Preliminary pages

52

Transcript of Preliminary pages

Dasmariñas East National High School

San Simon, Dasmariñas City, Cavite

“Mga Magandang Naidudulot sa mga

Pilipino sa Pagtangkilik ng

Kpop”

Isang Pamanahong papel na iniharap sa guro ng Departamento ngFilipino bilang pagtupad sa mga pangangailangan ng Asignaturang

Filipino IV ni:

Hanna Patricia E. Mabini

IV- RUBY

Iniharap kay:

Bb. Grace Camille B. Abelar

Guro sa Filipino IV

______________________

Petsa ng Pag-pasa

Dahong Pagpapatibay

Bilang pagtugon sa isa sa mga pangangailangan ng

asignaturang Filipino IV. Ang Pamanahong Papel na ito na may

paksang “Mga Magandang Naidudulot sa mga Pilipino sa

Pagtangkilik ng KPop” na pinaghandaan at sinumite ng may akda

bilang kumakatawan sa pag kumpleto ng proyektong kakailanganin sa

pagtatapos sa taong ito. Ito ay pinag-ukulan ng panahon at oras,

pinagtuunan ng pansin at sinuring mabuti upang aprubahan ng

kinauukulan.

Pinagtibay ni:

BB. GRACE CAMILLE B. ABELAR

Guro sa Filipino IV

Petsa:

Pasasalamat o Pagkilala

Buong puso akong nagpapasalamat sa mga taong naging parte sa pagbubuo ng pamanahong papel na ito. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

Sa Diyos na nagbigay ng talino at lakas sa akin upang maisagawa ang pag-aaral na ito.

Sa pamilya ko na nagbigay oras sa akin upang magawa at matapos ang pamanahong papel na ito.

Kay Kristine Abellada, sa pag-suporta at sa pagpapalakas ng aking loob na matapos ang pamanahong papel na ito.

Kay Bb. Grace Camille b. Abelar, guro sa Filipino IV, sa pag-apruba sa aking paksang napili at sa pag tatama ng ilang mga kamalian sa pamanahong papel na ito.

Sa mga kaibigan ko, at kapwa mga KPop fan na nag-paunlak na sagutan ang mga tanong na aking inihanda para sa pagsasaliksik sa paksang napili.

Kay Ecks Arboleda Jacobs, na nagbigay ng ilang mga impormasyon na kinakailangan sa pananaliksik.

Sa mga manunulat ng mga artikulo at pag-aaral na may kaugnayan sa paksang pinag-aaralan sa pag-payag na magamit ang ilan sa mga nilalaman ng kanilang mga gawa upang idagdag sa mga impormasyon na kinakailangan para sa pag-aaral na ito.

Muli maraming salamat po sa inyong lahat.

Talaan ng NilalamanI. KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

Introduksiyon …………………………………………………………………11

Layunin…………………………………………………………………………13

Kahalagahan ng Pag-aaral…………………………………………………13

Saklaw at Limitasyon………………………………………………………..14

Depinisyon ng mga Terminolohiya……………………………………….15

II. MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Korean Wave………………………………………………………………….17

KPop sa Pilipinas……………………………………………………………..17

Mga Pag-aaral na may kaugnay sa pagiging ‘Fan’

o taga-hanga…………………………………………………………………..19

III. DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Disenyo ng Pananaliksik……………………………………………………22

Respondente………………………………………………………………….22

Instrumento ng Pananaliksik………………………………………………23

Tritment ng Datos……………………………………………………………23

IV. PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS

Tanong 1……………………………………………………………………….25

Tanong 2………………………………………………………………………..26

Tanong 3………………………………………………………………………..27

Tanong 4………………………………………………………………………..28

Tanong 5………………………………………………………………………..29

Tanong 6………………………………………………………………………..30

Tanong 7 ………………………………………………………………………..31

Tanong 8………………………………………………………………………...32

Tanong 9………………………………………………………………………...33

Tanong 10………………………………………………………………………..34

V. LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom……………………………………………………………………………..36

Konklusyon……………………………………………………………………….36

Rekomendasyon…………………………………………………………………37

MGA PANGHULING PAHINA

Sanggunian……………………………………………………………………………………39

Mga Sarbey Kwestyoneyr …………………………………………………………………41

Bio Data ng Mananaliksik …………………………………………………………………81

Talaan ng Talahanayan o Graf

Graf 1: Paano mo nalaman ang tungkol sa KPop? ………………………………….25

Graf 2: Ilang taon at anong taon ka ng maging

taga-hanga ng KPop? ……………………………………………………………….26

Graf 3: Ilang mga Fanclubs ang kina-aaniban mo? ………………………………….27

Graf 4: Ano ang mga pagbabagong napansin mo sa sarili magmula

nang ikaw

ay maging taga-hanga ng

KPop?........................................................

................28

Graf 5: Sinusuportahan ka ba ng iyong pamilya sa

pagiging fan ng

KPop?........................................................

................................29

Graf 6: Naging maganda ba ang impluwensya sa iyo ng mga

kapwa-fan/taga

hanga?.......................................................

..................................30

Graf 7: Nang ikaw ay maging Kpop Fan, Nagkaroon ka ba ng lakas ng

loob

at tiwala sa sarili sa iyong mga

gawain?......................................................

..............31

Graf 8: Nagkaroon ka ba ng magandang samahan/relasyon

sa mga kaibigan/KPop

fan?.........................................................

.........................32

Graf 9: Nakakatulong ka ba sa kapwa bilang isang KPop fan?

………………….....33

Graf 10: Sa lahat-lahat, maganda ba ang naidulot sa

iyo ng pagiging KPop

fan?.........................................................

...........................34

KABANATA I:

ANG SULIRANINAT KALIGIRAN

NITO

A.Ang Panimula o Introduksyon

“Mga Magandang Naidudulot sa mga Pilipino ng Pagtangkilik sa

KPop”

Ang K-Pop o Korean Pop Music, na nagmula sa bansang South

Korea ay mabilis na sumikat hindi lamang s aSilangang Asya,

maging sa mga karatig bansa sa Asya, Amerika, Europeo. Taong 1992

nang unang lumabas ang unang grupo na ‘Seo Taiji & Boys’ sa

Korea, at naging sunud-sunod na ang pagdating/pagbuo ng mga

grupo, mga solo artists sa industriya ng Korea.

Nagsimulang makilala ang mga Korean Group na ito sa ibang

bansa dahil sa ilang mga palabas o koreanovela at mga ‘live show’

na ginawa sa iba’t ibang bansa; sa tulong ng internet, mabilis na

nakilala ang ‘Hallyu wave’ o Korean Wave sa ibang mga bansa.

Isa sa mga bansang tumanggap ng musikang Korean, ay ang

Pilipinas. Isa ang Pilipinas sa may malaking ‘fanbase’ ng KPop

sa Timog Silangang Asya. Sa kasalukuyan, mayroong anim na’pu na

mga ‘fanclubs’ ang opisyal na naka-rehistro sa Philippine KPop

Committee Inc., ang nag-iisang pinakamalaking ‘non-profit

organization’ ng KPop sa bansa. Ang PKCI ay naglalayong pag-

isahin ang lahat ng mga tagahanga ng KPop sa Pilipinas at

magbigay tulong sa mga kababayan. Ang Gawad Kalinga Community

Development Projects at the Philippine Animal Welfare Society

(PAWS) ang tinutulungan ng PKCI, mula sa mga kinita ng

‘Philippine KPop Convention’ na ginaganap taun-taon. Ang bawat

mga “fanclubs” naman ay nagkaroon ng iba’t ibang mga proyekto

upang tumulong sa mga kapwa Pilipino.

Sa bawat indibidwal na Pilipinong humahanga sa K-Pop, marami

din ang mga magandang naidulot sa kanila nito. Una sa laging

binabanggit ng mga tagahanga ng K-Pop na naidulot sa kanila sa

pag-tangkilik dito ay nagkaroon sila ng lakas ng loob na ipakita

ang mga talentong mayroon sila sa harap ng maraming tao. Maraming

mga nabuong ‘cover group’ at mga ‘soloist’ sa Pilipinas na

nakikipag-kompitensya sa ibang mga grupo at ang ilan ay naka-abot

hanggang sa isa sa pinakamalakig patimpalak para sa mga grupong

nagsasayaw ng mga Kpop dance na ginaganap sa Korea taun-taon. At

maging ang tatlong Pilipinong taga-hanga ng Kpop ay sumali sa

isang patimpalak na “KPop Star Hunt”. Isa din sa mga naidulot ng

Kpop sa mga Pilipino ay ang pagkakaroon ng karagdagang kaalaman

hindi lamang sa musika, kundi maging sa kultura ng bansang Korea.

Nagkaroon din ng magandang samahan at relasyon ang mga Pilipinong

tumatangkilik sa Kpop sa isa’t-isa.

B.Layunin

Ang pagsasagawa ng pamanahong papel na ito na may paksang “Mga

Magagandang Naidudulot sa mga Pilipino sa Pagtangkilik ng KPop”

ay naglalayong ipaalam higit kanino man ang mga magagandang bagay

na naidulot sa mga Pilipinong tagahanga nito sa kabila ng mga

maling kaisipang maaari itong makasira sa buhay ng isang taga-

hanga.

Sa pagsasaliksik sa paksang ito, masasagot ang katanungang: “Anu-

ano nga ba ang magagandang naidulot ng KPop sa mga Pilipinong

taga-hanga?”

C.Kahalagahan ng Pag-aaral

Naniniwala ang mananaliksik na mahalaga ang pagsasagawa ng

pagsasaliksik sa paksang “Mga Magagandang Naidudulot sa mga

Pilipino ng pagtangkilik sa KPop” para sa mga mag-aaral, guro at

mambabasa ng pamanahong papel na ito, upang magkaroon ng kaalaman

patungkol sa nasabing paksa. Ang pamanahong papel din na ito ay

makatutulong sa mananaliksik upang mabigyang kasagutan ang mga

katanungan na umiikot sa kanyang isip ukol sa mga naidudulot na

maganda ng KPop sa mga Pilipinong tagahanga.

D.Saklaw at Limitasyon

Ang pamahanong papel na ito ay sumasaklaw lamang sa mga

Pilipinong may edad 13-25 taong gulang na tumatangkilik sa KPop

dahil sila ang tanging makakasagot ng mga katanungang ihaharap ng

mananaliksik para sa pamanahong papel na ito.

Ang mananaliksik ay magtatakda ng haba ng panaho upang masagutan

ng mga respondente ang mga tanong, ito ay mula Nobyembre 14

hanggang Disyembre 21.

Ang pagsasagawa ng pananaliksik ukol sa paksa ay tanging

nakabatay sa magiging kasagutan ng mga respondente sa sarbey na

sasagutan at mga pag-aaral ng iba na gagamiting sanggunian ng

mananaliksik at walang idadagdag na mga kaisipang walang matibay

na patunay.

Sa pagsasagawa nito ay lilimitahan lamang sa dalawampu ang bilang

ng mga respondente upang madaling mabilang at mabahagi ang mga

sagot.

E. Depinisyon ng mga Terminolohiya

KPop- Korean Pop Music

Hallyu wave- pagtaas ng pagkilala sa kultura ng bansang

Korea.

Fanclubs- organisasyon ng mga taga-hanga/tumatangkilik

sa mga palabas/artista.

Fanbase- Pinagsama-samang bilang ng mga taga-hanga sa

isang lugar o bansa.

Kabanata II:

Mga Kaugnayna Pag-aaralat Literatura

Korean Wave

Ang KPop o Korean Pop Music na nagmula sa bansang Timog

Korea, ay nagsimula noon pa mang 1990s. Nagsimula itong makilala

sa iba’t ibang bansa pagpasok ng taong 2000 hanggang sa

kasalukuyan. Sa tulong ng internet at mga palabas, mabilis na

nakilala ang KPop sa Asya at maging sa mga karatig pang

kontinente. Dahil sa patuloy na pagkilala ng mga tao dito,

nagkaroon na din ng mga ‘fanbase’ sa bawat bansa ang KPop na

sinasalihan ng napakaraming mga taga-hanga.

KPop sa Pilipinas

Sa patuloy na pagsikat ng mga kantang Korean, isa ang

Pilipinas sa mga tumanggap nito. Malaki ang naging porsyento ng

mga “Kpop Fan” na Pilipino sa populasyon ng Pilipinas. Hindi

lamang sa Luzon, kundi maging sa Visayas at Mindanao ay umabot na

rin ang tinatawag na ‘Hallyu Wave’. Bago pa man pumasok ang KPop,

namayagpag na rin sa Pilipinas ang mga koreanovelas tulad ng Autumn

in My Heart, Full House at Lovers in Paris. Dahil sa interes ng

mga Pilipino sa mga palabas na ito, naging madali para sa mga

artista sa Korea ang makilala ng mga Pilipino. Taong 2009, nang

sumikat ang kantang Nobody ng Wondergirls at Fire ng 2NE1.

Nagtuloy-tuloy ang pagsikat ng mga kantang Korean sa Pilipinas

mula noon. Nang taon din na iyon, ginanap ang una at

pinakamalaking ‘Kpop event’ sa Pilipinas, ang Philippine KPop

Convention sa Philippine International Convention Center (PICC).

Taong 2010, nang dumating ang grupong Super Junior sa Pilipinas

para sa kanilang Super Show 2: Asian Tour noong ika -10 ng Abril.

Nagsunod-sunod ang pagdagsa ng mga Korean artists sa Pilipinas

tulad ng mga grupong BEAST, U-KISS, 4MINUTE, 2NE1, BIGBANG,

CNBLUE, FT ISLAND. Taunang ginaganap na rin ang Philippine Kpop

Convention kung saan dinadaluhan ng mga taga-hangang Pilipino

mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Bawat mga fanclubs, ay nagkakaroon din ng mga programa upang

tumulong sa mga kababayan. Tulad ng B.A.P. PH na nagkaroon ng mga

programa para sa mga kabataang Pilipino, na ibinigay sa UNICEF

Philippines. Ang KPOP Charity Ball noong 2014 kung saan, ang mga

kinita dito ay gagamitin para sa mga estudyanteng iskolar ng

PKCI. Ganito rin ang mga ginagawa ng BIGBANG PH, noong 2009 na

manalanta ang Bagyong Ondoy, nagkaroon din ang BBPH ng mga fund

raising at boluntaryong pag-tulong sa mga kababayan.

Taong 2013 nang masalanta ang Visayas ng Bagyong Yolanda na

sumira ng mga imprastraktura at kumitil sa napakaraming buhay ng

tao. Dahil sa napakalaking pangangailangan ng mga mamamayan sa

mga nasalantang lugar, naglunsad ang mga KPop Fanclubs sa

Pilipinas ng mga ‘fund raising events’ upang tumulong sa mga

nasalanta, tulad ng CassPH, Soshified.com, CNBLUE PH, 2PM PH sa

pangunguna ng Philippine KPop Committee at maging ang

organisasyon ng mga mag-aaral na Korean at mga KPop fan sa Ateneo

De Manila University ay naglunsad ng mga programa at fund raising

para ibigay sa mga nasalantang kababayan.

Mga Pag-aaral na may kaugnay sa pagiging ‘Fan’ o taga-hanga

Maraming magagandang naidulot ang KPop sa mga taga-hanga

nito, sa sarili, relasyon sa iba pang tao, at maging sa komunidad

ng mga taga-hangang ito. Sa Pilipinas, sa mahigit 100,000 na KPop

fans, maraming nagsasabi na nang sila ay maging Kpop fan, ay

maraming pagbabago ang napansin nila sa sarili. Marami ang

nagkaroon ng kompiyansa sa kanilang sarili at maging sa kanilang

mga talento.

Ayon kay Ralph Tulfo, ang mga Pilipinong Kpop fans ay naiiba

sa ibang ordinaryong mga taga-hanga ng artista. Natuto ang mga

ito na mag-aral ng kultura ng mga Korean, na isang magandang

halimbawa ng pag-kilala at pag-galang sa kultura ng mga dayuhan.

Natuto din ang taga-hangang ito na magsalita, at manamit na

parang isang Kpop Idol, na dahilan upang maging ‘in’ sila

pagdating sa ‘fashion trends’.

Ayon naman kay Phua sa kanyang pag-aaral, ang pagtangkilik

ng isang tao ay nagdudulot ng pag-taas ng kompiyansa sa kanyang

sarili. Dahil sa kakayahan ng mga ito na makapag-hanap ng mga

impormasyon at makapagbahagi ng nalalaman sa kapwa taga-hanga,

nakakabuo ang mga ito ng pagkakaisa bilang isang grupo. Ang pag-

aaral na ito ay nakabase tungkol sa mga taga hanga ng mga laro.

Karamihan sa mga Kpop Fan ay aktibong gumagamit ng mga SNS o

Social Networking Sites tulad ng Facebook, Twitter, YouTube, InstaGram,

Tumblr. Kaugnay nito, sa pag-aaral ni Adrejevic tungkol sa pag-

gamit ng internet ng mga tao, sinabi niya na ang internet ay

isang potensyal na magsilbing isang malaking grupo, kung saan ang

isang respondente ay makapanghikayat pa ng mga manonood o

tagasubaybay sa nilalaman ng isang website.

Sa pag-aaral naman na sinagawa nina Ramos at Tanglao, inunawa

nila ang mga Filipino, particular ang mga kabataan, bilang isang

taga-hanga. Pinag-aralan nila ang mga paraan ng mga kabataang

Pilipino sa pagtangkilik sa mga ini-idolo. Pinangahulugan nila na

ang pag gamit ng mga kabataan sa mga ‘media outlets’ tulad ng

internet ay may ilang mga implikasyon na pang-sikolohikal na

resulta ng pagiging taga-hanga. Samantala, pinag-tuunang pansin

naman ni Parungao ang bawat taga-hanga na kasali sa mga grupo o

fanclubs. Napag-aralan niya ang bawat fan bilang isang maliit na

grupo.

Sa pagsasama-sama ng mga kaisipang nabuo mula sa mga pag-

aaral na naisagawa, masasabing may mga magagandang naidudulot sa

mga taga-hanga ang pagtangkilik sa KPop sa buhay ng mga ito.

KABANATA III:

DISENYO ATPARAAN NG

PANANALIKSIK

A. Disenyo ng Pananaliksik

Deskriptiv-Analitik

Ang pagsasaliksik sa paksang “Mga Magandang Naidudulot sa mga

Pilipino sa Pagtangkilik ng Kpop” ay isinagawa ng mananaliksik

dahil sa kanyang interes na malaman ang mga naidulot sa mga

tagahanga sa pagtangkilik ng KPop. Tumatalakay ang pag-aaral na

ito sa personal na pakikitungo at buhay ng mga respondente bilang

isang KPop Fan.

B. Respondente

Ang kabuuang bilang ng mga respondente ay dalawampu(20),

lahat ay mga taga-hanga ng KPop. Sila ang napili dahil sila ang

kinakailangan higit kanino pa man para sa pananaliksik na ito.

Napili ang mga respondente na nagpaunlak na sagutan ang mga

katanungan na inilatag ng mananaliksik.

C. Instrumento ng Pananaliksik

1. Sarbey Kwestyoneyr

- ang kwestyoneyr na ito ay binubuo ng 10 tanong na

inihanda ng mananaliksik na may kaugnay sa naturang

paksa. Ag pagsasagot ng mga respondente ay ginawa sa

pamamagitan ng “Online Google Form” kung saan, pipiliin

lamang ang mga sagot sa bawat tanong. Matapos ang

pagsasagot, inilipat naman ng mananaliksik ang mga sagot

ng bawat respondente sa isang bagong kopya ng tanong at

initiman ang bawat sagot.

2. Internet

-Dahil sa modernisasyon ng mga kabataan, mas madali ang

maglakap ng mga impormasyon at datos na kaugnay sa paksang

pinag-aaralan.

D. Tritment ng mga Datos

Ang pag-aaral na isinagawa ay isang simpleng pagtalakay

lamang ukol sa mga bisyo at ang posibleng solusyon

dito. Ang pamanahong papel na ito ay hindi isang thesis

o disertasyon na rekwayrment sa pagtanggap ng degree, o

sa mas mataas na antas ng pag-aaral. Kung kaya’t, hindi

na nagsagawa ng mga komplikadong istatistikal na

pamamaraan ang mananaliksik upang ilahad ang mga datos

na nakuha mula sa mga respondente.

Kabanata IV:

PRESENTASYON ATINTERPRETASYONNG MGA DATOS

1. Paano mo nalaman ang tungkol sa KPop?

A

B

C

D

0 1 2 3 4 5 6 7 8

3

7

4

6

Interpretasyon

Tatlo sa mga respondente ang sumagot ng ‘A’ sa unang tanong.

Ibig sabihin, nalaman nila ang tungkol sa KPop sa kanilang

kapamilya.

Pito naman ang sumagot ng ‘B’. Karamihan na sa mga KPop fan

ngayon ay nakilala ito dahil sa mga kaibigan na taga-hanga din ng

musikang ito.

Apat naman sa mga respondente ay nakilala ang KPop dahil sa

mga palabas o patalastas na ipinalabas sa Pilipinas.

Anim naman ang sumagot na nalaman nila ang tungkol sa KPop sa

Internet. Dahil sa mabilis na pagkalat ng mga balita, kanta at

iba pa na tungkol sa KPop, hindi malabo na makilala nga ito ng

mga taong gumagamit ng internet.

2. Ilang taon at anong taon ka ng maging taga-hanga ng KPop?

Interpretasyon

3 ang sumagot na sa pagitan ng edad na pito hanggang sampu

nang maging taga-hanga sila ng KPop sa taong 2000 hanggang 2004.

May pinakamalaking bilang naman ng mga respondenteng sumagot

na nasa taong labing-isa hanggang labing anim ang naging taga-

hanga ng KPop sa pagitan noong 2005 hanggang 2010.

A

B

C

D

0 2 4 6 8 10 12 14

3

13

3

1

3 din sa mga respondente ang sumagot na nasa taong labing-

pito hanggang labing-siyam na taon nang sila ay maging taga-hanga

ng KPop taong 2011 hanggang 2012.

Isa lang naman ang respondenteng naging taga-hanga ng Kpop sa

pagitan ng dalawampu hanggang dalawampu’t limang taon gulang mula

taong 2013 hanggang sa kasalukuyan.

3. Ilang mga Fanclubs ang kina-aaniban mo?

Interpretasyon

Sa ikatlong tanong, 5 sa mga respondente ang may isa

hanggang tatlong sinasalihang mga fanclubs.

A

B

C

D

0 2 4 6 8 10 12

5

4

1

10

Apat naman ang sumagot na sila ay may apat hanggang limang

fanclubs sa Kpop.

Pinakamababa naman ang ikatlong pagpipilan na may anim

hanggang pitong fanclubs na sinasalihan ang sumagot na mayroong

isa lamang na respondente.

Pinakamataas naman ang bilang ng mga sumagot na mayroon

silang walo pataas na mga fanclubs na may bilang na sampu.

4. Ano ang mga pagbabagong napansin mo sa sarili magmula nang ikaw ay maging taga-hanga ng KPop?

Interpretasyon

A

B

C

D

0 2 4 6 8 10 12 14 16 18 20

1

19

Sa ikaapat na tanong, walang sumagot na may pagbabago silang

napansin sa Pisikal at Emosyonal na aspeto lamang.

Isa naman ang sumagot na may pagbabago sa kanyang kaugalian

ng maging taga-hanga ng KPop.

Ang labing-siyam naman na respondente ay sumagot na sila ay

mag mga pagbabagong napansin sa tatlong aspetong nabanggit –

Pisikal, Emosyonal at Kaugalian.

5. Sinusuportahan ka ba ng iyong pamilya sa pagiging fan ng KPop?

A

B

C

0 2 4 6 8 10 12 14

8

0

12

Interpretasyon

Walo sa mga respondente ang nagsabing sinusuportahan sila ng

kanilang pamilya bilang isang KPop fan, at

Ang labindalawang respondente naman ay nagsabing

sinusuportahan sila ng pamilya minsan lamang sa pagiging KPop

fan.

6. Naging maganda ba ang impluwensya sa iyo ng mga kapwa-fan/taga hanga?

A

B

0 5 10 15 20 25

20

0

Interpretasyon

Lahat ng respondente ay sumagot ng OO sa tanong kung naging

magandang ba ang impluwensya sa kanila ng mga kapwa-fan/taga-

hanga.

7. Nang ikaw ay maging Kpop Fan, Nagkaroon ka ba ng lakas ng loob at tiwala sa sarili sa iyong mga gawain?

A

B

C

0 2 4 6 8 10 12 14 16 18

17

0

3

Interpretasyon

Katulad nang nabanggit, nagkaroon ng lakas ng loob at tiwala

sa sarili ang mga Pilipinong taga-hanga ng KPop. Labimpito sa mga

respondente ang sumagot ng OO sa ika-pitong tanong.

At tatlo naman ang sumagot na parehong OO at HINDI sa tanong

na ito.

8. Nagkaroon ka ba ng magandang samahan/relasyon sa mga kaibigan/KPop fan?

A

B

C

0 2 4 6 8 10 12 14 16 18

17

0

3

Interpretasyon

Sa ikawalong tanong, masasalamin dito ang pakikitungo ng

bawat taga-hanga sa mga kapwa taga-hanga nito.

Labimpito ang sumagot sa mga respondente na mayroon silang

magandang samahan ng kanyang mga kaibigan o KPop fan.

Tatlo lang naman ang sumagot na parehong OO at HINDI. Ibig

sabihin, may iilan sa mga KPop fan ang hindi niya kasundo o

walang maganda relasyon sa pagitan nila.

9. Nakakatulong ka ba sa kapwa bilang isang KPop fan?

A

B

C

0 2 4 6 8 10 12 14 16

14

0

6

Interpretasyon

Sa pag-aaral na ito, layon nitong malaman ang mga

naidudulot na maganda sa mga Pilipino sa pagtangkilik ng KPop.

Sa katanungang inihanda, labing-apat sa mga respondente ang

sumagot na sila ay nakakatulong sa kapwa bilang isang KPop fan.

Anim naman ang nagsabing MINSAN lang sila nakakatulong

bilang isang KPop fan.

10. Sa lahat-lahat, maganda ba ang naidulot sa iyo ng pagiging KPop fan?

A

B

C

0 2 4 6 8 10 12 14 16 18

17

0

3

Interpretasyon

Sa huling tanong, dito makikita kung maganda ba ang naidulot

sa mga Pilipino sa pagtangkilik ng KPop.

Labing-pito ang sumagot na naging maganda ang naidulot sa

kanila sa pagtangkilik ng Kpop.

At tatlo lamang ang sumagot na may maganda at hindi

magandang naidulot sa kanila ang pagtangkilik sa KPop.

KABANATA V:

LAGOM,KONKLUSYON ATREKOMENDA-

SYON

A. Lagom

Ang pagsasagawa ng pananaliksik ukol sa paksang “Mga

Magandang Naidudulot sa mga Pilipino sa Pagtangkilik ng

KPop” ay isinagawa upang maipalam ng mananaliksik ang mga

kaalamang makukuha mula dito sa mga mambabasa. Sa 20

respondente, masasalamin ang mga naidulot ng KPop sa mga

ito, higit ang mga magagandang naidulot nito. Sa kabila ng

iilang mga hindi tumugmang resulta ng sarbey na ginawa ay

makikitang nakalalamang pa rin ang mga magagandang naidulot

sa mga Pilipio sa pagtangkilik ng KPop.

B. Konklusyon

Sa pag-tatapos ng pagsasagawa ng pananaliksik,

nagkaroon ng ilang mga konklusyon ang mananaliksik ukol sa

paksa.

1. Ang malaking bilang ng mga Pilipinong humahanga o

tumatangkilik sa KPOP ay nagpapakita ng pagtanggap

din ng kultura ng Korea.

2. Sa pagtangkilik ng mga Pilipino sa KPop, maraming

mga pagbabago ang naganap sa pansariling aspeto ng

mga taga-hanga nito.

3. Nagkaroon din ng mga pagbabago sa pakikisalamuha

kaugalian ng mga Pilipinong taga-hanga ng KPOP.

4. Nagkakaisa ang mga KPop fan upang makatulong hindi

lamang sa mga artistang iniidolo kundi maging sa

mga kapwa.

C. Rekomendasyon

Sa pagsasagawa ng pananaliksik na ito, napagtanto ng

mananaliksik na maaaring makatulong ang mga sumusunod upang

magkaroon pa ng mas magagandang naidudulot sa mga Pilipinong

taga-hanga ng KPop.

1. Kailangan na magkaroon pa ng mas magandang pagtutulungan

at pagsuporta ng bawat taga-hanga sa isa’t-isa.

2. Dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong

humahanga sa KPop, nagkakaroon ng ilang mga kuwestiyon

tungkol dito, kailangan na mas maipakita pa ng mga fans

ang mga magagandang naidudulot nito sa sarili.

MGA PANGHULING PAHINA

TALAAN NG SANGGUNIAN

1. KPOP

http://en.wikipedia.org/wiki/K-pop

2. Mga Kaugnay na pag-aaral

http://iskwiki.upd.edu.ph/images/d/d5/

Alanzalon,_Sarah_Kristine_Masiglat_04-11_Kpopped!.pdf

3. Bakit ba IN ang KPop?

http://www.pinoyparazzi.com/bakit-ba-in-ang-kpop/

4. KPop sa Pilipinas

http://bigbangph.org/events/

http://pkci.org/kpop-charity-ball-with-2ne1/

https://www.facebook.com/notes/bap-ph/babies-unicef-project-

bap-philippines-charity-mission/419117458173925

http://www.mb.com.ph/korea-donates-5m-to-ph-k-pop-fans-help-

yolanda-victims/

Bio Data ng Mananaliksik

Buong Pangalan:

Hanna Patricia E. Mabini

Kasarian: Babae Relihiyon:Kristiyano

Edad:15 na taonggulang

Nasyonalidad:Filipino

Tirahan:

Blk D9 Lot 5 San Nicolas 1, Dasmariñas City, Cavite

Edukasyon

Saan?

Elementarya San Nicolas Elementary School

Sekondarya Dasmariñas East National High School

Kolehiyo De La Salle University-Dasmariñas

(Binabalak pa lamang)

KapanganakanKailan :

Ika-27 ng Hulyo taong 1999Saan:

Dasmariñas City, Cavite

PamilyaMagulang Trabaho Kapatid Edad

Nanay:

Ma. Gigi E.Mabini Maybahay Ma. Elizabeth E.

Mabini 17

Tatay:

Benjamin A.Mabini Jr. OFW Quinn Alexander E.

Mabini 10

Althea Loren E.Mabini 7