Kabihasnang Maya

download Kabihasnang Maya

of 14

  • date post

    12-Jan-2017
  • Category

    Education

  • view

    329
  • download

    16

Embed Size (px)

Transcript of Kabihasnang Maya

  • Mga Kabihasnang MesoamericaHabang umuunlad at nagiging makapangyarihan ang mga sinaunang kabihasnan sa Mesopotamia, India, at China, nagsisimula naman ang mga mamayan sa Mesoamerica na magsasaka.

    Ang maliliit na pamayanang agrikultural na ito ay nabuo sa Gitna at Timog na bahagi ng Mesoamerica. Nang lumaon naging makapangyarihan ang pamayanan at nakapagtatag ng lungsod-estado.

    Nakilala sa Mesoamerica ang Kabihasnang Maya at Aztec, Inca (Timog-America), at naging katulad ng Kabihasnang Greece at Rome ang pagiging maunlad at na nagtulak sa mga Kabihasnan ng Mesoamerica at Timog America na manakop ng lupain at magtayo ng imperyo.Malawak ang naging impluwensya ng Maya, Aztec at Inca kung kayat itinuturing ang mga ito na Kabihasnang Klasikal sa America.

  • KABIHASNANG MAYANamayani ang Kabihasnang Maya sa Yucatan Peninsula, ang rehiyon sa Timog-Mexico hanggang Guatemala. Nabuo rito ang mga pamayanag lungsod ng Maya tulad ng Uaxactun, Tikal, El Mirador at Copan. Nakamit ng mga Maya ang rurok ng tagumpay ng kanyang kabihasnan sa pagitan ng 300 CE at 700 CE.Sa lipunang Maya, katuwang ng mga pinuno ang mga kaparian sa pamamahala. Pinalawig ng mga tinatawag na halach uinic o tunay na lalaki, ang pamayanang urban na sentro rin ng kanilang pagsamba sa mga Diyos.

  • Nang lumaon, nabuo rito ang mga lungsod-estado. Sila ay nagtataglay ng ganap na kapangyarihan. Naiugnay ng malalawak at maayos na kalsada at rutang pantubigang mga lungsod-estado ng Maya.

    Banaag sa kaayusan ng lungsod ang pagkakahati-hati ng mga tao sa lipunan. Hiwalay ang tirahan ng mahihirap at nakakariwasa. Ang sentro ng bawat lungsod ay isang pyramid, na ang itaas na bahagi ay dambana para sa mga diyos, at may mga templo at palasyo sa tabi ng pyramid.

  • Sa Larangan ng EkonomiyaKabilang sa mga produktong pangkalakal ay mais, asin, tapa, pinatuyong isda, pulut-pukyutan, at balat ng hayop.Nagtatanim sila sa pamamagitan ng pagkakaingin, ang pangunahing pananim nila ay ang mais, patani, kalabasa, abokado, sili, pinya, papaya at cacao. Dahil sa kahalagahan ng agrikultura sa buhay ng mga Maya, ang sinamba nilang diyos ay may kaugnayan sa pagtatanim tulad ng mais gayundin ang tulad ng ulan.

  • Nakamit ng Maya ang tugatog ng kabihasnan matapos ang 600 CE. Subalit sa pagtatapos ng ikawalong siglo CE , ang ilang sentro ay nilisan, ang paggamit ng kalendaryo ay itinigil, at ang mga estrukturang panrelihiyon at estado ay bumagsak.Sa pagitan ng 850 CE at 950 CE, ang karamihan sa mga sentrong Maya ay tuluyang inabandona o iniwan. Wala pang lubusang makapgpaliwanag sa pagbagsak ng Kabihasnang Mayan. Ayon sa dalubhasa, maaring ang pagkasira ng kalikasan, paglaki ng populasyon, at patuloy na digmaan ay ilan lamang sa mga dahilan ng paghina nito.Maari rin ang sanhi ng paghina nito ay ang pagbagsak ng produksiyon ng pagkain na batay sa mga nahukay na labi ng tao na nagpapakita ng kakulangan sa nutrisyon. Ang mga labi ay natuklasang hindi gaanong kataasan samantalang manipis ang mga buto nito.

  • Gayunpaman, ang ilang lungsod sa hilagang kapatagan ng Yucatan ay nanatili nang ilan pang siglo, tulad ng Chichen Itza, Uxmal, Edzna at Copan. Sa paghina ng Chichen Itza at Uxmal, namayani ang lungsod ng Mayapan sa buong Yucatan hanggang sa maganap ang isang pag-aalsa noong 1450.

  • Ang Pyramid of Kukulcan

  • Mayan Calendar

  • Paglakas at Paghina ng Imperyo ng Mayan

    Imperyong MayanPaglakas PaghinaPamahalaan at RelihiyonTapat ang mga nasasakupan sa pinuno. Siya ay namumuno sa pamahalaan at relihiyon.Napag-isa ang mga mamamayan dahil sa iisang paniniwala.Palagiang nakikidigma ang mga pinuno at kaniyang nasasakupan upang makahuli ng mga alipin na iaalay sa kanilang mga diyos.Ekonomiya at KabuhayanMay mahusay na sistema ng pagtatanim na nagdudulot ng sobrang produkto.Pagkawala ng sustansiya ng lupa. Ang paglaki ng populasyon ay nagdulot ng suliranin sa suplay ng pagkain.Mga Lungsod-EstadoMayayaman at maunlad ang mga lungsod-estado ng Maya.Nagdulot ng kaguluhan at kahirapan ang madalas na digmaan sa pagitan ng mga lungsod-estado.

  • Ang pagbagsak ng mga lunsog-estado ng Kabihasnang Mayan ay nagdulot ng paglaho ng kanilang kapangyarihan sa Timog na bahagi ng Mesoamerica.

    Sa panahong ito, nagsimulang umunlad ang maliliit na pamayanan sa Mexico Valley. Ang mga mamayan dito ang nagtatag ng isa sa unang imperyo sa Mesoamerica ----ang Imperyong Aztec.

    The ENDRICHARD MARK JOSHUA MERCADO