Blacklily That Mighty Bond - baixardoc

10
<center><h1>That Mighty Bond</h1></center> <hr> Ilang beses kong sinabi sa sarili ko, pagkatapos ko ng isang story hindi muna ak o magdadagdag ng on-going kasi torture. Sabi ko tatapusin ko muna lahat hanggang sa isa na lang ang matira at isang story na lang ang pagtuunan ko ng pansin. Pe ro sabi ko lang pala yun. Hindi ko naman kayang tuparin. I wanna kick myself for not having having that much needed self control not to post what's been running on my mind. At dahil wala akong self control. ito na ang story ni gabriel. I bet mauuna iton g matapos kaysa sa story ni Michael. Mahirap kasi ang plot ng Lucid Interval. Prologue Prologue Woman of the future, ultra modern, high-tech, liberated and straightforward. Yan si Mira short for Ma. Remedios Asuncion Dimasalang. Hindi papatalo, hindi papa api, hindi papa-under. Naniniwalang magkapantay ang mga babae at lalaki sa laha t ng aspeto ng buhay. And then she met Angelo Gabriel Villegas with a vintage car, a vintage hair, a v intage language, a vintage outlook in life and a mighty bond. A man who live an d believe of the old adage that the one who doesn't appreciate his roots wouldn' t succeed. And she believe that in order to succeed you have to look forward and never loo k back. Now, will they ever met? A/N/ Sana support niyo pa din. <center><h1>Chapter 1</h1></center> <hr> Chapter 1

Transcript of Blacklily That Mighty Bond - baixardoc

<center><h1>That Mighty Bond</h1></center><hr>Ilang beses kong sinabi sa sarili ko, pagkatapos ko ng isang story hindi muna ako magdadagdag ng on-going kasi torture. Sabi ko tatapusin ko muna lahat hanggang sa isa na lang ang matira at isang story na lang ang pagtuunan ko ng pansin. Pero sabi ko lang pala yun. Hindi ko naman kayang tuparin. I wanna kick myself for not having having that much needed self control not to post what's been running on my mind.

At dahil wala akong self control. ito na ang story ni gabriel. I bet mauuna itong matapos kaysa sa story ni Michael. Mahirap kasi ang plot ng Lucid Interval.

Prologue

Prologue

Woman of the future, ultra modern, high-tech, liberated and straightforward. Yan si Mira short for Ma. Remedios Asuncion Dimasalang. Hindi papatalo, hindi papaapi, hindi papa-under. Naniniwalang magkapantay ang mga babae at lalaki sa lahat ng aspeto ng buhay.

And then she met Angelo Gabriel Villegas with a vintage car, a vintage hair, a vintage language, a vintage outlook in life and a mighty bond. A man who live and believe of the old adage that the one who doesn't appreciate his roots wouldn't succeed.

And she believe that in order to succeed you have to look forward and never look back.

Now, will they ever met?

A/N/ Sana support niyo pa din. <center><h1>Chapter 1</h1></center><hr>Chapter 1

The good thing about Makati Ayala is you could see all sorts of people. May sosyal, may pa sosyal, may trying hard to be sosyal, may pulubing sosyal, may sosyal na pulubi, may die hard pulubi, may haggard, may runway model, at may I-don't-care-about-the-world type. Name it and you have it.

The bad thing about Makati is, kung wala kang kotse at kailangan mong magcommute, you have to walk blocks bago mo marating ang office mo. Lalong lalo na kapag malayo sa unloading zone ang building kung saan ka pupunta or nagtatrabaho. Kaya madami ang naglalakad dito at madami lalong lalo na ang mga babae ang mga nakaflats.

But not me. Definitely not me. Because I'm wearing, right at this very moment my 5 inches stilleto heels. And it's pure torture on my very delicate legs. But nonetheless, I have to endure it dahil isa ako sa mga tinatawag nilang, trying hard to be sosyal.

At siyempre ka-match ng stilleto ko ang white mini skirt ko and yellow sleeveless blouse na naka tuck in. Dapat nga nakablazer pa ako pero sa ngayon gusto kong iexpose ang white slender arms at ang flawless white kong underarms na pinag ipunan ko pa ng ilang buwan para lang maipa-laser sa isang hindi kamahalan pero okay na na SPA. Sayang naman ang iginastos ko kung walang makakakita right?

And of course, with that outfit is the walk. Dapat may poise. Dapat hindi lang basta mapapalingon ang mga tao, they havew to stare hanggang sa hindi na nila ako makita. And they would think...

'Why the hell is this rich girl walking on an underpass?' Chin up, breast out.

Siempre hindi nila iisipin that I'm living from paycheck to paycheck at ilang beses nang tumatawag sa akin ang collecting agents ng mga credit cards ko. Bakit nila iisipin yun kung halatang designer items ako from head to toe?

Nararamdaman ko na ang tingin ng mga kasabayan kong naglalakad at lihim akong napangiti. Kahit nagmamadali ang lahat para hindi ma late sa office like me, nagawa pa din nila akong tingnan and that is something. Napatingin ako sa relo ko at nagulat ako sa oras. Malelate na ako! Hindi na pakitang tao ang panic na nagregister sa mukha ko. Binilisan ko ang lakad ko. Gosh! Kung rumampa naman kasi sa underpass eh.

Pero kahit na nagmamadali ako, may poise at projection pa rin. Pero nasobrahan ata ako sa poise and projection dahil biglang akong natapilot.

"Ouch!" Pasosyal na tili ko.

Napatingin ang mga tao sa akin with matching pag aalala sa mukha. But they just looked at me. No one dared to help. Ganun naman talaga. Kung ako sa kalagayan nila yun din ang gagawin ko. Uso na yun ngayong panahon. Bibihira na alng ang mga taong mag eexert ng effort na tulungan ka. Kahit nga ata may nang snatch sa akin at magtitili ako titingin pa din sila as if they are watching some movie scene. Everyone is an onlooker. Wala ng pakialam because everyone is busy with their own lives.

"Miss okay ka lang?" Napatingin ako sa lalaking may lakas ng loob na lumapit sa akin at umalalay.

"No I'm not. Naputol ang heels ko." Nanlulumo akong napatingin sa 5 inches heel ko. Napailing din ang lalaki.

"Ibig kong sabihin, okay ka lang ba? Wala bang napinsala sa'yo?" I tried my ankle at napangiwi ako ng kunti sa sakit pero unti unti na itong nawawala.

"Tes, I'm fine. Naputol lang talaga ang heels ko. " I heard him chuckled and looked at my heels.

"Hindi ka kasi dapat nagsususot ng mga sapatos na may ganito kataas na takong, Nakakamatay ito." Yumuko siya at pinulot ang sapatos ko and his cent assaulted my senses. Iyon ang klase ng amoy na hahabol habulin ng kung sino mang nakasinghot. Napakaswabe sa ilong at hindi ka mahahatsing pag naamoy mo. Mukhang mamahalin.

And then I looked at his face at literal na napanganga ako. He's so damn handsome that my eyes hurt. His soulful eyes penetrate to my whole being nung magsalubong ang mga mata namin, mamula mula pa ang pisngi niya and I'm sure na hindi yun blush on. It was so natural kaya alam kong namula yun dahil sa init ng morning sun. Pati ang tungki ng upturned nose nito ay namumula all the way to his lips. Damn! How I wish, I had that lips. Hindi na ako gagastos sa lipstick at sa lipgloss at sa lipbalm kung ganyan ang lips ko. Then my eyes went upward to his hair at napangiwi ako.

Okay! Mira forget about the hair. Forget the Elvis Presley hair na halos pinaliguan ng gel. Sa mukha ka na lang magfocus. At yun nga ang ginawa ko. At natuwa ulit ang mga mata ko.

"That's the trend right now and that's expensive." Mabuti na lang at nagawa ko p

ang magsalita at hindi mag stammer despite his awesomeness.

He examined my shoes lalo na ang naputol na part at may kinuha sa bulsa ng pantalon niya.

A mighty bond.

May dala nga siyang mighty bond!

Oh my gosh! Sino pa ba ngayon ang nagdadala ng mighty bond? Especially here in ultra modern Makati? Wala pa akong nakikita! Siya lang! I looked at him with amazement habang dinidikit niya ang takong ko sa sapatos. Then he tested it at nung sa tingin na niya matibay na ito, akala ko ibibigay lang niya sa akin ito para isuot ko pero hindi, lumuhod siya with one knee na parang nagpopropose sa harap ko at siya na mismo ang nagsuot ng sapatos ko.

Nag init ang pisngi ko dahil sa ginawa niya at feeling ko ang ganda ganda ko. Ang lakas na din ng tahip ng dibdib ko. Gosh! In love na ata ako sa lalaking ito. Kailangan kong makilala siya. I need to know his name. I need to get his number. Hindi ko mapapalagpas ang pagkakataon na ito.

"Thank You." Sabi ko pagkatayo niya. Aware na aware ako sa mga envy look ng mga babae sa paligid. Lihim akong napasmirk.

"Walang anuman, para sa isang binibini." Napangiti ako lalo. Shit! Okay lang kahit ma late araw araw basta ganito ang makaksalubong mo. Napaipit ako ng copper brown hair ko na may kulot kulot sa dulo sa tenga ko.

Hinakbang ko ang paa ko na sinootan niya ng sapatos at nagkunyari akong matatapilok ulit kaya hinawakan niya ang bewang ko. And just as I expected inalalayan niya ako.

"It hurts a little bit." Sabi ko ng may kunting arteng ngiwi.

"Halika, aalalayan kita." And he offered his arm. Pinilit ko talagang hindi ngumisi at ngumiti lang ng pa demure sa kanya sabay kawit ng kamay ko sa braso niya at dahan dahan kaming naglakad. Shit! Para akong may escort na hollywood actor.

"Salamat ha!" Ngumiti lang siya sa akin and my heart melted. Ito na talaga Mira. Thisb is it!

"Walang anuman. Ihahatid na kita sa patutunguhan mo. Saan ka ba?"

"Sa Villegas Tower. Doon ako nagwowork." Rumehistro ang gulat sa pogi niyang mukha.

"Doon din ako patutungo. Tamang tama." Kung sinuswerte ka nga naman. Pero hahayaan ko bang makawala siay agad? Malay ko ba kung kelan ulit kami magkikita or magkikita pa kami.

"Gusto mo bang magbreakfast muna? Libre ko. As a sign my gratitude sa pagtulong mo sa akin." Pumayg ka na! Pumayag ka na! halos isigaw ko yun sa kanya.

"Baka kasi mahuhuli ka na sa trabaho." Sabi pa niya which is a good thing kasi hindi siya tahasang tumanggi. Malaki ang pag asa.

"Mag hahalf day ako, kasi late na din naman ako. Nakakahiya naman. At papatingnan ko na din itong feet ko baka kasi magkasprain. You know, precaution. But if you're busy at nakakaabala na ako..." Sadyang binitin ko ang sasabihin ko.

"Hindi. Hindi ka nakakaabala. May bibisitahin lang naman ako sa opisina niyo at hindi naman ako nagmamadali. At kung gusto mo talagang magpasalamat, sige sumasang ayon na ako sa iyong paanyaya." Ano daw? Sumasang...what? Hindi ko ata kaya yun. Pero para hindi halatang bobo ako sa panitikang Pilipino isang malutong na...

"Great!" ang sagot ko. Kaya ang kinalabasan, nakarating kami sa Mcdo. Feel na feel ko naman nung pinagbukas pa niya ako ng pinto. Grabe! Ang gentleman talaga niya.

Pero dahil nga gentleman ito, ang kinalabasan, ito pa din ang nagbayad ng pagkain nila.

"By the way, I'm Mira." Pakilala ko na nung napansin kong wala siyang planong ipakilala ang sarili niya.

"Gabriel." Wow! Ang pogi ng pangalan. Parang anghel. "Kinalulugod kong makilala ka Mira." Napalunok ako bigla dahil sa sinabi niya. Who is using kinalulu..something in a sentence nowadays? Mukhang dudugo ang ilong ko sa Gabriel na ito.

"Yeah! Nice meeting you too." And I was welcomed by a warm and firm handshake. Grabe! Kung hindi lang dahil sa buhok, perfect na ang lalaking ito.

We ate in silence dahil wala ata sa bukabolaryo niya ang mag usap habang kumakain. Hindi ako nagsasalita dahil baka ma turn off siya. Patapos na kami sa pagkain and I become uneasy.

Hindi ko pa nakukuha ang number niya.

I took my cellphone at nagtext sa officemate ko at sinabing half day ako kasi na sprain ang paa ko. Sinabi ko naman na natapilok ako. Pero ang rason talaga kung bakit ko kinuha ang iphone 5 ko ay dahil gusto kong makuha ang number niya.

"Can I get your number?" walang kagatol gatol na sabi ko. Halatang nagulat siya nung una. At hindi na rin ako nag abalang mag explain kasi wala naman akong maeexplain. Less talk, less mistakes.

Pero nagulat ako nung kinuha niya ang 3210 cellphone niya. What the heck! That's...that's ancient. May nabibili pa bang ganyan ngayon? Phase out na yan di ba?

"Oo naman." And he reciote his number habang nakatingin sa phone niya. Pagkakuha ko ng number niya, I immediately dialled it para malaman niya ang number ko and he answered it.

"Hello!" Natulala pa ako ilang saglit bago ko inioff ang cellphone.

"That was me. Para lang may number ka din sa akin." Ughhh! Sayang ang load.

"Pasensiya na. Akala ko kasi iba." Mira...Mira.. tandaan mo. Pogi yan. At gentleman. At may mighty bond. Pagkakataon yan. Opportunity.

At dahil dyan, kinalma ko ang sarili ko at naging sweet ulit sa kanya. After ng breakfast namin, pumunta na kami sa Villegas tower. Umabrisyete ulit ako sa kanya and he didn't seem to mind. Type din ata ako eh.

Pakipot lang.

<center><h1>Chapter 2</h1></center><hr>Chapter 2

'Walang maitutugon ang wika sa tanong ng pag-ibig buhat sa isang sulyap na kumikislap o palihim. Sa halip, sumasagot ang ngiti, ang halik, o ang bugtonghininga.'

"Ahhhhhhhhhh." Napatili ako pagkabasa ko ng message from Gabriel. Grabe! Grabe siya. Hindi ko na macontain ang kilig na nararamdaman ko. Ang aga aga pinapakilig niya ako ng ganito. He is so poetic to the point na dinudugo na ang ilong ko. Ang tanong ko lang naman ay, 'what is love ba for you?' Tapos yan na ang sinagot niya.

Memorize ata niya ang mga linya ng Noli Me Tangere at ng El Filibusterismo. My Gosh! At uu, textmates na kami. Tinext ko kaagad siya pagdating ko sa office nung araw na nagkita kami. Siempre palalampasin ko ba naman ang opportunity kahit na sabihing nakagel ang buhok niya at 3210 ang cellphone niya?

Siya na nga ang nagsabi, 'looks doesn't matter.' In tagalog nga lang. Ano nga yung exact words niya?

'Hindi mahalaga ang panlabas na kaanyuan.'

"He is my dream man na! Napakagentleman niya! He is very poetic. Haysss" Kinikilig na kwento ko sa mga ka officemate ko dahil hindi ko na kayang itago ang kilig na nararamdaman ko.

"Bading?" Tiningnan ko ng masama si Loida dahil sa sinabi niya.

"Alam mo inggitera ka teh! Hindi kesyo gentleman at pogi ay bading na. Pambihira, walang nagkakamali sayo." Binilatan ko nga! Hmp! Napakaimposibleng bading si Gabriel. Sa pogi niyang yun, bading?

At dahil naasar na ako sa mga officemates ko, tinigilan ko na ang pagkukwento at humarap sa pc ko at nagsimulang magtrabaho. Mga echoserang froglet! Mga inggit lang sila!

Kinuha ko ang cellphone ko sa bag ko at binuksan ito tapos nagreply ulit kay Gab my loves. Yeah, feeling ko like ko na siya. Parang hindi na nga ako makakatulog kapag hindi kami nagtetext.

'You know what? You are so poetic. I think I like you na.' At sinend ko na ang message with matching smile on my face.

Bakit pa ba ako magpatumpik tumpik? If I like him then I will tell him kasi hindi naman siya manghuhula para malaman ang nararamdaman ko. Hidni ko ugali ang magtago ng damdamin. Kaya madaming babae ngayon ang luhaan dahil tinatago nila ang damdamin nila. Paano kung torpe ang lalaki eh di wala silang patutunguhan? Hay naku hindi na uso ang pa demure sa mga panahong ngayon.

Women should be assertive and aggressive to get what they want. At isa na doon ang pag eexpress ng nararamdaman.

Naghintay pa ako ng ilang minuto bago ko na receive ang reply niya. Baka natraffic ang 3210, outdated na kasi.

'Gusto din kita Mira, pero mas gusto kong hindi pinapangunahan ang nararamdaman ko. Gusto kong gawin tama ang lahat.' At hinimatay na ako sa reply niya. Tama? Ibig sabihin liligawan niya ako. For real? Gosh! Uso pa ba yung ligawan thingy? Ang alam ko maghalikan lang, magboyfriend na agad. But nonetheless, I am very flattered.

'Wag kang ganyan, kinikilig ako.' I replied.

Buong araw na masaya ang araw ko. Buong araw akong nakangiti at masipag sa trabaho. Ganito pala ang feeling ng inspired. Para akong nakaapak sa cloud ten.

At hanggang sa mag uwian, hindi naalis ang ngiti sa mga labi ko. Hanggang sa naghihintay na ako ng jeep sa may loading area. Hindi ko ininda ang mahabang lakad sa underpass na may sirang escalator.

Ni hindi ko pinansin na ang haba ng pila ng mga sasakay sa jeep dahil busy ako sa daydreaming ko. Ni hindi ko pinansin ang taxing tumigil sa harapan ko. Kung hi

ndi pa sinabi ng ale sa tabi ko hindi ko mapapansin ang taxi.

Teka! Pumara ba ako ng taxi? Tiningnan ko ang mga katabi ko at busy sila sa pila. Ako lang pala ang wala sa linya kaya malamang iniisip ng lahat na taxi ang hinihintay ko at hindi jeep.

I mentally counted the money in my wallet at nung napagtanto kung kasya pa ito pantaxi, sumakay na ako sa backseat. Kesa naman masabihan na wala akong pambayad sa taxi. Ahhh pero hindi na ako makakabili ng lunch nito. Tatlong araw pa naman bago magsahod. Di bali, magdadiet na lang ako. Pandesal na lang ako tuwing lunch o kaya skyflakes para mas social.

Kuya sa Sampaloc po. Sabi ko sa driver ng hindi ito tinitingnan. Busy ako sa paglolock ng pinto ng taxi. Mahirap na baka masnatch pa ang bag ko at makita ng mga snatcher na kakarampot ang pera ko. Nakakahiya naman sa kanila.

Inayos ko na din ang cellphone ko at inilagay ang headphone para makinig sa music.

"Gusto mo ba munang maghapunan Miss?" Kumunot ang noo ko sa lakas ng apog ng taxi driver.

"Kapal mo Kuya ha. Sa tingin mo..." Napatigil ako sa pagsasalita at napatingin sa salamin ng taxi and I saw the grinning face of Gabriel.

"Ga-Gab! What are you doing here?" nawindang ang kaluluwa ko. Paanong-paanong siya ang driver ng taxi?

"Taxi ko to." Nakangiti pa ding sabi niya.

"Ta-taxi mo?" Ulit ko sa sinabi niya. At hindi ko magawang itanong ang gusto kong itanong kasi baka totoo nga.

"Oo." Ohhh God! Gusto kong batukan ang sarili ko para magising ako sa malupit na truth.

"Sa'yo? As in you own a fleet of taxi?" Baka naman nga madaming silang taxi at napagtripan lang niyang magdrive ngayon? Hindi naman talaga siya...

"Hindi. Namamasada lang ako. Nagbaboundary." Damn!

"Ta-taxi driver ka?" Napalunok na talaga ako.

"Oo, yan ang hanapbuhay ko." Shit! Gusto kong himatayin.

He's a freaking taxi driver!

At umamin akong like ko siya. Inamin kong may gusto ako sa isang taxi driver. Hindi naman sa minamaliit ko ang mga taxi driver pero kasi hindi bagay sa pagkasocial ko kung magkakaboyfriend ako ng taxi driver.

What would my officemates say? What would my friends say? Na wala na akong makitang ibang guy at pati taxi driver pinatulan ko? Oh my gosh!

Oh no!

A freaking taxi driver.<center><h1>Chapter 3</h1></center><hr>3

"Bakit hindi mo sinasagot ang mga mensahe at mga tawag ko?" napangiwi ako pagkabasa ko ng text niya. At nadagdagan pa ang pagngiwi ko dahil nangangati ang kamay ko na magreply sa message niya. Ilang araw ko na siyang iniiwasan. Gusto ko na siya kalimutan at laking pigil ko sa sarili ko na wag replayan at wag sagutin ang mga text at tawag niya.

And it's so hard. Ohh gosh! Para akogn tinotorture.

Binaliktad ko ang cellphone ko at pinilit na ibaling ang attention ko sa work. Pero wala pa ngang 1 minute nagriring na ito. I groaned.

Wala namang masama kung sasagutin ko ng isang beses di ba? Promise after this, hindi ko na talaga sasagutin. Hindi ko na siya papansinin. At bago pa magbago ang