Tanggol Wika Presentation - Filipino sa Kolehiyo

79
A LUTA CONTINUA!: Ang Pakikibaka Para sa Filipino sa Kolehiyo At Iba Pang Kaugnay na Isyu David Michael San Juan Associate Professor, De La Salle University-Manila Convenor, Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA) Public Information Officer, Alliance of Concerned Teachers-Private Schools (ACT Private) PAMBANSANG SEMINAR 2015 27-29 Abril 2015 Maynila

Transcript of Tanggol Wika Presentation - Filipino sa Kolehiyo

A LUTA CONTINUA!: Ang Pakikibaka Para sa

Filipino sa Kolehiyo At

Iba Pang Kaugnay na Isyu

David Michael San Juan Associate Professor, De La Salle University-Manila

Convenor, Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino (TANGGOL WIKA)

Public Information Officer, Alliance of Concerned Teachers-Private Schools (ACT Private)

PAMBANSANG SEMINAR 2015 27-29 Abril 2015

Maynila

Panimula: Kontrobersyang Pangwika Noon

• Kabanata 7 sa “El Filibusterismo”

Puno’t Dulo ng Gulo…

• CHED Memo. Order/CMO No. 20, Series of 2014

• Pagbura sa Filipino sa kurikulum ng kolehiyo

Puno’t Dulo ng Gulo…

• Binura rin ang mga asignaturang Panitikan/Literatura at Philippine Government & Constitution sa bagong General Education Curriculum (GEC)

• Pinahina ang mga asignaturang mahalaga sa pagpapatibay ng pambansang identidad, at pambansang kaunlaran

• Ipinatupad ang K to 12 kahit na hindi ito nakaayon sa pangangailangan ng bansa at ng mga mamamayan ng Pilipinas

Globalisasyon: Kadena ng Dependensiya

Kronolohiya ng Pakikibaka

• 21 Hunyo 2014 – Sa pangunguna ng Departamento Filipino ng DLSU-Manila, isinagawa ang Konsultatibong Forum-Asembliya sa Sitwasyon ng Filipino sa Kolehiyo. Humigit-kumulang 400 guro, mag-aaral, propesyunal, at tagapagtaguyod ng wikang Filipino ang dumalo sa nasabing forum-asembliya. Si Pambansang Alagad ng Sining Dr. Bienvenido Lumbera ang nagbigay ng inspirasyonal na pahayag sa nasabing aktibidad. Sa pagtitipon ding iyon ay binuo ng humigit-kumulang 70 kolehiyo, unibersidad, samahang pangwika at pangkultura, at paaralan, ang TANGGOL WIKA o Alyansa ng Mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino, ang kauna-unahang malapad na alyansang naninindigan na: panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa kolehiyo; rebyuhin ang CMO No. 20, Series of 2013; gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura; at isulong ang makabayang edukasyon.

Kronolohiya ng Pakikibaka

• 22 Hunyo 2014 – press release ng CHED hinggil sa pagiging mandatory na medium of instruction ng Filipino

• 04 Hulyo 2014 – konsultasyon ng CHED sa Metro Manila

• 31 Hulyo 2014 – deadline ng pagpapasa ng posisyong papel sa isyu

• 27 Nobyembre 2014 – pangalawang press release ng CHED hinggil sa isyu (walang pinagbago sa pahayag noong 22 Hunyo 2014)

Nasaan na Tayo Ngayon?

• Malakas na ang Tanggol Wika: mahigit 150 affiliate na institusyon, unibersidad, samahang pangkultura, samahang pangwika atbp.

• Mahigit 7,500 likes ng Tanggol Wika Facebook page

• Daan-daan libong pirma sa manipesto ng Tanggol Wika

• Halos lahat ng nasa akademya ay pro-Filipino

• NAKAPAGSAMPA na ng petisyon sa Korte Suprema

• MAY TRO NA sa CMO No. 20, Series of 2013

• May pakikipagdiyalogo sa Suspend K to 12 Alliance

Nasaan na Tayo Ngayon?

• Laman ng pambansang diskurso ang isyung pangwika

• Popular ang mga panawagan ng Tanggol Wika

• May posisyong papel na pro-Filipino ang maraming paaralan at prominenteng indibidwal

TRO sa CMO No. 20, Series of 2013

Epekto ng TRO • Pinapahinto ang pagbura sa Filipino at Panitikan

sa kolehiyo • May 10 araw para sumagot ang CHED at

Malakanyang • Hindi maaaring magplano ang mga unibersidad

nang hindi isinasama ang Filipino at Panitikan sa kurikulum

• Epektibo ang TRO hanggang sa maglabas ng bagong pasya ang Korte Suprema

• TULOY ANG LABAN DAHIL WALA PANG FINAL DECISION

Anong Dapat Nating Gawin?

• Tuluy-tuloy na magsagawa ng forum, asembliya, at mga kilos-protesta para lalong lumawak ang suporta ng taumbayan sa ating mga panawagan

• Makipag-ugnayan sa mga Departamento ng Literatura, Departamento ng Agham Politika, Departamento ng Agham Panlipunan at iba pang katulad o katumbas na departamento upang lalong mapalawak ang ating hanay

Anong Dapat Nating Gawin?

• Ipamalita sa ating mga kakilalang guro ang tungkol sa adbokasiya at mga tagumpay ng Tanggol Wika

• Suriin natin ang buong programang K to 12, at palalimin at palawakin ang ating pagsusuri hinggil dito sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga kaugnay na usapin tulad ng neoliberalismo, Labor Export Policy, globalisasyon, kolonyal na edukasyon, at imperyalismo.

Anong Dapat Nating Gawin?

• Makipagdiyalogo sa mga administrasyon ng paaralan at sa mga lingkod-bayan upang itaguyod ang ating mga adbokasiya at hikayatin sila na suportahan din ito.

• Ilike at ipalike ang Facebook page ng Tanggol Wika para sa mabilis na diseminasyon at koordinasyon ng ating mga kalatas at kampanya:

www.facebook.com/TANGGOLWIKA

Anong Dapat Nating Gawin?

• Basahin, talakayin, at palaganapin ang petisyon ng Tanggol Wika sa Korte Suprema

• Madodownload sa: dlsu.academia.edu/lastrepublic

• IGoogle: “Tanggol Wika versus Noynoy-CHED”

Buod ng Petisyon sa Korte Suprema

• Ang CMO No. 20, Series of 2013 ay lumalabag sa 5 probisyon sa Konstitusyon at 3 Batas Republika

Mga Nilalabag ng CMO No. 20

• Probisyong pangwika ng Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987.

• Probisyong pang-edukasyon tungkol sa preserbasyon ng yamang pangkultura ng bansa na nasa Artikulo XIV, Seksyon 14, 15, at 18 ng Konstitusyong 1987.

• Probisyong pang-edukasyon tungkol sa pagiging bahagi ng mandatoring pag-aaral ng Konstitusyon sa lahat ng lebel ng edukasyon na nasa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyong 1987.

Mga Nilalabag ng CMO No. 20

• Probisyong pang-edukasyon na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng nasyonalismo sa kurikulum at pagpapaunlad ng bansa, at pagbubuo ng sistemang pang-edukasyon na nakabatay sa pangangailangan ng mga mamamayan, na nasa Artikulo II, Seksyon 17; at Artikulo XIV, Seksyon 2 at 3 ng Konstitusyong 1987

• Probisyong pampaggawa (labor provisions) na nasa Artikulo II, Seksyon 18; at Artikulo XIII, Seksyon 3 na nasa Konstitusyong 1987.

Mga Nilalabag ng CMO No. 20

• Probisyon ng “Commission on the Filipino Language Act” (“An Act Creating the Commission on the Filipino Language, Prescribing Its Powers, Duties and Functions, and For Other Purposes”) o Batas Republika 7104

Mga Nilalabag ng CMO No. 20

• Probisyon sa “Education Act of 1982” o Batas Pambansa Bilang 232.

• Probisyon sa Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and For Other Purposes.”

Probisyong Pangwika

ARTIKULO XIV, SEKSYON 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ayFilipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin atpagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapatna maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mgahakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusangitaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ngopisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sasistemang pang-edukasyon. ARTIKULO XIV, SEKSYON 7. Ukol sa mga layunin ng komunikasyon atpagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyalsa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon…

Probisyong Pangwika

• Ang CMO No. 20 ay malinaw na lumalabag sa Artikulo XIV, Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987, sapagkat hindi ito naglalaan ng espasyo para sa asignatura o disiplinang Filipino na kailangan upang maging epektibong wikang panturo at wika ng opisyal na komunikasyon ang wikang pambansa gaya ng itinatadhana sa Konstitusyon.

Probisyon Hinggil sa Preserbasyon ng Yamang Pangkultura

ARTIKULO XIV, SEKSYON 14. Dapat itaguyod ng Estado ang pangangalaga, pagpapayaman at dinamikong ebolusyonng isang pambansang kulturang Pilipino salig sa simulaingpagkakaisa sa pagkakaiba-iba sa kaligirang malaya, artistiko atintelektwal na pagpapahayag. ARTIKULO XIV, SEKSYON 15. Dapat tangkilikin ng Estado ang mga sining at panitikan. Dapat pangalagaan, itaguyod, at ipalaganap ng Estado ang pamanang historikal at kultural at ang mgalikha at mga kayamanang batis artistiko ng bansa. ARTIKULO XIV, SEKSYON 18. (2) Dapat pasiglahin at tangkilikin ng Estado ang mga pananaliksik at mga pag-aaral tungkol samga sining at kultura.

Literatura: Binura Rin sa Kolehiyo

• Bukod sa Filipino ay binura rin ng CMO No. 20 ang asignaturang Panitikan/Literatura sa bagong kurikulum ng kolehiyo, kumpara sa tatlo hanggang anim na yunit sa lumang kurikulumalinsunod sa CMO No. 04, Series of 1997

Kultura at Panitikan

• Malinaw na bahagi ng kultura ang Panitikan/Literature, gaya ng binabanggit sa UNESCO Universal Declaration on Cultural Diversityna pinagtibay noong Nobyembre 2, 2001:

“[C]ulture should be regarded as the set of distinctivespiritual, material, intellectual and emotional features ofsociety or a social group, and that it encompasses, in addition to art and literature, lifestyles, ways of living together, value systems, traditions and beliefs.”

Kultura at Panitikan

• Ang kahalagahan ng Panitikan/Literatura bilang bahagi ngkultura ng Pilipinas ay pinatutunayan ng pagkakaroon ng Subcommission on the Arts sa ilalim ng National Commission onCulture and the Arts (NCCA) na sumasaklaw sa “literary arts” o “mga sining na pampanitikan,” gaya ng ipinapahayag sa Seksyon 15 ng Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission for Culture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and For Other Purposes.”

Pagtuturo ng Panitikan: Tungkulin ng Gobyerno

• Samakatwid, ang preserbasyon at pagtuturo ng Panitikan/Literatura sa lahat ng antas ng edukasyon ay tungkulin ng Estado, alinsunod na rin sa mga mandato ng Konstitusyon na nauna nang tinalakay.

Probisyong Pang-edukasyon

• ARTIKULO XIV, SEKSYON 3. (1) Dapat maging bahagi ng kurikula ang pag-aaral ng Konstitusyon sa lahat ng mga institusyong pang-edukasyon. • Bukod sa Filipino ay binura rin ng CMO No. 20

angasignaturang Philippine Government & Constitution sa bagong kurikulum ng kolehiyo, kumpara sa tatlong yunit sa lumang kurikulum alinsunod sa CMO No. 04, Series of 1997

• Samakatuwid, malinaw na labag sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Konstitusyon ang CMO No. 20.

Probisyong Pang-edukasyon

ARTIKULO II, SEKSYON 17.

Dapat mag-ukol ng prayoriti ang Estado sa edukasyon, syensya at teknolohiya, mga sining, kultura at isports upang mapabulas ang pagkamakabayan at nasyonalismo, mapabilis ang kaunlarang panlipunan, at maitaguyod ang ganap na paglaya at pag-unlad ng tao

Probisyong Pang-edukasyon

ARTIKULO XIV, SEKSYON 2 (1). Ang Estado ay dapat magtatag, magpanatili, at magtustos ng isang kumpleto, sapat at pinag-isang sistema ng edukasyong naaangkop sa mga pangangailangan ng sambayanan at lipunan. ARTIKULO XIV, SEKSYON 3 (2) Dapat nilang ikintal ang pagkamakabayan at nasyonalismo.

Makabayang Edukasyon sa Kurikulum

• Malinaw na ang mga asignaturang binura ng CMO No. 20 sabagong kurikulum ng kolehiyo — Filipino, Panitikan/Literatura, at Philippine Government & Constitution — ay mga asignaturangmahalaga sa pagtataguyod ng nasyonalismo at pambansangkaunlaran, at edukasyong nakabatay sa pangangailangan ng mgamamamayan.

Probisyong Pampaggawa

ARTIKULO II, SEKSYON 18.

Naninindigan ang Estado na ang paggawaay isang pangunahing pwersang pangkabuhayan nglipunan. Dapat nitong pangalagaan ang mga karapatan ngmga manggagawa at itaguyod ang kanilang kagalingan.

Probisyong Pampaggawa

ARTIKULO XIII, SEKSYON 3. Dapat magkaloob ang Estado ng lubos na proteksyon sa paggawa, sa lokal at sa ibayong dagat, organisado at di organisado, at dapat itaguyod ang puspusang employment at pantay na mga pagkakataon sa employment para sa lahat…Dapat na may karapatan sila sa katatagan sa trabaho, sa makataong mga kalagayan sa trabaho, at sa sahod na sapat ikabuhay. Dapat din silang lumahok sa mga proseso ng pagbabalangkas ng patakaran at desisyon na may kinalaman sa kanilang mga karapatan at benepisyo ayon sa maaaring itadhana ng batas.

• Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang plano at nakalatag nang mga mekanismo ang gobyerno upang bigyan ng sapat na proteksyon ang mga mawawalan ng trabaho. Katunayan, dinidinig pa lang ng House Committee on Higher and Technical Education ang House Bill 5493, “Establishing the Tertiary Education Transition Fund to develop and sustain tertiary education institutions during the transition period of the Enhanced Basic Education Act of 2013, and appropriating funds therefor” kaugnay sa pagbibigay ng financial assistance sa mga mawawalan ng trabaho sa kolehiyo.

• Hindi kinonsulta ng CHED ang nakararaming mgaDepartamento ng Filipino sa pagbuo ng CMO No. 20 at bagoipatupad ito. Hindi rin ito nagbuo ng komprehensibong plano para samga propesor na mawawalan ng trabaho.

Kawalan ng Proteksyon sa Mga Manggagawa sa Ilalim ng CMO No. 20 at K to 12

Paglabag sa RA 7104 • Nilalabag din ng CMO No. 20 ang mga probisyon ng Batas

Republika 7104 o “Commission on the Filipino Language Act.”

• Ayon sa nasabing batas, ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) o Commission on the Filipino Language ang ahensyang may kapangyarihan sa pagbubuo ng patakaran, plano, at programang pangwika ng bansa: “Sec. 14. Powers, Functions and Duties of the Commission. The Commission, pursuant to the pertinent provisions of the Constitution, shall have the following powers, functions and duties: (a) formulate policies, plans and programs to ensure the further development, enrichment, propagation and preservation of Filipino and other Philippine language.”

Paglabag sa Education Act of 1982

• Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Education Act of 1982 o Batas Pambansa Bilang 232: Part II. Section 3. Promote the social and economic status of all school personnel, uphold their rights, define their obligations, and improve their living and working conditions and career prospects.

Part III. CHAPTER 1. Sec. 23. Objective of Tertiary Education. The objectives of tertiary education are: 1.To provide a general education program that will promote national identity, cultural consciousness, moral integrity and spiritual vigor; 2. To train the nation's manpower in the skills required for national development; 3.To develop the professions that will provide leadership for the nation.

Paglabag sa RA 7356

• Nilalabag din ng CMO No. 20 ang Seksyon 5, 6, at 7 ng Batas Republika 7356 o “An Act Creating the National Commission forCulture and the Arts, Establishing National Endowment Fund for Culture and the Arts, and For Other Purposes”

Paglabag sa RA 7356

• SECTION 5. Culture by the People. The Filipino national culture shall be evolved and developed by the people themselves in a climate of freedom and responsibility. National cultural policies and programs shall be formulated which shall be b) democratic, encouraging and supporting the participation of the vast masses of our people in its programs and projects d) liberative, having concern for the decolonization and emancipation of the Filipino psyche in order to ensure the full flowering of Filipino culture.

• SECTION 6. Culture for the People. The creation of artistic and cultural products shall be promoted and disseminated to the greatest number of our people.

• The level of consciousness of our people about our own cultural values in order to strengthen our culture and to instill nationhood an cultural unity, shall be raised formally through the educational system and informally through extra-scholastic means, including the use of traditional as well as modern media of communication.

• SECTION 7. Preservation of the Filipino Heritage. It is the duty of every citizen to preserve and conserve the Filipino historical and cultural heritage and resources. The retrieval and conservation of artifacts of Filipino culture and history shall be vigorously pursued.

MGA AKTIBIDAD NG TANGGOL WIKA

Central Mindanao University – Agosto 27, 2014

Central Mindanao University – Agosto 27, 2014

National Teachers’ College – Agosto 28, 2014

National Teachers’ College – Agosto 28, 2014

Trinity University of Asia – Aug. 29, 2014

Pamantasang Lungsod ng Marikina – Aug. 29, 2014

National Teachers’ College – Aug. 1, 2014

National Teachers’ College – Aug. 1, 2014

National Teachers’ College – Aug. 1, 2014

Mindanao State University – Iligan Institute of Technology – Aug.1, 2014

Far Eastern University – Aug. 2, 2014

CHED Office – July 31, 2014

CHED Office – July 31, 2014

CHED – July 11, 2014

CHED – July 11, 2014

Congress – July 30, 2014

Central Luzon State University – July 31, 2014

Mendiola – July 25, 2014

San Beda College-Manila – July 22, 2014

CHED – July 11, 2014

Philippine Normal University – July 9, 2014

Philippine Normal University – July 9, 2014

CHED – July 4, 2014

Polytechnic University of the Philippines – June 26, 2014

De La Salle University - June 21, 2014

De La Salle University - June 21, 2014

• University of Baguio – Aug. 23, 2014 • University of the East, Caloocan – Aug. 28, 2014 • University of Santo Tomas – Aug. 6, 2014 • Lyceum of the Philippines – July 18, 2014 • Xavier University – Aug. 1, 2014 • University of the East, Manila – Aug. 19, 2014 • Central Luzon State University – Aug. 11, 2014 • Isabela State University – Set. 2014 • Bulacan State University – Set. 2014 • University of the East, Manila – Enero 2015

Korte Suprema: April 15, 2015

Wika at Pambansang Kaunlaran

• “Madalas Itanong sa Wikang Pambansa” nina Virgilio Almario at Marne Kilates

• “The Filipino National Language: Discourse on Power” ni Teresita Gimenez Maceda

• “The Miseducation of the Filipino” ni Renato Constantino • “Sneaking into the Philippines, Along the Rivers of Babylon:

An Intervention into the Language Question” ni Epifanio San Juan

• “Writing the Nation/Pag-akda ng Bansa” ni Bienvenido Lumbera

• “Mula Tore Patungong Palengke: Neoliberal Education in the Philippines” nina Bienvenido Lumbera et al. (eds.)

Wika at Pambansang Kaunlaran

• “The Dialectics of National Liberation” ni N. Brown

Independensya at

Nasyonalismo (Neo)kolonyalismo

Wika at Pambansang Kaunlaran

Wika Panitikan Kultura

Wika at Pambansang Kaunlaran

• Malawi: gumagaya sa Pilipinas sa pag-Iingles

• Ang Malawi ay labor exporter (na) rin

• Tinututulan ng maraming taga-Malawi ang bagong patakarang pangwikang maka-Ingles

Wika at Pambansang Kaunlaran

• Ayon kay Beaton Galafa, lider-estudyante sa University of Malawi: “We don’t see any advantage of the policy because speaking fluent English doesn’t translate into one being educated. Education’s primary preoccupation to us is to help learners master actual concepts…”

Wika at Pambansang Kaunlaran

• Galafa: “no country has developed while using a foreign language as a main means of classroom instruction…Almost all developed countries like France uses French; Portugal uses Portuguese; Spain uses Spanish; Germany uses German…Now look at us and see who is poor. It’s a sort of mental slavery, mental colonialism.”

Wika at Pambansang Kaunlaran

• Bahasa: Brunei, Indonesia, Malaysia

• Mandarin: People’s Republic of China

• Nihonggo: Japan

• Hangungmal: South Korea

• Siamese: Thailand

• Mongol khel: Mongolia

Wika at Pambansang Kaunlaran

Wika at Pambansang Kaunlaran

• Samora Moisés Machel: “The struggle continues! The struggle continues! The struggle continues! Against what? Against what must the struggle continue? Against tribalism! Against ignorance! Against illiteracy! Against exploitation! Against superstition! Against misery! Against famine! Against lack of clothing! A luta continua so that someday we will all be equal! Colonialism is a crime against humanity. There is no humane colonialism. There is no democratic colonialism. There is no non-exploitative colonialism.”

Pangwakas

dlsu.academia.edu/lastrepublic www.facebook.com/TANGGOLWIKA www.facebook.com/SUSPENDKTO12

www.facebook.com/PSLLF 0927-2421-630

A LUTA CONTINUA! TULOY ANG LABAN!