Post on 21-Feb-2023
Unibersidad ng Pilipinas-Maynila
Ermita, Maynila
Ang social media bilang lunsaran ng impormasyon at talastasan:
Isang pag-aaral tungkol sa paggamit ng social media sa pagsuri ng mga
isyu sa lipunan
Isang Pananaliksik na Iniharap sa
Departamento ng Agham Panlipunan
Kolehiyo ng Agham at Sining
Unibersidad ng Pilipinas Maynila
Bilang Bahagi ng mga Gawaing Kinakailangan sa
Development Studies 199.2 para sa
Bachelor of Arts in Development Studies
Propesor Reginald S. Vallejos, MPA
Tagapayo
Ipinasa ni
Beatriz Izamary R. Manio
2013-55084
Mayo 2017
Unibersidad ng Pilipinas-Maynila
Kolehiyo ng Agham at Sining
Departamento ng Agham Panlipunan
PAHINA NG PAGPAPATIBAY
Bilang bahagi ng katuparan upang makamit ang antas na/titulong Batsilyer sa
Sining, Dalubhasa sa Araling Pangkaunlaran, ang tesis na ito na pinamagatang “Ang
social media bilang lunsaran ng impormasyon at talastasan: Isang pag-aaral tungkol sa
paggamit ng social media sa pagsuri ng mga isyu sa lipunan” na inihanda at isinumite ni
Beatriz Izamary R. Manio, ay inirerekomenda para sa ebalwasyon at aprobasyon.
Propesor Reginald S. Vallejos, MPA
Tagapayo sa Tesis
Tinanggap at Pinagtibay bilang bahagi ng pagtupad sa pangangailangan ng
kursong Batsilyer sa Sining, Dalubhasa sa Araling Pangkaunlaran.
Propesor Jerome Ong
Tagapangulo
Departamento ng Agham Panlipunan
Unibersidad ng Pilipinas-Maynila
PASASALAMAT
Una sa lahat, ako ay nagpapasalamat sa Panginoon na patuloy na gumabay sa akin
upang matapos ang pananaliksik na ito. Siya ang nagbigay sa akin ng lakas at karunungan
upang aking mapagtagumpayan ang apat na taon sa unibersidad. Hindi kailanman
magiging posible ang alinman sa aking nakamit kung hindi dahil sa Maykapal.
Ikalawa, maraming salamat sa aking mga magulang na walang sawang sumuporta
sa akin. Kayo ang inspirasyon ko upang pagbutihin ang aking gawain. Maraming salamat
dahil kayo ang sandigan ko sa lahat ng panahon.
Ikatlo, maraming salamat sa lahat ng aking propesor lalo na kay Propesor John
Ponsaran, sapagkat kayo ang humubog sa aking kaisipan at nagpalalim sa aking
kaalaman. Salamat sa patuloy na pangangamusta at paggabay.
Ika-apat, maraming salamat sa lahat ng nagpartisipa sa pag-aaral na ito lalong lalo
na kina Bb. Dani Nacpil, Prop. Danilo Arao, at G. Raymond Palatino na nagpaunlak ng
panayam sa akin. Maraming salamat sa lahat ng naibahagi ninyong kaalaman.
Ika-lima, maraming salamat sa aking mga kamag-aral sa Araling Pangkaunlaran
na aking naging kaisa sa pananatili ko sa unibersidad. Maraming salamat sa inyong
pagtanggap sa akin mula nang ako ay lumipat sa kursong ito. Hindi ko kailanman
mapagtatagumpayan ang aking narating kung wala ang inyong presensiya.
Panghuli, espesyal na pasasalamat sa aking tagapayo na si Propesor Reginald
Vallejos na walang maliw na gumabay at nagtuwid sa aking gawain. Maraming salamat
sa pagpapalakas ng aking loob at sa pagbibigay ng payo sa kung paano pa higit na
mapapabuti ang aking pagsulat. Maraming salamat sa paniniwala sa aming lahat sa Team
Reggie na kaya naming mapagtagumpayan ang tesis. Maraming-maraming salamat po.
ABSTRAKT
Tinukoy ng pag-aaral na ito kung paano ginagamit ng mamamayan ang social
media sa pagtuklas sa mga kinakaharap na isyu ng lipunan at kung ano ang epekto ng
rekursong ito sa kanilang pagkamulat at partisipasyon sa lipunan. Nakasentro ito sa mga
balita at impormasyong nakakasalamuha ng netizens sa social media at sa mga hakbang
na kanilang ginagawa upang maipabatid ang kanilang tindig.
Ang pangangalap ng datos ay isinagawa sa pamamagitan ng pinaghalong paraan
ng qualitative at quantitative na metodolohiya. Nagsagawa ang mananaliksik ng sarbey
sa mga aktibong gumagamit ng social media. Nakipanayam din ang mananaliksik sa mga
eksperto at may kaugnayan sa paksa ng pag-aaral. Nilayon ng tesis na ito na matasa ang
papel ng social media sa paghuhubog ng opinyon ng publiko.
Sa huli, natuklasan na malaki ang naiaambag ng social media sa pagbibigay ng
impormasyon sa publiko. Napatunayan din na maraming bentahe ang hatid ng rekursong
ito sa dami ng bagay naihahatid nito at sa bilis ng daloy ng impormasyon gamit ito.
Nakita rin na maraming napapanahong isyu ang sinusuri sa social media gaya ng
popularidad ni Rodrigo Duterte, Paglilibing kay Ferdinand Marcos sa LNMB at ilang
paksa ukol sa ugnayang panlabas ng Pilipinas. Isang diskusyon din sa tesis na ito ay ang
pagiging epektibo ng social media bilang plataporma ng pagmumulat sa publiko tungo sa
panlipunang pagbabago.
DEPENISYON NG MGA TERMINO
1. Download – pagkuha ng datos mula sa internet
2. Facebook (FB) – isang uri ng SNS kung saan libre ang pagsali at maaaring
gumawa ng sariling profile, magbahagi ng larawan at video, pagpadala ng
mensahe at kumonekta sa iba’t ibang tao.
3. Internet – tumutukoy sa serye ng magkakakonektang network ng kompyuter na
maaaring gamitin sa buong mundo
4. Microblogging – paraan ng paglalahad ng maiikling mensahe sa social media
5. Netizen – aktibong lumalahok sa internet
6. New Media – uri ng mass media na gumagamit ng teknolohiya
7. Online – pagiging konektado sa kompyuter
8. Social Media – isang lunsaran ng interaksyon sa pagitan ng mga mamamayan
kung saan sila ay nakakagawa, nakakapagbahagi at nakakapagpalitan ng
impormasyon, larawan, video, atbp.
9. Social Networking Sites (SNS) – isang lunsaran ng interaksyon sa pagitan ng
netizens kung saan maaari nilang isapubliko ang kanilang personal na profile
10. Tweets – maiikling pahayag o mensaheng matatagpuan sa twitter
11. Twitter – isang uri ng SNS at microblogging kung saan maaaring maglahad ng
maiikling mensahe na kung tawagin ay tweets
TALAAN NG NILALAMAN
Kabanata I – Mungkahing Pag-aaral
Saligan ng Pag-aaral .......................................................................................................... 1
Paglalahad ng Suliranin ..................................................................................................... 3
Layunin .................................................................................................................. ………5
Kahalagahan ng Pananaliksik............................................................................................ 6
Saklaw at Limitasyon .................................................................................................... …8
Rebyu ng Kaugnay na Literatura……………………………………...........................9
Teoretikal na Pananaw……………………………………………………………….17
Konseptwal na Pananaw ………………………………………………………….…21
Metodolohiya…………………………………………………………………...……23
Ginawang Pananaliksik at Panukalang Badyet…………………………………..…..25
Kabanata II- Ang Social Media Noon at Ngayon
Kasaysayan at Ebolusyon ng Social Media……………………………………….....26
Ang Transpormasyon ng Social Media…………………………………………..…..31
Kritisismo sa Social Media Bilang Lunsaran ng Impormasyon…………………..…33
Ang Social Media sa Pilipinas…………………………………………………….....34
Ang Social Media Bilang Tagapaghatid ng Balita………………………………..…36
Kabanata III- Presentasyon at Pagsusuri ng Datos
Social Media Account ng mga Nagpartisipa…………………………………………38
Oras na Inilalaan sa Social Media Kada Araw………………………………….…...41
Mga Balitang Nababasa o Napapanood sa Social Media……………………………42
Pagpapahayag ng Tindig Gamit ang Social Media…………………………………..45
Kabanata IV – Ilang mga Paksa ng Diskusyon sa Social Media
Ang Popularidad ni Rodrigo Duterte sa Social Media…………………………….…53
Ang Naging Papel ng Social Media sa Paglilibing
kay Ferdinand Marcos sa LNMB……………………………………………………..68
Mga Isyu na Dapat Bigyang-Puwang sa Lipunan……………………………………80
Kabanata V – Konklusyon at Rekomendasyon
Konklusyon………………………………………………………………………..…83
Rekomendasyon……………………………………………………………………...88
Bibliograpiya………………………………………………………………………….….90
Apendiks…………………………………………………………………………………94
1
KABANATA I – MUNGKAHING PAG-AARAL
I. Saligan ng Pag-aaral
Ang media ay malawak na lunsaran ng iba’t ibang klase ng impormasyon na
kinakailangan ng lipunan sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay. Sa panahon kung
saan laganap ang paggamit ng teknolohiya, malaking tulong ito sa media upang mas
mapadali ang pagkalap at pagpapaabot ng impormasyon sa iba’t ibang panig ng bansa.
Subalit hindi na lamang nalilimita ang lipunan sa print at broadcast media at bagkus,
unti-unti nang naibibilang ang social media sa mga tagapaghatid ng mahahalagang balita
at detalye.
Napakalaki ng nagiging epekto nito sa pampolitika at panlipunang aspeto ng
Pilipinas at dumarami na ang sumasandig sa paggamit nito hindi lamang ang mga
ordinaryong mamamayan kung hindi maging ang mga kilala at maimpluwensiyang
personalidad (Carthew at Winkelmann, 2013). Halimbawa na lamang ang political blogs,
twitter at FB na mismong mga politiko, mamamahayag at mga intelektwal ang aktibong
gumagamit upang iparating ang kanilang mensahe sa publiko. Hindi tulad sa tradisyonal
na media, may puwang para sa ordinaryong mamamayan na maging kabilang sa diskurso
tungkol sa suliranin ng bansa. Lumilikha ito ng malayang talastasan kung saan walang
itinatakdang kuwalipikasyon o antas ng pamumuhay, walang pinipiling oras at walang
kinakailangang gastos upang makilahok. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit palaki
nang palaki ang bilang ng mga netizens o yaong mga aktibo sa social media.
Nakapanghihikayat ito ng mga mamayan upang makibahagi sa mga isyu ng bayan sa
halip na maging pasibo lamang sa pakikinig at panonood.
2
Kung susumahin, malaki ang potensiyal ng social media sa pagsisiwalat ng mga
suliraning hindi binibigyang-diin sa tradisyonal na media o hindi kaya ay maliit na bahagi
lamang nito ang naipapakita. Napakadali rin ng pagkalat ng impormasyon gamit ito kung
kaya malaking tulong ang hatid nito para sa mga mananaliksik at iskolar sa proseso ng
pangangalap ng datos at pagpapalaganap ng impormasyon. Sa pagkakaroon ng
platapormang ito, unti-unti nang nagkakaroon ng pagkakataon ang mamamayan na
makibahagi at makialam.
3
II. Paglalahad ng Suliranin
Ang tradisyonal na media gaya ng telebisyon, radyo at dyaryo ang karaniwang
pinagmumulan ng iba’t ibang balita sa bansa kung kaya nakasanayan na ng mamamayan
na dito unang kumonsulta tungkol sa mga isyu ng lipunan. Subalit, kapansin-pansin na ito
ay nakapokus lamang sa namamahayag at halos walang partisipasyon ang mamamayan sa
talastasan ng impormasyon. Dagdag pa, tila piling-pili lamang ang mga balitang
ipinapahayag ng tradisyonal na media kumpara sa napakaraming problemang
kinakaharap ng bansa. Kapuna-puna rin ang pagkakaroon ng pagkiling sa pagbabalita ng
telebisyon at maging ng mga peryodiko. Ito marahil ang dahilan kung bakit ang pag-
usbong ng social media ay nagbigay ng pagkakataon sa mga ordinaryong Pilipino na
lumahok sa mga usaping panlipunan.
Dahil sa malayang paggamit at madaling akses sa social media, dumarami ang
bumabatay sa rekursong ito. Subalit, ayon kay Arao, dahil sa ang social media ay bagong
larangan, marami pang dapat matutuhan lalo na at pabago-bago ang katangian ng
paggamit nito. Dagdag pa, hindi maiiwasan na ang teknolohiya ay gamitin para sa
komersiyal at pansariling motibo sa halip na para sa ikabubuti ng mamamayan at
panlipunang pagbabago (Palatino, 2015). Kaya naman dapat na matukoy kung paano
hahamunin ng rekursong ito ang umiiral na hindi makatarungang kalakaran at kalaunan
ay makapag-ambag ng mga paraan upang tuluyang mabigyan ng boses ang mga bagay at
mga mamamayang naisasantabi sa lipunan.
Ayon kay Palatino, higit na mapapakinabangan ang social media kung ito ay
makikipagtulungan sa mainstream media sa halip na magtunggali ang dalawa. Ang
pagkakaroon ng kritikal at praktikal na pagtingin sa social media at internet ay
4
magbubunga ng iisang disposisyon – hindi dapat kalimutan ang tinaguriang old media
sapagkat nananatili pa rin ang impluwensiya’t bentahe ng print, radyo at telebisyon. Para
maipalaganap ang mensahe sa publiko, lubhang kailangan ang lahat ng media at hindi
lang dapat umasa sa iisa (Arao, 2013). Samakatwid, isang hamon na mapunan ng social
media ang kakulangan ng tradisyonal na media habang ang dalawang uri ay nagsasanib-
pwersa. Sa pamamagitan ng parehong uri ng media, mithiin ng epektibong pamamahayag
ang pagkakaroon ng puwang para sa mamamayan na iparating ang kanilang saloobin at
pananaw at magsiwalat ng mga suliranin lalo na yaong malaki ang ambag para sa
panlipunang pagbabago.
Samakatwid, isang hamon para sa pag-aaral na ito ang matasa ang klase ng mga
balitang pinapalutang sa social media at makapagmungkahi ng mga paraan kung paano
magagamit ang platapormang ito tungo sa pag-unlad ng lipunan.
5
III. Layunin
Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay matukoy kung paano nagiging
instrumento ang social media sa paglalahad at pagsuri ng mga isyu sa lipunan
samantalang ang mga kaugnay na layunin nito ay ang mga sumusunod:
1. Mailahad ang kasaysayan at ebolusyon ng social media sa mundo at sa Pilipinas
2. Malaman ang dahilan kung bakit naging lunsaran ang social media ng mga balita
at usapin sa bansa
3. Masuri ang mga suliranin sa lipunan na isinisiwalat sa social media
4. Matukoy ang pinanggagalingan ng mga impormasyong nakikita sa social media at
ang mga paraan ng paglaganap ng mga impormasyong ito
5. Matasa kung gaano kaepektibo ang social media sa pagmumulat sa mamamayan
tungkol sa mga kinahaharap ng bansa
6. Maipakita ang pangkalahatang epekto ng mga impormasyon sa mamamayan
7. Makapagmungkahi ng mga paraan kung paano makatutulong ang social media sa
pagtugon sa mga isyu ng lipunan
6
IV. Kahalagahan ng Pananaliksik
Ang media ay may mahalagang responsibilidad sa lipunan na magmatiyag at
magsiwalat ng mga suliranin ng bansa (Campbell at Jamieson, 1983). Namamagitan ito
sa diskurso ng pamahalaan at ng mamamayan tungkol sa mga pangangailangan at
responsibilidad ng parehong panig. Kung kaya naman, dapat nitong gampanan ang
tungkulin nang may integridad at dedikasyon.
Umiiral sa kasalukuyang panahon ang paggamit ng social media bilang
tagapaghatid ng mga balita at tagapamagitan ng talastasan. Makatutulong na maunawaan
ang dahilan upang ang social media ay maging daan ng aktibong partisipasyon ng masa o
mga netizens, sa mga usapin sa bansa. Sa ganitong dahilan, mahalaga na masuri ang
pinanggagalingan ng datos at impormasyong nakikita sa social media upang masiguro na
tama at angkop ang mga balitang matatanggap ng masa. Malaki ang papel ng mga
balitang ito sa paghubog ng kamalayan at pananaw ng mga tao kung kaya naman dapat
isaalang-alang ang kredibilidad ng mga ito. Dapat din na matukoy ang magiging epekto
ng mga bagay na lumalabas sa social media sa pang-araw-araw na pamumuhay ng
mamamayan lalo na iyong mga aktibo sa paggamit nito. Maaari itong maging batayan ng
kanilang desisyon at pagtindig kaya naman makabubuti na suriin ang hatid nitong
impormasyon. Higit pa rito, malaki ang kabuuang responsibilidad ng media sa
partisipasyon ng mamamayan sa lipunan. Ito ang siyang nagmumulat at naghahatid ng
mga balita sa loob at labas ng bansa kaya malaki ang ambag nito sa pagiging aktibo o
pasibo ng lipunan sa mga suliraning dapat tugunan. Mahalaga rin na masuri kung gaano
ito kaepektibo sa pagsisiwalat ng mga isyu nang sa gayon ay matukoy ang kalakasan at
kahinaan nito bilang instrumento ng pamamahayag. Sa ganitong paraan, maaaring
7
magsagawa ng mga pagbabago at maitama ang mga pagkakamali sa social media at nang
sa gayon ay maging higit na epektibo ang platapormang ito.
Sa panahong laganap na ang social media, makabubuting malaman ang tama at
responsableng paggamit nito. Dapat na mapakinabangan nang wasto ang bentaheng hatid
nito sa pagsuri at paglutas ng mga isyu ng bansa. Makabubuting gamiting instrumento
ang social media upang mapabuti hindi lamang ang mga aktibo sa rito kung hindi maging
ang mamamayan sa pangkalahatan. Kaugnay nito, kailangang isaalang-alang pa rin ang
malakas na impluwensiyang hatid ng tradisyonal na media kaya naman sisikapin ng pag-
aaral na tukuyin kung paano maaaring magtulungan ang dalawang uri ng media upang
higit lalong mapakinabangan ng mamamayan.
Dagdag pa, mapauunlad din ng social media ang paraan ng pananaliksik ng mga
mag-aaral lalong lalo na sa kursong Araling Pangkaunlaran. Ang mga problema sa bansa
ay sadyang napakalawak subalit dahil sa rekursong ito, higit nang masasaklaw ang mga
isyung hindi halos nabibigyang-pansin. Magiging daan ang social media sa paghubog ng
mga mag-aaral na susuri sa kalagayan ng lipunan at siyang mag-aambag sa paglutas ng
mga ito sa pamamamagitan ng pag-alam, pagtindig, pagpapamulat at kalaunan ay
pagpapakilos. Malaking tulong din ito upang higit na kumonekta sa masa. Ang
napakabilis na komunikasyong dulot ng teknolohiya ay isang bentahe para sa mga
progresibo upang mangalap ng suporta at pagkaisahin ang mamamayan tungkol sa mga
usapin sa lipunan.
8
V. Saklaw at Limitasyon
Ang social media ay may iba’t ibang klase ng sites na maaaring bisitahin subalit
ang pananaliksik na ito ay magpo-pokus lamang sa FB at twitter na siyang pinakasikat at
pinaka ginagamit ng netizens (We are Social, 2016). Ang mga napiling magpapartisipa sa
pag-aaral ay ang mga aktibo lamang na gumagamit ng FB at twitter sapagkat sila ang
higit na maalam sa social media. Ang pangangalap ng impormasyon ay gagawin sa
pamamagitan ng sarbey, case study, KII (Key Informant Interview), pagkonsulta sa mga
libro, online sources at iba pang materiyales na higit na makakatulong sa pag-aaral. Dahil
sa maikling panahon ng pananaliksik, isang limitasyon ang pagkakaroon ng kakaunting
key informant na makapagpapalalim pa sana ng mga datos at kaalaman. Bibigyang-diin
ang papel ng social media sa pagmumulat sa netizens tungkol sa mga isyu at tatasahin
ang epekto nito sa kanilang pananaw at partisipasyon sa lipunan. Subalit, bunga ng
kakapusan sa panahon ng pananaliksik, hindi na palalalimin pa ang mga katanungan
tungkol sa panlipunang partisipasyon ng netizens at bagkus, titignan na lamang ito sa
pangkalahatan. Dagdag pa, ang mga imumungkahing polisiya ay hindi na gagamitan ng
mga teknikal na hakbang upang mas mapadali ang pagpapaunawa nito sa mamamayan.
Ang resulta ay ilalahad sa pamamagitan ng paglalarawan upang maipahayag nang mas
malinaw ang mga datos na nakalap. Malaking bahagi ng mga impormasyong ito ay
sasandig sa mga kuwentong-buhay at sariling karanasan ng mga makakapanayam.
9
VI. Rebyu ng Kaugnay na Literatura
Maituturing ang mainstream media bilang pinakakaraniwang uri ng media sa
porma ng telebisyon at pahayagan kung saan nakasandig ang mamamayan (Sanchez, etal,
2014). Dito unang nailalahad ang mga balita at mahahalagang pangyayari sa bansa at
higit na nakakaimpluwensiya sa paghubog ng pampublikong opinyon. Sa kaso ng
telebisyon, tungkulin ng isang reporter na maihayag ang mga balita sa paraang
mauunawaan ng lahat maging ang mga hindi nakapag-aral. Subalit, karaniwan sa mga
balita ay maikli lamang dahil sa limitado oras na mayroon (Campbell at Jamieson, 1983).
Sa kaso naman ng pahayagan sa Pilipinas, ito ay nakasulat sa wikang Ingles at ang iba sa
mga pahayagang ito ay nakapokus lamang sa lokal na balita at personalidad. Mayroon din
namang mga tabloid na nakasulat sa wikang Filipino subalit bihirang tumalakay ng mga
seryosong isyu sa bansa (Sanchez, etal, 2014). Kung susuriin ang katangian ng
tradisyonal na media, masasabing selektibo ang impormasyon at ang paraan ng
paghahatid ng mga ito. Limitado lamang ang inilalahad na balita sa telebisyon sa
kadahilanang imposibleng masakop ang lahat ng isyu samantalang sa pahayagan naman,
kadalasang nasa wikang Ingles ang mga balita kung kaya kadalasan ay iyong mga
kabilang sa gitnang uri lamang ang makauunawa ng mga ito. Dagdag pa rito ay ang mga
prominenteng personalidad na may direktang kontrol dito sa kabila ng pagkakaroon ng
libreng akses sa media (Sanchez, etal, 2014). Sa sistemang nakapaloob sa kapitalistang
pamamalakad, hindi maiiwasang ang mga impormasyon at balita ay binubuo sa paraang
papabor sa mga naghaharing uri. Isang pagkakamali pa ng mainstream media ay ang
pagsasawalang-bahala nito sa pambansang minorya. Ang tanging dahilan ng pagtampok
sa mga ito sa balita, ay kung sakaling sila ay nasalanta o apektado ng kalamidad. Ang
10
palaging laman ng mga balita ay yaong nakapaloob lamang sa konteksto ng kamaynilaan
kaya naman limitado lamang ang impormasyong ibinabalita tungkol sa Visayas at
Mindanao kung saan marami sa minorya ang nakatira. Idagdag pa ang napakaliit na
konsiderasyon ng publiko sa kinakaharap ng mga ito (Pertierra, 2012). Subalit nang
magkaroon ang ordinaryong mamamayan ng pagkakataong makapagpalaganap ng
mensahe, naging banta ito sa pampolitikang istruktura (O’Connell). Ang mga ito marahil
ang dahilan ng pagkakaroon ng puwang ng new media partikular na ang social media sa
mga pampolitika at panlipunang usapin.
Sinasabing ang mass media ay dominanteng batis ng impormasyon sapagkat
maaaring para sa karamihan, ito ay may mataas na kredibilidad at pagpapahalaga at dahil
din sa ito ay napapanahon. Gaya ng pagtingin sa tradisyonal na media, dumadagsa na rin
ang dumudulog sa new media kung saan ang internet ay naglulunsad ng napakaraming
impormasyon. Ayon sa pag-aaral, mga impormasyon tungkol sa krisis ang madalas
idulog sa internet. Sa unti-unting pakikipagsabayan ng new media sa pagpapalaganap ng
kaisipan at kaalaman, mahalagang siguruhin na tama at angkop ang mga impormasyong
hatid nito. Madalas na ang mga bagay na nakikita sa social media ay nagmumula mismo
sa mga nakasaksi rito. May mga pagkakataon din na bumabatay sa internet ang
tradisyonal na media bago pa ito magbalita ng mga pangyayari. Sa mga lugar naman na
apektado ng krisis, napakahirap makapagpadaloy ng balita subalit sa tulong ng social
media ay may paraan na upang maipaabot pa rin ang mga ito. Kahit may mga
pagkakataon na hindi lubusang malinaw ang hatid nitong impormasyon, patuloy pa rin
itong nagiging prominente kaya mahalagang malaman kung papaano tinatasa ng
mamamayan ang kredibilidad ng mga impormasyong ito. Mayroong tatlong paraan ng
11
pagsukat sa kredibilidad ng sanggunian - una, kung malawak o malalim ang kaalamang
hatid nito, ikalawa, kung mapagkakatiwalaan ito, at ikatlo, kung may mabuti itong
hangarin. Ang pag-usbong ng new media ay nagpapahiwatig na ang mamamayan ay
mayroon nang direktang akses sa primaryang impormasyon na sakanila rin mismo
nagmumula. Subalit, nangangahulugan din na hindi na sumasailalim sa masusing
pananaliksik ang mga bagay na lumalaganap online kaya naman ang netizens na ang may
tungkuling siguruhin ang kredibilidad ng mga impormasyon. Bilang resulta, hindi na
nakokontrol ng netizens ang pagpasok ng mga bagay kung kaya halos lahat ng
impormasyon ay nakakapasok online. Ang netizens din ang may kakayahang ipabatid ito
sa iba at humusga kung paano ito magiging makabuluhan. Samakatwid, naihahatid o
naiisantabi ang mga kuwento at impormasyon depende sa kung papaano ang
pagpapalaganap na gagawin dito (Heide, Spence, Westerman, 2014).
Ayon kay Ramota, pinasinayaan ng pag-unlad ng makabagong teknolohiya,
partikular na ang pagdating ng internet ang realidad ng komunikasyon na hindi
nalilimitahan ng mga pisikal na hangganan. Bunga ng pangyayaring ito, naging laganap
ang paniniwalang magluluwal ang kasalukuyang momentum ng rebolusyon sa internet sa
higit na malalim, masaklaw at pangmatagalang pagbabago. Giit ng ilan, hindi na
maiiwasan ang pagpawi ng mga hangganan, kasama na rin ang mismong konsepto ng
estado (Ramota, 2013). Ito ang dahilan sa malawakang paggamit ng teknolohiya hindi
lamang para sa personal kung hindi maging sa pampolitika at panlipunang aspeto.
Ayon kina Sanchez, etal, ang social media ay isang lunsaran ng interaksyon sa
pagitan ng mga mamamayan kung saan sila ay nakakagawa, nakakapagbahagi at
nakakapagpalitan ng impormasyon, larawan, video, atbp. Tinatayang mayroong halos
12
3.42 bilyong katao ang gumagamit ng internet sa buong mundo at 2.31 bilyon sa mga ito
ay may akses sa social media. FB ang nangungunang SNS na mayroong higit 1.5 bilyong
account (We are Social, 2016). Ibinalita naman ng pahayagan ng Rappler na noong 2015
ay mayroong 47.13 milyong katao ang gumagamit ng internet at 47 milyon sa mga ito ay
aktibo sa FB. Hindi maikakaila ang napakalaking bilang ng mga aktibo sa social media at
tinatayang higit pang dadami ang gagamit nito sa hinaharap. Malaking dahilan nito ay
ang patuloy na pag-unlad ng teknolohiya kung kaya naman dagsa na ang nagkakaroon ng
akses online idagdag pa ang pagiging abot-kaya nito para sa ordinaryong mamamayan.
Bukod sa napapadali nito ang komunikasyon, unti-unti na rin itong humahanay sa mga
pangunahing tagapaglunsad ng impormasyon partikular na ang mga balita (Sanchez, etal,
2014). Marami sa netizens na aktibo sa pampolitikang diskurso ay sumasangguni sa mga
balita mula sa internet sa halip na sa telebisyon o dyaryo (Faraon, Kaipainen at Stenberg,
2014). Isang bentahe ng internet ay ang pagprotekta nito sa mga netizens mula sa
direktang kontrol at manipulasyon ng pamahalaan o ng maiimpluwensiyang personalidad
sa pagpapalaganap ng impormasyon (Sanchez, etal, 2014). Nagkakaroon ng kalayaan ang
sinoman sa paghahayag ng kanilang sariling bersyon ng mgs isyu at ideya na hindi
kinakailangang salain o piliin pa ng tradisyonal na media.
Ang mga politikong aktibo rin sa social media ay idinadaan sa FB at twitter ang
kanilang mensahe para sa mamamayan. Gamit ang twitter, kanilang inilalatag ang ilang
bahagi ng kanilang mensahe na maaaring maglaman ng adhikain at polisiya samantalang
higit na namamaksimisa ang gamit ng FB sapagkat dito nila ibinabahagi ang kanilang
buong mensahe maging ang aktuwal na video at larawan ng kanilang programa (Carthew
at Winkelmann, 2013). Madaling naibabahagi ng mga politiko ang anomang naisin nila
13
na magpapatunay ng kalinisan ng kanilang hangarin para sa kanilang nasasakupan.
Marami rin sa kanila ang may personal na account kung kaya sa kanila na mismo
direktang nagmumula ang mga impormasyon (Pertierra, 2012).
Sa panig naman ng mamamayan, hindi maitatanggi na naging instrumento
ang social media upang kanilang mailahad ang kanilang personal na karanasan at mga
hinaing, at maging ang kanilang mga opinyon tungkol sa mga panlipunang usapin sa
bansa. Ang komunikasyon sa pagitan ng mga aktor sa lipunan ay higit nang lumawak at
dahil dito, wala nang limitasyon sa pampolitikang diskurso (Sanchez, etal, 2014). Ngunit
upang lubusang makaapekto ang new media sa politika, kinakailangang hayaan ng
istruktura na hubugin ng pananaw at interes ng mamamayan ang mga polisiya. Tunay
itong nagiging tagapamagitan ng libreng daloy ng opinyon at ang epekto nito ay unti-
unting nararamdaman ng publiko. Subalit, ang bagong porma ng ugnayang pampolitika
ay hindi pa rin nagreresulta sa pangkalahatang pagbabago ng pananaw sa politika.
Umiiral pa rin ang tradisyonal na istruktura ng pamahalaan na nagpapahiwatig na ang
makabagong lunsaran ng impormasyon ay hindi sapat upang magluwal ng
makatarungang politikal na interes (Pertierra, 2012).
Maliban sa paglalahad ng opinyon, naging kasangkapan din ang social media
upang magpakilos ng mamamayan. Matatandaan na noong Enero 16, 2001, libo-libong
Pilipino ang dumagsa at nag-protesta sa EDSA upang pabababain sa puwesto si dating
Pang. Joseph Estrada dahil sa kaso ng korupsyon. Tinaguriang People Power 2, apat na
araw nanatili sa Town Square ang mga raliyistang nakasuot ng itim hanggang sa tuluyan
nang napaalis sa puwesto si Estrada noong ika-20 ng Enero sa nasabing taon. Ang mga
raliyista ay nag-organisa sa pamamagitan ng pakikipag-komunika sa isa’t isa gamit ang
14
kanila cellphones. Subalit dapat din bigyang-diin ang tatlong taong kampanya laban kay
Estrada na sumiklab sa internet na lalong nagpaigting sa naganap na protesta
(O’Connell). Isang kaso pa ng pagkilos ay ang naganap noong Agos. 26, 2013 kung saan
tinatayang mayroong 80,000-100,000 katao ang dumalo sa Luneta Park para sa Million
People March para sa abolisyon ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o
pork barrel. Ito ay dahil sa pagkamkam ng mga politiko sa 10 bilyong pisong kaban ng
taumbayan. Naging ‘viral’ ang usaping ito sa mga netizens sa tulong ng FB, twitter, at iba
pang SNS (Sanchez, etal, 2014). Social media ang naging instrumento upang mailabas
ang hinaing at galit ng mga mamamayan. Dito rin sila nakapagplano ng malawakang
pagkilos. Kalaunan ay tuluyan na silang lumabas sa kalsada upang mag-protesta sa
Luneta. Patunay ang pangyayaring ito na posibleng magkaisa ang mamamayan na
nagmula sa iba’t ibang panig ng bansa patungo sa iisang adhikain sa tulong ng social
media. Naging daan din ang pag-aksyong ito upang tuluyan nang tanggalin ang PDAF.
Sa madaling sabi, nakatutulong ang SNS sa paglahok ng mamamayan sa
politika. Higit na naging konektado ang mga tao dahil sa internet. Sa pamamagitan ng
smartphone, tablet, laptop, FB post at iba pa ay maaari nang magkaroon ng malawakang
diskurso sa pagitan ng mga netizens. Nagagamit ang social media sa pagsasapubliko ng
intensyon, panghihikayat ng suporta, pag-oorganisa, komunikasyon, at pagtataguyod ng
mga hangarin (Sanchez, etal, 2014).
Ang katangiang ito ng social media ay patunay ng malaking epekto nito sa
lipunan. May kakayahan itong gumawa o bumago ng pagtanaw ng mamayan sa mga
indibidwal at mga bagay. Isang daan din ito upang manghikayat ng opinyon at mang-
engganyo sa karamihan na makisali sa usapin sa bansa. Dahil sa social media, madali
15
nang magbahagi ng ideya hindi lamang sa mga taong malapit sa netizens kung hindi
maging sa mga taong nasa labas ng kanilang antas. Ang online posts ay paraan upang
magbigay ng reaksyon sa mga nakamit at kakulangan ng pamahalaan. Malaking tulong
ito sapagkat madali nang malaman ang saloobin ng masa (Sanchez, 2014).
Ayon nga kay O’Connell, sa oras na magkaproblema o mabigo ang pamahalaan,
malaki ang epekto ng pinagsama-samang puwersa ng masa sa tulong ng teknolohiya
upang magdulot ng demokratikong pagbabago sa lipunan. Ito ay napatunayan sa
dalawang pagkilos na nabanggit kung saan ang tinig ng mamamayan ang nanaig sa
lipunang kontrolado ng mga makapangyarihan. Kung sa ganitong dahilan at pamamaraan
gagamitin ang teknolohiya, malaki ang maiaambag nito sa pagpapabuti ng kalagayan ng
mga nasa laylayan.
Subalit, ayon kay Ramota, sa kabila ng mga oportunidad at ganansiyang
ibinibigay ng makabagong teknolohiya sa aktibismo at mga kilusan para sa reporma at
pagbabago, ang paggamit ng internet ay may kaakibat na mga limitasyon at babala.
Habang marami nang mga aktibong netizens ang gumagamit ng mga iba’t ibang
plataporma sa internet tulad ng social media para sa kanilang adhikain, mas laganap pa
rin ang mga online games, pornograpiya, dating networks at iba pang bagay na maaaring
makapaglihis ng atensiyon ng publiko mula sa lehitimong pakikibaka para sa
pambansang kalayaan at demokrasya. Nanatili pa rin ang digital divide sa bansa sa kabila
ng pag-usbong ng makabagong teknolohiya at pagdami ng netizens. Hindi pa rin
kasinlawak ang saklaw ang akses sa internet kumpara sa iba pang media tulad ng
telebisyon, radyo, at mga peryodiko, lalo na sa mahihirap na sektor ng lipunan. Ang mga
ganitong usapin ay problema rin at direktang nararanasan ng mga aktibista at progresibo
16
na kumikilos nang buong panahon sa mga papaunlad pa lamang at mahihirap na estado.
Nananatili pa ring usapin ang paggamit ng internet bilang daluyan o lunsaran ng mga
aktibidad ng mga progresibo. Dapat na isaisip na hindi kailanman mapapalitan ng
internet at mga pakikibaka sa loob nito ang tunay na laban sa pisikal na mundo. Laging
dapat kasama ng mga aktibidad sa internet ang pag-oorganisa at pagpapakilos kasama
ang batayang masa sa labas ng cyberspace. Gayundin, hindi dapat maging hadlang ang
panganib at isyung kaakibat ng internet upang gampanan ng mga aktibista at progresibo
ang kanilang tungkuling imaksimisa at tuluyang baguhin ang gamit nito at iba pang uri ng
plataporma para sa panlipunang hustisya at pagbabago (Ramota, 2013).
17
VII. Teoretikal na Pananaw
Isa sa mga teoryang gagamitin ay ang Critical Theory na may layuning tasahin at
baguhin ang lipunan. Binibigyan nito ng basehan ang pagkuwestiyon sa lipunan nang sa
gayon ay mabawasan ang lahat ng uri ng dominasyon at naghahangad na palayain ang
mamamayan mula sa sitwasyong umaalipin sa kanila. Ang teoryang ito ay nakadirekta sa
lipunan at konektado rin sa kasaysayan. Sa pamamagitan ng pagsasanib-pwersa ng iba’t
ibang larangan ng agham panlipunan, higit na mauunawaan ang mga pang-araw-araw na
pangyayari. Samakatwid, sa pamamagitan ng pagkuwestiyon sa lipunan, nais nitong
baguhin ang kapitalismo upang maging isang tunay na demokrasya. Subalit, epektibo
lamang ang paggamit sa teoryang ito kung maipapaliwanag ang kamalian sa umiiral na
realidad, matutukoy ang mga aspetong dapat baguhin, at makakapaglaan ng kritisismo at
kalaunan ay makakapag-ambag ng praktikal na solusyon para sa panlipunang pagbabago
(Horkheimer).
Masasabing isa sa mga dahilan ng pagsikat ng social media ay ang kakulangan
ng tradisyonal na media sa pagtupad sa tungkulin nitong maglahad ng patas na balita at
magsilbing tagapamagitan sa pamahalaan at mamamayan. Dahil dito, naging daan ang
teknolohiya upang bigyang-boses ang ordinaryong mamamayan. Kaakibat ng bentaheng
ito ay ang pagkakaroon ng puwang sa pagkuwestyon ng netizens sa umiiral na
pamamalakad at kaganapan sa lipunan. Sa pamamagitan ng pag-click sa social media ay
maaari nang usigin ng publiko ang nakikita nitong kamalian o hindi paborableng
desisyon ng gobyerno. Posible na rin ang pagmumungkahi ng mga pagbabagong nais
ipatupad sa pamamagitan ng paglalabas ng saloobin online upang tuluyang makamit ang
pagbabago at pagkakapantay-pantay. Dagdag pa, maaaring maapektuhan ng tinig ng
18
mamamayan ang mga polisiya at programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng
pagbatikos sa kakulangan nito. Naniniwala ang teoryang ito na sa patuloy na pagbabantay
ng netizens, magdudulot ito ng tuwirang pagbabago sa lipunan.
Kasama rin sa mga gagamitin ang Democratic Participant Theory na naglalayong
wakasan ang pag-kontrol ng iilan sa tradisyonal na media upang mapahintulutan ang mas
nakararami na magkaroong ng akses dito. Ito ay bunga rin ng kakulangan ng media na
gampanan ang tungkulin nito sa lipunan sapagkat nakasentro lamang ito sa pribado at
komersyalisadong pagbabalita. Hangad ng lipunan ang pagkakaroon ng pantay-pantay na
pagkakataon na makapagpartisipa sa media sa halip na ipagpaubaya na lamang ang
tungkuling ito sa mga tagapagbalita. Mahalaga para sa teoryang ito ang mga tumatanggap
ng impormasyon o ang mamamayan kung kaya naman ang kanilang kapakanan ang
pangunahing pinagbatayan nito. Binibigyang-importansiya nito ang karapatan sa
pagkakaroon ng akses sa impormasyon sapagkat ito ang magiging batayan ng
mamamayan sa paggawa ng mahahalagang desisyon. Kinakailangang mamulat ang masa
tungkol sa kalagayan ng lipunan nang sa gayon ay lubusan nilang maunawaan ang mga
suliraning dapat pagtuunan ng pansin at kalaunan ay sila na mismo ang kumilos upang
bigyang-solusyon ang mga ito. Pinahihintulutan din ng teoryang ito ang pagbibigay ng
reaksiyon ng mamamayan tungkol sa mga balita at kaisipan na kanilang nakikita sa
media na siyang pinagkaiba nito sa tradisyonal na media kung saan may iisang direksyon
lamang ang komunikasyon. Samakatwid, hindi naiisantabi lamang ang kanilang mga
opinyon at saloobin at sa halip, nagiging kabahagi ang masa sa mga diskusyon sa lipunan.
Tulad ng nabanggit ng teorya, nais ng masa na magkaroon ng partisipasyon sa
lipunan lalo na sa mga aspetong may kinalaman sa mahahalagang usapin sa bansa. Isa
19
marahil ito sa mga dahilan kung bakit parami nang parami ang sumasandig sa social
media upang alamin at busisiin ang mga kaganapan. Dagdag pa rito, ang pagiging libre at
madaliang pagkakaroon ng akses ng sinoman ang siyang dahilan kung bakit
nakapanghihikayat ito ng mga miyembro. Sa ganitong paraan, kahit papaano ay
naibibilang ang mamamayan sa diskurso at talakayan patungkol sa mga pangyayari sa
bansa na dati ay hindi pinahihintulutan ng tradisyonal na media. Binibigyang-daan nito
ang napakaraming mamamayan na mabigyan ng boses at pagkilala sa lipunan.
Isa rin ang Agenda Setting Theory sa mga gagamitin ng pag-aaral na ito. Ayon sa
teoryang ito, ang media ang nagtatakda ng mga isyung may kinalaman sa publiko. Sa
ilalim nito, ang mga usapin na higit na binigyang-diin ng media ang nagiging sentro ng
atensyon at diskusyon ng mamamayan kaya naman ito na rin ang pinagtutuunan nila ng
pansin. Masasabi na ito ang tumutukoy sa mga balitang bibigyang-halaga ng masa at sa
mga pagkakataon na nagiging selektibo ang media sa paglalahad ng balita, nalilimitahan
ang kamalayan ng publiko tungkol sa mga isyung hindi nailahad (Lule, 2016). Dahil dito,
ang pagpili ng balita o isyung susuriin ng mamamayan ang lumalabas na papel ng media
sa halip na paghubog sa kanilang pananaw. Sa prosesong ito, kailangang suriin ang
importansiya ng balita. Kung ang balita ay mahalaga para sa publiko, ito marahil ang
lalamanin ng pamamahayag. Sa kabilang dako naman, malaki ang magiging epekto ng
mga isyung ibinalita upang makabuo ng pampublikong adhikain. na siyang magiging
batayan ng pagbuo ng mga polisiya (Spring, 2002).
Makikita sa teoryang ito ang kahalagahan ng papel ng media sa paghubog sa
isang lipunan. May kakayahan itong itakda ang mga suliranin o mga bagay na bibigyang-
halaga ng mamamayan. Sa kaso ng social media, ang mga trending news ang siyang
20
nagiging mainit na usapin at nakakakuha ng maraming atensyon mula sa netizens. Isang
malaking ambag ng social media ay ang pagpapakita at pagtalakay sa mga isyung hindi
napapalalim o hindi man lamang nababanggit sa tradisyonal na media. Ang mga
kaganapang ito ay nagkakaroon ng puwang sa kamalayan ng publiko at pumupukaw sa
damdamin ng karamihan kaya naman binibigyang-daan nito ang mga pagkilos at ang
pagsasagawa ng mga ito ay nakatutulong upang isulong ang mga adhikain ng lipunan at
pagkamit ng mga polisiyang poprotekta sa interes ng nakararami.
21
VIII. Konseptwal na Pananaw
Sa tulong ng social media, naging mas madali ang paglaganap at pagkalap ng
impomasyon partikular na ang mga isyu at balita sa bansa kung kaya lumalaki ang bilang
ng mga dumudulog sa rekursong ito. Karamihan sa mga netizens ay madalas na
bumabatay sa FB at twitter upang alamin ang mga kaganapan sa lipunan. Subalit, dapat
pakatandaan na hindi gaya ng mga impormasyon sa radyo, dyaryo o telebisyon, ang ilan
sa mga nakikita sa social media ay hindi sumailalim sa malalim na pananaliksik.
Kinakailangang matukoy ang mga posibleng pagmulan ng mga balita at
impormasyon sa mga social networking sites (SNS) upang masiguro ang kredibilidad ng
mga ito. Dahil dito, mahusay na magagamit ang rekursong ito upang alamin at timbangin
ang mga balita. Makikita rin ang isyu at impormasyong nais bigyang-pansin sa porma ng
trending news. Ang mga ito ay maaaring makaimpluwensya sa mga pananaw at desisyon
ng mamamayan at may posibilidad din na makaapekto ito sa kanilang partisipasyon sa
lipunan. Ang magiging reaksyon o pag-aksyon ng publiko ang siyang batayan upang
masukat ang pagiging epektibo ng social media sa paglalahad ng mga isyu.
Ang laman ng balita at maging ang paraan ng pagbabalita ang gumigising sa diwa
ng mamamayan. Kung ano man ang hakbangin na gagawin ng netizens matapos na
matuklasan ang mga balita ang siyang magiging batayan ng pagiging epektibo ng social
media. Matapos nito, posibleng makapaghain ng mga hakbang upang mas mapaunlad
ang paggamit nito nang sa gayon, higit nang mapapakinabangan ang social media sa
pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng lipunan.
22
Sa tulong ng social media, mas madali na ang paglaganap ng mga usapin sa
lipunan. Malayang nakakalahok ang mamamayan sa pakikipagdiskurso sa pamahalaan
tungkol sa mga kinakaharap na suliranin ng bansa. Sa pamamagitan nito, nagkakaroon
ang dalawang panig ng direktang komunikasyon sa isa’t isa hindi tulad sa tradisyonal na
media kung saan walang puwang upang dinggin ang komento ng publiko tungkol sa mga
isyu. Ang paraang ito ay maaari makaapekto sa paghubog ng pambublikong opinyon ng
mamamayan o magresulta sa malawakang pagkilos tungo sa pagbabago at pagpapaunlad.
Bilang resulta, nagkakaroon ng dahilan ang gobyerno upang dinggin ang hinaing ng
masa. Samakatwid, malaki ang magiging papel ng mga pagkilos na ito sa pagpaplano ng
pamahalaan sa kanilang programa at pamamalakad.
SOCIAL MEDIA
Mamamayan Usapin sa lipunan
Polisiya/Programa
Pamahalaan
Aksyon/Reaksyon
23
IX. Metodolohiya
Ang pag-aaral na ito ay sumandig sa mixed method design kung saan gumamit ng
magkakahalong estratehiya sa pangangalap ng datos at malalim na tinasa ang kalagayan
ng lipunan. Sa tulong ng sarbey, nakakuha ng makatotohanan at eksaktong tugon habang
sa tulong naman ng case study, higit na nasuri ang mga paksa sa ilalim ng pag-aaral.
Nakatulong ang paraang ito sa pagtukoy kung ang mga teorya at modelo ay may
aplikasyon sa tunay na mundo. Dahil din sa paggamit ng magkakahalong estratehiya,
nagawang punuan ng isang klase ng disenyo ang kakulangan ng isa pa. Subalit, dahil sa
kakulangan sa oras na ginugugol sa pananaliksik at sa pagkakaiba-iba ng estratehiya,
nagkaroon ng ilang magkakatunggaling datos ngunit tingangka ng pag-aaral na ilatag ang
mga ito sa paraang mauunawaan ng masa.
Ang mga sumusunod ay ang mga instrumentong ginamit sa pangangalap ng datos:
1. Sarbey – namili ng 30 social media users na siyang nagpartisipa sa pag-aaral
a. Tinukoy ang mga balitang nababasa sa social media at kung sa paanong
paraan nila ipinapakita ang kanilang tindig sa mga isyu sa lipunan
b. Hiningi ang kanilang pananaw ukol sa mga napiling case study
2. Case study – pumili ng ilang isyung mainit sa social media at tinasa kung paano
ito sinusuri ng publiko
a. Popularidad ni Pangulong Duterte
b. Paglilibing kay Ferdinand Marcos sa LNMB
c. Ilang isyu na kailangang mabigyan ng puwang sa lipunan
3. Key Informant Interview- kumapanayam ng mga propesor, social/political
24
scientist at propesyunal upang makakalap ng malawak na datos at mapalalim ang
pagsusuri
4. Libro, online sources at iba pang materyales – kumonsulta sa iba’t ibang akda at
iba pang mga instrumentong higit na nakatulong sa pag-aaral
25
X. Ginawang Pananaliksik sa Ikalawang Semestre
GAWAIN
ISKEDYUL
Nakipanayam sa mga netizen at key
informant
Disyembre 12-23, 2016
Enero 3-31, 2017
Nangalap ng datos sa mga silid-aklatan,
online sources at iba pang materyales
Disyembre 12-23, 2016
Enero 3-31, 2017
Inaral ang mga impormasyong nakalap
Pebrero 1-15, 2017
Bumuo ng presentasyon at pagsusuri ng
datos
Pebrero 15- Marso 31, 2017
Bumuo ng konklusyon at rekomendasyon
Abril 1-30, 2017
Nagpasa ng nabuong pananaliksik
Mayo 2017
XI. Panukalang Badyet
GASTOS
BADYET
Transportasyon
P 500.00
Pagpapalimbag at binding ng pag-aaral
P 250.00
26
KABANATA II – ANG SOCIAL MEDIA NOON AT NGAYON
I. Kasaysayan at Ebolusyon ng Social Media
Nagsimula ang social media sa Bulletin Board System o BBS kung saan
‘nagkakatagpo’ at nagkakaroon ng komunikasyon ang mga tao online. Dito, posibleng
makapaglaro o makakuha ng anomang impormasyon o bagay sa pamamagitan ng pagda-
download. Sa tulong ng telepono, nakilala ang BBS noong nag-uumpisa pa lamang ang
paggamit ng kompyuter (Digital Trends, 2016).
Sa kabila ng limitadong sistema ng teknolohiya, patuloy na sumikat ang BBS
mula 1980 hanggang 1990 sa tulong ng internet. Ngunit bago pa man ang ganap na
pagkilala sa internet, mayroon na ring ilang naging lunsaran ng interaksyon gaya ng
CompuServe na nag-umpisa noong 1970 at ginamit bilang negosyo bago ito tuluyang
naging bukas sa publiko noong huling bahagi ng 1980s kung saan ang mga miyembro
nito ay nakakapagbahaginan ng impormasyon at nagkakaroon ng akses sa mga balita.
Maliban sa palitan ng mensahe, naging daan ang CompuServe upang ang bawat
miyembro ay makaranas ng tunay na interaksyon. Bukod sa pagpapadala ng e-mail,
bukas ang diskusyon para sa lahat tungkol sa anomang mahalagang paksa at ang mga
diskusyong ito ang naging simula ng interaksyong nagaganap sa kasalukuyang
plataporma (Digital Trends, 2016).
Sa usapin naman ng SNS, ang American Online o AOL ang nanguna rito at para sa
marami, ang AOL ang nagsilbing ‘internet’ noong hindi pa ito nakikilala sa mundo.
Mayroon itong aplikasyon na kung tawagin ay ‘Member-Profile’ kung saan dito
ibinabahagi ng mga miyembro ang kanilang personal na impormasyon at iba pang detalye
27
tungkol sa kanilang sarili at maaaring ito ang pinakatanyag at kahanga-hanga sa lahat ng
tampok na aplikasyon ng AOL (Digital Trends, 2016).
Sa kabila ng napakaraming programa na umusbong mula sa teknolohiya, hindi pa
rin nito nahadlangan ang pagdating ng internet at sa kalagitnaan nga ng 1990 ay tuluyan
na itong naipakilala sa mundo. Nagbukas ang websites ng Yahoo at Amazon na
nagtampok ng kani-kanilang produkto online kaya naman dumagsa ang mga
naengganyong bumili ng sarili nilang kompyuter (Digital Trends, 2016).
1995 nang isilang ang kauna-unahang site na nagpakilala sa klase ng social
networking na mayroon sa kasalukuyan. Sa tulong ng Classmates.com, nagkaroon muli
ng koneksyon ang mga dati nang magkakakilala na nawalan ng komunikasyon sa kung
ano pa mang dahilan. Sa aplikasyong ito, hindi maaaring makagawa ng sariling profile
ang mga miyembro subalit gaya ng nabanggit, maaari nilang matagpuan ang mga taong
dati na nilang nakasama o nais na makita (Digital Trends, 2016).
Sa pagdating ng SixDegrees.Com, nadagdagan ang gamit ng mga naunang
SNS. Dito, nagkaroon ng tampok na aplikasyon kung saan maaaring makapag-imbita ng
ibang miyembro upang maging kaibigan, makabuo at makapag-organisa ng mga grupo ng
magkakaibigan at makahanap at makapag-usisa sa profile account ng ibang tao. Marami
sa mga miyembro nito ay nakapanghikayat pa ng ibang mga nais lumahok sa SNS na ito
(Digital Trends, 2016). Nang sumapit ang 2000, halos 100 milyong katao na ang
nagkaroon ng akses sa internet at naging pangkaraniwan na rin ang makibahagai sa mga
kaganapan online. Itinuring na libangan lamang noon ang pagiging aktibo sa SNS sa
pamamagitan ng pagsali sa chat room upang makipagkaibigan, makahanap ng bagong
kakilala at makipag-diskurso tungkol sa kung mga bagay-bagay. Subalit, hindi pa rito
28
nagtatapos ang pagyabong ng social media sapagkat hindi pa nito naaabot ang rurok ng
tagumpay (History Cooperative, 2015).
Noong 2002, labis na pumatok sa publiko ang SNS na Friendster na may
konseptong gaya ng sa SixDegrees.Com kung saan maaaring magkatagpo ang dati nang
magkakilala sa pamamagitan ng paghanap ng kani-kanilang profile at pag-imbita rito
bilang kaibigan upang muling mapagtibay ang koneksyon sa isa’t isa. Isang taon pa
lamang mula nang ito ay mag-umpisa, kaagad umabot sa halos tatlong milyon ang
miyembro nito. Ngunit ang mga problemang teknikal at ilang kahina-hinalang patakaran
na kinaharap nito ay nagresulta sa pagbaba ng kita ng Friendster. Maikli lamang ang
panahon ng tagumpay ng SNS na ito at sa kasalukuyan ay paglalaro na lamang ang
nagagawa ng mga miyembro nito (Digital Trends, 2016).
Nakilala noong 2003, ang Linkedln ay naghatid ng seryoso at tradisyonal na
paraan ng social networking kung ihahambing sa Friendster. Hanggang sa kasalukuyan
ay ginagamit pa rin ito ng mga taong aktibo sa negosyo na nagnanais makipag-
interaksyon sa ibang mga propesyonal. Sa parehong taon din nakilala ang MySpace at
naging isang paboritong SNS ng kaniyang panahon. Nahumaling dito ang publiko lalo na
ang kabataan dahil sa hatid nitong iba’t ibang klase ng musika, video at iba pang
mapagkakaaliwan. Subalit gaya ng nangyari sa Friendster, bumaba ang bilang ng
miyembro nito at sa kasalukuyan ay mga mag-aawit at musikero na lamang ang
bumibisita rito (Digital Trends, 2016).
29
FB at twitter bilang pangunahing SNS
Sa ngayon, Facebook ang nangungunang SNS sa mundo. Itinatag ito ni Mark
Zuckerberg kasama ng kaniyang mga kapwa mag-aaral at inilunsad noong 2004 para
lamang sa Harvard University ngunit tuluyan na ring nagbukas sa mundo pagkalipas ng
dalawang taon. Nahikayat din ang mga negosyanteng mamuhunan sa FB noong 2009
kaya naman maituturing din ang SNS na ito bilang isang negosyo. Tinatayang mayroong
higit isang bilyong miyembro ang FB sa kasalukuyan. Ito ay posibleng dahil sa madaling
magkaroon ng akses sa SNS na ito o kaya naman ay dahil sa madaling matutunan ang
paggamit nito (Digital Trends, 2016). Upang magkaroon ng FB account, kinakailangan
lamang na mairehistro ang iyong personal na impormasyon sa website na
www.facebook.com at pagkatapos ay maaari nang gumawa ng mga aktibidad gamit ang
FB. Ito ay may tampok na Friends, Fans, Wall, News Feed, Fan Pages, Groups, Apps,
Live Chat, Likes, Photos, Videos, Text, Polls, Links, Status, Pokes, Gifts, Games,
Messaging, Classified section, upload and download options for photos/videos at ang
iba’t ibang aplikasyong hatid nito ang dahilan kung bakit madaling naengganyo ang
publiko sa paggamit ng SNS na ito. Dagdag pa rito ay ang mga anunsiyo sa porma ng
banner ads, referral marketing, casual games, at video ads na nakikita o lumilitaw sa FB
wall na maaari ding bisitahin ng mga miyembro. Hindi lamang ito dumaragdag sa
pagkaaliw ng publiko kung hindi nakakatulong din na mapadali ang kanilang paggamit
ng teknolohiya sapagkat sa halip na pumunta sa iba’t ibang sites ay maaari na nilang
magawa ang napakaraming bagay gamit lamang ang FB (Diffen, nd).
Noong 2006 din naman sumikat ang text messaging na nagtulak kina Jack
Dorsey, Biz Stone, Noah Glass at Evan Williams na lumikha ng SNS kung saan maaaring
30
makabuo ng pahayag gamit ang 140 titik o mas kaunti na tinatawag na tweets1 (History
Cooperative, 2015). Samantala, tinatamasa rin ng twitter ang tagumpay na nakamit ng FB
at mayroon itong higit 300 milyong miyembro (Digital Trends, 2016). Gaya sa FB,
kinakailangan lamang na makapagrehistro sa website na https://www.twitter.com upang
makalahok sa SNS na ito.
1 maiikling pahayag o mensahe sa twitter
31
II. Ang Transpormasyon ng Social Media
Telebisyon, radyo at peryodiko ang nagsilbing pangunahing lunsaran ng mga
balita at plataporma ng komunikasyon sa loob ng maraming taon. Sinalamin ng media
ang mga indibidwal at iba’t ibang grupo sa parehong positibo at negatibong paraan.
Gayunpaman, ang pagbaba ng pagtingin sa tradisyonal na media kasabay ng pagtanyag
ng social media ay nagdulot ng pagbabago sa paraan ng pamamahayag at komunikasyon.
Ang pagiging patok ng social media ay naging daan upang magkaroon ang publiko ng
‘sarili’ nitong media at makabuo ng sariling istilo ng paghahatid ng balita (Osorio, 2015).
Kung dati ay tumatanggap lamang ng balita ang publiko, ang bagong lunsaran ay
nagbigay-daan upang magkaroon ng personalisasyon at partisipasyon sa pagkonsumo ng
impormasyon. Dito, magkakatuwang ang publiko sa pagkuha, pagsulat at pamamahagi ng
balita sa iba’t ibang plataporma ng social media kaya naman kontrolado na ito ng mga
mambabasa na siyang kabaliktaran ng nakasanayan na iisang direksiyon lamang ng
pagbabalita. Isang katangian din ng social media at internet ay ang malawak na sakop
nito o yaong tinatawag na “audience reach” na umaabot hanggang sa iba’t ibang bahagi
ng mundo at ang madaliang akses dito ay ang dahilan ng mabilis na pagkalat ng kahit
kalalabas pa lamang na impormasyon. Ang patuloy na paglakas ng puwersa ng internet
ay hindi na nga mapipigilan pa kaya naman hindi maiiwasan ng mga peryodista at ng
tradisyonal na media na harapin ang hamon na makapagbigay sa publiko ng mga balita sa
pinakamabisang paraan. Sa social media, lumilitaw din ang mga indibidwal at mga grupo
lalo na yaong mga nakabuo ng maraming koneksyon sa tulong ng SNS. Sila ay
nakakakilos nang malaya mula sa tradisyonal na media at hindi nalilimatahan ng mga
institusyon.
32
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng Pew, 62% ng mga nakatatandang mamamayan sa
Amerika ay nakakapagbasa ng balita mula sa social media at 18% sa kanila ang madalas
na dumudulog dito. Bilang ang Amerika ay mayroong malakas na impluwensiya sa ibang
mga bansa, ang resultang ito ay nagbibigay ng ideya sa kung ano ang maaaring asahan sa
hinaharap. Ang pagbabagong ito sa media ay nagdadala ng oportunidad at hamon sa
industriya ng pagbabalita kung saan ang social media ay nagsisilbi bilang isang
mahalagang instrumento ng komunikasyon. Dahil din sa samu’t saring krisis sa
peryodismo, nagresulta ito sa pagbabago ng mga kagawian sa media upang mas mahusay
na matugunan ang pangangailangan at naisin ng publiko. Mula sa pagiging daluyan ng
balita hanggang sa pagiging tagapagbigay-alam nito, marami sa mga peryodista ay sa
social media kumukuha ng impormasyon para sa mga balita na kanilang itinatampok.
Ang pagbabagong ito ay nagtutulak sa mga reporter at mga personalidad sa media na
umayon sa mga pagbabago sa lipunan, kultura at teknolohiya.
Sinasabi na mayroong limang gamit ang social media sa pagbabalita - una,
matukoy ang papausbong na balita, ikalawa, mapatunayan ang kredibilidad ng mga
impormasyon, ikatlo, mabisita ang mga profile/account na pagkukuhanan ng mahalagang
detalye, ika-apat, masubaybayan ang mga pagkakatugma ng mga kuwento, at ika-lima,
madaling pagpapalaganap ng impormasyon (Newsclip Media, 2016). Ang limang gamit
na ito ay ang inaasahang gagabay sa mga mamamahayag na nais gawing kasangkapan
ang social media.
33
III. Kritisismo sa Social Media Bilang Lunsaran ng Impormasyon
Sa kabila ng mga naiambag nito, hindi mawawala ang kritisismo sa social media
sapagkat marami ang kumukuwestiyon sa kredibilidad ng impormasyon dito. Nariyaan
din ang pagdami ng mga baguhan na hindi pa hasa sa pagbabalita. Kilala man ito sa
mabilis na paghatid ng mga napapanahong detalye, mahirap pa rin tiyakin ang kalidad ng
mga ito. Sinasabing nang dahil sa social media ay lumalaganap ang misimpormasyon
habang ang mga tunay na detalye ay nawawala sa kalagitnaan ng mga nagtutunggaling
mensahe. Dapat din isaalang-alang na ang ilan sa mga akda rito ay hindi isinulat ng mga
peryodista o sinuri man lamang ng mga awtoridad.
Dahil sa mga puna sa social media, hindi pa rin maitatanggi ang kahalagahan ng
papel ng tradisyonal na media lalo na sa usapin ng kredibilidad. Ayon sa 2016 Global
Ogilvy Media Influence Survey, tradisyonal na media pa rin ang higit na
pinagkakatiwalaan sapagkat naniniwala ang publiko sa kalidad ng pagbabalita nito. Ang
kaisipang ito ay maiuugat sa naipundar nang reputasyon ng dominanteng platapormang
ito kung kaya naman labis ang tiwala ng mga tao sa impormasyong hatid nito. Sa
kabilang dako naman ay madalas na walang batis o hindi nakalahad ang orihinal na may
akda ng mga artikulo o impormasyon sa social media kaya hindi maiiwasan ang pag-
aalinangan sa kredibilidad at kalidad nito (Newsclip media, 2016).
Ang sari-saring puna sa social media ay sumasalamin sa mga hangganan nito
bilang lunsaran ng impormasyon kaya naman dapat na matukoy ang tamang paraan
upang lubusang mapakinabangan ang rekursong ito.
34
IV. Ang Social Media sa Pilipinas
Sa ginawang pananaliksik ng Rappler, makikitang palaki nang palaki ang bilang
ng mga Pilipinong gumagamit ng internet kada taon. Noong 2009 ay mayroon lamang
higit sa walong milyon ang may akses dito subalit noong 2015 ay pumalo na sa higit 47
milyon ang nakakakonekta sa internet. Ang mga social media site ay ang pangunahing
online site na pinupuntahan ng mga Pilipino at tinatayang 47% ng netizens ang miyembro
nito. Halos 3.2 oras ang ginugugol ng netizens sa paggamit ng mobile habang halos 5.2
oras naman sa desktop o laptop at tablet kada araw. Para sa mga Pilipino, mahalaga ang
pagkakaroon ng koneksyon sa iba’t ibang tao at impormasyon. Kinakailangan ang
koneksyon na ito sa pagbuo ng mga desisyon lalo na sa panahon ng suliranin (Rappler).
Ayon sa Statista, ang FB ang nangungunang social media site na pinupuntahan
ng netizens kasama na ang mga Pilipino. Higit 40 milyon ang miyembro nito sa Pilipinas
sa kasalukuyan at posible itong umabot ng higit 50 milyon pagsapit ng 2021. Panonood
ng videos, pagla-like ng nilalaman, pagbabasa ng artikulo, at pagme-message ang
kadalasang aktibidad sa SNS. Malaki rin ang ambag ng paggamit ng mobile sa pagdami
ng netizens na aktibo sa SNS (Statista). Sa katunayan ay mas marami pa ang bilang ng
mobile phones kumpara sa bilang ng mga tao sa Pilipinas at marami na rin ang
gumagamit ng smart phones sa pangunguna ng kabataan. Mahigit 80% rin ng netizens ay
mula sa hanay ng mga nakakaangat sa lipunan ngunit inaasahan na lalaki pa ang espasyo
para sa mga netizens na mula sa mga nasa gitnang uri at maging ng mga nasa laylayan.
Nagiging multi-screen consumers2 na rin umano ang mga Pilipino sapagkat ayon
kay Jay Bautista na isang tagapayo mula sa Strategic Consumer and Media Insights Inc.
2 Paggamit o pagkonsumo sa iba’t ibang plataporma ng media
35
(SCMI), mobile ang sumasalubong sa kanilang umaga habang kompyuter ang
pinagkakaabalahan sa trabaho at tablet naman ang madalas gamitin sa gabi (Pana, 2015).
Dahil dito, hindi na nakakapagtaka kung bakit nasakop na ng teknolohiya ang maraming
Pilipino dahil na rin sa uri ng pamumuhay na mayroon ang mga ito sa kasalukuyan na
mayroong malaking pagsandig sa teknolohiya.
36
V. Ang social media bilang tagapaghatid ng balita
Salungat sa kaisipan na ang mga impormasyong itinatampok sa social media ay
kadalasang bumabase lamang sa mass media at bibihirang manguna sa pagsiwalat ng mga
isyu, napatunayan ng isang pag-aaral ni Prof. Brendan Watson na ang mga blogger ay
hindi dumudulog sa peryodiko upang mabuo ang kanilang akda. Nais nilang magmula sa
orihinal na batis ang kanilang gawa at ipahayag ito sa sariling pamamaraan kaysa
sumangguni sa media lalo na sa usapin ng lokal na isyu na kadalasan ay ipinagwawalang-
bahala lamang ng tradisyonal na media. Ayon sa Pew, ang mga kuwentong higit na
umaani ng atensyon sa social media ay malayo sa mga paksang itinatampok sa
peryodiko. Dagdag pa ng manunulat na si Richard Telofski, “ang social media ay
nagbubunga ng mga usapin na kalaunan ay nakakarating din sa mainstream media” kaya
naman nagsisilbi itong babala sa pamahalaan at mga negosyante dahil ang larangang ito
ay pinakaangkop sa mga naisantabi sa lipunan gaya ng mga progresibong organisasyon
(Osorio, 2015).
Ang social media ay naging kapaki-pakinabang at itinuturing bilang isang
mahalagang instrumento ng komunikasyon dahil sa napakaraming dahilan gaya ng
pagdami ng balita at impormasyong natatagpuan dito, labis na pagsandig ng kabataan
dito, malawakang paglaganap ng mensahe gamit ito, pagdami ng mga taong nahihikayat
dito, pag-abot ng diskurso mula rito patungo sa news sites, at patuloy na paglawak ng
gamit nito. Sa tulong ng social media, nagiging mabilis ang daloy ng ideya at opinyon
kung saan, dito na rin nakakapag-komunika ang mga tao lalo na ang kabataan. Marami
rin sa mamamayan ang madalas nakapokus sa mobile phone at internet kaya hindi
maiiwasan na dumagsa ang mga miyembro ng social media (Nacpil, 2017).
37
Gayunpaman, sa ginawang pag-aaral ng Pew noong 2012, tinukoy nito na sa
telebisyon pa rin unang dumudulog ang mamamayan sa pagtukoy sa mga balita at
marami sa netizens ay dumidirekta sa news media organization website sa tuwing nais
nilang alamin ang mga kaganapan at kasalukuyang isyu. Kakaunti lamang ang
dumudulog sa FB at twitter upang makibahagi sa balita. Subalit noong 2013, nagkaroon
ng pagbabago sa nakuhang resulta ng Pew kung saan malaking bahagi ng publiko ang
naniniwalang bumaba ang dami at kalidad ng mga balita sa tradisyonal na media kaya
naman huminto na ang maraming tao na makinig, manood at magbasa ng balita mula rito.
Ito na ang naging hudyat ng magiging papel ng social media sa pagbabalita subalit hindi
pa rin dapat isantabi ang kasalukuyang papel ng dominanteng media. Ayon pa rin kay
Nacpil, “on the go” na ang mga tao at naghahangad ng mabilisang proseso sa lahat ng
bagay kaya naman maging sa mga balita, nais na rin nila ng agarang daloy ng
impormasyon. Bagamat hindi pa rin naman matatawaran ang papel ng telebisyon, radyo
at peryodiko sapagkat ang mga nakatatandang mamamayan lalo na yaong mga hindi
maalam sa paggamit ng teknolohiya o maging ang mga walang kakayahang magkaroon
ng akses dito ay sa dominanteng media pa rin dumudulog.
Masasabi na ang mga impormasyon online at offline ay parehong pinagkukuhanan
ng lalamanin ng mga balita kaya naman dapat na tukuyin kung ang mga ito, lalo na yaong
mga nagmumula sa social media ay dumaan sa pagsusuri ng mga propesyonal o hindi
kaya ay nagmula lamang sa pananaw ng publiko (Osorio, 2015).
38
KABANATA III – PRESENTASYON AT PAGSUSURI NG DATOS
I. Social Media Account ng mga Nagpartisipa
100% - FB
56.7% - Twitter
70% - Instagram
4% - Iba pa (Snapchat)
Pigura 1
Ang 30 nagpartisipa sa pag-aaral ay binubuo karamihan ng mga estudyante, ilang
mga empleyado at propesyonal na aktibo sa paggamit ng social media. Lahat ng mga ito
ay mayroong FB account, 17 ang mayroong twitter account, 21 ang mayroong instagram
account, at apat naman ang mayroong iba pang klase ng social media account. Kung
pagbabatayan ang pigurang ito, masasabing ang FB ang may pinakamalaking hatak.
Hindi rin matatawaran ang pagiging patok ng instagram sapagkat hindi nagkakalayo ang
dami ng miyembro nito kung ihahambing sa FB. Ang twitter naman sa kabilang banda ay
mayroong miyembro na higit sa kalahati ng sampol na populasyon kaya naman
maliwanag na marami rin ang naeengganyo sa SNS na ito. Dapat din isaalang-alang na
39
marami sa netizens ay mayroong higit sa isang social media account kaya naman hindi
nakapagtataka ang pagdami ng miyembro ng iba’t ibang SNS.
Sa panahon ng makabagong teknolohiya kung saan napakabilis ng daloy ng
impormasyon at iba’t ibang bagay, marami sa mamamayan lalo na ang kabataan, ang
nagnanais lumahok sa social media. Una, ito ay maituturing na libre kung ikukumpara sa
ibang plataporma gaya ng telebisyon at radyo na mahal ang pagpapatalastas, pangalawa,
malawak ang sakop nito at aabot na nga sa buong mundo at pangatlo, mabilisan ang
pagpapahayag ng reaksyon.
Dahil nga sa ito ay SNS, kung saan ang isang social media user ay nakapaloob sa
sirkulo ng kaniyang mga kaibigan at maging ng mga kaibigan ng kaniyang mga kaibigan,
napakalaking bentahe nito bilang batis ng impormasyon (Palatino, 2017). Ayon pa kay
Nacpil, ang social media ang pinakamalaking plataporma upang makapagpahayag ng
ideya at opinyon at dito kadalasan nagkakaroon ng komunikasyon ang mga tao lalo na
ang makabagong henerasyon na malaki ang pagsandig sa internet. Dagdag ni Arao, ang
tendensiya talaga ng maraming tao lalo na ng kabataan ay maghanap ng magbibigay ng
aliw at ang SNS ay magandang plataporma para malaman kung ano ang
pinakanakakaaliw at kung ano ang “in” o “out” sa usapin ng fashion, musika, at iba pang
larangan ng pagbibigay-aliw.
Para sa mga Pilipino, maraming gamit ang social media sa araw-araw. Nariyan
ang mga OFW na ito ang pangunahing paraan upang umugnay sa kanilang mga pamilya.
Pinagkukunan din ito ng impormasyon gaya ng balita, opinyon, payo at iba pa (Palatino,
2017). Nariyan din ang edukasyon na isang mahalagang salik sa social media dahil
bagamat ang pagbibigay-aliw ang susing salik dito, hindi pa rin matatawaran ang
40
inisyatiba ng maraming mga indibidwal o grupo para gamitin ang plataporma ng internet
lalo na ang social media bilang lunsaran ng pagbibigay ng magandang pagsusuri sa mga
nangyayari sa lipunan partikular ang pinakamaingay na grupo, ang mga aktibista at
militante (Arao, 2017).
41
II. Oras na Inilalaan sa Social Media Kada Araw
Pigura 2
Ayon sa pigura 2, 56.7% ng nagpartisipa sa pag-aaral ay gumugugol ng apat
hanggang anim na oras online, 33.3% ay gumugugol ng isa hanggang tatlong oras, at
10% ay gumugugol ng pitong oras o higit pa. Sa datos na ito, may kalakihan ang
nakakaing oras ng social media sa pang-araw-araw na pamumuhay ng publiko kaya
naman hindi maitatanggi na isang pangkaraniwang bagay na ang social media. Gaya nga
ng nabanggit, nariyan ang komunikayson, edukasyon, pagbibigay-aliw at talastasan
bilang mga pangunahing gamit nito.
42
III. Mga Balitang Nababasa o Napapanood sa Social Media
90% - Politika, ekonomiya at lipunan
53.3% - Fashion
53.3% - Lifestyle
36.7% - Sports
76.7% - Entertainment
10% - Iba pa (Business trends, food, etc.)
Pigura 3
Ang lahat ng nagpartisipa sa pag-aaral ay nakakapagbasa ng mga balita at
impormasyon gamit ang social media at marami sa kanila ay higit sa isang uri ng balita
ang nababasa. 90% sa kanila ay nagbabasa ng balita tungkol sa politika, ekonomiya at
lipunan, 53.3% ay tungkol sa fashion, 53.3% ay tungkol sa lifestyle, 36.7% ay tungkol sa
sports, 76.7% ay tungkol sa entertainment, at 10% ay tungkol sa iba pang mga balita
gaya ng business trends at pagkain.
Datapwat nasabi na ang social media ay may susing salik na pagbibigay-aliw,
mayroong mga tao, gaya ng mga nagpartisipa sa pag-aaral na ito, na piniling gamitin ang
kanilang social media account bilang alternatibo o mas mura kung hindi man libreng
lunsaran. Subalit ang pagiging “libre” nito ay kailangan ding suriing mabuti sapagkat
43
lahat ay may binabayaran sa pagbubukas ng social media na hindi lamang usapin ng pera
kung hindi maging ng oras (Arao, 2017). Maliwanag na matatagpuan na sa internet ang
lahat ng klase ng impormasyon na nais makuha ng mamamayan sapagkat mula sa
pinakamabigat na balita hanggang sa pinakamagaan o kahit na mga nakakaaliw ay
napapalutang na sa social media. Gaya ng nabanggit ni Nacpil, isang dahilan kung bakit
patok ang pagpapalutang ng balita online ay dahil “on-the-go” na ang mga tao at marami
sa kanila ay wala nang oras manood ng telebisyon o kumonsulta sa dominanteng media.
Magandang plataporma rin ito upang magpalaganap ng kaisipan sapagkat sa kabila ng
pagiging abala ng marami ay maaari nang maiparating ang mga kaganapan sa bawat
araw.
Kung mapapansin, hindi nagkakalayo ang pagitan ng mga nagbabasa tungkol sa
politika, ekonomiya at lipunan sa mga nagbabasa tungkol sa entertainment. Ang
dalawang kategoryang ito ay maaaring sabihin na magkasalungat na uri ng balita
sapagkat ang mga isyung tumatalakay sa politika, lipunan at ekonomiya ay pawang mga
balitang mabibigat at higit na makakaapekto sa lahat samantalang ang mga isyu tungkol
sa entertainment ay bagamat nakapagbibigay ng aliw, ay hindi masasabing kapantay ng
naunang uri. Mahigit sa kalahating porsiyento rin ang nakuha ng fashion at lifestyle. Sa
kabila ng malaking bahagdan ng politika, ekonomiya at lipunan, hindi pa rin maitatanggi
na mayroong mga netizens na hindi binibigyang-pansin ang mga usapin ukol dito kahit pa
napakatindi ng daloy ng impormasyon sa social media.
Makikita rin na kahit ang dominanteng media ay gumagamit na rin ng social
media sa pagpapabatid ng balita at ito rin ang estratehiyang ginagamit ng alternatibong
media. Dapat maging malinaw dito ang usapin ng konsepto ng balita sapagkat kung
44
titingnan ang normatibong pamantayan ng peryodismo, mayroong balitang mahalaga at
mayroong hindi mahalaga at ito ay sinusukat batay sa kung ano ang nakakatulong sa
paghuhubog ng opinyong pampubliko para sa makabuluhang aksyon. Kung babalikan
ang dominanteng media, tila pinaghahalo nito kung ano ang “mahalaga” at ang “hindi
mahalaga” at minsan, ang presentasyon sa mga balitang ito ay umaayon pa rin sa
kasalukuyang kalakaran sa lipunan at nagreresulta sa pagprotekta sa kasalukuyang
kaayusan. Sa kabilang dako, mas makikita sa alternatibong media ang mas malalim na
pagsusuri ng isyu at ang kalaliman ay batay sa pagtingin nito sa panlipunang kaayusan
sapagkat hindi nito tinitingnan ang mga bagay-bagay bilang mga dapat tanggapin na
lamang kung hindi, ito ay ilang mga bagay lalo na yaong mga mapansamantalang bagay,
na dapat na baguhin (Arao, 2017). Subalit, hindi pa rin sapat na ang alternatibong media
o ang progresibong media lamang ang gumagawa ng ganitong klaseng aksiyon sapagkat
napakalawak ng sakop ng social media at hindi maaaring umasa lamang sa mga
progresibong grupo sa pagsasagawa ng mahusay na pagsusuri.
Masasabing epektibong paraan ang social media sa pagbibigay-alam sa publiko
tungkol sa mga kaganapan sa lipunan sapagkat lahat ng klase ng impormasyon ay hatid
nito ngunit dapat tukuyin na ang balita na siyang makakatulong sa paghuhubog ng
opinyong pampubliko ay nagsimula kung kailan ginawa ng mga organisasyong pang-
media ang kanilang mga opisyal na social media account. Malinaw din na kailangan
timbangin ang klase ng balitang hatid ng social media at tukuyin na ang mga ito ay
pawang mga impormasyon na makapag-aambag ng panlipunang pagbabago.
45
IV. Pagpapahayag ng Tindig Gamit ang Social Media
Pigura 4
Tinanong din sa mga nagpartisipa kung sila ba ay aktibo sa pagpapahayag ng
kanilang tindig sa mga isyung kanilang nakikita sa social media. 53.3% sa kanila ay
aktibo sa pagpapahayag ng kanilang panig samantalang ang 46.7% naman ay hindi
aktibo. Sa kabila ng samu’t saring isyu na kinakaharap ng lipunan, masasabing marami
pa rin ang hindi ginagamit ang rekursong ito upang maipabatid ang kanilang tinig. Hindi
man social media ang tanging plataporma upang mag-ingay at magpahayag ng saloobin,
malinaw na isa itong mainam na espasyo kung saan epektibong makapaglulunsad ng
diskurso ang publiko dahil sa malayang gamit at lawak ng sakop nito. Mayroon na ring
social media pages at accounts ang ilang politiko, mga ahensiya ng gobyerno at mga
progresibong grupo na siyang higit na magpapadali ng talakayan ukol sa mga suliranin.
Ang diskurso o reklamo ng netizens ay madaling makarating sa mga accounts na ito lalo
pa kung marami ang mag-iingay at magpapalawig ng mga usapin sa social media.
Gayunpaman, malaking porsiyento pa rin ay pinipiling manahimik sa halip na gamitin
46
ang rekursong ito bilang oportunidad sa pagtukoy, pagpapalawig at pagsusuri sa mga
isyu.
A. Mga paraan ng pagpapahayag ng tindig ukol sa mga isyu sa lipunan
70% - Pag-post ng pahayag, larawan, video at iba pa
64.7% - Pag-react sa pahayag, larawan, video at iba pa
52.9% - Pagkomento sa pahayag, larawan, video at iba pa na iyong sinusuportahan
23.5% - Pagkomento sa pahayag, larawan, video at iba pa na iyong tinututulan
17.6% - Paglahok sa mga pagkilos/protesta na naorganisa online
Pigura 5
Tinutukoy ng Pigura 5 ang mga paraan ng netizens sa pagpapaabot ng kanilang
tindig sa mga kinakaharap ng lipunan. 70% ang nagpo-post ng pahayag, larawan, video at
iba pa ukol sa mga isyu, 64.7% ang nagre-react sa pahayag, larawan, video at iba pa,
52.9% ang nagkokomento sa pahayag, larawan, video at iba pa na kaniyang
sinusuportahan, 23.5% ang nagkokomento sa pahayag, larawan, video at iba pa na
kaniyang tinututulan at 17.6% ang lumalahok sa mga pagkilos o protesta na naorganisa
online.
Ang ilan sa mga nagpartisipa ay pumili ng higit sa isang paraan at ang pagpo-
47
post ang kanilang madalas na ginagawa bilang pagpapahayag ng kanilang panig (tignan
ang pigura 6 at 7). Sa lahat ng mga pinagpilian, ang paraang ito ang pinakamadaling
gawin sapagkat ang mismong social media user ang may kakayahan sa pagpili ng mga
bagay na kaniyang ilalathala sa kaniyang account. Nariyan pa ang paraan ng pag-share o
retweet sa mga post na mula sa iba pang netizens na sa tingin ng isang social media user
ay karapat-dapat palaganapin.
Naimbento na rin sa SNS ang pagbibigay ng reaksiyon (tignan ang pigura 8) sa
pamamagitan ng pagpili ng simbolong akma sa damdamin ng isang netizen tungkol sa
post na kaniyang nakita. Isa itong malikhaing tampok na aplikasyon sapagkat maaari
nang magpahayag ng saloobin ang publiko sa pamamagitan lamang ng pag-click sa
reaction button at malaki ang hatak nito dahil iba’t ibang reaksiyon ang maaaring
pagpilian. Ngunit gaya nga ng nabanggit ni Nacpil, hindi pa rin ito ang pinakamabisang
paraan ng paglalahad ng ideya sapagkat pagpapakita lamang ng emosyon ang mga ito at
hindi katumbas ng literal na mga pahayag. Ang pag-react ay tila isang limitadong paraan
ng pagbuo ng opinyon sapagkat hindi nito tahasang isinasalaysay ang paningin ng isang
tao.
Mapapansin naman na malaki ang lamang ng mga nagkokomento sa post na
kanilang sinusuportahan kumpara sa nagkokomento sa post na kanilang tinututulan. Ito
marahil ay dahil mayroong lakas ng loob na magkomento ang isang netizen sa pahayag
na kaniyang nais bigyan ng papuri dahil garantisadong maganda ang magiging resulta ng
komentong ito. Sa ganitong paraan, positibo ang kalalabasan ng diskurso sapagkat
binubuo ng magagandang pananalita ang kaniyang pahayag. Sa kabilang banda, ang
pagkomento sa post na kaniyang tinututulan ay maaaring magresulta sa negatibo o
48
magulong diskurso sa pagitan ng mga netizens lalo pa kung ang bawat panig ay gagamit
ng maling atake laban sa isa’t isa. Idagdag pa kung ang talakayan ay hindi
magpapalutang ng makabuluhang ideya o usapin at bagkus ay mananatili na lamang itong
mababaw na diskurso. Gayunpaman, naririnig at nasusuri ang iba’t ibang bersiyon
sapagkat hindi lamang nakatuon sa iisang opinyon ang takbo ng talakayan. Nagkakaroon
lamang ng problema sa ganitong uri ng diskusyon kung ito ay pagmumulan ng maling
pagsusuri.
Paglalahad ni Arao, napakahirap malaman kung alin ang tamang pagsusuri sa
maling pagsusuri lalo na sa akademya kung saan namamayani ang post modernism na
mayroong pagtingin sa pluralidad at naninindigan na walang dapat panigan sa pagitan ng
tama at mali at sa halip ay pakinggan na lamang ang magkakaibang ideya. Ang mga hindi
pagkakasundo sa mga bagay-bagay ay dahil sa ito ay minsang sinusuri sa panahon ng
post modernism. Ang napakaraming opinyon o selebrasyon ng pagkakaiba ang nagiging
dahilan kung bakit may potensiyal ang social media na maging isang magulong
plataporma. Subalit, kung ganoon ang magiging balangkas ng pagsusuri, hindi
magaganap ang makabuluhang pagbabago na ninanais ng maraming tao dahil mapapako
na lamang ang publiko sa pagtingin na “walang tama o mali, basta ang isang tao ay may
opinyon.” Hindi ito usapin tungkol sa karapatan ng bawat isa na magpahayag ng sarili
niyang saloobin subalit dapat na bigyang-diin na mayroong mga opinyon na mas
mahalaga kaysa sa iba at ito ang mga opinyon na batay sa pagsusuri ng lipunan at sa
malinaw na pagtindig sa kung ano ang tama at patas. Ngunit marahil ay dahil sa umuubos
ng oras at pasensiya ang mahabang eksplanasyon, hanggang opinyon na lamang ang
madalas na tinitignan (Arao, 2017). Ang mga nabanggit ni Arao ay may koneksiyon sa
49
pagkakaroon ng tunggalian sa diskurso ng netizens sa pagpapalitan ng ideya at saloobin.
Makikita rin na napakaliit lamang ng bilang ng mga lumalahok sa mga pagkilos
kahit pa ito ay naorganisa na sa social media kung saan madalas nakababad ang publiko.
Malaking bahagi ng populasyon ay kontento na sa pag-alam at pakikilahok sa diskursong
nagaganap sa internet at hanggang doon na lamang ang kanilang partisipasyon. Maaari
din naman na ang dahilan ng limitadong partisipasyon na ito ay ang napakababaw na
pagkamulat na hatid ng social media kung kaya naman mahina ang ahitasyon at hindi
nagbubunsad ng aktibismo at pakikiisa sa mga pagkilos. Ayon nga kay Palatino,
napakaepektibong plataporma ng social media sa paghahatid at pagpapalaganap ng
impormasyon subalit kung pag-uusapan ang pag-aangat ng kamalayan ay depende sa
kung paano ito pinoproseso ng netizens. Sa panahon kung kailan napakadali at
napakabilis tukuyin ang tamang impormasyon sa maling impormasyon, isang
kabalintunaan na napakarami sa mamamayan ang hindi alam kung alin ang mahalagang
detalye sa hindi mahalaga. Napakaraming bagay ang araw-araw na nakikita sa internet
kaya naman nahihirapan ang publiko na tukuyin kung alin sa mga ito ang dapat
pagtuunan ng pansin. May iba’t ibang mobilisasyon man ang naoorganisa sa social
media, hindi pa rin lubusang nauunawaan ng publiko ang layunin ng mga ito kaya naman
napakaliit na bilang lamang ng netizens ang dumadalo rito. Idagdag pa na ang ilang
social media users ay konektado lamang sa piling mga tao na malalapit sa kanila at ang
tendensiya ay ang pagkakaroon lamang ng iisang linya ng diskurso sa pagitan ng mga ito.
Kung ang koneksiyon ay nakukulong lamang sa isa’t isa, maliit ang tiyansa na
magkaroon ng puwang para sa mga progresibong ideya na nagmumula sa labas ng
kanilang sirkulo.
50
B. Ilang espasyo sa social media kung saan maaaring magpahayag ng tindig
Pigura 6
Pigura 7
Pigura 8
51
Ang pigura 6 at 7 ay ang mga espasyo sa FB at twitter kung saan maaaring
magpahayag ng opinyon, ideya o saloobin ang isang social media user. Samantalang
pinapakita naman sa pigura 8 ang mga paraan upang makapagpahayag ng reaksiyon ang
netizens ukol sa mga posts na kanilang nakikita. Maaari silang mag-like o react upang
maipabatid ang kanilang pagkagusto o pagkadismaya. Subalit ayon nga kay Nacpil, ang
reaction button ay hindi maituturing na mainam na batayan ng pulso ng publiko kung
ikukumpara sa pagpapahayag gamit ang mga salita sapagkat pawang mga imahen lamang
ang mga ito at hindi tuwirang nagpapahayag ng mga ideya. Samantala, nariyan naman
ang comment section upang maipaabot ang mga bagay na nais bigyang diin at
nagsisilbing puwang sa pagsisimula ng diskusyon. Ayon pa rin kay Nacpil, nakadepende
ang daloy ng diskurso sa netizens na magkaka-konekta sa social media sapagkat sa isa’t
isa magmumula ang lalamanin ng talakayan kaya naman magagamit lamang nang
mahusay ang comment section kung ang netizens ay bukas sa malalim na pagsusuri.
Maaari din mag-share o retweet (sa kaso ng twitter) ng post na nais nilang ipabatid sa iba
pang social media users at isa itong paraan upang maging viral o sikat ang social media
post na ito. Ang pagiging viral ng isang post ay nangangahulugan na mainit itong pinag-
uusapan sa social media at maaaring tungkol ito sa isang seryosong bagay na may
kinalaman sa malaking bahagi o sa maraming aspeto ng lipunan. Subalit, maaari din
naman na ito ay hindi gaanong mahalaga ngunit nakakapukaw ng atensiyon.
Mapapansin na ang netizens ay madaling nahuhumaling sa mga pinag-uusapan o
viral posts sa social media. Paliwanag ni Arao, ang virality ay nakadepende sa dami ng
komento, like, share, rt, at iba pa ngunit walang malinaw na pormula kung ano ang
katangian ng isang teksto, video o larawan para ito ay maging viral. Mapapansin na ang
52
karaniwang katangain nito ay una, nakakatawa. Ang isang bagay na nakakatawa ay
mabilis na kumakalat sa internet. Ikalawa, maaaring ito ay dahil sa selebrasyon ng
“katangahan” kung saan ang mga video, larawan o teksto ay nagpapakita ng mga
pagkakamali na kung iisipin ay tila napakasimpleng bagay lamang upang hindi magawa o
maipahayag nang tama. Ikatlo ay yaong mga bagay na nakakagalit kung saan
napapalutang ang mga anomalya o mga kamaliang nagaganap sa lipunan.
Gayunpaman, mapapansin na kung alin ang mga mabababaw na bagay ay yaon pa
ang mas nangingibabaw sa usapin ng virality kaya naman ang puntong dapat bigyang-
pansin sa bawat post ay ang konteksto o ang pinanggagalingan ng mga ito.
Nangangailangan ng malalimang pagsusuri sapagkat nagiging “mababaw” ang pagtingin
ng maraming social media user dahil ang mismong plataporma at lalo na ang mga post
ng maraming tao ay nakapanghihikayat ng pagpapababaw ng diskurso. Halimbawa nito
ay ang meme ukol kay Princess Sarah na ang diskurso lang ay pagbabalat ng patatas at
kung titingnan, nagiging nakakatawa lamang ito hindi dahil sa teksto kung hindi doon sa
pinagsamang larawan at teksto kaya naman nagiging mababaw na rin ang pamantayan ng
kung ano ang nakakatawa.
53
KABANATA IV – ILANG MGA PAKSA NG DISKUSIYON SA
SOCIAL MEDIA
I. Ang Popularidad ni Rodrigo Duterte sa Social Media
Sa usapin ng politika, hindi rin mawawala ang papel ng media at ito ang
nagsisilbing espasyo upang mapadali ang pagkamit ng mga politiko at mga
makapangyarihang grupo ng kanilang interes. Ang patuloy na paglakas ng hatak ng
media sa lipunan ay nagiging instrumento upang ang popularidad ng isang kandidato ay
maging dahilan ng pagbibigay ng suporta ng masa (Pertierra, 2012). Ang mga
personalidad na malimit itampok dito ay nakakalikom ng mga tagasubaybay at siyang
nagiging tagasuporta nila sa pagpasok sa politika.
Pahayag ni Palatino, hindi na sapat na bigyan lamang ng tulong pinansiyal,
serbisyo, at iba pang klase ng suporta ang publiko sapagkat naghahangad na rin ang mga
ito ng impormasyon mula sa mga kandidato. Kinakailangan nilang makarinig at
makasaksi ng kuwento o pahayag mula sa mga politiko at ito ang nagiging susi sa
pagbibigay ng kanilang suporta. Upang magawa ito, kinakailangan ang media upang
magsilbing koneksyon sa pagitan ng mga kandidato at botante. Madalas ay pinapaulanan
ng labis na impormasyon ang publiko at umaabot na rin sa punto na hindi na nito
matukoy kung alin ang mga dapat pahalagahan sa mga hindi kaya naman kung dati, ang
problema ay kawalan ng impormasyon, ngayon naman ay labis-labis na impormasyon sa
araw-araw. Ang mga impormasyong ito ay ginagawang kasangkapan sa politika upang
makamit ang inaasam na posisyon at kapangyarihan. Dahil dito, masasabing parte na ang
estratehiyang ito sa kalakaran sa politika na higit pang napapalawig sa tulong ng media.
54
Sa ngayon, patuloy nang nararamdaman ang epekto ng media lalo na ng social media
bilang paraan ng pagsusulong ng propaganda.
55
A. Ang social media bilang makinarya sa pangangampanya
Noong nakaraang 2016, naganap ang tinagurian ng karamihan bilang kauna-
unahang “social media election” kung saan ang social media ay naging instrumento ng
mga kandidato para sa libreng promosyon, pagbigay-diin sa kanilang adbokasiya,
paglathala ng kanilang pahayag at talumpati at malawigang pagpapaabot ng kanilang
mensahe sa publiko. Bago pa man ang eleksyon, ginamit na ang social media sa
pagpapalutang ng mga isyung dapat tutukan ng mga kandidato at bilang tugon, kaliwa’t
kanang online campaigns ang kanilang inilunsad (Buenaobra, 2016). Dahil sa siya ang
nangungunang kandidato sa mga sarbey noong panahon ng kampanya, hindi maitatanggi
na si Rodrigo Duterte rin ang pinakapopular na kandidato noon sa social media. Ayon sa
ginawang pag-aaral nina Marasigan noong 2016, lumalabas na si Duterte ang may
pinakaepektibong online campaign. Ang mga pamantayang kanilang ginamit ay kung ang
mga kandidato ay nagagawang kumonekta sa publiko at nakapagpapaabot ng kanilang
mensahe online. Matutukoy ito kung ang kanilang mga posts ay nakakakuha ng
maraming like, share, comment at following at kung ito ay aktibo sa pagsagot sa mga
komentong inilalathala sa kanilang social media account/page.
Pigura 9 – Mula sa sarbey na ginawa nila Marasigan (2016)
56
Matatandaang sinabi ni Duterte sa kaniyang mga talumpati na wala siyang sapat
na pera at makinarya upang manalo sa halalan at hindi man lamang pumapantay sa
pinansiyal na katayuan ng kaniyang mga kalaban subalit sa pamamagitan ng social media
ay nagkaroon siya ng oportunidad na direktang makipag-ugnayan sa masa, maihatid ang
kaniyang mensahe, at sa proseso ay makalikom ng mga tagasuporta.
Ang pag-angat ni Duterte ay maiuugnay rin sa komposisyon ng populasyon
sapagkat napakaraming Pilipino ang aktibo sa social media at malaking bahagi nito ay
ang kabataan na bumubuo sa 46% ng mga rehistradong botante. Sabi ni Ramon Osorio,
malaki ang magiging epekto ng social media sa pagboto ng kabataan sapagkat ito ang
klase ng media na gusto nila at dahil malaking bahagdan ng botante ay binubuo ng mga
ito, ang pangangampanya gamit ang social media ay isang mabisang hakbang. Dagdag pa
ng mga propesyonal ayon pa rin sa pag-aaral nila Marasigan, ang kampaniya ni Duterte
ay pinangunahan ng mamamayan. Matatandaan na nakiusap ito sa publiko na sila ang
magsilbing kaniyang tagakampanya sa kadahilanang siya ay walang pera at makinarya at
iyon na nga ang kanilang ginawa. Ang mga tagasuportang ito ang namahala sa kaniyang
social media account/page at sila mismo ang masigasig na bumuo at nagpalaganap ng
lalamanin nito. Sa tuwing mayroong pag-atake sa kaniyang pagkatao, ang kaniyang mga
tagasuporta lalo na ang mga aktibong social media users ang pangunahing sumasagot at
humaharap sa mga batikos. Sa madaling sabi, hindi lamang ang grupong kaniyang
itinalaga upang maging boses sa social media ang tumitindig para sa kaniya kung hindi
nakalikom din siya ng napakaraming followers upang mangampanya.
Ang mga kuwento tungkol kay Duterte na pinapalutang at pinapakalat online ay
ilan sa mga bagay na nagtulak sa publiko na tingnan siya bilang isang simpleng tao.
57
Mahusay na estratehiya ang ganito sapagkat itinuring si Duterte bilang kaisa ng
mamamayan, isang bagay na hinahangaan sa isang politiko. Dagdag pa, karamihan sa
mga kuwentong ito ay madaling i-share at higit sa lahat, madaling basahin at intindihin
lalo na para sa karaniwang Pilipino. Ang mga kuwentong ito ay naghikayat sa marami na
siya ay “magustuhan” kahit pa hindi nila siya sinusuportahan (Marasigan, 2016). Dahil
dito, lumawak pa ang naabot ng kaniyang katanyagan at tuluyan niyang
napagtagumpayan ang paglikom ng suporta lalo na sa mundo ng social media.
Ang napakalaking suportang ito ay bunsod na rin ng epektibong pangangampanya
sa social media na binubuo ng tatlong kasangkapan – ang nilalaman, ang pagiging totoo,
at ang pagpili ng madla (Marasigan, 2016). Una, ang nilalaman ng mensahe ay
kailangang maging malinaw nang sa gayon ay madaling makakonekta ang mamamayan
at nakapaloob dito ang pagtalakay sa hinaing ng mga tao. Matatandaan na ang pagsugpo
sa droga at kriminalidad ang pangunahing ipinaglalaban ni Duterte at tunay nga namang
tumatak sa publiko ang pangako niyang pagbabago sa lipunan. Hindi gaya ng malalim at
komplikadong pagtalakay ng ekonomiya at politika, nakasentro sa pang-araw-araw na
isyu ng ordinariyong Pilipino ang pinagtuunan niya ng pansin at isa itong magandang
paraan upang mapukaw ang atensiyon ng simpleng mamamayan. Ikalawa, kailangang
maipakita ang tunay na pagkatao ng kandidato at madaling mapalutang sa social media
ang natural na pag-uugali ng mga ito sa pamamagitan ng pag-post ng teksto, larawan,
video o maging ng meme tungkol sa kanila. Sa lahat ng kandidato noong 2016, walang
duda na si Duterte ang nagpakita ng totoong pagkatao. Ang kaniyang kontrobersiyal na
pananalita at walang prenong mga pahayag ay nasubaybayan ng madla kahit pa ito ay
humaharap sa mga pormal na pagtitipon. Hindi rin ito napigilan sa pag-amin ng kaniyang
58
kakaiba o marahas na istilo ng liderato sa Davao at tahasang sinabi na ito rin ang plano
niyang ipatupad sa bansa kung papalarin na manalo. Maging ang kaniyang personal na
buhay ay naging bukas sa publiko sapagkat hindi naging lihim ang pagkakaroon niya ng
dalawang asawa at pagiging malapit sa kababaihan. Ang mga katangiang ito ni Duterte ay
tugmang-tugma sa entablado ng social media sapagkat ito ay dinisenyo bilang isang
malayang plataporma. Ang kaniyang pagpapakatotoo ay maluwag na tinanggap ng
marami sa kabila ng kaniyang hindi pangkaraniwang asal at pagiging malayo sa
napakapormal na kandidato na siyang inaasahan sa isang lider. Ikatlo, ang mensahe ay
kailangang maipaabot sa madla sa pinakaepektibong paraan. Sapagkat sa social media
makikita at mararamdaman ang napakalaking hatak ni Duterte, masasabing ang kabataan
ang bumubuo sa pinakamalaking bahagi ng kaniyang mga tagatanggap bilang sila ang
pangunahing gumagamit ng social media. Ang kampanyang ito ay napakaepektibo dahil
mabilis naging viral ang mga video, larawan at posts tungkol sa kaniya kaya naman
tuluyang lumawak ang naabot ng mga ito.
59
B. Ang mga tagasuporta at “social media warriors” sa likod ni Rodrigo Duterte
Sa ginawang pag-aaral ni Maria Ressa ng Rappler, napatunayan niya na si Duterte
lamang ang kandidato na lubusang sineryoso ang paggamit sa social media. Ayon nga
kay Nic Gabunada na kaniyang social media strategist, ito ay dahil wala silang sapat na
pondo at makinarya na panggastos sa patalastas sa telebisyon, radyo, dyaryo, billboards
at iba pa. Sila ay lumapit sa iba’t ibang social media groups upang makapag-organisa ng
paraang gagamitin sa kanilang kampanya at nagtalaga ng mga tagapamahala sa bawat
bahagi ng bansa na siyang mangunguna sa kampanyang ito at mayroon ding mga grupo
na nakatalagang makipag-ugnayan sa mga OFW. Noong kasagsagan ng kampanya,
bumubuo sila ng mensahe kada linggo at ito ang siyang ipinapakalat online at ang mga
tagapamahala ang may responsibilidad na maipabatid ito sa kanilang sirkulo. Sila na rin
ang naatasang ilatag ang mensaheng ito sa pinakaepektibo at pinakakaaya-ayang porma
para sa netizens.
Pigura 10 – Isang halimbawa ng online app para sa kampanya ni Duterte
60
Sa tulong ng OFW, naging posible ang pag-andar ng makinarya ni Duterte sa loob
ng 24 oras sapagkat iba’t iba ang time zone ng mga bansa (Lamble at Mohan, 2016). Ang
pagkasangkapan sa teknolohiya upang isalamin ang mga plataporma at programa ni
Duterte ay angkop para sa netizens sapagkat hindi lamang sila naliliwanagan sa mga
plano ng kandidato kung hindi nakapagdulot din ito ng aliw halimbawa na lamang ng
pigura 10, na siyang susing salik ng social media. Sa paraang ito, kahit na yaong mga
hindi sumusuporta kay Duterte subalit mahilig sa online games o apps ay naengganyong
bisitahin at laruin ang aplikasyong ito. Maaaring kalaunan, ay nahikayat na rin ang ilan sa
mga ito na sumapi sa kampo ni Duterte.
Dumulog din ang social media team ni Duterte sa maiimpluwensiya at kilalang
personalidad lalo pa yaong mga nakikiisa sa mensahe ng kaniyang kampanya. Isa sa mga
ito ay ang artistang si Mocha Uson na ang ama ay napatay dahil sa kriminalidad. Siya ay
boluntaryong sumapi sa Duterte team at siyang pinakakontrobersiyal na tagasuporta dahil
sa pagkakaroon niya ng Mocha Uson blog na may higit apat na milyong tagasubaybay.
Siya at ang kaniyang grupo ay lumikha ng awitin para sa kampanya ni Duterte at ang mga
video at larawan na kuha mula sa mga campaign rally ay kaniyang ipinaskil sa kaniyang
blog. Paglalahad ni Mocha, sa pamamagitan lamang umano ng social media nakita ng
mga Pilipino kung gaano karami at kalakas ang suporta para kay Duterte sapagkat hindi
naman ito itinatampok sa tradisyonal na media. Nasa 20 hanggang 30 posts ang ginagawa
ni Mocha kada araw sa kaniyang blog at marami sa mga ito ay personal na kuwento
umano ng karaniwang Pilipino (Lamble at Mohan, 2016).
61
Pigura 11- Sreen shot ng Mocha Uson blog sa fb
Mapapansin na umakyat na sa higit limang milyon ang tagasubaybay ng Mocha
Uson blog kumapara noong kasagsagan ng kampanyahan na mayroon lamang apat na
milyong tagasubaybay. Napansin ni Ressa na ang isang aspeto ng makinarya ni Duterte
ay ang patuloy na pagtakbo ng kaniyang mga social media account/page kahit pa tapos
na ang eleksyon at kasalukuyan na itong nakaupo bilang pangulo. Ang estratehiya ng
kaniyang kampanya ayon kay Ressa, ay nagtulak sa marami na baguhin ang kanilang
pananaw sa politika at ilang personal na paniniwala na siyang nagpatuloy sa mga unang
buwan ni Duterte sa puwesto. Sa ginawang pag-imbestiga ng Rappler, kanilang natukoy
na ang samahan ng mga tagasuporta ni Pangulong Duterte ay tila gumagawa ng mga
pekeng balita, impormasyon, accounts, websites at maging trolls o yaong mga
naghahanap ng away o pinagmumulan ng hindi pagkakaintindihan sa internet. Sa tingin
ni Ressa, ang mga ito ang kinakasangkapan ng panig ni Duterte upang pigilan ang
62
publiko na maghayag ng kanilang sariling opinyon o sumalungat sa pamamalakad ng
administrasyon. Ang paraang ito ay maihahalintulad sa weaponization of social media ni
Thomas Nissen na nagpapakita ng balangkas kung paano hinuhubog ng social media ang
politika at naghuhudyat din sa tunggalian ng mga ideya. Sabi nga ni Ressa, ang nakikita
umano sa social media ay isang konstruksiyon ng realidad kung saan ang mga
tagasuporta ni Duterte ang pangunahing may akda. Ang kakaibang istilo ng pangulo ang
siyang ginamit na paraan upang palakasin ang suporta rito sa pamamagitan ng
paglalarawan sa kaniya bilang isang nagpapakatotoong politiko na siyang susi sa tunay na
pagbabago.
Pigura 12 – Imahen mula sa twitter
63
Sabi nga ni Nacpil, malaki ang epekto nito sa mga tagasubaybay ng social media
accounts ni Duterte sapagkat napakadali para sa mga tagapamahala na paikutin o
manipulahin ang mga mensahe nito upang makalikom ng suporta o malihis ang mga tao
sa pagpuna sa mga pagkakamali ng pangulo. Bagamat karapatan ng lahat ang
pagkakaroon ng kaniya-kaniyang tindig at mainam din na maging bukas sa iba’t ibang
panig, maaari itong maghudyat ng maling pananaw sapagkat ang panig ni Duterte ay
tahasan sa pagbibigay ng suporta sa lahat ng kaniyang hakbangin dahil lamang sa gusto
nila ang pangulong ito. Maaari itong magresulta sa bulag na pagsunod kung saan pikit-
mata na lamang ang publiko sa mga desisyon ng pamahalaan sa halip na maging kritikal
at patas sa pagtingin sa umiiral na pamamalakad. Ang ganitong asal ng mga tagasuporta
ni Duterte kagaya na lamang ni Mocha Uson ay masasabing normal lamang sapagkat
mayroong tendensiya ang bawat isa na sumang-ayon sa mga gawain ng kung sinoman
ang kaniyang sinusuportahan ngunit mayroon din namang kritikal ang pagsuporta.
Halimbawa nito ay ang mga maka-kaliwang grupo na masasabing mayroong magandang
relasyon sa ngayon sa kasalukuyang administrasyon bagamat nagiging kritikal ito sa
maraming bagay tulad ng extrajudicial killing (EJK), impunidad at ang pabago-bagong
desisyon ng pangulo sa usapin ng independent foreign policy. Kung babalikan ang Mocha
Uson blog at iba pang Duterte accounts, bagamat malaki ang kanilang impluwensiya at
marami silang tagasubaybay, hindi inaasahan ang malalim na pagsusuri mula sa kanila
sapagkat ang pagiging aktibista ng mga taong ito ay hindi naman gaaanong malalim
bagamat ang pagiging kaisa nila sa mamamayan ay hindi matatawaran (Arao, 2017).
64
C. Si Pangulong Rodrigo Duterte at ang kaniyang administrasyon sa mata ng
ilang netizens
Tinanong ang mga lumahok sa pag-aaral kung anong klase ng detalye patungkol
kay Pangulong Duterte ang madalas nilang makita sa social media at kapansin-pansin ang
pagiging halos dikit ng dalawang magkatunggaling kasagutan ngunit makikita rin na 27
sa 30 lumahok sa pag-aaral ang nakapagbabasa ng balita tungkol sa pangulo. Kaliwa’t
kanang impormasyon man ang hatid ng social media, mayroon pa ring ilan na hindi
pinagtutuunan ng pansin ang mga bagay na ito.
Pigura 13
Sa 27 kataong nagsabi na sila ay nakakapagbasa ng balita tungkol sa pangulo,
37% ang madalas makakita ng bagay na tumututol o tumutuligsa sa kaniya, 33.3% ang
madalas makakita ng mga bagay na sumusuporta sa kaniya, 25.9% ang madalas makakita
ng mga bagay tungkol sa kaniyang mga programa at polisiya habang 3.7% naman ay
madalas makakita ng mga bagay tungkol sa kaniyang personal na buhay.
Makikita na bokal ang publiko sa kanilang opinyon tungkol sa pangulo at isang
daan ang social media upang maipaabot ang kanilang mga saloobin. Subalit, sa pagiging
halos pantay ng suporta at batikos sa pangulo, tila nagsisilbing espasyo ng tunggalian ang
65
social media ng mga tagasuporta at bumabatikos sa kaniya. Kabi-kabilang argumento
tungkol sa istilo ng pangulo ang dumadagsa sa internet. Ang panig ng mga kumokondena
at panig ng mga sumusuporta ay pilit na itinutulak ang kanilang sari-sariling katuwiran
patungkol sa kung bakit sila ang dapat manaig sa diskusyon.
Ang mga maka-Duterte o Ka-DDS (popular na tawag sa mga sumusuporta sa
pangulo) ay walang maliw ang paghila sa pangulo pataas upang iangat ang kaniyang
reputasyon at pabanguhin ang kaniyang pangalan. Ang kanilang atake sa mga diskusyon
ay madalas walang pinanggagalingan o walang materyal na dahilan at bagkus, ang
tanging hangarin ay ilagay sa pedestal ang pangulo at itulak ang iba na suportahan ito.
Mapapansin din sa pigura 14 na kahit ang mga bagay na kapuna-puna sa pag-uugali ng
pangulo ay napapaikot ng mga Ka-DDS upang magamit bilang bentahe ng pangulo kaya
naman kung titingnan, nagiging katanggap-tanggap na lamang ang hindi angkop na asal
nito.
Pigura 14 – Imaheng nakuha mula sa FB
66
Sa kabilang dako naman, ang mga tumutuligsa sa istilo ng pangulo ay madalas na
pagkaisahan ng mga tagasuporta nito at binabansagan din bilang mga “dilawan” o yaong
mga kakampi ng partido Liberal na kinabibilangan ni dating Pangulong Noynoy Aquino.
Ang dalawang rehimen ay pilit pinagkukumpara kung saan ang mga miyemebro ng
“magkatunggaling” panig ay naglalamangan sa mga napatunayang programa. Ang mga
pagkakamali ng nagdaang administrasyon ay sinisingil ng mga Ka-DDS habang
ipinamamayagpag ang pagbabagong nakamit umano sa ilalim ng kasalukuyang pangulo.
Pigura 15 – Imaheng nakuha mula sa twitter
67
Makikita na ang diskusyon sa pagitan ng mga netizens patungkol sa pangulo ay
nauuwi sa personal at mababaw na pag-atake. Ang daloy ng diskurso ay nakatuon sa
pagpapabango ng pangalan sa halip na suriin ang takbo ng kaniyang panunungkulan. Ang
25.9% na nagbabasa tungkol sa mga programa ng pangulo ay napakaliit kung
ikokonsidera ang oras na iginugugol sa social media ng mga nagpartisipa. Nananatiling
nakakulong ang marami sa publiko sa bakas ng nakaraang rehimen at pilit itinatapat ito sa
kasalukuyang pamahalaan. Nagsisilbing armas ang social media para sa mga Ka-DDS sa
pagpapalaki ng mga isyung kaugnay si Pangulong Duterte at linangin ang mga ito sa
paraang magiging kahali-halina ang imahen ng pangulo. Kanila ring nagagamit ang mga
naging pagkukulang ni dating Pangulong Aquino upang palitawin ang tagumpay ng
kasalukuyang namumuno. Sa panig naman ng mga tumutuligsa sa Pangulong Duterte,
madalas din ungkatin ang nakaraang rehimen at ang kaibahan nito sa kasalukuyang
pamamalakad. Nagkalat ang mga pasaring sa mga hindi makatarungang desisyon at
polisiya ng rehimeng Duterte na siyang pumapaloob sa diskusyon.
Bagamat may katwiran ang magkaparehong panig sapagkat ang dalawang
administrasyon ay mayroong malaking pagkakautang sa bayan, tila ibinabase lamang ang
pagsusuri sa politikal na kulay at oriyentasyon. Kung ganito ang magiging takbo ng pag-
iisip ng publiko, hindi kailanman magiging makabuluhan ang pagsusuri sa lipunan
sapagkat nakukulong ang mamamayan sa dalawang “nagtutunggaling” panig sa halip na
ang masa ang maging sentro ng talakayan. Hindi tama na umikot lamang ang diskurso sa
mga politikal na grupo at personalidad sapagkat kung ganito ang magiging kalakaran,
hindi mabibigyang-diin ang pamamalakad ng pamahalaan na siyang mas karapat-dapat
pagtuunan ng pansin sapagkat ito ang humuhubog sa lipunan.
68
II. Ang Naging Papel ng Social Media sa Paglilibing kay
Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani
Nagpuyos ang mamamayan sa naging desisyon ng Korte Suprema na
pahintulutan ang paglilibing sa dating diktador na si Ferdinand Marcos sa Libingan ng
mga Bayani. Ang pagtutol dito ay dinaan sa iba’t ibang paraan at isa na rito ay sa
pamamagitan ng social media. Binigyang-boses ng platapormang ito ang mga Pilipinong
nais na magpaabot ng kanilang tindig ukol sa paglilibing na naganap. Nagpahayag ng
sari-sariling opinyon ang netizens at sinariwa ang samu’t saring anomalya, laganap na
kriminalidad at kabi-kabilang paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng
diktaturyang Marcos. Si Pangulong Duterte na suportado ng pamilya Marcos ay nagbigay
ng pahintulot sa paglilibing na ito sa kadahilanang ang yumaong diktador ay naging
Pilipinong sundalo diumano. Ilan sa mga kilalang personalidad na naghayag ng kanilang
pagtutol ay sina Bise Presidente Leni Robredo at ang aktibista at biktima ng karahasan sa
ilalim ng administrasyong Marcos na si Bonifacio Ilagan (BBC, 2016).
Pigura 16 – Twitter post ni Bise Presidente Robredo na nakuha mula sa BBC website
69
A. Ilang mga netizens na nagpakita ng kanilang pagkadismaya sa paglilibing
Pigura 17- Twitter post na nakuha mula sa Rappler website
Pigura 18- Twitter post na nakuha mula sa Sunstar website
Pigura 19- Twitter post na nakuha mula sa Sunstar website
70
Nanguna at naging mainit na paksa sa twitter ang #MarcosNOTaHero at ang
palihim na paglilibing na naganap noong Nobyembre 18, 2016 (Jarloc, 2016).
Ipinagdiinan ng publiko na sa kabila ng paglilibing na ito ay hindi pa rin mabubura ang
kasalanan ng diktador sa bayan at sa mga Pilipinong biktima ng karahasan. Para sa
marami, isa rin itong insulto sa iba pang mga nakalibing sa LNMB na nagbigay ng
karangalan sa bayan upang maihanay ang diktador sa kanilang himlayan. Bilang
pagpapahayag ng pagkondena, maraming twitter at FB users ang nagpalit ng itim na
profile photo.
Pigura 20 – Nakuha mula sa Rappler website
Pigura 21 – Nakuha mula sa Rappler website
71
B. Ang social media bilang entablado ng aktibismo
Napakalakas ng ingay na ginawa ng netizens bilang pagtutol sa nangyaring
paglilibing at mapapansin na kahit mga sikat na personalidad ay nakiisa rin sa pagkilos na
naganap sa social media. Wala ring edad ang naging hadlang upang magpahayag ng
kanilang tindig sa isyung ito at marami sa mga kabataan ay naglakas-loob na makialam.
Kaniya-kaniyang post ang mamamayan tungkol sa kanilang pananaw at kung bakit isang
malaking kahihiyan para sa bansa ang nangyaring paglilibing. Gamit ang social media
walls bilang espasyo ng pagsasalarawan ng kasalanan ng yumaong diktador, marami ang
nagbalik-tanaw sa panahon ng Batas Militar at nagpatunay kung bakit hindi ito karapat-
dapat sa marangal na paglilibing. May ilang netizens din na mahusay na pinuna ang
kawalang-hustisya ng desisyong ito ng Korte Suprema.
Pigura 22 – Larawan ni Imee Marcos na nagbubunyi at
larawan ng isang biktima ng Batas Militar (Nakuha mula sa wheninmanila website)
72
Pigura 23 – Nakuha mula sa wheninmanila website
Sa kabila ng malikhaing paraan ng paglalahad ng opinyon, hindi pa rin
matatawaran ang hinagpis ng mamamayan sa pagsasawalang-bahala sa kasaysayan. Sa
kabilang banda, binanggit ni Arao na dapat maging malinaw ang usapin ng papel ng
social media sa paglilibing na ito sapagkat bagamat marami ang tumututol, mayroon din
naman na sumasang-ayon. Bago pa man ang kampanyahan noong 2016, may ginagawa
na umanong hakbang ang kampo ni Marcos upang sariwain ang Batas Militar at itaguyod
ang mga “naiambag” ni Ferdinand Marcos at mapapansin na pinapalaganap na ang
kabutihan diumano ng kaniyang administrayon sa pamamagitan ng mga video sa youtube.
Nariyan din ang paghahanda ni Bongbong Marcos sa pagtakbo bilang president noong
una subalit nang makita niya ang realidad na tila bigatin ang mga tumatakbo sa
pagkapangulo ay pumayag itong maging katambal ng yumaong si Sen. Miriam Defensor-
Santiago. Dito, makikita na talagang mayroong planong bumalik sa kapangyarihan ang
mga Marcos at higit pa itong pinaigting ng naganap na paglilibing. Maituturing na
mahalaga ang papel ng social media na naging daluyan ng impormasyon subalit hindi
dapat kalimutan ang naiambag ng dominanteng media sapagkat mayroong mga
mamamayang walang akses sa internet kaya naman ang mga impormasyon ay kanilang
nalaman sa pamamagitan ng telebisyon, diyaryo at radyo (Arao, 2017).
73
C. Protesta mula sa social media patungo sa kalsada
Para kay Pangulong Duterte, ang paglilibing sa diktador na si Ferdinand Marcos
sa Libingan ng mga Bayani ay ang katuparan ng kaniyang pangako noong panahon ng
kampanya na siya umanong pagmumulan ng pambansang paghilom subalit hindi ganito
ang kaso para sa marami. Malawakang protesta ang inilunsad sa iba’t ibang panig ng
bansa upang ipakita ang kanilang pagtutol sa naganap na paglilibing at kung dati ay sa
social media lamang nararanasan ang mga ingay na ito, tuluyan nang nagpasya ang
publiko na kumilos at magprotesta. Sa pag-oorganisa ng Campaign Against the Return of
the Marcoses in Malacañang (Carmma), halos 20, 000 katao kabilang ang mga naging
biktima ng rehimeng Marcos, mga estudyante, manggagawa at iba pa ang nagtipon-tipon
sa Luneta upang mag-protesta noong Nobyembre 25, 2016 na siyang tinaguriang
National Day of Rage and Unity. May mga kasabay na pagkilos din na naganap sa
maraming bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Pigura 24 – Mobilisasyon sa Tuguegarao bilang protesta sa Marcos burial
(Nakuha mula sa rappler website)
74
Pigura 25 – Imbitasyon sa protesta laban sa Marcos burial (Nakuha mula sa Rappler website)
Makikita ang naging papel ng social media hindi lamang bilang espasyo kung
saan nakapagpahayag ng tindig at galit ang publiko sa naganap na paglilibing kung hindi
maging sa pag-oorganisa ng mga protesta. Hindi lamang nalimitahan sa internet ang
nagpupuyos na galit ng mamamayan at bagkus ay ipinagpatuloy ito hanggang sa mga
kalsada sa pamamagitan ng mga programa at sama-samang pagkilos. Ayon nga sa
Carmma, ang mga pagkilos na ito ay naorganisa upang ipahayag ang kolektibong
pagtutol at galit ng publiko at patunay din ito na hindi natatapos ang laban sa paglilibing
kay Marcos sa LNMB. Ang mga isinagawang programa ay nagsilbi bilang pang-
edukasyon at kultural na kaganapan na nagtipon-tipon sa mga mamamayan mula sa iba’t
ibang henerasyon at magkakaibang antas ng lipunan na mayroong iisang hangarin – ang
75
pagkamit sa tunay na pagbabago. Layunin din nito na kondenahin ang alyansa ni Pang.
Duterte sa pamilya Marcos na siyang nagsisilbing tulay sa rehabilitasyon ng pangalan ng
mga Marcos at naghuhudyat ng pagbabalik sa kapangyarihan ng pamilyang ito. Mithiin
din ng mga protesta na panagutin ang Korte Suprema sa kanilang desisyon na isang
malaking insulto at panghahamak sa mga naging biktima ng diktaturya at sa tila pagbura
sa mga kasalanan ng yumaong diktador (Pasion, 2016).
Pigura 26 – Protesta sa Luneta (Nakuha mula sa Rappler website)
Makikita sa pigura 26 ang pangunguna ng kabataan sa protesta sa Marcos burial
at marami sa mga ito ay mga estudyante mula sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad.
Ayon kay kay Rep. Sarah Elago ng Kabataan Partylist, nais ng mga grupo ng kabataan
na panagutin ang Pangulo hindi lamang sa rehabilitasyon ng imahen ni Marcos kung
hindi maging sa patuloy na pasismo sa bansa. Pagsasaad ni Elago, ang paglilibing na ito
ay hindi lamang insulto sa kasaysayan at pagpupunyagi ng mga Pilipino mula sa
76
karahasan ng nagdaang rehimen kung hindi isa rin itong manipestasyon ng pagpapatuloy
ng pasismo sa ilalim ng admininstrasyong Duterte. Ang Bente Uno Coalition ay
nagkaroon din ng protesta sa People Power Monument noong hapong iyon bilang
partisipasyon sa Black Friday protest na dinaluhan ng libo-libong estudyante at youth
leaders. Ayon kay Gultia, tagapagsalita ng Bente Uno, kailangang mamulat ang kabataan
sa madilim na nakaraan at lumaya mula sa bakas na iniwan ng nagdaang rehimen.
Ngayon higit kailanman kailangang marinig ang tinig ng kabataan sa kanilang
panawagan ng tunay na pagbabagong panlipunan at pagpapanagot sa mga mapang-abuso
sa kapangyarihan na naging dahilan ng pagkalugmok ng napakaraming Pilipino sa
kahirapan (Rappler, 2016).
Hindi lamang natapos sa protesta noong Nob. 25 ang ingay na ginawa ng publiko
sapagkat nang sumunod na linggo ay mayroon nanamang pagkilos na dinaluhan ng halos
15,000 katao sa EDSA People Power Monument kasabay ng ilan pang pagkilos sa ibang
bahagi ng bansa upang palawigin ang hanay ng mga tutol sa naganap na paglilibing at
maipaabot sa administrasyon ang kanilang galit at pagkadismaya (Hincks, 2016).
Para kay Arao, bagamat nasa halos 52% lang ng populasyon ang may akses sa
internet, malaki ang naitulong ng social media, lalo na ang mga events pages at FB pages
sa pagbibigay ng mga mahalagang impormasyon at datos upang mailunsad ang mga
pagkilos na ito. Marami rin sa mga pagkilos ay isinagawa sa lungsod kung kaya masasabi
na mas malaki ang pakinabang ng social media sa kalunsuran kumpara sa kanayunan
bagamat mayroong internet akses din ang ilang lugar dito subalit mas makikita pa rin ang
susing papel ng dominanteng media.
77
D. Ang epekto ng kabi-kabilang kilos-protesta sa mamamayan at maging sa
pamahalaan
Nailibing man ang diktador sa LNMB, hindi pa rin nanahimik ang mamamayan at
nanindigan sa kanilang pananaw at mga ipinaglalaban. Nagsilbi ang mga protesta bilang
banta sa administrasyon na hindi magsasawalang-kibo ang bawat puwersa ng lipunan sa
mga naganap at magaganap na anomalya at inhustisya. Patunay ito na pagtatagpuin ng
iisang adhikain ang mamamayang uhaw sa katarungan at patuloy na maghahangad ng
mas magandang kinabukasan para sa sambayanan. Ito ay kompirmasyon na may
nagagawa ang maliliit na hakbang at kahit pa ito ay nagmula sa internet o social media,
magreresulta pa rin ito sa ahitasyon at kalaunan ay mobilisasyon. Isa rin itong paraan
upang matantiya ng pamahalaan ang pulso ng mamamayan at magkaroon ng ideya kung
ano ang klase ng pagtutol, bakit tumututol at ang mga iba pang hinaing ng taumbayan. Sa
panahon kung kailan tila wala nang paraan upang marinig ang tinig ng madla, gagawa at
gagawa ng hakbang ang masa upang maipabatid ang kanilang damdamin. Ang kalsada
ang magsisilbing entablado ng paglaban at kasaysayan sa pangunguna mismo ng
mamamayan.
Paglilinaw ni Arao, sa usapin ng empirikal na datos, hindi pa rin matatawaran ang
kapangyarihan ng sarbey, Focused Group Discussion (FGD) at iba pang klase ng
pangangalap ng impormasyon sapagkat dito malalaman kung ano ang tunay na saloobin
ng minorya o ng mayorya ng lipunan at magandang paraan ito para makakuha ng ideya
kung ano ang pagtingin ng mga tao. Kung susuriin sa kabuuan, kinakailangan pa rin ang
ibang pagtatasa upang mahusay na matukoy ang pananaw ng publiko.
78
E. Ang tindig ng ilang netizens tungkol sa paglilibing
20% - Nag-post ng pahayag, larawan, video at iba pa upang suportahan ito
48% - Nag-post ng pahayag, larawan, video at iba pa upang tutulan ito
8% - Sumama sa pagkilos upang suportahan ito
20% - Sumama sa pagkilos upang tutulan ito
40% - Walang ginawa tungkol dito
Pigura 27
Sa 30 nagpartisipa, 25 lamang ang nakasaksi sa paglilibing kay Marcos sa LNMB
gamit ang social media kahit pa naging trending ang paksang ito noong araw ng libing.
Mayroon ding iba’t ibang paraan na maaaring gamitin ng publiko upang magpaabot ng
kanilang saloobin ngunit nalimitahan lamang sa internet ang kalakhan ng mga opinyong
ito sapagkat ang ginawang pagkilos ng pinakamalaking bahagi ng social media users sa
pag-aaral na ito ay hanggang sa pag-post lamang. Bagamat marami ang pumili ng higit sa
isang opsiyon, napakaliit ng bahagdan ng mga mamamayang ipinagpatuloy sa kalsada
ang kanilang pagtutol o maging pagsuporta sa paglilibing. Matatandaan na mayroong
mga mobilisasyon na naorganisa sa social media upang magprotesta ngunit mayroon din
na mga sumuporta sa desisyong ito subalit kakaunti lamang ang lumahok sa mga
79
aktibidad na ito kung ihahambing sa dami ng social media users. May kalakihan din ang
bahagdan ng netizens na piniling huwag nang makialam sa isyung ito. Naging mainit na
usapin man ang naganap na paglilibing, hindi nito nahatak ang kalakhang bahagi ng
publiko upang bumuo ng tindig at sumama sa mga pagkilos.
Bagamat napakaingay ng mga grupong kumukondena sa ginawang paglilibing
kay Marcos sa LNMB, makikita na may mga sumusuporta rito at naging daan ang social
media upang palutangin din ang mga tagasuporta nito. Napatunayan ang papel ng social
media sa pagiging espasyo para sa lahat ng klase ng pananaw at impormasyon subalit
kuwestiyonable pa rin ang kakayanan nito sa pagpapakilos sa publiko. Maaaring
nakapagbigay ito ng ahitasyon dahil sa dami ng mga lumahok sa aktibismo sa internet
ngunit kulang pa rin kung ihahambing sa mga lumahok sa kalsada. Dagdag pa rito,
naging paraan din ang social media upang pabanguhin muli ang pangalan ng diktador at
maisakatuparan ang planong pagpapalibing bilang paghahanda na rin sa pagbabalik ng
pamilya Marcos sa kapangyarihan (Arao, 2017). Sa panig naman ng mga nagprotesta,
hindi buo ang partisipasyon lalo pa kung hanggang sa internet lamang ang pagtutol na
gagawin sa halip na umaksyon at makiisa sa mga grupong may kaparehong adhikain.
Dahil dito, nananatiling hamon pa rin sa lipunan na gamitin ang lahat ng
posibleng paraan at rekurso upang magbunsod ng mga pagkilos tungo sa panlipunang
pagbabago. Isang patunay ito na marami pa rin sa mga mamamayan ang hindi lubusang
nakakaunawa sa mga usapin at kinakaharap ng bansa kung kaya napakahirap sa mga ito
na makiisa sa hangarin ng masa.
80
III. Mga Isyu na Dapat Bigyang-Puwang sa Lipunan
42.3% - EDCA
61.5% - Scarborough Shoal
26.9% - Philippine trade negotiations
80.8% - OFW
3.8% - Populismo sa ibang bahagi ng mundo
Pigura 28
Isa sa mga usapin na hindi gaaanong natatalakay maging sa social media ay ang
relasyon ng Pilipinas sa ibang bansa at mga epekto nito sa mamamayan. 26 mula sa 30 na
nagpartisipa ang nakakapagbasa ng mga balita ukol sa panlabas na ugnayan ng Pilipinas
at bagamat maaaring mamili ng higit sa isa, makikita na hindi lahat ng kabilang sa
opsiyon ay kanilang nababasa sa social media. Ang pinakamalaking bahagdan ay
nakakapagbasa ng tungkol sa mga OFW marahil ay dahil marami sa mga Pilipino ay
mayroong kamag-anak, kaibigan o kakilala na OFW kung kaya naman binibigyan ng
panahon ang mga ganitong balita. Samantala, ang iba pang paksa gaya ng EDCA,
Scarborough Shoal at relasyong pang-ekonomiya ng bansa na mainit din na usapin ay
hindi ganoong kalaki ang naaabot sa netizens. Ito ay maaaring dahil sa hindi direktang
apektado ang mamamayan sa mga isyung ito kung ihahambing sa usapin ng OFW. Isang
81
bagay pa ay dahil sa hindi lubusang napapalawak at napapalalim ang mga usaping ito sa
mga diskusyon ng karaniwang social media user. Matatandaang binaggit ni Palatino na
nakaugat din ito sa pagkakakulong ng isang tao o netizen sa kaniyang sirkulo kung saan
pareho-parehong paksa lamang ang iniikutan ng diskusyon at wala nang lugar pa sa ibang
mga isyu.
Napapalutang man sa social media ang mga isyung may kinalaman sa panlabas ng
ugnayan ng bansa, ito ay buhat lamang sa mga organisadong grupo at hindi ito nagiging
viral sapagkat ang media agenda, public agenda at policy agenda ay dapat nagtutugma-
tugma. Sa aspeto ng media agenda, bagamat ang alternatibong media ay hindi
nagkukulang sa malalimang pagsusuri sa lipunan, nagkakaroon ng problema sa lawak ng
naaabot nito. Sa kabilang banda, ang kalakhan ng manonood ay hindi maitatangging
hawak ng dominanteng media kaya naman kung hindi palulutangin ng dominanteng
media ang mga importanteng isyu at malalim na susuriin ang mga ito, hindi
makakatulong nang husto ang alternatibong media sa paghuhubog ng opinyong publiko.
Bagamat mahuhusay ang mga isinasagawang pagsusuri ng alternatibong media, kung
limitado naman ang naaabot nito ay napakalimitado rin ng kaniyang impluwensiya
kumpara sa dominanteng media.
Masasabing hindi dapat isisi lamang sa social media ang ganitong klaseng
“limitasyon” sapagkat ang dominanteng media ay may susing responsibilidad para
maging mekanismo sa pagpapalalim at impluwensiya subalit kung titingnan, ang
problema sa istruktura ng kasalukuyang media ay ang pagmamay-ari nito. Ito ay pag-aari
ng mga malalaking negosyo, ng mga pamilya na talaga namang matayog ang pang-
ekonomiya at pampolitikang interes kung kaya hindi ito maaasahan sa malalimang
82
pagsusuri sapagkat ang habol nito lalo na sa telebisyon ay pagpapataas ng ratings at
magagawa ito sa pamamagitan ng pagpapababaw ng nilalaman at talakayan. Kung nais
ng tunay na pagkamulat, kinakailangan ang susing papel ng dominanteng media at ang
hindi matatawarang komplementasyon ng social media.
Ayon kay Palatino, maaaring epektibo nga ang social media sa pagpapakalat ng
impormasyon subalit ibang usapin ang pagmumulat sa netizens at idagdag pa na
napakaraming bagay ang lumulutang online kung kaya napakahirap nang matukoy ang
tama sa hindi. Dagdag ni Arao, ang pundamental na rekisito nito ay ang pagiging armado
ng indibidwal upang makapagsagawa ng akmang pagsusuri sa nangyayari sa lipunan
sapagkat posible lamang ang pagkakamulat kung ang isang tao ay may sapat na kaalaman
sa kung ano ang tamang pagtingin sa mga bagay-bagay lalo na sa paggawa ng
pananaliksik. Hindi maaari ang mababaw na diskurso o mga simpleng komento o posts
lamang bilang paglalahad ng tindig sapagkat ito ay dapat batay pa rin sa realidad at
mangyayari lamang ito kung mayroong sapat at akmang edukasyon ang bawat social
media user.Ayon pa rin kay Palatino, kailangang umiwas ang publiko sa pagkiling sa
mga isyung viral o trending sapagkat hindi ang pagiging sikat o pinakapinag-uusapan ang
hangad ng makabuluhang diskurso at magreresulta ng pag-aangat sa kamalayan.
Kinakailangan na bumalik sa karaniwang gawi ng pagbabasa at pag-uunawa sa mga
nakikita lalo na sa social media. Sa ganitong paraan, tatatak sa netizens na hindi lahat ng
bagay sa internet ay kailangang bigyang-pansin at mahusay nilang masasala ang mga
impormasyon at yaong mga higit na kapaki-pakinabang para sa lipunan. Matapos nito,
posible na ang makabuluhang diskurso at pagpapalaganap ng mahalaga at kapaki-
pakinabang na impormasyon.
83
KABANATA V–KONKLUSYON AT REKOMENDASYON
I. Konklusyon
Mula sa susing salik na pagbibigay-aliw, naging instrumento ang social media
upang maging lunsaran ng mga impormasyon. Dahil sa labis na pagsandig sa teknolohiya
at internet kung saan hindi hamak na mabilis ang daloy ng mga bagay at sa hindi
maitatangging bentahe nito, malaki na rin ang papel ng social media sa paghahatid ng
balita. Ang patuloy na paglakas ng puwersa ng internet ay hindi na nga mapipigilan pa
kaya naman kailangan harapin ng mga peryodista at ng tradisyonal na media ang hamon
na makasabay sa makabagong paraan ng pagbabalita.
Malinaw na matatagpuan sa internet ang lahat ng klase ng impormasyon sapagkat
mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit na detalye ay napakadaling matukoy
gamit ito kaya rin naman posible nang mapalutang ang mga impormasyong ito sa social
media. Subalit, ito rin ang dahilan kung kaya nagkakaroon ng tunggalian ng mga ideya
sapagkat nahihirapan nang tukuyin ng publiko kung alin ang mahalagang bagay doon sa
hindi. Nariyan pa ang mga kuwestiyonableng bagay na mula sa makabagong
platapormang ito sapagkat walang kasiguraduhan na ang bawat detalye sa social media
ay sumailalim sa pag-aaral at sinuri ng mga dalubhasa kaya naman hindi maiiwasan ang
paglaganap ng misimpormasyon sa kasalukuyan.
Bagamat hindi matatawaran ang epektibong paraan ng social media sa
pagbibigay-alam sa publiko tungkol sa mga kaganapan sa lipunan, kailangan pa rin
maging kritikal sa pagsuri sa mga balita na siyang makakatulong sa paghuhubog ng
opinyong pampubliko na makapag-aambag ng panlipunang pagbabago. Ang mga balitang
84
ito ay yaong may mahalagang laman na siyang lumilinang ng kaisipan para sa
makabuluhang aksyon sa lipunan. Kung pagbabatayan ang social media, higit na
matatagpuan sa accounts ng organisasyon ng alternatibong media ang mas malalim na
pagsusuri ng mga isyu sapagkat mainam nitong pinag-aaralan ang mga bagay lalo na ang
mga mapagsamantalang bagay, na siyang dapat baguhin.
Isang napatunayan sa pag-aaral na ito na bukas sa malayang diskurso ang social
media at walang limitasyon ang pagpapahayag ng reaksiyon sa pamamagitan ng iba’t
ibang paraan gaya ng pag-komento, pag-post at pag-click sa reaction button.
Gayunpaman, hindi namamaksimisa ng lahat ng netizens ang kapangyarihang ito
sapagkat malaking bahagi sa kanila ay hindi aktibo sa pagpapaabot ng kanilang tindig
ukol sa mga isyu na kinakaharap ng sambayanan at kung sakaling magpapahayag man ng
ideya, kadalasan ito ay sa paraan ng “pag-click” lamang kaya nananatiling nakapaloob sa
online activism ang marami.
Makapangyarihan din ang social media sa laro ng politika at patunay si
Pangulong Duterte sa pagiging mabisang instrumento nito. Diin ni Palatino, hindi na
sapat na bigyan lamang ng tulong ang publiko sapagkat naghahangad na rin ang mga tao
ng impormasyon mula sa mga kandidato na magsisilbing susi sa pagbibigay ng kanilang
suporta. Dahil dito, masasabing parte na ang estratehiyang ito sa kalakaran sa politika
bilang paraan ng pagsusulong ng propaganda at naging daan nga sa pagkakaluklok kay
Rodrigo Duterte bilang pangulo. Kung mapapansin, hindi nagtapos sa kampanya ang
pagkakasangkapan ng kampo ni Pangulong Duterte sa social media sapagkat nagtutuloy-
tuloy ito hanggang sa siya ay naupo bilang pangulo. Epektibo man, naging kapuna-puna
ang Duterte accounts sapagkat naging hudyat ito ng tunggalian sa pagitan ng social
85
media users na tila nahati sa dalawang grupo – ang mga Ka-DDS at mga “dilawan.” Ang
parehong panig na ito ay walang maliw sa pagpapasaring sa isa’t isa tungkol sa mga
pagkukulang ng nakaraang rehimeng Noynoy Aquino at kasalukuyang administrasyong
Duterte kung kaya naman madalas nakabase sa pampolitikang kulay at oriyentasyon ang
mundo ng social media sa halip na magkaroon ng kritikal na pagsusuri sa mga kaganapan
sa lipunan.
Isang manipestasyon din ng kapangyarihan ng social media ay ang paglulunsad
ng mga pagkilos at malawakang protesta at isa na rito ay ang paglilibing sa diktador na si
Ferdinand Marcos sa LNMB. Nagtagumpay man ang sikretong libing, hindi pa rin
nanahimik ang mamamayan at gamit ang kanilang social media accounts, mariing
nanindigan ang publiko sa kanilang pananaw at mga ipinaglalaban. Maliban sa mga
panawagan online, naging susing salik din ang mga events pages at FB pages sa
pagbibigay ng mga mahalagang impormasyon at datos upang mailunsad ang mga protesta
sa kalsada na dinaluhan ng libo-libong mamamayan. Patunay ito na pagtatagpuin ng
iisang adhikain ang mamamayang uhaw sa katarungan at patuloy na maghahangad ng
mas magandang kinabukasan para sa sambayanan. Ito ay kompirmasyon na may
nagagawa ang maliliit na hakbang at kahit pa ito ay magmula sa internet o social media,
magreresulta pa rin ito sa ahitasyon at kalaunan ay mobilisasyon kung saan ang kalsada
ang magsisilbing entablado ng paglaban at kasaysayan sa pangunguna mismo ng
mamamayan. Isa rin itong paraan upang matantiya ng pamahalaan ang pulso ng tao at
magkaroon ng ideya kung ano ang klase ng pagtutol, bakit tumututol at ang mga iba pang
hinaing ng taumbayan. Gayunpaman, malaking bahagi pa rin ng populasyon ang hindi
lumalahok sa mga pagkilos marahil dahil sa hindi lubos ang pang-unawa ng publiko sa
86
mga layunin at dahilan ng mga ito kaya naman kulang ang ahitasyon at motibasyon.
Idagdag pa ang koneksiyon ng social media users na madalaas ay nakukulong lamang sa
isa’t isa kung kaya maliit ang tiyansa na magkaroon ng puwang para sa mga progresibong
ideya na nagmumula sa labas ng kanilang sirkulo.
Bukod sa mga viral o nangungunang usapin, napapalutang rin sa social media ang
malalim at malawak na mga isyu gaya na lamang ng mga usapin may kinalaman sa
panlabas ng ugnayan ng bansa. Subalit, ang malalim na pagsusuri dito ay buhat lamang sa
mga organisadong grupo at bihira itong maging viral sapagkat maliit ang tendensiya ng
publiko na makialam sa mga isyung walang direktang kaugnayan sa kanila. Bagamat ang
alternatibong media ay hindi nagkukulang sa malalimang pagsusuri sa lipunan,
nagkakaroon ng problema sa lawak ng naaabot nito. Sa kabilang banda, ang kalakhan ng
manonood ay hindi maitatangging hawak ng dominanteng media kaya naman kung hindi
palulutangin ng dominanteng media ang mga importanteng isyu at malalim na susuriin
ang mga ito, hindi makakatulong nang husto ang alternatibong media sa paghuhubog ng
opinyong publiko.
Walang duda sa papel ng social media bilang espasyo para sa lahat ng klase ng
pananaw at impormasyon subalit nananatiling kuwestiyonable pa rin ang kakayanan nito
sa pagpapakilos sa publiko dahil sa iba’t ibang hangganan nito. Hindi pa rin malinaw sa
lahat ng netizens ang mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin sa internet. Dapat din
isaalang-alang ang maraming bahagi ng bansa na wala o kung mayroon man, ay limitado
lamang na akses sa teknolohiya at internet kung kaya naman ay hindi nito nagagamit ang
benepisyong hatid ng makabagong plataporma. Masasabi rin na hindi dapat ang social
media lamang ang pumasan sa mga limitasyon sapagkat ang dominanteng media ay may
87
susing responsibilidad din upang maging mekanismo sa pagpapalalim at impluwensiya
subalit kung titingnan, ang problema sa istruktura ng kasalukuyang media ay ang
pagmamay-ari nito na pinaghaharian ng malalaking negosyo, ng mga pamilya na talaga
namang matayog ang pang-ekonomiya at pampolitikang interes kung kaya hindi ito
maaasahan sa malalimang pagsusuri sapagkat ang habol nito lalo na sa telebisyon ay
pagpapataas ng ratings magagawa ito sa pamamagitan ng pagpapababaw ng nilalaman at
talakayan. Kung nais ng tunay na pagkamulat ng lipunan, kinakailangan ang susing papel
ng dominanteng media at ang hindi matatawarang komplementasyon ng social media at
magagawa lamang ito kung armado ang publiko.
Matapos ang pag-aaral na ito, napatunayan na napakalaki pa rin ng hakbang na
kailangang tahakin ng mamamayan sa pagkamit sa panlipunang pagbabago at malaki ang
magiging papel ng Araling Pangkaunlaran sa laban na ito. Sapagkat marami sa publiko
ang hindi armado sa tamang kaalaman upang matukoy ang mga suliranin na dapat bigyan
ng aksiyon, nasa kamay ng mga progresibong grupo kasama na ang mga mag-aaral, na
makapagmulat at kalaunan ay makapagpakilos. Masasabi rin na mayroong susing papel
ang Araling Pangkaunlaran sapagkat ito ay nakasentro sa pag-aaral sa mga suliranin ng
lipunan at siyang sumusuri sa mga possible at alternatibong paraan sa paglutas sa mga
ito.
88
II. Rekomendasyon
Upang maging epektibo ang paggamit ng publiko sa social media,
kinakailangang maging armado ang mamamayan sa pagtukoy at pagsusuri sa mga
makabuluhang impormasyon sa internet at magagawa lamang ito sa pamamagitan ng
angkop na edukasyon. Mas magiging mainam kung babalik sa karaniwang gawi ng
pagkatuto sa pamamagitan ng pagbabasa at pagsusulat sa halip na agarang sumabak sa
paggamit ng internet. Sa ganitong paraan matututunan kung paano matukoy ang mga
bagay na may kredibilidad at dumaan sa mahusay na pagsusuri. Posible lamang ang
akmang pagsusuri sa mga suliranin sa lipunan kung ang isang tao o netizen sa kaso ng
social media ay kritikal sa pagtingin sa mga bagay-bagay nang sa gayon ay magkaroon
ito ng kakayanan na makapagmulat at makapag-impluwensiya ng kaniyang kapwa sa
pagtimbang ng mga isyu.
Hindi rin dapat na isantabi ang maitutulong ng mga educational discussions, focus
group discussions, interbyu at iba pang kasangkapan na makapag-aambag sa paghubog
ng kaisipan upang maliwanagan tungkol sa kinakaharap ng lipunan. Dagdag pa rito,
kinakailangan ang pakikipagtulungan sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang lubusang
maunawaan ang hinaing ng masa at epektibong maipabatid sa tulong ng social media ang
mga hinaing na ito nang sa gayon ay makapagmulat at kalaunan ay makapagpakilos.
Kaakibat nito, kinakailangang din ng media literacy na siyang aplikasyon ng edukasyon.
Dito, nasusukat ang pagiging bihasa ng isang tao sa pagtukoy at pagsuri ng
mahahalagang detalye mula sa iba’t ibang porma ng media kabilang ang social media.
Magagamit ang mga impormasyong ito sa paghuhubog sa lipunan patungo sa tunay na
pagbabago sa pamamagitan ng paglilinang ng pampublikong kaisipan.
89
Makakatulong din ang hindi pagkiling sa virality sapagkat ang pagiging viral o
trending ay hindi layunin sa paggamit ng social media kung hindi ang pagmumulat at
epektibong paghubog ng tindig kung kaya naman kailangang maging mapanuri sa mga
bagay na susubaybayan online. Makabubuti na pawang mahahalagang impormasyon
lamang ang palalaganapin dito ngunit hindi naman tahasang pinipigilan na gamitin ito
bilang pang-aliw bagkus, dapat lamang isaalang-alang na ang mga bagay na ilalatag dito
ay base pa rin sa masusing pagsusuri.
Hindi rin dapat mawala ang presensiya ng dominanteng media sapagkat ito pa rin
ang may hawak ng pinakamalaking tagatanggap. Ang social media ay dapat na maging
katuwang ang tradisyonal na media at iba pang plataporma upang mas palakasin ang
puwersa nito sa pagbibigay-alam sa publiko. Hindi dapat matawaran ang mga peryodista
na may dedikasyon sa kanilang tungkulin at pilit naghahatid ng patas at dekalidad na mga
balita at kung sakali man na hindi ito maipalabas sa tradisyonal na media, laging nariyan
ang social media upang mapalutang ito. Kinakailangan lamang na punuan ng mga
plataporma ang pagkukulang ng bawat isa.
Malaki rin ang maitutulong ng ganitong estratehiya para sa mga progresibong
grupo katulong din ang Araling Pangkaunlaran sapagkat ang social media ay epektibong
espasyo upang ilatag ang kanilang adhikain at ipinaglalaban para sa bayan kung sakaling
limitado o walang representasyon sa telebisyon, radyo o peyodiko. Ang lahat ng
plataporma at instrumento ay kailangang mamaksimisa upang tapatan ang
misimpormasyon o limitadong impormasyon tungkol sa mga kaganapan sa lipunan nang
sa gayon ay maging armado ang mamamayan sa pagharap sa mga suliranin ng lipunan.
90
BIBLIOGRAPIYA
Arao, D. (2013). Eleksyon at social media. Nakuha noong Dis. 7, 2016. Mula sa http://
risingsun.dannyarao.com/2013/05/11/eleksiyon-at-social-media/
Arao, D. (2017, Pebrero, 2). Personal na pakikipanayam
BBC. (2016). Anger at hero's burial for Philippines dictator Marcos. Nakuha noong
Abril 26, 2017. Mula sa http://www.bbc.com/news/world-asia-38022704
Buenaobra, M. (2016). Social media: A game changer in Philippine elections. Nakuha
noong Abril 23, 2017. Mula sa http://asiafoundation.org/2016/04/27/social-media-a-game-
changer-in-philippine-elections/
Burrell, H. (2016). A guide to twitter: Twitter basics explained. Nakuha noong Marso 30,
2017. Mula sa http://www.pcadvisor.co.uk/how-to/social-networks/guide-twitter-
twitter-basics-explained-how-to-tweet-features-limit-video-3534616/
Businesstopia. (2016). Democratic-participant theory of mass communication. Nakuha
noong Nob. 11, 2016. Mula sa https://www.businesstopia.net/mass-communication
/democratic-participant-theory-mass-communication
Campbell, K. at Jamieson, K. (1983). The interplay of influence: Mass media & their
publics in news, advertising, politics. California: Wadsworth Publishing Company
Carthew, A. & Winkelmann, E. (2013). Social media and elections in Asia-Pacific - The
growing power of the youth vote. Nakuha noong Nob. 29, 2016. Mula sa http://www.
kas.de/wf/doc/kas_35939-1522-2-30.pdf?131105090222
Diffen. Facebook vs. twitter. Nakuha noong Enero 28, 2017. Mula sa http://www.diffen.
com/ difference/ Facebook_vs_Twitter
Digital Trends. (2016). The history of social networking. Nakuha noong Dis. 17, 2016.
Mula sa http://www.digitaltrends.com/features/the-history-of-social-networking/
Faraon, M., Kaipainen, M. & Stenberg, G. (2014). Political campaigning 2.0: The
influence of online news and social networking sites on attitudes and behavior.
Nakuha noong Nob. 29. 2016. Mula sa http://webcache.googleusercontent.com/
search?q=cache:http://www.jedem.org/index.php/jedem/article/view/230/305
Heide, B., Spence, P. & Westerman, D. (2014). Social media as information source:
recency of updates and credibility of information. Nakuha noong Nob. 15, 2016. Mula
sa http://onlinelibrary.wiley.com/doi/10.1111/jcc4.12041/full
Hincks, J. (2016). Filipinos are outraged at attempts to rehabilitate a late dictator as a
national hero. Nakuha noong Abril 26, 2017. Mula sa http://time.com/4583037/
91
philippines-marcos-burial-duterte-human-rights-protest/
History Cooperative. (2015). The history of social media: Social networking evolution.
Nakuha noong Dis. 18, 2016. Mula sa http://historycooperative.org/the-history-of-
social-media/
Horkheimer, M. Critical theory. Nakuha noong Dis. 7, 2016. Mula sa https://www.
google.com.ph /url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=13&cad=rja&uact=8&
ved=0ahUKEwiK9MH9hOLQAhUDEbwKHf9wDJE4ChAWCCMwAg &url=http
%3A%2F%2Fhomes.ieu.edu.tr%2Fgkaranfil%2FMMC220%2FLecture%2520Notes
%2FCritical%2520Theory%2520Frankfurt%2520School.doc&usg=AFQjCNHbr5YB
PvD PYsC6_LJ57GFQV1nmDw&sig2=e7aGJ6NliQlECF_zeGjE_A&bvm=bv.140
496471,d.dGc
internet. Mula sa Merriam-Webster.com. Nakuha noong Dis. 2, 2016. Mula sa
https://www.merriam-webster.com/dictionary/Internet
Jarloc, G. (2016). Uproar on social media over Marcos burial. Nakuha noong Abril 26,
2017. Mula sa http://www.sunstar.com.ph/manila/local-news/2016/11/18/uproar-
social-media-over-marcos-burial-510242
Lamble, K. at Mohan, M. (2016). Trolls and triumph: a digital battle in the Philippines.
Nakuha noong Abril 26, 2017. Mula sa http://www.bbc.com/news/blogs-trending-
38173842
Lule, J. (2016). Understanding media and culture: An introduction to mass
communication, v. 1.0 Nakuha noong Nob. 8, 2016. Mula sa http://catalog. Flatwor
ldknowledge.com/bookhub/reader/3833?e=lulemedia_1.0-ch02_s02
Marasigan, C. (2016). How Rodrigo Duterte hacked the internet. Nakuha noong Abril 23,
2017. Mula sa http://www.stack.com.ph/how-rodrigo-duterte-hacked-the-internet/
microblogging. Dictionary.com. Nakuha noong Dis. 2, 2016. Mula sa http://www.
dictionary.com/browse/microblogging
Nacpil, D. (2017, Enero, 16). Personal na pakikipanayam.
Neri, H. (2016). Trending: SC decides to give Marcos a hero’s burial, internet reacts.
Nakuha noong Abril 26, 2017. Mula sa http://www.wheninmanila.com/trending-sc-
decides-to-give-marcos-a-heroes-burial-internet-reacts/
netizen. Mula sa Merriam-Webster.com. Nakuha noong Dis. 2, 2016. Mula sa https://
www.merriam-webster.com/dictionary/netizen
92
Newsclip media monitoring. (2016). Social media as a news platform. Nakuha noong
Peb. 26, 2017. Mula sa https://www.newsclip.co.za/Research-And-Analysis/
Entertainment/21/social-media-as-a-news-platform
O’Connell, C. Network theory and political revolution. Nakuha noong Nob. 15, 2016.
Mula sa http://www.academia.edu/636520/Network_Theory_and_Political_
Revolution__A_Case_Study_of_the_Role_of_Social_Media_in_the_ Diffusion_
of_Political_Revolution_in_Egypt
Osorio, (2015). Who’s winning in the mass media vs. social media war? Nakuha noong
Enero 4, 2016. Mula sa http://www.philstar.com/business-life/2015/06/01/1460257
/whos-winning-mass-media-vs.-social-media-war
Palatino, R. (2015). Politics and internet in the age of self-representation. Nakuha noong
Dis. 7, 2016. Mula sa http://bulatlat.com/main/2015/12/10/politics-and-internet-in-the
-age-of-self-representation/
Palatino, R. (2017, Pebrero, 10). Personal na pakikipanayam.
Pana. (2015). Media insights 2015 – The top five media of urban Philippines and
emerging trends. Nakuha noong Enero 10, 2017. Mula sa http://pana.com.ph/media-
insights-2015-the-top-five-media-of-urban-philippines-and-emerging-trends/
Pasion, P. (2016). Schedule: November 25 rallies vs Marcos. Nakuha noong Abril 27,
2017. Mula sa http://www.rappler.com/nation/153258-november-25-luneta-grand-
rally
Pertierra, R. (2012). The new media, society & politics in the Philippines. Nakuha noong
Nob. 16, 2016. Mula sa http://library.fes.de/pdf-files/bueros/asia-media/09241.pdf
Ramota, C. (2013). Ang internet bilang espasyong pulitikal sa Pilipinas: Pakikilahok,
pamamahala, at protesta sa cyberspace. Nakuha noong Dis. 7, 2016. Mula sa http://
ejournals.ph/article.php?id=8037
Rappler. A profile of internet users in the Philippines. Nakuha noong Dis. 1, 2016. Mula
sa http://www.rappler.com/brandrap/profile-internet-users-ph Rappler. (2016). Nationwide protests today vs Marcos hero's burial. Nakuha noong Abril
27, 2017. Mula sa http://www.rappler.com/nation/153574-anti-marcos-rally
nationwide -protest
Rappler. (2016). Netizens oppose Marcos burial with black profile photos,
#OccupyLNMB. Nakuha noong Abril 26, 2017. Mula sa http://www.rappler.com/
technology/social-media/151744-online-protests-marcos-burial-supreme-court-ruling
Sanchez, P., etal. (2014). Political participation through social media in the Philippines.
93
Nakuha Noong Nob. 15, 2016. Mula sa http://www.academia.edu/9642794/Political
_ Participation_through_Social_Media_in_the_Philippines
Shuttleworth, M. (2008). Case study research design. Nakuha noong Nob. 6, 2016. Mula
sa https://explorable.com/case-study-research-design
social networking site. Mula sa Techopedia.com. Nakuha noong Dis. 2, 2016. Mula sa
https://www.techopedia.com/definition/4956/social-networking-site-sns
Spring, (2002). Agenda setting. Nakuha noong Nob. 12, 2016. Mula sa http://zimmer.
csufresno.edu/~ johnca/spch100/7-4-agenda.htm
Sports Community. A guide to using facebook. Nakuha noong Marso 30, 2017. Mula sa
http://sportscommunity.com.au/resources/a-guide-to-using-facebook/
Statista. Number of facebook users in the Philippines from 2015 to 2021 (in millions).
Nakuha noong Enero 10, 2017. Mula sa https://www.statista.com/statistics/490455/
number -of-philippines-facebook-users/
Techtarget. (2016). Facebook. Nakuha noong Dis. 2, 2016. Mula sa http://whatis.
techtarget.com/definition/Facebook
Techtarget. (2016). Twitter. Nakuha noong Dis. 2, 2016. Mula sa http://whatis. techtarget.
com/definition/Twitter
We are social. (2016). Digital in 2016. Nakuha noong Dis. 1, 2016. Mula sa http ://
wearesocial.com/sg/special-reports/digital-2016
94
APENDISE A - Endorsement Letter
University of the Philippines Manila
College of Arts and Sciences
Department of Social Sciences
To whom it may concern:
The bearer of this letter, BEATRIZ IZAMARY R. MANIO, with student no. 2013-
55084 is a student of the University of the Philippines Manila who is currently
conducting her thesis entitled “Ang social media bilang lunsaran ng impormasyon at
talastasan: Isang pag-aaral tungkol sa paggamit ng social media sa pagsuri ng mga isyu sa
lipunan” for the degree program Bachelor of Arts in Development Studies. With this, she
would be needing to conduct an interview and case study with rightful respondents.
She would be doing this research work in order to integrate the theories she learned in
this course in real life situations as well as to contribute by better understanding the plight
and concerns of the Filipino people.
We would highly appreciate if you would extend to her any form of assistance and help
her obtain facts for her research paper.
Hope this matter will merit your favorable consideration. Thank you and more power!
Truly yours,
PROF. REGINALD S. VALLEJOS, MPA
Thesis Adviser
Development Studies Program
95
APENDISE B – Panayam kay Dani Nacpil (GMA Social Media
Producer)
1. Saan nanggagaling ang mga pino-post ninyo sa inyong social media accounts?
‘Pag sa FB kasi, ‘yong pino-post lang namin ay mga news articles doon sa GMA website
(gmanews.com). Tapos ‘yong mga article na ginagawa nila (reporters), ‘yon ang p ino-
post namin sa FB tapos pag sa twitter, pino-post din namin ‘yong news articles pero kasi
nagti-tweet din sila tungkol sa mga nangyayaring events na halimbawa, may namatay
mga gano’n. Iti-tweet nila tapos kokopyahin lang namin at iyon na. Kapag galing naman
sa ordinaryong tao, mayroon kaming isang twitter account na kung tawagin ay
YouScoop. ‘Yong mga ordinaryong mamamayan pwedeng mag-tweet at kukuhanin
naming ‘yong impormasyon pero sa YouScoop account lang namin ipo-post at hindi
direktang sa GMA.
2. Hindi ba nagiging selektibo sa pagpili ng mga balitang itatampok ang tradisyonal na
media kung ikukumpara sa social media?
Sinusubukan namin panindigan ang aming adhikain na walang kinikilingan at walang
pinoprotektahan kaya gusto namin na iwasan ang pagkakaroon ng bias kasi kung ipo-
post namin ‘yong mga nakikita namin sa social media, magpapakita pa rin ito ng bias
kahit papaano.
3. Bakit naengganyo ang mamamayan na lumahok sa social media?
Social media is the biggest medium for people to get across their ideas, opinion and ‘don
kadalasan nagkakaroon ng komunikasyon ang mga tao kasi nga it’s the new generation.
Focused always on their phone, internet kaya ‘yon sa tingin ko ang dahilan kung bakit
96
maraming nagpapartisipa sa social media. Karamihan, generation natin, millennial
generation, late baby boomers ang mga aktibo sa social media.
4. Ano ang katangian ng social media na wala sa ibang klase ng media at ano ang bentahe at
disbentahe nito?
Ang social media ay hindi na kailangang i-filter kasi it doesn’t go through processes of
approval kaya kahit mga fake news ay naipo-post. It doesn’t have to go through
approvals of fact checkers at ‘yon ang wala sa ibang klaseng media kasi compared to TV
o newspaper, kung magkamali ka doon, mawawalan ka ng trabaho. Ang bentahe naman
ay you get to express your own opinion, may interaksyon din sa ibang tao kaya pag may
ipino-post ka at nagpo-post sila, it either forms debate and somewhat enlightens other
people who read the debate or can participate. Social media is always going to be there.
Kunwari, pag newspaper, the next day ay napupunta na sya sa archives pero kapag
social media, laging siyang nandoon and I guess another advantage is pwede mo siyang
i-delete. Kung malaman mo na mali ka pala o may mali doon sa mga news na pino-post
mo, pwede mo siyang i-delete compared sa newspaper na naka-print na kaya wala ka
nang magagawa do’n. Disadvantages ay maraming fake new, maraming hindi nagve-
verify ng kanilang sources o kung sino-sino lang ‘yong mga kinukuha nilang sources.
Marami ring trolls. Kaya pino-post ang fake news ay para sa publicity. Kasi kahit sa
amin, importante yung kung ilan ang nagco-comment, kung ilan ang nagla-like, ilan
nagshe-share kasi numbers parin yun para sa amin. Parang iyon ang importante sa
trabaho naming na it doesn’t matter kung bad publicity, it’s still publicity.
5. Bakit at paano naging lunsaran ng mga balita ang social media?
97
Kasi ‘on-the-go’ na ang mga tao. Wala nang oras ang tao manood ng tv. Kahit ako, bago
ako magkaroon ng trabaho, hindi ako nanonood ng tv o balita. Lahat ng balita na alam
ko, is always online- FB, twitter kaya it’s a good way to inform the people still kasi kahit
nga wala silang oras, doon mo sila i-inform. ‘Yong mga kilala kong nanonood ng news
ay sa social media rin. Pero siguro yung mga nakakatatandang henerasyon ay sa tv pa
rin o radyo tapos yung iba, kadalasan, online na lang. Sa tv, hindi mo alam ang impact
ng mga balita kasi nga sa tv lang pero sa social media, doon mo makikita yung mga
reaksyon ng mga tao. May partisipasyon ng masa sa social media. Sa trending news
naman, unahan sa pag-post ng balita kasi you want to be the first to break the news lalo
na kung tungkol sa importanteng tao. For example if you share a trending news, I guess
they become more verified as a person dahil tama ‘yong nai-share mo at ikaw ang pinaka
una kaya yung ibang netizens, doon na susubaybay.
Sa usapin ng blog at FB at twitter pages, madali lang gumawa ng ganoon pero mahirap
ay humanap ng followers maliban na lang kung sikat ka.
6. Saan madalas nagmumula ang mga balitang nakikita sa FB at twitter?
Sa GMA, galing sa mga news writer na nanggagaling naman sa mga reporter o sa tv
shows kasi ‘yong mga news shows sa GMA, may sari-sarili silang twitter account tapos
kung ano ang lumalabas sa tv, kailangan din namin i-tweet. Pwede rin nga na mula sa
mga reporter. Kung ano man ang i-tweet nila, it-tweet din namin. Samakatwid, sa
tradisyonal na media pa rin nanggagaling ang mga balita na nakikita sa social media.
7. Paano malalaman kung ang impormasyong nakita online ay walang basehan?
Minsan kasi ang nangyayari, ipino-post ang balita tapos ilalagay lang ang sources
kumbaga, hindi opisyal ang balita. Kaya maganda na hintayin muna ang mga reporter
98
na mag-tweet bago naming i-tweet sa account kasi ayaw naman namin na mula sa inside
source na hindi namin kilala kasi baka mali ang impormasyon. Ang mga pekeng balita
naman ay base sa bias ng mga tao, base sa opinyon nila. Halimbawa, ‘yong Lenileaks,
anyone could have edited that page so hindi mo naman alam kung totoo talaga pero
hindi mo rin naman alam na hindi totoo. May mga writer din na gumagawa ng article
title na clickbait para maraming magbasa kaya ang ginagawa ko, kapag ang title ay iba
talaga sa laman, binabago ko siya dahil unfair naman sa mga tao.
8. Paano matutukoy at mawawakasan ang keyboard warriors at trolls?
Sila ang kalaban ko sa trabaho ko. There’s this big group at sila ang nagco-comment at
umaatake sa mga news article at napapansin ko madalas sa mga balita tungkol kay
Duterte, Leni o Bongbong Marcos. Lahat ng mga comment nila, paulit-ulit lang at
parang copy at pasted lang. May grupo yata sila at magpo-post sila nang “i-comment
ninyo ‘to sa article na ‘to.”Kaya ang ginagawa naming, we ban them from commenting
or delete their comments kasi they only make noise at hindi naman sya nakakatulong sa
article at hindi rin nagpo-promote ng discussion.
9. Ano ang epekto ng comment section, pag-post, pag-share, pag-react sa diskurso ng
netizens?
It depends kasi kung ang friends mo puro trolls, lalong nade-develop ang pag-
iisip mo na nasa tama kayo at tama ang opinyon mo kahit mali. May epekto rin
siya sa opinyon ng mga alam kung ano talaga ang tama kasi nakikipag-away sila at
nakakabaliw talaga minsan. Kunyari, pag may nag-comment ng “Dilawan ‘to,” I guess
nasisira ang reputasyon mo bilang tao kahit nasa aling panig ka kasi laging may aaway
99
sa’yo no matter what your opinion is. Since the reaction button is different when
expressed in word form, hindi alam kung sinusuportahan mo o hindi ang post.
10. Popularidad ng Rodrigo Duterte
a. Ano ang istilo at paraan ng paglalatag ng social media sa personalidad ni Duterte?
Depende kasi sa mga nagha-handle ng account/page. Ako kasi, ang lead lang ang
kinokopya ko kasi kapag buo, naba-bash kami. Hindi mo dapat ilagay ang bias mo
dahil maghihikayat sya ng troll.
b. Paano mo isasalarawan ang Mocha Uson Blog at iba pang account/page na pabor kay
Duterte?
Hindi ako naniniwala na dapat tanggalin ang blog ni Mocha kasi opinyon nya ‘yon
and she has the right to express kahit mali and it’s good to follow things na hindi
lahat kaparehas mo ng opinyon kasi kapag gano’n, nagsi-stimulate ng discussions.
Kahit sa sarili mo lang, baka makita mo rin na baka tama sya and it promotes your
fact checking as a person. ‘Yong mga ibang account at page na pabor kay Duterte ay
sikat dahil nga maraming sumusuporta sa kaniya kaya kahit mali siya, nandoon pa
rin ang suporta nila. Kahit na sobrang radikal at mali na ang methods nya,
sinusuportahan pa rin nila kasi nga they support the person at hindi ‘yong ginagawa
nya. May ibang account din naman ay peke kasi kahit naman sa gobyerno ginagawa
‘yon. You create fake accounts just to support something.
c. Paano ito ginagamit ng netizens sa pagtasa sa pagkatao at pagka-politiko ni Duterte?
Malaki ang epekto nito sa ibang netizens kasi halimbawa si Mocha Uson, malaki ang
suporta niya kay Duterte kaya kahit ‘yong followers nya na hindi sumusuporta,
nagiging taga-suporta na rin. ‘Yong mga statements din ni Duterte ay kayang
100
paikutin to keep him from being viewed as a bad person. Other netizens view his war
on drugs as successful pero kung iisipin mo, bakit ang dami pa ring adik kahit anim
na buwan na siyang pangulo? But they still defend Duterte kasi mahirap daw to get
rid of all drug addicts. In social media, ‘full’ stories about war on drugs are there
pero hindi mo naman alam kung totoo ang pino-post nila. Sa tingin ko, mas
nakakatulong ang tradisyonal na media to post the truth compared to social media
kasi sa social media, pwedeng may halong bias.
11. Paglilibing kay Ferdinand Marcos sa LNMB
a. Paano nakatulong ang tweets at FB posts upang maihayag ang pagtutol ng publiko sa
paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani?
‘Yong ibang netizens ay nagpaparatang ng pagiging bias o ‘dilawan’ dahil ang
iniisip nila ay kapag anti-Marcos ka ay pro-Aquino ka na. Nakita natin sa social
media na maraming naging tutol sa Marcos burial through rallies. Ang problema
lang sa rallies ay naging tungkol sa kulay o kung sino ang nag-organize. Nando’n
ako sa parehong rally. ‘Yong sa Quirino, mga pula ang nag-organisa tapos sa EDSA,
mga dilaw. Napansin ko na yung mga pula, ayaw nila pumunta do’n sa EDSA kasi
nga hindi sila ang nag-organisa. Napansin ko rin na that’s how you encourage
people to attend those rallies, it’s through social media May event pa nga at may
nagpo-promote ng rally. I guess kapag hindi makakapunta sa rally, changing your
DP (black) and sharing of trending posts and hashtags ang magagawa mo – it’s
somewhat being a part of protest and somewhat may contribution ka. May impact
siya do’n sa cause pero tingin ko hindi masyadong malaki ang epekto niya sa
pagbago ng desisyon ng SC kasi at the end of the day, sa kanila naman ang desisyon.
101
b. Ano ang naging papel ng social media upang lumahok at magtipon-tipon ang mga
mamamayan sa iba’t ibang kilos-protesta laban sa paglilibing na ito?
Kasi may event, sa FB pwedeng gumawa ng event tapos kapag napo-promote siya ng
celebrities at ng mga sikat na government official, nakakaengganyo siya sa mga
netizen at pati mga ibang tao gusto nilang pumunta kapag may kasama sila. Minsan
kahit masama ang nirerepresenta, kapag pumunta ka naman do’n na may kasama ka,
it’s still you being active about the issue. So, malaki talaga ang papel kung sino ang
nag-organisa. Makikita mo rin ang age difference. Sa red rally, puro mga millenials
at UP professors while in the yellow rally, older people attended.
12. Sa iyong palagay, paano nabibigyang-pansin sa social media ang mga isyung hindi
naipapahayag sa ibang media?
Sa tradisyonal media kasi, kunyari sa tv, walang epekto ‘yon sa mga tao. Mas may epekto
siya sa social media. Kaya ang mga balitang hindi napapansin sa tv, sa social media mo
ilagay para may interaksyon at mas malaki ang impact niya kasi nga more people view
social media compared to watching tv.
13. Paano magagamit ang social media sa higit na kapaki-pakinabang na paraan?
I think everyone has the freedom to post anything. Ayos lang na mag-post ka ng kahit ano
sa page mo pero siguro hindi mo dapat i-post ang contradicting opinions example,
you’re against Marcos burial yet you support Bongbong Marcos. May kalayaan kasi sa
social media kaya marami ring masamang nangyayari. If you are to manage a political
page, you have to be well-aware and educated kasi maraming tumitingin sa posts mo.
You have to do triangulation and fact checking. Hindi pwedeng kung sino-sino lang mag-
manage because your opinion can be different from others’ views and what if it creates
102
conflict? Example is Mocha Uson, the fact the she supports Duterte, maraming
naniniwala na totoo ang sinasabi niya just because she supports Duterte. Mali talaga
ang paraan niya, ang wording niya at masama sa ginagawa niya ay napupuri siya para
do’n. Tingin ko rin kasi hindi nagbabasa ang netizens. If you post a news article, gagawa
ka ng caption at hindi na nila babasahin ang article at babasahin lang nila ang caption
tapos nagaaway-away sila sa comment section when they didn’t even read the news
article. Kaya importante na you say enough sa captions mo para sa netizens at para
hindi rin misleading ang captions na ginagawa mo kasi nga mati-trigger sila o
magkakaroon ng bad publicity as a news site.
14. Gaano kahalaga ang social media sa lipunan sa kasalukuyan?
It’s very important pero sa sobrang toxic ng social media, I do not encourage
everyone to be participative online especially when you encounter trolls kasi wala kang
mapupuntahan. It’s better to talk to people in person. However, it’s a good way to learn
news. But because of the interaction of people, nagkakasiraan lang kaya maganda rin
ang personal na usapan tungkol sa isyu. Traditional media and social media working
together – pinapalabas sa traditional media ang interaction ng netizens sa social media
at ginagawa siyang news segment. Tingin ko rin eventually, mamamatay ang traditional
media but as long as marami pa rin ang mahirap, nandyan pa rin ang tv, pero kung
aangat talaga ang ekonomiya, eventually, social media na lang lahat.
103
APENDISE C – Panayam kay Propesor Danilo Arao ng Unibersidad ng
Pilipinas- Diliman
1. Ano ang social media at ano ang katangian nito na wala ang sa ibang uri ng media?
Kung pag-aaralan mo ‘yong depenisyon ng social media, parang ito ‘yong mas
pinasimpleng termino na SNS at noong panahon na binubuo pa ‘yong iba’t ibang mga
file sharing, video sharing, at post sharing platforms. Ibig sabihin kung gagamit tayo ng
teknikal na termino, ito ‘yong tinatawag nating user generated content na makikita natin
online. Sa madaling salita, ‘yong mga SNS ay pwede ring tawaging mga website pero
ang kaibahan nito sa website ay sa halip na ito ay tinatawag nating server oriented o
kaya ang nilalaman ay nagmumula lang sa mga web administrator na ina-upload lang
halimbawa ang nilalaman , dito, mayron kang sitwasyon na may multiple account talaga
sapagkat ‘yong publiko mismo ang gumagawa ng sarili nilang account sa website o SNS
at sila na mismo ang nagbibigay ng laman nito mapa-teksto o iba’t ibang uri ng teksto
kasi hindi lamang ito isang uri ng teksto. Narito rin ang larawan, video, minsan nga mga
file (excel, doc, ppt at iba pa) pa kaya naman malawak ito. Masasabi natin na malayo
‘yong pinagsimulan nito bagamat pinakasikat na plataporma ngayon sa social media ay
FB na 2005 nabuo kung hindi ako nagkakamali.
2. Bakit naengganyo ang publiko na lumahok sa social media?
Ang tendensiya talaga ng maraming tao lalo na ng kabataan ay maghanap ng
pagbibigay-aliw at ‘yong SNS ay magandang plataporma para malaman kung ano ang
pinakanakakaaliw, kung ano ang sinasabi nating “in” o “out” sa usapin ng fashion man
‘yan, musika, at iba’t iba pang larangan ng pagbibigay-aliw. Ngunit nagiging
alternatibong plataporma rin ito ng impormasyon at kahit ‘yong sitwasyon ng maling
104
impormasyon, na sinasabi nating post truth o alternative facts. Maraming posibilidad sa
paggamit ng social media bagamat ang isang susing salik o key factor talaga ay ‘yong
pagbibigay-aliw at ang batayan ng ganitong klaseng datos ay ‘yong pagsusuri natin kung
alin ang mga pinakasikat na mga website batay sa traffic, kung ano ang may
pinakamaraming like sa FB, ‘yong may pinakamaraming follower sa twitter at ‘yong may
pinakamaraming subscription sa youtube channel kasi madali namang makuha itong
mga datos na ito sapagkat nandiyan ‘yong mga iba’t ibang SNS monitoring mechanism
tulad ng socialbakers.com, wearedigital2017 at iba pa na mga batayan. Kumbaga, hindi
lamang ito simpleng obserbasyon o side comment na pagbibigay-aliw lang talaga ang
pangunahing hinahabol ng maraming gumagamit ng social media kung hindi dahil sa ito
‘yong talagang batayan ng maraming tao lalo na ng “millennial.”
3. Ano-ano ang gamit ng social media para sa mga Pilipino?
Gaya ng nabanggit kanina, pagibigay-aliw, siyempre ang impormasyon kaya lang ang
naging counter force o kontra pwersa ng impormasyon ay maling impormasyon din.
Nandyan din ang edukasyon na isang mahalagang salik sa social media dahil bagamat
ang pagbibigay-aliw ay ang susing salik dito, hindi pa rin matatawaran ang inisyatiba
ng maraming mga indibidwal o grupo para gamitin ang plataporma ng internet lalo na
‘yong social media bilang lunsaran ng pagbibigay ng magandang pagsusuri sa mga
nangyayari sa ating lipunan partikular ang pinakamaingay na grupo - mga aktibista at
militante pero may kontra pwersa rin ang mga aktibista at militante at nariyan din ang
mga galit naman sa mga aktibista’t militante. Kaya masasabi natin na ‘yong tinatawag
na information superhighway ay talagang napakaingay at napakahirap malaman kung
alin ba ‘yong tamang pagsusuri sa maling pagsusuri lalo na sa akademya ay
105
namamayani ang tinatawag nating post modernism na mayroong parang notion ng
plurality na hindi ka dapat manindigan kung ano ang dapat at hindi at pakinggan mo na
lang ang magkakaibang panig at hanggang doon lang. Kumbaga parang ito ang gustong
sabihin ng post modernism bagamat hindi nila tahasang sinasabi ito na ang scholarship
o kahusayan mo sa isang larangan ay kung alam mo lahat ng mga aspeto pero kung
maninindigan ka sa kung alin ang tama at mali, parang iba nang usapin ‘yon. Kumbaga
parang sa wikang Ingles, “You celebrate the diversity.” Ngayon, kung gano’n ang
magiging framework o balangkas ng pagsusuri, sa tingin ko hindi mangyayari ‘yong
makabuluhang pagbabago na ninanais ng maraming tao kasi parang sasabihin mo na
lang at mapapako ka na lang sa pagtingin na “walang tama o mali, basta ikaw ay may
opinyon.” Kaya lang sa peryodismo kasi halimbawa, malinaw na bagamat lahat tayo ay
masasabi natin na nagkakaroon ng sariling opinyon batay sa ating pinanggagalingan
kumbaga sa wikang Ingles, “There are opinions that weigh more than others” kasi
mayroong mga opinyon na batay talaga sa pagsusuri ng lipunan at sa malinaw na
pagtindig kung ano ba ‘yong tinatawag nating hustisya at kaninong karapatan ba ‘yong
dapat nating ipagtanggol at ipaglaban kasi kung halimbawa, usapin ‘yan ng
eksploytasyon ng pagawaan, isang perspektiba ‘yon na ito ay maka-manggagawa pero
kung ikaw naman ay umaayon na tama lang ang kapitalista na magkamal ng tubo, gaano
man kalaki o kaliit ito basta’t ‘yong tubo ang pinag-uusapan, ‘yon naman ay perspektiba
na mas kumakampi sa nakatataas at kontra talaga sa manggagawa. Ang hamon sa isang
iskolar halimbawa, ay tingnan kung ano ang sa tingin mong mas dapat manindigan ka
kasi hindi pwedeng gumitna ka lang. Mayroong tinatawag na irreconcilable differences
kaya kung babalikan natin ang usapin ng social media, dahil ito ay minsang sinusuri sa
106
panahon ng post modernism parang mas tinitngnan ito bilang either chaotic dahil sa
napakaraming opinyon o kaya, a celebration of diversity kasi parang ipinagbubunyi mo
na “Sa wakas, maramimg mayroong opinyon.” Kaya lang , ang problema kasi, hindi ito
usapin ng tinatawag na “entitlement to opinion” kasi madalas natin marinig na
“everyone is entitled to an opinion” pero dapat may kwalipikasyon ‘yon – everyone is
entitled to an opinion that’s based on factual evidence. Pero dahil siguro tinatamad sa
mahabang eksplanasyon, hanggang opinyon na lang ang gusto nilang tingnan. ‘Yon ang
pwede mong sabihin konteksto o subteksto dahil ang mga usapin ng pagsusuri ay dapat
na ma-filter talaga sa social media sapagkat parang natatapatan ng impormasyon ‘yong
maling impormasyon tapos natatapatan din ng akmang pagsusuri ‘yong isang klase ng
pagsusuri na umaayon sa isang sitwasyon na may eksploytasyon at kawalan ng hustisya
batay sa perspektiba na ikaw ay mas maninindigan para sa mga batayang sektor ng
lipunan. Pero ang hamon kasi, ito ba ang perspektiba na dapat na panindigan at
panghawakan ng mas maraming tao.
4. Paano nagsimulang maglunsad ng mga balita ang social media partikular na ang FB at
twitter?
‘Yong FB at twitter ay naging lunsaran talaga ng balita magmula pa noong nabuo ito.
Bagamat sinabi natin na ang social media ay may susing salik na pagbibigay-aliw, hindi
mo pa rin mapipigilan ‘yong mga tao na gamitin ang kanilang sociql media account para
maging alternatibong venue o mas mura kung hindi man libre na venue bagamat ang
“libre” ay kailangan ding suriing mabuti sapagkat lahat tayo ay may “binabayaran” sa
pagbubukas ng social media – hindi lang usapin ng pera kung hindi oras. Mula nang
magsimula ang FB at twitter, nagsimula na rin maglunsad ng balita at isang ebidensya
107
rin kasi noong gumawa ng social media account maging FB man o twitter, ay ganoon na
talaga ang kanilang ginawa. Mapapansin din natin na kahit ‘yong dominanteng media ay
ginagawa ito. Ito rin ang stratehiya ng alternatibong media. Ito ay talagang isinasagawa
pero ang usapin ng konsepto ng balita ay dapat malinaw sapagkat kung titingnan ang
normatibong pamantayan ng peryodismo, mayroong balitang mahalaga at mayroong
hindi mahalaga. Pero sa usapin ng kahalagahan, ito ay sinusukat batay sa kung ano ang
nakakatulong sa paghuhubog ng opinyong pampubliko para sa makabuluhang aksyon.
Ito ang normatibong pamantayan ng peryodismo. Hindi lang ito simpleng sinasabi ng
mga progresibo o mga aktibista kasi kahit si Denis McQuail na hindi aktibista ay
naninindigan kung bakit mahahalagang impormasyon tungo sa pagbabago o sa
paghuhubog ng opinyong pampubliko ang dapat na ginagawa kaya mapapansin natin na
halimbawa, sa dominanteng media, ang usapin ng balita ay mas malawak ang konsepto
kasi parang pinaghahalo kung ano ang “mahalaga” at ‘yong “hindi mahalaga” at
minsan, ang framing at priming ng isyu sa dominanteng media ay umaayon pa rin kung
ano ‘yong pangkalahatang state of affairs. Kumbaga parang ang nagiging mantra pa rin
ay “protect the status quo” o protektahan ang kasalukuyang kaayusan kaya sa usapin ng
alternatibong media, mas makikita natin ‘yong mas malalim na pagsusuri ng isyu at ang
kalaliman ay batay sa pagtingin nito sa panlipunang kaayusan o status quo sapagkat
hindi nito tinitingnan ang mga bagay-bagay bilang mga dapat tanggapin na lang kung
hindi, ito ay ilang mga bagay lalo na yaong mga mapansamantalang bagay na dapat na
baguhin. Kaya sa tanong na kailan nagsimula ang balita, ito ay depende kung kalian
nagsimula ang FB o twitter o kahit instagram. Kaya lang, dapat suriin din ito na ang
balita na siyang makakatulong sa paghuhubog ng opinyong pampubliko nagsimula ito
108
kung kailan ginawa ng mga organisasyong pang-media ang kanilang mga opisyal na
social media account.
5. Paano lumalaganap ang mga impormasyong ito sa social media?
Ang virality ay depende sa dami ng komento, like, share, rt, at iba pa. Kaya lang, wala
naman talagang malinaw na pormula kung ano ba ‘yong katangian ng isang video o
isang sinulat na teksto o larawan para ito ay maging viral pero ang common na
katangain ay una, nakakatawa – ang isang bagay na nakakatawa ay mabilis na
kumakalat sa internet kaya kung mapapansin natin na ang mga “charotism” ni Ethel
Booba ay mabilis na kumakalat at maraming sumusubaybay sa kaniya tapos ‘yong
parody account din ni Marian Rivera at kahit ‘yong mismong account niya ay
katatawanan kasi isa lang ang sinusundan niyang account, ‘yong Psychology today at
may reference ito sa kaniyang pagiging “I am a Psychology” na quotation kaya ‘yon pa
lang nakakatawa na. Ikalawa, pwede rin masabi na ito ay selebrasyon ng “katangahan”
pero siyempre kailangang i-qualify na ito ang pagtingin ng marami. Halimbawa,
mayroong isang taga-UP na estudyante ng law o batas tapos noong bumabagyo, hindi
niya alam na ang Mo. Ignacia Ave. ay binabaha pala at tinawid niya ‘yong kaniyang
sasakyan. Tapos, nagtulong-tulong ang mga tao para itulak pabalik sa hindi bahang
lugar ang kaniyang sasakyan at galit na galit siya pero na-capture ng telebisyon,
partikular ng channel 7 ang kaniyang sinabi na “I was not informed” at naging object
siya ng cyber bullying. Naging viral ito kasi ito ang komplementasyon ng tradiyonal na
media at social media. ‘Yong tradisyonal na media ang nag-cover tapos siyempre,
mataas ang rating ng GMA 7 pero mas dumami pa ang nakaalam nito nang ang video na
in-upload ng GMA 7 ay kumalat talaga sa social media tapos ginawan siya ng pahina at
109
ginawang object ng katatawanan at kahit ‘yong “I was not informed” niya ay naging
meme ng kung ano-ano pa. Kaya lang tandaan din natin ang konteksto. Una, may
pinagdaraanan ang tao dahil nag-aalala siya sa kaniyang asawa’t anak na baka
binabaha na ang lugar nila. Ngunit ang mga bagay na ito ay hindi masyadong
naiintindihan kasi ang mas nakikita ng tao ay ang video na may isang “baliw” na
tinawid ang baha. ‘Yon ang problema sa framing ng GMA 7 kasi kahit ‘yong reporter na
si Jun Veneracion ay napaka-confrontational at itinanong agad na, “Bakit ka tumawid?”
na parang nakipagtalo pa siya. Pangatlo,‘yong mga bagay na nakakagalit. Halimbawa
‘yong video ng isang bus driver na nag-counter flow na mabilis nag-viral kasi hindi lang
ito simpleng katangahan kung hindi pagiging arogante siguro na siyang ikinagalit ng
mga tao. Kung malalim ang pagsusuri, may karapatan ba tayo para husgahan ang mga
pasehero na galit na galit at parang sinisigawan din ‘yong nasa tamang lane dahil
naistorbo sila. Dapat maging bukas din ang isip natin sa konteksto ng krisis sa
transportasyon. Talagang maaapektuhan ka kapag may delay at hindi mo alam kung isa
sa mga pasaherong ‘yon ay naghahanap ng trabaho at ang pagkakaroon niya ng trabaho
ay magiging salik kung ikaw ba ay nasa tamang oras pag dating. ‘Yon ang punto na
dapat natin tingnan kasi ang malalimang pagsusuri ay dapat na magkaroon ng konteksto
sa pagtingin kaya lang, nagiging “mababaw” ‘yong pagtingin ng maraming social media
user kasi ang plataporma mismo at lalo na ang mga pino-post ng maraming tao affords
you for a mechanism of dumbing down the perception kasi halimbawa kuung meme lang
‘yan – larawan, konting teksto tapos nakakatawa na. O halimbawa ay ‘yong kay Princess
Sarah na ang diskurso lang ay pagbabalat ng patatas so kung titingnan mo nang mabuti,
nagiging nakakatawa lang siya hindi dahil doon sa teksto kung hindi doon sa
110
pinagsamang larawan at teksto kaya parang nagiging mababaw na rin ‘yong
pamantayan mo kung ano ang nakakatawa at kung ano ang hindi sa punto na parang
pati satire ay parang akala mo totoo pala when in fact, exaggerated reality na batay sa
totoong bagay pero in-exaggerate mo lang. ‘Yon ang mga bagay na nagiging viral at
actually marami pa ‘yan pero ‘yong huling kailangang pag-usapan nang maikli sa
usapin ng pagiging viral ay ‘yong direktang nakakaapekto sa buhay ng mga tao kahit
hindi nakakatawa, nakakagalit, o selebrasyon ng katangahan o kabaliwan ay ang mga
bagay na nakakatakot pero ito ay ‘yong usapin ng epekto ng climate change,
pagwawakas ng mundo, zombie apocalypse, at kung ano-ano pa. Bagamat may
entertainment factor din ang zombie apocalypse, minsan may elemento rin ng
katatakutan doon. Kapag ang mga tao ay nagbibigay lalo na ng maling impormasyon
tungkol sa mga bagay-bagay, parang mas madali kang napapaniwala na baka magwakas
na ang mundo at minsan nakikita natin ‘to sa mga news feed natin na minsan ay may
mga alternatibong kompyutasyon diumano na Mayan calendar o kahit ng Bibliya na
sinasabing sa ganitong oras/araw ay maging maingat na at minsan may mga lumalabas
din na maling impormasyon na huwag lumabas at pumunta sa mga mall kasi baka may
bombang sasabog o kung ano pa lalo na kung may trahedyang nangyayari. Doon sa
virality mapapansin na kadalasan ay ang mabababaw ‘yong mas nangingibabaw kasi
‘yong elemento ng pagsusuri, parang ang hirap ipasok sa mga porma ng mga nagiging
viral. Sa porma naman ng viralty, halimbawa kung meme ‘yan, parang placard lang ‘yan
na nilagyan ng larawan kaya ang placard ay halimbawa sa usapin ng gawaing
propaganda, ito ay para sa ahitasyon lang so wala ‘yong deeper education kasi the
deeper education would come from forums, educational discussion, teaching, etc. Tapos
111
‘yong meme, kung iko-konteksto mo sa ahitasyon, parang wala ‘yong elemento ng
pagpapalalim. Ganoon din ang video – hindi pwedeng viral ang video na mahigit 1 oras
kahit na ganoon katagal para magpalalim, siguro ilang segundo lang ‘yan kaya kahit sa
pagbibigay-aliw, ‘pag pinagsama mo ang pineapple at pen na kahit ilang segundo lang,
nagiging nakakatawa. Kaso may ilang pagsusuri pang pwedeng gawin at nagiging
mababaw lang dahil hanggang sa antas lang na ‘yon na usapin ng pagbibigay-aliw.
6. Popularidad ni Duterte
a. Ano ang naging papel ng social media sa katanyagan ni Pang. Duterte at paano ito
nakakaapekto sa pagtingin ng publiko sa kaniya?
Mahalagang balikan ‘yong klase ng kampanyang ginawa niya sa kaniyang pagtakbo
bilang pangulo. Kasi ‘yong pagtingin ng maraming tao ay walang pera si Duterte at
pinondohan lang siya ni “Emilio Aguinaldo” at kumbaga wala raw siyang donor.
Kaya lang, kung babalikan ang mga statement niya, sa 4 na tao lamang pala siya
may utang na loob at isa roon ay si Imee Marcos. Ngayon, batay sa impormasyong
nakalap ko, at least 25 million ang ginastos para sa kaniyang social media campaign,
at sa social media lang ‘yon at iba pa ang television ad at kung ano-ano pa. Tapos,
isang influential na politiko ang gumastos para sa kaniya. Sa madaling salita, may
pera talaga. Kumbaga, ‘yong social media campaign niya na masasabing
napakaepektibo dahil mabilis naging viral ‘yong mga video tungkol sa kaniya at
talagang pinagkagastusan. Pero kailangang maging patas din tayo kasi halimbawa,
I’m inclined to believe sa sinasabi ni Mocha Uson na siya ay hindi binayaran para sa
kaniyang mga pinaggagagawa para kay Duterte kasi wala namang dahilan para
magsinungaling si Uson tungkol dito. Tapos mahahalata mo naman sa kaniyang mga
112
pino-post at siya ay may pinanggagalingan naman kung bakit napaka-die hard niya
at hindi siya nahihiya na ipagkalat ito kahit na ito ay nangahulugan ng pagkuha rin
niya ng risk kasi napakalaking liability para sa isang entertainer na kumampi sa
isang kandidato na hindi mo siguradong mananalo. Siguro tinitimpla rin niya ‘yong
sitwasyon- kung matalo si Duterte, saan na siya pupulutin at kung magpapaka-die
hard siya, para magiging irrelevant siya so kumbaga, sumugal siya at hindi ito
kayang tapatan ng anomang pera kasi credibility at reputasyon mo ang sinasanla mo
at sinusugal mo. Ngayon, ‘yong katanyagan niya, may price tag talaga ito sa usapin
ng social media campaign at ito ay pinagkagastusan talaga sa una. Pangalawa,
epektibo ang kaniyang social media campaign kasi ‘yong kaniyang grupo ay
nakapag-hire talaga ng tinatawag na “army of trolls” bagamat ito ay hindi lang
naman eksklusibo kay Duterte kung hindi pati na rin sa iba pang mga political party
na nag-launch ng mga kampanya nila. Kaya lang pagkatapos ng kampanya, tingin ko
hindi nakakagulat na hindi ka nag-disband ng ganitong mekanismo so from a
campaign machinery na-transform ito into a propaganda machinery kaya pansinin
mo, kahit si Martin Andanar ay napakaraming kapalpakan at kahit ‘yong kaniyang
pagsusulat ay napaka-leeeh. Napaka-indispensable pa rin niya kasi siya ‘yong
nagma-manage ng “army of trolls” ni Duterte at minsan, kahit iniisip mo kung pino-
promote ba niya ang sarili niya dahil binuhay nanaman niya ang man cave niya
Podcast at ang ini-interview lang niya ay mga kumakampi sa kasalukuyang
administrasyon at binibigyan niya ng plataporma ‘yong mga blogger na
nagpapakalat ng maling impormasyon tulad nina Sasot at Nieto. Ang punto rito ay
may mga tao si Duterte na siya nagma-manage talaga ng mga troll na ito at
113
pinagkakagastusan talaga. Ngayon, sa puntong ito na nakaupo na siya sa puwesto,
kailangan lang malaman ay may ginagastos pa rin sa mga army of troll na ito pero
sana hindi na ginagamit ‘yong pondo ng gobyerno para dito at sana itigil na itong
mga ganitong klaseng pagpipinansiya kasi hindi rin ito nakakatulong kasi kadalasan
itong army of troll na ito ay pumapasok lang sa tinatawag na cyber bullying at wala
talagang malinaw na engagement in terms of healthy debate at talagang mahirap
kontrolin ang mga taong ito.
b. Ano ang opinyon ninyo sa Mocha Uson blog at sa mga social media pages/accounts
na patuloy na nag-eendorso kay Pang. Duterte? Ano ang epekto nito sa pagtanaw ng
mamamayan sa mga programa at polisiya ng kaniyang administrasyon?
Kapag sinusuportahan mo ang isang kandidato o ngayon ay kasalukuyang pangulo,
mayroon kang tendensiya na isipin na tama ang mga ginagawa niya pero siyempre
mayroon din namang kritikal ‘yong pagsuporta. Halimbawa, ‘yong mga maka-
kaliwang grupo, maganda ‘yong relasyon niya ngayon sa kasalukuyang
administrasyon bagamat nagiging kritikal sa maraming bagay tulad ng EJK,
impunity, flip-flopping sa usapin ng independent foreign policy kasi isang araw
sasabihin niya na dapat magkaroon na ng independent foreign policy kumpara sa
Amerika pero kinabukasan sasabihin na pwedeng magtayo ng base militar dito.
Siyempre doon, nasisingil mo ‘yong administrasyon kumbaga parang ‘yon ang
tinatawag na critical engagement which is good. Tapos ‘yong mga nakaupo sa
pwesto na mga maka-kaliwang personalidad, malinaw na ito ay batay hindi sa blind
loyalty sa pangulo kung hindi dahil sa prinsipyo at gusto kong isipin na si Duterte ay
iginagalang itong klaseng prinsipyo. Kasi minsan iniisip ko na bilang isang
114
beteranong politiko, talagang ginagawa mo ‘to para rendahan ‘yong mga potensyal
na kalaban mo kasi may kasabihan, “Keep your friend close and your enemies
closer” so pwedeng isang estratehiya rin ‘yon at hindi ko masisisi ang maraming tao
kung medyo kritikal sila sa ganoong klaseng tao o politiko. Kaya nga kung babalikan
ang Philippine Society and Revolution ni Amado Guerero, sinabi na lahat ng mga
administrasyon ay nangangayupapa talaga sa US kasi minsan ‘yong batayang tanong
ngayon, “Pwede pa bang gamitin ang termino na US-Duterte regime?” just like US-
Aquino, US-Ramos, US-Estrada, US-Marcos, etc. Ang sagot ko ay oo kasi ‘yong
element ng imperyalistang control ay nadoon pa rin kung titingnan ang aktibistang
pagsusuri. Bagamat may mga pronouncement siya sa usapin ng independent foreign
policy at dapat na maging kritikal tayo sa ginagawa ng Amerika, nariyan pa rin
‘yong impluwensiya ng Amerika sa kasulukuyan at hindi ko sinasabi na ito ay
conspiracy between Duterte and US pero ito ay hindi naman usapin ng personalidad
kung hindi usapin ng administrasyon. Hindi natin matatawaran na mayroon pa ring
mga neoliberal sa administrasyong Duterte at ito ‘yong masasabing “ahente ng US”
so isang perspektiba ‘yon. Ngayon kung babalikan ang social media, ‘yong Mocha
Uson blog, Sasot, at iba pa, bagamat malaki ang impluwensiya nila at marami silang
follower, ‘yong malalim na pagsusuri ay hindi talaga masyadong inaasahan sa kanila
kasi ‘yong katangian ni Uson halimbawa, ‘yong aktibistang background niya ay hindi
talaga ganoon kalalim bagamat ‘yong kaniyang pagiging civic-oriented, hindi mo
matatawaran kasi hindi alam ng mga tao na halimbawa, nagvo-volunteer siya sa
DSWD at kung kakausapin ‘yong mga social worker ay napakapositibo ng pagtingin
sa kaniya at hindi siya naghahanap ng publicity, hindi siya ‘yong tipong pa-selfie
115
lang na tumutulong. Hindi matatawaran ‘yong ganoong klaseng humility and
accommodation in terms of civic orientedness kaya lang ‘yong political activism,
hindi talaga ingrain sa kaniya kasi hindi naman siya talaga ganoon. Hindi naman
siya parang halimbawa si Monique Wilson ay mas malinaw ‘yong kaniyang sense of
organization at sense of commitment kasi bagamat siya ay “entertainer/singer” din,
may malinaw at malalim siyang ugnay sa iba’t ibang grupo lalo na ‘yong Gabriela o
‘yong 1 Billion Rising Movement at sa pagkakaalam ko siya ang isang direktor dito.
Si Sasot, hindi ko masyadong kilala pero sa pagkakaalam ko, siya ay nasa labas ng
bansa kaya malamang kung anomang political awakening niya ay nakukuha lang
niya sa social media at sa kaniyang limitadong interaksyon sa mga Pilipino siguro sa
Europa kaya hindi mo rin talaga matatawaran ‘yon pero hindi naman ‘to usapin ng
pisikal na detachment sa Pilipinas kasi si Sison halimbawa, dekada 80 pa siya umalis
ng Pilipinas pero mapapansin na tila mas may alam pa siya sa pambansang
sitwasyon kaysa sa mga Pilipinong nandito. Kung babalikan natin ‘yong may
maraming follower, hindi mo ine-expect ‘yong ganoong klaseng political analysis at
political engagement lalo na sa mga follower niya kasi siguro dahil wala siyang oras
para malalim na magsuri o kaya ayaw nila ng ganoon kasi sa tingin nila ito ay
boring at hindi masyadong interesting sa mga tao which would be unfortunate.
c. Paano magagamit ang social media upang suriing mabuti ng publiko ang
pamamalakad ng pamahalaan?
Magaganit ito kung mayroong mataas na antas ng media literacy at media education
ang mga social media user dahil kapag ikaw ay kontento na ang iyong social media
account ay para lamang sa iyong mga kaibigan, kapamilya at kabarkada, hindi mo
116
makikita ang potensyal ng social media sa pagmumulat hindi lang ng mga kakilala
mo kung hindi ng mas malawak pang publiko. Dapat magkaroon ng pagtingin na
‘yong social media dahil ito ay bahagi ng public domain, ‘yong paghuhubog ng
opinyong pampubliko ay dapat sa pamamagitan din ng public domain na ito. Dapat
na magkaroon din ng edukasyon para ‘yong nalalaman mong impormasyon sa
internet ay kaya mong ma-filter kung alin ‘yong tama, ibig sabihin ay accurate, kung
ano ‘yong akma, o appropriate kasi hindi dahil tama ay akma na doon sa nangyayari
sa lipunan kasi kahit sa peryodismo may dalawang klase ng pagiging tama. Ang
factual accuracy na batay sa datos, sa empirical evidence at mayroon ding contextual
accuracy na tricky part ng accuracy kasi ‘yong pagsasakonteksto, ibig sabihin kaya
mong pag-ugnay-ugnayin ‘yong mga tila magkakaibang pangyayari. Halimbawa, ang
nangyari sunog sa EPZA ay hindi lamang usapin ng kapabayaan o ng pagsunod sa
fire code o pagiging under ng BFP kaya lang ang mas malalim na pagsasakonteksto
ay ang realidad ng kontraktuwalisasyon, mababang pasahod, at ang pundamental na
tanong na, “Ano ang ginagawa ng mga manggagawang iyon sa lugar na ‘yon?”
dahil dapat ay nandoon sila sa mga pamilya nila at nakatira sa sarili nilang bahay.
Pag malalim na nasusuri, nasa posisyon ka para magbigay ng mas makabuluhang
komentaryo kasi pag mababaw lang ang pagsusuri, ang sasabihin lang ay, “Sh*t
happens” at hanggang doon lang ang pagsusuri mo. Ang pagpapalalim ng pagsusuri
ay malalaman sa edukasyon, hindi lang sa media kung hindi pati na rin sa
pambansang sitwasyon.
117
7. Paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani
a. Paano ginamit ang social media upang maihayag ng publiko ang kanilang pagtutol sa
paglilibing kay Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani?
May tumututol pero mayroong ding sumasang-ayon. Maging malinaw din tayo. Bago
pa man ang kampanya, ‘yong kampo ni Marcos ay talagang may ginagawa na para i-
deodorize ang martial law, ang “legacy” nila Marcos kasi mapapansin na bago pa
man ang kampanya, pinapalaganap na ang kabutihan diumano ng martial law sa
youtube tapos talagang inihahanda si Bongbong Marcos para tumakbo bilang
president talaga dapat kaya lang noong nakita ‘yong realidad na medyo heavyweight
ang mga tumatakbo, pumayag siya na mag-slide down bilang partner ni Miriam.
Dapat nga sila ni Duterte. Kahit sa UP, parang subtle din ang pagpasok ng mga
Marcos at pinangalan ang College of Business Administration kay Cesar Virata na
prime minister ni Marcos at magugulat ka na kahit sa university council meeting ay
walang nagbanggit na sila ay pro-Marcos, ang naging diskurso lang ay “Ang
kasalanan ba ng mga Marcos ay kasalanan din ng mga opisyal nito?” Siyempre
sumagot kami ng “oo.” Pero sabi nila na sobra naman ang ganoong klaseng
paghuhusga tapos naglabas pa ng libro na napakakapal tungkol sa magandang
ginawa ni Virata na inilabas ng UP press at iyon ay napaka-subtle din kasi siyempre
kapag pinupuri mo si Virata, in effect, nata-transfer din iyon sa mga Marcos kasi
parang pinupuri mo rin sila Marcos. May malaking perang ibinuhos kasi halimbawa
‘yong pagpapangalan kay Virata, 20 milyon ‘yan na donasyon sa college mismo. May
conscious effort talaga ang grupo ng mga Marcos na ipalaganap kasi gusto niyang
protektahan ang “legacy” ni Marcos para maibalik sila sa kapangyarihan kaya
118
‘yong pagpapalibing kay Marcos ay simbolismo lang. Ginamit ang plataporma
kagaya ng ginawa ng grupo ni Marcos. Pansinin natin na pinaghalong organisadong
grupo ‘yan at mga indibidwal na tutol sa pagpapalibing kay Marcos at mapapansin
natin na iba’t ibang mga kampo ito. Mayroong kampo nina Aquino na galit sa mga
aktibista na mga dilawan diumano tapos nandiyan din ang mga maka-kaliwang
grupo na nagbibigay ng mas malalim na pagsusuri sa mga Marcos kasi ito ang mga
tunay na biktima ng martial law, mga tinorture noon kaya mapapansin natin sa mga
pagkilos na ginawa ng maraming grupo ay malaki ‘yong suporta. Hindi ‘yan ‘yong
tipong parang puro ingay lang sa social media. Masasabi natin na may susing papel
ang social media kasi ito ang naging plataporma sa pagbibigay ng impormasyon
pero hindi pa rin matatawaran ang klase ng kooperasyon na binigay ng dominanteng
media kasi dapat may komplementasyon. Hindi puwedeng social media lang ang
lunsaran. Dapat mayroon ding coverage ang dominanteng media kasi ang realidad
sa Pilipinas kung titingnan ang penetration rate ng internet, mahigit kalahati lang
‘yan at nasa 52% lang batay sa internetworldstats.com. Dahil na-cover ng media ang
mga pagkilos, ‘yong mga walang masyadong akses sa internet, o hindi natunghayan
sa internet ang mga impormasyon, nalaman nila sa pamamagitan ng telebisyon
bagamat mahalaga rin ang print at radyo. May komplementasyon na hindi dapat
matawaran.
b. Ano ang naging papel ng social media sa paglulunsad ng iba’t ibang kilos-protesta
laban sa paglilibing na ito?
Sa usapin ng pagbibigay ng tamang impormasyon at kahit misimpormasyon, minsan
kasi sa mga announcement tungkol sa mga magaganap, may misimpormasyon din
119
hindi dahil sa pagkakamali ng administrator kung hindi minsan iniisip ko na kahit
ang mga Marcos group ay sinusubukang lihisin ang mga simpleng venue kung saan
may gagawin para kung matu-turn off ang mga ordinaryo, “Ay wala pala. Sige sa
susunod hindi na ako maniniwala. Hindi na ako pupunta.” Minsan may mga ganoon.
Pero for the most part, ang social media, lalo na ang mga events pages at FB pages,
nagagamit ito para magbigay ng mga mahalagang impormasyon, datos at ngayon na
mas mataas ‘yong penetration rate ng mobile telephony at sa pagkakaalam ko nasa
117% ito, ibig sabihin, 102 milyon ang tao/populasyon ng Pilipinas at sa
pagkakaalam ko nasa 119 milyon ang mobile telephone at halos bawat isa sa atin
may isa o higit sa isa pang mobile phone. In terms of accessibility sa social media
mas mobile phone talaga ang ginagamit sa kasalukuyan para mag-access ng iyong
account- FB, twitter o ig. Itong mga bagay na ‘to ay hindi natin dapat matawaran
kahit na 52% lang ng populasyon natin ang may access sa internet kasi marami sa
mga pagkilos ay nasa lungsod at kung ikaw ay nasa lungsod, most likely may mobile
phone ka o kaya ay may internet access ka o free data kaya ang social media ay mas
may pakinabang talaga sa mga urban area na nagiging lunsaran ng pagkilos. Sa
kanayunan, may internet connection din naman pero dito, mas nakikita natin ‘yong
susing papel ng radyo at community press.
c. Ano ang naging epekto ng mga pagkilos na ito sa mamamayan at maging sa
pamahalaan?
May paraan ang pamahalaan para ma-gauge ang public pulse. May ideya ka kung
ano ang klase ng pagtutol, bakit tumututol at kung ano pa. Sa usapin ng empirical na
datos, hindi pa rin matatawaran ang kapangyarihan ng survey, FGD, dahil doon
120
malalaman kung ano ba ang saloobin ng minorya o ng mayorya n gating lipunan.
Kumbaga, magandang paraan ito para makakuha ka ng ideya kung ano ang
pagtingin ng mga tao. Ang problema sa kasalukuyang administrasyon, pwede mong
sabihin na si Duterte ay medyo sinusubukan niyang balansehin ang nagtutunggaliang
mga pwersa kaya lang, ‘yong mga nasa sensitibong posisyon tulad ng NEDA, DOF,
DBM, at iba pa, ay masyadong neoliberal ang kanilang pagtingin kaya ito ang
talagang humaharang sa mga maka-batayang sektor ng lipunan na mga panukala
tulad ng pagwawakas ng kontraktuwalisasyon kaya kahit si Sec. Bello ay medyo
pumihit din – noong una, pabor sa pagwawakas ng kontraktuwalisasyon pero
ngayon, dapat daw i-regulate ang kontraktuwalisasyon. Kahit si Sec. Taguiwalo ay
may magandang inisyatiba, hindi pa rin niya kayang i-abolish ang 4P’s o CCT kasi
ang opisyal na polisiya ay hahayaan siya. Ang naging kompromisa na lang ay
nariyan ito ngunit hindi institutionalized- temporary mechanism pero hindi alam
kung kailan mawawala. It’s a tough balancing act sa posisyon ng administrasyon.
8. Isyu na dapat bigyang-puwang sa lipunan
a. Napapalutang ba sa social media ang mga usaping may kaugnayan sa relasyon ng
Pilipinas at ibang bansa lalo na ang US?
Napapalutang ito ng mga organisadong grupo kaya lang hindi ito nagiging viral kasi
‘yong media agenda, public agenda at policy agenda ay dapat nagtutugma-tugma
sana. Sa media agenda, ang alternative media ay hindi naman nagkukulang sa
malalimang pagsusuri sa lipunan kaya lang ang naaabot o reach ay hawak ng
dominanteng media kaya kung hindi ico-cover ng dominanteng media ang mga
importanteng isyu at malalim niyang susuriin ang mga ito, hindi makakatulong nang
121
husto ang alternatibong media sa paghuhubog ng opinyong publiko. Bagamat
mahuhusay ang kaniyang mga isinasagawang pagsusuri, kung limitado naman ang
naaabot mo, napakalimitado ng iyong impluwensiya kumpara sa dominanteng media.
Masasabing hindi natin dapat sisihin lamang ang social media sa ganitong klaseng
“limitasyon” kasi ang dominanteng media ay may susing responsibilidad para
maging mekanismo sa pagpapalalim at impluwensiya kaya lang ang problema sa
istruktura ng kasalukuyang media, kung titingnan ang pagmamay-ari nito, ito ay pag-
aari ng mga malalaking negosyo, ng mga pamilya na talagang well-entrenched ang
pang-ekonomiyang interes at pampolitikang interes kaya hindi mo sila masyadong
maaasahan sa malalimang pagsusuri. Ang habol mo kasi rito lalo na sa telebisyon ay
pagpapataas ng ratings at paano patataasin ang ratings – ito ang tinatawag na
appeal to the least common denominator o dumbing down of the audience kaya kahit
entertainment ay napakababaw, napaka-celebrity oriented. Kahit public affairs shows
ay pinapanood tuwing hatinggabi na o kaya ay tine-tape na lang ang mga ito kasi
wala silang nakukuha para sa mga live na public affair shows. May susing papel
dapat ang dominanteng media rito kaya hindi matatawaran ang komplementasyon ng
social media sa dominanteng media.
9. Paano sa tingin ninyo matutuldukan ang pagkalat ng maling impormasyon o balita sa
social media?
Tatapatan ito ng media education at media literacy kasi hindi solusyon ang ire-regulate
ang internet para tamang impormasyon lamang ang lalabas dahil once you regulate the
internet at ipasa sa kongreso ang isang batas, sensura ‘yan o censorship. Ang habol kasi
natin ay you solve misinformation by media education and self-regulation. Self-
122
regulation by policing your own ranks. Magiging mapagmatyag at mapagbantay lahat ng
mga tao kasi pwede mo naman i-report o ireklamo ang mga tao o grupo sa likod ng mga
social media account na nagbibigay ng maling impormasyon o minsan naman ‘yong mga
indibidwal mismo na nagpapakalat ng maling impormasyon – minsan kasi unconsciously
done ito. Kumbaga, you mean well pero ang ginagamit mong batayan ng iyong
argumento ay kuwestiyonable ang provenance at validity ng mga datos at pagsusuri so
‘yong mga bagay na ‘yon ay itatama mo.
10. Paano magiging instrumento ang social media upang matukoy ang mga isyung hindi
nabibigyang-pansin sa lipunan?
Ang pundamental na usapin ay kung ‘yong indibidwal ay armado ng akmang pagsusuri
sa nangyayari sa lipunan kasi ikaw ay nasa posisyon lamang para makapag-
impluwensiya kung alam mo kung ano ang tamang pagtingin sa mga bagay-bagay kung
ikaw ay gumawa ng pananaliksik. Hindi puwede ‘yong “shooting from the hip” na
diskurso na tipong magsa-side comment ka lang tapos ‘yon na ang opinyon mo. Minsan
kailang linawin kasi ang opinyon ay dapat batay pa rin sa realidad at hindi pwede na
“feeling ko” kasi kapag feeling mo lang iyan ay hypothesis pa lang ‘yan. That is subject
to validation or invalidation. Ang ganoong klaseng pagtingin at temperament ay dapat
nangyayari kung ikaw ay may sapat na edukasyon sa media at ‘yong katangian mismo ng
social media kasi kapag hindi gagawin ‘yon, ang magiging pagtingin mo lang ay “Ako
ay social media user. Dapat may opinyon ako sa lahat ng bagay o dapat nagpo-post ako
oras-oras.” Mawawalan ka ng ganiyang pagtingin kung mapapalalim ang edukasyon mo
at mas makikita mo na dapat, ang mga importante lang ang pino-post mo. Dapat may
pagtingin din na hindi ka mamamatay kung hindi mo mabubuksan ang social media
123
account mo ng isang araw. Maybe that would be more educational for people kung hindi
araw-araw nagso-social media.
11. May paraan ba upang maging magkatuwang ang social media at iba pang uri ng media?
Ito ang tinatawag sa komunikasyon na transference. Kapag nag-cover ang dominanteng
media ang ilang bagay na importante sa social media, parang may transference not just
in terms of reach but transference in terms of legitimacy. Bagamat minsan ay
kuwestiyonable ang credibility ng dominanteng media kasi maraming mga sabit at
pagkakamali, ‘yong overall perception at credibility ay nandyan naman at hindi
mawawala sa dominanteng media basta’t iingatan nila ang kanilang kredibilidad.
Bagamat alam natin ang pinanggagalingan ng mga dominanteng media, hindi pa rin
matatwaran na marami sa mga peryodista nila ay talagang nais yakapin ang
pamantayan ng peryodismo so kapuri-puri ang mga ganoong indibidwal at kahit sa
puntong ‘yon ay dapat tinutunghayan pa rin ang ginagawa ng mga dominanteng media
kaya mali na sabihing dapat i-boycott ang dominanteng media dahil hindi mo nakuha
ang paborableng coverage. Kung may reklamo ka sa kanila, pwede kang magreklamo
nang diretso sa kanila o kaya ay gamitin ang social media bilang lunsaran para irehistro
ang iyong pagtutol at pagkondena. Pero siyempre hindi tayo dapat umasa lang sa
dominanteng media kumbaga sa usapin ng pagpapalaganap ng impormasyon, isang
plataporma lang ang dominanteng media at kung hindi nila i-cover ‘to, hindi ito
katapusan ng mundo sapagkat pwede mo pa rin i-tap ang alternatibong media kasi
minsan, may indirect pressure din sa dominanteng media na i-cover ang isang bagay
kung ang iba pang mga “maliliit”na mga tao at mga indibidwal ay ginagawa iyon kaya
may paraan naman para magkaroon ng relationship whether symbiotic or force majeure.
124
a. Gaano kahalaga ang social media sa kasalukuyan at paano ito magagamit nang tama sa
paglahad at pagsuri sa mga isyu sa lipunan?
Mahalaga ang social media sa usapin ng pagpapalaganap ng impormasyon lalo na kung
ang gusto mong hubugin opinyong pampubliko ay sa sektor ng kabataan o ng millennial
kasi social media savvy na ang kasalukuyang henerasyon kaya magandang paraan ito.
Ang epektibong paggamit ay sa pamamagitan ng akmang edukasyon hindi lamang sa
media kung hindi sa pambansang sitwasyon o national situation kasi kapag ang
pagsusuri mo ay sablay, sumasablay din ang paghuhubog ng opinyong pampubliko kaya
edukasyon talaga ang susing salik dito.
125
APENDISE D – Panayam kay Ginoong Raymond Palatino ng Bagong
Alyansang Makabayan (BAYAN)
1. Ano ang social media at ano ang katangian nito na wala ang ibang uri ng media?
Ang pinagbabatayan ko ay ang isang pagtingin nage-evolve ang internet. Ang mga
unang internet noong 1990’s, mainly ay “search” ang gamit – yahoo, google, etc. Tapos
naging tool ang internet for communication mainly email and then, interaction – web 2.0
kaya nagkaroon ng mga blog, comments sa websites. In the past 10 years, ang
phenomenon na ay ang social media, mga SNS tulad ng FB na naging popular,
mainstream ang paggamit, twitter for example ay para sa microblogging. Ang internet,
from our generation na ang pag-akses sa internet dati ay desktop, tapos laptop, ngayon,
mainly o parami nang parami ay mobile phone so ayan na ang daluyan ng social media
through mobile phone, through mobile internet. Iyan ang kasalukuyang popular at
dominant structure ng internet ngayon. Ang social media na kung saan may palitan ng
impormasyon, daluyan ng impormasyon gamit ang SNS, gamit ang mobile phone.
2. Bakit naengganyo ang publiko na lumahok sa social media?
Una, libre – actually, hindi naman talaga libre pero compared to other media platforms
like TV, radyo na mahal magpa-advertise. Pangalawa, wide ang reach, global. Pangatlo,
instant ang reaksyon. Tapos, nasa social network ka, nasa sirkulo ka ng mga kaibigan
mo, kaibigan ng mga kaibigan ng mga kaibigan mo. Isa siyang malaking at convenient
na clearing house ng impormasyon.
3. Ano-ano ang gamit ng social media sa buhay ng mga Pilipino?
Una, for OFW, to bridge the distance ng mga OFW at ng mga pamilya nila so as a
communication tool, useful ito. Pangalawa, for information sharing – balita, opinyon,
126
tips etc. Parami nang parami ang maga taong kumukuha ng impormasyon ngayon
through social media.
4. Paano nagsimulang maglunsad ng mga balita ang social media partikular na ang FB at
twitter?
Lumalabas na ang mga tao ay mas naniniwala sa isang isyu kapag ang nag-share o ang
nagbigay ng impormasyon ay kaibigan nila o kakilala nila. May trust sa source ng
impormasyon kaya nagamit ang social media. Pangalawa, ang infrastructure niya ay
designed to spread in a quick way ang impormasyon.
5. Popularidad ni Duterte
a. Ano ang naging papel ng social media sa katanyagan ni Pang. Duterte at paano ito
nakakaapekto sa pagtingin ng publiko sa kaniya?
Iyan ay information warfare. Nag-evolve na ang state craft o political tool ng mga
political parties and politicians na gamit na rin itong information tools. Kumbaga,
you bombard the public with information. Kung dati ang problema ay lack of
information, ngayon ay too much information. Strategy na iyan ng mga leader at
politiko. Ang tingin ko na ngayon sa information tool, it sustains political patronage
to create loyal followers and supporters. Hindi lang sapat na you give them cash,,
goods, services. Patronage ay traditional, kasama na ang information. You provide
them with a narrative kung saan susuportahan ng tao ang lider. Si Duterte, hindi
naman unique sa kaniya iyon. Kumbaga sa modern politics, kasama na siya sa
pamamaraan ng pamumuno at pangangampanya pero nakita natin ngayon ang
usefulness ng social media as a valid and effective tool for political propaganda.
127
b. Ano ang opinyon ninyo sa Mocha Uson blog at sa mga social media pages/accounts
na patuloy na nag-eendorso kay Pang. Duterte? Ano ang epekto nito sa pagtanaw ng
mamamayan sa mga programa at polisiya ng kaniyang administrasyon?
Frankly, hindi ko nababasa ang blog ni Mocha pero ang blog, noon pa iyan. Pero
ang mga bloggers na sumusuporta kay Duterte, tingin ko , it’s not a matter of
agreeing or disagreeing with them. It’s about critical reality that from now on,
politicians and political parties will have to cultivate loyal followers on social media
para sa kanilang political existence.
c. Paano magagamit ang social media upang suriing mabuti ng publiko ang
pamamalakad ng pamahalaan?
Puwede kang mag-seek ng accountability, for verifying ng news, pag-monitor sa
policies and statements ng politicians and our leaders, pag-organize ng action for or
against the policy and to spread opinion about an issue whether for or against.
6. Paglilibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani
a. Paano ginamit ang social media upang maihayag ng publiko ang kanilang saloobin sa
paglilibing kay Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani?
Ang Marcos burial ay hindi ang first na may social media tapos magra-rally. Best
example is the Million People March noong 2013. ‘Yong practice noon was an
inspiration for the Marcos burial.
b. Ano ang naging papel ng social media sa paglulunsad ng iba’t ibang kilos-protesta
laban sa paglilibing na ito?
Through social media ‘yong announcement, organizing ng action, spreading of
memes, etc.
128
c. Ano ang naging epekto ng mga pagkilos na ito sa mamamayan at maging sa
pamahalaan?
Politics always involves creating or disproving an opinion or information so useful
ang social media lalo na kapag may protesta, pressure ‘yan sa politicians at sa
gobyerno.
7. Isyung dapat bigyang-puwang sa lipunan
a. Napapalutang ba sa social media ang mga usaping may kaugnayan sa relasyon ng
Pilipinas at ibang bansa lalo na ang US?
Napapalutang pero hindi ko alam kung ano ang reach niya, kung widespread ba at
kung ano ang perspective na dominant. Ang criticism ko sa social media, bagamat
convenient at madaling mag-akses ng information, pero what kind of information?
Baka mamaya ang nangyayari lang ay chamber echo. Ang chamber echo effect- we
tend to be friends sa ating social network with people we share our thoughts so we
are friends with people who like what we want, think what we think. Kumbaga,
palitan lang kayo ng mga gusto at mga opinyon so kung ‘yon lang ang set of
information mo, ang doubt ko kung ano ‘yong klase ng impormasyon tungkol sa US-
Philippines relations. Mahalaga pa rin talaga ang mainstream media.
b. Sa paanong paraan magagamit ang social media upang maiangat ang kamalayan ng
publiko tungkol sa mga isyung may kinalaman sa kasarinlan at ugnayang pandaigdig?
Kailangan organized spread of information – ‘yong fake news phenomenon,
alternative facts. Dapat organized din ang pagtukoy kung ano ‘yong mga fake news
tapos turuan mula bata ‘yong paggamit ng internet. Don’t teach young people how to
129
use the internet. Kumbaga, basic skills pa rin – reading, writing, arithmetic, etc.
Teach them to filter online content to distinguish relevant information.
8. Gaano kaepektibo ang paggamit ng social media sa pagpapalutang ng mga isyu at
impormasyon? Nakakatulong ba ito sa pagmumulat sa masa ukol sa mga kinakaharap ng
lipunan?
Sa pag-spread ng information, useful. To raise the consciousness of public, it depends.
Ironically, in this age na we can fact check everything, we tend to forget the essential
things kasi sa isang araw, you’re bombarded with too much information. At the end of
the day, you consume too much at hindi mo na alam kung ano ‘yong relevant, ano ‘yong
hindi kaya kailangan basic skills pa rin ang ituro sa mga bata.
9. Paano sa tingin ninyo matutuldukan ang pagkalat ng maling impormasyon o balita sa
social media?
Predictable na ngayon ang format at content ng fake news. Pero kailangan pa rin ituro
sa tao ang basics about fake news and how distinguish. Sa pag-akses ng information,
pag-consume ng information, kailangang ituro ‘yong critical na pag-absorb ng
information whether fake news or corporate media kasi hindi lang naman fake news ang
mali. Kahit naman ang corporate media, may bias iyan. Kailangan, critical ang tao. Pero
ang kaibahan ngayon, sa Pilipinas, sa US, and elsewhere, ‘yong paggamit ng fake news
to distort political discourse perspective, napatunayan niya na kaya niya. ‘Yon ang
danger, ang threat sa politics kasi ang daming information, hindi iyan simpleng tama ka.
You have to campaign for it, fight for it.
130
10. Paano magiging instrumento ang social media upang matukoy ang mga isyung hindi
nabibigyang-pansin sa lipunan?
Kailangan labanan ang tendency ng pagkiling sa mga isyu na may trending, viral. Hindi
puwede na ang political campaign ay para lang makapag-trend ka. Kailangan, back to
the basics. Target a particular sector or place, then you campaign. Then, organize your
volunteers para organized din ang campaign niyo.
11. May paraan ba upang maging magkatuwang ang social media at iba pang uri ng media?
Una, ang social media ay dating nag-present bilang alternative media. Tingin ko totoo
pa rin pero ang mainstream media, ginagamit niya na ang social media for information
sharing, so embedded na ang social media sa alternative media. Pero, napaka useful pa
rin ng social media for progressive groups to maximize this for their campaigns.
12. Gaano kahalaga ang social media sa kasalukuyan at paano ito magagamit nang tama sa
paglahad at pagsuri sa mga isyu sa lipunan?
Hindi mo ito puwedeng i-ignore dahil it’s a convenient and fast way of distributing
information whether you’re in government, outside the government, private sector,
resisting the government, kahit revolutionary groups may social media kasi napaka
useful niya na tool to reach public, mas malaki, mas mabilis. ‘Yong pag-spread ng
information, magagamit siya hindi lang ng estado, kahit ‘yong mga humahamon sa
estado.