Aralin 3: Sanhi at Epekto ng Pagbaha - WordPress.com

Post on 12-Jan-2023

1 views 0 download

Transcript of Aralin 3: Sanhi at Epekto ng Pagbaha - WordPress.com

ARALIN 3Sanhi at Epekto ng Pagbaha

PANIMULANG SALITA

27

MGA LAYUNIN

Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang: 1. Makapagbigay ng hindi bababa sa dalawa (2) na sanhi ng pagbaha; 2. Makapagbigay ng hindi bababa sa dalawa (2) na maaaring maging epektong pagbaha; 3. Maipaliwanag ang konsepto ng climate change o ang mabilis napagbabago ng klima; at 4. Maipakita ang koneksyon ng gawain ng tao, climate change, at pagbaha.

Magandang araw, kapit-bahay! Naisip mo na ba kung bakitbumabaha sa inyong lugar? Hindi lang ang malakas na pag-ulan ang maaaring maging sanhi ngpagbaha. Bukod pa rito, ang pagbaha ay maaari ring magdulot ng iba’tibang epekto sa inyong kabuhayan, kapaligiran at lalo na sa inyongkalusugan at kaligtasan. Katulad ng pamilya Dimasalanta, mahalaga na alam ng bawatmamamayan ang mga sanhi at epekto ng pagbaha upang matukoy angmga solusyon sa mga ito. Kaya naman ating tunghayan at alamin angmga ito sa mga sumusunod na seksyon ng module.

28

A. Sanhi ng pagbaha a. Mabigat na pag-ulan b. Pagkasira ng mga dam c. Lokasyon d. Pagpuputol ng puno o Deforestation e. Baradong daluyan ng tubig B. Epekto ng pagbaha a. Sa kalusugan b. Sa kabuhayan c. Sa kapaligiran at kalikasan C. Tayo at ang climate change a. Climate change b. Climate change adaptation

MGA NILALAMAN

MGA ARALIN

A. Sanhi ng pagbaha

Mabigat na pag-ulan Isa sa mga sanhi ng pagbaha ay ang mabigat na pag-ulan kung saan angdami ng ulan ay mas marami sa normal na dami na dapat na nakukuha nglupa. Ang mga kadalasang sanhi ng mabigat na ulan ay tuwing pag maybagyo sa isang lugar o kaya naman ay malalakas ng hanging habagat.

29

Pagkasira ng mga dam Ang mga dam ay nagsisilbing imbakan ng tubig. Gayunpaman, sa oras na itoay mapuno na dahil sa malakas na pag-ulan o ang pagkasira nito dahil sa mabigatna presyon, ito ay nagdudulot ng pagbaha.

30

Lokasyon Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya na arkipelago ng 7,109na mga isla. Ang Pilipinas ay binibisita ng higit kumulang dalawampung (20)bagyo kada taon, lima dito ay nakakapaminsala. Ang geographical location atpisikal na kapaligiran, na siyang kinapapalibutan ng iba’t-ibang anyong tubig, ngbansa ay nag-aambag din sa pagiging “susceptible” nito sa baha. Ang Mayondon ay isang ehemplo rin ng lugar kung saan malaki ang posibilidadng pagbaha. Dahil ang barangay na ito ay isang mababang lugar at kalapitlamang ng lawa ng Laguna, mabilis na bumabaha rito pagdating ng mgamalalakas na ulan. Baradong Daluyan ng Tubig o Waterways Ang mga waterways o mga daanan ng tubig, kapag naging barado, ay nagigingsanhi ng pagbaha. Ang mga waterways na ito ay nagiging barado dahil sa mgabasurang hindi naitatapon ng maayos ngunit patuloy na dumarami pa. Maigingmakipagtulungan ang mga miyembro ng komunidad ang mga lokal na opisyalesng barangay upang simulan at pag-igtingin ang mga polisiya ukol sa pagtataponng basura at pangongolekta nito.

31

B. Epekto ng pagbaha

Napakaraming makikitang epekto ng pagbaha sa tao at kaniyang kapaligiran.Nag-iiba lamang ang lakas ng epekto base sa pagka- bulnerable ng isang pamilyao komunidad sa nasabing sakuna. Sa kalusugan Kalusugan ng tao ang unang naapektuhan sa tuwing nagkakaroon ngpagbaha, direktang epekto man o hindi. Ilan sa mga halimbawa nito ang mgasumusunod: • Pagkalunod • Pagkamatay • Pagkasugat • Sakit dulot ng tubig-baha -Impeksyon sa tenga, ilong, at lalamunan -Cholera o impeksyon na maaaring humantong sa diarrhea at dehydration -Diarrhea o pagtatae -Typhoid fever o sakit na dulot ng mga lamok -Leptospirosis o impeksyon na galing sa dumi ng daga

32

Sa kabuhayan Dahil sa pagbaha maraming mga kabuhayan ang napipinsala at naaantala. Samga komunidad na nag-aalaga ng mga livestock, malaking pasanin para sa kanilaang pagkakasakit at ang pagkamatay ng kanilang mga alagang hayop. Hindi rinmaaaring pumalaot ang komunidad na ang pangunahing kabuhayan ay angpangingisda. Maging mga malilit na tindahan o sari-sari store, at kahit pa mgamalalaking pamilihan ay hindi makapagbukas dahil sa pagbaha. Dahil sa mganasira, naantala, at naapektuhang kabuhayan ng mga komunidad, nababawasanang kita ng tao at naapektuhan rin ang kabuuang ekonomiya ng bansa.

33

Sa kapaligiran at kalikasan Bukod sa kaligtasan, maraming serbisyong pampubliko ang naaantala tulad ng: • Pansamantalang pagputol ng linya ng elektrisidad na nagdudulot ng brownout • Kompromisadong linya ng tubig • Walang signal sa mga network na nagdudulot ng naaantalang linya ngkomunikasyon • Nasirang mga daanan, tulay, mga gusali na nakakakompromisa sa transportasyon. Ilan naman sa mga masasamang epekto ng pagbaha sa kapaligiran ang: • lalong pagkasira ng mga nauna ng nasirang lugar • pagkawala ng mga halaman sa paligid ng mga ilog, • pagtaas ng deposito ng lupa (sediment), at pagguho ng lupa • pag-apekto ng dami ng deposito ng lupa sa kalidad ng tubig • pagkawala ng tirahan • pagkalat ng iba’t-ibang uri ng damo • pagkawala ng mga pollutant • pagbaba ng produksyon ng isda

pagkawala ng mga pangunahing gawain ng isang wetland tulad ng pag-usbongng buhay, pag-iimbak ng tubig, pag-iibahing-anyo ng mga nutrient, at iba pa pagkawala ng mga lugar na panlibangan pagkakontamina ng mga pagkain galing sa tabing-dagat

34

C. Tayo at ang climate change

Climate Change Ang climate change ay pagbabago sa kabuuang klima ng buong mundo.Ito ay maaaring dulot ng mga natural na pangyayari, tulad ng pagbabago saradiation ng araw at mga pagbabago sa proseso ng mga bulkan. Subalit,maaari rin itong maging sanhi ng iba’t ibang gawain na nakakasama sa atingkapaligiran tulad ng sobrang pagsusunog ng fossil fuels at masyadongpagpuputol ng mga puno. Isang dala ng climate change ay ang global warming o ang patuloy napag-init ng mundo na siyang bunga ng pagdami ng mga greenhouse gasesna nakakapagpahamak sa ozone layer na siyang prumoprotekta sa atin mulasa radiation galing sa araw. Dahil sa paglaki ng butas sa ating ozone layer,mas mabilis na nakakapasok ang init ng araw sa ating kapaligiran, na siyanamang nagiging simula ng pagbabago sa klima ng mundo. Higit pa, dahil sa mabilis na pagbabago ng klima, maaaring mag-iba angaktwal na direksyon, takbo, at lakas ng paparating na ulan o bagyo mula saunang mga prediksiyon ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno. Nararapat lamang na ikaw ay palaging handang lumikas kapag maypaparating na ulan o ano pa mang kalamidad upang maiwasan ang mgadala nitong epekto.

35

Climate Change Adaptation Ang climate change adaptation ay isa sa mga konseptong madalas naginagamit sa mga diskusyon ukol sa climate change. Ang climate change adaptation ay nakakabit sa terminong resiliency o angkakayahang makabangong muli mula sa isang kalamidad o masamangpangyayari. Sa climate change adaptation, nagkakaroon ng pag-aayon sa sarili atsa ibang mga sistema bilang paghahanda para sa banta ng peligrong dala ngkahit anumang kalamidad katulad na lamang ng malakas na pag-ulan at pagbaha.Dahil sa mabilis na pagbabago ng ating klima ngayon, nararapat lamang na iayonang ating kilos at pamumuhay upang makasabay sa pagbabagong ito.

36

BUOD NG ARALIN

Mga kapitbahay, sana naalala niyo na ang pagbaha ay maaaringsanhi ng maraming bagay tulad ng mabigat na pag-ulan, pagkasira ngdam, lokasyon ng bansa, pagkalbo sa kagubatan o deforestation, atbaradong daluyan ng tubig. Ang pagbaha ay maaari ring magkaroon ngepekto sa ating kalusugan at kaligtasan tulad ng pagkasugat,pagkalunod, at pagkamatay. Apektado rin ang kabuhayan ng bawat mamamayan katulad ng mgamagsasaka, mangingisda at maging mga negosyante tuwing maybaha. Maaari rin itong makapaminsala ng kapaligiran at kalikasan dahilsa pagkalat ng basura, pagkasira ng iba’t ibang imprastraktura attahanan, at iba pa. Samantala, bagama’t hindi direktang nagdudulot ng pagbaha angclimate change o ang pagbabago-bago ng kabuuang klima sa iba’tibang parte ng mundo, maaari itong magdulot ng malalakas na bagyo osuper typhoon, pag-ulan sa panahon ng tag-init, at pagkaranas ng tag-tuyot o drought. Isang dulot ng climate change ay ang global warming oang patuloy na pag-init ng mundo dahil sa greenhouse effect. Anggreenhouse effect ay ang pag-ipon ng iba’t ibang gas sa atmospera ngmundo dahil sa mga mapaminsalang gawain ng tao.

37

Upang maibsan ang climate change, maaaring magsagawa ng mgaaksyon ukol sa climate change adaptation at mitigation katulad ngpagdidiskubre at pag-aangkop ng mga makabagong pamamaraan atteknolohiya sa iba’t ibang sektor tulad ng agrikultura, fishing at aquaculture,pagmimina, infrastructural development o pagpapabuti ng mgaimprastraktura at iba pa. Sana ay may mga napulot kayong aral sa module na ito, mgakapitbahay. Hanggang sa muli nating aralin!

38

PAGSUSULITUNANG BAHAGI. Ating sagutan ang mga sumusunod na tanong. Isulatang letra ng tamang sagot sa papel. 1. Ayon sa module, alin sa mga sumusunod ang sanhi ng pagbaha? A. Lokasyon B. Mabigat na pag-ulan C. Baradong waterways D. Lahat ng nabanggit 2. Mayroong masamang epekto ang pagbaha sa ating kalusugan atkaligtasan. Ilan sa mga ito ay pagkasugat, pagkalunod, pagkakaroon ngsakit, at ________________. A. Pagiging masayahin B. Pagiging handa C. Pagkamatay D. Wala sa mga nabanggit 3. Ano ang dahilan ng pagiging barado ng mga waterways na maaaringmagdulot ng pagbaha? A. Mga ginagawang kalsada B. Mga opisyal ng barangay C. Basura D. Wala sa mga nabanggit 4. Anu-ano ang maaaring maging dulot ng climate change sa kalikasan? A. Super typhoons, drought, pag-ulan sa panahon ng tag-init B. Dengue, rabis, pagbabaha

39

C. Drought, super typhoons, dengue D. Wala sa mga nabanggit 5. Ano ang nagiging sanhi ng mga greenhouse gases o GHG? A. Pagsisiga B. Paggamit ng air conditioner C. Usok ng sasakyan D. Lahat ng nabanggit IKALAWANG BAHAGI. Tukuyin ang mga salita na hinihingi sa bawattanong. Isulat ang inyong sagot sa isang papel. 6. _____________ ang kakayahang makabangong muli mula sa isangkalamidad o masamang pangyayari. 7. Ang Pilipinas ay binibisita ng higit-kumulang ___________ bagyokada taon. 8. ____________________ ang patuloy na pag-init ng mundo dahil sagreenhouse effect. 9-10. Ang _________________ at ________________ ay ang mgakonseptong madalas na ginagamit sa mga diskusyon ukol sa climatechange.

40

1. A. 2. C. 3. C. 4. A. 5. D. 6. Resiliency 7. 20 o dalawampu 8. Global warming 9. Climate change adaptation; 10. at mitigation

MGA SAGOT

41

MGA SANGGUNIAN

Juban, N., Bermudez, A., Sarmiento, R., & Dumagay, J. (2012). The Epidemiology ofDisasters: Health Effects of Flood Disasters in the Philippines.10.13140/RG.2.1.1126.2889. Galang, J. M. (2013, August 22). Floods threaten Philippines' hard earned economic gains.News.abs-cbn.com. Retrieved October 26, 2018, from https://news.abs-cbn.com/business/08/22/13/floods-threaten-philippines-hard-earned-economic-gains Understanding Floods. (n.d.). Retrieved October 26, 2018, from What are theconsequences of floods? Thompson, V. 2008. The Cause and Effect of Floods. Retrieved fromhttps://champdagame.wordpress.com/2009/05/21/the-cause-and-effects-of-floods-cause-and-effect-essay/ Asian Disaster Reduction Center. 2008. Information on Disaster Risk Reduction of theMember Countries. Retrieved from http://www.adrc.asia/nationinformation.php?NationCode=608 Ayalin, A. 2014. The 3 Major Causes of Metro Manila Flooding. Retrieved fromhttps://news.abs-cbn.com/nation/metro-manila/09/22/14/3-major-causes-metro-manila-flooding Robas, R. 2014. Flood Disaster Risk Reduction and Risk Management of Pasig City.Retrieved fromhttps://www.researchgate.net/publication/269166941_FLOOD_DISASTER_RISK_REDUCTION_AND_RISK_MANAGEMENT_OF_PASIG_CITY Images from Google and Rappler

42

MGA SANGGUNIANPhoto sources: AFP. Parts of Visayas feel "Ompong" rains. Retrieved on Novemeber 28, 2018 fromhttps://newsinfo.inquirer.net/1033117/parts-of-visayas-feel-ompong-rains Aleteia. What would it take to get the drowned man to stop complaining?. Retrieved onNovemeber 28, 2018 from https://aleteia.org/2017/10/17/what-would-it-take-to-get-the-drowned-man-to-stop-complaining/ Bayram, Y. Retrieved on Novemeber 28, 2018 fromhttps://www.researchgate.net/figure/Wound-located-at-the-knee-region-of-the-right-lower-ex-tremity_fig1_287222526 Clogged Canals. Retrieved on November 28, 2018 fromhttps://www.facebook.com/276473642382870/photos/a.1801607146536171/1801607149869504/?type=1&theater Donahue, J. Sprat Issue 38- Crumbling Dams. Retrieved on November 28, 2018 fromhttps://www.perdurabo10.net/broken-dams.html Free Vector. Free Person Icons Vector. Retrieved on Novemeber 28, 2018 fromhttps://www.freevector.com/free-person-icons-vector-19120 Gem. (2011). Coca Cola Sari Sari Store. Retrieved on Novemeber 28, 2018 fromhttps://www.flickr.com/photos/treetop_apple_juice/5686585314 GMA Network. (2015). Mga mangingisda sa Iba, Zambales, problemado dahil isang linggonang 'di makapalaot. Retrieved on Novemeber 28, 2018 fromhttps://www.gmanetwork.com/news/video/24oras/324086/mga-mangingisda-sa-iba-zambales-problemado-dahil-isang-linggo-nang-di-makapalaot/video/ Henley Standard. Dead birds mystery. Retrieved on Novemeber 28, 2018 fromhttps://www.henleystandard.co.uk/news/stoke-row/113665/dead-birds-mystery.html Sarmiento, J. (2018). Caliraya Dam, Laguna. Retrieved on November 28, 2018. 123RF. Vector - World ozone day, ecology, climate change icons set. Retrieved onNovemeber 28, 2018 from https://www.123rf.com/photo_58313970_stock-vector-world-ozone-day-ecology-climate-change-icons-set.html