

6. Kung ang Diyos ay may mga karapatang hinihingi sa mga nilikha, paano mo maibibigay ang mga

hinihingi ng Kanyang karapatan bilang Lumikha?

9

III. KILALANIN ANG DIYOS BILANG PINAKAMATAAS AT

PINAKAMAKAPANGYARIHAN

A. Ang kadakilaan ng Diyos – Ang Diyos ay higit na dakila kaysa kaninuman.

1. Mga pangunahing talata: I Cronica 29:11; Isaias 40:15-18 (iba pang mga talata: I Timoteo 1:17;

Mga Awit 97:9)

I Cronica 29:11 – Iyo, O PANGINOON ang kadakilaan, kapangyarihan, kaluwalhatian,

pagtatagumpay, at karangalan. Sapagkat sa iyo ang lahat ng nasa langit at nasa lupa; iyo ang kaharian, O

PANGINOON, at ikaw ay mataas na pinuno sa lahat.

Isaias 40:15-18 – 15) Masdan mo, ang mga bansa ay parang isang patak ng tubig sa timba, itinuturing

na parang alabok sa timbangan; masdan mo, kanyang itinataas ang mga pulo na parang pinong alabok.

16) Ang Lebanon ay hindi sapat upang maging panggatong, ni ang mga hayop niyon ay sapat na handog

na sinusunog. 17) Lahat ng mga bansa ay parang walang anuman sa harap niya; kanyang itinuring ang

mga ito na mas kulang pa sa wala at walang laman. 18) Kanino nga ninyo itutulad ang Diyos? O anong

wangis ang ihahambing ninyo sa kanya?

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

a. Sa Diyos ang lahat ng “ kadakilaan, kapangyarihan, kaluwalhatian, pagtatagumpay, at karangalan”.

Ang Diyos ay dakila. (I Cronica 29:11)

b. Ang lahat ay parang walang anuman sa harap ng Diyos, ang mga ito ay mas kulang pa sa wala at

walang laman. (Isaias 40:17)

c. Walang maitutulad at maihahambing sa kadakilaan ng Diyos.

B. Ang paghahari ng Diyos – Ang Diyos ang namamahala sa lahat.

1. Mga pangunahing talata: Mga Awit 115:3; Daniel 4:34-35

Mga Awit 115:3 – Ang aming Diyos ay nasa mga langit, kanyang ginagawa ang anumang kanyang

kagustuhan.

Daniel 4:34-35 – 34) At sa katapusan ng panahong iyon, akong si Nebukadnezar ay nataas ng aking

paningin sa langit, at ang aking katinuan ay nanumbalik sa akin. Aking pinuri ang Kataas-taasan, at

aking pinuri at pinarangalan siya na nabubuhay magpakailanman. Sapagkat ang kanyang kapangyarihan

ay walang hanggang kapangyarihan, at ang kanyang kaharian ay nananatili sa sali't salinlahi. 35) Ang

lahat ng naninirahan sa lupa ay ibinibilang na wala; at kanyang ginagawa ang ayon sa kanyang kalooban

sa hukbo ng langit, at sa mga nananahan sa lupa. Walang makakahadlang sa kanyang kamay, o

makapagsasabi sa kanya, "Anong ginagawa mo?"

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

a. Ginagawa ng Diyos ang anumang Kanyang kagustuhan sa Kanyang mga nilikha. (Mga Awit 115:3)

10

b. Walang puwedeng pumigil sa Diyos. Walang puwedeng humadlang sa Kanyang mga layunin.

Kanyang ginagawa ang ayon sa Kanyang kalooban, dito sa lupa at sa langit. Walang puwedeng

magtanong sa Kanya: Ano ang ginagawa mo? (Daniel 4:34-35)

C. Implikasyon o kahalagahan ng pagkilala sa Diyos bilang Pinakamataas at

Pinakamakapangyarihan.

1. Kumpara sa Diyos, tayo ay wala, walang-wala.

2. Isang kahangalan ang lumaban sa Diyos, dahil ang Diyos ang “boss”. Katulad ng isang langgam na

ipinagtatanggol ang kanyang sarili laban sa tao, imposible na magtagumpay tayo kapag lumaban o

salungatin natin ang kagustuhan ng Diyos.

D. Buod.

1. Ang Diyos ang Pinakamataas na Pinuno sa buong sandaigdigan. Hindi mo Siya maikukumpara sa

kahit kaninuman. Siya ang namumuno at Kanyang ginagawa ang ayon sa Kanyang kalooban at

kasiyahan.

E. Mapanuring tanong:

1. Sa tingin mo nagpasakop ka na ba sa Pinakamakapangyarihang Pinuno ng sandaigdigan o patuloy ka

sa pakikipaglaban at pagrerebelde sa Diyos?

a. Kung nagpasakop ka na, paano mo ito ipinakikita o isinasagawa?

b. Kung laban at nagrerebelde ka, paano at bakit mo ito ginagawa?

IV. KILALANIN ANG DIYOS BILANG BANAL AT MAKATARUNGAN

A. Ang kabanalan ng Diyos – Ito ang katotohanan na ang Diyos ay ibang-iba sa lahat ng nilikha.

Ang Diyos lamang ang Diyos. Siya ay liwanag at sa Kanya’y walang anumang kadiliman.

1. Pangunahing talata: Exodo 15:11 (iba pang mga talata: Deut. 4:35; I Samuel 2:2; I Timoteo 6:16)

Exodo 15:11 – “Sinong tulad mo, O PANGINOON, sa mga diyos? Sinong gaya mo, dakila sa

kabanalan, nakakasindak sa maluluwalhating gawa, na gumagawa ng mga kababalaghan?

2. Mula sa talatang ito, matututunan natin na:

a. Ang Diyos ay walang katulad. Walang sinuman at walang anuman ang katulad Niya. (Exodo 15:11…

Sinong tulad mo, O Panginoon…)

B. Ang kabanalan ng Diyos ay nahahayag ng katotohanan na ang Diyos ay hiwalay sa lahat ng

kasamaan at kasalanan.

1. Mga pangunahing talata: I Juan 1:5; Mga Awit 5:4-5; Isaias 6:3-5

I Juan 1:5 – At ito ang mensahe na aming narinig sa kanya at sa inyo'y aming ipinahahayag, na ang

Diyos ay liwanag, at sa kanya'y walang anumang kadiliman.

11

Mga Awit 5:4-5 – 4) Sapagkat ikaw ay hindi isang Diyos na nalulugod sa kasamaan; ang kasamaan ay

hindi mo kasamang naninirahan. 5) Ang hambog ay hindi makakatayo sa iyong harapan, kinapopootan

mo ang lahat ng mga gumagawa ng kasamaan.

Isaias 6:3-5 – 3) At tinawag ng isa ang isa at sinabi: "Banal, banal, banal ang PANGINOON ng mga

hukbo; ang buong lupa ay puno ng kanyang kaluwalhatian." 4) At ang mga pundasyon ng mga pintuan

ay nayanig sa tinig ng sumisigaw, at ang bahay ay napuno ng usok. 5) Nang magkagayo'y sinabi ko:

"Kahabag-habag ako! Ako'y napahamak sapagkat ako'y lalaking may maruruming labi, at ako'y

naninirahan sa gitna ng bayan na may maruruming labi; sapagkat nakita ng aking mga mata ang Hari,

ang PANGINOON ng mga hukbo!"

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

a. Ang Diyos ay liwanag, at sa Kanya’y walang anumang kadiliman o kasamaan. (I Juan 1:5)

b. Ang Diyos ay hindi nalulugod sa kasalanan at ang kasamaan ay hindi naninirahan sa Kanya.

Kinapopootan ng Diyos ang mga gumagawa ng kasalanan (Mga Awit 5:4-5)

c. Kapag nakilala ng tao ang Banal na Diyos, agad niyang makikita ang sarili niya bilang makasalanan.

(Isaias 6:3-5)

Kaugnay ng kabanalan ng Diyos ay ang katuwiran ng Diyos.

C. Ang Diyos ay makatarungan o matuwid na Diyos – laging ginagawa ng Diyos kung ano ang

tama o matuwid.

1. Mga pangunahing talata: Mga Awit 119:142; Mga Awit 89:14; Mga Awit 5:4; Mga Awit 96:13

Mga Awit 119:142 – Ang katuwiran mo ay walang hanggang katuwiran, at ang kautusan mo'y

katotohanan.

Mga Awit 89:14 – Ang katuwiran at katarungan ang mga saligan ng iyong trono, ang tapat na pag-ibig

at katapatan ay nagpapauna sa iyo.

Mga Awit 5:4 – Sapagkat ikaw ay hindi isang Diyos na nalulugod sa kasamaan; ang kasamaan ay hindi

mo kasamang naninirahan.

Mga Awit 96:13 – sa harapan ng PANGINOON; sapagkat siya'y dumarating, sapagkat siya'y

dumarating upang hatulan ang lupa. Kanyang hahatulan na may katuwiran ang sanlibutan, at ng kanyang

katotohanan ang mga bayan.

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

a. Ang katuwiran ng Diyos ay walang hanggan. Ito ang saligan ng Kanyang pamamahala.

(Mga Awit 119:142; Mga Awit 89:14)

b. Ang Diyos ay Makatarungang Hukom. Kanyang hahatulan ng may katuwiran ang sanlibutan.

(Mga Awit 96:13)

12

D. Implikasyon o kahalagahan ng pagkilala sa Diyos bilang Banal at makatarungang Diyos.

1. Kilalanin natin na ang Diyos ay Banal at Matuwid.

a. Akala ng maraming tao na ang Diyos ay palaging nagpapatawad. Pakaisipin natin na ang Diyos ay

napopoot sa kasalanan.

2. Yamang tayo ay nilikha ng Diyos at tayo ay pag-aari Niya, tayo ay tinawag ring maging banal –

hiwalay sa kasalanan.

I Pedro 1:15-16 – 15) Sa halip, yamang banal ang sa inyo'y tumawag, maging banal naman kayo sa

lahat ng paraan ng pamumuhay; 16) sapagkat nasusulat, "Kayo'y maging banal, sapagkat ako'y banal."

3. Dahil ang Diyos ay Banal at Matuwid, galit Siya sa kasalanan at parurusahan Niya ang mga taong

nagkakasala at lumalaban sa Kanyang kalooban.

Isaias 13:11 – Aking parurusahan ang sanlibutan dahil sa kanilang kasamaan, at ang masasama dahil sa

kanilang kabuktutan; at aking patitigilin ang kahambugan ng palalo, at aking ibababa ang kapalaluan ng

malulupit.

E. Buod.

1. Ang Diyos ay hindi katulad ng anumang nilikha. Siya ay talagang naiiba sa Kanyang mga nilikha. Sa

Kanya ay walang kasamaan. Ang Kanyang mga ginagawa ay pawang tama at matuwid. Kanyang

pinamumunuan at hinahatulan ng may katuwiran ang sanlibutan.

F. Mapanuring tanong:

1. Naunawaan mo ba ang katotohanan na ang Diyos ay Banal at Matuwid?

a. Anu-ano ang mga natutunan mo sa pagiging Banal ng Diyos? Ano ang tugon mo sa katangiang ito ng

Diyos? Ipaliwanag.

b. Anu-ano ang mga natutunan mo sa pagiging Matuwid ng Diyos? Ano ang tugon mo sa katangiang ito

ng Diyos? Ipaliwanag.

2. Ngayong nalaman mo na ang Diyos ay Banal at Matuwid, ano sa palagay mo ang kaibahan ng

katangian Niyang ito sa buhay mo ngayon?

3. Saan ka kaya maihahalintulad kapag ikaw ay ihambing o ikumpara sa kabanalan at katuwiran ng

Diyos?

13

V. KILALANIN NA ANG DIYOS AY NASA LAHAT NG DAKO (SIYA

AY ESPIRITU)

A. Ang Diyos ay nasa lahat ng dako.

1. Mga pangunahing talata: Mga Awit 139:7-10; Jeremias 23:24; Mga Gawa 17:24

Mga Awit 139:7-10 – 7) Saan ako pupunta mula sa iyong Espiritu? O saan ako tatakas mula sa harapan

mo? 8) Kung ako'y umakyat sa langit, ikaw ay naroon! Kung gawin ko ang aking higaan sa Sheol, ikaw

ay naroon! 9) Kung aking kunin ang mga pakpak ng umaga, at sa mga pinakadulong bahagi ng dagat

ako'y tumira, 10) doon ma'y papatnubayan ako ng iyong kamay, at hahawakan ako ng iyong kanang

kamay.

Jeremias 23:24 – Makapagtatago ba ang isang tao sa mga lihim na dako upang hindi ko siya makita?

sabi ng PANGINOON. Hindi ba pinupuno ko ang langit at ang lupa? sabi ng PANGINOON.

Mga Gawa 17:24 – Ang Diyos na gumawa ng sanlibutan at ng lahat ng mga bagay na naririto, siya na

Panginoon ng langit at ng lupa, ay hindi tumitira sa mga templong ginawa ng tao;

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

a. Ang Diyos ay nasa lahat ng dako. Kahit saan tayo magpunta, Siya ay naroon. (Mga Awit 139:7-10)

b. Hindi tayo puwedeng magtago sa Diyos. Pinupuno Niya ang langit at lupa. (Jeremias 23:24)

c. Dahil ang Diyos ay nasa lahat ng dako, Siya ay hindi tumitira o nananahan sa mga templo na ginawa

ng tao. Hindi mo puwedeng ilagay ang Diyos sa isang lugar (tulad ng simbahan). (Mga Gawa 17:24)

B. Implikasyon o kahalagahan ng kaalaman na ang Diyos ay nasa lahat ng dako.

1. Nakikita ng Diyos ang lahat ng ating ginagawa. Hindi tayo puwedeng magtago sa Diyos. Nakikita

Niya ang lahat ng ating ginagawa at iniisip. Naririnig Niya ang lahat ng ating sinasabi.

2. Ang Diyos ay hindi tumitira sa mga “templo” o “banal na lugar”. Walang “bahay ng diyos” o “templo

ng diyos”.

C. Buod.

1. Ang Diyos ay nasa lahat ng dako. Kahit saan tayo pumunta, naroroon ang Diyos. Hindi natin

puwedeng takasan ang Diyos.

D. Mga mapanuring tanong:

1. Kapag maisip mo na ang Diyos ay Espiritu at Siya ay nasa lahat ng dako, ano ang pumapasok sa isip

mo?

2. Alam mo ba na nakikita at nalalaman ng Diyos ang lahat ng iyong ginagawa? Wala tayong maitatago

sa Diyos.

14

VI. KILALANIN ANG DIYOS BILANG HUKOM

A. Ang Diyos ay isang Hukom.

1. Mga pangunahing talata: Mangangaral 12:14; I Corinto 4:5; Hebreo 9:27

Mangangaral 12:14 – Sapagkat dadalhin ng Diyos ang bawat gawa sa paghuhukom, pati ang bawat

lihim na bagay, maging ito'y mabuti o masama.

I Corinto 4:5 – Kaya't huwag muna kayong humatol ng anuman nang wala pa sa panahon, hanggang sa

dumating ang Panginoon. Siya ang magdadala sa liwanag sa mga bagay na sa ngayon ay nakatago sa

kadiliman, at ibubunyag ang layunin ng mga puso. Kung magkagayon, ang bawat isa ay tatanggap ng

papuri mula sa Diyos.

Hebreo 9:27 – At yamang itinakda sa mga tao ang mamatay na minsan, at pagkatapos nito ay ang

paghuhukom,

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

a. Darating ang araw na tayo ay hahatulan ng Diyos. Dadalhin ng Diyos sa liwanag ang bawat ginawa

natin sa kadiliman, maging ang mga lihim at lantad nating ginawa. Sa araw ng paghuhukom, lahat

tayo ay haharap sa Diyos.

B. Implikasyon o kahalagahan ng kaalaman na ang Diyos ay isang Hukom.

1. Dapat nating malaman na isang araw, tayo ay haharap sa paghuhukom ng Diyos.

2. Pagharap natin sa Diyos sa araw ng paghuhukom, isusulit natin ang lahat nating ginawa dito sa lupa.

3. Dahil tayo’y haharap sa paghuhukom ng Diyos kung tayo’y mamatay, tayo ay dapat na maging

maingat kung paano tayo mamuhay sa mundong ito.

C. Buod.

1. Ang Diyos ang Hukom ng sandaigdigan. Isang araw, ipagsusulit natin sa Diyos ang lahat ng ating

mga ginawa dito sa lupa.

D. Mapanuring tanong:

1. Ngayong nalaman mo ang katotohanan na ang Diyos ay isang Hukom, ano sa tingin mo ang gagawin

Niya sa araw ng pagharap mo sa Kanya sa araw ng paghuhukom?

2. Handa ka na bang humarap sa Kanya? Paano mo Siya haharapin? Ano kaya ang ihahatol Niya sa iyo?

3. Ano ang magiging tugon o reaksyon mo sa mga maaaring gawin sa iyo ng Diyos sa Araw ng

Paghuhukom?

15

VII. KILALANIN ANG DIYOS BILANG DIYOS NG PAG-IBIG AT

KAHABAGAN

A. Ang Diyos ay Diyos ng pag-ibig at kahabagan.

1. Mga pangunahing talata: I Juan 4:8, Mga Panaghoy 3:22-23; Mga Awit 145:9; Mga Awit 78:35-39;

Ezekiel 18:32

I Juan 4:8 – Ang hindi umiibig ay hindi nakakakilala sa Diyos; sapagkat ang Diyos ay pag-ibig.

Mga Panaghoy 3:22-23 – 22) Ang tapat na pag-ibig ng PANGINOON ay hindi nagmamaliw, ang

kanyang mga habag ay hindi natatapos; 23) sariwa ang mga iyon tuwing umaga, dakila ang iyong

katapatan.

Mga Awit 145:9 – Ang PANGINOON ay mabuti sa lahat; at ang kanyang awa ay nasa lahat niyang

ginawa.

Mga Awit 78:35-39 – 35) Kanilang naalala na ang kanilang malaking bato ay ang Diyos, ang Kataas-

taasang Diyos ang kanilang manunubos. 36) Ngunit kanilang tinuya siya ng bibig nila, nagsinungaling

sila sa kanya sa pamamagitan ng kanilang mga dila. 37) Sapagkat ang puso nila ay hindi tapat sa kanya,

ni naging tapat man sila sa tipan niya. 38) Gayunman siya, palibhasa'y mahabagin, pinatawad niya ang

kanilang kasamaan at hindi sila nilipol; madalas na pinipigil niya ang kanyang galit, at hindi pinupukaw

ang lahat niyang poot. 39) Kanyang naalala na sila'y laman lamang; isang dumaraang hangin at hindi na

muling babalik.

Ezekiel 18:32 – Sapagkat wala akong kaluguran sa kamatayan ng sinuman, sabi ng Panginoong DIYOS.

Kaya't magsipagbalik-loob kayo, at mabuhay."

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

a. Ang Diyos, sa Kanyang kalikasan, ay Pag-ibig. (I Juan 4:8)

b. Ang pag-ibig ng Diyos ay hindi nagmamaliw. Ang Kanyang habag ay hindi natatapos.

(Mga Panaghoy 3:22-23)

c. Ipinakita ng Diyos ang Kanyang kabutihan at kahabagan sa lahat ng Kanyang ginawa.

(Mga Awit 145:9)

d. Ang Diyos ay mahabagin at madalas na pinipigil Niya ang Kanyang galit sa mga makasalanan.

(Mga Awit 78:35-39)

e. Sapagkat ang Diyos ay mapagmahal at mahabagin, hindi Niya kinalulugdan ang kamatayan ng

sinumang makasalanan. Ninanais ng Diyos na magsisi ang mga tao at talikuran nila ang kanilang

kasamaan. (Ezekiel 18:32)

B. Implikasyon o kahalagahan ng kaalaman na ang Diyos ay Diyos ng pag-ibig at kahabagan.

1. Dapat ay maging mapagpasalamat tayo na ang Diyos ay Diyos ng pag-ibig at kahabagan dahil kung

hindi Siya ganoon, tayo ay agad-agad na mapupuksa at mapaparusahan dahil sa ating mga kasalanan.

16

2. Dapat ay huwag nating abusuhin ang pag-ibig at kahabagan ng Diyos dahil sinabi din sa Biblia na ang

Diyos ay Hukom at tayo ay Kanyang hahatulan sa Araw ng Paghuhukom.

C. Buod.

1. Ang Diyos ay Diyos ng pag-ibig at kahabagan at ang mga ito ay ilan sa pundasyon ng Kanyang

katangian at kalikasan.

D. Mga mapanuring tanong:

1. Ngayong nalaman mo na ang Diyos ay pag-ibig, ano ang dapat mong gawin bilang tugon sa Kanyang

pag-ibig?

2. Kung ang Diyos ay mahabagin, ano ang dapat mong gawin, sa harap ng Diyos, bilang tugon sa

Kanyang kahabagan?

3. Ano naman ang dapat mong gawin, para sa tao, bilang tugon sa kahabagan ng Diyos? Paano?

VIII. KONKLUSYON NG UNANG ARALIN

A. Sa araling ito nalaman natin na:

1. Ang Diyos ang ating Manlilikha; samakatuwid, Siya ang nagmamay-ari sa atin kaya dapat tayong

sumunod sa Kanya. Bilang mga nilikha ng Diyos, dapat tayong mamuhay na nagbibigay luwalhati sa

Kanya.

2. Ang Diyos ang pinakamataas at pinakamakapangyarihan; samakatuwid, Siya ang namamahala sa

Kanyang nilikha. Walang puwedeng humadlang at magbago ng Kanyang mga plano at layunin.

3. Ang Diyos ay banal at matuwid; samakatuwid, Siya ay ibang-iba sa Kanyang mga nilikha sapagkat sa

Kanya ay walang anumang kasamaan at kasalanan. Ang totoo, ang Diyos ay napopoot sa kasalanan.

Bilang isang Banal na Diyos, tinawag Niya ang tao na maging banal at hiwalay sa kasalanan.

Bilang isang matuwid na Diyos, lagi Niyang ginagawa kung ano ang tama sa bawat pagkakataon.

4. Ang Diyos ay nasa lahat ng dako (Siya ay Espiritu); samakatuwid, nakikita at nalalaman Niya ang

lahat ng ating ginagawa.

5. Ang Diyos ay Hukom; samakatuwid, hahatulan Niya ang lahat ng ating ginagawa dito sa lupa. Tayo

ay haharap sa Kanya sa Araw ng Paghuhukom.

6. Ang Diyos ay Diyos ng pag-ibig at kahabagan; samakatuwid, Siya ay mahabagin at madalas na

pinipigil Niya ang Kanyang galit sa mga makasalanan. Dapat mag-ingat tayo sa ating pamumuhay

upang huwag maabuso ang pag-ibig at kahabagan ng Diyos.

B. Ito ang Diyos ng Biblia.

1. Sa araling ito, natutunan natin ang tungkol sa Diyos ng Biblia. Marami pa ang puwedeng ipahayag at

isulat tungkol sa kalikasan at katangian ng Diyos.

Kilala mo ba ang Diyos ng Biblia? O may mga maling ideya o kaisipan ka tungkol sa Diyos?

17

18

ARALIN #2 – ALAMIN ANG PROBLEMA NG TAO:

ANG KASALANAN

I. PANIMULA

A. Napakahalaga na malaman kung ano ang katangian ng Diyos. At iyan ay ating napag-aralan sa unang

aralin. Mahalaga din na ating malaman kung ano ang katulad ng tao; at kung ano ang kalagayan ng

tao sa mata ng Diyos.

B. Sa araling ito, makikita natin na ang ugnayan ng tao sa kanyang Manlilikha – Ang Diyos – ay nasira

dahil sa kasalanan. Ang kasalanan ang pinakamalaking problema ng tao.

II. ANG PROBLEMA NG TAO: KASALANAN

A. Ang tao ay nahiwalay sa Diyos dahil sa kasalanan.

1. Pangunahing talata: Isaias 59:2

Isa 59:2 – Ngunit pinaghiwalay ng inyong mga kasamaan kayo at ang inyong Diyos, at ang inyong mga

kasalanan ay siyang nagkubli ng kanyang mukha sa inyo, anupa't siya'y hindi nakikinig.

2. Mula sa talatang ito, matututunan natin na:

a. Ang tao ay nakahiwalay sa Diyos dahil sa kasalanan. Sa unang aralin, napag-aralan natin na ang

Diyos ay banal at matuwid. Sa Kanya ay walang anumang kasamaan at kasalanan. Samakatuwid, ang

kasalanan ang naghiwalay sa tao at sa Diyos. Sinasabi sa talata na ang kasalanan ng tao ang siyang

nagkubli ng mukha ng Diyos kaya hindi Niya tayo marinig.

19

B. Lahat ng tao ay nagkasala.

1. Mga pangunahing talata: Roma 3:10-12; Roma 3:23

Roma 3:10-12 – 10) gaya ng nasusulat, "Walang matuwid, wala, wala kahit isa; 11) wala ni isang

nakakaunawa, wala ni isang humahanap sa Diyos. 12) Lahat ay lumihis, sama-sama silang nawalan ng

kabuluhan; walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa."

Roma 3:23 – yamang ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos;

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

a. Lahat ng tao ay nagkasala.

b. Walang matuwid, wala kahit isa. Wala ni isang humanap sa Diyos. Lahat ay lumihis, walang

gumagawa ng mabuti.

C. Implikasyon o kahalagahan ng kaalaman na kasalanan ang problema ng tao:

1. Ang ugnayan ng tao sa Diyos, kanyang Manlilikha, ay nasira dahil sa kasalanan.

2. Ang Diyos ay matuwid. Ang tao ay hindi matuwid. Sa gayon, ang Diyos at ang tao ay hindi

puwedeng magkaroon ng ugnayan o relasyon.

3. Lahat ng tao ay nagkasala, ikaw, ako, tayong lahat ay makasalanan.

III. KASALANAN: SAAN ITO NAGMULA AT PAANO ITO KUMALAT

A. Ang pinagmulan ng kasalanan – Adan.

1. Ang pangunahing talata: Roma 5:12, 18-19

Roma 5:12 – Kaya't kung paanong sa pamamagitan ng isang tao ay pumasok ang kasalanan sa

sanlibutan, at sa pamamagitan ng kasalanan ay ang kamatayan, kaya't dumating sa lahat ng mga tao ang

kamatayan, sapagkat ang lahat ay nagkasala;

Roma 5:18-19 – 18) Kaya't kung paanong sa pamamagitan ng isang pagsuway ay dumating ang

kahatulan sa lahat ng mga tao; gayundin naman sa pamamagitan ng isang matuwid na gawa ay dumating

sa lahat ng mga tao ang pagaaring-ganap at buhay. 19) Sapagkat kung paanong sa pamamagitan ng

pagsuway ng isang tao ang marami ay naging mga makasalanan, gayundin sa pamamagitan ng pagsunod

ng isa ang marami ay magiging mga matuwid.

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

a. Pumasok ang kasalanan sa sanlibutan sa pamamagitan ni Adan (… sa pamamagitan ng isang tao ay

pumasok ang kasalanan sa sanlibutan... Roma 5:12).

b. Ang kasalanan ni Adan ay kumalat sa lahat ng tao (… sa pamamagitan ng pagsuway ng isang tao ang

marami ay naging mga makasalanan … Roma 5:19).

20

c. Ang kamatayan (kahatulan) ay dumating sa lahat ng tao dahil sa kasalanan ni Adan (… at sa

pamamagitan ng pagsuway ay dumating ang kamatayan… sa pamamagitan ng isang pagsuway ang

kahatulan sa lahat ng mga tao … (Roma 5:12, 18).

d. Si Adan ang kumakatawan bilang ulo ng sangkatauhan. Ang kanyang pagkakasala (sa Halamanan ng

Eden… tingnan ang Genesis 2:16-17; Genesis 3:1-19) ay ibinilang sa buong sangkatauhan; ang

kanyang kasalanan ay ibinilang sa lahat ng kanyang inapo.

e. Mahalagang katotohanan: Hindi tayo naging makasalanan ng tayo’y unang magkasala o nakagawa

ng kasalanan. Sa halip, tayo’y nagkakasala dahil tayo’y makasalanan na ng simula pa. Tayo ay

makasalanan na dahil sa ugnayan o relasyon natin kay Adan.

3. Isa pang mahalagang katotohanan: Dinala ni Adan ang kasalanan at kahatulan sa buong sanlibutan.

Pumasok ang kasalanan sa lahat ng may kaugnayan kay Adan. (ang buong sanlibutan… tayong lahat

ay nagmula kay Adan).

a. Tandaan natin ang katotohanang ito sapagkat makikita natin sa bandang huli na si Jesu-Cristo naman

ang nagdala ng katuwiran sa mga taong may ugnayan sa Kanya, sa mga taong may pananampalataya

sa Kanya.

B. Implikasyon o kahalagahan ng kaalaman kung saan nagmula ang kasalanan at paano ito

kumalat:

1. Bagamat ang kasalanan ay dumating sa sanlibutan sa pamamagitan ni Adan at tayong lahat (ang

buong sangkatauhan) ay naging makasalanandahil sa pagsuway ni Adan; ang bawat tao ay may

pananagutan sa kanyang kasalanan. Pinili ng tao na magkasala at suwayin ang Diyos.

2. Ang kasalanan ay kumalat sa buong sangkatauhan. Kung titingnan natin ang pamumuhay ng mga tao

sa buong mundo, makikita natin ang epekto ng kasalanan sa mga buhay nila.

Kung ang kasalanan ang pinakamalaking problema ng tao, ano ang kasalanan? Ano ang tunay na

kahulugan ng kasalanan? Napakahalaga na malaman natin kung ano talaga ang kasalanan.

IV. KASALANAN – PAGLABAG (PAGSUWAY) SA KAUTUSAN NG

DIYOS

A. Ang karaniwang pagka-unawa sa kasalanan.

1. Karaniwang pagkaunawa: Mga gawain krimen lamang, lalung-lalo na yung mga karumal-dumal na

kasamaan. Karamihan ng mga tao, ang kasalanan para sa kanila ay ang mga ginawa ng mali lamang,

at mganakakasakit lamang.

B. Biblikal na kaisipan: Ang kasalanan ay paglabag sa batas ng Diyos.

1. Pangunahing talata: I Juan 3:4

I Juan 3:4- Ang sinumang gumagawa ng kasalanan ay lumalabag din naman sa Kautusan; at ang

kasalanan ay ang paglabag sa kautusan.

21

I Juan 3:4 - Ang bawat nagkakasala ay lumalabag sa kautusan ng Diyos, sapagkat ang kasalanan

ay paglabag sakautusan. (MBB2)

2. Mula sa talatang ito, natutunan natin na:

a.Ang kasalanan ay paglabag sa batas ng Diyos.

b. Kung sa ating bansa ay may mga batas, ang Diyos ay may mga batas din upang pamahalaan ang

Kanyang mga nilikha.

3. Ang batas ng Diyos ay makikita o ibinuod sa Sampung Utos (Exodo 20:3-17).

C. Ang Sampung Utos – Exodo 20:3-17.

(Sa bahaging ito, isa-isa nating hihimayin ang Sampung Utos)

1. UNANG UTOS – Exodo 20:3 – "Huwag kang magkakaroon ng ibang mga diyos sa harap ko.”

(Huwag kang sasamba sa ibang diyos, maliban sa akin– MBB2)

a. Mula sa talatang ito, matututunan natin na:

1) Dapat nating piliin at tanggapin ang Diyos ng Biblia, ang Trinidad, bilang a. Ang pagkakaroon ng

ibang diyos maliban sa Diyos ng Biblia ay kasalanan. Ninanais ng Diyos na Siya lamang ang ating

sasambahin at paglilingkuran, wala ng iba pa – ang tunay na Diyos lamang. Kasalanan rin ang

pagtatwa o pagtanggi na mayroong Diyos.

2) Ipinaparating din dito na ninanais ng Diyos na Siya ang maging sentro ng ating buhay at pag-iisip

(mamuhay tayo na magbibigay ng kaluwalhatian sa Kanya).

3) Ang magkaroon ng mga bagay na nagiging kapalit ng Diyos sa Kanyang trono sa iyong buhay ay

isang kasalanan. Kung ang iyong sarili, trabaho, pag-aaral, asawa, magulang, at iba pang bagay ang

pumalit sa posisyon ng Diyos bilang una at nag-iisang sentro ng iyong buhay, ikaw ay lumalabag sa

unang utos.

4) Iniuutos rin ng Diyos na tayo ay dapat na sambahin at mahalin natin Siya ng buong puso, kaluluwa,

isip, at lakas. Ipinag-uutos rin Niya na dapat tayong matakot, magtiwala at sumunod sa Kanya.

5) Ang pagtitiwala, pananampalataya, pananalangin at paglilingkod sa ibang mga diyos gaya ng mga

anito, mga espiritu, si Maria, mga santo, mga diwata, mga bathala ay paglabag sa unang utos ng

Diyos.

b. Mga tanong:

1) Ano o sino ang nagiging sentro ng iyong pamumuhay, pagsamba at paglilingkod ngayon? Ang Diyos

ba o ang iyong sarili o ibang bagay?

2) Kung ang Diyos ang sentro ng iyong buhay , ano ang mga kalimitan mong ginagawa bilang pagsamba

at paglilingkod sa Diyos sa araw-araw ng iyong buhay?

3) Sa tingin mo ba ang mga ginagawa mo sa araw-araw ng iyong buhay ay nakasentro lahat sa Diyos?

Paano naging sentro ng mga ito ang Diyos?

22

4) Kung ang iyong sarili o ibang mga bagay ang iyong prayoridad, ano ang dapat mong gawin gayong

ito ay kasalanan sa Diyos?

5) Sa tingin mo ba, lagi mong nagagawa o nasusunod ang utos na ito? Bakit oo? Bakit hindi?

2. IKALAWANG UTOS – Exodo 20:4-6 – 4) "Huwag kang gagawa para sa iyong sarili ng inukit na

larawan o ng anumang kawangis ng anumang nasa langit sa itaas, o ng nasa lupa sa ibaba, o ng nasa

tubig sa ilalim ng lupa. 5) Huwag mo silang yuyukuran, o paglingkuran man sila; sapagkat akong

PANGINOON mong Diyos ay Diyos na mapanibughuin, na aking pinarurusahan ang mga anak dahil

sa kasamaan ng mga magulang hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi ng mga napopoot sa akin; 6)

ngunit pinagpapakitaan ko ng wagas na pag-ibig ang libu-libong umiibig sa akin at tumutupad ng

aking mga utos. ( 4) Huwag kang gagawa ng imahen ng anumang nilalang na nasa langit, nasa lupa,

o nasa tubig upang sambahin. 5) Huwag mo silang yuyukuran ni sasambahin sapagkat akong si

Yahweh na iyong Diyos ay mapanibughuing Diyos. Ang kasalanan ng mga magulang ay sinisingil ko

sa kanilang mga anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi. 6) Ngunit ipinadarama ko ang

aking pag-ibig sa libu-libong salinlahi ng mga umiibig sa akin at tumutupad sa aking mga kautusan.–

MBB2.)

a. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

1) Pinagbabawalan tayo ng Diyos na gumawa at gumamit ng mga imahen o inukit na larawan sa

pagsamba sa Kanya. (v4)

2) Pinagbabawalan din tayo ng Diyos na yumukod at paglingkuran ang mga imahen o inukit na larawan

(v5).

3) Malaking kaparusahan ang ibibigay ng Diyos sa mga gumagawa nito (sinisingil ng Diyos sa mga

anak hanggang sa ikatlo at ikaapat na salinlahi… v5).

4) Ang utos na ito ay hindi lamang nagbabawal ng paggawa o paggamit ng mga imahen o inukit na

larawan sa pagsamba sa Kanya, ipinagbabawal rin nito ang paggawa at paggamit ng ibang paraan ng

pagsamba na hindi naman Niya ipinag-uutos o ipinagagawa. Kung ano lamang ang iniutos o

ipinagagawang paraan ng pagsamba sa Kanya, ayon sa Kanyang Salita, iyon lamang ang nararapat

nating gawin.

5) Kung kasalanan ang pagsamba sa Kanya sa pamamagitan ng mga imahe at iba’t ibang paraan na hindi

Niya iniuutos ay kasalanan, nararapat naman na sambahin natin Siya sa pamamaraang Kanyang

itinuturo, ayon sa Kanyang salita. Sasambahin natin Siya sa espiritu at katotohanan, at sa

pamamagitan ng Kanyang mga katangian at katangian ni Kristo.

b. Mga tanong:

1) Mayroon ba kayong imahen ni Jesus sa inyong bahay, wallet, I.D., sasakyan, kwentas? Sa tingin mo

ba ang paggamit sa kanila bilang kinatawan ni Cristo at pagbibigay ng mataas na paggalang at

pagsamba (veneration) ay ang tamang paraan ng pagsamba sa Diyos na iniutos Niya? Kung oo,

paanong ito ay iniutos ng Diyos? Kung hindi, bakit?

2) Mayroon rin ba kayong mga imahen ni Maria at mga santo? Palagay mo ba, ang pagbibigay ng

mataas na paggalang at pagsamba sa mga ito, na katulad sa pagbibigay ng mataas na paggalang at

pagsamba sa Diyos ay sumusuway sa ikalawang utos ng Diyos?

23

3) Kapag binihisan, inalayan ng bulaklak o ng pagkain, dinalanginan at pinanampalatayan mo ang mga

himalang sa tingin mo ay gagawin ng mga ito, ikaw ba ay kinalulugdan ng Diyos? Bakit oo o bakit

hindi?

4) Sa tingin mo ba ang paraan ng pagsamba mo sa Diyos ngayon ay talagang iniutos ng Diyos? Bakit?

5) Ang paggawa ba ng sarili mong paraan ng pagsamba sa Diyos, na hindi naman Niya iniutos, ay

nakalulugod sa Kanya? Bakit?

3. IKATLONG UTOS – Exodo 20:7 – "Huwag mong babanggitin ang pangalan ng PANGINOON

mong Diyos sa walang kabuluhan, sapagkat hindi pawawalang-sala ng PANGINOON ang sinumang

gumagamit ng kanyang pangalan sa walang kabuluhan.”

a. Mula sa talatang ito, matututunan natin na:

1) Ipinagbabawal ng Diyos ang paggamit ng Kanyang pangalan sa walang kabuluhan – (walang galang)

pag-uusap tungkol sa Diyos at sa Kanyang Salita ng walang mataas na paggalang, walang

kaseryosohan… paggamit sa pangalan ng Diyos o ni Jesus bilang panunuya at pagmumura,

pagbibiruan o paglolokohan tungkol sa Diyos at mga bagay na espirituwal na patungkol sa

Panginoon.

2) Ipinagbabawal rin ng Diyos ang maling paggamit sa Kanyang pangalan. Kalimitan itong nagagawa sa

Maling paggamit ng Kanyang pangalan sa pananalangin at pag-awit, sa pagtuturo ng maling katuruan,

sa maling pagpapahayag ng salita ng Diyos at paggamit nito, sa pagsasabi o pagsasalita ng masama

laban sa Diyos gaya ng pagsumpa sa pangalan ng Diyos at paninisi sa Kanya, at sa pagiging bulaang

saksi ng Diyos.

3) Parurusahan ng Diyos ang mga gumagawa nito.

4) Nilalabag mo ang ikatlong utos kung ipinapakita mo sa iyong buhay ang kawalan ng galang sa Diyos.

Mga halimbawa:

a) Sinasabi mo na kristiyano ka, pero ikaw ay namumuhay sa kasalanan, ikaw ay hindi tunay na

mananampalatayani Kristo, kasi hindi nakikita sa buhay mo.

b) Paggamit ng Banal na pangalan ng Diyos sa walang kabuluhan, katulad ng “Diyos ko!”,

“Jesus-Maria-Josep", "OMG", o "ay SUS". Kung oo, sinusuway mo ang ikatlong utos.

c) Paggamit sa pangalan ng Diyos sa panunumpa o pangangako.

b. Mga tanong.

1) Palagi mo bang nagagamit ang pangalan ng Diyos sa walang kabuluhan? Paano?

2) Sa bawat paggamit mo ba sa pangalan ng Diyos, nabibigyan mo ba Siya ng mataas na paggalang?

Bakit?

3) Ano kaya ang mararamdaman mo kung ang pangalan mo ay bastusin? Ano ang gagawin mo?

4) Ano kaya ang magiging tugon ng Diyos sa araw-araw na nagagamit mo ang Kanyang pangalan?

24

4. IKA-APAT NA UTOS – Exodo 20:8-11 – 8) "Alalahanin mo ang araw ng Sabbath (araw ng

pamamahinga), upang ingatan itong banal. 9) Anim na araw kang gagawa at iyong gagawin ang

lahat ng iyong gawain; 10) ngunit ang ikapitong araw ay Sabbath sa PANGINOON mong Diyos. Sa

araw na ito ay huwag kang gagawa ng anumang gawain, ikaw o ang iyong anak na lalaki, ang iyong

anak na babae, ang iyong aliping lalaki, ang iyong aliping babae, ang iyong mga baka, ang dayuhang

nasa loob ng iyong mga pintuan; 11) sapagkat sa loob ng anim na araw ay ginawa ng PANGINOON

ang langit at lupa, ang dagat, at lahat ng naroroon, at nagpahinga sa ikapitong araw; kaya't binasbasan

ng PANGINOON ang araw ng Sabbath, at ginawa itong banal.”

a. Mula sa talatang ito, matututunan natin na:

1) Hindi ninanais ng Diyos na magtrabaho ang tao sa lahat ng oras o araw-araw.

2) Ang nais ng Diyos ay anim (6) na araw tayong gagawa; ang isang araw ay pahinga at italaga sa

Diyos.

3) Iniutos ng Diyos na dapat ay alalahanin natin ang Araw ng Pamamahinga upang ingatan itong banal

(o iba sa anim).

4) Punahin na kasama sa utos na ito na dapat tayong magtrabaho (anim na araw kang gagawa at iyong

gagawin ang lahat ng iyong gawain). Tinawag tayo ng Diyos para magtrabaho at hindi maging

tamad.

5) Ang ika-apat na utos ay para sa lahat ng kasama mo sa bahay, ang iyong mga anak at lahat ng

naninirahan sa iyo. (v10)

6) Ibinigay ng Diyos na dahilan ang paglikha Niya sa langit at lupa sa loob ng anim na araw at

nagpahinga Siya sa ika-pitong araw (Exodo 20:11), gayundin ang pagliligtas Niya sa Israel mula sa

pagkaalipin sa Ehipto (Deuteronomio 5:15).

7) Ang ikapitong araw ay dapat nating ibigay upang mamahinga at sumamba sa Diyos sa pamamagitan

ng pagdalo sa Kanyang Gawain, pananalangin at pag-aaral ng Kanyang salita kasama ang lahat ng

miyembro ng iyong pamilya.

b. Mga tanong:

1) Ano ang ginagawa mo sa loob ng anim na araw sa isang linggo? Nalulugod ba ang Diyos sa paggamit

mo sa anim na araw na ito?

2) Nagtatalaga ka ba ng isang araw upang ingatan itong banal? Paano mo ba ginagamit ang isang araw

na ito? Nakalulugod ba sa Diyos ang paraan ng paggamit mo sa araw na ito?

5. IKA-LIMANG UTOS – Exodo 20:12 – "Igalang mo ang iyong ama at ang iyong ina…”

a. Mula sa talatang ito, matututunan natin na:

1) Nais ng Diyos na igalang natin ang ating mga magulang. Kailangan natin silang sundin, dahil nasa

ilalim tayo ng kanilang pamamahala. Huwag lamang silang mag-uutos ng laban sa kalooban at Salita

ng Diyos.

25

2) Ang ating mga magulang ang unang awtoridad na mayroon tayo sa ating buhay. Ang talatang ito ay

magagamit din sa ibang “awtoridad” sa ating buhay. Kailangan nating igalang ang lahat ng awtoridad.

Halimbawa …

Roma 13:1-2 – 1) Ang bawat tao ay magpasakop sa mga namamahalang awtoridad, sapagkat walang

pamamahala na hindi mula sa Diyos; at ang mga pamamahalang iyon ay itinalaga ng Diyos. 2)

Kaya't ang lumalaban sa may kapangyarihan ay lumalaban sa itinalaga ng Diyos; at ang mga

lumalabanay tatanggap ng kahatulan sa kanilang sarili.

3) Kasama sa mga awtoridad na ito ang ating mga guro, amo, opisyal ng pamahalaan, batas ng Pilipinas,

lolo at lola at iba pang kamag-anak, mga pastor, mga nakakatandang tao, at iba pa.

4) Kasama rin sa kahulugan nito ang paggalang hindi lamang mas nakatataas sa atin kundi pati na rin sa

kapantay natin at mas mababa pa sa atin. Kung ikaw ay isang amo, dapat mo ring igalang ang iyong

mga tauhan.

b. Mga tanong:

1) Paano mo ba pakitunguhan ang iyong mga magulang? Sa tingin mo ba, ikinalulugod ng Diyos ang

paraan ng pakikitungo mo sa kanila ngayon?

2) Paano mo naman pinakikitunguhan ang mga nakatataas sa iyo? Paano naman ang nakakababa sa iyo?

Ikinalulugod kaya ng Diyos ang paraan ng pakikitungo mo sa kanila?

3) Paano mo naman pinakikitunguhan ang mga namumuno sa iyo? Ang iyong guro, amo, opisyal ng

pamahalaan, at iba pa? Nakapagbibigay ba ito ng lugod sa Diyos?

4) Ano naman ang mga ginagawa mo upang bigyang galang ang batas ng Pilipinas? Paano mo ito

sinusunod?Nakalulugod ba ito sa Diyos?

6. IKA-ANIM NA UTOS – Exodo 20:13 – “Huwag kang papatay.”

a. Mula sa talatang ito, matututunan natin na:

1) Inutos ng Diyos na huwag tayong papatay.

2) Ang kahulugan ng pagpatay ay hindi lamang yaong pagpatay na karaniwang alam natin.

I Juan 3:15- Ang sinumang napopoot sa kanyang kapatid ay isang mamamatay tao, at nalalaman

ninyong ang buhay na walang hanggan ay hindi nananatili sa sinumang mamamatay tao.

3) Sa talatang ito, makikita natin na ang sinumang napopoot o nagagalit sa kanyang kapwa (o kapatid)

ay isang mamamatay tao!

4) Isa pang uri ng pagiging mamamatay tao ay ang “pagpatay sa sarili” sa pamamagitan ng bisyo.

Pinapatay ng tao ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging adik sa paninigarilyo, pag-inom ng

alak (paglalasing), o paggamit ng bawal na gamot.

5) Isa ring uri ng pagpatay ang pagpapalaglag ng bata sa sinapupunan ng kanyang ina.

26

6) Kung inutusan tayo na huwag pumatay, ang hindi pag-iingat sa ating buhay ay isang uri rin ng

pagsuway sa utos na itos sapagkat ating hinahayaan o pinababayaan ang buhay na sa atin ay

ibinigay. Halimbawa, hindi nga natin pinapatay sa masasamang bisyo ang ating katawan, ngunit sa

pamamagitan ng hindi pagkain ng tama at pag-eehersisyo ay hindi mo naiingatan ng iyong katawan.

7) Kasama rin rito ang pag-iingat sa buhay ng ibang tao at ng ibang nilikha. Kinakailangan rin na

ingatan natin ang buhay ng ibang nilikha.

b. Mga tanong:

1) Paano mo ba iniingatan ang iyong buhay/katawan? Paano mo naman iniingatan ang buhay ng iba?

Nakalulugod ba ito sa Diyos?

2) Ikaw ba ay may mga bisyo? Paano mo binibigyang kaluguran ang Diyos sa pamamagitan ng mga ito?

3) Ikaw ba ay palamura o mahilig manumpa? Paano mo nabibigyang kaluguran ang Diyos sa

pamamagitan ng mga salitang ito?

4) Inaalagaan mo ba ang mga nilikha ng Diyos? Paano? Nakalulugod ba sa Diyos ang paraan ng

paggamit mo sa kanila?

7. IKA-PITONG UTOS – Exodo 20:14 – “ Huwag kang mangangalunya”

a. Mula sa talatang ito, matututunan natin na:

1) Itinataguyod ng Diyos ang pagiging sagrado ng kasal ng mag-asawa. Ang pagtataksil o

pangangalunya ay paglabag sa plano ng Diyos sa mag-asawahan (Hebreo 13:4).

2) Ang Diyos ay may perpektong lugar at panahon sa pakikipagtalik, at iyan ay kapag ikinasal ang lalaki

at babae at sila ay naging mag-asawa (tulad ni Adan at Eba).

3) Ang talatang ito ay nagpapakita ng pagsuway sa plano o disenyo ng Diyos sa pag-aasawa. Ang pag-

aasawa ay nakadisenyo lamang para sa isang lalaki at sa babaeng kanyang mapapangasawa.

a) Ang pagkakaroon ng maraming asawa ay hindi kalooban ng Diyos.

b) Ang pag-aasawahan ng kapwa lalaki at kapwa babae ay hindi rin nakalulugod sa Diyos.

4) Ang pagtatalik ay para lamang sa mag-asawa. Kasalanan ang pakikipagtalik sa hindi mo asawa;

pagtatalik ng binata at dalaga; pakikipagtalik sa kapwa lalaki, pakikipagtalik sa kapwa babae.

5) Ang mga gawaing mag-asawa lamang ang dapat na gumagawa gaya ng paghahawakan ng kamay,

halikan, yakapan at iba pa ay dapat na hindi ginagawa ng mga hindi mag-asawa.

6) Sa pamamagitan ng utos na ito, inuutusan tayo ng Diyos na:

a) Ingatan natin ang ating kalinisan sa seksuwal na aspeto ng ating buhay habang wala pa tayo sa buhay

na may asawa.

b) Mahalin mo ang iyong asawa sa pamamagitan ng pagiging tapat sa kanila.

27

c) Ingatan natin ang banal na disenyo ng Diyos sa pag-aasawa at sa pagtatalik.

5) Hindi nililimitahan ng Diyos ang talatang ito sa “pisikal na pakikipagtalik”. Ayon sa Mateo 5:28 …

ang sinumang tumingin sa isang babae nang may mahalay na pagnanasa ay nangangalunya na sa

babaing iyon sa kanyang puso. (MBB2)

6) Ang paggawa ng mga bagay na magiging sanhi upang magkaroon ka ng mahalay na pagnanasa ay

ipinagbabawal sa kautusang ito (tulad ng panonood ng mahalay na palabas, pagbabasa ng

pocketbooks na pumupukaw sa iyong laman, o anumang bagay na makakatukso sa iyo. Mali din na

magsuot ng mgamahalay na kasuotan).

7) Kung kasalanan ang pagkakaroon ng mahalay na kaisipan, kasalanan rin ang pagiging sanhi ng

mahalay na kaisipan. Ang mga lalaki at babaeng may mahalay na kasuotan ay nagiging dahilan ng

pagkakaroon ng mahalay na kaisipan sa ibang tao. Ang pakikipaglandian at pakikipag-usap ng may

motibo ay hindi nakalulugod sa Diyos. Kasalanan rin ang pagkakaroon ng may mahalay na usapan at

kilos. Ang pagiging malandi at may mahahalay na pananalita ay nagkakasala.

b. Mga tanong:

1) Ikaw ba ay nagkasala na ng pangangalunya, tulad ng mga nabanggit? Paano? Nakalulugod ba ito sa

Diyos?

2) Naging sanhi ka ba upang ang ibang tao ay mangalunya? Paano?

8. IKA-WALONG UTOS – Exodo 20:15 – "Huwag kang magnanakaw.”

a. Mula sa talatang ito, matututunan natin na:

1) Lahat ng uri ng pagnanakaw ay mali, maliit man o malaki. Pakaisipin niyo, maraming uri ng

pagnanakaw.

2) Ang pagkuha at hindi pagsauli ng mga bagay na hindi sa iyo, hindi pagbabayad ng utang,

pagnanakaw ng mga serbisyong pangkumunidad gaya ng kuryente at iba pa, pagbili ng mga pirated at

nakaw na bagay, pangungopya sa pagsusulit o exam, plagiarism o paggamit ng mga pahayag o ideya

na hindi mula sa iyo nang hindi mo kinikilala ang karapatan ng may akda o pinamulan bagkus ay

inangkin pa ang kanilang karapatan, pangungupit, hindi pagsasauli ng sobrang sukli at hindi

pagbabayad ng tama, pagiging huli o late, pag-angkin ng mga bagay na hindi sa iyo o hindi mo

pagmamay-ari, at iba pa. Ang lahat ng ito ay mga halimbawa ng pagnanakaw.

3) Kung ang pagnanakaw ay kasalanan, kabaligtaran naman nito ang pagiging mapagbigay. Kaya ang

pagiging maramot o hindi pagbibigay ay isa ring kasalanan.

4) Ang hindi rin pagtulong sa kapwa ay isang uri ng pagiging maramot. Ang pagtulong ay hindi lamang

sa pamamagitan ng salapi kundi ng maraming bagay at pamamaraan.

b. Mga tanong.

1) Sa tingin mo ba, ang pagkuha ng mga bagay na hindi mo pag-aari ay nakalulugod sa Diyos? Bakit?

2) Ang hindi ba pagsasauli ng mga bagay na hindi mo pag-aari ay nakalulugod rin ba sa Diyos? Bakit?

28

3) Lahat ba ng uri ng pagbibigay ay nakalulugod sa Diyos? Bakit?

4) Paano mo ba ginagamit ang mga nilikha ng Diyos na pag-aari mo ngayon para sa mga taong nasa

paligid mo?

9. IKA-SIYAM NA UTOS – Exodo 20:16 – "Huwag kang magiging sinungaling na saksi laban sa

iyong kapwa.”

a. Mula sa talatang ito, matututunan natin na:

1) Dapat nagsasabi tayo ng totoo at hindi tayo magsisinungaling.

2) Sa ating pagiging saksi, dapat ay totoo lahat ng ating mga isasalaysay. Ang pagiging eksaherado o

maraming dagdag na salaysay ay pagiging sinungaling. Ang pagbibigay naman ng kulang-kulang na

salaysay ay isa ring kasinungalingan. Ang pag-iba ng salaysay sa tunay na pangyayari ay

kasinungalingan. Ang pagtuturo sa mga walang sala bilang may kasalanan ay kasinungalingan.

3) Tandaan natin na maraming uri ng pagsisinungaling: pagsisinungaling sa mga dokumento o talaan,

pagsisinungaling tungkol sa iyong edad, pagsisinungaling kung saan ka nagpunta at ano ang iyong

ginawa, pagsisinungaling upang umiwas sa problema, dagdag-bawas sa pagkukuwento, pagtsitsismis,

paninirang-puri o paninira ng reputasyon ng pangalan ng iba, pamimintang nang walang matibay at

makatotohanang ebidensya, at pangangako ng hindi tinutupad. Ilan lamang ito sa mga uri ng

pagsisinungaling.

4) Kung ang pagsisinungaling ay kasalanan, ang pagsasabi naman ng katotohanan ay nararapat isagawa.

Kahit hindi ka nagsisinungaling ngunit kung hindi ka rin naman nagsasabi o nagpapahayag ng

katotohanan, ikaw ay lumalabag rin sa ika-siyam na utos. Ang pagsisinungaling ay kabaligtaran ng

pagsasabi ng totoo.

b. Mga tanong:

1) Ano kaya sa mga nabanggit na uri ng pagsisinugaling ang nagagawa mo? Nakalulugod kaya ito sa

Diyos? Bakit?

2) Ipinapahayag mo ba ang katotohanan? Ikinalulugod ba ng Diyos ang hindi pagpapahayag ng

katotohanan? Bakit?

10. IKA-SAMPUNG UTOS – Exodo 20:17 – "Huwag mong iimbutin ang bahay ng iyong kapwa;

huwag mong iimbutin ang asawa ng iyong kapwa, o ang kanyang aliping lalaki o ang kanyang

aliping babae, o ang kanyang baka, o ang kanyang asno, o ang anumang bagay ng iyong kapwa."

a. Mula sa talatang ito, matututunan natin na:

1) Ang pag-iimbot ay kasalanan. Ang pag-iimbot ay ang pagnanais na maging kanya ang pag-aari ng

iba. Ito ay kawalang kasiyahan sa ating kalagayan. Ang ugat nito ay ang pagiging sakim at walang

kasapatang paghahangad o pagnanais ng mga materyal na bagay.

2) Ang pagkainggit, pagiging reklamador sa mga bagay na hindi natatamo, kawalang kasiyahan sa mga

bagay na nasa kanya, at sobra-sobrang paghahangad ng mga materyal na bagay ay resulta ng pagiging

kasakiman.

29

3) Ninanais ng Diyos na maging kuntento at masiyahan tayo sa kung ano ang mayroon tayo at hindi

yaong naiinggit sa iba at hinahangad natin ang kung ano ang mayroon sila. Ang kasiyahan ang

kabaligtaran ng pag-iimbot.

4) Ang pag-iimbot ang dahilan kung bakit tayo ay naging mga sugarol, magnanakaw, mandaraya,

kurakot, at walang oras sa Diyos. Dahil hinahangad nating magkaroon o makuha ang pag-aari ng iba,

tayo ay nagsusugal, nagnanakaw, nangungurakot, nandaraya, nangingikil at nagtatrabaho mula Lunes

hanggang Linggo at nawawalan ng oras sa Diyos.

5) Ang pag-iimbot ay kapatid ng pagkakaroon at pagsamba sa ibang diyos (o idolatry). Isa sa mga

dahilan kung bakit kinain ni Eva ang ipinagbabawal na ay dahil sa pag-iimbot o kawalang

kakuntentuhan. Siya ay nalinlang ni Satanas na magiging “parang Diyos” sa karunungan tungkol sa

mabuti at masama at naghangad na magkaroon nito. Ang prutas na iyon ay kinain rin nitong si

Adan at siya’y nahulog sa kasalanan.

6) Tandaan, kung ikaw ay mainggitin at hindi marunong makuntento, ikaw ay hindi nakalulugod sa

Diyos.

b. Mga tanong:

1) Pinag-iimbutan mo ba ang bagay na mayroon ang ibang tao? Bakit? Nakalulugod ba ito sa Diyos?

2) Ikaw ba ay tumataya sa iba’t ibang uri ng sugal? Bakit? Nalulugod ba ang Diyos ditto?

3) Kuntento ka ba sa mga pagpapalang ibinigay sa iyo ng Diyos o palagi kang nagrereklamo? Bakit?

Narito ang mahalagang katotohanan tungkol sa Sampung Utos.

D. Ayon sa Bibliya, kapag nilabag mo ang isang utos, nilabag mo na din ang lahat ng utos.

1. Pangunahing talata: Santiago 2:10

Santiago 2:10 – Sapagkat sinumang tumutupad ng buong kautusan, subalit lumalabag sa isa, ay

nagkakasala salahat.

Santiago 2:10 – Ang lumalabag sa isa, kahit tumupad sa iba pang mga utos ay lumalabag pa rin sa

buong Kautusan (MBB2)

2. Mula sa talatang ito, matututunan natin na:

a. Kapag nilabag natin ang isa sa batas o utos ng Diyos ay lumalabag pa rin tayo sa buong kautusan.

b. Ang tao na lalabag sa isang kautusan ay siya ring tao na lalabag sa buong kautusan

E. Tandaan natin na sa Bagong Tipan, ang sampung utos ay binuod na lamang sa dalawang utos.

Ang hindi umiibig sa Diyos ng ating lahat-lahat at sa ating kapwa gaya ngsa ating sarili ay

nagkakasala.

1. Pangunahing talata: Mateo 22:36-40

30

Mateo 22:36-40 – 36) "Guro, alin ba ang dakilang utos sa kautusan?" 37) At sinabi sa kanya, " 'Ibigin

mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso mo, at nang buong kaluluwa mo, at nang buong pag-

iisip mo.' 38) Ito ang dakila at unang utos. 39) At ang pangalawa ay katulad nito, 'Ibigin mo ang iyong

kapwa na gaya ng iyong sarili.' 40) Sa dalawang utos na ito nakasalig ang buong kautusan at ng mga

propeta."

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

a. Inutos ng Diyos na ibigin natin Siya ng buong puso, ng buong kaluluwa at ng buong pag-iisip.

b. Inutos ng Diyos ibigin natin ang kapwa natin gaya ng pag-ibig natin sa ating sarili.

c. Ang dalawang ito ang pinakadakilang utos sa kautusan. Ang Sampung Utos ay nakapaloob sa

dalawang utos na ito; ang unang apat na utos sa Sampung Utos ay sakop ng pag-ibig sa Diyos ng

buong puso, buong kaluluwa at ng buong pag-iisip. Samantalang ang huling anim na utos ay sakop sa

ibigin natin ang ating kapwa gaya ng pag-ibig natin sa ating sarili.

d. Ang hindi pagsunod sa dalawang dakilang utos na ito ay kasalanan. Ito ay malaking kasalanan.

3. Mga tanong:

a. Masasabi mo ba na mahal mo ang Panginoon ng iyong buong puso, kaluluwa, kaisipan at lakas?

Paano mo ba siya minamahal ng buong puso? Ng buong kaluluwa? Ng buong pag-iisip? Ng buong

lakas?

b. Sino ang nakakuha ng iyong atensiyon, pagmamahal, damdamin at paglilingkod? Hindi ba mayroon

kang mga iba't ibang bagay na kumukuha ng lugar ng Panginoon sa buhay mo?

c. Mahal mo ba ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili? Masasabi mo ba ito ng

katotohanan sa puso mo? Paano mo ito ipinakikita?

F. Kung ikaw ay magiging tapat at totoo sa sarili mo, aaminin mo na nilabag mo ang mga utos ng

Diyos ng maraming-maraming beses.

G. Ilang utos ng Diyos ang iyong nilabag o sinuway? Ilang beses mong hindi ginawa ang ninanais

ng Diyos para sa iyo? Ilang beses kang nagrerebelde at lumalaban sa Diyos, ang iyong

Manlilikha at nagmamay-ari sa iyo? Nakita mo ba ang bigat ng iyong mga kasalanan?

H. Tandaan na ang kasalanan ay may kabayaran. Ang kasalanan ay nagbubunga at may mga

bagay na nangyayari bilang bunga ng kasalanan. Ang nagkasala laban sa Banal at Matuwid

na Diyos ay dapat parusahan. May kaparusahan sa iyong mga kasalanan. Hindi binabalewala

ng Diyos ang iyong mga kasalanan.

VI. KASALANAN: MGA KABAYARAN NITO

A. Sa unang aralin, nakita natin na ang Diyos ay banal at matuwid. Dahil dito, kailangan Niyang

parusahan ang mga nagkakasala at lumalabag sa Kanyang mga utos.

1. Ang Diyos na banal at matuwid ay napopoot sa kasalanan at magpaparusa sa mga nagkasala. Ang

Kanyang poot ay ang matuwid at banal na tugon ng Diyos sa mga nagkasala dahil sa kasalanan.

31

2. Samakatuwid, ang kasalanan ay may kabayaran. At ang kabayaran ng kasalanan ay hindi maganda.

B. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan.

1. Mga pangunahing talata: Roma 6:23; Ezekiel 18:4

Roma 6:23 – Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na

walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Ezekiel 18:4 – Lahat ng buhay ay akin; ang buhay ng ama at ng anak ay akin; ang kaluluwa na

nagkakasala ay mamamatay.

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

a. Ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan. (Roma 6:23; Ezekiel 18:4)

3. Ano ang kamatayan? Sa Biblia, tatlong klase ng kamatayan ang binabanggit:

a. Ang una ay ang kamatayang espirituwal (pagkahiwalay ng tao sa Diyos dahil sa kasalanan). Ang tao

ay nahiwalay sa kanyang ugnayan sa Diyos dahil sa kasalanan. Nakita natin ito sa unang bahagi ng

araling ito. Tingnan din ninyo kung ano ang nangyari kay Adan at Eba sa Halamanan ng Eden . . .ang

kanilang relasyon o ugnayan sa Diyos ay nawasak nang sila ay nagkasala.

b. Mayroon din kamatayang pisikal; ito ang kamatayan ng ating katawang lupa. Dito, naghihiwalay

ang ating pisikal o materyal na katawan at espirituwal o di-materyal na katawan. Lahat ng tao ay

mamamatay sa pisikal niyang katawan sapagkat lahat ay nagkasala.

c. Ang panghuli, mayroong walang hanggang kamatayan. Ito ay tinatawag sa Biblia na ikalawang

kamatayan, Ito ang pinakanakakatakot na kamatayan – sa impiyerno. Ito ang pinakahuling parusa sa

kasalanan.

Pahayag 21:8 – Ngunit sa mga duwag, sa mga hindi nananampalataya, mga karumaldumal, mga

mamamatay tao, mga mapakiapid, mga mangkukulam, mga sumasamba sa mga diyus-diyosan, at sa

lahat na mga sinungaling, ang kanilang bahagi ay sa lawa na nagliliyab sa apoy at asupre, na siyang

ikalawang kamatayan."

II Tesalonica 1:7-9 – at kayong mga pinahihirapan ay bigyan ng kapahingahang kasama namin, sa

pagkapahayag ng Panginoong Jesus mula sa langit na kasama ang kanyang mga makapangyarihang

anghel, 8) na nasa nagliliyab na apoy, na magbibigay ng parusa sa mga hindi kumikilala sa Diyos at sa

mga hindi sumusunod sa ebanghelyo ng ating Panginoong Jesus. 9) Ang mga ito'y tatanggap ng

kaparusahang walang hanggang pagkapuksa at palalayasin sa harapan ng Panginoon at mula sa

kaluwalhatian ng kanyang kalakasan,

C. Kaibigan, ang kasalanan ay may kabayaran. Huwag mong balewalain ito, malaki ang

kinalaman mo dito; ang makasalanan ay tatanggap ng kahatulan sa Diyos.

32

VII. BUOD NG NAPAKALAKING PROBLEMA NG TAO

A. Ang tao ay may utang sa Diyos na dapat niyang bayaran.

1. Ang tao ay nagkasala ng napakaraming beses. Ang kaparusahan o kabayaran sa kahit isang kasalanan

ay kamatayan. Pero, ang totoo ay nagkasala ng napakaraming beses, kaya tayo ngayon ay may

napakalaking utang na dapat bayaran.

2. Dapat bayaran ng tao ang pagkakautang niya sa Diyos. Dapat niyang bayaran ang kaparusahan ng

kanyang mga kasalanan. Hindi niya matatakasan ang kaparusahan na karapat-dapat sa kanya. Ngunit

upang makalaya mula sa utang na ito, kinakailangan itong mapatawad ng Diyos.

3. Dapat nating malaman na ang ating mabubuting gawa ay hindi puwedeng ipambayad sa ating mga

kasalanan. Kahit napakarami ng ating mabubuting gawa, hindi pa rin sapat ang mga ito na pambayad

sa ating mga kasalanan. Hindi nito kayang ipatawad tayo sa ating pagkakautang sa Diyos.

a. Ang ating mabubuting gawa ngayon ay hindi puwedeng magbigay ng kapatawaran sa mga kasalanang

nagawa natin noong nakaraan.

b. Pagsasalarawan: Tingnan ang sitwasyon na ito: may isang tao na pumatay ng kapwa niya. Matapos

makapatay, siya ay namuhay ng may kabaitan at sa matuwid na landas. Hindi na siya pumatay ulit at

gumawa siya ng maraming mabubuting gawa sa komunidad. Isang araw, ang taong ito ay inaresto at

nademanda dahil sa ginawa niyang pagpatay noon. Dinala siya sa harapan ng hukom, sinabi nya sa

hukom: “Kagalang-galang na hukom, alam ko na ako’y nakapatay pero, pagkatapos noon ako ay

naging mabuting tao na. Wala na akong pinatay ulit. Pinapangako ko na hindi ako papatay muli.” Sa

palagay mo ba ipapawalang-sala siya ng hukom? Siyempre hindi! Dahil ang taong iyan ay

nananatiling nagkasala ng pagpatay. Kahit marami siyang ginawang mabuti pagkatapos pumatay,

kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niyang krimen.

c. Iyan ang kaso ng isang nagkasalang makasalanan sa harap ng Diyos. Kahit gaano karami ang

mabubuting gawa na kanyang ginawa, ang mga iyon ay hindi puwedeng gamiting pambayad sa

kanyang kasalanang nagawa. Dapat ay may kabayaran sa kanyang pagkakautang sa Diyos.

d. Pero, napakaraming tao ang nalilinlang o nadadaya ng bagay na ito. Iniisip nila na kapag sila ay

nagsimba, nagdasal, nagbigay sa mahihirap, naging mabuti sa kapwa niya, at gumawa pa ng

mabubuti sa iba’t ibang paraan ay puwede ng matakpan ang mga nagawa nilang pagkakasala sa

Diyos. Iniisip nila na marahil ay titingnan ng Diyos ang kanilang mabubuting gawa at sasabihin sa

kanila, “OK, dahil marami kayong ginawang kabutihan, ay patatawarin ko na ang inyong mga

nagawang kasalanan”. Ito ay hindi totoo. Ang totoo, ang ating mabubuting gawa ay hindi katanggap-

tanggap sa Diyos. Ang mabubuting gawa ay hindi puwedeng ipambayad sa mga kasalanang nagawa.

e. Sa madaling sabi, lahat ng ating ginawa ay hindi puwedeng ipambayad sa halaga ng mga kasalanang

nagawa natin sa Diyos. Kaya, wala ni isa sa atin ang maaaring makabayad sa ating utang sa Diyos:

hindi tayo, ni hindi rin ang ibang mga nilikha.

B. Ang tao ay nangangailangan ng katuwiran na hindi niya kayang ibigay.

1. Upang makapagbayad sa utang at magkaroon ng tamang katayuan sa Diyos, kailangan ng tao ang

katuwiran. Bilang isang nilikha ng Diyos, ang tao ay may tungkulin na sundin ang Diyos sa lahat ng

oras.

33

2. Pero ang problema, ang tao ay hindi matuwid. Ang tao ay walang katuwiran na papasa sa Diyos. At sa

kanyang sarili, ang tao ay hindi puwedeng magkaroon ng katuwiran na hinihingi ng Diyos.

3. Samakatuwid, ang tao ay nangangailangan ng isang tao na magbibigay ng katuwiran para sa kanya.

C. Implikasyon o kahalagahan nito:

1. Ang mga taong makasalanan ay may malaking problema sa harapan ng Diyos. Kailangan nilang

pagbayaran ang kanilang mga kasalanan.

2. Ang kamatayang pisikal, espirituwal at walang hanggan ay naging bunga ng pagsuway at kasalanan.

3. Ang kasalanan ang naging dahilan kung bakit tayo ay nahiwalay sa Diyos at itinuring na mga kaaway

Niya.

4. Ang kasalanan ang dahilan kung bakit tayo ay parurusahan sa impiyerno.

D. Mga mapanuring tanong.

1. Ikaw ba ay naniniwala na mababayaran mo ang iyong utang o kasalanan sa Diyos?

a. Kung oo, paano mo ito magagawa? Ano ba ang dapat mo gawin upang mapatawad ka sa

pagkakautang mo sa Diyos?

b. Kung hindi, bakit hindi mo ito kayang bayaran? Paano mo ngayon ito babayaran?

Sa ikatlong aralin, makikita natin ang tanging pag-asa ng taong makasalanan.

34

ARALIN #3 – KILALANIN SI JESU-CRISTO – ANG

TAGAPAGLIGTAS NG MGA MAKASALANAN

I. PANIMULA

A. Sa Ika-2 Aralin, nakita natin ang tunay na kalagayan ng tao, bilang makasalanan. Ang

kalagayan ng tao ay tunay na napakasama. Subalit, ang Diyos, na mayaman sa pag-ibig at

awa, ay nagbigay ng kasagutan o solusyon sa kalagayan ng tao.

B. Sa araling ito, matututunan natin kung ano o sino ang kasagutan o solusyon ng Diyos sa

problema ng tao, ang kasalanan: ito’y si Jesu-Cristo, ang tanging Tagapagligtas ng mga

makasalanan.

C. Simulan natin ang ating pag-aaral sa kapanganakan ni Cristo.

II. ANG KAPANGANAKAN NI CRISTO

A. Ang di-pangkaraniwang kapanganakan – ipinanganak ng isang birhen.

1. Mga pangunahing talata: Lucas 1:34-35

Lucas 1:34-35 – 34) Sinabi ni Maria sa anghel, "Paanong mangyayari ito, samantalang ako'y wala pang

nakikilalang lalaki." 35) At sumagot ang anghel sa kanya, "Bababa sa iyo ang Espiritu Santo at

lililiman ka ng kapangyarihan ng Kataas-taasan. Kaya't ang batang banal ay tatawaging Anak ng Diyos.

2. Mula sa mga talatang ito ay matututunan natin na:

a. Ang Kanyang kapanganakan ay di-pangkaraniwan dahil Siya’y isinilang ng isang birhen.

b. Dahil sa kapanganakang ito, katulad Siya sa tunay na kalikasan natin bilang tao.

c. Bilang ipinanganak ng birhen, hindi naman Siya katulad ng sinumang tao… hindi Siya kabahagi sa

kasalanan ng tao.

III. ANG MISYON AT KALIKASAN NI JESUS

A. Pumarito si Jesu-Cristo upang iligtas at tubusin ang mga makasalanan.

1. Mga pangunahing talata: Mateo 1:21; I Timoteo 1:15; Galacia 4:4, 5; Tito 2:14

Mateo 1:21 – Siya'y manganganak ng isang lalaki, at ang pangalang itatawag mo sa kanya ay Jesus,

sapagkat ililigtas niya ang kanyang bayan sa kanilang mga kasalanan."

I Timoteo 1:15 – Tapat ang salita at nararapat tanggapin nang lubos, na si Cristo Jesus ay pumarito sa

sanlibutan upang iligtas ang mga makasalanan; na ako ang pangunahin sa mga ito.

35

Galacia 4:4-5 – 4) Subalit nang dumating ang ganap na kapanahunan, isinugo ng Diyos ang kanyang

Anak, na ipinanganak ng isang babae, [at] ipinanganak sa ilalim ng kautusan, 5) upang tubusin ang

mga nasa ilalim ng kautusan, upang matanggap natin ang pagkupkop bilang mga anak.

Tito 2:14 – Siya ang nagbigay ng kanyang sarili alang-alang sa atin, upang tayo'y matubos niya sa lahat

ng mga kasamaan, at pakalinisin para sa kanyang sarili ang sambayanang pag-aari niya na masigasig sa

mabubuting gawa.

2. Mula sa mga talatang ito ay matututunan natin na:

a. Si Jesus ay pumarito sa sanlibutan na may isang misyon, ang iligtas ang mga makasalanan.

(I Timoteo 1:15)

b. Si Jesus ay dumating upang iligtas ang mga makasalanan…sa kanilang mga kasalanan. (Mateo 1:21)

c. Si Jesus ay dumating upang tubusin ang mga makasalanan (sa pagbabayad niya sa kabayaran ng

kanilang kasalanan). (Galacia 4:4-5; Tito 2:14)

B. Si Jesus ay Diyos ngunit nagpakababa Siya at naging tao upang iligtas ang mga

makasalanan

1. Mga pangunahing talata: Juan 1:1; 1:14; Filipos 2:5-11

Juan 1:1 – Sa simula ay ang Salita, at ang Salita ay kasama ng Diyos, at ang Salita ay Diyos.

Juan 1:14 – At naging tao ang Salita at tumahang kasama namin, at nakita namin ang kanyang

kaluwalhatian, kaluwalhatiang gaya ng sa tanging Anak ng Ama, puspos ng biyaya at katotohanan.

Filipos 2:5-11 – 5) Magkaroon kayo sa inyo ng ganitong pag-iisip na kay Cristo Jesus din naman, 6) na

siya, bagama't nasa anyo ng Diyos, ay hindi niya itinuring na isang bagay na dapat panghawakan ang

pagiging kapantay ng Diyos, 7) kundi hinubaran niya ang kanyang sarili at kinuha ang anyong alipin na

naging katulad ng tao. (v5-7, MBB - Nawa'y magkaroon kayo ng kaisipan na tulad ng kay Cristo

Jesus. 6) Kahit siya'y likas at tunay na Diyos, hindi niya ipinagpilitang manatiling kapantay ng

Diyos. 7) Sa halip, kusa niyang hinubad ang pagiging kapantay ng Diyos, at naging katulad ng

isang alipin. Ipinanganak siyang tulad ng mga karaniwang tao. At nang si Cristo'y maging tao,)

8) At palibhasa'y natagpuan sa anyo ng tao, siya'y nagpakababa sa kanyang sarili, at naging masunurin

hanggang sa kamatayan, maging sa kamatayan man sa krus. 9) Kaya siya naman ay itinaas ng Diyos, at

siya'y binigyan ng pangalang higit sa lahat ng pangalan; 10) upang sa pangalan ni Jesus ay lumuhod ang

bawat tuhod, sa langit at sa lupa, at sa ilalim ng lupa, 11) at ipahayag ng bawat dila na si Jesu-Cristo ay

Panginoon, sa ikaluluwalhati ng Diyos Ama.

2. Mula sa mga talatang ito ay matututunan natin na:

a. Si Jesus ay itinuturing bilang “Salita”. Si Jesus ay kasama ng Diyos at siya ay Diyos (Juan 1:1). At si

Jesus ay naging tao at namuhay kasama ng mga tao at ipinakita ang Kanyang kaluwalhatian at

katangian. (Juan 1:14)

b. Si Jesus ay Diyos sa Kanyang kalikasan (kahit Siya'y likas at tunay na Diyos, …bagama't nasa anyo

ng Diyos.. Filipos 2:6).

36

c. Kahit na si Jesus ay Diyos, pinili Niyang ibaba ang sarili at naging tao (v6b, 7 - …ay hindi

niya itinuring na isang bagay na dapat panghawakan ang pagiging kapantay ng Diyos, kundi

hinubaran niya ang kanyang sarili at kinuha ang anyong alipin na naging katulad ng tao.)

d. Nagpakumbaba Siya upang iligtas ang mga makasalanan (v8).

e. Sa pagpapakababa ni Cristo ay kasama ang Kanyang pagiging tao upang Siya mismo ay makasunod

ng ganap sa Kautusan ng Diyos.

1) Bilang isang tao, si Jesus ay namuhay sa ilalim ng kautusan ng Diyos (Galacia 4:4 …ipinanganak sa

ilalim ng kautusan).

2) Upang pasanin ang parusa ng Kautusan.

i. Tingnan – “naging masunurin hanggang kamatayan” (Filipos 2:8).

C. Si Jesu-Cristo ay hindi nagkasala kahit kailan.

1. Mga pangunahing talata: I Pedro 2:21-22; II Corinto 5:21 (basahin rin sa Hebreo 4:15; I Juan 3:5)

I Pedro 2:21-22 – 21) Sapagkat ukol dito kayo'y tinawag, sapagkat si Cristo man ay nagdusa alang-

alang sa inyo, na kayo'y iniwanan ng halimbawa, upang sumunod kayo sa kanyang mga yapak. 22)

"Siya'y hindi nagkasala, at walang natagpuang pandaraya sa kanyang bibig."

II Corinto 5:21 – Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya’y itinuring na makasalanan

upang sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos.

2. Mula sa mga talatang ito ay matututunan natin na:

a. Kailanman ay hindi nagkasala si Jesus. Bilang tao, sinunod lahat ni Jesus ang mga kautusan at

kalooban ng Diyos. Siya ay 100% na malinis.

3. Mga implikasyon o kahalagahan mula sa mga talata:

a. Dahil hindi kailanman nagkasala si Jesus, hindi Siya dapat mamatay para pagbayaran ang Kanyang

kasalanan.

b. Dahil si Jesus ay walang kasalanan, Siya ang maaring pumalit sa puwesto ng mga makasalanan upang

mamatay para sa kanila.

IV. ANG KAMATAYAN NI JESUS SA KRUS

A. Ang kamatayan ni Cristo—bilang kapalit ng makasalanan.

1. Mga pangunahing talata: Roma 5:6; II Corinto 5:20-21; I Pedro 3:18

Roma 5:6 – Sapagkat noong tayo'y mahihina pa, namatay si Cristo sa takdang panahon para sa mga

makasalanan. (MBB2)

37

II Corinto 5:20-21 – 20) Kaya't kami ay mga sugo para kay Cristo, yamang ang Diyos ay nananawagan

sa pamamagitan namin. Kami'y nananawagan sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa

Diyos. 21) Para sa ating kapakanan, ginawa niyang may kasalanan siya na hindi nakakilala ng

kasalanan, upang sa kanya tayo'y maging katuwiran ng Diyos.

II Corinto 5:21 – Hindi nagkasala si Cristo, ngunit dahil sa atin, siya'y itinuring na makasalanan upang

sa pamamagitan niya ay maging matuwid tayo sa harap ng Diyos. (MBB2)

I Pedro 3:18 – Sapagkat si Cristo man ay minsang nagdusa dahil sa mga kasalanan, ang isang matuwid

dahil sa mga di matuwid, upang kayo ay madala niya sa Diyos. Siya ay pinatay sa laman, ngunit binuhay

sa espiritu;

I Pedro 3:18 – Sapagkat si Cristo na walang kasalanan ay namatay nang minsan para sa inyo na mga

makasalanan, upang iharap kayo sa Diyos. Siya'y namatay ayon sa laman, at muling binuhay ayon sa

espiritu. (MBB2)

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

a. Namatay si Jesus para sa mga makasalanan. (Roma 5:6)

b. Upang gawin iyon, pinasan ni Cristo ang parusa ng Diyos para sa mga makasalanan. Tulad ng ganap

na pagsunod Niya sa kautusang hindi natupad ng mga makasalanan.

c. Nilulutas nito ang dalawang problema ng makasalanan sa harap ng Diyos:

1) Una, ang paghingi nito ng ganap (perpekto) na pagsunod. Sa pamamagitan ng pagiging

kinatawan ng makasalanan ay natupad ito ni Jesus.

2) Ikalawa, ang paghingi ng kabayaran ng kasalanan sa mga lumabag dito. Binayaran ito ni

Jesus sa pamamagitan ng pag-ako sa ating mga kasalanan.

3. Ito ang ilustrasyon na nagpapakita ng ginawa ni Cristo: Inako ni Cristo ang ating mga kasalanan at

ibinigay ang Kanyang katuwiran.

38

4. Sa karunungan ng Diyos, ginawa ni Cristo ang dalawang bagay:

a. Kinuha Niya ang kasalanan ng tao, inilagay sa Kanya at namatay sa krus para sa makasalanan upang

bayaran ang utang ng tao sa Diyos.

b. Ibinigay o ipinalit Niya ang Kanyang katuwiran sa tao na tunay na sumasampalataya sa Kanya. Ito

ang nagbigay sa tao ng katuwirang katanggap-tanggap sa Diyos—ang katuwiran ni Jesu-Cristo.

B. Upang maunawaan ang mga magkakarugtong o magkakaugnay na pangyayaring ito, mula sa

kasalanan ni Adan, tingnan natin ang mga sumusunod na ilustrasyong ito.

1. Ang ibig sabihin ng imputation ay: to charge to (isisisi; sisingilin); to accredit to (ituturing na kanya).

2. Si Adan ang kumakatawan sa mga tao. Nang magkasala si Adan, nagkasala siya bilang kinatawan ng

sangkatauhan. Dahil dito, ang kasalanan niya ay isinisi o isinalin sa mga tao.

3. Si Jesu-Cristo naman ang kumakatawan sa mga tunay na sumampalataya sa Kanya. Ang kanilang

kasalanan ay isinisi kay Jesus, samantalang ang matuwid na pamumuhay at gawa ni Jesus ay

kikilalanin o ituturing bilang katuwiran ng mga taong kinakatawan Niya.

C. Tandaan ang dalawang pangunahing problema ng tao na tinalakay sa ikalawang bahagi.

1. “Ang tao ay may utang na dapat bayaran sa Diyos.”

2. “Kailangan ng tao ang katuwirang hindi niya maibibigay.”

- ganap o perpektong pagsunod sa Diyos.

3. Mga kaibigan, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, nagawa o natapos na ng Diyos ang mga bagay na iyon

para sa tao!

a. Binayaran ni Jesus, sa pamamagitan ng Kanyang kamatayan sa krus, ang utang ng tao! Si Jesus na

walang kasalanan ay namatay bilang kapalit ng makasalanang tao!

b. Nagbigay si Jesus ng katuwiran para sa tao; sa pamamagitan ng Kanyang matuwid at walang

pagkakasalang pamumuhay!

4. Ito ay Mabuting Balita!

39

D. Ang kamatayan ni Cristo sa krus ay pagpapahayag at pagpapatunay ng pag-ibig ng Diyos sa

mga makasalanan.

Roma 5:8 – Subalit pinatutunayan ng Diyos ang kanyang pag-ibig sa atin, na noong tayo'y mga

makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin.

I Juan 4:10 – Narito ang pag-ibig, hindi sa tayo'y umibig sa Diyos, kundi siya ang umibig sa atin, at

sinugo ang kanyang Anak na pantubos sa ating mga kasalanan.

1. Anong dakilang pag-ibig para sa mga makasalanan ang naipahayag at napatunayan sa kamatayan

ni Cristo sa krus. Kaibigan, ang kusang pagbigay ni Cristo ng Kanyang buhay para sa mga

makasalanan ay talagang kamangha-manghang pag-ibig!

E. Nakita natin na maraming nagawa ang kamatayan ni Cristo sa krus bilang sakripisyo para sa

mga makasalanan.

…..ngunit ang mga nagawa ni Jesus para sa mga makasalanan ay hindi lamang limitado sa Kanyang

buhay at kamatayan. Ating pahalagahan ang Kanyang muling pagkabuhay.

V. ANG MULING PAGKABUHAY NI JESUS

A. Si Jesus ay nabuhay na muli pagkatapos Niyang mamatay para sa mga makasalanan.

1. Mga pangunahing talata: I Corinto 15:3-8; Mga Gawa 2:23-24

I Corinto 15:3-8 – 3) Sapagkat ibinigay ko sa inyo una sa lahat ang akin ding tinanggap: na si Cristo ay

namatay para sa ating mga kasalanan, ayon sa mga kasulatan, 4) at siya'y inilibing; at muling binuhay

nang ikatlong araw ayon sa mga kasulatan, 5) at siya'y nagpakita kay Cefas, at pagkatapos ay sa

labindalawa. 6) Pagkatapos ay nagpakita siyang minsanan sa mahigit na limang daang kapatid na ang

karamihan sa mga ito ay buhay pa hanggang ngayon, bagaman ang mga iba'y namatay na. 7)

Pagkatapos ay nagpakita siya kay Santiago, pagkatapos ay sa lahat ng mga apostol. 8) At sa katapusan,

tulad sa isang ipinanganak nang wala sa panahon ay nagpakita rin siya sa akin.

Mga Gawa 2:23-24 – 23) Siya, na ibinigay sa takdang pasiya at paunang kaalaman ng Diyos ay inyong

ipinako sa krus at pinatay sa pamamagitan ng kamay ng mga makasalanan. 24) Ngunit siya'y muling

binuhay ng Diyos, pagkatapos palayain sa mga hirap ng kamatayan, sapagkat hindi maaaring siya'y

mapigilan nito.

2. Mula sa mga talatang ito ay matututunan natin na:

a. Si Jesus ay muling nabuhay sa ikatlong araw. Ang kamatayan ay hindi nagwagi kay Cristo.

b. Marami ang naging saksi sa muling pagkabuhay ni Cristo.

40

B. Sapagkat si Jesus ay nabubuhay magpakailanman, Kanyang ililigtas ang sinumang lalapit sa

Diyos sa pamamagitan Niya.

1. Pangunahing talata: Hebreo 7:25

Hebreo 7:25 – Dahil dito, siya'y may kakayahang iligtas nang lubos ang mga lumalapit sa Diyos sa

pamamagitan niya, yamang lagi siyang nabubuhay upang mamagitan para sa kanila.

2. Mula sa talatang ito, matututunan natin na:

a. Dahil si Jesus ay nabubuhay magpakailanman, Siya ang laging nagsisilbing tagapamagitan para sa

mga lumapit sa Diyos sa pamamagitan Niya.

b. Ang sinumang lumalapit sa Diyos ay dapat lumapit sa Diyos sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Dahil

muling nabuhay si Jesus, lagi Siyang nagsisilbi bilang tagapamagitan sa tao at sa Diyos.

C. Ang muling pagkabuhay ni Cristo ang nagsisilbing kasiguraduhan na ang sinumang tunay na

sumampalataya sa Kanya ay muli ring bubuhayin isang araw.

1. Mga pangunahing talata: I Corinto 15:19-23; Juan 11:25

I Corinto 15:19-23 – 19) Kung para sa buhay na ito lamang tayo umaasa kay Cristo, sa lahat ng mga tao

ay tayo ang pinakakawawa. 20) Subalit ngayon, si Cristo ay binuhay mula sa mga patay, na siya ang

unang bunga ng mga namatay. 21) Sapagkat yamang sa pamamagitan ng isang tao'y dumating ang

kamatayan, sa pamamagitan din ng isang tao'y dumating ang pagkabuhay na muli ng mga patay.

22) Sapagkat kung paanong kay Adan ang lahat ay namamatay, gayundin kay Cristo ang lahat ay

bubuhayin. 23) Subalit ang bawat isa'y ayon sa kanya-kanyang panahon. Si Cristo ang unang bunga; at

pagkatapos ay ang mga kay Cristo sa kanyang pagdating.

Juan 11:25 – Sinabi sa kanya ni Jesus, "Ako ang muling pagkabuhay at ang buhay. Ang

sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, ay mabubuhay.

2. Mula sa mga talatang ito ay matututunan natin na:

a. Sa pamamagitan ni Adan ay dumating ang kamatayan, ngunit sa pamamagitan ni Cristo ay dumating

ang muling pagkabuhay ng mga patay. (I Corinto 15:21)

b. Kung ikaw ay kay Cristo, ikaw ay muli ring bubuhayin mula sa mga patay. Kahit na ikaw ay mamatay

ngayon, muli ka ring bubuhayin sa takdang araw. (I Corinto 15:22, Juan 11:25)

VI. SI JESUS LAMANG ANG TANGING DAAN UPANG

MAGKAROON NG UGNAYAN SA DIYOS

A. Si Jesus lamang ang tanging daan sa Diyos upang magkaroon ng ugnayan ang tao at ang Diyos.

1. Mga pangunahing talata: Juan 14:6; Mga Gawa 4:11-12

Juan 14:6 – Sinabi sa kanya ni Jesus, 'Ako ang daan, at ang katotohanan, at ang buhay. Sinuman ay

hindi makakarating sa Ama kundi sa pamamagitan ko.

41

Juan 14:6 – Sumagot si Jesus, "Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay. Walang makapupunta sa

Ama kundi sa pamamagitan ko." (MBB2)

Mga Gawa 4:11-12 – 11) Itong si Jesus, 'ang bato na itinakuwil ninyong mga tagapagtayo ang siyang

naging batong panulukan.' 12) Walang kaligtasan sa kanino pa man, sapagkat walang ibang pangalan sa

ilalim ng langit na ibinigay sa mga tao na ating ikaliligtas."

Mga Gawa 4:12 – Sa kanya lamang matatagpuan ang kaligtasan, sapagkat walang ibang pangalan ng

sinumang tao sa buong mundo na ibinigay ng Diyos sa mga tao upang tayo ay maligtas. (MBB2)

2. Mula sa mga talatang ito ay matututunan natin na:

a. Si Jesus ang tanging paraan upang maibalik ang ugnayan sa Diyos Ama.

b. Ang kaligtasan ay hindi matatagpuan kaninuman o saanman maliban kay Jesus at sa pamamagitan

Niya.

3. Mga implikasyon o kahalagahan ng katotohanang ito:

a. Ang kaligtasan ay hindi matatagpuan kaninuman (si Maria, mga santo, Mohamad, Buddha, o sino pa

man).

b. Ang kaligtasan ay hindi matatagpuan saan mang iglesia o relihiyon.

c. Ang kaligtasan ay hindi matatagpuan sa ating ginagawa (mabubuting gawa, pagiging relihiyoso,

pagiging bahagi ng iglesia, atbp.).

d. Ang kaligtasan ay matatagpuan lamang kay Cristo at sa pamamagitan Niya.

VII. KONKLUSYON SA IKATLONG ARALIN

A. Sa ika-2 aralin, nakita natin ang napakasamang kalagayan ng tao bilang makasalanang

naghihintay sa paghuhukom ng Banal at Matuwid na Diyos. Ito ay tunay na napakasamang

kalagayan; at dito’y walang pag-asa.

B. Ngunit sa ika-3 aralin, nakita natin ang pagpapahayag ng pag-ibig at habag ng Diyos.

1. Gumawa ng kasagutan o solusyon ang Diyos sa problema ng tao!

2. Si Jesus, na isang tunay na Diyos, ay ibinaba ang Kanyang sarili at naging tao na ipinanganak ng

isang birhen.

3. Dumating si Jesus sa mundo para sa isang layunin, ang pagliligtas sa mga makasalanan.

4. Namuhay si Jesus nang walang kasalanan at hindi sumuway sa kahit anuman sa kautusan ng Diyos.

5. Namatay si Jesus sa krus kapalit ng mga makasalanan. Kanyang ibinuhos ang Kanyang sariling dugo

at isinakripisyo ang Kanyang sariling buhay—kahit na hindi Siya nagkasala—upang maging kapalit

ng mga makasalanan.

42

6. Sa pamamagitan ng ginawa ni Jesus, ang kasalanan ng tao ay nalipat sa Kanya, at ang Kanyang

katuwiran ay nalipat sa tao.

7. Pagkatapos ng Kanyang kamatayan sa krus, si Jesus ay muling nabuhay ngayon at magpakailanman

upang mamagitan para sa mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan Niya. Ang muling pagkabuhay ni

Jesus ang katunayan at kasiguraduhan na ang mga tunay na sumasampalataya sa Kanya ay muling

bubuhayin sa takdang araw.

8. Si Jesus lamang ang daan patungo sa Ama—sa pamamagitan Niya. Ang kaligtasan ay matatagpuan

lamang kay Jesus.

C. Ito ang mga ginawa ni Jesus. Ano ang dapat na maging katugunan natin dito? Ating

tatalakayin ito sa susunod nating aralin.

43

44

ARALIN #4 - ALAMIN ANG ATING TUGON SA

GINAWA NI JESUS

I. PANIMULA

A. Muling balikan ang buod ng Aralin 3 (muling basahin ang konklusyon ng ikatlong aralin).

B. At kung iyan ang ginawa ni Jesu-Cristo para sa mga makasalanan, napakahalaga na malaman

natin kung paano magkakaroon ng tamang tugon sa ginawa ni Jesus na makapagliligtas sa tao.

C. Maraming tao sa Pilipinas ang may mga maling ideya o paniniwala tungkol sa pagiging isang

Kristiyano:

1. May naniniwala na ang tao ay nagiging Kristiyano sa pamamagitan ng bautismo (binyag) o kahit na

anong sakramento sa simbahan.

2. Ang iba naman ay naniniwala na ang tao ay nagiging Kristiyano sa pamamagitan ng pagiging kaanib

(miyembro) ng simbahan.

3. At marami din ang naniniwala na magiging Kristiyano sa paggawa ng mabuti at matuwid.

D. Pero, makikita natin, ayon sa Biblia, ang isang tao ay hindi nagiging Kristiyano sa

pamamagitan ng kanilang ginawa upang matamo ang kaligtasan. Ang kaligtasan ay hindi

pinaghihirapan. Tayo ay hindi karapat-dapat para sa kaligtasan.

E. Ang isang tao ay nagiging Kristiyano sa pamamagitan ng:

1. Kung ano ang ginawa ng Diyos para sa iyo sa pamamagitan ng buhay, kamatayan at pagkabuhay na

muli ng Panginoong Jesu-Cristo. Ito ay tinatalakay ng lubusan sa Aralin #3.

2. Kung ano ang ginawa ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng panloob na pagbabago na ginawa ng

Banal na Espiritu, ang pagkilos na ito ng Diyos sa iyo ay magbubunga ng totoong pananampalataya

kay Jesu-Cristo at paglayo sa kasalanan.

a. Biblikal na katuruan: Ang Diyos mismo ang dapat magsimulang kumilos sa atin—isang panloob na

pagbabago—upang tayo'y makatugon sa Kanyang iniaalok na kaligtasan. Ang panloob na

pagbabagong ito ay tinatawag na kapanganakan muli ("regeneration" or "being born again"). Ito'y

pagkilos ng Diyos, hindi sa ating sariling lakas o kagagawan.

b. Sa Juan 3:3, mababasa natin; "Juan 3:3 Sumagot sa kanya si Jesus, "Katotohanang sinasabi ko sa

iyo, 'Malibang ang isang tao'y ipanganak na muli ay hindi makikita ang kaharian ng Diyos’."

c. Ang mga salitang ito ay ibinahagi ni Jesus kay Nicodemo. Si Nicodemo ay isang Pariseo; isang

napakarelihiyosong tao. Pero, sinabihan siya ni Jesus, na hanggat ang tao ay hindi ipanaganak muli ay

hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos (sa langit). Ang pagiging “ipinanganak na muli” ay

isang panloob na pagbabago ng puso na ginagawa ng Diyos sa tao. Ang Diyos ang nagbabago sa

panloob ng tao. Hindi kayang gawin ng tao na ipanganak niyang muli ang kanyang sarili.

45

d. Kapag pinangyari ng Diyos na ang tao ipanganak na muli, tinatawag Niya siya mula sa dating

kalagayan ng kasalanan at kamatayan tungo sa biyaya at kaligtasan sa pamamagitan ni Jesu-Cristo.

Ang kanyang isipan ay binigyan ng espiritual na kaliwanagan at siyang iniligtas ay nakauunawa na ng

mga bagay ng Diyos. Inaalis Niya ang kanyang pusong bato at binigyan siya ng pusong laman.

Binago Niya ang kanyang kalooban at sa pamamagitan ng Kanyang dakilang kapangyarihan,

pinagnanais Niya na siya ay hanapin ang mabuti. Makapangyarihang inilalapit Niya siya kay Jesu-

Cristo. Kung magkagayon, kusa siyang lumapit dahil sa pagbabago ng kanyang kalooban sa

pamamagitan ng Kanyang biyaya.

e. Kapag ang Diyos ang tunay na kumilos sa atin, ito'y magdudulot sa nakapagliligtas na katugunan sa

Ebanghelyo.

*** Kumikilos ba ang Diyos sa iyong puso at buhay? Nakikita mo ba kung sino at ano ang Diyos?

Nauunawaan mo ba at nabagabag ka ba ng iyong maraming pagkakasala? Naging maliwanag ba

sa iyo kung ano ang ginawa ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang buhay, kamatayan at

pagkabuhay na muli? Kung ang tugon mo ay oo, ang mga ito ay ebidensya na kumikilos ang Diyos

sa iyong buhay.

F. Ano ngayon ang dapat nating maging tugon kay Jesu-Cristo? Ano ngayon ang dapat maging

tugon ng tao sa pagkilos ng Diyos? Ano ang dapat mong maging tugon?

1. Tandaan na ang tao ay hindi lang uupo at maghihintay sa pagkilos ng Diyos sa kanyang puso. Hindi

ka uupo para hintayin na ma “born again” ka. Huwag kang maghintay na maramdaman iyon. Tinawag

tayo ng Diyos para kumilos. Ang Biblia ay nagbibigay ng tiyak na katuruan.

2. Ang tugon ng tao sa ginawa ni Cristo at sa pagkilos ng Banal na Espiritu ay malinaw na

naipaliwanag sa Biblia.

II. ANG ATING TUGON KAY CRISTO: PAGSISISI AT

PANANAMPALATAYA

A. Pagsisisi at pananampalataya.

1. Pangunahing na talata: Mga Gawa 20:20-21

Mga Gawa 20:20-21 - 20) Hindi ko ipinagkait na ipahayag sa inyo ang anumang bagay na kapaki-

pakinabang, at hayag na nagtuturo sa inyo, at sa mga bahay-bahay, 21) na nagpapatotoo sa mga Judio at

gayundin sa mga Griyego tungkol sa pagsisisi tungo sa Diyos at pananampalataya sa ating Panginoong

Jesu-Cristo.

2. Mula sa talatang ito, matututunan natin na:

a. Isang katugunan na may dalawang mukha (coin) – ang isa ay tungkol sa ating nagawang kasalanan

sa Diyos, ang kabila ay ang alok na habag na kay Jesu-Cristo. Pagsisisi at pananampalataya.

… Matapos nating tingnan ito, umpisahan nating pag-aralan kung ano ang pagsisisi.

46

B. Totoong pagsisisi – mga maling ideya o paniniwala.

1. Maling kaisipan tungkol sa pagsisisi sa kasalanan. Ito ay hindi:

a. Pagpaparusa sa sarili – ang pagpaparusa sa sarili ay hindi pagsisisi. Pero ito ang karaniwang kaisipan

dito sa Pilipinas. Ang penitensya o pagpaparusa ay hindi pagsisisi. Ang penitensya ay ginagawa para

mabayaran ang kanyang kasalanan; isang bagay na imposibleng gawin o mangyayari.

b. Ang simpleng pagkalungkot sa kasalanan. Ang pagkalungkot sa kasalanan ay hindi pagsisisi; pero ito

ay napapagkamalan ng maraming tao na totoong pagsisisi.

Ano ngayon ang totoong pagsisisi? Ang totoong pagsisisi ay may ilang bahagi. Tingnan natin

ang mga ito sa Biblia.

C. Tatlong bahagi ng tunay na pagsisisi. Puso, Salita, at Gawa.

1. Ang Puso ng pagsisisi – Pagkabagabag sa mga kasalanan.

a. Mga angkop na talata: Mga Awit 51:1-5.

Ang talatang ito ay nasa Lumang Tipan pero ito ay nagbibigay ng magandang paglalarawan ng puso ng

isang tao na tunay na nagsisisi.

Mga Awit 51:1-5 – 1) Maawa ka sa akin, O Diyos, ayon sa iyong tapat na pag-ibig; ayon sa iyong

saganang kaawaan ay pawiin mo ang aking mga paglabag. 2) Hugasan mo akong lubos sa aking

kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan. 3) Sapagkat aking nalalaman ang mga pagsuway ko, at

ang aking kasalanan ay laging nasa harapan ko. 4) Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at

nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin, upang ikaw ay maging ganap sa iyong pagsasalita at walang

dungis sa iyong paghatol. 5) Narito, ako'y ipinanganak sa kasamaan; at ipinaglihi ako ng aking ina sa

kasalanan.

Mga Awit 51:1-5 – 1) Ako'y kaawaan, O mahal kong Diyos, sang-ayon sa iyong kagandahang- loob;

mga kasalanan ko'y iyong pawiin, ayon din sa iyong pag-ibig sa akin! 2) Linisin mo sana ang aking

karumhan, at patawarin mo'ng aking kasalanan! 3) Mga pagkakasala ko'y kinikilala, di ko malilimutan,

laging alaala. 4) Sa iyo lang ako nagkasalang tunay, at ang ginawa ko'y di mo kinalugdan; kaya may

katuwiran ka na ako'y hatulan, marapat na ako'y iyong parusahan. 5) Ako'y masama na buhat nang

isilang, makasalanan na nang ako'y iluwal. (MBB2)

b. Mula sa mga talatang ito ay nakita natin ang magandang paglalarawan ng mga bahagi ng puso na

nagsisisi. Ang lahat ng ito ay tungkol sa nilalaman ng puso.

1) Pagkabagabag sa mga kasalanan.

i. Ang taong nababagabag sa kanyang kasalanan ay kumikilala na siya ay nagkasala sa Diyos at alam

niya na mali ang kanyang mga ginawang kasalanan.

2) Pagkabagabag sa mga personal mong mga kasalanan.

i. v3 - Sapagkat aking nalalaman ang mga pagsuway ko…(Mga pagkakasala ko’y kinikilala.....)

47

ii. Alam mo ang napakarami mong mga kasalanang nagawa. Kung ikaw ay tatanungin, maitatala sa

isang mahabang listahan ang mga kasalanang nagawa mo laban sa Diyos at laban sa tao.

3) Pagkabagabag na ang iyong puso ay punong-puno ng kasalanan.

i. v3 - Sapagkat aking nalalaman ang mga pagsuway ko, at ang aking kasalanan ay laging nasa harapan

ko. (Mga pagkakasala ko'y kinikilala, di ko malilimutan, laging alaala.)

ii. v5 - Narito, ako'y ipinanganak sa kasamaan; at ipinaglihi ako ng aking ina sa kasalanan. (Ako'y

masama na buhat nang isilang, makasalanan na nang ako'y iluwal)

iii. Dapat makita mo na ang puso mo ay punong-puno ng kasalanan at madali para sa isang tao ang

magkasala. Taglay na natin ang pusong makasalanan simula pa nang tayo ay isilang.

4) Pagkabagabag na ang kasalanan mo ay laban sa Diyos.

i. v4 - Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin…

ii. Kahit ikaw ay nagkakasala laban sa iba, una ay sa Diyos ka nagkakasala.

iii. Hindi sapat na ikaw ay mabagabag sa kasalanan. Kailangan mong ipahayag at ihingi ng

tawad ang mga kasalanang nagawa.

2. Ang mga salita ng pagsisisi - pagpapahayag sa mga kasalanan.

a. Mga pangunahing talata: I Juan 1:9; Santiago 5:16; Lucas 15:18; Mateo 6:9, 12

I Juan 1:9 - Kung ipinahahayag natin ang ating mga kasalanan, siya ay tapat at banal na magpapatawad

sa ating mga kasalanan at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

I Juan 1:9 - Subalit kung ipinapahayag natin sa Diyos ang ating mga kasalanan, maaasahan nating

patatawarin tayo ng Diyos sa mga ito, at lilinisin tayo sa lahat ng ating kasalanan, sapagkat siya'y tapat

at matuwid. (MBB2)

Santiago 5:16 - Kaya't ipahayag ninyo sa isa't isa ang inyong mga kasalanan, at ipanalangin ninyo ang

isa't isa, upang kayo'y gumaling. Ang panalangin ng taong matuwid ay makapangyarihan at mabisa.

Lucas 15:18 - Babalik ako sa aking Ama at sasabihin ko sa kanya, "Ama, nagkasala po ako laban sa

Diyos at sa inyo".....(kuwento ng Alibughang Anak..MBB2)

Mateo 6:9, 12 - ....Ama naming nasa langit, sambahin nawa ang iyong pangalan. 12) At patawarin mo

kami sa aming mga kasalanan, tulad ng aming pagpapatawad sa mga nagkakasala sa amin. (MBB2)

b. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

1) Ang pagpapahayag sa mga kasalanan ay pag-amin sa mga kasalanang nagawa. Huwag natin sisihin

ang ibang tao sa mga kasalanan natin. Isang bahagi ng pagpapahayag ng kasalanan ay ang paghingi

ng tawad.

2) Sa Diyos natin ipahayag ang ating mga kasalanan at ihingi ito ng tawad. (I Juan 1:9; Lucas 15:18;

Mateo 6:12)

48

i. Alalahanin natin ang mga kasalanan natin mula nang bata pa hanggang ngayon at isa-isa nating

sabihin sa Diyos at ihingi ng tawad ang mga yaon. Katulad ng mga personal na kasalanan, mga

kasalanang nagmula sa puso, mga kasalanang nagmula sa isip, mga kasalanang sinabi ng bibig at mga

masamang pagkilos. Halimbawa, kung nagmura, ihingi ng tawad sa Diyos ang ginawang pagmumura.

Kung nangupit ng pera, ihingi ng tawad sa Diyos ang ginawang pangungupit ng pera.

3) Kung sa tao tayo nagkasala, humingi din tayo ng tawad sa kanila. (Santiago 5:16; Lucas 15:18)

i. Kung kinakailangang may ibalik ay ibalik. Kung ikaw ay nangupit o kaya'y nagnakaw, ibalik mo ang

iyong kinupit o ninakaw. Nararapat na ituwid mo ang pagkakamali o kasalanang nagawa laban sa

kapwa.

c. Kung ikaw ay nabagabag sa mga kasalanang nagawa at ang mga ito ay ipinahayag mo sa Diyos, dapat

lang na talikuran mo ang mga ito.

3. Ang mga gawa ng tunay na pagsisisi - pagtalikod sa kasalanan.

a. Mga pangunahing talata: Lucas 3:7-8; Mga Gawa 26:20

Lucas 3:7-8 – 7) Kaya't sinabi ni Juan sa napakaraming tao na dumating upang magpabautismo sa

kanya, "Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo na tumakas sa poot na darating? 8)

Kaya't mamunga kayo ng karapat-dapat sa pagsisisi at huwag ninyong sabihin sa inyong sarili, 'Si

Abraham ang aming ama.' Sapagkat sinasabi ko sa inyo na magagawa ng Diyos na magbangon mula sa

mga batong ito ng magiging anak ni Abraham.

Lucas 3:7-8 – 7) Marami ngang tao ang nagsilapit kay Juan upang magpabautismo. Ngunit sinabi niya

sa kanila, "Kayong lahi ng mga ulupong! Sino ang nagbabala sa inyo upang tumakas sa kaparusahang

darating? 8) Ipakita ninyo sa pamamagitan ng gawa na nagsisisi na kayo, at huwag ninyong idahilan na

mga anak kayo ni Abraham. Sinasabi ko sa inyo, mula sa mga batong ito ay makakalikha ang Diyos ng

mga tunay na anak ni Abraham. (MBB2)

Mga Gawa 26:20 – kundi ipinangaral muna sa mga nasa Damasco, at pagkatapos ay sa Jerusalem, at sa

buong lupain ng Judea, at sa mga Hentil, na sila'y magsisi at magbagong-loob sa Diyos at gumawa ng

mga gawang naaangkop sa pagsisisi.

Mga Gawa 26:20 – Nangaral ako, una sa Damasco, saka sa Jerusalem at sa buong lupain ng Judea, at

gayundin sa mga Hentil. Ipinangaral kong dapat silang magsisi't tumalikod sa kanilang mga kasalanan,

lumapit sa Diyos, at ipakita ang kanilang pagsisisi sa pamamagitan ng mga gawa. (MBB2)

b. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

1) Ang pagsisisi ay hindi sa salita lamang. Ang taong nagsisi ay dapat tumalikod sa kasalanan at ito ay

makikita ng Diyos at ng mga tao. Mga halimbawa...

i. Ang taong kumilala na siya ay nagkasala sa pamamagitan ng pagsamba sa diyus-diyusan ay dapat

wasakin at sunugin ang kanyang mga diyus-diyusan.

ii. Ang taong kumilala na siya ay nagkasala sa pamamagitan ng pagsuway sa ika-apat na utos ay dapat

na italaga niya ang araw ng Linggo para sa Panginoon at mag-umpisa na siyang dumalo sa iglesiang

Kristiyano.

49

iii. Ang taong kumilala na siya ay nagkasala sa pamamagitan ng pagpatay (o pagkamuhi sa kapwa) ay

dapat na magpatawad sa kanyang kapwa. Kung pinapatay niya ang sarili niya sa pamamagitan ng

sigarilyo, dapat ay itigil na niya ang paninigarilyo.

iv. Ang taong kumilala na siya ay nagkasala sa pamamagitan ng hindi pag-ibig sa Diyos ng buong puso,

kaluluwa at isipan niya at ang hindi pag-ibig sa kanyang kapwa tulad ng sa kanyang sarili ay dapat

tumigil na at umpisahan niyang ibigin ang Diyos at ang kanyang kapwa.

4. Ikaw ba ay tunay na nagsisi sa iyong mga nagawang kasalanan? Nasaliksik mo na ba ang iyong puso

at buhay at nakita mo ang kasalanan na naroon at ito ay iyong tinalikuran?

Tulad ng nabanggit na, ang pananampalataya at pagsisisi ay parang dalawang (2) mukha ng

isang barya. Sila ay palaging magkasama.Hindi sila pwedeng maghiwalay. Ang pagsisisi at pagtalikod

sa kasalanan tungo kay Cristo at ang pananampalataya ay pagyakap kay Cristo bilang tanging pag-asa

ng kaligtasan at katuwiran. Tingnan natin ngayon ang pananampalataya kay Cristo.

D. Sa pamamagitan ng pananampalataya – ang tao ay pinawalang-sala at ginawang matuwid sa

mata ng Diyos.

1. Mga pangunahing talata: Roma 10:9-10; Roma 3:21-22; Galacia 2:16; Filipos 3:8-9

Roma 10:9-10 – 9) Sapagkat kung ipahahayag mo sa pamamagitan ng iyong bibig si Jesus na

Panginoon, at sasampalataya ka sa iyong puso na binuhay siyang muli ng Diyos mula sa mga patay, ay

maliligtas ka. 10) Sapagkat sa puso ang tao'y nananampalataya kaya't itinuturing na ganap, at sa

pamamagitan ng bibig ay nagpapahayag kaya't naliligtas.

Roma 10:9-10 – 9) Kung ipahahayag ng iyong mga labi na si Jesus ay Panginoon at mananalig ka nang

buong puso na siya'y muling binuhay ng Diyos, maliligtas ka. 10) Sapagkat nananalig ang tao sa

pamamagitan ng kanyang puso at sa gayo'y napawawalang-sala; at nagpapahayag sa pamamagitan

ng kanyang labi at sa gayo'y naliligtas. (MBB2)

Roma 3:21-22 – 21) Subalit ngayon ay ipinahahayag ang pagiging matuwid ng Diyos na hiwalay sa

kautusan at pinatotohanan ng kautusan at ng mga propeta; 22) ang pagiging matuwid ng Diyos sa

pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo sa lahat ng mga sumasampalataya. Sapagkat

walang pagkakaiba,

Galacia 2:16 – at nalalaman natin na ang tao ay hindi inaaring ganap sa pamamagitan ng mga gawa ng

kautusan, kundi sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo, at tayo ay

sumasampalataya kay Cristo Jesus, upang ariing ganap sa pamamagitan ng pananampalataya

kay Cristo, at hindi sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan, sapagkat sa pamamagitan ng mga gawa

ng kautusan ay hindi aariing ganap ang sinumang laman.

Galacia 2:16 – Gayunman, alam naming ang tao’y pinapawalang-sala dahil sa pananampalataya

kay Jesu-Cristo, at hindi dahil sa pagsunod sa Kautusan. Kaya’t kami rin ay sumasampalataya kay

Cristo Jesus upang mapawalang-sala sa pamamagitan ng pananampalataya sa kanya, at hindi sa

pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Sapagkat ang tao’y hindi pinapawalang-sala dahil sa pagsunod

sa Kautusan. (MBB2)

50

Filipos 3:8-9 – 8) Higit pa roon, ang lahat ng mga bagay ay inaari kong kalugihan dahil sa higit na

kahalagahan na makilala si Cristo Jesus na Panginoon ko. Alang-alang sa kanya'y tiniis ko ang

kalugihan ng lahat ng mga bagay, at inari kong basura lamang, upang makamit ko si Cristo, 9) at ako'y

matagpuan sa kanya, na walang sarili kong katuwiran na mula sa kautusan, kundi ang katuwiran

sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang katuwirang buhat sa Diyos na batay sa

pananampalataya;

Filipos 3:8-9 – 8) Oo, itinuturing kong walang kabuluhan ang lahat ng bagay bilang kapalit ng lalong

mahalaga, ang pagkakilala kay Cristo Jesus na aking Panginoon. Ang lahat ng bagay ay ipinalagay kong

walang kabuluhan, makamtan ko lamang si Cristo 9) at lubusang makasama niya. Ang aking pagiging

matuwid ay hindi sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan, kundi sa pananalig kay Cristo. Ang

pagiging matuwid ko ngayo'y buhat sa Diyos, sa pamamagitan ng pananampalataya. (MBB)

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

a. Ang paraan ng Diyos upang maging matuwid ang tao (katanggap-tanggap sa Kanya) ay sa

pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. (Roma 10:9-10; Roma 3:21-22)

b. Ang pananampalatayang ito ay dapat nagsimula sa puso (at hindi sa bibig lamang).

(Roma 10:9-10)

c. Ang tao ay hindi pinagpawalang-sala dahil sa pagsunod sa kautusan. Wala kahit isa na pinawalang-

sala dahil sa pagsunod sa kautusan ng Diyos. Ang pagpapawalang-sala ay sa pamamagitan lamang ng

pananampalataya kay Jesu-Cristo. (Galacia 2:16)

d. Ang pagiging matuwid ay nangyayari lamang sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo. Ang

katuwiran ng Diyos ay batay sa pananampalataya kay Cristo. (Filipos 3:8-9)

e. Ang taong walang sariling katuwiran ay magkakaroon ng katuwiran sa pamamagitan ng

pananampalataya kay Cristo, ang katuwiran ni Cristo (katuwiran ng Diyos) ay nagiging pag-aari ng

taong iyon.

3. Implikasyon o kahalagahan mula sa mga talata:

a. Tanggalin sa iyong isip ang ideya na ang tao ay puwedeng mapawalang-sala sa harap ng Diyos sa

pamamagitan ng pagsunod sa kautusan ng Diyos.

b. Kung ikaw ay magkakaroon ng katuwiran na katanggap-tanggap sa Diyos, yaon ay katuwiran lamang

na nagmumula sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.

E. Isang napakahalagang bagay na dapat maunawaan: Ang kaligtasan ay biyaya ng Diyos sa

pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo; hindi maliligtas ang tao sa pamamagitan

ng mabubuting gawa. Ang mabubuting gawa ay walang bahagi upang matamo ang kaligtasan.

1. Mga pangunahing talata: Efeso 2:8-9; Roma 6:23; Tito 3:4-5

Efeso 2:8-9 – 8) Sapagkat sa biyaya kayo'y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y hindi

sa pamamagitan ng inyong sarili, ito'y kaloob ng Diyos; hindi sa pamamagitan ng mga gawa, upang

ang sinuman ay huwag magmalaki.

51

Roma 6:23 - Sapagkat ang kabayaran ng kasalanan ay kamatayan; ngunit ang kaloob ng Diyos na

walang bayad ay buhay na walang hanggan kay Cristo Jesus na Panginoon natin.

Roma 6:23 - Sapagkat kamatayan ang kabayaran ng kasalanan, ngunit ang kaloob ng Diyos ay buhay na

walang hanggan sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. (MBB2)

Tito 3:4-5 – 4) Ngunit nang mahayag ang kabutihan at kagandahang loob ng Diyos na ating

Tagapagligtas, 5) iniligtas niya tayo, hindi dahil sa mga gawa na ating ginawa sa katuwiran kundi

ayon sa kanyang kahabagan, sa pamamagitan ng paghuhugas ng muling kapanganakan at ng pagbabago

sa pamamagitan ng Espiritu Santo.

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin:

a. Ang kaligtasan ay hindi pinagtatrabahuan. Ang tao ay hindi maliligtas dahil sa mabubuting gawa. Ang

kaligtasan ay kaloob ng Diyos.

b. Ang kaloob ay ibinibigay ng walang bayad sa mga hindi karapat-dapat. Hindi kailangang

magtatrabaho para matamo ang kaloob.

c. Ang kaloob ng kaligtasan ay matatanggap sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo.

1) Ang pananampalataya ay parang kamay na tumatangap ng regalo mula sa ibang tao.

2) Tingnan mo ang ginawa ni Cristo; namatay siya sa krus para sa mga makasalanan at ibinigay Niya

ang Kanyang katuwiran para sa mga makasalanan at iyong tanggapin ang kaloob na ayon sa

pamamagitan ng pananampalataya.

F. Ang tunay na pananampalataya ay sinasamahan ng mabubuting gawa.

1. Ang tunay na pananampalataya ay nagbubunga ng mabubuting gawa.

Santiago 2:19-20 – 19) Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga

demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa. 20) Isa kang hangal! Nais mo pa bang

patunayan ko sa iyo na walang kabuluhan ang pananampalatayang walang kasamang gawa? (MBB2)

a. Ang tao ay hindi naliligtas dahil sa mabuting gawa (Efeso 2:8-9), pero ang pananampalataya kay

Cristo ay nagbubunga ng mabubuting gawa. Ang mabuting gawa ay nagpapatunay na ang

pananampalataya ng taong yaon ay tunay. Halimbawa, ang tao ay hindi maliligtas dahil sumapi siya

sa iglesia. Pero ang taong may tunay na panananampalataya ay magkakaroon ng pagnanasa na sumapi

sa iglesia. Ang kanyang pananampalataya ay nagbubunga ng mabubuting gawa.

G. Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang tao ay magkakaroon ng buhay na

walang hanggan.

1. Mga pangunahing talata: Juan 3:16; Juan 6:40

Juan 3:16 – Sapagkat gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan na ibinigay niya ang

kanyang tanging Anak, upang ang sinumang sa kanya'y sumampalataya ay huwag mapahamak kundi

magkaroon ng buhay na walang hanggan.

52

Juan 6:40 – Sapagkat ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawat nakakakita sa Anak at sa kanya'y

sumampalataya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan, at muli ko siyang bubuhayin sa huling

araw."

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin na:

a. Ang sinumang may tunay na pananampalataya kay Cristo ay hindi paparusahan kundi magkakaroon

ng buhay na walang hanggan.

H. Ilan pang bagay patungkol sa pananampalatayang nagliligtas.

1. Ang pananampalatayang nagliligtas ay nakatuon ng buong-buo sa Panginoong Jesu-Cristo.

Mga Gawa 16:31 – At kanilang sinabi, "Manampalataya ka sa Panginoong Jesus at maliligtas ka…”

a. Siya na mayroong pananampalatayang nagliligtas ay nakatuon ng buong-buo kay Jesu-Cristo at wala

ng iba pa.

2. Ang pananampalatayang nagliligtas ay pagkilala na tanging si Jesu-Cristo ang magliligtas at

ang mabubuting gawa ay walang bahagi para maligtas ang tao.

a. Ganito nag-iisip ang may pananampalatayang nagliligtas: "Kung ako ay maliligtas mula sa kasalanan

at sa darating na kaparusahan, yaon ay dahil kay Jesu-Cristo. Walang mabuti sa aking sarili, walang

makakapagligtas sa akin kundi si Jesu-Cristo lamang. Ang mabubuting gawa na nagagawa ko at

gagawin ko pa ay hindi makakatulong para ako ay maligtas.

3. Bagamat may tungkulin tayo na manampalataya kay Jesu-Cristo, ang pananampalataya ay isang

kaloob mula sa Diyos. (Efeso 2:8-9; Filipos 1:29)

Efeso 2:8-9 – 8) Sapagkat sa biyaya kayo'y naligtas sa pamamagitan ng pananampalataya, at ito'y

hindi sa pamamagitan ng inyong sarili, ito'y kaloob ng Diyos; hindi sa pamamagitan ng mga gawa,

upang ang sinuman ay huwag magmalaki.

Filipos 1:29 – Sapagkat sa inyo'y ipinagkaloob alang-alang kay Cristo, hindi lamang ang

manampalataya sa kanya, kundi ang magtiis din naman alang-alang sa kanya,

Kasamang kaugnay sa pananampalataya at pagsisisi ay ang bautismo. Ang bautismo ay isa sa

mga unang hakbang ng paghahayag ng pananampalataya. Ang tao ay nagsisisi at nananampalataya kay

Cristo at pagkatapos ay ipinakita niya ang kanyang pananampalataya at pagsisisi sa pamamagitan ng

pagpapabautismo.

III. ANG UNANG HAKBANG NG PAGPAPAHAYAG NG

PANANAMPALATAYA: BAUTISMO

A. Panimula.

1. Maraming kalituhan ang umiiral ngayon tungkol sa bautismo. Kaya, sa araling ito ay makikita natin

kung ano ang itinuturo ng Biblia patungkol sa bautismo.

53

B. Bakit kailangan ang bautismo sa tubig?

1. Sapagkat ito ay ipinag-uutos ni Jesus.

a. Pangunahing talata: Marcos 16:16

Marcos 16:16 – Ang sumasampalataya at mabautismuhan ay maliligtas; ngunit ang hindi

sumasampalataya ay parurusahan.

b. Mula sa talatang ito, matututunan natin:

1) Iniutos ni Jesus na ang tao ay manampalataya at magpabautismo.

2) Punahin na nauna ang pananampalataya bago ang bautismo.

3) Si Jesus ang nag-utos na ito ay dapat gawin.

4) Gusto ba nating sundin ang Panginoon?

2. Sapagkat ito ay huwaran at ginagawa sa Bagong Tipan.

a. Pangunahing talata: Mga Gawa 2:37-38, 41

Mga Gawa 2:37-38, 41 – 37) Nang marinig nila ito, nasaktan ang kanilang puso at sinabi kay Pedro at

sa ibang mga apostol, "Mga ginoo, mga kapatid, anong dapat naming gawin?" 38) At sinabi sa kanila

ni Pedro, "Magsisi kayo, at magpabautismo ang bawat isa sa inyo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang

mapatawad ang inyong mga kasalanan; at tatanggapin ninyo ang kaloob ng Espiritu Santo. 41) Kaya't

ang mga tumanggap ng kanyang salita ay binautismuhan at nadagdag nang araw na iyon ang may

tatlong libong kaluluwa.

b. Mula sa talatang ito, matututunan natin:

1) Ang unang iglesia ay nakagawian ang pagbabautismo kapag mayroong pagsisisi at pagtitiwala.

3. Sapagkat ito ay ginagamit na isang paraan sa pagtuturo ng ating pagkakaugnay kay Cristo.

a. Pangunahing talata: Galacia 3:26-27

Galacia 3:26-27 – 26) Sapagkat kay Cristo Jesus, kayong lahat ay mga anak ng Diyos sa pamamagitan

ng pananampalataya. 27) Sapagkat ang lahat na sa inyo na binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si

Cristo.

Galacia 3:26-27 – 26) "Dahil sa inyong pananalig kay Cristo Jesus, kayong lahat ay anak ng Diyos. 27)

Sapagkat ang lahat ng nabautismuhan kay Cristo ay pinananahanan ni Cristo. (MBB2)

b. Sa talatang ito, matututunan natin na:

1) Ang Diyos ay nagbigay ng kahalagahang espirituwal sa bautismo sa tubig para tayo ay turuan sa

tunay at umiiral na kaugnayan natin kay Cristo.

54

2) Sa bautismo, ang tao ay ibinihis si Cristo (pinananahan ni Cristo). Kung ibinihis natin si Cristo, tayo

ay magiging katulad ni Cristo

4. Sapagkat ang bautismo ay tanda ng kamatayang ng lumang pagkatao at ng bagong buhay kay Cristo.

a. Pangunahing talata: Roma 6:2-4

Roma 6:2-4 – 2) Huwag nawang mangyari. Tayong mga namatay na sa pagkakasala, paano nga tayong

mabubuhay pa roon? 3) O hindi ba ninyo nalalaman na tayong lahat na mga nabautismuhan kay Cristo

Jesus ay mga nabautismuhan tungo sa kanyang kamatayan? 4) Kaya't tayo ay inilibing na kasama niya

sa pamamagitan ng bautismo tungo sa kamatayan; na kung paanong si Cristo ay muling nabuhay mula

sa mga patay sa pamamagitan ng kaluwalhatian ng Ama, gayundin naman tayo'y makakalakad sa

panibagong buhay.

Roma 6:2-4 – 2) ...tayo'y patay na sa kasalanan, paano pa tayo mamumuhay sa pagkakasala? 3) Hindi

ba ninyo alam na tayong lahat na nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nabautismuhan sa kanyang

kamatayan? 4) Samakatuwid, tayo'y namatay na at nalibing na kasama niya sa pamamagitan ng

bautismo upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng

Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay. (MBB2)

b. Mula sa talatang ito, matututunan natin na ipinakita ng bautismo ang:

1) kamatayan sa lumang pagkatao o dating pamumuhay nang tayo ay nakipag-isa kay Cristo sa

Kanyang kamatayan.

3) Hindi ba ninyo alam na tayong lahat na nabautismuhan kay Cristo Jesus ay nabautismuhan sa

kanyang kamatayan? 4) Samakatuwid, tayo'y namatay na at nalibing na kasama niya sa

pamamagitan ng bautismo:

i. Kung baga, sa pamamagitan ng bautismo, ipinakita nito ang kamatayan. Ang taong namatay sa

lumang pagkatao at dating pamumuhay. Ito ay katulad ng isang taong inilibing o inilubog sa tubig,

siya ay namatay na kasama ni Cristo.

2) Bagong buhay sa pamamagitan ng ating kaugnayan kay Cristo.

…upang kung paanong binuhay muli si Cristo sa pamamagitan ng dakilang kapangyarihan ng

Ama, tayo rin ay magkaroon ng panibagong buhay.

i. Sa bautismo, ang larawan dito ay isang taong namatay sa kasalanan at muling binuhay tungo sa

bagong buhay. Katulad ng pagkabuhay na mag-uli ni Cristo, ang pagbabautismo sa atin ay larawan ng

ating pagkabuhay tungo sa bagong pagkatao.

3). Marahil ay ganito ang larawan:

i. Paglubog sa tubig = Namatay kasama si Cristo; namatay sa kasalanan

ii. Pag-ahon sa tubig = Binuhay kasama si Cristo; binuhay upang makalakad sa panibagong buhay.

55

C. Ang bautismo ay sumusunod pagkatapos ng tunay na pananampalataya.

1. Mga pangunahing talata: Mga Gawa 8:12; Mga Gawa 18:8

Mga Gawa 8:12 – Ngunit nang naniwala sila kay Felipe na nangangaral ng mabuting balita tungkol sa

kaharian ng Diyos at sa pangalan ni Jesu-Cristo, sila ay nabautismuhan, mga lalaki at mga babae.

Mga Gawa 18:8 – At si Crispo, ang pinuno sa sinagoga ay nanampalataya sa Panginoon, kasama ang

kanyang buong sambahayan; at marami sa mga taga-Corinto dahil sa pakikinig kay Pablo ay

nanampalataya at nabautismuhan.

2. Mula sa mga talatang ito, matututunan natin:

a. Tandaan: Magkasunod ang pagtitiwala at pagbabautismo bilang kapahayagan ng unang hakbang ng

pananampalataya ng isang tao.

b. Ang sumasailalim sa bautismo: Ang nagpapahayag na mananampalataya.

3. Sa Bagong Tipan, hindi mapaghihiwalay ang bautismo sa pananampalataya.

4. Ang Bagong Tipan ay hindi tinatanggap ang:

a. Binabautismuhang hindi mananampalataya.

b. Mananampalataya na hindi binabautismuhan.

5 Ang bautismo ay hindi ginagawang Kristiyano ang isang tao. Sa halip, ito’y pagpapahayag na siya’y

Kristiyano na (dahil sa kanyang pananampalataya).

6. Samakatuwid, ang bautismo ay isa sa mga unang hakbang ng pagpapahayag ng tunay na

pananampalataya kay Cristo.

D. Ang paraan ng pagbabautismo.

1. Sa pangalan ng Ama, ng Anak at ng Banal na Espiritu.

a. Pangunahing talata: Mateo 28:19

Mateo 28:19 – Kaya't sa paghayo ninyo, gawin ninyong alagad ang lahat ng mga bansa, bautismuhan

ninyo sila sa pangalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo,

b. Mula sa talatang ito, matututunan natin na:

1) Ito ang paraan ng pagbabautismo, kaparis ng utos ni Jesus. Ito ang tatak ng awtoridad o

kapangyarihan na sa pamamagitan nito ang pagbabautismo ay ginaganap. Kapag sinabi mo na

"bautismuhan sa ngalan ng…" ay katulad din ito ng pagsasabing "bautismuhan sa awtoridad o

kapangyarihan ng…".

56

2) Minsan, sa aklat ng Mga Gawa, may mababasa kang binautismuhan sa ngalan ni Jesus. Pareho ang

ibig sabihin nito "…bautismuhan sa ngalan ni Jesus = bautismuhan sa awtoridad o kapangyarihan ni

Jesus (si Jesus ang pangalawang persona sa Trinidad…Anak ng Diyos). Ang awtoridad o

kapangyarihan ni Jesus ay tulad din ng awtoridad ng Ama, Anak, at Espiritu Santo. "

2. Paglulubog sa tubig o imersyon.

a. Tandaan: Ang salitang “bautismuhan” sa Griyego ay “baptizõ” na ibig sabihin ay ilubog. May mga

salitang Griyego para sa pagwiwisik o pagbubuhos, ngunit hindi sila ginamit sa pagbabautismo.

b. Ang angkop na paraan ng bautismo ay paglubog sa tao. Sa mga kaso na kung saan ang tao ay

may kapansanan, sila ay binabautismuhan sa ibang paraan.

E. Para lamang sa mga may sapat na edad at may pang-unawa at pagsang-ayon.

1. Ang Biblia ay nagtuturo na tanging mga taong nasa tamang edad na at may pang-unawa't pagsang-

ayon lamang ang maaaring makatugon sa mga pangangailangan ng pagsisisi at pananalig at siyang

makakapakinabang ng pagbabautismo sa tubig. Ang bautismo ay dapat sumusunod pagkatapos ng

pagsisisi at pananalig kay Cristo. Ang mga bagong silang ay hindi makakatugon sa mga

pangangailangang ito, sa makatuwid ay hindi sila karapat-dapat at hindi maaaring mabautismuhan.

a. Kaugnay dito, walang halimbawang makita sa Biblia na ang sanggol ay binabautismuhan. Ito ay

sapagkat ang mga sanggol ay hindi pa nakakauunawa at naniniwala sa Ebanghelyo.

2. Samakatuwid, ang tao ay dapat na may sapat na edad para maunawaan kung ano ang pagsisisi at

pananampalataya kay Cristo bago siya mabautismuhan.

F. Hindi dapat patagalin, magpabautismo pagkatapos na manampalataya kay Cristo.

1. Sa Bagong Tipan, ang bautismo ay isang madaliang kagawian pagkatapos ng pagtatapat na si

Jesu-Cristo ay Panginoon at Tagapagligtas ng isang tao.

2. Halimbawa ng eunoko na taga Ethopia - Mga Gawa 8:36-38

Mga Gawa 8:36-38 – 36) Sa kanilang pagpapatuloy sa daan, nakarating sila sa may tubig, at sinabi ng

eunuko, "Tingnan mo, narito ang tubig! Ano ang nakakahadlang upang ako'y mabautismuhan?" 37) At

sinabi ni Felipe: Kung nananampalataya ka ng buong puso ay mangyayari. Sumagot siya at sinabi:

Sumasampalataya ako na si Jesu-Cristo ay Anak ng Diyos. 38) Iniutos niyang itigil ang karwahe at

lumusong si Felipe at ang eunuko sa tubig. At binautismuhan siya ni Felipe.

a. Punahin na ang eunoko ay nanampalataya ng buong puso kaya siya ay binautismuhan. Hindi na

pinatagal ang pagpapabautismo.

G. Hamon: Kung itinuturing mong Kristiyano ang iyong sarili, tinatanggap mo ba na ang unang

hakbang ng pagsunod kay Cristo ay ang pagpapabautismo?

57

V. KONKLUSYON SA IKA–4 NA ARALIN

A. Sa ika–4 na aralin, nakita natin ang nararapat na tugon sa ginawa ni Cristo.

1. Una nating nakita ang mga maling ideya o kaisipang mayroon ang mga tao tungkol sa kung paano

maging Kristiyano (ng binyag o sakramento ng simbahan o sa pamamagitan ng pagiging miyembro

ng simbahan o sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti).

2. Nakita natin na ang kaligtasan ay dahil sa: 1) ginawa ng Diyos para sa atin – sa pamamagitan ng

buhay, kamatayan, at pagkabuhay na mag-uli ni Jesu-Cristo. 2) Ginawa ng Diyos sa ating kalooban sa

pamamagitan ng panloob na pagbabago na ginawa ng Banal na Espiritu. Nakita natin na ang Diyos

ang dapat unang magbago ng ating kalooban para tayo ay makatugon sa pagtawag ng Diyos.

3. Ang dalawang unang tugon sa ginawa ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo at sa pamamagitan ng

Diyos ay pagsisisi at pananampalataya.

4. Ang pagsisisi ay hindi pagpaparusa sa iyong sarili o pagiging malungkot sa kasalanan.

5. Ang tatlong bahagi ng tunay na pagsisisi: Puso, salita at gawa.

a. Sa loob ng puso – pagkabagabag sa kasalanan.

1) Pagkabagabag sa mga personal na pagkakasala.

2) Pagkabagabag na ang iyong puso o buhay ay puno ng kasalanan.

3) Pagkabagabag na ang iyong kasalanan ay laban sa Diyos.

b. Sa pamamagitan ng salita – paghahayag ng kasalanan.

1) Sa Diyos at sa tao…kung kinakailangan.

c. Sa pamamagitan ng gawa – pagtalikod sa kasalanan.

Pagkatapos ay tingnan natin ang pananampalataya.

6. Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo – ang tao ay pinawalang-sala at nagiging matuwid sa

mata ng Diyos.

7. Ang tao ay naliligtas sa pamamagitan ng pananampalataya; hindi sa pamamagitan ng mabubuting

gawa. Hindi nating puwedeng pagtrabahuan ang kaligtasan.

8. Ang tunay na pananampalataya ay palaging sinasamahan ng mabubuting gawa o may pagpapatunay

ng mabuting gawa.

9. Sa pamamagitan ng pananampalataya kay Cristo, ang tao ay mayroong buhay na walang hanggan.

10. Ang pananampalatayang nagliligtas ay nakatuon ng buong-buo kay Jesu-Cristo at kinikilala na si

Jesu-Cristo lamang ang makapagliligtas sa kanya/akin.

58

11. Nakita din natin ang kahalagahan ng bautismo. Ang bautismo ay ang unang hakbang ng

kapahayagan ng pagsisisi at tunay na pananampalataya kay Cristo.

12. Ang bautismo ay mahalaga dahil iniuutos ni Cristo na ito ay gawin.

13. Ang bautismo ay mahalaga dahil ito ay ginawa ng mga naunang iglesia sa Bagong Tipan.

14. Ang bautismo ay mahalaga dahil ipinapakita nito ang ating ugnayan o relasyon kay Jesus-Cristo; na

ibinihis natin si Cristo.

15. Ang bautismo ay mahalaga dahil ito ay tanda ng kamatayan ng dating pagkatao at muling

pagkabuhay tungo sa bagong buhay kay Jesu-Cristo.

16. Magkasunod ang tunay na pananampalataya kay Jesu-Cristo at bautismo.

17. Ang bautismo ay dapat na gawin sa ngalang ng Ama, ng Anak at ng Banal na Espiritu.

18. Ang pagbabautismo ay ginagawa sa pamamagitan ng paglubog sa tubig.

19. Ang pagbabautismo ay para lamang sa may sapat na edad, at may pang-unawa, sa mga nagsisisi at

nanampalataya kay Cristo.

20. Ang bautismo ay hindi dapat patagalin, dapat magpabautismo pagkatapos na ang tao ay magsisi at

manalig kay Cristo para sa kanyang kaligtasan.

B. Isang mahalagang puntong pangwakas: Ang tugon natin sa ginawa ni Cristo para sa ating

kaligtasan ay hindi dapat isipin na ito ay serye ng mabubuting gawa para tayo maligtas.

1. Maling kaisipan: Pagsisisi + Pananampalataya + Bautismo = Kaligtasan

a. Ito ang kinaugaliang kaisipan ng maraming tao. Kapag ginawa natin ito, madali nating gawin ang

“pananampalataya”, “pagsisisi” at “bautismo” bilang mabubuting gawa para makamtan ang

kaligtasan. Pero itinuturo sa Biblia na hindi tayo maliligtas sa pamamagitan ng ating mabubuting

gawa.

2. Tamang kaisipan: Biyaya = Pananampalataya = Kaligtasan = Mabubuting gawa

a. Bilang nagpapahalaga sa kahabagang ipinakita ng Diyos sa akin sa pamamagitan ni Jesu-Cristo at ng

kanyang buhay, kamatayan at pagkabuhay na muli para sa mga makasalanan, ako ay tumutugon ng

may pagpapakumbaba na may:

1) Pananampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo sapagkat nalaman ko ang katuwiran at kaligtasan ay sa

Kanya lamang matatagpuan at wala akong maiaambag na kahit ano para sa aking kaligtasan.

2) Pagsisisi at pagtalikod sa kasalanan dahil nalaman ko sa liwanag ng kahabagan ng Diyos na ipinakita

sa akin ni Cristo, na kahangalan ang nagpapatuloy sa pagrerebelde at pagsuway sa Diyos at nalaman

ko rin na ang pagsisisi ay kaloob ng Diyos

3. Bautismo sa tubig, bilang unang hakbang ng pananampalataya na may pasasalamat sa Diyos dahil sa

pagliligtas ni Cristo, nagpapasakop ako sa Kanyang pagtawag na mabautismuhan.

59

b. Sa ganitong uri ng kaisipan, hindi mo makikita na ang "pananampalataya, pagsisisi at bautismo"

bilang mabubuting gawa ay para matamo ang kaligtasan. Ang angkop na pananaw ay ang makita sila

bilang mga simpleng tugon sa kahanga-hangang gawa ng kaligtasan na ginawa na ni Cristo. Ang mga

bagay na ito (pananampalataya, pagsisisi at bautismo) ay mga tugon din sa mga panloob na ginawa ng

Diyos sa ating kalooban.

VI. PANGWAKAS NA HAMON

II Corinto 5:20 – Kaya't kami ay mga sugo para kay Cristo, yamang ang Diyos ay nananawagan sa

pamamagitan namin. Kami'y nananawagan sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Diyos.

II Corinto 6:1-2 – 1) Yamang gumagawa kaming kasama niya, nananawagan din kami sa inyo na

huwag ninyong tanggapin ang biyaya ng Diyos nang walang kabuluhan. 2) Sapagkat sinasabi niya, "Sa

panahong kanais-nais ay pinakinggan kita, at tinulungan kita sa araw ng kaligtasan." Ngayon na ang

panahong kanais-nais; ngayon na ang araw ng kaligtasan.

A. Bilang manggagawa ng Diyos, hinahamon namin kayo na makipagkasundo sa Diyos. Na tinanggap

na ninyo ang mga aral na ito. Narinig na ninyo ang katotohanan tungkol sa Diyos. Alam na ninyo ang

makasalanang kalagayan ng tao. Natutunan na ninyo ang ginawa ni Jesu-Cristo at nakita na ninyo

ang ipinag-uutos na tugon na ibinigay sa makasalanang tao. Ngayon, ang tanong:

1. Ano ang iyong gagawin? Ikaw ba ay tutugon kay Cristo at sa Kanyang pagtawag na magsisi,

manampalataya, at magpabautismo?

2. O tatanggihan mo itong "Magandang Balita" at manatiling hiwalay sa Diyos… sa daang patungo sa

impiyerno.

B. Kaibigan, ngayon ang "araw ng kaligtasan" Sana, ikaw ay tumugon at magsisi at sumampalataya

kay Cristo at sundin Siya sa pagpapabautismo.

60

ANG BANAL NA KASULATAN

(ang bahaging ito ay kinuha mula sa 1689 Confession of Faith)

1. Ang Banal na Kasulatan lamang ang sapat, tiyak at di-maaaring magkamali na tuntunin o pamantayan

ng nagliligtas na kaalaman, pananampalataya at pagtalima.(1)

Ang kalikasan at gawa ng Diyos ng

paglikha at probidensiya, ay nagbibigay ng malinaw na patotoo sa Kanyang kabutihan, karunungan at

kapangyarihan na anupa't ang tao na hindi pumapansin sa patotoo nito ay walang maidadahilan.(2)

Nguni't ang mga ito ay hindi sapat sa Kanilang sarili na makapagbigay ng kaalaman at kalooban ng

Diyos na kailangan para sa kaligtasan.(3)

Dahil dito, ang maawaing Panginoon sa iba't ibang panahon

at ibang paraan ay naghayag ng Kanyang sarili at ipinaalam ang Kanyang kalooban sa Kanyang

Iglesia.(4)

Bukod dito, upang lalong matiyak ang pangangalaga at pagpapalaganap ng katotohanan, at

ang pagtatatag at kaaliwan ng Iglesia laban sa likas na kasamaan ng tao at sa linlang ni Satanas at sa

sanlibutan, ginawa Niya ang buong pagpapahayag ng Kanyang sarili at ng Kanyang kalooban na

maisulat. At yamang ang paraan ng pagpapahayag ng Diyos sa Kanyang kalooban noong una ay

matagal nang natigil,(5)

ang Banal na Kasulatan ay naging lubos na pangangailangan ng tao.(6)

1. Isaias 8:20; Lucas 16:29-31; Efeso 2:20; II Timoteo 3:15-17

2. Awit 19:1-3; Roma 1:19-21, 32; 2:12a, 14-15

3. Awit 19:1-3 at vv. 7-11; Roma 1:19-21; 2:12a, 14-15 at 1:16-17; 3:21

4. Hebreo 1:1-2a

5. Hebreo 1:1-2a; Gawa 1:21-22; II Corinto 9:1; 15:7-8; Efeso 2:20

6. Kawikaan 22:19-21; Lucas 1:1-4; II Pedro 1:12-15; 3:1; Deuteronomio 17:18; 31:9, 19; I Corinto

15:1; II Tesalonica 2:1-2, 15; 3:17; Roma 1:8-15; Galacia 4:20; 6:11; I Timoteo 3:14; Pahayag

1:9, 19; 2:1, atbp.; Roma 15:4; II Pedro 1:19-20.

2. Ang Banal na Kasulatan, o Salita ng Diyos na nasulat ay naglalaman ng mga sumusunod na mga aklat

na sama-samang bumubuo ng Luma at Bagong Tipan.

Ang mga aklat ng

LUMANG TIPAN

Genesis

Exodo

Levitico

Bilang

Deuteronomio

Josue

Hukom

Ruth

I Samuel

II Samuel

I Hari

II Hari

I Cronica

II Cronica

Esdras

Nehemias

Esther

Job

Mga Awit

Mga Kawikaan

Mangangaral

Awit ni

Solomon

Isaias

Jeremias

Mga Panaghoy

Ezekiel

Daniel

Oseas

Joel

Amos

Obadias

Jonas

Micas

Nahum

Habacuc

Zofonias Ageo

Zacarias

Malakias

Ang Mga Aklat ng

BAGONG TIPAN

Mateo

Marcos

Lucas

Juan

Mga Gawa

Roma

I Corinto

II Corinto

Galacia

Efeso

Filipos

Colosas

I Tesalonica

II Tesalonica

I Timoteo

II Timoteo

Tito

Felimon

Hebreo

Santiago

I Pedro

II Pedro

I Juan

II Juan

III Juan

Judas

Pahayag

61

Ang lahat ng mga aklat na ito ay hiningahan ng Diyos para maging tuntunin o pamantayan ng

pananampalataya at buhay.(7)

7. II Timoteo 3:16 at I Timoteo 5:17; II Pedro 3:16

3. Ang mga aklat na karaniwang tinatawag na Apocrypha ay hindi hiningahan ng Diyos at hindi bahagi

ng canon o tuntunin ng Kasulatan. Kaya nga ang mga ito ay walang taglay na anumang

kapangyarihan sa Iglesia ng Diyos. Dapat lamang na ituring o gamitin ito gaya ng ibang aklat na

sinulat ng tao.(8)

8. Lucas 24:27, 44; Roma 3:2

4. Ang Kasulatan ay nagpapatotoo at nagpapatibay sa kanyang sarili. Ang kapamahalaan at

kapangyarihan nito ay hindi batay sa patotoo ng sinumang tao o Iglesia,(9)

kundi lubos na mula sa

Diyos lamang, na may-akda at Siya mismo ang katotohanan. Ito ay dapat tanggapin at

sampalatayanan sapagka't ito ay Salita ng Diyos.(10)

9. Lucas 16:27-31; Galacia 1:8-9; Efeso 2:20

10. Mateo 4:1-11; 5:17-18; 13:35; 22:32; 22:41; 26:54; Lucas 16:17; 22:37; Juan 10:35; 13:18;

19:24, 34-36; Gawa 1:16; 2:16; 2:24; 4:25; 13:18, 34-35; Rom. 1:2; 3:2; 9:17; 15:4; I Corinto

10:11; Galacia 3:8,16; I Tesalonica 2:13; I Timoteo 3:15; II Timoteo 3:16; II Pedro 1:19-21; I

Juan 5:9

5. Ang patotoo ng Iglesia ng Diyos ay maaaring makaimpluwensiya at makahikayat sa atin na magbigay

ng pinakamataas na paggalang at pagtatangi sa Banal na Kasulatan.(11)

Ang makalangit na nilalaman

nito ay nagbibigay ng mabisang pagtuturo. Ang paraan ng pagkakasulat ay marangal. Ang bawa't

bahagi nito ay nagkakaisa at nagbibigay ng buong luwalhati sa Diyos. Ang Kasulatan ay nagtuturo ng

ganap na kaalaman tungkol sa tanging daan ng kaligtasan. Ang mga nabanggit at ang marami pang

kadahilanan ay nagpapatunay na ang Kasulatan ay Salita ng Diyos.(12)

Gayon pa man, aming

kinikilala ang paggawa ng Banal na Espiritu sa aming puso. Ang Banal na Espiritu na nagpapatotoo

kasama ng Salita ay nagbibigay ng katiyakan na ang Kasulatan ay walang kamalian at may

kapamahalaang galing sa Diyos.(13)

10. II Timoteo 3:14-15

11. Deuteronomio 31:11-13; Jeremias 23:28-29; Marcos 16:15-16; Lucas 16:27-31; Juan 6:63;

20:31; Galacia 1:8-9; Hebreo 4:12-13; I Pedro 1:23-25

12. Mateo 16:17; Juan 3:3; I Corinto 2:4-5,10-12,14; I Tesalonica 1:5-6; I Juan. 2:20-21, 27

6. Ang kabuuan ng kapahayagan ng Diyos tungkol sa lahat ng bagay na mahalaga sa Kanyang

kaluwalhatian, sa kaligtasan, pana-nampalataya at buhay ng tao ay nasa Kasulatan. Ang mga ito ay

maliwanag na isinulat o di kaya ay inihayag ng di-tuwiran. Walang anumang maaaring idagdag sa

Kasulatan maging ito'y ipinalagay na pahayag ng Espiritu o mga turo ng tao o tradisyon.(14)

Gayon pa

man, kinikilala namin ang pagpapaunawa ng Banal na Espiritu. Ito ay mahalaga para sa

kinakailangang pang-unawa sa mga ipinahayag ng Kasulatan.(15)

May mga bahagi ng pagsamba sa

Diyos at ng pamamahala ng Iglesia na maaari nating gawin ayon sa pang-unawang Cristiano. Ang

lahat ng ito ay dapat maging ayon sa pangkalahatang pagtuturo ng Kasulatan na siyang dapat nating

sundin.(16)

14. Deut. 4:2; Awit 19:7; 119:6, 9, 104, 128; Gawa 20:20, 27; Galacia 1:8-9; II Timoteo 3:15-17

15. Juan 6:45; I Corinto 2:9-12

16. I Corinto 14:26, 40

62

7. Ang mga nilalaman ng Kasulatan ay nagkakaiba-iba sa kanilang antas ng kalinawan,(17)

at ang ilang

mga tao ay may higit na pag-unawa kaysa iba.(18)

Gayon man yaong mga bagay na mahalaga sa

kaligtasan ng tao na kailangan na malaman, sampalatayanan at isabuhay ay napakalinaw na inihayag

at ipinaliwanag sa ilang bahagi. Kaya ang mga taong may pinag-aralan o wala ay magkakaroon ng

sapat na pagkaunawa ng mga ito kung sila lamang ay gagamit ng karaniwang pamamaraan.(19)

17. II Pedro 3:16

18. II Timoteo 3:15-17

19. Deuteronomio 30:11-14; Awit 19:7-8; 119:105; II Timoteo 3:14-17; II Pedro 1:19

8. Ang Lumang Tipan sa Hebreo at Bagong Tipan sa Griego (ibig sabihin ang orihinal na wika bago

isinalin sa ibang wika) ay hiningahan ng Diyos.(20)

At simula noon, sa pamamagitan ng Kanyang

natatanging pag-iingat at probidensiya, ang mga ito ay napanatiling dalisay. Ang mga ito nga ay tunay

at totoo, kaya't dapat maging laging batáyan ng pagtatalong pang-relihiyon.(21)

Ang Banal na

Kasulatan ay mahalaga at kapakipakinabang sa mga mananampalataya kaya ipinag-uutos na

basahin(22)

at saliksikin ito(23)

nang may takot sa Diyos. Dahil hindi lahat ng mga tao ay nakakaunawa

ng wikang Hebreo at Griego, ang Kasulatan ay dapat isalin sa lahat ng wika ng tao.(24)

Ito'y upang

higit na marami ang makaalam ng katotohanan, makakilala at makasamba sa Diyos sa katanggap-

tanggap na paraan at sa pamamagitan ng pagtitiis at pag-aliw ng Kasulatan ay magkaroon ng pag-

asa.(25)

20. Roma 3:2

21. Mateo 5:18

22. Isaias 8:20; Juan 10:34-36; Gawa 15:15; II Timoteo 3:16-17

23. Deuteronomio 17:18-20; Kawikaan 2:1-5; 8:34; Juan 5:39, 46

24. I Corinto 14:6, 9, 11-12, 24, 28

25. Roma 15:4; Colosas 3:16

9. Isang tiyak at di-maaaring magkamaling tuntunin na ang Kasulatan ay bibigyang-pakahulugan sa

pamamagitan ng Kasulatan. Kaya't kung may pagtatalo ukol sa tunay na kahulugan ng isang bahagi,

ang kasagutan ay dapat hanapin sa higit na malinaw na bahagi ng Kasulatan.(26)

26. Isaias 8:20; Juan 10:34-36; Gawa 15:15, 16; II Pedro 1:20-21

10. Ang lahat ng pagtatalo sa relihiyon ay dapat tugunin sa pamamagitan ng Kasulatan lamang. Ang

mga utos ng anumang kapulungan, kuru-kuro ng mga sinaunang doktrina ng mga tao ay tatangapin o

tatanggihan ayon sa hatol ng Kasulatan na ibinigay sa atin ng Banal na Espiritu. At sa kahatulang ito,

tayo ay maninindigan.(27)

27. Mateo 22:29-32; Gawa 28:23-25; Efeso 2:20

63

64

MAARI NATING PANIWALAAN ANG BIBLIA

Ang bantug na mga naghimagsik sa barkong Bounty ng Britanya ay

nanirahan na kasama ang kanilang mga katutubong babae sa malungkot

na pulo ng Pitcairn sa Timog Pasipiko. Ang pangkat ay binubuo ng

siyam na magdaragat ng Britanya, anim na mga lalaki at sampung mga

babaeng taga-Tahiti, at isang babaeng labinlimang taong gulang. Isa sa

mga magdaragat ang nakatuklas ng pagdalisay ng alkohol, na siyang,

hindi nagtagal, ay nagpasama sa pulo. Ang paglalaban ng mga

naninirahan doon ay naging marahas.

Pagkaraan nito, isa lamang sa orihinal na mga nakarating sa pulo ang

natirang buhay, Ang lalaking ito, si Alexander Smith, ay nakatagpo ng

Biblia sa isang kaban na nakuha sa barko. Binasa niya ito at itinuro sa iba ang kanyang natutuhan.

Nagbago ang kanyang buhay, at gayundin ng lahat na nasa pulo.

Ang mga taga-pulo ay lubos na nakabukod sa panlabas na daigdig hanggang sa pagdating ng barkong

Topaz ng Estado Unidos ng Amerika noong l808. Ang mga tripulante nito ay nasumpungan na ang pulo

ay isang lumalago at umuunlad na komunidad na walang alak, walang piitan, walang krimen. Binago ng

Biblia ang pulo mula sa isang impiyerno sa lupa tungo sa halimbawa ng sanlibutan na nais ng Dios.

Ganito pa rin ito hangga ngayon.

Ang Dios ba ay nagsasalita pa rin sa mga tao sa pamamagitan ng mga pahina ng Biblia? Tiyak ito.

Habang sinusulat ko ito, nakatingin ako sa sulatan ng mga sagot na ipinadala sa amin ng magaaral ng isa

sa aming mga kurso ng Biblia. Sa dakong ibaba ay nakasulat, "Ako'y nasa hanay ng kamatayan sa loob

ng piitan, na nahatulan dahil sa isang krimen. Bago ako nagaral nito, ako ay waglit, ngunit ngayon ay

mayroon akong tinatanaw sa hinaharap, at nakasumpong ako ng bagong pagibig."

Ang Biblia ay may kapangyarihang bumago ng buhay. Kapag tunay na pinagaralan ng tao ang Biblia,

ang buhay ay madulaing nababago.

1. KUNG PAANONG NAGSASALITA SA ATIN ANG DIOS SA PAMAMAGITAN NG BIBLIA

Pagkatapos likhain sina Adan at Eva, ang Dios ay nakipagusap sa kanila nang harapan. Ngunit nang

dalawin sila ng Dios pagkatapos na sila ay nagkasala, ano ang ginawa ng magasawa?

"Ang lalaki at ang kanyang asawa ay narinig ang tinig ng PANGINOON

Dios samantalang siya ay naglalakad sa halamanan sa lilim ng araw at SILA

AY NAGTAGO MULA SA PANGINOONG DIOS sa mga puno ng

halamanan." – Genesis 3:8.

Ang kasalanan ay sinira ang harapang pakikipagusap sa Dios. Pagkaraang

dumating ang kasalanan sa ating sanlibutan, paanong nakipagtalastasan ang

Dios sa mga tao?

"Tunay na ang Makapangyarihang Panginoon ay walang gagawin kundi

ihayag ang Kanyang panukala sa Kanyang lingkod na mga propeta"

– Amos 3:7.

65

Hindi tayo iniwan ng Dios sa kadiliman tungkol sa buhay at kahulugan nito. Sa pamamagitan ng

Kanyang mga propeta - mga taong tinawag ng Dios na magsalita at sumulat para sa Kanya - ipinahayag

Niya ang Kanyang mga tugon sa mga dakilang katanungan ng buhay.

2. SINO ANG SUMULAT NG BIBLIA?

Ang mga propeta ang nagbigay ng mga pabalita ng Dios sa pamamagitan ng tinig at panulat

samantalang sila ay buhay, at nang sila ay namatay, ang kanilang mga sinulat ay nabuhay pagkaraan

nila. Ang mga pabalitang ito ay tinipong magkakasama, sa ilalim ng pamamatnubay ng Dios, sa isang

aklat na tinatawag nating Biblia.

Gaano mapagkakatiwalaan ang kanilang mga sinulat?

"Dapat ninyong maunawaan na walang propesiya ng Kasulatan ang nagmula sa sariling

pakahulugan ng propeta. Sapagkat ang propesiya kailanman ay hindi nagmula sa kalooban ng

tao, kundi ang mga taong kinasihan ng Banal na Espiritu ay nagsalita mula sa Dios." - II Pedro

1:20, 21.

Ang mga sumulat ng Biblia ay sumulat hindi ayon sa kanilang sariling kalooban o

pagnanais, kundi sa pamamagitan ng pagkasi ng Banal na Espiritu! Ang Biblia ay

sariling aklat ng Dios!

Sa Biblia ay sinasabi sa atin ng Dios ang tungkol sa Kanyang Sarili at ipinahahayag

ang Kanyang mga adhikain para sa sangkatauhan. Ipinakikita nito ang pananaw ng

Dios sa nakaraan, at binubuksan din ang sa hinaharap, na sinasabi sa atin kung

paanong ang suliranin ng kasamaan ay lulunasan sa wakas at kung paanong ang

kapayapaan ay darating sa ating sanlibutan.

Ang lahat ba ng Biblia ay pabalita mula sa Dios?

"Ang lahat ng Kasulatan ay inihinga ng Dios at mapapakinabangan sa pagtuturo, sa pagsaway, sa

pagtutuwid at pagsasanay sa katuwiran, upang ang tao ng Dios ay maging ganap na nasasangkapang

lubos para sa lahat ng mabuting gawa."

Ang Banal na Kasulatan ay may malalim na bisa sa lahat sapagkat ang "lahat" ng Biblia ay "hiningahan

ng Dios," isang kinasihang kasulatan, ang Aklat ng Dios. Isinaysay ng mga propeta ang kanilang nakita

at narinig sa wika ng tao ngunit ang pabalita ay tuwirang nagmula sa Dios. Kaya kung nais mong

malaman kung tungkol sa ano ang buhay, basahin mo ang Banal na mga Kasulatan. Babaguhin nito ang

iyong buhay. Kung babasahin mo itong may panalangin, higit na kapayapaan ng pagiisip ang iyong

mararanasan.

Ang Banal na Espiritu na kumasi sa mga propeta na sulatin ang Biblia ay gagawin ang mga turo ng

Biblia, ang ebanghelyo nito, na mabisa sa pagbabago ng iyong buhay kung aanyayahan mo ang Espiritu

sa pagbasa mo ng Biblia.

3. ANG KAISAHAN NG BIBLIA

Ang Biblia sa katotohanan ay isang aklatan na may 66 na mga aklat. Ang 39 ng Matandang Tipan ay

sinulat mula noong dakong 1450 B. C. hanggang mga dakong 400 B. C., ang 27 mga aklat ng Bagong

Tipan ay sa pagitan ng A.D. 50 at A.D 100.

66

Sinimulan ni propeta Moises ang unang limang aklat ng Biblia sa panahong bago sumapit ang l400 B.C.

Ang alagad na si Juan ay sinulat ang huling aklat ng Biblia, ang Apokalipsis noong dakong 95 A.D. Sa

loob ng 1,500 taong nakapagitan sa pagkasulat ng una at huling aklat ng Biblia, mga 38 iba pang mga

kinasihang manunulat ang gumawa ng kanilang sariling kontribusyon. Ang ilan ay mga mangangalakal,

ang iba ay mga pastol, mga mangingisda, mga kawal, mga manggagamot, mga mangangaral, mga hari -

mga taong mula sa iba't-ibang kalakaran ng buhay. Sila ay nabuhay sa magkakasalungat na kultura at

pilosopiya.

Ngunit narito ang kahanga-hanga sa lahat: Nang ang 66 na mga aklat, kasama ang kanilang 1,189 na

mga kabanata na binubuo ng 31,173 mga talata ay pinagsama-sama ay nakasumpong tayo ng sakdal na

kaisahan at pagkakatugma ng pabalitang kanilang inihahatid.

Kung may taong tumuktok sa iyong pinto, at nang iyong papasukin ay

walang imik na nagiwan ng isang kakatuwang hugis ng marmol at

umalis. Ilan pang mga panauhin ang sunud-sunod na dumating hanggang

mga 40 katao ang nakapagiwan ng patung-patong na piraso ng marmol.

Nang makaalis ang kahuli-hulihan ay gulat kang nakita ang isang

magandang estatwa na nakatayo sa harap mo. Pagkatapos ay nalaman

mong ang mga "eskultor" ay ni hindi pa nagkikita kailanman sapagkat

sila ay mula pa sa iba't-ibang mga dako: ang ilan ay mula sa Timog Amerika, China, Rusya, Africa, at

iba pang bahagi ng sanlibutan. Ano ang iyong magiging konklusyon? Na may isang nagpanukala ng

estatwa at ibinigay sa bawat isa ang tiyak na detalye para sa kanyang piraso ng marmol.

Sa kabuuan ang Biblia ay nagpapahayag ng isang maliwanag na pabalita - katulad ng sakdal na

estatwang marmol. Isang kaisipan ang nagpanukala ng lahat nito, ang isip ng Dios. Ang kamangha-

manghang kaisahan ng Kasulatan ay nagpapatunay na bagaman mga tao ang sumulat, sila ay kinasihan

ng Dios.

4. MAPAGKAKATIWALAAN MO ANG BIBLIA

(1) Ang pananatili ng Biblia ay kamangha-mangha. Lahat ng mga unang sulat-kamay ng Biblia ay sinipi

ng kamay - matagal pa bago nagkaroon ng imprenta. Ang mga manunulat

ay sinipi ang orihinal nito at ipinamahagi. Libo-libo pa ng mga siping

yaon o bahagi nila ang nanatili pa. Ang orihinal na Hebreo ng Matandang

Tipan na mula pa noong 150 hanggang 200 taon bago pa isinilang si

Kristo ay natagpuan sa malapit sa Dagat na Patay noong 1947.

Nakakagulat na ang may dalawang libong taon nang mga balumbong ito

ay nagtataglay ng gayunding katulad na katulad na katotohanan na nasa

Matandang Tipan ng mga Biblia na nililimbag ngayon. Ito ay

makapangyarihang katibayan na lubos na mapagkakatiwalaan ang Salita

ng Dios.

Ang mga alagad ay unang isinulat ang marami sa Bagong Tipan bilang mga liham na kanilang ipinadala

sa mga Kristiyanong iglesya pagkatapos na mamatay at muling mabuhay si Kristo. Mahigit sa 4,500

mga sulat-kamay ng buong Lumang Tipan o bahagi nito ay nakatanghal sa mga dakilang museo at

aklatan ng Europa at Amerika. Ang ilan sa kanila ay mula pa noong ikalawang siglo. Kung

paghahambingin ang mga unang sulat na ito at ang Biblia ngayon, madali nating makikita na ang

Bagong Tipan ay halos nanatili ring hindi nababago mula nang ito ay sulatin. Ngayon ang Biblia o mga

bahagi nito ay naisalin na sa mahigit na 2,060 mga wika. Ito ang pinakamabili sa buong sanlibutan:

mahigit na 150 milyong mga Biblia at bahagi nito ang naipagbibili taun-taon.

67

(2) Ang makasaysayang kawastuan ng Biblia ay kamangha-mangha. Maraming tuklas ng arkeolohiya

ang nagpapatunay ng kawastuan ng Biblia. Ang mga manunulat ng kasaysayan ay nakasumpong ng

mga sulatang luwad (clay tablets) at mga monumentong bato na nagtataglay ng mga pangalan, lugar,

at mga pangyayari na dating nalalaman lamang sa Biblia.

Halimbawa, ayon sa Genesis 11:31, si Abraham at ang kanyang sambahayan ay "uamlis sa Ur ng mga

Caldeo upang magtungo sa lupain ng Canaan." Dahil sa tanging ang Biblia lamang ang bumanggit sa

Ur, may mga iskolar na nagsasabi na kailanman ay walang ganoong lungsod. Pagkaraan nito ang mga

arkeologo ay nakahukay ng tore ng templo sa Timugang Iraq, na sa dakong ibaba nito ay nakasulat ang

pangalang Ur. Ang mga sumunod na tuklas ay nagbunyag na ang Ur ay isang lumalagong lungsod ng

isang maunlad na kabihasnan. Ang pagkakakilanlan ng lungsod ay nalimutan na, tanging ang Biblia ang

nagpanatili ng pangalan nito - hanggang ang pala ng arkeologo ay nagpatunay ng katotohanan nito. Ang

Ur ay isa lamang sa maraming halimbawa ng pagpapatunay ng arkeolohiya sa kawastuan ng Biblia.

(3) Ang wastong katuparan ng mga pahayag ng Biblia ay ipinakikita na mapagtitiwalaan mo ito. ang

kasulatan ay nagtataglay ng maraming kamangha-manghang pahayag ng mga pangyayari sa

hinaharap na natutupad sa harap ng ating sariling paningin. Susuriin natin ang ilan sa mga kagila-

gilalas na mga propesiya sa mga susunod na aralin.

5. KUNG PAANONG MAUUNAWAAN ANG BIBLIA

Sa pagsaliksik mo ng Salita ng Dios, panatilihin ang mga simulaing ito sa isip:

(1) Pagaralan ang Bilia na may mapanalangining puso. Kung

babashin mo ang Biblia na may puso at isipang binuksan ng

panalangin, ito ay magiging isang personal na pakikugnay kay

Jesus (Juan 16:13-14).

(2) Basahin ang Biblia araw-araw. Ang araw-araw na pagaaral ng

Biblia ay susi sa kapangyarihan sa ating mga buhay, isang

pakikipagtagpo sa isipan ng Dios (Roma 1:16).

(3) Sa pagbasa mo nito, bayaang ang Biblia ang magsalita para sa kanyang sarili. Itanong: Ano ang ibg

na sabihin ng sumulat? Kung mauunawaan ang kahulugan ng isang talata, may katalinuhan nating

magagamit ito sa ating buhay ngayon.

(4) Pagaralan ang Biblia sa bawat paksa. Ihambing ang kasulatan sa kasulatan. Ginamit ni Jesus ang

ganitong paraan upang Kanyang patunayan na Siya ang Mesiyas.

"At pasimula kay Moises at lahat ng mga Propeta, ipinaliwanag Niya sa kanila ang sinasabi sa

LAHAT ng mga Kasulatan tungkol sa Kanya." - Lucas 24:27.

Sa pagsasama-sama ng lahat na sinasabi ng Biblia sa isang tiyak na paksa makikinabang tayo ng isang

pantay na pananaw.

(5) Pagaralan ang Biblia upang tumanggap ng kapangyarihan na mabuhay para kay Kristo. Ang Salita

ng Dios ay inilalalrawan sa Hebreo 4:12 bilang isang matalas at may dalawang talim na tabak.

Mahigit ito kaysa mga salita lamang sa isang pahina, ito ay buhay na sandata sa ating mga kamay

upang labanan ang tukso na magkasala.

68

(6) Makinig sa Dios na nangungusap sa iyo sa pamamagitan ng Kanyang Salita. Kung nais ng tao na

makilala ang katotohanan ng Biblia tungkol sa isang tiyak na paksa, kailangan niyang kusang loob

na sundin ang itinuturo nito (Juan 7:17), at hindi ang iniisip ng tao, o kung ano sinasabi ng turo ng

iglesya.

6. BABAGUHIN NG BIBLIA ANG IYONG BUHAY

"Ang paghahayag ng mga salita ng Dios ay nagbibigay liwanag; nagbibigay ng unawa sa walang

karunungan."- Mga Awit 119:130.

Palalakasin ng pagaaral ng Biblia ang iyong "unawa," bibigyan ka ng lakas na mapanagumpayan ang

mga nakakasirang paguugali at bibigyan ka ng kakayahan na umunlad sa iyong pisikal, pangkaisipan,

moral at espirituwal na katauhan.

Ang Biblia ay nangungusap sa puso. Pinakikitunguhan nito ang mga karanasan ng sangkatauhan –

pagsilang, pagibig, pagaasawa, pagiging magulang, at kamatayan. Pinagagaling nito ang pinakamalalim

na sugat sa likas ng tao, kasalanan at ang kahirapan na bunga nito.

Ang Salita ng Dios ay hindi isang aklat ng isang lahi, ng isang

panahon, ng isang bansa o isang kultura. Bagaman ito ay isinulat sa

Silangan, nanawagan din ito sa mga lalaki at babae ng Kanluran.

Pumapasok ito sa mga tahanan ng maralita at mga mansyon ng

mayayaman. Gustung-gusto ng mga bata ang mga kagilagilalas nitong

mga kuwento. Ang mga bayani nito ay nagbibigay inspirasyon sa mga

kabataan. Ang mga maysakit, mga nalulungkot, at ang mga matatanda

ay nakasusumpong dito ng aliw at pagasa para sa higit na mabuting

buhay.

Sapagkat ang Dios ang gumagawa sa pamamagitan ng Biblia, ito ay may dakilang kapangyarihan.

Winawasak nito maging ang mga pusong pinatigas laban sa lahat ng damdaming-tao; pinalalambot at

pinupuno ang mga ito ng pagibig. Nakita na natin ang Biblia na binago ang isang dating tulisan at

sugapa sa opyo at naging isang masigasig na mangangaral. Binago na rin ng Biblia ang isang

sinungaling at isang mandaraya na maging isang tapat at matuwid na guro. Nakita rin natin ang Aklat na

inagaw ang mga tao sa bingit ng pagpapakamatay at pinagkalooban sila ng bagong pasimula na may

pagasa. Binubuhay ng Biblia ang pagibig sa mga magkakaaway. Pinapakumbaba nito ang mapagmataas,

at ang makasarili na maging mabuting-loob. Pinalalakas tayo ng Biblia sa ating kahinaan, pinalalakas

ang ating loob sa ating kawalang-pagasa, inaaliw tayo sa ating kalungkutan, pinapatnubayan tayo sa

ating kawalang katiyakan, at pinagiginhawa tayo sa ating kapaguran. Ipinakikita sa atin kung paanong

mabuhay na may katapangan at mamatay nang walang takot.

Bakit isinulat ang Biblia para sa atin? Ang sagot ni Jesus:

"Ngunit ang mga ito ay isinulat upang kayo'y sumampalataya na si Jesus ang Kristo, ang Anak ng

Dios; at sa pananampalataya ay magkaroon kayo ng buhay sa Kanyang pangalan." - Juan 20:31.

Ang pangunahing dahilan na dapat nating makilala ang Banal na Kasulatan ay ang katotohanan na ito ay

puno ng mga larawan na naghahayag kay Jesu-Kristo at tinitiyak sa atin ang buhay na walang hanggan.

Sa pagtingin natin kay Jesus sa buong Biblia, tayo ay nababago at nagiging higit na katulad Niya. Kaya

bakit hindi mo simulan ngayon na tuklasin ang kapangyarihan ng Salita ng Dios na gawin kang higit na

katulad ni Jesus?

69

70

Talaan ng mga Aklat

1689 Baptist Confession of Faith, English – Tagalog

Noel A. Espinosa; Grace Baptist Church Los Baños, Sow The Seed

Paul Washer; The Gospel’ Power And Message

Will Metzger; Tell the Truth: The Whole Gospel To The Whole Person

by Whole People

Ang Bagong Ang Biblia

Magandang Balita Biblia

Magandang Balita Biblia 2

Babala (series)

Rodel D. Lasco, Haydee D. Lasco; Ang Sampung Utos Para sa Kristiano

sa Makabagong Panahon.