Thesis-tagalog-Social-Networking-THEYAN
Transcript of Thesis-tagalog-Social-Networking-THEYAN
Isang Pag-aaral Ukol
sa mga Epekto ng Social Networking sa Ating Ekonomiya
Sulating Pananaliksik Bilang Bahagi ng
Mithiin ng Guro saFilipino IV
Diane P. Pimentel
IV-St. Margaret Mary
Mont Carmel College
Baler, Aurora
Bb. Rosalinda M. Canua
(Guro sa Filipino)
Marso 2009
Talaan ng Nilalaman
Approval Sheet ___________________________ i
Pasasalamat ______________________________ ii
Dedikasyon _______________________________ iii
KABANATA I
Panimula _______________________________ 1
Paglalahad ng Suliranin_________________ 2
Saklaw at Limitasyon ___________________ 3
Kahalagahan ng Pag-aaral _______________ 4
KABANATA II
Kaugnayan na Pag-aaral at Literatura__ 5-6
KABANATA III
Paraan ng Pananaliksik na Ginamit _____________ 7
KABANATA IV
Presentasyon at Interpretasyon __________________ 8-10
KABANATA V
Lagom, Konklusyon Rekomendasyon ___________________ 11-14
TALASALITAAN
BIBLIOGRAFI
CURRICULUM VITAE
Approval Sheet
Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang “Isang Pag-
aaral,ukol sa Epekto ng Social Networking sa Ating Ekonomiya” ay
inihanda at ipinasa ni Diane P. Pimentel bilang bahagi ng
katuparan ng proyekto sa Filipino-IV.
Nirekomenda ni:
_______________________
Bb. Rosalinda M. Canua
(Guro sa Filipino)
i
Pasasalamat
Sa lahat ng mga taong tumulong upang magkaroon ng kaganapan
ang gawaing ito, isang taos pusong pasasalamat. Sa aking pamilya,
na aking naging inspirasyon sa paggawa ng pananaliksik na ito,
sa kanilang walang sawang tulong at suportang pinansyal na
ibinigay upang matapos ang pangangailangan para dito. Sa mga
kaibigan, na tumulong at naging gabay ko sa paggawa nito. At
para sa aking guro, Bb. Rosalinda M. Canua na nakatuwang ko at
gabay upang magawa ang sulating pananaliksik na ito.
ii
Dedikasyon
Ang munting gawaing ito ay buong pagmamahal kong inaalay sa
aking pamilya. Sa aking mga butihing magulang G. at Gng. Jesse
P. Pimentel, na walang sawang sumubaybay saakin. Sa aking mga
kapatid na sina Olivelle Marie Pimentel at Jesse Pimentel II.
Sila ang aking mga inspirasyon sa buhay at ito ay taos puso
kong inihahandog sa kanila. Nagpapasalamat ako sa Poong May
kapal sa pagkakaloob sa akin ng pamilyang katulad ng mayroon ako
ngayon.
iii
Kabanata I
Panimula
Sa kasalukuyang panahon ay wala ng imposible. Ang lahat ay
abot kamay na lamang sa mura at mabilis na paraan. Sa isang
pindot lang ay maaari nang maabot ang iba’t-ibang panig ng mundo
sa pinakamalapit o pinakamalayo man ng dahil sa social
networking.
Tunay na naging napakatalino na ng tao, sana ay huwag
siyang makalimot na sa lahat ng ito ay manguna pa rin ang
pagkilala sa Dakilang Lumikha ng lahat. Ang Social Networking ay
maraming naidudulot na kabutihan subalit maaari ring magdulot ng
kasamaan kung pagmamalabisan.
Ang Social Networking ay bunga ng karunungan na kaloob ng
Panginoon na nararapat na gamitin sa mabuti at maayos na
pamamaraan.
1
Paglalahad ng Suliranin
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong masuri ang mga salik
at epekto ng Social Networking sa ating ekonomiya.
1. ) Ano ang Social Networking?
2. ) Epekto ng Social Networking.
3. ) Bakit mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa
kabila ng masasamang epekto nito satin?
4. ) Ano ang mga uri ng Social Networking?
2
Saklaw at Limitasyon
Ang pananaliksik na ito ay naghahangad lamang na malaman
ang ilang usapin ukol sa Social Networking at mga epekto nito sa
atin. Layunin ng pagsusuring ito na alamin ang impluwensya at
epekto nito sa mambabasa.
3
Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pag-aaral na ito ay nagsisilbing kapaki-pakinabang sa
lahat. Sa mga mambabasa nais kong maipabatid kung ano ang
maaaring epekto at impluwensya ng pag-aaral na ito.
Ayon sa Wikipedia, ang social networking ay isang
istrakturang sosyal na gawa sa mga nodes o sa mas madaling
salita, mga indibidwal na konektado ng isa o maraming tema tulad
ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual na
relasyon.
Nagsimula ang social networking noong 1995 sa pagtayo ng
isang social network o SN na nagngangalang Classmates.com, isang
websayt kung saan ang mga miyembro nito ay makahahanap ng
kanilang mga lumang kaklase maging sa kindergarden o sa kolehiyo
at mapanatili ang komunikasyon sa pagitan nila.
(Wikipedia Organization)
5
Ayon naman kina Boyd at Ellison (2007), ang social
networking sites ay mga serbisyong web-baed na nagbibigay sa mga
indibiwal para bumuo ng isang pangpublikong profile, ang tawag
sa impormasyong pormal na binibigay kapag nagrerehistro(ayon sa
www.gartner .com) na nakapaloob sa isang system, makita ang
profile ng ibang indibidwal kung saan siya ay konektado, at para
makita ang mga profile ng mga idibidwal na kasama niya sa
system. Idinagdag pa ng mga manunulat na ang SN ay nagiging
patok sa publiko dahil pinapayagan nitoang isang indibiwal na
makilala ang ibang tao.
Ayon sa kanila, ang pag-unlad ng Social Networking ay
nagsimula sa isang websayt . At sa websayt na ito, nabibigyan ng
pagkakataon ang mga tao na makagawa ng profile, mailista ang mga
kaibigan, at ma-surf ang listahan ng mga kaibigan. Nakatulong
ito sa mga tao para makonekta at makapag padala ng mga mensahe
sa mga kaibigan nito. Kahit marami ang naengganyo sa websayt na
iyon, hindi nila masayadong natatag ang nang mabuti ang
komersyong ito kaya hindi rin ito nagtagal
(Boyd at Ellison)
6
Kabanata III
Paraan ng Pananaliksik na Ginamit
Ang kabanatang ito ay naglalahad kung paano nakalap ang mga
impormasyon tungkol sa pag-aaral.
Paraang Ginamit
Ang mananaliksik ay gumamit ng isang “descriptive research
method”. Kung saan ito ay naglalaman ng mga nararapat na
impormasyong kailangan sa pag-aaral.
Instrumento na Ginamit
Ang mananaliksik ay gumawa ng mga katanungan bilang
instrumento sa pangangalap ng mga datos. Upang malaman ang mga
sanhi at bunga ng Social Networking sa ating paligid.
7
Kabanata IV
Presentasyon at Interpretasyon
Ang kabanatang ito ay naglalarawan kung paano nakuha ang mga
datos na nailahad. Sa pag-aaral at ang mga katulong sa paggawa
ng pag-aanalisa ng mananaliksik.
1. Ano ang Social Networking?
• Ang social networking ay isang istrakturang sosyal na
gawa sa mga nodes o sa mas madaling salita, mga
indibidwal na konektado ng isa o maraming tema tulad
ng kaugalian, ideya, pagkakaibigan, hilig, at sexual
na relasyon.
2. Epekto ng Social Networking.
• Epekto sa sarili
Dahil ang Internet ay isang sosyal na midyum, ito ay
nahihiligan ng mga teenagers bilang isang bagay o
maaaring pangyayari upang mapag-usapan ang isang
isyung pangmadla o kilala rin bilang forum para
ipakita ng kontra-sosyal at palabang ugali. Kadalasan,
ang komunikasyon sa Internet ay nauugnay sa madalas na
paggamit ng
mga insulto, mga mura, at agresibong pananalita.
Marahil ang kakayahan na lumabas sa isang pag-uusap sa
8
Internet ang dahilan ng pagdami ng mga gawaing ito.
Ito ay pwedeng iwan ng kung sinuman na nagsulat ng
masamang komento sa pamamagitan ng paglo-logoff.
• Epekto sa Pamilya
Dahil sa pagiging sapat ng relasyon sa Internet, ang
mga potensyal na pakinabang at disadbentahe ng
internet ay kaduda-duda. Ayon kay Kraut at kanyang mga
kasamahan sa isang longitudinal na pag-aaral sa 73
pamilya, nalaman nila na ang paggamit ng Internet ay
may kinalaman sa pagtaas ng depresyon at pagdalang sa
ugnayan sa mga kaibigan at pamilya.
• Epekto sa lipunan
Maraming epekto ang SN sa lipunan. Una, mas malalaman
ng mga teenager ang mga pangyayari sa kasalukuyan at
sa mundo sa ibang mga komunidad. Sa karagdagan,
nagkakaroon ng pagtaas ng kamalayan at oportunidad sa
mga teenagers na parte ng mga binubukod na grupo at
sumasali sa SN. Mas magkakaroon sila ng kaalaman sa
mga ibang kabataang tulad nila. Mayroon rin itong mga
masasamang epekto, isa na dito ay ang pagtaas ng
aktibismo na tutungo sa aksyong sosyal.
9
3. Bakit mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa
kabila ng masasamang epekto nito satin?
• Mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa
kabila ng masasamang epekto nito dahil ito ay kumukuha
ng identidad o impormasyon at pornograpiya. Lumabas
rin sa pag-aaral ang malawak na kamalayan sa
seguridad. Ito ay dahil sa mga karanasan ng kanilang
mga kaibigan o kaya ay sa sariling kaganapan sa
kanilang buhay. Isa pang dahilan ay ang mga lumalabas
sa media na nagging impluwensyal sa pananaw at
desisyon ng tao.
4. Ano ang mga uri ng Social Networking?
• Friendster.com
• MySpace
• Multiply
• Orkut
• Tagged
10
Kabanata V
Lagom
Ang papel na ito ay naglalarawan sa kaugalian ng mga tao
partikular ang mga estudyante tungkol sa social networking.
Marami ang naidudulot na maganda ang mga social networking sites
na ito para sa pakikipaghalubilo sa mundong virtual. Bagama’t
alam ng mga kabataan ngayon ang maaring maidulot sa kanila ng
pakikipaghalubilo sa iba’t ibang uri ng tao, ipinagpapatuloy pa
rin nila ang pagiging aktibo sa mga social networking sites na
ito sa kadahilanang nakikita nila at naipapakita nila ang
kanilang mga sarili sa pamamagitan ng mga ito. Itinuturing ng
mga kabataan ngayon ang social networking bilang isang “social
trend” na humahatak sa bawat estudyante na gumawa ng kani-
kanilang sariling account. Marami ring masamang naidudulot ang
pagkakaroon ng account sa mga social networking sites sapagkat
nawawala ang seguridad ng mga estudyante at maari silang
masangkot o mabiktima sa mga di kanais-nais na tao na mayroon
ding account sa social networking sites. Sa lahat ng mga nasabi,
mayroon ngang maganda at masamang epekto ang pagkakaroon ng
accounts sa mga social networking sites ngunit sa mga nakalap na
impormasyon, mas nakikita ng mga estudyante ang mabuting epekto
nito sa kanila at sa kanilang mga kaibigan, kapamilya at iba pa.
11
Lahat ng ebidensya ay nagtutugma upang ipakita na ang
social networking sites ay mahalaga nga sa mga kabataan ngayon
at ang mga benepisyo nito sa kanila ay kanila aming nararamdaman.
12
Konklusyon
Base sa isinagawang pag-aaral at sa mga nakalap na impormasyon
ay napag-alaman ang mga sumusunod:
1. Ang paggamit ng Social Networking ay higit na nakakabuti
para sa pakikihalubilo at pagpapakita ng sariling identidad.
2. Mas naging matimbang ang mabuting epekto nito sa kabila ng
masasamang epekto nito tulad ng mga kumukuha ng identidad o
impormasyon at pornograpiya.
3. Ang Social Networking ay nagtataglay ng pakikibahagi sa
isang komunidad ng mga tao upang maging malawak ang
kanilang kamalayan sa seguridad.
4. Ang Social Networking ay nanatiling mabuti pa rin ang
epekto sa iba sa kadahilanang pagkakaroon ng komunikasyon
sa mga kamag-anak sa ibang bansa, pagpapatibay ng relasyon
sa mga kaibigan at pakikipagkaibigan sa mga taong hindi
kakilala.
13
Rekomendasyon
Base sa mga nakuhang konklusyon sa pag-aaral na naisagawa,
inirerekomenda ng manunulat ang mga sumusunod :
1. Higit na pag-aralan pa ang paggamit ng Social Networking
Sites upang higit na maunawaan ang mga mabubuti at
masasamang implikasyon nito.
2. Maging maingat sa mga impormasyon na nilalathala sa iyong
network upang makaiwas sa mga manloloko.
3. Para sa mga kabataang gumagamit na Social Network Sites,
gamitin ito sa mabuting paraan.
4. Huwag samantalahin ang paggamit ng SN. Ito ay
makakatutulong upang mas mapaganda pa ang paggamit ng
social networking.
14
Talasalitaan
• Social networking - isang istrakturang sosyal na gawa sa
mga nodes o sa mas madaling salita, mga indibidwal na
konektado ng isa o maraming tema tulad ng kaugalian, ideya,
pagkakaibigan, hilig, at sexual na relasyon.
• Websayt- isang koleksyon ng mga pahinang Web, na tipikal na
karaniwan sa isang partikular na pangalan ng dominyo o sub-
domain sa World Wide Web sa Internet
• Kompyuter- isang uri ngmekanismong ang ginagawa ay
mangasiwa ng mga datos ayon sa mga panuto.
• Internet - kilala ring “information superhighway”ay
malawakang pang madlang daan na pinagsama-samang kompyuter
networks
15
Bibliografi
• Acquisti, A., & Gross, R. (2006). Imagined communities:
Awareness, information sharing, and privacy on the
Facebook. In P. Golle & G. Danezis (Eds.), Proceedings of
6th Workshop on Privacy Enhancing Technologies (pp. 36-58).
Cambridge, UK: Robinson College.
• Berkowitz, Stephen D. 1982. An Introduction to Structural
Analysis: The Network Approach to Social Research. Toronto:
Butterworth.
• Wikipedia
http://en.wikipedia.org/wiki/Computer
http://en.wikipedia.org/wiki/Internet
http://en.wikipedia.org/wiki/E-mail
http://en.wikipedia.org/wiki/Multiply.com
http://multiply.com/info/about
• Health and Home (2007-2008)
Patungkol sa Awtor
I. Personal na Datos
Pangalan: Diane P. Pimentel